You are on page 1of 1

PAKSA:

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay suriin ang pagkakaangkla ng mga kompitensi sa Filipino Baitang 10
sa Modyul ng mga mag-aaral upang makagawa ng angkop na mga gawain na magagamit ng mga mag-
aaral.

MGA TANONG:
1. Ano ang mga kompitensi sa Filipino Curriculum Guide 2016 ang hindi nakaangkla sa mga gawain na
na nasa Modyul ng mga Mag-aaral sa Filipino 10?
2. Ano ang mga gawaing pangmag-aaral ang maipapalit sa mga gawain sa Modyul ng mga mag-aaral?

KALAHOK
Ang mga gurong mananaliksik sa Filipino 10.

INTERBENSYON
Bubuo ng mga gawaing angkop at nakaangkla sa kompitensi ang mga mananaliksik

PAGKUHA NG DATOS
Sa simula ng pag-aaral, itsi-tsek ng mananaliksik ang mga gawain na nakaangkla sa kompitensi sa
Modyul ng mga mag-aaral at lalagyang ng ekis ang mga gawain na hindi nakaangkla sa mga
kompitensi. Sunod na gagawin, ay bubuo ng mga angkop na gawain para sa mga kompitensi na
aprubado na ng mga kinauukulan.

You might also like