You are on page 1of 2

SONA ng tatlong pangulo

Joseph Estrada (1998-2001)


“Noong Mayo onse, may mga labing-isang milyong Pilipino ang nagdesisyon na
pamunuan natin ang bansa, patungo sa bagong milenyo. Ngayon, sila ang nagtatanong,
ano ba ang gagawin ng bagong pamunuang ito upang ihatid ang ating bayan sa bagong
siglo? Paano ba tayo itatawid sa krisis na bumabalot sa ating ekonomiya?
Nasaan na ba tayo ngayon?Saan ba tayo nanggaling?At saan ba tayo patutungo?
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Sawa na ang taumbayan sa mga walang-
kabuluhang pangako't palabas. Sa harap ng matinding krisis na ating pinagdaanan nitong
nakaraang taon, ang kailangan nati'y mga mabilis at mabisang lunas. Ito ang matinding
hamon na dapat nating tugunan--tayong lahat: ang panguluhan, ang Kongreso, ang
pribadong sektor, ang mamamayan. Mabigat ang hamon na ito--subalit buo ang tiwala
kong mas matimbang ang pinagsamam nating talino, sipag, kakayahan” ayon sa kanyang
State of the Nation Address (SONA)
Gloria Arroyo (2001-2010)
“Hinalal tayo upang labanan ang kahirapan, hindi ang isa’t-isa. Our challenge is
clear: sugpuin ang kahirapan. Sa halip ng alitan. This is our duty. This is our mandate.
This is our mission. Alisin na natin ang mga tax deduction na nagiging sanhi lamang ng
katakut-takot na corruption. Hindi ito pangakong mapapako dahil nakasalalay rito ang
kabuhayan ng milyung-milyong maralitang pilipino. Mga kababayan kong magsasaka,
ang inyong pangulo mismo ang magbabantay sa kagalingan ninyo. anim na bilyon sa
patubig; dalawang bilyon sa post-harvest facilities; dalawang bilyon sa imprastraktura;
dalawang bilyon sa pautang; at dalawang bilyon sa research and development.” ayon sa
kanyang State of the Nation Address (SONA)
Fidel Ramos (1992-1998)

“Kaya ito ng Pinoy! Kayang-kaya.! Sa madaling salita: Sa taong sanlibo siyam na


raan at siyamnapu’t walo (1998), taas-noo ang Pilipino na haharap sa buong mundo!
Upang lumikha ng isang milyong trabaho sa kanayunan, tutuparin natin sa wakas ang
agricultural and fisheries modernization act o afma. Hindi bababa sa dalawampung
bilyong piso ang gagastusin upang mapalakas ang kita, ani at huli ng magsasaka at
mangingisda.” ayon sa kanyang State of the Nation Address (SONA)

Ang Pagkakaiba at pagkakatulad ng programa nang tatlong Pangulo.

Sa pampolitika inilunsad ni Ramos (Philippines 2000) ang Reform the Forces


Movement National Democratic Front at kay Estrada naman ay (Angat Pinoy)
inilunsad niya ang slogan na “Erap para sa mahirap” at sa kanyang pampolitika inilunsad
niya ang Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF). Dahil sa
patuloy na paglaganap ng kidnapping. At para sa pampolitika ni Arroyo (Strong
Republic) inilinsad niya ang Ten Agenda. At para sa pangkabuhayan naman ni Ramos
inilunsad niya ang pagpapahiram ng pamahalaan ng salaping magagamit sa
industruya ng maliliit na negosynte kasama dito ang koleksyon ng buwis. Estrada,
pangkabuhayan inilunsad niya ang Jeep, transportasyon at telekomunikasyon. At ang
kay Arroyo, ang pagbuo ng hanapbuhay para sa Pilipino. At para naman sa Panlipunan
inilunsad ni Ramos ang Social Reform Agenda (SRA) tutugon sa pangunahing
pangangailangan ng ng mga mamayanantulad ng pabahay. At para naman sa panlipunan
ni Estrada inilunsad niya ang Teknolohiya upang maihanda ang bansa sa
globolisasyon. At para kay Arroyo inilunsad niya ang pang enerhiya at patubig sa mga
barangay.
Si Ramos ay nagtatag ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC) na nag
lalayong tugunan ang lumalalang bilang ng krimen sa lipunan ito ay tulad ng inilunsad ni
Estrada Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF), ito rin ay tumutugon
sa lumalalang krimen sa bansa . Si Estrada ay naglunsad na kung saan nakatugon sa
mabilis na pagaaral ng mga mag aaral, at nagbigay ng budget ang pamahalaan upang
tugynan ito. Arroyo ay naglunsad ng tulad kay Estrada ito rin ay naglalayong mapabilis
ang pag-aaral ng mga mag-aaral, ito ay napapaloob sa kanyang programang TEN
AGENDA.

Justine Gyzelle Lamanilao


Grade V - Honesty

You might also like