You are on page 1of 5

KidsChamps Learning Center BBA-

Grade 6

Mid Quarter Examination in Filipino VI

Name: _________________________ Score: ______________

A. Tukuyin ang uri ng pangngalang may salungguhit. Isulat ang PT kung ito ay
pangngalang pantangi at PB kung ito ay pangngalang pambalana. Tukuyin ang uri
ng pangngalang pambalana gamit ang mga sumusunod: PB-T (tahas), PB-B (basal),
o PB-L (lansakan).

_____ 1. Ang mga anyong tubig at anyong lupa ay mga biyaya ng Panginoon sa atin.

_____ 2. Ang Bundok Apo na matatagpuan sa Davao del Sur ay ang pinakamataas na
bundok sa Pilipinas.

_____ 3. Binubuo ng higit sa pitong libong pulo, ang Pilipinas ang isa sa pinakamalaking
kapuluan sa mundo.

_____ 4. Maipagmamalaki nang husto ng mga Pilipino ang kagandahan ng bansa.

_____ 5. Ang mga Tsokolateng Burol ay isang pangkat ng mga burol na magkakalapit at
kulay tsokolate kapag tag-araw.

_____ 6. Sari-saring gulay ang itinatanim sa matabang lupa ng Lambak ng Trinidad sa


Benguet.

_____ 7. Naaalala pa ni Alejandro ang pagputok ng Bulkang Pinatubo at ang pag-ulan ng


abo sa kanilang lalawigan.

_____ 8. Maglalakbay ang barkada ni Martin patungong Tagaytay upang makita nila ang
Bulkang Taal.

_____ 9. May ilang tribu ng mga Igorot kaming natagpuan sa aming paglalakbay sa
Cordillera.

_____ 10. Dinarayo ng maraming dayuhang turista ang magagandang tanawin sa


Pilipinas
KidsChamps Learning Center BBA-
Grade 6

B. Tukuyin ang uri ng pangngalang pambalana sa pamamagitan ng paglagay ng


tsek sa kahon ng tamang uri.

C. Isulat kung anong uri ng panghalip ang mga tinutukoy ng mga sumusunod.

_______________1. ginagamit sa pagtuturo ng pangngalan. Hal; ito, niyan, doon, eto ,


hayun, ganito atbp.
KidsChamps Learning Center BBA-
Grade 6

_______________2. ginagamit na panghalili at sa mga uri nito. Hal; ako, ikaw, kayo,
sila, kanila tayo atbp.

_______________3. sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatang tinutukoy. Hal; tanan,


madla, lahat, anuman, kailanman.

_______________4. mga salitang ginagamit sa pagtatanong na maaaring isang pangalan


o panghalip ang inaasahang kasagutan.

D. Tukuyin ang gamit ng pangngalan na may salungguhit. Isulat ang sagot sa


patlang.

simuno o paksa, kaganapang pansimuno, panawag,


pamuno, layon ng pandiwa, layon ng pang-ukol

____ 1. Ang mga mamamayan ay aktibo sa mga gawaing panlipunan. ____ 2. Ale,
nahulog po ang pitaka ninyo.

____ 3. Droga ang salot ng maraming lipunan.

____ 4. Binigyan ng pang-unang lunas ng mga doktor ang mga sugatan. ____ 5.
Nagdiwang ng ika-sampung anibersaryo ang Holy Mary School, ang paaralan nina Trina
at Sara.

____ 6. Nagpahinga ang magsasaka sa ilalim ng malaking puno.

____ 7. Anu-ano ang mga adhikain mo para sa bayan?

____ 8. Kapayapaan ang hangad ng mga karaniwang tao sa Iraq.

____ 9. Huwag kang maniwala sa mga sabi-sabi, Aling Trining.

____ 10. Si Ate Rosita ay naghanda ng masarap na meryenda para sa ating lahat.

____ 11. Mahalaga para sa mga Pilipino ang demokrasya.

____ 12. Sina Roberto at Irene, ang mga magulang ni Sofia, ay dadalo sa salu-salo.

____ 13. Ayon sa Saligang-Batas, libre ang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

____ 14. Ang ating pangangailangan ay natutugunan ng ating mga magulang.


KidsChamps Learning Center BBA-
Grade 6

____ 15. Ang aming organisasyon ay naglunsad ng programa para sa kabataan

A. C.
1. Pamatlig
2. Panao
3. Panaklaw
4. Pananong
KidsChamps Learning Center BBA-
Grade 6

B. D.
1. Simuno
2. Panawag
3. Kaganapang Pansimuno
4. Layon ng Pandiwa
5. Pamuno
6. Layon ng Pang-ukol
7. Layon ng Pang-ukol
8. Kaganapang Pansimuno
9. Panawag
10. Layon ng Pandiwa
11. Simuno
12. Pamuno
13. Layon ng Pang-ukol
14. Simuno
15. Layon ng Pandiwa

You might also like