Man- it Integrated School
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (ESP 10)
Test I. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tama at MALI kung ang pangungusap ay MALI.
1. Ang pagtatalik ay para lamang sa lalaki at babae na ikinasal.
2. Ang prostitusiyon ay ang pinakamatandang propesyon o Gawain.
3. Nauuwi sa kawalang-dangal o nagpapababa sa kalikasan ng tao ang makamundong pagnanasa.
4. Ang pakikipagtalik ay normal para sa kabataang nagmamahalan.
5. Ang pagtatalik ng magkasintahan ay kailangan upang makaranas ng kasiyahan.
6. Ang paggamit ng ating katawan para sa seksuwal na gawain ay mabuti ngunit maaari lamang gawin ng mga taong
pinagbuklod ng kasal.
7. Ang pagtingin sa mga malalaswang babasahin o larawan ay walang epekto sa ikabubuti at ikasasama ng tao.
8. Ang tao na nagiging kasangkapan ng pornograpiya ay nagiging isang bagay na may mababang pagpapahalaga.
9. Hanggang wala sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi ka kailanman mag kakaroon ng
karapatang makipagtalik.
10. Ang pang-aabusong seksuwal ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba, paggamit
ng ibang bahagi ng katawan para sa seksuwal na Gawain at sexual harassment.
Test II. Piliin ang tamang sagot sa loob ng box.
Premarital- sex Prostitusiyon Sekswalidad
Pornograpiya Pang- aabusong sekswal
1. Ito ay isinsagawa ng isang nakatatanda na siyang pumupwersa sa isang nakababata upang gawin ang isang gawaing
seksuwal.
2. Pagbibigay ng panandaliang aliw kapalit ng pera.
3. Anomang larawan o video na nagpapakikita ng “provocative” at “suggstive” scenes o mg larawang hubad (layuning pukawin
ang seksuwal naa pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
4. Pagtatalik na walang basbas ng kasal.
5. Ito ay isa sa mga paraan ng pagkaranas at pagpapadama ng tao bilang isang seksuwal na nilalang
Test III PANUTO: Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon upang maipakitang ikaw ay may dignidad sa
usaping/gawaing sekswalidad?
1. Nakita mong nanonood ng malaswang panoorin ang nakakababata mong kapatid kasama ang kanyang ibang kaibigan sa loob
ng inyong bahay.
2. Niyayaya ka ng iyong kasintahan na magtanan gayung nasa Ikasampung baiting ka pa lamang at kung hindi ka papayag ay
maghihiwalay na raw kayo. Ano ang iyong gagawin gayung mahal na mahal mo sya?
Test IV. PANUTO: Sumulat ng isang liham para sa iyong sarili sampung taon mula ngayon na nagpapahayag ng iyong amang
posisyon sa pagsasabuhay ng layunin at pagpapahalaga sa iyong seksuwalidad.
Test V. Essay. Magbigay ng iyong opinion tungkol sa sinasabi ng larawan.