You are on page 1of 12

Region VI – Western Visayas

Division of Aklan
District of Malay
NAASOG ELEMENTARY SCHOOL
Naasug, Malay, Aklan

3rd Quarter Summative Assessment


in
ARALING PANLIPUNAN IV

Name: _____________________________________________ Date: __________________

Prepared by:
MARYJALE C. TAALA
Grade IV Class Adviser
Part I Module 1 and 2
I. Piliin ang tamang sagot ng mga tanong sa ibaba sa kahon at isulat sa patlang ang titik ng
wastong sagot.
A. Sangay ng Ehekutibo
B. Sangay ng Lehislatura
C. Sangay ng Hudikatura

________1. Gumagawa ng batas Pambansang Pamahalaan

________2. Nilulutas ang mga sigalot sa Lipunan

________3. Namamahala sa pamahalaan

________4. Binubuo ng Pangulo at Pangalawang Pangulo

________5. Tagahukom

________6. Mga Senado at Kongreso

________7. Nagpapasiya sa mga nang-aabuso

________8. Binubuo ng Korte Suprema at mababang Hukuman

________9. Pinamumunuan ng Pangulo ang sangay na ito.

________10. Binubuo ng mga Kalihim at Gabinete

II. Isulat kung ito ay Tama ang isinasaad ng pangungusap at Mali naman kung hindi
nagsasaad ng wasto.
____________11. Ang Pamahalaang Pilipinas ay nahahati sa anim na antas.

____________12. Ang nagnanais maging isang Pangulo ng bansa ay kinakailangang isang


banyaga.

____________13. Ang barangay ay pinamumunuan ng kapitan at mga kagawad na


inaasahang mangunguna sa pagpapatupad ng mga hakbangin para itaguyod ang isang
maunlad at payapang komunidad.

____________14. Ang Pangulo ang may pangkalahatang pangangasiwa sa mga


pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan
o Department of Interior and Local Government (DILG).
____________15. Ehekutibo ang tagapaghatol na binubuo ng mga hukuman at ang korte
suprema.

_____________16. Ang kapangyarihan ng isang pambansang pamahalaan ay sumasaklaw sa


iilang teritoryo lamang ng estado.

_____________17. Kung tatakbong Konsehal ng Lungsod o Bayan dapat isang Amerikano,


labing walong taong gulang pataas sa araw ng halalan, rehistradong botante at isang
taong nakapanirahan sa lungsod o bayan.

_____________18. Lalawigan ay nasa ilalalim ng pamumuno ng Gobernador katulong ang


Bise Gobernador na inihalal ng mga tao at ilang opisyal na hinirang ng Gobernador
ayon sa itinatadhana ng Serbisyo Sibil.

_____________19. Nakasaad sa Saligang Batas ang mga kuwalipikasyon at kapangyarihan ng


mga namumuno sa pamahalaan.

_____________20. Alkalde at Bise Alkalde ay isang Pilipino, dalawampung taong gulang


pataas para sa highly urbanized cities at dalawampu’t isang taong-gulang pataas para
sa independent o component cities o municipalities sa araw ng halalan, rehistradong
botante at isang taong residente ng lungsod o bayan.
Part II

I. Basahin ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Anong serbisyong pangkalusugan na ang layunin nito ay ang marating ang
pinakamahirap na mamamayan at mabigyan ng kumpletong gamot lalo na sa mga
pangunahing sakit sa bansa.

A. Pagbabakuna B. Philhealth

C. DOH Complete Treatment Pack D. Programa sa mga ina at kababihan

_____2. Ano ang pambansang ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa mga


serbisyong pangkalusugan ng mamamayan?

A. Department of Health (DOH)

B. Department of Justice (DOJ)

C. Department of Education (DepEd)

D. Department of Social Welfare and Development (DSWD)

_____3. Saan maaaring pumunta para sa pangangailangang medikal?

A. Sa pribadong opisina

B. Sa pambublikong palengke

C. Sa parke at sa mga pook- pasyalan

D. Sa sentrong pangkalusugan o barangay health center

_____4. Isang serbisyong pangkalusugan na itinataguyod at pinalawak ng pamahalaan


laban sa mga sakit gaya ng diarrhea, polio, tigdas at trangkaso?

A. Philhealth C. Complete Treatment Pack

B. Pagbabakuna D. Programa sa mga ina at kababaihan

_____5. Bakit itinatag ang National Health Insurance Program (NHIP)?

A. Upang mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga tao sa Luzon.

B. Pagpapalaganap ng impormasyon sa pag-iwas sa tamang pagsugpo at


paggamot sa AIDS.

C. Nababawasan ang malubhang sakit ng mga bata na kung minsan naging sanhi rin
ng pagliban nila sa paaralan.

D. Upang magkaroon ng seguro ang lahat ng mamamayan at mapagkalooban ng


may kalidad at serbisyong pangkalusugan at pagkakamit ng pangkalahatang
kalusugan.
_____6. Ano ang benepisyong makukuha ng mamamayan mula sa National Health
Insurance Program ng Kagawaran ng Kalusugan?

A. Philhealth C. Complete Treatment Pack

B. Pagbabakuna D. Programa sa mga ina at kababaihan

_____7. Sinu-sino ang katulong ng mamamayan sa mga serbisyong pangkalusugan?

A. Enhinyero C. Negosyante

B. Doktor, nars, at midwife D. Pulis at Sundalo

_____8. Si Gina ay limang buwan ng buntis at gustong magpatingin ng libre. Anong


programa ang pwedeng makatulong kay Gina?

A. Ang programa para sa ina at kababaihan B. Ang Kagawaran ng lakas- tao

C. Ang Programang pagbabakuna D. Ang kagawaran ng mga guro

_____9. Si Jasmine ay kakapanganak lamang ng kanyang unang anak. Sinabi ng doktor na


kailangan ng bata ng kumpletong bakuna o imunisasyon at ang barangay ay may libreng
programa sa pagbabakuna. Bakit kaya nagbibigay ang ating gobyerno ng libreng
programa?

A. Para maging malusog ang lahat ng bata at nakakatulong pa ito sa mga ina dahil
libre ito at walang babayaran.

B. Para makita ang proyekto ng gobyerno ng mga tao.

C. Dahil ito ang Programa para sa mga ina at kababaihan

D. Para maging sikat ang barangay na nagbibigay ng ganitong programa.

_____10. Si Tatay Jose ay may sakit at kailangan siyang dalhin sa ospital. Dahil sa hirap ng
kanyang buhay sa bahay na lang siya nagpapagaling. Anong programa ng gobyerno
ang pwedeng makatulong kay tatay Jose para madala siya sa ospital na walang
babayaran?

A. Philhealth B. Programa sa barangay na may libreng gamot.

C. Pagbabakuna D. Programa laban sa kababaihan

_____11. Nag-anunsiyo ang Kapitan sa inyong barangay na maaari nang magpalista sa


inyong paaralan ng mga nais pumasok sa kinder. may kapatid kang anim na taong
gulang.

A. Sasabihin sa magulang ang anunsiyo.

B. Ipagpatuloy ang ginawa na parang walang narinig.

C. Hihikayatin ang magulang na ipalista na ang kapatid.

D. Hindi papansinin ang sinabi total bata pa naman ang kapatid.


_____12. Nahinto sa pag-aaral ang iyong kuya. Natutunan mo sa paaralan na may
programa sa edukasyon para sa mga nahinto ng pag-aaral.

A. Hindi na lamang papansinin dahil magastos ito.

B. Hayaan na lamang ang iyong kuya dahil matanda na siya.

C. Alamin sa guro kung kanino magtatanong dahil alam mong interesado ang iyong
kuya.

D. Hindi na sasabihin sa kuya total namamasukan na siya sa karinderya.

_____13. Nangangailangan ng mga boluntaryo para sa pagpapakain sa mga bata sa


inyong day care center sa araw ng Sabado.

A. Hindi ako pupunta dahil mapapagod ako.

B. Ipagpatuloy ko na lamang ang paglalaro ko.

C. Tutulong ako kung ano man ang kaya kong gawin.

D. Hindi na ako pupunta dahil hindi rin siguro ako bibigyan ng gagawin.

_____14. Isang katutubo ang iyong kalaro. Sinasabi niya sa iyo ang tungkol sa kanilang mga
paniniwala na natutunan niya sa kaniyang pagaaral.

A. Magkukunyari akong nakikinig.

B. Sasabihin kong maglaro na lamang kami.

C. Makikinig ako para may matutunan din ako.

D. Sasabihin ko kung ano ang mga ayaw ko sa mga gawi nila.

_____15. Para makarating sa paaralan, naglalakad si Lolit at ang kaniyang dalawang


kapitbahay nang isang oras. Kung ikaw si Lolit, gagawin mo rin ba ang kaniyang
ginagawa?

A. Tutulong na lamang ako sa mga gawain sa bahay.

B. Gagawin ko dahil nais kong makapagtapos ng pag-aaral.

C. Yayayain ko ang aking mga kaklase na lumiban sa klase.

D. Maaaring tamarin akong pumasok dahil mahirap maglakad.

____16. Ang programa na naglalayong makamit ng mag-aaral ang mga kasanayang


kailangan niya sa pag-aaral , pagpasok sa kolehiyo at pag- eempleyo.

A. DSWD C. Out-of-School Youth

B. Indigeneous People D. K-12 Basic Education Program

_____17. Para kanino ang programa sa edukasyon na maliban sa literasi, layunin ding
mapangalagaan at mapagyamanin ang kultura ng mga IP?
A. Day Care C. Out-of-school-Youth

B. Indigeneous People D. K-12 Basic Education Program

_____18. Isa sa mga programang edukasyon ng pamahalaan sa bawat barangay na


mangangalaga sa mga batang nag-uumpisa pa lamang matuto.

A. Day Care C. Out-of-school Youth

B. Indigeneous People D. Alternative Learning System

_____19. Bakit itinataguyod ng Pilipinas ang Edukasyon para sa Lahat (Education for All)?

A.Upang mayroon silang programang naitaguyod

B. Upang ipagmayabang na ang lahat na Pilipino ay nakapag-aral

C. Upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng bawat Pilipino, bata o matanda.

D. Upang ipakita na matalino at magaling ang mga Pilpino pagdating sa edukasyon.

____20. Saan binibigyan ng pagkakaton na makapag-aral muli ang mga Out-of-School


Youth sa mga oras at araw na libre sila o di naghahanapbuhay?

A. Day Care C. Alternative Learning System

B. TESDA D. K-12 Basic Education Program


Part III

I. A. Ano o sino ang binabanggit sa bawat pahayag?


Panuto: Piliin ang titik ng sagot sa loob ng kahon.

A. Bumbero
B. Payapa at Masaganang Pamayanan
C. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (DND)
D. Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP)
E. Lokal na Pamahalaan (LGU)
F. Pambansang Pulisya ng Piilpinas (PNP)

_______1. Hinuhuli ang mga lumalabag sa batas.

_______2. Programa sa kapayapaan at pag-unlad sa mga lugar na apektado ng kaguluhan


na sakop ng umiral na mga kasunduang pangkapayapaan.

_______3. Tumutukoy sa mga pamahalaang pambarangay, pambayan, at panlalawigan.

_______4. Tungkuling pangalagaan ang kaligtasan ng bansa laban sa panloob at panlabas


na panganib.

_______5. Ipinagtanggol ang teritoryo ng bansa.

B. Lagyan ng tsek (√) kung nakatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at ekis (X) kung
hindi.

_______6. Pakikipagsabwatan ng mga magnanakaw.

_______7. Banggaan ng motorsiklo at kotse sa kalsada.

_______8. Negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan, mga makakaliwa,


at Bangsangmoro Islamic Freedom Fighters.

_______9. Pagpapaunlad sa pagitan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pananahi at


pagtitinda.

_______10. Paglagay ng ilaw trapiko sa mga kalye.


II. A. Isulat sa patlang ang mga salitang tinutukoy sa bawat bilang.
___________11. Batas na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka na
magkaroon ng sariling lupang sakahan.

___________12. Muling pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan.

___________13. Iisang kompanya lamang ang may kontrol sa pagtustos ng isang uri ng
produkto.

___________14. Pangkat ng tao na binigyan ng pamahalaan ng permiso na magkaroon at


mamahala ng negosyo.

___________15. Iligal o di sang-ayon sa batas na pagpasok at pagluluwas ng mga kalakal


buhat sa ibang bansa at palabas ng ibang bansa.

B. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay paraan ng pagtataguyod ng ekonomiya ng


bansa at Mali kung hindi.
___________16. Paghikayat sa mga taong bayan na tangkilikin ang sariling mga produkto
bilang inspirasyon at suporta sa mangangalakal na Pilipino.

___________17. Pagtuturo at pagsasanay sa mga magsasaka hinggil sa makabagong


paraan ng pagsasaka.

___________18. Pagpapatupad ng ordinansa na naglalayon ng kapayapaan.

___________19. Muling pagtatanim sa mga lugar na pinutulan ng mga puno.

___________20. Pagpapautang ng puhunan para sa pagbubuo ng maliit na pangisdaan o


anumang hanapbuhay na may kinalaman sa yamang tubig.
Part IV
I. Suriin at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. May banggaan ng limang sunod-sunod na sasakyan sa kalsada, ano ang iyong tamang
gawin?

A. Alamin muna kung may grabeng nasaktan.

B. Sisihin at ipagdiinan sa may kasalan ang nangyari.

C. Tumawag ng traffic enforcer o pulis at emergency hotline.

D. Sigawan ang mga may ari ng sasakyan na nagbanggaan sa kalsada.

2. Anong ahensiya ng pamahalaan ang namamahala sa serbisyong pangkalusugan para


sa mga mamamayan?

A. DOH C. PAGASA

B. DOLE D. PHIVOLCS

3. Ang mga sumusunod ay mga patakaran na nagsisilbing gabay sa pagtataguyod ng


ekonomiya ng bansa, maliban sa isa.

A. Pangangalaga sa manggagawa

B. Pagpapaunlad ng lingkurang bayan

C. Paghihikayat sa mga iligal na gawain ng mga dayuhan

D. Pangangalaga sa likas na yaman, mga negosyo at mga pasilidad

4. Nangangailangan ng mga boluntaryo para sa pagpapakain sa mga bata sa inyong day


care center sa araw ng Sabado, ano ang iyong tamang gawin?

A. Hindi ako pupunta dahil mapapagod ako.

B. Ipagpapatuloy ko ang aking paglalaro dahil araw ng Sabado naman.

C. Hindi na ako pupunta dahil hindi ko alam ang mga Gawain na ginagawa nila.

D. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya dahil isa akong mabuting bata na
handang tumulong sa mga nangangailangan.

5. Ang ________________ ay isang paraan upang ipaalam sa publiko ang nagaganap na


pagbabago sa halaga ng iba’t ibang bilihin at pagpapahayag ng mga posibleng
produkto na mayroon sa pamilihang bayan.

A. Consumer Fixed Index

B. Consumer Price Index

C. Consumption Price Index

D. Consumption Fixed Index


6. Ang mga sumusunod ay mga serbisyong pagkalusugan para sa mamamayan, maliban
sa isa.

A. Pagbibigay ng libreng gamot sa mga dayuhan.

B. Pagbibigay ng libreng bakuna sa mga mamamayang Pilipino.

C. Pagbibigay ng libreng gamot, libreng pagpapaospital at benepisyo ng PhilHealth.

D. Pagbibigay ng pangangailangan medical sa sentrong pangkalusugan (health


center) sa inyong pamayanan.

7. Ang nangungunang programa sa Edukasyon ay ang _____________________.

A. Basic Education Program o K to 12 Program

B. Basic Elimination Program o K to 6 Programs

C. Basic Education Process o K to College Program

D. Basic Elimination Processes o K to M.A. Program

8. May mga anhensiya ng pamahalaan na tumutulong sa pagpapanatili ng kaligtasan,


katahimikan at kaayusan ng bansa, maliban sa isa.

A. Department of Alienation (DOF)

B. Philippine National Police (PNP)

C. Armed Forces of the Philippines (AFP)

D. Department of National Defense (DND)

9. Ilang layunin ang isinasaad ng saligang batas upang maging tiyak at maayos ang
ekonomiya?

A. 1 B. 2

C. 3 D. 4

10.Saan pupunta kung nangangailangan ng tulong medikal?

A. Health Kit B. Health Center

C. Health Benefits D. Health Organizer


II. Isulat ang letrang T kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagbibigay halaga sa
ginagampanan ng pamahalaan at M kung ito ay kabaliktaran.

________11. Binibili namin ng mga gamit sa eskwela ang natataggap namin na ayuda galing
saling sa 4Ps.

________12. Sumusunod ako sa batas trapiko.

________13. Isinasangla na aking magulang ang ATM para sa 4Ps.

________14. Nagpa-rebond ng buhok si mama gamit ang pera na galing sa amelioration


fund ng gobyerno.

________15. Sinusunod ng aming pamilya ang paalala ng barangay na gumamit na mask


kung lalabas sa bahay.

________16. Pumupunta pa rin ako sa pasyalan kahit sinabihan na ako na bawal lumabas
dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

________17. Sinusunod ko ang mga tagubilin na dapat mag social distancing at palaging
mag suot ng mask.

________18. Makinig sa mga balita para alam ang mga nagyayari sa ating bansa.

________19. Pinapahalagahan ko ang lahat ng ahensiya ng nagobyerno dahil itoy


nakakatulong sa ating pagunlad.

________20.Kahit na may Enhanced Community Quarantine (ECQ), pumupunta pa rin ako sa


plasa para maglaro ng basketball .

You might also like