You are on page 1of 2

Patay sa sagupaan sa Negros Oriental ang apat na rebeldeng NPA

Apat na miyembro ng Central negros 1 (CN1) front ng Communist New Peoples’ Army o NPA ang

napapatay matapos makasagupa ang mga tropa ng pamahalaan sa barangay Trinidad, Guihulngan

City, NO nitong lingo.

Kinumpirma ito ng Philippine Army (PA) sa kanilang facebook post nitong Mayo 21 nang madaling

araw.

Paliwanag ni PA-62nd Infantry Battalion (62IB) Commanding officer, Lt. Col. William Pesase, kabilang

ang 4 na nasawi sa grupo ng mga rebeldng nakalaban nang mga tauhan nito sa Sitio Cambawgon,

Barangay Trinidad.

Resulta lamang ito ng pursuit operations kasunod ng sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at grupo ng

NPA sa Moises Padilla sa natural na lalawigan nitong Sabado na ikinasawi ng 5 rebelde.

Isa sa mga rebelde ang sumuko sa militar, ayon kay Pesase. Ilang baril at iba pang war materiel ang

narekober sa pinangyarhan ng sagupaan. Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Ilang baril at iba pang war materiel ang narekober sa pinangyarhan ng sagupaan.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.


Inako ng NPA ang Pagpatay sa isang magsasaka sa NO

Inako ng grupo ng mga rebelde ang pagpatay sa isang magsasaka matapos umanong bawiin ng huli

ang pagsuporta sa kilusan sa Guihulngan City, Negros Oriental nitong Sabado ng hapon.

Paliwanag ni City Police chief, Lt. Col. Romeo Cubo, bago tumakas ay sumigaw pa umano ang mga

suspek ng “Mabuhay ang NPA.”

Ayon kay Cubo, abala si Eduardo Antiquando Balansag, 47, sa paggawa ng bahay nito sa Sitio

Mansalukon, Barangay Calupaan nitong sa Mayo 20 nang dumating ang dalawang suspek.

Matapos ang 40 minutong pag-uusap, bigla na lamang binaril ng dalawang suspek ang biktima na

nakatakbo sa labas ng bahay.

Gayunman, hinarang ito ng dalawa pang suspek bago pinagbabaril.

Sinabi ni Cubo, naging ugat ng krimen ang pagtanggi na umano ng biktima na sumuporta sa kilusan.

“Information that we gathered from the ground showed that Balansag used to provide food to the

armed rebels but had stopped recently,” sabi pa ni Cubo.

You might also like