You are on page 1of 2

IMPORMAL NA SEKTOR

-sa madaling salita ito ang mga negosyong hindi nakarehistro sa pamahalaan.

GAWAING PANLOOB

HINDI LEGAL

-tulad na lamang po ng kumakalat ngayon at sa ibat ibang online platform ang pagbebenta ng premium
accounts sa mababang preysyo o mga pirated cd’s na madalas ipinagbibili sa changgian o at pagbebentang
produkto galing sa nakaw ay kabilang sa impormal na sektor.

PAGTITINDA SA SIDEWALK

-Na hindi nakarehistro sa pamahalaan dito po mapabibilang yung mga nakikita sa palengke na mga nag
bebenta po ng gulay at prutas sa tabing kalsada, at paglalako katulad ng street vendors.

MGA GAWAING PANSIBIKO

-Katulad na lamang po ng mga nag bebenta ng serbisyo o produkto at pangongolekta ng salapi upang
ipagbigay tulong sa simbahan sa mga mamamayan. Halimbawa po yung mga nasalanta ng bagyo at maging
yung mga nakokolektang donasyon ng simbahan, ay kabilang sa impormal na sektor.

BAKIT MARAMING PILIPINO ANG NABIBILANG SA IMPORMALNA SEKTOR?

KAKULANGAN NG KAPITAL O PUHUNAN

-ang mga negosyo gaya ng pagtitinda sa bangketa o maliit na sari sari store ay wala pong minimum na
puhunan upang makapagsimula nito. Sa madaling salita madali pong makapasok ang negosyo sa impormal na
sektor lalo hindi nangangailangan ng malaking bayad para sa renta.

WALANG REHISTRO

-nagiging abala o pahirap ang pagaasikaso ng mga papeles sa pagkat sa haba at matagal na pagpoproseso sa
pamahalaan. Kung kayat marami po ang naeeganyo na huwag iparehistro ang kanilang negosyo.

KAWALAN NG TRABAHO

-Dahil dito upang matugunan po nila ang kanilang sa pang araw araw. dumidiskarte po ang maraming Pilipino
sa loon ng impormal na sektor, sa pagkat madaling makapasok sa ganitong sektor, yung ilan naman po hindi
sapat ang kinikita kahit nagkakaroon ng mga side line sa impormal na sektor.

KAKULANGAN SA EDUKASYON.
-sa impormal na sektor ay hindi nangangailangan ng sertipiko kung kayat kahit hindi po nakapagtapos ng
pagaaral, ay maaaring makapasok sa sektor na ito, dulot ng mga dahilan ito.
POSITIBO AT NEGATIBO

KITA

-ang mga taong may kakulangan sa sapat na edukasyon at kasanayan ay nahihirapan matanggap sa trabaho sa
pormal na sektor kung kayat nabibigyan sila ng pagkakataong kumite ng salapi sa impormal na sektor at para
din sa nawalan ng trabaho at sa may mga mababang kinikita.

KAWALAN NG PROTEKSYON

-sa dahilang hindi rehistrado ang mga negosyo sa sektor sa ito hindi nababantayan ng pamahalaan ang mga
gawain nito. Sa sitwasyong ito ang mga manggagawa ay walang sapat na pangangalaga mula sa pamahalaan.
Maari rin silang maging biktima ng pangingikil o pangongotong, maari rin po silang makaranas ng ireguar na
oras ng trabaho, maging pagaalis sa trabaho ng walang sapat na dahilan.

PAGDALOY NG SALAPI

-sa pormal o sa sektor na impormal man, kabilang ang negosyo at manggagawa ang daloy ng pananalapi sa
ekonomiya ay iisa lamang, dahil ginagamit ito para sap ag produce o pagkonsumo.

BUWIS

-ang mga negosyo sa impormal na sektor gaano man kalaki ang kinikita, kung hindi ito nakarehistro ay hindi
ito nakapagaambag ng pondo sa bansa, dahil hindi ito direktang nagbabayad ng buwis.

MURANG BILIHIN

-sa impormal na sektor makikita ang maraming alternatibong produkto dahil sa marami ang kakompetensya
at wala silang binabayarang renta at direktang buwis, dahil dito mababa ang kanilang pinansyal na capital,
kaya mas mura ang produkto na maaari nilang ipagbili.

KAWALAN PROTEKSYON

-ang transtaksyon ng negosyon sa sektor na ito ay mabilisan lamang, kung kaya walang opisyal na resibo ang
nakukuha ang mga mamimili. Sa mga pagkakataong depektibo ang produkto at matataas ang presyong
naitakda walang panghahawakan ang konsyumer upang mapalitan ang produktong nabili.

ANG ISA PANG KARAGDAGANG NEGATIBO NG IMPORMAL NA SEKTOR AY

-karamihan ang nasa sektor na ito ay ang mga nagtitinda sa bangketa kung saan inookyupa nito ang lansangan
para sa mga sasakyan at dahil sa hindi nababantayan ng pamahalaan ang kabilang dito ay karaniwan sa kanila
ay walanv pasalidad na nangangalaga sa kapaligiran

PAGSUKAT

-dahil ang kita ng mga negosyo at manggagawa na kabilang sa sektor na ito ay hindi kasama sa pagtatala ng
gnp at gtp sa makatuwid hindi nasusukat ng tama ang paglago ng ekonomiya ng bansa lalo na ang
pambansang kita.

You might also like