You are on page 1of 5

Paaralan Nagsaulay Integrated Baitang 9

National High School


Guro Lyza Rossel N. Mendoza Asignatura Filipino
Petsa Marso 9, 2023 Markahan Ikatlo
Oras 9:45-10:45 Einstein Bilang ng 1
10:45-11:45 Newton Araw
1:15- 2:15 Franklin
Pang-Araw Araw na MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9
Tala sa Pagtuturo
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
Pangnilalaman pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang
Asya.

B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng


Pagganap kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang
pampanitikang Asyano.

C. Mga Kasanayan sa PAGSULAT (PU) F9PU-IIIb-c-53


Pagkatuto Nakasusulat ng sariling elehiya para sa isang mahal sa buhay

Mga layunin:
Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. Nakapagbabahagi ng bible verse o quotations na
nagbibigay
lakas at inspirasyon.
b. Nakalalahok nang masigla sa mga pangkatang gawain
c. Nakasusulat ng elehiya para sa isang mahal sa buhay na
pumanaw na.
II. NILALAMAN Aralin 3.3
a. Panitikan: Elehiya sa Kamatayan ni Kuya– Bhutan
Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte
b. Gramatika/Retorika: Pagpapasidhi ng Damdamin
Paggamit ng mga Salitang Sinonimo
c. Uri ng Teksto: Naglalarawan
d. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Modyul ng Guro: Panitikang Asyano
Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa Modyul pahina blg: 204-213
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource.
B. Iba pang Kagamitang
Sipi ng akda, slide deck presentation, LED TV
Panturo
e. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Panimulang Gawain
nakaraang aralin o -Pagbati
pagsisimula ng bagong -Panalangin
aralin -Pagsasaayos ng silid aralan
-Pagtala ng liban
-Pagwawasto ng takdang aralin
-Pagbabalik aral
#Let’s have conVERSEation
Ang bawat mag-aaral ay magbabahagi ng bible verse o
quotations na nagbibigay lakas at inspirasyon sa kanila sa
araw-araw na buhay.
B. Paghahabi sa layunin Gabay na tanong:
ng aralin 1. Anong aral ang naisabuhay mo mula sa bible verse na
iyong inihanda at napili?
2. Anong sitwasyon sa iyong buhay nagamit mo ang aral na
nakapaloob dito?
3. Paano mo maiibahagi ang mga aral na ito sa ibang tao?

C. Pag-uugnay ng mga #GUHIT-HULA-SALITA


halimbawa sa bagong Bawat pangkat ay pipili ng isang miyembro na magaling
aralin gumuhit. Kailangang iguhit ng napiling mag-aaral ang salita o
mga aksyon ng isang tao na kanilang nabunot. Sa loob ng 1
minuto huhulaan ng kanilang kapangkat ang iguguhit ng
kanilang kagrupo. Ang mauuna at makapagsasabi ng tamang
sagot ay may limang puntos.

1. Umiiyak
2. Kumakanta
3. Nagsusulat
4. Nag-iisip

Pamprosesong tanong:
1. Sa pagsulat ng isang akda tulad ng elehiya mahalaga
bang isaalang-alang ang iyong mga karanasan ukol
rito?
2. Para sa iyo gaano kahalaga na alam mo ang angkop na
paraan ng pagbigkas ng isang tula o elehiya?
3. Para sa iyo gaano kahalaga na alam mo ang angkop na
paraan ng pagbigkas ng isang tula o elehiya?

D. Pagtatalakay sa TALAKAYIN NATIN


bagong konsepto at Mga Patnubay sa Pagbigkas ng Tula/Elehiya
paglalahad ng bagong
kasanayan #1 1. Hikayat - Masasabing epektibo ang bumibigkas kung
natitinag niya ang nanonood. May malakas siyang
hikayat sa madla kung nagagawa niya itong patawanin
o paiyakin sang-ayon na rin sa diwang isinasaad ng
tula.
2. Tikas o Tindig - Sa pagtindig, ang bigat ng katawan ay
nasa nauunang paa. Kadalasang kanan ang nauunang
paa. Ngunit kung patag ang tayo, ang bigat ng katawan
ay nasa dalawang paa
3. Tinig - Sa makabagong paraan ng pagbigkas, ang
isinasaalang-alang ay ang diwa ng tula. Kaya’t ang tinig
ay maaaring magbagu-bago ayon na rin sa diwang
isinasaad nito. Maaari rin naming pabulong o paanas.
Ang mahalaga ay alam ng bumibigkas kung kailan niya
hihinaan o lalakasan ang tinig ayon sa diwang
ipinaaabot ng tula.
4. Panuunan ng Paningin - Isang kahinaan ng
bumibigkas ang pagiging mailap ng kanyang mga mata.
Dapat itong maiwasan. Nagiging mabisa ang
bumibigkas kung alam niya ang pagtutuunan ng
kanyang paningin. Karaniwang ang paningin ay
nagsisimula sa gitna sa gawing likuran. Maaari itong
igawi sa kanan o kaliwa, ngunit hindi dapat laktawan
ang gitna.
5. Himig - Ang isang dapat maiwasan sa pagbigkas ay
ang himig na parang ibong umaawit o parang pusang
naglalampong. Kung minsan naman, ang tono o himig
ng bumibigkas ay naroong lumakas-humina; humina-
lumakas. Ito ang tinatawag na monotone. Hindi ito
kahali-halina sa nakikinig. Ang mahalaga ay ang
pagsasaalang-alang sa diwa ng tula o talumpati.
6. Pagbigkas - Dapat maging malinaw ang pagbigkas o
pagbitaw ng mga salita ayon sa wastong diin at
pagkakapantig nito. Ang mga pantig ay dapat na ipukol
nang malinaw lalo na ang mga salitang may impit na
tunog.
7. Pagkumpas - Higit na maganda kung sa pagkumpas ay
isinusunod natin ang ating mata. Para bang hinahagod
natin ng tingin ang direksyong itinuturo. Dapat iwasan
ang pabigla-bigla o pasulput-sulpot na kumpas.
Tandaan na ang bawat pagkumpas ay may layunin.
Damhin kung ano ang nais ipahayag ng tula o linyang
binibitawan.

E. Pagtatalakay sa
Gabay na Tanong:
bagong konsepto at
Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga patnubay sa
paglalahad ng bagong
pagbigkas ng tula o elehiya?
kasanayan #2
F. Paglinang sa #Ibahagi MO!
Kabihasnan Panuto: Ang bawat pangkat ay susulat ng elehiya tungkol sa
mahal sa buhay na sumakabilang buhay na. Isasalaysay ang
mabuting nagawa niya para sa iyo, ang katangian na mayroon
siya at ang mga magagandang alala at karanasan na mayroon
kayong dalawa. Kung walang kapamilya na sumakabilang
buhay ay maaaring sumulat ng elehiya para sa isang bayani
ng ating bansa na nais mong bigyang parangal sa kaniyang
mga kabutihang nagawa sa bayan. Mayroon kayong 5 minuto
para ito ay gawin.

Nilalaman 5 4 3 2 1
1. Mabisa at angkop ang mga
salitang ginamit
2. Makatotohanan ang paksa
at batay sa tunay na
karanasan.
3. Malikhain at masining ang
pagkakasulat.
4. Lutang na lutang ang
damdaming nais ipahiwatig
G. Paglalapat ng Aralin #Tanong ko, sagot mo!
sa pang-araw-araw na 1. Anong naramdaman mo habang sinusulat ang elehiya
buhay para sa yumaong mahal sa buhay?
2. Ano ang isinaalang-alang mo sa pagsulat ng elehiya?
3. Anong kahalagahan ng tamang emosyon sa pagbigkas
ng elehiya?

H. Paglalahat ng Aralin #Balikan natin!


Gamit ang grapikong presentasyon, isa-isahin ang mga
patnubay na iyong gagamitin sa pagsulat at pagtatanghal ng
iyong elehiya at ilahad ang kahalagahan nito.
Patnubay sa Paraan/ Dahilan Kahalagahan
Pagbigkas

I. Pagtataya ng Aralin Ebalwasyon


Panuto: Basahin ay unawain ang mga sumusunod na
katanungan. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

Pagkumpas Paningin
Tindig Tinig Pagbigkas

1. Isang kahinaan ng bumibigkas ang pagiging mailap ng


kanyang mga mata.
2. Dapat maging malinaw ang pagbitaw ng mga salita
ayon sa wastong diin at pagkakapantig nito.
3. Masasabing epektibo ang bumibigkas kung natitinag
niya ang nanonood.
4. Ang mahalaga ay alam ng bumibigkas kung kailan niya
hihinaan o lalakasan.
5. Dapat iwasan ang pabigla-bigla o pasulput-sulpot na
kumpas.

Susi sa pagwawasto:

1. Paningin
2. Pagbigkas
3. Tindig
4. Tinig
5. Pagkumpas

J. Karagdagang Gawain Takdang Aralin


para sa takdang aralin Ihanda ng bigkasin ang elehiyang sinulat ng bawat
at remediation pangkat. Magensayo ang bawat isa sa tamang pagbigkas ng
bawat linya at paglapat ng emosyon.

f. MGA TALA ____Natapos ang aralin/Gawain at maaari nang magpatuloy


sa mga susunod na aralin.
____Hindi natapos ang aralin/gawain dahil sa kakulangan sa
oras.
____Hindi natapos ang aralin dahil sa integrasyon ng mga
napapanahong mga pangyayari
____Hindi natapos ang aralin dahil napakaraming ideya ang
gusting ibahagi ng mga mag-aaral patungkol sa paksang
pinag-aaralan.
____Hindi natapos amg aralin dahil sa
pagkaantala/pagsuspindi sa mga klase dulot ng mga gawaing
pang-eskwela/mga sakuna/pagliban ng gurong nagtuturo.

Iba pang mga Tala:

g. PAGNINILAY
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
Bilang ng mag-aaral na nangangailangang ng iba pang gawain para sa
remediation.
Nakatulong baa ng remedial? Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation.
A. Alin sa mga ____Sama-samang pagkatuto _____Think-Pair-
estratehiya ng Share
pagtuturo ang ____Maliit na pangkatang talakayan _____Malayang
nakatulong ng lubos? talakayan
Paano ito ____Inquiry-based learning _____Replektibong
nakatulong? Pagkatuto
____Paggawa ng poster _____Pagpapakita
ng Video
____Powerpoint Presentation _____Problem-based
learning
____Integrative learning (Integrating current issues)
____Pagrereport/ gallery walk
____Peer Learning _____Games
____Realias/Models _____KWL
Technique
____Quiz Bee
B. Anong suliranin ang
aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong
ng aking punongguro at
superbisor?
C. Anong kagamitang
panturo ang aking
naidibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:

Lyza Rossel N. Mendoza


Guro sa Filipino Binigyang pansin:

Marvelin L. Mendoza
Punongguro I

You might also like