You are on page 1of 1

Sa Iyo O Birhen

Koro:
Sa Iyo o Birhen kami ngayo’y nag-aalay nang piling bulaklak sa tubo sa parang
Inang mahabagin kami’y kaawaan, alay nami’y tanggapin at iyong bendisyunan.

1. Matamis na Birheng pinaghahandugan


Kami’y nangangako naman pong mag-alay
Nang aming pumpol sa bawat isang araw at ang madudulot yaring abang kamay

2. Halina at tayo’y mag-unahang lahat


Magtaglay ng lalolng masamyong bulaklak
At sa kay Maria’y magkusang humarap
Pagkat Ina nating lubos ang paglingap

3. Ngayo’y nasa iyong mahal na harapan nagtitiklop tuhod sa yong paanan


dalagang tanging lubos kalinisan
Hiwaga ng gandang lumalo pa sa buwan

4. Hinahandugan ka ng ipinagsadya nang mga bulaklak na tubo sa lupa


Nukal sa malaking Sinta’t pagnanasa
Ito’y talastas mo’t sa iyo’y di kaila

5. Kung minamarapat yaring aming alay


Hiling naming ngayon bilang karaingan
Parang palit mo na kami ay tulungan
Makarating diyan sa ligaya ng bayan

6. Gayundin kasanib ng taos at puspos


Ang lalong ibig mong sa Iyo’y ihandog
Nagpapakababa puso nami’t loob
Na nasa Iyo na’t Ikaw ang may kupkop

7. Kahit sumandali ay huwag mong lisanin


Ang kaawa-awang kaluluwa namin
Ang sasakyang munti’t gipo ang kahambing
Kung hiwalayan mo’y lulubog na tambing

8. Makapangyarihang kamay mo ang siyang magtatanggal sa amin sa


kapanganiban
At magmula ngayo’t magpakailanman
Ikaw’y sumaamit huwag humiwalay

You might also like