You are on page 1of 2

Activity Sheet in FILIPINO

Name: ___________________________________Grade and Section:______________

Pagbuo ng Salitang Klaster at Salitang


may Diptonggo
I. Ang mga salitang may klaster o kambal-katinig ay may pantig na binubuo ng mga magkasunod
na katinig tulad ng pl, tr, gr, bl, ts,pr, at iba pa. Ang klaster ay maaaring makita sa unahan, gitna ,
o hulihang pantig ng salita.
Mga Halimbawa:
Unahan Gitna Hulihan
braso konklusyon ekstra
planeta kontrata plantsa
drama magdram card

II. Ang diptonggo ay nabubuo kapag ang mga patinig at mga titik na w at y ay magkasunod sa isang
pantig. Ang diptonggo ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig ( a, e, i, o , u ) at
malapatinig na w at y sa isang pantig. Kapag pinagsama ang mga tunog ng patinig at malapatinig
sa isang pantig ito ay magiging diptonggo. Ito ay ang -ay, -ey, -oy,-uy, -aw, at -iw.
Mga Halimbawa:
-ay -ey -oy -aw -iw
bahay okey apoy sigaw
tulay Rey kahoy tunaw aliw
tunay daloy galaw giliw

Isagawa:
Panuto: Uriin ang mga ito sa mga salitang may klaster at mga salitang may diptonggo. Isulat ang bawat isa
sa tamang hanay.
angkla kasoy lumboy kaklase
bahay tren dyip kontrata
klima kamay tractor daloy
May Klaster May Diptonggo

giliw Andro Tikboy


Karagdagang Gawain/Pagyamanin
A. Panuto: Ikahon ang mga salitang klaster sa bawat
pangungusap.
1. Si Troy ay magaling sa mga bugtong.
2. Ang blusa niya ay malinis.
3. Kumakain ka ba ng prutas?
4. May groto sila sa hardin.
5. Tumutulo ang tubig sa gripo.

B. Bilugan ang mga salitang diptonggo.


1. Anong araw ngayon?
2. Ang tatay at nanay niya ay maunawain.
3. Si Reyda ay aking kaibigan.
4. May bunga ang punongkahoy.
5. Siya ay sumayaw.

Tayahin
Panuto: Bilugan ang titik na may salitang klaster at diptonggo.
1. Pritong isda ang ulam namin ngayon.
A. isda B. prito C. ulam
2. Ang traysikel ay pumarada sa kalsada.
A. kalsada B. pumarada C. traysikel
3. Siya ay mabait kong kaklase.
A. kaklase B. mabait C. siya
4. Magdala ka ng pamaypay at payong.
A. Magdala B. pamaypay C. payong
5. Masarap ba ang keyk na kinain mo?
A. keyk B. kinain C. masarap

You might also like