You are on page 1of 12

K.C.M. ACADEMY INC.

FIRST GRADE
FILIPINO
SECOND TERM – TEST NO. 1

Pangalan:__________________________________________________ Petsa:________________________
Guro:_____________________________________________________ Iskor:________________________

I. Bilugan ag angkop na salitang naglalarawan sa bawat isa.(5 puntos)

1. Ang yelo ay ( malamig , mainit)


2. Ang bahay ay ( matibay , sira )
3. Kadalasan, ang hinog na mangga ay ( matamis , maasim ).
4. ( Malakas,mahina) ang kalabaw
5. ( malinis , madumi ) ang ating paligid

II. Isulat sa patlang kung ang ginamit na kailanan ng pang-uring sinalungguhitan ay isahan,
Dalawahan, o Maramihan (5 puntos)

1. Magkasinghusay sa pagpinta sina Cynthia at Lizbeth.


2. Ang mga malalagong halaman sa hardin ay inaalagaan ni Mang Tony.
3. Ang halamang gamot ay mabisa.
4. Ang mga mag-aaral sa paaralang elementarya ay magagalang
5. Kasingbilis ni Elma si Elroy sa pagtakbo.

III. Bilugan kung ang pahayag ay isang OPINYON o isang KATOTOHANAN.(5 puntos)

OPINYON KATOTOHANAN 11. Mas madaling itanim ang papaya kaysa saging.
OPINYON KATOTOHANAN 12. Ang prutas at gulay ay mayaman sa bitamina.
OPINYON KATOTOHANAN 13. Para sa akin, mabisa ang mga halamang gamot.
OPINYON KATOTOHANAN 14. Lumiliit na ang bilang ng mga batang mahilig sa prutas at gulay.
OPINYON KATOTOHANAN 15. Ang kulay ng dahon ay berde.

IV. Basahin ang mga sumusunod na salita piliin at bilugan ang tamang sagot sa loob ng panaklong. (5
puntos)
1. Hinanakit ( may sakit, sama ng loob, sang-ayon, kilig).
2. Puntod ( libingan,libing,nitso,kabaong)
3. Maratay ( mag saya. Magkasakit,mahimlay,mahigal)
4. Mataman ( maingat,mabilis,marahan,malinaw)
5. Nagkuwento (nakinig, sumulat,nagtanong,nagsalaysay).
K.C.M. ACADEMY INC.
FIRST GRADE
FILIPINO
SECOND TERM – TEST NO. 2

Pangalan:__________________________________________________ Petsa:________________________
Guro:_____________________________________________________ Iskor:________________________

I. Bilugan ang salitang naglalarawan o pang-uri sa bawat pangungusap. (10 puntos)

1. Manipis ang telang nabili ni Ginang Mendoza.


2. Ang kanyang kaibigan ay matalino.
3. Si Paola ay mahusay maglaro ng basketbol.
4. Matamis ang saging na baon ni Melay.
5. Ang guro ay mahusay magturo.
6. Kulay berde ang napiling laruan ni baldo.
7. Ang ilang-ilang ay mabangong bulaklak.
8. Malinis ang bahay na tinitirhan ni Glen.
9. Mabaho ang simoy ng hangin dahil sa mga basura sa daan.
10. Maamo ang alagang pusa ni Allen.

II. Piliin ang titik ng tamang sagot ayon sa ipinapakita ng sumusunod na mga larawan. (5 puntos)

____11. ____12. _____13.

____14. ____15.

a. nagbabasa b. natutulog c. nagluluto d. umiinom e. umaawit

III. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita sa Hanay A at itambal ito sa Hanay
B. (5 puntos)

A B
16. mauulit a. panakot
17. pagtutol b. niyapos
18. pagbabanta c. gagawin uli
19. nagtatalo d. di-pagpayag
20. niyakap e. pag-aaway
K.C.M. ACADEMY INC.
SECOND GRADE
FILIPINO
SECOND TERM – TEST NO. 1

Pangalan:__________________________________________________ Petsa:________________________
Guro:_____________________________________________________ Iskor:________________________

I. Palitan ng wastong salitang pamalit na maramihan ang mga salitang nasa guhit
(5 puntos)
Tayo kayo Sila

1. Sina Anton at Basil ay magkapatid.


2. Ikaw at si Rita ay maliligo sa dagat mamaya.
3. Sina Ben, Joseph at Ako ay kakanta bukas.
4. Si Ana at Anton ay kambal.
5. Si Juan, Ben at Ikaw ay magkakaibigan.
II. PILIIN sa panaklong ang tamang salita na nagsasabi ng pagmamay-ari. (5 puntos)

6. Ang mga kasambahay ay may malaking nagagawang tulong sa atin. (atin, inyo)
7. Sila ay aming tinutulungan gumawa ng mga gawaing bahay sa araw-araw. (aming, samin)
8. Nililinis ng aming kasambahay ang aking silid-tulugan. (aming, samin)
9. Niluluto rin niya ang aming paboritong ulam. (aming, samin)
10. Masaya naman nilang ginagawa ang kanilang tungkulin. (kanilang, silang)
III. Piliin sa loob ng panaklong ang salitang dapat gamitin sa pangungusap. (5 puntos)

16. Ang lamok ay pumunta (doon, roon) sa tambak ng basura.


17. Pumunta sila (dito, rito) upang magkalat ng mikrobyo.
18. Maraming iba’t ibang uri ng insekto (dito, rito) ang naninirahan.
19. Ang lahat ng insekto (doon,roon) ay pawang may dalang sakit para sa tao.
20. (Diyan,Riyan) sila nagtatapon ng basura.

IV. Piliin ang dito/rito, diyan/riyan, o doon/roon sa linya upang mabuo ang kaisipan ng
pangungusap. Gamiting batayan ang layo ng tinutukoy na lugar na nakasaad. (5 puntos)

11. Kailangan natin _____ ang mangangalaga sa ating kapayapaan. (malapit sa nagsasalita)
12. _____ sa lugar ninyo ay may nagbabantay sa paligid. (malapit sa nagsasalita)
13. Marami _____ malalaki ang katawan. ( malayo sa nagsasalita ngunit malapit sa kausap)
14. Malayo man _____ ay pupuntahan pa rin sila ng mga ito. (malapit sa nagsasalita)
15. Kaya, panatilihin mo _____ sa inyong lugar ang kapayapaan. (malapit sa kausap)

IV. Piliin sa loob ng panaklong ang salitang dapat gamitin sa pangungusap. (5 puntos)

16. Ang lamok ay pumunta (doon, roon) sa tambak ng basura.


17. Pumunta sila (dito, rito) upang magkalat ng mikrobyo.
18. Maraming iba’t ibang uri ng insekto (dito, rito) ang naninirahan.
19. Ang lahat ng insekto (doon,roon) ay pawang may dalang sakit para sa tao.
20. (Diyan,Riyan) sila nagtatapon ng basura.

K.C.M. ACADEMY INC.


SECOND GRADE
FILIPINO
SECOND TERM – TEST NO. 2

Pangalan:__________________________________________________ Petsa:________________________
Guro:_____________________________________________________ Iskor:________________________

I. PILIIN ang salitang kilos sa bawat pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang sagot. (5 puntos)

1. Si Jay ay naglalaro sa labas ng bahay A. naglalaro B. Jay


2.Ang mga mag-anak ay kumain sa restawran. A. mag-anak B. kumain
3.Iinom ako ng gamot para gumaling ako. A. ako B. Iinom
4.Sino ang sumagot ng telepono? A. sumagot B. telepono
5.Ang mga mag-aaral ay tahimik na nagbabasa. A. nagbabasa B. mag-aaral
6. Inalis ni Mang Dante ang basura sa kanal. A. Mang Dante B. Inalis
7. Ang mga dahon ay bumara sa kanal kanina. A. bumara B. dahon
8. Si Brix ay tumawid sa tamang tawiran. A. Brix B. tumawid
9.Niyaya niya ang kaibigan sa kalsada. A. kaibigan B. niyaya
10. Tumulong ang mga kabataan sa paglilinis ng pader. A. paglilinis B. kabataan

II. TUKUYIN kung ang salitang kilos ay A. PANGNAGDAAN, B. PANGKASALUKUYAN, o


C. PANGHINAHARAP. Isulat ang tamang sagot sa gilid ng numero . (10 puntos)

__________11. nagtanim
_________12. sumusulat
_________13. nagluluto
_________14. magbabasa
_________15. umaawit
_________16. nagpunta
_________17. pinupuri
_________18. naglibot
_________19. nakinig
_________20. magsusulat
K.C.M. ACADEMY INC.
THIRD GRADE
FILIPINO
SECOND TERM – TEST NO. 1

Pangalan:__________________________________________________ Petsa:________________________
Guro:_____________________________________________________ Iskor:________________________

I. Tukuyin at piliin ang panghalip pamatlig sa pangungusap. Bilugan ang tamang sagot. (5 puntos)

1. Nagtungo sa palengke ang mag-ina dahil doon sila mamimili ng gulay.


2. Ito ang hinahanap niyang kahon ng mga lumang damit.
3. Hayun pala ang nawawalang bag sa ilalim ng mesa.
4. Ganito ang paggawa ng minatamis na santol.
5. Naipit pala roon sa sanga ang bola ng basketball.

II. PILIIN sa panaklong ang tamang panghalip pamatlig upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. (5 puntos)

6. (Diyan, Dito, Doon) ka tumayo sa tabi ko.


7. (Heto, Ganito, Ire) ang tamang pagsulat ng mga titik na katinig.
8. (Heto, Hayun, Hayan) pala ang mga kasama mo sa gate ng paaralan.
9. Nais ko rin ang (ganyang, ganoong, ganitong) kulay ng t-shirt.
10. (Dito, Doon, Dine) sa kalapit na bayan dinala ang mga nasalanta ng sunog.

III. PAGTAMBALIN ang bawat panghalip pananong sa hanay A at ang maaaring sagot dito mula sa
hanay B. PILIIN ang titik ng tamang sagot. (5 puntos)
A B
11. sino a. pula,berde,dilaw, o itim
12. sino-sino b. sina Ginang Reyes at Bb. Aquino
13. ano- ano (kulay) c. siya o ak
14. alin- alin (prutas) d. kay Attorney Javier
15. kanino e. tsiko, pinya, atis, at saging
f. pula
g. mansanas

IV. PILIIN sa panaklong ang panghalip pananong sa bawat pangungusap.

16. (Ano, Bakit) ang dahilan ng pagpunta niya rito?


17. (Ano-ano, Saan-saan) ang pupuntahan nila?
18. (Kanino, Sino) ang nagluto ng nilagang baka?
19. (Alin, Ilan) sa dalawa ang kasya sa iyo?
20. (Alin, Ilan) dito ang naiibigan mong isuot sa parti?
K.C.M. ACADEMY INC.
THIRD GRADE
FILIPINO
SECOND TERM – TEST NO. 2

Pangalan:__________________________________________________ Petsa:________________________
Guro:_____________________________________________________ Iskor:________________________

I. Bilugan ang titik ng tamang pandiwa na ginamit sa pangungusap. (5 puntos)

1. Ang aking ina ay naglalaba ng aming damit. a. ina b. akin c. naglalaba


2. Siya ay nagtatanim ng palay. a. nagtatanim b. palay c. siya
3. Si Mang Danny ay nag-aayos ng bahay. a. Mang Danny b. nag-aayos c. bahay
4. Siya ay umakyat sa puno. a. siya b. umakyat c. sa
5. Ang aso ay mabilis tumakbo. a. tumakbo b. mabilis c. aso

II. Tukuyin ang pang-uri sa bawat pangungusap. Bilugan ang tamang sagot. (5 puntos)

6. Si Lino ay masipag mag-aral.


7. Malayo ang bahay namin dito.
8. Ang bulaklak ay mabango.
9. Hinog na ba ang mga mangga?
10. Si Maria Clara ay mahinhin.
III.Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita sa Hanay A at itambal ito sa Hanay B (5
puntos)

A B
6. ibahagi a. matahimik
7. sumasagisag b. ninanais
8. hinahangad c. tinutudyo
9. nililibak d. sumisimbolo
10. matiwasay e. hati-hatiin

IV. Tukuyin ang pandiwang nakasalungguhit sa bawat pangungusap kung ito ba ay


PANGNAGDAAN o PANGKASALUKUYAN. Ikahon ang tamang sagot. (5 puntos)

__________11. Ang mga bata ay sumasayaw sa entablado.(Pangkasalukuyan, Pangnagdaan)


__________12. Tumakbo siya palabas ng bahay. (Pangkasalukuyan, Pangnagdaan)
__________13. Kami ay kumakain sa restawran ngayon. (Pangkasalukuyan, Pangnagdaan)
__________14. Nagtanim ng halaman si Aling Tina. (Pangkasalukuyan, Pangnagdaan)
__________15. Si Arnel ay nagwalis kaninang umaga. (Pangkasalukuyan, Pangnagdaan)
K.C.M. ACADEMY INC.
FOURTH GRADE
FILIPINO
SECOND TERM – TEST NO. 1

Pangalan:__________________________________________________ Petsa:________________________
Guro:_____________________________________________________ Iskor:________________________

I. Bilugan ang pang-uring ginagamit sa bawat pangungusap. Isulat ang A kung ito ay panlarawan
B. Kung Pamilang (10 puntos)

1. Limang daang piso ang pera niya sa pitaka.


2. Dilaw ang bestidang suot niya.
3. Matinik ang tangkay ng rosas.
4. Si Joseph ay matangkad.
_5. Ikasampung kaarawan ni Nida ngayon.
6. Marami siyang regalong natanggap.
7. Mabango ang bulaklak.
8. Ang kanyang suot ay tagpi-tagpi.
9. Iba-iba ang kulay ng bahaghari.
10. Masipag ang batang babaeng bagong lipat sa paaralan.

II. TUKUYIN kung anong kayarian ng pang-uri ang sumusunod na mga salita. Isulat ang
P kung PAYAK, I kung INUULIT, M kung MAYLAPI, o T kung TAMBALAN.
Isulat ang sagot gamit ang MALAKING TITIK.(10 puntos)

_____11. maalat
_____12. anak-araw
_____13. payat na payat
_____14. napakapayat
_____15. sawimpalad
_____16. butas-butas
_____17. mabilog
_____18. magatas
_____19. malalim
_____20. balat-sibuyas
K.C.M. ACADEMY INC.
FOURTH GRADE
FILIPINO
SECOND TERM – TEST NO. 2

Pangalan:__________________________________________________ Petsa:________________________
Guro:_____________________________________________________ Iskor:________________________

I. TUKUYIN kung ang ginamit na pang-uri ay LANTAY, PAHAMBING o PASUKDOL. Isulat ang tamang
sagot gamit ang MALALAKING TITIK. (5 puntos)

__________1. Mas maganda si Karen kaysa kay Ana.


__________2. Mabango ang nilabhan niyang damit.
__________3. Kay ganda-ganda naman niya.
__________4. Si Carlo ay ubod ng sipag.
__________5. Kasintalino ni Myca si Sonya.

II. TUKUYIN ang pandiwang ginamit sa pangungusap. Isulat ang sagot gamit ang MALAKING TITIK.
(5 puntos)

__________6. Papunta kina Mang Ambo ang kumpare niya.


__________7. Umalis ang ina.
__________8. Si Atong ang susundo sa mga bisita.
__________9. Si Ana ang kakanta sa programa.
__________10. Ang magkakaklase ay sabay-sabay na umuwi.

III. TUKUYIN kung ang salitang kilos ay A-PANGNAGDAAN, B-PANGKASALUKUYAN, o


C-PANGHINAHARAP. Isulat ang titik ng tamang sagot gamit ang MALAKING TITIK. (10 puntos)

___11. nagsulat
___12. umigib
___13. maglalaba
___14. nagluluto
___15. kakain
___16. sumayaw
___17. kakanta
___18. nagpinta
___19. bumili
___20. maghuhugas
K.C.M. ACADEMY INC.
FIFTH GRADE
FILIPINO
SECOND TERM – TEST NO. 1

Pangalan:__________________________________________________ Petsa:________________________
Guro:_____________________________________________________ Iskor:________________________

I. Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot. (5 puntos)

1. Tawag sa salitang nagpapahayag ng kilos.


a. Pandiwa b. Panghalip c. Pang-uri
2. Pandiwang nagsasaad ng kilos na naganap na.
a. Pangkasalukuyan b. Pangnagdaan c. Panghinaharap
3. Salitang kilos na nagsasabi na ang kilos ay mangyayari pa lamang.
a. Pangnagdaan b. Pangkasalukuyan c. Panghinaharap
4. Salitang kilos na ginagawa, nangyayari o ginaganap sa kasalukuyan.
a. Pangnagdaan b. Pangkasalukuyan c. Panghinaharap
5. Si Karen ang napiling pinakamahusay sa klase. Alin ang pandiwa?
a. Karen b. pinakamahusay c. napiling

II. SURIIN ang aspekto ng pandiwa sa bawat bilang. PILIIN kung ito ay ASPEKTONG
PERPEKTIBO, IMPERPEKTIBO, o KONTEMPLATIBO. Isulat ang sagot gamit ang
MALALAKING TITIK. (5 puntos)

1. Tinanggap-____________ 3. Umaasa-_____________ 5. Isinulat-__________

2. Dadating-_____________ 4. Bibigyan-____________

III. Piliin ang pandiwa sa sumusunod na mga pangungusap. PILIIN ang titik ng tamang sagot.
(5 puntos)

1. Si Dr. Jose P. Rizal ang nagsulat ng El Filibusterismo at Noli Me Tangere.


a. si b. nagsulat c. ang
2. Itinatag niya ang La Liga Pilipinas.
a. itinatag b. niya c. ang
3. Pinaglutuan ang bagong palayok ng sinigang.
a. ang b. bagong c. pinaglutuan
4. Pumasa si Ana sa pagsusulit.
a. pumasa b. si c. sa
5. Ang malaking basket ay pinagsidlan ng mga paninda.
a. ay b. malaki c. pinagsidlan

IV. SURIIN ang pang-uring pamilang at tukuyin kung ito ay KARDINAL, ORDINAL, PAMAHAGI,
o PALANSAK. Isulat ang tamang sagot gamit ang MALAKING TITIK. (5 puntos)

1. Lima _______________ 3. Ikaapat ________________ 5. Sandaan _______________


2. Isa-isa ______________ 4. Kalahati _______________
K.C.M. ACADEMY INC.
FIFTH GRADE
FILIPINO
SECOND TERM – TEST NO. 2

Pangalan:__________________________________________________ Petsa:________________________
Guro:_____________________________________________________ Iskor:________________________

I. Basahin ang mga pangungusap. BILUGAN ang titik ng tamang sagot. (10 puntos)

1. Ano ang tawag sa salitang naglalarawan sa katangian, kalagayan, o dami ng pangngalan o


panghalip?
a. Pandiwa b. Pang – abay c. Pang – uri
2. Alin ang pang – uring panlarawan?
a. Malinis b. Libo – libo c. Sampu
3. Tawag sa mga pamilang na ginagamit sa pagsusunod-sunod ng mga bagay na nakahanay.
a. Ordinal b. Kardinal c. Patakda
4. Alin ang pang-uring nagsasaad ng dami o bilang ng tao, hayop, pook, o pangyayaring pinag-
uusapan sa pangungusap.
a. Panlarawan b. Pamilang c. Pamahagi
5. Si Aling Tina ay mabait na ina. Alin ang pang – uri?
a. Si b. Aling Tina c. Mabait
6. Ito ay tumutukoy sa salitang–ugat lamang at walang panlapi.
a. Tambalan b. Inuulit c. Payak
7. Ito ay salitang-ugat na may kasamang panlapi na maaaring unlapi, gitlapi, o hulapi.
a. Inuulit b. Maylapi c. Payak
8. Pang – uring pinag-ugnay ng dalawang salita.
a. Tambalan b. Payak c. Maylapi
9. Kayarian ng pang - uri na tinutukoy ang katangiang sarili ng pangngalan.
a. Pahambing b. Lantay c. Pasukdol
10. Siya ay matalinong bata. Anong kayarian ng pang – uri ang salitang nakasalungguhit?
a. Payak b. Pahambing c. Pasukdol

II. TUKUYIN ang pang–uri sa bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot gamit ang
MALALAKING TITIK. (5 puntos)

__________1. Matamis ang inihandang mangga ni Aling Ising.


__________2. Libu-libong tao ang dumagsa sa pagtitipon.
__________3. Napakaganda ang bestidang iyan.
__________4. Mayroon akong isang magandang manika.
__________5. Kayong dalawa ang pupunta sa Amerika.
K.C.M. ACADEMY INC.
SIXTH GRADE
FILIPINO
SECOND TERM - TEST NO. 1
Pangalan:__________________________________________________ Petsa:________________________
Guro:_____________________________________________________ Iskor:________________________

I. Isulat ang anyo ng pang-uri. Tukuyin kung ito ay PAYAK, MAYLAPI, INUULIT, o
TAMBALAN. Isulat ang tamang sagot gamit ang MALAKING TITIK. (5 puntos)

__________1. taon-taon
__________2. sakit
__________3. kayod-kalabaw
__________4. mabait
__________5. pusong-mamon

II. Tukuyin kung ang pang-uri sa pangungusap ay panlarawan o pamilang. Isulat sa patlang ang
PN kung ito ay panlarawan at PM kung ito ay pamilang. Isulat ang sagot gamit ang
MALAKING TITIK.
(10 puntos)

_____6. Mayroon akong magandang manika.


_____7. Kayong dalawa ang pupunta sa Amerika.
_____8. Silang lima ang magkakaibigan.
_____9. Walong taong gulang na ako.
_____10. Maaasahan ang mga anak nina Mang Romy at Aling Sonya.
_____11. Dalawampung beses na akong sumubok.
_____12. Mabait at masunuring bata si Lita.
_____13. Matatamis ang prutas na binili niya sa palengke.
_____14. Ang mag-anak ay binubuo ng apat na kasapi.
_____15, Ang kanyang mga magulang ay maasikaso sa kanilang gamit.

III. Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap ayon sa kaantasan nito. Isulat ang TITIK ng tamang
sagot gamit ang MALAKING TITIK. (5 puntos)

A. LANTAY B. PAHAMBING C. PASUKDOL

__________16. Magkasingkulay ang nabili naming damit.


__________17. Simbait ni Jasmin ang mga anak ni Mang Romy.
__________18. Pagkaputi-puti ng mga bulalak ng sampagita.
__________19. Si Mark ay maasikaso sa kanyang kapatid.
__________20. Napakatamis ng duhat na binili ni Nanay.
K.C.M. ACADEMY INC.
SIXTH GRADE
FILIPINO
SECOND TERM - TEST NO. 2
Pangalan:__________________________________________________ Petsa:________________________
Guro:_____________________________________________________ Iskor:________________________

I. Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na ginamit sa pangungusap. Isulat kung ito ay NAGANAP,
NAGAGANAP, o MAGAGANAP. Isulat ang sagot gamit ang MALALAKING TITIK. (5
puntos)

__________1. Nilikha ng Diyos ang ating kalikasan.


__________2. Pinagpupulungan nila kung paano makatutulong sa bayan.
__________3. Itatanghal namin ang dula-dulaan sa plasa.
__________4. Ang regalong ito ay ibinigay ko bilang alaala.
__________5. Ang nanay ay maghahanda ng mga pagkain para sa panauhin.

II. PILIIN ang TAMA kung ang mga salita ay magkasingkahulugan at MALI kung hindi.
IKAHON ang tamang sagot. (5 puntos)

6. dinalaw – pinuntahan TAMA MALI


7. matipid – maaksaya TAMA MALI
8. narinig – napakinggan TAMA MALI
9. malayo – malapit TAMA MALI
10. sinabi – binanggit TAMA MALI

II. Tukuyin ang kailanan ng pang-uri na nakasalungguhit sa pangungusap. Isulat ang tamang
sagot gamit ang MALALAKING TITIK. (10 puntos)

ISAHAN DALAWAHAN MARAMIHAN

_____________11. Siya ay maawain sa kanyang kapatid


_____________12. Matataba ang mga gulay sa hardin.
_____________13. Sandaang piso ang bili niya sa sapatos.
_____________14. Kapwa matulungin ang magkaibigan.
_____________15. Ang asawang masipag ay hinahangaan.
_____________16. Si Andres Bonifacio ay magiting na bayani.
_____________17. Dalawang makasaysayang lugar ang kanilang nalakbay.
_____________18. Nagpuputian ang mga anak ni Mang Gilbert.
_____________19. Mahal itong regalong ibinigay mo sa akin.
_____________20. Magkasingkulay ang nabili naming laso.

You might also like