You are on page 1of 2

Dr.

Jose Rizal

Si Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, o mas kilala sa


pangalang Jose Rizal, ay ang pambansang bayani ng Pilipinas.
Pinamunuan niya ang propaganda na nagnanais na magkaroon ng
magkakapantay pantay na karapatan at pribiliheyo sa mga kastilang
pinamumunuan ng hari ng Espanya. Pinatay siya noong ika-30 ng
Disyembre, 1896 sa Bagumbayan, na tinatawag ngayong Rizal Park.
Kinitil ang kanyang buhay sa pamamagitan ng firing squad.

Kilala si Rizal bilang isa sa mga manunulat ng La Solaridaridad, isang


dyaryong hindi kinikilingan ang mga kastila. Kahit hindi sinusuportahan
ng La Liga Filipina, ang repormang grupong kanyang pinamumunuan,
ang paggamit ng armas, napatalsik pa rin sa Dapitan si Rizal.
Napagkamalan rin siyang lider ng rebolusyong kinabibilangan ni Andres
Bonifacio kung kaya’t pinatupad ang kanyang eksekusyon.

Andres Bonifacio

Si Andres Bonifacio, ang “Ama ng Rebolusyong Pilipino”, ay isa sa


mga unang bayani ng Pilipinas na nagbigay ng pagkakataong
magkaroon ng kasarinlan ang Pilipinas. Itinatag niya ang nasyonalistang
grupo o ang Katipunan, na isinusulong ang rebolusyong Pilipino upang
mapatalsik ang mga mananakop. Napatay si Bonifacio noong Abril ng
taong 1897 sa utos ni Aguinaldo. Napatawan ito ng kasong treason at
pinatay sa pamamagitan ng firing squad, kagaya ni Rizal.

Dahil isang maralita at maagang naulila sa mga magulang at


kinailangang mamasukan sa iba’t ibang trabaho, namulat siya ng mga
akda ni Jose Rizal, Les Miserables, at The Wandering Jew. Sumali siya
sa La Liga dahil dito at nang mapatapon si Rizal ay binuo niya ang
Katipunan. Pinamunuan niya ang rebolusyon ngunit hindi siya ang
ginawang presidente ng Pilipinas nang napatalsik ang pananakop
sapagkat siya’y maralita lamang at walang pinag-aralan.
Tanyag ang dalawang gawain ni Andres Bonifacio at hanggang ngayo’y
pinag-aaralan sa sekondarya. Ang mga ito ay:

 Pag-ibig sa Tinubuang Lupa


 Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
Antonio Luna

Si Antonio Narciso Luna de San Pedro y Novicio Ancheta, mas kilala


bilang Heneral Antonio Luna, ay isang mananaliksik at sundalo na
lumaban noong sa digman ng Amerika at Espanya. Siya ay tanyag dahil
sa kaniyang karahasan at matinik na bibig na walang sinasanto, kahit na
ang kabinete ng gobyerno. 

Pinatay si Luna sa kamay ng kanyang mga pinatalsik, pinatay, at


tinalong mga sundalo at kalaban sa politika. Napag-alamang si Emilio
Aguinaldo ang naging utak ng kanyang asasinasyon, buhat ng kaniyang
takot sa lumalaking impluwensiya ni Luna. Hindi sang-ayon si Luna sa
kagustuhan ni Aguinaldo at ibang miyembro ng gabinete na maging
sunod-sunuran sa batas ng Amerika. Si Heneral Luna ay ang isa sa
pinakamagiting na sundalo ng Pilipinas. 

You might also like