Rhea: Magandang Umaga mga kaklase Marsha: Ako si Marsha Jay M. Miguel Rhea: at ako si Rhea Mae Perez Both: at kami ay mula sa pangkat lima Both: MODYUL 5 MGA HAKBANG SA PAGBUO NG COMMUNITY-BASED DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT PLAN Rhea: (Ang CBDRRM ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng panganib at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay at pagtataya ng mga peligro na maaari nilang maranasan.) ito ay mahalaga upang mabigyan nang maayos na paghahanda at pagtugon sa anumang panganib Marsha: UNANG YUGTO PAGHADLANG AT MITIGASYON NG KALAMIDAD Sa unang yugto tinatalakay kung paano mapipigilan, mahahadlangan at mababawasan ang panganib na maaaring madulot ng kalamidad. Ang yugtong ito ay nahahati sa dalawang bahagi, una ang Paghadlang na kinapapalooban ng Pagtataya ng Panganib, Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan at Pagtataya ng Kapasidad. Ang ikalawa ay ang Mitigasyon kung saan kabilang ang Pagtataya ng Peligro. Rhea: PAGTATAYA NG PANGANIB ito ay proseso ng pagtukoy o pagkilala sa katangian ng panganib, pagsusuri sa pinsala na maaaring maidulot nito at pamamahala sa panganib upang maiwasan ang matinding epekto nito sa isang lugar ito ay mahalaga upang maunawaan ng isang komunidad ang panganib, sakuna o kalamidad at matugunan ito. Ito ang mga katanungan na magsisilbing gabay sa gagawing pagtataya Both (alternate): Ano ang iba’t ibang uri ng panganib na maaring maranasan sa lugar? Ano ang maaaring pagmulan ng panganib? Sino ang maaaring maapektuhan ng panganib? Kailan maaaring maranasan ang isang panganib? Gaano katindi o kalawak ang maaaring maging epekto nito? May kakayahan ba ang komunidad na tugunan ang hamon o panganib? Marsha: ang isa pang paraan ng pagtataya upang matukoy ang panganib ay ang hazard mapping at timeline of events. Ang Hazard Mapping ay ang proseso ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring makaranas ng panganib at ang mga elemento na maaaring maapektuhan nito tulad ng mga imprastraktura, agrikultura at kabuhayan ng mga mamamayan. Ang Timeline of Events ay ang paggawa ng balangkas ng mga nakaraang pangyayari upang masuri kung ano ang mga panganib na naranasan sa isang komunidad Rhea: PAGTATAYA NG KAHINAAN AT KAKULANGAN Ayon sa aklat nina Anderson at Woodrow (1990) na pinamagatang Rising from the Ashes, ang Pagtataya sa Kahinaan at Kakulangan ay mayroong tatlong kategorya: ang Pisikal o Materyal; Sosyal o Panlipunan; at Pag-uugali ng tao tungkol sa panganib. Rhea: KAHINAANG PISIKAL O MATERYAL ito ay tumutukoy sa kakulangang pinansiyal at likas na yaman na kayang hadlangan ang epekto ng kalamidad. Marsha: KAHINAANG PANLIPUNAN ito ay tumutukoy sa kawalan ng kakayahan na tugunan o hadlangan ng pamahalaan at mga mamamayan ang panganib. Kung mahina ang pamamalakad ng pamahalaan at walang maayos na ugnayan sa mamamayan malaki ang posibilidad na madaling maapektuhan ng sakuna ang komunidad Rhea: PAG-UUGALI - ang kawalan ng interes at negatibong pagtanggap ng mamamayan sa pagbabago ay ang kahinaan ng komunidad. Ang kakulangan sa kaalaman at epektibong pagtugon ay may malaking ugnayan sa pagiging vulnerable ng komunidad. Marsha: ayon sa pag-aaral ng dalubhasa, kailangang suriin ang sumusunod na konsepto para sa epektibong pagsasagawa ng pagtataya ng kahinaan at kakulangan. Both (alternate): Elementong nalalagay sa panganib Mamamayang nalalagay sa panganib At Kinaroroonan ng mga mamamayang nalalagay sa panganib Marsha: PAGTATAYA NG KAPASIDAD ito ay ang proseso ng pagsusuri sa kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard mayroon itong tatlong kategorya, Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag- uugali Marsha: ASPEKTONG PISIKAL O MATERYAL tinataya ang kakayahan ng komunidad na muling bumangon at bumawi pagkatapos ng kalamidad. Maitatayo bang muli ang mga nasirang kabahayan? Magagawa ba ang mga impraestrakturang naapektuhan? Maibabalik ba ang kabuhayan ng mga ordinaryong mamamayan? Rhea: ASPEKTONG PANLIPUNAN tinataya ang kakayahan na harapin ang panganib at pagsuri kung epektibo ang plano sa pamamahala. Mayroon bang kongkretong programa na nagpapakita ng magandang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan? Marsha: ASPEKTONG PAG-UUGALI NG MGA MAMAMAYAN tinataya ang kakayahan na ibahagi ang kanilang panahon at pagmamamay-ari. Maayos ba ang pagtanggap ng mamamayan sa mga makabagong programa ng pamahalaan? Rhea: PAGTATAYA NG PELIGRO may dalawa itong kategorya, ang Mitigasyong Estruktural at Mitigasyong Di-estruktural. Rhea: MITIGASYONG ESTRUKTURAL ito ay tumutukoy sa mga pisikal na paghahanda na ginagawa ng komunidad, kagaya ng paglilinis ng mga baradong kanal, pagtatayo ng dike, paggawa ng gusali na earthquake proof at iba pa. Marsha: MITIGASYONG DI-ESTRUKTURAL tumutukoy sa paghahanda ng pamahalaan at komunidad. Kagaya ng pagbibigay ng wastong kaalaman sa mga mamamayan at pagpapatupad ng mga programa, pagbabahagi ng mga kaalaman tungkol sa panganib at ang kahalagahan ng kahandaan, importante ito sapagkat “Ligtas ang may alam” Rhea: IKALAWANG YUGTO PAGHAHANDA SA KALAMIDAD ito ay tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa ng mga mamamayan, komunidad at pamahalaan bago ang sakuna. Sa pamamagitan ng maayos na paghahanda, maiiwasan ang malawakang pinsala na maaaring maidulot ng isang kalamidad. Isang mahalagang gawain na nakapaloob sa yugtong ito ay ang pagbibigay ng paalala at babala. Marsha: may tatlong pangunahing layunin ang paghahanda sa kalamidad. Ang magbigay impormasyon, magbigay payo, at magbigay ng panuto. Rhea: Magbigay ng impormasyon ito ay ang pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa mga panganib at peligro. Marsha: Magbigay ng payo ito ay ang pagbibigay gabay tungkol sa mga nararapat na gawin para sa paghahanda. Rhea: Magbigay ng panuto ito ay ang paglalahad ng hakbang sa kung ano ang dapat gawin sa panahon ng kalamidad. Marsha: sa bahaging ito nabibigyan ng impormasyon ang mga mamamayan sa mga dapit gawin bago, habang, at pagkatapos ng panganib upang maihanda sila sa maaaring epekto nito. Rhea: IKATLONG YUGTO PAGTUGON SA KALAMIDAD Sa yugtong ito ay ang pag hahanda ng plano sa pamamahala sa kalamidad o CBDRRM plan, tinataya nito kung gaano kalawak ang pinsalang naidulot ng kalamidad. Ang impormasyong makakalap ang mag sisilbing batayan upang makabuo ng epektibong paraan sa patugon sa mga pangangailangan ng mga mamayan o ng komunidad na makararanas ng kalamidad. Marsha: ito ang mga batayan sa pagtataya upng makabuo ng epektibong pagtugon sa kalamidad. Marsha: Pagtataya ng Pangangailan o Needs Assessment ay ginagawa upang matukoy at matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot. Rhea: Pagsusuri sa Pinsala o Damage Assessment ay pagtukoy sa lawak ng pinsalang dulot ng kalamidad tulad ng pagkasira ng mga imprastruktura at kabahayan. Marsha: Pagtatasa ng Pagkawala o Loss Assessment ay pagsusuri sa pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng serbisyo o produksyon dulot ng kalamidad katulad ng pagkasira ng mga pananim. Rhea: Mahalagang magkaroon ng koordinasyon at maayos na komunikasyon upang mabuo ang pagkakaisa. Sa bahaging ito mahalaga ang magkaroon ng mapagkakatiwalaang datos sa naging lawak ng pinsala ng kalamidad. Marsha: IKAAPAT NA YUGTO REHABILITASYON AT PAGBAWI SA KALAMIDAD Sa bahaging ito sinusuri ang mga hakbang sa pagsasaayos ng mga pinsala. Ang pagpapanumbalik sa dating kaayusan ng komunidad ang pangunahing layunin ng yugtong ito. Rhea: Ang mga bibigyang pansin dito ay ang pagpapanumbalik sa sistema ng komunikasyon, transportasyon, pagkumpuni ng mga bahay, pagbibigay ng pangunahing pangangailan gaya ng tubig pagkain at damit, at ang pagsuporta sa mga kabuhayang napinsala ng kalamidad. Marsha: Ang sama-samang pagtugon ng lahat ng sector ay magdudulot ng mabilis at matagumpay na muling pagbangon. Both: Iyon po ang aming report patungkol sa mga hakbang sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction And Management Plan.