You are on page 1of 1

Paghihinuha

-Ang pagbibigay-hinuha ay matalinong pagpapasya batay sa nakita, naunang


kaalaman o karanasan.

-Paggamit ng mga pahiwatig sa teksto kasabay ng sariling karanasan upang


makatulong na matukoy ang mga hindi tuwirang binanggit sa akda.

-Nakabubuo ng hinuha mula sa pagbuo ng konklusyon, prediksyon o mula sa mga


bagong ideya.

-Mga halimbawang palatandaan na hinihingan ka ng paghihinuha : ‘Ayon sa pahayag,


mahihinuha natin na…’; ‘Batay sa pahayag, maimumungkahi natin na…’; ‘Alin sa
sumusunod na pahayag ang nagbibigay suporta sa bahagi ng teksto?’; ‘Inihahayag ng
tekstong ito na ang pangunahing suliranin ay…’; ‘Nais ipahinuha ng awtor na…’

-Mga tanong na hindi tuwirang itinatanong ang paghihinuha: ‘Alin sa sumusunod na


pahayag ang maaaring sang-ayunan ng awtor?’; ‘Alin sa sumusunod na pangungusap
ang maaaring idagdag ng awtor bilang pantulong sa talata bilang 3?’

-Ang paghahanap ng mga palatandaan ay makatutulong upang maging angkop ang


iyong hinuha - pansuportang detalye, talasalitaan, kilos ng tauhan, paglalarawan,
diyalogo.

Pahiwatig vs Hinuha
Pahiwatig - hindi tuwirang inihahayag
Hinuha - magbigay ng konklusyon

Halimbawa:
Ipinahihiwatig ng guro na hindi prayoridad ni Tecla ang pag-aaral. Mahihinuha ni
Tecla na ang tingin sa kanya ng guro ay siya ay tamad.

You might also like