You are on page 1of 2

1.

Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin - Anak ni Don Rafael; kasintahan ni Maria Clara;
pangunahing tauhan sa nobela
2. Maria Clara - Kasintahan ni Crisostomo Ibarra; anak-anakan ni Kapitan Tiago; anak ni Pia
Alba at ng paring si Padre Damaso
3. Kapitan Tiago o Don Santiago de los Santos - Ama-amahan ni Maria Clara; asawa ni Pia
Alba
4. Pia Alba - Asawa ni Kapitan Tiago; hinalay ni Padre Damaso; ina ni Maria Clara
5. Tiya Isabel - Tiya ni Maria Clara at tumulong sa pagpapalaki dito; pinsan ni Kapitan Tiago
6. Don Rafael Ibarra - Ama ni Crisostomo Ibarra; mayaman kung kaya’t labis na kinainggitan
ni Padre Damaso
7. Don Saturnino - Lolo ni Crisostomo Ibarra
8. Kapitan Heneral - Pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa Pilipinas
9. Don Pedro Eibarrimendia - Ninuno ni Crisostomo Ibarra na naging dahilan ng matinding
kasawian ng nuno ni Elias
10. Padre Damaso Verdolagas - Ninong ni Maria Clara; humalay kay Pia Alba; nagpahukay sa
bangkay ni Don Rafael
11. Padre Bernardo Salvi - Kurang pumalit kay Padre Damaso; nagkaroon ng lihim na
pagtingin kay Maria Clara
12. Padre Hernando De La Sibyla - Kura ng Tanawan; palihim na sumusubaybay kay
Crisostomo Ibarra
13. Pilosopo Tasyo o Don Anastacio - Matalino ngunit tingin ng karamihan ay baliw
14. Donya Victorina de los Reyes de Espadaña - Nagpapanggap na Kastila; asawa ni Don
Tiburcio
15. Don Tiburcio de Espadaña - Isang pilay na Kastilang napadpad sa Pilipinas; asawa ni
Donya Victorina; nagpanggap na doktor
16. Donya Consolacion- Asawa ng alperes; malupit at masama ang ugali
17. Alperes - Asawa ni Donya Consolacion; lider ng mga gwardiya sibil; kaagaw ng kura sa
kapangyarihan sa San Diego
18. Kapitan Pablo - Kapitan ng mga tulisan; tinuturing na ama ni Elias
19. Don Filipo Lino - Ama ni Sinang; Bise-Alkalde
20. Elias - Nagligtas kay Crisostomo Ibarra; anak ng angkang kaaway ng mga ninuno ni
Ibarra
21. Sisa - Inang nabaliw sa paghahanap sa dalawang anak; asawa ni Pedro
22. Pedro - Iresponsableng asawa ni Sisa; mahilig sa sugal at lasenggo
23. Crispin - Bunsong anak ni Sisa; napagbintangang nagnakaw; tagapag-patunog ng
kampana sa simbahan
24. Basilio - Panganay na anak ni Sisa; napagbintangang nagnakaw; tagapag-patunog ng
kampana sa simbahan
25. Linares - Umiibig kay Maria Clara at napiling mapangasawa nito; pinsan ng inaanak ni
Padre Damaso
26. Tinyente Guevarra - Tinyente ng gwardiya sibil; kaibigan ni Don Rafael; nagkwento kay
Crisosotomo Ibarra tungkol sa sinapit ng kanyang ama
27. Nol Juan - Namahala sa pagpapagawa ng paaralan
28. Lucas - Taong madilaw; nagtangkang pumatay kay Crisostomo Ibarra
29. Albino - Dating seminarista; kasintahan ni Victoria
30. Andong - Napagkamalang pilibustero
31. Balat - Tiyuhin ni Elias na naging tulisan
32. Tarsilo at Bruno Alasigan - Mga anak ng lalaking pinatay ng mga Kastila
33. Andeng - Kinakapatid ni Maria Clara; mahusay sa pagluluto
34. Iday - Magandang kaibigan ni Maria Clara; tumutugtog ng alpa
35. Sinang - Masayahing kaibigan ni Maria Clara; anak ni Kapitan Basilio
36. Neneng - Mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria Clara
37. Victoria - Tahimik na kaibigan ni Maria Clara; kasintahan ni Albino
38. Leon - Kasintahan ni Iday
39. Kapitana Maria - Pumanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama; babaeng
makabayan
40. Hermana Rufa - Kampi kay Padre Damaso
41. Don Primitivo - Marunong mangatwiran at mahilig magsalita ng Latin; pinsan ni
Tinchang; tagapayo ni Kapitan Tinong
42. Kapitana Tinchang - Matatakuting asawa ni Kapitan Tinong
43. Kapitan Tinong - Naparusahan dahil sa pakikipagkaibigan kay Crisostomo Ibarra
44. Kapitan Basilio - Kapitan sa bayan ng San Diego
45. Kapitan Valentin - Kapitan sa bayan ng San Diego
46. Carlicos - Bayaw ni Padre Damaso; piniling manirahan sa Espanya

Conservador – pangkat ng matatanda

Liberal – pangkat ng kabataan

- Don Felipo

Dulaan – 160

Komedya – 1400

Paputok - 1000

Pasya ng kura

6 pursisyon

3 sermon

3 misa mayor at komedya sa tondo

Maestro Circuela – isang guro na di marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa
sa kaniyang mga estudyante.

You might also like