You are on page 1of 5

Pilipinas, Ikaw ang Aking Bansa!

Ni Avon Adarna

Sa hitik na yaman nitong kalikasan, hindi magugutom,


hindi magkukulang, Pilipinas sa Ina ng mamamayan,
Kumakandili nga sa buting kandungan.

Ang mga dagat at kailaliman, saganang pagkait mga pangisdaan, ang


lalim na tubig na asul sa kulay, ay siyang panlinis sa lupang
katawan.

Ang mga gubat na hitik sa bunga, ipantawid-gutom sa Kalam ng


bituka, at pati hayop sa dulong kabila,
Nabubusog din at nagpapakasawa!

Ang mga lupa sa luntiang bukid, ay pakikinabangan kapag Pinilit,


magtanim lamang ng palay o mais, at tiyak na
Kakain sa oras ng gipit!

Mahalin ang bayan saan man pumunta, ipagtanggol nga


Sa dayuhang bansa, ibiging mabuti at maging Malaya,
Upang manatili ang inang dakila!

Ang tula ay alay sa mahal na bansa, pakat ako’y


Kanyang inaaruga, itong pilipinas na bayan ko’t ina,
Mamahalin ko saan man pumunta!
DESIDERATA
written by Max Ehrmann in the 1920s

Go placidly amid the noise and the haste,


and remember what peace there may be in silence.
As far as possible, without surrender,
be on good terms with all persons.
Speak your truth quietly and clearly;
and listen to others,
even to the dull and the ignorant;
they too have their story.
Avoid loud and aggressive persons;
they are vexatious to the spirit.
If you compare yourself with others,
you may become vain or bitter,
for always there will be greater and lesser persons than yourself.
Enjoy your achievements as well as your plans.
Keep interested in your own career, however humble;
it is a real possession in the changing fortunes of time.
Exercise caution in your business affairs,
for the world is full of trickery.
But let this not blind you to what virtue there is;
many persons strive for high ideals,
and everywhere life is full of heroism.
Be yourself. Especially do not feign affection.
Neither be cynical about love,
for in the face of all aridity and disenchantment,
it is as perennial as the grass.
Take kindly the counsel of the years,
gracefully surrendering the things of youth.
Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune.
But do not distress yourself with dark imaginings.
Many fears are born of fatigue and loneliness.
Beyond a wholesome discipline,
be gentle with yourself.
You are a child of the universe
no less than the trees and the stars;
you have a right to be here.
And whether or not it is clear to you,
no doubt the universe is unfolding as it should.
Therefore be at peace with God,
whatever you conceive Him to be.
And whatever your labors and aspirations,
in the noisy confusion of life,
keep peace in your soul.
With all its sham, drudgery, and broken dreams,
it is still a beautiful world.
Be cheerful. Strive to be happy.
DESIDERATA
Sinulat ni Max Ehrmann
1920

Humayo nang panatag


Sa gitna ng ingay at pagmamadali, at tandaang
May kapayapaang matatagpuan sa katahimikan.
Hangga’t maaari nang walang pagsuko,
Makipagkapwa-tao.
Bigkasin ang iyong katotohanan nang mahinahon at
Malinaw, at makinig sa iba, kahit sa mapurol o mangmang:
Sila ma’y may kanilang salaysayin.
Iwasan ang mga taong maingay at magaspang; sila’y
Nakakarindi sa diwa.
Kung ihahambing mo ang sarili sa iba, maaaring
Maging hambog at masamain ang loob pagka’t
Laging may hihigit sa iyo at may hihigtan ka.
Masiyahan ka sa iyong mga natamo, gayundin sa iyong mga balak.
Manatiling buhos ang iyong kalooban sa mga gawain, gaano man
Kababa; tunay itong kayamanan sa nagbabagong panahon.
Maging maingat sa pakikipagkalakalan pagka’t ang mundo’y
Batbat ng panlilinlang. Subalit huwag hayaang
Makabulag ito sa iyon sa anumang kabutihang mayroon; maraming
Nagpupunyagi para sa mga adhikaing dakila; at sa lahat ng dako,
Ang buhay ay lipos ng kabayahinan.
Huwag magkunwari laluna ng pagmamahal.
Huwag ding tatalikuran ang pag-ibig, pagka’t sa gitna ng
Katigangan at kalungkutan, kailanma’y uusbong
At nabubuhay itong tulad ng damo.
Maluwag na tanggapin ang payo ng katandaan; banayad
Na isuko ang mga bagay ng kamusmusan.
Arugain ang tibay ng loob na sasalag sa mga biglaang
Sakuna. Ngunit huwag panlulumo sa mga guni-guni.
Maraming takot ang dulot ng pagod at kalungkutan.
Sa kabila ng malusog na disiplina, maging mabait sa iyong sarili.

Anak ka ng sanlibutan, tulad ng mga punungkahoy at bituin;


May lugar ka rito. At malinaw man sa iyo o hindi,
Walang alinlangang bumubukadkad ang daigdig ayon sa nararapat
Kaya maging panatag ka sa Diyos, anuman ang pagkakakilala mo sa kanya,
At anuman ang iyong mga gawain at mithiin, sa maingay na
Kalituhan ng buhay, panatilihin mong panatag ang iyong kalooban.
Sa kabila ng panlilinlang, kawalang-buhay at mga gumuguhong pangarap,
Maganda pa rin ang mundo.
Mag-ingat. Magsikap lumigaya.

You might also like