You are on page 1of 2

Bahaging Ginagampanan ng Agrikultura, Pangingisda, at Paggugubat sa

Ekonomiya

Sektor ng Agrikultura
Ano ang agrikultura?
Etimolohiya

 nagmula ang salitang agrikultura sa mga salitang Latin na:


Ager + cultura = agricultura -> agriculture
(field) (growing, cultivation)

Kahulugan ng Agrikultura

 Agham at sining na may direktang kaugnayan sa pagkatas ng hilaw na material mula sa


likas na yaman.
 Ito ay tinaguriang gulugod ng ekonomiya (backbone of the economy)
 Ito ang pinakavulnerable na sector ng ekonomiya.
Mga Bumubuo sa Sektor ng Agrikultura
1. Pagsasaka
2. Paghahayupan
3. Pangingisda
4. Paggugubat

1. Pagsasaka (Farming)
 produksyon ng aning pagkain (food crops) o aning pambenta (commercial crops)

Mga pangunahing pananim ang bansa:

palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako at abaka.

Kita noong 2012: Php 79 bilyon

2. Paghahayupan (Animal Husbandry)


 nakatuon sap ag-aalaga ng mga hayop para sa pangkabuhayang kapakinabangan
nito.
 ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga
tagapag-alaga ng hayop.
 mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa ganitong hanapbuhay.
Dalawang uri ng paghahayupan:
a. Poultry (manok, pato)
b. Livestock (baboy, baka, kambing)

Halimbawa ng produkto: Karne, hibla at leather

3. Pangingisda (Fisheries)
 Itinturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalikang tagatustos ng isda sa buong
mundo.
 Isa sa pinakamalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa.

Mga Uri ng Pangingisda:


 Komersiyal na Pangingisda
 gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na higit sa tatlong tonelada para sa
mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo
 sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang
bayan.

 Munisipal/Lokal
 nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo
 gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa

 Aquaculture
 tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t-
ibang uri ng tubig pangisdaan (fresh o tabang, brackish o maalat-alat at marine o maalat)

Kita mula sa pangisdaan noong 2012:

Aquaculture – Php 92 bilyon


Munisipal – Php 79 bilyon
Komersyal – Php 65 bilyon

4. Paggugubat
 pang-ekonomiyang gawaing kaugnay sa kagubatan.

Mga produkto:
-plywood, tabla, troso, at veneer
-rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulo’t-pukyutan at dagta ng almaciga

You might also like