You are on page 1of 685

------------------------------

TITLE: Vampire City 2: Definitely Not Your Ordinary Vampire Story


LENGTH: 1023
DATE: Dec 30, 2013
VOTE COUNT: 256
READ COUNT: 29965
COMMENT COUNT: 46
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: Thyriza
COMPLETED: 1
RATING: 3
MODIFY DATE: 2014-08-01 21:51:17

------------------------------

####################################
Copyright
####################################

"Your cold embrace is my Sanctuary." -Nyx Lorelei

They say, history repeat itself. Mauulit nga ba sa magkapatid na kambal ang
nangyari sakanyang magulang? New story. A love that will fight till the end.

But, what if hindi na mga vampira ang makakaaway niyo? Paano na kung tao na ang
kailangan mong labanan para makapiling ang minamahal?

SOON! 2014

(c) Thyriza
####################################
Prologue
####################################

A/N: This is the book II of VCNYOVS. If you haven't read it yet, i suggest you
close this browser and stop reading since hindi ka dito makakarelate. Pero dahil sa
alam kong makulit ka, babasahin mo pa din kasi tinatamad kang basahin ang book I.
Kaya kung meron kang hindi ma-gets, feel free to comment and i'll reply.

Nakaka pressure ang gumawa ng book II alam niyo ba? Kasi all were expecting na
magiging mas maganda siya kesa sa book I. I won't promise but i'll do my best to
make this story worth reading for. Ingrid and Hansel will stay in the story since
they are the King and Queen. Anyway, they won't stay longer on the scene kasi
storya na to ng anak nila. K, push na to.

Copyright © 2013 by Thyriza


ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any
form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording,
or by any information storage and retrieval system, without the written permission
of the author, except where permitted by law.

Prologue

"Kuya, ano ba ang ginagawa natin dito sa bahay na to? Kilala mo may-ari nitong
bahay? Naku, papagalitan nanaman tayo ni mommy kapag nalaman na pumuslit tayo sa
portal!" pagrereklamo ni Avia. Ang Prinsesa ng Vampire City. Ang bunsong kapatid ng
tagapagmana ng korona. Siya ay isang damphyr.

"Wag ka ngang maingay dyan! Bakit kasi sumama ka pa?!" inis na sabi ni Aric sa
kambal. Siya crown prince at nakatakdang humalili sa Hari ng Vampire City.

"Eh gusto ko ding tignan yung binabalikbalikan mong bata eh. Ang tanda mo na kuya
tapos nagkaka-interes ka sa 1 year old." pang-aasar sakanya ng kambal.

"90 years old pa lang ako noh! Kung titignan, hindi halata. Kaya wag kang
magreklamo!" sabi ni Aric na panay pa din ang silip sa bintana. Pinagmamasdam niya
ang batang babae na unang nakapukaw sakanyang attention.

"Ang sungit mo!" inis na sabi ni Avia sa kambal. Hindi siya pinansin ng kambal
dahil nakatuon ang attention nito sa bata.

"Baby Nyx." narinig niyang sambit ng kambal.


"Ano'ng sabi mo?" Tanong ni Aric kay Avia.

"Yun oh, nakalagay sa likod ng door niya. Baby Nyx." tinuro pa ni Avia ang pinto.
Lihim na napangiti si Aric.

"So Nyx pala ang pangalan niya." mahinang sabi ni Aric.

Simula ng sagipin ni Aric ang bata sa mabilis na tumatakbong truck, hindi na naalis
sa isipan niya ang kulay ng mata ng batang babae. Oo, bata pa lamang ito pero alam
niyang may nararamdaman siyang kakaiba para dito. At handa siyang maghintay
hanggang sa lumaki ito.

Araw-araw binibisita niya ang batang babae. Sa tuwing kaarawan nito, nandoon siya
at nag-iiwan ng itim na rosas na sa Vampire City lang matatagpuan. Umabot sa ika-
walong kaarawan ng bata at nasaksihan niya pa yun. Gaya ng nakagawian, nag-iiwan
siya ng itim na rosas sa higaan nito.

Siya din ang nagpoprotekta sa batang babae kapag may nambubully dito. Dumating ang
ika-labing dalawa nitong kaarawan. Mas humanga siya sa bata ng makita niya itong
nakasuot ng pulang gown. Nung araw na yun, hindi siya nag-iwan ng itim na rosas
para sa bata. Plano niyang personal na magbigay ng bulaklak pakatapos ng okasyon.

Bumalik siya ng Vampire City para kumuha ng isang dosenang itim na rosas para sa
bata tanda ng ika-labing dalawa nitong edad. Pero huli na siya ng maabutan niya ang
bahay ng bata. Nakita niyang nagdanak ang dugo sa paligid. Sa pagkakaalam niya,
mayaman ang pamilya ng bata at marami silang bantay. Akala niya mamamatay na siya
sa kaalaman na namatay din ang batang minamahal.
Napag-alaman niya na nung oras na pinatay ang mga magulang ng batang babae, agad
siyang iniligtas ng tiyuhin na nakaligtas sa Massacre. Sa tulong ng kambal, nalaman
nilang sa ibang bayan naninirahan ang batang babae kasama ang tiyuhin na kapatid ng
ina ng bata. Hanggang sa magdalaga ang bata, lagi niya itong nababantayan.

"I'll protect you, Nyx Lorelei Park. No matter what happen." mahinang sambit ni
Aric habang pinagmamasadan sa malayo ang dalaga.

-----

Oh my ghad! Oh my ghad! Oh my ghad! So heto naaaa~ >_<" Sana magustuhan niyo. Ang
kwentong ito ay hindi lamang sumesentro sa pag-iibgan ni Aric at Nyx. Maraming love
story dito. Kwento ito ng kambal kaya kung maari ay isasagawa ko ito sa 3rd
person's POV. Pero kung kailangan ang POV ng isang character, maari din naman itong
mapalitan. (Sorry for being makata. Nanunuod kasi ko ngayon ng DongYi na nadownload
ko kahapon at nahahawa ako kina kamahalan. *O*

XOXO

~Thyriza
####################################
Chapter 1 - Stalker in the dark
####################################

Chapter 1 - Stalker in the dark

Dedicated to kay kuya Marcelo Santos III. Hehehe. Crush ko kasi siya. >///< I mean,
hanga ako sa pagsusulat niya. Oo, yun lang yun. ^___^ Hindi ko ma-tag name niya sa
dedication list kasi nahihiya ako. >___<" Hahaha. Hanggang basa na lang akong mga
kwento niya. Haaay! :(

"Young Lady, maghanda ka na para sa unang araw ng klase mo.. Young Lady, gising na
Young lady." niyugyog siya sa balikat ng kanyang yaya. Kinuha niya ang unan at
tinakip sa mukha niya.
"asdfghjkl! Ya! Later na! I'm too sleepy!" she said in a sleepy voice.

"Wag ng makulit. Magagalit nanaman ang senyor." ang Senyor na tinutukoy ng kanyang
Yaya ay ang kanyang Uncle Kent na kumupkop sakanya ng maulila siya.

"Eh di you tell him na nasa school na ko." sabi niya habang nakatakip pa din ang
unan sa mukha.

"Haay naku, alam mo naman na napakahigpit ng senyor pagdating sa studies mo diba?


Kaya sige na, bangon na." tinanggal ng kanyang Yaya ang kumot niya saka hinawi ang
kurtina sa kanyang malaking bintana. Naramdaman niya ang sinag ng araw dahilan para
mapabangon siya.

"Ya! Can you atleast, ugh! Leave me alone na muna nga! Puyat ako dahil sa party
kagabi!" inis niyang sigaw sakanyang Yaya. Napailing na lang ang kanyang Yaya.

"Ayan, party nanaman. Pasalamat ka hindi ka nahuli ng senyor." Pansesrmon sakanyang


ng kanyang Yaya. She make faces dahil alam niyang sesermunan nanaman siya ng
kanyang Yaya sa pagiging party girl niya.

Siya si Nyx Lorelei Park. 17 years old , 2nd year college taking up International
Studies. People say she has everything. But there's this empty space in her heart
that made her incomplete. May kaibigan siya pero alam niyang hindi naman totoo
sakanya. May mga manliligaw siya pero hindi naman niya gusto. Updated siya sa
gadgets pero ni isa hindi niya ma-enjoy. Mahal siya ng uncle niya pero hinahanap
niya ang pag-mamahal ng magulang.

She has everything, but she felt alone.


Hindi maikakaila na pagdating sa hitsura, angat sa iba si Nyx. Her dark blue eyes
na parang dagat tuwing nasisinagan ng araw. Ang kanyang buhok na golden brown that
compliments her fair skin. Her thin lips na bumabagay sa maliit niyang ilong.
Almost perfect. Almost.

At school..

"Malapit na ang birthday mo ah." sabi sakanya ng classmate niya. She's Kyla, her
friend but not her bestfriend.

"So? What's the big deal?" patamad niyang sagot habang tinitignan ang kanyang
finger nails.

"Duh?! It's your debut kaya! Don't tell me wala kang party?!" pa-exaggerated na
sabi ng kaibigan niya.

"Kung meron man, for sure lahat lang yun kakilala ni Uncle Kent. More like,
business social event, not my debut." she said bitterly.

"Fair enough, eh di imbitahin mo ang buong student dito sa school." she said
giggling.

"May point ka dyan." Nyx smiled sheepishly.


Nyx is a kind of girl na everybody wants to be her friend. Hindi siya mabait. Hindi
rin masama. Typical rich girl living her life to the fullest yet not enjoying it.

The whole afternoon, Nyx attended her subject attentively. She may be a somebody,
she may be lazy going to school pero kapag nasa lecture siya masasabi mong isa
siyang tahimik na studyante.

Napahawak siya sa ulo niya ng maramdaman niyang may bumato sa ulo niya. May nahulog
na crumpled paper sa mesa niya. Dahan-dahan niya itong binuksan at napairap na lang
sa nabasa.

Nireplyan niya ito ng isang napakalaking 'NO!!!' Her blockmate Andrew asking again
for a date.

'Ang kulit talaga ng mokong na to! Hindi naman kagwapuhan!' sa isip-isip niya.

Palabas na siya ng classroom ng harangin siya nung Andrew. Napahalukipkip siya gaya
ng ginagawa niya kapag may gusto siyang iintimidate na tao. Pero parang wala itong
epekto sa lalaki dahil ngumiti lang ito sakanya.

"Isang date lang, Nyx. Tapos nun hindi na kita kukulitin." pangungulit ng lalaki.
Her brow arched.

"And what made you think na papayag ako?! Why? Am i on a bet or something?"
sinamaan niya ng tingin ang lalaki.
"Bakit ba ang taray mo? Hindi ka naman ganyan dati Lorelei ah! As far as i can
remember 5 years ago, ikaw ang pinakamabait at pinaka-sweet na babae na nakilala
ko!" panunumbat ni Andrew. Natahimik lang ang dalaga.

"That little girl is dead, Andrew. Matagal ng patay ang Lorelei na kilala mo."
malamig na sambit ni Nyx saka lumakad na paunahan. Hindi na niya pinansin pa ang
tawag ni Andrew.

Andrew. Her childhood friend. Katapat nilang bahay noong buhay pa ang totoo niyang
pamilya. Ang kalaro niya. Simula ng ma-masscre ang parents niya at kunin siya ng
tiyuhin niya, naging iba ang pag-uugali niya. Siguro trauma na din dahil nasaksihan
niya mismo ng dalawa niyang mata kung paano patayin ang magulang niya.

Hindi namalayan ni Nyx na umiiyak na pala siya habang papunta sa likod ng paaralan
kung saan siya mag-isa laging natambay kapag gusto niyang mapag-isa. Naupo siya sa
grass at marahan na pinunasan ang mga luhang dumaloy sa pisngi. Natignan niya ang
oras ca cellphone niya at alam niyang naghihintay na sakanya ang sundo..

"Haaay." napabuntong hininga siya ng malalim. 5:30 na ng hapon at karamihan sa


studyante ay nagsisiuwian na at halos wala ng tao sa likod ng school building.

"Mom, dad. Sana sumama na lang ako sainyo." bulong niya sa hangin. Namimiss na niya
nag magulang. Habang papalapit ang kanyang kaarawan, mas lalo niyang naalala ang
karumaldumal na pag patay sa magulang niya. She was 12 by then.

Sariwa pa sa alaala niya ang lahat. Sila lamang ng Uncle Kent niya ang nakaligtas.
Nagbubukas siya ng regalo habang pinipicturan siya ng tiyuhin. Nakarinig sila ng
pagtatalo sa labas ng bahay nila kaya lumabas ang kanyang daddy. Pagbalik nito may
kasabay na itong armadong lalaki na nakasuot ng itim na maskara. Natutukan ng baril
ang daddy niya. Hindi niya alam ang nangyayari dahil bata pa siya pero laking gulat
niya ng paputukan sa ulo ng lalaki ang daddy niya sa ulo.
Umiiyak siya. Naramdaman niyang niyakap siya ng uncle niya. Bago pa siya makasigaw
ng ilayo sakanya ang tiyuhin, nakita niyang binaril din ang mommy niya. Kahit
nanlalabo ang mata, pinilit niyang lapitan ang magulang. Ang daddy niya na wala ng
malay at ang mommy niyang nag-aagaw buhay. Hindi pinansin ni Nyx ang tiyuhin na
nakikipaglaban sa mga kaaway. Pinilit magsalita ng kanyang ina pero dugo ang
lumalabas sa bigbig nito.

Naramdaman na lang niyang hinihila siya ng kanyang tiyuhin na sugatan. May tama ito
sa tagiliran ng tiyan.

Naiwaksi ni Nyx ang ulo. 'Hindi ko na dapat iniisip ang nakaraan.' sabi niya sa
isip. 6:30 na kaya medyo madilim. Naglakad na siya papunta sa parking space kung
saan nandoona naghihintay ang sundo niya. Oo, kahit college na siya may sundo pa
din siya. Masyadong mahigpit ang kanyang uncle pagdating sa oras ng uwi niya. Kaya
nga secreto lang ang pagpaparty niya.

Nakarinig siya ng kaunting kaluskos sa paligid. May mga bushes kasi sa paligid.
Nagsitayuan ang balahibo niya sa braso ng humangin ng malakas.

'Nakakatakot naman!' sabi niya sa isip. Dali-dali na siyang naglakad pero parang
ang tagal niyang makarating sa paparoonan. Tanaw na siya ang kotseng naghihintay
pero parang hindi siya makarating.

Nagulat pa siya ng may mabilis na aninong dumaan sa harap niya. Nagsisisi siya na
nagtagal siya sa palikuran ng building. Natatakot na tuloy siya. Pinagpapawisan
siya ng malamig at hindi niya maintindihan ang nararamdam.

Pinagpatuloy niya ang paglalakad pero this time mas binilisan niya pa. Nakarating
naman siya sa parking lot pero hinihingal siya at pawis na pawis. Sinilip niya ang
bintana ng kotse pero wala yung driver.
"AAHHHHHHH~" Halos atakihin siya sa puso ng maramdaman niyang may tumapik sa
balikat niya.

"What the hell! Manong Andy! You gave me a fright for crying out loud!!" malakas
niyang sigaw sa driver nila habang nakahawak sa dibdib.

"P-pasensya na po, Young Lady. Ang tagal niyo po kasi dumating eh napupuno na 'tong
pantog ko kaya nag CR muna ako. Pasensya na po talaga." puno ng pagpapaumanhin ang
mukha ng driver. Napabuntong hininga lang si Nyx.

"Tss. Whatever! Tara na nga!" iritable niyang sabi saka lumululan sa kotse. Hindi
pa din nawawala yung sindak na naramdaman niya. Parang humiwalay ang kaluluwa niya
sa katawan niya.

Pagdating nila sa bahay nila, agad siyang sinalubong ng kanyang uncle.

"Bakit ngayon ka lang, Nyx?" nagmano siya sakanyang uncle.

"May inasikaso lang po Uncle Kent." pagdadahilan niya. Alam niyang hindi
magugustuhan ng kanyang uncle ang pagtatambay niya. Over protective ito sakanya
dahil na rin sa nangyari.

"Ganun ba? Bukas lumiban ka muna sa klase mo. Darating yung masusukat ng gown mo,
for your debut." sabi ng kanyang Uncle.
"Bakit kailangan may party pa? My birthday is a nightmare, Uncle!" naupo siya sa
mahabang couch at pinag-cross ang kanyang legs.

"Kalimutan mo na ang nangyari, Nyx. Besides, it's your 18th birthday. Your debut.
Importante yun sayo, sa akin. Alam mo naman na para na kitang anak. Ikaw na lang
ang natitira kong kamag-anak sa side natin. If your mother is alive, for sure ito
din ang gugustuhin niya." mahinahon na sabi ng kanyang Uncle Ken.

"Pumayag ako sa hindi tuloy din naman ang party diba? So what's the sense of asking
permission to me?"

"I don't like the tone of your voice Nyx." her uncle reprimanded.

"Sorry, Uncle Kent. Medyo stress lang ako." napayuko siya habang humihingi ng
paumanhin sa tiyuhin. Hanggang ngayon kasi nabobother siya dun sa creepy scene
kanina.

"I understand. Magpalit ka na muna ng damit at sabay tayong mag-dinner."


nakangiting sabi ng kanyang Uncle Kent.

Si Kent Manjon. Ang nag-iisang kapatid ng yumaong ina ni Nyx. Ang lalaking hindi na
nagkaroon ng sariling pamilya dahil sa takot na maulit ang nangyari sakanya.
Itinuon niya ang kanyang attention sa pagpapalaki kay Nyx at pagpapatuloy sa
naiwang business ng kanyang kapatid.

Nagbihis lang si Nyx ng pambahay pagkatapos ay agad na bumaba ng kwarto. Hindi niya
na nakita ang tiyuhin sa sala kaya lumabas siya ng bahay at pumunta sa pool area.
Nilublub niya ang dalawang paa at nagtampisaw. She's a loner. Alam niya yun. Minsan
nga mas gusto niya yun. Mas masaya siyang nag-iisa. Pero hindi niya naiiisip na mas
masarap ang may kasama.
"2 weeks na lang at bibirthday nanaman ako." mahina niyang sabi sa sarili.
Tumingala sya at nakita niya ang maitim na ulap na bumabalot sa itaas.

"Itim." napangiti siya.

"Makakatanggap nanaman ba ako ng itim na rosas?" tanong niya sa sarili niya. Taon-
taon nakakatanggap siya ng itim na bulaklak, hindi niya alam kung kanino galing
iyon. Nagresearch na din siya sa google kung may totoong black rose. Black rose
doesn't exist. Yan ang laging nahahanap niya.

***

Pinagmamasdan nanaman niya ang dalaga. Hindi siya nagsasawang tignan ito. Kahit
napalungkot lagi ng mukha niya. Bibihira niya lamang itong makitang ngumiti. Minsan
pilit pa. Hindi na nga siya makapaghintay na dumating ang kaarawan nito dahil
mabibigyan nanaman niya ito ng bulaklak.

"Kuya Aric.." tawag sakanya ng kambal. Nalingon niya ang kambal saka ito nginitian.

"Malapit na ang kaarawan niya, Avia. Hindi na ako makapaghintay." ani Aric.

"Halata naman sa mukha mo kuya eh." masaya din si Avia para sa kapatid.
"Kailangan magandang bouquet of black roses ang mabigay sakanya. Tsaka gusto ko ako
ang personal na magbigay sakanya." hindi maitago ang excitement sa mga mata niya.

"Ikaw talaga kuya. Hindi mo ba naiisip na baka natatakot siya sa mga pinag-gagawa
mo? Kasi ako personally matatakot ako kapag binigyan ako ng black rose." komento ng
kambal niya.

"I want to make a remark. Gusto ko kahit hindi pa kami nagkakakilala tumatak na ako
sa isipan niya."

"Ang baduy mo! Alam mo, kung naririnig ka ng mga kaaway mo pagtatawanan ka nila.
Tsaka malalaman nila na may kahinaan ka." -Avia

"They don't have to know. At hindi rin ako papayag." nasabi niya habang
pinagmamasdan sa malayo ang babae.

"You're wierd kuya.Alam mo bang magfefreak out sila mommy kapag nalaman nila na all
this time, may isang babae kang pinoprotektahan. Or should i say, ini-stalk?" -Avia

"They will. So hindi na dapat nilang malaman."

"Hindi naman ako magsusumbong." she pouted.

"Alam ko."
"Hindi ka pa ba babalik sa Vampire City? Mom's probably looking for us already."

"Mauna ka na. Hihintayin kong matulog si Nyx." she sigh. One thing that he envy
in his twin sister is she can breath. She can act normal. She can eat human food.
She don't sparkle in the sunlight. He just wished he's like her.

"Alright. Just text me if you need me. Tss. Gotta cover you again to Mom. Ciao!"
bigla na lang siyang naglaho. Nilingon ni Aric ang kunauupuan ng dalaga at laking
dismaya niya ng wala na to doon.

"We are in two different world, Nyx. Everything is against us. And i'll be
contented here, looking you from afar." he whispered.

***

"So how was school?" Her Uncle Kent asked while they're eating their dinner.

"Same old same old, Uncle Kent." she shrug.

"Hmm. Nothing interesting?" he asked again.

"Wala po." she answered. She doesn't plan on telling to her uncle about the creepy
thing that happened a while ago. Alam niya kasing mag-aalala ito.
"Alam mo hija, dapat mag-enjoy ka. Lalo na at malapit ka ng mag 18." her Uncle Kent
advised.

"I am enjoying, Uncle Kent."

"Pero hindi yan ang nakikita ko." sabi sakanya ng tiyuhin.

"Maybe because.. there's something missing?" hindi siguradong sabi ni Nyx.

"Missing? Ano pa ba ang gusto mo? May gusto ka bang ipabili sa akin?" tanong ng
kanyang Uncle Kent na siya namang ikinailing ng wagas.

"Not material things, Uncle Kent." she said. Tinignan siya ng Uncle niya na parang
binabasa ang isipan niya.

"May problema ka ba, Nyx?"

"No Uncle. Hmm, can i ask something?"

"Anything."

"Are you happy?" nawala yung ngiti na pinapakita ng kanyang Uncle Kent at parang
naging malungkot ang mata nito.

"I am happy with my life, with my only niece." he touches Nyx's cheeks.

"Hindi ka ba Uncle Kent naghahanap ng sariling pamilya? Yung anak at asawa na mag-
aalaga sayo." tipid naa ngiti lamang ang iginawad ng kanyang Uncle Kent sakanya

"Dati Oo. pero ngayon, kuntento na ako. Makita lang kitang masaya, masaya na din
ako. I worked so hard para ikaw din magmana nitong pinaghirapan ko." hinawakan ni
Kent ang kamay ng pamangkin at pinisil yun.

"Thank you so much, Uncle for taking care of me." Nyx gave her Uncle Kent a genuin
smile.

"Bakit ba nagdadrama ang nag-iisang babae na mahal ko ha, may problema ka ba sa


pag-ibig?" tanong ng kanyang tiyuhin na dahilan para ikatawa niya ng malakas.

"Uncle Kent naman eh! Wala nga akong boyfriend eh!" natatawa niyang sabi.

"But you're beautiful. Mga bulag ba ang lalaki sa school niyo?" umiling si Nyx.

"They're not my type." she simple said.


"Then who is your type?"

"Hindi ko pa alam, Uncle. Hindi ko pa siya kilala." nakayuko niyang sabi.

_______________

Note: Once a week lang ang UD, depende sa schedule ko. Busy na kasi talaga ko eh.
GRADUATING NA PO AKO! Baka hindi siya gaya nung book 1 na halos araw-araw ang UD.
Pagpasensyahan niyo na po ako. Wag niyo kong awayin. :(

Paano ako magdedicate ng isang chapter?: Kung kanino yung pinakanagustuhan kong
comment dun ko sakanya idededicate. :))

Nasa right side si Nyx Lorelei Park

XOXO

©Thyriza
####################################
Chapter 2 - Black Rose
####################################

Chapter 2 - Black Rose

Note: Papalitan ko na po ang 3rd person's pov. Baka kasi mayroong mga hindi
makagets kung kaninong point of view ang dinedescribe. So yun. Sana ok lang. :)

Nyx's POV
"Sino ka?" Naaaninag ko ang mga mata niya pero hindi ang mukha niya. Masyadong
madilim at hindi sapat ang ilaw sa poste.

"Keep this." inabot niya sa akin ang Black Rose. Tinignan ko siya ng maagi pero
nakababa na ang mata niya.

"Why do you keep on giving me this black rose? Who are you?" akma ko siyang
lalapitan pero pinigilan niya ako.

"Stay there." i frowned.

"Huh? Why? I wanted to know you. I wanted to see your face." I know i sounded
pleading pero gusto ko talagang makita ang mukha niya.

"You.. you can't see me."

"Why?" malungkot kong tanong.

"Because we can't be together." he said to me. Bigla akong nalungkot.

"Hindi mo ba ako pwedeng ipaglaban?" hindi siya umimik. "..please?" lumapit ako
sakanya pero this time, hindi na niya ako pinigilan. Pinagmasdan ko ag mga mata
niya na nangingislap. Hinaplos ko bigla ang pisngi niya at nagulat na maramdaman
kong malamig ang pisngi niya.
"You're cold." i said.

"Lorelei." he said in a husky voice. I smiled when he called me by my favorite


name. I liked being called as Lorelei that Nyx.

"What's your name?" tanong ko sakanya na pilit inaaaninag ang kanyang mukha.
Tanging mata niya ang malinaw sa paningin ko.

"I'm.." hinintay ko siyang magsalita pa.

"I'm A--"

"HAPPY BIRTHDAY!! HAPPY BIRTHDAY!! Birthday girl, gising na!!!" Halos humiwalay ang
kaluluwa ko dahil sa paninindak sa akin ni..

"AHHHH~ KYLA! ANG SARAP MONG ITAPON SA BINTANAAA!!!" Pinaghahampas ko siya ng unan
ko pero umiilag siya. Malapit na eh!! Malalaman ko na kung sino siya tapos eto at
gigisingin ako!! Argh! Tumigil ako sa sa kakahampas ng marealize kong may dala
siyang cake.

"Hahahaha. Maganda ata ang panaginip mo para mainis ka ng ganyan. Heto oh, i bought
you a cake. Happy birthday, bestfriend!." natigilan ako. Kyla treat me as
bestfriend? Parang nakonsensya ako. Hindi ko kailanman pinahalagahan ang friendship
namin though alam kong andyan sa para sa akin since high school.
"Salamat." sabi ko na lang. Lumapit siya sa akin at pina-blow yung candle.

"Oh it's nothing. What are friends are for." she giggled. Parang kunurot nanaman
ang puso ko. All this time pala, akala ko wala akong kaibigan.

"So narecieve mo na yung invitation?" tanong ko. Dalawang linggo din naming
pinaghandaan ang birthday ko. Though si Uncle Kent naman talaga ang umasikaso ng
lahat.

"Yes! Gosh girl, it's so magara! Hindi ko ata matatapatan ang debut mo ah."
nagtawanan kami. Kyla Martinez is a belongs to First Class family pero napaka down
to earth na babae. Bakit ba ngayon ko lang siya na-aapreciate?

"Sabay tayong magpaayos mamaya ah. Para isa lang ang make up artist natin." This is
the first time excited ako sa birthday ko.

"Sa hotel niyo?" tumango ako.

"Ang yaman niyo talaga."

"Kayo din naman ah! Your family owns a hospital." That's right. And almost all her
uncle including her father and mother is a doctor.
"Duh?! Hindi naman gaya niyo na maraming restaurant na inaari at hotel. Your uncle
is a business tycoon. Plus gwapo pa." she said giggling.

"Hahaha. Type mo si Uncle Kent? Sabagay, 30 years lang naman ang agwat niyo." pang-
aasar ko sakanya.

"U-uy! Wag ka nga! Baka marinig ka ni Tito Kent mo." Mas natawa ako ng makita kong
nagbblush siya.

"Inaasar ka lang naman eh." sabi ko. Bigla siyang ngumuso.

Maya-maya lang nagpaalam na siya dahil magbebeauty rest daw siya para mamaya daw
maganda sa party. Nagsimula na din akong mag-ayos ng sarili para makapagsimula ng
araw. Agad akong pumunta sa CR para maligo. After i take a bath sinuot ko ko lang
yung maluwang na shirt ko tas brown leggings. I ate my breakfast saka bumalik sa
kwarto ko. Busy ang mga katulong dahil mamaya na ang birthday ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko, balak ko sanang magbasa ng mga bago kong libro ng makita
kong bukas ang glass door ng veranda. Napakunot noo ako dahil sa pagkakaalala ko,
hindi ko yun binubuksan. Sasaraduhan ko na sana siya ulit pero nahagip ng paningin
ko ang matagal ko ng hinihintay.

Black Rose. Agad ko itong kinuha sa study table ko at masayang pinagmasdan ito.
Wala siyang amoy na gaya ng mga ibang rosas pero para sa akin siya na ang
pinakamabangong bulaklak na naamoy ko.

Naalala ko bigla ang panaginip ko. Alam ko dapat matakot ako dahil may nakakapasok
sa kwarto ko para ibigay itong bulaklak. Pero hindi ko maintindihan ang
nararamdaman ko. Imbes na matakot, gusto ko pa siyang makita at makilala para
malaman kung bakit niya ako binibigyan ng itim na rosas.
Soulmates kaya kami? Pero bakit ganun? Madaya! Ako kilala niya tapos siya ako hindi
ko siya kilala. Napabuntong hininga na lang ako at pabagsak na nahiga sa kama ko.
Pinagmamasdam ko pa din ang bulaklak na animo may kung anong pwedeng maibigay sa
akin nitong hint para makilala ko kung sino ang nagbibigay.

Yung nagbibigay kaya sa akin nito at yung nasa panaginip ko iisa? Pero bakit
kailangan itago niya ang sarili niya sa akin? Why he has to be that mysterious?

Bumangon ako at kinuha yung napakakapal kong libro at inipit doon ang bulaklak. I
have 16 black roses idagdag pa ito, that makes it 17. Kulang ng isa. T'was when my
parents are murdered. Wala akong natanggap noon na bulaklak sakanya. Siguro
nagtataka din kayo kung bakit nasa akin pa yung black rose na binigay niya sa akin
nung baby pa ako. Pati din ako hindi ko alam. Nagsimula yun nung 8 years old ako.
Before my 8th birthday, nakita ko siyang nakaipon sa isang box. Itatapon ko na sana
siya ng makatanggap nanaman ako ng another black rose.

*TOK! TOK!*

"Bukas yan! Pasok!" sigaw ko habang tinatago ang libro. Walang nakakaalam ang
tungkol dito at wala akong balak ipaalam kahit kanino. Natatakot kasi akong baka
mawierduhan sila sa akin.

"Nyx.." pumasok si Uncle Kent na nakangiti. Mukhang aalis ito dahil nakasuot siya
ng usual office get up niya.

"Good Morning, Uncle Kent." i said smiling then nilapitan ko siya to kiss his
cheeks.
"I'm here to give this to you. Happy birthday, Nyx." inilabas niya ang isang
mahabang kahita. Inabot niya yun sa akin at halos manlaki ang mata ko ng makita
kung anong brand siya. It was the Harry Winston bracelet. I've been dreaming to
have an expensive Harry Winston jewelry.

"This is so beautiful. Thank you, Uncle Kent." i gave him a quick hug..

"You deserve the best, my Niece." he said.

"Grabee! Thank you talaga, Uncle. I'll wear this sa party." paalam ko sakanya.

"Oh you should. Magtatampo ako sayo kung hindi." he said. I giggled.

Mga alas dose ng tanghali ng iinform ako ng party coordinator na i should be at the
hotel before 2 for make up ang quick shooting para daw idagdag sa videos na kinuha
sa akin nung nakaraan na araw.

I texted Kyla na sa hotel kami magkita before 2 PM. On the way na ako sa hotel ng
tignan ko ulit ang invitation. Some of my friends are on the list for 18 roses and
18 candles. Yung iba naman anak ng business partners ni Uncle. My 18th rose is the
16 year old brother of Kyla. Yeah i know.

Uncle Kent is insisting na ang maging 18th rose ko ay ang anak ng isa sa stock
holders niya pero hindi ako pumayag. Hindi ko yun kilala at hindi rin ako papayag
na kung sino lang na gusto niya ang magiging 18th rose ko. Para sa akin importante
yun. Though Kyla's brother is not that important to me, mas gusto kong siya na lang
rather than ramdom guys i don't know.
Dumating ako sa hotel at nakita ko si Kyla na naghihintay na sa hotel lobby.
Mukhang mas excited pa ito sa akin ah. Dala-dala niya ang kanyang cocktail dress
and some bag.

"Ang tagal mo." pagrereklamo niya.

"Traffic eh." i reason out.

"Oh dali na at excited na talaga ako. hihihi." sabi niya. Napailing lang ako.

We headed up to the hotel room. Nadatnan namin dun yung mga naghihintay na beauty
expert at photographer. They greeted me upon seeing me.

They started putting make ups on me habang may mga naka standby na photographers.
Magkatabi kaming minemake-upan ni Kyla kaya nag-uusap kami. Meron akong dalawang
gown for cotillion and after it. Red gown ang una kong susuotin. Isa siyang tube na
may mga maliliit na ruby at tinernuhan ng red hand gloves hanggang siko. Yung
pangalawang susuotin ko naman ay isang cocklail dress na color yellow, backless ito
pero may mga strap na nakacriscross na yari sa gold at may diamond sa gitna.

"Alam mo girl, almost perfect na an debut mo. Pero may isang kulang." she said
habang kinukulot buhok niya.

"And what is that?" tanong ko though alam ko na ang sagot.

"Loved one. Ikaw naman kasi, bakit yung kapatid ko pa ang pinili mo as 18th roses?
Alam mo ba na pinagyayabang niya sa klase niya na girlfriend niya ang isang mayaman
at napakagandang Nyx Lorelei? Di ka ba dun maiinis? Tss." natawa lang ako sa sinabi
ni Kyla

"Mas ok na si Kirby kesa naman sa classmates natin o sa anak ng business partners


ni Uncle Kent." sabi ko sakanya.

"Pero kahit. Haaay. Bakit kasi hindi ka magpaligaw? Ni hindi ko nga alam kung may
crush ka man lang. Ang lihim mo sa buhay." she said pouting.

"M-may crush din ako. K-kaso mga artista. Hehehe." nagpalusot na lang ako.

"Talaga? Sino naman? Foreigner ba or local?" natawa lang ao sa tinuran ni Kyla.


Ang totoo may crush talaga akong artista pero syempre wala akong pinagsasabihan nun
kasi ayokong mapag-isipan na isa ding dakilang fan girl.

"Si Cris Evans." sabi ko.

"Ayeee! Ang gwapo nun! Tapos yung abs niya, KYAAAH~ Makalaglag panty." we both
giggled. Hindi ko alam na masaya pala kapag may ka girls talk ka.

"Oo nga. Madami nga ako nung pictures sa tablet ko eh. Wahahaha."

Matapos akong make-up'an ng beauty expert, buhok ko naman ang inayos niya. Sabi
niya, may tiara daw ako kaya kailangan naka updo ang buhok ko, She make a bun out
of my hair at nilagay yun sa almost gitna ng ulo ko. Kung titignan, paang may manay
sa ulo ko since ang buhok ko ay hindi itim.
"Ang ganda mo girl." puri sa akin ni Kyla.

"Ikaw nga dyan eh." Natural na kulot ang buhok ni Kyla kaya nung kinulot siya mas
gumandang tignan. She is wearing a royal blue 5 inch above the knee cocktail dress
na sleeveless. Mas na-emphasize ang maputi at makinis niyang balat.

Nagphotoshoot muna kami ni Kyla bago bumaba sa hotel. Sa likod ng hotel gaganapin
ang party dahil nandoon yung napakalaking garden.

Summer night ang theme ng party kaya napakaraming lantern na nakasabit sa cable
wire. Instead of ordinary round table nilagyan siya ng canope each table. It was
perfect. Almost perfect.

Alas syete y media ng simulan ang program. I was excited, nervous, happy and
afraid. Mixed emotions are driving me crazy dahil pakiramdam ko anytime tatakbo
akong comfort room.

"Let's all welcome the debutant, Miss Nyx Lorelei Park." sabi ng Emcee habang
palabas pa lang ako sa isang mahabang aisle na may red carpet at tinapunan ng red
and white petals. Meron ding dash of white sand na kunwari messy siyang tignan pero
nagdadagdag sa summer night atmosphere.

The emcee started calling one by one the 18 bachelors o 18 roses and the 18
candles. Kyla is waving at me and i just her a smile. The cotillion started then
followed by the 18 roses.
Uncle Kent is my first dance. I was in a verge of crying when the song started to
play. This should be dads. Si daddy dapat ang una kong sayaw.

"Oh wag iiyak. Masisira ang make up." biro ni Uncle. Alam niya atang emotional ako
ngayon. Sumunod na binigyan ako ng first rose ay yung classmate ko nung highschool.
Bale 20 seconds per dance lang kaya no chance of talking ang mga nakakasayaw ko.
They just greeted me happy birthday. May mga familiar ang mukha, meron din namang
first time kong makita.

I was waiting for Kirby at the middle of the floor pero hindi ko siya makita.
Tinignan ko ang gawi ni Kyla pero nagkibit balikat lang siya.

Nakakahiya naman to. Feeling ko isa akong bride at hindi sinipot ng groom.

The music suddenly change.. more on a more romantic song. The lights dim at tanging
ang lantern na lang ang nagpapailaw sa paligid.

Thingking it was part of the plan kaya hindi ako nagpapanic. Pero nakikita ko sa
mga party coordinator na may kung ano silang hindi pagkakainitindihan.

Masyado ng matagal akong nakatayo sa gitna kaya gusto ko ng umalis dito. Before i
knew it. May isang lalaki na naglalakad palapit sa akin. He is wearing a black
armani suit at alam kong hindi siya si Kirby. Kung sino man siya, he surely saves
my night.

He gave a coutesy bago inabot ang isang bouquet of..

"Black Roses.." i whispered. I was shocked. It was him. Inaninag ko ang mukha niya
pero gaya sa panaginip ko, mata niya lang ang nakikita ko.
"Shall we dance?" it was the same husky voice from my dream.

Hindi ako naghesitate at agad kong kinuha ang kamay niyang nakalahad. His hands is
very cold. To describe it as cold as ice wasn't enough. Malamig pero nagbibigay
siya ng comfort sa kamay ko.

Matagal kong tinitigan ang mga mata niya. He didn't say anything pero parang nag-
uusap ang mga mata namin na sila lamang ang nagkakaintindihan.

Nakaramdam ako ng kakaibang tibok sa puso ko. Pakiramdam na ngayon ko lang


nalalaman. Parang may kung anong invisible strings na nagkokonekta sa akin sakanya.
Feeling ko matagal ko na siyang kilala.

"Who are you?" i manage to ask. He didn't say a word.

"Please tell me who are you." my eyes are begging. Gustong gusto ko siya makilala.

"Masaya akong makita ka sa malapitan. Akala ko hanggang tanaw na lang ako sayo." he
said. His voice is enchanting. Nakaka-inlove.

"Sino ka ba talaga?" tanong ko ulit. Bago pa siya makasagot nagsalita na ang emcee
at nag-iba na ng tugtug. I saw him hurriedly walk away from me. I know it was rude
na tumakbo habang may nagsasalita sa gitna pero kailangan ko talaga siyang habulin.
So heto ako, hawak hawak ang aking ball gown habang tumatakbo. Nakalabas na akong
garden pero hindi ko na siya naabutan.
Naibagsak ko ang lahat ng roses na hawak ko including his bouquet of black rose.
Gusto kong umiyak dahil pakiramdam ko naiwan nanaman ako.

"Nasaan ka ba? Bakit ayaw mong magpakilala sa akin?" sabi ko habang humahangos.

"Nyx! What are you doing?! Come back this instant!" napalingon ako at nakita ko ang
nagsasalubong na kilay ni Uncle Kent. Malamang nagtataka siya sa tinuran ko.
Pinunpon ko ulit yung mga rosas kasama yung bigay niya.

Nakalaylay ang balikat na bumalik ako sa garden. This time pinaupo nila ako sa
isang swing na may canope at may mga nakapuloput na veins.

The 18 candles are now talking at the middle on the stage and giving their gifts to
me pero wala dun ang attention ko. Mr. Black Rose occupied my mind.

Pinagpalit na nila ako ng damit kasi tapos na ang program. Party time, sabi nila.
Paglabas ko ng hotel habang pabalik sa garden, may nakita akong lalaki na nakatayo
sa entrance ng garden. Nakapamulsa siya at nakatungo. I recognized him ng mas
nilapitan ko siya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Our eyes met. And just
like that, parang nanghina ang tuhod ko. Parang hinihigop niya lakas ko.

"Lorelei." he said my name. He knows who i am.

"Who are you? Why do you keep on sending me black rose?" tanong ko. Tanong na hindi
niya sinasagot.

"I'll tell you my name if you give me reason why you are interested to know me." he
said.

"There are lots of reason." i said.

"Can you wait?" he said.

"Huh?"

"May paparating. Babalik na lang ako." and with that, umalis nanaman siya.
Hahabulin ko sana siya pero nakita kong papalapit si Kyla. Paano niya kaya nalaman
na papalapit si Kyla eh napakalakas ng sound system, ni hindi ko nga narinig yapak
niya.

"Hey! There you are! I've been looking all over for you. Ghad, i'm gonna kill my
brother for not dancing in your 18 roses." she sounded pissed.

"It's ok. May kapalit naman diba?" sabi ko na lang.

"Speaking! Who is he? He must be a knight for saving you in times of your almost
embarrassing moment." Nag-isip ako. Sasabihin ko ba? Magmumukha kaya akong wierd
kung sasabihin ko sakanya?

"Uhh, just a friend of mine." Simple kong sagot.


'Infairness sakanya ah. Matipuno at mukhang gwapo." para siyang kinikilig.

"Nakita mo mukha niya?" tanong ko.

"Hindi eh. Nag-iba kasi yung ilaw diba?"

"Sabagay."

***

After my debut hindi ko na muling nakita pa si Mr. Black Rose. He asked if i can
wait. Well i can. Pero kung isang linggo na akong naghihintay nakakabagot naman
yun.

"Girl, uuwi na ako. Tatapusin mo ba yan?" busy kasi kami ngayon dahil term paper
month. Individual pa naman 'to.

"Dito lang ako. Baka kasi mawala ang mga ideas ko kapag inuwi ko ito sa bahay."
sabi ko kay Kyla.

"Ok. Basta wag kang magpapagabi ah." kumaway siya saka na umalis. Nasa college
Pavillion ako ngayon at nagtitipa ng topic. Alas sais na ng hapon at konting konti
na lang ang studyante.
Habang busy sa pagttype naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Si Manong Andy
nagpaalam na maggagasolina muna daw. Binalik ko ang cellphone ko sa bag saka ulit
nagtype.

It was 6:49 ng maisipan kong iligpit ang gamit ko. Isolated na kasi ang are at
medyo pinangingilabutan na ako sa paligid. Dali-dali akong tumayo at naglakad
papunta sa parking area. Wala pa si Manong Andy. Naisipan kong sa harap na lang ng
school maghintay para hindi na siya ma-hassle pumasok.

Paglabas ko ng school konti lang ang dumadaan ng mga sasakyan. Karamihan pa mga
private vehicle. Gumilid ko ng konti sa may sulok dahil gusto kong umupo sa
pavement.

"Ang tagal naman ni Manong Andy!" pagrereklamo ko.

Napagdecisionan kong itext si Manong Andy kaya nilabas ko ang cellphone ko. Halos
mapatalon ako ng maramdaman kong may nakatutuk na matalim na bagay sa tagiliran ko.

"Ibigay mo sa akin yan kung ayaw mong butasin ko yang tagiliran mo!" binalot ako ng
panlalamig at takot. Nanginginig na ibinigay ko sa lalaki ang bag ko at cellphone.

"Please! Wag mo akong sasaktan." napapikit na lang ako dahil sa sobrang takot.
Dapat pala inuwi ko na lang sa bahay ang school works. Dapat sumama na ako kay
Kyla. Bakit ba kasi nag-stay pa dun?

"Hmm. Hindi ka lang pala mayaman, maganda ka din." napamulat ako sa sinabi ng
lalaki. I saw an evil grin on his horrible face.
"Halika dito!" hinila niya ako ng marahas at dahil sa payat ako natural na
nakaladkad ako kahit ayaw ko.

"TULO--"

"Subukan mong sumigaw at tatastasin ko yang bunganga mo!" dinuro niya sa akin ang
kutsilya na siyang mas kinatakot ko. Napalinga ako kung may tao pero wala. Dinala
niya ako sa isang sulok sa isang tindahan na sarado. Kusang umagos ang luha sa mata
ko.

"Maawa ka please." pagmamakaawa ko. Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat.


Palapit siya ng palapit pero hindi ako tumitigil na makawala sakanya. Masyado
siyang malakas para--

*BOGSH!!*

Halos manlaki mata ko ng makita kong tumalsik sa malayo ang holdaper na manyak!

"Don't you dare touch her if you don't want me to end your useless life!!" rinig
kong sabi ng baritonong boses sa holdaper. Takot na takot namang tumakbo ang
holdaper na parang nakakita ng multo.

Nilapitan niya ako at parang chiceck kung may nawala ba sa akin o wala.

"Sorry kung pinaghintay kita. Sorry kung ngayon lang ako." sabi niya tapos niyakap
ako. Hindi ko alam pero napahagulgol na lang ako sa balikat niya. Parang lahat ng
takot na nararamdaman ko biglang nawala dahil sa yakap niya.

"I'm here. Don't be scared. I'll protect you. Don't cry, my Lorelei."

________________

AHHHH~ Naiinlove na ako kay Aric. hahaha. Byebye Hansel. xD..

Ang sinungaling ko talaga. Sabi ko once a week lang ang UD eh. Hahaha, Sorry naman
naman. Wala kasi kong pasok kanina kaya nakagawa ako ng update. Sana po nagustuhan
niyo. :))

Aric Drake Kang on the right side. :))

I love you guys. Thank you for supporting this story. <3

XOXO

©Thyriza

####################################
Chapter 3 - Who is he?
####################################

Chapter 3 - Who is he?

Nyx's POV

"At bakit mag-isa kang umuwi? Nasaan si Manong Andy?!" sabat agad sa akin ni Uncle.
Inaabangan na pala niya ako sa labas ng gate dahil ginabi ako. Nagulat pa siya ng
bumaba ako ng taxi.

"Nagtext po kasi siya sa akin na magpapagasolina pero ang tagal niya kaya nauna na
po ako." pinilit kong maging casual despite yung nangyari kanina. As much as
possible ayaw kong malaman yun ni Uncle dahil baka mas lalo niya akong higpitan.

"Ganun ba? Oh sige na pumasok ka na at papagalitan ko pa yung si Manong Andy."

"Ya! Uncle wag na. Nagpahintay kasi ako sakanya ng matagal sa loob ng school kasi
tinatapos ko yung term paper ko. Wag mo ng pagalitan, kawawa naman." sabi ko.

"Hahaha. Joke lang. Ikaw talaga Nyx, you're taking all my words too seriously."
Napailing na lang ako. Pumasok ako sa kwarto ko at sakan nagbihis. Lumabas ako sa
veranda dahil may inaantay ako. He promised he will come. Nasaan ba siya?

Halos isang oras akong naghintay sa taas hanggang sa tinawag na ako ni Yaya para sa
dinner. Disappointed na bumaba ako sa kwarto at tumungong dining table. Tahimik
lang ako ng kumain. Oo mag-isa ako dahil si Uncle may kausap na supplier.

Pakatapos kong kumain pumanhik agad akong kwarto. Napabuntong hininga na lang ako
ng wala akong makitang Mr. Black Rose. He promised pupunta siya. I waited.

Pinailaw ko ang switch pero bigla itong nag-off ulit. Imposible namang walang
kuryente kasi naka on yun lamp sa study table.

"Hi." halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko nanaman ang baritonong


boses niya. Kanina pa ba siya dito?

"H-hello." medyo nahihiya ako sakanya. Hindi ako makatingin. Lumakad siya palapit
sa akin at naramdaman ko ang lamig na bumabalot sa katawan niya. Gustong gusto kong
itanong kung bakit siya malamig. Kung bakit para siyang yelo.

"Please don't be afraid of me." he said.

"I-i am not." i stutter.

"Who are you? How did you you get in here? Why do you keep on giving me black
roses? You're so mysterious. Please tell me. I beg you." i heard him chuckle.

"You'll freak out if you'll know me a lot." he said.

"Try me." i said.

"I'm not what you think i am." he look intently through my eyes.

"What are you? A creature? A monster? Are you gonna kill me?"

"I'm more than a monster." napangisi ako.


"Yeah right." lumayo ako sakanya ng konti.

"..stop joking around Mr. Black Rose--"

"Hahahaha" napatingin ako sakanya. Why is he laughing?

"You call me Mr. Black Rose. Good to know you recognize me." he gave me an amuse
look.

"Well you didn't tell me your name. What am i suppose to address you?" i asked with
full of sarcasm.

"I'm Aric." i stared at him. Aric. Sound like a protector.

"Why do you keep on sending me black roses, Aric?"

"I don't know."

"How old are you?" He looks young. At his age, alangan naman na bata pa siya
nagbibigay na siya ng bulaklak sa akin.
"21"

"Liar. Tell me the truth. Because i don't think you are human." i said.

"I am not." kahit alam kong yun ang isasagot niya nabigla pa din ako.

"Then tell me what are you. Wag mo akong papaghulain kung anong klase kang
nilalang. Kasi sa umpisa pa lang alam ko ng hindi ka ordinaryong tao." sabi ko na
ikinangisi niya.

"You are really are smart, Lorelei." he touches my hair.

"If i'm smart i'd be able to know what kind of person are you."

"I am a--"

*TOK! TOK! TOK!*

Sabay kaming nagkatinginan sa pabukas pabukas na pinto. Niluwa nito si Uncle Kent.
Napatingin ako kay Aric pero wala na siya.
"Nyx? Why are the lights out?" tanong niya.

"P-po? Eh kasi ano eh.. Uhh." napakamot na lang ako ng batok. In-on ni Uncle yung
ilaw saka tumingin sa akin na nagdududa.

"May tinatago ka ba?" Uncle looked around. Saan kaya siya nagtago? Bakit bigla
siyang nawala?

"H-ha? Wala po. Kanina pa ako sa veranda nakatambay eh. Katext ko kasi si Kyla.
Hindi ko napansin na naka off yung ilaw kasi maliwanag ang buwan." i crossed my
fingers. Sana maniwala siya.

"Is that so?"

"Opo. Bakit po pala kayo nandito?"

"Akala ko kasi tulog ka na. Just want to check on you if you are in bed." Uncle
said.

"Maaga pa naman uncle, maya-maya matutulog na ako." he nod tapos lumapit sa pinto.

"Good night." tapos sinara na siya yung pinto. Ni-lock ko naman ito saka sumampa sa
kama ko. Nasaan na kaya si Aric? Gusto ko ulit siyang makausap. Sobrang dami ko
pang itatanong.
Pinatay ko yung ilaw at in-on naman yung lampshade. Kinuha ko yung libro saka
nagbasa. Ito ang pampaantok ko. At pampasira daw ng mata, sabi ni Kyla. She find me
wierd reading english novels. Sabi niya pa, hindi daw ako magkakalove life kung
panay ang basa ko ng mga english novels kasi ang hahanapin kong standard sa lalaki
ay yung gaya sa libro.

"What are you reading?" My eyes widened seeing Aric behind me at nakikibasa sa
libro ko. Nakatagilid ako kasi gusto ko mailawan ng lampshade ang book at siya
naman nasa likod ko at napakalapit sa akin. Did i gave him permission to lay on my
bed?

"Saan ka ba nagtago?! Bakit hind man lang kita naramdaman ng pumanhik sa higaan
ko?!" medyo may halong inis sa boses ko. Kasi naman eh!

"Hindi ako nagtago. Dito lang ako. Hindi lang ako sa inyo nagpakita." sabi niya.
Pinangilabutan ako.

"Engkanto ka ba?"

"Pffft! HELL NO!"

"Haay. Sige, hindi na ako magtatanong kung anong klase kang nilalang cause i don't
think you are human. But please, act normal infront of me. Hindi ako sanay." he
just smiled. Medyo maliwanag na ang ilaw sa mukha niya. And to describe him a
handsome is not enough. He have this perfect jawline na talagang maaakit ka. His
pointed nose at almond eyes na matapang kung tumingin. His lips.. ugh! He has the
most kissable lips i've ever seen. Compare to Cris Evans, mas gwapo 'tong si Aric.
Idagdag mo pa ang pa iba-ibang kulay ng maa niya pati buhok.
"Done checking me out?" he smirked.

"A-anong-- wag ka ngang feeling!" tinalikuran ko siya saka pinagpatuloy ang


pagbabasa.

"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong niya.

"Hindi pa ako inaantok." patamad kong sabi. I am reading pero hindi ko naman
maintindihan dahil na kay Aric ang attention ko.

"Dati lagi kong hinihintay ang pagtulog mo para mapagmasdan ka." sabi niya. This
time hinarap ko na siya.

"What?" i whispered.

"Matagal na kitang pinagmamasdan. Hindi mo ako napapansin pero nandito lang ako sa
paligid mo." hindi ako makaaimik.

"Nakakatakot ka. Alam mo yun?" umupo ako saka sinandal yung likod ko sa headboard
ng kama.

"Sabi nga ng kapatid ko, baka daw magfreak out ka kapag nalaman mo kung anong
klaseng nilalang ako."
"So hindi ka engkanto?"

"No."

"Are you a witch?"

"No."

"Hmm. Vampire? Hahaha." hinintay ko ang sagot niya pero wala. Isa.. dalawa..
tatlo..

"OH MY GHAD!" I shrieked.

"I am not going to suck your blood if that's what you think." he said. Tumayo ako
saka lumayo sakanya.

"Kahit na! Gosh! You're a freaking vampire! Oh my gosh! Oh my gosh! Is this some
kind of a joke?!" i said like hyperventillating. Hindi pa din ako makapaniwala.

"Kung masama akong vampire eh di sana noon pa biniktima na kita. Hindi na sana ako
nagpakilala sayo." lumapit siya saka naman ako lumayo. I step back. He step
forward. Yun ang ginagawa namin hanggang sa macorner niya ako sa pader.
"Stay there! W-wag kang lalapit kundi.. kundi sisigaw ako!" pananakot ko sakanya
pero hindi naman siya natinag.

"Please don't be afraid of me." lumapit pa din siya. Wala akong makapa na pwedeng
panlaban sakanya. At kung meron man, matatalo din naman ako. Duh?! He's a vampire!

"Are you insane?! Sinong hindi matatakot sayo? Vampira ka! Vampira! Gaya kayo ng
mga lamok na sumisipsip ng dugo!" natawa siya ng kaunti sa sinabi ko.

"But i don't have wings." he shrug.

"Even though." lumapit pa din siya sa akin. Closer hanggang sa isag dipa na lang
ang alayo ng mukha niya sa akin. Dahan-dahan niyang linapit ang mukha niya sa akin.
I thought he's going to kiss me pero dumeretso siya sa leeg ko.

"AAHH~" Napatigil ako ng inamoy niya leeg ko saka niyakap ng mahigpit. What is he
doing?

"I've been dreaming to hug yoy like this my entire life. And now, here i am hugging
you. And it feel so good." he said in a husky voice.

I involuntarily encircled my arms to his neck. He's right. It feel so good.

"Aric.."
"Hmm?"

"N-nothing." ayaw kong magsalita pa. I don't want to let go from his hug. I wanna
stay like this.. forever. To my disappointed, he let go of me. Tinignan niya ako at
hinaplos ang pisngi ko.

May kung anong salita siyang binulong na hindi ko naintindihan.

"What did you say?"

"Wala. Sabi ko matulog ka na. Dito lang ako babantayan kiya."

"Hindi pa naman ako--" sasabihin ko sanang hindi pa ako antok pero traydor ang
aking bibig at bigla na lang itong bumuka at humikab.

"That's what i though." he chuckled. Giniya niya ako pahiga sa kama. Kinumutan niya
ako saka inayos ang unan ko sa buhok ko.

"Makikita pa ba kita pag-gising ko?" i asked in a sleepy voice.

"You will." yun ang huli kong narinig bago tuluyang kainin ako ng antok.
Nagising ako ng maaga and to my disappointment, wala si Aric. Wala siya sa tabi ko.
Ginala ko ang tingin ko pero wala siya. Kahit inaantok pa ako, bumangon ako dahil 8
ang first subject. I quickly took a shower at agad nagbihis. Pagbaba ko sa dining
room, nagulat si Yaya na makita akong nakabihis.

"Young Lady, bakit ka nakauniform?" tanong niya. Napaisip naman ako.

"May pasok akong alas otso." kumuha ako ng sandwich at pinalamanan ng peanut
butter.

"Diba po sabado ngayon?" nahulog ko ang kutsara saka napanganga.

"Kyaaaah! Oo nga pala! Wala akong pasok! Eeee!" halos gusto kong maglupasay sa
kusina. Natatawa lang si Yaya sa akin.

"WAG KA NGANG TUMAWA, YA! Nakakaasar naman!" iniwan ko yung sandwich saka bumalik
sa kwarto. Kasalanan 'to ng Aric na yun! Excited kasi akong gumising kaya ganito!
Argh! Nakaainis talaga!

Nagbihis lang ako ng jeans at tank top saka kinuha ang handbag ko. Pagbaba ko,
nakita ko si Yaya na may dalang tray ng breakfast.

"Aalis ka?"

"Ay hindi, Ya! Matutulog ulit!" pasuplada kong sagot. Napailing na lang siya.
"Hindi ka na ba mag-aagahan?"

"Hindi na po. Sa mall na lang." sabi ko saka siya tinalikuran.

"Hahanapin ka ng Senior!" pahabol ni Yaya.

"Tell him i'm out." kinuha ko na yung susi ng kotse saka lumabas.

***

Aric's POV

"Where have you been?" Agad na salubong sa akin ng aking ama. Si King Hansel.

"Lumabas po ng portal, dad." You know what? It felt wierd seeing your dad almost
look like your age. Hindi kami tumatanda. Though elders na ang tawag kela daddy,
they still looked young.

"Haay. Magagalit ang mommy kapag nalaman niyang lumabas ka ng portal." sabi niya sa
akin. Masyado kasing strict ang mommy ko pagdating sa paglabas-labas sa portal.
"Lumabas ka nanaman Aric sa portal?" Tss. Sabi ko nga matalas ang pandinig niya.

"Masama ba mommy lumabas ng portal? Gusto ko lang ng bagong atmosphere." Sabi ko


saka ko sila timalikuran.

"Aric! Come back here!" hindi ko na sila pinansin.

"Ano na ang gagawin ko sa anak natin, Hans?" i heard Mom said.

"Hayaan mo na. Ganyan din naman tayo noon." sabi ni daddy. Tuluyan na akong lumabas
ng palasyo. Nakita ko si Avia na may kausap pero wala naman siya kasama.

"Avia!" tawag ko sakanya.

"Sige. Just send him the message, ok? Bye." kumaway pa ito sa kausap kahit wala
akong nakikita.

"Who are you talking to?" i asked. She giggled.

"Si windy." she said. Minsan mas wierd 'tong kapatid ko. Dahil sa kapangyarihan
niya pwede niyang makontrol ang hangin, tubig, lupa at apoy.
"..napagalitan ka nila mommy noh?" she said while playing fire on her hands.

"I'm used to it." sagot ko.

"Ipakilala mo ako kay Nyx, kuya ah." she said tapos biglang pinalipad yung apoy sa
kamay niya at naging abo.

"Alam na niya kung ano ako." bigla siyang napatingin sa akin.

"Ano? Bakit mo sinabi?" hinila niya ako palayo sa palsyo na parang ayaw niyang may
makarinig.

"Nalaman niya. Masyadong matalino si Lorelei."

"Alam mo naman kuya na bawal ang pag-ibig na nararamdamam mo diba? Hindi kayo
pwede." I nod. Alam ko naman na hindi kami pwede dahil tao siya.

"Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya mahalin." sagot ko.

"Kasi naman kuya eh! Ang daming magagandang vampirette dito! Bakit sa tao ka pa
nagkagusto?!"
"Hindi mo ako masisisi. Naramdaman ko na lang yun." umuling na lang siya.

"Aric.. Avia.." napalingon kami sa tumawag sa amin.

"Oh Edric." siya si Edric Calix Veron. Anak siya ni Tita Erina at Tito Cris. Siya
ang nag-iisa naming pinsan.

"Kumusta? Galing ka nanaman kay--"

"Shhhh!" saway ni Avia sakanya. Alam din ni Edric ang tungkol dito. Minsan siya ang
kasabwat ko sa pagtakas ko sa portal. Matanda kami ng limang taon kay Edric pero
parepareho ang turingan namin.

"Tsk! Yan na nga ba sinasabi ko. Dude, walang secretong hindi nabubunyag." naiiling
niyang sabi.

"Eh bakit ikaw din naman inlove sa tao ah! Tss!"

"Pero hindi ko siya laging pinupuntahan. Tsaka iba si Kyla sa Lorelei mo. Maraming
nakapaligid na lalaki sakanya kaya hindi ko siya malapitan." Tama ang hula niyo. Si
Kyla na kaibigan ni Lorelei ang gusto niya. Isang beses ng magpasama akong puntahan
si Lorelei, hindi maalis ang paningin niya sa kasama ng mahal ko.

"Ang wiwierd niyo! Basta ako, i swear hindi ako magkakagusto sa tao!" sabi ni Avia.
I saw Edric smirked.
"Wag kang magsalita ng patapos. Baka mamaya niyang kainin mo yung sinuka mo. Kadiri
yun!" inirapan siya ni Avia.

"Ah basta!" napailing na lang kami ni Edric saka lumayo sakanya.

"U-uy! Saan kayo pupunta?" sigaw niya.

"Kay Wynner! Wala kang kwentang kausap eh!" sigaw ko din.

"Ha? Sasama ako!" hinabol niya kami kaya tumakbo din kami ni Edric.

***

Avia's POV

Nakakainis talaga yung dalawang yun! Iniwan nanaman ako! Tatakas nanaman kasi sila
puntang Germany. Nandun kasi si Wynner isa sa mga kababata namin. Matanda yun sa
amin ng tatlong taon pero parang kaedad lang namin. Prinsepe siya ng Paxthon Clan
sa Germany. Panganay siya nila Tita Maxhene at Tito Denver na hari at reyna na ng
Clan nila.

Napanguso ako at naupo sa bench. Ang boring kaya ng buhay prinsesa! Eh kung
pumuslit din kaya ako sa portal. Ah! Tama! Maglalakwatsa ako sa mundo ng tao.
Hihihi. Great idea. Ang talino ko talaga.

Agad akong tumayo saka kinuha ko ang susi ng kotse ko sa kwarto. Nakakatamad kasing
magteleport kaya magddrive na lang ako.

Halos paliparin ko ang kotse sa sobra kong bilis magdrive. Mabilis din akong
nakalabas ng portal kaya ginawa kong normal ang speed ko. Nasa isang diversion road
ako ng may nakita ako sa hindi kalayuan na isang motor at tila nasiraan ito dahil
umuusok siya. Nakita ko yung driver panay ang sipa niya sa motor.

Dahil sa likas na mabait ako, hininto ko ang kotse saka umibis dun para tanungin
kung ano ang maitutulong ko.

"Hi, may maitutulong ba ako?" i said so nice. This is the first time na may
kakausapin akong tao kaya dapat mabait ako since he look nice naman. Tinignan niya
ako baba taas saka ako in-snob. Say what?

"Wag na miss. Baka ako pa ang may maitulong sayo." hindi ko nagustuhan yung sinabi
niya kaya napataas ang kilay ko. Ganun pa man, i tried my best para maging nice pa
din.

"My tools ako sa kotse. Gusto mo bang hiramin?"

"Wag na! This motor is useless anyway!" tapos tumingin siya sa akin.

"..can you give me a ride?" maangas niyang tanong. Ngayon ko lang nakita ang mukha
niya and he look so cute. Masungit tignan pero gwapo siya.
"Sure. Saan ba punta mo? Pwede kita ihatid." pagmamagandang loob ko. Hindi nya ko
sinagot bagkus kinuha niya phone niya sa bulsa at nagtext. Tapos tumingin siya sa
akin.

"Sa MOA. May kakatagpuin ako." sabi niya. Napatango ako. Saan ba yung MOA? Ahh~
bahala na nga.

________________________

Nagsisilabasan na po isa-isa yung characters. Hindi lang 'to puro kalandian ni Aric
at Lorelei. Wahahaha. :D

At the right side si Avia, Edric, and Kyla. :))

XOXO

©Thyriza

####################################
Chapter 4 - The Damphyr Princess
####################################

Chapter 4 - The Damphyr Princess

Avia's POV
30 minutes na akong palibot-libot sa mundo ng tao pero hindi ko mahanap kung saan
ang MOA na sinasabi ng lalaking nakasakay sa sasakyan ko ngayon. Tulog siya kaya
hindi ko naman matanong. Please MOA magpakita ka sa akin.

Dahil natraffic kami, kinuha ko yung cellphone ko at in-on ang GPS ko. Please lang
gumana ka. Tinype ko yung MOA at agad din namang lumabas.

PASAY, near manila bay. It's actually Mall of Asia.

Hindi ko rin alam kung saan 'to eh. Haay. I press the navigation para maituro ang
direction. Lumuwang yung daan kaya derederetso na ang pagdrive ko.

Nakahinga ako ng maluwang ng makita kong nagmumura sa laki ang pangalang Mall of
Asia na nakikita ko sa daan. Lumiko ako na siya namang ikinagising kitong tulog na
lalaki.

"We're here." Nakangiti kong sabi. Napaunat siya at nilibot ang tingin.

"Sige." agad siya bumaba. Teka, wala man lang thank you ganun? Inis na ini-start ko
ulit ang makina, pero bago pa ako makalabas dumungaw siya sa bintana ng kotse at
nagsignal ng 'wait'. Baka magpapasalamat na siya. Hihihi. Binuksan ko yung bintana.

"Yes?"
"Uhh, kasi late na ako sa date ko eh. Pwede bang ikaw ang sumipot sakanya?" halos
mapaarko ng 360 degrees ang kilay ko. Aba! nag-uumapaw pala 'tong lalaking 'to sa
kakapalan ah!

"..tatanawin kong utang na loob ito sayo kapag ginawa mo to. Please?" nagmamakaawa
yung niya. Napabuntong hininga ako. Dahil sa wala akong magawa pumayag ako.

"Sige. But.. in one condition." i said. I heard him sigh.

"Anything."

"Pakatapos kong sipotin ang kadate mo, ako naman ang ililibot mo sa mundo niyo-- i
mean sa manila. deal?" hinintay kong sumagot siya. Ang tagal naman!

"Fine!" sagot niya. Yes! Pinark ko ang sasakyan saka umibis dito. Sabi niya, nasa
*** restaurant daw yung kadate niya. Bumili kami ng isang bouquet ng roses saka
hinanap yung date niya.

"Ayun siya oh. Yung nakasuot ng blue." tinuro niya yung babae. She seem nice. Panay
ang tingin ng babae sa wrist watch niya.

"Paano ako makakasigurong hindi mo ako tatakasan pakatapos nito?" Aba, kailangan
kong maging sigurado. Baka iwan ako nito eh!

"Here. My Cellphone." inabot niya yung phone na agad ko namang kinuha. Nagpalit
kami ng phone kasi daw dapat naka standby ang call mode para marinig niya ang
sasabihin ng date niya.

Naglakad na ako palapit sa resto dala ang bulaklak. Nilapitan ko yung babae at
napatingin lang siya sa akin na parang alam na niya at ineexpect niya ako.

"Let me guess, he made you come here! Where is he?!" mataray niyang tanong. Hindi
ko naman pala masisisi yung lalaki kung bakit ayaw niyang sumipot. Uy ay pala ang
babaeng ito eh!

"He wants to be here personally but unfortunately he was sooo tired last night so
hindi ko na siya ginising para katagpuin ka. We had a great night kasi kagabi and
you know, nasabi niya yung tungkol sayo kaya ako na nagprisinta na pumunta dito."
nakangiti kong sabi. Halata namang nag-uusok siya sa galit sa sinabi ko kaya
napatayo sya.

"How dare you! FYI malanding babae fiance ako ni Keir! If he slept with you for
sure kagustuhan mo yun! Slut!" Nangangati na ang kamay ko para sampalin siya pero
dahil maganda ako, i tried my best para icomposed ang sarili ko. I gave her my
million dollar smile saka siya tinignan baba taas.

"You know what? You look matured. No wonder Kurt-- i mean Kier hooked up with me.
Narealize niya kasing kapag magkasama daw kayo, nagmumukha kang matrona!" inilapag
ko yung bulaklak sa mesa niya.

"If you'll excuse me. Kier is waiting for me outside!" tapos agad akong umalis.
Mahirap na, baka masabunutan ako nung babae.

Nakita ko yung lalaki na Kier ang pangalan na nakatayo sa block 3 at sinalubong


akong nakangisi.
"Gosh! You're an angel!" he gave me a quick hug.

"Angel?" taka kong tanong.

"Gustong gusto ko na talaga yung hiwalayan eh. Kaso lagi akong tinatakot. Ikaw lang
pala ang makakatalo sakanya. Anyway, I'm Kier Ford. And you are?" he extend his
arm. Kinuha ko yun saka nakipag shake hand sakanya.

"Avia Dysis Kang." sagot ko.

"Nice name. So friends na tayo ah. Sorry for being rude kanina." nakangiti na niya
ngayon. Nawawala pala ang mata niya kapag ngumingiti.

"So tara? As promised. I'll tour you around." he said.

"Sige." masaya kong pahayag.

***

Nyx's POV
Naglibot-libot lang ako sa mall at minsan kapag may nagandahang damit binibili ko.

Kinuha ko phone ko ng vibrate 'to sa bulsa ko.

From Kyla:

Where are you? Pumunta ako sa inyo.

Kita tayo. I have something to tell you.

Agad akong nagreply upon reading her message. Ano naman yung sasabihin niya? Pero
ok na din yun para may kasama ako dito sa mall.

To: Kyla

Here at mall.

I'll meet you at the foodcourt.

Binalik ko sa bulsa ang phone sa naglibot nanaman. Napansin ko ang dalawang lovers
na masayang nag-uusap habang naglalakad. Yung lalaki nakaakbay sa babae, yung babae
naman nakahawak sa bewang ng lalaki.

A picture perfect. Ano kaya ang pakiramdam ng boyfriend? I never had one. At hindi
naman ako nahihiya na NBSB ako. Actually hindi daw halata na NO BOYFRIEND SINCE
BIRTH AKO since marami talagang umaaaligid sa akin simula nung high school pa lang
ako.

Bakit nga ba hindi ako nagpaligaw? Bakit wala akong natipuhan ni isa sa manliligaw
ko? Ah! Kasi masyadong mataas ang standard ko sa lalaki.
Gusto ko kasi yung kaya akong protektahan.

Gaya ni Aric?

Hindi!

Gusto ko yung pamysterious look pero madaling mabasa kung ano ang iniisip.

Si Aric yan.

Hindi nga kasi eh!

Tsaka gusto ko yung maraming pasurpresa sa akin.

Confirmed! Si Aric nga!

Bwesit hindi nga! Bakit ba tinatraydor ako ng utak ko ngayon? Lahat na lang si Aric
ang naiisip! Eh hindi naman siya tao! Isa siyang.. vampire.
Tsaka hindi ko alam kung ano kami. Maybe he's a friend? A friend? A friend who gave
you flowers? A friend who kisses you in forehead ad neck? Napailing ako.
Nagmomonologue nanaman ako. I shouldn't be thinking of him in the first place.

"Nyx!" napalingon ako sa tumawag. Nandito na pala ako sa foodcourt hindi ko man
lang napansin. Papalapit na sa akin si Kyla at mukhang bothered ang mukha.

"Kanina pa kita tinatawag! Nakatulala ka." sabi niya sa akin. Kasalanan ito ng Aric
na yun! Siya na lang lagi kong naiisip!

"Guni-guni mo lang yun!" palusot ko. Pumasok kami sa beanbag saka nag-order ng
cheesecake.

"Naku, sana nga guni-guni ko lang ang lahat!" sabi niya after naming makapag-order.
Ang late naman ata ng sagot niya? nag buffer naman ata masyado ang utak niya.

"What do you mean?" i asked while taking pictures of my cake. It looks good kasi.
Perfect for insta. Lols.

"Kagabi, bago ako matulog lumabas ako sa veranda ng kwarto ko which i always do
naman diba?" there is a bit anxiousness on his face.

"Oh tapos?"

"Remember the acasia tree infront of my veranda?" Tumango ako.


"..well i saw an eye looking to me!" then she cried. Tinabihan ko naman siya kasi
she needs comfort.

"Anong eye? As in mata? Eyeball alone?" i asked.

"It has shadow. Human figure. Pero mata lang yung nakita ko. Color red siya and
it's freaking me out! Sa palagay mo ba minumulto ako?!" gusto kong matawa sa sinabi
ni Kyla pero pinigilan ko dahil baka mainis siya sa akin. Kung siya minumulto, ako
naman pala binabampira?

"Are you sure? Hindi ka naman ba nagddrugs?" paninigurado ko. She punch me lightly
sa braso.

"Nyx naman eh! I'm serious here! Ikaw lang pinagsasabihan ko kasi alam kong
pagtatawanan lang ako nila kuya at Kirby! Para ngang ayaw ko ng sumapit ang gabi
eh! I'm really scared!" Somehow, alam kong nagsasabi ng totoo si Kyla. There's no
reason for her to invent stories.

"You want some sleep over in my house?" i said. Napatingin lang siya sa akin.

"Then what? Another sleep over again? I can't do that every night. If i could hire
a person to guard me while sleeping i will do that. I don't care the price, he or
she just have to guard me without sleeping." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin
kay Ky. Hindi ko pwedeng sabihin na 'Hey Kyla, it's ok. Ako nga may vampira sa
kwarto ko kagabi.' No! I can't do that! It will worsen her fright.

"Wag mo munang isipin. Basta mamaya mag sleep over ka sa amin. Para nama bonding
natin." hinawakan ko ang kamay niya trying to make her ok.

"Sige. That's a good idea para na din makalimutan ko yun. Grabe it still gives me
creeps!" sabi niya habang nakahawak ang kaliwang kamay sa kanang braso at
hinihimas-himas yun.

Sa tingin ko nakalimutan ni Kyla yung creepy moment niya daw nung pumasok kami sa
dept. store. Agad niya akong hinila sa mga new arrival at nagsulat ng shoes.

"I love parisian talaga." sabi niya habang sinusukat yung neon green stiletto.

"Change the color! Para kang traffic enforcer" commento ko. She pouted.

"But i liked it. Tsaka limited editio oh." hinayaan ko na lang siya at tumingin din
ako ng iba. May nakita akong doll shoes kasi walang size ko. Nakakahiya mang
sabihin pero maliit talaga paa ko. 5 or 6 lang ako kapag bumibili.

"Miss may 5 ba kayo neto?" tanong ko sa sales lady.

"Wala po ma'am eh. 7 po kasi ang starting size sa section na 'to. Try niyo po yung
kiddie section." Napasinghap ako sa sinabi niya. Sarap batuhin ng high heels ah!

"Oh? Anyare sayo?" tanong ni Kyla nung binalikan ko siya.


"Bwesit kasi yung sales lady!"

"Let me guess. About sa size ng paa mo yan no?" natatawa niyang hula.

"Kasi eh!" pagmamaktol ko. Eh kasi, magkapareha kami ng height ni Kyla pero 7 ang
size ng paa niya tapos ako 5.

"Alam mo pasalamat ka yan lang defect mo, paa. Sabi kasi ni lord masyado ka ng
maganda kaya lagyan din ng kaunting imperfectness." napa 'tss' lang ako sa sinabi
niya.

"..and you should be happy, ganyan din ang size ng paa ni Cinderella."

"I'm no Cinderella" i said.

"Hmm. Sabagay. Masyado kang mayaman at hindi ka inaapi."

Sunod naming pinuntahan ang grocery store. Bumili kami ng maraming bag of chips
like lays and ruffles. Favorite namin yun eh though 60 percent ng binibili namin is
air. Atleast masarap.

"Are we going home na ba? Samahan mo ako sa amin. Kukuha ako ng damit saka
magpapaalam ako kay Kuya." sabi niya. Tumango lang ako. Napag-alaman kong nagtaxi
lang pala si Kyla. Dumaan kami sa bahay nila. Wala ang parents niya kaya sa kuya
niya siya nagpaalam.
Nakita ko naman si Kirby at panay ang sorry sa akin dahil hindi niya daw ako
nasipot. Bigla na daw kasi siyang nakaramdam ng tawag ng kalikasan. I told him it
was ok. Way ok dahil nakilala ko finally si Aric.

We drove to my house at naabutan ko na dun si Uncle Kent. Alas singko pa lang ah.

"Uncle, mag-ssleep over po dito si Kyla. Ok lang?"

"Oh sure." nakangiting sabi ni Uncle. I heard Ky giggled. Kinikilig nanaman 'to.

"Gwapo talaga ng Uncle mo, Nyx" mahinang bulong niya.

"Hahaha. Uncle gwapo ammph!" agad niya tinakpan bibig ko. Hahahaha.

***

Avia's POV

"So you're actually a rebel?" i asked this man named Kier.


"Yup."

"But you don't look like one. Wala ka namang piercing and such. Do you smoke? Tsaka
yung motor mo hindi naman siya bigbike.. and.. you're not wearing a leather
jacket." natawa siya sa sinabi ko.

"I said rebel. I didn't say goth."

"Goth? You mean gothic people?" he nodded.

"Nagrerebelde lang ako kasi ang lolo ko gusto niya siya lagi nasusunod. I was
actually his only grandson-- illigitimate grandson if i may say so."

"Kawawa ka naman pala." sabi ko.

"Oh please don't. I actually enjoy my life right now. Kanina nung nakita mo ako
galing akong tagaytay. Pero tinawagan ako ni Lolo na sipotin ko si Ariana. He said
puputulin niya ang sustento sa akin kapag hindi ko siya pinuntahan."

"Nakakatakot naman pala ang lolo mo. I am lucky my Grandfather is so nice to me." i
said giggling.

"He's lucky to have a beautiful grandchild like you." he said. Alam ko ngayon pa
lang nagbblush na ako. Kapag nalaman niya kayang half human half vampire ako, ano
gagawin niya? Kakatakutan ba niya ako?
"..saan ka pala nag-aaral? Highschooler ka ba?" i was taken aback. Do i look that
young? Graduate na ako sa college. Infact, i am planning to go to italy to pursue
Pyschology.

"College na ako. First year college. Pero nagstop ako kasi hindi ko pa alam kung
ano ang course kong kukunin." nagpalusot na lang ako.

"Ahh. Sorry na-offend ata kita."

"Ok lang. It's actually a compliment for me." pareho kaming nagtawanan sa sinabi
ko.

"So where do you live Miss Avia?"

"Oh everywhere." i joked. He narrowed his eyes.

"Yung seryoso."

"Uhh, sa malayo ako nakatira. The truth is, this is the first time na nakapag gala
ako." tinignan niya akong parang hindi naniniwala pero hindi nagtagal ngumit siya
sa akin.

"That's why you want me to tour you around?"


"Yes."

"Then it will be my honor to be your tour guide. Where do you want to start?
Because roaming around the mall cannot be considered as touring." he said.

"And your point is?"

"We can go to different places. Like i always do. Tatlong taon na akong nagtatravel
sa iba't ibang places simula nung-- hehe simula nung nagrebelde ako." bigla nag-iba
yung hitsura niya. He seems hiding something pero ayaw niyang ipahalata o ipaalam
sa akin. Sabagay, we just met each other. It doesn't mean na friends na turingan
namin eh kailangan mag share na kami ng secrets kasi even me-- not ready to tell
him the truth.

***

Nyx's POV

Katatapos lang namin magdinner ni Kyla kasabay ni Uncle Kent. Nagbihis na kaming
pantulog at siya naman pumipili ng movie na papanourin namin.

"May napili ka na?" i asked her.


"Let's try this? Have you watch this already?" Pinakita niya yung DVD cover. The
movie titled Pee Mak.

"I told you, Uncle Kent always buying me DVD's and i have no time to watch." she
nodded.

"Sige eto na lang na Pee Mac. Parang comedy 'to eh" sinalang na niya sa player saka
tumabi sa akin. Binuksan ko naman yung ruffles saka nagsimula na kaming kumain.

Thai movie pala yung papanuodin namin, nung una romantic siya kasi mahal na mahal
nung lalaki yung asawa niya. Pero bigla na lang kaming napa..

"AHHHH~~" sigaw namin nung nasa part ng hindi naniniwala yung lalaki na patay na
yung asawa niya at pilit siyang pinapaniwala nung mga kaibigan niya.

"Where the hell is the remote?!" i almost shout. Hindi naman kasi talaga ako
nagulat dahil dun sa movie. Nakatuon kasi ako sa pinapabuod ko ng biglang sumigaw
si Kyla. Nagulat siya nung nagpakita yung babae.

"I don't know it was some kind of horror! Ghad! If i know! Kaya nga ako matutulog
dito para makalimutan yung nightmare ko tapos eto nanaman naalala ko!" Nakita ko
talaga sa mukha ni Kyla na takot siya. I immediately turn on the lights at pinatay
yung player.

"We should sleep. Oh gusto mo maghanap tayo ng comedy para mawala sa isipan mo
yung.. you know." she shook her head.
"Matulog na tayo." she said. Nagtabi kami. Queen size bed ang higaan ko kaya kasya
kami. Pinatay ko na yung ilaw leaving the lamp shade on.

"Good night, Nyx."

"Good night, Kyla." sabi ko. I closed my eyes when Aric's face appeared on my mind.
I opened my eyes. Bakit ba siya ang naisip ko? Speaking if him. Sana naman hindi
siya pumunta. Matatakot sakanya si Kyla eh.

I checked on Kyla and saw her sleeping soundless. Pinikit ko na din mata ko para
matulog.

My eyes closed pero bukas ang isipan ko. Hindi pa ako inaantok. Parang may
hinihintay ako.

What. Are you waiting for Aric? My mind asked in disbelief.

"I'm not waiting for him. Hindi lang talaga ako makatulog." mahina kong sabi.

Hindi nagtagal, dinalaw na din ako ng antok. Napahikab na ako kaya tuluyan ng
nilamon ang bukas kong isipan ng aking antok.

_
(Play the video on the side, it matches suits this chapter.)

Nagising ako sa malamig na hangin na dumampi sa balat ko. Sinulyapan ko si Kyla at


mahimbing na natutulog. Napansin ko naman na yung kurtina nung sliding door sa
veranda ay gumagalaw. Hindi naman yun gagalaw unless.. bukas!

Sinaraduhan ko yun i swear! Dinouble check pa yun ni Kyla kasi nga takot siya.
Bumangon ako para isarado yun pero nakita ko sa labas ng veranda may rebulto ng
lalaki na nakatalikod. Parang nagtaasan ang lahat ng balahibo ko.

"Hindi ko alam na may kasama ka pala." he said without looking at me. So alam niya
agad ang presence ko?

"A-aric.." i whispered his name. He slowly turned to me.

"Matulog ka na ulit. Ayokong nagpupuyat ka." he said. Nilapitan ko siya.

"Bakit wala ka na sa tabi ko nung pag-gising ko?" i asked him.

"Leaving you that day was the hardest thing for me but i had to. Hindi ako dapat
nagpapaabot ng umaga at baka may makakita sa akin." he said.

"Oh." nasabi ko lang.

"Sino yang katabi mo? Si Kyla ba?" Napatingin ako sakanya. Kilala niya si Kyla?
"You know her?" i asked. He smiled meaningful. Gusto niya ba si Kyla? Parang hindi
ko gusto yung idea na yun. Gusto kong ipagdamot si Aric kaht kanino.

"Yes." tipid niyang sagot. Baka gusto niya si Kyla tapos ginagaw niya lang akong
tulay para mapalapit kay Kyla? Eh ano naman kung may gusto siya kay Kyla? Hindi
naman kami.

"S-sige, matutulog na ako." sabi ko. Tatalikod na sana ako ng magsalita pa siya.

"Can i have a request?" he asked. Request? Baka sasabihin niyang kung pwede ko
siyang ilakad kay Kyla?

"Anything." i said instead.

"Can you give me a hug? Before i leave? Baka kasi matagalan bago tayo magkita
ulit." Nararamdaman kong malungkot ang boses niya. At somehow, mas nakakalungkot sa
part ko ng sabihin niyang matagal bago ulit kami magkita.

"S-sure." i hesistantly move closer to him and gave him a hug. It was a quick hg
for me. I was about to pull away ng hilain niya ako pabalik and hugged me tighter.
He's cold but a can feel warm. Warm on his cold hug.

"Please be safe. Promise me na hindi ka magpapagabi. Hindi ko mapapatawad ang


sarili ko kapag may mangyari sayong masama at wala akong nagawa. Can you promise me
that?" he whispered near my ears.
"Why are you saying those words to me? What it is to you if i am not safe? What it
is to you kung magpapagabi ako sa da--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng
bigla niya ako siniil ng halik.

My eyes widened. I was so shocked! Being kissed by Aric was never in my wildest
dream pero heto ako ngayon, savouring the moment. Feeling and responding to his
kisses. I felt the need. I need him. I don't want him to go. I want him always by
my side. I felt him smiled between our kisses.

Hinihingal akong kumalas sa mga halik niya. He was my first kiss and it was worth
it.

"Please promise me you'll be safe. Be safe for me." he almost whispered. Pinagdikit
niya nag noo namin.

"I promise." sabi ko though hindi yun ang gusto kong sabihin. Gusto kong sabihin
sakanya na ayaw ko siyang umalis.

"Good." he smiled. Papasok na sana akong kwarto ng nilingon ko ulit siya.

"Ah.. Aric?" Sige Nyx, sabihin mo sakanya na ayaw mo siyang umalis.

"Hmm?" he wasn't smiling but his eyes do. Para naman akong natorpe. Nahihiya ako.

"W-wala. Sige." pumasok na ako ng tuluyan sa kwarto.


"Remember your promise." he said. I turned around pero wala na siya. I sigh. Why do
i feel this way? There's something inside na parang nawala at naisama ni Aric.
Hindi niya sinabi kung ano'ng reason niya at mawawala siya pero alam kong babalik
siya. I trust him. And i'm willing to wait for him.

_____________________

Hmm. Saan kaya pupunta si Aric? Kasi ako personally hindi ko pa alam. Wahahaha.
Mag-iisip ako ng magandang dahilan.

Sa right side po ang complete characters na lumabas na sa chapters. Wala pa dyan si


Wynner at iba pa. Arraso? :)

Sa naguguluhan heto ang makakapaglinaw sa isipan niyo.

Aric Drake & Avia Dysis is the son of Hansel & Ingrid

Nyx Lorelei is some random girl na nagustuhan ni Aric. She has nothing to do with
vampires. Love interest siya ni Aric.

Edric Calix is the son of Erina & Cris

Kyla Martinez is the friend of Nyx na type ni Edric

Kier Ford is the guy that Avia met.

Wynner (Pronounced as Wayner) is the eldest son of Maxhene & Denver. Hindi pa naman
siya lumalabas sa story kaya hindi ko muna sasabihin kung ano siya.

Questions? PM me.

Alam ba ng kambal na dating tao ang mother nilang si Ingrid? Darating tayo dyan. :)

That's it for today. See you on the next update. :)

XOXO

©Thyriza

####################################
Chapter 5 - Escape for Clubbin'
####################################

Chapter 5 - Escape for Clubbin'

Nyx's POV

"Bakit ka ba nakapangalumbaba dyan? Malayo pa ang byenes santo uy!" sita sa akin ni
Kyla. Nasa school kami at tatlong lingo ko ng hindi nakikita si Aric. Alam ko dapat
hindi ko siya iniisip pero hindi ko talaga mapigilan. Wala naman akong gusto
sakanya eh. Diba? Hindi ako denial kasi wala naman talaga akong nararamdaman
sakanya.

"Wala! Ang boring lang kasi talaga ng buhay" sabi ko.

"Eh di let's go party? You want? Matagal na din tayong hindi nakakapag-party." she
said. Nag-isip naman ako. Sabagay, simula nung nag 18 ako hindi na ako tumatakas sa
gabi. Kung kailan tulot naging legal na ako saka ako hindi nagpaparty. Now i don't
need a fake ID.

"Sure!" sagot ko. Pumalakpak naman si Kyla na nasiyahan. Pero there's this other
voice my head na sinasabing wag akong pupunta.

'Please promise me you'll be safe. Be safe for me.'

'Remember your promise.'


Ugh! Hindi naman niya malalaman eh. Tsaka ngayon lang, kasama ko naman si Kyla.
Kahit kailan hindi pa kami napahamak sa pag paparty namin.

"Just like the old days. Hihintayin kita sa labas ng bahay niyo. I'll bring my
car." she giggled.

"Yeah yeah. Bring Maurice para mas masaya." sabi ko. Si Maurice ay yung blockmate
namin sa Literature na kasundo namin sa party.

"Ofcourse! Ohhh i can't wait for tonight. Good for you, you're legal now. But don't
worry weeks from now i'll be 18 too and i don't need that fake ID." she said.

After our whole day class, Kyla and i make separate ways. Siya na daw bahala kay
Maurice. Habang ako naman pinagpaplanuhan lung paano mamaya makakatakas. Halos
dalawang buwan na din akong hindi nakakapag party eh.

Pagdating sa bahay wala pa si Uncle Kent. Sabagay, 5:30 pa lang naman. 11PM kami
laging tumatakas ni Ky eh and so far hindi pa ako nahuli ni Uncle. Kasabwat ko kasi
si Yaya pero this time ayokong idamay si Yaya. Tulog na si Uncle kapag 10 kaya no
worries ako.

Inihanda ko na lang yung susuotin ko. I decided to wear my skinny jeans matched
with my hanging black printed tank top. Simple yes. Ayokong nang-aagaw ng attention
sa bar kaya simple lang ako. Pinili ko yung flats ko para hindi masakit sa paa
mamaya at ayokong magreklamo sa sarili ko kung bakit ako nag-suot ng heels.

I recieved a text from Kyla na ok na daw ang lahat. Maurice will be waiting at the
bar na lang.
7:00 na kaya bumaba ako sa living room wearing my pajama. Nadatnan ko si Uncle Kent
na may kausap sa phone, as usual.

"Uncle let's eat na po." i called him. He made a hand gestures saying 'mamaya na'.
Tumango na lang ako saka ko sinimulang kumain.

Natapos na akong kumain pero hindi pa din tapos si Uncle sa conversation niya sa
phone. Haay. Bumalik na lang ako kwarto. Inihanda ko yung make up kit ko sa
shoulder bag ko. Sa kotse na lang ako ni Kyla maglalagay ng make up.

Nahiga ako sa kama saka kunwari naglalaro ng Hero farm Saga sa tablet. May less
than 4 hours pa ako para magtulogtulugan. Buti nga at hindi naman ako nahahalata ni
Yaya. Hindi na ata sumasagi sa isipan niya na nagpaparty pa ako.

Alas nwebe na at naabutan ako ni Uncle na nanunuod ng TV. Nakadapa ako at umupo
siya sa corner ng kama ko.

"Sorry i didn't join you for dinner" he said. So what's new.

"Ok lang po" sagot ko habang agsscan ng channels.

"Hindi ka pa ba inaantok?"

"Hindi pa po. Magbabasa pa ako ng libro Uncle para pampaantok." i beamed at him.
"Sige. Labas na ako. This day is very tiring for me. Maaga akong matutulog."
humikab siya. Halata naman na pagod siya dahil napakalalim ng mata niya saka ang
nangingitim niyang eyebags. Sayang naman ng Uncle ko, napaka gwapo at hindi man
lang nag-asawa dahil sa akin.

"Sige po, Uncle Kent. Goodnight." lumapit ako sakanya saka siya kiniss sa cheeks.
He beamed at me. Palabas na siyang kwarto ng ng lingunin niya ako.

"Wake up early tomorrow, dadalhin kita sa companya." he said saka tuluyan ng


lumabas. OH EM! Kung wasted akong uuwi imposibleng magising ako ng maaga without
Yaya's wake up voice. Should i tell Yaya? Agad akong umiling sa naisip ko. Hindi
pwede. Buti na lang laging nakatago yung rope ladder sa bushes ng garden sa ilalim
veranda ko.

Alas onse na. Tumayo ako saka nagbihis. Pinatungan ko ng bath roab ang damit ko
saka ako lumabas ng kwarto para icheck kung tulog na si Uncle. I slowly opened his
doorknob without making any noise.

Napangiti ako ng makita kong tulog na si Uncle. I tiptoe pabalik sa kwarto ko saka
ko nilock ang lock sa loob. Hindi dapat makapasok si Yaya sa kwarto ko.

*BEEP! BEEP!*

Napasilip ako sa bintana saka ko nakita si Kyla na kumakaway sa akin. I mouthed


'wait sign' tumango lang siya. Kumuha ako ng jogging pants saka plain white blouse
saka ako umalis na. I locked my door sa ako dahan-dahan na bumaba papuntang back
door.
Tinaas ko ang bakod na yari sa bakal. Buti na lang at expert na ako sa ganito.

"Ayeee! Me so egzoited!" Kyla squeals as i jumped out he fence.

"Tara na bago pa sila magising." sabi ko. Agad kaming sumakay sa kotse niya. Ako
naman nagsisimula ng maglagay ng make up sa mukha at tinanggak ko ang roab sa
katawan.

"Malapit na tayooo~" she said singing like.

Bumaba kami sa Stratosphere Club house. Maraming mga magagarang kotse na nakapark.
Well known 'tong bar na to as night out ng mga College student sa school namin,
almost.

Hindi na namin kailangan ipakita ang ID namin sa bouncers dahil kilala na nila kami
ni Ky.

"Log time no Club Ms. Nyx." sabi nung head waiter sa amin.

"We want the usual." Kyla said.

"Ofcourse. Ms. Maurice is there already, waiting." he guided us to a VIP area. Nasa
second floor siya ng Club. It was a couch type at may round table sa gitna na may
mga ladies drink ng nakaready at some pika-pika.
"Giiiiirls!" Maurice squeals. She stands up habang tumatalon-talon.

"Hi Mau." nagbeso-beso kami saka umupo sa couch.

"Gee! Nyx mas gumaganda ka lalo. Legallity suits you dear!" sabi niya saka kami
binigyan ng tig-isang shot glass.

"Haha. I know right. Ang sarap maging legal." sabi ko.

"Cheers!" Kyla lift up her margarita glass na kakukuha pa lang niya.

"Cheers!" we second the motion.

Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan habang umiinom. Ladies drink lang naman 'to
kaya light lang. Kahit pala nung wala kami laging nandito si Mau. Wala daw siyang
absent kaya masaya siya na bumalik kami dito sa Club.

I checked on my wrist watch and it was 2:30 in the morning. Napasarap naman ata ang
kwentuhan namin. Hanggang sa nagyaya si Maurice na sumayaw. We agree naman dahil
kahit nasa table pa lang kami napapasayaw na kami sa malakas na tugtug.

(Now Playing: Get Loose - Sohanny ft. Vein)


Nakipagsiksikan kami sa mga nagsasayaw. Lights were dark pero nakikita ko mga mukha
nila. Mga familiar faces na nasa school namin nag-aaral.

"GET LOOSE!" Maurice screams wildly together with Kyla. Yeah, wild sila sa sayawan.
Ako din naman pero i never danced with a man na parang kinikiskis na ang katawan sa
kasayaw gaya ng ginagawa ngayon ni Maurice. Natawa na lang ako.

May lumapit na lalaki kay Kyla at nakipagsayaw. He was handsome and all pero Kyla
snobs her. That's make the man looked pissed. Napahinto ako sa pagsasayaw ng
hablutin niya sa kamay ni Kyla.

"Don't touch me you twerp!" Kyla hissed. Agad kong nilapitan si Ky at galit na
hinarap yung lalaki.

"Back off! Can't you see my friend isn't interested in dancing with you!" mataray
kong sabi ko.

"Whoa! Tigress! I love that!" he smirked. Napahalukipkip ako. May lumapit na apat
na lalaki sa kaharap namin.

"Bro, let's go!" the man called him. Tinignan ako nung lalaki na gustong sumayaw
kay Kyla saka siya ng grin.

"Wait lang!" he said tapos lumapit sa akin.


"Type mo ba ako?" My eyes rolled. Ang hangin pala ng nilalang na 'to!

"The hell! Wag kang assuming Mr-not-so-nice-guy." nakapameywang na ako. Si Kyla


naman kumapit sa braso ko at parang gusto akong hilain.

"Nyx, tara na. Wag mo na siyang pansinin." Kyla whispered to me. I sigh. Tumango
ako saka kami sabay a tumalikod.

"Wait wait wait!" sigaw nung lalaki pero hindi namin pinansin ni Kyla. Pataas na
sana kaming hablutin niya braso ko. Napatingin ako sakanya. I gave him a death
glare. Bwesit ang sakit at ang higpit ng hawak niya sa braso ko ah!

"No one dares to turn their back at me! Ikaw pa lang!" nag-aapoy sa galit ang mukha
niya.

"Good to know." i smiled para mas maasar siya pero mas lalo niyang hinigpitan ang
hawak sa braso ko.

"Nyx tama na." again Kyla's voice behind me.

"Hindi mo ba ako kilala?" i narrowed my eyes. Pakialam ko ba kung sino siya? I


really don't care!

"As you can see, no!" pagtataray ko. Bigla na lang na dumating si Mau at pumagitna
sa amin.
"Trever. Pasensya ka na. Mga kaibigan ko sila." my eye brow literelly arched when
Mau apologizes dito sa hambog na lalaking 'to. Hindi siya pinansin nung lalaki na
Trever pala ang pangalan bagkus tinigtan niya ako at binigyan niya ako ng
nakakalokong ngiti.

"Now you got my attention, Miss." he gave me a mischievous smile.

"..see you around." tapos umalis na siya kasunod nung apat na lalaki.

"What was that?!" i asked Maurice.

"Siya ang may-ari ng Club na 'to, Nyx." nagulat ako pero hindi ko pinahalata.

"So? I am still a customer at bastos siya kanina! An owner doesn't act that way!"
inis kong sabi.

"Pero hindi mo na dapat pang pinalaki yung gulo. Ayan tuloy wanted ka na niya."
sabi ni Mau.

"Wanted?" sabay naming sabi ni Kyla.

"You know, we go the same school. At dahil napansin ka na niya, for sure ikaw ang
bagong toy niya." my eyes widened. TOY?!
"Not gonna happen!"

"Pasensya ka na, Nyx. I drag you to this thing" sabi ni Kyla. Umiling ako.

"It's not your fault Kyla. Kung sa akin din yun nangyari for sure ipagtatanggol mo
din ako sa.. sa Trever na yun!" she nod.

"Thank you." she simple said.

Bumalik na kami sa table namin at saka ulit umunom. This time puro sparkles na lang
ininom namin. Nagtatawanan kami kasama si Mau. Hindi na siya humiwalay sa amin
dahil baka daw kung sino nanaman ang mangtrip sa amin.

"Margarita on the house for Miss Nyx Park." sabi ng waiter sa amin na ikinagulat
ko.

"On the house? Hindi nga ako nag-oorder niyan eh" sabi ko.

"Sabi po ni boss" lumingon yung waiter sa gawi nung boss nila at halos masamid ako
sa iniinom kong Pina Colada ng makita ko kung sino yung nagpapabigay.

"Si Trever?" ani Mau.


"Yes po ma'am. Peace offering daw po ni boss." sagot nung waiter. A playful smile
form on my lips.

"If he wants peace he should have atleast make all our orders on the house. Can you
tell him that?" i heard Kyla and Mau gasped but then giggled after.

"That's the Nyx i know." Mau exclaimed.

"Hahaha. Nice on nyx." si Kyla naman nagsalita. Tch! Akala siguro ng Trever na yan
madadala niya ako sa isang Margarita lang? Hindi ko naman sinasabi na kung gagawin
niya talagang libre lahat ng kinain at ininom namin ngayon eh mawawala na ang
impression ko sakanya. First expression last. At naniniwala ako dun!

~~

Alas singko y media ng ihatid ako ni Kyla sa park ng subdivision namin. Nagbihis
muna ako ng jogging pants at tshirt.

"Sure ka ba dyan sa gagawin mo? Hindi ka kaya mahimatay dyan? Wala ka pang tulog."
nag-aalala niyang sabi.

"Sure ako. Isang ikot lang sa village saka ako babalik sa amin. Gusto ko isipin ni
Uncle o ni Yaya na nag jogging ako kaya wala ako sa kwarto ko." sabi ko sakanya. Sa
totoo lang ako mismo nabibrilliant'an sa idea ko. Hahahaha.
"Eh how about your hand bag? Hindi naman pwedeng nagjogging ka at may dalang hand
bag." she said.

"Iiwan ko muna dito sa kotse mo. Kukunin ko lang phone ko at wallet." she nodded.

"Bilib na talaga ko sayo girl." natatawa niyang sabi.

"Sige-sige. Alis ka na baka may makakita pa sayo." sabi ko. Kumaway ako ng papalayo
na siya sa akin. Naupo muna ako sa pavement saka huminga ng malalim. Naku naman,
kakayanin ko ba 'to? Kaya ko to. Kaya ko to.

Kahit 10 minutes lang basta pagpawisan ako. Hindi naman siguro magdududa si Uncle.
Tsaka lagi ko naman talagang nilolock ang kwarto ko kapag aalis ako. Ang hindi lang
ata kapani paniwala ay ang pag gising ko ng maaga at mag jojogging.

Nakita kong may nagwawalis na sa labas ng bahay namin, isa sa katulong. Isang oras
akong tumambay sa park at 10 minutes na nagjog. Tama na siguro yun. Medyo
hinihingal na lumapit ako sa katulog namin. Nanlaki mata niya ng makita ako.

"Young lady? Akala ko po tulog pa kayo?" nagtataka niyang tanong. Ngumiti lang ako.

"I need exercise." sagot ko. Tumango lang siya.

"..gising na ba si Uncle?" tanong.


"Opo, Young lady. Nagkakape po siya sa gazebo." i nodded to her saka pumasok ng
bahay. Pumunta agad ako sa kwarto ko saka ako naligo. Medyo nawala yung pagod na
nararamdaman ko. Pakatapos kong maligo naramdaman ko agad ang antok. No. Hindi ako
pwedeng antukin. Sabi ni Uncle dadalhin niya ako sa company. Mahahalata niya ako.

Nagsuot lang ako ng floral dress para hindi mahalata ang dull face ko. Kinailangan
ko ding lagyan ng BB cream ang ilalim ng mata ko dahil nangingtim ito.

Bumaba na ako at nakita ko si Uncle na nakabihis na din may binabasa sa journal


niya.

"Oh Nyx, good thing at gising ka na. Kakatukin na sana kita sa kwarto mo." sabi
niya.

"Maaga po akong gumising Uncle Kent. Nag-jogging po kasi ako." nakangiti kong sabi.

"Talaga? Maganda yan. Dapat talaga ganyan ginagawa mo." alam kong natutuwa si Uncle
sa sinabi ko kaya lihim ako napangiti.

"..mauna ka na sa kotse. I'll just get my suit case." he said. Tumango lang ako at
pumunta na sa labas. Sabay naman na napahikab ako. Err, buti na lang walang
nakakita.

Tahimik lang ako habang nagbibyahe papuntang Park Company. Uncle owns a lot of
Restaurant pero may isa pa siyang company na talagang oroginal business ng family
namin. Ang Park Airline Company. Bilib din ako kay Uncle kasi nahahandle niya ng
maayos ang business namin.

Pagpasok namin sa mataas na gusali, lahat ng empleyado doon ay bumabati sa amin.


They now me dahil ako ang nag-iising pamangkin ni Uncle at wala ka kaming ibang
relatives sa side ni mommy.

Pinidot ng elevator lady yung 17th floor dahil doon daw ang conference.

"Ipapakilala kita sa anak ng isa sa major stock holder ng ating company, Nyx."
napatango lang ako.

"..you'll get the chance to know him pero kung ayaw mo sakanya ok lang naman. Hindi
kita ipapasok sa convenience marriage. I want my niece to be happy." sabi ni Uncle.
Again, i nodded.

Isang malaking palapag ang tumambad sa akin pagbukas ng elevator. Napakamodern ng


design. May mga cubicle doon that is made of glass kaya kita mo ang ginagawa nila.
Napaka organize ng mga gamit nila at wala kang makikitang tambak na paperworks.
Lahat nasa sa ayos. Sophistication is all over the place. Sa right side naman may
isang room na may malaking glass door, bukas siya and after that another door
nanaman pero nakasarado na. May dalawang table dun na magkaharap which is the two
secretaries of Uncle Kent. Then a third door is opened. Makikita mo ang nakasulat
sa pintong 'Office of the CEO'

This is the third time na nakapasok ako sa office ni Uncle. I find it very
masculine. Sa likod ng swivel chair niya ay isang over looking glass panel at
makikita mo ang buong ciudad.

"Any minute by now dadating na yun si Mr. Yu at yung anak niyang si Cai Shin."
napangiwi ako. Ang pangit naman ng pangalan niya.
"Dito po natin sila hihintayin?" tanong ko.

"Sa conference room, hija." he said.

Lumabas kami sa office ni Uncle saka sumakay ulit sa elevator at pinindot and 20th
floor. Paglabas naming elevator, may isang malaking foyer dun kung saan pwede kang
mahintay.

Pumasok kami sa isang two door room na made of frosted glass panel kaya hindi
makikita ang sa loob only their figure.

"President Park.." bati sakanya ng isang medyo matandang lalaki na sa tantya ko ay


nasa mid 60's na.

"Mr. Sanchez.." tumingin sa akin yung matandang lalaki saka ngumiti.

"And you must be, Nyx."

"Nice to meet you, Mr. Sanchez." i slightly bow my head.

Pinaupo ako ni Uncle sa hulihan samantalang siya sa ginta. May isa pang pumasok at
rinig ko yun daw yung Mr. Yu at yung anak niya. Nakaramdam ako ng gutom dahil hindi
pa ako nag-bebreakfast.
"Psst. Ate.. ate." mahina kong tawag sa secretary ni Uncle.

"Ano po yun Ms. Park?" nakayuko siya sa akin.

"Pwede bang gawan mo ako ng coffee? Nagugutom na talaga ako eh. Tsaka samahan mo
din ng sandwich." mahina kong sabi. Ngumiti siya sa akin saka tumango.

"Sige po Ms. Park." tapos umalis na siya. Yung isang secretary naman ni Uncle busy
na nagbibgay ng portfolio sa lahat kasama ako. Binuklat ko naman yung folder. Ano
'to? Bakit ba kasi ako sinama ni Uncle dito eh. I have no idea out here.

"Nyx, come here." tawag ni Uncle sa aki kaya pumunta akong unahan.

"Ano po yun?" tumabi ako kay Uncle saka niya pinakilala yung lalaking halos kaedad
lang ni Uncle taz may kasama siyang lalaki din na kaedad ko ata. He looks familiar
pero di ko makita masyado dahil nakashades siya.

"Niece, this is Mr. Franklin Yu and this is his Eldest son Cai Shin Yu."

"Hello po." nakipag shake hands sa akin si Mr. Yu. Nung tinanggal nung binata yung
shades niya, halos manlaki ang mata ko literally sa nakita. Oh ghad! This is not
happening! That Trever guy! Pero bakit.. diba Cai Shin pangalan niya?
"Nice to meet you, Nyx." inilahad niya kamay niya kaya wala akong magawa kaya
abutin yun. I saw a little smirk on his face. Napaigtad ako ng pisilin niya kamay
ko. Alam kong alam niya. I just hoped na hindi siya magsumbong kay Uncle.

Sinabihan kami ni Uncle na umupo sa hulihan para makapagkwentuhan daw. Great! The
worst day of my life. Umupo ako at nakita kong nakahanda na yung coffee and
sandwich sa table ko. Tinabihan ako nung Trever o Cai Shin na yun!

"Bilib din naman ako sa time management mo. Nagawa mo pang um-attend ng meeting
kahit galing ka sa Club." he whispered near my ear. Sinabi niya yun na nakangiti
kaya kung titignan, para kaming nagkakasundo. Bwesit talaga!

"Anong Club ang pinagsasabi mo? Hindi kita kilala kaya pwede ba? Don't talk to me!"
sabi ko ding nakangiti.

"Tss tss tss. Ano kaya ang masasabi ni Mr. Park kapag nalaman niyang nasa Club
kagabi ang-- OUCH!" bigla ko siyang inapakan sa paa.

"Don't you dare!"

"Haha. You amuse me, Nyx." he said grinning.

"Shut up ok?! I'll pretend na hindi kita kilala as long as na wag mo akong
pakikialaman! OK??! And one more thing.. Cai Shin sounds gay!" then i laughed.
Nakita kong napakunot siya. Mas lalo akong napatawa dahil sa facial expression
niya.
"Cai Shin is my name in chinese. I'm using Trever." he said.

"Whatever.. Cai Shin. Pfft.. hahahaha"

"Ok. I'll tell-- Ouch! Sadista ka ba?!"

"Fine! I'll call you Trever. Just.. mind your own business!"

***

Aric's POV

"Ang saya naman kuya, purified ka na. Ikaw na talaga ang crowned prince." sabi sa
akin ni Avia.

"Tss. Kailan ba ito matatapos? Kailan ulit bubuksan ang portal?!" inis kong sabi.
Tatlong linggo na ako dito sa Vampire City at gustong gusto ko ng makita si
Lorelei. Miss na miss ko na siya.

"Relax kuya. 1 week to go pa." she said.

"1 week? 1 WEEK?! Hinihintay na ako nun ni Lorelei! Alam mo ba yung nararamdaman ko
ngayon?! Nababaliw na ako kakaisip sakanya! Paano na lang kung maraming nangyari sa
loob nung 3 weeks? Tapos another one week pa?! What if he met someone tapos..
tapos.." hindi ko na napagpatuloy ang sasabihin ko dahil ayoko yung isipin. Hindi
ko ata kakayanin na may nagugustuhang iba si Lorelei.

"Naiintindihan naman kita kuya eh. Pero yun ang utos ng Elders na isarado ang
portal habang nag nakadaos ang Purifiation mo." she explained.

"And this is killing me!" When the first time i kissed Lorelei mas lalo akong
nakaramdam sakanya ng kakaiba. I feel connected to her. Mas lumalim ang
nararamdaman ko para sa kanya.

"Ang OA kuya ah. 1 week na lang naman. Kayanin mo. For your own good din naman 'to.
Ngayon na mas malakas ka na, mas mapoprotektahan mo na si Lorelei mo. Just be
patient with everything." she said.

"Ok" sabi ko na lang

"Prince Aric, Princess Avia." napatingin kami sa bagong dating. Ang kang kamay nila
daddy at mommy na si Vance. Avia and I don't like him. We don't know, he seems
hiding something?

"Ano yun?"

"Pinapatawag na po kayo ng mahal na Hari at ng mahal na Reyna."

"Susunod kami" Avia said.


"Sige po" tapos tumalikod na siya. Tumingin sa akin si Avia saka umirap.

"I hate him"

"i know"

Sabay kami ni Avia na pumasok sa palasyo. Naabutan namin sila mommy at daddy nasa
bulwagan at nagtatawanan. Isa sila sa patunay that true love do exist.

"Ano ba, Hansel. Malaki na ang mga anak mo naiisip mo pa yan." rinig kong sabi ni
mommy.

"Eh ano naman? Gusto ko ng pa ng little girl eh." si daddy naman. Nagkatinginan
kami ni Avia na parang alam din niya yung pinag-uusapan nila.

"Ayoko na. Ang sakit kayang manganak!" nagulat ako ng ngumuso si daddy.

"Pffft~" pinipigilan namin ni Avia ang tawa.

"Ang sweet naman ng mommy at daddy kooo~" lumapit si Avia kay dad at saka pinilig
ang ulo niya sa balikat ni daddy.
"K-kanina pa kayo dyan?" gulat na sabi ni daddy.

"Enough to hear my dad asking my mom to make another little sister." i said. Hindi
ako masyadong malambing sa parents ko pero si Avia Oo. Daddy's girl siya pero kahit
kailan hindi ako nagselos kasi pantay naman ang pagmamahal na ipinaramdam sa amin.

"Dad! I thought ba ako lang ang baby girl mo!" Avia whines.

"You are my daughter pero malalaki na kayo and i miss those times na may naglalaro
sa paligid. Yung mga times na hinahabol namin kayo ng mommy niyo." sabi ni daddy. I
can't believe na ang daddy ko, ang hari na kinatatakutan ng mga kaaway namin ay may
soft side.

"Tama na sa akin si Aric at Avia, Hansel." sabi ni mommy.

"Eh hindi magtatagal may magugustuhan na din 'tong dalawa at magpapakasal. Paano
kung isang Prinsepe ang mapangasawa ni Avia, eh di dun na siya titira at mamumuno."
sabi ni daddy.

"May nagugutuhan ka na ba, Aric?" tanong sa akin ni mommy.

"P-po? Uhh.." i scratch my nape. Hindi ako naging open sa nararamdaman ko kela
mommy at natatakot akong pagbawalan nila akong makita si Lorelei.
"In love ka." mommy said. Tinignan niya ako ng mataman.

"Paano niyo nalaman mommy?" tanong ni Avia. Nagtanong pa siya napatotohanan pa


tuloy.

"Kanino?" si daddy naman.

"Akala ko ba pinatawag niyo kami dito for something important." pag-iiba ko ng


topic.

"But this is important to us. To whom you are in love, anak?" Nakangiti si mommy na
parang interesado siya.

"Kahit sino pa yan tatanggapin namin yan." sabi ni daddy.

"Kahit po tao?" said Avia kaya napatingin kami sakanya. Pinandilatan ko siya siya.
Minsan talaga hindi napipigilan ang bibig nitong kambal ko.

"May nagugustuhan kang tao?" mommy asked. Hindi ako umimik. Hindi ko maintindihan
ang tinginan nila mommy at daddy. Parang nag-uusap sila gamit ang mata na sila
lamang ang nakakarelate.

"I guess it's about time na malaman niyo ang katotohanan, Aric and Avia." mom said.
Napakunot ako.
"Are you sure na sasabihin mo sakanila?" dad asked mom.

"Yes. They deserve to know." my mom said.

_____________________

Cliffhanger. I know and i am terribly sorry. :( I am actually suffering from


asthma, again. Ganito talaga kapag malamig. Pasensya na.

At the right side is Trever. :) Ang gwapo niya noh? hihihi So ano dito si Trever?
Display lang kasi ang gwapo niya. ^^v

XOXO

©Thyriza
####################################
Chapter 6 - If looks could kill
####################################

Chapter 6 - If looks could kill

Nyx's POV

"OH MY GOD! Totoo?!" Kyla said exaggerated.

"Oo. He's real name is.." napatigil ako ng maalala kong ayaw pala niyang tinatawag
ng Cai Shin.

"..Trever Yu." i continued.


"Oh gee! Paano na yan? Hindi naman ba siya nagsumbong?"

"Hindi. Pero tinatakot niya ako. Like i care! The whole meeting i was annoyed by
that boy bratt!" i hissed.

"And speaking of." tumingin siya sa ground floor ng building. Naglalakad itong may
mga body guards sa likod. Tss. Ang OA lang!

"Pasok na nga tayo sa room! Nasira na yung araw ko!" sabi ko. Nagmarcha na ako
papasok sa lecture room.

"Pero bagay kayo, Nyx." sabi ni Ky ng maupo ako sa upuan.

"Are you even hearing what you're saying?! Hindi ko siya type! Nuknukan ng yabang!
Kahit hindi siya magsalita nayayabangan na ako sakanya!" inis kong sabi.

"Eh kasi gwapo." she giggles. I rolled my eyes to her.

"Mas gwapo si Aric pero hindi ako sakanya nayayabangan!" i hissed. Huli na ng
marealize ko kung ano ang sinabi ko.

"And who is Aric?"


"W-wala. Forget about it!"

"No can do! Bihira ka lang na may banggitin na pangalan ng lalaki at alam kong
hindi basta-bastang lalaki 'yang Aric na yan." Kyla is the most nosy girl i've
known at alam kong hindi siya bibitiw sa issue.

"Just a random guy i met before my debut. It doesn't matter anyway, mag-aapat na
linggo ko na siyang hindi nakikita." malungkot kong sabi. Gabi-gabi hinihintay ko
siya. Sabi niya be safe. What if sumuong ako sa delikadong bagay? Darating kaya
siya? Kung yun ang paraan para magkita kami i'd be willing to put my self in
danger.

"Random guy? Sa pagkakakilala ko sayo, hindi ka basta-basta nakikipagkilala sa


random guys. And you said earlier na as gwapo si Aric kay Trever so ibig sabihin
may something sakanya na naappreciate mo." i 'tss' to Kyla. Ang kulit niya. Alam
kong hindi siya titigil.

"Eh hindi ko na nga nakikita eh!" hindi siya umimik at pinagmasdan niya lang ako.

"..pa promise promise pa siyang babalik agad. Kainis!" i mumbled. Kyla narrowed her
eyes on me.

"What?" i said so annoyed.

"Nothing." She said and smirked.


"Ano nga yun?!"

"You really wanna know?"

"Ofourse!"

"Well, base on your actions and my observation. I think you cared about him and
you're starting to like him." she said concluding.

"And what's your hypothesis?" mataray kong tanong. She shrug.

"I don't have to take hypothesis. Your actions says it all, Nyx." she said and
grinned. Tinalikuran ko lang siya at humarap sa pisara.

Dumating yung prof namin sa Lit kaya inayos ko ang upo ko. Inilabas ko ang notebook
ko saka nakinig sa discussion.

I may look like attentively listening to the discussion pero ang totoo si Aric ang
naiisip ko. Nasaan na kaya siya? Curious lang kasi ako. Tsaka hinalikan ako ng
vampirang yun! Hindi ko pa siya napapagalitan dahil sa ginawa niya.

Eh bakit hindi ka umangal nung unang halik pa lang niya?


Eh sa nabigla ako eh!

Bakit parang in-enjoy mo din yung halik niya?

Nagulat nga ako! Tsaka f-first kiss ko siya.

Napailing ako. Nagtatalo nanaman ang utak ko. Para akong baliw!

***

Last subject na namin kanina at nandito ko sa locker namin. Iiwan ko yung libro
dahil wala naman kaming assignments. Simple lang ang locker ko. Nothing fancy.
Malaki ang locker namin kaya marami akong pwedeng ilagay. May mga books lang dun
extra clothes at salamin na nakadikit sa pinto ng locker. Hindi ako naglalagay ng
picture o ano pa man.

Pagsarado ko ng locker, nakatayo sa gilid nito ang last person na gusto kong makita
ngayon. Nakangisi siya sa akin na parang ano mang oras lalamunin ako. He cornered
me.

"Ano'ng kailangan mo, CAI SHIN?!" I emphasize his name.

''Tss. Wala naman. Gusto lang kitang asarin." he smirked. Ugh! He's really getting
on my nerves.

"Wala ako sa mood makipag asaran sayo. Umalis ka nga dyan!" i jerked his arms kaya
nakaalis ako. Hindi pa ako nakakalayo ng tawagin niya ako. Mas binilisan ko lakad
ko.

"Hey! Nyx! Wait lang. Promise i'll be nice." rinig kong habol niya. Huminto ako
saka ko siya hinarap na nakahalukipkip.

"Bakit ba?!"

"Help me." sabi niya. Help him? Napataas kilay ko.

"Sa ano? Assignment mo? No way!"

"Hindi yun. Help me escape the bodyguards. Please?" tinignan ko lang siya kung
seryoso siya.

"Ang laki-laki mo na kasi may body guard ka pa!"

"Ngayon lang yan. Nakatanggap nanaman kasi kahapon si daddy ng mga death threats
kaya ayun, paranoid nanaman." he said. Somehow, parang nakarelate ako sakanya.
"Ok." nasabi ko. Ayaw ko sana pero there's this urge inside me na gusto ko. Gusto
ko siyang maging kaibigan.

"Paano mo ko tutulungan? Tsaka tignan mo oh?" tinuro nya yung sa unahan namin. Yung
bodyguards niya kausap si Manong Andy, yung driver ko.

"Luh? Close sila?" sabi ko.

"Hindi yun yung issue. Paano tayo makakaalis dito kung may bodyguards. May alam ka
bang daan?" sabi niya. Tinignan ko lang siyang nagtataka. Parang hindi ang Trever
na nakilala ko ang kasama ko ngayon ah.

"Ah~ Sa gate 2. Meron dun. Tara?" tumango siya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko
at sabay kaming tumakbo papuntang likuran ng school.

Narating namin yun likod pero may mataas itong bakod. Agad akong sumampa sa kahoy
na parang patumba sa bakod. Nasa taas na ako ng lingunin ko si Trever. Akala ko
nasa likod niya ko pero nagulat ko ng makita kong nasa baba pa siya. Yung mukha
niya parang nagdadalawang isip.

"Oh ano? Titingin ka na lang ba?" mahina kong sabi. May guard kasi sa di kalayuan
kaya baka marinig kami.

"Wala na bang alternative way? Tsaka, bakit ang dali lang para sayo? Unggoy ka ba?"
gusto ko siyang batuhin ng sapatos ko pero baka mahulog ako kaya napairap na lang
ako.
"Sanay akong tumakas. Kaya dahil na! Tumaas ka na at baka ngayon naglilibot na yung
mga bodyguards mo!" tumingin muna siya sa likuran saka huminga ng malalin.

"Pfft~ Kalalaking tao takot sa heights? Hahaha"

"Wag mo nga akong asarin?!" nagsimula na siyang sumampa sa kahoy. Nakataas naman
siya kaya parehas kaming nakaupo sa mataas na bakod.

"Oh tapos? Ano na? Paano tayo bababa sa kabila?" sabi niya. Nakita ko ang butil
butil ng pawis niya. Gusto kong tumawa at asarin siya kaya lang baka ihulog ako
nito kaya ipagpapamamaya ko na lang.

"We'll jump." sabi ko saka tinalon ang almost 15 feet na taas ng bakot. Pinagpag ko
ang palda ko saka tumingin sa taas. His eyes widened.

"What are you waiting for? Valentines? Sa next month pa!" inis kong sabi.

"H-hindi ko saya!"

"Para kang bakla! Ang lakas ng loob mong takutin ako sa Club tapos eto lalampa-
lampa ka? Akala ko ba siga ka?" nakapameywang kong sabi.

"But not like this. What if magkanda dislocate ang joints ko?"
"Ok. Iiwan na kita. Dyan ka na!" sabi ko saka nagsimulang maglakad palayo.

"WAIT! Wait. E-eto tatalon na." rinig ko ang buntong hininga niya. Inip na tinignan
ko siya.

"Pakibilisan at tignan mo 'tong oras. It past 5 na!"

"AHHHH~" sigaw niya. OA talaga! Parang hindi lalaki. Nagpagpag siya kasama ang paa.

"Wag ka ngang magpagpag! Yung alikabok sa lupa napupunta sa akin!" inis kong sabi.
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Ang talim ng tingin niya na parang nasaniban.
WAAAH~ Ganun ba siya katakot kanina para magalit sa akin ng ganyan?

"Alam mo bang ikaw pa lang ang naglakas ng loob na patalunin ako sa ganung kataas
na bakod?" seryoso niyang sabi. Lumalapit siya sa akin kaya ako naman napaatras ng
onti.

"S-sabi mo kasi g-gusto mong tulungan kita." i am stuttering.

"Pero hindi ko sinabi na patalunin mo ako sa bakod. Paano na lang kung nabalian ako
ng buto?" dahan-dahan pa ding siyang lumalapit. Kapag lumapit pa siya tatakbo
talaga ako. Nakakatakot kaya siyang tumingin.

"S-sorry na. Hindi ka naman nabalian diba?" pinilit kong ngumiti. Siya naman
nakapoker face at naniningkit ang mata. Binilisan niya lakad niya papunta sa akin
kaya ako naman kinabahan.
"A-ano'ng gagawin mo?" lumalakad ako paatras, nung malapit na siya..

"WAAAAHH~~" Mabilis pa sa alas kwatro akong tumakbo at tinalikuran ko siya. May mga
bahay-bahay sa likod ng school kaya naririnig kong tumatahol yung aso dahil sa
ingay na ginawa ko.

Kahit hindi ako lumingon, alam kong hinahabol niya ako. Rinig na rinig ko ang yapak
niya. Huhuhu. Baka suntukin niya ako. WAAAH~ huhubells!

"Nyx! Come back here! Stop! Nyx!" sigaw niya habang tumatakbo.

"AYOOOKOOOO~" sagot ko kahit hingal na ako. Kailangan ko atang seryosohin ang pag
jojogging para lumakas ang stamina ko. Karma ko ata 'to sa pagtakas. Huhuhuhu

"TIGIL SABI EH!"

"Ayoko sa--" kusang tumigil ang paa ko ng makita ko kung sino yung nasa unahan ko.

"NYX! WAG KANG GAGALAW!" Sigaw ni Trever.

"T-tre..te.. TREVEEEER!" Nas harapan ko ay isang malaking aso na sa palagay ko ay


Dobermann. Takot ako sa aso at hindi pa ako nakagat ng aso! Pinagpapawisan na ako
sa kinatatayuan ko.

"GRRRR~~" -yung aso. May tali siya na napigtas at parang nakatakas lang. Sana
hinahanap ka na ng may-ari.

Naramdaman ko na dahang-dahang lumalapit sa akin si Trever sa likod. Sa ngayon, mas


natatakot ako sa aso kesa sa gagawin sa akin ni Trever dahil sa pinatalon ko siya
sa mataas na bakod.

"Here doggy doggy doggy.." si Trever. Inilalapit niya yung kamay niya sa aso. Baliw
ba siya? Paano kung kagatin siya ng aso?

"Trever. Tumigil ka nga!" mahina kong sabi. Hindi naman niya ako pinansin at
lumapit pa lalo sa aso.

"Good boy Good boy." nakita ko na lang na hinihimas niya ang ulo ng aso at kusa
itong yumukod. Napanganga lang ako. Dog's man ba siya?

"H'wag mong ipakita na takot ka para hindi ka niya anuhin." sabi niya ng hindi
tumitingin.

"Paalisin mo 'yang aso. Nakakatakot yung hitsura!"

'May breed 'to! Tsaka tignan mo nga oh? Gusto niya ako." natutuwa niyang sabi.
"Same feathers flock together." i mumbled.

"Ano'ng sabi mo?!"

"Wala!"

May nakita naman akong matandang lalaki na papalabas ng bahay sa gilid namin.
Mukhang may hinahanap siya. Napadako ang tingin niya sa amin.

"Sa inyo po ba 'yang aso?" tanong ko.

"Ay Oo hija. Papaliguan kasi sana namin ng makawala. Nandito lang pala." binuksan
niya yung gate saka lumabas.

"Mukhang gusto ka ni Bogz." sabi nung lalaki kay Trever.

"May mga aso din po kasi ako sa bahay." sabi niya.

"Sige po, mauna na kami." sabi ko.

I know it was rude pero gusto ko na talagang makalayo dun. Ayoko sa aso at ang sama
ng tingin nito sa akin.

"Nagmamadali ka ata?" sabi ni Trever ng makalayo kami.

"I.. i don't like dogs." i simply say.

"I figured." he chuckled.

"..and that was a hella experience for me. You know, climbing fence, jumping and
chasing you. I enjoyed it though."

"That's nice to hear." i said. Nakalabas na kami sa likuran ng school at nasa


highway na kami.

"Let's go to mall." he said.

"Ayoko." sabi ko habang tumitingin sa paligid.

"Sige na. Nagutom ako dun sa pinagawa mo eh." tinig ko siya at halos mabilaukan ako
ng makita siyang nakapout.

"Pfft~ Nagugutom ka ba kamo? Tara at dadalhin kita sa paborito kong lugar" sabi ko
saka ko na siya hinila.
Hindi kalayuan ang pupuntahan namin. Maraming highschool students ang pumupunta
dito pa na din mga kids. Napangiwi siya ng makita niya kung saan kami huminto.

"Ice cream parlor? Seryoso ka?"

"Mukha ba akong nagjojoke? Tara sa loob. Masarap ang Mango Parfait nila." sabi ko
saka hinila na siya sa loob. Tumunog yung bell nung binuksan ko yung pinto. Ang
cute talaga ng shop na 'to. Pink na pink, tapos yung lamesa mababa lang pati yung
upuan. Pati waitress cute din ang suot. Para silang mga anime.

"Isang Mango parfait tapos po.." tumingin ako sa counter.

"..ay may french macaron na pala kayo? Isang order din po nun. Extra whipped cream
po sa parfait ah." sabi ko Nginitian naman ako nung cute na waitres.

"Kayo po sir?" tinignan ko naman si Trever. Mukhang wala siyang balak mag-order.

"Uhh, Triple Chocolate Mousse Cake sakanya." sabat ko. Tumango ulit yung waiter
saka umalis.

"Alam mo ang favorite ko?" Amuse niyang tanong.


"No. Chamba ko lang yun." sabi ko.

Dumating yun order namin saka kami tahimik na kumain. Ang sarap talaga ng mango
parfait. Heaven ang lasa tapos idagdag mo pa 'tong french macaron.

"Ok ka lang?" Trever snap me.

"Yeah Why wouldn't i?" i asked after i eat a spoonfull of parfait.

"Mukha kang ewan na ngingiti-ngiti dyan." sabi niya.

"Eh? Nasasarapan kasi talaga ako dito sa kinakain ko." tinignan ko yung plate niya.

"Ubos mo na agad?"

"Yeah. I told you i'm hungry." he shrugged.

"Here. Share tayo ng macaron." nilagay ko sa gitna yung plate ng table para
magshare kami.

Napasimangot ako ng inubos niya yung macaron.


"Masiba ka! Bakit mo inubos!"

"Gutom nga ako!"

"Alam ko! Pero hindi mo dapat inubos!"

"Mag-oder ka na lang ulit!"

"Wag mo kong uutusan!"

"Wag mo kong sisigawan!"

"Dapat nga ilibre mo ako kasi tinulungan kitang tumakas sa body guards mo!"

"Eh bakit? Hindi ba ako nag magbabayad nito?!"

"Ugh! Ang yabang mo talaga! Akala ko pa naman magbabago na expression ko sayo!"


tapos tumayo ako saka siya iniwan. Nakakainis. Hindi naman ako galit talaga dahil
sa inubos nya yung pag-kain ko. Nayabangan na kasi ako dun sa huli niyang sinabi.
Mabilis akong naglakad paalis sa shop. Magtataxi na lang ako pauwi. I thought this
day will be different. Pumara ako ng taxi saka sumakay. Paalis na sana yung taxi
nung bumukas yung pinto saka pumasok si..

"Ano ba! Trever bumaba ka nga!" tinutulak ko siya palabas.

"Manong sa sea side po tayo." utos niya sa driver.

"Sea side? Ano naman gagawin mo dun? Uuwi na ako! Manong sa BlueHills subdivision
po."

"Sa sea side manong. Dodoblehin ko ang bayad basta ako ang sundin mo." sabi niya.

"Ako manong ang unang sumakay kaya ako ang sundin mo." tinignan ko ng masama si
Trever pero parang hindi siya natitinag. Napakamot lang ng ulo si manong at
halatang naguguluhan sa amin.

"Sa sea side manong." hindi na ako nagprotesta at napahalukipkip ako sa upuan. Mag-
aano kami sa sea side? Lulunurin niya ako? Sorry siya at magaling kong lumangoy.

Pagdating namin sa sea side na sinasabi niya, may iilan lang na tao. May pamilya na
parang nagpipicnic lang, may group of friends at may mga couples. Pumwesto kami sa
mababang bakod na pwedeng upuan. Pababa na ang araw at napakaganda nitong tignan.
First time kong makakita ng papalubog na araw.

"Nagugutom pa din talaga ako." basag niya sa katahimikan.


"May anaconda ba sa tiyan mo at lagi kang nagugutom?"

"Lalaki ako kaya mabilis kaming magutom." luminga siya. Tinignan ko yung tinignan
din niya. Sa di kalayuan, may isang tent at nagtitinda.

"Tara tayo dun?" tumango ako saka sumunod sakanya.

Isa siyang barbeque in a tent. Iba't-ibang klase ng pagkain na iniihaw.

"Ano sayo?" tanong niya.

"Barbeque lang. Busog pa ako eh." hindi na ako nag-abalang tignan yung iba dahil
hindi naman mahilig sa exotic food. Ang alam ko lang, mga laman loob yan ng manok
at baboy at hindi maganda sa pakiramdam na kainin ko yun.

Pinabalik niya ako sa dati naming pwesto. Pagbalik niya, may dala na siyang
disposable plate na may mga barbeque at kung ano-ano pang hindi ko alam kung ano.
May pickled papaya naman sa gilid at konting suka.

Kinuha ko lang yung isang barbeque saka 'to kinain. Infairess naman masarap.

"Eto oh, betamax?" tinigna ko lang. Square siya na kulay brown na nakatuhog sa
stick.
"Ano yan?" ignorante kong tanong.

"Haay. Rich kid talaga. Betamax ang tawag nila dito." inabot ko naman. Inamoy ko
muna bago ako kumagat.

"Masarap naman. Saan mo ba 'to nalaman?" tanong ko habang nilalamutak ko yung


betamax.

"Sa mga barkada ko. Minsan kapag nagroroadtrip kami lahat street foods kinakain
namin. Nung una ayaw ko dyan kasi dugo siya ng manok." halos iluwa ko lahat ng
kinain ko ng malaman ko kung anong klase yung kinakain ko.

"Aack! D-dugo? Blood?! Pwe! Pwe!" binuksan ko yung mineral water saka uminom ng
marami. Hindi ko alam ng dugo yun. If i know. Hhuhu

"Nasarapan ka naman eh. Malinis naman daw yan eh."

"Nah uh! Hindi ako kakain ng ganyan." ibinalik ko sa plate yung natira ko pang
isang cube nung dugo.

"Arte mo!" sabi niya saka pinagpatuloy pa din ang pag-kain.


Hindi ko akalain na may ganitong side ang Trever Yu. Akala ko puro lang siya
hangin. Hindi ko namamalayan na napapangiti na ako habang piagmamasdan siya.

Sumakay kaming taxi at saka niya ako hinatid sa amin. Sobra daw siyang nag-enjoy
kahit pinatalon ko siya sa mataas na bakod. Tumawa lang ako.

"Trever, salamat ah. I really have a great day." sabi ko nung bumaba din siya.

"Me too." he beamed. Nawala yung ngiti niya nung tumingin siya sa likuran ko.
Napalingon na din ako para tignan kung sino yung sa likod ko.
"A-aric?" Hindi ko alam kung ang tingin niya. All i know is, if looks could kill,
Trever is dead by now!

________________________________________

Wahaha. Huli ka! At magsisimula na ang totoong kwentooo~ Dahil love story 'to ng
kambal, magpapalit siya ng POV. Sa side ni Avia, it will be her POV, always. Sa
love story ni Aric, kay Nyx ang gagamitin kong POV, i will use Aric's POV kapag
nasa kaharian nila. At dahil hindi ko gagayahin yung sa book 1 na vampire ang
karibal, this time tao naman. Makikita niyo kung paano na-thorn between two hotties
si Nyx. Wahahaha. Yung mga hindi pa naglalabasang characters, patience lang. Sa
palagay ko kasi, mas mahaba ang story na 'to kesa sa book 1. Kasi mas marami side
na involved. Sana walang nadidisappoint sainyo dito sa book II. Kasi kahit madaming
typographical error and grammar error, pinag-iisipan ko talaga ang buong pangyayari
para sa ending mapagconnect ko ang lahat. Ok po? Kaya sa mga magrereklamo na
matagal ang update, it's because i am using my brain para mas mapaganda ang story.
Hindi kagaya sa book 1 na kung ano lang maisipan ko, yun na yun. Expect twist.
Arraso?

PS: Twice a week lang ang update. Yun lang ang kaya ko. But i'll assure you that
all update is worth waiting for. ^___^

PSS: One year na ako bukas sa wattpad! ^__^ January 23, 2013. Hihihi. Your comment
and vote will be your gift for me so don't forget the VoMment.

PSSS: Hindi ko na papalitan si Nana as Nyx Lorelei. May nahanap akong video niya na
suit para gawing video trailer. Thank you @saranghexo for sending those links. :))

XOXO
-Thyriza

####################################
Chapter 7 - I'm Denial and He's Weird
####################################

Chapter 7 - I'm Denial and He's Weird

Nyx's POV

"Sino siya?" lumapit si Trever sa akin. Si Aric naman ay natatakpan ng shadow ng


isang malaking puno.

"U-uhh." nagpapalit-palit yung tingin ko sa dalawa. Para silang nagpapalitan ng


matatalim na tingin. I can feel the heavy tension between their looks.

"Boyfriend mo?" Aric finally spoken. Naramdaman kong malamig ang pagkakasabi niya
nun. Parang walang emosyon.

"K-kaibigan ko lang siya." sabi ko.

Hindi ko na kinaya kaya napatikhim ako. Para kaming napapaligiran ng isang na nyebe
na maaring sumabog kung wala akong gagawin.

"U-uy! Trever, tumatakbo yung metro ng taxi. Mahal na babayaran mo." pinilit kong
ngumiti sakanya. Napatango lang siya sa akin.

"Bye, Trev." kumaway ako nung paalis na yung taxi. Whew! Ano ba'ng nangyari? Bakit
takot ako na may isipin si Aric tungkol sa amin ni Trever? Napaparanoid na talaga
ako.

Paglingon ko, wala na si Aric. Saan na yun nagpunta? Inilibot ko ang tingin ko pero
wala siya.

"Where have you been, young lady?!" halos mapatalon ako sa boses na nanggaling sa
likod ko.

"Geez! Uncle Kent!" sabi kong nakahawak sa dibdib ko.

"Saan ka pumunta? Iniwan mo daw si Manong Andy sa school?! Umamin ka nga, kayo ba
ni Trever??"

"PO?!"

***

Avia's POV

"Saan ka ba pupunta, Prinsesa Avia?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Smitt. Isa
siyang hangin at ako lang nakakakita sakanya.
"May usapan kasi kami ni Kier na pupunta kaming Vigan." sabi ko habang nilalagay
ang ilang gamit ko sa backpack ko.

"Lalayas ba kayo, Prinsesa Avia?"

"NoNoNo. Matagal lang akong mawawala pero hindi ako lalayas." sabi kong nakangiti
sakanya.

"Sasama po ako, mahal na Prinsesa." matinis na sabi ni Smitt.

"Hindi pwede. Hahanapin ka ng mama mo. Tsaka kaibigan din ni mommy ang mama mo,
malalagot ka kapag sumama ka sa akin." sabi ko sakanya. Si Smitt kasi, anak siya
nung naging kaibigan ni mommy na isang hangin. Nag-aanyo silang maliit na tao at
nag-aanyo ding hangin. Sabi sa akin ni mommy, kusang lumapit 'to sakanya nung
nalaman na nicocontrol ni mommy ang four elements of earth na namana ko.

Alam na din namin na dating tao si mommy. Sabi niya, siya daw yung nakatakdang
magsilang ng damphyr pero dahil may nangyari kay mommy, kinailangan daw na iconvert
ni daddy si mommy para mabuhay. Unexpected nga daw na kambal ang anak nila. At mas
nakakagulat daw kasi natpad pa din ang prophecy kahit hindi na tao si mommy.

"Mas malalagot po ako kapag nalaman ni mama na may alam ako kung saan ka pupunta
pero wala akong sasabihin. Isama mo na ako mahal na Prinsesa." nagpout siya. Ang
cute talaga ng nilalang na 'to. Napabuntong hininga ako.

"Sige na nga!"
"Yehey! Ang saya makakagala tayo mahal na Prinsesa. Alam ba 'to ni Prince Aric?"

"Hindi. Ayokong malaman pa ni kuya. Sesermunan ako nun. Tsaka tatlong araw lang
naman." nailagay ko na lahat ng kailangan ko para sa gagamitin ko.

"Diba hindi mo pa naman lubos na kilala yung Kier? Nagtitiwala ka agad sa taong
yun, mahal na prinsesa."

"Hindi ko din alam Pero alam kong mabuti siyang tao. At gusto ko siyang mas
kilalanin."

"Siya na ba ang Prince charming mo, Prinsesa Avia?"

"H-ha? Hindi ah. Kaibigan lang ang turingan namin noh."

"Ok lang naman diba? Na magmahal ka ng tao?" lumipad siya at umupo sa bag ko.
Tinignan ko lang siya.

"Oo. Hindi daw ako bawal na magmahal ng tao."

Naalala ko ang mga sinabi ni mommy sa amin ni kuya.

-flashback-
"I guess it's about time na malaman niyo ang katotohanan, Aric and Avia." mom said.
Hinintay ko lang siyang magsalita.

"Are you sure na sasabihin mo sakanila?" dad asked mom.

"Yes. They deserve to know." Mom confirmed.

Dinala kami nila daddy at mommy sa isang cellar ng palasyo. Tahimik lang kaming
dalawa ni kuya. Actually wala naman sa akin kung ano pa ang sasabihin ni mommy o
kung ang sekreto niya. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sakanya.

"I was a human." she started. Kuya's eyes widened. Pati na din ako. Eto ang
pinakaleast thing kong iisipin na sasabihin ni mommy. I never questioned my
personality as damphyr.

"Your dad and i decided na wag sabihin sa inyo for your own protection. Ayaw naming
isipin niyo na iba kayo sa ibang lahi." mom continued.

"Yun din ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong lumalabas kayo ng portal.
Natatakot kasi akong magaya kayo sa daddy niyo na nagkagusto sa akin na tao. Kung
alam niyo lang kung gaano naging kacomplikado ang buhay namin noon." tumingin si
mommy kay kuya.

"Lalo na sayo, Aric. Hindi ka pwedeng magkagusto sa tao." nakita ko ang


pagkadigusto ni kuya sa sinabi ni mommy.
"And Avia is allowed?!" he scowled.

"Son, understand the situation. You are a pure vampire. Hindi kayo pwede, kung sino
man yang babae na yan." mom's face are worried.

"No! Hindi ako papayag! Sino kayo para sabihin yan sa akin?! Pipiliin ko kung sino
ang mamahalin ko!" kuya shouted. I was so terrified. Hindi ko alam kung paano
pagagaanin ang sitwasyon.

"Don't talk to your mother that way, Aric Drake! Hindi mo alam kung ano ang hirap
na dinanas ng mama mo para ligtas kang ipanganak! I am the king and i will decide
wether you are allowed to see that girl or not!" daddy said so furious. Kahit
kailan hindi pa siya nagalit sa amin. Hindi niya kami pinalo, sigawan o ano pang
bagay para maging desiplinado kami. Kay mommy pa nga kami takot dahil namamalo
siya. Kaya alam kong this time, kuya has reach the line.

"Then tell me why i can't be with her!" i looked at kuya at sobrang namumula ang
mata niya.

"Does she loves you?" mommy asked calmly. Natahimik si kuya. Hinintay ko siyang
magsalita pero wala siyang masabi. He opens his mouth pero tinitikom niya ito ulit.

"If she loves you too, hindi ko kayo hahadlangan. I know how you feel anak. At
hindi ko gagawin ang ginawa sa akin noon ng magulang ko. Prove to me na mahal ka
din niya. Kung hindi, you'll stop seeing her and move on." mommy beamed at kuya
bago umalis. Naiwan ako at si daddy na nakatulala kay mommy na papalayo.

Hindi ko yun ineexpect. That was.. that was unexplainable.


Dad patted kuya at the back. Maybe he also don't know what to say. Ako din naman.
At sa oras na ito, mas tumaas ang tingin ko kay mommy. She really are a wise Queen.

-end of flashback-

Tuluyan na akong nakalabas sa portal sakay sa kotse ko. Magkikita kami ni Kier sa
isang bus station. Sabi niya, mas enjoy daw kung magbbus kami. Hindi ko pa yun na-
try kaya ok lang sa akin.

Ano kayang hitsura ng Vigan? Sabi niya sa akin napakaganda daw ng mga bahay dun.

Nakarating naman ako sa bus station at nakita ko dun si Kier na nakatayo sa isang
mahabang upuan. Nakasuot siya ng black pants at blue t-shirt. Ang cool niyang
tignan. Sabi niya sa akin sanay siyang magbiyahe sa kung saan-saan. Two years ago
daw nung nagsimula siyang pumuntang iba't-ibang lugar.

"Hey!" kumaway ako sakanya. Tumayo siya ng makita ako. Nasa tabi niya ang
travelling bag niya na may jacket na nakapatong.

"Where's your car?" he asked.

"Sa concierge" sabi ko saka sabay na kaming pumasok sa loob ng terminal. May
nakapilang bus doon. Ibinigay sa akin ni Kier yung ticket ko. It's wierd trusting a
guy whom i just met.
"Ready?" he asked bago lumulan sa bus.

"Ready." i answered with a smile.

***

Nyx Lorelei's POV

Gosh! I can't believe Uncle Kent! Akala niya nagdedate na kami ni Trever? Hindi ko
siya type noh! Tho he's handsome and everything, hindi pa din siya ang tipo kong
lalaki.

Nakalundag ako sa gulat ng may anino na dumaan sa unahan ko bago ko i-on ang ilaw.
Nanginginig na kinapa ko ang switch. Nakahinga ako ng makita ko kung sino yun.

"Sino yung kasama mo?" He asked. Wow! Wala man lang 'Hi' o kaya 'kumusta?' He sure
are rude for a guy or a vampire who just show his self after 4 weeks.

"Bakit mo ko tinatanong?" instead of answering his question, i throw also a


question.

"I need to know. Who is he?" he is gritting his teeth. I don't like the sound of
his voice. He was like interogating me me.
"Kaibigan ko siya, ok?!" i roll my eyes to him. Parang nagbago yung expression ng
mukha niya. Parang luminaw.

"S-sorry." mababa niyang sabi.

"Ikaw? Ano'ng ginagawa mo dito?" nakahalukipkip kong tanong. Hindi ko maitatanggi


na medyo namiss ko siya.

Medyo nga ba? O talagang namiss mo siya. Ugh! Traydor ang utak ko!

"U-uhh.. I-i.. i just want to check if you're ok?" he scratch his neck. Hindi ko
mapigilan ang hindi mapangiti. Nahihiya ba siya?

"Sigurado ka?" i teased him.

"Y-yes."

"Ah ok." iniwan ko siya sa kwarto at pumansok sa walk in closet ko. Magpapalit na
ako ng damit pantulog. Hindi ako nagugutom kaya hindi ako kakain.

Pagbalik ko sa kwarto, nandoon pa siya nakaupo sa dulo ng kama at nililibot ang


tingin sa paligid.
"Oh? Bakit andyan ka pa? Akala ko ba ichecheck mo lang ako? Ok naman ako oh. Pwede
ka ng umalis." nakangiti kong sabi. Nagulat naman siya. Parang may gusto siyang
sabihin pero naghehesitate siya.

"I-i don't want to leave." he state.

"Matutulog na ako eh. Pagod ako." sabi ko.

"Babantayan kita." lihim akong napangiti. Gusto ko ang pagiging honest niya. Yun
bang, hindi na niya ako papag-isipin kung ano ang nararamdaman niya.

"Bahala ka." kibit ko. I jumped in my bed saka pumasok sa comforter.

"Can i asked something?" he say.

"Sure, anything." sabi ko.

"May nagugustuhan ka na ba?" napatingin ako sakanya. Bakit niya ako tinatanong ng
ganun?

"Hindi ko alam. I guess so? I'm not really sure." Totoo naman eh. Hindi ko alam
kung may nagugustuhan ako.
"Oh."

Hindi na siya nagsalita. Nakakailang ang katahimikan. Haaay. Inaantok na ako.


Nakakapagod yung ginawa namin ni Trever. Tumakas, tumalon, tumakbo, kumain. Truth
be told, nag-enjoy ako.

***

Aric's POV

Gaya ng dati, heto nanaman ako at pinagmamasdan siya habang natutulog. And i am
dying to wake her up just to ask her if she felt the same way to me. Not that i
confess my feelings to her already, pero gusto kong malaman kung may nararamdaman
siya sa akin.

Kung hindi dahil sa sinabi ni mommy, hindi naman ako magmamadali eh. Kailangan kong
patunayan sakanila na mahal din ako ni Lorelei. Paano ko ba siya mapapaibig din?
Lalo na't may umaalialigid na sakanya and swear to god i wanna kill that bastard!

Nakita ko kung paano siya ngitian ni Lorelei kanina. Selfish kung selfish pero
gusto ko ako lang ang dahilan ng pagngiti niya. Gaya ng ngiti niya noon kapag
pinadadalhan ko siya ng black rose.

My mind is telling me na kailangan ko siyang suyuin para mareciprocate niya


feelings niya sa akin. Manliligaw ako. At kahit hindi ako marunong kung paano yun
gawin,gagawin ko best ko para ibigin niya din ako.
I'll grab the one month mom is giving me to prove to her that Lorelei loves me too.
One month. Maiksing panahon. Pero gagawin ko ang lahat magustuhan niya din ako. At
magsisimula na ako bukas.

***

Nyx Lorelei's POV

"Young lady, hindi po gumagana yung sasakyan eh." napapakamot na sabi ni Manong
Andy sa entrance ng gate. Sabi niya bigla na lang daw na hindi gumagana yung
makina.

"Malelate na po ako sa first subject ko eh. Ah~ Mangtataxi na lang ako." sabi ko
sakanya.

"Ay magagalit po ang Senyor." natatakot niyang sabi.

"Wala naman siya eh. Tsaka kailan ka naman niya pinagalitan? Lagi naman kitang
pinagtatanggol." sabi ko sakanyang nakangiti kaya napatawa siya.

"Basta po mag-ingat kayo ah. Susunduin ko kayo mamaya." sabi niya.

"Sige Manong Andy. Alis na ako." he just nod saka lumabas na akong gate.
Paglabas ko ng gate, may isang itim na kotse na masilaw na ako sa sobrang kintab.
Niluwa nito ang isang lalaki nakashades. Naka longsleeves shirt 'to and blue jeans
at black shoes. Kilala ko ba 'to? Parang naamoy ko siya sa di kalayuan.

Nag-abang na lang ako ng taxi na dadaan sa sub kahit di ko alam kung may maliligaw
bang taxi dito.

"Ihahatid na kita sa school mo." the deep voice said infront of me. He sounds
familiar talaga.

"I don't talk to strangers, Sorry!" sabi ko saka iniba ko tingin ko.

"I am no stranger." ibinaba niya ng konti ang shades niya saka kumindat sa akin.
Nanlaki mata ko ng mapagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"Aric?" First ko itong makita siya sa liwanag. Ang akala ko hindi nakakalabas ang
mga vampire sa umaga? Hala? Nakakatakot naman siya. Pati pala sa araw hindi na sila
takot.

"I am wearing this. No one will know i am a.. vampire." pinakita niya yung kwintas
na triangle na may red pendant sa gitna.

"Ah." sabi ko na lang. Sumunod na lang ako sakanya. Ipinagbukas niya ako ng pinto
saka ako lumulan. The smell of his car.. so minty. Napaka masculine.
Hindi ko mapigilang hindi siya tignan. Bakit ba nakangiti siya? Napailing na lang
tuloy ako. Pero nagagwapuhan talaga ako sakanya ngayon.

"Baka naman matunaw ako niyan?" nagkingisi niyang sabi. Bigla kong iniba tingin ko.

"H-hindi kita tinitignan no!" sabi ko na nakatingin sa daan. Parang mapupunit ang
bibig ko dahil gusto talaga nitong ngumiti kahit pinipigilan ko na.

"Hahaha. Ok." sabi niyang natatawa. First time ko siyang marinig tumawa. Malapit na
kaming school ng saka nagsidatingan ang mga tanong sa isip ko.

"Bakit mo ko sinundo? Kanino 'tong kotse? Tsaka bakit mo napagdesisyunan na


magpakita sa akin ng maaga? May natitipuhan ka bang babae sa school?" Naalala ko
bigla si Kyla. Type niya kaya si Kyla? Parang may konting kirot akong naramdaman sa
dibdib ko.

"Easy. Ang dami mong tanong. Isa-isa ko lang sasagutin." natatawa niyang sabi. I
nodded.

"Bigay sa akin ng parents ko itong kotse. Titira ako dito ng isang buwan. And for
the record, wala akong natitipuhan na babae sa school niyo. Ikaw lang."

"Ha? Ano sabi mo?"

"Wala." he beamed at me. I roll my eyes at him. Narinig ko naman sinabi niya kaso
hindi ko lang naintindihan yung huli niyang sinabi.

Lahat napatingin sakanya nung bumaba kaming parking lot ng school. Ang sarap
pagdudukutin ng mga babaeng tumitingin sakanya. Alam kong gwapo siya pero
nakakainis lang.

"I think you should go." sabi ko.

"You don't want me to escort you to your room?" No! Pagtitinginan ka nila!

"I'm fine. I can manage." i said trying my self to smile.

"Nonesense! Ihahatid kita. Let's go?" he gestures his hand para sabay na kaming
lumakad.

"Ok." sabi ko. Dinala niya bag ko. Ay mali pala, kinuha niya bag ko para dalhin
niya. Tapos ngumiti siya saka tinignan ang phone niya habang naglalakad kami. May
chineck siya tapos ngumiti. Ano bang problema niya? Para siyang baliw na ngumingiti
ng walang dahilan.

"Hoy! Baliw ka ba? Bakit ka ngumingiti ng walang dahilan, ha?" usig ko sakanya
habang pataas kaming 3rd floor kung saan ang room ko.

"May dahilan ako para ngumiti." sabi niya. Natameme ako. Oo nga naman. Marami ding
magagandang babae dito sa school kaya malamang yun ang dahilan ng pag ngiti niya.
"..having you around is enough reason for me to smile." he added. Iniba ko tingin
ko para hindi niya mapansin na napapangiti ako. Sarap plasteran ng bibig ko.

"I guess this is your room?" he snap at me. Nandito na pala kami sa 3rd room.
Nakita kong nagsilabasan yung ibang college student sa ibang room at sinilip kami.
Bakit ba ang big deal sakanila na may kasama akong lalaki, or gwapong lalaki.
Marami din namang gwapo dito eh. Isama mo na dun si Trever. Oh, speaking of him.
Kumusta na kaya siya? His daddy called yesternight at sinabing pinagalitan niya si
Trever sa pagtakas pero at the same time daw, natutuwa siya at nagkakasundo kami.
They're all getting at wrong. So wrong. Mag kaibigan lang kami ni Trever no!

"It is." simple kong sagot. Kyla showed up at halos manlaki mata niya na makita
ako, with him? I think. She gave a playful look.

"You must be Aric?" Oh ghad. I hope Kyla won't say about the things i told her.

"Yes. And you must be, Kyla?" Aric genuinly smiled.

"Yup. I am so glad to finally meet you. Noon ko pa iniimagine ang Aric na sinasabi
sa akin ni Nyx." pinandilatan ko siya pero hindi niya pinansin. What's with her ba?

"Really? Masaya akong malaman na ikinekwento ako ni Lorelei sa kaibigan niya."


tumingin sa akin si Aric. I smile at him, awkwardly.

"Sige, pasok na ako." i said.


"I'll wait for you, after your class. Text me?"

"I don't have your number."

"You have. I saved it last night." from my peripheral view, i know Kyla widened her
eyes.

"Oh." nasabi ko lang. Tinalikuran ko na siya saka pumasok sa room. Hindi pa ako
nakakaupo ng tumambad sa harapan ko si Kyla at nakangiti ng makahulugan.

"What does he mean, last night? You were with him last night, are you? Oh my ghad!
I need details!" she shrieked. From the looks of her, hindi siya papayag na sabihan
ko ng mamaya. Atat ang babaeng ito kaya wala akong choice kundi ikwento sakanya ang
lahat. From helping Trever to escape up to Aric sseing us together. Hindi ko na
sinabi na nasa kwarto ko siya dahil for sure, another querries nanaman yun from
her.

"So you're torn between to hotties, huh?" she said after i told her everything.

"What? No! I don't like Trever, we're friends. And as for Aric, he's also my
friend." sabi ko sakanya.

"But you like him."


"I don't know. Err, stop asking things, ok?" i pretend like irritated but i know
Kyla won't buy it. Kukulitin niya ako ng kukulitin.

"Basta, kapag namroblema ka kung sino yung pipiliin mo, consider many things." she
said.

"Like what?"

"Kung sino yung may pinakamalaking muscles-- Aww! Hahahaha Bakit ka ba namamalo?"
natatawa niyang sabi.

"Baliw ka, alam mo yun?" natatawa ko ding sabi sakanya.

"Haha. Just saying, you know." napailing na lang ako sakanya.

Bakit ba iisipin ko ang bagay na yun eh hindi naman ako ma-sstuck sa ganung
stituation, diba?

***

Avia's POV
Hindi ko maipaliwanag ang kagandahan na nakikita ko ngayon. Nakatayo kami ngayon ni
Kier sa gitna ng daan na may mga bahay-bahay sa gilid. Para silang mga ancestral
house na inipon sa isang village. May mga kalesa din na dumadaan. Pakiramdam ko
nasa lumang lugar ako.

"Picture'an kita?" sabi ko sakanya. Inilabas niya yung DLSR niya saka ibinigay sa
akin.

"Sige tapos ikaw din." sabi niya. Nag-pose siya ng wacky sa gitna saka nag-rock
sign.

"Ya! Ang ganda ng kuha ko." sabi ko sakanya. Lumapit siya sa akin tapos tinignan.

"Parang kuha ng professional photographer ah." he said.

"Hahaha." tumawa ako.

"Ikaw naman. Wacky din ah." he said.

"Sure." i strike a post. Nilagay ko sa bewan ko ang left hand ko saka yung isang
kamay sa ulo.

"Isa pa." sabi niya kaya tumagilid ako ng konti.


"Para kang model." he said smiling. Nakatingin lang siya sa screen ng camera.
Matagal kaya parang nahiya tuloy akong tignan din yung picture ko. He even zoomed
in at naka focuse ito sa mukha ko.

"You're beautiful, Avia." he said looking through my eyes. That moment, parang
timigil ang ikot ng mundo ko. Parang naging kami lang sa paligid. Hindi ko mabasa
ang expression niya. Mixed emotions. I am not sure.

"I--i.." nakita kong namumula yung pisngi niya pati tenga niya.

"Tara na? Gutom na ako." he said.

"Ah Oo. Ako din. He-he-he." sabay kaming naglakad na nahihiya sa isa't-isa. Bakit
naging awkward ang atmosphere?

"Sa resort na lang tayo maglunch? Mas enjoy dun." napatango na lang.

Ang sinasabing lunch na enjoy daw ay mas enjoy pa sa iniisip ko. Kami mismo ang
mamimingwit ng isda at kami din mag-iihaw.

"Ya! Eto naaa! Dali, tulungan mo ako!" mukhang malaking isda yung nahuli ko.
Binitawan naman ni Kier yung fish rod niya para tulungan ako. Nasa likod ko siya at
sabay naming hinahatak yung fishing rod.
Nagulat akong makita na sobra pala ang lapit ng mukha niya sa akin. Nailang ako
kaya gumaan yung hawak ko sa panbinwit, dahilan para mahila siya ng konti at
napasama.

"WAAAH--" Nagpagewang gewang yung bangka dahil hindi ko nabalance yung pagkakatulak
niya sa akin.

"Avia! Avia!" huli na para hawakan niya ako sa kamay dahil nadulas na ang paa ko sa
sahig ng bangka.

*Splash*

"ohmp!" i was caught off guard. Napalalim ako sa sa tubig at naramdaman kong may
naiinom na akong tubig. I can control water pero hindi ako marunong lumangoy.

Naramdaman ko na lang na may humatak sa bewang ko. Gusto kong ibuka mata ko pero
masyadong malabo ang nakikita ko.

"HAAAHH!" i breath out ng makataas kami sa tubig. Nilongon ko si Kier na nasa likod
ko at hawak-hawak pa din ang bewang ko. Ang lalim ng hinga niya at nararamdaman ko
yun.

"S-sorry.. I almost let you drown.. Sorry." paulit-ulit niyang sabi habang
nakapikit. Hinarap ko siya at nakita kong namumutla siya.

"Ano ka ba, ok lang. Niligtas mo naman ako eh." i tried my best na pagaanin ang
loob niya.
"Hindi naman dapat natin ito ginagawa in the first place eh. Mapilit lang talaga
ako. I'm sorry." he said.

"Enough with the sorry, ok? I actually.. enjoyed it. Hindi yung lunod part pero,
kasi.. first time kong makasisid sa tubig kahit accidente lang." i beamed.

"Totoo?" gulat niyang tanong.

"Oo. Hindi ito yung ineexpect kong first time pero na-enjoy ko yun." honest kong
sabi.

"Kakaiba ka talagang babae Ikaw lang yung kilala kong nag-enjoy sa muntikang
pagkalunod." natatawa niyang sabi. I giggled with the thought.

May lumapit naman na mga taga Resort at tinulungan nila kaming makaahon sa tubig.

Napaisip tuloy ako. Paano kung malaman niya na kakaiba talaga ako? Na hindi ako
yung klase ng babae na iniisip niyang normal? Kung sabihin ko kaya sakanya?
Lalayuan niya ba ako? Kakatakutan? Mas gugustuhin ko pang hindi niya malaman kesa
sa layuan niya ako o katakutan niya ako. Siya lang ang kaibigan kong tao at ayoko
siyang mawala sa akin.

_________________________________________
As promised. Twice a week ang UD. :) Dapat kahapon pa ito kaso gumawa ako ng video
kaya hinintay ko muna yung matapos. Tsaka affected ako sa pagkaka amnesia ni
Joaquin. Naaawa ako kay Chichay! TT___TT hahaha.

Meron na palang official video trailer ang VC2DNYOVS. Nasa gilid po, pakiplay na
lang. ^^v

Like our facebook page: http://www.facebook.com/VCNYOVS.wattpad?ref=hl (see


external link)

Join our facebook group: http://www.facebook.com/groups/thyrizastories/

Nasa gilid po si Smitt --->> Yung hangin na kaibigan ni Avia.

Ang dami ko pala'ng silent readers. Mag-ingay naman po kayo. Gusto kong malaman
kung ano masasabi niyo sa adik na storyang ito. hihihi

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 8 - Yes! We have a date!
####################################

Chapter 8 - Yes! We have a date!

Lorelei's POV

Katatapos lang ng morning subjects ko. After lunch may pasok pa akong 1:00 to 3:00,
my major subject.
"Sa canteen na tayo girl?" Si Kyla ng makalabas kami ng room.

"Yeah. Gutom na ako eh." sabi ko habang tinitignan ang cellphone ko.

"Itext mo na kaya." napatingin ako sakanya.

"Ha? Sino?" maang kong tanong.

"Eh di sino pa? Si Aric mo." ngumiti siya ng makahulugan.

"A-anong Aric ko? Excuse me! Tinitignan ko lang kung may message!" i yelled at her
pero tinawanan nanaman niya ako.

"Wag ka ngang obvious dyan. Ay! Hindi mo na pala siya kailangan itext eh." she
giggles.

"Huh? What d'you mean?" napatingin ako sa direksyon na tinitignan niya. Nakatayo sa
hindi kalayuan si Aric. Nakapamulsa at naka sandal ang likod sa pader.

Lalapitan sana namin siya ni Kyla ng may tumawag sa akin. Dahilan para mapalingon
din ako.
"Oh em!" rinig kong bulong ni Kyla.

"Nyx! Sabay-sabay na tayong mag-lunch?" sabi ni Trever habang papalapit sa amin.

"A-aahh. K-kasi ano eh.."

"Hi, Trever! Remember me? Yeah. Thanks for the invitation pero may date si Nyx
ngayon so tayo na lang?" sabat ni Kyla.

"You have a date?" takang tanong niya at nahihimigan ko ang inis sa boses niya.

"U-uhhh--"

"Yes! We have a date!" Halos mapapikit ako sa papalapit din na Aric. Bakit ba ito
nangyayari? At bakit ako kinakabahan para sa dalawa? Hello?! Wala naman akong
boyfriend ni isa sakanila! At lalong walang nanliligaw sa kanila sa akin, so why am
i nervous?

Naramdaman ko ang malamig na kamay ni Aric sa bewang ko.

"O-ohh." Trever looked disappointed. I am disappointed too. I would love to have


some lunch with him, pero gusto ko ding kasama si Aric.
"..anyway. Joke lang naman yun! Hindi naman talaga kita gustong makasama sa lunch!
I just wanted to invite you for me to piss you more." he said. Was it just me o
talagang he is trying to make me believe na ayaw niya talaga akong kasama.

Tinalikuran niya ako without saying goodbye. Goodbye? Ano yun? Dito lang naman siya
sa school.

"That was harsh." Kyla commented. Hindi lang ako nakaimik. Nainis tuloy ako kay
Trever. Akala ko pa naman ok na kami. Akala ko we can be friends kasi i helped him
put yesterday. He was back to his old self. Once a badass. Always a badass!

"S-so where do you want to take me?" i asked Aric. Kanina pa pala siya nakatingin
sa akin.

"Oh! I forgot! Maurice texted me pala. Sasamahan ko siya mag-lunch." she says.
Napataas kilay ko. Never pa silang sabay nag-lunch ni Mau. At sa pagkakataon na ito
pa? Na ayaw kong mapagsolo kasama si Aric dahil naiilang ako?

"Ha? You didn't--"

"Enjoy kayo sa lunch date niyo. Bye!" she waved at us tapos patakbong umalis na.
Naiwan kaming nakatayo sa gitna ng corridor. Dahan-dahan kong hinarap si Aric.
Nakangiti siya sa akin pero hindi umaabot sa mata niya ang mga ngiti niya.

"Do you eat?" i asked while we're walking towards parking lot.
"No." he simply answered.

"Oh. So ako lang pala ang kakain ng lunch? Eh bakit mo pa sinabi kay Trever na may
date tayo? Ako lang naman pala ang kakain. Dapat pala sumama na lang ako sakanya."
sabi ko. He gritted his teeth.

"Then i'll eat!" he said tapos nauna ng naglakad sa akin. Ano'ng nangyari sakanya?
Inis ba siya? Galit? Nagtatampo?

Ganun pa man, pinagbuksan niya pa din ako ng pinto ng kotse kahit inunahan niya ako
sa paglakad. Wala akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse niya. As expected, nasa
loob agad siya ng kotse as he close the door.

"Can you act human? Paano na lang kung may nakakita sayo sa ginawa mo?" sita ko
sakanya.

"Pasensya na. Isa kasi yun sa namana ko sa daddy ko, his speed." he said and
started the engine. He has a daddy. Ofcourse.

"Vampire din daddy mo? Eh yung mommy mo? May kapatid ka ba? Ano hitsura ng
tinitirhan niyo? Lumang bahay ba? Umiinom ba kayo ng dugo ng tao?" derederetso kong
tanong. Napangiti lamang siya sa akin.

"I'm glad na interesado ka sa family ko at sa buhay ko." sabi niyang nakangiti.


"Wala kasi akong alam tungkol sayo. Unfair ata yun kasi ikaw nga nakakapasok ka ng
libre sa kwarto ko." mababa kong sabi.

Nakarating kami sa isang maliit na restaurant. Konti lang ang kumakain pero masarap
dito.

"Sure ka bang kakain ka? I mean.. kasi i know hindi kayo kumakain" sabi ko ng
makaupo kami sa loob ng resto.

"Actually, hindi talaga ako kakain. I only said that para pumayag ka na samahan
kitang kumain." he said.

"Hmm. Eh di kwentuhan mo na lang ako tungkol sa family mo." i said. Ngumiti naman
siya saka tumango.

Dumating yung order ko pero hindi pa din siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa
akin kaya naiilang ako. He watch me with fascination every time na susubo ako.

"Titignan mo na lang ba ako magdamag?" sabi ko kaya napaiwas siya ng tingin. Hindi
ko naman maitago ang mga ngiti sa labi ko. Sa katotohanan na dapat ay matakot ako
sakanya pero nawawala yun kapag naalala ko kung paano siya kumilos. Alam kong hindi
siya ordinaryong nilalang pero walang dahilan para katakutan ko siya.

"What are you thinking?" he asked.

"Wala." sabi ko saka nginuya yung asparagus na hiniwa ko.


"Tell me." he insist. Napabuntong hininga ako.

"Maraming beses ko na itong tinanong sayo pero hindi mo pa nasasagot." sabi ko at


naghintay lang siya sa mga sasabihin ko. I gently wiped my mouth using the table
napkin.

"..bakit ako? Bakit binibigyan mo ako ng itim na rosas?" seryoso kong tanong at the
same time lihim na nagdadasal na sana this time sagutin niya ang mga katanungan ko.

"Hindi ko din alam. Maybe because i wanted to leave a mark on you." he answered na
mas kinagulo ng isipan ko.

"Hindi ko maintindihan." sabi ko.

"Nung una kitang makita.. muntikan ka ng masagasaan ng sasakyan. Wala ako nung
balak na sagipin ka, pero there is this urge inside na kailangan kitang iligtas
dahil baka pagsisihan ko kapag hindi ko yun ginawa." he trail off ng dumating yung
waiter para kunin yung plate ko para palitan ng dessert.

"Nung una kong makita ang mga mata mo.. takot na takot ka. That time, i know i
should stay by your side. The first black rose you had recieved was when you were
playing doll house. It wasn't your birthday and i have the chance to talk to you
since you are just a kid."

"Ikaw na nag-ipon nung mga black rose sa isang kahon?" tanong ko. Dahil isang araw,
birthday ko nakatanggap ako ng itim na rosas at parang alam ko kung saan ko ito
itatago. Hindi ko alam kung paano ko nalaman pero taon-taon hinihintay ko ang
kaarawan ko at sa isang kahon ko siya tinatago.

"You helped me. Hindi mo na ata naalala kasi nung nakakausap kita, masyado ka pang
bata. You always asked me if i am your guardian angel." Wala akong naalala na
ganun. Nung mangyari ang massacre sa parents ko, parang nagsariling binura ng
isipan ko ang childhood memories ko, halos lahat ng masasayang araw ko noong bata
pa ako hindi ko maalala at puro masasama ang natira.

"Bakit ka nagdesisyon na magpakita?"

"Bacause i wanted to. It's the right time for you to meet the mysterious Mr. Black
Rose." he said and grinned.

"Paano pala kung sinipot ako ni Kirby sa dance floor? Paano mo ko makikilala?"

"I.. i already planned it. Hindi coinsidence ang pagkakawala ng partner mo sa debut
mo. Kagagawan ko yun. I'm.. i'm sorry." mababa niyang sabi. Hindi ko alam ang
mararamdaman ko. Hindi ako galit o naiinis. Natutuwa pa nga ako kasi gumawa talaga
siya ng paraan para magkita na kami.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakalapag sa mesa. Napatingin siya sa akin kaya
nginitian ko siya. Reassuring him na hindi ako galit. Malamig ang kamay niya pero
parang kapag hinahawakan ko yun, natatalo ng mainit kong kamay ang malamig niyang
balat.

"It's fine actually." sabi ko sakanya.


"I'm glad we are having this talk." he said.

"Me too." ani ko.

"Does the guys who killed your parents get caught? Are they in jail?" he asked.

"I don't want to talk about it, Aric." sabi kong nakatingin ng deretso sa mga mata
niya.

"Then let's talk about my family then?" he beamed.

"Please." sabi ko. He cleared his throat.

"I have a twin sister, she's Avia." He started.

"Really?" he nodded.

"She is a damphyr. Half vampire, half human."

"Oh" was all i can say.


"My Mom was a human and fell in love with a vampire Prince." Halos manlaki ang mata
ko sa sinabi niya. Parang hindi ko kayang ihandle ang mga sinasabi niya sa akin.

"Y-your a Prince too?" i manage to analyze what he say to me. If his father was a
Prince when her mother was human by then, ibig sabihin isa na itong Hari ngayon,
that makes Aric a vampire prince.

"Yes, and you're smart for figure it out." he said smiling.

"Is that a compliment?"

"It is. Avia will be glad to meet you."

"Pwede ko siyang makilala?"

"Ofcourse. Kasa-kasama ko siya dati sa pagbabantay sayo."

"You're stalking me." i teased him and he chuckled. I can see the complete set of
his teeths. Pantay-pantay 'to at maputi na parang porselana at pwede nang panmodel
sa tooth paste. I wonder kung may pangil siya? Most of the books na nababasa ko
about sa vampire eh may pangil daw sila.

"Not really. I'm your guardian, remember?"


"Stalking guardian then?"

"Sounds.. wierd." pareho kaming natawa.

Nang tignan ko ang oras sa cellphone ko, i was literally shocked! 1:30 na pala at
late na ako sa afternoon class ko! Ganun ba ako ka-occupied kausap siya? Ganun ako
nag-enjoy na nakalimutan ko ang oras?

"Problem?" untag niya.

"H-ha? Ano kasi eh.. Ala una pala yung pasok ko and i am 30 minutes late." pinakita
ko sakanya yung text ni Kyla at hinahanap ako.

"Ihahatid na kita." tatayo sana siya pero pinigilan ko siya. I'm late anyway so i
might as well enjoy it.

"I'm thinking of skipping class." sabi ko sakanya.

"Talaga? Ok lang sayo?" he look like he wasn't sure at parang ayaw niya sa idea.

"Yes. Pero kung hindi mo ako masasamahan, papasok na lang ako sa class ko at
hahayaan ang terror prof ko na ipahiya ako sa ha--"
"Gusto ko. Gusto kitang samahan." putol niyang sabi sa akin. Tumayo siya at ako
naman nag-iwan ng pera sa table. Nauna na siya sa labas ng resto at nakatayo siya
sa gilid nito habang nakapamulsa. Suot niya shades niya.

"Hop in." he opened his car and gave a curtsy like english people do those days.

"What a gentleman." i said saka sumakay. At gaya ng inaaahan ko, mabilis siyang
nakasakay sa driver seat. Napapailing na lang ako sa ginawa niya.

"Saan mo gustong pumunta?" he asked as he start the engine.

"Sa lugar na hindi ko pa napupuntahan." i grinned.

"I know a place." then he smiled.

***

Avia's POV

"Grabee! Yun na ata ang pinaka exciting na nangyari sa buhay ko, ang malunod." i
squealed habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya. Si Kier ay nakahiga sa
sarili niyang kama. Nakakumot at nilalamig daw siya.
"Hmmm." he answered me. Baka antok na siya.

"Matutulog ka na ba? Sige pahinga na tayo, tomorrow is another day." sabi ko.
Lumapit ako sa higaan niya at pinatay ang lampshade ng side table niya. Napangiti
ako ng marinig kong humihilik siya ng konti. Everything about human fascinates me.
Though i'm somewhat one of them, gusto ko pa ding maramdaman kung paano maging tao.

Nakita kong nagvibrate ang phone niya sa side table. Ayaw ko sanang tignan pero
naka instant message ito kaya nabasa ko lang din naman.

From Grampa: Apo ko, nasaan ka ba? Umuwi ka na. Please? Nag-aalala ang Grampa.

Napakunot ako sa nabasa ko. Akala ko ba hindi sila ok ng Grandfather niya? It looks
like he was concern na umalis ang apo niya.

'I can go anywhere i want at walang magagawa ang Grampa ko dahil isa akong
illigitimate niyang apo.'

Yun ang naalala kong lagi sa aking sinasabi ni Kier. Nagkibit balikat na lang ako.
Baka naman sa text lang yun, baka sa totoo hindi talaga maganda ang pakikitungo ng
lolo niya sakanya.

***
Kinaumagahan, maaga akong lumabas ng cabin namin. Nakakabighani ang hamog na
tumatama sa lagoon. Parang gaya lang sa Vampire City, laging mahamog kapag mag-
uumaga.

"Ang aga mo namang magising." i heard a voice behind me. Antok pa ang boses niya at
kinusot ng likod ng kanyang palad ang dalawang mata habang humihikab.

"Yeah. You hungry?" tanong ko sakanya. Napakagulo ng buhok niya ng nilingon ko


siya, still he look so adorable. Parang nawala yung maangas look na dinadala niya.
Isang maamong Kier ang kaharap ko ngayon.

"Yeah. Pwede bang mag-oder na lang tayo sa cabin service? Tinatamad pa akong
lumabas eh." Agad akong tumango.

"Ok lang. Parang napagod ka ata sa paglilibot natin dito sa Vigan ah. Mukha ka
ngang nanghihina eh." sabi ko.

"P-pagod lang ako. Wag mo akong pansinin. Tsaka na-stress lang siguro ako kasi
first time kong magtravel na may kasama." seryoso niyang sabi.

"I'm stressing you out? I'm sorry."

"Hahaha. I was teasing you. Ano ka ba." natatawa niyang sabi kaya nakitawa na lang
ako.

"Uhh, Kier.." i paused. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin kong nagtext ang Lolo
niya at nabasa ko. Ayaw kong isipin niyang nangingialam ako ng sa gamit niya.

"Yes?"

"I think your Grampa is worried about you." nagbago bigla expression niya. Nawala
bigla yung ngiti sa labi niya at parang nakarinig siya ng masamang balita.

"..i didn't mean to read his text. It was an instant message kaya nabasa ko siya sa
screen ng phone mo. I'm really sorry." Mabilis kong explain sakanya. The last thing
i want to do is make a bad expression on him.

"Ok lang yun. Alam ko naman na hindi mo sinasadya." he said, this time he is
smiling again. Para naman akong nabunutan ng tinik. Akala ko magagalit siya.

"Sorry talaga."

"It's ok, really. My grandfather is really fond in Instant message. Alam niya
kasing hindi ko yun babasahin." he shrug.

"I don't think your Grandfather hold grudge on you or anything. He's really worried
na umalis ka nanaman." i said. He just beamed at me.

"Text is different from calls. Kung siya magsasabi nun personally, it will be full
of sarcasm." naki-agree na lang ako sakanya. Oo nga naman, hindi ko pa kilala ang
Lolo niya. Baka nga isa yun sa sarcastic way of texting niya.
"We shouldn't be talking about my Grandfather." he said.

"Yeah. Sorry for bringing it up."

"It's not your fault. Come inside, it's chilling outside. Let's order breakfast." i
nodded saka ako pumasok sa loob ng Cabin.

Narinig kong pumasok sa CR si Kier kaya ako naman inayos ko ang gagamitin ko para
sa mamaya. Hindi na ako magsusuot ng rubber shoes. Magsasandals na lang ako--

"Prinsesa Aviaaaa~~"

"Huh?" Nilibot ko paningin ko.

"Prinsesa Aviaaaa!!" Nanlaki mata ko ng maalala ko si Smitt. Agad kong binuksan ang
maleta ko ko. Bakit ko ba siya nakalimutan? Iniwan ko siya sa bulsa ng maleta ko na
tulog.

"WAAAHH~~ Smitt, sorry!" sabi ko saka ko siya dinampot.

"Kinalimutan ko ako Prinsesa Aviaaa~~ Wuhuhuhu." she rub her eyes and crying.
"I'm so sorry, Smitt."

"Wuhuhuhuhu~~"

"Sorry talaga, Smitt. Na--"

"Avia? Sino'ng kausap mo?"

Halaaa! Patay!

***

Third Person's POV

At Vampire City...

"Welcome back, Wynner!" sabat ni Edric kay Wynner na bagong dating galing Germany.

"It's good to be back, Edric." masayang sabi ni Wynner. Nilibot niya paningin niya.
Isa lang naman ang hanap niya eh. Isa lang ang dahilan kung bakit siya nagbalik sa
Pilipinas.
"Wala siya. Balita ko pinapahanap siya ng Reyna. Tumakas nanaman daw eh." sabi
sakanya ni Edric na ikinakunot ng noo niya.

"Takas? Saan siya nagpupunta?" tanong ni Wynner.

"Ewan ko. Sa labas ng portal. Gustong-gusto dun ng kambal eh." kibit na sabi ni
Edric.

"30 years lang akong nawala nagrerebelde na ang Prinsesa huh." Wynner smirked at
his self.

"Buti at pinayagan ka ni Tita Maxhene." Pag-iiba ng usapan ni Edric.

"She have to. Sabi ko kailangan ko ng magpakasal. Hahaha. Imagine my mothers face
when i told her that." naiiling niyang sabi.

"Ang gago mo din kasi." biro ni Edric.

"Ang sabi ni Tita Erina, tayo daw na mga panganay nila lahat gago!" nagtawanan
silang dalawa.

"Sinabi yun ni Mommy?" hindi makapaniwalang sabi ni Edric.


"Our mothers actually. Si Aric, sakit daw sa ulo ni Tita Ingrid. Ako kay mommy at
ikaw kay Tita Erina." ani Wynner.

"Oy ah! Mabait akong anak!" depensa ni Edric.

"Nasaan nga pala ang Prinsepe ng katigasan ng ulo?"

"Saan pa nga ba? Sa mundo ng tao." sagot ni Edric.

"Haay. Pasalamat na lang ako at hindi ako nagkagusto sa tao." sabi ni Wynner.
Natahimik naman si Edric.

"Oh? Natahimik ka dyan?" puna ni Wynner.

"Ha? W-wala. Oy sige mauna na ako. May aasikasuhin pa ako. Don't forget to pay
respects sa elders." sabi ni Edric na tinutukoy ang mga dating namumuno na sina Kig
Vladimir at Queen Veruca.

"I will." sabi ni Wynner hanggang sa maglaho na sa harapan niya si Edric.

***
"Hello?... Oh, Nyx!... Bakit hindi ka pumasok?... Ahhh!... Uyyy, nagdedate na
sila.. Wahahaha... Oh sige... Bye bye na." ibinaba na ni Kyla ang phone niya saka
lumabas ng speech laboratory.

Medyo madilim na kaya nagdali-dali siyang lumabas ng room. Ayaw niyang mapag-isa sa
isang isolated na area. Naramdaman na lang ni Kyla na humangin ng malakas.

"Errr." napahawak siya sa balikat niya dahil sa lamig. Pinangingilabutan siya sa


hangin ngayon. Ganun ganun din ang naramdaman niya nung..

"OMG!" natatakot niyang sabi. Binilisan niya lalo ang paglalakad pero parang
hinihila naman siya ng hangin. Mas lalo siyang nakaramdaman ng takot.

Hanggang sa para siyang naparalisa sa kinatatayuan niya.

"T-tulooong!! M-may tao ba dyan?!" sigaw niya. Pakiramdam niya malakas naman ang
boses niya pero pinanghihinaan siya. Parang may nag-cocontrol sakanya.

"KAAAAAYLAAAA~~" Mas lalo siyang pinangilabutan ng may narinig siyang bulong at


pangalan niya ang sinasambit.

"K-kung.. kung sino ka man.. Please.. mag cross over ka na sa light. M-mas magiging
masaya ka sa heaven. G-gusto mo bang tulungan kita sa pag cross over?" nanginginig
na sabi ni Kyla.
"Pfft~"

"W-wag mo na akong tatakutin. Please naman oh!" nakapit na niyang sabi. Takot na
takot na siya at kung isa itong panaginip mas gugustuhin niyang ipikit ang mata
kesa sa makikita.

"I-i.. I don't know i am scaring you.. Sorry." a voice said behind her. Gusto man
niyang lumingon hindi niya magawa dahil sa natatakot siya.

Naramdaman niyang naglakad ito paunahan niya. Mas lalo niyang pinikit ang mata para
hindi niya makita kung sino man ang multong nananakot sakanya.

Pero para namang may sariling utak ang mata niya dahil sa kusa itong nagbukas.
Blurred ang paningin niya at nakikita niyang may nakatayo sa harapan niya. Dahan-
dahan itong lumilinaw hanggang sa makita na niya ang multo.. o lalaki?

"Kyla.." he whispered.

***

Kyla's POV

"Who are you?" naningkit ang mga mata ko sa nakikita. Hindi siya mukhang multo.
Tinignan ko ang mata niya. Yun din ang mga matang nakita ko sa dilim. That eyes
that haunt me every night.
"What do you need?" i asked again dahil wala ata siyang balak magsalita.

"Hindi ko akalain na nasa harapan na kita ngayon." he said without answering my


questions.

I hesistantly lift my hands and poke his shoulders. Hindi nga siya multo. Nakita
kong napatawa siya sa ginawa ko. All of the sudden parang nawala ang takot na
nararamdaman ko. Parang musika ng marinig kong tumawa siya.

"Sorry kung natakot kita. Dapat talaga hindi ako nag-babasa ng mga suspense books.
Sabi kasi dun if you want to caught girl's attention, you should atleast make her
remember you by scaring." napapakamot niyang sabi. May dimples na lumalabas sa
cheeks niya sa tuwing magsasalita siya.

"Sino ka ba kasi?" tanong ko ulit.

"I'm Edric Calix."

_________________________________

A/N: Pasensya na po kung masabaw ang update. Busy talaga ko ng uber eh. Final
defense na kasi namin at ineedit ko manuscript ko. May mga hint akong iniwan sa
story sana may makahula. wehehehe.

PS: May binago ako sa book 1. Yung part na kumikislap ang vampire kapag naarawan.
Babaguhin ko yun. Hindi niyo naman kailangan basahin ulit. Kaya nga sinasabi ko
dito para alam niyo na. They only have to wear shades o takpan ang mata nila para
maitago nila ang totoong katauhan nila. So parang their life depends on their eyes
so kailangan takpan. Ang corny kasi kung kumikispal din sila gaya ng twilight.
wahahaha.

At the right side is Wynner. (Pronounce as WAY-NER)

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 9 - When a Vampire falls in love
####################################

Chapter 9 - When a Vampire falls in love

A./N: Natatawa ako sa title ng chapter ngayon. Wahahaha napaka-cliche ko talaga.


Cliche ba ang story ko? Tell me. Huhuhu tell me para iliko natin ang plot.
wahahahaha

Lorelei's POV

"Saan ba tayo pupunta?" inip kong tanong. Wala na kasi kaming nadadaanan na bahay
ta puro puno sa paligid.

"Malapit na tayo." he said.

"Talaga lang ha? The last time you said that is 1 hour ago." sarcastic kong sabi.
"This time i mean it." sabi niya saka niliko yung sasakyan sa isang secluded na
daan. Hindi gaya ng dinaanan namin kanina, bako-bako na siya at makipot ang daan.

"S-sigurado ka bang itong ang pupuntahan natin?" kabado kong tanong. Oh my ghad!
Bakit ko ba nakalimutan na vampira pala itong kasama ko? Bakit nawala sa isip ko na
sumisipsip sila ng dugo ng tao? Bakit--

"I'm not gonna drink your blood if that's what you're thinking." he said.

"Eh?"

"You have such a morbid mind and your face says it all. Namumutla ka nung pumasok
tayo sa daan na ito." malamig niyang sabi.

"K-kasi.."

"You really think na gagawin ko yun sayo, Lorelei?" he stop the car and looked in
to me. Napakaseryoso niya. Hindi ko naman sinasadyang isipin yun. Hello?! Hindi
siya tao noh? I am given a priviledge to be scared.

"You can't blame me!"


"This is a modern era, Lorelei. Sa palagay mo ba interesado pa din kaming mga
vampira sa dugo ng tao? Ano sa tingin mo kung bakit nakiki-blend in kami sa inyo?"
Hindi ko alam kung bakit tumatagos ang mga sinasabi niya sa akin. Is it the way he
say my name o dahil sa hindi niya nagustuhan ang iniisip ko.

"Look. I didn't mean to offend you, ok? You can't blame me kung natakot ako. You're
still a vampire." i said. Trying my best na hindi maintimidate sakanya.

"Sorry. We're here anyway." sabi niya kaya napaangat ako ng tingin.

Para kaming nasa Rain forest. Everything is wet. From soil to leaves. Small drops
of water is falling and everything is green.

"Hindi na kaya ng kotse na ipasok yan sa main place kaya maglalakad tayo from here
to there." he said.

"Maglalakad?" Hindi na naman siya bako-bako pero.. hindi ko feels maglakad. I'm
still wearing my uniform and imagine my college shoes walking through the wet land.

"Come." utos niya.

"Bakit?"

"I'll give you a piggy back ride." nanlaki mata ko. Naka-skirt kaya ako. Talaga
naman ito si Aric.
"I'll walk." sabi ko saka dumeretso.

"..Aww!"

"Halika na kasi." sabi niya.

Nahihiya naman na lumapit ako sakanya. Nag-squat siya para maging ka-level ko siya.
Pumunta ako sa likuran niya saka ko siya niyakap--i mean umamba sa likod niya.
Tumayo naman siya at hinawakan ang magkabila kong legs.

"Ready?"

"Huh?"

***

Avia's POV

"Sino ba'ng kausap mo, Avia?" tanong ni Kier. I took a glimpse of Smitt at wala na
siya.
"Wala. Kinakausap ko sarili ko." kibit balikat ko.

"Ah. Akala ko kung ano na." sabi niya saka tumawa. Nakahinga naman ako ng malalim.
Akala ko pa naman mabubuking na ako.

"Maliligo lang ako." sabi ko. Kumuha ako ng tuwalya at toiletries.

"Sige. Tatawag din ako ng Cabin service." tumango lang ako saka lumakad papasok sa
CR.

Ni-on ko ang shower saka naligo. Naririnig kong may kausap si Kier sa phone. Siguro
para tumawag sa cabin service. I quickly wash my body with soap then started
putting shampoo in my hair.

"Prinsesa Avia.."

"Ay palaka!" napatalon ako dahil sa boses ni Smiit. Hindi ko naman siya nakikita.

"Hihihi. Ang ganda ko namang palaka, Prinsesa Avia." sabi niya. Dali-dali kong
binanlawan ang buhok at katawan ko.

"Yeah...I told you... Tss! Hindi nga po ako uuwi. ____ ko kayo lolo pero gusto ko
mag-enjoy b--"
"Prinsesa Avia. Saan kayo mamamasyal? Kahapon hindi niyo ako sinama." rinig kong
sabi ni Smitt kaya hindi ko na narinig yung sinasabi ni Kier.

Mukhang ok naman sila ng lolo niya ah. Hindi naman siya rude makipag-usap. Ah-
siguro kasi kahit hindi maganda ang trato nito sakanya ginagalang niya pa din niya.
Napangiti na lang ako bigla. Ibig sabihin mabuti siyang tao. He never hold grudges
to people. I really like Kier, as a person. Hindi kasi siya mapagsamantala at
sobrang bait. Alam mo yun? Tsaka--

"Tapos ka na ba maligo, Mahal na Prinsesa??"

"Malapit na." sabi ko. Nagtapis lang ako ng tuwalya pantakip sa katawan.

"Lalabas lang ako Prinsesa Avia. Makikipaglaro lang ako sa mga kapwa ko hangin."

"Sige"

Lumabas akong kwarto at nakita kong wala si Kier. Mabuti naman at magbibihis ako.
Nakalimutan ko kasinng mag-dala ng damit.

Kinuha ko yung maleta saka pinatong sa kama. Binuksan ko yun saka pumili ng damit.
Hmm.. Ano kaya magandang isuot ngayon? Hmm. Eto na lang na short at white blouse
ko.

Dahan-dahan kong tinanggal ang tuwalya sa katawan ko saka sinuot yung mga undies
ko. Sinunod ko yung short.

"Ay?" Bakit may butas itong damit ko sa bandang manggas? Hayaan na nga. Maghahanap
na lang ako ng iba. Marami pa naman akong da--

"Avia ano'ng gus--"

"OH MY GHAD!!!"

"SORRRYYYY~ Wala akong nakita promise!!!"

"WAAAHH~ Bakit ka ba hindi kumakatok???!!" Nakatalikod na ako saka nakatakip ang


dalawang kamay sa harap ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko hinablot ang towel o
yung damit na nasa harapan ko lang. Nataranta lang kasi ako eh. Agad kong kinuha
ang damit na nakita ko saka sinuot yun.

Pagharap ko, nakita ko si Kier na nakatalikod at may dalang Tray.

"P-pwede ka ng humarap." naiilang kong sabi.

"Sorry talaga, Avia. Hindi ko sinasadya. Akala ko kasi nasa CR ka pa kaya hindi na
ako kumatok." mabilis niyang sabi.
"Ok lang.. I mean.. alam ko naman na hindi mo yun sinasadya." sabi ko. Lumapit siya
sa akin at nilapag sa kalapit na mesa ang dala niyang tray.

Pag-kain ang laman nito.

"K-kain ka na." sabi niya. Nasa boses niya pa din ang hiya

"Sige. Sabay na tayo?" nakangiti kong sabi, pinipilit na tanggalin ang tension sa
amin dalawa. Tumango siya.

Nakaupo na kami pareho at magkaharap sa mesa ng biglang sumolpot si Smitt.


Hinihingal siya at halatang galing siya sa mahabang paglipad.

Paano ko ba siya kakausapin ng hindi nahahalata ni Kier?

"Saan ka galing?" tanong ko kay Smitt pero nakatingin kay Kier.

"Ha? Sa Restaurant. Kinuha ko yung order natin." sagot niya. Tumango ako saka
tumingin kay Smitt.

"May problema tayo, Mahal na Prinsesa.." hinihingal niya pa ding sabi.

"Talaga?" sabi ko. Tumango si Kier.


"Prinsesa Aviaaa~ S-si.. si Errr. Si Prince Wynner, papunta dito!!"

"ACK!" Naibuga ko yung nginunguya kong fried rice dahil sa sinabi ni Smitt. OH MY
GOD!

"Avia, ok ka lang?? Eto tubig oh." sinalinan ako ni Kier ng tubig sa baso saka
pinainom sa akin. Isang problema nga. Isang masamang balita.

-Flashback-

"WAAAAHHHH~~~ MOMMY! MOMMY!" iyak ko habang kinukusot ang mata.

"Sige, magsumbong ka! Malalaman ng Reyna na may first kiss ka na!" pananakot sa
akin ni Wynner. Ang anak ng matalik na kaibigan nila mommy at daddy. Kinasusuklaman
ko siya! Ninakaw niya ang first kiss ko!!

"ANG MANYAK MANYAK MOOO!!!" Singhal ko sakanya.

"Wala namang masama sa halik ah!" sabi niya haban nakahalukipkip. Mas matanda siya
sa akin ng tatlong taon. At napakabata pa namin para maisipan niyang gawin yun!

"Masama yun! Sabi ni mommy hinahalikan lang daw yung mga mahal nila! Hind naman
kita mahal!" pasigaw kong sabi sakanya.
"Ang swerte mo nga eh! Ang isang Prinsepa na tulad ko hinalikan ang katulad mong
musmusin na Prinsesa!" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Una pa lang naming
pagkikita tinatawag na niya ako musmusin. At naasar talaga ako dun!

"Hindi ako musmusin! Maganda ako!"

"Naghahallucinate ka lang. Bleeh!" ngumisi siya kaya mas lalo akong nainis.

"Ah basta! Maganda ako! At isusumbong kita sa daddy ko! Kapag nalaman niyang
hinalikan mo ako magagalit siya sayo!" lumabi ako sakanya.

Mukha naman siyang natakot dahil sa sinabi ko.

"W-wag! Wag mo akong isusumbong! P-papaksalan kita. wag mo lang akong isususmbong!"

-end of flashback-

Kinikilabutan talaga ako kapag naaalala ko yun. Kapag bumabalik siya sa palasyo,
lagi niya yung inuungkat na papakasalan niya daw ako. Eh hindi ko nga siya gusto!
Nakakaasar ang pagmumukha niya.

Nawala siya ng 30 years tapos babalik siya ng ganun ganun na lang? Guguluhin niya
ulit ang buhay ko?
"Ok ka lang ba, Avia? Bakit nakatulala ka dyan?" untag sa akin ni Kier.

"U-uhh. Kier, kailangan na natin umalis dito. Mukhang nahanap ako nung inutusan ni
mommy!" pagsisinungaling ko sakanya.

"H-ha? Oh sige-sige." tumayo naman siya at hindi natinapos ang kinakain. Nagdali-
dali siyang nag-impake at ako naman sinarado ko ang maleta ko.

"Prinsesa Avia, bilisan mo na. Malapit na siyaaa~" sabi ni Smitt na mas lalo kong
ikinataranta. Wala na akong choice.

"2 minutes Prinsesa."

"OMG! OMG!" sabi ko.

"Kier.." tawag ko sakanya. Lumingon siya and with just one snap of my finger,
pinatulog ko siya.

"Smitt, ikaw magdala kay Kier. Ako ng gamit namin." utos ko kay Smitt saka pareho
kaming nawala na parang bula.

***
Kyla's POV

"Edric Calix?" sambit ko ulit sa pangalan niya. Tumango naman siya.

"Oo. I'm glad to finally see you in person." sabi niyang nakangiti.

"Paano mo ako nakilala?" tanong ko sakanya. I know i am beautiful and famous pero
hindi ako sanay na may bigla na lang na magpapakilala sa harapan ko at tatakutin pa
ako. Walang naglakas ng loob na kilalanin ako lalo na kung alam nilang hindi ako
interesado. But this guy, he surely caught my attention. Especially his dimple.

"Si Aric kasi. Kilala niya yung kaibigan mong si Lorelei kaya nakilala din kita."
Nanlaki mata ko. So kaibigan siya ni Aric?

"You're friend with Aric?" i asked.

"No. He's my cousin." his dimpled showed, again.

"Oh." nasabi ko lang.

"Ihatid na kita pauwi. Mahirap na magsolo maglakad." sabi niya. Nagdalawang isip
muna ako. Ano nga ba ang mas delikado? Ang maglakad ng mag-isa? O ang magpasama sa
isang lalaking ngayon mo lang nakilala?
"S-sige." Mas pipiliin ko pang maglakad ng may kasama kesa sa wala. Mukha naman
siyang harmless eh. Though gusto ko siyang sapukin dahil sa pananakot niya sa akin.
Akala ko aatakehin ako sa puso.

"May sundo ako eh." sabi ko sakanya ng makarating kami sa parking lot.

"It's ok. Pwede naman tayong magkita bukas ulit eh."

"Huh?"

"Hehehe. Sige. Ingat ka ah." kumaway siya saka nawala na. Ang wierd naman.

***

Nyx Lorelei's POV

"Woah! Ang gandaa~" nasabi ko ng makarating kami sa isang cliff ng Rain Forest. Sa
baba nito ay isang napakalinaw na ilog. Ang ganda talaga. Para siyang yung nakikita
ko sa TV lang. Perfect.

"Isa ito sa mga pinupuntahan ko kapag magulo ang isip ko." he said.
"Magulo ba isip mo ngayon?" curious kong tanong.

"Hindi. Gusto ko lang na puntahan etong lugar na ito kasama ka." tumingin siya sa
akin saka ngumiti. Sinilip ko ang baba ng bangin at parang nalula ako sa sobrang
taas. Kung sakali man na tatalon ako, hindi ko yun kakayanin. Wala akong afraid of
heights pero nakakakaba naman talaga ang scenery ngayon.

Umupo siya sa isang bato at tumingin sa kalawakan. Tinignan ko lang siya ng


mataman. Ang medyo reddish brown niyang mata ay nagcocompliment sa papalubog na
araw. Parang may flame sa pupil niya kapag tinitignan ko. Napaka expressive din ng
mata niya. Alam mo kung galit, masaya o malungkot.

Siguro nga tama siya, there's no such thing as vampire suckers, this days. Napa-
modern na ng mundo at pati siguro sila nag upgrade na din. At kung mabibigyan ako
ng chance, gusto ko silang kilalanin. Siguro ang cool maging kagaya nila. Malakas
ka. Hindi ka basta-basta masasaktan. At invincible.

"Ang lalim ata ng iniisip mo." he snap on me.

"Hindi naman. Mga random things lang." nakangiti kong sabi sakanya. Tumango naman
siya.

Nahalata kong bumuka ang bigbig niya tapos isasarado niya ulit. Parang may
sasabihin siya pero nagdadalawang isip kung sasabihin niya sa akin o hindi.

"Pwede mo ba akong kwentuhan pa tungkol sa lahi niyo?" ani ko. Tumabi ako sakanya
at nagshare kami nung batong inuupuan niya. Para namang nag ning-ning ang mga mata
niya dahil sa sinabi ko.
"I'm glad na interesado ka sa tribe namin." he beamed at me.

" I really wanted to know you more." i answered. Mas lumapad ang ngiti niya sa
labi.

"Well, bukod sa alam mo ng may kambal ako at isa siyang damphyr. Ano pa ba.. Ah~
may pinsan ako na may gusto sa kaibigan mong si Kyla." nanlaki ang mata ko dahil sa
sinabi niya.

"Talaga? Sino?"

"His name is Edric. Remember nung natulog si Kyla sa bahay mo dahil natatakot
siya?" tumango ako.

"..si Edric yun. Ang sabi ko kasi sakanya, be mysterious. Hindi ko naman alam na
matatakutin pala ang kaibigan mo. Hindi siya kagaya sayo na gusto sa mga mysteryo."
natawa ako sa sinabi ni Aric. So wala naman pala talagang aswang sa bintana niya.

Bigla akong nag-blush ng maalala ko ang gabing yun. Yun yung gabing hinalikan ako
ni Aric at nagpaalam na mawawala. Hindi ko maintindihan kung bakit iba yung
nararamdaman ko.

"Mag-fefreak out yun kapag nalaman niyang isang vampire yung sinasabi niyang
aswang." i said then chuckle.
"Kaya nga sabi ko kay Edric, hinay-hinay lang."

"Isa lang ba pinsan mo? Wala ng iba?" i asked.

"Wala na. Isa lang kasi ang kapatid ni daddy. Si mommy naman solong anak."

"Mabait ba ang mommy mo? I mean.. kasi isa siyang Reyna?"

"She's kind. pero strict. Hindi niya kami in-spoil. At pinalaki niya kami ng may
disiplina. Mas malambing kasi ang daddy ko though mas nakakatakot siya."

"You're lucky you still have your parents." sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Kung hindi siguro ako umalis para kumuha ng black rose para sayo, siguro
natulungan ko ang parents mo." sabi niya. Napangiti ako ng mapait.

Bakit nga ba yun nangyari? Kapag naalala ko ang nangyari parang gusto kong gumanti.
Nagagalit ako. At hanggang ngayon yun pa din ang nararamdaman ko. Yun siguro ang
dahilan kung bakit hindi ako masaya. Kaya kahit sinasabi kong ag-eenjoy ako, alam
ko sa kaibuturan ng aking puso na hindi yun totoo. Pero si Aric, siya ang nagbago
sa papanaw ko na kahit kailan hindi ako magiging masaya. Sa paraan niya ng
pagbibigay ng itim na rosas, alam ko na nasisiyahan ako.

"Gusto mo bang tulungan kita sa paghahanap kung sino ang pumatay sa magulang mo?"
Sa lahat ng sinabi ni Aric, yun lang talaga ang pumukaw sa attention ko.
"Magagawa mo ba yun?"

"Oo naman. Kung mabubuksan ang kaso ng parents mo ng palihim, maari nating matukoy
kung sino ang pumatay sa magulang mo. And everyone is a suspect." ani niya. Para
namang napantig ang tenga ko sa sinabi niya.

Everyone is a suspect.

"Including you?" tanong ko kaya napamaang siya pero nabawi din naman niya saka
ngumiti.

"Even me is a suspect. But i'll prove to you na hindi ako yun. Kung hahayaan mo ko
na tulungan ka." Marahan akong tumango sakanya na dahilan ng pag-ngiti niya.

"Alam kong masama ang gumanti pero gusto ko talaga yun gawin sa ikakatahimik ko.
Hindi man ako maging masaya, atleast naipaghhiganti ko ang magulang ko." sabi ko
saka tumayo at tinanaw ang kalawakan.

Humangin ng malakas kaya napunta sa mukha ko ang ilang hibla ng buhok ko.

"Then i'll help you. We'll find the man who killed your Parents." he said.
Naramdaman ko na lang na pumulupot ang bising niya sa likod ko at niyakap niya ako.

Malamig ang pakiramdam ko. Pero binibigyan niya ako ng assurance na tangi ang yakap
niya ang makakapanatag sa akin. May kung naong binulong siya sa akin pero hindi ko
maintindihan.

"Sana dito na lang ako lagi." nasabi ko na lang.

"Eh di dadalhin kita lagi dito araw-araw." sabi niya sa likod ko. Hindi ko man siya
makita alam kong nakangiti siya.

"Lorelei?" he whispered. Nilingon ko siya kaya sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

"Hmm?"

"Gusto ko ako lang ang dahilan ng pag-ngiti mo."

...................................................................................
...............................................

Pasensya na ang sabaw ng update. :3 Minadali ko lang kasi siya. Siningit ko lang
ito sa busy schedule ko.

HAPPY 500K pala sa Vampire City Book I.

PS: Guyth, basahin niyo yung The Talisman Clock, story ni @bubble_fay, sister ko
yun. Sana basahin niyo din. Gaya ko, forte din niya ang fantasy. ^___^ Nasa
external link po siya, pclick na lang. :))
XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 10 - I like you, Nyx. I really do.
####################################

Chapter 10 - I like you, Nyx. I really do.

This is dedicated to you JS_JULIANEBEST. :)) It was nice chatting with you. I
really enjoyed it. ^___^

Nyx Lorelei's POV

"Tito Kent.." tawag ko sa pangalan ni Uncle pagpasok ko ng bahay. Kararating ko


lang at nadatnan ko siya sa office niya na busy na nagbabasa ng papeles.

"Nandito ka na pala. You need anything?" he said without looking at me.

"Y-yes.."

"May ipapabili ka ba? May gusto ka bang--"

"No Tito, i want to know more about my parents killers. I know i told you before na
hindi pa ako handa but now.. now i am ready to hear everything." Nakatingin lang sa
akin si Tito. Mukhang nagulat sa mga sinabi ko.
"N-nyx.. A-are you sure? Baka.. baka nabibigla ka lang?" his face is full of
apprehension. Parang nagdududa sa mga pinagsasabi ko.

"I am sure, Tito Kent." i said full of confidence. I heard him sigh.

"Walk with me?" his hand gestures. Lumapit ako sakanya at inakbayan niya ako
papunta sa likod ng bahay. Giniya niya ako papunta sa Pavillion ng palikuran, sa
katabi ng pool. Tumingin siya sa malayo and again, i heard him let out a heavy
sigh.

"Tito Kent.. kung hindi niyo po kayang sabihin sa akin.. O-ok lang." sabi ko kahit
hindi yun ang gusto ko. Ayokong maging inconsiderate na baka na-traumatize din siya
sa mga nangyari.

"It was the day before your birthday when i first saw your parents so bothered. I
once asked them what the problem is.. but they didn't tell me. My sister said i
have to protect you no matter what happen. Na h'wag akong aalis sa tabi mo." Medyo
napapapiyok si Tito Kent sa mga sinasabi niya.

I remembered the night before my birthday, natulog si Tito Kent sa tabi ko dahil
gusto niya daw akong bantayan. And me.. as the usual Tito's girl, pumayag dahil
masayang kasama si Tito Kent. He acted 12 years old when he needed to. He played
with my dolls when i told him to. Ganun ako kamahal ng Tito Kent ko. At so far..
yun pa lang ang malinaw sa isipan ko.

"Umaga nun.. busy na ang lahat sa birthday party mo. Narinig kong nag-aaway ang
mommy at daddy mo kung icacancel ang party mo o hindi. Hindi sa akin malinaw ang
lahat pero ang alam ko, sobrang eager ang Kuya Leroi na wag ituloy ang birthday
party mo." Kahit hindi ko makuha ang point ni Tito, naantili akong tahimik at
nakikinig.
"Pero si Ate Nina ayaw niyang i-cancel ang party. She said, it might be the last na
magiging kumpleto sila sa birthday party mo." Mapait niyang sabi. Napakunot ako.

"Alam po nila mommy at daddy na may mangyayari sakanila?"

"Siguro. The last thing i heard before akong umalis is 'They won't hurt her. They
promised.' Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin nun. I really have no idea, Nyx."
tumingin sa akin si Tito Kent at nagbabadya ang mga mata niya sa pag-iyak. Alam
kong mahirap din sa part ni Uncle ang makita kung paano patayin ang kanyang kapatid
sa harapan niya mismo.

"Ano po ang sab ng mga pulis?" i asked. He shrug.

"Hindi ako naniniwala sa sinabi nila. They said may malaki daw na pinagkakautangan
ang daddy at mommy mo sa isang organization at hindi nila yun mabayaran." ngumiti
si Tito Kent ng mapait.

"Lahat ng ari-arian ng parents mo nalipat sa akin kaya hindi ako naniniwala na may
pinagkakautangan sila. Sana ngayon naghihirap tayo. Sana ngayon.. wala tayo sa alta
ciudad." Napatango ako kay Tito Kent.

"Ano po ang kutob niyo?"

"Ang kutob ko? Hindi ordinaryong tao ang pumatay sa magulang mo. Nung tumakas
tayo.. nakita ko kung paano kumislap ang mga mata nila. And i am pretty sure na
hindi sila tao."
"What?"

"Yun din ang dahilan kung bakit.. kung bakit ako naduduwag na buksan ulit ang kaso
nila Ate at Kuya. Ayokong balikan nila tayo. Lalo ka na, Nyx. Nangako ako sa Ate na
kahit ano'ng mangyari poprotektahan kita."

"You protect me already Tito Kent. And now it's my time to protect you."

"W-what.. what do you mean, Nyx?" he frowned.

"I'll investigate the death of my parents with or without your help." i said and he
widned his eyes.

"No Nyx! Ni hindi mo nga alam kung saan ka magsisimula eh."

"You can't stop me Tito Kent. I've made my decision already." i stand up for my
self. Alam kong hindi papayag si Tito Kent. Pero kailangan kong malaman ang lahat.
Sa ikakatahimik ko. Sa ikakasaya ko.

***

Avia's POV
"Prinsesa Avia, bakit niyo yun ginawa? Hindi ko man lang nainjoy yung bakasyon
natin." nakangusong sabi ni Smitt sa akin. Pauwi na kami sa Vampire City at iniwan
namin sa isang hotel si Kier. Syempre hindi niya maalala yung huling nanyari. Ayoko
lang kasing maabutan siya ni Wynner.

"Para yun sa kapakanan ni Kier. Baka kasi kung ano ang gawin sakanya ni Wynner."
sabi kong mabilis na nag-ddrive pabalik sa City. Nakapasok na kaming portal kaya
medyo nakahinga na ako ng maluwang.

Pagbaba ko ng kotse, nasalubong ko agad si mommy na nakapameywang at halatang galit


na galit.

"Lagot tayo, mahal na Prinsesa." natatakot na sabi ni Smitt. Nakita ko ang mama ni
Smitt na galit din dahil sa galaw ng pakpak nito.

"H'wag kang mag-alala, Smitt. Ako lang ang mapapagalitan. Hindi kita idadamay."
sabi ko sakanya.

"Saan ka galing?!" sabat sa akin ni mommy.

"I miss you too, mommy."

"Nakung bata ka! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sayo." nang-gigil na sabi ni
mommy. Napakamot lang ako ng batok. Hindi ko kayang magsinungaling sa harapan ni
mommy eh.
"S-sorry po, mommy." nakayuko kong sabi.

"Alam mo ba na pinagtakpan kita sa daddy mo? Mag-aalala yun kapag nalaman niyang
pumunta ka sa kung saan na wala kaming alam." Mahina lang ang boses ni mommy at
hindi mo mahihimigan na pinapaglitan ako pero ramdam kong gustong gusto niya akong
kurutin.

"M-mommy.. kasi po.."

"Saan ka ba pumunta?! Saan ka naglagi sa dalawang araw mong pagkawala?!"

"S-sa ano po.. sa.."

"She's with me, Your highness."

Pareho kaming napalingon ni mommy sa nagsalita. Napakunot ako ng mapagtanto ko kung


sino yun. Matagal bago ko marealize na ang nasa harapan ko ay si Wynner. Ano ba ang
ginagawa niya dito?

"Wynner.. hijo!" Nawala ang inis sa mukha ni mommy ng makita niya si Wynner at
napalitan yun ng galak. Ok, masaya siyang makita ang pervert na vampirang yan!

"Pasensya na po, Tita. Kasama ko po ng isang araw si Avia. Yung unang isang araw po
kasi hinintay niya ako. Hindi niya po alam na dumito muna ako. Kaya po nawala siya
ng dalawang araw. Kasalanan ko po." magalang na sabi ng hambog na si Wynner. Siya
na ang magaling magsinungaling sa harap ng mommy ko.

"Ay aba hijo, ok lang. Pinapagalitan ko lang si Avia kasi hindi nagpapaalam sa
akin." nakangiting sabi ni mommy.

"P-pero mommy.."

"Pumasok ka na Avia. Mag-bonding kayo ni Wynner." sabi ni Mommy.

Tumalikod na si mommy kaya naiwan ako kasama si Wynner. Si Smitt naman pinasunod ng
mama niya den nila.

"Bakit mo sinabi yun?!" singhal ko kay Wynner. Ngumisi naman siya. Yan ang pinaka-
ayaw ko sa pagmumukha niya kapag ngumingisi siya. Nakakaasar masyado!

"Ungrateful Princess. Ikaw na nga itong pinagtanggol sa mahal na Reyna, ikaw pa


itong galit." umiiling pa niyang sabi.

"I didn't ask for it!" I retorted.

"But you need it. Ano kaya ang mararamdaman ng mahal na Reyna kung malaman niyang
tao ang kasama mo? Sa iisang kwarto?" tumaas ang kilay niya. Ang kanyang infamous
annoying eyebrow arch.
"Bakit ka ba nandito?!" i asked instead.

"To marry you, remember?" he grinned.

"Marry your face! Hinding hindi ako magpapakasal sa hambog na gaya mo!" sabi ko
saka ko siya tinalikuran. Nasaan ba kasi ngayon si Kuya? Hindi man nya ako
makampihan pagdating kay Wynner, atleast may distraction sa pagiging feeler niya.

"I'm your first kiss, remember?" he said from afar.

"I don't care! It's just a childish act! So stop threatening me with those dahil
hindi na ko natatakot pa." tuluyan na akong pumasok sa palasyo at iniwan si Wynner
sa labas.

***

Aric's POV

[Kuyaaaa~ Nasaan ka ba? Kailangan kita ngayon.] Cried AVia. Kanina pa siya text ng
text sa akin kaya ako na ang sumagot sa tawag niya.

"Nandito ako sa bahay ko. Gusto mo bang pumunta? Ano bang problema dyan?" Nag-
aalala din ako para sa kambal ko. Mahal na mahal ko yun kaya ayaw kong sumasama ang
loob niya.
[Sa mundo ba yan ng tao? Pupuntahan kita dyan kuya. I'll stay there for a while.] I
heard her sniffing.

"Teka, umiiyak ka ba?"

[Hindi naman. Nakakainis kasi eh. Dumating si Wynner tapos.. tapos nang-iinis
nanaman siya.] parang bata na nagsusumbong na sabi niya. Natawa lang ako. Bata pa
kami inaasar na talaga ni Wy si Avia. Kaya pikon sakanya ang kambal ko. Pero
bestfriend ko yun kaya kahit ganun siya makitungo sa kambal ko, hindi ko na lang
pinapatulan. Minsan iniiba ko ang topic para wala sa attention niya si Avia.

"Nandyan pala si Wy. Sige, pumunta ka dito. Nandito din si Edric eh."

[Talaga? Sige-sige. I'll be there. Bye.]

"Ingat." then we hang up.

"Si Avia yun noh?" hula ni Edric habang naglalaro ng tekken sa xbox ko. Enjoy na
enjoy ang loko na nakaupo sa black leather couch ko habang nakataas ang dalawang
paa sa glass table.

"Umayos ka nga ng upo, uy!" sita ko sakanya.

"H'wag ka ngang istorbo!"


"Aba! Kung paliparin kita dyan?!"

"Oo na, aayos na ng upo. Tss."

Napailing na lang ako kay Edric. Bakit ba kasi ito nandito? Nakausap lang si Kyla
gusto dito na din tumira?

"Pare, susunduin ko mamaya si Kyla. Ano kaya magandang ibigay sakanya?" he query
while playing.

"Ewan? Flowers? H'wag black rose ah! Magka-originality ka!" sabi ko pero natawa
lang siya.

"Wala akong balak, dude! Matatakutin si Kyla eh. Baka ipaghahampas niya pa sa akin
ang bulaklak." natatawa niyang sabi.

"Baliw ka kasi." i denote.

"Ikaw kasi. Sabi mo be mysterious. Nagpakamysteryoso naman ako. Alam mo ba nung


sumigaw siya muktikan na din akong mapasigaw. Take note, ang sakit pa nun sa
tenga."
"Gusto mo siya diba? Eh di pagtiisan mo."

"You're not helping dude!" tinapunan niya ako ng unan pero bago pa yun tumama sa
akin nakita ko na lang na naiba ang direction ng unan at napunta sa gawing pinto.

Paglingon ko, nakita ko si Avia na hawak ang unan habang yung isang kamay
nakapameywang.

"Sis.." tumayo ako at nilapitan siya.

"Mga isip bata nanaman ba kayo? Kasi kung Oo, aalis na lang ako." pataray niyang
sabi.

"Sungit ni Avia ah!" lumapit din si Edric.

"Sino ba ang hindi magsusungit? Kayo ba nag-imbita sa Wynner na yun? Naiimbyerna


ako sakanya!" she stomped her feet then pout.

"Wala kaming alam dyan. Nasurpresa din ako nung pumunta siya sa akin." sabi ni
Edric.

"Susundan ka lang naman nun dito, Avia." sabi ko. Sabay-sabay kaming pumunta sa
sala at naupo sa couch.
"Tama, tracker siya. Remember?" ani Edric.

"Ano ba kasing ginawa mo kay Wynner at gustong-gusto ka niyang iniinis?" takang


tanong ko. Hindi ko din kasi alam kung bakit isang araw lagi na lang silang nag-
aasaran at laging pikon itong kambal ko.

"W-wala! Sadyang arogante lang siya!" namumulang sabi niya.

Napataas na lang ako ng kilay. Bakit nahihiya ang kapatid ko?

"Kumusta na pala ang panunuyo mo kay Nyx?" pag-iiba ng usapan ni Avia.

"Ok naman. Pangalawang araw ko ngayon pero hindi ko muna siya sinundo o nagpakita."
sabi ko.

"Ha? Akala ko ba gusto mo siyang ma-fall sayo agad-agad?" tanong ni Avia.

"Yan ba dude napapala mo sa pagbabasa ng libro ng mga tao?" tanong ni Edric.

"Gusto ko kasi, mamiss niya din ako. H'wag ko daw sasakalin at baka maumay sa akin.
Mamayang gabi ko na lang siya bibisitahin ulit." sabi ko. Napatango lang si Avia.
Si Edric naman nag-iisip.
"Si Kyla kaya? Namimis niya din kaya ako?" biglang nasabi ni Edric kaya napatingin
kami sakanya ni Avia.

"Basta h'wag mong tatakutin ah." natatawa kong sabi.

"Hindi na. I'll act human." he said.

"Wait, hindi niya alam na isa kang.. vampire?" tanong ni Avia.

"Hindi niya na kailangan pang malaman. Baka mas matakot siya sa akin." he said.

"Himala ata Avia, hindi mo kami kinokontra sa pagkakagust namin sa tao?" takang
tanong ko sa kambal ko.

"H-ha? Eh naisip ko kasi, wala namang masama dun. Hehehe." napakamot siya ng ulo.
Binigyan namin siya ni Edric ng nakakadudang tingin kaya natawa siya siya sa amin.

"You two are being paranoid." she chuckled.

"Still not convinced." i said.

"Me too." Edric agreed.


***

Nyx Lorelei's POV

"Bakit kasabay ka namin ngayong lunch? Nasaan ang date mo?" tanong ni Maurice.
Hindi ko lang siya pinansin saka ko pinaglaruan ang carrot sa plato ko at iniikot-
ikot ko lang gamit ang fork.

"Ssshhh. H'wag mo ng tanungin. Kaya nga malungkot diba?" nakita kong pinandilatan
ni Kyla si Mau.

"Oh" nasabi lang niya.

"Hi Girls." masiglang boses na narinig ko sa likuran ko. Hindi ko yun pinansin saka
ko pinagulong-gulong ulit ang carrot.

"Hi Trever. Come sit with us." malanding sabi ni Mau. I rolled my eyes.

Naupo siya sa tabi ko dahil lumipat si Kyla sa tabi ni Mau. Wow! how kind of her.

"Malumbay ka ata?"
"Wala ako sa mood. Kaya kung pwede?" nakataas kong kilay na sabi sakanya.

"Sungit naman." he said. I just rolled my eyes heavenwards.

"OH EM! Si Kevin, guys puntahan ko lang siya ah." Mau hurriedly stand up saka
umalis.

"Ay samahan na kita, Mau!" tumayo din si Kyla saka patakbong sunod kay Mau. Ano
yan? Iniiwan na lang nila ako lagi? Iwanan ang peg nila ganun?

"I guess it's just you and me." nakangisi niyang sabi.

"Oh please stay away from me! I'm in no mood in arguing with you!"

"But i am not arguing with you."

"Stop acting innocent, alright? Hindi bagay sayo! Kaya kung pwede iwan mo na ako at
gusto kong mapag-isa." singhal ko sakanya.

"No. I am not leaving you. And no one wants to be alone so i'll stay." Ugh! Ang
kulit niya.
"Ok then. Ako na lang ang aalis." Akma akong tatayo pero pinaupo niya ulit ako.

"Stay with me." seryoso niyang sabi.

"You're kidding me? Aalis na ako. Half day lang ako kaya uuwi na ako samin."

"Talaga half day ka lang? Bonding ulit tayo" No Lerelei, No!

"I-i'll think about it." i said instead.

"Think now." he said. I sigh.

"Ang gusto ko lang talaga ngayon ay umuwi. Gusto kong magpahinga." That was a lie.
Gusto kong umuwi, bakasakali na nandoon si Aric naghihintay.

"Eh di sasamahan kita sa bahay niyo."

"Bakita ba ang kulit mo?"

"Hindi ko din alam." nawala yung ngiti niya at naging seryoso.


"..nag-iba daw ang ugali ko nung nakasama kita." napatingin ako bigla sakanya. I
looked at him confusedly.

"Why?"

"I really don't have a valid reason to say. Ang alam ko lang, gusto kong nakakasama
kita. I enjoyed your company, Nyx." seryoso niyang sabi.

"T-trever.." i whispered.

"The truth is.. N-nyx.." he paused. He closed his eyes and open it. He let out a
heavy sigh and smiled.

"..I like you Nyx, i really do."

...................................................................................
..............

A/N: OH NOOO! Naunahan ni Trever si Aric magtapat kay Nyx. Huhuhuhu. I told you,
ibang-iba ito sa Book 1. Hehehehe. ^___^v

Lahat ng nangyayari ay magcoconnect the dots sa buhay nila Aric at Nyx, kaya wag
kayong mag-alala. Tiwala lang kay Ate. :))

PS: Pinalitan ko si Xuimin bilang Wynner, hindi pala bagay sakanya. Pinalit ko si
Myungsoo. Hehehe

XOXO

-Thyriza

####################################
Chapter 11 - Hitting two birds in one stone
####################################

Chapter 11 - Hitting two birds in one stone

Nyx's POV

"What?" gulat kong tanong. Ilang araw ko pa lang siyang nakikilala but there he is
telling me he likes me?

"That's the truth." seryoso niyang sabi.

"Pinagtitripan mo nanaman ba ako?! Trever hindi magandang joke yang sinasabi mo!" i
try my best to lower my voice para hindi gumawa ng eksena sa canteen. Though
talking to a Trever Yu gathers an audience already.

"I wish i am, Nyx. I am not asking you to like me back. All i want is to show you
how i feel. Hayaan mo akong patunayan na gusto talaga kita." he said. Bakit ganito
ang nararamdaman ko? Gusto kong maniwala sakanya.
Hindi ako umimik. Tinignan ko lang siya. Hinihintay na sasabihin niyang joke yun at
nauto niya ako. Pero hindi. Nakipaglabanan siya ng tingin sa akin at kusa akong
nagbawi ng tingin. Hindi ko kaya ang binibigay niyang tingin sa akin. Naawa ako.

"Is that a No?" puno ng lungkot niyang sabi.

"T-trever kasi.."

"Dahil ba yun sa kasama mo kahapon?" Again, hindi ako nakapagsalita. Dahil nga ba
kay Aric? Ano naman kinalaman niya? Hindi naman kami. Magkaibigan lang naman kami
eh.

Kaibigan? Matatawag bang kaibigan kapag hinalikan ka niya?

Eh pero isang beses lang yun at parang goodbye kiss niya yun sa akin. At sa palagay
ko wala naman sa aking gusto si Aric. Kahit na magkagusto ako sakanya hindi siya
magkakagusto sa akin.

"Ano ba ang gusto mong marinig mula sa akin?" tanong ko.

"Gusto kong sabihin mo na gusto mo din akong kilalanin. Gusto kong marinig na
bibigyan mo ako ng chance, na may pag-asa ako." he said.

Gusto ko siyang bigyan ng chance. Gusto kong maramdaman kung paano alagaan ng isang
tao na gusto ka.
Pero paano si Aric?

Bakit ba laging nasisingit si Aric? Ano naman kinalaman niya sa buhay ko?
True,we're friends. Pero hanggang dun lang yun.

"O-ok." i said. His eyes widened. Hindi ata makapaniwala sa sagot ko.

"Totoo?" nagliwanag ang mukha niya. Ang mata niyang singkit ay nakangiti at nakita
ko nanaman mga pantay niyang ngipin.

"Yes" i assured him.

"Thank you! Thank you!" bigla na lang niya akong nayakap sa kinauupuan ko. Hindi ko
alam kung namamalikmata ako pero parang nakita ko si Aric.

Agad akong bumitaw kay Trever at tumakbo para sundan si Aric. Ano kayang nakita
niya? May mga narinig ba siya?

"Aric! Aric wait!" sinusundan ko siya na napakatulin maglakad.

Nang mahabol ko siya, hinila ko ang braso niya at pinaharap sa akin.


"Aric--"

"Excuse me?" iritableng sabi nung lalaki. Hindi siya si Aric. Akala ko lang pala.

"Sorry.. i though you're someone." puno ng pagpapaumanhin kong sabi. I heard him
hissed saka umalis na. Napabuntong hininga na lang ako bigla. Bakit ba big deal sa
akin yun? Trever courting me is not a bad idea. Sa tingin ko naman nagsasabi niya
ng totoo. At kung pinagtitripan niya ako, hindi kao magdadalawang isip na putulan
siya!

***

"What did you say? Kayo na ni Trever?" Gulat na sabi ni Mau.

"Ang OA mo girl ah! Nanliligaw pa lang daw." pagcocorrect sakanya ni Kyla.

"Iniwan lang namin kayo may ganung factor na? Ikaw ha." sinundot sundot ni Mau yung
tagiliran ko kaya naapaigtad ako.

"Ligaw naman. Pwede ko naman siyang bastedin anytime eh!" sabi ko.

"Babastedin mo siya? Hindi ka na lang sana nagpaligaw." ani Mau.


"Paano na si Aric?" Tanong ni Kyla. Parang may kung anong kampanang tumunog sa
dibdib ko ng marinig ko ang pangalan niya.

"Who's Aric?" curious na tanong ni Mau.

"Manliligaw niya din." sagot ni Kyla.

"U-uyy ah! Hindi ko yun manliligaw!" defensive kong sabi.

"Ha? Akala ko manliligaw mo siya." sabi ni Kyla.

"We're just friends." i retorted.

"Ang showbiz naman ng sagot mo!" ani Mau.

"Eh yun ang totoo."

"Paano na lang yung date niyo? Yung mga ginawa niya para sayo? Hindi ba yun
panliligaw?" tanong ni Kyla.

"H-hindi ko alam. W-wala naman siyang sinasabi eh."


"Kaibigan kita pero gusto kitang sapakin. Ang manhid mo para hindi yun makita.
Halata naman na gusto ka nung tao diba? Hinatid ka niya kahapon. Hinintay para sa
lunch date niyo. At nung hindi ka pumasok nung hapon saan kayo pumunta? Nagbonding
diba? Hindi sa hindi ako boto kay Trever, pero napaka buti sayo ni Aric though
hindi ko pa siya lubos na kilala. He can protect you whereve you will go."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.

"Pag-isipan mo. You can't hit two birds in one stone. Yes, we girls pwede tayong
magkaroon ng maraming manliligaw pero yan ang bagay na mali tayong mga girls. You
know how hard it is to choose the one you love and the who makes you happy. Minsan
na mimisinterpret natin ang love. Hindi porket mahal mo siya dun ka na. Dapat mahal
ka din niya. Kung saan masaya ang puso mo, dun ka."

"Whoa! Nasaan na si Kyla? Na-abduct na ba siya?" Biro ni Mau.

"You mean to say, bawiin ko ang sinabi ko kay Trever?" i asked.

"No! Ang ibig kong sabihin, kung nililigawan ka na ni Trever, layuan mo na si Aric.
And i doubt kung kaya mo yun. Anyway, layuan mo siya kasi baka umasa pa siya.
Kawawa naman. But.. kung si Aric ang gusto mo, si Trever ang patigilin mo. Yes
masasaktan siya, but that's how it suppose to be, right?" Napatango ako.

"Hindi ba pwedeng bigyan ko ng chance si Trever tapos kung hindi ko siya gusto
patigilin ko siya?" tanong ko.

"Pwede din. Pero baka mahuli ang lahat. Baka habang dinedetermine mo kung happy ka
sakanya and you realize na hindi pala, tapos si Aric nagparaya na?"

"Ang complicated naman!" sabi ni Mau.

"Kaya nga." i agreed.

"Pag-isipan mo." kibit ni Kyla. "Basta hindi ako nagkulang sa advise sayo." she
continued.

Kahit half day lang ang klase ko, nag-stay ako sa school at napag-isa sa school
pavillion. Pinagtataguan ko nga si Trever eh, gulong-gulo ang isip ko ngayon.
Kyla's words is haunting me. Pakiramdam ko mababaliw na ako. Marami na akong
problema at iniisip at hindi ko akalain na ako mismo ang gagawa ng sarii kong
problema.

Please lord, give me a sign. Pag labas ko ng gate ngayon, kung sino ang una kong
makita sa dalawa yun ang pipiliin ko-- No! Bakit ako mamimili? May dapat ba akong
piliin? Hanggang kailan ko ba dapat isaksak sa sarili ko na magkaibigan lang nga
kami ni Aric?

Tss. Kainis naman kasi eh. Kung wala siguro si Aric hindi ako mahihirapan? Pero una
ko siyang nakilala eh. Umepal lang si Trever. Ano ba yan, nagkakaroon na ata ako ng
dual personality.

Naglalakad ako palabas ng school ng madaanan ko ang corridor kung saan una kong
naramdaman si Aric noon. Napangiti ako ng maalala ko yun. I was so scared that
time. Ikakamatay ko yung takot ko nung araw na yun.
Nadaanan ko si Manong Andy kausap ang bodyguards ni Trever kaya nilagpasan ko din
yun. Ayokong sumabay sa sundo ko.

*Beep beep!*

Napatingin ako sa malas nag busina. Isang navy blue 2010 Pontiac G8 ST. Napataas
ang kilay ko dahil hindi ko alam kung sino ang loob nun.

Kung makabusina naman eto! Siya na ang may magandang sasakyan!

Tatalikod na sana ako ng umibis sa sasakyan ang isang lalaki na naka white V neck
shirt at blue pants and black shades.

Sino pa bang kilala ko na mahilig mag-shades? It's Aric.

"Hey!" He says lively. Napakurap ako to make sure na si Aric nga yun. Did i just
ask a sign to god? Is this his answer? Baka guni-guni ko lang yun sign sign na yun.

"H-hi." nahihiya kong tugon.

"Ihatid na kita sainyo." sabi niya ng makalapit sa akin.


"Sa bahay namin? Kasi ayoko pang umuwi." Gusto pa kitang makasama.

"Gusto mo bang pumunta sa ibang lugar?" tanong niya. Bakit ba ang sigla ngayon ni
Aric?

"Talaga? Si--"

"Nyx!" Halos mapapikit ako ng makilala ko ang boses na yun. Err! Trever, please
lang wag ka munang umeksena. Dahan-dahan akong lumingon at tinignan si Trever.

"B-bakit?" Napahigpit ako ng hawak sa strap ng bag ko.

"Ihahatid na kita." he said.

OH GOD! KILL ME NOW!

"Excuse me, pare. Pero ako ang maghahatid kay Lorelei." rinig kong sabi ni Aric sa
likod. When i turn around nakita kong nanlilisik ang mga mata niya. He looked at me
at parang sinasabi niyang ano-ang-ibig-sabihin-nito look.

"Uhh, A-aric." My lips are trembling. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Jusko po!
Pinaparusahan na ba agad ako? Hindi pa nga ako nakakapag desisyon.
Sa aking peripheral view, isaw Kyla and some guy. wearing shades. Edric, i guess.
Shock was all over Kyla's face. Napatingin ako sakanya and i know, by the look of
my face i am pleading for her to help me.

Medyo nagkaroon ako ng hopes ng lumapit sa akin si Kyla at nasa likod niya yung
lalaki.

"Uy, Nyx. Akala ko nakauwi ka na?" Kyla's voice sounds awkward at parang mas
nadagdagan ang tension sa paligid. Kung pwede lang akong magpalamun sa lupa ngayon
ginawa ko na, makatakas lang sa scenario na ito.

"A-ahh. H-hehehe." i tried my best to make the whole thing as natural as it should
be pero naiilang ako lalo.

"Uyy, Trever nandito ka din pala? And.. hey Aric." ani Kyla. Sige Ky, gamitin mo
ang pagiging daldalera mo para mawala ang akwkard feeling.

"Hi i'm Edric. You must be Lorelei." he beamed.

"H-hello." i wave my hands on him. Tinignan ko si Trever at nakakunot lang siya.


Seryoso ang mukha niya gaya nung una ko siyang nakita sa bar.

"I see you have company." Trever says.

"S-sorry, Trever. I made plans with my friends na kasi eh." Sabi ko. Ngumiti siya
ng mapait. Hiding the annoyance on his face. I am so sorry, Trever. I wanted to
tell him.

"I-i.. It's ok. I just thought.. I though.. N-never mind. I gotta go.." i just nod.
He start to walk away, the he turn around.

"See you tomorrow." mahina niyang sabi saka umalis na ng tuluyan.

Paglingon ko, nakita ko si Aric na nakasandal na sa hood ng kotse niya at


nakapamulsa. Si Kyla naman at Edric nagpapasahan ng tingin sa aming dalawa ni Aric.

"Talk to him. Aalis na kami. I de-date ko pa itong kaibigan mo." Edric says, trying
to cheer up the atmosphere.

"Anong ide-date? Sabi mo ihahatid mo lang ako!" Kyla scowled.

"Date na din yun." Edric grinned. Gusto kong matawa sa dalawa pero hindi ko magawa
dahil si Aric nakatingin lang sa akin at parang sinusubaysayan ang lahat ng galaw
ko.

"Sige na, Ky. makipag-date ka na lang sakanya. Kakausapin ko lang si Aric." mahina
kong sabi sakanya. Napilitan naman siyang tumango.

Sabay silang tumalikod ni Edric papalayo sa akin. On the second thought, sana pala
hindi ko na lang sila pinaalis. Hindi ko kasi alam kung paano haharapin si Aric.
"Hindi ko akalain na isang buong araw lang akong nawala marami na palang
mangyayari." he said from my back. Kasabay ng malakas ng ihip ng hangin, napalingon
ako sakanya. Nahawi ko ang ilang hibla ng buhok ko saka tumingin kay Aric.

"A-aric.."

"Dapat ba lagi akong nakabuntot sayo, Lorelei? Do i always have to be at your side
for you to realize everything?" he sound upset.

"A-aric.. si Trever.. kasi.."

"What am i to you, Lorelei? Ano ako sa buhay mo?" I don't know what caused my knees
trembling. The way he says my name send different shivers to my system.

"I-i.. I don't know." tumungo ako.

"Ako alam ko kung ano kita sa buhay ko. At sana marealize mo ang lahat ng ginawa ko
lahat para sayo. Hindi kita pinepressure. gusto ko ikaw mismo ang makaramdam ng
gusto kong iparamdam sayo." sabi niyang seryoso.

"Aric--"

"Ma'am Nyx.. Uuwi na po ba tayo?" napapikit ako sa pagsingit ni Manong Andy.


Tinignan ko ang gawi niya at nakadungaw siya sa bintana habang naka-on pa ang
makina ng kotse.
"Wait lang po, Manong Andy." binalik ko ang tingin ko kay Aric.

"I have to go." nasabi ko. Tumango lang siya sa akin.

"Take care." he said. Tumango din ako. Ang bigat ng mga paa kong lumakad palayo kay
Aric. Gusto ko siyang makasama. Gusto kong dalhin niya ulit ako dun sa cliff. Gusto
kong sabihin niya ulit sa akin na siya lang ang rason ng pag-ngiti ko.

Lumulan ako sa kotse at hindi ko mapigilan ang lungkot sa dibdin ko.

Ano ba ang gusto mong ipa-realize sa akin, Aric?

"Sino po ma'am ang kasama niyo? Kay gandang lalaki.. gaya ko." biro ni Mang Andy
habang nagddrive. Hindi ko mapigilan na hindi napangiti sa sinabi ni Manong Andy.

"Joker po talaga kayo, Manong." i said and chuckled.

"Kaibigan niyo po ba yun?" Napaisip naman ako. Kaibigan? Binantayan niya ako simula
nung bata pa ako, he's more that a friend to me.

"He is, Manong." I felt a slight nip on my heart.


"Bagay po kayo." he commented. Suddenly, all the things that Aric did for me has
flood in my mind.

Nakita ko nung bata pa ako, kung paano niya ako niligtas sa nagraragasang sasakyan
at niligtas ako. Nung iniiwan niya ang black rose sa araw ng kaarawan ko. When he
secretly care for me, and when he attends my debut. The night he saved me from a
pervert thieve and when he make me feel loved.

LOVE?

He loves me? Aric loves me? I howl in disbelieve. All this time. Bakit ngayon ko
lang narealize that.. Aric actually loves me. Hindi niya yun gagawin dahil sa trip
niya lang.

"Manong stop the car!" My heart is panting. I need to talk to Aric.

"Ma'am, nasa gitna po tayo ng hi-way." I hissed. Nasaan kaya si Aric ngayon?

Ah! Si Kyla. Kinuha ko ang phone ko sa bag saka dali-daling dinial ang number ni
Ky.

[Nyx? Bakit ka--]

"Are you still with Edric?"


[Huh?]

"I need to know kung saan si Aric ngayon. Pwedeng pakitanong si Edric?"

[Akala ko ba kayo ang magkasama? Ano ba ang nangyari?]

"Long story. Can you just ask him? Please?"

[Talk to him.]

"Sige."

[Hello? Lorelei may problema ba?] rinig kong tanong ni Edric sa kabilang linya.

"Pauwi na kasi ako at hindi ko kasama si Aric. Alam mo ba kung saan ko siya pwedeng
puntahan?" mabilis kong sabi.

[Hindi ko kasi alam ang tambayan niya sa mundo niyo.] he whispers, maybe para hindi
marinig ni Kyla.
"Saan siya nakatira ngayon?"

[I'll send you his address. Baka nandun na siya.]

"Sige. Sige." i hang up then wait for his text.

The moment i recieve the text using Kyla's number, agad kong inutusan si Manong na
puntahan ang lugar na iyon.

Pumasok kami sa isang exclusive subdivision, malapit lang sa sub namin. Nahinto si
Manong sa isang malaking bahay na may tatlong palapag. Eto ang bahay niya? Ang laki
naman.

Umibis ako sa kotse saka pumunta sa malaking gate. Kita ko sa loob at puno ng
bulaklak ang paligid. Hindi halatang isang vampira ang nakatira.

My hands were trembling habang pinipindot ang doorbell. Kinakabahan ako. Lumabas
ang isang babae na napaka ganda. She look like a goddess. Slim pale girl na curly
ang buhok.

"Hi" high pitch niyang tanong. Matagal bago ako makasagot sakanya. Ang ganda ng
crimson eye niya at namumulang labi. Her fair skin compliments her sky blue dress.

"Earth to Lorelei?" she snap on me. Bakit niya ako kilala?


"Wala pa si kuya eh. Pero pwede kang pumasok." she opened the gate.

Kuya? Matagal bago sa akin nag sink-in kung sino ang kaharap ko. She must be Avia,
his twin.

Ayaw ko sanang pumasok pero hinatak niya na ako papasok at kumapit sa braso ko as
if we are close despite it's our first time to see each other.

"i didn't expect na pupunta ka dito. Bakit hindi mo kasama si kuya?" pinaupo niya
ako sa veranda ng malaking bahay. Malaki din ang bahay namin pero hindi ko maiwasan
na hindi mamangha sa kagandahan ng bahay nila.

"I-i.. Gusto ko lang siya makausap." i answered.

"Talaga? Mabuti na din na nandito ka. Nabuburo na ako dito eh. Wala si Edric eh.
Kami lang na tatlo dito." she said. Napatango lang ako.

"Wag ka sa akin mahihiya. Matagal na kitang kilala. Nakalaro mo na nga ako minsan
eh." she said. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Malamang sinasama siya ni Aric
noon.

Napatingin kami pareho sa gate ng may bumisina ng malakas dito. Avia looked at me.
Tumayo siya saka ako pinapasok sa bahay nila.
"You surprise kuya. Matutuwa yun." She giggles tapos lumabas saka sinarado ang
pinto. Naupo ako sa isang stool sa foyer nila. The house looks amazing. Old
painting everywhere. Wari mo lahat ay antique.

"Kuya.. i have a surprise for you." i heard Avia says.

"Wala ako sa mood, Avia." Aric said so cold.

"B-but.." the door slowly opens. Nanlalamig ang kalamnan ko. Parang nagsisisi tuloy
ako na pumunta dito. I should have stayed in the car. Hindi ko nga alam ang
sasabihin ko eh. What will i say to him?

'Hi Aric. Just came here to say sorry, bye!'

Para naman yung tanga! Ayokong magmukhang stupid sa harap niya noh.

Kita ko kung gaano siya ka-shock ng makita akong nakaupo sa stool. Hindi ko alam
kung ano ang iniisip niya. Was he mad? Shock? Not glad to see me?

"What are you doing here?" he asked.

"A-aric.. can we talk?" My hope's full when he nod.


"Follow me sa rooftop." he said saka nauna ng naglakad.

We used the stairs at hindi ko alintana na naka-heels ako. Mas bothered ako sa kung
ano ang pag-uusapan namin. What will i say? Ako ang pumunta dito so ako ang dapat
may sabihin.

"Ano'ng sasabihin mo?" he snap at me. Nandito na pala kami hindi ko lang
namamalayan. Huminga muna ako ng malalim.

"Aric, kanina you ask me kung ano ka sa akin. Kung ano ka sa buhay ko." he nodded.

"And?" he sound impatient.

"I realized how stupid i am to realize how you mean to me. Nandyan ka lagi sa
akin, before pa kahit hindi kita nakikita. You gave me hints pero nagpakamanhid
ako." i paused. I need to chase my breath.

"Direct to the point, Lorelei." he said. Tinignan ko siya and i can see a huge grin
on his face. Nakakasar naman ito si Aric eh.

"Hindi lang kaibigan nag turing mo sa akin. You love me, don't you?" as if i caught
him off guard. His grin disappeard at napalitan ng pagkabigla.

"L-lorelei.." he stutter.
"The truth is, hindi ako sigurado sa sinabi ko pero sana Oo. I'm not saying i felt
the same thing. But where getting there. Konting push pa, Aric. Mamahalin na kita."
i smiled.

...................................................................................
.....

A/N: Sorry for this lame chapter. :( I am sick but still i updated. My head is
spinning and it kills me. Kanina pa ako nag chichill sa kwarto pero hindi talaga
ako mapakali hanggang sa hindi ako nakakagawa ng update.

Love you guys. Aric on the right side. :))

XOXO

-Thyriza

####################################
Chapter 12 - Competition
####################################

Chapter 12 - Competition

Aric's POV

"Ano'ng ibig mong sabihin, Lorelei?" i asked though alam ko na ang ibig niya. Hindi
ko mapigilan ang mapangiti. Seeing Lorelei like that never fails to amuse me. Hindi
man niya sinasabing mahal na din niya ako, alam kong may pag-asa ako sakanya.

Nakita kong sobrang namumula ang pisnge niya at alam kong nahihiya siya. Sa totoo
lang, hindi ko ine-expect na pupuntahan niya ako dito sa bahay ko. Kahit parang
alam ko na kung paano niya nalaman ang address ko, natutuwa pa din akong um-effort
siya. Hindi ko alam pero parang may pag-asang sumisibol sa dibdib ko.

First time ko itong maradaman. Parang mas lalo akong napapamahal sakanya. Kilig ba
yun? Yun ang alam kong nararamdaman ng tao kapag nandyan ang mahal nila. Shocking,
pero yun din ang nararamdaman ko.

"M-mahal mo ba ako?" she asked again, blushing. Tuluyan ng bumaba ang araw kaya
tinanggal ko ang shades ko. Kung magtatapat man ako, gusto ko nakatingin sa mga
mata niya. Gusto ko maramdaman niya na totoo lahat ng nararamdaman ko at sasabihin
ko.

"Kapag sinagot ko ba yan, magiging tayo na?" nakangisi kong tanong. Nakita kong
nagulat siya kaya mas lalong lumapad ang mga ngiti ko.

"T-tinatanong lang naman kita!" umirap siya sa akin. Lumapit ako sakanya saka ko
hinigit ang bewang niya at niyakap yun palapit sa akin, her eyes widened.

"Oo, Lorelei. Mahal kita. Simula pa noong bata ka, mahal na kita. Hindi pa ito ang
plano kong pagpo-propose ko sayo pero dahil sa parang nagmamadali ka--"

"A-anong nagmamadali?!" she sound defensive.


"Plano kong magtapat sayo.. atleast in a romantic way. Though for me, romantic na
ito. Pero alam kong deserve mo yun. Hindi ko naman kasi alam na pupunta ka na lang
dito bigla at itatanong sa akin yan. Para tuloy ikaw yung nagpropose sa akin."
panunukso ko sakanya.

"AALIS NA NGA AKO! NAKAKASAR KA!" Akma siyang aalis pero mas lalo kong hinigpitan
ang pagyakap ko sa bewang niya.

"Hahaha. Ang sarap mo naman asarin. Para ka ng kamatis dyan oh." i poked her
cheeks.

"So aasarin mo na lang ako forever!?" pataray niyang sabi.

"Oo. Kung forever naman kitang makakasama, eh di aasarin na lang kita lagi."
Sumimangot siya saka ako tinulak ng marahan kaya nagpaubaya ako.

"Ayoko ng inaasar ako. At kung habangbuhay kitang makakasama para lang asarin ako,
mas gugustuhin ko pang mapag-isa!" sabi niya saka tumalikod sa akin.

Lorelei's POV

Mag-wawalk out na sana ako at lalabas sa bukas na pinto ng magsarili itong sumara
at na-lock. Napalingon ako kay Aric at nagkibit balikat lang siya.

"Aalis na ako. Madilim na, hinahanap na ako ni Tito Kent." sabi kong
nakahalukipkip. Lumapit uli siya sa akin at nakita kong pinitik niya kamay niya.
Biglang umilaw ang poste sa rooftop kaya naging maliwanag dito. Nakita kong
malalamlam na ang mata niya at naging pula na.

"Hindi ka dito aalis." hinawakan niya kamay ko at inilapit sa dibdib niya.

"..hanggang sa hindi ko nalalaman ang totoong nararamdaman mo para sa akin."


seryoso niyang sabi. Kinakabahan naman ako. Hindi dahil sa may kung ano akong
masamang naiisip tungkol sakanya. Kundi dahil sa nararamdaman ko. Kapag sinabi ko
sakanyang hindi ko siya gusto, magmumukha akong sinungaling sa sarili ko.

Siguro nga gusto ko na siya, noon pa. Nagiging denial lang ako.

"A-aric.."

"I love you so much, Lorelei. Pero hindi naman kita minamadali eh. Ayokong mahalin
mo din ako kasi nalaman mo lang na mahal din kita. Ayaw kong i-pressure ka. Alam ko
naman na may karibal ako sayo. At handa akong maghintay, para patunayan ko sarili
ko sayo. Yung lalaking yun, alam kong gusto ka din niya. I can see the way he
looked at you. He don't like you.. He loves you. At alam ko din na binigyan mo siya
ng chance.

Kung magiging unfair ako sayo, sasabihin ko na ako ang piliin mo kasi ako ang una
mong nakilala. But i wanted to play fair. If you choose him over me, that will be
fine. Hindi ako magagalit sayo and i won't hold grudge on him. Ang pakiusap ko
lang, gusto kong hayaan mo ako na mahalin ka. I'm not expecting anything back..
Just let me show you how much i love you. Sa 18 years kong pagmamahal sayo, hindi
yun nababawasan.

Mas nadadagdagan pa yun everytime na may nalalaman akong little things about you."
Para akong malulunod sa mga pinagsasabi ni Aric. This is the first time na may
nagco-confess sa akin na para akong maiiyak sa mga sinasabi niya.
18 years na niya akong minamahal. At ang swerte ko lang na sa akin napili ni Aric
ibigay ang pagmamahal niya.

"Ayokong mahalin mo ako dahil obligated ka. O dahil sa nalaman mong matagal na
kitang minamahal at kailangan mo din yun suklian. Gusto kong kusa mo din yung
maramdam, na mahal mo din ako." he said. Napakagat ako ng labi.

"Mahalin mo ako sa hindi, nandito lang ako lagi sa tabi mo. Isang beses lang kung
magmahal ang mga tulad namin. At ikaw ang napili ko na mahalin panghabangbuhay."

A tear fall down my face. Masyado akong na-overwhelm sa mga sinabi niya. In just
one day, dalawang lalaki ang nag-confess sa akin.

"A-are you.. Are you crying?" nag-aalala niyang tanong. Pinunasan ko ang pisnge ko
saka ngumiti sakanya.

"W-wala ito.. Ikaw naman kasi. Kinikilig ako sa mga sinabi mo." natatawa kong sabi
kaya napatawa na din siya.

"Please don't cry. Alam mo ba sabi sa akin noon ni daddy, na kapag nagmahal ka
you're starting to have strength at the same time weakness." he said kaya
napatingin ako sakanya.

"Bakit naman?"

"Gaya mo, ikaw ang lakas ko. Pero kapag nakikita kitang nasasaktan o umiiyak, ikaw
din ang magiging kahinaan ko." he explained kaya napatango ako sakanya.

"Wala ka na ba talagang ibang minahal na babae bukod sa akin? Ang tyaga mo naman."
sabi ko.

"Except sa mommy ko at sa kabal ko, wala na. Ikaw lang ang mahal ko."

Pagbaba namin galing rooftop, nakita ko si Avia sa labas ng bahay nila na nakangiti
sa akin ng makahulugan.

"Kinikilig ako sa inyong dalawa." she giggles.

"Have you been eavesdropping, Avia?!" Aric asked his twin with an annoyed voice.

"Y-yes. Pero hindi ko naman lahat narinig. Hindi ko kasi talaga mapigilan eh. Baka
ma-torpe ka at--"

"Uggh! Aviaaa!" Aric whines.

"Hayaan mo na." sabi ko sakanya.

"Sinagot mo na ba siya, Nyx?" tanong ni Avia kaya napailing ako.


"Hindi pa" sagot ko, and later i realize kung ano yung nasabi ko.

"Ay may pag-asa si kuya." she giggled again.

Hinatid ako ni Aric sa labas ng gate nila. Gusto niya sanang ihatid ako sa amin
kaso sabi ko nasa labas si Manong Andy naghihintay.

"Ingat kayo." sabi niya saka kumaway. Pasakay na ako ng kotse ng may maalala ako.

"Uhh, Aric."

"Hmm?"

"Oo." nakangiti kong sabi. Para namang nagtatanong ang expression niya dahil sa
sinabi ko.

"What do you mean?"

"Basta Oo." sabi ko saka sumakay ng kotse. Bago umandar ang sasakyan, nakita kong
ngumiti siya at parang napapatalon na ewan. Kumaway ako sakanya and he mouthed 'na-
gets ko'
***

Kinabukasan, ginising ako ni Yaya ng malakas na katok sa pinto. Bumangon ako at


tinignan ang orasan.

"Ugh! Alas syeta pa lang ah! Alas nwebe po pasok ko!" sigaw ko saka antok na
nilakad ang pintuan at pinagbuksan ng pinto si Yaya.

"Hija.."

"Yaya naman eh! Inaantok pa ako! Hindi ako gaanong nakatulog kagabi.." inis kong
sabi. Bakit nga ba ako hindi makatulog kagabi? Ah! Sa kakaisip sa mga sinabi ni
Aric.

"Mamaya ka na lang matulog ulit. Harapin mo muna ang dalawa mong bisita. Ang aga-
aga. Buti at hindi naabutan ng Tito mo." napakunot ako sa sinabi ni Manang.

"Si Kyla po ba at Mau? Ano namang gagawin nila dito?" sabi ko pero umiling si
Manang.

"Dalawang lalaki. Yung isa kilala ko sa mukha. Yung anak nung business partner ng
Tito mo. Yung isa naman, ngayon ko lang nakita. Maligo ka na at harapin mo yung
dalawa." sabi ni Yaya saka umalis na sa harap ko.
Teka.. Hindi kaya? OMG!

Agad kong pumasok sa kwarto at dumeretso sa CR. Baka si Trever at Aric yun. Nakuu!
Mga pasaway talaga sila! At nagkasabay pa ah!

Pakatapos kong maligo, nagbihis na ako ng uniform ko saka inayos ang sarili sa
tukador. Naglagay lang ako ng polbos saka lipbalm.

Pinagpapawisan ng malamig ang katawan ko habang pababa ako sa hagdan.

Hindi nga ako nagkamali. Si Aric at Trever.

Sabay silang napatayo ng makita ako. Si Trever may dalang bouquet of red rose.

"A-aric.. T-trever.. Ano'ng ginagawa niyo dito?" kabado kong tanong. Kinakabahan
talaga ko. Nagpapawis ang kamay ko.

"Good morning, Nyx." masiglang bati sa akin ni Trever. "Para sayo." inabot niya
yung bulaklak at kinuha ko naman. I looked at Aric at seryoso lang siya, nagmamasid
sa amin.

"Nag-breakfast na ba kayo? Gusto niyo bang kumain?"


"Kumain na ako." sagot ni Trever. Aric magsalita ka. Bakit ka hindi nagsasalita?
Disappointed nga ako ng wala man lang siyang binigay sa akin.

Namimiss kong makatanggap ng black rose galing sakanya.

"Ganun ba?" naiilang kong sabi. Naupo ako sa sofa tapos napatayo din. Napaka
obvious ko naman na kinakabahan ako. Dapat hindi ako ganito umasta.

"Hatid na kita, Nyx/Lorelei." Chorus ng dalawa.

"HA?" WAAAAH~ Kailangan ko ng tulong! I need to get outha here! Paano ko ba sila
matatakasan?

"May usapan na kasi kami ni.. ni K-kyla. Oo, tinext niya kasi ako kanina. Wait nga
at matawagan ko ulit siya." i excuse my self saka pumanhik sa kwarto.

"Shit! Shit! Shit!" Nagpabalik balik ako sa kwarto. Kinuha ko phone ko saka ko
tinawagan si Kyla.

Naka dalawang ring pa lang ng sagutin niya agad. Thank god!

[Edric bakit--]
"Sorry to disappoint you but this is not Edric!" sarcastic kong sabi. Narinig kong
gumalaw yung phone. Siguro to check kung sino yung sa caller ID.

[Shame! Ikaw pala Nyx. Hahaha]

"Kyla. I need your help." desperate kong sabi.

[Huh? Ano'ng matutulong ko sayo?] she querried.

"I'm in a hard situation right now. Can you pick me up and pretend na may
pupuntahan talaga tayo?" i said to her.

[What? Di ko ata gets] she said so i rolled my eyes.

"Nandito sa bahay si Aric at Trever. They both asked me to ride with them. I can't
choose.. atleast not today. Please just save me here.. Please?" i said pleading. I
heard her sigh.

[Sige sige. I'll be there. Wait for me in 10 minutes.] I felt relief sa sinabi
niya.

"Thank you. I owe you this one." i said. We both hang up the phone.
Pumunta ako sa terasa ng kwarto ko at humugot ng sariwang hangin sa labas.

"Lord.. Bakit ba ito nangyayari sa akin? Hindi naman masyadong mahaba ang buhok ko
para magkaroon ng dalawang manliligaw. Kasi naman eh! Bakit ba ako napa-Oo kay
Trever ng wala sa oras? Ayoko naman yung bawiin ng basta basta at baka magalit
siya." Nababaliw na ata ako at nagsasalita na ako ng mag-isa.

Modern days na ngayon at hindi na uso yung merong napakaraming manliligaw na


dadalaw sa bahay. Seems like cheating na din yun lalo na kung yung nanliligaw sayo
gusto mo din.

Nakarinig nanaman ako ng mahinang katok sa pinto at sinabi ni Yaya na nasa baba si
Kyla. Agad akong tumakbo pababa at nakita ko si Kyla na kausap si Aric at Trever.

"Ky!" tawag ko sakanya. She turned to me and smiled mischievously.

"Hi Nyx. I was just telling them some tips to win your heart. May the best man win,
Aric and Trever." Kyla playfully said. I just glared at her.

"Tara na Ky. Akala ko ba nagmamadali ka?"

"Ay Oo nga pala." she stands up saka bumaling kay Aric saka Trever. "Goodbye boys.
Sa akin muna sasabay si Nyx ah." sabi niya saka ako naman nauna ng lumabas.

Nakahinga ako ng maluwang ng makasakay ako sa kotse niya.


"OMG! Nakaka-guilty magsinungaling. Lalo na kay Aric. Parang alam niyang
nagsisinungaling ako." sabi ni Kyla.

"Tara na nga sa school." sabi ko na lang.

"Hello! Ok ka lang? Mamaya pa klase natin. Ano gagawin natin dun? Magbe-breakfast
muna tayo. Hindi pa kaya ako kumakain!" pagrereklamo niya.

"Sige sa school cafe na lang tayo." tumango niya saka nagsimulang magdrive.

"Bakit nga pala kanina akala mo si Edric yun tumatawag?" tanong ko ng maalala ko
yun. Nakita ko naman na namula siya.

"Kayo na ba?" tanong ko pa.

"U-uyy hindi ah. Ikaw naman." Sabi niya. Tinawanan ko lang siya.

"Napaka defensive mo naman." i said.

"I-ikaw kasi eh." Napatingin siya sa rearview mirror saka kumunot.


"Sinusundan tayo ng mga lover boy mo." she said. Agad akong napatingin sa likod.
Nakita ko yung dalawang kotse na parang nag-uunahan magdrive at kung sino ang
mauuna.

"Stop the car, Kyla." sabi ko.

"Ha? Oh sige." naging mabagal ang pagdrive niya hanggang sa pinarada niya ito sa
gilid ng daan. Napahinto din ang dalawang kotse na sumusunod sa amin. Bumaba ako
kasunod ni Kyla. Si Aric at Trever naman sabay na umibis sa kotse nila.

"Balak niyo bang magpakamatay?! Ano bang pa-show yan?!" inis kong sabi sakanila. Si
Trever napapakamot lang ng batok at si Aric naman nakayuko lang. Para silang mga
bata na pinapagalitan at nahuli.

"This is your fault! This is your idea!" mariing sabi ni Aric kay Trever.

"Ang yabang mo! You agreed to this, remember?!" inis ding sagot ni Trever.

"Hindi ako papayag na sa akin mo ibabato ang sisi!"

"Tumigil nga kayong dalawa! Ano ba'ng nangyayari sa inyo?! Para kayong mga baliw?!
Aric, Trever, hindi ito isang contest! And i am not a god damn prize!" i almost
shout at them. Sumasakit ulo ko sakanila. O kasalanan ko ito, ako ang nagsimula
nito. Pero yung umarte sila ng ganito? Nakakainis. Feeling ko ang cheap cheap ko
para pag-agawan.
"S-sorry." they both said. I groaned. Napakumpas na lang ako ng kamay saka sila
tinalikuran. I am so pissed. Paano na lang kung maaksidente sila sa pagpapaunahan
nila? Kargo de konsensya ko yun!

"Tara na, Kyla." sabi ko. Sumakay akong kotse. Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib
ko.

"Grabe girl, nakakatakot ka kanina. Pati mga tingin mo. I wanna laugh at their
faces. Looks like you tamed the both of them. Haha." hindi ko na lang pinansin ang
sinabi ni Kyla. I don't want to tame them. I don't want to change anything with
them.

***

Avia's POV

Hi Avia. How are you?

I miss talking to you.

Pwede ba tayo magkita mamaya?

Sa MOA. Ikaw naman kasi bigla ka na

lang nawala na parang bula.

Nakatitig lang ako sa screen ng phone ko. It was a text from Kier. Namiss ko tuloy
siya bigla. Agad akong nagreply sakanya.

To: Kier

Ok :) Meet me. 10 am
Sent!

"Who are you meeting?"

I felt goosebumps on my skin when i heard those familiar voice behind me. Dahan-
dahan akong napalingon sa likod ko.

"What are you doing here, Wynner?!" Nakapameywang kong sabi.

"Grabe ka naman. Yun agad ang tanong mo? Wala man lang, kumusta ka na Wy? Or na-
miss kita Wy?" Nakangisi siya at mas lalo akong napikon.

"Bwesit!" utter. Agad akong umalis sa kinatatayuan ko at pumasok sa loob ng bahay.


Hindi na ako nagtaka kung paano niya nahanap ang bahay ni Kuya, isa siyang tracker.

Mag-aayos na lang ako sa sarili kasi magkikita kami ni Kier ngayon.

"Mag-usap naman nga tayo, Avia." habol niya sa akin kaya napalingon ako.

"Ugh! Pwede ba, Wynner?! Just this once! Wag mo akong iistorbohin, iinisin, o
pipikunin! May importante akong pupuntahan at ayokong ma-stress dahil sayo!" i
yelled at him. Natigilan siya. His smiling face disappeared at napalitan ng
seryoso.
"Yun ba ang tingin mo sa akin, Avia? Isang nuisance?" he sounds hurt.

"Yes so stay away!" i retorded and walk away.

Bago pa ako makalayo sakanya, naramdaman ko ang paghatak niya sa braso ko. He
forcedly drag me and cornered me in a wall. Nagpumiglas ako pero mas malakas siya
sa akin.

"I won't." he said in a low voice.

"..i won't stay away. Especially if i know someone has jeopardize your relationship
with me." He smiled mischievously.

"What relationship? We don't have relationship, Wynner. Except for the fact that
your parents is my parents bestfriend. So tigilan mo na ang pamimilit sa akin na
may tayo! Dahil sa simula pa lang, wala na. I loathe and i loathe you forever!" I
respond sharply. Biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.

Aalis na sana ako ng higpitan niya ulit hawak niya sa akin. Mas dinikit niya ang
mukha niya sa akin at konting konti na lang ang layo ng mukha niya.

OH NO! THIS IS NOT HAPPENING, AGAIN!


Napapikit ako ng maramdaman kong lumapat ang labi niya sa akin. He is kissing me
violently that i can feel a little blood coming out my lips. Mas lalo siyang naging
aggressive at mas hinapit ng mahigpit ang bewang ko palapit sakanya.

"mmmmp!" Nagpupumiglas ako pero walang magagawa ang isang Damphyr na hindi pa
purified. Mas malakas pa din siya sa akin considering the fact na vampira siya.

His lips trace my cheeks, to my earlobe. Pababa hanggang sa leeg ko. Halos mahigit
ko ang hininga ko. Nanghihina na din ang tuhod ko. He is awakening feelings inside
me that i never felt before.

He let go of my lips at bumaba sa leeg ko hanggang sa dibdib.

"No. Please no." i cried.

That's when he stopped. Para siyang naparalisa at nawala yung nakakatakot niyang
mukha. I can see a litle blood on his lips. Pinunasan niya yun at tinignan ito.
Halos manlaki ang mata niya sa nakita.

"FVCK! GHAD! Avia sorry! I am so sorry!" lumapit ulit siya sa akin at niyakap ako.
I should be mad at him. I should starting to curse him or maybe kill him. But here
i am, letting him hug me, comforting me while crying on his shoulder.

.........................................................................

A/N: Please don't get mad at me for this chapter or for this very late update. :
( Busy po kasi ako since malapit na ang graduation ko. Please be patient my
dears. :))

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 13 - Secrets
####################################

Chapter 13 - Secrets

This chapter is dedicated to one of my avid reader Jamille Galitche Desiatco.


Sayang offline reader siya. :( Ang saya mong ka-chat sa fb :)) Pinasaya mo talaga
ako. hehehe Hugs and kisses. Mwaah! <3

Avia's POV

Tinulak ko ng marahan si Wynner. This time, he let me walk away. And again,
naramdaman ko ulit yungginawa niya nung mga bata pa kami. Pero iba na ngayon, mas
galit ako. Hindi lang sakanya kundi pati sa sarili ko. Ang hina ko para hindi
maglaban. I should have kill him if a have a chance. Pero kaibigan siya ng kapatid
ko. Mahal siya ng parents ko.

"I'm sorry." i heard him whispered pero hinayaan ko lang siya. Tuluyan akong
lumabas ng bahay.

Agad kong dinial ang number ni Kier ng makalabas akong gate.

[Oh Avia? Ikaw ah.. Excited ka atang makita ako.] i heard him say on the other
line. Kahit naiiyak ako, hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Napunasan ko ang mga luha ko sa mata. Kung bakit kasing umiiyak kaming mga damphyr.
"Kier, can you pick me up? I know 10 ang usapan natin pero--"

[Sure. What's your address?]

"Itetext ko sayo. Please hurry."

[I will.]

"Ok. Bye." then i hang up.

Nilakad ko palabas ang subdivision habang nagtetext kay Kier para sa address. Sa
shed n lang ako maghihintay sakanya. Ayoko pang sundan ako ni Wynner. Naiinis pa
din ako. Gusto kong magwala. Gusto kong may pagbuntungan ng inis ko.

Isang white 2014 Acura RDX ang tumambad sa akin habang naghihintay ako sa shed.
Hindi naman ito yung sasakyan ni Kier na ginagamit eh.

"Aviaa~" Sigaw niya habang binababa ang bintana.

"Uy Kier." Siya pala. I thought iba.

"Sakay na." he said at binuksan sa loob ang lock. Agad akong sumakay saka sinarado
yung bintana.
"Iba ata itong dala mong sasakyan?" tanong ko habang nagdedrive siya.

"Hehehe, nahiram ko lang." napapakamot niyang sabi. Para siyang nahihiya kaya hindi
ko napigilan ang mapangiti.

"Ang bait naman ng nagpahiram sayo." biro ko sakanya dahilan ng pag-ngiti din niya.

"Kumusta ka na?" Segue niya.

"I-i'm.. i'm fine." sabi ko saka tumingin sa labas. Hindi ako ok.. May nagpapagulo
sa isipan ko.

"Are you sure? Parang hindi eh."

"Yep. Absolutely perfectly sure." i gave him a wide smile, a fake smile.

"Saan ba gusto mong pumunta?" tanong niya.

"Anywhere. Basta gusto kong makalayo dito." sabi ko sakanya. Tumango naman siya
tapos biglang iniliko ang sasakyan sa isang intersection.
"Saan na to?"

"May pupuntahan tayo." he beamed at me. Hinayaan ko na lang siya tutal may tiwala
ako kay Kier. May mas tiwala na nga ako sakanya kesa kay Wynner eh.

Napailing ako bigla. Hindi ko dapat iniisip ang Wynner na yun. Ang dami na niyang
kasalanan sa akin at dapat lang na magalit ako sakanya. Kung hindi ko nga lang
iniisip ang sasabihin ni mommy at daddy, matagal ko na sana siyang sinumbong.

Huminto ang sasakyan sa isang flower shop saka bumaba su Kier.

"Dito ka na lang. Madali lang ako." sabi niya saka sinarado ang pinto.

Pumasok siya sa shop at may kausap na babae. Hindi ko man marinig kung ano ang
pinag-uusapan nila, alam kong humihingi ng suggestion si Kier sa babae.

Paglabas niya ng shop dumeretso niya sa compartment ng sasakyan saka nilagay dun
yung bulaklak. Umikot nanaman siya at sumakay na sa drivers seat.

"Peonies yung mga binili mo?"

"Yes. It's my mom's favorite." he said. Biglang nanlaki mata ko sa excitement. He


never mentioned his mom. Siguro maganda siya kasi ang gwapo gwapo ni Kier.
"Excited na akong makilala siya." sabi ko.

"You'll meet her. Malapit na din naman tayo." sabi niya saka nagdrive na ulit.

Ang ganda ng mga dinadaanan namin. Wala gaanong bahay pero maraming garden sa
gilid. Ang sarap mag stop over at mamitas ng bulaklak. Nakita kong may puno sa
gitna ng garden na yun at may swing na gawa sa goma at isang maliit na lamesa at
upuan na pwedeng pag picnican.

Pumasok kami sa isang napakalaking gate na nagbukas ng sarili. Isang napakalaking


bahay ang tumambad sa akin. Malalaking topiary ang nadadaanan namin. Meron ding
topiary maze sa gitna. Ang ganda dito.

May lumabas naman na mga nakauniform na sa tingin ko ay maid.

"Young Master. Mabuti po at nabisita kayo dito." Nakangiting sabat sa amin ng isang
matandang lalaki na nakatuxedo.

"Butler John." they had a quick hug saka natuun sa akin ang tingin niya.

"Oh my bad. This is my friend, Avia. Avia this John, siya yung namamahala sa
mansion kapag wala ako." nakangiting sabi ni Kier kaya napatango lang ako.
"Friend? Akala ko pa naman hijo girlfriend mo na. Natutuwa ang senyora kapag
nalaman niyang may girlfriend ka na." masayang sabi ni John. Pareho kaming natawa
ni Kier.

Pumasok kami sa mansion nila na parang isang palasyo na. Ang laki, though mas
malaki ang palasyo namin hindi ko pa din mapigilan ang hindi humanga sa ganda ng
mansion.

Giniya kami ni John sa likod ng mansion at doon ko nakita ang mas magandang garden
kumpara sa front yard nila. Para siyang paraiso. Ang gandang pagdausan ng party. At
nakakawala ng problema.

Nawala ang mga ngiti ko sa labi ng makita ko kung saan ako dinala ni Kier.

TOMBSTONE.

Isang tombstone ang tumambad sa akin.

MARIELLA A. FORD

"She's my mom." Kier said pero hindi pa din ako makapagsalita. I thought.. i
thought buhay pa siya. Kasi kung mag-usap kanina si Kier at John parang buhay pa
ang mommy niya.

Nilapag ni Kier ang peonies saka nag injan seat. Ginaya ko siya saka tumingin
sakanya.
"What?" nakangiti niyang sabi.

"Kailan pa?" malungkot kong tanong. Nawala ang mga ngiti niya sa labi at biglang
nalungkot.

"3 years ago. Hindi naman siya dapat mamamatay. She saved me. Dapat ako ang nasa
ilalim ng tomb na ito. Siya dapat ang nabubuhay." mapait niyang sabi.

Umusog ako ng konti sakanya saka ko hinaplos ang likod niya.

"I-i'm sorry.." i said.

"Hanggang ngayon hindi ko pa lubos maisip na ako nabuhay at siya hindi. Hindi ko
man lang sakanya nasabi kung gaano ko siya kamahal." may konting luhang lumabas sa
mata niya pero napahid niya agad.

"She's a mother, Kier. Mas gugustuhin niyang ikaw ang mabuhay kesa makita ka niyang
mamatay. Ganyan ang mga magulang." i tried to comfort him pero umiling siya.

"I'm not a good son to him. I never treated her the way i should treat a mother.
Galit kasi ako noon sakanya. Siya ang dahilan kung bakit namatay ang papa." sabi
niya. Napakunot ako.
"What do you mean, Kier?"

"Sorry kung hindi ako naging honest sayo, Avia." he sigh.

"..Hindi totoong illegitimate grandson ako ng lolo ko. Sinabi ko lang yun kasi..
kasi.. ewan. Kasi gago ako." he smiled bitterly. Me too Kier. Hindi rin ako honest
sayo.

"..My granpa loves me so much. Ako lang naman itong lumalayo eh." Naalala ko yung
text ng lolo niya na parang concern so yun pala yun.

"..Alam mo bang iniwan ni Mommy si Papa para sa career niya sa London. Isang ballet
dancer ang mommy ko noon. Iniwan niya kami ni Papa when i was 8. Si Papa naman
sinundan si mommy. That's when.. that's when.." he started sobbing kaya nayakap ko
na siya. Pati ako naiiyak na din.

"..May airline business ang papa kaya siya ang nagpalipad ng private jet namin ng
mag-isa. Ng nakainom para sundan si mommy sa london. He lost control and.. he
crashed." Hindi ako sanay na makitang ganito si Kier. Mas gusto ko yung palangiting
Kier.

"..I started hating my mom dahil dun. Pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko


siya patatawarin."

"..But, it was my 21st birthday. Nagkaroon ng party sa bahay ni granpa. Nagpakita


ang mommy ko. Nung una hindi ko siya agad nakilala. Granpa welcomed her like
nothing happen. Pero nagmatigas kao, galit pa din ako sakanya. Sinisisi ko pa din
siya."
"..Pinagtulakan ko siya palabas. Hanggang sa napunta siya sa kabilang kalye. Hindi
ko alam na may paparating na truck then everything was a blur.

"..Nakita ko na lang sarili ko sa hospital bed. Masakit ang dibdib, may tinahian."
My eyes widened.

"..M-may sakit ako sa puso, Avia. Habang nirerevive ako, my heart silently aching.
The doctor said, they almost lost me. Sana nga yun na lang ang nangyari." Napahawak
siya bigla sa dibdib niya at napapikit.

"..My mom donated her heart.. to me. Ang isang anak na walang nagawa kundi ang
kamuhian ang ina. Ang sakit-sakit. Kasi nung nagising ako, agad kong naisip si
mommy. Sabi ko, this is my second chance kaya bibigyan ko din siya noon. I am too
late." Hinigpitan ko ang yakap sakanya.

"..Hanggang ngayon, weekly ako nagpapa-check up. Hindi stable ang heart ko, Avia.
Wala akong taning. Pero anytime pwede akong atakehin sa puso. Another heart
transplant won't do. Hindi na daw tatanggapin ng katawan ko." he wipe his tears
saka tumingin sa akin.

"..That's the reason why i travel a lot. That time when you first time saw me, nasa
travel ako nun kaso nasiraan ako. And i am lucky to find a travel partner like
you." he beamed at me.

Para namang nanuyo ang lalamun ko. Hindi ko magawang magsalita. Sinabi sa akin ni
Kier ang lahat. At ako naman, parang naguilty. Ngayon na pinagkatiwalaan na niya
ako sa mga secreto niya, hindi ko magagawang sumama-sama sakanya kung ako hindi
honest sakanya.
Nakipagkita ako sakanya para sana may mapagsandalan ng problema ko kay Wynner, pero
heto ako ngayon. Comforting someone. Mas mabuti na din siguro ito. Ayoko siyang
bigyan pa ng dalahin. He's not a healthy person kaya hindi ko siya bibigyan ng
dahilan para sumama ang pakiramdam.

Nagulat ako ng tumayo si Kier at hinatak ako.

"Tara.." nakangiti niyang sabi.

"Ha? Saan?"

"Basta"

Tumakbo siya habang hila-hila ako.

"U-yy! K-kier! Saan ba tayo pupunta? Tsaka.. pwede ka bang tumakbo? Baka.. baka.."
huminto siya saka natatawang tumingin sa akin.

"Para kang si Granpa. Stop worrying about me, ok? This is the reason kaya ayaw kong
sabihin sayo. I don't want to be treated like this. Gusto

kong mamuhay like a healthy person."

"Concern lang ako." sabi ko naman.


"Hahaha. Mabubuhay pa ako ng matagal. Tara na at may isa pa akong secreto na
sasabihin sayo." excited niyang sabi.

Tumakbo ulit kami. Hanggang sa makarating kami sa isang kahoy na akod. May maliit
na gate doon saka niya yun binuksan.

Tumakbo nanaman kami hanggang sa marating namin yung garden na nakita ko kanina.
Ang ganda niya sa malapitan. Iba't ibang bulaklak.

Binitawan ako ni kier ata ko naman huminto para pumitas ng isang Magnolia.

"Tignan mo ito oh, ang ganda--" Napalingon ako pero wala na si Kier. Hala? Saan yun
nagpunta? OMG! Baka nahimatay na yun!

May matataas pa namang bulaklak kaya baka natakpan siya. Kasi naman siya eh! Bakit
pa siya takbo ng takbo!

"KIER! KIER ASAN KA!"

Pumunta ako sa may puno at swing pero wala din siya. Kung bumalik kaya ako sa
mansion nila? Baka nandun siya. Pero bakit naman niya ako

iiwan ng mag-isa?

"Kier! Kier! Kier naman eh!" Nagpalibot-libot ako pero hindi ko siya makita.
"Kier! Nag-aalala na ako sayoo~" Naupo na lang ako bigla sa swing at parang
maiiyak. Paano kung inatake pala siya?

"Totoong bang nag-aalala ka sa akin?"

"Kier!" Agad akong napalingon sa likod ko. Si Kier nakangiting nakatayo sa likod ko
habang ang isang kamay sa likod.

"..saan kaba pumunta?!" Naiiyak ko ng sabi. Lumapit siya sa akin.

"Nag-alala ka talaga?" he smiled. He looks amused.

"K-kasi.." nagbawi ako ng tingin sakanya. Bakit ako kinakabahan na malapit siya sa
akin. Tumambad sa akin ang isang daffodil na bulaklak.

"For you.." he said smiling.

"T-thank.. thank you.." I'm stuttering and this is not ok.

"Avia, may isa pa akong secreto na sasabihin sayo." biglang nagseryoso siya.
Kinabahan ulit ako. Baka kung anong rebelasyon nanaman yan.

"A-ano yun?"

"I like you.."

WHAAAT?!

"..and i wanted to marry you."

.............................................................................

A.N: Hindi ko man magawan ng sariling book ang Love story ni Avia, ginawan ko naman
siya ng whole chapter.

I am trying my best na mag update agad pero busy po talaga ako. May consequence din
kasi kapag matagal akong mag update. First, kapag may nakakalimutan ang scene.
Halimbawa, sinabi kong 21 years old si Lorelei pero 18 pala yung una kong nasabi.
Mga ganun. Kaya nahihirapan din po ako kapag matagal akong hindi nagsusulat kasi
kailangan kong basahin ulit yung last update ko para tumugma sa isusulat ko. Hindi
po madaling magsulat. Sinasabi ko ito kasi kapag magbubukas ako ng wattpad acc ko,
maraming PM sa akin ng 'UPDATE' taz mga nakaka offend pang mga sinasabi. Nahuhurt
din naman ako.

Tapos yung nagsasabing isa akong snob na author. HINDI PO TOTOO YAN! Nagrereply ako
sa facebook account ko. Marami na akong naging kaibigan na reader ko. Hanapin niyo
po yung Thyriza Wattpad at lagi akong online dun.
So yun lang.

XOXO

-Thyriza

####################################
Chapter 14 - The Blood Donor
####################################

Chapter 14 - The Blood Donor

Lorelei's POV

Napasabunot ako sa buhok ko di dahil sa frustation, kundi dahil sa na-sstress ako


ni Aric at Trever. Para silang asong bubuntot-buntot sa akin. Nakakainis na. Sabi
nga ni Kyla, para ko daw silang napaamong mababangis na aso.

"Alas nwebe na, Nyx. Nandun na daw si Ma'am." sabi sa akin ni Kyla. Nasa canteen
kaming apat. Separate ang table namin kay Aric at Trever.

Tumayo ako at tinapunan ko ng masamang tingin ang dalawa. Pero mas lalo akong
nainis ng makita kong nag aarm wrstling ang dalawa. And ofcourse, talo si Trever.

"Ughh!" Padabog akong lumabas ng canteen at tumaas na sa room.


Panginoon. Ano po ba ang masama kong ginawa para parusahan ako ng ganito? Huhuhu

"You're late Ms. Park and Ms. Martinez." Sita sa amin ni Ma'am.

"Pasensya na po." si Kyla nagsalita. Umupo na kami saka nagsimula si ma'am mag
discuss.

Ako naman, pinaglalaruan ko lang mga daliri ko. Nag-iisip kung ano ang gagawin ko.
Kung ano ang consequence kung pipiliin ko si Aric o si Trever.

Kahit kailan, hindi ko pinangarap magkaroon ng love triangle issue.

***

Hapon na ng lumabas ako ng school. Hindi ko na nakita si Aric, o si Trever. Kahit


papano hinanap ko sila. Baka mamaya nagpatayan na yung dalawa eh.

Si Kyla naman, ayun. Sinundo nanaman ni Edric. May pupuntahan daw sila.

Palabas na ako ng school ng my lumapit sa aking babaeng ka-school mate ko.

"Ikaw ba si Nyx?"
"Ah Oo. Bakit?" Tanong ko. May kinuha siya sa bulsa niya tapos may inabot sa akin.

"Eto oh. Napag-utusan lang akong ibigay ito sayo. Sige, bye." tapos tumalikod na
siya.

Curious, binuksan ko ang maliit na box. Isang note at lumang picture at may vintage
necklace.

Block 2, Route 45, Green Street.

Yun yung nakalagay sa maliit na note. Kinuha ko yung kwintas saka ito tinignan.
Para siyang ruby pero lumang luma na talaga. Binalik ko siya sa box at tinignan ko
naman yung litrato.

Matagal bago ko marecognize kung sino yung sa picture.

Nanghina bigla ang mga tuhod ko at para akong nagpapawis ng malamig. It was my mom
and dad. Nakaupo si mommy at suot niya ang kwintas na nasa box at si daddy naman
nakatayo at nakahawak sa balikat ni mommy.

Sinong nagpadala nito?


Para naman akong nag-panic. Ano na ang gagawin ko?! Should i call Tito Kent? Si
Aric? Where's Aric?

Lumakad ako papasok sa building. Baka nandito lang siya sa loob. Nilakad ko ng
mabilis palibot ang school. Aric i need you. Ngayon kita kailangan, please
magpakita ka sa akin.

Nakarating na ako sa Anatomy lab pero wala akong makitang Aric. Kung kailan ko siya
kailangan, dun ko pa siya hindi mahanap.

"Miss Park.."

Napalingon ako sa boses na nanggaling and it's difinetely not Aric's voice.

I was about to looked at the person nang makaamoy ako ng kakaiba. Naramdaman ko na
lang na may panyong humarang sa ilong ko.

And that's when i passed out.

***

Avia's POV
'I like you.. and i wanted to marry you.'

'I like you.. and i wanted to marry you.'

'I like you.. and i wanted to marry you.'

'I like you.. and i wanted to marry you.'

'I like you.. and i wanted to marry you.'

"AHHHHH~" Bakit ba hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ni Kier? At bakit affected
ako masyado? Kasi naman siya eh! Kung maka-propose. Nagmamadali ba siya? May
humahabol ba sakanya?

Kanina pa ako nakauwi dito sa bahay ni kuya at hanggang ngayon ume-echo pa din ang
boses ni Kier sa utak ko.

"Avia? Avia ok ka lang?" Napasimangot ako ng makita si Wynner. Inismiran ko siya


saka umalis. Lumabas akong bahay para makasagap ng fresh air. Mag-gagabi na at wala
pa si Kuya at Edric. Akala ko nga pagdating ko kanina wala dito si Wynner.

"Avia mag-usap naman tayo oh." rinig kong sabi niya.


"Wag mo nga akong sundan!" sigaw ko ng hindi siya tinitignan.

"Please?" he plead. Tumigil ako at hinarap siya. Nakita kong seryoso ang mukha niya
at parang nag-aalala ang mukha.

"Ano'ng gusto mong pag-usapan natin?! For kissing me!? Yun ba ang gusto mong topic
natin?!" i almost shout at him.

"I wanted to apologize. Sorry for what i've done. Hindi ko yun sinasadya. I don't
know what's got into me to do that to you. There's just this strong lust inside me
to kiss you." Napamaang ako sa sinabi niya.

"You're crazy." i muttered.

"Maybe i am. Baliw nga talaga ako. Baliw ako for not treating you right. Baliw ako
for not considering your feelings, lalo na't isa kang damphyr, you think like human
and you feel like human. And i am so sorry for being an asshole to you."

"Sorry won't change my expression on you. Bata pa lang ako palaisipan na sa akin
kung bakit ganun mo ako tratuhin! Bakit? Kasi damphyr ako? Mababa ba ang tingin mo
sa akin dahil dun?" sumbat ko sakanya.

"Hindi Avia. Mataas ang tingin ko sayo. Bilib nga ako sayo eh. Kasi kahit ganito
pakikitungo ko sayo, hindi mo ako pinapatay." he chuckles kaya medyo naging light
ang heavy emotios sa paligid.

"Mahal ko si Tita Maxhene at Tito Denver kaya hindi ko yun magawa. Sorry pero
walang patutunguan itong usapan natin kaya kung pwede ba? Umalis ka na at marami
akong iniisip." sabi ko saka ko ulit siya tinalikuran.

Akala niya siguro mahuhulog nanaman ako sa mga bitag niya? Minsan na niya akong
nauto noon na sabi niya nagsisisi siya sa lahat ng ginawa niya sa akin. Pero
binaliktad niya ang lahat nung kaharap ko na sila mommy. He said piapatawad niya na
ako sa pang-aaway ko sakanya. At ako ang lumabas na masama sa tingin nila mommy at
daddy.

"Dahil ba yan sa proposal niya?" Bigla niyang sabi. I frozed. How the hell?! Galit
na nilingon ko siya.

"You followed me?!" I said angrily. He gave me a smug look. That's what i thought.
Balik nanaman siya sa pagiging hambog niya.

"I can follow you wherever i want to." he smirked.

"You jerk! Kailan mo ba ako titigilan ha?!"

"Until matupad yung sinabi ko noon na magpapakasal tayo." he smirked again.

"Hinding hindi yun mangyayari. Mas gugustuhin ko pang makasal sa palaka kesa sa
isang vampirang tulad mo!" i retorted.

"So do i have to turn him into a frog?!" he said and grinned.


"What do you mean?!

"You said mas gusto mong magpakasal sa palaka. Eh di gagawin kong palaka yung
lalaki mo?!" And there, i saw his infamous evil grin.

"You don't have the power!" i shouted at his face. Sa sobrang galit ko, bigla na
lang na may pumalibot na apoy na pabilog sa akin. Hindi ko alam kung napaano pero
namumula ang tingin ko ngayon kay Wynner at gustong gusto ko siyang patayin ngayon.

"A-avia! Ano'ng nangyayari sayo?!" Nag-aalala niyang sabi. Napatingin ako sa kamay
ko at meron ding apoy dito. Hindi ako nagdalawang isip at binato ko yun sa harap n
Wynner!

"Subukan mong guluhin pa ang buhay ko! At hindi lang apoy ang itatapon ko sa
harapan mo!" mariin kong sabi saka nagteleport papasok sa bahay.

Nakapasok na ako sa bahay at ganito pa din ako, nag-aapoy ang kamay at pula ang
tingin ko sa paligid. Kahit kailan hindi ko pa ito naramdaman.

Para akong sinasakal dahil sa hindi ko ma-control ang sarili kong kapangyarihan.
Tumakbo ako papunta sa may bintana at sinilip ang langit.

It's fullmoom. At parang hinihigop ng buwan ang kapangyarihan ko!


Napahawak ako sa leeg ko. My power is overtaking me. I can't.. i can't.

"W-WY..WYNNEEEEER!"

***

Aric's POV

Napatingin ako sa orasan ng kwarto ni Lorelei. Bakit ba wala pa siya? Susurpresahin


ko sana siya kaya hindi ako nagpakita sakanya ngayon. Alas otso na ng gabi at ang
alam ko, dapat nakauwi na siya.

Medyo kinakabahan ako. Baka may nangyari nanaman sakanya. Dapat hinintay ko na lang
siya sa school eh. This is fvching Trever's fault. Kailangan ko pa siyang suntukin
para lang mailayo sakanya si Lorelei. Don't het me wrong i just did the right
thing.

Nang mag-vibrate ang cellphone ko, agad ko itong kinuha sa bulsa ko. Dalawang
magkasabay na text galing kay Lorelei at Avia.

From Avia:

Dude, may nangyari kay Avia. Uwi ka agad. Wynner to.

Ha? Ano'ng nangyari kay Avia?


From Lorelei:

Prince Aric Drake Kang,

Block 2, Route 45, Green Street.

Napakunot ako. Bakit tinext ni Lorelei ang buo kong pangalan at may, address? Para
saan ito?

Nag-vibrate ulit cellphone ko and another message nanaman. This time, MMS na.

I gasped seeing the MMS.

Si Lorelei. My Lorelei is tied up with plaster on her mouth.

"WHAT THE FVCK!"

Sino una kong pupuntahan? Kapatid ko o ang mahal ko?!

***

Lorelei's POV
Nagising ako ng may duck tape sa bibig ko at nakatali sa isang upan. Pinagpapawisan
na ako dahil sa kaba. Nasaan ako?! Bakit nila ako kinidnap?!

Gusto kong sumigaw pero hindi sapat ang ungol sa sa nakaplaster kong bibig.

"Gising na po siya, Pinuno." rinig kong sabi ng isang lalaki. Nilibot ko ang tingin
ko pero wala akong makita ni isa. Napakadilim at tanging anino lang nila ang
nakikita ko.

"Mabuti naman." rinig kong sagot nung lalaki na sa tingin ko ay ang Pinuno nila.
Umaalingasaw ang amoy ng usok o yosi.

"Kumusta ka na, Nyx Lorelei Park?!" May tumambad sa harapan kong isang pigura ng
lalaki. Hindi malinaw ang mukha niya , tanging katawan niya lang.

Naramdaman kong may lumapit sa aking lalaki at tinanggal ang ducktape sa bibig ko.

"AAAAAAAAHHHHHH~~" Shit! That hurts!

"HAHAHAHAHA. Kaboses mo pala ang mommy mo?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Paano mo nakilala ang mommy ko!? Kayo ba ang mga walang hiyang pumatay sa magulang
ko?!!" Galit kong sabi. Tinawanan lang nila.
"I like you. Matapang ka. Ikaw nga ang kailangan namin." sabi niya tapos tumawa
ulit.

"Ano ba ang kailangan niyo sa akin?! Pera ba?! Kailangan niyo ng sasakyan?!
Yatch--"

"Marami ako niyan. At baka ikaw pa ang bigyan ko niyan kung gagawin mo ang iuutos
ko." Pumalibot siya sa akin saka umungko para lumapit sa amin.

"W-what do you mean?"

"Be my Blood Donor just like your parents. And i will spare your life and your
Vampire Prince." he said that leaves a questions in my mind.

...................................................................................
...........................

A.N: Nag-update nanaman ako. Next week kasi busy na ako ng bongga kaya sinusulit ko
na para sa inyo.

So tama na muna tayo sa kilig kilig at pumunta naman tayo sa kontng action at sa
totoong genre ng storyang ito. :))

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 15 - Transcendal Vampires
####################################
Chapter 15 - Transcendal Vampires

Lorelei's POV

"Blood Donor?! Are you insane?! Taga red cross ka ba?! Ano?! Nauubusan na kayo ng
dugo at kailangan niyong mang kidnap para lang makakuha ng dugo?!" I almost shout
at their blurred faces. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nila. Bagskus,
tinawanan lang nila ulit ako ng malakas.

"Hahahaha! Akala mo ba nakikipagbiruan kami sayo?! Eh kung igaya ka namin sa


magulang mo magiging matapang ka pa kaya?" I swear i saw him grinned. Para siyang
isang demonyo. Napakatalas ng mga mata niyang namumula.

"Dahil sa akin kaya yumaman ang magulang mo. They become my blood donors to feed my
thirst. Kapalit ng iaalay nilang dugo ay isang kayaman. They're loyal to me
hanggang sa tinalikuran nila ko. Umanib sila sa pamilya ng pinakamamahal mong
Prinsepe." Napamaang ako. Pamilya ni Aric? May alam si Aric dito?

"We are the Transcendal vampires at nabubuhay kami sa dugo ng isang pure human.
Kailangan namin ng isang constant blood donor only. Hindi kami kagaya ng
Sanguinarians na kung sino-sinong tao ang pinapatay para lang makalasa ng dugo."
Ngumisi siya at nilapit ang mukha sa akin.

"And i can smell your pure clean blood. That's why i like you to be my blood
donor." he said in a husky voice. Napailing naman ako.

"Hinding hindi ako papayag sa kagustuhan mo. Hinding hindi ako magiging blood donor
mo! Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa maging instrumento ng isang kasamaan!" I
smugged at him. Biglang nag-iba ang expression ng mga mata niya.
"Don't be such a fool! Binibigyan kita ng chance para mabuhay ng matagal but you're
rejecting the offer." He stand up at humawak sa baba niya.

"Ano na kayang ginagawa ng pinakamamahal mong Aric ngayon? I'm sure he's on his way
to save you!"

Pinilit kong kumawala sa pagkakatali sa akin.

"Don't.. H'wag mong idadamay si Aric dito! Please!" I begged.

"Then be my blood donor. Just say yes. Hindi ko gagalawin si Aric.. including your
friend Trever and Kyla."

Para namang nanghina ako. Kaya na ni Aric ang sarili niya. But Trever and Kyla?

"Ano bang naging kasalanan ko sayo at ginagawa mo ito sa akin?" i cried. Hindi ko
gustong madamay ang mga tao sa paligid ko.

"Ikaw ang kabayaran ng kasalanan ng magulang mo sa akin. Ikaw ang magiging constant
blood donor ko wether you like it or not." he says like i don't have a choice.
Napapikit na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mga magulang ko para
galitin ang isang nilalang na tulad niya. Pakiramdam ko wala na akong pag-asa.
Parang wala na akong choice kundi um-Oo sakanya.
Masama ba ang mga magulang ko? Eto ba yung sinasabi ni Uncle na secreto nila mommy?
Eto din ba ang dahilan kung bakit bothered sila nung kaarawan ko?

"Maawa ka sa akin. Please. Pakawalan mo na ako. Ayokong mamuhay ng ganito. Nang may
mga misterio sa buhay. Nabuhay ako sa marangyang buhay pero simple lang ang gusto
ko sa buhay. Please.. please let me go." Nagmamakaawa na ako sakanya. Parang hindi
ko matanggap ang lahat ng nangyayari. Bakit parang sa isang iglap naging
complicated ang buhay ko?

"Sige pumapayag ako.." he said, napatingin ako bigla sakanya.

"Talaga?"

"Sa isang condisyon." sabi niya kaya napakuot ako.

"A-ano yun?"

"Bring me the Damphyr Princess. Bring me the Son of King Hansel Kang!"

"Ang kambal ni Aric?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Napaka-imposible naman ata ng


kondisyon niya.

"Oo. Ang napakamakapangyarihang kambal ng Prinsepe mo. Kapag nagawa mo yun, hinding
hindi na kita guguluhin pa. Sa ngayon, papakawalan kita. Ang gusto kong gawin mo,
kunin mo ang loob ng Mahal na Prinsesa.." he paused saka may kinuha sa bulsa niya.
"..Then ibigay mo ito sakanya. Make sure she touch it." Pinakita niya sa akin ang
isang kulay blue na bato.

"..Mawawalan siya ng malay sa oras na hinawakan na niya yan. Saka mo siya dalhin sa
akin."

"Gusto mong lokohin ko ang kambal ng aking.. ni Aric?" Hindi ko makapaniwalang


sabi. Ngumiti siya.

"Not the word i'm looking for.. Pero pwede na din. Lolokohin mo siya kapalit ng
kalayaan mo." Napapikit ako ng mariin. Hindi ko kaya.. Hindi ko

kayang lokohin si Avia. Isang beses pa lang kaming nagkausap at gusto ko siya.
She's such a sweet girl and vampire.

"G-gagawin ko." Kahit labag sa loob ko, kailangan ko itong gawin. Wala akong
choice. Ordinaryong tao lang ako. Wala akong laban sa nilalang na ito.

"Good girl." Ngumisi siya. Sumenyas siya sa mga tauhan niya. Naramdaman ko na
kinakalas nila ang tali ko sa likod. Pinatayo nila ako at pinaharap sa Pinuno nila.

"Kunin mo ito. I give my trust on you, Nyx Lorelei. Alam mo na ang mangyyari sayo
kapag niloko mo din ako." Inabot niya sa akin ang bato na nakabalot sa pouch bag.
Nanginginig na kinuha ko yun. Napaka traydor ko. Ang sama-sama kong tao. Sarili ko
lang iniisip ko.

"Remember our deal, or else you'll die." sabi niya bago tuluyang nawala sa harapan
ko. Napalinga-linga ako sa paligid. Wala na ni isa sa loob kundi ako.

Napaluhod na lang ako bigla habang umiiyak. Parang hindi ko kaya ang gagawin ko.
Ipagkakanulo ko si Avia na wala namang kasalanan.

Nayakap ko ang tuhod ko saka nilapat ko ang baba ko sa tuhod.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Parang may malakas na pwersa na tumulak
dito dahilan para masira ito.

"LORELEI?! Lorelei! Lorelei, where are you?!" Rinig kong sigaw ni Aric.

"Aric?" mahina kong sabi.

Naririnig ko ang tunog ng sapatos ni Aric papalapit sa akin. Napahinto siya ng


makita ako.

"OH MY GHAD! Lorelei!" Agad siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.

"Ano'ng ginawa nila sayo?! Sinaktan ka ba nila?! Are you ok?!" Derederetso niyang
tanong. Mas napahagulhul naman ako sa balikat niya.
Inalalayan niya akong tumayo saka niyakap ulit.

"I-I'm sorry.. I'm sorry hindi ko nagawang iligtas ka." bulong niya sa tenga ko.
Tinago ko sa likod ko ang pouch bag saka napahagulgul, hindi dahil sa hindi niya
ako naligtas kundi natatakot ako. I'm afraid na baka kamuhian ako ni Aric pakatapos
kong gawin ang inuutos ng nilalang na yun kapalit ng buhay ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin sa tinignan ako. He cupped my face saka


nilapit ang noo niya sa akin.

"Hinding hindi na it mauulit pa, Lorelei. Simula ngayon lagi na akong sa tabi mo.
Hindi na kita hahayaang mapag-isa." he whispers.

Inakay ako ni Aric palabas sa building. Nasa abandonadong factory pala kami.
Napakadilim na sa labas at sinalubong namin ang lamig dulot ng hangin.

Nahalata ata ni Aric na giniginaw ako kaya hinubad niya jacket niya at pinasuot sa
akin.

Pati pagsakay sa kotse, maingat na pinasakay niya ako. Para akong isang babasagin
na dyamante na ayaw niyang magasgasan.

"Tell me everything, Lorelei. Sino yung mga kumidnap sayo?" Tanong niya habang
nagdadrive. Hindi ko pwedeng sabihin sakanya.
"A-aric.. Totoo ba ang Transcendal Vampires?" Napapreno siya bigla sa sasakyan.
Dahan-dahan siyang napatingin sa akin na parang nagtataka.

"S-sila ba yung kumidnap sayo?" Mahina niyang sabi. Tumango naman ako.

"A-anong sinabi nila sayo?" Tanong niya pa din. Bakit parang may kakaiba kay Aric?
Alam kong masasamang Vampira ang kumidnap sa akin. Pero bakit kailangan niya pang
magulat?

"T-they.. he wants me to his constant Blood Donor." mababa kong sabi.

"What?" Mahina ngunit mariin niyang sabi. May kung ano pa siyang binulong pero
hindi ko gaano narinig.

"Aric? Aric may alam ka ba tungkol sakanila at sa magulang ko?"

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Sabi nila, ang parents ko daw ay isang blood donor din nila. Pero nagig traydor
daw ang magulang ko at nakisapi sila sa magulang mo. Totoo ba yun?"

"Hindi mo pa kailangan malaman, Lorelei." sabi niya.


"AT BAKIT HINDI?!" Sigaw ko. Later kong narealize kung ano ang action ko kaya
nagsorry ako sakanya.

"Ang mga Transcendal Vampires. Sila yung mga taong umiinom ng dugo ng tao, pero sa
isang particular person only. Hindi sila vampires. They are living in a lifestyle
of Vampire pero tao sila. They have power kasi meron silang amulet from voodoo.
Namumuhay sila ng matagal dahil sa isang dugo ng tao na malinis. Hindi lang sa
dugo.. kundi pati sa kalooban." he explained.

"Alam mo bang Blood donor nila ang parents ko?" Tanong ko pero hindi siya umimik.

"..So alam mo pala talaga pero hindi mo man lang sinabi sa akin?" Hindi ko
makapaniwalang sabi. Tumingin siya sa akin at hinawakan niya ko. Agad ko namang
iniwas ang kamay niya.

"Lorelei--"

"All this time?! May alam ka?! Kaya ba gusto mo akong tulungan hanapin kung sino
ang killer ng parents ko kasi may alam ka talaga?!" Sigaw ko sakanya. Napahawak ako
ng mahigpit sa puch bag na na may lamang bato.

"Sasabihin ko naman sayo pero--"

"Pero ano?! Ano, Aric? Ang totoo niyan, wala kang balak sabihin sa akin! Dapat nga
matuwa ako kasi kusang yung killer nila mommy at daddy ang lumapit sa akin. At alam
mo ba?! Hindi na ako makapaghintay na maghiganti sakanila! Alam kong may kahinaan
sila! Alam kong mapapatay ko sila!" Sabi ko saka binuksan ang lock ng pinto saka
umibis sa sasakyan.
"Lorelei don't--" Rinig kong sigaw ni Aric pero hinayaan ko lang siya. Mabilis
akong naglalakad kahit hindi ko alam kung pasasaan ako.

Namumuhay muli ang galit sa puso ko. Galit na galit ako at gustong gutso kong
maghiganti. Parepareho silang mga vampira! Makasarili. Mga mamamatay tao!

Aric's POV

Hinabol ko si Lorelei kahit ang bilis niyang maglakad. Hindi ko pwedeng gamitin ang
kapangyarihan ko dahil maraming makakakita.

"Lorelei, wait! Let me explain!" Sigaw ko pero parang hindi niya ako naririnig.

"Lorelei, Please??"

Nahabol ko siya saka ko pinigilan ang braso niya. Napalingon siya sa akin at
napaatras naman ako. Nanlilisik ang mga mata niya. Galit na galit.

Nag-iba ang kulay ng mata niya from red to black. Nanlaki ang mata ko.

"LAYUAN MO AKO!" Sigaw niya. Hindi yun boses ni Lorelei. Parang pandemonyo ang
boses na lumabas sa bibig siya. Para siyang naposessed.

"Lorelei.." sambit ko sa pangalan niya. Napatingin ako sa pulso niya at may nakita
ako tinurukan ng syringe.

"L-lorelei.." sinubukan kong lumapit sakanya pero tinulak niya ako ng pagkalakas.

"HINDI KITA KILALA! UMALIS KA SA PANINGIN KO!!" Galit niyang sabi saka tuluyang
naglakad.

She's not Lorelei. She's difinetely not my Lorelei.

..............................................................

A.N: Bukas ulit ang sunod na update. Ok?

Talasalitaan:

BLOOD DONORS- Sila yung kusang nagbibigay ng dugo sa mga vampira or feeling
vampira. Hindi inuubos ang dugo nila kaya patuloy silang nabubuhay. Hinahayaan
nilang sipsipin ang dugo nila ng magiging amo nila. Yun ang tawag sakanila. Nasa
vampires' terminology po kasi yan. :)) Natatawa kasi ako sa nagcomment na anemic
daw yung kimudnap kay Nyx.

Transcendal Vampires- Hindi sila talaga vampire. Tao sila na namumuhay bilang
vampira para maging malakas at mabuhay ng matagal. Kaya nila ginagawa ang ang
voodoo at humahanap ng blood donors kasi kasama yun sa ritual nila.

Voodoo - Is an evil act. Parang ritual to have a power.

PS: Gawa-gawa ko lang po ito. Wala akong pinagbaseha na kwento o ano. Hahahaha.
XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 16 - What happened Yesterday
####################################

Chapter 16 - What happened Yesterday

Lorelei's POV

"Miss? Miss ok ka lang ba?"

"Huh?" Napatingin ako sa paligid. Nakahiga ako sa isang bench sa park. Paano ako
napuntan dito? Napabangon ako at nasapo ang ulo. Ang salit ng ulo ko!

"Bakit ba dito ka natulog?! Aba buti at hindi ka na-rape, Miss." sabi nung lalaking
may hawak na walis. Napahawaka ako sa ulo ko. Wala akong naalala. Huli kong naalala
yung argumento namin ni Aric sa kotse.

Si Aric!

Nag-away kami? Galit ako sakanya?

"All this time?! May alam ka?! Kaya ba gusto mo akong tulungan hanapin kung sino
ang killer ng parents ko kasi may alam ka talaga?!" Sigaw ko sakanya. Napahawak ako
ng mahigpit sa puch bag na na may lamang bato.
"Sasabihin ko naman sayo pero--"

"Pero ano?! Ano, Aric? Ang totoo niyan, wala kang balak sabihin sa akin! Dapat nga
matuwa ako kasi kusang yung killer nila mommy at daddy ang lumapit sa akin. At alam
mo ba?! Hindi na ako makapaghintay na maghiganti sakanila! Alam kong may kahinaan
sila! Alam kong mapapatay ko sila!" Sabi ko saka binuksan ang lock ng pinto saka
umibis sa sasakyan.

Nakidnap ako at.. at..

Napatingin ako sa brown pouch bag na hawak ko. Totoo ang mga nangyari? Pero bakit
ako nandito? Iniwan ba ako dito ni Aric? Bakit naman niya yun gagawin?

Naramdaman kong may masakit sa pulso ko kaya tinignan ko ito. May parang itim na
nagmarka dito na parang tinusok. Saan naman ito galing. Napatayo na talaga ako at
binaybay ang daan. Nasaan ba ang bag ko? Kinapa ko ang bulsa ko at nasa pocket ko
pa ang cellphone ko. Pero wala akong pera sa bulsa.

Nanginginig na dinial ko ang number ni Tito Kent. Alam kong nag-aalala yun. Hindi
ko alam kung sasabihin ko ba sakanya ang tungkol sa mga nalaman ko. The last thing
i want to happen ay madamay si Tito dito.

[FOR PETE SAKE, NYX LORELEI! KAHAPON PA KITA TINATAWAGAN!!! NASAAN KA?! YOU HAVE SO
MUCH EXPLAINING THING TO DO YOUNG GIRL!!!] Halos naiimagine ko na ang galit na
hitsura ni Tito habang sinisigawan ako.

Napahagulhol na lang ako bigla. Hindi ko akalain na nangyayari sa akin ang nangyari
sa magulang ko. Pinilit man si o hindi na maging constant blood donor, mali pa din
na pumayag sila.

"Tito Kent.." i cried.

[Where are you? Ok ka lang ba?] Medyo bumaba na ang boses ni Tito.

"Nandito po ako sa park. Sunduin niyo po ako Tito Kent.. Please.." umiiyak kong
sabi. Napaupo ulit ako sa bench na nakita ko at tinaas ko ang paa ko para yakapin.
Nilalamig ako at natatakot.

[Don't hang up, ok? Nagdadrive na ako. Kagabi pa ako sa daan at hinahanap ka.
Tito's here.. Don't cry.] Naramdaman kong umiiyak din si Tito. Parang tinutusok ang
dibdib ko. Mommy.. Daddy.. Bakit niyo hinayaan na mangyari sa akin.. amin ito?

"Tito.. I'm scared.." hagulhul ko.

[Sshhh.. Don't be.. Kakantahan kita.. Mapalit na ako..] I heard Tito humming my
favorite song noong bata pa ako. Yun yung kanta kapag nagkakaron ako ng nightmares.

[..Hush little baby.. don't say a word.. Momma's gonna buy you.. a mockingbird..]
Natigil ako sa pag-iyak ng kumakanta si Tito. Parang naramdaman ko ulit na bata
ako. Hindi gaya noon, na regaluhan lang ako ng dolls ni Tito ok na. Ngayon iba na.
Sana bata na lang ako forever. Yung wala kang iisiping problema. Wala kang
kailangang traydurin na kaibigan.

"Lorelei!!" Napaangat tingin ko. Si Tito Kent. He only calls me Lorelei nung bata
pa ako at kapag may gusto siyang ipaintindi sa akin kapag matigas ulo ko. Tumakbo
siya at niyakap ako. Hinayaan kong yakapin ako ni Tito.. and there, i feel like his
baby again.

"H'wag ka ng umiyak.. Nandito na si Tito.. Hindi ka iiwan ni Tito.." bulong niya


kaya lalo akong naiyak.

"S-sorry.. I'm sorry, Tito Kent.." inayos ko upo ko saka humarap kay Tito.

"You're safe now.. Sorry for yelling at you.." he tried to smiled. Nakita kong
nangingitim ang ilalim ng mata ni Tito at namumula ang mga mata, tanda ng wala pa
siyang tulog.

"Gusto ko na pong umuwi.. Take me home.." Tumango si Tito saka inalalayan akong
tumayo. Malapit lang yung kotse kaya nakasakay agad kami.

"Matulog ka na muna..You look like a mess.. Mamaya na kita tatanungin." sabi ni


Tito saka nagsimulang magdrive.

***

Napaunat ako ng maramdaman kong bumukas ang ilaw. Narinig kong may naglalakad sa
kwarto tapos pinatay ulit ang ilaw. Agad kong binukas mata ko at nakita ko si Yaya
papalabas ng kwarto. Para naman akong nakahinga ng maluwang. Akala ko kung sino na.

Nanlaki mata ko ng makita kong nakapantulog na akong damit. Nasaan yung damit ko
kahapon? Naalala ko type B yung suot kong uniform kahapon kaya yun yung blouse at
slacks kong uniform.

Bumangon na ako saka ko hinalungkat ang hamper na lalagyan ng labahan. Nakita kong
yun at agad kong kinapa ang bulsa. Nakahinga ako ng maluwang ng makita ko ang pouch
bag. Nilagay ko siya sa gilid ng book shelves kung saan nandoon yung wood box na
tumutunog kapag binubuksan. Nilagay ko doon yung pouch bag.

Nakarinig ako ng mahinang katok sa pinto.. Si Tito nakangiting may dalang tray full
of food. Bigla tuloy akong nagutom ng maamoy ko ang pagkain.

"Kain ka muna.." sabi niya. Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas tres na ng
hapon.

"Hindi po kayo pumasok?" Hindi kasi yan uma-absent si Tito sa office eh.

"I need to monitor you.. Besides, wala pang tulog si Tito.." nakangiting sabi ni
Tito. Napangiti na din tuloy ako.

"Sabay na po tayo.. Ang dami naman niyan eh." sabi kong natatawa.

"Yun naman talaga ang balak ko." he said then chuckled. Namiss ko yung ganito. Yung
parang isang daddy, mommy, brother, sister and friend si Tito.

Nilapag niya yung mga pagkain sa study table ko saka kumuha ng upuan. Ako naman
umupo as gilid ng kama. Pinaghain ako ni Tito ng pagkain sa plato at ako naman
takam na takam na kumakain.
Nagkekwentuhan kami ni Tito pero hindi niya ako tinatanong kung ano ang nangyari
kagabi. Siguro hinahayaan niyang ako ang mag open up nung topic. Ayaw niya siguro
akong biglain. Kapag sinabi kong nakidnap ako, baka magkaroon nanaman ako ng mga
body guards at ayoko yung mangyari.

Tapos na kaming kumain ng tumayo si Tito at kinuha yung pinagkainan namin. Palabas
na siya ng pinto ng tawagin ko siya.

"Tito Kent~" I called him at napalingon siya.

"Hmm?"

"Sorry for being a pain in the ass. Hindi na po yun mauulit." sabi ko. He beamed at
me.

"Dapat lang. At papagalitan na talaga kita.." nakangiti niyang sabi saka tuluyang
lumabas.

Nagpapasalamat ako at hindi na nagtanong pa si Tito. Sasabihin ko din naman


sakanya.. Sa tamang oras.

Nang wala na akong magawa.. Nagscan lang ako ng messages sa phone. Maraming text
galing kay Kyla at Trever. Lahat sila nag-aalala. Malamang tinawagan sila ni Tito.
Si Aric naman maraming missed calls. Ang naalala ko galit ako sakanya kagabi. Pero
bakit ngayon hindi ko na yu naramdaman? Sino ba ako kagabi?Ano'ng ginawa ko nung
mga oras na hindi ko maalala ngayon?

***

Aric's POV

Nagtataka ako ng bakit walang maalala si Lorelei sa mga pinag-gagawa niya kagabi.
Kahit nawala siya sa paningin ko kagabi sinundan ko pa din siya. Nakita ko kung
paano niya tinulak ng pagkalas-lakas ang lalaking nasalubong niya sa daan kagabi.

I have a hunch na may tinurok sakanya ang mga Transcendal Vampires para maging
bayolante. Nag-iiba ang ugali niya. Tapos ngayon parang wala siyang maalala.

Ayoko munang magpakita sakanya ngayon kahit kanina ko pa siyang pinagmamasdan na


nanunuod ng pelikula sa TV niya. Baka kasi galit pa din siya sa akin. Ang tamang
gagawin ko lang ngayon ay maging anino niya. Susundan ko siya kahit saan at
poprotektahan kung kinakailangan. Gaya ng dati.. isa nanaman akong anino niya sa
dilim.

Nakita kong may sinagot siyang tawag.. Tango lang siya ng tango at biglang sinabing
'Sige'. Pakatapos tumayo siya at pumasok sa closet niya at sa CR.

Paglabas niya, nakasuot na siya ng kulay dilaw ng dress. Nagsuklay siya at naglagay
ng palamuti sa mukha. Napatingin ako sa baba ng may bumusina. Doon ko nakitang
lumabas sa pinto si Lorelei. Sa kotse naman, nakita kong umibis si Trever.
That fvcking Trever! Isang mapagsamantala! Porket wala ako!! Kung hindi lang sa
akin galit si Lorelei magpapakita ako ngayon at sasakalin ko sa harap niya si
Trever!

Sinundan ko sila. Nasa likod sila ng bahay.. Sa may pavillion sa gilid ng pool.
Para namang nag-usok ang mata ko ng makita kong binigyan ni Fvcking Trever si
Lorelei ng bulaklak.

Nagtatagisan ang mga ipin ko at parang gusto kong lalaslasin ang leeg ni Trever!!

Para naman akog nabingi ng marinig ko ang tawanan nilang dalawa. Natigilan ako ng
makita ko kung gaano kasaya si Lorelei. Hindi ko pa siya nakitang tumawa ng ganyan
kapag kasama ako. Gaya ngayon na halos napapahawak siya sa tiyan niya at nagpipigil
ng tawa pero lumalabas man din.

Nasasaktan ako. Ang tanging gusto ko noon ay ang mapasaya si Lorelei. Pero hindi ko
alam na may makapagpapasaya pa pala sakanya. Bigla-bigla na lang na nalungkot ako.

Hindi ata kami para sa isa't-isa. Tao siya at Vampira ako. Si Trever.. tao din.
Sila ata ang para sa isa't-isa.

Kusa akong umatras at lumayo sa dalawa. Hindi ko kaya ang mga nakikita ko. Para
akong kumuha ng kutsilyo at paulit-ulit na sinaksak sa sarili.

***
Avia's POV

Nakaramdaman ako ng haplos sa noo kaya ako nagising sa mahabang tulog. Pagmulat ko,
nakita ko si Wynner. Napakaseryoso at mukhang nag-aalala.

"Glad you're awake." he beamed at me. Bumangon ako at umupo.

"What happened?" i asked.

"You're power has overtaken you. Nandito kanina si Aric pero umalis lang din.
Lorelei was kidnapped pero mas una ka niyang pinuntahan--"

"What?!" Dapat si Nyx ang una niyang pinuntahan.

"Don't worry.. She's safe." Again, he beamed. What's wrong with Wynner? He seems so
kind and nice.

Nagulata ako ng inabot niya sa akin ang phone ko. Binuksan ko yun at nakita kong
maraming missed calls and texts from Kier. Napatingin ako kay Wynner pero wala na
siya. Mabuti naman. Tatawagan ko si Kier eh.

Hindi ko pa nada-dial ang number ni Kier ng magring ulit ang phone ko. Kier is
calling. Agad ko itong sinagot.
[Avia.. Are you ok? Bakit ngayon mo lang sinagot tawag ko?] Nag-aalalang sabi ni
Kier sa kabilang linya.

"I-i'm fine.. Sumama lang kasi pakiramdam ko. Ikaw? How are you?" Dapat si Kier ang
kinukumusta ko since siya ang hindi healthy. I heard him chuckled.

[I'm fine. But i am afraid.] he said kaya napakunot ako.

"Huh? Why?"

[Wala ka pa kasing sagot sa proposal ko. I know i said maghihintay ako. Paranoid
lang kasi ako. Akala ko iniiwasan mo na mga tawag ko.] Sabi niya tapos natawa. Pati
tuloy ako napangiti na din.

"Hahaha. Ikaw ah. Masyado mo namang pinapahalata na patay na patay ka sa akin."


Biro ko sakanya habang natatawa.

[Hahaha. Ay halata na ba? Nakakahiya pala.] Para ng mapupunit ang bibig ko sa lawak
ng ngiti ko. Nakakabaliw kausap itong si Kier.

"Hindi pa naman. Konting kembot pa at talagang obvious ka na."

[Kembot? Hindi nga ako sumasayaw eh.]


"Hahahaha. Hindi nga rin kita maimagine na sumasayaw." Tapos pareho kaming tumawa.

[Hahaha. Uyy! Ini-imagine niya ako.]

"Hahahaha. Ang feeling mo uy!"

[May ginagawa ka ba ngayon?]

"Ha? Bakit?"

[Wala naman. Gusto mo mag-date?] Nilayo ko ang phone sa akin saka inipit ang mukha
sa unan para sumgaw. Eeeee! Kinikilig ako!!!

"Hello? Kier?"

[Avia? Hindi mo ba narinig sinabi ko?]

"Oo."

[Anong Oo?]
"Oo. Payag akong mag-date." i said then silently squeals. Para akong baliw ditong
ngumingiti-ngiti.

[Sige.. I'll pick you up later?]

"Yup."

[Itetext na lang kita. Saan kita susunduin?]

"Sa bahay. Itetext ko sayo ang address."

[Ok.] Enthusiastic niyang sagot.

We both hang up. Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Wynner nakatayo lang doon.
Mukhang kanina pa siya doon.

"Pupunta dito ang Mahal na Reyna at Hari. Nalaman nila ang nangyari sayo." Tanging
sabi ni Wynner.

"G-ganun ba?" Naiilang kong sabi.


Tumango lang siya saka umalis. Ako naman naghanda lang ng sarili at saka bumaba.
Nakita ko si Edric na nagbabasa ng libro. Si Wynner nanonood ng TV.

Napaupo na lang ako sa single couch at saka nakapangalumbaba. Bakit ba ako


nanghihina? Dala ba ito kahapon? May parang iba akong nararamdaman eh.

Nakita ko naman si Kuya na paparating at parang natalo sa lotto. Nakakunot ito at


mukhang badtrip.

"Ok ka na ba?" Bungad niya sa akin. Nakita kong pinilit niyang ngumiti sa akin.

"Ok naman na ako. Saan ka galing?" Tanong ko at nagkibit lang siya.

"Dyan-dyan lang." Sagot niya. Tumango lang ako. Alam kong galing siya kay Nyx pero
ayaw ko munang magtanong. Baka nag-away sila.

"Dude, ano'ng nangyari sayo?" Rinig kong tanong ni Edric. Umiling lang si Kuya saka
sinipa ang upuan at tumilapon sa gilid. Lahat kami napatingin sakanya.

"Basted?" Singti ni Wynner.

"Kumusta si Nyx, kuya?" Tanong ko at para ibahin ang mga walang kwentang tanong
nila Edric at Wynner.
"She's fine... She's fine with Trever." mapait niyang sabi.

"Si Trever dude? Natalo ka?" Nakangising sabi ni Edric. Siguro yung Trever ay yung
karibal ni Kuya kay Nyx.

"Hindi ko kasi alam sa inyong kambal kung bakit kayo nagkakagusto sa mga tao.
Madami namang pwedeng vampira dyan eh!" Sabi ni Wynner na nakatingin sa akin. Agad
ko siyang pinandilatan at hindi yun nakaligtas sa paningin ni Kuya.

"Ano'ng ibig sabihin ni Wynner Avia?" Nakataas ang kilay ni Kuya habang
nagtatanong.

"Uy Wynner ah! Walang masama sa pagkakagusto sa tao! Palibhasa kasi basted ka sa
vampirette na gusto mo." Angil ni Edric. Natuon yung tingin ni Kuya kay Edric kaya
nakahinga ako ng maluwang. Akala ko magtatanong pa si kuya.

"Hindi ako ang issue dito ulol!"

"Sino'ng ulol? Refering to your self?" Si Edric.

"Aba't baka gusto mong--" Naputol ang sasabihin ni Wynner ng may bumusinang
sasakyan.

SHIT!
"A-ah. Ako na magbubukas sa gate." Tatalikod na sana ako ng harangin ako ni Wynner.

"Ako na. Hindi ka pa magaling." Sabi ni Wynner.

"H-ha?"

"Sige na Avia. Hayaan mo na siya." Sabi ni Kuya kaya wala na akong nagawa.

Agad namang lumabas si Wynner. Ako naman lihim na nagdadasal na sana hindi yun si
Kier.

Wala pang limang minuto ng mawala si Wynner at agad itong bumalik. Sa likod nito ay
Si Kier na may bulaklak.

Umunahan si Kuya at hinarap si Kier. Naku po!

"Who the hell are you?!" Kuya hissed.

OH NO!
...................................................................................
.....................

A.N: Sorry for the late update!

Gagawa ulit ako ng special chapter ng Vampire City BOOK 1. Ipopost ko na lang po
siya. Ok?

XOXO

-Thyriza

####################################
Chapter 17 - No! I won't let you go!
####################################

Chapter 17 - No! I won't let you go!

Avia's POV

"Who the hell are you?!" Nakakunot na tanong ni Kuya. Mukhang iritable siya.
Napapikit na lang ako ng mariin. Si Kier naman mukhang kalmado at hindi man lang
na-iintimidate sa tatlong vampira o lalaking kasama ko dito sa loob.

"I'm Avia's friend. You must be her twin." Inangat ni Kier ang kamay para
makipagkamay kay Kuya pero tinignan lang ng magaling kong kambal ang kamay ni Kier.
"Kier, tara na?" Sabat ko. Ayaw ko din namang mahawakan ni Kier ang kamay ni Kuya
kasi alam kong malamig ito hindi kagaya ng balat ko.

"And where do you think you're going? Hindi ka pa magaling!" I rolled my eyes
heavenwards. Umaandar nanaman ang pagiging mahigpit niyang kuya.

"Kuya naman eh! May date kami!" I stomped my feet na parang bata. Nakita ko si
Edric na nagpipigil ng tawa. Si Wynner naman seryoso lang sa gilid.

"SO?! Hindi! Dito ka lang at hindi ka pa magaling!"

"YAAAH~ Kuya!"

"Avia.. Ok lang. Baka kasi masama pa din pakiramdam mo." Sabi sa akin ni Kier.
Napasimangot tuloy ako sakanya. Ayaw kong mag-stay dito kaya gusto kong umalis.

"See? Kung gusto niyong ituloy ang date niyo, dito na lang. Sa rooftop kayo
magtambay. Just don't leave the house, ok?" Determined na sabi ni Kuya. Mukhang
hindi na ako makakaangal pa since tumango na si Kier. Errr! And this is what you
called AWKWARD moment!

There is kuya.. Wynner at the corner.. And Edric annoyingly grinning at my side.
How nice..

*BEEP! BEEP!*
"Oh they're here." sabi ni Wynner ng sumilip sa pinto.

"Sino?" Tanong ni Kuya.

"Your parents." he said and looked at me.

My parents. Great!

Napatingin ako kay Kier at lumapit sakanya. Kumapit ako sa braso niya. He beamed at
me. He's so relaxed. Magiging relax pa kaya siya kapag nalaman niyang puro vampira
ang kasama niya?

"T-tara na, Kier. Let's go to rooftop." sabi ko saka ko siya hinila.

"Ipakilala mo siya kay mommy at daddy." Sabi ni Kuya kaya napatigil ako.

"Ayoko. Magfefreak out si mommy. Tsaka ikaw nga hindi mo pa pinapakilala si Nyx
eh!" Ang unfair naman ni Kuya. Tsaka nahihiya akong ipakilala si Kier. Hindi naman
dahil sa ikinahihiya ko siya. Hindi pa ako ready.

"Mom gave me one month remember?" Kuya grinned at me. I sigh in defeat. Nakita kong
pumasok si mommy at kasunod si daddy. Agad siyang tumakbo papunta sa akin at
niyakap ako.
"My baby. Ok ka lang ba? May masama ka pa bang nararamdaman?" Mommy cried. I
pouted. Ang OA ni mommy.

"Ingrid, calm down. May bisita pala tayo." I heard daddy say. Napatingin ako kay
daddy at nakita kong nakatitig siya kay Kier. Si Kier naman parang naguguluhan.

Malamang nagtataka siya kung bakit bata pang tignan si mommy at daddy. Parang
kaedad lang namin.

"Magulang mo sila, Avia?" Bulong sa akin ni Kier. Napatingin ako sakanya at parang
nangungusap. Hindi ko pa maaring sabihin sakanya. Hindi pa dapat. O hindi dapat.

"Ahhh. K-kasi.. ano eh."

"Go upstairs, Avia." Rinig kong sabi ni daddy. Napatango ako saka hinila si Kier
pataas sa rooftop.

Pagdating namin dun, nakatingin lang sa akin si Kier at parang naghihintay ng


explanation ko.

"I'm listening." He said.


I nodded. Naging honest siya sa akin at ako hindi. But i have reasons. He has too.
Pero mas mabigat yung akin. Haay!

"I'm not what you think i am, Kier." I started. He looked at me intently at
hinihintay na tapusin ko ang sasabihin ko.

"..Kung ano man ang malalaman mo, i just hoped na hindi mo ako layuan. Hindi ko ito
nasabi sayo kasi natatakot ako na baka.. na baka.. E-eh ikaw lang kasi ang naging
kaibigan kong tao eh." I said. Napuputol-putol kong sabi dahil sa kinakabahan ako.

"Tao?" Kumunot noo niya.

"I mean tao din ako.. Pero hindi ak ordinaryong tao.." Mababa kong sabi.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Avia?" Hindi ko mabasa ang mukha ni Kier. Walang
emosyon. Hindi ko naman makitang galit siya o kaya naman takot. Blanko lang ang
mukha niya.

"The people downstairs.. They're my family. My twin, cousins, family friend and..
and parents."

"Pero napakabata pa nilang tignan, Avia. How come they become your parents? Are you
adopted by those young couple?" He asked. I'm glad he's asking. Atleast it won't be
hard for me para umamin sakanya.

"I am not adopted, Kier. They are really my parents... They look young because..
because.."
"Because?"

"I'm a damphyr. Half human, half vampire. And they are my family. A pure vampire."
I heard him gasped. Maiintindihan ko kung lalayuan na niya ako. Ok lang kung
magagalit siya for keeping secrets to him. Hindi ko naman siya masisisi kung
matatakot siya sa akin.. sa amin. Isa kaming fictional predator sa mata ng tao at
kahit pa nasabing totoo kami, hindi pa din mababago ang perspective nila tungkol sa
aming mga vampira.

"I knew it." He bursted.

"Huh?"

"I knew something is different on you. Hindi ko nahulaan na isa kang vampire, pero
alam kong hindi ka ordinaryong tao." He said that made me shock.

"You're not afraid of me?" I asked making sure. Umiling siya saka ngumit sa akin.

"Hindi.. You're so nice and i think your family are too. I just can't believe
that.. you're true. I mean.. akala ko sa libro lang kayo. This is incredible." he
chuckled.

"Sorry ah. Hindi ako naging honest sayo. Natatakot lang akong baka katakutan mo
ako."
"I am not afraid of you. And i'll still pursue you. I'm still willing to marry
you." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Sigurado ka?" I smile playfully.

"I am pretty sure." Hinapit niya bewang ko palapit sakanya.

"..Mas maganda ka pala sa malapitan." he whispered.

"Nambobola ka ba?" Natatawa kong tanong.

"Hindi. Para sa akin ikaw ang pinakamagandang babae o vampira sa buong mundo." He
beamed saka niya hinaplos ang pisnge ko.

"Alam ko na yun. My dad told me that, matagal na. Mana ata ako sa mommy ko."
Pagbibida ko sakanya kaya natawa siya.

"Ilang taon ka na ba?" He asked.

"Hmmm. 108." Casual kong sabi. Wala naman siyang reaction.


"Lola ka na pala." Biro niya. I giggled.

"So you're like my apo na?" We chuckled.

"No. You're like my future wife na." He mimic my voice.

"So you think hindi agains't sa atin ang family ko?"

"Ipaglalaban kita." Sabi niya.

Ang sarap sa pakiramdam na marinig yun galing kay Kier. He'll fight for me. Ngayon
ko lang ito nararamdaman. At si Kier lang ang may kakayahan na maparamdam sa akin
ito. Sobrang sarap sa pakiramdam at hindi ko kayang ipagpalit ang nararamdaman ko
ngayon sa kahit na anong bagay. Natatakot tuloy ako na itong nararamdaman kong
kasiyahan ay may kapalit. H'wag naman sana..

***

Lorelei's POV

"Natutuwa ako't nagkakasundo kayo ni Trever, Nyx." Sabi sa akin ni Tito Kent. Maaga
siyang umuwi galing work. Si Trever naman kakaalis lang pero naabutan pa siya ni
Tito.
"Masaya pong kasama si Trever, Tito." Sabi ko. Totoo yun. Ang dami niyang jokes na
sinabi kanina. I felt bloated na nga sa sobrang dami kong tawa sakanya. He's
expression is bubbly kaya mas nakakadala.

"You like him?"

Natigilan ako sa tanong ni Tito. No i don't think i like him.

"Kaibigan lang po ang tingin ko sakanya, Tito." Sabi ko naman. Hindi pwedeng
magkagusto ako kay Trever.

"Pwede din naman yang mabago eh." He beamed.

Pero paano si Aric?

"Hindi na po ata, Tito."

Nasasaktan din ako kaht papano na hindi ko magawang magustuhan si Trever. Hanggang
friends lang talaga kami. Yun lang ang kaya kong mabigay sakanya.

Pumanhik na akong kwarto at nahiga. Bakit kaya hindi ako dinadalaw ni Aric ngayon?
Galit ba siya sa akin? Pero mabuti na din sigurog hindi siya nagpapakita sa akin.
Atleast my maidadahilan ako sa mga Transcendal Vampires. Sasabihin kong hindi na sa
akin nagpapakita si Aric.
Nakokonsensya din kasi ako sa gagawin ko.

Kinuha ko yung box na nilalagyan ko ng black rose na binigay ni Aric. Kinuha ko


yung pinakalumang bulaklak na binigay niya. Nilanta na siya ng panahon pero buo pa
din. Just like Aric. Matagal na siyang nabubuhay sa mundo, pero buhay pa din at
hindi nagsasawang mahalin ako.

Mahal niya ako at masaya ako sa ganun. Hindi ko alam kung bakit pinipigilan ng puso
ko na mahalin din siya. Napakacomplikado kasi ng lahat eh. Tao ako, vampira siya.
Not just an ordinary vampire, but a vampire prince. I can't settle for that. Gusto
ko tahimik at masayang buhay. Kaya kung pwede pang pigilan ang nararamdaman ko kay
Aric, gagawin ko. Lalo na't nakipagkasundo ako sa mga Transcendal vampires. Mas
mabuti niyang layuan ko siya, kesa sa kamuhian niya ako.

Sinarado ko ang box at binalik yun sa closet ko. Lumabas ako papuntang veranda saka
ko nakita ang namimilog na buwan.

"Mamimiss kita, Aric. Mahal na din ata kita, pero hanggang dito na lang ang
nararamdaman ko. Hindi pwedeng tayo." Mahina kong bulong.

***

Aric's POV

Rinig na rinig ko ang mga salitang sinambit ni Lorelei. At sa hindi maipaliwanag na


dahilan, nasaktan ako. Bakit hindi pwedeng maging tayo, Lorelei? Mahal kita at
mahal mo din pala ako. Pero bakit mo pinipigilan ang nararamdaman mo?
Nakita kong pumasok siya pabalik sa kwarto niya. Gustong-gusto ko siyang yakapin.
Gusto kong maramdaman ang maiinit niyang yakap.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at pinasok ko ang kwarto niya. Alam kong nagulat
ko siya sa bigla-biglang pagsulpot ko sa harapan niya.

"A-aric.." He whispered. Gustong gusto ko kung paano niya bigkasin ang pangalan ko.
Parang may tumitibok sa loob ng aking katauhan. Ang sarap sa pakiramdam.

Hindi ako nagsalita at niyakap ko siya. Mahigpit na mahigpit at ayaw kong bumitaw.
Masyado kong mahal si Lorelei. Hindi ko siya kayang pakawalan.

"Kung kailangan kong maging masama para maging akin ka lang gagawin ko, Lorelei.
Just show me your love to me." I whispered near her ears. Akma siyang bibitaw sa
yakap ko pero nilakasan ko ang pagyakap sakanya.

"A-anong ba'ng pinagsasabi mo, Aric?" Pinagtutulak niya ako kaya kusa ko siyang
pinakawalan.

"Mahal na mahal na mahal kita. Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Please be
mine, Lorelei? Gusto mo tumakas tayo? Takasan natin ang lahat. Kapag tayo na lang,
wala nang dapat problemahin.." Nakita kong nagpunas siya ng luha niya sa pisnge.

"Hindi pwede, Aric." Humagulhul siya. Napakuot ako. Oo, vampira ako at tao siya.
Pero bakit niya ba yun iniisip? Kaya ko siyang protektahan.
"Bakit hindi pwede? May problema ka ba, Lorelei? May tinatago ka ba sa akin?"
Nakakunot kong tanong sakanya. Umiling naman siya pero hindi ako naniniwala.

"L-layuan mo na ako, Aric. Please? Let me go." Pakiusap niya. Umiling ako ng
marahas. Hindi ko kayang malayo siya sa akin. Hindi maari.

"Ayoko! Hindi kita pakakawalan. Mahal na mahal kita. Kahit ilang beses mo akong
itulak, babalik at babalik ako sayo." Sabi ko saka niyakap ko siya ulit.

"Hindi na ako si Lorelei, Aric. The Transcendal vampires put a mark on me. They own
me." Nakikita ko sa gilid ng vanity morror niya na naluluha siya. Niyayakap niya
din ako pabalik. Mahigpit din ang yakap niya sa akin. Like it will be our last hug.

Kinuha ko ang arm wrist ni Lorelei saka ko dun nakita ang tinusukan ng mga walang
hiyang Transcendal vampires. I gritted my teeth.

"Lorelei.. Pwede ka bang sumama sa akin? Can you trust me? Atleast jut this once?"
I asked her. Marahan siyang tumango.

"I trust you, Aric." then she hold my hand.

***

Lorelei's POV
Dinala ako ni Aric sa bahay nila, sa sub na malapit sa amin. Nakita ko doon ang mga
vampira din atang kasing edad lang ni Aric. Si Edric lang ata ang kilala ko dito.
Hindi ko naman mahanap si Avia.

Lahat sila nakatingin sa akin.

"Mom.. Dad.. This is Lorelei.. Lorelei, they're my parents. King Hansel and Queen
Ingrid." Sabi ni Aric kaya agad akong napayuko. Hindi pa ako naka-meet ng Hari at
Reyna kaya hindi ko alam kung ano gagawin ko. Kug luluhod o magbibigay pugay.

"You really have your dads' taste, son." Sabi ni Queen Ingrid. Lumapit siya sa akin
saka hinawakan ang dalawa kong kamay.

"..It's been a while since i get this close to human. How are you, Lorelei?" She
seems nice and mukhang genuine naman ang pakikitungo niya.

"O-ok lang naman po ako." Sagot ko habang nakayuko.

"H'wag kang matatakot sa amin. Lalo na sa akin. I was.. once a human before.." She
said. Napaangat na ako ng tingin sakanya saka nakipagngiti. Her auburn eyes suits
her hair color and pale skin.

Lumapit naman ang daddy ni Aric at saka ko din siya tinignan. Bakit ba ang gaganda
nilang nilalang. Ang ganda ng mommy ni Aric, at sobrang gwapo naman ng daddy niya.
Grabe lang.
"May isang rason ako mom and dad kung bakit ko siya dinala dito." Sabi ni Aric kaya
napatingin kami sakanya.

"Ano yun anak?" His mom and dad asked chorusly.

"The transcendal vampires put a mark on her. She is using her to get even with our
family." Sabi ni Aric though hind ko yun maintinidihan.

"How come? Hindi naman siya-- OH MY GOD! She's the daughter of Park family?" Hindi
makapaniwalang sabi ni mommy.

"She is, Mom. They are asking her to become their constant blood donor." Nakita ko
namang parang nahabag sa akin ang mommy at daddy ni Aric.

Gusto kong sabhin na hindi ako magiging blood donor unless kapalit ni Avia.

"Hindi pa naman po ako blood donor nila. Ang totoo po niyan--" Hinintay nila akong
magsalita pero bigla na lang akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko. Parang
pinipigilan nitong magsalita ako. Parang alam nilang magsasalita ako.

Inside my head parang may naririnig akong nagsasalita.

'Subukan mong magsalita, at mamamatay ka ng wala sa oras!'


Naramdaman ko ang sakit na tumutusok sa dibdib ko. Kusa akong nagpikit ng mata at
dahil nanghihina na ako. Nararamdaman kong niyugyug ako ni Aric.

Mahal na mahal kita, Aric. I'm sorry..

...................................................................................
.............................

#VCNYOVS2

Tweet me: @theRealThyriza

Add me on FB: http://www.facebook.com/thyriza

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 18 - Possessed
####################################

Chapter 18 - Possessed

A.N: Play the video on the right side. It's the song for this chapter Hear you me
by Jimmy Eat World. It's one of my favorite song at yan yung background music ko
habang sinusulat 'tong update na 'to. :))

Aric's POV
Isang buong araw ko ng pinagmamasdan si Lorelei habang tulog. Alam kong nag-aalala
nanaman ang Tito niya sakanya kaya kanina pinakiusapan ko si Edric at si Kyla na
sabihan ang Tito ni Lorelei na may outing ito. Hindi ko na alam kung ano pa ang
sinabi nila basta mapaniwala ang Tito niya.

"Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari sakanya, anak. Papunta pa lang dito
ang iyong Lolo at Lola kaya sila ang makakaalam kung ano ang nangyari kay Lorelei."
Sabi sa akin ni Daddy.

I sigh in defeat. Nag-aalala ako sa kalagayan ni Lorelei. Hindi ko mapapatawad ang


sarili ko kapag may nangyari sakanya.

Nakuyom ko ang kamay ko sa sobrang galit. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at


kusang lumabas ang mga pangil sa loob ko. Gusto kong pumatay ng Transcendal
vampires. Alam kong hindi dapat ako nagpapatalo sa galit ko pero hindi ko matanggap
na wala akong magawa sa nangyayari kay Lorelei.

Nakita kong dumating si Avia at nag-aalala din. Tumabi siya sa akin at alam kong
nakikisimpatya siya sa akin.

"Magiging ok din siya, Kuya. H'wag kang mag-alala." Hinagod ni Avia ang likod ko.
Tipid ko lang siyang nginitian.

"Alam mo kung ano ang masakit, Avia? Yung nandito naman ako sa tabi niya pero hindi
ko mapalis ang sakit na nararamdaman niya."

"H'wag kang maging mahina, Kuya. Lorelei needs you more that ever kaya kailangan
mong maging malakas. Hindi mo dapat sakanya pinaparamdam na mahina ka kung kailan
kailangan ka niya. Be strong."

Pasalamat na lang ako at nandito si Avia. Mas nagiging malakas ako sa mga sinasabi
niya.

Tumingin ako kay Lorelei at wala pa din siyang malay. Iniwan muna ako ni Avia para
daw mapagsolo ko muna si Lorelei.

"Please wake up, my Lorelei. Nahihirapan akong makita kang ganito." I held her hand
saka ko yun nilagay sa pisnge ko.

"Itatakas kita. Tatakasan natin ang lahat. Mahal.. na mahal kita." Isinuklay ko ang
daliri ko sa buhok niya.

"Kapag gumising ka, dadalhin ulit kita sa Cliff ng Rain Forest. Diba gusto dun kasi
tahimik?" Hinaplos ko naman ang makinis niyang balat sa mukha. Hindi masaya ang
mukha ni Lorelei. Nasasaktan siya kahit tulog. Gusto ko siyang yakapin at kunin ang
sakit na nararamdaman niya. Kung pwede itong maipasa sa akin para hindi na siya
maghirap.

Nakita kong gumalaw ng konto ang daliri niya kaya nanlaki mata ko. Medyo gumaan ang
pakiramdam ko sa nakita.

"Naririnig mo ba ako, Lorelei? It's me, Aric." Hinawakan ko ulit kamay niya at
pinisil ito. Naramdaman kong gumanti siya sa pagpisil sa kamay ko.

Then her eyes opened. Nakakatitig lang siyang deretso sa kisame. Na parang gising
pero tulala. Inalalayan ko siyang bumangon at para maupo sa kama. She rested her
back at the headboard.

This time, nakayuko naman siya.

"Lorelei? Ok na ba pakiramdam mo? Do you need anything?" I asked. I held her hand
but she jerked it away.

Matalim siyang tumingin sa akin na parang hindi niya gusto ang ginawa ko. Nakita
kong nangislap ang mga mata niya. It was all black. Kagaya ng mga mata ng
Transcendal vampires.

Alam kong hindi siya si Lorelei.

"SINO KA?!"

I was shocked! Iba nanaman ang boses. Kagaya nung nag-away kami nung na-kidnap
siya. It was a deep evil voice.

Narinig kong nagbukas ang pinto sa kwarto. Nasa tabi ko na si Mommy, daddy, Avia,
Edric at Wynner. Lorelei's face looks like angry. Mukhang nagalit siya na marami
kami sa kwarto.

"MABUTI AT NANDITO KAYONG LAHAT! NAGKITA DIN TAYO ULIT, HANSEL AT INGRID!!"
"Kung sino ka mang Transcendal vampire ka. Inuutusan kitang umalis sa katawan ni
Lorelei!!" My dad furiously said, Lorelei's possesor just laugh.

"HINDI AKO TANGA PARA GAWIN KO YUN! AKIN ANG KATAWAN NG ANAK NG MGA PARK! ITO ANG
KABAYARAN NILA SA PAGTALIKOD NILA SA AKIN!!" Umaalingaw-ngaw ang demonyong boses ng
possessor ni Lorelei.

I saw daddy throw a beads on Lorelei kaya napasigaw ito sa sakit. Naghahalo ang
boses ng sumanib kay Lorelei at kay Lorelei. Nakikita kong nasasaktan siya
pinigilan ko si daddy.

"She's hurting!!" Galit kong sabi.

"Hindi siya si Lorelei, anak." Daddy said calmly saka nagtapon ulit ng beads kay
Lorelei at napapasigaw nanaman ito.

"But it's her body!" Umiling si daddy at panay pa din ang tapon niya ng beads.

Nagbabago-bago ang hitsura ni Lorelei at parang may gustong tumakas na kaluluwa sa


katawan niya. Bumalik sa dati ang mata niya pero agad namang nagiging itim.

"A-aric.. A-a..ric.. H-he--H-help.." It was Lorelei's voice. Lumalaban siya.

I walk towards her at niyakap siya. Niyakap ko siya ng mahigpit kahit na naglalaban
sa akin ang possessor niya.
"HINDI NIYO AKO MAPAPAALIS SA KATAWAN NIYA!! WAHAHAHAHA" Daddy continues throwing
beads at may binabasa naman si mommy.

"Lumaban ka, Lorelei. Please fight him." Bulong ko.

The last bead dad trew made Lorelei ache in pain. Napaigtad siya sa sakit at
bumagsak sa bisig ko. She collapsed at para siyang lantang gulay.

Niyugyug ko ang pisnge niya at ginigising siya pero wala. Kinakabahan na ako sa
nangyayari. Hindi pwede.. Hindi pwede!

"Son.. It's gone." Dady pertaining to her possesor.

"And so was she??!" Gusto kong magalit sa daddy ko. I wanted to punch him pero wala
akong magawa. It's the only way.

"I can heal her.." Wynner talked.

Inihiga namin si Lorelei sa kama niya at umupo sa gilid ng kama si Wynner. Tinapik-
tapik ako sa balikat ni Avia.

"Kaya mo ba, Wy?" I asked. I know his capabilities at marami na siyang napagaling
na tao sa lugar nila since yun ang gusto ng magulang niya ang makatulong sa mga
tao.

"I can.. But i won't promise anything. Pero gagawin ko ang lahat mapagaling lang
siya." Tumango ako saka ko siya binigyan ng permisyon na pagalingin si Lorelei.

***

Avia's POV

Nakita ko kung paano ibuhos ni Wynner ang lahat ng lakas niya para mapagaling si
Lorelei. Hindi ko alam pero parang humanga ako sakanya. Nawala yung panget na
expresyon ko sakanya.

Inutusan ako ni daddy na dalhin si Wynner si kabilang kawarto dahil nanghihina pa


ito.

Nakaakbay siya sa akin habang hawak ko ang bewang niya pangsuporta. Dahan dahan ko
siyang inihiga sa kama niya saka ko inayos paghiga niya.

"Wynner.." I say his name. He doestn't respond. Nakapikit lang mata niya pero
gising siya.

"..Gusto ko lang sabihin na.. na.. Salamat sa ginawa mo kanina. Hindi ko inakala na
gagawin mo yun para kay Lorelei kahit ngayon mo lang siya nakilala." Hinaplos ko
noo siya bago tumayo. Patayo na ako pero naramdaman kong pinigilan niya ang braso
ko.
"Please stay.." Halos anas niya lang na sabi. Mulat na ang mata niya at sobra itong
nagmamakaawa.

Gusto kong tumanggi. Gusto kong sabihing ayoko. Pero traydor ang isip ko dahil
bigla na lang akong tumango. He slightly smile saka hinawakan ang kamay ko.

"I can restore my energy easily kung nandyan ka sa tabi ko. H'wag mo kong iiwan
ah?"

Naguluhan naman ako sa huling sinabi ni Wynner. There's this foreign feeling inside
me na hindi ko mawari kung ano.

"Just this time, Wynner." I said. Malungkot naman siyang ngumiti.

"Then i'll cherish this time with you."

...................................................................................
............................

Short update lang po siya. Pasensya na po.

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 19 - Feelings
####################################

Chapter 19 - Feelings

Play Make you feel my Love by Adele..

Lorelei's POV

I slowly opened my eyes. Walang tao sa kwarto. Teka, kaninong silid ba ito? Hindi
ito ang silid ko.

Bumangon ako at naramdaman ko ang sakit sa balat ko. What happened?

The last thing i remember, sasabihin ko na sana kay Aric ang lahat ng makaramdam
ako ng sakit na noon ko lang naramdaman. Pagkatapos nun, isang malaking bangongut
na ang nangyari. Pumasok sa panaginip ko ang mga Transcendal vampires. Kahit tulog
ako nararamdaman ko ang sakit. Pinipilit nila akong gawin na yung misyon ko pero
tumanggi ako at sinabi kong hindi ko dala ang bato. Doon sila nagalit sa akin, so
they possessed me. I was fighting pero mas malakas sila sa akin.

"Thank god you're awake!" Aric exclaimed. I beamed at him. Naalala ko yung ginawa
ni Aric para iligtas ako. Mas lumaban ako ng maramdaman kong niyakap niya ako.

"G-gutom na ako." Nahihiya kong sabi kaya napatawa siya. Lumapit siya sa akin at
niyakap nanaman ako ng mahigpit.

"Pa-hug muna ako ah. Namiss kita eh." Sabi niya kaya napangiti ako ng maluwang.
"Dito lang naman ako diba? Umalis ba ako?"

"Hindi. Pero wala ka namang malay. Mas gusto kong nakikita kang masaya at buhay.
Kahit hindi ako ang makakapagpasaya sayo basta makita lang kitang buhay, ok na ko
dun." Mataman niyang sabi sa akin at tumingin sa mata ko. Nagkahinang ang mga mata
namin. Bakit ganun siya magsalita? Sino namang ibang makakapagpasaya sa akin?

"You make me happy, Aric. In ways, you don't know." I told him and he smiled.

"But i can't make you laugh. Trever can do that. Napapasaya kita pero hindi kita
napapatawa. Siguro kasi wala akong alam na jokes to make you laugh--"

"Aric. Masaya ko sayo, ok?" I stopped him from self pittying. Totoo naman kasi,
masaya ko sakanya. Iba siya, iba din si Trever. Si Trever, kailangan pang magsabi
ng jokes para lang matawa ako. Siya, presence niya pa lang masaya na ako. There's a
big difference between the two.

"I'm glad to know." He beamed.

Magkahawak kami ng kamay na bumaba sa kwarto. Nadatnan ko ang pamilya niya sa salas
at nag-uusap usap. Napatigil lang sila ng dumating kami. Pansin kong dumako ang
tingin ni Avia sa magkahawak naming kamay kaya lumawak ang ngiti niya.

"Sweet naman." She teased dahilan para mamula ako.


"Don't embarassed her, Avia!" Sita sakanya ni Aric.

"Para kang ang daddy mo, Aric. Ganyan din siya sa akin noon. At ganyan din siya
kapag pinipikon kami ng Tita Erina mo." Sabi ng mommy ni Avia.

"Magkwento ka nga ulit mommy ng love story niyo ni daddy?" Masayang sabi ni Avia.
Napakunot naman si Aric at parang ayaw niya sa sinabi ni Avia.

"A-ahh. Gutom na si Lorelei. Kayo na muna magkwentuhan ha." Sabi ni Aric tapos agad
akong hinila palayo sa sala. Dinala niya ako sa kusina.

"Marunong ka bang magluto?" Tanong ko.

"Hindi nga eh. Pero ang alam ko, may mga instant noodles nito. Ok lang ba yun
sayo?" Parang nag-aalala niyang sabi. Napangiti lang ako saka tumango.

"Hindi naman ako maarte sa pag-kain. Ay except pala sa mga exotics foods." Sabi ko.
Naalala ko tuloy ng pimakain ako ni trever ng betamax.

Inabutan ako ni Aric ng cupnoddles saka termos. Ako na nag-timpla ng noodles then
after ilang minuto, kumakain na ako. Iniwan muna ako ni Aric kasi may kukunin daw
siya sa taas kaya pinagpatuloy ko lang na kumain hanggang sa pumasok ang mommy ni
Aric. Napahinto ako sa pagkain saka nagbow sakanya ng konti.

"Ano ka ba. You don't have to do that." She genuinely said. Umupo siya sa mesa
katabi ng inuupuan ko. Ang awkward pala na ang Mama ng kaibigan mo ay mukhang
kaedad mo lang.
"Alam mo, nakikita ko sarili ko sayo." She said kaya napatingin ako sakanya.

"Po? Eh reyna po kayo tsaka ordinaryong tao lang ako." Sabi ko naman.

"Yun na nga eh. Tao din ako noon. Marami din kaming pinag-daanan ni Hansel noon.
Akala ko nga hindi na kami magkakatuluyan. Kayo ng anak ko, nagsisimula pa lang
kayo. Kaya gusto kong maging matatag ka." Napatango ako. Matatag ako. At lalabanan
ko ang sarili ko kung kinakailangan. I need Aric.

GHAD! BAKIT NGAYON KO LANG BA NAREALIZE?!

"You love him, don't you?" She said. I looked at her then slowly nodded.

"Mahal na mahal ko po si Aric. At ang tanga ko na ngayon ko lang marealize."


Naiinis ako sa sarili. Napakatagal kong naging denial. Ano? Kung hindi pa ako
kumain ng noodles at kung hindi pa ako kinakausap ni Queen Ingrid hindi ko pa
marerealize? Ang laki kong tanga.

"Ganyan din ako noon. Napaka denial ko sa feelings kay Hans. But ofcourse, loving
my son means you'll face many consequences. Alam mo naman yun, diba?" Again, i nod.

"I know the consequences of loving Aric. And i am ready to face it." Hinawakan niya
kamay ko at saka tipid na ngumit sa akin.
"I'll tell you this, Lorelei. Kapag naging mag-asawa kayo ni Aric.. i mean.. are
you aware na hindi kayo pwedeng magkaanak?" Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko yun
naiisip. Pero...

"B-bakit po?" Tanong ko.

"You'll die. Hindi kakayanin ng katawang tao na magdala ng isang sanggol na


vampire."

"Kung ganun, hindi ko siya mabibigyan ng anak?" Kahit medyo nahihiya ako sa topic
namin ngayon, alam kong kailangan ko itong malaman.

"Isang prinsepe ang anak ko, Lorelei. And he needs a successor. Kung wala siyang
magiging anak from you, magiging mahina ang kaharian." I knew it. Alam kong hindi
talaga kam para sa isa't-isa ni Aric.

"I understand.." Mababa kong sabi.

"Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko siyang makipagrelasyon sa tao. Though hindi
naman ako against sayo. But ofcourse, there is always a way." She said. Para naman
akong nabuhayan.

"Ano pong paraan? Gagawin ko po." I know i sounded like a desperate girl here. Pero
hindi ko naman kasi kayang malayo kay Aric ng dahil lang sa hindi ako pwedeng
magbigay sakanya ng tagapag-mana.
"You'll become a vampire."

"NO!" Pareho kaming napalingon ni Queen Ingrid sa pinto ng kitchen. Nakakunot si


Aric.

"Hindi, Mom! Hindi niya gagawin ang gusto mo!"

"Aric, ano ba?"

"Basta! Hindi ako papayag!"

"Son. Don't get us wrong. Sinasabi ko lang ang option niya." Mahinahon na sabi ni
Queen Ingrid.

"She don't have to choose. Tao siyang nabuhay at tao din siyang mamamatay!"
Pagkatapos nun hinila ako ni Aric palayo dun.

Nadatnan ko na lang sarili ko na naka piggy-back-ride kay Aric at tumatakbo ito ng


mabilis.

"Saan mo ba ako dadalhin, Aric?" Malakas kong sabi sakanya.


Hindi siya umumik. Ang bilis niya talaga at yung mga nadadaanan namin parang isang
guhit na lang. Hindi ko nga alam kung nakikita nila kami eh.

Huminto kami sa isang mataas na lugar. Maraming puno at maraming peonies sa


paligid.

"A-aric." Hinihingal ako. Pakiramdam ko lahat ng hangin sa mundo nalanghap ko na.

"Lorelei. Yung sinabi ni Mommy, h'wag mo na yung pansinin ah. Hindi naman ako
pumapayag na gawin mo yun." Hinaplos niya pisngi ko. And once more, i shiver.

"Kapag naging vampira ako, mabubuhay din ako ng matagal. Ayaw mo ba akong makasama
ng matagal?" I said. I think i caught him off guard dahil sa sinabi ko.

"L-lorelei.. What do you mean?"

Aric's POV

"L-lorelei.. What do you mean?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ako
gusto ni Lorelei at kung Oo, she said pipigilan niya. Kaya nga ayaw ko sa ideya ni
mommy kasi ayaw ko siyang itali sa akin kung wala siyang nararamdaman para sa akin.

"Gusto kitang makasama ng matagal, Aric. I want to live forever, with you."
Pakiramdaman ko lumulutang ako sa ere. Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi ni
Lorelei.
"L-lorelei.."

"Mahal kita Aric. Pinipigilan ko pero hindi ko na ata kayang maitago eh. Mahal na
mahal kita." Naluluha niyang sabi. I hugged her tight. Natalo ko pa ang nanalo sa
Archery ang feeling na umamin sayo ang babaeng noon mo pa minamahal. Hindi ako
makapaniwala.

"Totoo ba yan, Lorelei? M-mahal mo ako?" She nodded kaya bigla ko na lang siyang
nabuhat at niyakap ulit.

"Hahahaha. Aric, ibaba mo ako." Natatawa niyang sabi.

"Ito na ata ang pinakamasayang sandali ng buhay. Ghad! I love you so much,
Lorelei." I kissed her forehead.

"I love you more, Aric." She responded. Alam kong totoo ito. Nararamdaman kong
mahal niya talaga ako.

"But.. how about, Trever?" I asked.Gusto ko lang maging klarado ang tungkol sa
amin.

"Kaibigan lang ang turing ko sakanya. Nung pumunta siya sa bahay namin, i told him
na yun lang talaga ang kaya kong maibigay sakanya. I hurt him. Pero ok lang naman.
Hindi siya galit. Kaya tinawanan na lang namin ang lahat. Ayoko din kasi siyang
madamay sa nangyayari sa akin." Tumango ako saka ko siya nginitian.
"I really can't believe this. Tayo na ba? I mean.. kailangan ko pa bang patunayan
sarili ko sayo? Do i need to court you?" Sunod-sunod kong tanong. Ok lang naman sa
akin kung liligawan ko siya. Kasi kahit kami na, araw-araw ko siyang liligawan.

Her answer was a kiss. Nabigla ako pero agad akong tumugon. Ghad! I so love this
girl. I'll give up everything, just let me be with her.

"I guess that answers it." She said. Natawa naman ako. Pasaway talaga. Binitin ako
eh.

Lorelei's POV

Nakahiga kami ngayon sa ilalim ng puno. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Aric ang
blanket na hinihigaan namin. Ginawa kong unan ang bisig niya habang siya nakayakap
sa akin.

"Sana lagi na lang ganito, Aric. Natatakot na ako sa mga susunod na mangyayari." I
broke the silence.

"Don't worry, nandito lang ako lagi sa tabi mo. Hindi kita iiwan." He kissed my
forehead.

"I'm sorry hindi ko sayo masabi. Everytime i talked about it, nasasaktan ako. They
put a marked on me at hindi ko alam kung paano yun malalabanan." Sabi ko. Malungkot
siyang ngumiti sa akin

"Hinding-hindi ka na nila masasaktan pa, Lorelei. Pinapangako kong poprotektahan


kita kahit ano'ng mangyari."

I closed my eyes and lean close to him. Consquences of loving Aric? It's a good
feeling though. Malalagpasan ko din ito. I trust him. I trust our love.

...................................................................................
..........................

A.N: Another short update. Sorry kung laging maigsi. Depress po kasi ako. :(( It's
about my school. Haay. Kaya dito ko na lang binubuhos ang lungkot ko. :(( Ipagdasal
niyo sanang maging ok din ang lahat. :(

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 20 - Officially and Legally
####################################

Chapter 20 - Officially and Legally

Avia's POV

Natutuwa ako at natuloy na ang date namin ni Kier sa labas. Pasalamat na lang ako
at busy sila mommy at daddy sa pagtuklas sa kung ano ang dapat na lunas kay
Lorelei.

Pero bakit ganun? Kasama ko si Kier pero ang layo layo ng isip ko. Just like i am
physically present but mentally absent.

"Alam mo bang nagresearch ako tungkol sa inyo sa net? Nakakainis lang kasi puro
masasama ang sinabi tungkol sa inyo. Dapat talaga hindi ako nagpapaniwala sa
internet."
Si Wynner kasi e! Bakit kailangan niya pang bumalik? Bakit kailangan niyang guluhin
ang isip ko? Kahapon pa 'to! Gusto ko na ngang hugutin ang utak ko para hindi ko
siya iniisip.

"Isa ka palang Hybrid vampire? Sabi dun napagkakatiwalaan ang mga damphyr."

Dapat hindi ko ini-entertain ang feelings ko sakanya. Pinapagulo niya nararamdaman


ko. Parang akong nasa echo chamber at puro boses niya ang nakikita ko. Nakakainis
na!

"Na-crave ka ba ng dugo ng tao?"

Sasabihan ko nga si Kuya na paalisin na 'yang si Wynner. Pero imposible ata yun
kasi kayang magpagaling ni Wynner at kakailanganin siya ngayon namin.

"Gusto mo na bang umuwi?" Untag sa akin ni Kier.

"H-ha? May sinasabi ka?" Napabuntong hininga siya.

"Kasama nga kita pero wala dito ang puso at isip mo. Ano ba iniisip mo?" Parang na-
guilty naman ako sa sinabi ni Kier.

"W-wala. Naririnig kita, hindi ko lang naintindihan yug huli mong sinabi."
Pagsisinungaling ko. Napatango naman siya saka ngumiti ng malapad.
"Nabobored ka bang kasama ako?" He asked. Umiling naman ako. Hindi naman ako
naboboring kapag kasama si Kier eh. I'm actually happy kapag kasama ko siya.

"Marami lang kasing nangyayari sa family namin kaya medyo occupied ako."
Pagdadahilan ko sakanya. He nodded. Pasalamat na lang ako at napaka understanding
ni Kier.

"May naisip ako." Nakangiti niyang sabi sa akin. I felt like melting. Bakit ba ang
ganda ng mga ngiti niya?

"Ano yun?" Pati ako nahahawa sa energy ni Kier eh.

"Pupunta tayo sa bahay ni Granpa. Kinekwento kita sakanya. Matutuwa yun." He said
ecstatic.

"Ay gusto ko yan. Tara." Nauna na akong tumayo. Nakakabored din kasing tumambay sa
loob ng kotse niya. Hindi naman namin gustong maglibot sa mall.

Kier started the engine.

May makikilala nanaman akong isang taong importante sa buhay ni Kier pero hanggang
ngayon hindi pa din ako nakakapagdesisyon sa proposal niya. Natatakot kasi ako eh.
Paano kung sobra ko siyang mahalin? Baka hindi ko kayang harapin ang kapalit noon.

Hindi nagtagal, lumiko ang sasakyan sa isang Village. Magaganda ang bahay kahit
hindi kalakihan. Sabi ni Kier, lahat daw ng mga nakatira sa bahay na yan ay retired
navy kagaya ng Granpa niya. Hindi naan daw sila doon nakatira dati kasi since
silang dalawa na lang ng Lolo niya, tumira sila sa maliit na bahay.

Feeling ko nga ang ganda ditong tumira eh. Ang ku-cute pa ng mga gate ng bahay nila
kasi mababa lang siya na yari sa kahoy.

"Yun ang bahay ng Granpa ko." Tinuro niya yung bahay na kulay cream. Yung front
yard nila ay bermuda grass at sa gilid noon mga daisy. May flat stone din sa gitna
na lalakaran mo para makapunta kang porch ng bahay.

Isang floor lang ang bahay pero elevated ng three starirs. Yung porch nila may
duyan sa gilid na kasya ang dalawang tao. Yung pinto naman, screen muna bago yung
main door. Gustong gusto ko talaga ang bahay nila. Parang napaka cozy and welcomy.

Hindi pa kami nakakaapak sa hagdan ng may lumabas na matandang lalaki na


napakakisig pero may tungkod na. Siya na siguro ang Granpa ni Kier.

"Kier, Hijo. Nandito ka agad? Akala ko ba magde-date kayo nung nililigawan mo?"
Tanong niya kay Kier. Nung inakbayan ako ni Kier saka niya lang ako napansin. Ang
luwang ng ngiti niyang binigay sa akin. Tumaas kami sa porch at ginaya ko si Kier
na nagmano sa Granpa niya.

"Ikaw si Avia? Aba'y kay gandang lahi naman pala kaya palaging bukambibig ng apo
ko." Napakamot lang si Kier sa sinabi ng Granpa niya kaya napatawa lang ako.

"Ako nga po si Avia, Sir." Sabi ko tapos kumumpas siya ng kamay.


"Granpa na din ang itawag mo sakin. Retire na ako sa Navy kaya h'wag mo na akong
tawaging Sir." Tumango naman ako sakanya.

"Sige po, Granpa."

"Yan. Oh pasok na kayo. May buttercookies dyan padala nung kapitbahay namin. Araw-
araw ako noong pinapaldalhan ng pagkain." Sabi ni Granpa habang papasok kaming
loob. Kung gaano kaganda ang sa labas, mas doble sa loob. Maliit lang ang living.
May mahabang couch at dalawang single couch. Pagpasok mo, agad mong mapapansin ang
nakasabit na flat screen TV sa wall. Sa baba nito ay maliit na divider na may mga
picture frame.

Napakalinis ng bahay, parang takot ang alikabok sa loob.

Nakita kong pumasok si Granpa sa Kusina at may nilalagay sa plato.

"Si Granpa ba ang naglilinis ng bahay? Grabe ah. Ang linis niya." Napatawa lang si
Kier sa sinabi ko.

"May katulong kami. Si Nana Wenna. Nasa likod ata naglalaba." Napatango lang ako.

"Kier.. Avia.. Dito na kayo sa kusina. Magagalit nanaman yun si Wenna kapag nakita
niyang kumakain sa sala." Sabi ni Granpa. Napatingin ako kay Kier saka siya
napatawa.

"Masungit nga pala si Nana Wenna. Matandang dalaga na kasi."


Pinakain kami nung buttercookies na sinasabi ni Granpa. Haay. Pasalamat na lang
talaga ako at pwede akong kumain ng pagkain sa tao.

"Kumusta namang manliligaw ang apo ko, Avia?" Tanong ni Granpa. Para namang pumasok
yung iniinom kong juice sa ilong ko.

"Ack~"

"Ok ka lang Avia? Bakit pati ilong mo pinapainom mo ng juice?" Pinunasan naman ni
Kier ang ilong ko gamit yung panyo.

"Ok lang ako. Ano nga po ulit yung tanong niyo?"

"Ay iibahin ko na tanong ko at baka masamid ka nanaman." Natawa kami pareho ni


Kier.

"Sige po." natatawa ko pa ding sabi.

"Torpe ba 'yang apo ko?"

Napaisip naman ako? TORPE? Ang torpe ay yung hindi makapagtapat sa gusto niya. Eh
hindi pa nga ako nililigawan noon ni Kier niyayaya na akong magpakasal.
"Hindi po torpe si Kier. Napaka outspoken nga niya po eh. Niyaya agad akong
magpakasal." Napatawa naman ng malakas si Granpa. Si Kier naman napapakamot ng
batok at namumula.

"Ay ganyan talaga yan. Masanay ka na. Ay nga pala, gusto mo bang makita mga
pictures niya nung bata pa?"

"Granpa~ wag na po!"

"Hahaha. Sige po, gusto kong makita." Masaya kong sabi. Ang cute lang ni Kier
habang nagpe-face palm. Sobra ng namumula ang tenga niya pati cheeks niya.

Nilabas naman ni Granpa ang isang photo album. Una ko pa lang na bukas, pangalan
agad ni Kier ang tumambad sa akin.

'All about Kier Ford'

Yun yung nakalagay dun.

Sa sunod na page, si Kier na karga-karga ng isang babae at yung sa tabi ay lalaki.


Sa palagay ko ito yung parents ni Kier. They looked happy naman.
Yung sunod ay picture ng every months old niya. Nakakatuwa siya. Mayroon may hawak
ng mallit naa bola, car toys, stuff toys, rattles at kung ano-ano pa.

Yung sumunod ay first birthday niya, una kong napansin na picture ay yung umiiyak
siya. Natawa pa ako sa mukha niya. Hindi ko kasi maimagine na ganyan umiyak si
Kier. True, i saw him cried once pero hindi yung ganito.

Nag-scan pa ako hanggang sa marating ko nung malaki na siya. May mga caption naman
kaya hindi na ako naghuhula kung saan yun kuha. Halos puro na nga to solo pictures
eh. Hindi na kasama ang parents niya o si Granpa niya.

Napahinto ako sa isang page. Napakalaking picture at solo talaga siya sa isang
page.

'Kier's Seniors' Promenade'

May katabi siyang babae na nakangiti pero eto namang si Kier parang napilitan lang
na magpicture.

"Tama na yan!" Kukunin sana ni Kier yung album pero agad ko itong nakuha.

"Hindi pa nga ako tapos eh." Nakataas ang dalawa kong kamay habang hawak ang album
at iniiwas kay Kier na makuha.

"Nahihiya na ko eh. Please? Ang dami mo ng nakita." I stick my tongue out saka
umiling.
"Ayoko! Gusto kong makita lahat."

"Nandito naman na ako. Hindi mo na yan kailangan pang tignan." Kita kong
nagsusumamo ang mukha niya kaya napabuntong hininga ako.

"Sige na nga. 'to na." Binigay ko sakanya yung album saka lumabas sa kusina at
pumuntang living room.

"Tsk tsk. Suyuin mo yun!" Rinig kong sabi ni Granpa.

Naupo ako sa single couch saka naghalukipkip.

"Galit ka ba sa akin?"

"Hindi." mahina kong tugon.

"Galit ka eh. Sorry na. Hindi na naman kasi yun importante eh. Noon pa yun."
Napatingin ako sa sinabi niya.

"Pwes mali ka. Importante ka sa akin kaya gusto ko ding malaman kung ano ka noon."
Huli na ng ma-realize ko kung ano ang sinabi ko. Nakita kong ang mapanglarong
ngiting sumilay sa labi ni Kier.
"Talaga? Importante ko sayo?"

Para tuloy gusto kong lamunin na ako ng kinauupuan ko ngayon. Nakakahiya!!

"Ewan ko sayo! Nakakainis ka naman eh~" I whined. I heard him chuckled. Napatingin
ako sakanya-- No. Mor on glaring at him. He looked at me amusedly.

"You're cute." Tapos pinisil niya ilong ko.

"Ya~"

"Bati na tayo ah?" Then he kissed my forehead. Ugh! Kier naman eh. You make me
feel.. abnormal.

***

Lorelei's POV

Eto na talaga ito. Kami na ni Aric. Kanina ko pa nga kinukurot ang sarili ko eh.
Baka kasi isa nanaman itong panaginip. Ihahatid ako ngayon ni Aric sa bahay. Gusto
niya daw magpakilala personally kay Tito Kent.
Kinakabahan nga ako eh. Paano kung ayaw sakanya ni Tito? Paano kung maging mala
story sa libro ang love story ko? Ayaw ko 'yung mangyari.

Humangos muna ako ng napakaraming beses bago pumasok sa bahay namin. Sigurado akong
nasa bahay ngayon si Tito Kent kasi sunday ngayon.

Sinalubong ako ni Yaya habang papasok kami ni Aric. Mahigpit kong hinawakan ang
kamay ni Aric na parang humihingi ng lakas ng loob. He looked at me and smiled like
telling that everything is gonna be alright.

"Yaya, Saan po si Tito Kent? Patawag naman po oh." Utos ko kaya agad siyang
tumango. Pinaupo ko si Aric sa tabi ko. Kinakabahan talaga ko eh.

"Bakit ang lamig ng kamay mo?" Nagtatakang tanong sa akin ni Aric. I timidly smiled
at him. Ayaw ko namang sabihin na kinakabahan akong ipakilala siya kay Tito.

"H-ehehe. Nilalamig ako?"

"Ha? Gusto mo bang yakapin kita?"

"H-ha? N-naku hin--" Hindi na ako nakapagsalit ng bigla akong yakapin ni Aric.
Haay. Parang magkakaroon ako ng heartattack sakanya eh. Pakiramdam ko tuloy may mga
butterflies na lumulipadlipad sa tyan ko.
"Ehem!"

Para nama kaming magnet na nagrepel ng marinig kong tumikhim si Tito.

"Nyx." Ani Tito. Hindi tuloy ako sakanya makatingin. Si Aric naman kasi eh.

"A-ah. Tito, k-kanina pa kayo dyan?" Naiilang kong tanong.

"Hindi naman. Enough to see you hugging each other. Hindi mo ba ako ipapakilala
sakanya?" Hindi ko mabasa ang mukha ni Tito. Hindi siya galit, hindi rin natutuwa.

"Ay Oo nga. Uhh Aric this is my Tito Kent, Tito Kent this is Aric, m-my boyfriend."
Nakita kong nagulat si Tito sa sinabi ko.

"Ano ulit sabi ko?"

"S-si--"

"Goodafternoon, Sir. I am Aric, Lorelei's boyfriend." Full of confident na pakilala


ni Aric. Gusto ko tuloy magtago sa likod ni Aric. Nakakatakot kasi ang binibigay sa
aking tingin ni Tito eh.

"Y-you're.. you're who?" Nakakunot na tanong ni Tito.


"Boyfriend ko po siya, Tito Kent, si Aric." Naghihintay ako sa sagot ni Tito pero
nakatingin lang siya kay Aric at parang binabalatan. Hindi ata maganda ang mood ni
Tito eh. Ako naman kasi, padalos-dalos lang.

Para namang may dumaan na anghel ng makita kong ngumiti si Tito. Parang gusto kong
tumalon sa saya.

"Nice to meet you, Aric." Tapos tumawa si Tito.

"..Pasensya na late reaction. Ganito pala ang pakiramdam kapag ang nag-iisang babae
sa buhay mo ay may pinakakilala ng boyfriend." Napangiti naman ako sa sinabi ni
Tito. Ang sarap pakinggan ng sabihin niyang 'Nag-iisang babae sa buhay niya' Gusto
kong ulit-ulitin yung sabihin ni Tito.

"Parehas din po tayo ng nararamdaman, first time ko po kasing magpakilala sa nag-


iisang lalaki sa buhay ng babaeng mahal ko." And there,i faint. Joke. Nakakaloka
'tong dalawa. Banat King and Prince atang mga ito eh. Na-faflattered tuloy ako.

"Noon ko pa ito kinukulit si Nyx na mag-boyfriend na. Hindi ko ine-expect na ngayon


na pala ang araw na yun?" Napapailing na lang ako sa sinabi sinabi ni Tito.

Wala na pala akong poproblemahin sa Tito ko eh. Pero mabuti na din yun. Hindi ko na
ata kakayanin pang dumagdag pa ito sa problema ko. Isang problema na hindi ko
maibahagi kahit kanino.

"Imbitahin mo nga dito si Kyla. Sabihin mo magpapahanda ako ng konting salo-salo.


It's been a while since we have a little celebration, right?" Natigilan ako sa
sinabi ni Tito.

'Then be my blood donor. Just say yes. Hindi ko gagalawin si Aric.. including your
friend Trever and Kyla.'

Naalala ko bigla ang mga sinabi sa akin ng Transcendal Vampires. Hindi pwedeng
madamay si Kyla. Masakit man sa akin pero kailangan ko muna silang layuan. Hindi ko
ata maatim na ako ang magiging dahilan ng pagkapahamak nila.

"Nyx? Nyx, are you alright? Bakit ka namumutla?" Tanong bigla ni Tito kaya natauhan
ako. I timidly smile at Tito.

"Ok lang po ako, Tito. Sa tingin ko po kasi hindi makakapunta si Kyla kasi busy
siya sa.. sa.. basta po busy siya." Pagdadahilan ko.

"Ganun ba? Sayang naman. May next time pa naman diba?" Tumango ako kay Tito saka
tumingin kay Aric. Nagtataka naman ang mga titig niya. Alam kong nagtataka siya
kung bakit ayaw kong pumunta si Kyla sa amin.

Narinig kong nagring ang phone ni Tito kaya ine-excuse niya muna sarili niya.
Nakita kong lumabas siya at dumeretso sa likod.

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Aric ang kamay ko at pinag-isa ang aming mga
daliri. As if they fitted for each other.

"Masaya ako." Sabi niya. Bigla tuloy akong napangiti sakanya. Napasaya ko si Aric
without efforting much. How i love this vampire man.

"Ako din." Tipid kong tugon. Nakatingin kami sa isa't-isa na animo'y wala na kaming
nakikita pang iba. Kami lang.

Nakakadala ang mga ngiti ni Aric. Lalo na't bihinira ko lang siyang makitang
ngumiti na labas ang ngipin. He slowly walk towards me saka niya hinawakan ang
kamay kong isa. He's holding both my hands and it feels like we're on a second
dimension of earth. Seems like everything is a blur except for him. He is the only
one i see.

Dahan-dahan niya akong kinabig palapit sakanya magkalapit kami habang hawak ang
kamay ng isa't-isa. Napatingin ako bigla sa mga labi niya. Err, ano ba yan. Naku,
kung hindi ko lang talaga alam na nasa living room kami at anytime ay pwedeng
bumalik si Tito Kent, baka mahalikan ko 'to si Aric.

"You're tempted." He said. My eyes widened. Alam niya? Ganun ako ka-obvious?

"W-what are you saying? Hindi noh!" Nag-iba ako ng tingin at tinatago ang pamumula
ng pisngi. Nakakahiya kaya.

"Then why are you stuttering? You can't even looked me in the eye. You're blushing,
honey." i can sense that he's teasing me, and it works. Ugh! Aric kasi eh!

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya at kinuha ang ilang hibla ng buhok ko para takpan
ang mainit kong pisngi. Natawa siya sa ginawa ko kaya pilit niyang tinatanggal ang
kamay ko sa buhok ko pero hindi ako natitinag.
"Tanggalin mo, gusto kong makita mukha mo." Sabi niya. Para namang may gayuma ang
sinabi niya at napasunod agad ako. Tinanggal ko na kamay ko sa buhok ko at siya
hinaplos ang pisngi ko.

"You're so beautiful. Hindi mo kailangang itago ang mukha mo sa akin." He said. I


giggled.

"And so are you. I think you are the most beautiful handsome vampire guy i've
known." Nakangiti kong sabi.

"And i think you deserve a kiss." He smiled mischievously.

"Haha. Nasa living room po tayo, Mr. Aric." Natatawa kong sabi sakanya.

"I am aware." He smirked.

"And?"

"That's why i'm doing this." He said. Napakunot ako dahil hindi ko na-gets yung
sinabi niya.

Nagulat na lang ako ng hawakan niya ako sa bewang. And before i know it, natagpuan
ko na lang sarili ko sa aking silid savouring a passionate kiss with Aric.
Napahawak ako sa batok niya ng maramdaman kong lumalalim ang mga halik niya.
Nakakapanghina ng tuhod. Like anytime babagsak ako sa sahig dahil sa panghihina ng
mga kalamnan ko.

As i felt his tongue inside me, i tiptoe para mas maabot ko siya. Hinayaan niya
akong umapak sa mga paa niya. Gaya sa mga nakikita at napapanuod ko sa movies na
umaapak ang babae sa paa ng lalaki para mas maabot ito.

This feeling is new to me. He's caressing my back while i am drowning by the
sensation i am feeling right now. If one of us don't stop, this will lead to
something else. It's either siya o ako ang kailangang tumigil para matauhan, pero
parang wala akong lakas para pigilan siya.

Insted of stoping him, mas lalo kong dinikit ang katawan ko sakanya. I heard him
moan. Baliw na kung baliw. Pero wala na ata akong pakialam. Bumaba siya ng konti
ang start nuzzling my neck. I bit my lower lip. Parang may kuryenteng dumaloy sa
katawan ko. I can feel it, but i have no guts to determine kung ano yun.

Naramdaman ko ang mga labi niya sa tenga ko at mas nakakakiliti yun. Mas lalong
lumalakas ang sensasyong nararamdaman ko.

"Lorelei.." He said in a sexy husky voice.

"..Tell me to stop. Please." Parang nahihirapan niyang sabi.

As much as i wanted to feel him. But we have limitations. Hindi pwede. Hindi pa
pwede.
"Stop, for now." Sabi ko sakanya.

He automatically took a little distance on me. I can see desire on his face.

"Thank you." He utter. Hindi naman ako makatingin sakanya dahil sa kahihiyan.
Lumapit siya sa akin saka ako niyakap ng mahigpit.

"Maghihintay ako hanggang sa ala kong handa ka na, mahal ko." He said. I lean my
head on his shoulders.

"I love you, Aric."

"I love you more, Lorelei."

...................................................................................
........................................

OMG! What's the meaning of this? Ume-SPG na din ba ako? HAHA. Konting patikim lang
para naman ma-balance ang story. HAHA.

May update galore ako mamayang gabi. Pakihintay na lang, Oo? Broadband lang kasi
gamit ko kasi sira internet connection sa bahay. Kailangan sulitin ang load. Hohoho
PS: Hindi na po ako magiging update sa wattpad. Mag-oonline lang ako kung may
uupdate. Graduate na po kasi ako at you know, magwowork na din ako. Yung totoong
work, hindi yung Works at wattpad. Haha. Salamat sainyo ah. Nung last update ko,
depressed ako dahil akala ko hindi ako gagraduate dahil lang sa nawawala kong
clearance. Salamat dun sa mga nagpalakas sa akin ng loob. :)) Alam niyo kung sino
kayo. Muwaah!

XOXO

-Thyriza

####################################
Chapter 21 - Healed
####################################

Chapter 21 - Healed

Avia's POV

Isang linggo na ang nakalipas. Naging maganda naman ang buhay namin so far. Wala ng
masama pang nangyayari kay Lorelei. Hindi ako gaanong ginugulo ni Wynner. At masaya
kami ni Kier bilang magkaibigan.

Napadaan ako sa kwartong ginagamit ni Wynner at napahinto ako ng may marinig akong
tumutugtug. Nakaawang ang pinto kaya sinilip ko ito. I saw Wynner strumming his
guitar. He knows how to play? Hindi ko alam.

♫♪I like you

Girl, you don't got nothing to prove to me


I know that times have been rough

For the both of us

But I'll pray for change♫♪

Nagulat ako sa ganda ng boses ni Wynner. Sa sobrang tagal ko siyang nakilala, hindi
ko man lang alam na may ganito siyang talent. Akala ko puro lang siya kayabangan at
kahambugan. Siguro kasi hindi ko man lang siya binigyan ng chance na mas makilala
siya. Inalam ko lahat ng negative sides niya pero hindi ako nag-effort kung ano
naman yung good sides niya.

♫♪You see, this world has lots to offer but

In time it will go dark

And if this love is what we say it is,

I'm sure we will go far

And with a girl as sweet as you,

There's not much else I can do,

But fall for you.♫♪

Para namang feel na feel ni Wynner ang kinakanta niya. Hmm, siguro may nagugustuhan
na ito. Manghaharana kaya siya? Baka may nagugustuhan na siyang tao? Sa halos
dalawang linggo na niyang tinatagal dito sa mundo ng tao, malamang may nagustuhan
na siya.

Nanlaki mata ko ng huminto siya sa pagtugtug at lumingon sa gawi ko. Nginitian niya
ako at nilagay ang gitara sa tabi niya.

"Kanina ka pa dyan? 'Lika, pasok ka." Nakangiti niyang sabi. Buti naman at hindi
niya iniisip na sinisilip ko siya at baka kung ano nanaman magawa ko sakanya.
Pumasok din ako sa kwarto niya saka nilibot ang tingin. As if naman hindi pa ako
nakapasok sa kwarto niya.

"Marunong ka pala mag-guitara." Nasabi ko na lang.

"Ay Oo. Tinuruan ako ni daddy. Ikaw, marunong ka din ba?" Tanong niya. Umiling
naman ako. Kahit anong music instrument hindi ako na-invlove kaya wala akong alam
sa music. Hindi nga ako kumakanta e.

"Ano ba yung tinutugtug mo?" Kinuha ko yung gitara niya saka kunwari nag-strum.

"Ah. Hummingbird. Gusto mo turuan kita? Madali lang naman." Sabi niya. Napatingin
ako ng maigi kay Wynner. Bakit ang bait niya ngayon? Ano kaya kasunod nito? Baka
aasarin nanaman niya ako pagkatapos nito.

"Hindi ata ako matututo. Ang liliit ng daliri ko oh.. Parang hindi ko maabot ang
strings" Pinakita ko sakanya kamay ko tapos kinuha niya yun.

"Tama lang naman kamay mo. Pero disadvantage nga yan kasi kapag magpapalit ka ng--
Ay gust mo bang tapusin ko yung tinutugtug ko?" Agad naman akong tumango sa sinabi
niya. Kinuha niya sa akin ang gitara saka nagstrum nanaman. Nakaka attract pala ang
mga vampire na marunong mag-guitara. Yun bang kahit hindi mo naman siya gusto pero
humahanga ka dahil sa galing niya.

♫♪You know that I'm a wreck,

And you know I can't breathe;


At the edge of my seat with each word.

And as the months turn into years

Just know that I will wait here for you

Cause I've prayed for change.♫♪

Nakatingin siya sa akin habang kumakanta na animo'y lahat ng katagang binibitawan


niya ay para sa akin.Winaksi ko yung naisip ko. Bakit naman niya yun kakantahin
para sa akin? Nag-aassume nanaman ako. Si Wynner kasi, kahit 'yan nakakainis,
parang may kapangyarihan siyang iparamdam sayo na espesyal ka. At ikaw naman,
maniniwala kasi sa totoo lang, kung hindi ko talaga alam na balasubas siya, iisipin
kong isa siyang perpektong Prinsepe.

Napatigil siya sa pagtugtug ng pareho kaming nagambala ng tunog ng akong phone.


Kinuha ko sa bulsa ko ang phone. Nag-dalawang isip muna ako kung sasagutin ko kasi
unknown number yung tumatawag. Tumingin muna ako kay Wynner na parang humihingi ng
permiso na sagutin ko ang tawag.

"Answer it. Baka importante." Sabi niya. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Hello? Sino 'to?"

[Avia? Hija?] Napakunot ako.

"Granpa? Granpa, ikaw po ba 'yan?" Takang tanong ko.

[Oo. Hija pwede ka bang pumunta dito sa hospital? S-si.. Si Kier.. Inatake sa puso
si Kier.] Para namang nahulog ang puso ko dahil sa sinabi ni Granpa. Para akong
nanghihina.
"Pupunta po ako. Saan po bang hospital??"

Sinabi sa akin ni Granpa ang lugar kung saan ang hospital. Para akong nagpapawis
nung binaba ko ang phone. Tumayo ako pero para naman akong nabubuwal sa
kinatatayuan ko.

"Avia? Ok ka lang ba?" Nagtatakang tanong ni Wynner. Inalalayan niya akong tumayo.

"P-pwede mo ba akong samahan? S-si Kier kasi, nasa hospital." I cried.

"Sige. You want us to teleport or kotse na lang?"

"Teleport. Kailangan niya ako."

Hindi ko alam pero i can see his expression hurt.

Agad kaming nakapunta sa hospital na sinasabi ni Granpa. Lakad takbo ang gawa ko
habang papunta sa ER. I saw Granpa sitting in the waiting area. I immediately walk
towards him. Napaangat siya ng tingin sa akin at nakita ko ang namumulang mata ni
Granpa. Tumayo siya with the support of his bastion.

"Nasaan na po si Kier, Granpa?" Nag-aalala kong tanong.


"Hindi pa lumalabas ang doctor, hija. Nag-aalala nga ako eh. Ngayon lang siya
inatake ulit after nung heart transplant niya." I comfort Granpa. Natatakot din ako
sa kalagayan ni Granpa dahil baka siya maapektuhan ang health.

"Ano po ba kasi ginawa ni Kier? Ok pa naman po siya kahapon ah." Yesteday namasyal
lang kami ni Kier sa mall. Hindi ko man lang naisip na may mangyayari sakanyang
masama. He seems ok that day.

"Kaninang umaga masaya pa yung nakikipagkwentuhan kay Wenna. Tapos nung tanghali
na, sabi niya magsesyesta lang siya. Nung kinatok ko ang kwarto niya, nakita ko
siya nakadapa sa sahig."

"H'wag po kayong mag-alala, Granpa. Magiging ok din si Kier. Malakas yun eh. Hindi
niya tayo iiwan." Pag-aalo ko kay Granpa.

Ginala ko tingin ko at hindi ko na nakita si Wynner. Saan naman kaya yun pupunta?
Baka nagllibot lang.

Hindi nagtagal, lumabas na yung doctor. Inalalayan kong tumayo si Granpa saka kami
hinarap nung doctor.

"Miraculously, your grandson was ok. Kanina habang nirerevive namin sya, we thought
we're gonna lost him. Pero nagulat na lang kami ng imulat niya mata niya. And his
vitals were normal. Nakakapagtaka talaga." Sabi nung doctor. Kita ko naman na
masayang masaya si Granpa.
"Isa itong himala. Salamat po doc." Sabi ni Granpa then the doctor left. He said sa
private room na lang daw namin puntahan si Kier.

"Hija, ikaw na mauna sa kwarto. Pupunta lang akong pharmacy para bumili ng mga
gamot ni Kier." Sabi sa akin ni Granpa.

"Sige po."

Nauna na akong naglakad papuntang kwarto ni Kier. Nasalubong ko naman si Wynner na


ngingiti-ngiti.

"Ok ka na ba?" Masaya niyang sabi. Napataas tuloy kilay ko. Bakit naman masaya ang
isang ito?

"Ok na ako kasi ok na si Kier." Sagot ko. Nakita kong naglaho ang mga ngiti niya at
parang napalitan ng pilit.

"Mabuti naman. Ayaw kong nakikita kang malungkot. Iwan na muna kita dito? Ang dami
pala ditong magagandang nurse." Tapos tumawa siya ng malakas.

"Tss. Sige na umalis ka na. Kainis to! Player!" I retort.

Nakarating ako sa kwarto ni Kier at nakita ko siya nanunuod ng TV. Mukha ngang wala
siyang sakit.
"Uy, Avia." Masaya niyang tawag sa akin.

"Ok ka naman pala eh." Sabi ko sakanya

"Kaya nga eh. Akala ko kanina mamamatay na ako ng hindi ka man lang nakikita.
Mabait talaga sa akin ang diyos."

"Next time mag-iingat ka na, ah? Wala ako lagi sa tabi mo para alalayan ka. Paano
na pala kung hindi ka agad nakita ni Granpa? Paano kung hindi ka narevive ng
doctor? Paano kung nawala ka na lang sa akin ng ganun ganun na lang??" I hear him
chuckled.

"H'wag kang mag-alala. Hindi kita iiwan ng ganun ganun lang. Pero nakakapagtaka
talaga. Parang wala man lang akong nararamdaman ng sakit ngayon. Kanina kasi parang
pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. Ngayon naman tuloy parang ang gaan-gaan ng
pakiramdam ko. Feeling ko nga lumakas ako eh."

"Pasalamat na lang tayo at walang masamang nangyari sayo." Sabi ko sakanya. Pumasok
naman yung nurse at chicneck ang temperature niya.

"Ang swerte swerte niyo po, Sir. Kanina talaga wala ng pintig yung pulso mo eh.
Pero after ilang minuto habang nirerecord namin yung time of death mo, bigla na
lang na minulat mo mata mo. Isang himala talaga." Sabi nung nurse samin.

Namatay si Kier?
"Naramdaman ko din nga yun, Nurse eh. Pakiramdam ko may nagpagaling sa akin." Sagot
ni Kier sa nurse.

Nagpagaling?

"Ok ka na ba?" Masaya niyang sabi. Napataas tuloy kilay ko. Bakit naman masaya ang
isang ito?

"Ok na ako kasi ok na si Kier." Sagot ko. Nakita kong naglaho ang mga ngiti niya at
parang napalitan ng pilit.

"Mabuti naman. Ayaw kong nakikita kang malungkot. Iwan na muna kita dito? Ang dami
pala ditong magagandang nurse." Tapos tumawa siya ng malakas.

Agad akong tumakbo palabas ng kwarto ni Kier. Narinig ko pa siyang tinawag ako pero
hindi ko siya pinansin. Isa lang ang kailangan kong hanapin ngayon at pasalamatan.

Nasaan ba siya? I can still feel his presence. Saan ka ba?

There! I saw him laughing with one of those beautiful nurses in the nurse station.

"WYNNER!" I called him. Nakangiti siyang lumingin sa akin. But when he saw it was
me, nawala bigla yung mga ngiti niya sa labi.

"Oh Avia?" Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Wyn!" I cried.
"Oh bakit? Teka, may masama bang nangyari kay Kier? Akala ko ba ok na siya?"
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Naramdaman kong pinunasan niya ang mga luha
ko sa pisngi ko.

"Salamat." Mahina kong sabi.

"Huh?"

"Alam kong pinagaling mo si Kier. Maraming salamat, Wynner." Naging seryoso bigla
yung mukha niya.

"Wala na sana akong balak sabihin sayo. Nakalimutan kong matalino ka pala." Sabi
niya. Pinalo ko siya ng mahina sa braso.

"Bakit mo yun ginawa?" Tanong ko sakanya. He gave me a weak smile.

"Ayokong nakikita kang malungkot. I thought it was my duty to save him para maging
masaya ka." I was touched. Hindi ko alam na seryoso siya sa sinabi niya sa akin
noon na gusto niya akong maging masaya.

"Oh Wynner."

"Wag ka na ngang umiyak. Pumapangit ka. Tsaka tignan mo sila oh, kinikilig."
Napatingin ako sa tinuro ni Wynner. Kinikilig yung mga nurse na nakakakita sa amin.
Ano ba yan.

"Eeee! Pero no kidding, Wyn! Salamat talaga. Paano ba kita mababayaran?"

"Ok na sa akin ang isang kiss sa lips." Sabi niya tapos tumawa ng malakas.
Napasimangot tuloy ako. Kahit alam kong medyo may nagbago na kay Wynner, hindi pa
rin talaga mawawala ang pagiging balasubas niya.

"Suntok gusto mo?" I show him my fist.

"Sige na. Nahali--"

"NYENYE MO! Ewan ko sayo!" Inis akong umalis sa harap niya. I heard his devilish
laugh kaya mas lalo akong napikon. Ugh! Kainis ka Wynner!

* * *

Lorelei's POV

Nakatanggap ako ng Memo galing sa school ko dahil sa pag-aabsent ko ng ilsang


consecutive days. Buti na lang ako ang nakatanggap at hindi si Tito. Malalagot ako
dun kung magkataon.
Papasok na naman talaga ako ngayon eh. Mas pinili ko lang talagang mag-absent ng
isang linggo after nung maging kami ni Aric. Gusto ko lang kasi siyang makasama ng
matagal.

Sumakay na akong kotse saka nagpahatid kay Manong Andy sa school. Pagdating ko dun,
napapatingin sa akin ang ibang studyante. Ano to? Pati sila alam ang balitang may
Memo ako?

I saw Kyla kausap si Mau. Nang makita ako ni Mau tinuro niya ako kay Kyla.

"WAAAAH~ ! Nyx! Bakit ngayon ka lang pumasok?" Tanong niya. Tipid ko lang siyang
nginitian.

"N-nagkasakit kasi ako."

"Eh? Dapat nagpadala ka ng excuse letter. Yan tuloy muntik ka ng ma-drop." Sabi
niyang nakanguso.

"Drop? Memo lang natanggap ko." Sabi ko sakanya.

"Pinakiusapan ko ang dean natin. Kaya memo na lang binigay niya sayo." Na-guilty
ako bigla. Balak ko sanang iwasan ngayon si Kya for her own good. Pero paano ko yun
gagawin kung wala siyang ibang inisip kundi ang kabutihan ko din?

"Salamat ah."
"Oh it's nothing. What are friends are for, diba?" Bigla ko na lang siyang niyakap.
I wanted to protect you, Kyla. Pero hindi ko din ata kayang malayo sayo.

"Ang drama ng bestfriend ko ngayon ah." She said after the hug.

"Na-miss lang kita."

"Kumusta na pala kayo ni Aric? Kayo na daw sabi ni Edric. Ay speaking of Aric..
Alam mo ba si Trever, back to his old self nanaman." Napakunot ako sa sinabi ni
Kyla.

"Old self?"

"You know. Part goer, mayabang at bully. At sa tingin ko, mas naging worst siya.
Ewan ko ba dun. Dahil ata sa pagbasted mo?"

"Huh? Ok naman yung pagsabi ko sakanya na hindi kami pwede eh."

Nung pumunta kasi si Trever sa bahay after nung makidnap ako, i told him that it
won't work. Naintindihan niya at sabi niya pa ok lang maging magkaibigan kami. No
hard feeling when we part ways, ika nga.

"Ang wierd talaga nun. Anyway, kumusta naman? Blooming ka ata?"


"Hahaha. Halata ba?"

"Oo. Masyado kang inlove kay Aric ah. Pero masaya ko sayo, Nyx. Atlast nahanap mo
na din yung lalaking mamahalin mo ng totoo." Tinignan ko siya.

"Eh kayo ni Edric?"

"We're.. friends?"

"Hahahaha. Ang showbiz ng sagot mo!"

"Eh yun ang totoo. Tsaka i enjoy his company. But you know what? Ilang beses na
kaming nagdate, as friends pero hindi ko man lang siyang makitang kumain. Diet daw
siya." Hindi nga pala alam ni Kyla. Baka natatakot si Edric na layuan siya ni Kyla.

"Baka vampira?"

"H-ha? U-uy wag ka ngang magbiro ng ganyan. Alam mo namang takot ako sa mga ganyan.
And FYI magpinsan sila ni Aric. Bakit, vampira din ba si Aric?" Nginitian ko lang
siya.

"Siguro. Hahaha. Tara na nga. Baka ma-late pa tayo. Another memo ko nanaman yun."
***

Halos lahat ng prof ko kinausap muna ako bago nagsimula ang class. Nakakainis lang.
Anim na subject din yun noh. Anim din na paulit-ulit na kasinungalingan.

Tinignan ko phone ko at walang text o missed calls galing kay Aric. Bakit kaya?

"Nyx, uwi na ba tayo o gala tayo sa mall?" Tanong ni Kyla habang papunta kaming
parking lot.

"Eh.. Hinihintay ko text ni Aric. Akala ko pa naman susunduin niya ako ngayon."

"Ano ka ba. Isang linggo na nga kayong magkasama. Kahit isang araw lang na ako
naman kasama mo." Pagrereklamo ni Kyla. Napangiti tuloy ako.

"Wala ba kayong date ni Edric?"

"U-uy ah! Magkaibigan lang kami.

"Kaya nga. Bakit may sinabi ba akong hindi? Ikaw talaga."


"Kasi ikaw."

Sabay kaming lumabas ng College Building. We decided na magcommute kaya sinabihan


ko si Manong Andy na mauna ng umuwi.

"Shopping tayooo~" She sing like.

"Ililibre mo ba ako?"

"Eh? Ayoko nga! Mas marami ka ngang pera sa akin eh!"

"Sige pero libre mo ko sa fod court ah!"

"Greenwich lang."

"Pizza hut."

"Deal."

Sumakay kaming taxi ni Kyla. Ang ingay nga namin sa loob kaya napapasulyap sa amin
ang taxi driver.

"Ano kaya kung magparty ulit tayo? Watcha think?"

"Tatakas nanaman ako?"

"No. This time, ipagpapaalam kita." Sabi niya.

"Ano'ng sasabihin mo? Magbabar tayo?"

"Sleepover sa bahay. Duh?"

"Magsisinungaling nanaman ako kay Tito Kent?"

"Nakokonsensya ka na? I'm so proud of you, Nyx." I glared at her.

"Baka kasi hindi pumayag si Aric eh."

"OMG! Under ka niya??"


"Uy hindi ah!" Pinaghihigpitan lang kasi talaga ako ni Aric magpagabi dahil sa
Transcedal vampires.

"Sige na, Nyx." Pinagdikit niya dalawa niyang kamay na parang nagpe-plead. I sigh
in defeat.

"Oo na. Naku! Kung hindi lang talaga kita mahal."

"Yehey! Sa dati tayong bar."

Naglibot lang kami sa loob ng mall. Hindi nga rin ako makapagconcentrate sa mga
sinasabi ni Kyla kakaisip ko kay Aric. I am texting him pero hindi siya nagrereply.
Naiinis na tuloy ako. ito na siguro yung karaniwang na nararamdaman ng mga
girlfriend kapag hindi sila nirereplyan ng boyfriend nila. At sa totoo lang, i am
beyond pissed!

"Kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi ka nakikinig. Nyx, may problema ba?"
Untag sa kin ni Kyla.

"Si Aric kasi. He's not replying sa mga text message ko! Naiinis na ako." Imbes na
damayan ako ni Kyla ngumiti lang siya.

"Natural yan sa relationship. H'wa kang mag-alala, masyado ka ata nung mahal para
lokohin lang. For sure may importante lang yun na ginagawa." Napanguso lang ako sa
sinabi ni Kyla. Nag-aalala din kasi ko bukod sa naiinis. Paano kung may nangyayari
palang masama?
"Uwi na muna ko Kyla. Nawalan na ako ng ganang magbar eh." malungkot kong sabi.
Totoo naman kasi eh. Parang nawalan ako ng gana sa lahat.

"S-sige tuloy. Pasundo na lang tayo." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya tapos
naglakad na una sa akin. Nakonsesya tuloy ako.

"Wait lang, Kyla." Hindi niya ako nilingon.

"Sige tuloy, magbar tayo ngayon." Napalingon siya sa akin na nakangiti.

"Talaga?"

"Oo."

"Yey!"

Kung ayaw akong reply'an ni Aric, hindi ko hahayaan na maging miserable ako dahil
dun. Nakakainis siya! Nakakaasar!

***

Alas dyes ng gabi kami nakarating sa bar. Sleepover nga ang paalam ko kay Tito eh.
Sa bahay ako ni Kyla nag-ayos. Nasa entrance pa lang kami ng bar ng makita ko ang
sobrang haba ng pila. Doble sa normal na pila kapag pumupunta kami.

Nakita naman namin si Mau sa unahan ng pila kaya tinawag kami.

"Kasama ko sila, kaibigan kami ni Trever." Rinig kong sabi ni Mau ng makalapit
kami.

"Pasok na." I heard murmur sa likod namin. Unfair daw kasi kararating lang namin at
napapasok agad.

"Whoa!" Nasabi ko pagpasok namin sa loob. Sobrang daming tao, as in!

"Anong meron?" Pati pala si Kyla nagtataka din.

"Duh?! Hindi ba kayo updated? Birthday ngayon ni Trever!"

"Talaga?" Bakit hindi ko alam.

"Oo. Nasa VIP sila. Tara." Hinila na ako ni Mau. Halos hindi kami makaais sa pwesto
namin dahil sa daming tao.

"I-gegreet mo ba si Trev, Nyx?" Malakas na bulong ni Kyla.


"Syempre naman."

"Sigurado ka?"

"Oo. Bakit?" Tinuro niya yung sa second floor ng bar. I saw Trever torridly kissing
a girl who look like a stripper. Binibilangan sila ng barkada ni Trever saka
nagsigawan..

"Babatiin mo pa din ba?" Tanong ulit ni Kyla.

"Hindi na."

Dinala kami ni Mau sa dati naming inupuan noon. Agad siyang nag-order ng maiinum
namin. Hinayaan ko lang silang mag-order. Nagulat pa nga ako nung sinabi nung
waiter na bawal ang tubig ngayon.

For the last time, tinignan ko ang phone ko. Still, no text from Aric! Inis kong
nilagay ang phone sa bulsa.

"Let's drink!" Sumalin ako ng tequilla sa shot glass at saka ininom. Napapikit ako
sa sobrang lakas ng impact ng alak.
"That's my girl." Mau teases.

Wala na ata akong pakialam kung ilan ang naiinom ko. Masama ang loob ko ngayon eh.

Nakita kong lumapit ang mga kaibigan ni Trever sa amin. I didn't mind kasi
concentrated ako sa iniinom ko.

"Share na lang tayo ng table, Maurice. And Trever will be glad kung nandoon si
Nyx." I heard the guy said.

"Ay sure! Tara na, Kyla and Nyx!" Pagewang-gewang akong lumakad papunta sa table
nila Trever. Hindi pa naman ako lasing, matagal lang akong hindi nainom kaya hindi
na saay katawan ko.

"Nagtetext na sayo si Edric? Patanong nga kung nasaan si Aric?" Bulong ko kay Kyla
ng makaupo kami sa pahabang couch.

"Nasa kotse yung phone ko, Nyx eh." Sagot niya. Napabuga na lang ako ng hangin.
Bakit ba kasi hindi nagtetext si Aric?

Naglalaro ng truth and dare ang grupo ni Trever at kasali si Mau. KJ na kung KJ
pero hindi ko feel, parang masyading dangerous.

Si Trever naman tahimik lang. May hawak na brandy glass habang.. nakatingin sa
akin. Naniningkit ang mga mata niya at parang ayaw niyang nandito ako. Iniba ko ang
tingin ko at nakita ko si Mau may kahalikan na.
I think this is a very bad idea. Tatapo na sana ako ng may natapon sa akin alak.
Great!

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Worried na sabi nng babae. Hindi ko siya pinansin
saka tuluyang tumayo. Mayroon pa bang isasama ang gabing ito?

I went to the washroom at pinunasan ang alak sa dress ko. Nag-stain na siya kaya
kahit pa matuyo, may mantsa pa din.

Nung lumabas ako, nagulat ako ng may humawak sa braso ko.

"Trever?"

"Why are you here?" His voice is so husky at ang mukha niya ay namumula dala siguro
ng pag-iinom. Namumungay din ang mga mata niya.

"This is a bar, Trever. Hindi ko nga alam na birthday mo eh." Ngumiti siya ng
mapait.

"Yeah. At kung hindi pa ka naligaw dito hindi mo pa malalaman."


"Happy birthday, Trever. Can i go now?" Medyo sarcastic kong sabi.

"No. Alam mo ba ang birthday wish ko?"

"Ano yun?"

"To kiss the girl i love the most." Sabi niya. I smirked.

"Yun ba yung kanina?" I am pertaining to the girl he's kissing toridly.

"Hindi."

"Haay naku, Trever. Babalik na ako sa upuan ko. Nahihilo na ako." Akma akong aalis
pero pinigilan niya ako.

"Pwede na kitang makausap?" Malamlam na ang mata niya. Parang nagmamakaawa.

"We're talking."

"I mean yung tayo lang dalawa? Sa penthouse. Please?"


Kahit sana ayaw ko napatango na lang ako. It's his birthday, yun na lang ang least
thing na magagawa ko para sakanya.

Trever brought me sa third floor. Yung penthouse may veranda sa labas. Nagsalin si
Trever ng wine sa baso at binigay sa akin. He also pour himself one.

"Ang ganda ng gabi, ano?" He said without looking at me.

"Yeah. But no stars." Napatingin ako sa langit. Sobrang dilim. Wala ding moon.

"You think it's gonna rain tomorrow?" He asked me. Nagkibit balikat lang ako.

"Dunno. Why?"

"Wala naman."

Matagal na katahimikan ang nangyari. Pareho naming pinagmamasdan ang kalangitan. I


can feel na malungkot si Trever. I wanted to comfort him for whatever his problem
is pero hindi pwede. Ayaw kong mag-assume siya na pwedeng maging kami.

"Why him, Nyx?" He suddenly asked. Napatingin ako bigla sakanya.


"Huh?"

"Ano'ng meron siya na wala ako." I know he's referring to Aric. Hindi ko siya
masasagot kasi pati ako hindi alam ang sagot.

"You love him that much, huh?" He smiled bitterly.

"Kaya naman kitang mahalin ng higit pa sa pagmamahal niya eh. If only you gave me a
chance." Iniwan ko ang tingin sakanya. I don't want to see his two set of sad eyes.

"We talked about this, Trever. I thought you uderstand?"

"Yeah. Pero masakit pa din kasi eh. Hindi mo naman yun maaalis sa akin agad-agad.
Alam mo naman sigurong first ko to, diba?"

"Don't make things hard for us, Trever. We can't be together. Hanggang kaibigan
lang ang kaya kong maibigay sayo." I heard him sniff. Humarap ako sakanya. Naaawa
ako kay trever ngayon. Nasasaktan din naman ako. Pero mas higit sakanya si Aric eh.

"Can i atleast hug you?" He requested.

"Ofcourse you can." Ako mismo ang lumapit sakanya para yakapin siya. I hugged him
tight.
"I love you so much, Nyx Lorelei. Don't forget that." He said. I patted his back.

"I know."

"I'm glad i meet you."

"Me too." I said. He let go of me. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo.

"Sabihin mo sa akin kapag sinaktan ka niya ah. Reresbakan ko yun." Natawa lang ako
sa sinabi ni Trever.

"Oh Trever." I hug him again. If only i can love him. My life will not be that
complicated.

...................................................................................
.

A.N: Kung may typo error, hayaan na lang. I'll edit it pag may oras. :))

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 22 - First Quarrel
####################################

Chapter 22 - First Quarrel

A.N: Nag-update agad ako kasi may importante akong gagawin at baka hindi ako
makapag update ng matagal. Hi kay LUHANist, dedicated to sayo kahit hindi mo pa
nababasa ang book 2. hahaha Salamat sa pagsuporta. Muwaah!

Nyx Lorelei's POV

Nasa penthouse pa din kami ni Trever when i recieved tons of text message and
missed calls from unknown. I return the call kasi baka importante.

"Hello. You call--"

[Nyx! OMG! Thank ghad you return my call! I've been calling you many times! Where
are you?]

"Kyla? Kaninong number na itong gamit mo?" Takang tanong ko.

[It doesn't matter ok? Ang importante ngayon ay bumaba ka at umuwi tayo!]

"Huh? Bakit naman tayo uuwi?"

[Nandito si Edric kanina kasama si Aric mo! Tinatawagan kita kasi may nakapagsabi
kay Aric na nasa penthouse daw kayo ni Trever! Nakita mo ba siya dyan?]

I almost dropped my phone. Pinagpapawisan ako ng malamig. Aric was here?

[Nyx? Nyx are you still there?]

"Bababa na ako. Wait for me there." Bumaling ako kay Trever.

"Sabay na tayo." Sabi niya. Mukhang wala ding ideya si Trever na nandito si Aric.

"S-sige."

Pagbaba namin, agad kong nakita si Kyla na pabalik-balik na naglalakad sa may


waiting area ng entrance pataas ng penthouse.

"Kyla! Where's he?" Nakita kong problemado ang mukha niya. Ano ba ang kinakakaba
niya? Napapahawak siya pati sa noo niya.

"He left! Nyx, galit na galit siya. Pinigil lang siya ni Edric na magwala sa bar."
I frowned. What exactly did Aric saw?

"How did they got here?" I asked.


"Hindi ko din alam-- Ay sheez!" Napakagat siya sa ibabang labi niya.

"What?"

"Before we headed to this bar, i texted Edric na magbabar tayo. Siguro nasabi niya
kay Aric." I groaned in disappointment. I know clubbin' is not a good idea.

"For sure nasa labas pa yun. Tara." Hinigit ko na ang braso ni Kyla at patakbo
kaming lumabas sa crowded bar. Baka namisinterpret ni Aric ag mga nakita niya.

Nakalabas na kami sa bar pero wala na kaming makita. Wala na din nga yung mahabang
pila sa entrance.

"Nasaan na siya?"

"Ano ba'ng ginawa niyo ni Trever, Nyx? Hindi naman yun magagalit kung wala siyang
nakitang hindi maganda." Tinignan ko lang si Kyla. I hugged Trever, but it's just a
friendly hug, but-- but he kissed me in the forehead. Oh dear! I'm so dead!

"Kyla~ What will i do?" I heard her sigh.

"Just explain things to Aric. I'm sure he'll understand." Napatango na lang ako.
Dinukot ko ang phone ko sa bulsa saka dinial ang number ni Aric.
"Ayaw sagutin." Feeling hopeless na ako. Ang sama na pati ng pakiramdam ko. Alam
niyo yung feeling na na-caught kang gumagawa ng kalokohan? Yun ang nararamdaman ko
ngayon.

"Try calling Edric."

"i don't have his number."

"Memorize ko. Dial it." Sinabi ni Kyla ang number ni Edric.

[Who's this?]

"Uhh, Edric. Si Nyx ito, pwedo ko bang makausap si Aric?" Matagal bago sumagot si
Edric. Nawalan na tuloy ako ng pag-asa. Baka bukas din hiwalayan na ako ni Aric.
WAAAH~ No!

[What do you want?] Halos mapatalon ako sa lamig ng boses niya. Alam kong si Aric
na ang kausap ko at nararamdaman ko ang galit sa boses niya.

"A-aric.. C-can we talk?"

[What for? Just go inside and party with your fvcking Trever.] Inside? Ibig sabihin
nakikita niya ako? Nilibot ko tingin ko. And there, i saw Aric sa gitna ng daan.
Holding Edric's phone habang nakatingin sa akin. Halos mahigit ko ang hininga ko.
Hindi ako sanay na ganyang ang tingin na binibigay sa akin ni Aric.

"I'm sorry." I whispered. Hindi ko alam kung naririnig niya ako.

[Come here.] I heard him say. Kahit nanginginig ang tuhod ko dahil sa naghalong
kaba at lamig, naglakad pa din ako.

Para akong napagalitan na bata nung lumapit sakanya. Nakayuko lang ako nung nasa
harapan na niya ako. I can't even looked at him the eye. I admit my mistake. I
shouldn't hug Trever. I shouldn't let him kiss me in the forehead.

"Lorelei, Tignan mo ako." Napapangat ako ng tingin tapos nababawi ko agad.

"A-aric. Mag-eexplain ako. K-kung ano man yung nakita mo.." i started crying.

"Do you want me to let you go?" Nagulat ako sa sinabi niya. No Aric, ayoko.

"Please don't."

"Do you love him?"


"No! I cared for him because he's my friend. Alam mo naman na ikaw ang mahal ko
diba?"

"Hindi yun yung nakita ko. Seems like you have feelings for him also."

"Don't you trust me, Aric?"

"I trust you, ok? It's him that i don't."

"Trever is my friend, Aric. You have to understand that. Wala siyang gagawing
masama sa akin."

"Ghad damn it, Lorelei! Yan ang mahirap sayo eh! Masyado kang mabait sakanya kaya
namimisinterpret niya ang pinapakita mo sakanya! Can't you consider my feelings?
Vampira ako pero marunong din ako magselos! Magpalit kaya tayo ng kalagayan? Paano
kung makita mo rin akong may kasamang babae na kayakap at hinalikan sa noo? For
sure magagalit ka!" Natahimik. Gusto kong maiyak. Naiinis ako sakanya pati sa
sarili ko. Kasalanan din naman niya eh. Hindi siya nagrereply sa mga text at tawag
ko. Kung hindi niya yun ginawa hindi ko maiisip na magbar!

"Don't blame for everything, Aric! You didn't reply nor call me all day! Dapat nga
ako ang magalit sayo! Kung hindi dahil sayo, wala naman ako dapat sa bar!"
Sinisigawan ko din siya. Siya lang ba may karapatang mag-taas ng boses? I can and i
will. Hindi porke't vampira siya matatakot na ako sakanya.

"So nag-gaganti ka?!" Hindi niya makapaniwalang sabi.


"Hindi ako gumaganti! Ang sinasabi ko lang kung sinagot mo tawag ko at kung sinundo
mo ako, hindi ako yayayain ni Kyla na mag-bar! Isang linggo pa lag tayo
binabalewala mo na agad ako!"

"Umuwi ako sa Vampire City ok? May responsibilidad ako doon at kailangan kong umuwi
ng saglit."

"Sana man lang sinabi mo sa akin!"

"Sorry, ok? Akala ko madali lang ako doon. Marami pang nangyari kaya hindi agad ako
makaalis. Akala ko pa naman maiintindihan mo ako. Hindi pala. Iba pala ang aabutan
ko. Akala ko babalik ako at makikita kitang naghihintay sa kwarto mo. Pero iba yung
binalikan ko. Yung girlfriend ko, may kayakap na iba, hinalikan pa sa noo!"

"Aric naman eh! Kailangan ungkatin? Sorry na. Hindi na yun mauulit!"

"Aba dapat lang! Mapapatay ko na talaga ang fvcking Trever na yun!"

"Bakit ba may fvcking pang kasunod ang pangalan niya?"

"May problema?!"

"Wala."
"Tss." He grab my waist saka mahigpit na inilapit sakanya.

"You have to sanitize your forehead." Tapos pinitik niya noo ko.

"Aray! Masakit ah!"

"You deserve it, my cheating girl." He pinch my nose. I pouted.

***

Third Person's POV

"Hindi na ako makapaghintay! Ang bagal kumilos ni Nyx!" Galit na hasik ng pinuno ng
mga Transcendal Vampires.

"Hindi rin po kasi namin maintindihan kung bakit hindi namin mapasok ang katawan
niya para ma-posessed. Parang may nilagay sakanya ang mga pamilya Kang para hindi
natin masaktan." Sabi ng kanang kamay niya.

"Akala siguro ng pamilya Kang maiisahan nila tayo. Kapag hawak na natin ang anak
nilang damphyr, hindi na nila tayo mapipigilan. Ang dugo at puso ng anak nila ang
makakapagbigay sa akin ng kapangyarihan ng walang hangganan." Sabi nito saka
humalakhak.
"Maghintay lang po tayo, Pinuno. Malapit po ang loob ng Prinsesa sa taong ipinain
natin. Baka nga kahit walang gawin si Nyx, mapunta sa atin ang Prinsesa. Na kanya
pa rin ang bato." Sabi nung kanang kamay. Ngumisi naman ng nakakademonyo ang Pinuno
nila.

"Success for those who wait, ika nga. Hayaan na muna natin silang magsaya for the
mean time. Nasa akin pa rin ang huling halakhak. Mawawasak din natin ang Vampire
City."

"Matagal po kayong naghintay sa pagkakataong ito, Pinuno. Konting tiis na lang po


at mapapasayo din ang hinahangad mo."

"Alam ko. At hindi na ako makapaghintay na matalo ang Kang family!"

***

Avia's POV

Naghahanda ako ng makakain ko para sa dinner ng marinig kong papasok si Mommy at


Daddy. May importante ata silang pinag-uusapan para bumulong.

"Hindi natin pwedeng ipagpaliban yun. Kaarawan yun ng kambal natin." Huh? Parang
nagtatalo si mommy at daddy ah.

"Pero hindi yun pwedeng idaos sa labas ng Vampire City. Ano yan, lalabas ang mga
vampira sa City para lang mag-attend sa birthday ni Aric at Avia?" Sabi ni daddy.

"Eh paano si Lorelei at Kier? Mga kaibigan sila ng anak mo." Sagot ni mommy.

"May paraan naman diba? Basta h'wag nating hayaang lumabas ang kalahi natin sa
portal."

"Paano papasok ang dalawa sa portal? Mga tao sil Hansel."

"Yung amulet. Naalala mo nung nanganak ka sa kambal at kailangang pumasok ng 'yong


yumaong Mama at Papa. We gave them amulet para makapasok a vampire City."

Matagal na katahimikan ang naganap. Magbibirthday na nga pala kami ni Kuya. Haay.
We will be 109 years old.

Pero amulet? Ano kayang amulet yun? Hindi ko yun alam ah. Bukas ko na lang nga
tatanungin sila mommy at daddy. Pupuntahan ko pa kasi ngayon si Kier para bantayan.
Ok na naman siya kasi ayaw pa siyang idischarge ng mga doctor para daw
makasigurado.

Pag-uwi ko kanina walang si Kuya at Edric. Sabi ni Wynner pinapunta daw sa vampire
City. Speaking of Wynner, nasaan kaya yun? Nung umalis siya, ako yung mga kinukulit
nung mga nurse para hingiin yung number niya. Ano naman kaya nagustuhan nung mga
yun kay Wynner.

Nagbaon lang ako ng sandwich para pasalubong ko kay Kier. May tinatago kasi palang
kaartehan ang lalaking yun. Ayaw niyang kumain ng pagkain galing sa hospital. Gusto
niya gawa ko, and arte lang.

"Saan ka pupunta, Avia? Gabi na." Sabi ni mommy nung pasakay na akong kotse.

"Dadalawin ko po si Kier, Mom. Nasa hospital siya."

"Ano'ng nangyari kay Kier? Pwede bang bukas na lang? Ayaw kong lumalabas ka ng
gabi."

"Ugh! Mommy naman eh. Nag-promised ako sakanya na babalik ako. Tsaka kaya ko naman
po sarili ko." Nagsisimula nanaman si mommy sa pagiging mahigpit. Bakit ba kasi
sila nandito ni daddy? Hari at Reyna sila dito sila sa mundo ng tao tumitira.

"H'wag matigas ang ulo, Avia. Bukas ka na lang umalis at kahit ano'ng gawin mo
hindi kita papayagan." Sabi ni mommy saka umalis na.

"WAAAH~ Mommy naman eh!" Para akong batang nagpadusdos sa pinto ng kotse.
Hihintayin ako ni Kier.

"Tumigil ka Avia. Hindi ka aalis!" Sigaw ni mommy sa di kalayuan.

"Kasi naman!" Kinuha ko yung bag ko sa loob ng kotse saka padabog na pumasok sa
bahay. Minsan nakakainis si mommy. Saan ba si daddy? Sakanya na lang ako
magpapaalam.
And there, i saw daddy reading a book.

"Daddy." Malambing kong tawag sakanya.

"Oh ano kailangan mo?" Amp! Si daddy alam agad.

"Eh daddy kasi si mommy ayaw akong payagan pumunta sa hospital--"

"Sinong na-hospital??"

"Si Kier po--"

"Ha? Ok lang ba siya? Puntahan mo na at baka may ibang nurse ng nag-aalaga dun."
Nanlaki mata ko sa tuwa. Kaya mahal na mahal ko ito si daddy eh.

"Ay Oo nga po dad. Aalis na ako. Bye." Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay.
Mehehehe, panigurado mag-aaway ang dalawang yun kaya mabuti pang umalis agad.

***

Aric's POV
Inihiga ko si Lorelei sa kama niya. Nagtambay kami sa loob ng kotse ko at
kinatulugan niya ako habang nagkekwento.

Pero hindi pa din talaga maalis sa akin ang pagseselos. Kitang kita ko nung siya
mismo ang yumakap kay Trever tapos nagpahalik pa siya sa noo. Babangasan ko na sana
siya eh. Kung hindi lang ako pinigilan ni Edric.

Hinaplos ko ang mukha niya. Ang ganda niya talaga kahit tulog.

"Matulog ka ng mahimbing, mahal ko." Bulong ko sa tenga niya. Inayos ko lang ang
comforter niya. Paalis na sana ako ng hawakan niya ako sa braso.

"A-aric?" Antok niyang sambit sa pangalan ko.

"Matulog ka na, mahal ko. Babantayan kita." Sabi ko sakanya.

"Tabihan mo ako." Pakiusap niya. Tumango ako saka umakyat sa kama niya. Niyakap ko
siya patalikod at hinayaan ko ang ulo niya umunan sa braso ko.

"H'wag mo kong iiwan ah." Sabi niya bago tuluyang nakatulog.

Hindi kita iiwan, Lorelei. I'll stay beside you, always and forever.
***

Nyx Lorelei's POV

I was awaken by the sunlight streaming behind the curtain. Ughh! Nakakasilaw.

"You want me to close the curtain?" A man says behind me. Napaharap ako sakanya.
Aric? Anong ginagawa ni Aric dito sa kama ko?

"..Oh? Bakit mukhang gulat na gulat ka?" Nakangisi niyang tanong.

"H-how did.. Why.. Why are you in my bed??"

"You asked me to lay beside you." Nang-aasar yung mga ngiti niya. Nagulat ako ng
makita ko ang sarili kong nakapagpalit na ng damit, isang damit pantulog, yung
beige night gown ko.

"H-hoy! H-hindi yan totoo!" Bumangon ako sa umupo sa kama. Siya naman kampanteng
umusog at nahiga sa kama at nilagay ang dalawang kamay sa ulo at ginawa itong unan.

"Believe it or not, honey. Ang lambot nga eh." He smirked. I looked at him with
disbelieve.

"A-anong malambot??" Napahawak ako bigla sa dibdib ko at hinarang ko ang comforter


sa harap ko. Teka, bakit wala akong bra???

Ngumisi lang siya sa akin at kumindat.

"WAAAAH~ Nagtake advantage ka sa akin??! OMG! OMG!" Pinaypay ko kamay ko sa sarili


ko.

"Hindi ko na kasi kayang tiisin eh. Nag-iinit na ako sa kwarto mo." I gasped.
Hindi ito si Aric. Bakit parang naging manyak si Aric? Kinuha ko yung unan ko at
pinagpapalo sakanya.

"Ang manyak manyak mo! WAAAAH~ Huhuhuhu. Kinuha mo ang v-card ko! WAAAAH~"

"Pffft~ Wahahaha. Anong V-card? Pffft~ HAHAHAHA. Uy tumigil ka nga sa kakasigaw.


Kapag narinig ka sa baba magtataka yun." Napatigil naman ako. Ang alam ni Tito nasa
sleep over ako.

"H'wag kang mag-alala. Hindi kita ginalaw noh. Nirerespeto kita. I was just messing
with you." Natatawa niyang sabi.

"Ewan ko sayo!"

"Hahaha. Pero ano ba ang Pffft~ V-card?" Namula naman ako sa tanong niya.
"Wala ka ng pakialam dun! Layas ka na nga!"

"Babalik ulit ako mamayang gabi para maramdaman ang malambot ah" Natatawa niyang
sabi kaya binato ko siya ng unan.

"Ano ba. Yung malambot na kama at unan. Ano ba iniisip mo?" He smiled evilly.

"Get out!"

"I love you too." Tapos nun naglaho na siya. Tinignan ko naman ang relo ko, 7:00AM
sakto. 8 pasok ko. Great! I'm late!

.................................................................................

A.N: Pasensya na kung puro kalokohan ang chapter na ito. Sabaw nanaman ang inyong
lingkod eh.

Add me on facebook, search Thyriza Wattpad

Tweet me sa: @theRealThyriza

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 23 - Bonding
####################################

Chapter 23 - Bonding

This chapter is dedicated to CJWorks. :)) Natuwa ako dun sa ginawa mong book cover
ng Vampire City 1. :))

Lorelei's POV

Nagulat ako ng makita ko si Avia sa school namin. Mukhang hindi niya pa ako
nakikita kasi panay ang lingon niya. Wala naman si Aric dito kaya bakit siya
nandito?

Nakita kong pinagtitripan siya ng mga lalaking madadaanan niya. Hindi ako nakatiis
kaya hinablot ko si Kyla para sumama sa akin. Wala siya sa sarili dahil katext si
Edric.

"U-uy, dahan-dahan lang Nyx. Namamali ako sa pagtipa!" Pagrereklamo niya habang
kinakaladkad ko.

"Si Avia kasi pinagtitripan ng mga first year!" Napaangat naman siya ng tingin at
natigil sa pagtext.

"Avia? Parang narinig ko na ang pangalan niya. Saan nga ba yun?"

"Pinsan ni Edric mo! Kambal ni Aric! Bilis na nga!"


"Ha? OMG! Pinsan ni Edric? Naku we need to save her!" Napa-poker face na lang ako
kay Kyla. Si Edric talaga ang naalala niya ano? Ang galing.

Napailing na lang ako ng mapansin kong si Kyla na ang kumakaladkad sa akin. Gusto
kong matawa na mainis. Kakaiba talaga 'tong babaeng to.

"Hoy mga first year! Ano'ng ginagawa niyo sa soon-to-be-cousin-in-law ko?!" Sigaw
ni Kyla kaya napatigil ang mga tao sa paligid. I saw a relieve expression on Avia's
faace ng makita niya ako.

"WAAAAH~ Nyx!" Tumakbo siya palapit sa akin.

"Ok ka lang ba? In-ano ka ba nila?" Tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin.

"I'm fine. Hinaharangan kasi nila ko. They're asking for my name." Napa-pout siya.
Ang cute talaga ng babaeng 'to.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

"I've been looking for you." Napatingin siya kay Kyla.

"..Hi, you must be Kyla. Edric told me so much about you." I saw Kyla's eyes
widened at biglang namula.
"Talaga? Ano naman sinasabi niya?" Gusto kong matawa sa tono ng boses ni Kyla.
Biglang naging malambing ang boses niya.

"Baka magalit si Edric eh. Pero don't worry, mga positive naman sinasabi niya."
Napatango lang si Kyla pero halatang kinikilig pa din.

"Eh bakit mo nga pala ako hinahanap?" I asked.

"Invited ka sa birthday namin ni Kuya."

"Talaga?"

"Oo, hindi ko kasi dala yung invitation kasi si Kuya daw magbibigay sayo. Pati ata
sayo Kyla, si Edri daw magbibigay sayo ng invitation."

"Kailan ba yan?"

"The day after tomorrow."

"OMG! What should we wear?" Kyla asked.


"Victorian ang theme ng party."

"Cool." ecstatic na sagot ni Kyla.

"We'll be there, Avia."

"Good. So dapat pala sabihan ko si daddy at mommy na tatlong amulet ang kunin para
sa inyong tatlo." Sabi ni Avia.

"Amulet?" Tanong ni Kyla. Ako man hindi ko alam ang sinabing amulet ni Avia pero
alam kong may kinalaman yun sa Vampire City.

"A-- K-kasi ano eh.." Napakamot ng batok si Avia.

"Kinds of ladies drink, Kyla." Sabat ko. Tumingin sa akin si Avia at parang
nagpapasalamat.

"Dapat pala magshopping na tayo, Nyx! OMG! Excited na ako~ i love vintage pa
naman." Masayang pahayag ni Kyla.

"So aalis na muna ko, Nyx and Kyla. Ang totoo, gusto ko lang magdrop by. May
bibisitahin pa ako."
"Ihatid ka na namin sa labasan?" Ani Kyla. Napatingin sa akin si Avia.

"H'wag na. Makakaabala pa ako sa inyo. Kaya ko naman na sarili ko." Tumango lang
sakanya si Kyla.

"Sige, bye. Ingat." Chorus namin ni Kyla.

Naglakad kami papuntang 3rd floor kung saan ang english profeciency subject namin.

"I-susuggest ko na talaga sa school director na magpatayo ng escalator! Ang mahal


kaya ng tuition fee natin!" Pagrereklamo ni Kyla. Kahit kailan talaga eto ang
nirereklamo niya. She hate stairs you know.

"Hahaha. Ok na din yun. Excercise." Sabi ko. She hissed.

"Muscle naman ang aabutin ng legs ko no! Ayaw ko kayang magkaroon ng mascular legs.
I want it lean."

"Arte mo." Biro ko sakanya.

"Ikaw din kaya." Tapos lumabi siya sa akin.

* * *
After nung class namin, agad kaming pumunta ni Kyla sa Hillton Avenue kung saan may
mga specialty boutique. We headed to the Victorial store.

Agad naman kaming sinalubong ng medyo may edad ng babae. Seems like bihira lang
pasukin ang tindahan na ito.

"Hi, i'm Lylian. Ano ang maipaglilingkod ko sainyong dalawang binibini?"


Nakangiting bungad sa amin nung babae. May name tag siya sa damit at nakalagay ang
Mrs. Sander.

"We are looking for victorian dress na modern pero may vintage touch." Sabi ni
Kyla. Agad namang tumango si Mrs. Sander saka ngumiti.

"I think i have a perfect dress for the two of you. Come, follow me."

Excited naman kaming sumunod kay Mrs. Sander. Halos mapanganga ako ng makita ko ang
mga dress. Ang dami niya. Malaki pala ang shop nila. Aakalain mong maliit kasi
crowded sa unahan tsaka vinatage nga ang design ng loob.

"Suit your self. Tawagin niyo ako kung may kailangan kayo." Sabi ni Mrs. Sander.
May dalawang fitting room at sa right side ay may life size mirror.

Sabay kaming tumitingin ng mga damit na pwedeng bumagay sa amin. Panay ang kwento
ni Kyla habang sinasagot ko naman.
"Mayaman ba ang pamilya ni Aric, Nyx?" She suddenly asks habang pinagpipilian ang
maroon corset dress and blue corset dress.

"Tama lang." Sagot ko. I'm not after Aric's fortune kaya wala ako dung pake. Ayaw
ko namang sabihin kay Kyla na Oo kasi magtatanong yun kung ano ang ginagawa ng
Parents ni Aric. I can't tell her that Aric is from a vampire royalty, nor Edric.

"Ah. Mabuti na din yun. Baka kasi tumutol sa inyo si Tito Kent mo-- ay gusto ko
'to! Sukatin ko lang!" Agad siyang tumakbo papasok sa fitting room. Nakangiting
napapailing na lang ako. Naka anim na akong dress pero wala akong magustuhan. Si
Kyla naman naka sampu na wala ding napipili.

"Hindi naman ganun si Tito. Siguro kung sakaling nagkagusto ako sa.. alam na, less
fortunate, eh hindi naman niya ako itatakwil o igagaya sa mga teleserye na
papipiliin between family and love." Sinauli ko yung mga dati kong napili saka
naghanap ulit.

"Naku! Cliche na yan! Panahon pa yan ni kopong-kopong tsaka-- OMG! Eto na talaga!
Ang ganda niya!" Lumabas si Kyla from fitting room at nakangiting suot ang blue
corset. Bagay na bagay sakanya. Para siyang makalumang tao.

"Congrats friend! My boobs ka na!" Biro ko sakanya. Dahil kasi sa sobrang fit ng
corset sa balakang niya, medyo tumaas yung dibdib niya at gumawa ito ng illusyon na
clevage.

"Hahaha. Ang sama talaga nito! Oo na flat chested na ako. Ikaw na sexy." Nakanguso
niyang sabi pero natatawa pa din.
"Hahaha, maghanap ka na nga ng sapatos na babagay sa damit mo. Hindi pa ako
nakakapili." Sabi ko sakanya.

Saktong pumasok naman si Mrs. Sander at natuwa sa pinili ni Kyla.

"Sa left corner yung mga sapatos, hija." Sabi niya kay Kyla. Napatingin din siya sa
akin at mukhang nahalata niyang wala pa akong nahahanap.

"..Wala kang mapili noh?" Nakangiti niyang tanong.

"Ang gaganda po kasi lahat. Hindi po tuloy ako makapili." Sabi ko.

"Halika, for sure babagay 'to sayo." Sumunod ako sakanya at pumunta sa pinakadulo
ng shop. May isang aparador dun na nakasarado. Luma na siya pero halatang alaga.
Bimuksan ni Mrs. Sander ang dalawang pinto ng aparador.

Tumambad sa akin ang isang combination ng dark red at cream color. May corset din
siya at mukhang maraming tull sa loob dahil isa siyang ball gown.

(See multimedia at the side for Lorelei's dress!)

Sinuot ko naman siya. At infairness, ang bigat niyang dalhin. Tinulungan pa nga ako
ni Mrs. Sander na higpitan ang corset sa likod. Hindi kagaya nung kay Kyla, hindi
gaanong reaveling ang front ko though kita ng konti ang clevage. Tinignan ko ang
sarili ko sa salaming.
"Perfect." Nakangiting komento ni Mrs. Sander.

"May napili na ako Nyx! Hindi... gaanong.. mataas.. OMG! Para kang isang reyna!"
Sabi niya ng makita ako.

"Ok na ba ito?"

"Oo naman! Grabe ang ganda! Bagay na bagay sayo! Para kang babae nung sinaunang
panahon!" I giggled.

"Sana magustuhan 'to ni Aric." Sabi ko habang tinitignan ang sarili sa salaming.

"Oo naman noh! Pati nga ako natigilan ng makita kita. Agaw pansin yan girl for
sure." Napangiti lang ako. Kinikilig tuloy ako dito sa damit.

"May kapareha na yang sapatos kaya hindi ka na mamimili pa."

Yun na ata ang pinakamahal na pagshopping namin ni Kyla sa loon ng isang oras.
Muntikan ng mag-exceed sa limit ng credit card ko.

"Ano pala ang ireregalo mo kay Aric?" Natigilan ako sa tanong ni Kyla. Parang
nawala yung bigat at ngalay na nararamdaman ko habang bitbit ang malaking paperbag.
"W-wala pa."

"For a man who has everything? Ano kayang magandang iregalo sakanya? Nakakahiya
naman kung wala tayong ibibigay diba?"

"Hindi pa ako nagregalo sa lalaki-- i mean sa boyfriend. Any suggestions?"

"Mahal ka ni Aric. He will appreciate king isang DIY ang ireregalo mo sakanya. Alam
mo na, effort is something."

Napadaan kami sa isang ice cream parlor kaya huminto kami. I ordered rocky road
since yun ang paborito ko. Naupo kami sa labas ng shop kung saan may mga table for
customer na ayaw umupo sa loob. May payong naman siya kaya hindi mainit. Tsaka
hindi mausok ang Hillton avenue since walang nadadaan ditong sasakyan. Isa kasi
itong eco village na puro boutiques at kainan. Para niyang ginaya ang beverly hills
sa Los angeles. Peaceful at napaka inviting.

"Ano kayang isusuot ni Edric? Excited na talaga ako, Nyx. No offense ah, pero feel
ko mas bongga 'to sa birthday mo." Sabi niya. Natawa lang ako. Pero teka nga, paano
kami makakapasok sa vampire City? I remember Aric told that no humans can enter
their City except kung chosen one ka?

Ang daming sinasabi ni Kyla ng matanaw ko sa hindi kalayuan ang isang gift shop.
Napatayo ako para puntahan ang shop.

"U-uy! Saan ka pupunta?"


"Madali lang ako. May bibilhin lang." Sagot ko habang naglalakad.

"Bilisan mo ah."

Tumuog ang chime ng pumasok ako sa gift shop. May mga ilang customer din doon an
bumibili ng regalo at yung iba nagpapabalot ng regalo. Nagawi ako sa DIY section.
Simple lang ang gusto kong ibigay kay Aric. Something he will treasure and
remember.

Nakita ko yung mga sobrang maliliit na empty bottle na kwintas. They look so
adorable at parang ang gandang lagyan ng mga maliliit na beads or notes.

"Miss pwede patingin nun?" Tinuro ko sa counter ang bottles. Kinuha niya yung mga
bote sa isang lalagyan. Ang cute niya sa malapitan. May takip pala siya na parang
cork.

"Pili na po kayo, Ma'am. Pwede niyo siyang lagyan ng maliit na love letter,o kaya
pekeng potion, kung ano po ang sa imagination niyo.

Pinili ko yung maliit na susi. May mga gamit naman ako sa kwarto kaya ako na lang
magdedesign nito. Mas maganda kasi kung ako ang mag-eeffort. Balak kong lagyan siya
ng note sa loob at konting confetti saka yung susi sa labas.

***

Nakauwi na ako sa bahay at ramdaman ko ang pagod at sakit ng braso. Hindi na nga
ako nagdinner kasi kumain pa ulit kami ni Kyla sa Pizza parlor pakatapos kumain ng
ice cream.

Tinawag ako ni Yaya para kumain at sumabay kay Tito kaso sinabi kong busog ako.
Pumasok ako sa walk in closet ko at nilabas ko naman sa paperbag ang binili kong
gown. Bukas ko na lang ito ipapa-laundry kay Yaya.

Halos mapalundag ako sa gulat ng makita ko si Aric na nakatayo sa gilid ng kama ko.

"Aric! Papatayin mo ako sa gulat!" Sabi kong nakahawak sa dibdin ko. Ayaw na ayaw
ko pa naman ang nagugulat ako. Ang sama kaya sa pakiramdam.

"Sorry if i startled you." Lumapit siya sa akin. "How was your day? Kinita ka daw
ni Avia?" He asked tapos niyakap ako ng madali lang.

"Yeah. Malapit na pala birthday mo?"

"Ugh! Remind me again. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa yung icelebrate
eh!"

"Hoy ah! H'wag kang magbaback out sa party mo. Nakabili na kami ng susuotin.
Victorian themed party pala ang birthday mo." Nagliwanag naman ang mukha niya at
parang nasiyahan sa sinabi ko.

"Talaga? Patingin nga?"


"Ayaw. Surprise na lang." Sabi ko. May nilabas naman siya sa likod niya at alam
kong invitation yun.

"Here, i am personally inviting you to my 109th birthday party." He said. I giggled


when he say his age.

"Ang tanda mo na." Biro ko sakanya.

"Yeah. H'wag mo akong ipagpalit sa mas bata sa akin ah?" Natawa ako sa sinabi niya.

"Hindi."

"Promise?"

"Promise." Ngumiti siya saka ako niyakap ulit. He kissed my temple and sniffed my
hair.

"You smell good." He commented.

"Thank you."
"Hindi ka pa ba matutulog?" He let go of me. Napasimangot naman ako sakanya.

"Para manyakin mo nanaman ako?" Mapang-asar kong tanong. Sumilay naman sa labi niya
ang mapanglarong ngiti.

"Ang sakit naman ng term mo. Di ba pwedeng lambingin lang?"

"Ah. So Aric has different definition of lambing, eh?"

"Kinda' remember i'm not human kaya iba akong maglambing."

Nagulat na lang ako ng buhatin niya ako at inihiga sa kama. Akala ko hahalikan niya
ako pero siniksik niya ang sarili niya sa akin. Umunan siya sa braso ko at
nakasubsub ang mukha sa gilid ng mukha ko.

"Nakaka-addict ang amoy ng buhok mo. I wanna stay like this for tonight. Don't
worry, hindi kita mamanyakin."

Napakayakap na lang ako sakanya habang hinahaplos ang buhok niya. Suddenly, all my
wooziness disappeared. Aric, somehow is my charger. My vampire charger.

...................................................................................
....

A.N: Nakakapagod ang chpater na ito. Hindi ko din alam kung bakit. Siguro kasi ang
daming kailangan idescibe, hindi pa naman ako magaling magdescribe. haha. Anyway,
gusto niyo na bang lumabas ang mga Transcendal Vampires? H'wag kayong mag-alala at
malapit na. Marami pang mangyayari kaya abangan niyo lang.
XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 24 - Party or Tragedy
####################################

Chapter 24 - Party or Tragedy

I cannot contain my feelings right now. Masyado kasi akong excited sa birthday ni
Aric at Avia. Siguro kasi first time niyang magbirthday na kasama ako.

Natapos ko na din yung regalo ko para kay Aric. I make a small note at nilagay ko
sa loob at may mga lumang coin at strings din ako nilagat. Yung susi niya nasa
labas ng bottle kaya tumutunog siya kapag tumatama sa isa't-isa. Nilagay ko siya sa
brown pouch bag at nilagay ko muna sa loob ng wood box na nakapatong sa book
shelves.

Nagbabad din ako kanina sa bath tub para marelax ang sarili. Sabi nga ni Tito
masyado daw akong halata na excited. Kahapon pag-gising ko wala na si Aric sa tabi
ko. Pero may iniwan siyang kwintas, may note din sa gilid ng bed side table ko na
amulet daw yun para makapasok kami sa Vampire City. May susundo daw sa amin ni
Kyla.

Actually, hating gabi ang party pero sabi ni Aric kailangan ko daw magbiyahe
tatlong oras bago ang dumating ang hating gabi kasi malayo ang Vampire City.
Inaalala ko nga si Kyla eh. Paano kung malaman niya? Baka magalit siya.. or worst,
matakot.

Naglagay ako ng cutix sa paa ko ng makarecieve ako ng text kay Kyla. Siya na lang
daw pupunta sa bahay. at syempre, hindi nawala ang sabi niyang excited siya.

Alas singko y media ng dumating ang make up artist na magme-make up sa amin ni


Kyla. Natawa pa nga ako nung magkasabay silang dumating ni Kyla, yun pala kasi
sunundo niya.

Yung buhok ni Kyla ay kinulot na parang si goldilocks. Ako naman ay naka-up do pero
may mga strand ng hair na nakalugay at kinulot din. Pareho kaming pula ang lipstik
ni Kyla. Yu daw kasi ang kulay na dapat para magmukhang victorian.

Nang isuot ko ang damit ko, halos mapaupo ako. Mabigat talaga. Hindi pa ako
makahinga kasi sobrang higpit ng corset.

Nakita kong nagsusuot ng kwintas si Kyla kaya naalala ko ang amulet na binigay ni
Aric.

"Kyla, kasi hindi yan ang dapat mong suotin na kwintas." Sabi ko sakanya.

"Ha? Eh eto ang bagay dito eh. Tsaka hindi ako bumili ng bagong jewelry." Kinuha
ko yung amulet na para kay Kyla. Kanina ko pa pinractis ang palusot ko sakanya kaya
sana tumalab.

"B-bigay ni Edric. Gusto niyang isuot mo daw yan." Nakita kong nanlaki ang mata
niya. Please sana maniwala ka.

"Pero, bakit sayo niya pa binigay?" Nagtatakang tanong niya.

"Kahapon niya daw kasi dapat yan ibibigay kaso nakalimutan niya kaya pinabigay niya
na lang kay Aric kasi alam niyang magkikita kami. Sige na isuot mo na." Natuwa
naman si Kyla kaya nakahinga ako ng maluwang. Kapag si Edric talaga hindi na
umaangal si Kyla.

Bumaba kami sa kwarto at hirap ako idagdag mo pa ang sapatos ko na masakit kasi
bago.

"Alam mo ba nagtext sa akin si Avia kanina, h'wag daw tayong magbibigay ng regalo
kundi maiinis siya sa atin. Ang wierd ano?" Biglang sabi ni Kyla kaya naalala ko
yung regalo kay Aric. Tinext din ako ng ganun ni Avia kahapon kaya hindi ko na siya
binili ng regalo.

"Oh Nyx. Saan ka pupunta?"

"Puntang kwarto. Yung regalo ko kay Aric eh."

"Ako na ang kukuha. Hirap kang maglakad eh. Saan ba yun nakalagay?" Napangiti ako
bigl kay Kyla. Ang sweet naman.

"Sa may book shelf. Nasa wood box yun, nakabalot sa brown pouch bag." Sabi ko
sakanya.

"Sige, kukunin ko lang."

Tinignan ko ang relo at alas otso na. Hindi pa naman pati dumadating yung sunod
namin. Hindi nagtagal bumaba na si Kyla dala yung maliit na pouch bag. Nilagay ko
siya sa red clutch bag ko kasi kasya naman.
Narinig kong dumating na ang kotse ni Tito. Ang luwang ng ngiti niya ng makita kami
ni Kyla.

"Wow! Akala ko maligaw na ako ng bahay ah. May dalawang Queen Elizabeth sa bahay
ah." Biro ni Tito.

"Si Tito naman eh."

"Anonng oras ba kayo susunduin? Quarter to 9 na oh?"

"Dadating din yun Tito."

Saktong alas nwebe dumating ang sundo namin. Akala ko kotse lang pero nagulat ako
ng makita kong itim na limousine.

"Girl, bongga 'to! Mayaman kami pero wala kaming lomousine."

"Sshhhh. H'wag ka ngang maingay. Napapaghalataan tayo eh."

"Ako nga po pala si Vance. Ako po ang kanang kamay ng Hari at Reyna. Pinapasundo po
kayo ng Prinsepe Aric para sakanyang kaarawan." Napatingin ako bigla kay Kyla para
tignan ang reaksyon niya pero nakangiti lang siya.
"Royal na royal. Ang galing." Akala siguro ni Kyla kasama pa ito sa theme ng party.
Naramdaman ko namang tinigna ako ng mataman nung Vance habang papasok ako sa
limousine. May kung ano sa tingin niya na hindi ko gusto.

***

Avia's POV

"Ang ganda niyo naman po Prinsesa Avia sa suot niyo. Sigurado akong mabibighani sa
inyo ang mga nasa party." Sabi sa akin ni Smitt habang inaayusan ako. Tipid ko lang
siyang nginitian.

Hindi ko alam kung masisiyahan ako o hindi. Birthday ko kaya dapat maging masaya
ako. Pero hindi eh. Si Kier kasi, he can't make it tonight. He was advised by the
doctors na h'wag magpupuyat beyond 9 o'clock in the evening. Kahit masakit sa akin,
kailangan kong sundin ang sabi nung doctor. Mas importante sa akin ang kalusugan ni
Kier. Isang gabi lang naman 'to. Pwede naman kaming magcelebrate bukas.

"Smitt pakuha nga nung cellphone ko?" Agad namang lumipad si Smiit at anabot sa
akin ang phone ko. I dialled Kier's number.

[Sabi na nga ba at hindi mo ako matitiis na hindi tawagan eh.] Agad na bungad sa
akin ni Kier kaya napangit ako.
"Kung pwede lang sanang umaga ganapin ang party eh."

[Pwede naman tayong magcelebrate bukas eh]

"Pero iba ngayon."

[Sorry ah. Pasensya na at hindi ako healthy.]

"Ano ka ba! Hindi mo dapat pinag-sosorry ang kalagayan mo. Hindi mo naman yan
ginusto. Tsaka ok ka na naman diba? Pinag-iingat ka lang ng mga doctor."

[Sige, Avia. Goodnight na. Papagalitan kasi ako ni Manang Wenna kapag nakita akong
gising pa. Happy birthday ulit.]

"Sige na. Sweet dreams."

[Mag-enjoy ka dyan. H'wag mo akong isipin.]

"I'll try."

[And Avia?]
"Hmm?"

[I.. i love you.]

Then he hang up, leaving my mouth open. Suddenly biglang naging napakalakas ng
kabog ng dibdib ko. AHHH~ Kier kasi eh!

***

Aric's POV

"Ano dude, wala pa din sila?" Pang limang tanong na sa akin ni Edric. Kung gaano
siya ka-excited na makita si Kyla, ay ganun din ako kay Lorelei, triple pa.

"Wala pa eh. Alas dose na at magsisimula na."

May magaganap kasing Victorian dance at syempre si Lorelei ang gusto kong
makapareha. Si Avia kasi si Wynner ang kapareha dahil hindi nakakapunta si Kier
niya.

"Prince Aric, kailangan na nating simulan ang sayaw. Naiinip na sila." Sabi sa akin
ni Larque. Kahit labag sa loob ko tumango ako. Nasaan na ba kayo, Lorelei?
Lahat kami pumunta sa dance floor. Kagaya ng ginagawa nung Victorian era, kailangan
kaharap mo ang kapartner mo pero pareho kami ni Edric na walang kapareha.

"Tayo na lang dude!" Biro niya. I hissed. Malalagot sa akin ang Vance na yun! Siya
nagpilit na sumundo sa mahal ko at--

I cannot believe what i'm seeing right now. Nakita kong pumasok si Kyla sa malaking
bulwagan at agad siyang sinabat ni Edric. Nasa huli niya si Lorelei, which my eyes
is only focused on her. As if they new she was with me so they make a way for me.

Alam kong maganda si Lorelei pero, damn! I am speechless!

I can feel she's trembling. I held her hand and kiss it.

"Sorry we're late." She said. I manage to smile at her. Ngayon lang ata ako
natameme ah. Giniya ko naman siya pagitna sa bulwagan. She hesitantly walk with me.
Hindi ko alam kung bakit nahihiya siya eh siya kaya ang pinakamaganda dito, no
offense with my sister kasi alam naman niyang maganda siya.

"Beautiful." I said to her.

"T-thank you." She silently said. Nahalata ko naman na sakanya nakatuon ang lahat
lalo na ang mga vampirang lalaki. I feel like i wanted to rip off their eyeballs.
"Marunong ka bang mag victorian dance?" I asked.

"Hindi eh."

"Parang cotillion lang." Tumango naman siya.

Then the dance started. The whole dance sakanya lang ako nakatingin. I suddenly
have the urge to kiss her pero pinigilan ko sarili ko.

"You're tempted." Sabi niya kaya natawa ako. I remember na sinabi ko din yun
sakanya noon.

"Because your tempting." I asnwer back. She chuckled.

"I forgot to greet you.. Happy birthday, Aric."

"Thank you. You alone is the best gift ever. Thank you for coming" I said. She
beamed. Lorelei looked like a Senior Seductive Vampress. 10th century ago, eto ang
suot ng mga vampire, and Lorelei definitely look like one kaya walang magdududa na
isa siyang tao.

"I won't miss it for the world. This is your birthday at importante yun sa akin."
***

Third Person's POV

Pinagmamasdan niya habang sumasayaw si Lorelei at Aric. He is grinning like a


devil. Malapit ng maisakatuparan ang mga plano niya. His eyes focused on Avia. She
is dancing with Prince Wynner. He hissed.

"Bakit ba nandito ang mga Royals?" He asked himself.

"Pinuno." Tawag sakanya ng sa likod niya. Hindi siya lumingon. His presence is
unknown. With the help of one of Kang's faithful Eunuchs, he was able to enter the
Vampire City.

"Mabuti naman at alam mo pa din kung kaninong loyalty ka dapat, Vance!" Matalim na
sambit ng Pinuno ng Trascendal Vampires.

"Tinutulungan kita kasi sawa na ako sa pamumuno ng mga Kang. Alam kong hindi ako
dapat nakikipag-usap sayo dahil isa kang Trascendal, pero alam kong ikaw lang ang
pwede kong magiging kakampi sa ngayon." Si Vance, ang kanang kamay ni King Hansel.
Isa siyang pure blood vampire na nakipagsabwatan sa mga Transcendal Vampire.

"Ang kailangan ko ngayon ay ang dugo at puso ng mahal na Prinsesa. Kapag nagawa ko
yun magiging makapangyarihan ako, higit pa sa kapangyarihang tinatamasa ng inyong
Hari at Reyna. At para na din makaganti." Sambit ng Pinuno.

"At kapag nagawa mo yun, tutulungan kitang pabagsakin ang Kang family at ako na ang
mamumuno ng Vampire City." Sabi naman ni Vance. Matalim nilang tinignan ang isa't-
isa. Bagama't may pagdududang nararamdaman ang dalawa, wala silang ibang
pagpipilian kundi tiisin ang bawat isa.

Ngumisi lang ang Pinuno.

"Unknown to Lorelei, akala niya naliligtas niya ang malapit sakanya. Hindi niya
alam na siya mismo ang nagbibigay ng kapahamakan, lalo na kay Avia."

***

Lorelei's POV

Hinanap ko si Kyla after nung dance but she's nowhere to be found. Baka kasama ni
Edric. Besides, this palace is ten times the size of the venue of my debut. But
worried din kasi ako, baka malaman ni Kyla na nasa Vampire City siya. For sure
she'll freak out to death.

"Enjoying your self?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Queen Ingrid. Ang ganda ng
suot niyang black victorian dress. She looks like a vampire goddes.

"I actually am, Queen Ingrid." I slightly bowed my head to give respect.

"Oh don't do that. Girlfriend ka ng anak ko, nakakailang." Natatawa niyang sambit.
"Ako nga po naiilang sa inyo eh. Halos magka-edad lang ang hitsura natin."

"Unless you changed your mind. You will live longer."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Become a vampire. Hindi kita pinipilit. But i assure you, that being a vampire
with loving family is never boring. Masayang mabuhay ng habambuhay kung makakasama
mo ang mga mahal mo sa buhay." She gave me an encouraging smile bago umalis.

Pero hindi yun ang gusto ni Aric.

"Lorelei." I turned around. Si Aric palapit sa akin.

"Hmm?"

"Come. Ipapakilala kita sa family ko." And with that, hinigit niya ako sa braso
papunta sa.. family niya?

Huminto kami sa group of beautiful creatures. Ang gagandang mga nilalang.


"This is my Tita Erina and Tito Cris, Edric's parents." Simula ni Aric. "Tito,
Tita, this is Lorelei. The one i've been telling you about."

"I see my Nephew has a taste. Nice to meet you, Lorelei." Sabi ng daddy ni Edric.
Dapat makilala din sila ni Kyla, or not? Magtataka lang yun kung bakit mukhang bata
pa ang parents ni Edric.

"Hi, I'm Erina." Nilahad niya kamay niya at nakipag-shake hands ako sakanya. "You
remind me of someone." She trail off. "Ate Ingrid perhaps?" Then she chuckled.

"Where's Edric anyway? I haven't seen him around." Sabi ni Tito Cris.

"He's with Kyla." Sagot ni Aric.

"Kyla? Who's Kyla, Aric?" Tanong ng mommy ni Edric.

"Kaibigan ko po siya. Close po kasi sila ni Edric eh." Sabi ko naman. Nagkatinginan
lang ang mag-asawa at nagtawanan.

"These kids remind me of us wayback then, Cris."

"Me too."
***

"Pwede ba kitang iwan muna dito sandali? Dumating kasi ang mga Senior Vampires from
Italy and France. Ok lang ba?" Aric hesistantly asked me. I smiled at him and nod.

"Ok lang ako. Lalabas din muna akong palasyo niyo paar na rin hanapin si Kyla." I
said to him.

"Sige, doon kita pupuntahan sa garden ah. Give me 10 minutes or less. Madaling-
madali lang talaga ako." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Natawa tuloy ako
sakanya. Kasi naman, gusto niyang umalis pero heto siya nakahawak ng mahigpit sa
kamay ko.

"Sige na. Hindi naman ako mawawala." I told him.

Pagtalikod niya, saka naman ako naglakad palabas ng palasyo. Nakahinga ako ng
maluwang ng malanghap ko ang sariwang hangin sa labas. Nakakatakot silang kasama
kahit papano. I was thankful na nandyan lagi sa tabi ko si Aric.

"Dumeretso ako sa may vintage fountain na may iba't-ibang kulay na nagrereflect sa


tubig. Ang ganda niyang pagmasdan. Pati ang lagaslas ng tubig, ang sarap din sa
pandinig.

"Nandito ka lang pala Lorelei eh." Medyo nagulat ako kaya napatalon ako ng kaunti.
Napalingon ako at nakita ko si Avia na humahagikhik. "Did i startled you? I'm
sorry." She apologize.
"Ok lang. Bakit ka ga pala na dito sa labas?" Tanong ko. Dapat ata kasama siya ni
Aric kasi this is also her party.

"Dapat nga ako niyan nagtatanong sayo. Anyway, ano palang regalo mo kay Kuya?
Nabanggit kasi sa akin ni Kyla na iginawa mo siya ng DIY necklace?" Halos manlaki
ang mata ko ng maalala ko yung regalo ko kay Aric.

"OMG! Mabuti't pinaalala mo. I almost forgot!" I shrieked. Tumawa naman si Avia.
"Dapat sana reregaluhan din kita. Bakit pala ayaw mong nireregaluhan?" I querried
habang kinukuha yung pouch bag na nilalagyan ng gift ko for Aric sa loob ng clutch
bag ko.

"Wala naman. I just don't like presents." She shrugged. "Yan ba regalo mo kay Kuya?
Patingin niya." Inabot ko sakanya yung pouch bag kahit hindi ko pa nailalabas yung
necklace.

"Yes. I made--"

"Stone? I thought necklace?" Inosente niyang tanong sa akin.

I almost cuss when i saw the stone she's holding. Hindi yan yung regalo ko kay
Aric. Oh sh*t! Ibang pouch bag yung nakuha ni Kyla!

"A-avia... A-akin na yan." Kinakabahan kong sabi.

"L-lorelei... B-bakit ako nanghihina?" She asked while still holding the stone.
I immediately grab the stone into her hand but it was too late. She already
collapse from the ground.

"OM MY GHAD! Avia wake up! Avia please wake!" Naiiyak kong sabi habang tinatakip ko
ang mukha niya.

"Kasalanan ko 'to! Hindi ako nag-iingat. Dapat hindi ko tinabi yung lalagyan ng
regalo sa lalagya ng bato." Iyak na ako ng iyak. Kinakabahan na ako ng nararamdaman
kong lumalamig ang katawan ni Avia. "Avia, i'm so sorry. Hindi ko sinasadya. Please
gumising ka." Inaalog ko balikat niya pero hindi siya nagigising.

Pati ako kinakabahan na. Nilibot ko paningin ko para humingi ng tulong pero walang
tao o vampira sa paligid. Mas lalo akong naiyak ng maalala ko si Aric. Hindi niya
ako mapapatawad. Kakamuhian niya ako sa ginawa ko sa kambal niya.

"This is all my fault." I whispered while still crying.

Narinig ko namang may papalapit sa amin kaya agad akong napaangat ng tingin. Nakita
ko yung sumundo sa amin ni Kyla. Vance ata pangalan nun.

"T-tulungan niyo po ako. S-si Avia po... Please help us." Nasabi ko. Tumayo lang
siya sa paanan ni Avia at pinagmasdan ito. Napakunot ako ng tingin sakanya. "Don't
just stare at her. Help her! She'a a princess here!" I almost shout at him. Instead
of helping, he just flashed an evil grin on his face.

"Good job, Lorelei." He said to me. Nagulat ako. Pero mas kinagulat ko ng may
aninong lumabas sa likod niya. At kahit kailan, hindi ko malilimutan ang mukhang
yan. Ang mukhang malademonyong kumidnap sa akin. Ang nilalang na pinagkasunduan ko
para sa kaligtasan ko.

"I-ikaw." Nanginginig kong sabi.

"Ako nga, Lorelei. Natutuwa ako at tinupad mo ang kasunduan natin." He said
grinning. Napailing naman ako. Hindi ko ito pinlano. Wala akong alam.

"I-i... I-i... didn't do it." Halos anas ko lang na sabi. Nanghihina ako na ako.
Hindi ko matanggap na kasalanan ko kung bakit walang malay ngayon si Avia.

"Be proud and be happy. Kasi ako, personally pinasaya mo ako sa ginawa mo." He
said. Ako naman naiiling sa mga sinasabi niya. Bigla na lang dumilim ang paligid.
Nawala ang ilaw ng fountain. Biglang may nagsilabasan na mga nakaitim.

Kinuha nila si Avia kaya napasigaw ako. "NO! H'wag niyo siyang kukunin. Please. Ako
na lang. Please ako na lang!"

"I offer you a choice before, Lorelei at ito ang pinili mo. Pero dahil mapili ka.
Isasama na din kita!"

***

Aric's POV
"Nasaan ang kambal mo, Aric? Nandito dapat siya." Bulong ni Mommy sa akin. Ginala
ko tingin ko.

"Hanapin ko lang po siya." Sabi ko kay Mommy. Aalis na sana ako ng pigilan ako ni
Mommy.

"H'wag na. Mag-uutos na lang ako ng pwedeng tumawag sa kambal mo." Sabi ni Mommy
kaya napatango ako.

Nakikipag-usap kami sa mga Seniors ng biglang dumulas ang blood wine glass na
hinahawakan ko. It shattered in the floor that caught everybody's attention.
Napatingin ako kay Mommy at Daddy na nakatingin lang sa basag na baso.

Then suddenly i felt different. Alam kong may mali. Agad pumasok sa isip ko si
Avia.

"OH MY GHAD! Aric your eyes!" Mommy shrieked.

........................................................................

A.N: I'm sorry for this chapter. Please don't kill me. >_< HAHA. I told you
kailangang lumabas ng transcendals. :P

What happened to Aric's eyes? Naduling. :P Hahaha

Tweet: #VCDNYOVS @theRealThyriza

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 25 - Expect the Unexpected
####################################

Chapter 25 - Expect the Unexpected


Nagising ako sa dalawang sampal na dumapo sa pisngi ko. Nanghihinang minulat ko
mata ko. At doon ko natagpuan ang sarili kong nakatali sa isang upuan. Kinabahan
agad ako ng maalala ko ang mga nangyari.

'Si Avia? Nasaan si Avia?' Tanong ko sa loob ko.

Ginala ko tingin ko at nakita ko si Avia nakahiga sa isang mahabang semento na may


nakaukit na parang Greek caligraphy. Nakatali ang mga kamay niya pati paa. Sisigaw
sana ako ng marealize kong naka-tape ang bibig ko.

Tuluyan na akong naiyak sa nangyari. Kasalanan ko ito. Kahit anong anggulong


tignan, kasalanan ko pa din. Hindi maitatanggi na wala akong kinalaman. Sana lang
hindi ako kasuklaman ni Aric. Mas hindi ko ata kakayanin kapag nalaman kong galit
siya sa akin.

'Aric! Tulungan mo kami. Please.' Piping dasal ko.

"Mabuti naman at gising ka na." Rinig kong sabi ng baritonong boses. Nagpupumislag
ako narinig ko lang siyang tumawa. "Save your energy, my dear. Kakailanganin mo yan
later." Sabi niya pa.

"H'wag kang mag-alala. Hindi kita papatayin. Malaki ata ang utang na loob ko sayo.
Papasalamatan pa kita sa harap ng mga minamahal mo. For advance, i wanted to thank
you, Lorelei. For doing this."

Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Galit na galit ako. Nag-aapoy ang damdamin
ko sa sobrang galit. Papatayin ko siya if i would given a chance.
"Everything is falling into places my dear." Hindi ko man siya makita, alam kong
nakangisi siya. "Na akin na ang damphyr. Ang pinakamakapangyarihang breed ng
vampira."

"At alam mo kung sino ang isusunod ko?" Umungol ako dahil sa sigaw na gusto kong
pakawalan sa bibig ko. Nakukumos ko ang kamay ko sa sobrang galit. "Sasaktan ko ang
pinakamamahal mong si Aric."

"Hhmmmpp!" Sumisigaw ako pero para lang siyang isang bulong na ako lang
nakakarinig.

"Not physically. Sasaktan ko siya using you." Nakita ko siyang lumakad paunahan at
tinignan ako. I glared at him sharply. "Papakasalan mo ako." He grinned.

Halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya. And what makes him think na papayag ako?
Ano siya sineswerte?

"And you have no choice my dear. Papakasalan mo ako sa ayaw at sa gusto mo dahil
kung hindi..." He trail off. Tumingin siya sa likod ko. Nakita kong may tatlong
lalaking nakaitim ang lumabas at... at.

KYLA!

Hawak nila si Kyla. Umiiyak ito, at gaya sa akin may tali din kamay niya at naka-
tape din bibig niya. Nagkatinginan kami na parehong umiiyak. 'I'm sorry Kyla. I'm
sorry i drag you this thing.'
"Ayaw mo naman sigurong mamatay ang kaibigan mo diba?" He bend his knee at naging
magkalevel ang mukha namin. "Ang ganda ng plano ko noh? Aakalain ng Prinsipe Aric
na kasabwat kita. Masasaktan siya dahil ang nag-iisang babae na minahal niya ay isa
palang kaaway."

Napasigaw ako ng tanggalin niya ang tape sa bibig ko. Halos maiyak-iyak na ako sa
sobrang sakit. Pero walang kapantay ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"WALANG HIYA KA! NAKAPASAMA MONG HAYOP KA!" Galit na galit kong sigaw sakanya.
Ngumisi lang siya. "NANGAKO KA NA HINDI MO GAGALAWIN SI KYLA! PERO ANO'NG GINAWA
MO! ANG SAMA-SAMA MO! WALA KANG PUSO!" Humalakhak lamang siya saka ako tinignan ng
matalim.

"Have you forgotten na isa akong Transcedal?" He smirked. "Papakawalan ko ang


kaibigan mo kapag kasal na tayo." Sabi niya bago umalis.

Nakita kong tinali nila si Kyla sa upuan adjacent to my position. Panay ang iling
niya habang naiiyak.

I manage to gave her a weak smile para palakasin ang loob niya. "Makakaligtas ka,
Kyla. P-papakasalan ko siya kung kinakailangan para h'wag ka nilang galawin." Sabi
ko sakanya.

"Hhmmmpp!" Umiling siya ng umiling. Nagmamakaawa ang mga mata niya. Alam kong hindi
niya gusto ang gagawin ko pero ito lang ang paraan para makaligtas siya.
"Kailangan ko itong gawin, Ky. Ikaw lamang ang makakapagpaliwanag kay Aric sa
katotohanan kapag kinamuhian na niya ako. Sabihin mo sakanya na hindi ko ginusto
ang lahat." Tumulo nanaman ang mga luha ko sa mata. "Siguro hindi talaga kami para
sa isa't-isa." Nahihirapan kong sabi. "Tell him how much i love him."

Pati si Kyla naiiyak sa mga pinagsasabi ko. Alam kong marami siyang gustong sabihin
kung hindi lang nakatakip bibig niya.

* * *

Aric's POV

Nagkagulo ang lahat ng sumigaw si mommy. She walk towards me saka tinitigan ang mga
mata ko. Pati ako walang alam sa nangyayari. What the hell is happening to my eyes?

"Avia! Where's Avia?!" Nag-aalalang tanong ni daddy. Napakunot ako.

"A-anong nangyari kay Avia? B-bakit niyo siya hinahanap?" Nag-aalala na din ako.
Alam kong may ibig sabihin ang pagpapanic nila.

"Dalhin niyo ang Prinsepe sa taas! Magmadali kayo. Larque, pauwiin mo na ang mga
bisita. Thadeo, magpakalat ng kawal at hanapin ang Prinsesa!" Sabi ni Daddy.

"The fvck! ANO BA TALAGANG NANGYAYARI??!" Sigaw ko. Tumingin sa akin si mommy.
"May nangyaring masama sa kambal mo, Aric! Hindi mawawala ang isang Iris mo kung
walang nangyari sakanya!" Natigilan ako sa sinabi ni Mommy.

Biglang pumasok sa isip ko si Lorelei. Agad akong umalis sa bulwagan pero bago yun
narinig ko pa ang pagtawag ni Mommy sa pangalan ko. Paglabas ko sa palasyo, nakita
kong may pinagkakaguluhan sila sa may topiary. Nilapitan ko yun at nakita ko si
Edric na nakahandusay. Agad ko siyang nilapitan.

"ANO'NG NANGYARI SAKANYA?!" Sigaw ko. Nagulat ako ng makita kong may saksak siya sa
tagiliran.

"FVCK!" I cussed seeing a silver knife on his side.

"Ano'ng nangyayari--" Napaangat ako ng tingin and i saw Tita Erina's frightened
face. Agad siyang napaluhod at nilapitan si Edric.

"My Son." She cried. "A-anong nangyari sakanya?" Kampante ngunit nanginginig na
tanong ni Tita.

"H-hindi ko po alam." Nakita ko ding lumapit si Tito Cris at galit na galit.


"Dalhin siya sa Infirmary! Madali!" Binuhat si Edric ng mga kawal.

Tumayo ako para hanapin si Lorelei at Avia. Maari kayang magkasama sila?

Gulong-gulo na ako at napasabunot na lang ako sa buhok ko.


"Aric!" Tawag sa akin ni Wynner. Lumapit ako sakanya. Nakatayo siya sa may
fountain.

Nakita kong hawak niya ang bag ni Lorelei. Napakunot ako. "That's Lorelei's" I said
to him. Pinakiramdaman ko ang lugar. I can smell Avia's scent as well as Lorelei.
Nandito lang sila kanina.

"May mga Transcendal Vampires na nakapasok dito, Aric." Sabi ni Wynner.


Napatiimbagang ako. Paano sila makakapasok dito? May traydor sa palasyo?

"Can you track them?" I sked Wynner since isa din siyang tracker.

"I'll try." He said. "I shouldn't let Avia go outside. Dapat sinamahan ko siya."
Sabi ni Wynner.

"What happened before siya lumabas?"

"Hinahanap niya si Lorelei. She's so excited at ayokong sirain ang gabi niya kaya
hinayaan ko siya. Hindi ko man lang naisip na may panganib. I'm sorry, Aric." Sabi
ni Wynner.

"Wala kang kasalanan. Tara puntahan natin si Edric at sabihin natin kela Daddy ang
nangyari."
* * *

Avia's POV

I woke up with a heavy breath. Pakiramdam ko may nakadagan sa aking mabigat na


bagay. Babangon sana ako ng maramdman kong may nakatali sa kamay ko.

The last thing i remember is nung bago ako nagcollapse, hawak hawak ko ang bato na
regalo niya dapat kay Kuya pero bigla akong nanghina. Iginala ko ang tingin ko at
nakita ko si Lorelei na nakatali din ang mga kamay. Sa gilid naman niya si Kyla.
Pareho silang walang malay.

Nagpumislag ako pero nanghihina pa din ako. Parang may kung anong kapangyarihang
akabalot sa akin at pinipigilan akong gamitin ang kapangyarihan ko.

Nagpanggap akong wala pang malay ng may papasok sa loob ng silid.

"Pakawalan daw natin ang babae. Ikakasal sila ng Pinuno." Rinig kong sabi nung isa.
Napakunot ako. I slightly open my right eye at nakita kong kinakalagan nila si
Lorelei.

"H'wag daw nating sasaktan ang babae dahil malaki ang utang na loob sakanya ng
Pinuno. Siya ang dahilan kung bakit nasa kamay natin ang Prinsesa."

Halos manlumo ako sa narinig. Plano nila ito? Kasama si Lorelei?


Kuya Aric nasaan ka na? Please save us here.

* * *

Third Person's POV

Naramdaman ni Lorelei na kinalagan siya ng mga lalaking nakaitim. Maglalaban sana


siya ng maramdaman niyang may tinurok sakanya. Biglang nag-iba ang pakiramdam niya.
Parang may sariling isip ang katawan niya at kusa siyang sumama sa mga lalaki.

Pumasok sila sa isang silid kung saan may altar. Altar na malademonyo ang disenyo.

"Bagay sayo ang damit mo, Reyna ko." Sabi ng Pinuno kay Lorelei na nakatulala sa
kawalan. Wala sa loob na naglakad siya palapit sa altar. Ikakasal siya sa Pinuno ng
kumidap sakanya. Umiiyak siya sa loob. Gusto niyang lumaban pero iba ang dinidikta
sakanya ng katawan niya. Hindi niya kayang labanan ang ibang tao sa loob niya.

Kinuha ng isang lalaki ang braso niya at itinapat sa may glass bowl. Napangiwi ang
loob niya ng maramdaman niyang hiniwa ang pulso niya at lubas ang sariwang dugo na
sinasalo ng bowl. Pinag-isa nito ang dugo ni Lorelei at dugo ng Pinuno sa isang
chalice.

"Tanggapin mo ito tanda ng pag-iisang dibdib natin, Nyx." Inabot ng Pinuno ang
chalice kay Lorelei. Ayaw man niyang inumin pero kusang inabot yun ng kamay niya.
Bago niya inumin ang dugo, tumingin siya sa Pinuno. Wala siyang laban.
She was crying inside. Gusto niyang simigaw. Masakit. Pero mas masakit ang nakikita
niya ngayon. The moment she drunk the blood, biglang nag-iba ang anyo ng Pinuno.

Masaya itong nakangiti sakanya. Halos mapasigaw siya dahil pakiramdam niya
trinaydor siya.

"Hindi na tayo mapaghihiwalay ngayon, Nyx. Mahal na mahal kita."

Napapailing si Lorelei. Niloloko lang siya ng mga nakikita niya. Hindi siya.

'Trever, why?' Hinagpis niyang tanong sa loob niya.

...................................................................................
..................................

A.N: WAHAHAHAHAHA. And i am loving this. I told you this is definitely not your
ordinary vampire story so i have to twist the story. H'wag kayong magalit ah. I am
doing this para mas mapaganda siya.

So start hating Trever at noon pa talaga ito na ang balak ko. Masaya akong
nakalahati ko na ang story. :)

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 26 - Resentment of Avia
####################################
Chapter 26 - Resentment of Avia

Lorelei's POV

Hanggang ngayon nakatulala pa din ako. Pakiramdam ko naman bumalik na ako sa


huwistyo ko pero ayaw ko pa ding gumalaw. Ayaw kong makaramdam ng kahit na ano
dahil natatakot akong malaman na totoo 'to. Na totoo 'tong mga nangyayari at hindi
lamang panaginip.

Nasasaktan ako at the same time nagagalit.

Hindi ko inakala na si Trever, ang lalaking akala ko kaibigan ko ay ang


magtatraydor sa akin. He make me believe na isa siyang kaibigan. And what's worst
is knowing that he is the leader of Transcendal vampires-- which only means-- he's
the one who killed my parents. He is responsible for the death of my Mother and
Father.

Nakumos ko ang kamay ko. Nakaupo ako sa kwartong dinalhan sa akin ng mga alalay ni
Trever. I am still wearing my gown at sa totoo lang, parang ayaw kong tignan ang
sarili ko sa salaming. I know i look like a mess right now and i don't want to see
how miserable i am.

I heard a screech-- a sign that the door was opened. There, i saw Trever entered
the room.

"Akala ko hindi kita dito maabutan. Akala ko tatakas ka." Sabi niyang nakatingin sa
akin.
I glared at him sharply. How dare he! He has still the nerve to flash a smile at
me, huh? Ano akala niya? I won't fall for that angelic smile yet devilish on the
inside.

"What do you want?" I asked him coldly. Iniba ko tingin ko. I don't want to see his
aweful face at mas lalo akong nasusuklam sakanya.

"I'm here to see my wife ofcourse." Naramdaman kong umupo din siya sa kamang
inuupuan ko.

Tinignan ko siya ng matalim saka ngumiti ng mapait. "Wife? Who's wife Trever?
Because as far as i can remember, ako lang naman ang nandito sa kwarto. Ang tanging
nandito lang ay ang babaeng pina-ubaya mo kasi mahal mo. Ang babaeng tinanggap ang
pakikipagkaibigan mo kasi akala niya isa kang mapapagkatiwalaan. Ang babaeng
nilayuan ka para hindi ka mapahamak. Pero mali pala ang babaeng yun kasi yung gusto
niyang iligtas ay siya palang maghahatid sakanya sa kapahamakan niya!" I directly
looked at him in the eye. Wala akong pakialam kung masaktan siya o magalit sa
pinagsasabi ko. Isang halimaw ang tingin ko sakanya at hindi na yun mababago pa.

"I'm sorry. Kaya nga ako nandito para itama ang aking pagkakamali--"

"Don't you dare say that word! Itama ang pagkakamali? You killed my parents!
Maibabalik mo ba sila?!" Sigaw ko sakanya. Nakita ko namang nagtiimbagang siya.

"Your parents were selfish! They deserve to die! Hindi mo kilala ng lubusan ang
magulang mo, Nyx. They become my blood donor pero trinaydor nila ako!
Nakipagkampihan sila sa pamilya ng Aric mo! At ang kapalit? Limpak limpak na
kayaman!"
"But that doesn't gave you a license to kill!" I yelled. Napatayo na ako sa
kinauupuan ko kahit bigat na bigat ako sa suot ko. Pakiramdam ko pagod na pagod na
ako.

"I actually have the right since we had a contract!"

"Napakasama mo!" Pinipigilan kong umiyak sa harapan ng halimaw na 'to. Hindi ko


hahayaang makita niya akong mahina. Not ever.

"Masama nga ako. Pero binago mo naman ako. Kapag ako si Trever, pakiramdam ko isa
akong ordinaryong tao."

"Are you really Trever Yu? Tell me everything. Planado mo ba ang lahat?"

"Ang pagkikita natin sa bar, it was a coincidence. Wala na akong balak maghiganti
pa sa pamilya mo tutal napatay ko na ang magulang mo. Pero nung nakita kita, alam
kong may naramdaman agad ako sayo. Nananahimik ako sa katauhan na Trever Yu. Ang
ampon ng Yu family. But, you came into the picture. Doon ako gumawa ng hakbang.
Noon ko nalaman na may kaugnayan ka kay Aric. Bumalik ang galit ko sa pamilya nila
so i used you. Nagbalat kayo ako bilang isang masamang nilalang para matakot ka sa
akin. Hanggang sa uti-unting nangyayari ang mga plano ko. Pero hindi na naman yun
importante diba? Mahal kita. Yun ang importante."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Trever. He's such a monster. Sa palagay
niya porket mahal niya ako mapapatawad ko na siya. Not ever! Not in my whole life
na mapapatawad ko siya.

"I hate you! I hate you forever!" Galit na galing kong sabi sakanya. Bigla namang
nag-iba ang expresyon ng mukha niya. Yung mabait na mukha ni Trever naging
malademonyo.
"Wala ka ng magagawa! Asawa na kita! You drunk my blood kaya magpakailanman, akin
ka na. Hindi ka na maaagaw pa sa akin!" Sabi niya bago tuluyang umalis sa kwarto.

Nanghihinang napaluhod ako sa sahig. Napatakip ako sa mukha ko. I cried with pain
and frustation.

"Mom... Dad... Why did you let this happen to me?"

***

Aric's POV

I keep on asking Wynner kung nasaan na ang nata-track niya pero isang iling lang
lagi ang sagot niya. Dahil sa kambal ko si Avia, nararamdaman ko kahit papano ang
nararamdaman niya. At kampante pa akong wala pang masama sakanyang nangyayari. Ang
kinakatakot ko lang ay kung ano na ang nangyayari kay Lorelei.

"Aric. Parang alam ko na kung saan sila." Biglang nasabi ni Wynner.

"Saan? Sabihin mo." Inip kong sabi.

"Nasa Malayo. Parang nasa probinsya siya." He said while eyes closed. Alam kong
nagcoconcentrate siya ngayon para mahanap si Avia at Lorelei.
Nag-iisip pa si Wynner ng marinig kong tumunog ang phone ko. I answered it.

"Hello."

[Aric, where are you? Sasamahan ko kayo!] Si Edric.

"No dude! May tama ka pa! You'll slow us down!" I reason out.

[Malakas na ako! Susunod ako sa inyo! Hindi ako papayag na hindi ko mailigtas si
Kyla! Kasama ko siya! Ipagtatapat ko na sana sakanya ang katotohanan pero dumating
ang Transcendal Vampires.]

"Sige-sige. Sundan mo na lang kami. Track us, ok?"

[Ok]

"Tara na, Aric! Alam ko na kung saan sila!"

***
Avia's POV

Naramdaman kong kinalagan ako ng isa sa mga tauhan ng kumidnap sa akin. Hindi ko
maintindihan kung bakit wala pa din akong lakas para lumaban. Feeling ko lahat ng
kapangyarihan ko ay na-drain.

Para akong lantang gulat na dinala nila sa isang pahabang tablet na nakatayo na may
mga nakaukit. Tinali ulit nila ako saka ikinwitas ang batong regalo dapat ni
Lorelei kay Kuya.

I was wondering if this is a trap. Gusto kong malaman kung may kinalaman si Lorelei
dito.

May lumabas naman sa two door. Isang lalaki na may red cloak. Sa likod niya ay
dalawang lalaki na itim na cloak ang suot. Hindi gaya nung nauna, sila ay nakayuko.

"A-ano'ng gagawin niyo sa akin?" I manage to asked kahit nanghihina ako.

"Handa na po yung dagger." Sabi nung lalaki sa likod.

Tumango naman yung lalaking nakasuot ng red cloak. He walk towards me saka hinigit
ang left wrist ko. Napapikit ako ng maramdam kong gumuhit ang talim ng dagger sa
pulso ko.

I wanted to shout. Nararamdaman ko ang galit sa puso ko ngayon. I don't deserve


this.

"AHHHHHH~" Kumawala sa bibig ko ang malakas ng sigaw. Nasasaktan ako. Parang


sasabog ang dibdib ko sa sobrang sakit. Tinignan ko ng matalim yung lalaking
kumukuha ng dugo ko. Napaiba ang tingin niya sa akin at nararamdaman ko ang takot
sa kilos niya.

Nang matapos niya akong kuhanan ng dugo, pumunta siya sa sa gilid ko at nakita ko
doong may dalawang trono. Nakaupo dun ang Pinuno nila at si.. si Lorelei.
Nakatulala siya habang pinagmamasdan niya lang ang sa unahan niya.

H-hindi... Hindi 'to totoo. Masasaktan si Kuya kapag nalaman niya 'to. S-siguro
nasa ilalim ng malakas na kapangyarihan si Lorelei. Tama, kagaya noon. May tiwala
ako kay Lorelei. Hindi niya akong magagawang ipagkanulo.

May isang lalaki nanamang lumapit sa akin. Naramdaman kong pinupunit niya ang damit
ko sa unahan. Tumambad sakanila ang dibdib ko. Tuluyan an akong naluha.

I can feel the dagger slowly dodging my skin. I can feel the pain. Napapikit ako.
Puso nila ang gusto ko. Ang puso kong tumitibok para sa isang tao.

'Kier.'

Nakarinig ako ng malakas na balabag sa pinto. Hindi ko na makita ang lahat dahil sa
nanlalabong mata ko hatid ng luha ko. Pero alam ko at nararamdaman ko ang presence
nila Kuya. Nandito sila. Ililigtas nila kami.
***

Aric's POV

Halos sirain ko ang pinto sa sobrang lakas ng pagsipa ko. Agad kong nakita si Avia.
Punit ang damit niya at kasalukuyang may nakatutok na patalim sa dibdib niya.

Lalapit na sana ako ng maunahan ako ni Wynner. I saw him ripped the head of the
culprit. Agad kaming napaligiran ng mga nakaitim na alagad. Nanlilisik na iniisa-
isa ko sila.

"Prince Aric!" Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Edric kasama sila daddy,
Tito Cris at iba pang kakampi namin. Tumango ako sakanya at hinayaan silang labanan
ang mga useless Vampire wannabe!

Napukaw ang tingin ko ko unahan. Si Lorelei. Nakaupo siya sa trono. Mag-isa siya.
Wala siyang kasama. I immediately walk towards her.

"Lorelei! Mabuti't ligatas ka!" Hinigit ko kamay niya para itakas siya pero hindi
siya gumalaw. Napatingin ako sakanya. "Lorelei tara na. Hindi dito ligtas!" I am
pulling her but she's pulling back. Parang ayaw niyang sumama sa akin.

"Hindi kita kilala! Umalis ka na kung ayaw mong mapatay pa kita!" Nagulat ako sa
sinabi niya. Hindi siya ang Lorelei ko. Iba nanaman ang boses niya. Was she
possesed?

"M-mahal ko... A-ano ba'ng pinagsasabi mo? Sumama ka na sa akin."


"Hindi ako sasama sa hindi ko asawa." Mariin niya sabi. Nanlaki ang mata ko. A-
ano'ng ibig niyang sabihin?

"My faithful wife..." Napatingin ako sa lumapit kay Lorelei.

FVCKING TREVER?!

"Ikaw!"

"Ako nga, Prince Aric!" He smirked. He snaked his arms at Lorelei's waist. He
pulled her at saka marahas na hinalikan si Lorelei.

"FVCK YOU!"

Agad ko siya tinulak. Napakawalang hiya niya! Sa sobrang galit ko hinigit ko leeg
niya at pabalabag na itinapo siya sa pader. Nilapitan ko ulit siya at saka ko siya
sinakal.

"BAKIT MO 'TO GINAGAWA?! DEMONYO KA!" Sigaw ko sa pagmumukha niya. Mas lalong nag-
init ang ulo ko ng ngumisi siya. Hinigpitan ko lalo ang pagsakal sakanya.

"HUWAG!"
Naluwangan ko ang pagsakal ko kay Trever ng marinig ko si Lorelei sa likod ko.
Tumakbo siya palapit sa amin at tumingin sa akin.

"H'wag mong saktan ang asawa ko!" Nakita kong nakikiusap ang mga mata ni Lorelei.
Wala sa loob na nabitawan ko si Trever. Nanghihinang napaatras ako. Nilapitan siya
ni Lorelei at nag-aalala.

"Ok ka lang ba asawa ko?" Tanong ni Lorelei. Ngumiti sakanya ng matamis si Trever.

"Ok lang ako."

"K-kuya..." Rinig kong tawag ni Avia. Nilapitan ko siya.

"A-avia... Ok ka lang ba?" Napatingin ako sa paligid ko. Wala si Edric at yung iba
pero naririnig ko silang nakikipaglaban sa labas.

"U-umalis na tayo, kuya." Nagmamakaawa ang mukha niya. "Kakampi nila si Lorelei.
Please kuya? Masasaktan ka lang dito."

"No! I need to save her! She's under his illusion and--"

"H-hindi kuya. Si Lorelei mismo ang dahilan kung bakit ako nandito. Kasabwat siya
kuya. Please umalis na tayo." Si Avia na ang kumaladkad sa akin palayo kay Trever
at Lorelei. Pucha ang sakit sa damdamin! Nakakagago lang eh.

"Lorelei... Bakit?" Halos anas ko lang na sabi.

Dahan-dahan siyang napalingon sa akin. Parang nag-iba yung mata niya. Nagmamakaawa
at naghihinagpis.

"Aric..." Mahina niyang sabi pero narinig ko pa din. Nakikilala niya na ulit ako.
Bumitaw ako sa hawak ni Avia na ikinabigla niya.

"Kuya--"

"I need to save her!" Tumakbo ako palapit kay Lorelei.

"Lorelei!" Kinuha ko ang kamay niya at nilapit palapit sa akin.

"Sumama ka na sa akin. Mahal ko"

"And where do you think you're going, Prince Aric?!" Matalim na hasik ni Trever.

"Aric, please help me. Hindi ko na ka--" Nagbago ulit ang kulay ng mata niya at
tinulak ako pero hawak ko pa din ang kamay niya. "AYAW KONG SUMAMA SAYO!"
"Lorelei, lumaban ka. Ako ang mahal mo diba? Please fight for me, fight for us."

"HINDI MO PWEDENG ISAMA ANG ASAWA KO! KASAL NA KAMI!" Sigaw ni Trever.

"Wala akong pakialam! Mahal ko si Lorelei at kami lang ang dapat para sa isa't-
isa!" Tinignan ko si Lorelei na panay ang iyak.

"Patawarin mo ako Aric. Hindi ko sinasadyang ipahamak si Avia. Wala akong alam."
Umiiyak niyang sambit.

"Shhhhh... Mahal ko, ayos lang ang lahat. Gagamutin ka namin. Sumama ka lang sa
akin. Please?" Sabay ng pagtango niya ay ang pagsigaw ni Avia sa likod ko.

Napalingon ako sakanya at nakita kong nakahandusay na siya sa sahig. Tumatakbo si


Wynner sa gawi ni Ava at pinatay ang sumaksak kay Avia sa gilid.

"AVIA!!" Napatakbo ako at lumapit sakanya.

Nagulat ako ng biglang minulat niya mata niya. Nagkulay dilaw ito.

"AHRRRRGHH~" Bumangon siya at sumigaw ng pagkalakas na halos napatakip na kami ni


Wynner sa tenga. Naglabas siya ng apoy sa kamay.
"Avia control your power!" Wynner said to her pero mas lalong lumakas ang apoy sa
kamay niya. Tinapon niya yun sa gilid na dahilan para magkaroon ng malaking apoy.

"A-ayokong sumama sayo! Pakawalan mo ako!" Napalingon din ako kay Lorelei.

"Lorelei!"

"Aric!" Sigaw niya bago sila naglaho ni Trever.

"FVCK! Lorelei!" Napasabunot ako sa buhok ko.

"Para pigilan natin si Avia. Ang lakas na ng kapangyarihan niya. Baka ikamatay
niya!" Sigaw ni Wynner. Napatingin ako sa kambal ko at galit na galit ang hitsura
niya.

Nakita kong pumasok sa silid sila daddy at napaatras ng makita si Avia. Si Edric
naman karga-karga si Kyla kaya lumabas muna.

"Anak, kontrolin mo kapangyarihan mo." Sabi ni daddy kay Avia pero hindi siya
nakikinig.

"AHHHHH~ Sinaktan nila ako!!! Gaganti ako!!!" Hinagpis niya.


Nag-aalala ako para sa kapatid ko. Lahat ng kapangyarihan may limitasyon, kapag
umabot siya sa limitasyon niya baka ikamatay niya yun!

***

Avia's POV

Hindi ko makontrol ang kapangyarihan ko. Namumuhay ang galit sa puso ko ngayon.
Hindi ko mahanap ang masayahing Avia. Tanging galit na Avia ang nararamdaman ko.

Naglabas ako ng apoy sa kamay at tinapon ko sa sahig.

"Anak tama na! Nakikiusap si daddy!" Rinig kong sabi ng daddy ko.

"HINDEEE! GALIT AKO DADDY! GALIT NA GALIT AKO SA GINAWA NILA SA AKIN!" Umiiyak kong
sabi. Lahat ng pagmamahal na nararamdaman ko ay unti-unting nawawasak dahil sa
nararamdaman ko. Gusto kong pahirapan ang kumidnap sa akin, gusto kong paulit-ulit
patayin ang sumaksak sa akin!

Naramdaman ko na lang na may yumakap sa likod ko. Nagpupumislag ako pero mahigpit
ang pagyakap niya sa akin.
"Hindi ko hahayaang mabalot ng galit ang puso mo. Hanggang sa yakap kita, sabay
nating papatayin ang galit sa puso mo. Pakiramdaman mo ako, Avia."

Wynner.

Hindi ko alam kung paano pero unti'unting nawala ang apoy sa kamay ko. Naging
magaan ang pakiramdam ko at nawala ang sama ng loob na nararamdaman ko.

Bakit Wynner? Bakit?

_______________________________________________________________

Ang daming violent reactions. HAHA, mahal ko kayo. :P Tsaka h'wag iyo ngang
icompare si Trever kay Drake. Mabuting damphyr si Drake, dahil sakanya kaya masaya
ngayon si Ingrid at Hansel. Compare naman kay Trever na vampire wannabe na nga,
demonyo pa.

Trivia: Hindi naman dapat si Trver ang kontabida, tinamad lang akong mag-dagdag ng
bagong character kaya hindi na ako lumayo pa, si Trevr na pinili ko. Moahahahaha!
Bleeh!

XOXO

-Thyriza

####################################
Chapter 27 - First
####################################

Chapter 27 - First

Lorelei's POV
"A-anong sabi mo? K-ka..K-kasal na kayo ng pamangkin ko?" Nabubulol at hindi
makapaniwalang sabi ni Tito Kent.

'Hindi Tito, pinilit niya lang ako!'

"Opo, Tito Kent!" Invountary kong sabi.

"B-bakit.. Bakit biglaan ata?"

'Tito Kent hindi ko po gustong ikasal ako!'

"Nagmamahalan po kami Tito Kent." Sagot ni Trever. Hinawakan niya ang nakakumos
kong kamay at pinakita niya kay Tito ang Singsing.

"Are you pregnant, Nyx??" Masusi akong tinignan ni Tito. Gusto kong sumigaw pero
hindi ko magawa. Trever's power is overpowering me.

"Hindi pa po, Tito. She will be, soon. Kapag pareho na kaming tapos sa pag-aaral.
Diba honey?" Tumingin sa akin si Trever. Kahit ayaw ko, napatango na lang ako.

I heard Tito Kent heavily sigh. " Hindi lang ako makapaniwala na biglaan. Tsaka
akala ko si Aric ang gusto mo. Kayo talagang mga kabataan. Basta yung pangako mo,
Trever ah. H'wag mo munang bubuntisin and Prinsesa ko. Kapag tapos na kayo pareho."
Nakangiting matamis na sabi ni Tito.
Inside i'm crying. Para akong nakakulong sa sarili kong katawan.

"Malalim na ang gabi. Magpahinga na kayo pareho. Sa kwarto ka na lang ni Nyx


matulog, Trever. Just.. just no monkey business please?"

"Hahaha. Sige po Tito. Tara na, honey?" Magkahawak kamay kuno kami ni Trever na
pumanhik sa kwarto ko.

"Papakawalan kita ngayon pero bukas ibabalik ko din." Sabi niya saka niya binitawan
ang isang maigsing pulang lubid na nakatali sa daliri niya saka binulsa.

Para naman akong nakahinga ng maluwang ng makalaya ako sa sarili kong katawan.

"I will just take a quick shower. Pagkatapos ikaw naman. Nagkalat na ang make up mo
sa mukha." Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. I jerk out his hands at
iniwas ko din ang mukha ko.

"Don't touch me, you filthy animal! You can fool everyone na nagmamahalan tayo but
you can never fool me. Sinong niloloko mo? Sarili mo! Alam mong hindi kita
mamahalin kahit kailan sa buhay ko! Patayin mo man wala kang mahihita na kahit
kakarampot na pag-ibig sa akin! Because my heart only belongs to Aric! Only him!"
Mahina ngunit mariin kong sabi sakanya. Gusto kong maramdaman niya ang bawat
salitang bibitawan ko. Gutso kong maramdaman din niya ang sakit!

"Ikaw na muna magshower. Baka sakaling mawala ang nararamdaman mo kay Aric."
Nakangiti niya pa ding sabi sa akin. I smiled bitterly.
"Hah! Yun ba ang inaakala mo? Na madadala sa isang ligo ang pagmamahal ko kay Aric?
Kahit lunurin mo ako sa Pacific Ocean hindi mawawala ang nararamdaman ko sakanya!"
Pagkatapos ay umalis ako sa harap niya. Dumeretso ako sa CR at saka naghagulhol sa
harap ng salamin. Nakita kong nagkalat ang make up ko. Wasak na din ang buhok ko.
Ang gown kong maganda naging isang miserable ng tignan.

I took off my clothes saka pumailalim sa dutsa ng shower. Napahilamos ako sa mukha
ko. Maraming nangyari sa loob ng halos dalawang araw. Gusto ko na ngang patayin
sarili ko eh. Parang hindi ko na ata kakayanin ang mga nangyayari sa akin. Gusto ko
ng sumuko. Pero kapag naaalala ko naman si Aric nabubuhayan ako.

Gagawin ko ang lahat lumaban lang. Mahal ako ni Aric at yun ang panghahawakan ko
yun.

Sinuot ko ang bathrobe ko saka lumabas ng CR. Nakita ko si Trever na hinihintay


lang ako kaya pumasok din siya. Dali-dali akong nagbihis dahil baka abutan niya pa
ako. Baka hindi lang kasamaan ang dala niya at baka may tinatago din siyang
kamanyakan.

Nagpapatuyo ako ng buhok ng makita ko ang wood box ko. Yung nilagyan ko ng
ireregalo ko sana kay Aric. Kinuha ko yun saka nilabas yung mini bottle sa pouch
bag. Napabuntong hininga na lang ako. Nagsisisi akong doon ko inilagay ang regalo
ko sakanya.

Lumabas ako papuntang veranda saka ko pinagmasdan ang dapat kong regalo sakanya.

"Ang tanga-tanga ko. Sobrang tanga!" Sabi ko sa sarili ko. Parang naiiyak ang mata
ko pero alam kong ubos na. Wala na akong iiiyak pa. Hindi nga dapat ako umiiyak eh.
Paano ako magiging matapang kung iyakin ako? Paano ko malalabanan si Trever kung
nakikita niya akong umiiyak.
"Hon, pasok ka na. Mahamog sa labas." Para namang may kung anong masakit na tunog
akong narinig ng marinig ko ang boses ni Trever. I turned around and glared at him.

"STOP CALLING ME HONEY! AND STOP YOUR PRENTIOUS ACT, MOSTER!" Sabi ko saka ko siya
tinalikuran. Bwesit siya! Ang sarap niyang patayin! Hindi ko nga alam kung bakit
naaatim kong kasama siya! The monster who killed my parents!

Pumasok siya sa veranda kaya nainis ako. I grunt at saka ko siya nilagpasan pero
hinigit niya braso ko.

"Ano ba--"Para akong manikang hinila niya palapit sakanya at niyakap. The faQ!

"Ano ba'ng pwede kong gawin para mahalin mo ako? Hindi mo ba naisip na ginagawa ko
'to para sayo?" I can feel his sobber voice. What, nagpapaawa siya ganun?

I gathered my strength saka ko siya tinulak ng marahas. "Kahit kailan hindi kita
mamahalin! At mamamatay ka sa kakahintay na mangyari yun!"

***

Wynner's POV

Nakatulog si Avia sa bisig ko habang pauwi kami sa bahay nila. Ayaw naming iuwi si
Avia sa Vampire City dahil inaalam pa nila kung sino ang traydor sa palasyo. We
coudn't just risk Avia's life now. Muntikan na siyang mawala sa amin, sa akin.
"Wynner, hijo. Ikaw na muna ang bahala sa Prinsesa namin. Ikaw lang ang
pinagkakatiwalaan ko sa ngayon. H'wag mong hahayaang mapahamak ulit siya." Sabi sa
akin ni King Hansel. Tumango naman ako.

"Itataya ko po ang sarili kong buhay para kay Avia, mahal na Hari." Maraming bantay
ngayon sa bahay. Halos napapaligiran ang bawat sulok. Pati sa garden mayro'n din.

Inihiga ko siya sa kama niya. Hinawi ko ang buhok na dumikit sa pisngi niya.
Malalim ang hangos niya, tanda na kahit tulog siya, bothered pa din siya.

"Nandito lang ako, Avia. Hindi kita iiwan." Bulong ko. Gumalaw siya ng bahagya at
nag-iba ng posisyon. Tumagilid siya at parang naghahanap ng unan. Kinuha ko yung
mahabang unan sa gilid niya at binigay sakanya.Napangiti lang ako sakanya. Para
siyang ang batang Avia na nakilala ko noon. Sana maganda ang panaginip niya ngayon.
I hope wala siyang nightmares.

It means a lot to me knowing that i am the reason kug bakit humupa ang galit niya.
Akala ko kailangan ko pang hanapin si Kier para matigil siya. Alam ko naman kasing
si Kier ang makakapagpasaya sakanya eh.

"ich liebe dich" I said to her. Sabi ni Papa, kapag may nagustuhan na akong
vampirette, sabihin ko lang yun. Yun daw ang tatlong salita kaya niya napa-ibig si
Mama. Hanggang ngayon naririnig ko pa din na sinasabi yun ni Papa kay Mama.

"asdfghjkl. Wynner." Napatingin ako bigla sakanya. Di she just... did she just say
my name?

"D-don't leave me, Wynner." I checked kung gising siya pero hinid, nakapikit pa
naman siya. But wierd is, nakangiti siya habang sinasabi ang pangalan ko. Hinawakan
ko ang kamay niya.

"Nandito lang naman ako. Gute Nacht meine schone Prinzessin" (Good night, my
beautiful Princess) Sabi ko bago ko pinatay ang ilaw.

***

Aric's POV

'Tanggapin mo na! Tanggapin mo na na hindi talaga kayo para saisa't-isa!'

Yan ang laging sinasabi ng isip ko. Perp hindi ko gustong sundin. Labing walong
taon kong minahal si Lorelei at hindi yun mawawala ng isang simpleng problema lang.
Oo simpleng problema. Kasi naniniwala akong may pag-asa pa. Magiging ayos din ang
lahat. Mawawala din ang lahat ng balakid sa amin at gaya nila daddy at mommy,
magiging masaya kami at magkakaroon ng mga anak.

Pinakiramdaman ko kung saan si Lorelei ngayon, nasa bahay nila. Agad kong pinatakbo
ang kotse at pumunta sa sibdivision nila. Nang makarating ako, bumaba ako. Aakyatin
ko sana kwarto niya nang makita ko siya, yakap ni Trever.

Naramdaman ko ulit ang sakit na nadama ko nung nakita ko siyang yakap si Trever.
Nangako ka sa akin Lorelei na hindi mo siya yayakapin. Ano 'to?

Bumalik ako sa kotse ko at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Pucha lang!


Nakakagago sa pakiramdam alam niyo yun?!
May tiwala naman ako kay Lorelei. Pero paano kung may gawin sakanyang masama si
Trever? Mag-asawa na sila at paano kung... kung..

"AAARGGHH!" Nahampas ko ang manibela. Hindi pwede! Hindi pwede 'to!

Agad kong iniliko ang sasakyan at ibinalik ang route papunta sa sub nila Lorelei.
Magkamatayan na pero kukunin ko si Lorelei kay Trever!

***

Lorelei's POV

Nakahinga ako ng maluwang nang tawagin ni Tito si Trever. Mag ma-man to man talk
daw sila. Sana lang umalis siya dito sa bahay namin. Ayoko siyang dito. Nasusuklam
ako sa pagmumukha niya. Sigurado akong kapag nalaman ni Tito Kent na ang kaharap
niya nag pumatay sa kapatid niya at brother in law ay kakamuhian niya din 'to.

Tumayo ako para sarhan ang pinto ng veranda ng maramdaman ko ang pamilyar na
hangin. Ang lamig na sakanya ko lamang nararamdaman.

Dahan-dahan akong lumabas sa veranda. To my disappointment, wala siya. Guni-guni ko


lang pala. Tumalikod ako at malungkot a pumasok sa kwarto pakatapos sarhan ang
pinto.
Tinanggal ko ang tali sa buhok ko at handa ng matulog ng biglang nagliparan ang
ilang hibla ng buhok ko. Napalingon ako sa veranda at nakita kong bukas ang pinto.
Sinarhan ko yun ah?

Naglakad ako palapit para sarhan ulit nang makita ko ang isang pamilyar na pigura
sa labas ng veranda. Hinawi ko ang kurtina at doon nakumpirma ang hinala ko.

"A-aric?" Parang lumukso ng isang kilometro ang puso ko sa sobrang tuwa. He turned
around at nakita ko sa mukha niya ang lungkot. Lumapit ako sakanya saka ko hinaplos
ang mukha niya. "Ikaw nga." Masaya kong sabi.

He flashes a weak smile. "Kumusta ka na?" Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Bakit
niya ako kukumustahin?

"H-hindi ako ok, Aric." I honestly said. "Itakas mo na ako dito. Please?" Pakiusap
ko. Wala na akong pakialam sa susunod na mangyari. Ang tanging gusto ko lang ay ang
makatakas kay Trever.

"Kung ganun sumama ka na sa akin. Aalis na tayo dito." Nilahad niya ang kamay niya.
Hindi ako nagdalawang isip na kunin ang kamay niya.

"Wait lang. May kukunin ako!" Sabi ko saka kumaripas sa takbo. Hinalughog ko ang
hamper kung saan nakalagay ang pinagbihisan ni Trever. i checked his pocket and
voila! Nandoon yung pulang lubid. Matalino ka nga Trever pero mas maisip ako sayo!
You can't control me with this!

Agad ko iyong kinuha saka bumalik kay Aric. Hawak kamay kaming nakapunta sa kotse
niya at agad naman niyang pinaandar ang sasakyan. Makasarili na kung makasarili.
Pero ikakamatay ko kapag nalayo pa ako kay Aric. Life is giving me chance to be
with him and i will grab it without hesitations.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"It's for me to know and for you to found out." He smiled sheepishly at mas
binilisan ang pagdadrive.

Is this will be a drive way to hell, then be it. As long as i am with Aric, it's
fine.

***

Ang sarap sa pakiramdam. Feeling ko nakawala ako sa hawla. Kahit hindi ko alam kung
saan kami pupunta, ang importante magkasama kami at magkahawak kamay.

Hindi ko akalain na aabot kami sa ganitong sitwasyon ni Aric. Kailangan pa talaga


naming tumakas para lang maging masaya? I never thought that our situation will
worsten.

"Ang lalim ng iniisip mo, Mahal ko." Aric squeezed my hand. I looked at him and
beamed.

"Masaya lang ako at kasama kita." Sabi ko sakanya. I heard him chuckled.

"Ako ang dapat maging masaya. Akala ko hindi ka sasama sa akin. Akala ko totoong
mahal mo talaga si Trever." Sabi niyang nakatingin ng deretso sa daan.
"Nakasal man ako sakanya, pero ikaw pa din ang mahal ko." I assured him.

"But you made a pack, Lorelei. You drunk his blood. P-pag-aari ka na niya." I
looked at his face at nakita kong nasasaktan din siya.

"H-hindi. I am not owned by anyone unless i say so. Sayo lang ako, Aric. Ikaw lang
ang magmamay-ari sa akin."

Pumunta kami sa isang makahoy na daan. There i realize kung saan kami, nasa lugar
kami kung saan niya ako unang pinagdalhan. Sa rain-forest-like na may cliff. Hindi
ko alam kung paanong nakaabot ang kotse sa may cliff kasi sa pagkakaalala ko
nilakad o teneleport lang namin yun kasi hindi kaya ng kotse ang masukal na daan.
Pero ano nga bang imposible kay Aric? Isa siyang vampira.

"They can't find us here." He beams. Napatango ako. Lumabas kaming pareho sa kotse.
Giniya niya akong makaupo sa hood ng kotse at tinabihan niya ako.

Tanging lagaslas lang ng tubig ang naririnig ko pati huni ng ibon at pagsayaw ng
dahon. Tahimik. Walang gustong magsalita habang nakayakap ako sakanya.

Naramdaman ko na lang na hinahaplos niya likod ko. I felt different. Like there is
a little anticipation inside me. He bend down and gave me a kiss. I formed a smile
while kissing him. How i love the way he kissed me. How i love the way he caress my
cheeks, my navel down to my neck. My hands came up and grasped his bicep firmly.

Nakita kong napangiti siya sa ginawa ko kaya mas nilaliman niya ang paghalik sa
akin. I began to make soft mewling sounds, it turned him on. Halos habol ko ang
hininga ko ng matapos ang halikan namin.

"Lorelei..." He said in a husky voice.

"Hmm?" I opened my eyes to see his warm dark eyes looking down my soft blue ones.

"Please be mine tonight." He said. I was a bit shocked. "Please?" He begged. Like i
don't have a power to say no. Like if i rejected him, pagsisishan ko din.

I hesistantly nod at him. Hindi ko alam kung handa na ako, pero para kay Aric
gagawin ko. Papayag ako. Kasi mahal ko siya. For a fact that i am married to
Trever, mas pipiliin ko pang sa mahal ko ibibigay ang pagkatao ko, kesa sa isang
demonyo.

He leaned forward,ready to kiss me again. I just couldn't resist. I leaned into the
kiss, and felt like I was burning.

Aric stroked my cheek. Our lips moved in time with each other and he raised his
hands up to my hair and tangled his fingers in it. His other hand he pulled up to
my face and cupped my cheek in his hand. I am starting to feel my body tremble. I
was cut off when i felt Aric raised up the hem of my shirt and slowly started to
feel my tummy. I gasped, feeling a new sensation inside. Like there's something
gonna explode.

He moved from my lips to my neck thrusting him onto my thighs. Aric placed his
hands on my lower back slipping one hand down the back of my jeans. I was in a
total daze and all I cared about was how good it felt kissing Aric.
"I...Love...You" He said panting through the hard kissing and touching. I felt like
my heart was being caressed by those three powerful words.

"I...love...you...more, Aric." I said out of breath. I involountarily peeled off


his t-shirt and pressed my chest against Aric's, slowly running my hand over his
crotch.

We're both top naked at wala na akong pakialam sa paligid dahil sa sensasyong
nararamdaman.

He started kissing my jaw line that send tickles all over my spine. He was leaning
over me. Naramdaman kong bumaba siya and moved from my throat, down to my collar,
then kissing my breasts. Halos mapasabunot ako dahil sa ginagawa niya. Napabaon ang
daliri ko sa braso niya. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko. Hindi ko alam na
nag-eexist ang ganitong pakiramdam.

I heard him moan when i pulled him closer to me. It was like a music in my ears
knowing i can make him groan.

He touched my body so gently and passionately and I smiled when Aric gently kissed
my stomach. He unbuttoned my jeans and pulled them off, then off came my undies.

I sat up and unbuckled Aric's belt with one hand using the other to run my fingers
over his stomach. Aric then climbed on top of me and turned my head to the side,
slowly licking my neck. I moaned and smiled.

"Aric." I called his name as he positioned himself. Funny thing is, i imagined my
first time to make love, atleast in a descent bed. But here i am, making out in the
car's hood. But i don't care. I am giving my love to this vampire man on top of me.
And i am ready. Ready to give my all. Ready to face the consequence life has given
me.

Hinawakan niya pisngi ko at tinignan ako ng mataman, ngumiti ako sakanya. Like
giving him assurance that i'm fine.

"I'll be gentle." He whispered. I just nod. I trust him.

I whimp as he thrust. A little tear fell down my cheek. Kita kong nag-aalala ang
mukha ni Aric. Hindi siya gumagalaw. Maybe giving me time to adjust.

"Ok ka lang ba?" Nag-aalala niyang tanong.

"I'm fine." I simply said. Nang maramdaman kong ok na ko, i volountarily move my
waist. A sign for him to continue.

It was like an ecstasy i felt with every thrust, every touch of his gentle hands.
Nothing could compare to this moment. Chills shot up my spine, my toes went numb,
and i finally felt free. No one could tell me that this was wrong, because it felt
so right. I clung to him until the shaking fear of my happiness ending subsided
into a clear thought of how I loved, not only this Vampire Prince, but the way he
made me feel, inside and out.

"I love you so much, Lorelei." He said. No words can describe my feelings for him,
even the word 'i love you' wasn't enough. I kissed his nose and lean to his broad
shoulders.

"Your cold embrace is my sanctuary. I love you, Aric."


-----------------------------------------------------------------------------------
--------------------

A.N: H'wag niyo akong batuhin ng kamatis, ples?? >__< Huhuhu. Baka patayin ako ni
Trever dahil sa ginawa ko. Hahaha. Oist! Yung mga bata dyan ah, h'wag niyong
tularan si Aric at Lorelei. Hahaha. Halos magnose bleed ako sa love scene nila.
Cheret! Syempre kailangan english para sosyal kunwari. Hahaha. Ang laswa kaya ng
tagalog. At infairness, ginawa ko talaga ang lahat para hindi maging erotic yung
scene. Sisiw lang eh. (Luh? May experience ka teh??) Ay wala pa kaya! >_<
Nirerespeto ako ni Luhan! >___< (Ambisyosang frog!) Kokak! Hahaha, nahawaan ni Eya?

Aric on the right side. :))

PS: Wala. Trip ko lang maglagay ng PS. Haha, love you guyth! Muwaah!

XOXO

-Thyriza

####################################
Chapter 28 - Leave or Stay
####################################

Chapter 28 - Leave or Stay

Edric's POV

Tatlong araw na at up until now nasa hospital pa din ako nagbabantay kay Kyla.
Hindi pa din siya nagigising at nag-aalala na ako. Panay tanong sa akin ng mga
doctor kung ano ang totoong nangyari pero hindi ko sakanila masabi ang katotohanan.

Flashback
Nasa gazebo kami ni Kyla dumeretso after nung sayaw. Ipagtatapat ko na sakanya ang
lahat. I don't want to hide my self to her. Bahala na kung matakot siya sa akin,
ang importante malaman niya ang totoo.

"Ano ba'ng ginagaw natin dito, Edric? Pasok na lang kaya tayo sa loob? Hindi ko pa
nage-greet ang kambal ah." Sabi niya. Tinignan ko naman siya ng mataman. Ang ganda-
ganda ni Kyla. Hindi ako magsasawang tignan siya sa mukha.

"Oh? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" She looked amused. "Baka naman mahal mo
na ko niyan ah." Pabiro niyang sabi.

"Paano kung Oo?" Sabi ko. Napaseryoso naman mukha niya.

"Anong Oo?" Kunot noo niyang tanong.

"Paano kung mahal kita? Paano kung sabihin ko sayong noon pa mahal na kita?"
Nakita kong nagulat siya ng bahagya. Hindi siya makaimik at tinignan lang ako.
Maybe to see if i was joking.

"E-edric--"

"I am not pressuring you. I am not asking for you to--"

"Mahal din kita." She cut me.


"Ha?"

"Ay bingi! Sabi ko mahal din kita." Nakangiti niyang sabi.

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumakbo ng mabilis at sumigaw.
Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon masasabi ko ng naiintindihan ko na ang nararamdaman
ni Aric. Iba pala. Para kang inililipad sa era. Basta iba.

"Hindi ka ba magsasalita?" Nakangiti niyang tanong. Napakamot ako sa batok ko.


Bakit ngayon pa ako dinaga?

"Uhh... Seryoso ka ba sa sinabi mo?" Napasimangot naman siya at naghalukipkip.

"Ay hindi! Hindi ako seryoso! Gusto ko lang ipahiya sarili ko sayo!" Sabi niya
tapos umirap.

"Ganun ba?" I heard her hissed. Joke niya lang ba yun?

"Ang sarap mong batukan alam mo yun? HIndi mo ba alam ang salitang sarcasm?!"

"So gusto mo ko?" Paninigurado ko.


"Ah ewan ko sayo!" Sabi niya saka umalis. She is mumbling while walking. Sinundan
ko siya at panay pa din ang mumble niya.

"Mahal kita, Kyla." Sigaw ko. That made her stopped. Lumingon siya sa akin. "Mahal
na mahal kita." Pag-uulit ko. She smiled at me.

"Mahal din kita." Sabi niya. Nilapitan ko siya. Pareho kaming nakatayo sa ilalim ng
malaking kahoy.

"Pero may kailangan kang malaman." Seryoso kong sabi.

"Ano yun?"

"Do you believe in vampires?"

"Pfft~ Seriously? Edric naman eh!" She pouted. Gusto kong kurutin pisngi niya. How
cute.

"I'm asking you. Do you believe they exist?" Naging seryoso yung mukha niya.

"I think i do. At kung totoo man sila o hindi, ayaw kong makakilala ng isang
vampire. Kapag naalala ko nga yung berdeng mata na nakita ko sa kwarto halos
ikamatay ko na eh. Vampira pa kaya?"
"A-ahh. G-ganun ba?" I faked a laugh. Parang umurong ang dila ko. Hindi ko na lang
sasabihin sakanya. Mas nakakatakot isipin na lalayuan niya ako.

"Why are you asking pala? Don't give me this joke na isa kang vampira, because i'm
not buying it. You're too nice to become one." Nakangiti niyang sabi.

"May mga vampira naman kasing mabubuti. Alam mo yun? Sila yung mga tinatawag na
vegetarian, very powerful. Yung mga umiinom ng dugo ng tao, sila yung Sanguinarian.
Yung mga Damphyrs naman, sila yung isang hybrid ng isang vampire at Human, they're
harmless. Blood suckers are those people na ginawang vampire lang through bite,
uncontrollable sila. Venomous Vampires are those human na pinainom ng venom ng
isang vampire to be a vampire, unlike Blood suckers, they're harmless too.
Transcendals, well they are a vampire wannabe that exercise Voodoo to become as
powerful as vampires."

Hindi umimik si Kyla. Hindi ko alam kung ano iniisip niya.

"Adik ka! Hahaha. Ang laki mo na nagpapaniwala ka pa sa ganyan!" Hinampas niya


braso ko habang natatawa.

"Pero seryoso ako." I heard her softly laughed.

"Yeah. Yeah. You got me there. Sige na, vampire ka na. And i'm your damsel and
distress that has to be saved from those blood sucking vampires." Natatawa niyang
sabi.
Mukhang hindi ata siya maniniwala sa akin. Oh baka pinipigilan niya ang sarili
niyang maniwala. Mas maganda na din sigurong ganito. I don't want her to recognize
me as a monster.

"Mag-lakad lakad na lang tayo. Ililibot kita sa City namin." Kinuha ko kamay niya
saka nagsimulang maglakad.

"Let me guess, this is a vampire City?" Natatawa niyang sabi.

"Hahaha. Yeah."

Naglalakad lang kami habang magkahawak ang kamay at walang nagsasalita. I like the
silence, it's comforting, not awkward silence, comforting silence.

"Edric, si Nyx yun ah!" Tinuro niya yung sa labas ng palasyo sa gilid ng fountain.

My eyes widened when i saw Avia on the ground. Lorelei's crying. Napatingin ako sa
kinakausap niya. Bigla na lang na hinawakan niya si Lorelei at nawalan 'to ng
malay.

"HEY! WHO THE HELL ARE YOU?!" Lumingon yung lalaki na nakasuot ng black cloak pero
madilim ang mukha niya. Lalapitan ko sana siya ng hawakan ako ng mahigpit ni Kyla.

"A-ano'ng nangyari sa bestfriend ko?" Natatakot na sambit ni Kyla. Bigla na lang


siyang bumitaw sa akin at tumakbo palapit kay Lorelei.
"Kyla!"

"Nyx! Nyx wake up!"

Lalapitan ko sana ang pwesto ni Lorelei at Avia ng maramdaman kong may tumusok sa
tagiliran ko. Tinignan ko 'to at nakita kong isang knife dahilan para mapaluhod
ako at nanghihina.

"OH NO! EDRIC!"

Yun ang huli kong narinig ko sakanya. Siguro takot na takot siya. Wala man lang
akong nagawa. Napaka walang kwenta ko naman atang vampira. Naturingan pang may
kapangyarihan eh ni hindi man lang naligtas yung taong nagugustuhan.

Napaayos ako ng upo ng may pumasok na Nurse. They checked her vitals saka may kung
ano-anong tinurok sakanya saka nagsusulat sa papel. Kawawa naman si Kyla. Siguro
nasasaktan siya kahit walang malay.

Paglabas nung nurse, nilipat ko yung upuan sa tabi ng higaan ni Kyla. I hold her
warm hand saka yun pinisil.

"Gising ka na, Kyla. Hindi pa tayo tapos sa kwentuhan natin. Hindi ka pa nga
naniniwala na vampira talaga ko eh." I played with her fingers. Pinag-isa ko mga
daliri namin. Napapangiti lang ako. Ang lambot kasi ng kamay niya. Ang sarap pisil-
pisilin.
Natigilan ako sandali ng biglang kumislot ang hinliliit niya. Akala ko guni-guni ko
lang pero biglang gumalaw ulit ng dalawang beses.

"Kyla?" Hinaplos ko noo niya. I saw how her eyes slowly opened. Matagal bago niya
ako tinignan. I smiled at her, but she frowned.

"E-edric?!" Natatakot niyang sabi.

"Mabuti at gisi--"

"U-umalis ka dito! I-isa kang vampira! H-hindi ka tao! Umalis ka dito!" I can see
in her eyes na natatakot talaga siya. Nakita kong may kinakapa siya sa likod niya
at paulit-ulit na pinindot.

"K-kyla..."

"Umalis ka! Isa kang halimaw! Masama ka!" I winced with her words. Masakit. Para
akong sinaksak ng silver knife sa dibdib ng paulit-ulit. Pero sana nga nasaksak na
lang ako. Mas kakayanin ko pa yun. Kesa sa marinig ko ang taong mahal ko na
kinamumuhian ako at kinatatakutan.

"Magpapaliwanag ako sayo, Kyla."

"I don't need your explanation! Ayaw ko sa lahi niyo! Dahil sa inyo napahamak ang
bestfriend ko! Pinilit siyang gawin ang isang bagay na ayaw niya para iligtas ako
sa mga kagaya niyo!" Naguluhan naman ako sa sinabi ni Kyla.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Yung Vance, yung sumundo sa amin. Kakampi yun nga sinasabi mong Tanscendal
Vampires na akala ko joke lang! Pinilit nila ang bestfriend kong traydurin si Avia
para makuha nila! At ang masaklap pa doon, ikakasal siya sa pinuno nila!" Puno ng
dalamhati na sabi niya.

"K-kung ganun... Walang alam si Lorelei dito?" Paninigurado ko. Kung ganun, walang
dahilan para magalit si Avia kay Lorelei. "At yung Vance na pinagkakatiwalaan nila
King Hansel ay, traydor?"

"Wala akong pakialam! Umalis ka na!" Biglang may pumasok na mga nurse sa loob ng
kwarto. "Nurse paalisin niyo po siya! i don't want him here!" Naramdaman kong
hinawakan ako sa braso nung Nurse para igiya palabas.

"Hindi na kailangan. A-aalis na lang ako." Sabi ko saka malungkot na tumalikod.

Nakayukong naglalakad ako palabas ng hospital. Nakita ko kung gaano siya katakot sa
akin. Kung gaano siya galit sa lahi namin. Kahit ayaw kong umalis sa tabi niya,
kailangan kasi ayokong dumagdag pa sa trauma niya. Masakit na katakutan ka ng mahal
mo. Parang pinipiga ang pagkatao ko.

Dahil ayaw ko pang umuwi sa Vampire City, naupo na lang ako sa isang sa bench. May
park kasi sa harap ng hospital na pwedeng pagtambayan.

***
Kyla's POV

"Ma'am, ang harsh mo naman po sa boyfriend niyo." Sabi nung nurse na nag-aayos ng
dextrose ko kasi dumugo.

"Hindi ko siya boyfriend." Nasabi ko lang. Hindi ko nga alam kung kailangan ko
siyang i-consider na boyfriend kasi una, hindi siya tao.

"Ay ganun po? Akala pa naman namin. Lahat po kasi kami kinikilig sa nurse station
eh. Hindi po siya umalis sa tabi niyo. At hindi rin po natutulog. Ang sweet nga po
eh." Napatingin lang ako dun sa Nurse. Mukhang seryoso at hindi ako binibiro.

Para naman akong nakaramdam ng konsensya. Pinagtabuyan ko siya pero hindi naman yun
ang gusto ko. Hindi ko rin alam. Natatakot kasi ko eh. Oo, duwag ako pagdating sa
mga supernaturals kaya ako ganito. Hindi ako kagaya ni Nyx na malakas ang loob.
Mahal ko si Edric. At masakit din sa akin na ipagtabuyan siya. Natatakot kasi ako
sa magiging consequence kapag hinayaan ko ang sarili kong makasama siya.

"Ay Ma'am. Gusto niyo po bang tawagan ko ang family niyo? Wala pong magbabantay sa
inyo dito eh." Natigilan naman ako. Si Daddy. Sigurado akong nag-aalala na yun. Ano
ang ipapaliwanag ko sakanya kung bakit ako nasa hospital?

"H'wag na. Pwede na naman ata akong ma-discharge?"

"Wala pa po kasi si Doc eh. Mamaya pa po yun babalik."


"Ok na naman pakiramdam ko eh. Sige na." Pakiusap ko.

"Baka po kami ang mapagalitan eh." Sabi niya. Napanguso na lang ako.

"Eh pwede mo ba akong dalhin sa labas? Gusto ko lang lumanghap ng fresh air."

"Ay sige po. Kuha lang ako ng wheelchair." Sabi niya saka lumabas.

***

Edric's POV

"Sige, iwan mo muna kami." Napalingon ako sa nagsalita.

"Babalikan ko na lang po kayo after 30 minutes." Sabi nung nurse saka umalis.
Napatayo agad ako ng makita ko si Kyla na nakaupo sa wheelchair.

"Kyla--"

"Edric, can we talk?" Tumango agad ako. Baka kasi magbago pa isip niya. Pumunta ako
sa likod niya at ako ang nagtulak ng wheelchair niya. Sa gilid kami ng park
naglalakad habang tinutulak ko siya. May mga pasyente din na namamasyal kasama ang
nurse nila.

"S-so... Lahat ng sinabi mo sa akin noon about sa Vampira ay totoo?" She started.

"Y-yes." Nakita kong tumango siya.

"What category are you in?" She asked.

"The nice one." I tried to make our conversation light. Pero mukhang hindi siya
natutuwa o ano man. Nararamdaman ko pa din ang malamig na pakikitungo niya

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?"

"Natatakot kasi ko. I tried telling you pero mas pinipili kong manahimik. Believe
me, hindi ko gustong magsinungaling sayo. Alam ko kasi na takot ka sa mga tulad
namin kaya hindi ko na lang sinabi sayo. Expected ko ng mangyayari 'to. Hindi ko
lang napaghandaan na ngayon na pala yun. Too soon." I tell she didn't respond.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin. Nakarating kami sa lilim ng malaking


puno at hindi pa din siya umiimik. Pinagmamasdan niya lang ang mga tao.

"What if i told you to stay away from me. H'wag mo na akong kikitain, susundin mo
ba?" She suddenly asked.
"Matigas ang ulo ko, Kyla. Sabi ng Mommy ko, i am a pain the ass kasi pasaway akong
anak. Pero kung sasabihin mong layuan kita, gagawin ko yun kung yun ang gusto mo.
Kahit masakit at mahirap, i'll still do it. Kasi mas pipiliin ko yung ikakabuti mo.
Kesa sa ikakasaya ko." Pumunta ako sa harap niya at lumuhod. "Pero kung sasabihin
mo sa akin na h'wag kitang iiwan." I trail off and held her hand. "It will be a
promise of forever. Habangbuhay akong nasa tabi mo. At kahit dumating ang araw na
ipagtabuyan mo ulit ako, wala ka nang magagawa kasi matigas talaga ulo ko. Sayo
lang ako." I saw her flinched at halatang tinatago ang ngiti sa labi.

"K-kung ganun, maghanda ka." Seryoso niyang sabi.

"Para saan?" Takang sabi ko.

"Kasi kailangan mong tiisin ang kakulitan ko at pagiging moody ko, habangbuhay."
Her words slowly process on my mind hanggang sa. "Ayokong lumayo ka sa akin. Hindi
ko na lang iisipin na isa kang Vampira. Natagalan mo ngang magpanggap sa harap ko,
siguro naman pwede mo ulit yun gawin."

Para namang sasabog ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang yakapin but i wanted to
make things slow and... normal. Ayaw ko siyang biglain.

"Salamat, Kyla. Maraming salamat." I tell her. She beamed at me and gently squeez
my hands.

***
Lorelei's POV

Magkayakap kaming nakaupo sa backseat ng kotse ni Aric. Hindi ko alintana ang


lamig, basta kasama ko siya. Nababaliw na nga ata ako. Pero mas mababaliw naman ako
kung hindi siya ang makakasama ko. Tanga na kung tanga dahil binigay ko sakanya ang
virginity ko. Pero wala eh, mahal ko kasi. At kapag mahal mo, handa kang ibigay
yun.

"Ano iniisip mo?" Tanong niya bigla habang hinahaplos ang buhok ko. I looked up to
him.

"Marami." Simple kong sagot.

"Hmmm." He hummed. "Paano ang Tito Kent mo? Iiwan mo ba siya?" Natigilan ako sa
tanong niya.

"S-si Tito Kent. K-kasama niya si Trever." Natatakot kong sambit.

"Sshhh. Hindi gagalawin ni Trever ang Tito Kent mo." Napaayos ako ng upo.

"P-paano mo nasabi?" I asked. Silently praying na sana nga tama siya.

"The moment we left your sub, i already texted my family to arrest Trever. Hindi ko
naman hahayaan na iligtas ka pero yung taong nagpalaki sayo mapapahamak." He said
beaming. Halos mapaibabaw ako kay Aric ng bigla ko siyang yakapin. Para akong
nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan.
"Oh sheez! What to say?" Sobrang saya kong sabi sakanya.

"How about kiss me first then thank me afterwards." He playfully said. I grinned at
him then immediately kiss him. Kisses that i can't never get enough.

"Thank you so much, Aric." I said between our kisses. I heard him chuckled.

"Come on. I'll drive you home." He said. Akma siyang lalabas pero pinigilan ko
siya.

"Am i still his wife?" I asked referring to Trever.

"Kagaya niyong mga tao, uso din ang separation sa amin. Different process, but we
call it annulment." Tumango naman ako.

"Mabuti naman. Ayokong makasuhan ng adultery." I kidded. Hinawakan niya pisngi ko


at hinaplos.

"Everything will be back to normal, Lorelei. I promise you that."

---------------------------------------------------------------------------------

AN: If you think this is their happy ending, well think again. Because everything
in this story has an unexpected twist. *wink*
PS: Kyla nd Edric at the right side :))

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 29 - His Song
####################################

Chapter 29 - His Song

May mga nagtatanong kung paano kapag nabuntis si Lorelei. H'wag kayong mag-alala
kasi baog siya. Joke! Pero no kiddig aside, lahat naman ng katanungan niyo
nasasagot paunti-unti.

Avia's POV

I felt rejuvenated. Ang sarap sa pakiramdam. Ang gaan-gaan talaga ng pakiramdam ko.

"Wow gising ka na!" Bungad sa akin ni Wynner na nakangiti. Mukhang bagong ligo siya
at may dala pang tuwalya na nakasabit sa balikat niya.

"Oo nga eh. Parang ang haba nung pahinga ko. Ang sarap sa pakiramdam." Sabi kong
nakangiti sakanya

"Ika ba naman ang halos tatlong araw na tulog." Sabi niya tapos tumawa.

"Tatlong araw?" Gulat kong tanong. "Nasaan si Kuya? Tapos si Edric?"


"Si Aric, wala akong alam. Si Edric nasa hospital kasi binabantayan si Kyla."

"Kumusta si Lorelei?" Tanong ko. Hindi naman ako galit sakanya. Gusto ko ding
mapakinggan ang paliwanag niya. Alam ko naman kasing mabuti siyang tao.

"Ang alam ko nakuha siya nung mga pinuno nung Transcendals, which is Trever. You
know the guy?"

"Nababanggit siya dati ni Kuya. Karibal siya ni Kuya kay Lorelei." Sabi ko. May
inabot sa aking papel si Wynner. Kinuha ko 'yon at pareho kaming nabigla ng maging
abo ito.

"Avia." Gulat na sambit ni Wynner. Pati ako nakatitig sa abo. Ano'ng nangyari?

"Malakas pa din ang kapangyarihan mo." Sabi niya tapos lumapit sa akin. Hinawakan
niya kamay ko. At naramdaman ko na lang na parang kumakalma ito.

"S-salamat." Tipid kong sabi.

"Para saan?"

"Lagi kang nandyan para sa akin. Basta salamat sa lahat. Akala ko inis lang ang
nararamdaman ko para sayo. Pwede naman pala tayong maging magkaibigan eh."
Nakangiti kong sabi sakanya.
"Kaibigan? Haha. Oo nga. Kaibigan nga. Haha." Hindi ko alam kung pinipilit ni
Wynner na tumawa o talagang masaya lang siya kasi tinawag ko siyang kaibigan.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko nang makita ko siyang papalabas ng kwarto.

"May gagawin lang ako sa labas. Pahinga ka na lang muna dyan.." Sabi niya. May
sasabihin pa sana ako pero tuluyan na siyang nakalabas ng kwarto.

Ang wierd talaga ni Wynner.

Tumayo ako para na din mag-ayos ng sarili. Ang gulo ata ng buhok ko. Nakakahiya
naman pala kay Wynner na nakikita ako. Mabuti na lang at wala si Kier kung hindi--
OMG! Si Kier!

Agad akong tumakbo sa dresser ko kinuha yung phone ko. Hindi na ako nagulat na
maraming missed calls at text lahat galing kay Kier. Tatlong araw na ang nakalipas
simula noong birthday ko at nangako ako sakanyang magpo-post celebrate kami.

Agad kong dinial ang number niya.

Nakatatlong tawag na ako pero hindi niya sinasagot.


"Ugh! Kier sagutin mo please?"

Apat. Lima. Anim. Pito. Wala pa din. Galit ba siya? Hala! Baka naman may nangyaring
masama sakanya? Baka inatake nanaman siya sa puso.

Nagmadali akong maligo at magbihis. Kinuha ko purse ko at phone saka tumakbo


pababa. Nakita ko naman si Wynner na may hawak na bola. Napatingin siya sa akin at
napakunot.

"Bawal kang lumabas, Avia." Sabi niya.

"Hindi. Si Kier kasi."

"May nangyari nanaman ba sakanya?"

"Hindi kasi siya sumasagot sa tawag ko."

"Pero mahigpit na bilin ng daddy mo na h'wag kang palalabasin."

"B-but--"

"No buts Avia. Hindi ka lalabas ng bahay. Pati, maraming bantay na nakapalibot sa
bahay. Kahit gusto kitang samahan, hindi takaga pwede."
"Kainis naman!" Nakanguso kong sabi.

"Pero may surpresa ko sayo. Tara?" Nakangiti niyang sabi. Sinuri ko naman mukha ni
Wy kung nagjojoke lang.

"Surprise? Para saan?"

"Para sana sa birthday mo kaso nakidnap ka kaya hindi natuloy." Kinuha niya kamay
ko saka ako giniya pataas sa kwarto niya.

Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto. Madilim. Naramdam kong bumitaw
siya.

"Wait. Wynner wala akong makita." I said.

"Nandito lang ako." Sabi niya. Bigla ko na lang naramdaman na excited ako. Hindi na
ako makapaghintay sa surpresa ni Wynner.

"Isa... Dalawa... Tatlo... Tadaa~"

I saw Wynner sitting at the middle of his bed at may hawak na gitara. Ang kwarto
niyang napupuno ng floating balloon at may mga picture sa dulo at yung iba mga
qoutable qoutes. Wala akong masabi. Ang ganda. At sobrang overwhelmed ang
nararamdaman ko. Si Wynner ba talaga 'tong kasama ko?

"Belated happy birthday, Mahal na Prinsesa." Nakangiti niyang sabi. I chuckled.


Tumayo siya sa higaan at kunuha ng isang balloon at ibinigay sa akin. He gently
tied it's sting on my index finger. "H'wag mong tutunawin ah." He kidded. Giniya
niya ako paupo sa kama niya. Halos hindi ko na makita ang ceiling ng kwarto dahil
sa iba't-ibang kulay ng lobo.

"This song is for you, Princess. I have a mixtape of all songs that is dedicated
for you and this song is my personal favorite. Listen."

♫♪Let me in

To see you in the morning light

To get me on and all along the tears they come♫♪

His eyes were closed. Nakatingin lang ako sakanya. Pangalawang beses na 'tong
kinantahan niya ako ah. Hindi ko talaga minsan maintindihan si Wynner. Minsan
mabait sa akin. Minsan naman masungit at madalas ang sama ng ugali kapag dating sa
akin.

♫♪See all come

I want you to believe in life

But I get the strangest feeling that you've gone away

Will you find out who you are too late to change?♫♪

He winked at me ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Napailing na lang ako


habang natatawa. Isa talaga sa quality niya ay yung kahit nakakainis na siya hindi
mo pa din mapipigilang hindi mamangha sa kagwapuhan niya. Hindi kasi nakakaumay ang
mukha ni Wynner eh. Bakit kaya wala pa 'tong nagugustuhan?
♫♪I wish I could be

Every little thing you wanted

All the time

I wish I could be

Every little thing you wanted

All the time

Some times♫♪

His expression changed. Parang may pinaparating siyang mensahe sa akin na hindi ko
maipaliwanag. Nalungkot yung mukha niya bigla. I'm confused. Nakikisabay pa sa gulo
itong dibdib ko na sobrang lakas ng kabog.

♫♪Lift me up

Just lift me up don't make a sound

And let me hold you up before you hit the Ground♫♪

I smiled at him but he didn't. Napaseryoso naman niya. Wasn't he happy? Kasi ako
masaya ako. With all these balloon and harana (?). And i will be a hypocrite kung
magdedeny ako.

♫♪See all come

You say you're all right

But I get the strangest feeling

That you've gone away - you've gone away

And will you find out who you are too late to change♫♪
Ginuhit ko daliri ko sa labi ko para ngumiti siya. Then there, he smiled. A weak
smile.

♫♪I wish I could be

Every little thing you wanted

All the time

I wish I could be

Every little thing you wanted

All the time

Some times♫♪

Bakit ba parang may kirot ang lyrics? Why are you doing this to me, Wynner?
Pinapagulo mo isipan ko.

♫♪Don't give me up

Don't give me up tonight

Or soon nothing will be right at all

Salvation

Will you find out who you are too late to change?♫♪

Gusto kong murahin ang nararamdaman ko. Hindi pwedeng ganito. Hindi. Mali 'to. I
hate him diba? So may possibility na mag-iba tingin ko sakanya?

♫♪ I wish I could be
Every little thing you wanted...♫♪

Halos mabulong niya lang na kinanta yung last verse. Nagkahinang lang ang mga mata
namin.

"I wish... I wish it was me, Avia." He said. I frowned with confusion.

Umiling ako sakanya. Hindi. Si Kier mahal ko eh. Siya ang gusto ko. Hindi ko
pwedeng lokohin si Kier.

Tumayo ako at tumakbo palabas ng kwarto niya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Nadatnan ko na lang sarili ko sa rooftop. I locked the door.

"WYNNER! THE VAMPIRE BOY WHO TOOK MY FIRST KISS! THE VAMPIRE I LOATHE THE MOST! BUT
WHY AM I FEELING INDIFFERENT TOWARDS HIM??! THIS IS WRONG! THIS IS ALL WRONG!" I
Shouted.

***

I secretly sneaked outside the house. I need yo see Kier. I need to confirm my
feelings. Magulo eh. Feeling ko magkakaroon ako ng migrain.

Pinuntahan ko ang Village nila kung saan niya ako dinala dati. Nadatnan ko ang
isang matandang babae na nagwawalis sa harap ng bahay nila.
"Hi po. Nandyan po ba si Kier?" Tanong ko. Tinignan muna ako nung matanda.

"Sino ka?" Mataray niyang tanong. Feeling ko ito si Manang Wenna na sinasabi sa
akin noon ni Kier.

"Kaibigan po ako ni Kier. Nandyan po ba siya?" I genuinely asked.

"Wala siya! Nasa mansion! Sino ka ba?"

"Ako po si Avia. Uhh, pakisabi na lang po dumaan ako." Sabi ko sakanya saka
tumalikod na.

Galit kaya sa akin si Kier? Bakit ba kasi hindi niya sinasagot mga tawag ko? Haaay.
Kier answer my call.

I was staring at my phone and waiting for a miracle na sagutin ni Kier ang tawag ko
pero wala. Hanggang sa bumuhos ng malakas ang ulan. Great! Just my luck. Naghanap
ako ng masisilungan and i saw a small shed 100 meters away from me kaya tinakbo ko
yun.

Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa frustation. Ayaw ko naman kasing pumunta
basta-basta sa mansion nila. Nakita ko ang mangilan ngilan na tao na tumatakbo din
para sumilong. Yung iba kahit nakapayong na naghahanap pa din ng masisilungan.
Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Parang kumikirot kasi eh. Ano 'to? May sakit na
din ako sa puso gan'un?

Ang ulan ay nahaluan ng kulog at kidlat. Feeling ko nawawalan nanaman ako ng


kontrol sa sarili. Parang gustong lumabas ng kapangyarihan ko. Kailangan ko itong
pigilan. Makakasakit ako ng tao kung magkataon.

Medyo kinakabahan na din ako kasi hindi ko mahupa ang ulan at kidlat. Sinabayan pa
ng kakaisip ko kay Kier. Pati na din si Wynner na nagpapagulo sa akin. Naghahalo-
halo na at feeling ko hindi na siya kayang i-contain ng puso ko.

Then i felt it again. The sting i felt kapag hindi ko na nakaya. Nanlabo ang
paningin ko at naramdam kong unti-unti akong bumabagsak sa lupa. Hinintay kong
maramdam ang pagbagsak ko pero para akong nasalo ng isang malambot na bagay. Bigla
kong naramdaman ang comfort at safetiness.

"What will you do without me?" I heard the voice says. I tried to regain my
strength but i failed. Nanghihina nanaman ako. I should have listened to Wynner na
hindi ko pa kaya ang katawan ko. "I'm here. You're safe now." I heard him say
before i passed out.

***

Lorelei's POV

Pauwi na kami ni Aric sa bahay. Naghahalong takot at kaba ang nararamdaman ko


ngayon. Sana lang ligtas si Tito Kent. Masyado ata akong naging makasarili at hindi
ko naisip ang kaligtasan ni Tito.
"Ano 'yang sa kamay mo Lorelei?" Aric asked me. Hawak ko ang pulang lubid na
ginagamit sa akin ni Trever para ma-possess ako.

"E-eto yung ginagamit ni Trever." Sabi ko.

"Ano?! Akin na nga 'yan!" Kukunin sana ni Aric pero inilayo ko 'to.

"Baka kasi... Kasi Aric kapag nagkagipitan ang hingin ni ako ni Trever kapalit ng
kaligtasan ni Tito--"

"Hindi yun mangyayari Lorelei! Don't you trust me?!" Ramdam ko ang iritasyon sa
boses ni Aric kaya natahimik ako. "Ok, sorry for yelling. Ayaw ko lang na
isasakripisyo mo ulit ang sarili mo para sa kaligtasan ng iba. So akin na 'yan.
Please?" Nag-aalinlangan na ibinigay ko kay Aric ang lubid.

Hinawakan niya yung lubid at laking gulat ko ng bigla na lang itong naging abo.

"Mas makapangyarihan ako kay Trever, kaya h'wag mo naman sana akong maliitin. Kasi
sa ginagawa mo, i felt like a useless vampire prince. Remember that i am the who
should protect you. Not you, got that?" Tumango ako sakanya.

Pagpasok namin sa sub, nagulat ako nang makita kong maraming kotse ng pulis sa
labas ng bahay. Agad akong bumaba sa sasakyan at hindi ko na nahintay pa si Aric.
Nakita ko si Yaya na umiiyak at yakap ang isa pa naming katulong. Hindi ko alam
pero bigla na lang tumulo ang luha sa mata ko. Hindi. Mali ang akala ko.

"Y-yaya." Halos walang boses na lumabas sa bibig ko. Napalingon sa akin si Yaya at
lalong naghagulhol nang makita ako.

"Hija." She cried.

"Y-yaya! A-ano po ang nangyari?! N-nasaan si Tito Kent?" Kabado kong tanong.

"Y-yung asawa mo Nyx, k-kasi kagabi may pumasok ditong mga hindi namin kilala. Nag-
aaway yung asawa mo at yung isang grupo ng lalaki. Tapos... tapos bigla na lang
nagkagulo..."

"YAYA! SABIHIN MO SA AKIN KUNG NASAAN SI TITO KENT!" Sigaw ko. Hindi ko na ata
kaya. Aatekehin na ata ako sa puso dahil sa nararamdaman.

"H-hinostage siya nung asawa mo nung nagkakagulo na sa loob. Hija masamang tao pala
ang napangasawa mo."

"YAYA!"

"Si Kent kinuha nung mga medics. May saksak siya sa tagiliran tapos-- Hija saan ka
pupunta?"
Hinanap ko agad ang ambulansya at doon ko nakita si Tito na pinapasok sa loob.

"Tito! Tito Kent!" I run towards him at nakita kong napupuno ng dugo ang damit
niya. Walang malay.

"Miss bawal ka po dito." Hindi ko pinansin ang lalaki. Napahagulhul na lang ako sa
nakita. Lahat ng nakaraan ko, kung paano pinatay ang magulang ko ay biglang
nagsidatingan sa utak ko. Para silang sirang plaka ng paulit-ulit sa utak ko.

Napahawak ako sa ulo ko habang naiiling. Hindi 'to maari! Hindi 'to totoo! Isa
lamang 'tong panaginip.

Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Aric sa likod. Humarap ako sakanya at
mahigpit ko siyang niyakap. Hindi ko magawang lumapit kay Tito Kent ngayon.
Natatakot ako.

"Pamilya ka ba niya, Miss?" Tanong nung lalaki. Napatango lang ako sakanya.

"Gusto mo bang sumama? 50-50 ang biktima at--"

"Sasama ako!" Tinignan ko si Aric.

"A-aric. K-kailangan kita ngayon." Pakiusap ko sakanya.


"Hindi kita iiwan. Pero sandali lang. May sasabihin lang ako kela daddy. I'll
teleport. Before you know it, nasa tabi mo na ulit ako." He kissed me on my
forehead bago umalis. Lumulan ako sa ambulansya at saka ko nakita ulit ang mukha ni
Tito Kent. I held his hand and begun to cry... again.

"Please don't leave me, Tito Kent. Ikaw na lang ang pamilya ko. Please."

Gagawin ko ang lahat mabuhay lang si Tito. Ikakamatay ko ata kung iiwan niya pa
ako.

***

Aric's POV

"Ano na dad?!"

"We captured Trever at dinala na siya ng Tito Cris at Tito Tom mo sa Vampire City
para ikulong. Ang trabaho ko ngayon ay para palabasin sa pulisya na isang
ordinaryong krimen lang ang nangyari." Nakita kong nakasuot si dad ng pang pulis na
kasuotan.

"Do what you need to do, dad. Lorelei needs me right now."

"Sige, ako na ang bahala dito."


Agad kong hinabol ang ambulansyang sinasakyan ni Lorelei. Nakita kong nasa loob na
sila ng compound ng hospital kaya sa loob na ako naghintay. Sinalubong ko si
Lorelei na nakasunod sa Tito niya. Inalalayan ko siya hanggang sa makarating kami
sa emergency room.

Naupo kami sa waiting area. Nakasubsub lang ang ulo niya sa dibdib ko. Kung kaya ko
lang palisin ang sakit na nararamdaman niya ginawa ko na.

"A-aric. Tell me mabubuhay si Tito. Please you have to tell me na mabubuhay siya."
She cried.

"He will live. Makikita niya pa ang mga anak natin eh." I tried to cheer her up.

"K-kapag hindi siya nabuhay... C-can you do me a favor?" She asked me. Napatingin
ako sakanya.

"Anything."

"Can you make him a vampire?"

...................................................................................
......................
HAPPY BIRTHDAY LUHAN! <3

XOXO

-Thyriza

####################################
Chapter 30 - Restless Worries
####################################

Chapter 30 - Restless Worries

Kier's POV

"Hijo, pumunta siya. Gaya ng sinabi mo, sabi ko wala ka." Sabi sa akin ni Manang
Wenna. Saka umalis.

Masakit man sa akin na layuan si Avia pero kailangan. Sa araw-araw ko siyang


makikita, mas lalo akong mahuhulog sakanya. At hindi 'yun maganda para sa akin.

Bawal sa akin maging malungkot. Pero bawal din sa akin maging masaya. At kapag
kasama ko si Avia, nagiging sobra-sobra ang kasiyahang nararamdaman ko na
pakiramdam ko ikakamatay ko na.

Bumalik si Manang Wenna na may dalang tray. Mga gamot ko na halos isumpa ko sa
tuwing makikita ko. Umupo ako sa pagkakahiga at ibinaba ko ang comforter na
nakabalot sa katawan ko.
"Oh eto na Hijo gamot mo. Bakit ba kasi ayaw mong magpa-admit sa hospital?
Napapadalas ata 'yang sakit mo sa puso ah." Naiiling na sabi ni Manang saka
inilapag ang tray sa bedside table.

"Ok lang po ako, Manang. Natural lang 'to." Sabi ko sakanyang nakangiti.

Ganito ang buhay ko kapag gabi. Ganito ako kapag hindi ako nakikita ni Avia. Gamot
ang buhay ko. Hindi pwedeng hindi ako makainom ng aking gamot at manghihina ako.

Nainom ko na lahat ng gamot ko nang makatanggap ako ng isang text galing sa unknown
number.

From: xxx

H'wag kang pa-importante! Kailangan ka ni Avia!

Napakunot ako ng noo. Sino naman 'tong nagtext? Hindi kaya may masamang nangyari
kay Avia? Kaya ba hindi siya nagparamdam sa akin ng tatlong araw?

Nagreply ako at tinanong ko kung sino siya. Nanlalamig ang kamay ko habang
nagtitipa ng message. Kinakabahan ako eh. Alam kong hindi ako pwedeng mag-alala
lalo na kung involve ang feelings ko dahil baka mas lalong umiksi ang buhay ko.

Naghintay ako pero wala ng reply. Nakakaasar naman! Tinawagan ko 'yung number ni
Avia pero unattended na. Walang silbi kung magtetext pa ako.

Nagulo ko tuloy buhok ko s frustation. Why do i have to live like a weak person?
***

Wynner's POV

Panay ang iyak ni Avia habang tulog. Sa iyak niya binabanggit niya palagi pangalan
ni Kier. Masokista mang masabi pero wala akong pakialam kung iba ang gusto niyang
makasama ngayon. Ang importante ako ang kasama niya. Kasi, mahal ko siya.

Kailan ba dadating na ako, Avia? Kailan dadating ang panahon na ako lang ang
hahanapin mo. That me Wynner, who stick by your side.

Bata pa lang kami inaasar ko na siya kasi interesado na ako sakanya. Hindi ko naman
siya pagtutuunan ng pansin kung hindi ko siya gusto. Akala ko kasi mapapansin niya
ako kapag ginawa ko 'yun. Mali pala ako kasi mas lalo siyang lumayo sa akin. Pero
syempre, hindi ako sumuko. Nandyan ako lagi sa tabi niya.

Nakakatawang isipin na naniwala ako sa love story nila mommy at daddy. The more you
hate the more you love ang peg nila nun. Dapat pala hindi ko ginaya ko si daddy.
Siguro sinwerte lang siya kay Mommy. Siguro kasi yun ang kailangan ni Mommy ang
makahanap ng katapan niya.

Bakit, kung naging mabait ba ako sakanya magugustuhan niya ako? Mamahalin niya ako?

Gaya ng dati, hinaplos ko ang noo niya habang natutulog. Nagiging paborito ko ata
ang ganitong scenario ah-- nakahiga siya habang ako walang sawang tinitignan ang
mukha niya.
"Why are you staring at me?" Nagulat ako ng magsalita siyang nakapikit.

"A--"

"Aish! H'wag ka ng magdeny dyan! Huli ka na eh!" Minulat niya mata niya at tinignan
ako ng nagtataka.

"Ikaw Avia ah! Nagiging assuming ka na!" Kunwaring inis kong sabi.

"Siguro nga." Biglang nalungkot ang mukha niya.

"U-uyy! Joke ko lang yun Avia ah!"

"Ok lang. Matamlay niyang sagot. Tumayo siya at sinuot ang bunny slippers niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Sa baba. Nakakabagot dito." Sagot niya at derederetsong lumabas. Napailing na lang
ako.
Kahit ginawan ko na siya ng surpresa, nararamdaman ko pa din na hindi siya masaya.

***

Lorelei's POV

Gusto kong magwala. Gusto kong magmura. Hanggang ngayon hindi pa gumigising si
Tito. Natatakot na ako. Kung pwede ko lang siyang alugin para magising na eh. Hindi
ko kayang nakikitang nakaratay siya at walang malay. Hindi ako sanay na makitang
mahina si Tito. Malakas siya eh. Alam ko yun at alam kong hindi niya ako iiwan.

"Mahal ko, magpahinga ka na." Sabi sa akin ni Aric. I almost forgot na kasama ko
pala siya.

"A-ayaw ko. H-hihintayin kong magising si Tito." Matigas kong sabi.

Sa isang buong araw ata isang beses lang akong nakakain at sandwich pa yun na hindi
ko naubos. Lahat ng pagkain na dinadala sa akin ni Aric hindi ko pinapansin.

"Pero ikaw naman niyang magkakasakit." Sabi niya. Hindi ko siya pinansin at
nakaharap lang kay Tito. Kaya ko ang sarili ko. Kakain ako kung gusto ko. Hindi
lang ngayon.

Parang magsasariling magsasara ang talukap ng mata ko kaya napagdesisyunan kong


matulog sa maliit na higaan sa gilid ni Tito. Umunan ako sa lap ni Aric.
Kahit tulog na ako hindi pa rin ako mapalagay. Parang bukas pa din ang diwa ko
kahit tulog ako. Naririnig ko pa din kapag bumubukas ang pinto. Naririnig ko pa din
ang mahinang tunog ng TV sa kwarto.

Nagising ako ng maramdaman kong pinupulikat ang kaliwa kong braso. Bumangon ako at
tinulungan ako ni Aric.

"Nagugutom ako." Sabi ko sakanya. Tatayo sana siya ng pigilan ko siya. "Ikaw na
lang dito. Baka hindi ko gusto ang orderin mo eh." Pinilit kong ngumiti sakanya.

"Sige-sige. Dito lang ako, Mahal ko." Nakangiti niyang sabi.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto saka bumaba at pumunta sa canteen ng hospital.


Pagdating ko sa canteen, agad akong natakam sa nakita kong pagkain na nakadisplay.
Parang doon ko lang naramdam ang gutom ko. Wala munang diet diet ngayon.

Marami akong in-order na food. Dito na lang muna ako kakain. Kaya naman siguro ni
Aric dun.

Gaano ko man gustong namnamin ang bawat subo ko sa pagkain pero kailanga kon
bilisan para makabalik agad ako sa taas. Uminom lang ako ng tubig saka bumili ng
junk foods para mamaya may makain ulit ako at para hindi na ako bumaba pa.

Sa escalator ako sumakay kasi marami ang sa elevator. Mas madali sana dun kasi
pagliko mo yung kwarto na ni Tito. Hindi kagaya dito sa escalator na tatlong nurse
station pa ang madadaanan mo bago ka makarating.
Malapit na ako sa kwarto nang makita kong may pumasok na mga nurse sa loob at may
dalang aparatus. Teka-- A-anong nangyayari?

Dali-dali akong tumakbo papasok. Nabagsak ko ang dala kong plastik bag nang makita
ko kung ano ang nangyayari sa loob.

"Miss bawal po kayong--"

"SHUT UP! PAPASUKIN MO KO!" Tinignan ko si Aric na pilit din'g pinapalabas ng mga
nurse pero masyado siyang malakas kaya hindi nila magawa.

"ARIC! ANO'NG NANGYAYARI?!!"

"Lorelei--"

"Sir, Ma'am. Labas na po muna kayo--"

"TITO KO 'YAN EH! ANO'NG NANGYAYARI SAKANYA?!" Halos naghehysterical na ako sa


loob. Lumapit sa akin si Aric at niyakap ako.

"Sshhh. He'll be ok, Mahal ko. H'wag kang mag-alala."


Umiiyak ako pero feeling ko wala namang lumalabas na luha. Napahawak na lang ako
bigla sa dibdib ko. Pakiramdam ko nagkakaroon ako ng panic attack.

"Titooo~" I cried. Nakikita kong nirerevive siya pero sumama lang katawan niya sa
Defibrillator na parang manika na sobrang gaan. Naramdam ko nanaman ang sakit.
H;wag please. H'wag niyo po siyang kukunin sa akin. Nakikiusap ako. Hindi ko kayang
mawala si Tito. Hindi ko na kakayanin. Ikakamatay ko na.

Napayakap ako ng mahigpit kay Aric when i heard the doctor announce the time of
Tito's death. Lumapit sa akin ang doctor and as if on cue, naramdaman kong parang
nanigas katawan ko at nag black out paningin ko.

***

"Tito eto pa po oh." Nilagyan ko ng napakaraming pagkain ni Tito Kent sa plato


niya. Alam kong gutom siya dahil matagal din siyang nakaratay sa higaan. Tumingin
lang siya sa akin at nginitian ako.

"You don't have to do this, Lorelei." He beamed at me.

"Malaki na po ako. Kaya ako naman na ang mag-aalaga sayo. H'wag magrereklamo Tito
ah." Sabi kong nakanguso. Tumawa naman si Tito. Ang sarap sa pakiramdam ng tawa
niya. Parang masaya siya eh.

"Lorelei, alagaan mo sarili mo ah. Ayaw kong nagpapagutom ka."


"Si Tito talaga. Kung makapagsalita parang mawawala." Natatawa kong sabi. Natahimik
naman siya.

Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. "T-tito..."

"H'wag mong kakalimutan na mahal na mahal ka ni Tito ah." Nakangiti siya ng


makahulugan.

Nakita kong unti-unting nagiging transparent ang katawan niya. Pinipilit kong
abutin siya pero parang ang layo naman niya. Gusto kong umiyak o sumigaw pero
parang wala ng boses na lumalabas.

H'wag! Please, h'wag!

"NOOOOO!" Napabangon ako bigla. Naramdaman ko ang bigat ng puso ko. Agad kong
ginala ang tingin ko. Nasaan ako? Para siyang makalumang kwarto.

Kinapa ko leeg ko at may suot akong isang kwintas. Teka, ito yung kwintas na suot
ko nung pumasok ako sa Vampire City.

Napatingin ako sa pintuan na dahan-dahan na bumukas. Nayakap ko ang sarili ko nang


maramdaman ko ang lamig na pumasok sa kwarto ko. Nakita kong pumasok si Queen
Ingrid sa kwarto. Nakangiti siya at may dalang tray na may pagkain.
"Kumusta na ang pakiramdam mo, Lorelei?" Nakangiti niyang tanong. Inayos ko upo ko
at nagbigay pugay sakanya. "Ano ka ba! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi
mo na dapat 'yan ginagawa?"

"P-pasensya na po." Nakayuko kong sabi.

"Hayaan mo na. Heto at kumain ka muna. Ako ang naghanda niyan."

"Bakit po ba ako nandito?" Tanong ko. Nag-bago naman yung expression ng mukha niya.

"Limang araw ka ng walang malay. Kapag gigising ka, nagwawala ka kaya binigyan ka
ng tranquilizer." Sabi niya.

Napahawak naman ako sa ulo ko. Wala akong maalala na may ganung nangyari. Ang alam
ko lang nung umiiyak ako kasi si Tito Kent ay--

"S-si... Si Tito Kent? N-nasaan siya? Nasaan ang Tito Kent ko?"

"Lorelei, relax. Your Tito is ok."

"Talaga po? Na-revive siya?" Queen Ingrid just beamed at me at hinawakan ako sa
kamay.
"Come with me."

Lumabas kaming kwarto at sabay na naglalakad sa mahabang pasilyo ng kaharian.


Nakita ko ang mga malalaking paintings na nakasabit sa wall. Mga iba't ibang
portrait ng mga dating namuno sa City nila. Sa baba ng paintings may label ng name
at year of reign. Sa dulo naman, may bakanteng space na nakalagay ang pangalan ni
Aric.

Napabuntong hininga na lang ako. Mataas ang expectation nila kay Aric at kailangan
ang mapangasawa nito ay isa din'g makapangyarihang nilalang. At hindi ako 'yun.
Masakit man na isipin, na walang certainty na maging kami, i still dreamt of us.
Like a normal family na sabay-sabay kumain. But i chose this. I had choosed the
path that made my life, not so ordinary.

The giant two door opened at napunta kami sa napakalawak na silid.

I was shocked to see my Tito Kent lying in a table like tablet. He's wearing red
cloak. Maputla siya na animo'y hindi nabibilad ng init. Bumaling ako kay Queen
Ingrid na nakangiti sa akin. I fowned at her.

"A-ano 'to?" Naguguluhan kong tanong.

"Your Tito Kent died 5 days ago." Magsasalita sana ulit ako pero naunahan ako ni
Queen Ingrid. "Nabalitaan kong hiniling mo kay Aric na gawing vampira ang Tito mo."
Napanganga lang ako sa sinabi ng Reyna. Hindi ko akalain na tutupadin ni Aric 'yung
hiling ko.

"Pero bakit po wala pa siyang malay?"


"Matagal pa bago siya gumising."

"Can he live like he used to? May business po kasi kami at--"

"Yes. Pwede siyang tumira sa mundo niyo." Nakangiting sabi ng Reyna.

Nilapitan ko si Tito at hinaplos ko ang malamig niyang balat. Ano na lang pala
gagawin ko kung wala ang pamilya ni Aric? Sana lang matanggap ni Tito ang nangyari
sakanya.

"Tara na Lorelei sa labas. Nasa bulwagan si Aric." Sumunod ako kay Queen Ingrid.
Pagdating namin sa baba, nakita ko si Aric kausap ang daddy niya. Ang lawak ng
ngiti niya na animo'y nanalo sa lotto.

"Mahal ko." Masaya niyang tawag sa akin.Lumapit ako sakanya at hinawakan niya
dalawa kong kamay.

"Salamat sa ginawa mo ah. You don't know how much it means to me seeing my Tito
alive." I sincerely said to him.

"Wala 'yun." Nakangiti niyang sabi. Nagkatinginan lang kami sa isa't-isa habang
nakangiti. Simula nung may nangyari sa amin, parang nagkaroon kami ng connection.
Alam niyo yun? Yun bang, tingin pa lang namin sa isa't-isa alam na agad. Ngiti pa
lang alam ng may ibig sabihin.
"Ehem! Sabihin mo na kay Lorelei ang magandang balita, Aric." Sabi ni King Hansel.
Napaiwas tuloy ako ng tingin. Nahihiya ako eh. Nakita ko namang napakamot ng batok
si Aric.

"He.he.he. Oo nga pala." Sabi niya.

"Tara na, Mahal na Reyna. Mag-uusap ang Prinsepe at ang Prinsesa niya."
Makahulugang sabi ni King Hansel. I heard Queen Ingrid giggles. Errr, nakakahiya
talaga.

"Bakit namumula ka?" Tanong ni Aric nung makaalis ang Mama at Papa niya.

"W-wala! Ano ba 'yung magandang balita na sasabihin mo?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Ah Oo. Eh kasi, diba nga nahuli na namin si Trever." Nag-iba yung pakiramdam ko
nung marinig ko ang pangalan niya. Bigla akong nainis na ewan.

"Wala akong pakialam sakanya, Aric!" Mariin kong sabi.

"I know that. It's just that, because of that, Nakakuha kami ng dugo niya kaya
pwede ka ng mahiwalay sakanya. Anytime soon hindi ka na magiging asawa niya."
Nakangiti niyang sabi. Para naman akong nakahinga ng maluwang.

"That's a good news." I answered.


"Yeah. Para tayo naman na ang ikasal."

Pang may libo-libong paru-paru na nagliparan sa loob ng tyan ko. My ghad! Iniisip
ko pa lang kinikilig na ako. Ang sarap kasing pakinggan eh. 'Yun bang, hindi mo na
kailangan ng romantic proposal kapag si Aric 'yung nagsalita. Simpleng 'Will you be
my Wife' lang ok na sa akin.

***

Avia's POV

"Hindi ako tatakas, swear!" Sabi ko kay Wynner. Tinignan naman niya ako kung
seryoso ko hanggang sa tumango siya.

"H'wag lalabas. Magpapasagip ka nanaman!" He said and smirked. Inirapan ko naman


siya. Hindi pa rin naaalis ang pagiging mayabang niya.

"Oo na! Ang kulit eh!"

Iniwan na ako ni Wy sa harap ng bahay. Naglalakad lang ako sa paligid pero hanggang
gate lang ako. Hindi daw ako pwedeng lumabas. At parang ayoko din'g suwayin ngayon
si Wynner. Wala akong ganang makipagdebate sakanya.

"Bawal ka nga dito!" Rinig kong sabi nung gate. Madilim na kaya hindi ko makita
kung sino ang kasaup niya sa may labas ng gate.
"Gusto ko lang makausap si Avia. Sige na po!" Napakunot ako. That voice sounds
familiar.

"Prinsesa Avia! 'Yan ang itawag mo sakanya! Walang galang!"

OMG! Si Kier.

Agad akong napatakbo palapit sa gate. Si Kier nga. Nagkatinginan kami pareho at
nakita ko ang tipid na ngiti na sumulay sa labi niya.

"Papasukin niyo siya!" Utos ko.

"Sige po, Mahal na Prinsesa." Binuksan yung gate at agad kong sinalubong si Kier ng
yakap. Mahigpit na mahigpit a ikinagulat niya. Miss na miss ko siya eh. Halos
sampung araw ko na din siyang hindi nakikita eh.

"Avia. I'm sorry! I'm sorry ngayon lang ako nagkalakas ng loob para puntahan ka."
Sabi niya habang yakap ako. Kumalas ako sa yakap ko at tinignan siya. I slowly lift
my hands at hinaplos ang makinis niyang balat.

"Ok lang. Kumusta ka na?" Tanong ko. Ngiti lang ang sinukli niya sa akin. Napakunot
tuloy ako. May iba akong nararamdaman.
Nagulat ako ng bigla siyang namutla at nawalan ng kulay ang mapupula niyang labi.

"K-kier? Ayos ka lang?" Tumango naman siya.

"M-may itatanong l-lang sana a-ako sayo." Hirap niyang sabi.

"T-teka! Pumunta ka dito at masama ang pakiramdam mo? Ano ba Kier!" Again, he
smiled at me. Natatakot na ako.

"A-a...A-avia. W-will you M-m...M-marry me?" Nagulat ako sa tanong niya. I saw a
tear was about to fall on his cheeks. Parang slow motion sa akin ang lahat. Nakita
kong dahan-dahang pumikit ang mga mata niya. Mabuti na lang at mabilis ang reflex
ko kaya nasalo ko siya.

"K-kier! OMG! Kier! Wake up! Kier wake up!" Inaalog ko pisngi niya. Natatakot ako.
Napatingin ako sa paligid. Gusto kong sumigaw pero parang may bumabara sa lalamunan
ko.

Naiyak na lang ako habang yakap ko siyang nakaupo. Hindi! Hindi 'to maari!

"H'wag mo kong iiwan!" Halos anas ko lang na nasabi. "Kier... I love you."

-----------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------
A.N: Bakit ba feeling ko uso ang nakaratay sa story na 'to? HAHA. Nakakainis ano?
Lahat na lang heartbreaking. Achuchuchu~

Sa gilid si Tito Kent. Ang gwapo niya ano?

PS: Gagawan ko ng Side Story si Tito Kent. Siguro kapag tapos na 'tong Book 2. May
naisip na kasi akong ipapartner sakanya eh. Mehehehe. Tapos baka Non-teen
fiction/Vampire siya kasi matured na si Tito Kent.

Follow me: @theRealThyriza

Add me: Thyriza Wattpad

#VCNYOVS

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 31 - Be my girlfriend, or leave the Carriage
####################################

Chapter 31 - Be my girlfriend, or leave the Carriage

Wynner's POV

Dali-dali akong tumakbo palabas ng marinig ko ang sigaw ni Avia. Ano nanaman ba'ng
nangyari? Sinabihan ko na siyang h'wag lalabas eh! Ang tigas talaga ng ulo niya!

"Avia! Avia ano'ng nangya--" Natigilan ako ng makita siyang yakap si Kier na walang
malay. Lalapitan ko sana sila pero napako ang paa ko nang paulit-ulit niyang
sinasambit ang salitang gusto kong marinig mula sa kanya para sa akin.

"Please wake up, Kier. Hindi ko pa nasasabi sayong mahal kita!" Sh cried.

Masakit. Nakakagago lang eh! Napatingin siya sa akin at humihingi ng tulong ang mga
mata niya.

"W-wynner... Wy tulungan mo ako!"

Walang imik na nilapitan ko sila. Hospital ang makakatulong sakanya inutusan ko


yung guard na kunin yung sasakyan.

Sabay naming binuhat si Kier papasok sa kotse. Pareho silang nasa likod habang
nagda-drive ako.

Agad kaming in-assist ng mga nurse ng makapasok kami sa hospital. Naawa ako kay
Avia at kung bakit sa isang mahinang lalaki pa siya nagmahal. Sa lalaking hindi
siya kayang ipagtanggol. I grab her hand saka ko siya niyakap ng mahigpit.

Oo nagseselos ako kasi mahal niya si Kier. Pero hindi ako ganun kasama para isipin
ang sarili. Mahal ko si Avia at kung saan siya masaya, doon siya. No pressures.

"He'll be alright. Don't worry."


Halos tatlong oras ang hinintay namin sa labas ng ER. Avia called Kier's Lolo na
nasa Cebu pala kaya uuwi 'to ng wala sa oras. Nilipat si Kier sa Intensive Care
Unit at araming aparatus na nakakabit sakanya. Somehow, i pity the guy. Masyado pa
siyang bata para maranasan ang ganitong buhay.

Umupo si Avia sa gilid ni Kier at tumayo naman ako sa paanan niya nang lumabas ang
Nurse. Masakit man sa akin ang gagawin ko pero kailangan. I need to heal him sa
abot ng aking makakaya.Walang assurance na mapapagaling siya at gaya ng dati,
maaring bumalik ulit sakit niya. Lahat ng kapangyarihan ay may limit at hindi namin
kayang kontrolin ang buhay ng tao. Hindi ko kayang bumuhay ng patay na. Kapag
nireject ng katawan ng tao ang healing power ko, wala na akong magagawa. Ibig
sabihin nun, hayaan na siyang mamatay. Ayaw niyang magamot.

"Let me heal him." I said. Napatingin sa akin si Avia.

"You can't Wynner. Mapapahamak ka. You can't heal a person twice. Ikakamatay mo."
Nag-aalala niyang sabi. Or feeling ko lang yun. Masarap kasing isipin na nag-aalala
din sa akin si Avia.

"But you need him." I insist.

"Naniniwala akong lumalaban si Kier." Sabi niya. Napatango na lang ako.

Nahihiling ko na sana ako na lang sa kalagayan ni Kier. Weak but atleast, Avia will
love me.

Hindi ko akalain na dadating sa punto na ang isang kagaya kong vampira ay mate-tame
ng isang Damphyr. How pathetic.
Nakatungong papalabas ako ng ICU ng tawagin ako ni Avia.

"Bakit?" I said polite, but in a way that is cold and formal.

"W-wala." Binalik niya tingin niya kay Kier. Dali-dali na akong lumabas at tuluyang
iniwan ang dalawa. They don't need me there. Mas gugustuhin nilang mapag-isa,
without me.

***

Avia's POV

I wanted him to stay. I badly need him to stay pero hindi 'yun ang lumabas sa
bibig. Pero tama na din sigurong umalis siya kesa sa paguluhin niya ang magulo kong
puso.

I gently massage Kier's hand. He's so warm. A sign that he's alive. He will and he
should.

I was examining his face and memorizing every part of it nang makita kong gumalaw
ang talukap ng mata niya. I was astounded. For a minute hindi ako nakagalaw at
tinitignan ko lang siya na animo'y kinukumpirma kung tama nga ang nakita ko.

"A-avia.." His voice were hoarsly.


"Kier! Ok ka na ba? Nauuhaw ka ba? You want something to eat? Oh wait, i'll call
the doctor." Tatayo na sana ako nang pigilan niya mga braso ko. Napatingin ako
sakanya at nakita kong nakangiti siya.

"Kier--"

"Masaya akong makita ka. Belated Happy Birthday." Tuluyan akong naiyak. Bigla ko na
lang siyang nayakap habang nakahiga. Bakit ganun? Siya may sakit pero ako itong
iyakin.

"Pinakaba mo ako. H'wag mo 'yun gagawin ah. Ako pa ata unang mamamatay sayo eh!" I
whined. I heard him chuckled. Oh how i miss those laugh.

I am seeing him winced from once in a while kaya nag-aalala ako. He's not fully
recovered. Kaya kahit ayaw niya, tinawag ko ang Nurse ni Kier pati yung doctor.

"Kumusta ka na, Kier?" Tanong nung Doctor.

Tipid naman siyang ngumiti at napapahawak sa dibdib. Nakiya kong ni-check ng Nurse
ang Vitals niya. Bumaling naman sa akin si Kier at tumingin.

"Avia, pwede mo ba kaming iwan muna?"


"Ha? Ah oh sige. Dyan lang ako sa labas." Sabi ko tsaka lumabas.

***

Aric's POV

Nandito ako sa Veranda ng palasyo at pinagmamasdan ko lang si Lorelei na


nakikipaglaro sa mga kaibigan ni Avia. Masaya akong makita siyang masigla. Mukhang
nakalimutan na niya ang trauma niya.

Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti. What will happen to my boring life kung
hindi ko siya nakilala? For sure boring pa din. Lorelei brings nothing but
happiness to me.

Nakita kong pinapaligiran siya ni Smitt at ng kapatid nito. Tuwang tuwa sakanila si
Lorelei. I just hoped my Sister was here. Mag-eenjoy din yun kasama si Lorelei at
sila Smitt.

Nilagyan nila ng flower tiara sa ulo si Lorelei. Nagmukha siyang Dyosa sa paningin
ko. Nadadala ako sa mga ngiti niya.

"She's something, huh?" Napalingon ako sa nagsalita.

"Dad."
"How is she?" Tumingin siya sa direksyon ni Lorelei.

"She's doing fine." I said.

"She's now your source of happiness, Aric. You need to protect her." Dad said.

"Trever is in jail already. Nothing to worry about, Dad."

"H'wag kang kampante. Isang komplikadong buhay ang pinasok ni Lorelei. Marami
kayong haharapin. Lalo na ngayon." Seryoso niyang sabi. Napatingin ako sakanya na
nagtataka.

"Ano po'ng ibig niyong sabihin?"

"The Elders, Aric. Tutol sila sa pakikipagrelasyon mo sa tao." I was taken aback.
"We can't just ignore the Tradition of Elders, Aric."

"B-but... H-how... W-what will i do?" Napatingin ako sa gawi ni Lorelei na nakaupo
sa wooden bench.

"I talked to the Elders. I told them you're not ready to marry to be a King." He
sighed. "Alam kong mahal mo si Lorelei. At hindi namin 'yun hahadlangan ng Mommy
mo. You know we support you. Hanggang sa makakaya ko, gagawan ko ng paraan para
hindi nila hilingin na ipakasal ka sa iba."
"How about Lorelei?"

"Leave this problem to me, Aric. I'll stall them. Hindi ako mawawalan ng alibi
sakanila. Besided, i am the King. Just trust me, Son." Tumango ako kay Daddy. For i
thought eerything will be ok. Pero heto nanaman, may panibagong problema nanaman.

"Pero pwede ka nilang alisin bilang Hari kung pakikialaman mo ang tradisyon, Dad."
Sabi ko.

Elders. Kung baga sila yung mga gumagawa ng mga Policy. Parang mga ministro na may
karapatang tanggalin ang Hari kung hindi nila nagustuhan ang pamumuno nito.

"That... will not happen." He patted my back.

Bigla namang napatingin sa gawi namin si Lorelei at kumaway ito. I waved back.

"Go with her. You need quality time before i send her back to her own world." Daddy
said.

"Ha?"

"Kakausapin natin ang Elders. Pero kailangan mo munang layuan si Lorelei." Nanlaki
mata ko.

"Is that necessary? H-hindi! Hindi ko kaya!"

"Kayanin mo Aric! Believe me son i know what you feel. Iniwan ko din ang Mommy,
beyond my expectation pa! So makinig ka sa akin. Hayaan mong maging tahimik ang
buhay ni Lorelei. Kapag ginalaw siya ng Elders para masunod ang gusto nila, may
magagawa ka ba? Isipin mo, itong gagawin mo ay para sa inyong dalawa din."

Napasuntok na lang ako bigla sa Pillar. Fvcking Elders. Nawala na nga sa landas ko
ang fvcking Trever na yun! 'Yun pala may kasunod pa!

***

Lorelei's POV

Nagtataka akong makitang seryoso ang mukha ni Aric. Kanina lang nakangit siya.
Mukhang seryoso ang usapan nila ng daddy niya ah.

"Gusto niyo ba akong makitang mag-magic Miss Lorelei?" Masayang sabi ni Smitt kaya
nabaling tingin ko sakanya. Ngumiti ako saka tumango.

"Gusto ko 'yung mabibilib ako ah." Nakangiti kong sabi.

"Ay Oo naman po." Sabi niya tapos bigla na lang siyang umikot. "Tadaa~ Pareho na
tayo ng damit. Hihihi."
"Wow! Kaya mo din bang gayahin hitsura ko?" Mangha kong tanong.

"Ay hindi po pwede. Magagalit ang Mama ko." Sabi niya.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo ah." Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Aric na


nakatayo.

"Uy! Halika upo, dali." I giggled. Tumabi siya sa akin at nakita kong kinikilig ang
mga kapatid ni Smitt. "Seryoso ata usapan niyo ng Dad mo." Sabi ko sakanya.

"H-ha? Ah wala 'yun. About sa Palace lang." Sabi niya.

"Ah. Eh kailan ba magigising si Tito Kent? Ay wait nga pala, 'pag gising niya ba
sama pa din siya? I mean 'yung mabait at malambing na Tito?" Nag-aalala din kasi
ako at baka makalimutan ako ni Tito eh. O baka naman magbago pakikitungo niya sa
akin.

"He'll be fine, Lorelei."

"Sabagay, si Queen Ingrid nga mabait pa din kahit isang Vampress na siya." Sabi ko.
Tumingin ako kay Aric. Nakangiti siya pero parang pinipilit lang. Nararamdaman ko
eh. Alam kong may pinoproblema siya ngayon. At alam ko din'g wala siyang balak
sabihin sa akin. Kasi dapat ngayon pa lang sinasabi niya na.

"Lorelei, kapag gising na ang Tito mo, pwede na kayong bumalik sa inyo." Sabi niya.
Medyo nagulat ako sa sinabi niya. G-gusto niya akong umalis dito? Ayaw niya na ba
akong makasama?

"G-ganun ba? Sige. No problem." Sabi kong nakangiti sakanya kahit deep inside may
iba. Praning na kung praning pero alam kong may tinatago sa akin si Aric.

"Lorelei? You look tense. Believe me magiging ok ang Tito mo." He patted my back.
Eh hindi naman 'yun ang iniisip ko eh!

"Haha. Oo nga." Tumayo ako saka pinagpag ang shorts ko.

"Saan ka pupunta?" He asked.

"May itatanong lang ako kay Queen Ingrid." Nakangiti kong sagot.

"Samahan na kita. Nasa Pavillion siya."

"Ay hindi na. Ako na lang. Kaya ko namang hanapin. Sige bye." Sabi ko saka dali-
daling tumakbo paalis.

Bakit nga ba gusto kong makausap si Queen Ingrid? Ewan ko din. Masakit kasi kapag
may tinatago sa akin si Aric. Alam kong hindi dapat pero gusto ko lahat ng problema
niya sinasabi niya sa akin. Ganun ang nafe-feel ko. I know i don't have that right.
Pero diba ganun tayo'ng mga girlfriends? Gusto natin alam natin lahat? Ugh!
Nakakabaliw. Siguro kasi vampire siya at tao ako kaya hindi niya alam ang mga
emotional stress na mararamdaman ng isang girlfriend kapag may tinatago ka.
***

Kyla's POV

"Miss Marquez, tell Miss Park na kapag hanggang bukas na hindi pa siya pumasok i'll
drop all her subject! Lahat ng subject instructor niya nagrereklamo na!" Sabi sa
akin ng Department Dean namin.

"Ma'am kasi po--"

"H'wag mo ng ipagtanggol ang kaibigan mo, Miss Marquez. This institution will not
tolerate a kind of student like Miss Park. She's already a Candidate for
expulsion!"

Nakayukong lumabas ako ng office ni Dean. Naaawa tuloy ako kay Nyx. Ang sabi sa
akin ni Edric tinext daw siya ni Aric at ok na daw si Nyx at nakulong na din si
Trever.

Lalo na ngayon na sinabi sa akin ni Edric na namatay 'yung Tito niya dahilan ni
Trever. Bwesit talagang lalaking 'yun! Kumusta na kaya siya? Wala man lang akong
magawa na isang bestfriend.

Pagbaba ko ng College Building, i saw Edric waiting for me in the School lobby.
Lihim akong napangiti. Seneseryoso niya talaga ang panunuyo sa akin.
"Hey." Masigla siyang kumaway sa akin.

"H-hey." Sagot ko.

"Sorry wala akong flowers ngayon. Sobra kasi akong nagmadali tapos--"

"Edric. Ok lang. Ayaw ko din'g maging flower shop ang kwarto ko." Natatawa kong
sabi sakanya. Naramdaman ko namang naging ease siya kaya napangiti na siya sa akin.

"May balita na pala ako sa Tito ni Lorelei." Sabi niya.

"Talaga? Kailan libing? Saan nakalamay si Tito Kent?" Sunod-sunod kong tanong.

"Ah... Actually h-hindi siya patay."

"Huh?"

"He was turned into a vampire." Halos manlaki mata ko. Teka, tama ba 'yung narinig
ko o niloloko nanaman ako ng tenga ko. "Hindi pdaw siya nagigising pero malapit na.
Masaya naman daw si Lorelei at siya pa nga daw ang humiling na gawin 'yun." Sabi
niya pa.
OMG! Kung ganun vampire na si Tito Kent? Ang napaka-gwapo, macho at mabait na si
Tito Kent. Parang hindi ko ata ine-expect 'yun ah.

"Nasa Vampire City ba si Nyx? Hindi ba siya uuwi? Hinahanap na siya ng mga
Instructors namin eh."

"Uuwi din 'yun. H'wag kang mag-alala." Nakangiting sabi sa akin ni Edric.

Naramdaman kong hinawakan ni Edric kamay ko. Para akong nakuryente sa malamig
niyang kamay. Lagi na lang ganun epekto niya sa akin. Parang hindi pa din ako sanay
sakanya. Nakakakilig na ewan. Nakakainis din kasi parang laging may circus sa tyan
ko.

"Date ulit tayo." Sabi niya. Napaangat ako ng tingin. Kapag kasama ko siya laging
nananakit ang leeg ko. Ang tangkad kaya niya!

"Saan?"

"Kahit saan. Ano ba'ng gusto mong gawin ngayon?"

"Hmmm. Ah alam ko na"

Walang sasakyan. Walang commute commute at nakarating kami sa Tagaytay. Napanganga


ako nang makita ko ang amusement park doon. Pangarap kong makapunta sa ganito eh.
"Sakay tayo dun?" Tinuro ko yung napakalaki at napakataas na Ferris Wheel.

Natutuwa ako at game na game din si Edric na sumakay. Bumili kami ng ticket which
is mahaba ang pila kaya siya pinabili ko. The perks of having a vampire suitor kasi
everything happens in a flash. Kaya hindi siya pumila. Nakita ko na lang na may
hawak ticket.

Sumakay kami sa Carriage ng ferris wheel. Every 2 to 3 minutes tumitigil ito


hanggang sa marating namin ang tuktok. Ang ganda ng view. Since mag-gagabi na, kaya
marami ng ilaw sa paligid. Kita ko din yung bundok.

"Ang ganda. Sana tagalan pa dito sa taas." Nasabi ko na lang.

"Talaga?"

Napatingin ako sakanya. Bigla niyang pinikit ang kanyang mga mata. Napakunot ako.
Inaantok ba siya? Boring ba akong kasama? Nakangiting minulat niya mata niya.

"Look." Tinuro niya 'yung sa baba.

Nanlaki mata ko nang makita ko'ng hindi gumagalaw ang mga tao sa baba. 'Yung merry
go around na umiikot din ay nakahinto. 'Yung nag-ooperate nitong ferris wheel
nakanganga kasi may kausap siya. Napatingala ako at pati 'yung mga ibon na grupong
lumilipad, parang estatwa sa taas.
"Ano'ng... Ano-ng nangyayari?" Kunot kong tanong.

"Para mas ma-enjoy natin dito sa taas." Sabi niya tapos lumapit sa akin ng dahan-
dahan.

Hala?! OMG! Baka plano niya 'to! Gagawin niya na ba akong hapunan? Sinadya niyang
patigilin ang mundo para masolo niya ako at inumin ang dugo ko. WAAAAH~

"Did i tell you na nakakabasa ako ng iniisip ng tao?" He smirked.

"H-ha? E-edric... Haha. A-ano ba--" Nauutal na ako sa sobrang kaba dahil isang
dangkal na lang ang layo niya sa akin.

"Hindi ko gusto ang iniisip mo tungkol sa akin." Hindi nawawala 'yung nakakabighani
niyang ngisi sa labi. Huhuhu. Help me! "And i think you should be punished." My
eyes widened. He grip my waist at inilapit sa kanya. Ang lapit ng mukha ko sakanya.

"E-edric..."

"You only have 2 choices to choose for your punishment." He grinned. Napalunok ako
ng malalim.

"A-ano yun?" Namamalat kong tanong. Wow Kyla ah! Gagawin ka na ngang hapunan nagawa
mo pang magtanong.
"Be my girlfriend, or leave the Carriage."

____________________________________________________________

A.N: Hahaha. Ang sabaw ng update ko ngayon. Tinatamad talaga ko eh. Ang init kasi
plus stress sa buhay. Pigang piga na nga utak ko kung ano ia-update ko eh. Tapos
lagi pang masakit ulo ko kasama ang mata. Magsasalaming na ata ako. :((

May napapansin ba kayo sa story? Kasi ako meron.

May ni-post akong Overview ng aking Next story entitled 'Feng Shui Awakening' Nasa
external link po siya. Pa-click na lang

PS: Next update will be the POV of Queen Ingrid. Short lang naman. kekeke~

Shoutout to Miss Erika Ramos Dacanay, salamat sa supporta and don't call me Ma'am,
Ate Thy na lang :)). HAHA

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 32 - Mystery
####################################

Chapter 32 - Mystery

Queen Ingrid's POV

Nasa bulwagan kami ngayon at kausap namin ang ilan sa mga Elders. Seryoso lang
naming pinapakinggan ni Hansel ang mga hinaing nila tungkol sa pagkakaroon ni Aric
ng isang Nobya na tao.

"Bigyan niyo ng panahon ang Prinsipe. Mag-uusap lang kami ng Mahal na Reyna tungkol
sa bagay na ito. Makakaalis na kayo." Sabi ni Hansel sa mga Elders.

"Masusunod, kamahalan." Sabi nila sabay umatras saka tumalikod.

Napahawak na lang ako sa sintido dahil sa mga Problemang haharapin ng anak namin ni
Hansel. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa likod koo at parang inaalo ako.
Napatingin ako sakanya at nagtatanong ang mga mata kung ano ang gagawin namin.

"Ingrid, h'wag mo na munang isipin ang mangyayari. We'll solve this for our Son.
Gagawa tayo ng paraan." He beamed at me. Somehow, parang gumaan ang pakiramdam ko.
Naniniwala akong malulutas namin 'to. Marami kaming pinagdaanan at ang bagay na ito
ay wala kumpara sa mga problemang hinarap namin. Pero ibang usapan kung si Aric na
ang invloved. Matigas ang ulo ni Aric na hindi ko alam kung kanino niya minana.
Paano kung hindi niya sundin ang gusto namin?

"Kinausap ko na siya kanina. Pero hindi ko pa nasasabi ang balak natin. I told him
na kailangan niya munang layuan si Lorelei pero mukhang ayaw niya. Hindi ko alam
ang tumatakbo sa isipan ng Anak natin, Ingrid."

"Para naman sakanilang dalawa ito eh."

Balak naming ipadala sa Italy si Aric at doon mag-aral muna. Kapag kasi nag-aaral
siya, hindi siya pipilitin ng mga Elders na magpakasal sa isang Vampirette. It's
just a matter of time. 'Yan ang kailangan nila. Wait for each other.
"Pero pagmamahal ni Aric kay Lorelei ang nangingibabaw sakanya ngayon." Hansel
insisted.

"Hindi nga niya pwedeng suwayin ang utos natin! Kung ayaw niyang mabawian siya ng
korona ng mga Elders kailangan niyang sumunod! Alam mo naman 'yun diba?"

"How about Lorelei? Should we tell her?"

"The Elders already warned us about this, Hansel. Hindi nila gagalawin si Lorelei
lalo na ngayon..." I trail off. Tumingin ako sa paligid. I tiptoe saka ako lumapit
sa tenga ni Hansel saka bumulong.

"W-what?" Mahina ngunit mariin niyang sabi. Napatango ako.

"How? Why? P-paano niyo nalaman?"

"Si Erina. Nabasa niya."

"So It talked to her?"

"Yes. Amazing, but yes."


Hindi makapaniwala si Hansel sa sinabi ko. Ako man. Nung nalaman ko kay Erina hindi
rin ako makapaniwala.

"Wow! Should we tell Aric?"

"Then what? Bibigyan mo lang siya ng dahilan para hindi sumunod sa atin. We'll send
Aric to Italy and protect Lorelei at the same time, ok?"

"Kung ako ata ang anak natin hindi ko 'yun kakayanin. Imagine you are Lorelei tapos
iiwan kitang ganyan ang kalagayan?" Gusto ko namang matawa sa sinabi ni Hansel.

"Aba! Nag-salita! Iniwan mo naman ako noon ah! Mas worst ka pa nga kasi hindi mo
man lang sinabi sa akin! Hmp!"

"Eeee! Ang Reyna ko nagtatampo." Bigla na lang niya akong niyakap. I snuggled to
him.

"Pero Hansel, hindi ka ba nag-aalala sa anak natin?" Tanong ko habang nakayakap


sakanya.

"Nag-aalala din. Lalo na kay Avia na nasa luwas. Pasalamat na lang nga tayo kay
Wynner eh." Napatango naman ako.

"Oo nga."
"Pero as long as na buo tayong pamilya. Lahat ng pagdadaanan natin, makakaya natin.
Wala atang sinusukuan ang Pamilya Kang!" Umakbay sa akin si Hansel at inamoy ang
buhok ko. "Asawa ko." Malambing niyang sabi.

"Bakit?" Sabi ko.

"Gusto mo, gumawa ulit tayo ng isa pang Little Aric at Little Avia?" Nakangisi
niyang sabi.

"Heh! Tumigil ka nga! Kung kailan isang dekada na ang mga anak mo saka mo pa 'yan
naisip?!" Irap ko sakanya.

"Hehehe. Babakasakali lang. Ikaw talaga."

"Tss." Siniko ko siya pero tumawa lang.

Kahit sobrang tagal na naming nagsasama ni Hansel, pakiramdam ko isip teenager pa


din kami. Hari at Reyna nga kami pero kapag nabibigyan kami ng pagkakataon na
makatakas sa mabigat na responsibilidad, bumabalik pa din ang dating Hansel at
Ingrid na kilala ng lahat.

***

Avia's POV
Napatakip ako ng bibig ng marinig ko ang sinabi ng doctor kay Kier. Hindi maganda
mag-eavesdrop pero hindi ko naman hahayaan na maging clueless ako. Alam ko naman
kasing hindi 'yun sasabihin sa akin ni Kier eh.

Napaupo na lang ako sa waiting area. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Ayoko.
Hindi ko kaya.

"Hindi na maganda ang lagay ng puso mo, Kier. Did you tell your Girlfriend?" I
heard the Doctor say.

Napabuntong hininga na lang ako. Nasasaktan ako eh. Sobrang sakit.

"She doesn't have to know." Sagot ni Kier. "I want to spend my remaining life with
her without thingking about my health." He added.

Hindi ko na kaya. Napatakbo ako. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang kanina
pang dumadaloy. Until i bumped someone. Someone that is giving me comfort.
Napaangat ako ng tingin and saw Wynner. Malamlam siyang nakatingin sa akin na
animo'y dinadamayan ako sa sakit na nararamdaman ko.

"Let me hug you, Avia." He whispered. Mas lalo akong napahagulhol. Paano na lang
kung wala si Wynner? Baka nag-break down na ako sa sobrang sakit na nararamdaman.

"Ayoko siyang mawala sa akin. Wynner!" Nararamdaman kong hinahaplos niya likod ko.
"Sshhhh... Magiging ok din ang lahat, Avia."

"I need to do something, Wy. Will you help me?" Kumalas ako sa yakap niya.

"Oo naman. Anything for you."

***

Lorelei's POV

Halos takbuhin ko ang silid na kinalalagyan ni Tito Kent nang ibalita sa akin ni
Aric na gising na siya. Excited na akong mayakap ang Tito Kent ko.

"Lorelei..." Nakangiting lumabas si Aric sa silid ni Tito. He gave me a nod na


pwede na akong pumasok. Tumakbo ulit ako papasok at sinugod ko ng yakap ang Tito
Kent ko. Napaiyak na lang ako sa sobrang tuwa. Buhay na ulit ang Tito ko.

"Namiss kita Tito." Sabi ko after the hug. Hindi siya umimik bagkus tinignan lang
ako. Sinuri ko ang mukha niya. Kagaya ng mata ni Aric, color blood na siya. Ang
makikinis niyang balat ay mas lalong kuminis na animo'y kagaya sa Wax museum.
Maputla na din siya na parang isang taong hindi nabilad ng araw.

"Let's go home." Nagulat ako sa lamig ng boses ni Tito. Matagal ko siyang hinintay
tapos 'yun lang ang sasabihin niya? Tumayo siya and left me dazed.
"T-tito--"

"Come on, Lorelei. We need to go home." Sabi niya habang naglalakad.

Sumunod ako sakanyang naguguluhan. Bakit siya ganun? Para tuloy gusto kong umiyak
at maglupasay para pansinin ako ni Tito. But i am not a kid anymore. Baka mas
magalit and worst, hindi ko alam kung ano ang mga kaya niyang gawin.

"Try to understand him, Lorelei. Remember hindi na siya tao." Aric reminded me.
Nakasunod pala siya sa akin.

"U-uuwi na kami. 'Yun ang gusto ni Tito. Ihahatid mo ba ako?"

"Of course.Tara na at para makapagpahinga ka na din sa inyo."

Hinatid kami ni Aric gamit ang kotse niya. Si Tito nasa likod ng inuupuan ko at
tahimik na nagmamasid sa madadaanan namin. Hindi ko naman mapigilang hindi
magbuntong hininga. Hanggang kailan siya magiging ganyan? Paano kung 'yan na ang
ugali niya forever?

Nakarating naman kami sa bahay. Para ngang ayaw ko ng pumasok eh. Madami lang akong
maaalala na masasakit na bagay. Pumasok kami sa loob at dumeretso lang si Tito sa
library kung nasaan ang opisina niya.
Sinamahan naman ako ni Aric sa kwarto. Kung ano ang hitsura niya nung iniwan ko
siya, ganun pa din.

"It's safe here. Pwede ka ng magpahinga." He said. Medyo malalim na din ang gabi
kaya nakakaramdam na ako ng antok.

"Don't leave me. Please stay with me tonight." Sabi ko. I heard him sigh. Niyakap
niya ako ng mahigpit. This time, iba ang naramdaman ko. Why is it that i have this
feeling that something will happen. I don't know. Woman's instinct maybe. Pero
kakaiba 'yung mga yakap ngayon ni Aric eh.

Tinulungan niya akong mahiga sa kama ko saka ako kinumutan.

"Dito lang kao. Matulog ka na." He whispered bago niya hinalikan ang noo ko.

"Good night, Aric." I said before closing my eyes.

Hindi ako sigurado kung mali ang narinig ko pero parang he something na parang
nagpapaalam.

I suddenly turned to him and hugged him while we're both lying. Ayaw ko siyang
bitawan. Ayaw ko siyang mawala. Kasi pakiramdam ko, kapag hindi ko siya hinawakan,
mawawala siya. At parang hindi ko na ata kakayanin pa na magkahiwalay ulit kami.

_____________________________________________

A.N: Sorry for this very short update. I have no valid reason excuse to say, but i
hope you'll understand. Laging masakit ang mata ko kasama ulo. So 'yun. All
mysteries will be revealed soon. Few remaining chapters then Epilogue, it
depends. :)
For those who haven't read yet the Special Chapter of Book 1, click the external
Link. That will be my second to the last Special chapter then next is, i dunno
when. So yeah, read at your own risk though it's not SPG. It's actually kinda
funny.

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 33 - Unlove Me
####################################

Chapter 33 -Unlove Me

Hi guys! I made a new trailer. Wynner-Avia-Kier's Story. Panuorin niyo sa gilid. :)


Enjoy!

Lorelei's POV

I woke up alone in my bed. Where's Aric? Katabi ko siya kagabi eh. Ah~ baka umuwi
muna sa kanila. Kinusot-kusot ko mata ko. Napatingin ako sa bedside table ko.
Nakalapag dun 'yung phone ko. Tinignan ko siya.

Missed calls and texts all from Kyla. Haaay! Namimiss ko na ang bestfriend ko. I
pressed return call. Hindi pa nakakadalawang ring na sagutin niya agad 'to. Wow
naman. Inaabangan niya ba tawag ko?

[KYAAAAA~] Ay po! Ang sakit sa tenga!

"Kyla! Kung makasigaw ah!"


[Bakit ngayon ka lang tumawag, ha? Nakauwi ka na ba? Nasa school ako. Puntahan kita
dyan!]

"Ha? Naku h'wag na--"

*Ttootooot!*

Binabaan ako? Babae talagang 'to. Bumaba na lang ako sa kwarto. Nakita ko si Yaya
na naghahanda ng napakaraming pagkain. When was the last time i ate big? Hindi ko
din maalala. Sa daming nangyari ngayon, parang hindi ko na ata maalala kung kailan
ako huling kumain.

Nakarinig ako ng pababa sa hagdan, pasilip ko si Tito Kent nakasuot ng black suit
at mukhang pupuntang office.

"Hijo, mag-agahan ka muna. Masama ang hindi kumain ng breakfast." Sabi ni Yaya. Si
Tito naman tinignan lang ang pagkain.

"I don't eat." Sabi n'ya tapos umalis na. Oo nga pala, dahil sa vampire na si Tito
hindi na siya kakain. Wala na pala akong kasalo sa dining table kung kakain.

Pagkatapos kong lumamon, Oo lamon talaga. Dumeretso ako sa kwarto ko. Dapat pumasok
ako ngayon kasi alam kong super behind na ako sa klase, pero wala ako sa mood.
Tinatamad ako at tanging gusto ko lang humiga at matulog.

Kumportable na akong nakahiga habang nanunuod sa TV, nang biglang bumukas ang pinto
ko at pumasok si Kyla. Nagulat na lang ako nang bigla siyang sumugod sa akin at
niyakap ako.

"Ack~ K-ky...Kyla! C-can't... Can't breath!" Nahihirapan kong sabi. Miss ko na din
siya pero kailangan talaga akong sakalin? Napaubo ako ng kumalas siya sa akin.

"Sorryyy~ Namiss talaga kita!" Nakita kong naluluha na siya. HInawakan ko ang kamay
niya saka ngumiti sakanya.

"Namiss din kita. Sorry kung nadamay kita sa--"

"Shhh! Ok lang. I admit natakot talaga ako. Pero h'wag kang mag-alala kasi talagang
tinanggap ko na ang buhay na napasukan natin. Let's just say, na kasama 'to to
spice up our lives, right?" She beamed.

"So alam mo ng vampire din si Edric?"

"Haay! Narinig ko nanaman ang pangalan niya. Alam mo ba na inisahan ako niya'n
kagabi? Nakakaasar!" Paghihimutok niya.

"Ano ba ginawa niya?"

"Kasi niyaya ko siyang pumunta sa Amusement Park, then sumakay kaming ferris
wheel."
"Talaga? Oh tapos?"

"May ginawa siyang hokus pokus para mapatigil ang lahat ng bagay at tao sa paligid
namin. Hindi ko alam kung pa'no. Basta nung nasa tuktok na kami, bigla na lang na
naging immovable lahat." She sigh. Namumula pisngi niya at parang nahihiya.

"Then?" Inip kong sabi. Pabitin pa 'to si Kyla eh.

"He proposed in the most inconvenient way!"

"What? KYAAAA~ Ano'ng sinabi ni'ya?" kinikilig kong tanong.

"Be my girlfriend or leave the carriage!"

"Pfft~ WAHAHAHAHA! Ang galing naman ni Edric. Hahahaha. Ano'ng sagot mo?" Natatawa
kong sabi. May pinagmanahan ata 'tong mga magpipnsan na 'to eh. Hindi ordinaryo
kung mga makapag-propose. Mahilig sila sa biglaan. 'Yung wala kang palag.

"May choice ba ako? Syempre sabi ko Oo!"

"KYAAAA~ Pisti kinikilig ako sa inyo!" Hinampas hampas ko siya nung unan.
"Tumigil ka nga! Napipikon pa din ako." Namumula niyang sabi.

"Kinikilig ka lang. Tsaka hindi ka na makakahanap pa ng mga katulad nila noh!


Limited edition ang pamilya nila Edric at Aric."

"Pero, Nyx. Hindi ba complicated ang relasyon natin sakanila? Tao tayo. Vampire
sila. Alam mo. Makakaya kaya natin?" Napaseryoso naman ako ng mukha.

"Kakayanin natin, Kyla. Kasi ginusto natin 'to. Mahirap man ang mga haharapin natin
dahil sila pinili natin, pero mas mahihirapan tayo kung wala sila sa tabi natin."

Napatango-tango lang si Kyla.

Sinamahan naman ako ni Kyla na pumunta sa deans office ng school para makiusap na
h'wag akong idrop. Ilang buwan na lang naman kasi matatapos na pasukan. Sayang
naman kung uulitin ko ang 2nd year.

"Kyla..." tawag ko sakanya habang naglalakad kami palabas ng school.

"Hmm?"

"Salamat ah. Thanks for defending me. You're the best of bestfriend ever."
Nakangiti kong sabi sakanya.
"Yaaa~ H'wag ka nga! Naiiyak tuloy ako. Ganun talaga ang magkaibigan,
nagtutulungan."

I am so thankful na nandyan si Kyla. Kung wala siguro siya, hindi lalakas ang loob
ko na makiusap sa mga instructor ko na papasukin ulit ako.

Hindi ko lang talaga agad narealize na noon pa, may bestfriend na akong tulad na
Kyla.

***

Kier's POV

Nagulat ako ng umuwi si Granpa at para idischarge ako. Uuwi na daw kami sa bahay.
Sa bagay, ayaw ko naman talaga dito. Ma lalong bumibigat pakiramdam ko. Tinanong ko
naman si Granpa kung nasa'an si Avia, sabi niya lang may inaasikaso.

Kung pwede nga ang na 24/7 ko na siyang makasama eh. I want to spend my remaining
life with her. I don't want to waste another minute thinking about my health. Hindi
ko man siya maging girlfriend o asawa in the near future, atleast makikita ko siya.
Ok na ko dun.

Isinakay nila ako sa wheelchair, hindi na ako pinayagan na maglakad dahil baka daw
mas lalong makaapekto sa puso ko. Damn this heart!

Gusto ko ngang pasusuntukin puso ko eh. Pero naisip ko naman, hindi pwede, kasi si
Avia ang laman nito.
"Apo, sa mansyon tayo uuwi ah. Maraming mag-aalaga sayo dun. Alam mo naman sa
bahay na dalawang matanda ang kasama mo. Pareho kaming uugod-ugod ng Manang Wenna
mo. May nurse din na mag-aalaga sayo para matignan ka." Sabi ni Granpa habang lulan
kami sa SUV.

"Bakit pa may Nurse? Mamamatay na din naman ako. So why bother?" Sabi kong
nakatingin sa dinadaanan namin.

"Apo..."

"Granpa, hindi ako binigyan ng taning ng doctor dahil ang tibok ng puso ko ay
unpredictable. If i'll live longer, atleast let me spend my remaining life ng hindi
iniisip ang sakit ko. I wanted to be happy. And Nurse and medicine won't make me."
Sabi ko. I heard Granpa sigh heavily.

"This is so frustating, Apo." He said. Napatingin ako sakanya.

"What?"

"You know. Dapat ako ang mauna sayo. Madaya kayo ng Mommy at Daddy niyo. Iiwan niyo
ko." Malungkot niyang sabi. Having a thought na makikita at makakasama ko na ulit
parents ko made me feel excited. Wierd feeling, i know. Excited mamatay? Hindi,
natatakot nga ako. Hindi ko alam kung ang naghihintay sa akin. Bothered din ako sa
mga iiwan ko dito. Si Granpa at si Avia.

I love Avia, so much. I shouldn't told her i love her. Pati tuloy siya nag-aalala
sa akin. I should be contented with our friendship. Though friends naman kami. Pero
ngayon? Nawawalan na ako ng lakas ng loob na magpakasal sakanya. Yes, we will be
husband and wife. Then what's next? Left her after? Hindi ko kaya. Pareho kaming
masasaktan.

Nakarating kami sa mansion. As usual, naghihintay sa sa amin ang mga katulong. Same
faces. I'll definitely miss them. Sila 'yung nag-alaga sa akin nung bata pa ako.
Ang walang kapagurang paghahabol at paghahanap sa akin nung bata pa ako kapag ayaw
kong maligo. Kapag tinatawag nila ako para kumain na pero nagbibingibingian lang
ako. Nakakamiss maging bata.

Ramdam ko ang sympatya nila. Pero hindi 'yan ang kailangan ko ngayon. Ayaw kong
iparamdam nila sa akin na may sakit ako. Gusto ko tratuhin nila akong normal.

Pinagtulungan nila akong ibaba sa SUV. Hindi pa ako baldado, OA lang ang Granpa ko.
Baka daw ikabawas ng buhay ko kapag nagpagod ako. Dinala nila ako sa dati kong
kwarto. Naalala ko tuloy nung bata pa ako. Takot ako nun sa kulog at kidlat kaya
dito natutulog sila Mommy at Daddy.

Pamasok naman sa loob 'yung nurse. May hinanda siyang gamot para sa akin. Pinaandar
ko ang authomatic wheel chair ko at pumunta sa may bintana. Nakita ko bigla 'yung
notebook ko na nakalagay sa mesa. Kinuha ko 'yun.

100 places to go before I die.

Napangiti ako ng mapait. Hindi ko na 'to matutupad. Nakalahati ko lang 'yan eh.
'Nung mag-isa akong nagbayahe, lahat ng landmark sa lugar napupuntahan ko may
picture ako.

Ang last kong napuntahan ay Vigan, kasama si Avia. 'Yun na ata ang pinakamasayang
araw ng buhay ko. Doon pa lang, alam kong may nararamdaman na ako sakanya.
Pinagsisihan ko nga nung sinungitan ko s'ya nung una naming pagkikita. Hindi ko man
lang naisip na s'ya pala makakapagpabago nang buhay ko.
49 places left. Karamihan sa ibang bansa na. Hindi ko na ata 'to matutupad. Ang
isang may sakit na tulad ko ay hindi na papayagan na lumabas ng bansa. Gustong
gusto ko pa namang makita ang Eiffel tower. Gusto ko dun'g makaakyat at sumigaw ng
napakalakas.

Pagkatapos kong uminom ng gamot, nakaramdam ako ng antok kaya umakyat na ako sa
higaan ko. Nakakaantok kasi lahat ng gamot na pinapainum sa akin eh. A medicine
that can make my heart numb.

Nagising ako kinaumagahan. Medyo ok na 'yung pakiramdam ko. Though may konting
panghihina, pero kumpara nung inatake ako, mas ok na ako ngayon.

Hindi ko n ginamit 'yung wheel chair ko dahil pakiramdam ko mas magkakasakit ako
eh. Napakunot ako ng makita kong may travelling bag sa tabi ng bed side table ko.
Binuksan ko 'yun at nakita kong gamit ko. Ah~ baka inuwi dito ni Granpa 'yung mga
damit ko sa bahay namin.

Pagbaba ko, nagulat sila na hindi ako nag wheel chair. Nilapitan pa nila ako na
parang nag-aalala. Nginitian ko sila at sinigurong ok lang ako. Dumeretso ako sa
dining table at may nakahanda ng umagahan.

Mga paborito kong pagkain. Natakan tuloy ako kaya umupo na ako.

"Uy Manang Wenna, dito pala kayo." Sabi kong nung pumasok siya at may dalang
pitsel.

"Ayaw kong papagsolohin sa bahay niyo. Kumain ka ng marami para makainum ka ng


gamot ko." Sabi ni Manang Wenna.

Pagkatapos kong kumain, pumunta akong likod ng bahay. Bibisitahin ko si Mommy.


Matagal na din akong hindi nakakapunta dito. 'Yun yung kasama ko si Avia.

"Mommy, sorry at hindi ko inalagaan ang puso mo." I started sobbing. Naalala ko
'yung pangit na pakikitungo ko sakanya noon. Hindi ako naging mabuting anak. I
pushed her away. Kung sana'ng hindi ako naging matigas sakanya. Kung sanang
pinatawad ko agad siya noon.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong kumikirot 'to. Oo nga pala, hindi
ako pwedeng maging emotional. Pinakalma ko sarili ko saka huminga ng malalim.

"K-kier..." Na-statwa ako sa malambing na boses na tumawag sa pangalan ko. Mintik


ng mag-skip a beat ng puso. Nakangiting lumingon ako sakanya.

"Avia..." As usual, she looks stunning. Ang nakalugay niyang buhok na wavy at ang
kanyang auburn eyes na nakabihag sa akin na parang mas naging mas maganda sa
paningin ko.

Umupo siya sa tabi ko at bigla na lang akong niyakap. Napapitlag ako. Bakit n'ya
ako niyayakap? Naaawa ba siya sa akin?

"Avia--"

"Let's stay like this, Kier. Gusto lang kitang yakapin ng matagal. Pwede ba 'yun,
Kier?" She said.
"O-of course!" Nauutal kong sabi. This time, i hugged her back. Her hug gives me
comfort. At sa totoo lang, gusto ko din 'to.

Nagulat na lang ako ng marinig ko siyang sumisingot. Umiiyak ba siya? Kakalas sana
ko sa yakap niya pero hinigpitan niya pa pagyakap sa akin.

"No. Don't let go." She whipered.

Gusto kong sabihin sakanyang h'wag siyang umiyak. Gusto kong sabihin na ok lang
ako. Pero parang ayaw kong masalita. Alam kong nagkakaintindihan kami sa yakap pa
lang niya.

"H'wag mo kong iiwan ha?" Naramdaman kong nagbababa taas ang dibdib niya tanda ng
umiiyak talaga siya. Nakaramdam tuloy ako ng galit sa sarili ko. Hindi ko dapat
siya pinapaiyak eh. Hindi dapat. Kasi doble ang sakit kong nararamdaman kapag
nakikita siyang nasasaktan.

"Mahal na kita Kier eh. Madaya ka! Mahal na kasi kita!" She's sobbing. Pati ako
napaiyak na din ng tuluyan.

"Bakit mo ako hinayaang mahalin ka? Iiwan mo lang naman ako eh!" Nahihimigan ko ang
panunumbat niya.

"Minahal kita ng walang kahirap-hirap pero iiwan mo kong naghihirap!" Hinayaan ko


lang siyang ilabas ang sama ng loob niya.
"Unlove me, Avia." Is all i can say. Narinig ko naman siyang tumawa ng bahagya.

"Unlove you? It's like you're telling me to unbake a cake, Kier! I can't unlove
you. Masyadong na kitang mahal para gawin 'yun." Kumawala siya sa yakap niya at
humarap sa akin. Kita ko ang namumula niyang mga mata. Maganda pa din siya kahit
umiyak. Namumula ang pisngi niya at ang sarap kurutin.

"Sabi ni Granpa, ibinibigay ka niya sa akin." Sabi niya. Napakunot naman ako.

"What do you mean?"

"Aalis tayo dito, Kier. Ako na daw ang bahala sayo. Gusto ni Granpa na sumaya ka.
Kasi alam niyang ako ang makakapasaya ako." Nakangiti niyang sabi.

"Saan tayo pupunta?"

"Kahit saan. Basta magkasama tayo." She answered. "So tara na?" Inalalayan niya
akong makatayo.

Hinawakan niya kamay ko saka kami nakarating sa kwarto ko. 'Yung travelling bag
kong nakita ko sa gilid ng table ko ay nakapatong na sa higaan ko.

"Tara na?" Inabot niya kamay sa akin.


"Pa'no si Granpa?"

"Alam na niya. So tara na?" Dahan-dahan kong kinuha kamay. Then all of a sudden
nakasakay na kami sa kotse.

"Roadtrip muna tayo, ha? Buckle up!" She said and started the Engine.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Avia. Pero ang importante kasama ko siya.

***

Wynner's POV

Hinihintay ko ang sasabihin ng Mahal na Reyna at Mahal na Hari habang binabasa nila
ang sulat ni Avia. Kahit nakakagago na hinayaan kong makapiling ni Avia si Kier,
nangibabaw pa din sa akin ang pagmamahal ko kay Avia. Nakita kong napatakip ng
bibig ang Reyna.

"H-hansel, ang anak natin." Umiiyak niyang sabi.

"Shhhh. Hayaan na muna natin siya." Pag-aalo ni Tito Hansel.


"Nararamdaman kong sobrang nasasaktan ang anak natin. Hansel dapat nandun tayo
kasama ang anak natin. She needs us."

"Ingrid, let her be. Pinili ni Avia na makasama ang lalaking 'yun kasi limited na
sila."

"H'wag po kayong mag-alala Tita Ingrid and Tito Hansel, lagi po akong susunod
sakanila kahit hindi nila alam. Tutulungan ko po sila."

Napatango naman sila sa akin. Paalis na sana ako nang tawagin ako ni Tito Hansel.

"Po?"

"Mahal mo anak ko." Sabi niya na ikinagulat ko. Kahit kailan hindi ko pinaalam
kahit na kanino ang nararamdaman ko para kay Avia. Wala akong pinagsabihan.

"Paano niyo pong--"

"Basta alam ko lang. Halata ko. Hindi ka susunod sakanila kung hindi mo siya mahal.
You unconditioally love her kahit alam mong may mahal siyang iba." Hindi ako
nakaimik. Natameme ako. Mabuti pa si Tito Hansel nahalata.

"H'wag niyo na lang pong sabihin kay Avia. Ayaw kong magalit ulit siya sa akin."
"Haha. Nagmana ka ata kay Denver ah. Dapat kay Maxhene ka nagmana, pinaglalaban ang
gusto niya." Natatawang sabi ni Tito.

"Diba po nagpaubaya din si Mommy sa inyo ni Tita Ingrid?" Hindi nakaimik si Tito
Hansel. Natakot tuloy ako. Baka paliparin ako nito pabalik sa Germany. "S-sorry
po."

"HAHAHA. Ok lang. Sige, maiwan na kita." Umalis na si Tito Hansel at ako naman
papunta sa living room ng palasyo.

Nakita ko doon si Edric, Aric at Tita Erina. Napakunot ako ng makita kong may
dalang maleta si Aric. May pupuntahan ba siya?

"Ma! Bakit hindi ako pwedeng umalis?!" Pa-sigaw ni Edric.

"Kasi nga aalis ang pinsan mong si Aric. Wala si Avia kaya ikaw muna ang tatayong
Prinsipe." Mahinahon na sabi ni Tita Erina.

"Saan ka ba pupunta, Aric?" Inis na sabi ni Edric.

"Mag-aaral ako sa Italy."


"Sa Blood Moon Academy? Dude naman! Iiwan niyo ko dito?"

"It's time for you to be responsible, Edric! Your cousin needs to go to school kasi
'yun ang dapat!" Sabi ni Tita Erina.

"But i have a girlfriend outside!"

"If she loves you, she'll wait."

"Ugh!"

Napailing na lang ako. Bakit ba kasi gustong gusto nila magmahal ng tao? Ang tao ay
para sa tao. At ang vampira ay para sa kapwa nila Vampira.

Lumapit ako sakanila ng umalis si Tita Erina. Para namang nagliwanag ang mukha ni
Edric ng makita ako.

"Mabuti naman nandito ka. Akala ko mag-iisa ako dito." Aniya.

"Ha? Aalis din ako eh. Babantayan ko si Avia."

"Ay nak ng! Dude alam ba ni Lorelei na aalis ka?"


"Hindi." Walang ganang sagot ni Aric.

"Naghiwalay kayo?"

"Kailangan ko itong gawin, Edric. Para din ito sa atin. Hindi gusto ng Elders ang
pakikipagrelasyon natin sa tao. It's either guguluhin nila si Lorelei at Kyla o
gagawa tayo ng paraan para hindi 'yun mangyari. We're stalling them. Kaya h'wag
kang magreklamo dahil para din 'to sa ating lahat."

Lahat kami may gustong protektahan. Ganun ata kaming mga vampires eh. Obsess na
protektahan ang mga mahal namin. Malakas kami pero mahina kami sa pag-ibig. Madalas
kaming magparaya. Mas iniisip namin kung ano ang ikasasaya ng mahal namin.

-----------------------------------------------------------------------

A.N: I appreciate all comments and votes. I am leaving hints and there are few who
gets them. Smart readers! :)) Let's get back to drama muna sa next chapter. ^___^

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 34 - I Won't Let Go
####################################

Chapter 34 - I Won't Let Go

Song for this chapter: Somewhere in the middle by Dishwalla


Lorelei's POV

Tatlong araw! Tatlong araw na kaming walang communication ni Aric! Hindi ko alam
kung ano na ang nangyayari sakanya. Nag-aalala na tuloy ako, baka kung ano nanaman
nangyari.

"Nyx, eto 'yung mga pinabibili mo." Binigay sa akin ni Kyla ang paper plate at
barbeque stick. Nasa sea side kami ngayon at kumakain. Eto 'yung lugar na unang
pinagdalahan sa akin ni Trever noon. Ewan ko nga kung bakit naisipan kong pumunta
dito.

"Salamat." Simple kong sagot. Tinignan naman niya ako na parang nadidiri. "What?"
inosente kong sabi.

"You're weird, alam mo 'yun? Sa pagkaka-alala ko, diring-diri ka sa betamax. Bakit


ngayon naka-tatlong stick ka na?" takang tanong n'ya. Nagkibit balikat lang ako.
Hindi ko rin alam eh, siguro ngayon ko lang na-realize na masarap talaga ang
betamax.

"Alam mo bang hindi nagpapakita sa akin si Edric?" napatingin naman ako sakanya.
Siya din? Luh? Baka may problema nanaman sila?

"Sa'kin din eh, baka busy lang." sabi ko habang panay kain.

"Pero kahit na. Nangako sa akin 'yung lalaking 'yun eh! Makita niya, aawayin ko
siya!" pababanta ni Kyla. Nailing na lang tuloy ako. Poor Edric.

"Basta ako, may tiwala ako kay Aric. Nangyari na din 'to dati eh. Matagal siyang
hindi nagpakita kasi may inaasikaso. Try to understand Edric. Baka ganun lang din."
Sabi ko.

"Sabagay." Sabi niya.

"Manuod tayo ng sunset." Sabi ko.

"Huh? Mamaya pa 'yang 6 eh. Alas tres pa lang kaya." Sabi niyang nakatingin sa
relos. "Tsaka may exam tayo bukas para sa final exam. We need to review." She
reminded me.

"Oo nga pala. Next time na lang tuloy." Uminom ako ng pineapple juice na binili sa
akin ni Kyla. Muntik ko ng isuka dahil sa 'di ko nagustuhan 'yung lasa.

"Ack~ Bakit ganito 'to?!" Sabi kong nakatingin sa in-can pineapple juice.

"Alin?" takang tanong n'ya.

"Mapait 'tong Pineapple juice! Nakakasuka!"

"Patikim nga!" inagaw niya sa akin yung in-can saka uminom. "Hindi naman ah!
Matamis nga eh!" aniya tapos binalik sa akin. "Epekto siguro ng pag-kain mo niyang
betamax. Nagkahalo-halo na."

"Ay Oo nga. Naku, hindi ko na ulit 'to pagsasamahing dalawa. Yuck pala ang lasa
eh!"
4PM pa lang nang mapagdesisyunan naming umuwi, magrereview kasi kami at baka
dalawin ako mamaya ni Aric sa kwarto. Namimiss ko agad s'ya eh.

Pagdating sa bahay, nakita ko si Tito Kent na naka-cross legs habang nagsasagot ng


cross word puzzle. Hindi ko pa nakausap si Tito simula nung conversion n'ya.

"Tito Kent." Tawag ko. Tumango lang siyang hindi tumitingin sa akin. "Tito,
kausapin niyo naman po ako oh. Namimiss ko na kulitan natin." Naka-pout kong sabi.
Tumingin naman siya at naningkit ang mga singkit niyang mata.

"What do you want?" He asked coldly.

"B-bakit po ganyan na kayo?" Naluluha kong sabi.

"Nyx, I am now a fvcking vampire. How do you expect me to live in a place full of
people? Kung alam mo lang kung gaano ko tinitiis ang amoy niyo. Gusto kong gawing
hapunan ang mga katulong!" nagulat naman ako. Bakit hindi ko naisip ang
possibilities? Malamang makakaramdam siya ng gutom.

"Don't look at me like I am going to drink you. You're still my Niece. I can
control my thirst, don't worry." He said tapos bumalik ang tingin sa sinasagutan.
Mukhang kailangan kong I-lock mamaya ang kwarto. Err!

Paalis na sana ako nang may naalala ako. "Uhh, Tito. Ano po strength niyo?" Matagal
bago sumagot si Tito. Akala ko hindi siya sasagot kaya tumalikod na lang ako. Hindi
pa ako nakakapanhik sa hagdan nang marinig kong nabasag ang Vase. Agad akong
napalingon at nakita kong basag 'yung Vase na nakalagay sa malapit sa TV. Then
bigla itong nakabalik sa dati. My eyes literally widened.

"Cool, isn't it? I can move things, malakas din ang hearing aid ko. And I think I
can smell danger." Napalunon ako ng malalim. Nakakatakot ang Tito ko.

"S-sige po. Akyat na ako." Sabi ko. Pinilit kong h'wag kabahan. Malay ko ba kung
nakakaamoy din si Tito ng takot.

Halos mawindang ako sa mga subjects na nirereview ko. 'Yung iba kasi diti, eto
'yung hindi ko napasukan. Nangangapa tuloy ako. Haay. Consequence of life! Sana
naging vampire na din ako. Gusto ko ang power ko X-ray vision. Para makikita ko ang
sagot ng classmates ko. Hahaha. Pero nakakatakot naman ata 'yun. Imagine makikita
ko din ang loob ng tao kahit may saplot.

Kinuha ko 'yung isa ko pang libro saka ito in-scan. Walang pumapasok sa kahit ano
mang binabasa ko.

Napatingin ako sa wall clock. T'was 8:57PM. Nasaan na kaya si Aric? Hindi niya ba
ako dadalawin? Baka nagpapamiss lang? Eh! Kung nagpapamiss siya, Oo na, effective
siya!

Tapos na akong magreview at naisipan kong mag online sa facebook. Aba, matagal ko
na din 'tong hindi nabubuksan ah. Pag log in ko, agad kong pinalitan ang
relationship status ko. Saying walang facebook si Aric. Mang-iinggit pa naman sana
ako kung gaano kagwapo ang boyfriend ko.

Nakita kong online si Kyla kaya agad kong chinat.

Kyla Marquez
Magreview ka oy! :P

Ay ang bruha na-seenzoned ako! Sinara ko na lang laptop ko at bumalik sa higaan.


Bakit ba ako tinatamad? Alam kong hindi ako masipag na tao, pero hindi naman ako
ganito katamad dati. Nakakaantok. Pero ayaw ko pang matulog, baka kasi dumating si
Aric.

"Lorelei, kailangan natin'g mag-usap." Sabi sa akin ni Aric. Ang tagal kong
naghintay sa pagdating niya. Bakit ba ngayon lang siya?

"Huh? Oh sige. Ano 'yun?" nakangiti kong sabi.

"Kailangan na natin'g maghiwalay. Lorelei, hindi na ako Masaya sayo." Nawala bigla
'yung saya ko. Parang may bombang sumabog sa harapan ko.

"What?" Hindi ko makapaniwalang sabi. "You're joking right?"

"I'm afraid I am not, Lorelei. Let's broke up. I don't love you anymore."
Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha sa mata ko. Ano bang ginawa ko? May nagawa
ba akong hindi niya nagustuhan? Pwede ko naman 'yung baguhin eh.

"M-mahal na mahal kita, Aric. Isn't that enough? I gave you everything!" maluha-
luha kong sabi.

"It doesn't mean that we have had sex means I have a committment to you." Casual
niyang sabi. Napahawak ako sa dibdib ko. Pakiramdam ko sinasakal ako. I cannot
believe those words coming out from Aric's.

"You used me!" I accused.

"You let me use you. Lorelei, I'm tired saving you. I'm tired protecting you."

"But you said-"

"I said nothing. I just wanted to get inside your pants."

I slapped him pero hindi tumatama sa pisngi niya. Feeling ko malakas ang sampal ko
pero hindi dumadampi kahit kaunti. Naramdaman ko na lang nanghihina ako. Parang
unti-unti akong pinapatay ng sakit sa puso ko.

Shit! Ano bang klaseng panaginip 'yun? Ugh! I hate nightmares! Kakaisip ko kay Aric
iba tuloy napanaginipan ko. Akala ko tuloy totoo. Natakot pati ako. Hindi ko ata
kakayanin na magkatotoo 'yun.

Napatingin ako sa orasan, alas kwatro na ng medaling araw. 7 ang exam ko, straight
'yun hanggang 3. Dahil feeling ko hindi na ako makakatulog, bumangon na ako.
Malamig kaya sinuot ko 'yung roba ko. Bumaba ako at nakita kong bukas ang ilaw sa
likod.

Hindi ako nagkamali ng hinala nang makita ko si Tito Kent na nakaupo sa harap ng
pool habang yung dalawang paa nakabadbad sa tubig.
"You're up early." He said without looking at me.

"N-nagising po ako ng maaga eh." Pumunta ako sakanya. Gusto ko din sanang ibaba paa
ko sa pool kaso malamig, baka magkasakit ako.

"Bumalik ka na sa kwarto mo. Magkakasait ka pa, mahamog oh."

"Hindi na po ako inaantok eh."

Katahimikan. Nag-iba na nga talaga ang Tito ko. Hindi na siya katulad ng dati.

"Nyx?"

"Po?"

"Mapoprotektahan na kita." He said. Napatingin ako sakanya. "The guy who killed me
is the same guy who took your parent's life."

"Trever." I muttered.

"I was so wrong about him. I thought he was good for you." Hindi ako umimik.
Biglang bumangon ang galit ko kay Trever. "Nang malaman niyang tumakas ka, ako
binalingan niya. He had me capture para bumalik ka. But you left your phone so he
wasn't able to contact you. Walang alam ang mga katulong sa totoong nangyayari sa
silid ko. Syempre akala nila mabuting tao si Trever." He smirked.

"Tito Kent. Sorry po at nadamay pa kayo."

"Matagal na akong damay, Nyx. Nang piñata nila ang mga magulang, matagal na tayong
damay. Ang hindi ko lang matanggap ay sinakripisyo mo ang sarili mo para iligtas
ako. Sinabi niya sa akin ang lahat ng nangyari after nung party nila Aric. Hindi ko
alam na hinahawakan ka niya sa leeg. I'm sorry, Nyx at wala akong nagawa."

"We wanted to protect each other, Tito."

"Yeah, pero hindi pa ako kuntento sa nangyari kay Trever. I want him dead, in my
two own hands!" Tito's voice gives me creeps inside me. nakita kong nagtatagis ang
ngipin niya.

"Nakakulong na po siya, Tito."

"Pero buhay siya! What if makatakas siya?" I beamed at him at hinawakan ang malamig
niyang kamay.

"You can protect me. hindi niya na ako magagalaw." Nakangiti kong sabi. Ginulo
naman ni Tito buhok ko and first time ko siyang makitang ngumiti after his death.

Nasa school na ako at nagsisimula nang magexam. Nakakasar lang at kung kailan ako
nasa school na saka ako nakaramdam ng antok. Aish! Mamaya na lang ulit ako
matutulog. Tatapusin ko lang lahat 'tong exam. Mabuti nga at nasagutan ko naman at
medyo confident naman ako ng konti sa mga sagot ko.

Hapon na nang matapos kaming mag-exam. Niyaya ako ni Kyla na kumain sa mall dahil
pareho kaming hindi nakakain ng marami nung lunch.

"Sa food court tayo?" Sabi niya ng makapasok kami sa mall.


"Ayaw ko nga! Hindi mo ba alam na puro microwaved ang pagkain dyan? Init-init lang
kaya magmumukhang bago!" Sabi ko sakanya.

Napilit ko namang kumain si Kyla sa Savoury. Nag-order ako ng maraming karne tapos
extra rice. Nakakagutom talaga ang exam.

"Sigurado kang mauubos mo 'yan?" Tinuro niya pagkain naming sa mesa.

"Oo naman! Ang sasarap kaya neto!" sabi ko saka nagsimulang kumain.

"Pero puro fats and carbs 'yan eh!" she complained.

"Aish! Wala munang diet diet! Eh sa nagugutom ako eh!" nakita kong napailing na
lang siya. Hindi ko kasi talaga mapigilan ang sarili kong hindi kumain. Madali
akong magutom ngayon.

Pagkatapos naming kumain dumaan kami sa bookstore. Bibili daw kami ng mga books
tungkol sa vampires. As if naman makakakuha siya ng makatotohanan dun. Puro fiction
ang nakalagay sa libro.

"Tinawagan ko kanina si Edric, unattended ang phone. Sa palagay mo, Nyx. Ano kayang
nangyayari sa kanila?" Tanong bigla ni Kyla.

"Busy lang talaga sila. Hayaan mo na muna. Magpapakita din 'yan." Pinilit kong
pasiglahin ang boses ko. Naaalala ko nanaman kasi 'yung panaginip ko eh. Kahit
panaginip lang yun, nasasaktan ako.

"Sleep over ako sainyo mamaya, Nyx? Tapos na naman pasukan eh."

"Eh? Ano ka! Ayoko!"

"Bakit? Namimiss ko na kapag nagmomovie marathon tayo eh." She pouted. Baka kasi
bumisita bigla si Aric.

"Ayaw ko lang."

"Hmmm. Oh sige, pero bukas gala tayo ah."

"Tinatamad ako!"

"Eeee! Ang KJ mo Nyx ah! Sige na!" niyugyug niya balikat ko. Ang kulit talaga ni
Kyla.

"Oo na! tss! Saan naman tayo pupunta aber?"

"Kahit saan! Oh kaya manuod tayo ng sine. Maganda mga palabas ngayon."

"Para naman tayo niyang mag-nobya eh!"

"Ok na 'yun! Tayo muna magdedate habang wala 'yung magpinsan. Ok na 'yan ah?"

"Oo na."

Dahil sa tinakasan ko nanaman si Manong Andy, nagpahatid ako kay Kyla sa amin. Agad
akong umakyat sa kwrto. Ugh! I miss my bed!

Nagbihis lang ako saka nahiga ulit. Nakakapagod ang araw na 'to. emotionally and
physically.
Aric, nasaan ka na ba? Namimiss na kita eh!

Avia's POV

"Ang ganda!" Nakangiting sambit ni Kier habang pareho naming pinagmamasdan ang
papalubog na araw. Pareho kaming nakaupo sa buhangin.

Napangiti ako sakanya. Masaya akong ganito kami. Hindi ko na lang iisipin ang
future, total mas importante ngayon ang present.

Wala na 'yun araw. Unti-unti nang nilalamon ng dilim ang liwanag. Ang gana sa mata.
'yung mga mabiblis na ulap na napapalitan ng itim na bahaghari.

"Pero syempre mas maganda ka." Natawa ako sa banat niya.

"May alam ka pang ganyan ah." I said laughing. Nagulat ako nang mahiga siya sa
buhangin.

"O-oy! Madudumihan ang likod mo! Oy!"

"Pahinga muna ako ah?" Kinabahan ako sa sinabi niya. I hesitantly nod at him. Then
he closed his eyes.

Hindi ko alam kung tulog siya o nakapikit lang mga mata niya. Pero hindi mawala ang
takot ko. Paano kung... paano kung... Ugh! Avia h'wag lang mag-iisip ng Negative!
Walang mangyayari.

***

Nagising ako nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Ugh! Nakaka- napatingin ako
sa tabi ko. Shit! Bakit ako nakatulog?!

"K-kier! Kier gising!" tinapiktapik ko ang pingi niya ng marahan. Parang


nagkakarera ang kaba ko. Dyoskopo!

"Kier, gising na. tama na sa pahinga." Sabi ko.

Hindi siya gumagalaw. @#$% hindi 'to pwede! Ugh! Naiiyak kong tinignan ang
paghangos niya.

"K-kier... gising na. Please?" Naiiyak kong sabi. Napayakap ako sakanya. Hindi pa
ko handa eh! H'wag muna ngayon!

"asdfghjk"

"KIER!"

"Maliwanag na pala?" hala? Bakit mapula ang mata mo?" nag-aalala niyang sabi. Bigla
ko na lang siyang niyakap ng mahigpit!

"Leche! H'wag mo na ulit 'yun gagawin ah? Baka ako ang atekehin sayo eh! Baka ako
pa mauna sayong mamatay!!"

"Sshhhh... Hindi ko hahayaan na iwan kang walang paalam."

Pesteng kaba na 'to hindi nawawala. Nakakainis!

Sabay kaming bumalik sa kotse at nagsimula na akong magdrive ulit.

"Saan na tayo pupunta?" He asked.

"Secret." I said then giggled.

Hinawakan niya kamay ko.

"I won't let go." He said.

___________________________________

A.N: Sabi naman sa inyo eh, mag-aupdate ako. :) Marami na akong clues na iniiwan.
Ma-gets na sana.

at kung sino makakatuluyan ni Avia? Magegets niyo kung pinanuod niyo 'yung video na
ginawa ko. Nasa chapter 33 'yun. Mehehe

goodnight for now! ^___^

XOXO

©Thyriza

####################################
Chapter 35 - Beside You
####################################

Chapter 35 - Beside You

Song for this chapter is Beside You by Marianas Trench

Kier's POV

"Saan ba tayo pupunta?" Panay tanong ko kay Avia.

Hila dito. Hila doon. Hindi naman ako napapagod kasi siya kasama ko. Hyper nanaman
kasi 'tong babaeng mahal ko. Ang sarap niya tuloy kurutin sa pisngi.

"Swing tayo?" Aniya. Napatingin naman ako sa paligid, may playground sa gilid ng
isang park. May mga bata doon na naglalaro.
"Nakakahiya naman ata kung makikisali tayo sa mga bata?" Napapakamot kong sabi.

"Aish! Tara na! Gusto ko dun!" Hinigit nanaman niya braso ko at nauna siyang
naglalakad. So parang nagpapakaladkad ako.

Naalala ko tuloy 'yung sinabi niya kanina. "Hindi kita tatratuhing may sakit para
makalimutan mo muna. Magsasaya tayo, kaya tatagan mo."

May bakante namang dalawang swing at agad ako doong pinaupo ni Avia. Pati siya
umupo din.

"Dali! Tulak niyo na kami!" She said giggling. Napatingin naman tuloy ako sa likod
ko. May tatlong bata, dalawang lalaki at isang babae. Luh? Mga saan 'to galing?

"ONE. TWO. THREE. YAAAAH~" Nahigit ko hininga ko at napahawak ng mahigpit sa bakal.


Nagulat ako ng konti nang itulak ako nung dalawang bata.

Tanging tawa lang ni Avia ang naririnig ko kaya habang gumagalaw back and fort ang
swing, nakatingin lang ako sakanya. Ang saya naman niya. Nakakahawa. I closed my
eyes and feel the moment. First time kong mag-swing. OA pero 'yun ang totoo.

Habang gumagalaw ang swing, nakapikit ako at mukha ni Avia ang nakikita ko. Ang
ganda ng ngiting pinapakita niya. I genuinely smile back at her.

Paano ko s'ya iiwan ng ganito? Araw-araw mas nadadagdagan ang pagmamahal ko


sakanya. Kung pwede ko lang na mapatigil ang oras para mas matagal ko siyang
makasama, gagawin ko.

Dahang-dahang humihina ang galaw ng swing. Hanggang sa tuluyan na itong huminto.


Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko.

Si Avia agad nakita ko. Nakangiti siya at mukhang Masaya.

She squeals. "Masaya ka?" Tumango naman ako. "Good. Marami pa tayong pupuntahan na
lugar." Tumayo ako. She intertwined her fingers on mine. Her left hand waved at the
kids para magpaalam.

May nadaanan kaming Mamang sorbetero, at gaya ng inaasahan, hinila nanaman ako ni
Avia.

"Dalawa po." Tapos naglabas siya ng bente pesos. "Salamat." She added ng ibigay ang
ice cream.

Magkahawak kamay kaming naglalakad habang kumakain. Savoring every moment.


Pakibagalan ang oras, please?

"Doon tayo?" Tinuro niya 'yung park.

Naupo kami sa grass at pinanuod 'yung pamilyang naglalaro ng saranggola. Ang saya
naman nila. Pangarap ko din'g magkaroon ng masayang pamilya. Pero mukhang hindi na
'yun mangyayari, unless may mangyaring himala at maawa sa akin ang Dyos at pahabain
pa ang buhay ko.

"Ok ka lang?" Nakatingin niyang sabi.

"Oo naman." Tipid kong sagot.

"Teka, may ipapakita ko sayo." Aniya. Tumingin muna siya sa paligid. Nilahad niya
kamay niya at may kung anong lumabas doon. Nakapukunot ako.

Isang apoy na hugis tao ang lumabas sa kamay niya. I stared at the dancing fire.
Ang isang hugis tao na nagsasayaw ay naging dalawa. Para silang nagsasayaw ng
ballroom.

Kinumpas niya ang kamay niya at napalitan ng tubig ang apoy, kulay asul ito. Ang
sarap sa mata. Tubig na sumasayaw, higis tao pa. ang dalawang tao nadagdagan ng
isa, medyo mas maliit. Silang tatlo naghahabulan.

Hangang sa kinumpas nanaman niya kamay niya. From water, it turned into a gray
silhouette. Para siyang hangin. Gaya ng dati, masayang naghahabulan ang tatlo.
Hindi ko mapigilang mamangha sa kapangyarihan niya. Nakakabilib.

She snapped. It turned to dust. Dinala siya ng hangin palayo sa amin. Sinundan ko
'yun ng tingin hanggang sa mawala ng tuluyan. Tinignan ko si Avia na pinagmamasdan
din ang hinanging abo. Hindi ko maintindihan ang expresyon ng kanyang mukha.

"Why?" She muttered. "Why it has to be you." Mahina niyang sabi. Napatungo ako.

"Avia-"

"Napakabuti mong tao. Bakit ikaw pa ang may sakit. Marami namang masasama d'yan!
Bakit ikaw pa?" Kumikinang ang mata niya, nagbabadya ng pag-iyak.

"Hindi ganyan ang patakaran ng mundo, Avia. Hindi ibig sabihin na mabuti ka ay
ligtas ka sa pasakit. 'Yung mga masasamang tao, nabubuhay sila ng matagal kasi
hinihintay ng Dyos na magbago sila. Binibigyan pa sila ng maraming pagkakataon para
magbago." I explained to her.

"So literally if you're good, wala kang chance na mabuhay ng mahaba?" Aniya.

"Hindi sa gan'on, Avia. May plano ang Dyos kaya niya 'to ginagawa." Siya naman
umiling.

"What plan? Ano pang plano ang gagawin n'ya kung wala ka na?"

"As I've said, everything happens for a reason. H'wag mo siya sisisihin, Avia."
Natahimik naman siya.

Matagal na katahimikan ang nangyari. Alam kong nasabi lang 'yun ni Avia kasi
nasasaktan siya. Ako din naman. 'Yung pakiramdam na iiwan ko siya. Parang hindi ko
kakayanin. Hindi pa nga nasasaktan na ako.

Naramdaman ko na lang na lumapit siya sa akin at pinilig ang ulo sa balikat ko.
Lihim akong napangiti. Nilagay ko balikat ko sa likod niya.

Nakita kong nagdidilim na ang paligid, nagbabadya ng pag-ulan. Nagtatakbuhan na ang


mga tao sa paligid para maghanap ng masisilungan pero si Avia hindi gumagalaw kaya
pati tuloy ako hindi rin makatayo.

Bumuhos ang malakas na ulan at nakaupo pa rin kami sa Grass. Ang pinagtataka, bakit
hindi kami nababasa? Parang may invisible shed kaya kahit konting talsik ng tubig
ay wala.

"Sorry, pinaulan ko. Naiiyak na kasi ako kaya pinaulan ko na lang." She said and
looked at me. Namangha naman ako.

"It's ok." Sabi ko tapos inamoy ko buhok niya. Kasi gan'on din ako. Gusto ko din'g
umiyak.

Lorelei's POV

Tapos na ang school year. Laking pasalamat ko at wala akong bagsak. Naawa pa naman
sila kahit papa'no sa akin.

Nandito nanaman kami sa sea side ni Kyla, parehong depress. Kahit sinasabi ko sa
sarili ko na baka busy lang si Aric, iba pa din ang iniisip ko. Parang may alter
akong nagsasabing 'Iniwan ka na niya. H'wag ka ng umasa!'

"Break na kami!" Inis na sabi ni Kyla.

"Huh? Nagbreak na kayo? Nagparamdam na si Edric?" Tanong ko.

"Hindi! Para sa akin wala na kami! Napakawalang kwenta niya palang nobyo eh! Nang-
iiwan nang walang paalam pakatapos makuha ang matamis kong Oo. Buti na lang pala
hindi ko pa sinusuko ang bataan!" Paghihimutok niya. Para namang may sumabog na
bomba sa harapan ko.

"Buti na lang pala hindi ko pa sinusuko ang bataan!"

Pa'no na lang akong Oo? Iniwan na nga ba talaga kami ng magpinsan? Pa'no na ko?
Pero hindi gan'on si Aric eh. Alam kong may rason siya.

"Kaya ikaw Nyx ah! Kahit pilitin ka ni Aric, h'wag mong isusuko ang bataan." Tinaas
niya pa kamay niya na parang may pinaglalaban.

Hindi naman ako makaimik. Already, Kyla. 'Yan ang gusto kong sabihin kaso nahihiya
ako. Baka husgahan niya ako.

Iniwas ko na lang tingin ko. Hirap pala kapag guilty, wala kang masabi. Ayoko
namang magpaka-ipokrita na 'Ay Oo nga Kyla! Hindi ko isusuko ang bataan kasi hindi
pa ko handa!' ang plastic ko naman nun! Better na ang walang sinasabi.

"U-uwi na tayo, Ky?" Pag-iiba ko ng usapan. Ang totoo kasi niyan, gusto ko ding
magpahinga. Ewan ko ba sa sarili ko, miss lagi ang kama. Nagiging Miss antukin na
nga ako eh. 'Buti na lang at wala ng pasok.

"Oh sige. Bukas punta ko sa bahay niyo ah? Mga umaga." Napatango lang ako.

Sumakay na kami sa kotse niya at hinatid niya ako sa'min.

Pagpasok ko sa amin, nakita kong naglilinis ang mga katulong. Dumeretso lang ako sa
kwarto ko saka nagbihis.

Kinuha ko 'yung libro ko saka nagbasa. Pampaantok man lang. hindi pa nangangalahi
ang isang page na binabasa ko ng maramdam kong nadadala na ako ng antok ko.

Naramdaman kong humangin ng malakas kaya nagising ako. Madilim na at ang lakas ng
ulan. Kahit tinatamad ako, bumangon pa din kasi kailangan kong sarahan ang pinto ng
terrace ko. Tsaka nababasa din kasi ang kutina.

Ni-on ko ang heater dahil ang lamig talaga. Pinatay ko ang ilaw at lampshade lang
ang natira. Pabalik na akong higaan ng mahagip ng paningin ko ang pamilyar na
bagay.
Dahan-dahan akong lumingon.

Black Rose.

Agad ko 'yung kinuha at napatingin sa paligid. Aric! Nasaan ka?

Lumabas akong kwarto ko patakbong lumabas ng bahay. Kahit malakas ang ulan,
binuksan ko ang gate at tumakbo sa kawalan.

I'm starting to cry. Ang bigat ng pakiramdam ko eh. Dati natutuwa ako kapag
binibigyan niya ako ng itim na rosas, pero ngayon parang may masamang ibig sabihin.

"ARIC! NASAAN KA! MAGPAKITA SA AKIN, please?" Halos bulong na lang ang lumabas sa
huli kong nasabi.

Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo. Umaasa lang akong makikita ko siya. Bakit
ba siya hindi nagpapakita sa akin?

Naiiyak na napaluhod na lang ako sa daan. Doon ko naramdaman ang lamig. Biglang
nanikip ang dibdib ko at parang umiikot ang paningin ko.

Nasapo ko ang ulo ko sa sobra nitong sakit.

"A-aric..." I whispered before my eyes completely close.

-=-

Naramdaman ko ang haplos sa noo ko. Hindi ko pa mamulat mga mata ko dahil parang
ang bigat ng pakiramdam ko.

Hanggang sa maalala ko ang nangyari.

"Aric!" Napabangon ako. But to my disappointed, it was Kyla. Nag-aalalang


nakatingin siya sa akin. "K-kyla? W-what... what are you doing here?"

"Magpahinga ka na muna. Bumibili si Tito Kent ng prutas para sayo." She said, half
smiling.

"Prutas? Ok lang naman ako eh." Pinilit kong tumayo pero napaupo ulit ako ng
biglang nag-cramps ang tyan ko.

"Ouch!" napahiga uli ako sa sakit.

"H'wag kang gagalaw. Na-stress ka kagabi kaya siya nagrereklamo." Nakangiti ng


makahulugan sa akin si Kyla.

"Huh?" Confuse kong nasabi.

"Basta magpahinga ka na lang. makakasama 'yan sa baby niyo ni Aric." She widely
smile.

"W-what?" Anas kong sabi.

"You're pregnant, Nyx. May bata sa loob ng sinapupunan mo." Masaya niyang pahayag.
A-ano daw?

----------------------------------------------

A.N: Maikli lagi ang UD. Kapag hinabaan ko kasi matatapos na 'to agad. So hinahati-
hati ko.

So ayan na, Buntis na si Nyx. Sorry pero hindi sakanya mangyayari 'yung gaya sa
twilight. May orignality ako. Kk?

Survey: Sino favorite niyong character, why? Ako si KIER! Hahaha.

Complete characters sa gilid, nakaGIF siya so baka mabagal ang transition.

XOXO

©Thyriza
####################################
Chapter 36 - Vacation
####################################

Chapter 36 - Vacation

This is dedicated to you. Gandang ganda talaga ako sa Sinclaire Academy. :) Sana
naalala mo pa ako. Hahaha. Maganda 'yun guys. basahin niyo ^___^

A.N: Isang paalala. Oo, Nyx is pregnant. But please lang po. Don't compare it to
Bella of twilight. I have originality. Hindi siya papangit kagaya ni Bella, that is
absurd at eww kung iinom siya ng blood just to fed the baby's thirst. May
pinaglalaban ako. Kk. Nuff said of me.

Lorelei's POV

"I'm what?" nabibingi na ba ako? Naapektuhan ba ng ulan ang pandinig ko? Baka naman
napasukan ng tubig ang tenga ko habang naliligo.

"Kahit nagi-guilty ako kasi naging topic natin 'yung bataan thingy, Masaya pa din
ako para sayo."

Bakit feeling ko hindi nagsisink in sa akin ang mga pinagsasabi ni Kyla? Bakit ako
mabubuntis? Ay malamang kasi may nangyari sa amin! Pero isang beses lang 'yun.

"Kailangan malaman 'yan ni Aric! For sure matutuwa 'yun." Masayang pahayag ni Kyla.

"S-si Aric... Nandito si Aric kagabi."

"Nakita mo siya? So alam na n'ya?" umiling naman ako.


"H-hindi ko siya nakita."

"Sure ka ba girl? Haaay. Bakit ba kasi ngayon pa sila nawala kung kailan kailangan
sila." Nanlulumong sabi ni Kyla.

"B-babalik din si Aric. N-naniniwala akong babalik siya." Pinilit kong pasiglahin
ang boses ko para na din hindi mag-alala sa akin si Kyla.

"Dapat lang! kailangan ka niyang panagutan! Dapat nga malaman 'to ng kaharian nila!
Isang tagapag-mana ang dinadala mo, Nyx!"

"I'll tell you this, Lorelei. Kapag naging mag-asawa kayo ni Aric.. I mean.. Are
you aware na hindi kayo pwedeng magkaanak?" Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko yun
naiisip. Pero...

"B-bakit po?" Tanong ko.

"You'll die. Hindi kakayanin ng katawang tao na magdala ng isang sanggol na


vampire."

"Nyx? Ok ka lang ba? Namumutla ka eh." Sinalat niya ang noo ko at leeg ko.

"O-ok lang ako, Kyla. Salamat sa pag-aalala." Nakangiti kong sabi sakanya.

"Good thing at tapos na ang school year. Kung hindi pag-uusapan ka sa school.
Nasabi sa akin ni Tito Kent na dadalhin ka daw niya sa Probinsya para do'n ka
magdalang tao- Ay? Dalawang vampire pala. Hihihi."

Napabuntong hininga na lang. it's either I will live or I will let the baby live.
Isa sa amin ang mawawala, at hindi ang anak ko 'yun. I will sacrifice if ever life
will be jeopardized.

"Are you sure you're ok, Nyx? Malalim ata iniisip mo. Don't worry, I will support
you."

"I can't believe I'm pregnant. I can't believe I'm... pregnant." There is this
feeling inside na parang ang sarap sa pakiramdam. Motherhood? Ewan. Ang ganda sa
pandinig kapag naiisip kong may buhay sa loob ng sinapupunan ko.

Bigla ko na lang nahaplos ang tyan ko. Wala pa siyang umbok kaya hindi pa halata.
Hindi na ako makapaghintay na lumaki ang tyan ko.

"I think you need some check up." Kyla advised.

Abruptly, I turned to her. "No. We can't do that."

"Why? Kailangan kasi healthy ka din at-"

"Have you forgotten who fathered this child? He's not an ordinary human, Kyla.
Doctor will suspect kapag may kakaiba sa pagbubuntis ko."

Napatango-tango naman siya. "Oo nga pala. Eh siguro naman may vampire doctors, no?
bakit hindi tayo pumunta sa Vampire City?" she suggested.

"We can't. Ibinalik ko kay Aric 'yung kwintas." Matamlay kong sabi.
"But I still have it. Remember?"

"Pero ayaw ko namang pumunta do'n ng mag-isa."

"Eh di si Tito Kent. Total vampire na din naman siya." She said then winked. "You
know what? Being a vampire suits Tito Kent. Alam mo 'yun? Para siyang 'yung sa mga
nababasa kong libro na isang business tycoon tapos coldhearted, kasi pala isa
siyang vampire. Ayeee! OMG! Ang swerte ng babae!" she squeals. Napailing na lang
ako.

"You read so much vampire stories, Kyla." Natatawa kong sabi.

Sabay kaming bumaba ni Kyla papuntang kitchen. Ipagluluto niya daw ako hard boiled
egg. How nice.

"Dapat mga healthy food na ang kinakain mo. H'wag ka ng kakain ng street foods.
Lalo na 'yung betamax. Baka pagkihian mo pa 'yun. Naniniwala pa naman ako na kung
ano ang kulay ng kinain mo, ganun din ang baby mo."

"Ang OA naman! Kung kalabasa pala orange din ang anak ko, ganun?" naiiling kong
sabi.

"Hindi naman sa ganun, kapag light color daw, maputi ang anak mo. Kapag mga dark
colors, maitim. 'Yun ang sabi sa akin ng Yaya ko sa probinsya."

"Paniniwala lang 'yun." Nakapout kong sabi.

"Maraming pamahiin kapag nagbubuntis, Nyx. Kaya mabuti na din na sa probinsya ka


titira para aware ka."

"Sasamahan mo naman ako sa probinsya diba?"

"Oo naman. Bakasyon eh." Inahon niya 'yung itlog saka nilagay sa plato. Binigay
niya sa akin kaya napasimangot ako.

"May shell pa!"

"Mainit eh. Ikaw na magbalat"

"Ayoko! Malalapnos kamay ko!"

"Tss. Akin nga nga! Kung hindi ka lang buntis eh." Napangiti na lang ako.

Sabay naming kinakain ni Kyla ang hard boiled egg nang pumasok si Tito Kent sa
kusina. May dala siyang plastic bag at mukhang hindi maipinta ni amorsolo ang gwapo
niyang mukha. Nilapag niya 'yung mga prutas.

"Start packing your things, Lorelei! Uuwi tayo sa probinsya!" Nahihimigan kong
galit ang boses ni Tito. Malamang galit siya sa akin kasi nagpabuntis ako.

"T-tito... Galit po ba kayo sa akin? S-sorry po... kasalanan ko at-" naputol ko ang
sasabihin ko nang maramdaman kong yakap na ako ni Tito Kent.

"Sshhhh... Hindi ako galit. Tutulungan kitang mapalaki ng maayos ang magiging anak
mo. Ako ang tatayong Lolo at tatay ng anak mo." Nagtaka naman ako. Lolo, ok. pero
tatay? Si Aric dapat-

"I don't want you stressing out." Hinagod niya likod ko. "H'wag mo na munang isipin
si Aric. I'll protect you."

Tinulungan ako ni Kyla mag-empake ng gamit ko. Mauuna kaming aalis ni Tito. Susunod
daw siya kasi magpapaalam din sa daddy niya.

Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip. Hindi alam ni Aric na buntis ako. Kung malaman
niya, matutuwa kaya siya? Matatakot? Maduduwag?

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Dala siguro ng pagbubuntis kaya


emotional ako ngayon.

Kasama ang ilan sa katulong naming at mga body guards ni Tito, sumakay kami sa
private jet. Uuwi kami sa Batanes kung taga saan ang Mommy ko at si Tito Kent. Sabi
ni Tito Kent do'n daw ako pinanganak kaya maganda kung dun din ako manganganak.

After many hours, nakarating kaming Basco Batanes. Maraming hills sa Batanes kaya
hindi ko maiwasang mamangha habang nagbabyahe sa paligid. Kahit kasi gabi pansin mo
ang matataas ng hills kasi maganda ang street lights. May Ancestral house daw kami
sa San Antonio kaya do'n kami tutuloy.

Namangha ako ng makita ang titirhan namin. Mukha siyang Villa at the same time
ancestral house. Ang ganda!

May nakasulat pa sa gate na Villa Manjon. Ibig sabihin sa mga ninuno pa 'to nila
Mommy at Tito. Bago ka makapuntang bahay, madadaanan mo muna ang naglalakihang
topiary. Halatang elevated ang Villa naming kasi tanaw ko ang dagat sa kabilang
dako. Eee! Ba't ang ganda dito?

Bumaba kami sa Van at nakita kong may lumabas na dalawang matanda sa bahay.

"Kent!" Salubong nilang dalawa.

"Sila ang care taker ng bahay. Sila ang nag-alaga sa amin no'ng mamatay ang Mamita
at Papa'" Tito said.

"Siya na ba si Lore?" sabi nung matandang babae.

"Siya na nga po."

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. "Ara ka mangu?" sabi nito na hindi ko
naintindihan.

"Ay Nay Lina, hindi po siya nakakaintindi ng Ivatan. Tagalong lang po." Sabi ni
Tito.

"Ay gan'on ba? Mabuti na lang pala at marunong na kaming magtagalog."

Dinala naman ako ni Tito sa magiging kwarto ko. Sabi niya, dati daw 'yung silid ni
Mommy. Nakakamangha kasi tanaw ko ang Basco Light House.

Malaki ang kwarto ko, doble ang laki kumpara sa kwarto ko sa bahay namin. Makaluma
din ang higaan. 'Yun bang may apat na poste sa kantohan at may tela sa ibabaw. Mga
kahoy din ang karamihan sa kagamitan. Walang TV, walang DVD player o anu mang
makabagong gadget.

Sa katabi naman ng closet, may pinto na siyang CR. Atleast dito sa CR bago naman
ang kagamitan. May shower at bath tub.
Nilabas ko 'yung mga damit kong nakahanger at sinabit sa walk in closet. Pati mga
sapatos, slippers, bags at kung ano-anong gamit ko ay nilagay ko na din. Pumunta
naman ako sa tukador at nilagay doon 'yung palamuti sa mukha. Nadako tingin ko sa
gilid ng salaaming at nakita kong nakaukit ang pangalan ni Mommy.

Nakangiting hinaplos ko 'yun.

"Mommy, magkakaro'n na po kayo ng apo." Ani ko. "Sana po kayo ang nag-aalaga sa
akin." Surprisingly, hindi ako nakaramdam ng sakit kapag naalala ko si Mommy.
Hinanap ko ang nararamdaman ko kung galit ako kay Trever, pero wala.

Nahawakan ko bigla ang tummy ko. Wala akong ibang maramdaman kundi saya. Kanina
lang nagtatampo ako kay Aric pero ngayon nawala.

"Ikaw ba baby ang nagpapagaan sa feeling ni Mama?" Alam kong maliit pa lang tyan ko
kaya hindi pa niya 'yun maririnig. Kaya excited na akong lumaki tyan ko eh. Gusto
kong laging kausapin ang anak ko.

Anak ko. Haaay. Bakit ang sarap sa pakiramdam pakinggan?

Napalingon ako sa pinto ng makarinig ako ng mahinang katok. Niluwa nito si Tito
Kent na nakasuot ng black sweater at black sweat pants.

"Susunduin bukas si Kyla ng Jet. Magbihis ka na para makapaghapunan ka na." Tumango


lang ako saka lumabas ulit si Tito.

Nagbihis lang ako ng pulang bestida at tinali ko buhok ko ng mataas. Ang ganda ng
klima dito. Napakasariwa ng hangin.

Kinuha ko 'yung phone kong nakalapag sa kama.

"Luh? No service? Ano ba 'yan! Itetext ko pa naman si Ky." Binalik ko na lang phone
sa bag saka lumabas.

Saan ba ang dining room dito? Wow Lorelei ah! Don't tell me dito ka pa sa bahay na
'to mawawala!

Narating ko ang pagkalaking living room. May family portrait sa left side ko. Ang
Lolo at Lola ko si Mommy, si Tito Kent at may isa pang babae na hindi ko kilala.

Lumapit ako para mas tignan ang picture. Mukhang mas matanda s'ya kay Mommy at Tito
Kent ah. Sophisticada siyang tignan pero matalim kung tumingin ang mga tama.

"Lore, hija. Tara kain na." Untag ni Nay Lina. Nilingon ko siya saka ngumiti.

"May kapatid pa po sila Mommy at Tito Kent?" I asked her. Nagbago naman ang
expression niya at naging seryoso.

"L-lalamig na 'yung pagkain. K-kain na." hinila na n'ya ako papuntang dining room
habang tinitignan ko pa din ang portrain.

Intriguing. Nasabi ko na lang sa loob ko. Bakit hindi ko alam na may kapatid pa
sila?

-=-
Edric's POV

Takteng buhay 'to! Para akong nakakulong sa selda! Eh mukhang hindi naman kailangan
ng Prinsepe ng Kaharian na 'to eh! Nandyan o wala si Aric hindi naman problema
'yun! Bakit kailangan ko pang humalili! Asar!

"Mabuti na din 'yun at poprotekta sakanya." Rinig kong sabi ni Tita Ingrid kay
Mommy.

Sinilip ko ang silid at nakita kong nando'n si Mommy, daddy, Tito Hansel at Tita
Ingrid. Mukhang importante ang pinag-uusapan nila.

"Hindi ba talaga natin pwedeng sabihin sa anak ko?" ani Tita Ingrid.

"Wife, ikaw na din nag-suggest na h'wag ipapaalam kay Aric." -Tito Hansel.

"Naaawa na ako sa kalagayan nilang dalawa eh. Kailangan ng supporta ni Lorelei sa


pagbubuntis niya."

Halos manlaki ang mata ko sa narinig. Buntis si Lorelei? Anak ng- Eh tao siya ah!
Gusto niya bang mamatay ang babaeng mahal niya?

Agad akong umalis sa pwesto ko at aka mahuli pa ako nila Mommy at mas lalo akong
ikulong.

Lumabas akong palasyo at pabalik-balik na naglakad habang hawak ang baba ko. Hindi
ko alam kung dapat kong sabihin kay Aric o hindi. Ni hindi nga ako makalabas sa
portal eh! Sigurado ako magkasama si Kyla at Lorelei kasi bestfriend niya yun.

Wala akong nagawa kundi pumunta sa Royal Library. Wala akong alam sa pagbubuntis ng
tao kaya makakabuti sigurong magresearch ako tungkol do'n.

-=-

Lorelei's POV

Nagising ako ng maramdaman kong may tumamang sunrays sa mukha ko. Ugh! Nakakasilaw!
Ayokong bumangon! Tinatamad pa ako.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto pero hinayaan ko lang. Eto ata ang
tinatawag nilang Morning sickness. Haay!

"OH MY GHAD! NYX!" Halos mapatalon ang kaluluwa ko sa sobrang tinis na boses ni
Kyla. Naano ba siya? At kailan pa siya dumating?

I groaned as I lazily get up. "Ano ba Kyla! Can't you I'm sleeping here! Have you
heard of Morning Sickness?!" Inis kong sabi sakanya. Hindi naman siya tumingin sa
akin bagskus, she is staring at my tummy.
Napatingin din tuloy ako. I was shocked and astounded. What the!

"May umbok na agad tyan mo! Ang bilis naman! Halos three weeks pa lang ah." Lumapit
siya sa akin at sinuri ang tyan ko.

Nahimas ko tyan ko. Halata ngang buntis ako. Hindi kagaya kahapon. Pero napaka
imposible naman. Commonly 2 months 'yan lalaki ang tyan eh.

"Nakalimutan mo na atang vampire and daddy nito." Sabi ko. Masayang hinawakan ko
ang tyan ko.

"Sabagay. Pero grabe. Ang bilis!"

"Kaya nga eh. Pero ang pinagtataka ko, dapat mahina ako kasi kinukuha niya lakas
ko, pero feeling ko naman mas masigla ako ngayon except kapag bagong gising. Diba
commonly ganun kasi vampire babies get their life to their mothers?"

"Ano'ng ibig sabihin mo no'n? mamamatay ka?"

"Hindi ko alam. Pero kapag nanganak ako, piliin niyong buhayin ang anak ko kesa sa
akin. Ha? Para mabigyan siya ng chance na mabuhay."

"Ang aga-aga may bilin ka na agad! Ayoko ng ganyang usapan Nyx ah!"

Natawa na lang ako kay Kyla. Kailangan kong buhayin ang anak namin ni Aric.
Tagapag-mana nila ito. Mas ikakamatay ko din ata kung ako mabuhay at ang anak ko
hindi.

_____________________________________

Ancestral House----------->>>

A.N: Hindi ko muna gagawan ng POV si Avia, Kier and Wynner. Ihihiwalay ko s'yang
chapter sa adventure nilang tatlo. Cheret! xD

Hindi ko pa alam kung kailan ang sunod na UD. Nag-iisip muna kasi ako kung ano ang
gagawin ko sa pagbubuntis ni Nyx. WAHAHAHA. Sarreh kasi pati ako hindi ko din alam.
:) Pero pag-iisipan ko talaga siya.

Saka na muna ang gyera at mga kilig moments. Kk?

Add niyo ko sa fb: @Thyriza Wattpad

follow niyo ko sa twitter: @theRealThyriza

Insta: @Thyriza

Tapos, kung gusto niyo ng better version ng Vampire City 1, nasa booklat siya. Same
title. Hanapin niyo ko as @Thyriza, wala namang iba. HAHAHA. :P
Ay sya nga pala. Ubos na ang dedication list ko. Kung sino na lang ang magustuhan
kong comment. Pero 'yung mga nadedicate'an ko na, excepted na kayo. Give chance to
others. Owkeee? Owkeee! ^____^

Ok, masyado ng mahabo ang author's note ko. Chupi na 'ko.

XOXO

©Thyriza
####################################
Chapter 37 - Vision
####################################

Chapter 37 - Vision

A.N: Lahat na lang kayo maka-Wynner! Huhuhu. Nasaan 'yung mga maka-Kier? May reader
akong gusto si Kier eh. Sa'an ka na? Lumabas kayo at ipagtanggol niyo si Kier!
HAHAHA

Lorelei's POV

"Lore, wag kang lalayo ah. Magdidilim na!" Sigaw ni Nay Lina bago ako makalabas ng
bahay.

"Hindi naman po." Sagot ko. Si Kyla, ando'n sa beach nagseselfie. Babaeng 'yun
talaga.

Naka-suot na nga ako ng duster eh, hindi na kasya 'yung mga dinala kong damit. Mga
damit daw ito ni Mommy no'ng pinagbubuntis ako. Sleeveless siya na hanggang tuhod
ang haba at may bulsa sa gilid and color yellow na floral. Imagine me wearing this,
nakakapanibago talaga.

And no one dares to ask why my tymmy is bloated. Kapag dadaan ako sa mga katulong o
body guards, iniiba nila tingin nila sa akin. O kaya naman, casual lang nila akong
binabati.

Napabuntong hininga ako ng humangin ng malakas. Ang ganda sana dito, kaso may
kulang. Wala siya. Wala si Aric. For some reason, hindi ako nakakaramdam ng galit
sakanya. Weird nga eh.

Nakita naman ako ni Kyla na palapit kaya kumaway siya sa akin.

"Picture tayo." She mouthed. Tumango lang ako.

Papalapit pa lang ako when she took pictures of me.


"Ang blooming mo." She said.

"Lagi naman." Biro ko sakanya.

"Hindi. Iba ngayon. Parang may glow sa'yo eh. Maganda ang aura mo."

"Dala siguro ng pagbubuntis ko." Ani ko.

"Baka nga. Bagay pala sayo magbuntis ano? Ano bang feeling? Mabigat ba?" gusto kong
matawa sa mga tanong ni Kyla. Hindi naman kasi siya mabigat, para lang may extra
part sa katawan mo na tumubo.

"Masarap sa pakiramdam." Nasabi ko na lang. pareho kaming humarap sa dagat at


pinagmasdan ang mahinang alon ng dagat.

"Maswerte ka Nyx. Kasi hindi ka pinapabayaan ni Tito Kent. Kung sa akin siguro 'yan
nangyari baka tinakwil na ako." Sabi niyang nakatingin sa kawalan.

"Maswerte ako kasi nandyan ka." Tumingin ako kay Kyla at nakita kong nagblush siya
habang napapangiti.

"Kaibigan mo ako. Ganyan ka naman siguro sa akin kung nangyari 'yan sa akin diba?"
She looked at me.

"Oo naman."

You know what is weird? Konting kwentuhan lang naming ni Kyla tawa agad kami. Adik
na ba kami? Ang saya kasi ng feeling ko eh. May something sa anak ko na
nakakapasaya sa paligid.

Nasa kusina na kami at napagdesisyunan namin ni Kyla na magluto ng paella.


Tinulungan naman kami ni Nay Lina at siya gumagawa ng mga errands.

"Ako na maghiwa ng karne." I volounteered.

"Sige." Binigay sa akin ni Kyla 'yung knife and pork.

Lumabas sandali si Nay Lina kasi tinawag ng asawa niya. Ako naman hook na hook sa
kinekwento ni Kyla habang naghihiwa kami ng mga isasahog sa paella.

"Nagtatanong na nga si Mau kung nasa'n daw tayo. Hindi ko naman masabi na nandito
tayo kasi mamimilit 'yun. Walang preno bunganga no'n at alam kong hindi n'ya
mapipigilan ang ipagkalat sa pagbubuntis mo."

"Hayaan mo na lang. Ayaw ko din naman ng maraming kakilala dito. Tama na sa akin
ikaw at si Tito."

"Aww~ touch naman ako." Mapang-asar niyang sabi.

"Hahahaha. Bali- Araaay!" Pareho kaming napatingin ni Kyla sa kamay ko.

"OMG! Wait! Kukuha ako ng band aid!" Tumakbo siya palabas ng kusina habang ako
naman titig na titig sa daliri kong ang lalim ng hiwa.

Masaganang dugo ang lumalabas sa akin. Tumayo ako at hinugasan ang daliri ko sa
gripo. Pinatuyo ko lang s'ya gamit ang apron ko.
"Buti na lang at may dala akong first aid kit. Eto oh-"

Pareho kaming natigilan ni Kyla. Kita ng dalawa kong mata kung pa'nong unti-unting
nawawala ang sugat sa kamay ko.

Am I already imagining things? Tell me this is only my imagination.

"N-nyx... A-anong nangyayari?" Pati si Kyla hindi rin makapaniwala sa nakikita.

"W-wow!" I almost whisper.

"Gosh! Ano ka? Aswang at nagsasariling gamutin ng katawan mo ang sugat mo? Ang
creepy mo Nyx, ah!"

The whole night, hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Wala naman akong powers ah!
And definitely not a vampire.

Ang dami ng kababalaghan na nangyayari sa akin ah. Dahil ba 'to sa pagbubuntis ko?

-=-

Edric's POV

Compassionate and Mental & Physical Illusion.

'Yun ang nabasa ko sa libro. At maaring 'yan ang maging active and passive
strengths ng anak ni Aric at Lorelei.

May dalawang uri din daw ng isang hybrid or damphyr.

Ang kagaya ni Avia na isang damphyr, isang elemental vampire. Pero ang pure human
na hindi chosen at ang isang vampire prince ay isang vague.

Wala akong makitang records na isang Prinsepe na nagkaanak sa isang tao na hindi
itinakda kaya palaisipan din sa akin kung ano ang mangyayari.

Sa pagkakaalam ko lang, kapag tao ang babae at isang ordinaryong vampire ang
magkaroon ng anak, 100% na mamamatay ang Nanay.

Aish! Sumasakit ang ulo ko dito! Bakit ba wala akong katulong sa paglutas nito?
Kung nandito lang sana si Wynner o kaya si Avia man lamang.

Bumalik ako sa loob ng palasyo at nakita ko nanaman sila do'n sa bulwagan na nag-
uusap-usap. Papasok sana ako para komprontahin sila at para sabihin ang nalaman ko
ng may humila sa akin.

"Lolo?!" Nagulat akong makita ang Lolo ko. Ano naman ginagawa niya dito? Akala ko
nasa Italy siya kasa si Lola Veruca.
"Apo!" niyakap n'ya ko saglit saka ako sinenyasan na lumabas daw.

Giniya n'ya ako papasok sa isang chamber na ngayon ko lang napasukan sa palasyo.
Madilim dito at malamig. Sa palagay ko nasa underground 'to ng palasyo.

May sinindihan si Lolo na isang kandila pakatapos ay bilang nagbukasan ang lahat ng
ilaw sa loob. Hindi siya ordinaryong chamber na maiimagine mong nakakatakot.
Maganda sa loob at may mga lumang aklat at lumang kagamitan.

"I had a vision apo kaya ako pumunta dito. Iniwan ko na muna si Aric sa Italy
kasama ng Lola Veruca mo. Nag-aaral s'ya do'n at wala siyang alam sa nangyayari at
mangyayari." Napakunot naman ako.

"Kumusta naman po do'n si Aric?"

"Ayos lang siya. Naniniwala naman ang mga elders na 'yon talaga ang layunin niya,
ang mag-aral. Good thing hindi sila pumipili ng ipapakasal sa pinsan mo. Kapag
nangyari 'yan, wala na silang chance nung... Anon gang pangalan nang babaeng gusto
n'ya?"

"Si Lorelei po."

"Oo, yun! Kaya ang kailangan nating gawin ay protektahan si Lorelei nang hindi
nalalaman ng mga magulang mo."

"Po?"

"Kapag nalaman nilang nasa panganib si Lorelei, ililigtas nila ito. At sino ang
mamamahala sa kaharian? Wala. Gagawin natin 'to para hindi mangyari ang nasa vision
ko."

"Ano po ba ang nasa vision niyo, Lolo?"

"The downfall of Vampire City." Nagulat ako. Babagsak ang vampire City? Pero
matatag 'to! walang makakatalo sa amin.

"Ano pong kinalaman ni Lorelei?" curious kong tanong.

"The moment Ingrid and Hansel finds out that Lorelei is in danger, ofcourse they
will help her together with your parents. Iiwan ka nila dito para bantayan ang
kaharian at para may mamuno. Hindi niyo pa nahahanap si Vance diba?"

"Hindi pa po. Pero nakakulong na po si Trever ang pinuno ng Transcendals."


Napatingin ako kay Lolo at parang nakuha ko ang ang logic. "Papalayain niya si
Trever habang wala ang Hari at habang kulang ang lakas ng kaharian?" Tumango naman
si Lolo.

"Tayong dalawa, ang gagawa ng paraan para hindi mangyari ang vision ko."

"Eh hindi nga po ako pinapalabas ng portal eh!"

"Magagawan 'yan ng paraan ng kasama ko." May bigla namang pumasok na babae sa loob
ng chamber, maganda siya at kulot ang buhok. Nakit kong nag-iba ang kulay mga mata
niya from red naging chocolate brown.

"Isa s'yang shape shifter. Magagaya niya ang appearance without smelling or knowing
the Real Edric."
"Lolo naman! Bakit ngayon mo lang 'yan dinala dito? Dapat noon pa!" aba, kung
ganyan ang ability ko matagal na siguro akong laging ligtas sa mga kalokohan ko
noon.

"Ito talagang apo ko na 'to! Hindi ko alam kung kanino mo minana ang pagkapilyo
mo."

-=-

Lorelei's POV

"Naku Kyla ah! Tama na sa pangungulit! Hindi ko nga alam kung pa'no 'yun nangyari!"
Kanina pinapaamin ako ni Kyla kung baka daw isa na din akong vampire. Eh hindi
naman!

"Eh bakit ganun? Nakita ko kung pa'no nawala 'yung sugat mo." Nasa kwarto kami
ngayon at parehong nanunuod ng movie sa laptop na dala ni Kyla.

"Hmmm. Sige, explain mo kung pa'no 'yun nangyari." Paghahamon niya. Binato ko naman
siya ng unan pero nasagi naman ng braso niya.

"Wala akong scientific explanation kung bakit nangyari 'yun. Isipin na lang natin
na guni-guni lang natin 'yun. Kasi pati ako naguguluhan din.

Panay pa din ang pangungulit sa akin ni Kyla ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto
na pabalabag. Nakita ko si Tito Kent na nag-aalala ang mga tingin.

"H'wag na h'wag kayong lalabas sa kwarto kahit na anong mangyari." Mariing utos ni
Tito.

"Po? Eh lalabas na ako. Punta na kong kwart ko. Inaantok na din ako eh." Tatayo
sana si Kyla pero parang may pumipigil sakanya. "Hala. Hindi ako makagalaw!"

"Dito ka lang. Samahan mo si Lorelei." Tito said before closing the door.

"Cool, isn't it? I can move things, malakas din ang hearing aid ko. And I think I
can smell danger." Naalala kong sabi ni Tito nung unang beses na tinanong ko siya
kung ano ang strength niya.

"M-mas maganda siguro kung makikinig tayo kay Tito Kent. Hindi maganda pakiramdam
ko eh." Para kasing pati ang anak ko sa loob ng tyan ay bothered din sa sinabi ni
Tito Kent.

"Sige-sige. Para may magbantay sayo."

-=-

Kent's POV

"Well well well... Isa ka din pala'ng vampire, mahal kong kapatid!" She said then
laughed evily.
"Why are you here!"

"Bibisitahin ko lang ang pamangkin ko. May masama ba do'n?!"

"You can't see her!" mariin kong sabi.

"And why not? Buntis siya diba? Kailangan niya ng isang inang magkakalinga. Kapatid
ako ng mama n'ya kaya pwede akong-"

"Umalis ka na dito, Laura!"

"Laura? Nakakalimutan mo na atang nakakatanda mo akong kapatid. Kent!" She hissed.


I can see her wild fangs coming out her mouth.

"You're no longer my sister after you made a pact with a Sanguinarian moster!"

"That monster is the man I love, Kent! Don't forget that!"

"He killed our Mamita and Papa!"

"Aksidente ang nangyari! Pinigilan nila kami!"

"And now you're one of them!" I retorted.

"Hah! Isa ka na ding vampire, Kent! H'wag kang magmalinis. Slowly, this earth will
be taken by vampires. Maliit ang mundo diba, Kent? Ang pinakaayawan mo, ang
nangyari sayo. Ang pinakakasuklaman ng kapatid kong babae, ang pumatay sakanya."

"Isang Transcedals ang pumatay kay Ate!" sagot ko.

"Alam ko." Tipid niyang sagot.

"At isang mabuting vampire ang bumuhay sa akin! Isa akong Venomous Vampire."
Napatingin siya sa akin.

"So you consider me as your enemy?"

"Yes. Especially if you harm Lorelei!"

-----------------------------------------------------------------------

A.N: It gives me creeps nung sinabi ko 'yung downfall of Vampire City. xD Hindi ko
maimagine na matatalo ang kaharian ni Hansel. Haaay!

Anyway, salamat guys sa mga comments sa previous chapters. Binabasa ko siya lahat
though hindi ko mareply'an ang lahat.

Sa lagi ko ngang sinasabi, 'Everything will fall into places' kaya h'wag kayong
mag-alala. Again, wala munang POV ni Avia, Wynner, Kier, at Aric. Busy sila. xD

XOXO

©Thyriza
####################################
Chapter 38 - Ti Lascio Andare
####################################

Chapter 38 - Ti Lascio Andare

Kyla's POV

Dalawang buwan na ang nakalipas. Malamang, buntis pa si Nyx. Mas lumaki na ang tyan
n'ya ngayon. Maselan na din ang pagbubuntis niya kaya doble pag-iingat ang pag-
aalaga naming sakanya.

Si Nay Lina at ang kanyang asawa ay pinagbakasyon muna ni Tito Kent, dahil bukod sa
akin, at sakanilang dalawa, kami na lang pala ang tao dito si Villa. Nasabi sa akin
ni Tito na ang mga katulong daw dito na at body guards na dinala nila ay pinadala
ng kaharian nila Aric. Siguri para magkaroon ng secrecy ang pagbubuntis ni Nyx.

"Nyx, kain kana muna?" Pinagluto ko siya ng lugaw kasi makakabuti sakanya ang
carbs.

"M-mamaya na Kyla." Sabi niya habang nakatagilid. Tanghali na pero ayaw niya pa
ding bumangon.

"Hindi na 'to masarap kapag mainit." Naka-pout kong sabi.

"Sumisipa ang anak ko kapag kumakain ako eh." Sabi niya tapos humarap sa akin.
"Pero hindi ako nakakaramdam ng gutom at sakit." Nakangiti niya pang sabi.

"Haaay. Oh sige. Pero kapag gusto mo ng kumain, tawagin mo lang ako, ha? Iinitin ko
na lang ulit 'to. Alam mo naman na ako na lang ang kumakain dito sa loob."

Ganun si Nyx. Hindi na nga s'ya umaalis sa kwarto niya eh. Kahit sinasabihan kong
lumabas man lang para ma-excersize, ayaw n'ya.

Isang gabi, habang nagbabasa ako ng libro sa living room, naramdaman kong may
tumapik sa likod ko. Paglingon ko, si Nyx. Nakasuot ng putting duster at halatang
bagong ligo.

"Naligo ka pala. Bakit hindi mo ako sinabihan? Pa'no kung nadulas ka?" Napatayo ako
at inalalayan ko s'ya.

"Ikaw naman. Para namang may sakit ang trato mo sa akin eh." Nakapout n'yang sabi.

"Bakit ka lumabas? Nagugutom ka na? nabobored ka na sa kwarto mo?" umiling naman


siya.

"May gusto akong puntahan." Simple niyang sabi.

"Saan? Gabi na kaya."

"Sa lighthouse." Para naman akong nabilaukan sa sinabi niya. Oo tanaw lang naming
ang light house pero malayo na 'yon sa kalagayan n'ya. To think na sobrang taas
niya pa ah!

"Hindi pwede!" Nakahalukipkip kong sabi.


"Ha? Sige na please?" She twinkled her eyes at pinagdaop niya dalawa niyang kamay
with matching pout. No Kyla. H'wag kang magpapadala sa ganyan. Pakiusap!

"Hindi pwede! Ayoko!"

"Please?"

"No! cannot be! Mapapagalitan ako ni Tito Kent."

She pouted.

"No, Nyx. No no no no no no."

"Wow! Ang ganda pala dito sa taas!" Masaya niyang pahayag. Hindi ko siya pinansin.
Napakpoker face lang ako habang kinakabahan. Oo, kinakabahan talaga ko. Wala si
Tito Kent, hindi ko alam kung saan. Pa'no kung umuwi 'yun at hindi kami madatnan sa
bahay?

Sino mapapagalitan? Ako diba? Kasi hindi naman siya makakapanhik dito kung hindi ko
siya pinayagan.

Haaay! Kung hindi lang ako naaawa sa bestfriend ko eh.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang sumigaw ng malakas.

"ARIIIIIC~ NARIRINIG MO BA AKO? KAILANGAN KITA NGAYON!" I heard her sobbing. Syet!
Pumunta ba kami dito para umiyak siya?

"MISS NA MISS NA KITAAAA~ HINDI MO BA AKO NAMIMISS?" Nakita kong pinunasan niya
pisngi niya. Gusto kong yakapin si Nyx. Siguro sobrang hirap sa part niya na
kinikimkim niya ang nararamdaman. Kahit kailan hindi ko siya narinig na nagcomplain
about sa pagkawala ni Aric.

Humahagulhol na siya at tila nahihirapan sa paghinga. "M-MAHAL NA MAHAL KITA.


PLEASE BUMALIK KA NA~ Bumalik ka na." Halos maibulong na lang niya ang huling
sinabi niya. Pati ako naiiyak na din.

"A-ang gago niya Kyla." She turned to me. namumula ang mga mata niya. "Iniwan niya
akong ganito ang kalagayan." Hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla ko na lang
siyang nayakap.

"Kapa-kapanganak mo, tutulungan kitang hanapin siya. H'wag mo muna siyang isipin
kasi makakasama 'yan sa baby niyo." Ngumiti naman s'ya ng mapait.

"'Yun nga ang kinakatakot ko, Kyla. Ang hindi ko na siya makita pakatapos kong
manganak."

"Don't say that. Magkikita pa kayo, ok?" hinawi ko ang buhok niyang nadikit sa
mukha niya
Bumaba na kami sa lighthouse at pinauna ko na siya sa kwarto. Nasa labas lang ako
ng bahay. Parang hindi ako makakatulog ng maayos ngayon.

Sa totoo lang, naiinis ako kay Aric. Kung ano man ang dahilan niya, dapat sinabi
niya. Naghihirap ang bestfriend ko. Nakakaasar ang magpinsan na 'yun!

-=-

*inhale... exhale*

Aric's POV

Setting: After niyang ihatid si Lorelei sa bahay nila. Before malaman ni Lorelei na
preggy siya. :)

Mabigat sa pakiramdam na iwan ang babaeng pinakamamahal ko sa lahat. Parang ayaw


ngang gumalaw ng mga paa ko. Pinagmamasdan ko siya habang tulog. Alam kong aasa
siya na gigising siya ako una niyang makikita. Masasaktan ko nanaman siya.

I kissed her forehead before leaving. May mga ngiti sa mga labi niya habang
natutulog. Hindi ko napigilan ang hindi masaktan.

"Babalik ako, pangako 'yan." Bulong ko sakanya.

Kaharian...

"Aalis ka na?" tanong ni Edric. Tumango lang ako. "Eto 'yung bulaklak na pinapakuha
mo." Inabot niya sa akin 'yung black rose. Hindi lang ako umimik at kinuha ko 'yun.

Handa na ang gamit ko. Pero kailangan ko siyang makita sa huling pagkakataon. Gamit
ang bilis ko, nagawa kong makapunta sa kwarto niya. Nadatnan ko siyang tulog.
Napangiti lang ako sa ayos niya.

Iniwan ko ang blackrose sa mesa. Hindi agad ako umalis. Nagtago ako sa labas ng
veranda kahit umuulan.

Nakita kong bumangon siya.

Then she saw the Black Rose...

Agad niyang nilibot ang paningin niya at animo'y hinahanap ako. Lumabas siya ng
kwarto niya at sa bahay nila at sinugod ang ulan. Ano ba 'yan, Lorelei magkakasakit
ka!

She srtaed crying at para namang akong nanghina, hindi ko talaga kayang nakikita
siyang nasasaktan. Pero kailangan ko ';tong gawin eh.

"ARIC! NASAAN KA! MAGPAKITA SA AKIN, please?"

Basa na din ako ng ulan nasa likod n'ya lang ako habang siya tumatakbo at hinahanap
ako. Nandito lang ako Lorelei, lumingon ka, Mahal ko.

I saw him kneeled. Lalapit sana ko sakanya pero pinigilan ko sarili ko. Baka hindi
ako makaalis kapag ginawa ko 'yun.
Nakita kong nasapo niya ulo niya. Bago pa man s'ya matumba, agad ko na siyang
nasalo.

"A-aric..." She whispered before closing her eyes. Hindi ko alam kung nakita niya
ko. Ang importante ay maibalik ko siya sa kwarto niya.

Nasa may harapan na akong gate nila nang bumukas'yun. Ang Tito Kent ni Lorelei.

"Akin na ang pamankin ko." Malamig niyang sabi. Pinasa ko sakanya si Lorelei.

"H'wag po sanang malalaman ni Lorelei na nandito ako." Sabi ko. Napatingin siya sa
akin. He narrowed his eyes at alam kong galit siya sa akin dahil ako ang dahilan
kung bakit nagkaganyan si Lorelei.

"Para naman po sa aming dalawa 'to." sabi ko bago umalis.

Present Day...

"Prince Aric..." tawag sa akin ng isa kong kaklase. Tinignan ko lang siya tapos
binalik ko tingin ko sa libro na binabasa ko.

"Are you not going with us?" hindi ko siya pinansin. "We're heading to downtown.
Just so you know." She said before leaving.

Sa klase kahit kailan wala akong kinausap. Ewan ko, ang gusto ko lang matapos na
'to para makita ko na si Lorelei.

Tapos na naman ang klase kaya nauna akong lumabas ng room. Lahat ata dito ilag sa
akin. Ayaw nila akong makausap dahil ayaw nilang masigawan. Madali kasi ako ngayon
mainis. Maiksi ang pasensya ko at parang laging may PMS. Aminado naman ako do'n
kasi 'yon naman talaga ang napapansin sa akin ng lahat.

Siguro dala na din ng pagkamiss ko kay Lorelei.

"Aric, the school ministry wants to see you." Hindi ko pinansin 'yong nagsalita
kahit narinig ko naman. What for? Pupunta naman talaga do'n eh.

I headed to the south wing where the School ministry stays. Hindi ko alam kung
bakit kinakausap pa nila ako gayong alam ko naman na nagsasalita sila kapag
nakatalikod ako. They're nice to me because I'm a Prince.

"What do you want from me?"

"Have a sit." He simply said.

"I still have class. If you don't have anything important to say i-"

"Oh Aric. Don't be rude. We'll talk about the vacation you're asking me." That
caught my attention. First day of my class and vacation agad ang hiningi ko. Why?
Bacause they're asking me what favor the could do for me. I said I want a vacation.
Now where going to discuss it?

"Good. Atleast an interesting topic. When is my vacation?" maangas kong tanong.


Tumayo naman ang Ministro at may kinuhang papel.

"The perks of being a Prince is that, you are given a privilege to choose. Here's
is your option." Inabot niya ang papel at binasa ko naman.
BLAAH. BLAAH. BLAAH.

- 2 weeks vacation but extended for another school year.

- No vacation. No extra school year.

I smirked as I read his crappy paper. "You call this an option? I tell you what a
real option is. Why don't you climb up in Eiffle tower then jump to end your
useless boring life or I will let my fangs bites your old sickening neck and suck
you to death. What you think?"

"Have some respect, Prince Aric!"

"No! You respect me! I know you are behind those rumors spreading out about me
having an affair with a human. And you know what? I don't care anymore what you
Elders and Ministry will think! I am leaving Italy and I'm gonna Marry my human
girlfriend!" I say before leaving. Malapit na ako sa pinto ng magsalita siya.

"Stop right there, Prince Aric." He commanded. Hindi ko siya nilingon.

"What now?"

"I know you'll behave like this. You just showed to me that you don't fit as a
Prince of Vampire City.

Abruptly, I turned around. My jaw clenches as I glared at him.

"Ti lascio andare" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Cosa?"

---------------------------

A.N: Paunti-unti lang po, ah? H'wag kayong mag-alala at masasagot ang katanungan
niyo tungkol sa anak ni Nyx. Baka tyanak anak niya, no? x)

Ay Oo nga pala, pwede ko ba malaman kung mga taga saan ang mga readers ko? You can
just comment your town or province. Importante lang po. Please?

Tsaka baka po pala, maybe, just maybe mapublish ang VCNYOVS under LIB. Yes, you
heard/read it right. Nagmessage sa akin 'yung rep/editor ng company. If ever man,
bibil ba kayo? Hahaha, natatakot at the same time kinakabahan ako. Baka kasi walang
bumili nakakahiya naman sa publisher. Mehehe

So 'yun. Ineedit ko naman s'ya kaya sisiguraduhin kong worth it s'ya at mas
maganda.

Ang dami ko ng sinabi. Hahaha

Bye guys! Muwaaah~ See you until the next update. :))

XOXO
-Thyriza
####################################
Chapter 39 - My Heart Almost Stopped
####################################

Chapter 39 - My Heart Almost Stopped

A.N: Ayan, heto na ang POV ng mga busy. HAHA. Papalit-palit 'to ng POV kasi gusto
ko maguluhan kayo. Djoke, para malaman niyo ang mga iniisip nila. K? So 'yun. Lezz
start.

Pero para mas feel niyo ang binabasa niyo, try listening to "Fix You" of Boyce
Avenue or Coldplay. Pero bet ko ang Boyce. Paplay nang sa mulimedia. :) Thanks.

Kier's POV

"Ayeee~ ang cute cute talaga ng baby natin." Masayang pahayag ni Avia. Napangiti
naman ako. Kinuha n'ya 'yung baby bottle saka pina-inom sa anak namin.

"Hello baby Aeri (Eyri). Gutom ka na? Gutom na?" kausap ni Avia sa anak namin.

Arf~ arf~

"OMG! Kier naiintindihan niya ako."

Wala pa kaming anak ni Avia na totoo. Isa 'yung baby shih tzu na nabili namin sa
petshop. Nakakatuwa nga kasi isang anak ang turing sakanya ni Avia.

May stroller pa ang baby namin kaya sa unang tingin, parang may anak na talaga
kami. Pero hindi ko alam kung mangyayari pa talaga 'yun.

Nasa bayan kami ngayon ng isang lugar na pinuntahan namin. Konti lang ang tao at
sariwa ang hangin. Nag-uupa naman kami ng bahay ni Avia sa isang village. Para
siyang kagaya ng tinitirahan namin ni Granpa sa maliit naming bahay.

"Kier?"

"Hmm?"

"Ok ka lang?" she asked me. hindi kasi ako gaanong umiimik. Avia amuses me kaya
parang na-sspeachless ako. Gusto ko lang siyang titigan. Gusto ko lang subaybayan
bawat galaw niya.

"Oo naman." Nakangiti kong tugon.

"Mamaya may pupuntahan tayo." She happily announced.

"Saan?"

"Secret." She said then winked.


Hinawakan ko kamay niya at pareho kaming nakahawak sa stroller habang naglalakad.

Madilim na nang bumalik kami sa bahay namin. 2 storey house ang tinitirhan namin
ngayon. May maliit na front yard at malawak na backyard.

Sa likod mayro'ng maliit na lagoon at may isda. Lagi kami doon tumatambay ni Avia
at nagpapahangin.

"Avia, akyat lang ako sa kwarto." Paalam ko sakanya. Medyo napagod kasi ako at
gusto kong magpahinga kahit sandali.

"Sige, tapos baba ka agad ah? Maghahanda ako ng hapunan natin." Ngumiti lang ako
sakanya at tumango. Tatalikod na sana ako nang tawagin ko ulit s'ya.

"Hmm? Bakit?" nagtataka niyang sabi.

Nilapitan ko siya at biglang niyakap. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko siyang
yakapin ngayon.

Tumawa siya ng bahagya habang kapag ko. "Kier talaga. Magpahinga ka na sa kwarto.
tatawagin na lang kita, ok?" she said after I let go.

"Mahal na mahal kita, Avia." I said as I brush my fingers through her hair. She
closed her eyes.

"Mahal na mahal din kita, Kier."

-=-

Avia's POV

Napapangiti lang ako habang nilalagay ko ang mga kubtertos at plato sa mesa.
Feeling ko mag-asawa na kami ni Kier eh. Walang araw na hindi nadadagdagan ang
pagmamahal ko sakanya.

Nilagay ko na ang ulam at kanin sa mesa. Hmmm, kailangan ng uminom ni Kier ng gamot
niya. Pero bago 'yun, kailangan niyang kumain.

Umakyat ako papuntang kwarto namin. Dalawa lang naman kasi ang silid dito, isa sa
taas at isa sa baba. Eh pareho naming ginagamit 'yung sa taas.

I knocked the door three times before entering. Pagbukas ko, nakita ko siyang
nakahiga. Napangiti nanaman ako. Pagod na pagod naman ata s'ya?

"Kier, gising ka na muna. Kakain lang tayo." Malumanay kong sabi. Tinapik ko siya
ng mahina.

"Kier, get up na. lalamig ang pagkain sa baba." Tinapik ko ulit siya. This time
napakunot na ako.

"Kier! Kier, gumising ka na! hindi na ako natutuwa!" medyo nilakasan ko na boses
ko. Kinakabahan na ako at ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

"K-kier! Ano ba! Wake up! N-nagtatampo na ko sayo!" gusto ko siya sigawan para
gumising pero baka natutulog lang siya at baka talagang mahimbing lang ang tulog
niya. Oo, tama. Mahimbing lang ang tulog niya.

Hinila ko braso niya at pinaharap sa akin. Napaluha ako ng maramdam kong malamig
ang katawan niya. Nanginginig ang mga kalamnan kong nilapit ko ang tenga ko sa
dibdib niya.

Pinipigilan ko ang hindi maiyak. Hindi 'to ang kailangan ko ngayon. I need to be
strong for him. He needs me right now. And me being weak will not help him.

"K-kier... K-k...K-kier please wake up... P-please?" I cried while hugging him.

Hindi pa ako handa eh. Ayoko pa. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Gusto kong
araw-araw naririnig ang salitang mahal kita. Gusto kong suotan niya pa ako ng
singsing. Gusto kong marinig niya ang I do ko.

"H-h'wag ngayon...please?" I cried with cracking voice.

Pakiramdam ko unti-unti ding namamatay ang puso ko. Parang nanghihina na din ako.
Ang sakit sakit. Ayoko pa. Pakiusap h'wag niyo muna siyang kunin sa akin.

"S-sabi mo... S-sabi mo hindi mo ko iiwan ng hindi nagpapaalam." Hinigpitan ko


pagyakap sakanya. Nakikita na ba ni Kier ang ilaw? Kung gano'n hindi ko siya
pakakawalan. Hindi ko hahayaan na magcross over siya.

"S-sabi mo gusto mong nagkaroon tayo ng maraming Litte Avia at Little Kier." 'Yun
na ba 'yung kanina? 'Yun na ba ang huling yakap niya? 'Yun na ba ang huling salita
na maririnig ko sakanya?

Hindi ko na maramdaman ang tibok ng puso niya. Pati kasi ako namamanhid na din.
Sana panaginip lang 'to. Isa lang 'tong masamang panaginip.

Susunod naman ako sayo eh. Pero h'wag naman sana pa ngayon. Kasi alam kong pareho
tayong hindi pa handa.

"M-mahal na mahal kita, Kier. Mahal na mahal na mahal." Sabi ko bago tumulo ang
luha sa sa kabilang mata ko.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng maramdaman kong may humaplos sa buhok ko.
Agad akong napabangon at nakita ko ang nakangiting Kier. Bukas ang mga mata niya at
may luha din sa gilid ng mata niya.

"K-kier..." anas ko. "B-ba...B-bakit ang hirap mong gisingin ah? Pinag-alala mo
ako!" I heard him laugh a little.

Nagulat na lang ako ng hilain niya ako kaya napasubsub ako sa dibdib niya. Niyakap
niya ako ng mahigpit.

"Ang ingay mo kasi kaya nagising ako. Tatawid na dapat ako kaso nakalimutan kong
hindi pa pala ako nagpapaalam sayo." His voice are breaking na animo'y pinipigilan
din ang pag-iyak.

"H'wag mo na ulit 'yon uulitin ah? Mangako ka ng hindi mo na ulit 'yon uulitin."
Tumingin ako sakanya kaya magkalapit lang ang mukha namin.

He smiled weakly. May tumulong luha sa mga mata niya at pinunasan ko 'yon gamit ang
daliri ko. "H'wag mo kong iiwan." Bulong ko.

"Hindi kita iiwan, pangako."

Kier's POV
Pumunta muna akong CR bago nahiga. Huhugasan ko mukha ko para naman marefresh
pakiramdam ko. Nakatingin lang ako ng mataman sa salaming habang pinagmamasdan ang
sarili. Hindi naman ako mukhang mahina. Kung titignan nga, mukhang malakas pa ako
sa kalabaw. Kaya ko naman atang mabuhay pa ng matagal. Katawan ko 'to eh. Ako ang
nakakaalam kung kailan dapat sumuko.

Naglalakad ako papuntang kama ng maramdaman kong nanghihina ang tuhod ko. Para
akong babagsak sa sahig. Hindi pwede. Ok naman pakiramdam ko kanina ah.

Kahit nanghihina, pinilit kong makalapit sa kama. Ipapahinga ko lang ito. Baka kasi
nasobrahan ako sa lakad kanina.

Nakahiga na ako nang maramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Gusto kong sumigaw
pero hindi ko magawa dahil pati lalamunan ko nanghihina na din. Isa 'to sa mga
epekto ng may mga heart failure.

"A-aa... Avia~" pakiramdam ko naman malakas ang pagsigaw ko pero alam kong kulang
'yun. Mahina na ako.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Isang putting liwanag ang nakikita ko
ngayon. Para akong inaakit na tumawid.

Gusto kong lumapit pero parang may pumipigil sa akin. Parang hindi tama. Parang may
kulang. Pero sa kabila naman ng utak ko gustong gusto nang lumapit sa liwanag.
Parang natatalo nga ako ng utak ko eh.

Pikit matang lumapit ako sa liwanag. Inabot ko ang mga kamay ko para makatawid
do'n. papasok na sana ako ng makarinig ako ng hikbi.

"K-kier... K-k...K-kier please wake up... P-please?"

"H-h'wag ngayon...please?"

"S-sabi mo... S-sabi mo hindi mo ko iiwan ng hindi nagpapaalam." Hinayaan ko ang


boses niya. Parang may humihigop sa akin papasok sa liwanag pero para namang may
pumipigil sa akin. Parang may nakatali sa akin para hindi makaalis.

"S-sabi mo gusto mong nagkaroon tayo ng maraming Litte Avia at Little Kier."

"Susunod naman ako sayo eh. Pero h'wag naman sana pa ngayon. Kasi alam kong pareho
tayong hindi pa handa."

"M-mahal na mahal kita, Kier. Mahal na mahal na mahal." Para akong nakarinig ng
magic word nang sabihin 'yon ni Avia.

As if all my senses disappeared and now they're back because of Avia's voice.
Naramdaman kong parang bumalik ang kaluluwa ko sa katawan ko. Unti-unti kong
minulat ang mga mata ko at nakita ko si Avia na nakayakap sa akin at umiiyak.

Napangiti ako sakanya habang hinahaplos ko buhok niya. I can see the relief on her
face.

I'm sorry, Avia. I almost leave you. I-I'm sorry... my heart almost stopped.

-=-

Avia's POV

Pagkatapos ng pangyayaring 'yon, hindi na ako natulog. My advatage being a


nocturnal vampire can now be used. Babantayan ko na s'ya palagi at kung pwedeng
lagi kong ichecheck ang heartbeat niya, gagawin ko. Masiguro ko lang na buhay pa
s'ya. Parang nagkaro'n ata ako ng phobia eh.

Hindi na rin natuloy ang surpresa ko kay Kier kaya pinagpaliban ko na muna. Haay.
Kumusta na kaya sa amin? Kumusta na si Kuya at Lorelei? Tapos si Edric. Hmmm. Bakit
ba kami nagkahiwahiwalay. Kasi may sari-sarili kaming buhay sa labas.

Eh si Wynner kaya? Nasa'n ba 'yon? Baka umuwi sakanila? Wala na akong balita
sakanya after ko siyang nakita sa hospital.

Napadungaw ako sa bintana at nakita ko si Kier na nakikipaglaro kay Aeri. Napangiti


lang ako. Siguro nag-overreact lang ako kagabi. Baka naman talaga natutulog lang
siya tapos ako etong OA at umiyak agad.

Bumaba akong kwarto at nakita kong nakatayo lang si Kier sa gitna ng backyard.
Nakangiti siya sa akin at parang hinihintay ako.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko. Nakangiti lang siya. 'Yung parang hindi
nagbabago ang expression ng mukha niya.

"Lapit ka pa." he said. I move closer. Mga 1 meter away na lang. "Lapit pa." Again,
lumapit din ako, mga one foot na lang.

"For you." Inabot n'ya yung red rose galing sa likod niya. Napangiti tuloy ako ng
maluwang. Simple gestures yet kinikilig ako. Inabot ko 'yun.

Pagkakuha ko no'ng bulaklak, nagulat ako ng hilain niya ako mas palapit sakanya.

I gasped. "K-kier." Ang lapit ng mukha niya sa akin. Nakakaduling, pero


nakakakilig. Parang kinikiliti ang loob ng tyan ko.

"Payakap ako ah." sabi niya tapos tumango naman ako.

"Can we stay like this, forever?" I said. Naramdaman ko namang umiling siya.

"No." he said. Para namang may kumurot sa puso ko.

"Why?" pinipigilan kong h'wag tumulo ay mga luha ko. Then he let go of his hug.
Malungkot ko siyang tinignan.

"No, because I still have something to ask you. And if we hug each other forever, I
won't be able to ask and give this to you." He slid his finger on his pocket at
nakita ko ang itim na kahita. Inabot n'ya 'yon sa akin.

"K-kier... A-ano yan?" napatakip na lang ako ng bibig ng makita kong buksan niya
ang maliit ng kahita.

"Walk down the aisle with me first, then we can hug each other, forever."

-----------------------------------------------

A.N: OMG~ Ayan na. Sarreh pero hindi ko talaga kayang patayin si Kier. Mahal na
mahal ko siya to the moon and the back. May maganda na akong plano sa ending ng
story na 'to. Oo, na-plot ko na siya kagabi. Konting ayos na lang ng problema. Alam
ko kung ano ang sasabihin niyo, POV ni Wynner. HAHAHA.
Wala ba kayong napapansin sa story ko? Wala na siyang spacing diba? Tama na din mga
tagalog apostrophe(?) ko kaya wala ng magrereklamo na hindi ako sumusunod sa tamang
bantas. Kung may mali man, pasensya na at sa MS Word ko siya ginagawa kaya uso ang
Auto correct.

Babus na muna at ako ay magbebeauty rest.

Avia &Kier at the multimedia. :) Touching isn't it? </3

XOXO

-Thyriza

####################################
Chapter 40 - Missing
####################################

Chapter 40 - Missing

Kyla's POV

"OMG~ May manggahan pala sa likod bahay." Nasabi ko habang naglalakad-lakad sa


buong Villa. Hapon na kasi kaya wala akong magawa. Si Nyx naman nasa kwarto niya at
natutulog. Hinahayaan ko na lang kesa naman ma-stress siya sa kaiisip kay Aric.

Kumuha ako sandali ng asin sa kusina saka bumalik sa manggahan dala ang panungkit
ng mangga.

Enjoy na enjoy ako habang nanungkit ng mangga ng makita ko ang malaki at habal na
mangga. Kaso 'di na s'ya abot nitong panungkit ko.

Wala akong choice kundi akyatin ang manggahan. Kaya ko naman ata. Tsaka, marami
namang sanga, may maapakan ako. 'Di naman siguro 'to mababali eh.

I breath in and out bago ako umakyat. Dahan-dahan lang at ingat na ingat para hindi
ako mahulog. Naku! Katakawan mo kasi Kyla eh. Eh bihira lang kasi akong makakain ng
injan na mango, kadalasan carabao Mango.

Nasa gitna na ako ng puno ng biglang humangin at parang narinig ko yo'ng mga ibon
na nagliparan. Hala! Baka nagambala ko sila.

Bumaba na lang kaya ako? Ihahakbang ko pa sana isa kong paa sa isang sanga ng
biglang nadulas yung isa.

"Shit!" napamura ako nang makita ko ang baba. Masyado na palang mataas ang naakyat
ko!

"WAAAAH~ Pa'no na 'to?! Kasi naman Kyla eh!" Totoo nga 'yung sabi nilang madaling
umakyat ng puno pero mahirap ang bumaba. Hindi ko naman 'to pwedeng talunin at alam
kong mapipilayan ako.

Pumikit ako at dahan-dahang kinakapa ng paa ko ang pwedeng maapakan pababa. Halos
mahigit ko ang hininga ko kasi talagang natatakot ako at kinakabahan.
Nahilo ako pagtingin ko sa baba. Nagpapawis na kamay ko saka ko naramdaman na
parang nagdudulas ang kamay ko sa isang sanga na hawak ko.

"N-no... No."

Kapag nahulog ako dito, hindi naman ako mamatay. Pero pwede akong mabalian. Pwede
akong mapilay. Pwedeng mabali braso ko. At kapag nangyari 'yon, hindi ko na
mababatukan si Edric sa pang-iiwan niya sa akin ng wala man lang pasabi!

I heard a slight creak. A sign na nababali na ang suporta ko para hindi mahulog.
Napapikit na lang ako. Ito ang napapala ng isang matigas ang ulo kahit alam naman
na hindi kayang umakyat sa puno.

Unti-unti kong naramdaman na mahuhulog na ko. Syet lang! Nagagawa ko pang mag-
narrate kahit nasa bingit na ako ng aking kabalian sa buhay.

Then everything seems so slow. Or was it just my imagination. Gusto kong


papaniwalain ang sarili ko na slow motion nga para hindi ko maramdaman ang sakit.

Pero hindi eh. Nakita kong pati ang mga ibon na lumilipad sa langit ay mabagal din
ang lipad. Pati ang sayaw ng dahon mabagal din.

Hinintay kong makalapat ang mga paa ko sa lupa pero parang nasalo ako ng isang
bagay na malambot. Nababaliw na ata ako. Nasobrahan na ata ako sa kababasa ko sa
mga fanstasy stories at kung ano-ano na ang naiisip ko.

"Ang lakas ng loob na umakyat sa puno hindi naman pala marunong bumaba." My body
stiffened. How can I forget that voice?

Dahan-dahan akong lumingon sakanya. Nakita ko ang mga mata na matagal kong
kinasabikan. Para akong natulala sakanya. Bakit ba parang naipit ang dila ko? Diba
marami akong gustong sabihin sakanya?

"E-edric?" hindi ako makapaniwalang nandito siya, karga ako. At matamang nakatitig
sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Saya kasi sa wakas nandyan na
siya. O inis dahil bigla-bigla na lang niya akong iniwan ng walang pasabi.

"Ano pala kung hindi ako dumating?" ibinaba niya ako. Ako naman parang tangang
nakatitig lang sakanya na animo'y nahypnotismo. Ayaw kong tanggalin ang tingin
sakanya dahil baka isa lamang itong ilusyon at mawala nanaman siya sa paningin ko.

Wala sa sariling hinawakan ko ang pisngi niya. Nakaramdam ako bigla ng lungkot.
Lungkot na noon ko pa pala binabalewala. Kasi nagtatapangtapangan ako. Kasi
pinapakita ko na galit ako. Pero ang totoo namimiss ko siya.

"I-ikaw ba talaga yan, Edric?" naluluha kong sabi. Nagulat na lang ako ng bila niya
akong yakapin ng mahigpit. Doon ako napahagulhol. Totoo nga. Si Edric nga 'to.
Yakap ako ngayon ni Edric and it wasn't just a mirage.

"Sshhh. I'm here now. Don't cry." Pag-aalo niya sa akin.

Matagal na gano'n kami. Yakap lang namin ang isa't-isa. Natatakot kasi akong baka
niloloko ako ng aking sarili.

"Wag na 'wag ka ng aakyat ng puno lalo na kung naka-bestida." Sabi niya sa akin.
Napamaang naman ako. "Ang cute pala ng polka dots, 'no?" napasinghap ako dahil sa
sinabi niya.
Marahas akong kumalas sa yakap niya at sinamaan ko siya ng tingin. Bwesit 'to!
mamboboso!

"Pervert!" I scowled. Napa-smirk naman siya. Kainis na vampirang 'to! may gana pang
inisin ako eh ang dami na niyang atraso sa akin!

"I am?" natatawa niyang sabi. Inirapan ko siya. Pero hindi ko naman maitago ang
galak sa puso ko. Napapangiti ako sakanya kahit inis ako. Ah ewan!

Nagulat naman siya ng paghahampasin ko siya gamit kamay ko.

"Bwesit ka! Bakit ngayon ka lang nagpakita ah?! Hindi mo man lang ba naisip ang
mararamdaman ko?! I hate you! I hate you!" sabi kong panay palo sa braso niya.

Nagulat ako ng bigla niya akong hilain palapit sa kanya at niyakap ako.

"Ghad I miss you!" he said. Napatulala naman ako. Akala ko tuwing umaga na lang ako
kikiligin kapag nagjijingle. Hindi pala.

"N-namiss din kita." Nauutal kong sabi sakanya. Kahit ang totoo gusto ko siyang
murahin at sabihin na miss ko na siya. Eh magtatatlong buwan na siyang nawala eh.

"Hindi na muli akong mawawala sayo. Pangako." Bulong niya. I gently pull away at
tumingin sakanya habang nakayakap sa batok niya.

"Pangako?"

"Pangako." He said before giving me eskimo kiss.

Papasok na kami ni Edric sa bahay. Napag-alaman kong kasama niya pala ang Lolo niya
na nasa bayan kasama ni Tito Kent kasi do'n nila nakita si Tito.

"Tulog pa 'yon si Nyx eh. Silipin ko lang kung gising na." sabi ko sakanya.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Nyx. Napakunot ako ng makita kong
wala siya sa higaan. Saan naman kaya 'yon nagpunta? Niluwangan ko ang pagbukas saka
ako pumasok. Si Edric naman nasa likod ko lang.

"Nyx? Nandyan ka ba?" sabi ko sa may pinto ng CR. Pagbukas ko neto, wala naman
siya. Luh? Saan naman kaya 'yon nagpunta?

"Baka lumabas?" sabi ni Edric.

"Tss. Alam naman niyang hindi siya pwedeng lumabas eh. Ang kulit talaga ng lahi
niya! Sana lang hindi 'yon mamana ang anak niya." Sabi ko tapos napatingin naman
ako kay Edric.

"Kasama mo ba si Aric? Alam niya bang buntis si Nyx?" napailing naman si Edric.

"Hanapin muna natin si Lorelei. Saka ako magkekwento sayo. Ok?" napatango naman
ako.

-=-

Kent's POV
"Libutin niyo ang bayan! Kung kailangang pati maliit na butas silipin niyo para
lang mahanap kung sa'n nakatira si Laura!" utos ko sa mga kasama ko. Sila 'yung mga
vampira galing sa kaharian nila Aric na pinadala sa amin para bantayan si Lorelei.

Kailangan kong mahanap ang kapatid ko at pigilan siya sa balak niya. Hindi ko
makakapayag na galawin niya si Lorelei o kahit ang sanggol sa tyan nito.

Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niyang makuha si Lorelei. Alam kong may
masama siyang binabalak. Alam kong hindi maganda ang hangarin niya.

Siguro nakatulong din ang pagiging vampira ko. Naamoy ko kung may paparating na
hindi magandang pangyayari.

"Sir Kent! Wala po dito sa bayan! Baka po nasa mga bukid-bukid?" sabi no'ng isang
kasama ko.

Napatingin ako sa bahaghari. Hapon na pala. Dapat bumalik na kami at hindi


magandang magpagabi dahil baka maisahan kami ni Laura!

"Balik na muna tayo sa Villa!" sabi ko saka sila tumango sa akin.

Sasakay na sana ako sa kotse ng biglang may kumalabit sa braso ko. "Sino ka?!"
sinamaan ko siya ng tingin. Hindi siya tao. Isa siyang mataas na uri ng vampira.

"Vladimir. Dating Hari ng Vampire City."

"What do you want?" malamig kong tanong.

"Nandito ako para tumulong sa inyo at protektahan ang babaeng nagdadala ng sanggol
na mamumuno sa Vampire City." Natahimik naman ako. Sinabihan ko naman siyang
sumakay sa kotse.

Nasabi niya sa akin ang tungkol sa Vision niya daw. Mga balak niya para hindi
madamay si Lorelei at anak nito.

"Dito muna kami sa Villa naninirahan. Sa loob tayo mag-usap. At para na din makita
mo ang pamangkin ko."

Pagdating namin sa Villa, nagulat akong makitang parang nagkakagulo sa loob. Para
silang may hinahanap.

-=-

Kyla's POV

Nilibot na namin ang buong Villa pero hindi talaga namin mahanap si Nyx. Naiiyak na
tuloy ako. Pa'no kung bigla siyang nadepress at maisip n'yang magpakamatay? Aish!
Kyla ang morbid mo ah!

Lahat na nga naghahanap eh. Lagot ako neto kay Tito Kent! Baka magalit 'yon sa
akin. Huhuhu.

"H'wag kang mag-alala, Kyla. Mahahanap din natin si Lorelei." Sabi ni Edric. Nag-
aalalang napatango lang ako.
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang makita kong papasok na ang kotse ni Tito
Kent. Parang gusto ko ng magtago sa kwarto. magaglit 'yan si Tito.

Sa labas pa lang rinig ko na ang boses ni Tito. Sabay kaming bumaba ni Edric at
sinalubong namin si Tito.

May kasama itong isang lalaki na makisig. Sino naman kaya eto?

"Lolo, nawawala po si Lorelei." Napatingin ako kay Edric at nagpalipat-lipat ang


tingin ko sakanilang dalawa. Siya pala ang Lolo ni Edric. Ang gwapo naman. Hindi
matanda tignan.

"Saan mo ba siya huling nakita, Kyla?" tanong ni Tito Kent.

"E-eh, iniwan ko po siya sa kwarto niya kasi nakatulog siya habang nanunuod kami ng
pelikula." Nakakagat ko na lang labi ko. Feeling ko tuloy napaka-iresponsable kong
kaibigan. Dapat binabantayan ko siya. "S-sorry po, Tito Kent." Mababa kong sabi.

"It's not your fault. It's nobody's fault. Hahanapin natin siya kahit anong
mangyari."

-----------------------------------------------

A.N: wala akong maisip na i-author's note. ^___^

#Happy200K sa book 2.

'Yung mga nagbabasa ng 'Under Your Spell' hindi ko alam kung mapapagpatuloy ko pa
'yon. Ewan, nawalan ako ng gana magsulat nun dahil sa issue ngayon ng EXO kay Kris.
Eh si Kris ang bida ko do'n. Pero imma try my best na i-update 'yon. :((

#WeAreOne #WeAreEXO

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 41 - Return
####################################

Chapter 41 - Return

Aric's POV

"Ti lascio andare" (papakawalan kita) Nagulat ako sa sinabi niya.

"Cosa?" (what?)

"I don't know you have a bad expression about me. I am your ally, Prince Aric. Your
father secretly told me to let you go. Because you have to. he said you have to
protect your child and its bearer." I frowned. Ano ba pinagsasabi ng Vampirang 'to.

"What child? Is this a trap?" I narrowed my eyes on him. Siguro pain 'to para
mangyari ang gusto nila. Na tuluyan kong hiwalayan ang babaeng mahal ko at hayaan
silang mamili ng ipapakasal sa akin.

"il tuo amore, she's pregnant. That's why I'll let you leave." (your girlfriend) I
was shocked. Parang ako nanigas sa kinatatayuan ko. B-buntis si Lorelei?

Para akong nanghihina sa narinig ko. Kung nabuntis ko siya, malamang naghihirap
siya ngayon. Kasalanan ko 'to!

He even told me na wala daw makakaalam na wala na ako sa school. Kaming tatlo lang
daw. Hindi dapat malaman kahit na nino.

Agad akong umuwi sa pilipinas. Pakiramdam ko, ito na ang pinakamahabang byahe ng
buhay ko. Bakit parang ang tagal?

Bakit hinayaan kong mabuntis siya? She can't bear a baby. She'll die. At hindi ko
'yon makakaya. Ayaw ko siyang mawala sa akin.

Pero pa'no kung kailangan mong mamili?

Pipiliin ko si Lorelei!

Nakarating ako sa bahay nila Lorelei. Nakasarado ang kurtina ng kwarto niya. Baka
wala siya. Hindi ko naman magawang magteleport dahil maliwanag pa at baka may
makakita sa akin.

Kakatukin ko sana ang gate ng bigla itong lumabas. Siya ata 'yung Yaya ni Lorelei.

"Si Lorelei po?"

-=-

Lorelei's POV

Masyado nang maselan ang pagbubuntis ko ngayon. Konting galaw ang napapagod agad
ako. Konting lakad lang nananakit na agad tyan ko. Lagi din akong inaantok kaya mas
pinipili kong mahiga na lang kesa ipagsakapalaran ang baby ko.

Nadala ako nang antok kaya napapikit ako. Katabi ko lang naman si Kyla na naunuod
ng movies.

Kahit tulog ako, feeling ko gising ang diwa ko. Naramdaman kong lumabas si Kyla sa
kwarto. Baka nababagot na siya dito.

Kapag tulog ako lagi akong kinakausap ng anak ko. Hindi ko siya makita pero rinig
ko ang boses niya. Hindi ko nga mawari kung babae o lalaki eh. Bata pa kasi ang
boses kaya pwede mong isipin na babae pwede rin na lalaki.

Naramdaman kong humangin ng malakas. Hmmm, ito talaga maganda sa probinsya, sariwa
lagi ang hangin. Pero bakit kakaiba ata ngayon ang hangin? Parang tagos sa mga buto
ko?

Napamulat ako ng biglang kumirot ang tyan ko. Parang may pumipilipit sa loob.

"A-ang anak ko." Ingat na ingat akong bumangon. Humihilab sa sakit ang tyan ko.
Naku h'wag naman sana!

Napatayo ako habang hawak ang tyan ko. Malaki na siya. Hindi nga talaga
pangkaraniwang anak ko. Pa-ika-ika na naglakad ako papuntang bintana. Kailangan ko
'tong sarahan kasi talagang malamig.

Ang hirap pa namang sarhan ng bintana na 'to. Si Kyla nga lagi kong inuutusan kapag
bubuksan o sasaraduhan ang bintana eh. Makaluma kasi siya tapos sliding pa.

Nasara ko na ang bintana at agad akong bumalik sa higaan ko. Nakaupo na ako ng
maramdaman kong umiikot paningin ko. Para akong nahihilo sabayan pa ng kumikirot
kong tyan.

Baby makisama ka naman kay Mama. Masama ang pakiramdam ni Mama, baby. Napapahawak
na lang ako sa ulo ko.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari nang maramdaman kong bumagsak na ako
sa kama.

Natatakot akong baka may mangyaring masama sa anak ko. Hindi ko ata kakayanin. Ito
na lang ang nagpapaalala sa akin kay Aric. Hindi ito pwedeng mawala.

-=-

Nagising ako sa isang medyo dim ang light. Ang alam ko lang hindi ko ito silid.
Nasaan ba ako?

Bigla akong napabangon. Nilibot ko paningin ko. Hindi nga ito ang kwarto ko! Nag-
sleep walk ba ako? Nasa ibang silid ba ako? Nilipat ba ako nila Tito sa kwarto?

Napahawak naman ako sa tyan ko. Hindi na siya masakit. Medyo parang calm na din ang
anak ko. Kapag kinakabahan kasi ako talagang magalaw din siya.

Narinig ko ang dahan-dahan na pagbukas ng pinto. Hindi ko alam pero parang biglang
tumalon sa tuwa ang anak ko.

"Baby, bakit?" tanong ko sakanya habang hinihimas ang tyan ko.

Napatingin naman ako sa pumasok. Matagal bago nag sink in sa utak ko kung sino ang
nasa harapan ko.

Bigla na lang na tumulo ang luha sa mata ko. Lahat ng emosyon ko parang
nagsisilabasan. Saya, lungkot, takot, tampo, galit at pagmamahal. Panaginip ba 'to?
Kasi sa totoo lang madaming beses ko na 'tong napanaginipan eh. Pero ang pagkakaiba
ngayon, malapit siya sa akin. Lumalapit siya sa akin at nakangiti. Umupo siya sa
tabi ko at hinaplos ang pisngi ko.

Naramdaman ko nanaman ang mga malalamig niyang kamay. Napapikit ako. Gustong gusto
ko kapag ginagawa niya 'yan. Nararamdaman ko ang pagmamahal niya.

"Aric." Sambit ko habang nakapikit.

"Mahal ko." Napangiti ako. Matagal kong hinintay na marinig ko ang salitang 'yon.

Expected ko na na pagmulat ko ng aking mata ay wala na siya. Pero ngayon, hindi.


Nandito pa din siya sa harap ko, nakangiti sa akin na puno nang pagmamahal.

"I-ikaw ba talaga 'yan, Aric? Hindi ba 'to isang magandang panaginip?" hinawakan ko
ang mukha niya. Nakita kong may nangingilid din na luha sa mata niya.

"Bakit ngayon ka lang?" sabi ko habang masaganang tumutulo ang luha sa mga mata ko.

"P-patawarin mo ako, Mahal ko. H-hindi ko alam." Tapos tumingin siya sa tyan ko.
"If I only knew. Hindi sana ako umalis." Ngumiti naman ako sakanya na parang
sinasabing ok lang kasi alam kong may dahilan.

"H'wag mo na ulit akong iiwan ha? Promise me you won't leave me anymore." Ngumiti
naman siya sa akin ng malungkot.

"Hindi ko 'yan mapapangako sayo, Mahal ko." Nalungkot naman ako sa sinabi niya.
"Pero kahit ilang beses akong mawala sa tabi mo, pangako ko na babalik at babalik
ako." Tuluyan na akong napangiti sakanya.

Niyakap niya ako patagilid dahil hindi na niya ko mayakap paharap.

"Magiging pamilya na tayo, Aric." Nakangiti kong sabi sakanya. "Ano ipapangalan
natin sa baby?" Alam ko dapat tinatanong ko siya kung bakit siya nawala. Dapat
inaaway ko siya. Dapat nagagalit ako sakanya kasi halos tatlong buwan siyang hindi
nagpakita. Pero sa tuwing naiisip ko 'yon biglang nag-iiba ang pakiramdam ko.
Napapalitan nang pagmamahal ang nararamdaman ko. Weird nga eh. Epekto ata ng
pagbubuntis ko.

Hindi sumagot si Aric bagkus pinaglaruan niya lang buhok ko sa gilid. Pinagmamasdan
ang mukha ko na parang minememorize ang bawat sulok.

"L-lorelei..."

"Hmmm?"

"Magagalit ka ba kung mas pipiliin kita kesa sa anak natin?" he said. Natigilan
naman ako. What does he mean by that? Why is he saying those things? Why he has to
choose?

"A-ano?" I almost whispered.

"You can't bear that child. I love the baby, but I love you more. I can't bear to
lose you. Not now, not ever." Napakunot naman ako. Napalayo ako sakanya ng kaunti
na animo'y isa siyang banta sa kaligtasan ng anak ko.

"Y-you want me to... to abort my baby?!" I looked at him with disbelieve. For what
I thought na siya lamang ang masasandalan ko sa ganitong pagkakataon.

"No! That's not what I meant. Lorelei diba alam mo naman na-"

"Alam ko, Aric! Maaring ikamatay ko ang panganganak! At kung papipiliin ako, mas
gugustuhin ko pang mamatay, just to deliver the baby safely! I will sacrifice my
life just for this baby!" tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata ko. Ngayon pa
lang nararamdaman ko na ang motherhood. At hindi ko akalain na mismong ang ama ng
anak ko ang magsasabi na wala dapat sa sinapupunan ko ang batang 'to!

"How about me?" he asked. Tumayo ako at pumunta sa may bintana habang nakatingin sa
labas.

"I'm sorry Aric. Pero kung hindi mo matatanggap ang desisyon ko, it would be better
kung maghihiwalay na tayo." Masakit man sa akin, pero mas ikamamatay ko din ata
kung mawawala ang anak ko sa akin.

Naramdaman kong pumulupot ang braso niya sa tyan ko at siniksik niya mukha niya sa
leeg ko. Napapikit na lang ako habang dinadama ang yakap niya. Hindi ko maitanggi
na namiss ko din 'to. Ang yakap niya.

"Sorry na. Hindi na mauulit. Hindi na ako muling mag-susuggest nang gano'ng bagay."
Sabi niya.

Gano'n lang kami ni Aric, nakatalikod ako habang yakap niya ako nang maramdaman
kong may marahang sumisipa sa loob ng tyan ko. Napaigtad ako kaya nagtatakang
tinignan ako ni Aric.

"A-ano 'yon?"

"S-sumipa ang baby natin. Gumagalaw siya." Masaya kong pahayag. Pinaharap naman ako
ni Aric sakanya at bigla na lang siyang lumuhod. Dahan-dahan niyang itinaas ang ang
laylayan ng aking bestida at tumambad sakanya ang lobo kong tyan. Nailing tuloy
ako. Expose na ang maganda kong legs.

"Baby? Si daddy-"

"Papa, Aric. Papa ang gusto kong itawag niya sayo." Putol ko kay Aric. Napatango
naman siya sa akin at ibinalik ang tingin sa tyan ko.

"Baby, ang Papa mo ito. Naririnig mo ba ako?" natawa ako ng konti ng inilapit ni
Aric ang tenga niya sa tyan ko.

"Hala? Naririnig ka niya. Gumalaw siya." Masaya kong sabi. Narinig ko naman ang
masayang halakhak ni Aric. Ramdam kong Masaya siya sa ginagawa.

Ibinaba ni Aric ang bestida ko at hinarap ako. Hinawakan niya pisngi ko at tinignan
ako ng puno nang pagmamahal.

"Hindi ko sinasadyang sabihin yung kanina. Gusto kong ipagpatuloy mo ang


pagbubuntis. H'wag kang mag-alala. Hindi natin kailangang mamili kung sino ang
mabubuhay sa inyong dalawa. Hahanap ako ng paraan. May tiwala ka ba sa akin,
Lorelei?" tumango naman ako.

"M-may paraan ba?" tanong ko. Syempre gusto ko din mabuhay. Gusto kong masubaybayan
ang paglaki ng anak ko. Gusto kong buo kaming pamilya. Gusto kong maramdamang
magkaroon ng kumpletong pamilya.

"Gagawa ako ng paraan. Ano pa't naging makapangyarihan akong Vampira kung hindi ako
makakahanap ng paraan diba?"

"K-kung gano'n... Iiwan mo nanaman ba ako?"

"Hindi kita iiwan. Nangako na ako diba?" bigla ko na lang siyang nayakap kahit
awkward sa pakiramdam dahil sa tyan ko.

"Hindi na ako magtatanong kung bakit bigla kang nawala kasi may tiwala naman ako
sayo. Pero sana h'wag mo na 'yon uulitin, ah? masakit sa ulo mag-isip eh." I gently
pull awat at tumingin sakanya.

"So namiss mo 'ko?" he seductively says. Napasimangot lang ako. Sorry siya at hindi
niya ako maaakit sa paganyan-ganyan niya.

"Hindi!"

"Talaga lang ah?"

"Talaga!"

"Haha! Halika nga dito. Hug na lang kita forever."


Kunwaring nag-eenarteng lumapit ako sakanya. Gusto ko siyang ikiss kaso pakiramdam
ko may nakatingin sa amin. Feeling ko hindi lang kami ang sa silid.

"Lorelei? May problema ba?" takang tanong ni Aric.

"Feeling ko kasi- feeling ko-"

"Lorelei? Ok ka lang?" Napahawak na lang ako sa tyan ko. Bakit siya sumasakit? Ang
galaw ng bata sa loob. Parang nasasaktan siya.

"A-Aric... Aric m-masakit... M-masakit tyan ko..." daing ko.

"Hala? Imposible namang manganganak ka na. wala pang siyam na buwan." Rinig kong
sabi niya. Bigla niya akong binuhat at dinala sa kama.

-=-

Aric's POV

"AHHHHH~ Aric!" Malakas na sigaw ni Lorelei. Natataranta na ako at hindi ko alam


ang gagawin ko. Bakit ba bigla na lang siyang nagkaganyan?

Napapaigtad siya habang sumisigaw. Animo'y nanganganak na. nakahawak siya ng


mahigpit sa braso ko at hinihiling na tanggalin ko ang sakit.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Sino bang makakatulong sa akin?

Agad kong kinuha phone ko at denial ang number ni Daddy. Sa ngayon sa palagay ko,
siya lang makakatulong sa akin. Wala si Avia kaya wala akong masasandalan.

Hindi na sumisigaw si Lorelei pero malalim ang hangos niya. Pinagpapawisan din siya
at panay ang himas sa tyan niya.

"Dad!"

[Aric bakit-]

"Dad si Lorelei. Tulungan mo ako please. Hindi ko na alam ang gagawin ko."
Natahimik ng konti as kabilang linya saka nagsalita si daddy.

[May papupuntahin ako dyan. Nasa resthouse ka, diba? Pupunta dyan ang makakatulong
sayo.]

Tulog na si Loreleo pero nakikita kong napapaigtad siya ng konti kapag humuhulab
tyan niya. Ito na nga ba sinasabi ko. Conceiving will kill her.

Naramdaman ko naman na may paparating na bagong vampire sa lugar naming kaya


hinanda ko sarili ko.

"Tita Maxhene?" hindi ko makapaniwalang sambit.

"Hello Aric. Nasaan na ang magaling kong anak at hindi umuuwi? Haay! Kung hindi
lang dahil sa pakiusap ni Hansel hindi ako pupunta dito." Sabi niya tapos nilapitan
niya si Lorelei.

"I will ease the pain she's feeling right now." She said. Nilapat niya kamay niya
sa tyan ni Lorelei. Nagulat ako nang bigla niyang naiwaksi ang kamay niya na parang
gulat na gulat.
"T-tita bakit?"

"Buo na ang bata sa loob! Pa'nong nangyari 'yon?!"

"Po?"

"It talked to me! it wanted to get out!"

---------------------------------------------

A.N: Namiss ko si Maxhene. :)

Masabaw ang UD. Minadali ko lang at busy ako. :))

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 42 - A Mother's Sacrifice
####################################

Chapter 42 - A Mother's Sacrifice

Avia's POV

"Avia..."

"Hmm?"

"Thank you for saying yes." He said then beamed. I held his hand and squeeze it.

"I will always say yes, Kier." I said.

And yes I accepted his proposal. It's not just because I don't have a choice or
because he is dying. But because I wanted to be his. I wanted to spend my life with
his limited time.

"But I'll understand if you decline it. Ang isang tulad ko na-"

"Kier. I love you, ok? I have to marry you because I need you as much as you need
me too." I can see he blushed and it amuses me knowing I am the reason why his
cheeks turned crimson.

"I love you more, Avia."

'Eh pa'no 'yong wedding preperations? Kailan natin 'yon aasikasuhin?" I asked.
Ngumiti naman siya sa akin at hinaplos ang buhok ko.

"I'll take care of it, Avia. You don't have to worry anything." He said. Tumango
naman ako.

"I think we need a blessing from my parents." I said.


"Pa'no nila malalaman?" he querried.

"Sasabihin ko kay Mommy. Magpapadala ako ng mensahe. " sabi ko.

"Matatanggap kaya nila ako?"

"They will and they should." Natatawa kong sabi.

"Eh kumusta na pala yung kaibigan mo? Si Wynner ba 'yon?" nagulat naman akong
banggitin niya si Wynner.

"Hindi ko alam eh. Umuwi ata sakanila. Bakit?"

"Wala naman. Gusto ko lang sana siyang makausap."

"Close pala kayo?" biro ko sakanya. Nginitian niya lang ako saka ginulo buhok ko.
Napasimangot tuloy ako. Ayaw ko pa namang ginugulo buhok ko.

"Akyat lang ako, Avia sa taas." He said.

"Samahan na kita." Nag-aalala kong sabi. Baka may mangyari nanaman sakanyang masama
eh.

"Ok lang ako. Promise hindi ako magiging tulog mantika." Ngumiti siya ng pilit.

"S-sige." Sabi ko. Gusting-gusto ko siyang sundan. Pero may tiwala ako kay Kier na
hindi niya ako iiwan nang hindi nag-papaalam.

-=-

Lorelei's POV

My body is weak pero bukas ang isip ko. Alam kong dinala ako ni Aric sa Villa
kasama yung magandang babae. Pinag-uusapan nila ang kaligtasan ko. Gusto kong
isigaw na ok lang ako basta iligtas lang ang anak ko. Pero kulang ang lakas ko para
ibuka ko bibig ko.

Narinig kong may umiiyak. Si Kyla. I bet she's worried. I'm fine, Kyla. I'm sorry I
didn't have the chance to call you bestfriend.

I heard Tito's cussing. Sinisisi niya sarili niya. Tito wala kang kasalanan. H'wag
kang magalit sa sarili mo. Ikaw mag-aalaga sa anak ko. Papalakihin mo din siya
kagaya ko.

"Gawin mo lahat, Tita Max. Just save Lorelei, please?" Aric's begging voice. Parang
nilulusaw ang puso ko. Unti-unti siya pinipiga dahil sa mga naririnig ko.
Nasasaktan sila dahil sa akin. Was I born to hurt my love ones feelings?

"Lolo tulungan niyo po si Lorelei. Nakikiusap po ako." Nagtatangis si Aric. H'wag


mo kong isipin, Mahal ko. H'wag kang panghinaan ng loob. Nahihirapan ako.

"Gusto ng lumabas ng bata pero hindi pa pwede dahil sarado pa ang labasang bata ni
Lorelei." Sabi no'ng boses babae.

Napaliyad ako nang maramdaman kong parang may nag-cramps sa loob ng tyan ko. Parang
may pinpilipit sa loob. Parang may gustong lumabas pero masakit kapag pinipilit.

Naramdaman kong may yumakap sa akin. Gusto kong imulat mata ko pero kahit kagalaw
ng daliri hindi ko magawa. Mahinang-mahina na ako.

"Lumaban ka, Mahal ko. H'wag mo kong iiwan." It was Aric's sobbing voice. Napaluha
na lang ako. Nasasaktan ako physically pero mas nangingibabaw ang sakit na
nararamdaman ko dahil kay Aric. Gusto kong haplusin pisngi niya at ibulong
sakanyang ayos lang ako at gagawin ko ang lahat para lumaban. Gusto kong sabihin
sakanya na mahal na mahal ko siya. Gusto kong makatanggap pa din ng itim na rosas.
Gusto ko... kahit sa huling pagkakataon.

Then suddenly I felt weird. Parang sa isang iglap nawala 'yong sakit na
nararamdaman ko. Nakita ko na lang sarili ko nakatayo at nakasuot ng putting
bestida.

Nasa parang gubat ako. Yung lugar na pinagdalhan sa akin noon ni Aric. Sa malapit
sa cliff kung saan may nangyari sa amin.

Bakit ako nandito? Patay na ba ako? Isa na ba akong ligaw na kaluluwa at kung saan-
saan nakakapunta?

"Mama." Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Isang sanggol na nakahiga sa bato. Agad akong tumakbo para kargahin siya pero unti-
unti itong lumaki. Dahan-dahan itong tumayo. Mukha siyang 8 years old na bata.
Isang lalaki.

"Mama." Ulit niya.

"I-ikaw ba ang anak ko?" I know it was obvious but I wanted to be sure. The feeling
was surreal.

Hinawakan niya kamay ko at nakaramdam ako ng gaan. Feeling ko lahat ng burdens ko


nawala. Masaya ang pakiramdam ko.

"Gusto mo ba akong mabuhay, Mama?" Yumuko ako ng kaunti para maging ka-level ko
siya. Napangiti ako ng marealize ko kung sino kamukha niya. He looks like just his
dad. Perfect almond chinky eyes. Pointed nose. And thin lips.

Nagulat ako when his gray eyes shift to green. The suddenly biglang naghalo ang
kulay.

"Gustong-gusto kong mabuhay ka. Gusto kong bigyan ka ng pagkakataon na mabuhay sa


mundo." I told him. Hinaplos ko ang pisngi niya. Malamig ito. Palatandaan na isa
siyang anak ng vampire.

"Pero malulungkot si Papa. Mahal na mahal ka po ni Papa." Nginitian ko naman siya.

"Payakap nga ako?" naluluha kong sabi. Tumango naman siya at niyakap ako ng
mahigpit.

"Mama bakit hindi ka po lumalaban? Sinusubukan nilang buhayin ka. Lumaban ka Mama."
Umiling naman ako.

"Hindi pwede. Lalaban ako pero para sayo. Hindi para sa sarili ko."
Pagkasabi ko no'n bigla na lang unti-unting naglalaho ang anak ko.

"Lumaban ka, Mama!" he cried.

"Mahal na mahal kita. Sabihin mo sa Papa mo na mahal na mahal ko siya."

-=-

Aric's POV

Kanina pa ako pabalik-balik sa labas ng kwarto. Hindi ako mapakali. Nasa loob si
Lolo at si Tita Maxhene dahil ginagawan nila ng paraan para makalabas ang anak
naming ni Lorelei.

"Aric, relax ka lang. Alam kong lalaban ang bestfriend ko. Matapang 'yon eh." Sabi
sa akin ni Kyla.

"Salamat kasi ikaw nag-alaga sakanya habang wala ako." Pakiramdam ko napaka-
iresponsable kong vampire dahil wala ako no'ng nagbubuntis siya.

"Ang gusto lang ni Nyx mapabuti at maligtas ang anak niyo. Kaya alam ko gagawin
niya ang lahat."

"Lahat?" nagtataka kong tanong. "Ano'ng ibig mong sabihin na lahat?" nakakunot
kong tanong.

"W-wala." Ngumiti siya ng pilit. "Konting oras na lang lalabas na ang anak niyo."
Sabi niya tapos lumapit kay Edric.

Hindi kaya, balak ni Lorelei na isacripisyo ang buhay niya? Nagulat ako ng
makarinig ako ng iyak ng bata.

"Fvck! That can't be!"

"Uy Aric sa'n ka pupunta?!" sigaw ni Edric.

Hindi ko siya pinansin at derederetsong binuksan ang kwarto papasok kung saan si
Lorelei.

"Lorelei!" sigaw ko dahilan para mapalingon si Lolo at Tota Maxhene.

I was dumbfounded. Lorelei's selflessly lying on the bed, full of blood. Para akong
nanghina. Bakit ganyan hitsura niya?

"L-lolo... A-ano po nangyayari kay L-Lorelei?" pakiramdam ko nawalan ako ng lakas.

"A-aric..."

"Lorelei?" nilapitan ko siya. Saka ko hinaplos mukha niya. May ngiti sa labi niya.

"Mahal ko gumising ka! Mahal ko!" Gusto kong magmura. Gusto kong sirain ang buong
Villa.

"Hindi! Hindi 'to pwede! Lorelei! ARGHHHHH! Gumising ka, Mahal ko!!" niyugyug ko
siya.

Narinig kong umiiyak din silang lahat. Kung masakit sakanila, mas masakit sa parte
ko! Wala akong nagawa kahit konti. Naghirap siya dahil sa akin! Hindi ko dapat
hinayaan na may mangyari sa akin. Sana ngayon buhay pa siya.

"A-aric, wala na ang pamangkin ko. Wala na siya." Mahina ngunit puno ng hinagpis na
sabi ni Tito Kent.

Napatingin ako kay Tita Maxhene na may kargang bata.

"S-siya ba ang anak namin?" tanong ko.

"Oo." Lumapit sa akin si Tita Maxhene at inabot sa akin ang bata.

"Lalaki siya." Nasabi ko. Kinarga ko yung bata mulat na ang mga mata nito. Hindi
siya nakangiti. Nakita kong inabot niya mga maliliit niyang daliri sa akin.

Hinawakan ko 'yon. "Mahihintay mo ba ang Mama, Papa?" I heard his thought. Nagulat
ako.

"Makapangyarihan ang anak mo, Apo. Doble sa kapangyarihan na meron tayo." Sabi ni
Lolo. "Pinagsama-sama ang kapangyarihan ng buong Kang family. Ganyan siya kalakas,
Apo."

Hinawakan ko ang maliit na kamay ng anak ko at tinignan siya na akala mo ay


nagkakaintindihan na kami. "Hihintayin ko ang Mama. Hihintayin natin ang Mama."
Sabi ko sakanya sa isip. Then I heard his chuckle.

"A-ano ipapangalan mo sakanya?" tanong sa akin ni Edric. Wala akong maisip. Kung
sana nakasama ako ni Lorelei habang nagbubuntis siya, di sana napag-usapan naming
ang pangalan ng magiging anak naming.

"Hunter. Name him hunter, Aric." Said Lolo. Napatingin naman ako sa anak ko na
nakangiti.

"Hunter." Sabi ko.

-=-

(play the music on the multimedia. I look to you by Boyce Avenue)

"Hindi ka ba pupunta sa libing ni Lorelei?" ani Edric. Hindi ko siya pinansin at


pinagmasdan ko lang ang papalubog na araw. Napangiti ako ng mapait. Libing ni
Lorelei. Parang hindi kapanipaniwala. Parang isang malaking joke.

"Ang bilis lumaki ni Hunter. Oras-oras ata dumadagdag ng inches ang tangkad niya
eh." Hindi ko ulit siya pinansin.

"S-sige, iwan na muna kita." Sabi ni Edric. Biglang tumulo ang luha sa pisngi ko.
Hindi ko matanggap na wala na siya. Sa isang iglap bakit nawala siya ng wala kong
pinaglalaban.

♫ As I lay me down
Heaven hear me now
I'm lost without a cause
After giving it my all ♪
"Lorelei..." I called her name. Then a mirage appeared. She was wearing her sweet
perfect smile. She was smiling at me.

"Mahal ko..." she softly said. I walked towards her. I wanted to hug her tight and
never let her go.

"H'wag ka ng umalis." Bulong ko sakanya.

♫Winter storms have come

And darkened my sun

After all that I've been through

Who on earth can I turn to?♪

Ngumiti lang siya sa akin. Bakit nagagawa niya pang ngumiti. Ok lang ba sakanya na
iiwan niya ako? Kasi sa akin hindi ok. Kung pwede lang na gawin ko siyang vampire
ginawa ko na. Pero hindi 'yon pwede. Nasa vampires' code na once a year lang pwede
gumawa ng vampire kung ayaw mong maging blood sucker siya.

"Alagaan mo siya, Aric. Mahalin mo ang anak natin. H'wag kang mag-alala. Hindi ko
kayo iiwan. Nandito lang ako sa paligid, nagmamasid." She said.

♫I look to you

I look to you

After all my strength is gone

In you I can be strong

I look to you

I look to you

And when melodies are gone

In you I hear a song, I look to you ♪

"Pwede bang makita kita lagi? Pwede bang h'wag ka ng umalis sa tabi ko?" pakiusap
ko sakanya.

"Nasa utak mo na ako, Aric. Anytime na gusto mo akong makita sa isipan mo, makikita
mo ako. It's up to you. Pero sana h'wag ako lagi ang iniisip mo. May anak tayo.
Siya ang isipin mo."

"Pangako, aalagaan ko si Hunter." Sabi ko. Napangiti naman siya.

"Kay gandang pangalan." Ani niya.

♫About to lose my breath

There's no more fighting left

Sinking to rise no more


Searching for that open door♪

"Si Lolo ang nagpangalan sakanya. 'Yon daw ang nakatakdang ipangalan sa anak
natin." Nakita kong may naglandas na luha sa pisngi niya. "Bakit ka umiiyak, Mahal
ko?" tanong ko sakanya.

"Patawarin mo ako at hindi na kita masasamahan sa pagpapalaki sa anak natin." Sabi


niya tapos biglang humangin ng malakas. Nilipad ang buhok niya kaya hinawi ko ang
mga hiblang dumikit sa pisngi niya.

♫And every road that I've taken

Led to my regret

And I don't know if I'm gonna make it

Nothing to do but lift my head ♪

"Ako ang patawarin mo, Mahal ko. Wala ako sa tabi no'ng oras na kailangan na
kailangan mo ako. Napakawalang kwenta kong-" nilapat niya ang dalawang daliri niya
sa labi ko para patigilin ako sa pagsasalita.

"Sshhhh... Wala kang pagkukulang, Mahal ko. Lahat tayo may pagkukulang. Mas grabe
nga lang sa akin kasi wala ako para sa pagpapalaki ng anak natin."

I stared at her with so much love. Mahal na mahal ko si Lorelei at hindi ko


maipapaliwanag kung gaano basta nararamdaman ko na lang.

Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sakanya. Nakita kong napapikit s'ya.

♫I look to you

I look to you

After all my strength is gone

In you I can be strong

I look to you

I look to you

And when melodies are gone

In you I hear a song, I look to you♪

Dinampi ko ang mga labi naming sa isa't-isa. Eto ba yung tinatawag na goodbye kiss?
Kasi masakit eh. Nahahaluan ng pait yung matamis na halik. Napakasakit.

Hinawakan ko ang mga batok niya para palalimin ang mga halik. It this is all a
mirage, please stay like this forever. Ok lang kung sa illusion lang kita makikita,
hanggang sa nakikita pa ako. Ok pa ako.

♫My levee's have broken, my walls have come

Crumbling down on me

The rain is falling, defeat is calling


I need you set me free♪

Naramdaman kong may tumulong luha sa pisngi niya. Kung pwede ko lang siyang pigilan
na umalis eh. Pero hindi ako Dyos para gawin ko 'yon. Ang tanging magagawa ko lang
ay ang makuntentong makasama siya sa imahinasyon ko.

Napamulat ako ng humangin ulit ng malakas. Hurt ang devastation came all over me
when I saw her mirage slowly fading. Inabot ko kamay ko para kunin siya at hindi
sumama sa hangin pero huli na ako. Wala na siya. Wala ng tuluyan ang Mahal ko.

♫Take me far away from the battle

I need you, shine on me♪

"LORELEEEEEI~" I cried. Napaluhod na lang ako sa sobrang sakit na nararamdaman.


Wala bang extension? Hindi ba pwedeng patagalin ng konti?

Parang may nag-eecho naman na boses niya kaya napalibot ako ng tingin. "Nandito
lang ako sa paligid, Mahal ko. Alagaan mo si Hunter."

♫I look to you

I look to you

After all my strength is gone

In you I can be strong

I look to you

I look to you

And when melodies are gone

In you I hear a song, I look to you♪

"Pangako ko 'yan, aalagaan ko siya." Nakapikit kong sabi habang dinadama ko siya.
Iniisip ko na lang na nasa paligid lang siya. Iisipin ko na lang naglalaro kami ng
hide and seek at ako ang taya.

♫I look to you

I look to you♪

--------------------------------------------------------------

A.N: Ansabaw! Hindi ako kuntento. Pagtyagaan niyo na lang. Haaay!

Sa right side si Aric and Lorelei. Pasensya na sa panget na edit. Hindi talaga ako
inspired! huhuhu

#LoRic #VCDNYOVS

XOXO

-Thyriza
####################################
Season 2
####################################

Q: Bakit may season 2? Pwede namang continues chapter na lang.

A: Kasi may dumagdag na character. Tapos dito lahat masasagot ang tanong niyo. Diba
walang closure kay Vance and Trever? At wala pang ginagawa si Laura. So dito siya
dapat sa season 2. Feeling ko kasi mabigat para sa akin at sa inyo na ireveal ko
lahat eh kamamatay lang nga ni Lorelei.

Q: How about Wynner-Avia-Kier?

A: Yes, kasama sila sa season 2. Patience is a virtue.

Q: Why did you let Lorelei die?

A: In-analyze ko kasi 'yong story. Kapag binuhay ko siya, magiging isang


kasinungalingan yung paniniwalang namamatay ang tao kapag nanganak ng isang
vampire's son. Magiging cliche ang labas niya at masasabi niyong 'sabi na hindi
siya mamamatay eh' diba ang pangit kapag gano'n?

Q: Mabubuhay ba siya?

A: Dyosa ako pero hindi ako Dyos. HAHAHAHA Djoke lang. Malalaman niyo sa season 2.

Q: Malapit na ba siyang matapos?

A: Sad to say, hindi pa. Matagal pa. Pinahaba ko pa kasi eh.

Q: Bakit Hunter ang pangalan ng anak nila?

A: Diba si King Vladimir sakanya nagbigay ng pangalan? Kasi he can see the future.
'Yon ang nakatakdang ipangalan sakanya.

Q: Hindi pa ba alam ng kaharian na wala na si Lorelei?

A: Hindi pa.

So 'yon, kung may katanungan pa kayo or violent reactions, comment below at


sasagutin ko kapag online ako. :)

Alam niyo ba:


-na dapat babae ang anak nila Aric?

-na Loric dapat ang pangalan at hindi Hunter?

-na dapat yung bata ang mamamatay at hindi si Lorelei?

-na si Laura sana ang nagkidnap kay Lorelei instead of Aric?

So 'yan yung dapat na mangyayari pero binago ko. Mahilig akong mag-draft and revise
eh.

Questions? Suggestions? Violent reactions?

Add me on twitter: @theRealThyriza

fb: @thyriza.wattpad

IG: @Thyriza

####################################
Chapter 43 - New Start
####################################

VCDNYOVS SEASON2

Chapter 43 - New Start

Third Person's POV

Kumalat sa buong Vampire Clan ang pagkamatay ng isang babae sa panganganak ng isang
tagapagmana. May natuwa, may naawa, may nasasaktan, at may mas nasasaktan. Si Aric.

Sa loob naman ng kaharian, lahat ay nagluluksa nang malaman nila ang masamang
balita. Nanlulumo ang Reyna at ang Hari dahil sa sinapit ni Lorelei.

"May pagkukulang din tayo. Hindi dapat natin hinayaang magkahiwalay ang dalawa."
Sabi ni Hansel. Hinawakan naman ni Ingrid ang braso ng asawa at tinignan ito ng
puno ng malungkot.

"Kasalanan ko. Ako ang nagpalayo kay Aric. Dapat hinayaan na lang natin sila."
Hikbi ng Reyna.

Sa malayong lugar naman, habang namamasyal si Avia at Kier, napatigil si Avia ng


biglang sumulpot sa harapan niya si Smitt.

"Mahal na Prinsesa, kailangan ka ngayon ng kambal mo. Kailangan niyo pong sumama sa
akin." Sabi sakanya ni Smitt.

"Bakit ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong ni Avia.

"P-patay na po si Lorelei. B-buntis siya at ikinamatay niya ang panganganak sa


bata."

"ANO??"

-=-

Kasalukuyan...

"Aalis na tayo, Aric. Hindi ka ba sasama?" tanong ni Edric sa pinsan. Simula ng


ilibing si Lorelei, hindi na nila narinig na nagsalita si Aric. Lagi lang itong
nakatulala sa kawalan. Hindi nga nito magawang kargahin ang anak niya.

"Iyak ng iyak si baby Hunter kanina. Hindi mo man lang ba titignan ang anak mo?"

"Just leave. Nandito si Lorelei. Hindi ko siya iiwan dito." Sabi ni Aric. Napailing
naman si Edric.

"Umulan na at lahat-lahat hindi ka pa rin ba aalis dyan? Sa tingin mo ba matutuwa


si Lorelei sa pinag-gagawa mo? Sa tingin mo ba masisiyahan siyang pinapabayaan mo
ang anak niyo?" nagtagis ang ngipin ni Aric sa narinig. He glared at Edric.

"Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko! Kaya wala kang karapatan kung ano ang
dapat kong gawin!" galit na hasik ni Aric sa pinsan.

Napapailing na iniwan ni Edric si Aric. Naiintindihan naman niya ang nararamdaman


ng pinsan dahil pati siya nalulungkot din sa biglaang pagkawala ni Lorelei. Pero sa
palagay niya maling balewalain niya ang anak nila ni Lorelei.

"Oh nasa'an na si Aric?" tanong ni Kyla sa kasintahan. Dala nito ang bagahe at
handa ng lisanin ang Villa.

"Ayaw sumama. Hayaan na muna natin." Sabi ni Edric. Lumabas naman sa bahay si Kent
karga si baby Hunter. Medyo malaki na ito kumpara sa isang regular ng kapapanganak
pa lang na bata.

"Isasama po ba natin si baby Hunter o iiwan natin kay Aric?" tanong ni Kyla kay
Kent.

"No. Dadalhin ko si Hunter. Wala pa sa huwistyo si Aric at alam kong mapapabayaan


niya ang anak niya. Hayaan na muna natin siyang magluksa." Sabi ni Kent saka
dumeretso sa Van. Narinig naman nilang umiyak ang bata na parang ayaw umalis. Ang
likot nito at parang gusting kumawala sa pagkakahawak ni Kent.

"Baby Hunter, bakit? Ayaw mo bang umalis?" tanong ni Kent sa Apo niya. Mas lalong
lumakas ang iyak nito. Lumabas naman sa loob ng Van si Vladimir at tinignan si
Hunter.

"Gusto niya si Aric." Simpleng sabi ni Vlad.

-=-
Aric's POV

"Aric!" napangiwi ako. Bakit ba nila ako lagng tinatawag? Hindi ba nila
maintindihan na gusto ko munang mapag-isa. Hinihintay ko pa si Lorelei! Dito ko
siya huling nakita. Kaya ala kong dito siya matatagpuan ulit.

"Aric..." napalingon ako kay Tito Kent. Nagulat akong makitang karga niya ang anak
naming. "Nangako ka na aalagaan mo ang anak niyo. Ano'n ginagawa mo sa sarili mo?"

Para naman akong nakaramdam ng guilt. Nangako nga ako kay Lorelei na aalagaan ko si
Hunter. Pero masakit para sa akin na makita ang anak ko na naging dahilan para
mawala ang pinakamamahal ko sa lahat.

Hindi naman sa sinisisi ko ang anak naming, sa katunayan, sa sarili ko ako


nagagalit. Sabihin niyo sa akin, napakawalang kwenta ko bang vampira?

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Kung ako nga ang masusunod, ilalayo ko muna
sayo ang Apo ko. Pero gustong makasama ni Hunter ang ama niya. At h'wag mong
ipagkait sakanya ang pagmamahal ng isang Ama lalo na ngayon na kailangan na
kailangan niyo ang isa't-isa." Tumingin ako kay Hunter. Nagsusumamo ang mga ngiti
nito. Inabot niya ang mga kamay niya na parang gusto niyang abutin ko din 'yon.

"Hahayaan mo na lang bang maramdaman ni Hunter na kasalanan niya kung bakit wala na
ang kanyang Ina? Napakabuting tao ni Lorelei kaya mas pinili niyang mabuhay ang
anak niyo kesa sa sarili niya. Kaya sana h'wag mong sayangin ang sakripisyo n'ya
mailabas lang ng ligtas ang anak niyo."

I heavily sigh. Lumapit ako sakanila at hinawakan ko ang kamay ng anak ko. Nakita
kong may sumilay na ngiti sa mga labi niya. Ngiting Lorelei. Natawa akong naiiyak.
Kuha niya nga ang mukha ko pero nasa kanya ang expression ng mukha at mga ngiti ni
Lorelei.

Bigla ko na lang siyang kinuha kay Tito Kent at niyakap.

"Baby patawarin mo ang Papa. Sorry talaga!" naiiyak kong sambit. "Pangako hindi na
talaga kita pababayaan." Hinaplos ko ang maliit niyang mukha.

"P-Pa...pa..." sambit niya. Ang sarap sa pala sa pakiramdam. Hindi ko alam kung
pa'no ko ipapaliwanag kung gaano kasarap tawagin kang Papa ng anak mo.

"Sasama na po ako, Tito Kent. Mas kailangan ako ngayon ng anak ko. I know Lorelei
will understand kung iiwan ko muna siya dito." Ngumiti naman ng kaunti si Tito.

-=-

1 week later...

Ang lahat ng kalungkutan na nararamdam sa palasyo ay napalitan ng saya imbes na


pighati dahil kay baby Hunter. Ewan ko, basta nandyan siya sa paligid, lahat ng
kalungkutan at problema ay nawawala. May kung anong mahika kapag tumatawa siya.

"Ang cute cute talaga ng pamangkin ko!!" gigil na sabi ni Avia. Napangiti lang ako
sakanya. Nasa labas kami ng palasyo at karga ko si baby. Mas malaki na siya ngayon
kumpara noon.

"Say Ti-ta A-via. Say it baby." Naka-pout na sabi ni Avia.

"Papa." Mabilis na sagot ni Hunter. Pareho kaming natawa ni Avia. Wala siyang ibang
masabi kundi ang tawagin ang lahat ng Papa.
"Ay? Nakakatampo naman. Ayaw mo ba ng Tita? Sige na. say Tita Avia na. sige na,
tapos papakitaan kita ng magic ko. Please?" pinagdaop ni Avia ang dalawa niyang
kamay at ngumuso. Napailing na lang ako sa kambal ko. Ang kulit-kulit.

"Kumusta na pala si Kier?? Ok lang ba sayo na iwanan siya sakanila?"

"Mamaya luluwas ulit ako para makasama siya. Check up niya ngayon eh. Kasama niya
si Granpa." Sabi ni Avia.

"Gagaling pa ba siya?" ngiti lang ang sinukli niya sa akin saka tumingin sa malayo.
Namiss ko din 'tong kambal ko. Ang tagal naming hindi nagkita after no'ng makidnap
siya.

"Pinagdadasal ko na gumaling siya. A-ayaw ko siyang gawing vampira kuya kahit gusto
ko siyang makasama ng matagal. Pero kapag hiniling niya sa akin na gawin 'yon,
gagawin ko 'yon ng walang alinlangan. Pero ngayon, gusto ko lang enoy-in ang
lahat." She said. Napatango naman ako sakanya. Bilib naman ako sa kapatid ko.
Malakas s'ya kahit may mabigat din na dinadala.

"Eh si Wynner? Diba kasama mo siya?" napatingin naman siya sa akin at parang
nagulat.

"Hindi ah. kami lang ni Kier ang magkasama." Pareho kaming nagtataka. Eh naalala ko
sinabi sa akin ni Wynner na babantayan niya si Avia eh.

"Gan'on? Akala ko lang ata." Sabi ko. Napatango siya pero may pag-tataka pa din ang
expresyon ng mukha niya.

"Ma...ma..." pareho kaming napatingin ni Avia sa isa't-isa. May tinuturo si baby


Hunter sa unahan naming.

"Ma...ma... Mama..." sabi niya pa din habang nakaturo.

"U-uy! Baby Hunter ah! h'wag ka namang manakot ng ganyan!" sabi ni Avia.

Ibinigay ko naman si baby kay Avia at agad naman niyang kinuha.

"Kuya! Sa'an ka pupunta?"

Hindi ko siya pinansin. Pakiramdam ko nasa paligid lang si Lorelei eh. Pero
makukuntento na lang ba ako sa illusion na gan'on? Pero sobra ko na siyang namimiss
kaya kahit isang illusion lamang ang makita siya. Ayos lang sa akin. Nababaliw na
nga ata kung pati isang ang aking hallucination ay papatulan ko. Pero gano'n ata
talaga kapag nagmamahal ka. Hindi mo iisipin kung sa paanong paraan mo siya
makikita. Basta makasama mo lang siya.

-=-

Trever's POV

"Pssst! Guard!" tawag ko sa nagbabantay sa akin. Iritado naman itong lumapit sa


akin.

"Bakit?!"

"Sino 'yong batang pinag-uusapan niyo kanina? Kaninong anak?" isang lingo ko na
kasing naririnig na dumating na daw yung sanggol na tagapagmana. Eh wala naman
ibang magiging tagapagmana kundi si Aric.

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo?! Malay ko ba kung may balakin ka nanamang masama
sakaharian!" bwesit ng gwardiyang 'to! makalabas lang ako at ikaw ang una kong
papatayin!

"Sige na sabihin mo na. Tao na naman kao diba? Wala na akong magagawa para matalo
kayo. Tinanggal niyo na sa akin ang pagiging Transcendal ko." Pakiusap ko kahit
kating-kati na akong pilipitin ang leeg ng gwardiya. Hindi kasi ako pwedeng
magpakita ng kasamaan dito.

At Oo, isa na akong tao. Wala na akong kapangyarihan bilang Transcendal. Nasasaktan
na ako at isa na akong mahinang tao.

"Tss! Oh sige na nga! Nandito na ang anak ni Prinsepe Aric. Anak siya ng
tagapagmana kaya crown prince din yung bata." Para naman akong nanghina sa narinig.
May anak na sila ni Lorelei? Anim na buwan lang akong nakulong may gano'n ng
nangyari?! Ang bilis naman!

"K-kasal na pala ang Prinsepe sa babae?" tanong ko kahit parang ayaw ko ding
marinig ang sagot. Hindi ako martyr para tanggapin na sila ang para sa isa't-isa.
Kami dapat 'yon eh. Anak dapat naming 'yon!

"Ha? Hindi siya kasal! Namatay yung babae!" sabi niya sabay alis.

Nakatulala lang ako sa papalabas ng gwardiya habang pina-process ng utak ko ang


sinabi nung gwardiya. Sinong patay? Patay na si Lorelei?

Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa pisngi ko. Pucha ang sakit! Kaya ko
ba siya napanaginipan no'ng isang araw? Nagpapaalam siya sa akin?

Ang sakit na naramdaman ko ay napalitan ng galit at poot! Gusto kong magwala!

"Hindi ito mangyayari kung ako ang pinili mo, Nyx! Kasalanan 'to ni Aric!
Magbabayad siya! Magbabayad siya pati ang anak niya!" mariin kong sabi sa sarili.
Mahigpit kong hinawakan ang selda at napapikit. "Makakalabas din ako dito. Konting
hintay lang at mapapabagsak ko ang Vampire City!"

I cried hard. "NYX~ Hindi ka patay! Mahal na mahal kitaaa~ Nyx~ !!"

------------------------------------------------

A.N: This is the season 2. Isang book na lang siya. Bakit ko siya tinawag na S2?
Kasi magbabago ang takbo ng kwento. Kung baga naglevel up. More matured... More
Blood...

XOXO

-Thyriza

####################################
Chapter 44 - Puzzled
####################################

Chapter 44 - Puzzled

Avia's POV

Napailing na lang ako kay Kuya. Sa'an ba 'yon pupunta? Iniwan niya lang pati sa
akin si Hunter.

"Sa'n kaya pupunta si Papa, baby? Hmmm?" kausap ko sa pamangkin ko. Tumawa lang
siya. Mabuti pa 'to walang problema sa buhay.

"Alam mo ang bilis mong lumaki. Kung ako sa'yo, hindi ko mamadaliin ang paglaki.
Madami ka agad na iisipin sa buhay eh." Nakatingin lang sa akin si Hunter habang
tumatawa. Naaalala ko tuloy sakanya si Lorelei. Ganyan din ang mga ngiti niya eh.

"Aliw na aliw ka dyan sa bata ah." agad akong napalingon sa nag-salita. Si Wynner!
Lumapit siya sa akin habang nakapamulsa.

"U-uy! Wy! Long time no see!" Masaya akong makita siya. Matagal ko din siyang hindi
nakita eh. Namiss ko din 'tong lalaking 'to!

"H-ha? Ah Oo nga! Haha. Kumusta ka na?" hinawakan niya kamay kamay ni baby at
pinalaruan 'to.

"Ok naman ako. Eh ikaw? Saan ka ba nagpunta?" natahimik lang siya at mukhang nag-
isip.

"May binantayan lang sa tabi-tabi." Sabi niya.

"Huh? Sino naman? Taga bantay na lang ba ang ka-gwapuhan mo?" natatawa kong sabi.

"Ganun talaga kapag nag-mamahal eh." His expression was hurt. But wait, he love
someone?

"Sino ba 'yan at kailangan pang bantayan? Hindi mo man lang sinabi sa akin na may
nagugustuhan ka na. Akala ko pa naman kaibigan an ang turing mo sa akin."
Nagtatampo kong sabi.

"Hindi mo na kailangan pang malaman. Tsaka hindi nga alam no'ng vampirette na
nagugustuhan ko na mahal na mahal ko siya. Lakas ba naman ng nakaturok na
anesthesia sa katawan no'n sa sobrang manhid." Nakatingin siya sa akin sa mata na
parang may kung anong mensaheng pinapadala.

"Aww. Kawawa naman ang Wynner ko." I pouted then encircle my right hand through his
arms. I feel him fliched. Naiilang ba siya sa akin?

Marahan niyang tinanggal ang kamay ko sa braso niya na ikinabigla ko. Ngayon lang
ako sakanya naglambing dahil namiss ko siya. I felt rejected. For some reason,
nagulat ako. May kung anong kirot akong naramdman eh.

"H'wag kang mag-alala. Nag-momove on na ako." He said then beamed.

"Talaga? Good for you." I tried to be happy for him. Is moving meaning I will lose
him? I have this weird instinct na mawawala siya sa akin eh. Feeling ko nga, kahit
magkasama kami ngayon, malayo ang loob niya sa akin. 'Yun bang feeling an 'You're
near, Yet so far' ang peg. Gano'n ang nafe-feel ko ngayon.

"Malapit na birthday ko. Ano regalo mo sa akin?" sabi niya. This time ibang Wynner
nanaman nakita ko. Wala na 'yung lungkot. He grinned playfully.

I don't know if it's just me pero iba ang naaalala ko kapag birthday na niya ang
pinag-uusapan.

My first kiss!

Feeling ko tuloy namumula ako. 'Yon talaga naaalala ko eh!

"O-oo nga 'no? Ano bang regalo ang gusto mo?" naiilang kong sabi.

"Dapat surpresa! Mag-effort ka ah?!" sabi niya tapos kumindat. Aba at ang
demanding! Sabagay, eto ang totoong Wynner. Balasubas at maloko.

"Tss! Regaluhan kita dyan ng bomba eh!" I retorted. Natawa naman siya sa akin.

"Tignan mo si baby oh, tumatawa din." Napatingin ako kay Hunter at ngumingisi din
ito. Animo'y naiintindihan niya ang mga pinag-uusapan namin ni Wynner.

"Hunter ang pangalan niya. Ang cute ano? Say Hi to Tito Wynner baby." Humagikhik
lang si baby. Ang hyper ng batang 'to.

"Hunter? Pinag-isipan masyado ah!" natatawang sabi ni Wynner.

"Hahaha. 'Wag ka nga! Si Lolo Vlad sakanya nagpangalan! Lagot ka!"

"Eh joke lang naman!" sabi niya tapos pareho kaming natahimik.

Ang awkward nga ng katahimikan eh. Alam mo 'yung may gusto kang sabihin na kahit
ano para lang h'wag kang mailang pero natatakot ka din kasi baka iba masabi mo?

Then suddenly, a flashback came over me. It was so random at hindi ko alam kung
bakit 'yon pumasok ulit sa utak ko.

"Eh si Wynner? Diba kasama mo siya?" Kuya asked me. nagtatakang tinignan ko siya.
I'm with Kier alone. Wala si Wy kaya bakit naisip ni Kuya na kasama ko siya?

"Hindi ah. kami lang ni Kier ang magkasama." Sabi ko. I can see na nagtataka din si
Kuya. O baka naman naisip niya lang talaga na magkasama kami kasi close kami, ata?

"Avia, ok ka lang?" untag sa akin ni Wynner.

"H-ha? Ah wala, sige pasok na ako." Sabi ko saka mabilis na iniwan si Wynner sa
labas.

Pagdating ko sa loob ay agad kong inibigay si baby Hunter sa mga maid. Feeling ko
kasi nakakadagdag ang bigat niya sa bigat na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko pati maintindihan ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakakalito. Kapag
inisip mo mas lalo kang maguguluhan.

Pagtingin ko sa kanan ko, nakita ko si Lolo Vladimir na nakatingin lang sa akin at


nakangiti. Anong ngiti naman kaya 'yon?

"Lolo!" tawag ko sabay lapit. Namiss ko din 'to si Lolo eh! Spoiled ako neto at mas
mahal niya ako kesa kay Kuya Aric. HAHAHA.

"Oh Apo. Nasa'an na si Wynner? Diba kasama mo lang siya?" napangiwi lang ako. Lahat
na lang siya hinahanap at talagang dapat lagi ko siyang kasama ah? hanapan ba ako
ng isang Wynner Paxton?

"Nasa labas po." Sabi ko saka nag-kiss sa cheeks ni Lolo.

"Aba'y papasukin mo. Eto talagang batang 'to! hanggang ba ngayon ayaw mo pa din
sakanya?" ayaw ko ba kay Wynner? Noon 'yon! No'ng ang sama pa ng trato niya sa
akin! No'ng lagi niya akong inaasar! No'ng... no'ng ninakaw niya halik ko. At
no'ng... no'ng inulit niya.

"Hindi na po 'yon magbabago." Nasabi ko na lang. mapanuri pa naman ang Lolo ko.
Baka kung ano nanaman ang sabihin.

"Dapat maging mabait ka sakanya. Kasi kapag mag-asawa na kayo-"

"LOLO!" I whined. He burst out laughing na parang ngayon lang nakarinig ng isang
joke. Well isang malaking joke naman talaga ang sinasabi niya! My god! Asawa? Si
Wynner?! I can't even imagine myself with him. That is so... not me. I mean, from
the start nakatatak na sa isip ko na ang isang Wynner the player and Wynner the
pervert. You know, like he is so full of himself na isa din sa reason kung bakit
hindi ko siya makasundo.

"What?? There is nothing wrong of marrying him, Apo. You're single. He's single.
You're both compatible." I gave Lolo a 'yuck' expression. Alam kong may
kapangyarihan si Lolo na makita ang future. But his imagination is way futuristic
and... overrated! Me and Wynner will never go far except friends!

"Haaay naku Apo! You have no idea." Naiiling niya pang dagdag.

"Kayo ang walang idea, Lo! Look oh!" pinakita ko sakanya ang ring finger ko. "I'm
engage to be married. Sa taong Mahal ko." I emphasize the word.

"But-"

"Lolo naman eh! I know you can see the future but please... just this once. H'wag
mong titignan kung ano ang hinaharap ko." Sabi ko sakan tumalikod. I know it's rude
to turned your back to Elders but I can't help it.

Medyo malayo na ako nang marinig ko si Lolo magsalita. "But you'll get hurt."
Mahina ngumit sapat sa akin para marinig ko.

Masasaktan ako. Alam ko. Alam na alam ko 'yon. Pero wala akong pakialam. Masaktan
na kung masaktan. Ang importante ay in-enjoy ko siya.

-=-

Mag-gagabi na nang lumabas akong portal. Pumunta ako sa mansion ni Kier pero hindi
ko do'n naabutan si Granpa at Kier. Nasabi ng katulong na nasa Hospital para sa
check up.

So I immediately go to hospital. And there, naabutan ko si Granpa sa labas ng


private ward ni Kier. Nakayuko siya at nakalagay ang kamay sa noo. There's
something room, I know.

"Granpa." I called him.


He was happy to see me. His crinkled forehead disappeared and was amend with glee.
Pero nakita kong namumula ang mga mata niya as if galing lang sa sobrang iyak.

"Kumusta byahe sa Leyte?" he asked cheerfully. And yes, ang paalam ko kay Granpa ay
punta kong Leyte dahil sa family matter. Hindi naman niya kasi alam kung sino ako
talaga kaya Kier suggested na mag-alibi kay Granpa.

"It was fun." I said then crinkle my nose. Yes, that was me every time I lied to
something.

"Si Kier tulog pa. pina-inom siya ng gamot na may pampaantok. I guess bukas pa siya
ididischarge." He said.

"How was he po? Any progress?" I asked. Matagal bago nag-response si Granpa. As if
he was processing my simple questions. Then he shook his head.

"No progress hija. The doctor said his heart is getting weaker and weaker.
Pasalamat na lang daw tayo at lumalaban si Kier. I advise you, Avia hija, na ihanda
mo na ang sarili mo. Hindi natin alam kung kailan. But we don't have to wait for
it. We just have to enjoy every moment he survives."

Pumasok ako sa kwarto ni Kier. He's soundless sleeping. Kung wala lang nakakabit na
mga apparatus sa katawan niya malaman naisip ko na mahimbing siyang natutulog.

"Kier..." bulong ko sa pangalan niya. Umupo ako sa tabi ng kama niya at hinawakan
ko kamay niya. "Magpagaling ka ha? Aayusin na natin ang kasal natin. Pwede naman
'yung simpleng wedding diba? Ang importante maikasal tayo. Kasi... excited na akong
maging Mrs. Ford eh." Tear fall down my cheeks. Hayan nanaman eh. Iiyak nanaman
ako! Napakatraydor na luha! Hindi dapat ako nagpapakita ng kahinaan kay Kier kasi
alam kong mas malulungkot siya kapag nakita niyang pinanghihinaan ako ng loob.

Pero hindi ko kaya eh. Kung hindi ko ilalabas ang sakit na nararamdaman ko baka
bigla na lang akong sumabog.

Napatingin ako sa tabi ni Kier. Yung notebook niya. Napangiti ako ng may makita
akong mga bagong doodles. Magaling mag-draw si Kier eh. Maganda din penmanship
niya.

May isang page na doodle ng pangalan ko lang. sa kabilang page naman ay may
nakalagay na #Avier.

Napatakip ako ng bigbig ko habang naiiyak na natatawa. Avier is the combination of


our name. it was so cute of him. Kasi ako hindi ko 'yon naisip.

I closed the notebook nang makita kong gumalaw ang kamay niya.

"Kier?" I softly said. He slowly opened his eyes. Agad niyang nahanap ang mga mata
ko kaya napangiti siya.

"Nauuhaw ka? Gusto mo ng tubig?" I asked. Ngiti lang ang sinukli niya sa akin.

"I'm fine." Medyo malat niyang sabi. "Kanina ka pa ba?"

"Hindi naman. Enough to hear you snoring." I teased. Nanlaki naman mga mata niya.

"Humihilik ako??" I burst out laughing with his expression. Para siyang hiyang hiya
at namumula ang mga tenga niya.

"Joke lang. you're soundless, no worries." I beamed.


"Mabuti naman. Nakakahiya sayo." Nakanguso niyang sabi.

"Ikaw talaga." Tumayo ako at lumapit sa table na may mga prutas. "Ipagtalop kita ng
mansanas, gusto mo?" tumango naman siya. Ayaw kasi ni Kier ng apple na may balat.
Mapait daw yung lasa para sakanya.

"Kailan ba ako lalabas? Nakakabagot naman dito."

"Baka bukas na lang. h'wag kang mabagot at nandito naman ako. Marami akong
ikekwento sayo." Sabi ko.

"Ay Oo nga pala. Kumusta na ang kambal mo? Wala na ba talaga yung si Lorelei?" Alam
din kasi ni Kier yung tungkol do'n.

"W-wala na. pero may blessing naman na kapalit, si baby Hunter. Napakabibong bata
nga eh." Para tuloy namiss ko agad ang pamangkin ko. Kung pwede ko lang siyang
itakas eh. Hahaha. Kaso baka mapatay ako ni Kuya.

"Mabuti naman 'yon. Atleast may alaala siya."

Natahimik kami pareho. May gusto akong itanong kay Kier eh. Pero natatakot ako sa
isasagot niya. Pero gusto ko talagang malaman. Haaay! Hingang malalim Avia. Lakasan
mo loob mo.

"Uhh, Kier?"

"Hmmm?"

"Ok lang ba sayo kung... what if gawin kitang vampire. Ok lang ba sayo? Kaya mo
bang maghintay ng kalahating taon?" hindi siya sumagot umupo siya sa pagkakahiga at
tinignan lang ako. Kaya naman niya siguro ang 6 months pang mabuhay diba? Kasi 6
months na simula nang gawing vampire ang Tito ni Lorelei. Eh isang taon ang
kailangang hintayin para hindi siya maging blood sucker.

Nagulat ako ng umiling si Kier. "No Avia. Ayoko." He simple said. I was about to
say something when he cut me off. "I'm bound to die. At 'yon ang dapat mangyari."

"A-ayaw mo ba akong makasama ng matagal?" I wanted to hide all the disappointment I


am feeling right now. Pero amsyadong transluscent ang feelings ko ngayon kaya kahit
wala akong sabihin alam akong nababasa 'yon ni Kier.

"It wasn't like that, Avia. I wanted to spend the rest of my life with you,
forever. I do, I really do. But please let me be, Avia. Someday, someday malalaman
mo kung bakit ito ang pinili ko. And one day, you'll thank me."

I was hundred percent puzzled by Kier's words. It was like a riddle that is hard to
analyze.

----------------------------------------

A.N: I'm leaving a little piece of puzzle here. Can anyone guess what Kier's meant?
It's obvious anyway.

Lay low muna dito si Aric ah? Yung mga makukulit kong readers, Oo nga! Deadski na
si Lorelei. As in burried 6 feet under. May mga hindi kasi naniniwala. HAHAHA.
Hindi ko kayo jinojoke. Why would i do that? :"> Ganyan talaga. Tanggapin niyo siya
gaya ng pagtanggap ko na namatay si Stefan Salvatore, with a twist.

Oh siya! ciao na mga vampire, vampirette and vampress. At ang dyosa ng kagandahan
*flips hair* ay matutulog na.

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 45 - Man to Man Talk
####################################

Chapter 45 - Man to Man Talk

Flashback po ito ng Chapter 42. Right after Kier proposes to Avia. Before Lorelei
dies.

(Play the video on the right side. It's the song for this chapter. ^___^)

Kier's POV

"Avia..."

"Hmm?"

"Thank you for saying yes." I said. Naramdaman kong hinawakan niya kamay ko at
pinisil 'yon.

"I will always say yes, Kier." She said.

Napangiti ako sakanya. It was the best day of my life when Avia accepts my
proposal. Pero may pagdududa pa din ako na baka tinanggap niya 'yon kasi naaawa
siya sa akin. Pero ayaw ko 'yon isipin. Makukuntento ako sa ganito. Kasi maiksi na
lang ang ilalagi ko sa mundo.

"But I'll understand if you decline it. Ang isang tulad ko na-" she cut me off.

"Kier. I love you, ok? I have to marry you because I need you as much as you need
me too." Para namang nag-init ang pisngi ko. Akala ko noon hindi kinikilig ang mga
lalaki. Pero heto ako ngayon, parang teenager na kinikilig dahil sa sinabi niya.

"I love you more, Avia." I said.

"Eh pa'no 'yong wedding preperations? Kailan natin 'yon aasikasuhin?" she asked.
Ngumiti naman ako sakanya at hinaplos ang buhok niya.

"I'll take care of it, Avia. You don't have to worry anything." I said. Tumango
naman siya.

"I think we need a blessing from my parents." she said.

"Pa'no nila malalaman?" I queried.


"Sasabihin ko kay Mommy. Magpapadala ako ng mensahe. " ani niya.

"Matatanggap kaya nila ako?"

"They will and they should." Natatawa niyang sabi.

"Eh kumusta na pala yung kaibigan mo? Si Wynner ba 'yon?" sabi ko. I can see in her
expression na nagulat siya.

"Hindi ko alam eh. Umuwi ata sakanila. Bakit?"

"Wala naman. Gusto ko lang sana siyang makausap."

"Close pala kayo?" biro niya sa akin. Nginitian ko lang siya saka ginulo buhok
niya. She frowned then pouted. Alam ko kasing ayaw na ayaw niyang ginugulo buhok
niya.

"Akyat lang ako, Avia sa taas." Sabi ko. Nakita ko naman na medyo worried siya.

"Samahan na kita."

"Ok lang ako. Promise hindi ako magiging tulog mantika." I assured her.

"S-sige." Sabi niya saka ako tumalikod.

Pag-akyat ko ng kwarto agad akong dumeretso sa medicine cabinet at ininom ang


gamot. Medyo kumikirot kasi dibdib ko. Eto ang mahirap sa akin eh, nasanay na ako
sa gamot. Kaya malamang, ikakamatay ko na kapag isang araw akong hindi nakainom ng
gamot.

Nagulat ako ng may rebulto ng lalaki na nakatayo sa bintana ng kwarto ko.


Nakatalikod ito at may pinagmamasdan sa baba.

"SINO KA!" Kung magnanakaw ito, hindi ako magdadalawang isip na labanan siya kahit
may sakit pa ako.

Dahan-dahan itong lumingon sa akin at namilog ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung
sino ang lalaki.

"Anong ginagawa mo dito?!" hasik ko. Bakit siya nandito sa kwarto ko? Pwede naman
siyang maghintay sa sala kung gusto niyang-

"You're looking for me, remember?" he smirked then lumapit siya sa akin.

"Yeah, pero hindi ko naman alam na dito ka pupunta. Pwede mo kaming pinuntahan ni
Avia sa likod ng bahay. For sure-"

"At istorbohin ko ang sweet moments niyo? No! Hindi ako spoiler."

"Eh bakit ka nga nandito?" tanong ko.

"Eh bakit mo kasi ako hinahanap?"

Napabuntong hininga na lang ako."Alam mo naman sigurong mawawala na ako, diba?" I


started. Hindi siya umimik.
"Hindi ko na maaalagaan si Avia. Masasaktan ko siya at maiiwan ko siya." I paused.
Hindi ko nanaman mapigilang hindi maiyak sa ideyang iiwan ko si Avia.

"The idea of you taking care and loving Avia hurts me but-"

"What do you mean, Kier?"

"I know you love Avia. I know you cared for her. I know that!" hindi siya makaimik.
Ramdaman ko 'yon. Do'n pa lang sa bahay nila no'ng una kong makilala ang buong
pamilya ni Avia. Lalaki din ako at hindi ako manhid.

"So what? Ikaw ang mahal niya. What exactly are you implying, Kier?"

"I want you to take good care of her when I'm gone. Gusto kong ikaw magpatuloy ng
pagmamahal na hindi ko na maibibigay sakanya. Can you do that?"

"I'm afraid I can't." nagulat ako sa sinabi niya.

"Why?"

"I love her, yes. Pero hindi ko ipipilit ang sarili ko sakanya. Kung mawala ka man
alam kong ikaw pa din ang mamahalin niya. It will always be you, Kier."

"But-"

"I will take good care of her, yes. But to force her to love me, No. Natanggap ko
nang ikaw ang mahal niya. Suko na ako sa pagmamahal ko sakanya. Isang daang taon ko
na siyang mahal at sa palagay ko oras na para sumuko ako."

"Kung sumusuko ka na, bakit ka pa rin nandito? Bakit binabantayan mo pa din siya?"

"Hindi ibig sabihin na sumuko ako sa pagmamahal sakanya, eh titigil na din ako sa
pag-aalaga sakanya. As I've said, I'll take care of her."

"Pa'no kung mahal ka din niya pala?" nagulat siya.

"W-what are you-"

"Susuko ka pa rin ba kung malaman mong may pag-asa ka sakanya?"

"Ibibigay mo ba sa akin si Avia kung sabihin kong hindi ko siya isusuko?" ako naman
ang natameme sa sinabi niya. Hindi ko kaya.

"Hindi mo man lang ba hihintayin na mawala ako?" I tried to put humor on our
conversation pero hindi siya natuwa sa sinabi ko.

"Kapag ginawa ko 'yon, hindi maaalis sa puso ni Avia na ikaw pa din ang mahal niya.
Maaring maisama mo sa hukay ang pagmamahal niya. Maaring hindi na siya magmahal
ulit."

"Anong ibig mong sabihin do'n?"

"H'wag mong ituloy ang kasal! Bawiin mo ang sing-sing! At hiwalayan mo siya! Gusto
mong ako ang mahalin ni Avia diba? Kapag ginawa mo ang mga bagay na 'yan, magagalit
siya sayo. At may pag-asang ako ang mahalin niya! Kaya mo ba 'yon?!" pag-hahamon
niya sa akin.

Kaya ko bang mawala sa akin si Avia? Pero mas importante sa akin ang kasiyahan
niya. Gusto ko kahit wala na ako, magawa niya pa ding magmahal. Gusto ko mamuhay
siya ng normal.

"Gagawin ko."

"Ha?"

"Gagawin ko ang gusto mo. Basta ipangako mong hindi ka susuko sa pagmamahal sa
kanya." He narrowed his eyes on me.

"Why are you doing this, Kier? Kung ako sa kalagayan mo hindi ko hahayaang-"

"Mahal ko siya, Wynner. Ayokong maging makasarili. Alam kong kaya mong maibigay ang
pag-mamahal na mas deserve ni Avia."

-=-

Present day...

After kong makalabas ng hospital, agad kong niyaya si Avia mag stroll sa park.
Medyo madilim kahit hapon pa lang. nagbabadyang uulan ng malakas.

"So naisip ko, na yellow pastel ang motif ng kasal natin. Para elegante siyang
tignan. Tutulungan daw ako ni Granpa sa pag-aayos ng kasal natin." Masaya niyang
sabi. Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad-lakad. Walang gaanong tao sa
paligid.

"Gusto ko naka Armani suit ka. Bagay na bagay 'yon sayo. Tapos ako naman mahabang-
mahabang gown." She keeps on talking about the wedding preparations habang ako
naman nag-iisip ng paraan para magawa ang naipangako ko kay Wynner.

"Beach wedding na lang kasi alam mo naman na bawal sa simbahan ang iba sa family
members ko." Pero pipiliin ko ang sinabi ko kay Wynner kasi mahal ko si Avia. At
mas masasaktan ako kapag nakita siyang umiyak kapag nalaman na wala na ako.

"Si baby Hunter ang ring bearer natin. Ayeee~ excited na ako." She keeps on
giggling.

Tumigil ako sa paglalakad ta hinarap ko siya sa akin. Nagtatalang tinignan niya


ako.

"Bakit, Kier? Masama ba pakiramdam mo?" nag-aalala nanaman niyang tanong.

Paano ko sasabihin sakanya na maghiwalay na kami? Paano ko sakanya babawiin ang


sing-sing? Paano ko sasabihin sakanyang hindi na matutuloy ang kasalan?

"Ok lang ako, Avia."

"Kung gano'n, bakit tayo huminto?"

"A-Avia...I-i..."

"Yes, Kier?"
Suddenly I felt like choking. Biglang parang may bumara sa dibdib ko. Napahawak ako
dibdib ko at napaluhod sa sobrang sakit.

"Oh my god! KIEEEER!" I heard Avia crying for help pero parang unti-unting nawawala
ang pandinig ko.

I tried to open my eyes to see her pero nanlalabo na din ang mga mata ko. Binuhos
ko ang lahat ng lakas ko para hawakan ang kamay ni Avia.

Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin. Then in just one swift, I felt light.
Para akong lumulutang sa hangin.

-=-

Avia's POV

Nagulat akong makita si Wynner. Walang pasabi na binuhat niya si Kier. Hinawakan
niya kamay ko at dinala niya kami sa dating hospital.

The nurses assist Kier to the emergency room. Wala akong magawa kundi ang umiyak.
Bakit naman ganito? He seems ok.

"Tama na, Avia. H'wag ka ng umiyak." Sabi ni Wynner habang yakap-yakap ako.
"Nandito lang ako. Tumahan ka na."

"W-Wynneeeer~ hindi ko kaya! Hindi ko kayang mawala si Kier! Ang s-sakit sakit!"

"Sshhhh... Magiging ok lang siya." Hinahagod niya likod ko para tumahan ako.

Weird. But knowing Wynner is here felt relieving. Pakiramdam ko magiging ok lang
ako kapag nandyan siya.

"Iiwan na ba ako ni Kier? Wynner, hindi pa ako handa." Panay ang punas ko sa luha
ko pero panay din ang tulo nito.

"Avia, you have to accept that people come and go. They're not like us na mabubuhay
ng matagal. Alam kong nasasaktan ka ngayon. Pero kailangan mong maging matapang.
Seeing you in like that pains me a lot."

"W-Wynner..." sambit ko sa pangalan niya.

"Hmm?"

"H'wag mo akong iiwan ha? Dito ka lang sa tabi ko. Kailangan na kailangan kita."

"Pangako, hinding hindi kita iiwan." He said then kissed me on the forehead.
---------------------------------------------------------------

A.N: Time to close the deal between Wynner-Avia-Kier issue. After nito mag-
coconcentrate ako sa mag-ama. :))

Wala na si Lorelei, sino gustong maging step mother ni Hunter? xD Wahahaha. Joke!
Sige kayo, mumultuhin kayo ni Nyx. :P

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 46 - Alive
####################################

Chapter 46 - Alive

Kent's POV

Back to normal. 'Yan ang lagi kong sinisiksik sa sarili ko. Pinipilit kong ibalik
ang lahat sa dati pero mukhang hindi na 'yon mangyayari lalo na't wala na ang
pamangkin ko. Masakit pero 'yon ang totoo.

"Kent, hijo. May naghahanap sayo sa baba." Sabi sa akin ni Yaya habang nag-aayos ng
mga papeles.

"Sino daw?"

"Laura ang pangalan. Pinapasok ko na kasi kamag-anak niyo daw siya." Nanigas naman
ako sa kinauupuan ko.

What is she doing here?

Agad akong bumaba papuntang living room at doon ko nadatnan si Ate Laura na
prenteng nakaupo.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" malamig kong tanong. Tinignan niya lang ako at blanko
ang expression niya. Napa-iling na lang ako sa suot niyang itim na bestida. Sa
totoo lang, nagmumukha siyang mangkukulam! Nagtataka tuloy ako kung bakit siya
pinapasok ni Yaya.

"Nagluluksa sa pagkamatay ng pamangkin ko." Sabi niya tapos tumayo.

"Kung 'yon ang ipinunta mo dito, maari ka ng umalis! Hindi ko kailangan ang
sympatya mo!" I hissed. Nakita ko namang ngumisi siya kaya mas lalo akong nainis!

"Talaga lang ah? May maganda pa naman sana akong sasabihin sayo. Pero kung ayaw mo,
'wag na lang." sabi niya tapos akmang aalis. Agad kong kinuha braso niya at hinarap
ko siya sa akin.

"Ano 'yon?" napangisi siya saka niya winaksi ang kamay ko sa braso niya.

"Igalang mo ako, Kent! Kapatid mo pa din ako! Hindi ako ang kaaway dito, pero kung
itrato mo ako para bang may ginawa akong masama sa pamilya natin!"
"May ginawa kang masama! Dahil sa pinili mo ang asawa mo, nagkawatak-watak tayo!
No'ng pinipilit ka ng Papa at Mama at sumama sa amin, mas pinili mo ang asawa mong
halimaw! Siya ang pumatay sa magulang natin pero naatim mo pa ding pakisamahan
siya?! Anong klase kang anak?!" Panunumbat ko sakanya. Hindi siya makaimik.

"Dahil sayo naging desperado si Ate Niṅa ang Ina ni Lorelei sa paghahanap ng
vampirang makakatalo sa asawa mo! And that's when she found out about the
Transcendals who eventually killed her instead of helping her. Now tell me, Ate
Laura. Sabihin mong hindi ikaw ang kaaway dito. Sabihin mong ikaw ang walang
kasalanan sa atin." Nakita kong may tumulong luha sa mata niya pero agad din naman
niya itong pinalis.

"Pinagsisisihan ko ang lahat, Kent. Maniwala ka sa akin. Patawarin mo ako at hindi


ako naniwala sa inyo na ang asawa ko ang pumatay sa magulang natin. Masyado akong
nabulag sa pagmamahal ko sakanya hanggang sa dumating ang araw na ginawa niya akong
sanguinarian. Akala ko maayos na ang lahat eh. Hindi mo din alam ang pinagdaanan ko
nang makumpirma kong ang asawa ko nga ang pumatay sa magulang natin." Humarap siya
sa akin at tinignan ako sa mga mata.

"I killed my sanguinarian husband, Kent. You don't know how it hurts me. kasi kahit
masakit, kailangan kong gawin... every night, Mama and Papa is haunting me.
nakonsensya ako. Halos patayin ko na rin ang sarili ko!"

Para naman akong nanghina nang makita ko si Ate na umiiyak. Sa aming tatlo, alam
kong siya talaga ang pinakamahina. Siya ang mapagmahal, at mas emosyonal.

"Hindi mo na maibabalik ang nangyari. Kahit pa anong sabihin-"

"Tanggapin mo ulit ako Kent. Ituring mo ulit akong kapatid. Magsimula tayo ulit
bilang pamilya." Hinawakan niya ang mga kamay ko.

Then and there, naramdaman kong sincere siya. Wala sa sariling nayakap ko ang Ate
ko.

"B-bakit ngayon mo lang naisipan na bumalik, Ate. B-bakit kung kailan hindi na tayo
kumpleto." Anas kong sabi.

"Nawalan ako ng lakas ng loob. Patawarin mo ako." Tumango lang ako saka ko siya
iniharap.

"Lalaki ang anak ni Lorelei. Gusto mo ba siyang makilala?" tanong ko.

"Ano'ng pangalan niya?"

"Hunter. Hunter Kang."

-=-

Aric's POV

Dumating ako sa kaharian at nakita kong nakikipaglaro ang mga kaibigan ni Avia na
sina Smitt kay Hunter. Napangiti lang ako. My son is already 3 feet high. Mabilis
lumaki kumpara sa ordinaryong vampira. Nakakapaglakad na din ito at nakakapagsalita
na ng konti.

Napatingin sa akin ang anak ko at nagtatalon ito ng makita ko.


"Papa! Papa! Nandito ka na." paulit-ulit niyang sambit. Nakonsensya tuloy ako.
Bakit hindi ko siya maalagaan. Dapat hindi si Lorelei ang lagi kong iniisip. May
anak na kami, siya ang alaala ni Lorelei kaya dapat ko siyang alagaan.

"Pasensya na anak at hindi ka naalagaan ni Papa ah." ngumiti lamang ito. Mabuti apa
'tong anak ko walang problema sa buhay. Samantalang ako, halos bitbitin ko na ang
lahat ng problema sa mundo.

Inalalayan ko siya patayo at lumabas kami sa silid niya.

Madilim na pero gusto kong mag-ikot-ikot kami sa palasyo. Gusto ko din namang
ipakita sa anak ko na siya ang magmamana ng lahat ng ito.

Palabas na kami sa palasyo nang mapansin kong medyo bothered ang galawa ng mga
kawal. Napakunot noo lang ako. Ano ba'ng nangyayari?

"Aric!" napalingon ako kay Edric.

"Ano ba'ng nangyayari?" kunot kong tanong.

"Mas mabuti kung ipasok mo na muna si baby Hunter. Nakatakas daw si Trever!"

"ANO?!"

"Sabi no'ng mga kawal dumating na lang bigla si Vance at pinagpapatay ang mga
bantay!"

"Ipasara niyo ang Portal!" utos ko.

"Nagawa na. Pero tao si Trever kaya makakalabas siya!"

"Fvck!"

Agad kong ipinasok si baby Hunter sa palasyo at pinabantayan kela Mommy at Tita
Erina. Agad kaming pumunta ni Edric sa may portal. Nando'n sila Daddy at iba pang
mga kawal.

"Bakit niyo ba hinayaan na makatakas ang gagong 'yon?!" sigaw ko sa mga kawal.

"Aric! H'wag mo silang sisihin. Masyadong malakas ngayon si Vance at hindi ko alam
kung bakit!" sabi sa akin ni Daddy.

Napahawak na lang ako sa noo ko.

"Shit! Malamang alam na niya na wala na si Lorelei!" nagpapanic kong sabi.

"Ano naman gagawin niya kay Lorelei eh wala na?!" tanong ni Edric.

"Nakalimutan mo bang Transcendal si Trever?!"

"Fvck shit dude! Gagawa niya ng Voodoo si Lorelei!"

-=-

Kahit malayo ang Batanes, ginawa naming ang lahat para makarating ng mabilis. Bakit
ba kasi ako pumayag na do'n ilibing si Lorelei?
Nakakaramdam ako ng panlalamig at kaba. Pa'no kung makuha niya si Lorelei? Pa'no
kung buhayin niya 'to?! Pa'no kung-

"Nasa Villa na tayo! Bilisin niyo!" sigaw ni Edric sa mga kawal.

Pagdating naming sa lugar kung saan nilibing si Lorelei, napupuno ito ng ilaw.
Hindi nga kami nagkamali. May mga kasamang Transcendals si Trever at hinuhukay nila
ang pinaglibingan ng babaeng mahal ko.

"TREVER!"

Napapaligiran namin sila. Hinarang naman ng mga kasamahan niya ang grave ni Lorelei
at handing lumaban sa amin!

"FVCK YOU KA TREVER H'WAG MONG GAGALAWIN ANG KATAWAN NI LORELEI!"

Nakita kong nakikipaglaban na ang iba sa mga kawal naming laban sa mga
Transcendals. May mga pumoprotekta sa naghuhukay kaya hindi kami makalapit.

Mabilis kong sinugod si Trever at sinakal ang leeg niya. "Hindi mo siya makukuha!"
sigaw ko sa mukha niya. Ngumisi lang siya kaya mas lalo akong nakaramdam ng galit
at inis.

"Pati ba naman bangkay ni Lorelei ipagdadamot mo pa, ha Aric?!" hindi ko alam kung
saang pwersa niya nakuha ang lakas niya at nabitawan ko siya. Malakas ngayon si
Trever.

Sinipa ko siya sa tagiliran na ikinatumba nya pero agad siyang bumangon. Nanlilisik
ang mga matang tinignan ko siya. Napatingin ako sa mga naghuhukay at nakita kong
nailabas na nila sa casket ang katawan ni Lorelei.

Lalapit sana ako para pigilan sila ng sinugod nanaman ako ni Trever dahilan para
mapatumba ako. Nasa ibabaw ko siya at sinasakal niya ako.

"Kasalanan mo ang lahat ng ito! Kung hindi mo inangkin si Lorelei hindi sana siya
mamamatay! Ikaw ang pumatay sakanya!"

"Acck~" Naramdaman kong nanlalabo na ang paningin ko dahil sa sobrang higpit ng


pagkakasakal niya sa akin.

"B-bi.. bitawan mo ako!" pinilit kong lumaban pero mas lalo niya pa akong sinakal.

"Mamatay ka na!" sigaw niya. Napatingin ako sa gilid ko at kahit medyo Malabo na
ang paningin ko ay nakikita kong lumalaban sila Edric para hindi makuha si Lorelei.
Malakas talaga ngayon ang mga Transcendals.

Then lightning strikes. Hindi ko alam kong saan 'yon galing pero biglang umulan ng
malakas kasabay ng kidlat.

Naramdaman kong lumuwang ang pagkakasakal sa akin ni Trever. Pagdilat ko ng mata,


bigla na lang siyang tumilapon sa malayo at natama ang likod sa puno.

Nanghihinang napabangon ako at tumingin sa lugar kung saan nanggaling ang


kapangyarihan.

Halos manlaki ang mga mata ko pati na nila Edric nang mapagsino kung sino ang
nagpatumba ng mga Transcendals.
"H-hunter?"

"Papa..." agad ko itong nilapitan ng niyakap. "Papa... Sorry po sumunod ako. N-


naramdaman ko po k-kasing nasa panganib si Mama." Naiiyak niyang sabi.

"Sshhhh... Tama na. Hindi galit si Papa. Proud pa nga ako eh." Ginulo ko ang buhok
niya at niyakap ko siya.

"Papa..." pinakawalan ko siya at nakita kong tinuturo niya ang katawan ni Lorelei.

Nilapitan naming ang katawan ni Lorelei na basing basa dahil sa ulan. Nakapatong
ito sa casket. Napakunot akong makita kong walang nagbago sa katawan niya.

Nagkatinginan kami ni Daddy at ni Edric.

"Mama..." lumapit si Hunter kay Lorelei at niyakap ito habang umiiyak.

"H-hunter... Wala na ang Mama. I-ibalik na natin siya." Emosyonal kong sabi.

"Hindi!" umiling ito. "Hindi patay si Mama! N-nagpapahinga lang si Mama!" singhal
niya sa amin. Naawa ako bigla sa anak ko.

"Hunter..."

"Sabi ni Mama nagpapahinga lang siya. Kasama ko kanina si Mama at sabi niya handa
na siyang bumalik sa katawan niya!" I was taken aback. What exactly is my child?

"Sige na, Mama. Pwede ka na pong bumalik sa katawan niyo."

--------------------------------------------

A.N: Unexpected ang scene na 'to. Hindi 'to kasama sa plano pero bakit ganito
kinalabasan. HAHAHA Hindi talaga kasi ako mapag-update kanina. Ewan, nawala yung
vampire spirit sa katawan ko. 'Yan tuloy nagkaroon ng mini war. hahaha Abs pala ni
Luhan ang solusyon para makapag update ako. :) Alam 'yan ng mga facebook friends ko
:P

Add niyo ko sa fb para magkulitan tayo sa mga status ko. hahaha Thyriza Wattpad
lang naman just click the external link--->

PS: May pambili na ako'ng ticket sa concert. Moahahaha :"> Wala lang, just
sharin' :P

XOXO

©Thyriza

####################################
Chapter 47 - Here Comes Goodbye
####################################
Chapter 47 - </3

Aric's POV

"Sige na, Mama. Pwede ka na pong bumalik sa katawan niyo." Sabi ng anak ko saka
biglang lumakas ang ulan at ang hangin. Parang pumapasok sa buto mo ang hangin
dahilan para manginig ko.

Nilagay ni Hunter ang kamay niya sa dibdib ni Lorelei. Napatingin ako kay Daddy na
napupuno ng pagkamangha sa pinakikitang kapangyarihan ng anak ko.

"Tama nga si Lolo Vladimir. Napakamakapangyarihan nga ni Hunter."

Napatingin lang ako sa anak ko. Hindi ko din mapigilan ang hindi mag-alala. Ang
lakas niya. Ramdam na ramdam ko 'yon kasi ako ang Ama niya. Mas malakas pa nga siya
kay Avia eh.

Lumayo ng konti si Hunter kay Lorelei. Lahat kami nag-aabang sa susunod na


mangyayari. Tumigil ang ulan patia ng hangin. Lumapit sa akin si Hunter at kinuha
niya kamay ko.

"Papa, ikaw ang gusto ni Mama na unang makita." Sabi niya sa akin.

I hesistantly walk towards Lorelei. Basang-basa ang katawan niya. Nagkalat ang
buhok niya sa mukha niya. Bilang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang kawakan ko mga
kamay niya. Hindi maitatangging miss na miss ko siya.

Hinawi ko ang buhok niya sa mukha at bigla ko na lang siyang niyakap. Naramdaman ko
ang init na unti-unting kumakalat sa katawan niya. Naramdaman ko ang mga pulsong
unting-unting gumagalaw. At naramdaman ko ang puso niya na malakas na tumitibok.

"A-aric..." bulong niya.

Naluha na lang ako bigla. Kay tagal kong hinintay na banggitin niya pangalan ko.
Akala ko hanggang illusyon na lang 'yon. Pero hindi. Totoo na 'to. Binanggit niya
ang pangalan ko habang nakangiti.

"M-mahal ko." I cupped her face. Kay tagal kong nangulila sa mga mala asul niyang
mata. Sa mga ngiti niyang nakakapagpalakas sa akin.

"Sorry kung ngayon lang ako. Namasyal kasi ako sa paraiso eh." Napatawa ako sakanya
kahit umiiyak.

"Ok lang. Kahit gaano pa katagal basta ang importante makasama pa din kita."
Ngumiti din siya sa akin.

Inalalayan ko siya sa pagtayo. Maputik na ang kanyang putting bestida. Nakita kong
nayakap niya sarili niya marahil dahil sa lamig.

"Nilalamig pa siya, Aric. Isang mortal pa din si Lorelei." Sabi ni Daddy.

Wala akong choice kundi hubadin ang t-shirt ko at ipasuot kay Lorelei.

"Kaya mo bang maglakad?" tanong ko. Tumango siya pero no'ng nilakad niya paa niya
natapilok siya.

"Come here." Kusa na akong lumapit sakanya saka ko siya biglang binuhat.
"Papa... Papa... Ako din!" napatingin kami ni Lorelei kay Hunter.

"Oh Hunter." Hinaplos ni Lorelei ang pisngi ng anak naming.

Binuhat naman ni Edric si Hunter at pi-amba sa likod ko. Napangiti ako sa hitsura
naming. Buhat-buhat ko ang pinakamamahal ko habang naka-piggy back ride ang anak
ko.

Paalis na sana kami ng biglang may nagsalita.

"Sa'an kayo pupunta?! Sa palagay niyo makakaalis na lang kayo ng gano'n gano'n na
lang?!" Nakangising sabi ni Trever nang lingunin ko siya. Yung mga kasamahan niya
unti-unting bumabangon at napapaligiran na nila kami

Naramdaman kong bumaba si Hunter sa likod ko yumakap sa braso ko. Ibinaba ko naman
si Lorelei at pinaupo ko muna sa bato.

"Sumuko ka na, Trever! Kahit kailan hindi ka mananalo sa amin!" sigaw ko sakanya.

He smirked. "Susuko? Naririnig mo ba pinagsasabi mo, Mahal na Prinsepe?" mapang-


asar niyang sabi. Tapos tumingin siya kay Lorelei.

"Ibigay mo sa akin si Nyx at hahayaan ko na kayong pamilya!" nilahad niya kamay


niya at tinutok kay Lorelei. "Sumama ka na sa akin, Nyx. Mamumuhay tayo ng
tahimik."

Nakita kong napatayo si Lorelei at pumunta sa amin ni Hunter saka nila hinawakan
ang mga kamay ko.

"Kung totoong mahal mo ako, Trever, hahayaan mo akong mamuhay kasama ang totoong
mahal ko. May anak na kami ni Aric, pamilya na kami. Hindi mo pa ba 'yon
matanggap?" pakiusap ni Lorelei.

"Pero kung hindi dahil sa vampirang 'yan, hindi ka sana mamamatay! Ikaw Aric, ikaw
ang pumatay kay Nyx!!" sigaw niya sa akin.

"Hindi ako namatay, Trever! Hindi ako piñata ni Aric! Namahinga lang ako."
Napatingin ako kay Lorelei. Sa pag-aakala ko din ay namatay siya. Bakit nga ba siya
nabuhay?

"Sumuko ang katawan ko kasi hindi ko kinaya. Pero ang kaluluwa ko buhay na buhay.
B-binuhay ako nang anak ko." Napatingin naman ako kay Hunter na naka-tingin ng
mataman sa Mama niya.

"Hulihin niyo si Trever." Mariin kong sabi.

Tumakbo ang mga kawal para hulihin ang lahat ng Transcendals pero bigla na lang
itong naglaho.

"Hindi tayo titigil hanggang sa hindi nahuhuli ang mga Transcendals! Higpitan ang
pagbabantay sa Portal kahit nakasarado!" utos ni Daddy sa mga kawal.

-=-

"Hindi ako makapaniwalang ganito kalakas ang Apo ko sa tuhod. Oo nahulaan ko ng


malakas siya sa atin pero hindi ko alam na mas malakas pala siya kesa sa iniisip
ko." Panimula ni Lolo Vlad nang makabalik kami sa Vampire City. Kasama namin si
Lorelei at suot niya ang kwintas na na isang amulet para makapasok siya sa Vampire
City.

"May disadvantage din po ba 'yan, Dad?" tanong ni Daddy sa Lolo ko. Sinuri ni Lolo
si Hunter na kasalukuyang naglalaro ng toy car.

"Mayro'n. Kagaya siya ni Avia na hindi nako-control ang kapangyarihan kapag galit.
'Nga pala nasa'n si Avia? Isang beses ko lan siyang nakita ah." lahat naman sila
napatingin sa akin nang banggitin ang pangalan ng kambal ko.

"Haay naku, Tito Vladimir. Pati nga ang anak ko wala din. Hindi nagpapakita sa
akin!" sabi naman ni Tita Maxhene na kanina pang tahimik katabi ni Mommy.

"May alam ka ba, Aric?" tanong ni Mommy.

"Mom, malaki na po si Avia. May sarili din po siyang problema kaya h'wag natin
siyang i-stress sa ganitong bagay."

"Kahit na! nag-aalala pa din ako sa kambal mo lalo na't-"

"Wife... She'll be ok." sabi ni daddy

-=-

Avia's POV

"I AM NOT OK, WYNNER! OK? GOD! STOP TELLING ME TO BE OK BECAUSE YOU KNOW AND I KNOW
THAT EVERYTHNG IS NOT OK! OK?!"

"I-I'm... I'm sorry." Umatras siya ng konti saka tumalikod.

Napahilamos na lang ako ng mukha sa sobrang frustration. I am pushing everything


away. Ayaw kong kaawaan ako ni Wynner dahil sa sitwasyon ni Kier. Nakakapanliit na
malamang wala kang magawa sa naghihirap na Kier.

"If you believe in miracle, that's what he needs right now. But I am sorry to say
this... he only got a week to live."

'Yan ang litanya ng Doctor kanina. Week, without S. Pitong araw. Pa'no ko siya
makakasama sa pitong araw kung siya mismo, pinagtatabuyan ako. Hindi ko alam kung
bakit. Basta na lang ayaw niya akong makita.

Pinakiusapan ko si Granpa na papasukin ako sa kwarto ni Kier pero ayaw niya. Hindi
daw ako gustong makita ni Kier.

Mahal ko siya. At alam kong mahal niya din ako. But why is he doing this to me...
to us.

Nagtago ako sa kalapit na nurse station nang makita kong lumabas si Granpa. Nang
medyo malayo na siya saka ako pumasok sa kwarto ni Kier.

Nadatnan ko siyang naka nakahiga patalikod.

Parang pinipiga ang puso nang makita kong umiiyak siya habang hawak ang sing-sing
niya na kapareho nang sing-sing na bigay niya sa akin.

Napaluha ako nang marinig kong binanggit niya ang pangalan ko habang umiiyak.
Inabot ko kamay ko para mahawakan ko siya pero agad ko namang binawi.

Hindi ko pala kayang makita siyang ganito. Mas masakit pala na ikaw yung iiwan
kesa sa ikaw ang mang-iiwan. Aasa kang babalik siya pero hindi na.

Kier. I wanted to say his name. I wanted to shout his name. pero everytime na
babanggitin ko ang pangalan niya, mas lalo akong nasasaktan.

I silently walked out in his room saka patakbong lumabas sa hospital.

Wala na bang paraan para mabuhay siya? Gano'n na lang ba 'yon?

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko nanaman ma-kontrol emosyon ko. Pag-dating kay
Kier hindi ko makontrol sarili ko.

Sa isang kumpas lang, pinaulan ko. Ulan na may kasamang kulog at kidlat. Gusto kong
maramdaman ng buong mundo ang hinagpis ko.

Hanggang sa parang bumabagyo na ang panahon. Hinayaan kong mabasa ako ng ulan.
Gusto kong dalhin ng ulan ang luha ko.

Kinumpas ko ang kamay ko para palakasin ang hangin. Naghahalo na ang hangin sa
ulan. Napangiti ako ng mapait sa sarili ko. Makapangyarihan nga ako. Kaya kong
magawa ang lahat. Pero ang iligtas ang mahal ko hindi ko kaya.

"Avia, tama na."

Napalingon ako sa nagsalita.

"W-Wynner?" nakita kong nasasaktan din siya. Marahil hindi niya din gusto 'tong
pinag-gagagawa ko.

Dahan-dahan niya akong niyakap saka ako napahagulhol. Bakit sa mga ganitong
sitwasyon laging nandyan si Wynner para sa akin? Minsan naisip ko na sana kahit
isang beses pigilan din ako ni Kier sa ganitong mga pangyayari.

Naramdaman kong umiiyak din siya kaya napakunot ako. "T-teka... bakit ka umiyak?"
titignan ko sana ang mukha niya pero mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit.

"Wynner..."

"Kailangan ka ni Kier ngayon." Mahina niyang sabi. Tumango ako sakanya. Pinatigil
ko ang ulan at malakas na hangin. Nagtaka akong biglang umulan ulit. Napailing na
lang ako. Talaga palang uulan.

Naglalakad kami ni Wynner papuntang hospital.

"Ilalabas ng hospital si Kier. He requested na sa bahay na lang nila manatili."


Sabi ni Wynner sa akin. Malapit na kami sa kwarto ni Kier nang makita ko siyang
inilabas ng nurse. Nakasakay siya sa wheelchair at nasa likod niya si Granpa.

"Kier..." tawag ko sakanya pero tinignan niya lang ako. Bumaling siya kay Wynner
saka 'to tinanguan. Napakunot noo ako. He regognizes Wynner habang deadma sa akin?
Ano 'to?!

Napatangang nilagpasan lang nila ako. Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak. Gusto
kong magwala! Gusto kong magalit.

"Gaguhan ba 'to Kier? Ano ka nagka-amnesia at ako lang ang hindi mo maalala? H'wag
kang cliché, Kier! Hindi ako klase ng babae na nagmumura pero nakaka-pakshet ka ng
pakiramdam!" sigaw ko habang hindi pa siya nakakalayo. Napahinto sila sa pagtulak
kay Kier samantalang ako pinipigilan ang pag-iyak.

Lalapitan ko sana siya ng hawakan ni Wynner braso ko. Iwinaksi ko naman 'yon.
"Bitawan mo ako!" saka ako patakbong nilapitan si Kier. "Bakit mo ba ako nilalayuan
na lalaki ka, ha?! Ganito na lang ba?! Ha? Hoy magsalita ka!"

"I want you out of my life, Avia! I don't want to see you... ever in my remaining
life!" mariin niyang sabi. Napailing ako.

"Why? Why are you shutting me out, Kier?" Ang traydor kong luha ay lumabas na.
Great! Nakita kong nag-iwas siya ng tingin saka tinuwid ang tingin sa akin.

"I don't love you anymore, Avia. So please lang, h'wag na h'wag mo na akong
guguluhin." Nasasaktan ako. Pa'no niya nagagawang magsinungaling ng harap-harapan
sa akin? Nararamdaman kong mahal niya ako. Alam ko 'yon.

"Liar!"

"Lying is when I tell you I love you. But I don't, Avia." Sinenyasan niya ang nurse
na itulak ang wheel chair. Paalis na sila at na-statwa lang ako sa kinatatayuan ko.
Napahawak ako sa sing-sing na bigay niya.

"Avia... Hayaan mo na si Kier. Malamang ayaw ka lang niyang saktan kaya niya 'yon
sinabi." Rinig kong sabi ni Wynner sa likod ko.

"Bakit, Wynner?"

"A-anong bakit, Avia?"

"Bakit ka laging nandyan kapag nasasaktan ako." Wala sa sariling tanong ko.

"Ich werde immer für dich da sein. Weil ich dich liebe." Halos pabulong niya lang
na sabi.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" nakakunot kong tanong.

"Sabi ko, habulin mo si Kier. Mahal mo siya diba?" tumango ako. "Oh ano pa'ng
hinihintay mo? Habulin mo na." sabi niya. Napatingin naman ulit ako sa sing-sing
ko. Para kay Kier. Kahit ipagtulakan niya ako.

Nagulat na lang ako ng higitin ni Wynner kamay ko at magkahawak kaming tumakbo


palabas ng hospital.

Nakita ko si Kier na nakatayo at sasakay na nang kotse. Nasa gilid lang ng high way
sa labas na ng vicinity ng hospital

"Kier!" tawag ko habang tumatakbo. Nilingon niya ako saka napakunot.

"Ano pa bang kailangan mo, Avia?!" galit niyang sabi sa akin. Napamaang ako. Kahit
kailan hindi pa sa akin nagalit si Kier.

"M-mag-usap naman tayo oh." Kinuha ko kamay niya pero winaksi niya 'yon. I felt
rejected.

"What part of 'I want you out of my life' can't you understand huh, Avia? Can't you
understand me?! Hindi na kita mahal!" bulyaw niya sa akin. Napapikit lang ako
habang tinatanggap ang mga masasakit na salita niya.
"S-sinasabi mo ba 'yan... para mas hindi ako masaktan kapag wala ka na?" naiiyak
kong sabi. Heto nanaman tayo Avia eh. Bakit ba nagiging isa kang iyakin ba vampira?

"Hindi! Sinasabi ko lang ang katotohanan na noon mo pa dapat malaman. Ang totoo
niyan gusto ko lang ma-experience magkaro'n ng girlfriend bago mamatay! So ngayon
na alam mo na, masaya ka na ba?!"

"H-hindi! H-hindi 'yan totoo! M-mahal mo ako! N-naramdaman ko 'yon! Alam kong
nagsisinungaling ka lang!" tinignan niya lang ako ng masama. Wala na ang mga titig
niyang puno ng pagmamahal. Wala na ang ga tingin niyang puno ng saya.

Napaatras ako habang naiiling. "Hindi 'yan totoo! Hindi! Hindi!" mahina kong
bulong.

"Avia!" saway niya sa akin. Lumapit siya sa akin pero umaatras naman ako.

"Sabihin mo munang mahal mo ako. Mahal mo ako!" Alam kong para akong bata kung
umasta. Pero nasasaktan ako eh. Masisisi ba ako nang kung sino kung ganito na ang
nararamdaman ko?

"Avia please..."

A tear fell down my cheeks. "I love you so much, Kier." I sobbed.

"Avia come here..." lumapit siya. Umatras naman ako. "Not until you take back your
words. Say you love me." hindi niya ako pinansin saka siya tumingin sa kanan ko.

"Aviaaa!"

------------------------------------------

A.N: Alam kong medyo heartbreaking ang chapter na 'to. Pero gusto kong sabihin
na... HAPPY 1 MILLION READS sa VCNYOVS.

Medyo magiging madalang na pala ang update ko kasi alam niyo naman, work overload
na ako. Career woman na si Ate Thy :)

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 48 - Broken Heart
####################################

Chapter 48 - Broken Heart

(Play the music at the right side)

Avia's POV

Have you ever lost someone you love and wanted one more conversation, one more
chance to make up for the time when you thought they would be here forever? Because
I do. I wish I could turn back time so I could be able to see his face.

In life, you will always lose someone you can't live without, and your heart will
be badly broken and shattered, and the bad news is that you never completely get
over the loss of that person.

They say, all these feelings i am feeling right now is temporary. But i doubt that.
Bacause everytime i close my eyes, all the pain and hurt remains. I could feel my
heart shattered for a million pieces. And no one can mend my broken heart. No one.

Because i live in this cruel world, with only one man in my mind and in my heart.
Kier.

"Avia..." napalingon ako kay Wynner.

"Hmm?"

"Hindi ba tayo lalapit?" tanong niya sa akin. I sadly smiled at him.

"We can't. Galit sa akin si Granpa." Sabi ko saka tumingin ulit sa malayo.

"Sige, hintayin na lang natin silang makaalis."

"Hindi rin. A-ayoko. T-tara, alis na tayo." Sabi ko kay Wynner.

"Avia..."

"Tara na, Wynner." Sabi ko saka nakatunong lumakad.

Hindi ko matanggap na ako ang dahilan kung bakit namatay si Kier. Hindi ko
matanggap na sa gano'n siyang paraan namatay. Oo alam kong mawawala din s'ya. Pero
mas masakit pala kung ikaw na mismong gustong mabuhay siya ng matagal ay magiging
dahilan din para mas mapaiksi ang buhay niya.

"Avia please..."

A tear fell down my cheeks. "I love you so much, Kier." I sobbed.

"Avia come here..." lumapit siya. Umatras naman ako. "Not until you take back your
words. Say you love me." hindi niya ako pinansin saka siya tumingin sa kanan ko.

"Aviaaa!"

Para akong nanigas sa bilis nang pangyayari. Nangingibabaw ang emosyon ko kaya
parang na-mental block ako at naging estatwa sa kinatatayuan ko.

Tinulak niya ako ng malakas para iiwas sa paparating na kotse. Nakapunta ako sa
kabilang kalye. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita kong nakahinto ang
kotse. Napatakbo ako pabalik sa pwesto ko at nakahinga ng maluwang nang makita kong
hindi nasagasaan si Kier.

"Baliw ka ba! Bakit mo 'yon ginawa?!" pagalit ko sakanya habang naiiwak. Tinignan
niya lang ako na parang hinihingal.

"Kier?" sabay-sabay naming sambit ni Granpa at Wynner na nagulat din sa bilis ng


takbo ng pangyayari.
Napahawak siya sa dibdib niya at bigla na lang nag-collapse.

"Kier!"

Tumatakbo kami papuntang ER kasabay kay Kier na nakahiga sa stretcher. Papasok sana
ako sa ER pero pinigilan na ako ng mga Nurse.

Napahagulhol ako habang nakatakip ang kamay sa mukha.

"Kasalanan mo 'to, Avia!" matigas na sabi ni Granpa. Napaangat ako ng tingin at


pinunasan ko ang luha ko.

"G-Granpa... S-sorry po... Pa-"

"My Grandson asks you a simple request pero ang tigas ng ulo mo! Kapag namatay
siya, wala akong ibang sisisihin kundi ikaw!" pagduduro niya sa akin. Napapikt lang
ako. Totoo naman kasi. Kasalanan ko naman talaga. Isip bata ako kanina.

Ilang oras ang hinintay namin sa waiting area kahit tinataboy na ako ni Granpa.
Mabuti na lang at nandito si Wynner sa tabi ko. Baka nabaliw na ako kung ako lang
ang dito.

A woman wearing a white jacket went out the ER saka siya lumapit kay Granpa.

"He did not make it." Mahinang sabi nang Doctora. Mahina ngunit sapat para makita
ko ang reaksyon ni Granpa. "I'm sorry." She added then leave.

Napatulala ako. Parang nanlamig ang katawan ko sa mga nangyayari. Seems so unreal.
Parang gusto kong saksakin ang sarili ko para matauhan ako.

Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Wynner habang pinapalo siya ng baston ni


Granpa na dapat ay ako ang pinapatamaan.

"Kasalanan mo 'to! Pinatay mo ang Apo ko!"

"Nakikiramay ako, Mahal na Prinsesa." Sabi sa akin ni Smitt.

Nakauwi na ako sa Vampire City at wala akong imik kahit tuwang-tuwang simalubong
ako nila Mommy at Daddy. Nakita ko si Kuya at alam kong naramdaman niya ang
nararamdaman ko ngayon.

He walked towards me saka ako niyakap nang mahigpit. I hugged him back. Wala na
kasi akong maiiyak pa ngayon kaya hinayaan ko na lang na malunod ako sa kalungkutan
na nararamdaman ko ngayon.

Sa lahat ng Vampira, si Kuya ang mas nakakaintindi sa akin. Magkahati kami sa mga
bagay kaya alam kong sa ngayon, magkahati din kami sa pagdadalamhati.

Sinamahan ako ni Wynner na umakyat sa kwarto ko. Para ngang siya na ang naging
kamay, paa, mata at bibig ko eh. Nakatulala lang kasi ako kaya wala akong pakialam
kung ano na ang nadadaanan ko.

Inihiga niya ako sa kama at kinumutan.

"Umiiyak ka nanaman." Sabi niya tapos pinunasan pisngi ko. Parang namanhid na kasi
ang mukha ko eh. Hindi ko na din maramdam na may luhang lumalabas sa mga mata ko.
"Gusto mo bang mapag-isa? Gusto mo bang iwan muna kita?" hindi ko siya pinansin
saka ako tumalikod. Narinig ko naman siyang tumayo saka lumabas ng kwarto. Bigla na
lang akong napahikbi. Lahat nang comfort and care ay nasa paligid ko lang. Pero ni
isa walang nakakapagpagaan ng damdamin ko. It takes time to heal. At alam kong
matagal na matagal ang gugugulin ko para makalimot.

Nakakainis isipin na mas matagal pa ata ang pag move on ko, kesa sa panahon na
nakasama ko siya. Naalala ko tuloy no'ng una naming pagkikita.

"Hi, may maitutulong ba ako?" This is the first time na may kakausapin akong tao
kaya dapat mabait ako since he look nice naman. Tinignan niya ako baba taas saka
ako in-snob. Say what?

"Wag na miss. Baka ako pa ang may maitulong sayo." Hindi ko nagustuhan yung sinabi
niya kaya napataas ang kilay ko. Gano'n pa man, i tried my best para maging nice pa
din.

"My tools ako sa kotse. Gusto mo bang hiramin?"

"Wag na! This motor is useless anyway!" tapos tumingin siya sa akin. "Can you give
me a ride?" maangas niyang tanong. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya and he look
so cute. Masungit tignan pero gwapo siya.

"Sure. Saan ba punta mo? Pwede kita ihatid." pagmamagandang loob ko. Hindi nya ko
sinagot bagkus kinuha niya phone niya sa bulsa at nagtext. Tapos tumingin siya sa
akin.

"Sa MOA. May kakatagpuin ako."

Do'n ako naniwala na first expression is not lasting. He's not what I think he is.
He effortlessly captured my heart. Pero kahit kailan hindi ako nasisi na nakilala
ko siya.

Mabilis akong nagtiwala sakanya. Sumama nga ako agad nang imbetahin niya ako mag-
bakasyon sa Vigan eh.

Napabuntonghininga ako. Bumangon ako kasi hindi naman ako makapagpahinga. Mas
naiisip ko lang siya. Mapapraning na ako kung laging ganito.

Nakaupo na ako sa kama ko nang mahagip ng tingin ko ang isang sobre. Napakunot ako
saka ko 'to binuksan.

To my beloved Avia,

Nahigit ko sarili ko nang mabasa ko ang panimula. Sulat kamay niya 'to. Kilala ko
sulat niya. Pinagpatuloy ko ang pag-babasa ng sulat niya.

H'wag kang umiyak. Sige ka, dadalawin kita.

Napatawa ako sa unang sentence niya. Kahit sa sulat nagagawa niya pa din akong
pangitiin.

Alam kong nasasaktan ka sa nangyari noong buhay pa ako. Pero gusto ko sanang
ipangako mo na kahit nasaktan kita, na kahit iniwan kita, gusto ko na makaramdam ka
pa din ng kasiyahan. Buksan mo ulit ang puso mo para mag-mahal. Alam kong may mas
makakahigit pa ng pagmamahal ko sayo.
H'wag mong hayaan na malunod ka sa kalungkutan na ako ang may dulot. Masasaktan ako
kapag nakita kitang miserable dahil sa akin. H'wag mong hayaan na ma-guilty ako at
hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Pasensya na kung pinatulakan kita. Mas madali kasi 'yon para sa akin para umalis.
Pero sabi ni Wynner matigas daw ang ulo mo kaya kailangan galingan ko ang pag-
papanggap na na kunwari ayaw ko na sayo. Patawad kong sinabi kong hindi na kita
mahal. Nasaktan kita alam ko 'yon.

Ang hiling ko lang sana ay maging masaya ka sa buhay mo. H'wag mo na akong isipin.
Alam mo naman na kahit wala na ako sa paningin mo, nandito lang ako sa paligid,
nagmamasid kaya magtatampo ako sayo kapag naging malungkot ka. Be happy, please?

Haay, masyado nang mahaba 'tong sulat ko. Alam mo bang ginagawa ko 'to habang
naririnig kong pinipilit mong pumasok sa kwarto ko. Pasensya ka na kay Granpa,
napag-utusan ko lang eh. Hehehe.

Mahal na mahal kita, Avia. Be happy and be free. Don't be afraid to love again, ok?

Love, Kier.

Nayakap ko na lang bigla ang sulat habang umiiyak.

"Kier... Magiging masaya ko. Para sayo."

Paglabas ko ng kwarto, nadatnan ko si Kuya, Wynner, Edric, at Lorelei na


nakikipaglaro kay Hunter. Natutuwa ako at nandito na si Lorelei at buhay siya.

"Tita Avia..." tawag sa akin ni Hunter. Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap
ang legs ko.

"Kumusta na ang baby Hunter ko?" lumuhod ako at niyakap siya.

"Ok naman po ako, Tita." Masaya niyang sabi.

Nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko.

"Sana po maging masaya kayo." Sabi niya. Tapos bigla parang may umilaw sa mata niya
at naramdaman ko ang gaan.

Kinapa ko ang dibdib ko at wala na ang nararamdaman kong bigat.

Naluha na lang ako bigla. Hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya. Hinawakan ko
din ang cute na pisng ni baby Hunter saka ngumiti.

"Thank you, baby." Sabi ko. Ngumiti naman siya ng maluwang saka humagikhik. Tumakbo
siya pabalik kela Kuya saka ko siya sinundan.

"Wynner." Tumabi ako sakanya.

"Ok ka na?" tumango naman ako. "Salamat ah."


"Wala 'yon." Sabi niya saka kinurot pisngi ko.

------------------------------------

A.N: Hindi ako gaanong kuntento sa chapter na 'to. Ang lame.

Avia and Kier at the right side, my trying hard photo gif. hahaha Ang sabaw
langsss~

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 49 - I love you, bestfriend
####################################

Chapter 49 - I love you, bestfriend

Kyla's POV

"Mi." napalingon ako sa tumawag sa akin saka napangiti. Wala namang ibang tumatawag
sa akin ng gano'n kundi si Edric lang. Mi at Di ang tawagan naming. Ang korny pero
nakakakilig pa din.

"May surpresa ako sayo, Mi." sabi niyang nakangiti.

This past few weeks, lagi akong ginagawan ng surpresa ni Edric. Siguro para
makalimot ako sa pagluluksa ko sa bestfriend ko.

"Gano'n? Eh mag-eenrol ako ngayon eh." Nakanguso kong sabi. Malapit nanaman kasing
magpasukan kaya heto ako, mag-aaral nanaman for 3rd year, without her, without my
bestfriend.

"Samahan na kita, Mi."

"Ay sige." Tuwang-tuwa kong sabi.

Sa school...

"Full load ka ata, Mi? Bakit kinuha mo lahat ng subjects mo?" tanong ni Edric
matapos akong makapa-assess.

"Eh? Ok lang." sabi ko. Pero ang totoo niyan, gusto kong maging busy ngayon. Mas
malulungkot lang kasi ako kapag nagkaroon ako ng maraming free time. Mas maaalala
ko lagi si Nyx.

"Bawasan mo. I-half day mo ang Friday mo tapos tanggalin mo pasok mo sa Saturday."
Utos niya.

"Hala? Hindi na pwede."

"Sige na, Mi. Gusto kita lagi kasama eh." Nagulat ako nang mag-pout siya. Luh? Ang
cute niya. Hihihi.
"Magpapa-reassess ako niyan. " I whined.

"Please?" napabuntong hininga ako. Pa'no ko nga ba matatanggihan ang isang Edric na
nagpapa-cute sa harap ko?

"Sige na nga!" ngumiti naman siya ng maluwang.

"At dahil dyan, may surpresa talaga ako sayo mamaya."

"Ano ba 'yang surpresa na 'yan, Di?"

"Secret." He winked.

Habang nag papa-reassess ako, hindi ko mapigilan ang hindi mainis sa mga babaeng
madadaanan namin. Ang lagkit kasi ng mga tingin nila sa Di ko! Nakakaasar 'yon. Eto
naman isa parang enjoy na enjoy pa.

Nagulat ako nang bigla niyang hapitin bewan ko habang nakatingin sa unahan at
nakangiti.

"Di naman eh!" bawal kasi ang PDA dito. At sa mga tingin na binibigay sa akin ng
mga ka-school mates kong babae, pwede nila akong ireport.

"Ang daming nakatingin sayong mga lalaki eh!" bulong niya sa tenga ko. Napatingin
naman ako sakanya. Parang it's the other way around. Nakapangiti na lang tuloy ako.
Possessive vampire boyfriend.

"Kyla girl." Tawag sa akin ni Mau. Napatingin muna siya kay Edric saka tumingin sa
akin.

"Mau! Uy, musta?" sandali akong bumitaw kay Edric saka nakipagbeso-beso kay Mau.

"Magtatransfer na ako girl nang school. Where's Nyx?" nagulat naman ako. No one
knows Nyx is dead.

"Ah- eh..."

"Kasama asawa niya." Singit ni Edric.

"Asawa? And may I know who's this guy, Kyla?"

"Oh I'm sorry... Ah, Mau this is Edric, my boyfriend. Di, this is Mau, a friend of
mine." I said.

"Boyfriend. I didn't know you have one? Anyway, I got to go. And tell Nyx
nakakatampo siya." Umirap siya saka tumalikod. Napa-iling na lang ako. Kahit kailan
talaga 'to si Mau ang bitch bitch.

Bumaling naman ako kay Edric. "Bakit mo sinabing may asawa na si Nyx?"

"Alam ko kasing ayaw mong sabihin na wala na siya. It's better off that way." He
beamed.

After kong mag-enrol, we went to a restaurant muna. Sinamahan niya akong kumain
kasi kanina pa talaga ako nagugutom.
"Gusto mo bang makita surprise ko sayo?" he said after I finished eating.

"Ano ba 'yon?" ngumiti siya nang makahulugan.

"Basta. Secret muna." Sabi niya. Napasimangot naman ako. Pa-secret-secret pa siya
malalaman ko din naman.

Hindi ko alam kung matatawag pang surprise ang pag-dala sa akin ni Edric sa Sea
side. Eh tambayan naming 'to ni Nyx eh. How come siya naging surprise?

Magdadalim na, wala pa ba ang surprise na sinasabi niya? Nakakaramdam na ako ng


inis at hindi pa din umiimik si Edric, nakangit pa. Bwesit! Inaasar ata ako neto
ah!

"Bibili lang ako nang maiinom mo. Nauuhaw ka na eh." Sabi niya saka tumayo.

"Hindi namana ko nauuhaw-uy bumalik ka nga dito!" hindi na ako nakaangal kasi
umalis na siya.

Iniwan niya ako dito sa madilima na parte nang sea side. Alam naman niyang
matatakutin ako eh. Jusko baka atakehin ako kapag nagpakita dito si Nyx. Alam kong
paborito niya 'tong tambayan no'ng nabubuhay pa siya pero sana lang talaga hindi
gumana ang imagination ko.

Bigla-bigla na lang humangin ng malakas at humahampas hampas ang alon sa bato.


Napayakap na lang ako sa braso ko. Nasaan na ba si Edric? Bakit ang tagal niya?

"Kyla~"

Ay potek! Eto na 'yong sinasabi ko eh. Nag-iimagine na ako nang kung ano-ano.
Huhuhu, pati pagtawag ni Nyx sa pangalan ko naririrnig ko na.

"Waaaah~ Nyx, kung nasaan ka man, sana masaya ka na. Alam mo naman na matatakutin
ang bestfriend mo diba? Walang ganyanan. Naging mabuti naman akong kaibigan diba?"
naiiyak na ako sa takot. Makikita sa akin nang Edric na 'yan! Aawayin ko talaga
siya!

"Oo naman." Ay pisti at sumagot pa!

"Hwaaaah~ Nyx naman eh! Please please please don't scare me. ikakamatay ko! Huhuhu"
takte bakit ba kasi ako pinanganak na matatakutin sa mga multo? Eh sino ba naman
ang hindi takot sa multo, aber?! Eh vampira nga nakakasama mo! Eh iba 'yon! Mahal
ko 'yon! Eh mahal mo naman bestfriend mo diba? Eh iba nga 'yon!

Ay 'nak ng tupa at pati utak ko nag-aaway.

Nakaramda ako ng may humawak sa balikat ko. Napapikit ako ng mariin. Please Kyla,
lakasan mo ang loob mo. Baka naging isang ligaw na kaluluwa ang bestfriend mo kasi
may unfinish business siya. Baka magpapatulong siya sayo kasi ikaw ang bestfriend
niya. Eh ano naman unfinish business niya? Gusto niya bang tapusin ang pag-aaral,
gano'n?

"Kyla, namiss kita." Sabi pa ni Nyx. Homaygaaad! Miss na niya ako? Kaya ba niya ako
binibisita? Para naman akong na-guilty. Bestfriend ko siya, I shouldn't be afraid
of her.
Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko.

And there, I saw Nyx standing right infront of me. She is wearing her perfect smile
as if hindi siya namatay. Nakasuot siya ng putting bestida at tinatangay ng hangin
ang damit niya.

"Nyx... huhuhu miss na din kita pero natatakot ako sayo eh. H'wag mo kong kukunin
ah. we're friends right? Huhuhu." Nagulat ako nang maglakad siya palapit sa akin.
Napapikit ako. Natatakot ako nang bonggang bongga at feeling ko any minute now ay
hihiwalay na talaga ang aking beautiful soul sa aking sexy alluring body!

Hinawakan niya ang aking kamay saka pinisil. Luh? May kakayahan bang makahawak ang
multo?

"Kyla-"

"Nyx, hindi ka ba maka-cross over? Hindi mo pa ba nakikita ang ilaw? Gusto mo na


bang tumawid? Tutulungan kita! Alam kong marami ka pang gustong gawin. H'wag kang
mag-alala at mamahalin ko 'yon si Hunter at-"

"Kyla." She reprimanded.

"I love you bestfriend. Did I tell you that?"

"Kyla, hindi ako patay. Buhay ako. Buhay na buhay." Do'n ko lang narealize na
mainit ang mga palad niya. Napakurap-kurap ako saka ko siya tinititigan. Sinuri ko
din katawan niya. Bakit suot ni Nyx ang floral dress niya at doll shoes?

"N-Nyx? B-buhay ka? Pa'no?" naguguluhan kong tanong. Ngumiti naman siya sa akin.

"Kami lang ng anak ko ang nakakaalam ng mga mangyayari. Hinayaan kong mamatay ang
katawan ko para makaipon ako ng panibagong lakas. Sorry kung hinayaan ko kayong
maging malungkot. Sorry kung umiyak kayo-"

Hindi ko na pinatapos si Nyx at agad ko siyang niyakap. Miss na miss ko na siya.

"Basta ba hindi ka na ulit mawawala, ha?" sabi ko. Hindi ko magawang maiyak.
Masayang-masaya ako eh. Haluan mo pa ng takot na naramdaman ko kanina.

"Hindi na. Promise."

Matagal bago kami kumalas sa isa'isa. I really can't believe it.

"Eto pala ang surprise na sinasabi ni Edric." Natatawa kong sabi.

"Siya ang may idea. Sorry if I startled you, bestfriend." Nagulat ako nang
banggitin niya ang salitang bestfriend. Alam kong close kami ni Nyx pero kahit
kailan hindi niya sa akin in-admit na ako ang bestfriend niya. Hindi naman ako
nagtatampo pero ang sarap lang sa pakiramdam na bestfriend ang turing niya sa akin.

"Hwaaaah~ Nyx naman e! Pinapaiyak mo ako."

"Hala? Hindi naman eh." Nakapout niyang sabi.

"Eh teka nga pala, alam na ba ni Tito Kent?" ngumiti naman siya sa akin.

"Sasamahan mo ako."
-=-

Lorelei's POV

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Tito. Pero excited
na din ako kasi makikita ko na ulit si Tito.

"Nandito na tayo, Nyx." Sabi sa akin ni Kyla.

Huminga ako ng malalim. Ok Lorelei, be ready.

Pumasok kami sa bahay. Nagtaka ako nang wala sa aming sumalubong na katulong.
Sinesante ba ni Tito Kent ang mga katulong?

"Pero Kent. You don't have to do that. Live like a normal person." Rinig kong sabi
ng isang babae.

"That's the point, I'm not a normal person." I heard Tito retorted.

"Kent." The girl reprimanded.

"Tama na. Hindi na magbabago isip ko"

"Haay! Ewan ko sayo. Aalis na ako."

"Sino kausap ni Tito Kent?" tanong ni Kyla. Nagkibit balikat lang ako.

"Saan ka pupunta-Hoy Ate Lau-" Napatulala lang ako. Gulat na gulat si Tito na
makita ako. Tapos tumingin siya kay Kyla tapos sa akin ulit.

"Ay Tito Kent, hindi po siya ghost. Buhay talaga si Nyx." Pangunguna ni Kyla.

"Tito Kent." Napatingin ako sa tabi ni Tito Kent. Isang babae. She's familiar. Saan
ko ba siya nakita?

"Lorelei?" sabi ng babae. Tinignan ko lang siya.

Nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin ni Tito Kent. I heard his small sobs. I
missed my Tito Kent, so much.

"You're alive. You're here." He said. Naiiyak na din tuloy ako.

"Akala ko hindi na kita makikita pa, Tito Kent." Sabi ko.

After ng mahaba-habang iyakan, ipinakilala ako ni Tito Kent sa kasama niyang babae.
It was my Tita Laura. Panganay na kapatid nila mommy at Tito Kent. Isa daw siyang
sanguinarian. So all this time, we really have a vampire connections.

Tito Kent asks me about my son, Hunter. Ang sabi ko sa Vampire City siya titira
since taga pagmana siya. At mas ligtas siya do'n lalo na't hindi pa nahuhuli si
Trever.

"Do'n ka na rin ba titira, Nyx?" Kyla asked me.

"I don't know. I wanted to be with my Son and Aric. But you know you can always
visit us." I told her. She just beamed at me.

"But that would be totally boring. You know naman na mag-aaral pa ako diba? Hindi
mo na ba ipagpapatuloy pag-aaral mo?"

"Hindi na. King Hansel told me to study about vampire culture. So I can be their
Queen in the future." I said.

"But you're human. Is that allowed?"

"No. That's why I agreed to become one of them."

"What?" kita ko ang gulat sa mukha ni Kyla.

"Kapag naging mag-asawa din kayo ni Edric, kailangan maging kagaya ka na din nila."
nakita kong natakot ang mukha ni Kyla. I patted her back.

"Hey. I'm not pressuring you. Matagal pa naman ata 'yon, diba?"

"Yeah. And I am freaking scared." She said honestly.

"Nothing to be scared at, Kyla. You know they can protect us, right? And they won't
do things na ikakapahamak natin."

"I know that, Nyx. You just can't rid the doubts inside me. alam mo naman na
matatakutin ako. Haay. Why am I so coward." She blew an air.

"You're not coward. You're my bestfriend." Tinignan niya ako na naluluha.

"Tell me one more, Nyx."

"What?"

"That I'm your bestfriend." Napangiti ako sakanya.

"You're my bestfriend, Kyla." She hugged me tightly. I can feel her warm.

"I love you, bestfriend."

-----------------------------------------------------

A.N: Sorry for the long wait, and i know that this update is not worth waiting for.
:( I am busy with my work.

But, as a reward for you guys. I have posted a chapters of the story of Tito Kent
entitled MY KNIGHT AND SHINING FANGS medyo mature siya so yeah. It was different
from what you have read in Book 1 and 2. Click the external link for you to be
directed ---->

Second, i already have the prologue posted of my new story FENG SHUI AWEKENING. You
can checked it out on my profile.

Third, as we all know that Vampire City 1 is going to be published under Life is
Beautiful (LIB) At the right side is the official book cover that i personally
made. :) What you think, guys?

Enough said for me. :)


HAPPY FATHER'S DAY TO ALL THE FATHERS IN THE WORLD. :)

XOXO

-Thyriza

####################################
Chapter 50 - Take time to Realize
####################################

Chapter 50 - Take time to Realize

Lorelei's POV

"Mama!" salubong sa akin ni Hunter pagpasok ko sa kaharian. Magkasama sila ng aking


mag-ama.

"Kumusta na ang baby ko?" ginulo ko buhok niya. Bakit ba kasi ang bilis lumaki ng
anak ko? Hindi ko tuloy maramdaman na mag-alaga ng baby. Hindi ko man lang siya
nabuhat at kargahin.

Niyakap niya ako sa bewang at ngumiti. "Namiss kita, Mama." He said. Napangiti lang
ako. Tinignan ko naman si Aric na nakangiti lang sa amin.

"Hmmm, nawala lang ako sandali eh. Nag-laro ba kayo ng Papa mo?" bumitiw siya sa
akin saka tumango.

"Nagtaguan po kami. Ang galing po ni Papa, nahahanap niya agad ako."

"Hay naku. Panigurado dinaya ka ng Papa mo." Natatawa kong sabi.

"Oy ah. Hindi ko dinadaya ang anak natin." Depensa ni Aric.

Umupo ako at tumabi kay Aric at pinagitnaan ni Hunter.

"Gusto niyo ng picture?" napatingin ako sa nag-salita.

"Avia!" pababa siya sa hagdan at nakasuot siya ng itim na dress. Nakangiti siya
pero ramdam kong pilit lang 'yon.

"Ang saya niyo naman. Nakita niyo ba si Wynner?"

"Nasa labas ata 'yon nakita ko." Sabi ni Aric.


"Ah sige. Labas muna ako. Bye Hunter."

"Bye Tita!" sabi ni Hunter nang makalayo si Avia.

"Hunter, baby. Pasok ka muna, mag-uusap lang kami ng Papa mo." I told my Son.

"Ok po, Mama. Puntahan ko lang po sila Lolo at Lola." He said tapos tumakbo
palabas.

"Ano ba pag-uusapan natin at kailangan mo pang paalisin si Hunter?" Aric looked at


me playfully saka niya inakbayan at inamoy-amoy ang leeg ko. Ay pisti, nakikiliti
ako!

"Ano ba 'yang iniisip mo, Aric?" nakataas kilay kong sabi.

"Baka kako gusto mo akong masolo." Nakangisi niyang sabi.

"Hindi 'yon!" irap ko sakanya.

"Eh ano?" umayos siya ng upo at humarap sa akin.

"Pag-usapan natin ang pagiging vampira ko." Napaseryoso bigla ang mukha niya.

"What about it?"

"I think I am ready, Aric." Natahimik siya ng konti. Na parang nag-iisip. Tinignan
niya ako na parang binabasa ang mukha ko.

"H'wag muna." Tangi niyang sabi.

"Huh? Why?" ayaw niya ba akong maging kagaya niya? Hindi naman kami pwedeng ikasal
na tao ako lalo na't kung magiging Reyna ako. Baka naman ayaw niya akong pakasalan?

"I don't want to push things through just because we already have an offspring-"

"What?!" I can't believe Aric is saying all these! Ano 'to? after my almost-No
rephrase that, after I die just to save our son eto sasabihin niya? Sa lahat ng
sacripisyo na ginawa ko, heto siya nagdadalawang isip?!

"It's not that, mahal ko."

"Don't call me that." I said clamly. Hindi ko lugar 'to kaya wala akong karapatan
pag-taasan ng boses ang kaharap ko ngayon. "First of all, I am not expecting that
answer from you. Really Aric? Just because we already have offspring we have to
marry each other?! 'Yon ba 'yon?!" gusto ko mang pigilan ang sarili ko na hindi
sumigaw, pero kung ikaw ang sa kalagayan ko talagang mapapasigaw ka. Baka nga
mapamura ka pa.

"Tell me na kailangan ko ng magsisi na nagpabuntis ako sayo! And right this very
moment at papatayin ko ang sarili ko sa harapan mo!" Mas gugustuhin ko pang bumalik
sa hukay kesa sa marinig pa ang sasabihin niya.

"Lorelei, listen to me-"

"No! You listen to me, Aric!" halos nag-iinit ang tenga ko at at parang gusto ko ng
sumabog sa sobrang galit. Nakakagago 'tong si Aric eh! "Sana naisip mo 'yang
sinasabi mo the moment you got me pregnant!"
"Lorelei-"

"Shut up, Aric! H'wag ka ng mag-salita kung ayaw mong mas sumama pa ang loob ko."
And wit that, I left him.

Napaluha na lang ako. Was I wrong? Mali ba ang pagkakilala ko sakanya? Takte kung
ganito lang naman pala kababaw ang magiging dahilan para maghiwalay kami eh di sana
hindi ko na pinaglaban ang pagmamahal ko sakanya.

Naramdaman ko na lang na may humapit sa bewang ko at niyakap ako.

"Mahal ko." He whispered. Napapikit na lang ako.

"What?!" pagalit kong sabi.

"Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin eh." Naramdaman ko ang tampo sa boses niya.
Napairap lang ako kahit hindi naman niya nakikita.

"Eh ano pala?! Obvious naman eh!"

"Mahal ko..." pinaharap niya ako sakanya saka naghinang ang mga mata naming.
Nakakainis 'to si Aric. Nagdadrama pa 'ko eh!

"Ayaw kong gawin kang vampira kasi kailangan, kasi may anak na tayo, kasi magiging
reyna ka na. Ayaw ko ng gano'n. Parang naging need na siya kasi 'yon ang dapat."

"Pero gusto ko din."

"Sige nga, sabihin mo kung bakit gusto mo?" natameme naman ako. Ang totoo kinausap
ako ni Queen Ingrid na kung gusto kong maging pamilya kami kailangan ko 'yong
gawin.

"Because I want us to be strong. Gusto ko maging pamilya tayo at hindi dadating ang
panahon na mapaghihiwalay tayo kasi isa akong tao. Gusto ko maging akin ka kasama
ni Hunter. Kung sa human term, I want us to be legal." Ngumiti siya sa akin saka
hinawakan ang pisngi ko.

"Then wait for my proposal, ok? Hindi ikaw ang mag-aaya sa akin kundi ako. You
deserve a descent proposal." Muntik ng mahulog puso ko. Para akong tangang
pinipigilan ang ngumiti. Ikaw na talaga Aric. Pinakilig mo nanaman ako.

-=-

Avia's POV

"Nandito ka lang pala." Kanina ko pa hinahanap si Wynner eh. Nag-uusap kasi kami ng
bigla na lang siyang umalis. "May problema ka ba?"

"Avia..."

"Galit ka ba sa akin? Pasensya na kung puro si Kier ang bukang bibig ko. Namimiss
ko lang kasi talaga siya." Ngumiti naman siya sa akin.

"Ok lang. naiintindihan kita."

"Eh bakit natahimik ka? May dinidibdib ka ba?"


Matagal bago siya sumagot. Alam kong may problema si Wynner eh.

"Pwede na ba kitang iwan, Avia?" nagulat ako sa sinabi niya.

"Ha? Bakit? Saan ka pupunta?"

"Kailangan na ako sa kaharian namin. Pinapabalik na din ako ng mga Elders sa amin."
Napatulala ako. Masyado ata akong nasanay na nasa paligid ko lang si Wynner.

"K-kung 'yon ang kailangan, hindi kita pipigilan." Sabi ko. Napangiti siya ng
mapait.

"You won't stop me?" he asked with disbelieve.

"No. Why will I do that? Ayokong maging sagabal sa responsibilidad mo. Besides,
marami ka ng bagay na ginawa para sa akin. I think it's time for me to be
independent."

"But I don't want you to be independent."

"Huh?"

"Pwede ka bang sumama sa akin, Avia?" napatingin ako sakanya.

"What?"

"Tutulungan kitang makalimot. Hindi ko papalitan si Kier sa puso mo. Pero pwede
bang hayaan mo akong pasayahin ka?" hindi ako makapagsalita.

"W-Wynner..."

"Aalis ako ngayon. Babalik ako sa amin. Hindi muna kita isasama. Pero umaasa ako na
susunod ka kapag may narealize ka na." he said. Napakunot noo naman ako.

"Anong marealize?"

"Ikaw lang makakaalam ng mga bagay na 'yon."

"Ha?"

"May mga bagay na hindi pwedeng sabihin para ikaw mismo ang makatuklas. I don't
want to pressure you, Avia. I care for you, so much. So much that it already
hurts." He said. I was so confuse with Wynner's words. Why is he hurting?

"Babalik ka ba?"

"I don't know. I am testing my belief. Sana ngayon, ikaw naman. Ikaw naman kahit
ngayon lang, Avia."

"Naguguluhan naman ako sayo, Wynner eh!" naiiyak na ako dahil sa sobrang lungkot ng
boses niya.

"Paalam, Avia."

"T-teka... Wynner!"

"Hihintayin kita. At sana hind imaging huli ang lahat habang pinaparealise ko sayo
ang mga bagay."ngumiti siya ng tipid. Inabot ko siya but he's slowly fading.
Napatulala ako sa bilis ng nangyari. Ano 'yon? Iniwan niya ako ng ganito lang?
Walang paliwanag? Baliw ba siya?

"Wynner! Hindi ka nakakatuwa ah! Wynner!" sigaw ko. Nagpalibot-libot ako pero wala
na siya.

Ibang lungkot ang naramdaman ko this time. Yung parang wala akong iiiyak sa sobrang
pagkagulat.

"Baliw ka pala eh! You want me to realize something eh hindi ko nga alam kung ano
'yon! Ang sabihin mo pagod ka ng kasama ako kaya gumagawa ka ng alibi!" I yelled
hoping he will hear it.

Napaupo na lang ako sa bench at malungkot na nakapangalumbaba.

Iiwan ba ako ng lahat ng mga importante sa akin? Una si Kier ngayon naman si
Wynner? Am I in a curse or something? Sinumpa ba ako para maging malungkot lagi?

"Mahal na Prinsesa..." nakita ko si Smitt. Lumilipad habang papunta sa gawi ko.

"Oh Smitt?"

"Bakit po kayo malungkot?" napangiti lang ako ng mapait kay Smitt. Kahit kailan
talaga hindi ako makapagtago ng secreto kay Smitt. "Dahil pa rin po ba kay Kier?"

"Aalis na si Wynner." I said.

"Diba po 'yon naman ang gusto niyo?" naatingin naman ako sakanya.

"I never said that."

"Hindi nga po. Pero marahil 'yon ang pinaramdam niyo kay Prince Wynner." Nagulat
naman ako sa sinabi ni Smitt.

"What do you mean by that, Smitt?"

"Mahal na Prinsesa, alam ko pong matalino kayo. Malalaman niyo din po 'yon. At mas
maganda kung kayo ang makakatuklas, diba? Ayaw kayong i-pressure ni Prince Wynner
kasi..."

"Kasi?"

"Ah basta po. Hihihi"

"Smitt naman eh!"

"Eh Prinsesa Avia, ano gusto niyo? Sabihin ko agad? Mawawala na ang thrill."

"Ano ba ang pakialam ko sa thrill? Sabihin mo na kasi."

"Makapangyarihan ka nga po pero hindi mo makita ang mga bagay na ganito?


Nakakalungkot, mahal na Prinsesa."

"Smitt!" saway ko.

"Pasensya na po, Prinsesa pero hindi ko sasabihin. Ba-bye!" and with that naglaho
na siya.

Napakamot na lang ako ng ulo.


"Ano ba pinagsasabi ni Smitt? Seriously, hindi ko ma-gets!"

-=-

Magdamag nang sobrang occupied ang utak ko. Lang hiya ka Wynner! Aalis kang ganito
ako? You left me no clues! Nakakabaliw kayo ni Smitt.

Gabi na at napagdesisyunan kong lumabas ng portal. Pupunta ako sa grave ni Kier.


Kailangan mailabas ko ang sama ng loob ko.

Pumunta ako sa mansion nila Kier. Nakalibing siya sa katabi ng tomb ng Mommy niya.
Madilim na kaya wala sa aking makakahuli.

Napaupo ako sa grass saka ko hinaplos ang tomb niya.

Kier Ford.

Napangiti ako ng mapait. Kung hindi niya siguro ako niligtas baka hanggang ngayon
ok pa din ang puso niya. Siguro hanggang ngayon lumalaban pa siya. Kasalanan ko ang
lahat.

"Patawad, Kier. Ngayon lang ako nakapunta sa puntod mo. Galit pa sa akin si Granpa
eh." Mahina kong sabi. "Sorry din kung wala man lang akong dalang bulaklak o
kandila."

Binunut ko ang maliliit na damo na nakapaligid sa puntod niya. Masaya na kaya


ngayon si Kier?

"Miss na kita." Anas ko. Kasabay ng pag-luha ko ang pag-iyak ng langit. Umuulan
nanaman. Laging nakikidalamhati ang panahon kapag masama ang pakiramdam ko.

"Hindi ako handa no'ng umalis ka. Madaya ka, Kier. Pareho kayong madaya ni Wynner.
Umaalis kayong hindi ako prepared!"

"Kier, matutulog ako mamaya. Pwede ka bang magpakita sa akin? Kahit do'n lang.
Gusto kitang mayakap eh."

"Kier, sana mapatawad na ako ni Granpa. Gustong-gusto ko siyang makausap eh."

"Kasalanan ko kung bakit ka nawala kaya naiitindihan ko siya. Patawarin mo din ako
Kier ah. Mahal na mahal kita. At kung dumating man ang panahon na magmahal ulit
ako, alam ko sa sarili ko na hindi mapapalitan ang pagmamahal ko sayo kahit na
nino. You will always be here in my heart."

xxx
####################################
Chapter 51 -There's No turning Back
####################################

Chapter 51 -There's No turning Back


AN: First of all, before you read my update. There's just a little "thing" i wanted
to clarify. I know all of you is hating Avia for her attitude. But no one can blame
her. It's her feelings. Yes, she is manhid. Yes she treats Wynner as trash. Pero
it's Wynner's fault. Why? You will read it in his flashbacks. I wanted to enlighten
everybody na hindi lang si Avia ang parang tanga sa kwentong 'to kung 'yan ang
sinasabi nyo sakanya. Nagmahal lang siya. Bakit kayo ba, mamahalin niyo yung taong
hindi naman nagtatapat? Malalaman niyo ba kung tuturpe-turpe? It's there fault,
Yes! Because that's the story suppose to be. LOVE TRIANGLE 'TO! At sa mga
nagtatanong, hindi ko na bubuhayin si Kier kahit may kakayahan akong gawin 'yon.
Magiging katawa-tawa ang kwentong 'to kung gagawin ko 'yon. So please be patient
with the story line.

PLEASE BE OPEN MINDED GUYS. Kasi sa totoong mundo, may ganitong kwento. Sana
maliwanagan kayo.

Wynner's POV

"Totoo bang aalis ka na?" tanong sa akin ni Aric.

"Oo eh." Ang akala ni Avia tuluyan na akong umalis. Syempre hindi ko magagawang
bigla na lang umalis ng hindi nagpapaalam sa mga bestfriend ko.

"Dahil ba sa kapatid ko?" natahimik lang ako sa tanong niya. "Alam kong gusto mo
siya." He added.

"Hindi ko siya gusto." I trail off. "I love her." Seryoso kong sabi. Napatawa lang
siya.

"Ang gago mo! Matagal ko ng hinulaan na magkakagusto ka sa kambal ko pero ano?


Naging matigas ka. May kasalanan ka din." Nakangisi niyang sabi.

"Alam ko. At pinagsisisihan ko 'yon. Naging masama ako sakanya. Pero nagbago naman
ako diba?"

"Huli na no'ng nagbago ka. Nakatagpo siya ng mamahalin niya."

"At 'yon ang pinagsisisihan ko. Kung noon pa sana nagtapat na ako sakanya. Lahat ng
paghihirap ko makalapit lang kay Avia ay deserve ko. I deserve this misery because
I am aweful to her."

I always remember the first time I saw her. I really hate her dahil gustong-gusto
siya ni Mommy at Daddy. Avia is very sweet kaya kaaway ang tingin ko sakanya noon.

"Hi, I'm Avia. You must be Wynner?" she genuinely smiled at me.

"Yes. Ang so?!" inis na inis ako sa malambing niyang boses. Nakakarindi ang matinis
niyang boses. Ugh! But little did I know na isang araw makakarma ako sa pagiging
masama ko sakanya.

"Ginawan kita ng corsage para sa ball-" tinabing ko yung ginawa niya. "W-Wynner..."
natatakot niyang sabi.

"Bakit ba lapit ka ng lapit sa akin, huh?! Ilang beses ko bang sinabi sayo na I
hate your presence?!" nakita kong may lumabas na luha sa mata niya.
"Bakit sa kuya ko friends kayo?! Ako hindi?! May descrimenation ba, gano'n?!" she
yelled. Mas lalo akong narindi sa maliit niyang boses.

"Because I hate you! I hate everything about you!" tumabo siyang umiiyak.

After no'n umuwi sila sa kaharian nila. Hindi ko na ulit siya nakita pa.
nakonsensya ako kaya matagal kong dinamdam ang pagpapaiyak ko sa isang Prinsesa.

"Anak nandito ang mga kaibigan mo. Si Aric, Avia at Edric." Sabi sa akin ni Mommy
habang nagpapractice ako ng fencing.

Natuwa naman ako sa narinig. Kaya tumakbo ako palabas ng room at hinanap ang tatlo.
Luckily, si Avia ang nakita ko naglalakad habang kumakanta.

Agad kong hinigit ang kamay niya at hili-hila ko siyang itinakbo. Nagpupumislag
siya pero mas nilakasan ko ang higpit ng hawak ko.

The next thing I know, dinala ko siya sa sulok ng kaharian naming at hinalikan siya
ng marahas. I didn't know what got into me pero gustong-gusto ko talaga 'yon gawin.

"WAAAAHHHH~ MOMMY! MOMMY!" Iyak niya nang pakawalan ko siya. Bakit ba siya
ngumangawa?

"Sige, magsumbong ka! Malalaman ng Reyna na may first kiss ka na!" pananakot ko
sakanya. Ewan ko din pero no'ng panahaon na hinalikan ko siya nakaramdam agad ako
ng kakaiba sakanya.

"ANG MANYAK MANYAK MOOO!!!" Singhal niya sa akin. Galit na galit talaga ang hitsura
niya. Napangisi lang ako sakanya.

"Wala namang masama sa halik ah!" sabi ko habang nakahalukipkip. Gusto ko kasi
mapatawad niya ako sa mga ginawa ko. Gusto ko mapalapit din siya sa akin.

"Masama 'yon! Sabi ni mommy hinahalikan lang daw yung mga mahal nila! Hind naman
kita mahal!" I was dumbfounded by her answer. Parang may tumusok sa dibdib ko.
Masakit. Tumikhim ako bago sumagot.

"Ang swerte mo nga eh! Ang isang Prinsepe na tulad ko hinalikan ang katulad mong
musmusin na Prinsesa!" nanlaki mata niya sa sinabi ko. Sobra talaga siyang naiinis
sa akin kapag tinatawag ko siyang musmusin.

"Hindi ako musmusin! Maganda ako!"

"Naghahallucinate ka lang. Bleeh!" nginisihan ko lang siya.

"Ah basta! Maganda ako! At isusumbong kita sa daddy ko! Kapag nalaman niyang
hinalikan mo ako magagalit siya sayo!" lumabi siya sa akin. Nag-panggap namana kong
natakot sa si

"W-wag! Wag mo akong isusumbong! P-papaksalan kita. wag mo lang akong isususmbong!"

Hindi ko naisip na isang araw magkakagusto siya sa iba, at sa tao pa. masyado akong
naging kampante na sa akin siya where infact she's never mine in the first place.

Kung naging mabuti lang sana ako sakanya. Kung nagpakumbaba lang sana ako at
humingi sakanya ng tawad. Kung nagtapat sana agad ako sakanya, all these things
wont happen. Pareho kaming nasasaktan. Siya sa kadahilanang nagluluksa kay Kier. At
ako naman sa kadahilanang kahit wala na akong karibal ay hindi magbabago kung ano
ang nasa puso ni Avia.
"Basta dude, balik ka ah?" untag sa akin ni Aric.

"Oo naman. Kung hindi lang ako pinapabalik ng mga Elders nungka akong babalik
do'n."

"Haaay! Mga Elders talaga."

Umalis na ako pakatapos kong magpaalam sa lahat. Mabigat man sa loob ko na umalis
sa Vampire City, pero eto ang kailangan. Pero may isa pa akong pupuntahan bago ako
umalis.

-=-

Nakita kong sarado at walang bantay ang dating bahay na tinirhan naming sa mundo ng
tao. Kukunin ko lang 'yong gitara ko. Pamana 'yon sa akin ni Daddy kaya hindi ko
'yon pwedeng iwan.

Agad akong dumeretso sa kwarto. sa kwarto kung saan ko sinurpresa si Avia sa mga
balloons. Napangiti lang ako ng maalala ko 'yon.

Gulat na gulat ako ng makita kong bukas ang ilaw. Wala na ang mga balloons at nasa
sahig na sila lahat. Parang may aparisyon pa ni Avia sa gilid ng kama. Haay naku!
Puro na lang ako Avia.

"Wynner..." she said. Hawak niya 'yong guitara ko.

"Hindi ka si Avia. Isa ka lamang na illusyon." Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

"Wynner ako 'to." she said. Binitawan niya yung gitara saka lumapit sa akin.
"Naalala ko lang kasi yung surpresa mo sa akin kaya nagbakasakali akong dito ka.
Then here you are." She smiled.

"Bakit ka pumunta dito?" I asked.

"I don't know. I dreamt of Kier last night. He told me na h'wag kitang payagan na
umalis."

"Gustuhin ko man na h'wag umalis, pero hindi na pwede. Kailangan na ako sa amin."
Hanggang sa panaginip ni Avia si Kier pa din. Pasalamat na lang ako kay Kier na
hanggang panaginip ipinagpipilitan niya ako kay Avia.

"Please, Wynner? Please stay?" pagsusumamo niya. Hindi ko maintindihan si Avia.


Bakit ba gusto niya akong makasama pa? Kasi kaibigan niya ako? Ayaw ko sa kaibigan
lang. Though I am happy na kino-consider na niya ako bilang kaibigan.

"Kakantahan na lang kita." Sabi ko saka kinuha ang gitara sa likod niya.

"Hindi ko gusto ang kantahan mo ako. Gusto ko manatali ka dito." She said. Pero
hindi ko siya pinansin. Sinabit ko ang strap ng gitara sa balikat ko saka
nagsimulang tumugtog.

♪No I'm never gonna leave you darling

No I'm never gonna go regardless


Everything inside of me is living in your heartbeat
Even when all the lights are fading
Even then if your hope was shaking
I'm here holding on♫

Napaupo siya sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ako. Gusto kong matawa sa
expression niya. Para bang ngayon niya lang ako nakitang tumugtug ng gitara habang
kumakanta.

♪I will always be yours forever and more

Through the push and the pull


I still drown in your love
And drink 'til I'm drunk
And all that I've done,

Is it ever enough♫

Avia's POV

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Parang naghalong galak at


lungkot. Nababaliw na ako sa nararamdaman ko. Epekto ba 'to ng lahat na mga
nangyari?

Hindi ko naman alam na pupunta siya dito eh. Malay ko ba. Ang gusto ko lang
puntahan yung lugar na alam kong may alaala kaming dalawa ni Wynner. Kasi sa totoo
lang mamimiss ko siya. At magpapaka-ipokrita ako kapag sinabi kong hindi.

At heto siya ngayon sa harap ko, bidding his goodbye song. Para tuloy gusto kong
maiyak. Nakakainis naman 'to si Wynner eh. Mas gusto ko pa tuloy noon na masama ang
trato niya sa akin. Kesa naman ngayon. Parang gulong-gulo ang isip at puso ko.

♪I'm hanging on a line here baby

I need more than if's and maybe's


We'll come down from the highest heights
Still searching for the reason why
And now I know what it's like,
Reaching from the other side

After all that I've done♫

He also winked at me habang kumakanta. Wynner's voice suits his baby face. Naantok
tuloy ako. Parang gusto ko matulog sa kama kaso ang daming balloons na walang
hangin. Eto ata yung sa surprise niya sa akin.

♪I will always be yours forever and more

Through the push and the pull


I still drown in your love
And drink 'til I'm drunk
And all that I've done,

Is it ever enough?♫

Malinaw na malinaw na gusto ako ni Kier na mag move on sa buhay. Ayaw niya akong
malungkot. But why is he insisting on Wynner? Yeah I know na we're friends na. Pero
it's still doesn't make sense. Hindi ko mauutusan ang damdamin ko na mag move on
na. mahirap 'yon. Pero kung pwede nga lang why not diba?

I deserve to be happy. After all 'yon ang gusto ni Kier, diba? Pero ayaw kong
maging masaya dahil lang sa sinabi niya. Gusto ko kusa akong maging handa. Who
knows when, right?

♪For all that it's worth, is it worth it?

Cause more than it's hard to desert it


For all that it's worth, is it worth it?

How do we know without searching?♫

No one can blame me. Kahit naman sinong namatayan ng minamahal malulungkot. Sino
bang sasaya?

♪I will write you this song to get back what's ours

Would that be enough?♫

he trail off. Malumanay siyang kumakanta. Nakatingin lang siya sa akin. Like he was
sending something in me pero para namang may nagba-block? Parang may kapangyarihan
na pumipigil para hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating.

"Ich leibe dich, Avia." He seriously said.

Napakunot lang ako. That word. He always say that to me. May isang beses din na
tulog ako na parang narinig ko siyang binanggit niya 'yon. What does that word
mean?

"Wynner, please stay? Can you stay?" I said instead since hindi ko alam ang
sinasabi niya.

"I can't, Avia. I'm sorry." He said at ibinaba ang gitara. Like there was a sting
spung in my heart. He rejected me.

"I-i...I understand." Ngumiti ako sakanya. Sinabit niya ang gitara niya sa likod
niya saka lumabas ng kwarto.

He left me dumbfounded. Confused and baffled, I followed him. Mabagal siyang


lumalakad pababa ng hagdan.

"Wynner!" I shouted his name. he stopped but didn't look back. "Hindi ka aalis!" I
commanded. I know it was selfish of me. Pero ayaw ko siyang umalis. Ayaw kong iwan
niya ako. Not him. Ayaw ko na. Naiwan na ako at ayokong maulit pa 'yon. Masakit na,
at mas sasakit pa kung uulitin niya.

"Avia I told you..."lumingon siya. "I have to go. My kingdom needs me.

Wynner's POV

"Avia I told you..."lumingon siya. "I have to go. My kingdom needs me." I see
disappointment in her face. Para tuloy akong nakonsensya. Alam kong nasasaktan pa
din siya ngayon. At nangako ako kay Kier na mamahalin at aalagaan ko si Avia. Pero
heto ako ngayon, being the reason of her another heartbreak.

"No you can't!" parang bata niyang sabi. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti.
Ang sarap lang sa pakiramdam na pinipigilan niya akong umalis. Akala ko hindi
dadating ang pagkakataon na ganito eh.

Lumapit siya sa akin at tinignan ako ng masama. "Hinding hindi ka aalis!" parang
utos niya. Ako naman etong si baliw at parang kinikilig na ewan. Si Avia ba 'to?
lumapit siya ng lumapit hanggang sa isang dangkal na lang ang layo naming.
"Tell me one good reason for me to stay." I said, restraining my self to hug her.

"Because..." she trail off.

"Because?"

I was lost of her next move. She grabbed my nape saka 'yon nilapit sakanya. Nanlaki
mga mata ko.

Avia is kissing me! Avia is kissing me! For crying out loud tell this isn't a
dream! Tell me I wasn't hallucinating. Because I would love to give everything just
to make this moment real.

I respond to her kisses. I know I am her first kiss. And I am so glad that I am the
only man/vampire that kissed her. Not even Kier laid one finger on her lip. And I
have to thank him for doing that.

Mas inilapit ko siya sa akin as I grabbed her waist. There was a heat building
inside me, us. And neither of us had the capacity to stop what's going on.

"Wynner." She whispered sofly. How many times did I throw a rock to wish for this
to happen? And here I am. Savouring every inch of her lips.

"A-Avia..." I gently brushed my finger on her cheeks.

"I'm so sorry. I didn't mean to-"

"It was ok. Now we're even, right?" I smiled at her playfully and she blushed.

"No, Wynner. I don't want you to think that all this is for a rebound. Because I
missed Kier or anything. G-ginawa ko 'yon... kasi...kasi ayaw kong umalis ka."

"I don't care if I am a rebound. I am willi-"

"No! You will never be a rebound, Wynner. You don't deserve that."

"Then why did you kiss me?" nakatiimbagang kong sabi. Hindi ko maintindihan si
Avia. Now that she's the one who kissed me, parang mas lalong lumakas ang loob ko.

"Because... because..."

"Save your reasons, baby. Because the moment you kissed me, there's no turning
back. You are mine now.

xxx
####################################
Chapter 52 - Getaway
####################################

Chapter 52 - Getaway

Lorelei's POV

"Can we play hide and seek?" rinig kong sabi ng anak ko sa isa sa mga kawal.
"Hindi po pwede, Mahal na Prinsepe eh." Napapakamot na sabi no'ng kawal. Lumapit
ako sakanila.

"Hunter, anak." Masiglang napalingon naman si Hunter.

"Mama, nabo-bored na po ako." Nakangusong sabi ng anak ko. Napangiti lang ako. Ang
cute cute niya kapag nagpa-pout. Para lang si Aric ang nguso. Hahaha

"Gusto mo bang pumunta sa mundo ng tao?" bulong ko sakanya. Agad naman siyang
tumango.

"Ok lang po ba kay Papa?" tanong niya.

"Hindi siya papayag pero tatakas tayo. Gusto mo ba?"

"Opo! Opo!" masaya niyang sabi.

"Bihisan muna kita saka tayo lumabas ng portal, opo?" sabi ko saka ko ginulo buhok.

Pinagsuot ko lang ng jumpers at pinagsuot ng red cap. Kahapon binilhan siya ng


madaming damit ni Kyla. Tuwang tuwa siya kasi may anak-anakan na daw siya.

"Excited na ako, Mama."

"Shhh... Quite ka lang at baka may makarinig sa atin." Pareho kaming bumingisngis.

Pa-simple lang kaming naglalakad palabas ng kaharian. Wala namang nagdududa na


lalabas kami since naka-rugged lang akong suot.

"Mama baka mahuli tayo ni Papa. Hindi po kaya hanapin niya tayo?" natatawang sabi
ni Hunter.

"Hayaan mo na. paminsan-minsan mamiss naman niya tayo." Nakatawa kong sabi.

"hala? Si Mama talaga. Eh Mama ang layo pa po ng lalakarin natin." Reklamo ni


Hunter.

"Wala akong kotse anak eh."

"Kapit ka na lang po sa akin, Ma." Inabot niya kamay niya sa akin.

"Bakit?"

"Teleport po tayo."

"Aba marunong ka na no'n?" mangha kong tanong.

"Oo naman po." Sabi niya saka hinawakan kamay ko.

Naglalakad lang kami ng anak ko pero parang ang bilis naming naglalakad. Para na
lang ngang isang guhit ang paligid sa sobrang bilis nito. Napakamakapangyarihan
talaga ng anak ko. Syempre hindi siya sa akin nag-mana kundi sa Papa niya.

"Nandito na po tayo, Mama." Nasa isang Park kami. Maraming tao dito na nagpipicnic.
Masayang pamilya na nagbabonding. Nakakainggit kasi hindi ko 'to naranasan. Pero
hindi ko hahayaan na maging kagaya ko ang anak ko. Ipaparamdam ko sakanya na buo
ang pamilya niya at napakadami ng nagmamahal sakanya.

"Mama! Gusto ko no'n Mama!" tinuro niya 'yung cotton candy. Lumuhod ako sa harap
niya para maging magka-level kami. Tinignan ko siya ng maigi.

"Hindi pwede anak. Isa kang vampire, hindi kumakain ng pagkain ng tao ang mga tulad
niyo. Kagaya ng Papa mo, he don't eat human's food." Umilin naman siya sa akin.

"No, Mama. I can eat human's food. Grand Lolo Vladimir and Lolo Hansel say I'm a
hybrid vampire. I can be human if that's what I want or can be a vampire if I say
so."

"Huh? Hindi ko ata 'yon alam. So kagaya ka ng Tita Avia mo?"

"Hindi ko po alam, Mama. Sabi din po ni Lolo Hansel kailangan magsimula na daw po
akong mag-aral kasi tagapagmana ako ni Papa."

Napatulala ako. Ilalayo nila sa akin ang anak ko. Masyado pang bata si Hunter para
sa mga bagay na 'to. Hindi ko ba siya pwedeng makasama kagaya ng mga normal na
Nanay na inaalagaan ang anak nila? gustong-gusto ko lagi sa tabi ko si Hunter. And
him schooling this early will keep me away from him. Ayoko nang gano'n.

Ibinili ko na lang si ang anak ko ng cotton candy. Enjoy na enjoy naman siyang
kinakain 'to. I also bought him spongebob balloon though hindi niya kilala kung
sino si Spongebob.

"Mama..."

"Hmmm?"

"Why do you love Papa?" he asked habang nakaunan sa lap ko. Napa-isip naman ako.

Why I love Aric? Madaming dahilan pero parang ang hirap sabihin. Parang hindi sapat
yung 'because that's what I feel' malalim ang nararamdaman ko sakanya eh. I don't
even know how to start. Baka kulangin sa isang libro ang pag explain ko kung bakit
ko siya mahal.

"Gets ko na, Mama."

"Ha? Wala pa naman akong sinasabi ah." nakangiti kong sabi sakanya.

"Isa ako sa ebidensya kung bakit mo mahal si Papa diba?" my heart flatters. Why my
child is so smart? Way smarter than me.

I pinched his nose saka tumawa. "Ang talino ng baby ko."

"Mana sayo, Mama!"

It was afternoon na nang mapagdesisyunan kong besitahin si Tito Kent. Alam kong
gusto niyang makita si Hunter eh. Kung hindi ako nabuhay, gugustuhin kong siya ang
kasama ni Hunter.

Hindi naman sa wala akong tiwala kay Aric. Hindi ko lang maatim na mag-isa si Tito.
Hindi na nga siya nakapag-asawa dahil sa pag-aalaga sa akin tapos iiwan ko pa siya?

I felt sorry for Tito kasi kailangan niyang paalisin ang mga kasambahay naming pati
mga bantay. Ayaw niyang may makaalam ng secreto niya. Balita ko din lilipat siya ng
bahay sa hillside. Malayo sa ciudad.

"Lolo Kent!" salubong ni Hunter kay Tito.

"Ahh! Don't call me Lolo. Nagmumukha akong matanda. Call me Daddy Kent." Natawa
naman ako kay Tito.

"Nyx..." he gave me a quick hug saka ngumiti ng tipid.

"Si Tita Laura po?"

"Nasa loob. Pasok kayo."

Naunang pumasok sa akin si Hunter. Batang talaga 'yon ang hyper.

"Ang lungkot na ng bahay, Tito." I said as we enter inside. I saw Hunter talking
with Tita Laura.

"Yeah. Kaya nga lilipat na ako ng tirahan eh."

"Sa hillside? Tito naman eh! Pwede kang tumira sa Vampire City. You know na welcome
na welcome ka do'n." matagal ko ng pinipilit si Tito na tumira doon pero ayaw niya.
Ewan ko ba kay Tito. Ako ngang tao do'n na titira, siya pa kaya?

"May business tayo, remember? I promised your dad na ako magpapatakbo ng companya."
Napabuntong hininga na lang ako.

"Pero dumalaw ka din sa kaharian Tito ah. Masaya kaya do'n."

"Gusto mo na din bang maging vampire?" natahimik ako. Before, buo na sa isip ko na
gusto ko. Pero ngayon nagdadalawang isip na ako. Si Aric kasi eh! kung ano
pinagsisiksik sa utak ko.

"I don't know, Tito. Pinag-iisipan ko pa."

"Kung ako ang masusunod, ayaw ko. Pero para kay Hunter, kailangan mo. Para ma-
protektahan mo din siya."

"Iniisip ko din po 'yan."

"Masaya ka ba, Nyx?" he asked.

"Opo." I didn't think twice answering. Masaya ako kasi kasama ko na si Aric at
Hunter. Basta masaya ako. Sana lang h'wag babawiin sa akin ang kasiyahan.

"Mama, can I go to your old room?"

"Sure baby." Sabi ko saka siya agad na tumakbo paakyat. Naiwan naman si Tita Laura
na nakangiti.

"Ang kulit ng anak mo, parang si Kent lang no'ng bata pa."

"Hyper nga po siya Tita Laura eh."

"Naku, kung buhay pa ang mga magulang mo? Matutuwa 'yon kung ganyang kabibo ang apo
nila."

"Apo niyo din naman po siya-"

"MOMMY~"

Lahat kami nagulat sa biglaang sigaw ng anak ko.

"Hunter?!" patakbo kaming umakyat sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si


Hunter na nakatali sa lubid na may kuryente. Nanghihina na siya at naiiyak.

"Hunter anak ko!" lalapitan ko sana siya ng may lumabas sa likod niya.

"Hanggang dyan ka lang, Nyx Lorelei!" hindi na ako nagduda na siya ang may
kagagawan nito.

"Ano nanaman ba ang kailangan mo sa amin, Trever?! Hindi mo ba kami patatahimikn?!"


I shouted at his face.

"Pakawalan mo ang Apo ko!" maawturidad na sabi ni Tito Kent.

"At hayaan kayong maging masaya? Hindi. Hindi ako papayag! Kung hindi ka magiging
akin, Nyx. Pwes hindi ko hahayaan na maging masaya ka!" napaluha ako ng makita kong
namimilipit sa sakit ang anak ko.

"P-pakawalan mo ang anak ko! Wala siyang kinalaman dito! Please, Trever!" naiiyak
ko ng sabi. Kaya kong ibigay lahat h'wag niya lang patayin ang anak ko.

"There's nothing you can do that can change my mind. I wanted to kill the offspring
of Aric!"

"No! H'wag, please! Gagawin ko ang lahat. Just... just don't hurt my Son. Trever
nakikiusap ako sayo."

"M-mommy~ don't!"

Lalapit sana ako kay Trever ng pigilan ako ni Tito. "Don't do this, Nyx."

"M-mahal ko po ang anak ko." Saka ako tumalikod at lumakad palapit kay Trever.

Nakita kong handa na ang mga kamay niya at hinihintay na hawakan ko ang nakaabot
niyang kamay.

Napapikit ako ng tuluyan niyang mahawakan kamay ko.

"Please runaway with me. Mas magiging masaya tayo kung ako ang kasama mo." Bulong
niya sa akin.

"Pakawalan mo ang anak, saka ako sasama sayo!" mariin kong sabi

"Mawawala ang lubid sakanya kapag umalis na tayo. Sa ngayon ang kailangan ko ay ang
siguridad na hindi mo ako lolokohin. Sasama ka sa akin at hindi ka tatakas."
Tinignan niya ako sa mga mata ko. Hindi ko magawang umiwas. Parang sa pangalawang
pagkakataon na control nanaman niya ang katawan ko.

'Lorelei'

"Sasama ako sayo ng matiwasay." Sabi ko.

'Aric'

"Mabuti." Ngumiti siya sa akin ng maluwang. "Tara?" tumango ako sakanya.

'Lorelei'

'Aric tulungan mo ako! Aric!' piping dasal ko.

Narinig ko ang malakas na iyak ng anak ko. Pinipigilan kong hindi umiyak.
Pinipigilan kong hindi siya lingunin.

Hinawakan ni Trever ang mga kamay ko at nakapikit na naramdaman kong tinatangay


kami ng hangin.

'Lorelei'

Nakaramdam ako ng malakas na sampal sa magkabilang pisngi ko kaya gulat ako


napamulat.

Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Aric, Queen Ingrid, at King Hansel.
Ano'ng ginagawa ko dito? Diba namasyal kami ni Hunter? Diba tumakas kami? Nasa
bahay ako naming kanina eh.

"Nananaginip ka, Mahal ko. Kanina mo pa sinisigaw ang pangalan ko. Sorry kung
nasampal ka ni Mommy. Hindi ka kasi nagigising." Ngumiti siya sa akin ng tipid.
Napatingin naman ako kay Queen Ingrid na parang humihingi ng pasensya sa ginawa
niya.

"Nasaan si Hunter?" agad kong tanong. Wala kasi siya sa loob.

"Kasama siya ni Tita Erina sa bulwagan." Sagot ni Aric.

"Iwan na muna namin kayo, Anak." Rinig kong sabi ni King Hansel. Tumango lang si
Aric saka sabay na lumabas ang mag-asawa.

"Aric, si Trever! Napanaginipan ko siya. Kinuha niya daw ako! Aric natatakot akong
baka saktan niya ang anak natin!" hinaplos naman ni Aric ang pisngi ko.

"That... will never happen. Hanggang sa nabubuhay ako. Hindi mahahawakan ni Trever
ang kahit dulo ng buhok ng anak natin. Poprotektahan ko siya."

"Pero parang totoo. Akala ko talaga totoo ang lahat. Panaginip lang pala."

"H'wag ka ng mag-isip, Mahal ko. Ligtas kayo ni Hunter sa loob ng Vampire City."

Napayakap na lang ako bigla kay Aric. Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko.
Napangiti na lang tuloy ako.

"Kinikilig ka nanaman dyan." Natatawa niyang sabi. Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg
niya at pilit tinatago ang ngiti sa labi.

"H-hindi ako kinikilig!" pagdedeny ko. Mukhang wala na akong maitatago pa kay Aric
eh.

"Kung gano'n, hindi ka na kinikilig sa akin?" parang nagtatampo niyang sabi.

"Is that a trap?" natatawa kong sabi. Humalakhak naman siya saka ko niyakap ng
mahigpit.

"Haay. Namiss ko 'yong ganito." Sabi niya.

"Ako din. Namiss kita." Ani ko. Iniharap naman niya ako sakanya at tinitigan ako sa
mata.

"Let's do it again?" he smiled mischievously.

"Alin?" taka kong tanong.


"Y-yung ano... yung dati." Tapos kumindat siya.

"Anong dati?" ang gulo naman neto ni Aric.

"Aish! Let's make love again. 'Yon. I said it!" halos mabilaukan ako sa sinabi
niya. Feeling ko nagba-blush ako. Nahihiya ako kainis!

"B-baliw ka ba?!" angil ko sakanya para pagtakpan ang hiya sa sarili. May kung ano
din nga akong naramdaman nang sabihin niya yung salitang 'make love' parang may
anticipation din ako sa loob ko.

"I really missed you. And I'll be willing to do it again with you." He huskily
said.

"Oy A-Aric ah! tigil-tigilan mo ako dyan!" irap ko sakanya. As much as I wanted to
do it again. Pero natatakot ako. Baka kasi may mabuo ulit kami. Natatakot na ako.

"Mag-iingat na ako. Promise." Mukhang hindi nagbibiro ang mukha ni Aric. Jusme!
Nawiwindang ang beauty ko ah.

"A-Aric..."

"Please?" pakiusap niya. Hinintay kong sabihin niyang 'joke lang' pero wala. Ughh!
Naaakit ka na ba ha, Lorelei?!

Naku, nadala ka din naman niya noon sa isang please tignan mo ang nangyari.

"Pero maghihintay ako kung kailan handa ka na ulit. Hindi kita pinipilit.
Nagbabakasakali lang." sabi niya saka tumawa ng malakas. Hinampas ko naman siya sa
braso. Lintek na Aric 'to! pinakaba ako.

"Gano'n? Oo na sana sagot ko eh. Pero since nagbago pala isip mo, ok h'wag na."
pang-aasar ko sakanya.

"Hala? Mahal ko binabawi ko na. Oo na ah?" sabi niya saka ako tumawa ng malakas.

"Ay wala ng bawian. Nakapagdecide ka na." sabi ko saka tumayo ako. Bago pa ako
tuluyang makalabas ng kwarto agad niya akong hinatak pabalik sakanya at niyakap
ako.

"Kahit yakap lang, Mahal ko. Ok na sa akin. Ok lang ba?" he asked. I smiled.

"Ok lang."

"I love you, Lorelei." He said as he gave me a smack on my lips.

"I love you more, Aric."

xxx

I am trying to balance the story. Medyo nagconcentrate lang ako lately sa story ni
Avia pero dahil sa medyo madali na lang 'yon, kay Aric and Lorelei naman ako.
Nagback read kasi ako from chapter 1 to season 2 so mas madami pa din ang scenes
nila Aric and Lorelei kaya hindi ko masasabing natakpan ni Avia ang main story. :)

If ever man na magkaroon ng another BS si Lorelei and Aric baka iprivate ko na


siya. Pero baka hindi ko din sila magawan ng BS kasi nirereserve ko ang shrek power
ko sa story ni Kent Manjon. WAHAHAHA. Oo medyo R16 'yon sa kapagitnaan ng story. Sa
ngayon relax muna siya.

Sa mga hindi pa nakakaalam may story po si Tito Kent entitled 'MY KNIGHT IN SHINING
FANGS' Basahin niyo ah. hehehehe On going na 'yon.

Ciao everybody! ^___^

XOXO

-Thyriza

####################################
Chapter 53 - Make you feel my Love
####################################

Chapter 53 - Make you feel my Love

Avia's POV

"W-Wynner..." nagulat ako sa sinabi niya. Kinilabutan ako nang sabihin niya 'yong
'You are mine now.' Parang may kung ano akong naramdaman na hindi ko mahinuha.

"Kailangan pa ba kitang daanin sa dahas para maging akin ka, Avia? Diba sabi ko
sa'yo no'n, na papakasalanan kita? Nakalimutan mo na ba 'yon?"

"B-bakit mo ba 'to ginagawa? Kasi sa pagkakaalala ko bago tayo maging magkaibigan,


hindi ka naging mabuti sa akin. Oo pinipilit mo akong pakasalan ka noon. Pero diba
sabi mo ginagawa mo 'yon para maging miserable ako? Kasi gusto mong makita akong
naiinis. Hanggang ngayon ba Wynner 'yon pa din ang gusto mong mangyari?" puno ng
pait kong sabi. Nakakatampo. Kasi akala ko iba na siya.

"I admit. 'Yon nga ang plano ko. Ang gawing miserable ang buhay mo kapag kasal na
tayo. Pero lahat ng iyon nag-iba. Nag-iba no'ng pangalawang beses kitang hinalikan
sa bahay niyo. Naramdaman kong hindi lang pala 'yon ang gusto ko sayo. Gusto ko
maging akin ka ng buo." Naguguluhan ko siyang tinignan. Sa totoo lang, wala akong
makuha sa mga gustong iparating ni Wynner.

"Bakit ka ba nandito?!" i asked instead.

"To marry you, remember?" he grinned.

"Marry your face! Hinding hindi ako magpapakasal sa hambog na gaya mo!" sabi ko
saka ko siya tinalikuran. Nasaan ba kasi ngayon si Kuya? Hindi man nya ako
makampihan pagdating kay Wynner, atleast may distraction sa pagiging feeler niya.

"I'm your first kiss, remember?" he said from afar.

First kiss ko siya. First and only kiss ko. Naging kami ni Kier pero hanggang kamay
at noo lang ang hinalikan niya sa akin. Ah! kasi mas gentleman si Kier kay Wynner.

Minsan hindi ko mapigilang hindi manggalaiti kapag naalala ko nang nakawan niya ako
ng halik. Lalo na 'yong pangalawang beses. I wanted to bury him alive. Nakapa-
manyak! Saan niya kaya namana ang pagiging pervert niya. Nakakabwesit!

Naglakas ng loob na akong mag-tanong sakanya. It's now or never. Besides gusto ko
ding malaman.

"May gusto ka ba sa akin, ha, Wynner?!" tinignan ko siya sa mga mata. Hindi man
lang siya umiwas. Para ngang ako pa ang nahiya sakanya. Hindi ba marunong ma-
intimidate ang vampirang 'to? talagang makikipag-titigan siya sa akin?

"Nagpapatawa ka ba? Hahaha! Hindi kita gusto!"

"Eh gago ka pala eh! wala ka sa aking gusto tapos sasabihin mong gusto mo akong
maging iyo lang? napakamakasarili mo talaga!"

Ngumisi lang siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Sa isang iglap, nakapunta
kami sa isang mataas na gusali. Nasa rooftop kami at natatanaw ko ang mga maliliit
na sasakyan sa baba.

"Ano ba, Wynner! Saan ba tayo?!" angil ko sakanya.

"Akala ko ma-rerealize mo agad ang gusto kong iparealize sayo." Sabi niya.

"Ano?! T-teka nga bitawan mo nga ako!" nagpupumiglas ako sa hawak niya pero mas
hinigpitan niya 'to. bagkus nilapit niya ako sakanya.

"Kung hindi ka madadala sa santong dasalan. Baka pwede sa santong paspasan?"


nakangisi niyang sabi.

"What?! Wynner-amph!"

Hindi na ako nakapagsalita ng halikan niya ako. Bwesit ka Wynner! Nakakailan ka na


ba, ha?!

Ang mulat kong mata ay kusang nagsara ng maramdaman kong nadadala ako ng mga halik
niya. Parang may mga flashbacks din na pumapasok sa utak ko.

"Who are you meeting?"

I felt goosebumps on my skin when i heard those voice behind me. Dahan-dahan akong
napalingon sa likod ko.

"What are you doing here, Wynner?!" Nakapameywang kong sabi.

"Grabe ka naman. 'Yon agad ang tanong mo? Wala man lang, kumusta ka na Wy? Or na-
miss kita Wy?" Nakangisi siya at mas lalo akong napikon.

"Bwesit!" I utter. Agad akong umalis sa kinatatayuan ko at pumasok sa loob ng


bahay. Hindi na ako nagtaka kung paano niya nahanap ang bahay ni Kuya, isa siyang
tracker.

Mag-aayos na lang ako sa sarili kasi magkikita kami ni Kier ngayon.

"Mag-usap naman nga tayo, Avia." habol niya sa akin kaya napalingon ako.

"Ugh! Pwede ba, Wynner?! Just this once! Wag mo akong iistorbohin, iinisin, o
pipikunin! May importante akong pupuntahan at ayokong ma-stress dahil sayo!" i
yelled at him. Natigilan siya. His smiling face disappeared at napalitan ng
seryoso.

"Yon ba ang tingin mo sa akin, Avia? Isang nuisance?" he sounded hurt.


"Yes so stay away!" I retorded and walk away.

Bago pa ako makalayo sakanya, naramdaman ko ang paghatak niya sa braso ko. He
forcedly drag me and cornered me in a wall. Nagpumiglas ako pero mas malakas siya
sa akin.

"I won't." he said in a low voice. "I won't stay away. Especially if i know someone
has jeopardize your relationship with me." He smiled mishievously.

"What relationship? We don't have relationship, Wynner. Except for the fact that
your parents is my parent's bestfriend. So tigilan mo na ang pamimilit sa akin na
may tayo! Dahil sa simula pa lang, wala na. I loathe and i loathe you forever!" I
respond sharply. Biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.

Naramdaman kong mas lumalim ang mga halik niya. Parang naramdam ko ang sakit na
naramdam niya. Parang pinaparusahan niya ako sa mga halik niya. Parang lahat nang
mga sinabi ko sakanyang masasakit ay bumabalik sa akin. Hindi ko namalayan na
naluluha na ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko nasasaktan ko siya at
nasasaktan din ako para sa kanya.

"Avia? Avia ok ka lang?" Napasimangot ako ng makita si Wynner. Inismiran ko siya


saka umalis. Lumabas akong bahay para makasagap ng fresh air. Mag-gagabi na at wala
pa si Kuya at Edric. Akala ko nga pagdating ko kanina wala dito si Wynner.

"Avia mag-usap naman tayo oh." rinig kong sabi niya.

"Wag mo nga akong sundan!" sigaw ko ng hindi siya tinitignan.

"Please?" he pleads. Tumigil ako at hinarap siya. Nakita kong seryoso ang mukha
niya at parang nag-aalala ang mukha.

"Ano'ng gusto mong pag-usapan natin?! For kissing me!? 'yon ba ang gusto mong topic
natin?!" i almost shout at him.

"I wanted to apologize. Sorry for what i've done. Hindi ko 'yon sinasadya. I don't
know what's got into me to do that to you. There's just this strong lust inside me
to kiss you." Napamaang ako sa sinabi niya.

"You're crazy." i muttered.

"Maybe i am. Baliw nga talaga ako. Baliw ako for not treating you right. Baliw ako
for not considering your feelings, lalo na't isa kang damphyr, you think like human
and you feel like human. And i am so sorry for being an asshole to you."

"Sorry won't change my expression on you. Bata pa lang ako palaisipan na sa akin
kung bakit gano'n mo ako tratuhin! Bakit? Kasi damphyr ako? Mababa ba ang tingin mo
sa akin dahil do'n?" sumbat ko sakanya.

"Hindi Avia. Mataas ang tingin ko sayo. Bilib nga ako sayo eh. Kasi kahit ganito
pakikitungo ko sayo, hindi mo ako pinapatay." he chuckles kaya medyo naging light
ang heavy emotios sa paligid.

"Mahal ko si Tita Maxhene at Tito Denver kaya hindi ko 'yon magawa. Sorry pero
walang patutunguan itong usapan natin kaya kung pwede ba? Umalis ka na at marami
akong iniisip." sabi ko saka ko ulit siya tinalikuran.

Akala niya siguro mahuhulog nanaman ako sa mga bitag niya? Minsan na niya akong
nauto noon na sabi niya nagsisisi siya sa lahat ng ginawa niya sa akin. Pero
binaliktad niya ang lahat nung kaharap ko na sila mommy. He said piapatawad niya na
ako sa pang-aaway ko sakanya. At ako ang lumabas na masama sa tingin nila mommy at
daddy.

"Dahil ba 'yan sa proposal niya?" Bigla niyang sabi. I frozed. How the hell?! Galit
na nilingon ko siya.

"You followed me?!" I said angrily. He gave me a smug look. That's what i thought.
Balik nanaman siya sa pagiging hambog niya.

"I can follow you wherever i want to." he smirked.

"You jerk! Kailan mo ba ako titigilan ha?!"

"Until matupad yung sinabi ko noon na magpapakasal tayo." he smirked again.

"Hinding hindi 'yon mangyayari. Mas gugustuhin ko pang makasal sa palaka kesa sa
isang vampirang tulad mo!" i retorted.

"So do i have to turn him into a frog?!" he said and grinned.

"What do you mean?!

"You said mas gusto mong magpakasal sa palaka. Eh di gagawin kong palaka yung
lalaki mo?!" And there, i saw his infamous evil grin.

"You don't have the power!" i shouted at his face. Sa sobrang galit ko, bigla na
lang na may pumalibot na apoy na pabilog sa akin. Hindi ko alam kung napaano pero
namumula ang tingin ko ngayon kay Wynner at gustong gusto ko siyang patayin ngayon.

Unti-unting nagiging malinaw sa akin ang lahat. Habang tumatagal niya akong
hinahalikan, mas lalo kong naiintindihan ang nararamdaman niya. It was his mask.
Ginagawa niya 'yon para mapakita sa akin na importante ako sakanya. Now I know.
Pero bakit? Kasasabi niya pa lang na hindi niya ako gusto diba?

This time I initiate the kiss. Humawak ako batok niya. Marami pa akong gustong
malaman. Marami akong gustong makumpirma.

Napahawak ako sa leeg ko. My power is overtaking me. I can't... i can't.

"W-WY..WYNNEEEEER!" Hindi ko na alam pa ang sumunod na mangyari no'ng unang bese na


kontrolin ako ng aking kapangyarihan.

Pero ngayon nakikita ko kung paano humupa ang kapangyarihan ko. It was Wynner. Siya
ang nagpahupa sa galit ko. Niyayakap niya ako patalikod at paulit -ulit niyang
sinasabi ang mga katagang gustong-gusto kong malaman ang ibig sabihin.

"Ich Leibe dich, Avia. Control your power. Please." Nakita ko siyang umiiyak. Hindi
ako makapaniwalang umiiyak no'ng oras na 'yon si Wynner.
Ich Leibe dich. Ang salitan familiar sa akin pero hindi ko maalala kung ano ang
ibig sabihin. I once heard it nang magbakasyon kami sa Germany.

"Ich Leibe dich, Sweety!" sabi ni Tito Denver kay Tita Maxhene habang nasa bulwagan
kami ng palasyo ng Paxton Clan. Mga bata pa lang kami noon at eto 'yong time na
pinagpipilitan ko ang sarili ko kay Wynner na maging magkaibigan kami.

"Tita, what's Ich Leibe dich means?" I asked out of curiosity.

"It means I love you, little Princess." Sagot ni Tito Denver.

Napabitaw ako kay Wynner. Parang naalala ko na. 'Yon ang lagi niyang sinasabi sa
akin.

"Du mich, Wynner?" I asked. [You love me, Wynner?] Nanlaki ang mga mata niya.
Ngumiti ako sakanya. "Alam ko na ang ibig sabihin ng Ich Leibe dich."

Tumingin siya sa akin at naningkit ang mga mata. Umirap naman ako sakanya kaya
natawa siya.

"Ja, Ich leibe dich, Avia." [Yes, I love you, Avia.] he confirmed. "Wie über Sie,
liebst du mich?" [How about you, do you love me?]

"No." sagot ko na naging dahilan para maging malungkot ang mukha niya. Napayuko
siya at ramdam ko ang lungkot niya. "Pero napag-aaralan naman 'yon diba?"

Agad siyang napatingin sa akin at lumiwanag ang mukha. Para ding nag-nining-ning
ang mga mata niya.

"Gusto kitang pingutin, alam mo 'yon?" sabi niya.

"At bakit?!"

"Kasi ang talino mo pero ang tagal mong narealize na Mahal kita. Gusto mo bang
halikan pa kita para makita mo pa yung iba ko pang ginawa para sayo?" nakangiti
siya ng nakakaloko. Hinampas ko naman siya sa braso.

"Subukan mo at ihuhulog kita!" irap ko sakanya.

"Matagal na akong nahulog sayo."

"Ugh! Wynner naman eh!" tumawa naman siya ng malakas. Nakakaasar na vampirang 'to!

"Pero salamat, Avia. H'wag kang mag-alala, 'cause I'll make you feel my love.
Pangako, magiging masaya ka sa akin."

"Salamat din, Wynner. Sana mahaba ang pasensya mo sa akin. Baka matagal bago kita
matutunang mahalin eh."

"Ok lang kahit matagal. Nakapaghintay nga ako eh. Kaya ko pa ding mag-hintay. Basta
ikaw."

Pareho kaming napatingin sa langit. May isang bituin na kumislap at namumukod tangi
sa lahat.
"Salamat, Kier." Rinig kong bulong niya.

xxx

Sa mga nakapanuod na no'ng teaser vid ni Wynner-Avia-Kier meron do'n yung kissing
scene sa rooftop. That scene is this chapter. Kaya nga nasabi ko na kung sino ang
makakatuluyan ni Avia ay depende sa pagkakaintindi mo sa video na ginawa ko. May
mga konting nakakuha. Alam nila kung sino sila.

Marami pa sanang flashbacks kaso tinatamad akong mag back read. hahaha. Aayusin ko
na lang kapag na-publish na din 'tong book 2. :) (spoiler!)

XOXO

-Thyriza

####################################
Chapter 54 - Double Walker
####################################

Chapter 54 - Double Walker

Lorelei's POV

Masaya ako. Dalawang linggo na akong masaya kasama ang anak ko at si Aric. Pero sa
dalawang linggo na 'yan, laging nakakasama si Trever. Ewan ko pero lagi ko siyang
napapanaginipan everytime na matutulog ako.

Kung ano-ano na nga lang napapanaginipan ko eh. Minsan namatay daw si Aric, minsan
isa daw sa mga Royal family at yung last ay yung bigla daw nagunaw ang Vampire
City. Hindi ko naman sinasabi kay Aric kasi ayaw ko siyang mag-alala pa.

May sarili akong silid at hiwalay ang kwarto namin ni Hunter. Kung ako lang sana
ang masusunod, gusto ko siyang katabi. Pero hindi ata dito uso na katabi ng Mother
ang anak kapag natutulog. Siguro kasi wala naman sakanilang natutulog-kami lang.

Naligo lang ako saka nag-suot ng dirty white dress na may lace sa braso.

Paglabas ko nang walk in closet, agad na tumambad sa akin si Aric na nakaupo sa


kama ko at halatang hinihintay ako.

"Hey," bati ko. Ngumiti siya sa akin at nilapitan ako. "Ano ginagawa mo dito?"
tanong ko. May kinuha naman siya sa likod niya. Nagulat ako nang makita kung ano
'yon.

"Para sa'yo." Inabot niya ang isang piraso ng Black Rose. Bigla ko tuloy naalala
no'ng una niya akong binibigyan nito.

"Salamat." I said as I hold the black Rose. "Hindi ko naman birthday ah." lumapit
ako sa bedside table saka ko nilapag doon ang bulaklak.
"Bawal na ba kitang bigyan ng bulaklak?" nakataas na kilay niyang sabi.

"Hindi naman. Nagtatanong lang." kibit ko.

"Hmmm," he roam around my room saka tumanaw sa bintana.

"Pasyal tayo." Simple niyang sabi.

"Saan?" as much as possible ayaw kong lumabas ng Vampire City. Natatakot ako na
mangyari ang panaginip.

"Sa City. Hindi mo pa nalibot ang Vampire City, diba?" umiling naman ako.
"Hahatiran ka maya-maya ng pag-kain nila Smitt. Alam kong gutom ka na." para naman
akong natakam pagkarinig ko nang salitang pag-kain. Si Smitt naman kasi eh, kapag
nagdadala ng pagkain kulang.

"Saan ka pupunta?" tanong ko nang akma siyang lalabas.

"Sa bulwagan lang. Puntahan mo ako doon kapag nakakain ka na, ah?"

"Sige."

-=-

After kong kumain nang mag-isa, napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto at puntahan
si Aric. Pero pagdating ko sa bulwagan, wala sila do'n. Sabi ng napagtanungan ko,
pumunta daw sa Scarlette Moon Academy kasama ni Hunter.

Naglalakad-lakad ako nang masalubong ko si Edric. Busy siya na nagtetext. For sure
si Kyla ka-text niyan.

"Edric." He looked up saka ngumiti sa'kin ng maluwang.

"Uy Lorelei. Bakit hindi mo kasama si Aric at Hunter?" tanong niya.

"Hinahanap ko nga eh. Nasa Academy daw eh." sabi ko.

"Ay Oo. May special class daw kasi 'tong si Hunter para ma-train ng maaga."

"Talaga? Hindi naman ba siya dadalhin sa ibang bansa?" tanong ko pa. Tumawa naman
si Edric.

"Kapag natapos niya ang Primary class niya, saka siya papupuntahin sa Italy."
Napanguso naman ako. Masyado pa ata akong bata para magkaroon ng isang anak na
highschooler o colleger. Pangarap ko pa naman na ako maghahatid sa anak ko sa first
day of school niya. I guess lahat ng mga pangarap ko hindi matutupad dahil hindi
ordinaryong buhay ang pinasok ko.

"Earth to Lorelei?" Napabalik ako sa huwistyo ko nang kumaway-kaway sa mukha ko si


Edric. Ang dami ko nanamang iniisip. Haay naku! "Ok ka lang ba? Gusto mo samahan
kita sa SMA?" ngumiti lang ako sakanya saka umiling.

"Kaya ko naman. Tsaka malapit lang ata. Hindi naman ako mawawala."
"Oh sige. Text ka na lang kung mawala ka." Nakangisi niyang sabi. Tumango na lang
ako kahit hindi ko naman dala cellphone ko.

The Palace is 2 blocks away from the Academy so ok lang siguro kung lalakarin ko.
Para at the same time makapaglakad-lakad na din. Kailangan ko din ng exercise.

Madaming puno sa gilid ng sidewalk ng Vampire City. Siguro para kahit mainit
malimlim pa din. Kahit umaga may mga naglalakad. Hindi mo aakalain na nasa lugar ka
ng mga Vampira.

Tanaw mo din ang mga matataas na gusali sa gilid. Tulad ng hotel at ilang pang
leisure time nila.

Sana ganito din sa mundo ng tao. 'Yon bang ganito siya ka-organize? Ibig sabihin
maganda ang pamamalakad ng Hari at Reyna. Desiplinado sila.

Nag-lalakad lang ako habang nagmamasid sa paligid nang makita ko si Aric sa may
puno nakatayo at nakaside view sa akin.

Akala ko ba nasa Academy siya? Ano naman ginagawa niya dyan?

I was about to walk towards him nang tumakbo siya papalayo. At ako naman ay hinabol
siya. What's with him ba? Parang hindi siya si Aric ah!

"Aric!" I called pero hindi siya lumilingon. "Aric teka lang!" hinahabol ko siya at
hanep lang siya sa takbo palayo sa akin.

"Ari-!" napatigil ako nang mawala siya bigla sa paningin ko. Para siyang nagvanish
bigla. Alam kong kaya niyang magteleport or something at sanay na ako do'n pero
kinilabutan talaga ako kasi parang may itim na smoke na pumalibot sakanya.

Naiwan lang ako sa gitna ng kalye na nakatayo at nakatulala. Ano ba 'yon? Imposible
namang panaginip pa din 'to kasi kumain pa ako at ramdam kong busog pa din ako.
Pero ganyan din naramdaman mo no'ng napanaginipan mong namasyal kayo ni Hunter
diba?

Napailing ako. Hindi dapat ako nag-iisip ng mga ganito. Nakaka-paranoid sa totoo
lang.

Napalingon ako nang may bumusina sa akin. Ay Tange ka Lorelei! Nakalimutan mo atang
daanan 'to ng sasakyan!

"Lorelei? Ano ginagawa mo dyan?" nakadungaw na sabi ni Princess Erina. Siya pala
'yung nasa kotse. Napakamot lang ako saka awkward na ngumiti.

"Pasensya na po." Gumilid ako pero inalok niya ako papalapit.

"Saan ka ba pupunta nang mahatid na kita?" nakangiti niyang sabi. Grabe ang ganda
talaga ng Mommy ni Edric. Ang lambing pa ng mukha. Hindi man lang tumatanda.

"Sa Academy po." Sabi ko.

"Ay tama pupunta ako do'n. Sakay na" sumakay naman ako sa front seat.

"Bakit ka nga pala pupuntang Academy?" she asked habang papasok sa malaking gate ng
school.

"Nando'n daw po si Aric at Hunter eh. Pero nakita ko si Aric kanina kaya po
nakatayo ako sa daanan kanina." Sabi ko.
"Ahh. Baka nasa AVR sila. Ang rinig ko kasi kagabi papanuorin nila ang History ng
Vampire City at ng Academy.

Sabay kaming bumaba ni Princess Erina sa kotse. Giniya niya ako papasok sa mataas
na building. Grabe akala ko sa TV ko lang makikita ang skwelahan na ganito. Ang
ganda!

May mangilan-ngilan na studyante na naglalakad pero sabi ni Princess Erina wala daw
klase kapag umaga, gabi lang.

Umakyat kaming 3rd floor kung saan daw ang AVR. Pumasok kami at madilim na kwarto
ang tumambad sa akin. Tama nga siya, they're having a film viewing. Kampanteng
naka-upo ang dalawa. Nakasandal ang ulo ni Hunter sa balikat ni Aric at nakaakbay
naman si Aric kay Hunter.

"Aric, " tawag ni Princess Erina. Napalingon naman si Aric saka ngumiti sa akin.

"Tita Erina. Hinatid niyo ba dito si Lorelei?" tanong niya habang papalapit sa
amin. Bigla na lang umilaw at na-pause ang pinapanuod nila.

"Yes. I saw her at the street. Lorelei told me na nakita ka daw kasi niya... Hi
baby Hunter. Pakiss nga ang Mamita." Nakakatawa ang mga Lolo at Lola ni Hunter, mga
ayaw magpatawag ng Lolo or Lola. Pati si Tito Kent at Tita Laura ayaw din. Si King
Hansel lang ata at Queen Ingrid ang ok na tawagin na gano'n eh.

"You saw me? Eh kanina pa kami dito ni Hunter. Never akong lumabas. Tinext nga kita
na magpahatid ka dito kasi umalis na kami sa bulwagan." Napakunot naman ako. I was
so sure na siya 'yon. Ang tindig niya, siyang-siya 'yon.

"Hindi eh. ikaw 'Yon. Tinatawag kita pero hindi mo ako pinapansin. Hanggang sa
naglaho ka na lang bigla tapos may itim na usok pa ngang naiwan no'ng umalis ka
eh." tinignan naman nila akong parang puno ng takot sa mukha. Ok, what did I say?

"Ano kamo? Itim na usok?" paninigurado ni Princess Erina.

Tumango naman ako. "Opo." Alam ko ang nakita ko at bakit ako magsisinungaling about
dito?

"Kung hindi ako nagkakamali, isang Double walker ang nakita mo, Lorelei. O mas alam
sa tawag na doppelganger." I heard Aric gasped. Napatingin ako kay Hunter at parang
walang pakialam sa pinag-uusapan naming. Naglalaro lang siya ng toys niya.

"M-masamang pangitain ang ibig sabihin no'n. Ano kayang mangyayari?" nasabi ni
Aric. Kinabahan naman ako. Hindi ko nasabi sakanya ang mga panaginip ko. Errr,
kinikilabutan tuloy ako. Nakakatakot!

"Sabihin natin 'to sa Hari at Reyna." Sabi ni Princess Erina. Tapos tumingin ulit
siya sa akin. "May isa akong gustong makumpirma kung tama nga ang hinala ko." Sabi
niya.

"Ano po 'yon?"

"May mga napapanaginipan ka ba?"

xxx
AN. Hi guys! Kumusta kayo? Lumindol daw? Hindi ko na-feel eh. Nasa Bicol ako. Ingat
ingat opo? At nakakatakot ang panahon ngayon. At pati ako natatakot sa susunod kong
update. hahaha Basta guys sana hindi kayo magsawang sumoporta sa VC at hindi din
ako nagsasawang mag update. Chos! hahaha Baka bukas mag update ulit ako. Medyo
sinaniban ako ng sipag eh. Sana magtagal 'to. lels

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 55 - Omen
####################################

Chapter 55 - Omen

Lorelei's POV

Hindi ko maipinta ang mga mukha nila King Hansel at Queen Ingrid nang marinig nila
ang sinabi ni Princess Erina. Parang takot na takot sila.

"Kung kailan pa naman umalis si Daddy saka pa 'to nangyari." Sabi ni King Hansel.

"Ano po ba pwedeng mangyari?" tanong ko.

"Isang masamang pangitain ang ibig sabihin no'n. Ang makaranas ka ng paulit-ulit na
panaginip ay isa sa senyales na may dadating na masamang pangyayari. At dahil
dinagdagan pa ng isang Double Walker, ibig sabihin, sobrang mabigat na problema ang
haharapin ng Kaharian." King Hansel explained.

Hindi ko mapigilang hindi matakot sa mga narinig ko. Ghad! Parang may delubyong
dadating.

"Nag-utos na po ako na higpitan ang pagbantay sa Palasyo. At pinasara ko na ang


Portal para makasigurado." Sabi ni Aric.

"What?! How about your sister? Hindi pwedeng manatili siya labas!" hysterical na
sabi ni Queen Ingrid. Napabuntong hininga na lang ako. Alam mo yung kinakabahan na
natatakot? Parang gusto kong magtakot. Leche nakakaduwag naman!

"Ako po ang susundo kay Avia, Tita Ingrid." Sabi ni Edric.

"Sasamahan kita, Edric." Sabi naman ni Aric. No Aric! Dito ka lang! huhuhu h'wag mo
akong iiwan!

"Sige. Mabuting umalis na kayo habang maliwanag pa. mas delikado kapag inabot kayo
ng dilim." Sabi ni King Hansel.

Halos lahat bothered sa loob ng palasyo. They also gave warning sa mga naninirahan
sa loob ng Vampire City na maging doble sa pag-iingat. Halos lahat ay natakot sa
balita. Kaya 'yung iba ay nagsipasukan na sa kanilang bahay.

"Hunter, tara sa kwarto?" Aya ko sa anak ko. Ayaw ko munang magkalayo kami ngayon.
Mahirap na.

"Sige po, Mama."

Agad kong kinuha ang phone ko at nakita ko 'yung mga text ni Aric kanina. I ignored
it saka ko dinial ang number ni Tito Kent.

[Lorelei, napatawag ka?]

"Tito,"

[May problema ba?]

"Mukhang may mangyayaring masama sa Vampire City, Tito. Natatakot po ako."

[Ano?! Gusto mo bang kunin ko kayo dyan ni Hunter?! Baka hindi kayo ligtas dyan!]

"Feeling ko po ok lang naman kami dito. Alam ko pong hindi kami pababayaan ng Royal
family."

[May tiwala ako sakanila. Pero pa'no kung magkagulo na? isa kang tao. Wala kang
laban]

"Isasarado nga po ang Portal para makasigurado. Mag-ingat din po kayo Tito ah."

[Ok lang ako dito, Lorelei. Tsaka nakalipat na ako ng bahay. Ikaw ang inaalala ko.]

"Tito, promise ok lang-"

"Daddy Kent! H'wag po kayong mag-alala at ako ang poprotekta kay Mama!" sigaw ni
Hunter sa phone. Narinig ko ang kaunting tawa ni Tito sa kabilang linya.

[Bigboy na ang baby Hunter namin ah. mag-iingat kayong mag-ina dyan ah.]

"Kayo din po, Tito"

Nang matapos ang tawag, si Kyla naman ang tinext ko. I told her about sa lahat at
ang magaling kong bestfriend si Edric agad ang hinanap. Baliw talaga.

-=-

Avia's POV

Hindi na aalis si Wynner. Pinakiusapan kong h'wag muna. Mabuti nga at nadaan ko sa
pout at puppy eyes eh.

"Panay na ang tawag sa akin ni Mommy at Daddy. Kinukulit na nila akong bumalik."
Sabi ni Wynner sa akin habang pinapanuod akong kumain. Nandito kami ngayon sa bahay
naming sa mundo ng tao.

Napanguso naman ako. "K-kung gusto mong bumalik na, ok lang. Alam ko naman na
babalik ka eh. mag-hihintay ako."

Napangiti naman siya sa akin saka niya pinatong ang kamay sa ulo ko. "Hanggang
ngayon hindi ako makapaniwalang may pagkakaintindihan na tayo. MU ba tawag dito?"
nakangiti niyang sabi.

"Ewan." Kibit ko.

Pareho kaming natigilan ni Wynner nang maramdam naming may paparating. Ang bilis
nito kaya hindi naming makilala ang scent niya.

Pareho kaming napatayo at pumunta sa harapan ng bahay. Nagulat ako nang biglang
sumulpot si Kuya at Edric. Bakit naman sila nandito?

"Avia, Wynner, buti at nandito kayo. Kailangan niyong sumama sa amin ngayon." Sabi
ni Kuya.

"Bakit? May nangyari ba?" tanong ni Wynner.

"Wala pa. Pero may masamang pangitain para sa Vampire City. Hindi kayo ligtas
dito." Sagot naman ni Edric.

"Anong pangitain ba 'yan?" I asked. Naku, mahaharap nanaman ba kami sa mabigat na


problema?

"A dream and a Double Walker." Pareho kaming nagulat ni Wynner.

Sa history nang mga Vampira sa buong mundo, isang kaharian pa lang ang nagkaroon
nang gano'ng pangitain. And sad to say it become their falldown. Ang Vamos Clan ay
isa sa mga makapangyarihang Kaharian noon. Hindi pa kami buhay noon pati sila Daddy
nang mangyari ang gano'n.

The Vamos Clan is too proud kaya hindi sila naniwala na dadating ang panahon na
babagsak sila. They don't believe about prediction that made their downfall.

Isa 'yon sa malaking lesson sa lahat ng mga Clans. H'wag babaliwalain ang isang
pangitain. Kaya hindi ko masisisi sila Daddy at Mommy kung natatakot sila ngayon

Hindi na kami nagmatigas pa ni Wynner at agad kaming bumalik pa sa Vampire City.

Pag-pasok pa lamang naming sa palasyo ay agad akong niyakap ni Mommy. Minsan talaga
ang mushy ni Mommy.

"Ang anak ko laging wala. 'Lika nga dito." Sabi ni Daddy. Isa din 'to si Daddy eh.
kunwari matapang sa harap ng lahat pero kapag sa amin ni Mommy ang lambot-lambot.

Habang nag-uusap-usap ang mga parents naming, tumabi naman sa akin si Hunter. "Tita
Avia, natatakot po ba kayo?" he asked. Napangiti naman ako sakanya. Nakakagigil si
Hunter. Sarap kurutin ng pisngi.

"Konti. Pero kumpleto tayo kaya wala kang dapat ipag-alala. Poprotektahan ka
naming. Ok baby?" hinaplos ko pisngi niya.

Ngumiti siya sa akin saka tumayo. "Poprotektahan ko din po kayo. I'm a bigboy now.
See?" tinaas niya braso niya at pinakita ang muscles daw niya. Natawa naman ako.
Parang si Kuya Aric lang eh.

"Let's protect each other para walang masamang mangyari. Opo?"

"Yes Tita."
-=-

Lorelei's POV

Lumabas akong veranda ng kwarto ko nang maramdaman ko ang presensya ni Aric.


Lumingon ako sakanya at nakita ko siyang nakangiti.

"Malalim na ang gabi. Bakit hindi ka pa natutulog?" he asked as he encircle his


arms around my waist.

"Hindi ako makatulog. Natatakot akong baka kung ano nanaman mapanaginipan ko." I
lean my head to his chest.

"Mahal ko, kailangan mong matulog. Hindi ka naman kagaya sa amin. Tsaka h'wag mo ng
isipin ang mga mangyayari. Malalagpasan din natin 'to. alright?" napabuntong
hininga na lang ako.

May tiwala ako sa Royal families na matatalo nila ang pag-subok na 'to. Pero hindi
mawawala sa isipan ko ang mga pwedeng mangyari. Ang daming what ifs sa utak ko.

"Tatabihan kita habang tulog ka. Kaya sige na, matulog ka na." pagpipilit niya sa
akin.

Hawak niya ang bewang ko habang papunta kami sa higaan ko. Inalalayan niya akong
nahiga sa kama saka niya ako pinatungan ng kumot.

Umuga naman ang higaan kaya napatingin ako sakanya. "Tatabi ka talaga sa akin?" I
asked. Tinignan naman niya ako na parang 'what's wrong' look. Nagkibit lang ako
saka hinayaan siyang tabihan ako.

"Mahal ko."

"Bakit?"

"Papatayin ko na ba ang ilaw?" he asked.

"Oo." Tipid kong sagot. Then bigla na lang dumilim ang paligid. Tanging ang maliit
na lampshade lang sa bedside table ang nagsisilbing ilaw sa akin.

I felt his arm snaked in tummy kaya nakagat ko labi ko. Kaya ayaw kong katabi si
Aric eh! Kung ano-anong nararamdaman ko.

He nuzzled his head in my neck and sniffs. "Ang bango." He huskily says.

"Aric... matutulog na ako."

"Eh? Kanina lang ayaw mo pang matulog."

"Sabi mo tatabihan mo lang ako." Humarap ako sakanya at hinagilap ang mukha niya.

"Bawal na ba akong mag-lambing?" nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya.


Napabuntong hininga na lang ako. Mas minamahal ko ata si Aric ngayon. Ewan ko,
mahal na mahal na mahal ko siya eh.

"Ikaw talaga. Sabi-" he cutted me off by kissing me.

He kissed me roughly and I respond eagerly. Really, Lorelei?


I felt his hands massaging my nape kaya hinila ko siya para mas lumapit sa akin.
Shemay! I missed this. And I think I need it-him.

Bumaba siya ng konti at hinalikan ang leeg ko. I gasped.

"A-aric." I say his name as felt his tongue licking my ears.

"Sh*t!" he cussed saka bumangon. Napakunot naman ako at nalilitong tinitigan siya.
Ayaw niya ba? Leche bitin!

"Papunta dito si Hunter." Sabi niya. Napangiti naman ako. Hindi ko alam kung gaano
siya nagpipigil pero hindi ko mapigilan ang hindi matawa.

Eto 'yung mga napapanuod ko sa TV eh. nasa gitna ng make out session ang parents
and suddenly papasok ang anak kasi may nightmare etc. Pero iba sa amin, papunta pa
lang si Hunter alam na ni Aric-na sa palagay ko ay may advantage din. Hahaha

xxx

####################################
Chapter 56 - Training Session
####################################

Chapter 56 - Training Session

Third Person's POV

Nilapag ni Vance ang isang Mapa sa harap ni Trever. Napangisi naman ang huli, alam
niya kung ano 'yon.

"Kabisaduhin mo ang pasikot-sikot ng Vampire City para hindi tayo magkamali sa


plano." Sabi ni Vance. Matagal nitong pinag-planohan ang mga mangyayari. At ngayon,
malakas ang paniniwala niyang hindi lang ang Royal Family ang mapapagbagsak nila
kundi ang buong Vampire City.

"Ako na ang bahala dito. Gawin mo ang trabaho mo. Nahanap mo na ba 'yung inuutos ko
sa'yo?" tanong ni Trever kay Vance. Tumango naman ang huli. Ngumiti nang
nakakademonyo si Trever. "Mapapabagsak na natin ang mga Kang... at makukuha ko na
din ang babaeng mahal ko." Sabi nito.

"Pero malaking Problema ang anak nila. Nakita mo kung gaano 'to kalakas. Idagdag mo
pa si Prinsesa Avia na lumalakas ang kapangyarihan kapag galit." Sabi ni Vance.
Tumawa naman ng malakas si Trever.

"You think I'm an idiot? Syempre alam ko 'yon. A made a dark ritual na makakatalo
sa Prinsesa at anak ni Aric." Inilabas nito ang isang lubid na nag-aapoy.

"A-ano 'yan?" tanong ni Vance.

"Naalala mo 'yung batong nakakapanghina sa isang Damphyr? Ibibigay natin 'yon kay
Avia at sa munting Prinsepe. Kapag nanghina sila, saka sila itatali sa lubid na
'to. para kuhanin ang lakas nila kasabay ng pagkamatay nila."
"Pero pa'no natin 'yon ibibigay sa Prinsesa? Malamang alam na niya ang hitsura
nang-"

"Hindi ko alam kung bakit mas matalino ako sa'yo gayong isa kang Vampira! Sa
palagay mo ba wala akong mata at tenga sa Palasyo?!"

"At sino naman 'yon?"

Ngumisi nanaman si Trever at lumakad papunta sa isang malaking cabinet. Binuksan


niya 'to at tumambad kay Vance ang napakalaking kulungan na yari sa babasagin,
laman ang Alaga ni Avia na si Smitt. Wala itong malay at animo'y lantang gulay.

"Pa'no mo nakuha ang mailap na hangin?"

"Hindi na 'yon importante. Ang mahalaga nakagawa ako ng katulad niya. Na aakalain
ng Prinsesa na kaibigan niya."

Perehong tumawa ang dalawa. Siguradong sigurado sila na magwawagi sila laban sa
kaaway.

"Matagal nang namumuno ang Pamilya Kang. Oras na para patumbahin sila." Sabi ni
Vance.

"Hinay-hinay ka lang. Hindi tayo susugod ng basta-basta. They'll be expecting us.


Hayaan natin silang maging panatag, saka tayo susugod."

Napatango naman si Vance.

Parehong hindi na makapaghintay ang dalawa sa mga mangyayari. pero pareho na silang
natuto. Mas maganda ang pinaghandaan. Mas masisigurado nila ang pagkatalo ng
kalaban.

Habang nagpaplano naman ang mga kaaway laban sa Familia Kang, pinag-utos naman ni
King Hansel na ipakalat ang mga kawal sa buong Vampire City. Hindi siya sigurado
kung pati ang nasasakupan niya ang makakaligtas.

Pinadoble din nila ang bantay sa kaharian. Binigyan din ng curfew ang mga kapwa
vampira. Hindi sakanila pinaalam ang totoong nangyayari pero dahil sa sinabi nang
Hari, 'yon ang masusunod.

"Dad, I think hindi mo na kailangan pang lagyan ng kawal sa labas ng kwarto ng anak
ko. Kaya ko naman siyag protektahan." Sabi ni Aric sa Ama nitong si Aric.

"Alam kong kaya mo 'yon. Pero gusto kong makasigurado. Pati, alam kong lagi mong
kasama si Lorelei. Malamang laging wala ang attention mo sa anak mo."

Nawala naman ang attention ni King Hansel nang makita niya ag dalawang kawal na
tumatakbo palapit sakanila.

"King Hansel, nawawala nanaman po si Prinsesa Avia!" balita nito. Hindi na nagtaka
ang mag-ama. Ugali na noon ni Avia ang tumakas kapag madaming bantay kaya hindi
nakakapagtaka kung pati ngayon gagawin niya.

Sa kabilang dako naman ng Vampire City, parehong humahagikgik si Avia at Wynner


nang matakasan nila ang mga kawal.

"Hahaha. Wala pala sila eh." natatawang sabi ni Avia.


"Tara sa gubat." Hinawakan ni Wynner ang kamay ni Avia at naglakad papunta sa loob
ng gubat. Napatingin naman si Avia sa kamay nila ni Wynner. Pati siya hindi niya
din maintindhan kung bakit masyadong clingy siya kay Wynner. Alam niyang sinabihan
niya itong pag-aaralan niyang mahalin ang kasama, pero hindi niya ine-expect na mas
napapalapit ang loob niya dito.

"Avia? May problema ba?" Tanong ni Wynner na napatingin na din sa magkahawak nilang
kamay. Parang nalaman naman agad ni Wynner kung bakit natigilan ang Prinsesa kaya
marahan niyang binitawan ang kamay nito. "Sorry. Hindi ka ba komportable?" sabi
niya.

Ngumiti naman si Avia ng matamis. "Nahalikan mo na ako. Nayakap na din. Mag-iinarte


pa din ba ako sa holdig hands?"

Napangiti naman si Wynner sa sinabi ng Prinsesa. Desidido talaga ang Prinsepe na


paibigan ang Prinsesa sakanya. Lahat gagawin niya, mahalin lang siya nito.

Imbes na hawakan ulit ni Wynner ang kamay ni Avia, hinapit nito ang balakang nito
palapit sakanya saka nagsimulang maglakad.

Nakarating sila sa pinakamasukal na bahagi ng Vampire City. Wala kang ibang


maririnig kundi huni ng ibon at ibang uri ng hayop.

"Handa ka na ba?" anong ni Wynner. Tumango naman si Avia.

Kinumpas ni Avia ang kamay niya at gumhit nang pabilog na apoy sa paligid nila.
Ngayong araw magsasanay si Avia para kontrolin ang kapangyarihan niya.

Nagtapon ng isang bola ng tubig si Avia sa kanan niya at sinabayan ito ng tubig
kaya para siyang naging ipo-ipo. Pero dahil sa sobra ng kapangyarihan niya, bigla
itong lumaki na ikinagulat ng Prinsesa.

"Avia, control your power!" malakas na sambit ni Wynner.

"I-i...I can't! It's too strong!" napapikit siya. Pakiramdam niya lalamunin siya ng
kanyang kapangyarihan.

Naramdaman na lang ni Avia na may yumakap mula sa likod niya.

Unti-unti humupa ang hangin. Pakiramdam ni Avia kakambal ng kapangyarihan niya si


Wynner. Pakiramdam niya, kung wala si Wynner, ikakamatay niya ang kapangyarihan
niya.

"Practice makes perfect, right? Kaya mo 'yan." Wynner encouraged her.

"Gagawin ko ulit." Avia said. "But this time, hug me."

Wynner was shocked at the same time-happy. Hindi niya inakala na isang araw lalabas
sa bibig 'yon ni Avia. "Yayakapin kita. Pero pwede kiss then?" nakangisi nitong
sabi.

Mahinang hinampas naman ni Avia sa kamay si Wynner. "Gusto mo bang isama kita sa
ipo-ipo?" pagbabanta ng Prinsesa.

Wynner chuckled. "Joke lang. Alam ko naman na enjoy na enjoy ka sa yakap ko eh."

"Yabang ah!" Avia retorted.

"I know." Natatawang sabi ni Wynner.


Naramdaman ni Avia na mas lumalakas ang kapangyarihan niya pero nako-control na
niya. It was Wynner's balance. He balanced the strong ability and power of her.

"Avia..." anas ni Wynner habang yakap si Avia.

"Hmm?"

"This felt good." He said.

"What is?"

"This. Hugging you while having practice. I felt we're really made for each other."
He said. Napangiti naman si Avia. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Tama
nga ito, parang ang kapangyarihan niya ay umeepekto lang kapag nandyan si Wynner.

"Avia?" tawag ulit ni Wynner sa pangalan niya.

"Bakit, Wynner?"

"Magagalit ka ba kung sabihin kung pakibilis-bilisan ang pag-aaral mo para mahalin


ako? Hindi na kasi ako makapaghintay na marinig mula sa'yo na mahal mo din ako."

------------

AN: Patatawarin kung sobrang tagal ng update at sobrang ikli ng update. Actually
tinatapos ko na 'to. Hindi ko lang ma-post kasi walang net sa apartment ko. :
( Kailangan ko ang inyong mahabang pagpapasensya. :/

PS: Hindi po ako nagbibigay ng softcopy. Sa mga nagpapakalat, pwede ko kayong


kasuhan. Binili na po ng Life is beautiful beautiful (LIB) ang rights ng Vampire
City Series so please lang. Don't deciminate or ask softcopy. Maawa naman kayo sa
akin na pinagpupuyatan ko 'to! =___="
####################################
Chapter 57 - Dawn and Night
####################################

Chapter 57 - Dawn and Night

A.N: I'll be using Third Person's POV or Author's POV kasi 'yon naman talaga
ginagamit ko kapag gumagawa ako ng action scene simula palang sa BOOK 1.

Third Person's POV

"Tita, I'm going to play with Smitt. Can I? Can I?" Hunter asked Avia habang nasa
bulwagan sila. Isang buwan na din at wala namang masamang nangyayari sa Palasyo.
Naisip nila na baka wala naman talagang gano'n.

"Of course you can, baby Hunter." Hinaplos ni Avia ang pisngi ni Hunter. Sobra
siyang naku-cute-an sa pamangkin kapag nangungulit. At walang bagay na hindi niya
ibibigay sa nag-iisang pamangkin kapag hiniling nito.

"Thank you po." Ngumiti ito saka tumakbo patalikod habang kumakaway sa Prinsesa.

"Spoiled ata sa'yo si Hunter ah." komento ni Wynner na katabi lang ni Avia.

"Oo naman. Nag-iisang pamangkin ko kaya 'yan." Natutuwang sagot ng Prinsesa.

"Halos magkapareha lang nga kayo ng Aura at kapangyarihan eh. I'm just curious,
sino din kayang makakapag balance ng power niya." Nakangiting makahulugan ni
Wynner. Hinampas naman ni Avia si Wynner sa braso. Natawa naman ang huli.

"Masyado pang bata ang pamangkin ko. Tsaka kaya niyang kontrolin ang kapangyarihan
niya. Kagaya ko kaya ko din!" hasik niya kay Wynner na mas ikinatawa ng isa.

"Talaga? Oo nga, lalo na kapag yakap kita." Nakangisi nitong sabi.

"Nang-iinis ka ba, ha, Wynner?!" Napipikon na sabi ni Avia

"Hindi ah!" tinaas nito ang kaliwang kamay at pinipigilan ang tawa.

"Naasar ako sa'yo! Alis nga!" Napipikon kung iisipin, pero sa totoo, alam ni Avia
na nahihiya lang siya. Nakakaramdam siya ng hiya kapag pinag-uusapan nila ni Wynner
ang power-balance thingy.

-=-

"Lorelei, nakita mo ba si Hunter?" tanong ni Aric sa dalaga habang nag-aayos ng


damit sa maleta. Malapit na kasi ang kaarawan ng Tito Kent niya kaya naisipan
niyang samahan ito mag-celebrate sa hillside kasama si Aric at Hunter.

"Sinama siya ni Avia sa bulwagan." Sagot naman neto.

"Pa'no 'yon mangyayari eh nakita ko si Avia na kasama si Wynner-walang Hunter."


Pagdadahilan naman ni Lorelei sakanya.

"Ang paranoid mo. Nandyan lang 'yon sa tabi." Nakangiting sabi ni Lorelei.

"Siguro nga. Hindi lang kasi ako sanay na nawawala sa paningin ko ang anak natin."
Sabi naman ni Aric.

"Naiintindihan naman kita." Lumapit si Lorelei kay Aric at yumakap ito sa braso
niya. "Pero paminsan-minsan, kailangan din nating bitawan ang anak natin. Lalo na't
isa siyang Prinsepe."

"'Yon na nga eh. Isa siyang Prinsepe kaya mas natatakot ako sa kaligtasan niya."
Ani Aric. Natawa naman si Lorelei sa sinabi ng kasintahan.

"Nababakla na ba ang Aric ko? Why. You're acting like a paranoid scared lady!"
Natatawang sabi ni Lorelei. Aric slightly glared at her saka tumingin sa malayo.

"Ayaw ko lang na may mangyaring masama. Oo, natatakot ako. I am just scared because
it's Hunter and you-we're talking about. Hindi ko na ata kakayanin kung parehong
kayong dalawa ang mawawala." Ngumiti naman si Lorelei sakanya saka hinaplos ang
pisngi niya.
"Hindi ako mawawala sa'yo. Pangako ko 'yan." She sincerely says. Sinuklian naman ni
Aric ang ngiting iginawad sakanya ni Lorelei. They were savoring the moment when
Aric noticed something. Napansin din ni Lorelei ang kakaibang expression sa mukha
ni Aric kaya nagtaka 'to.

"Is there something wrong, Aric?" Lorelei asked.

"Napansin mo ba ang langit? Kalahati umaga, kalahati gabi." Sabi niya saka din
napatingala si Lorelei.

Nagulat si Lorelei sa nakita. Hati nga ang langit. May sikat ng araw at may bilog
na buwan naman. Mag-gagabi na din kaya dapat madilim na ang kalangitan.

"Nakakatakot naman. Dito lang ba 'to sa Vampire City o pati ang sa mundo ng tao
nakikita din nila?"

"Kasama ang mga tao pero hindi nila napapansin. Tanging mga supernatural na
nilalang ang nakakapansin niyan."

"Eh tao pa naman ako eh. Bakit ko siya nakikita?"

"Kasi sinabi ko. Nabuksan ang mga mata mo, nalinawan ang isipan mo. Gano'n ang
Psychology ng tao. Napapansin lang, kapag sinabi mo na."

"Madalas ba 'yan mangyari? Ang maghalo ang umaga at gabi?"

"Hindi. Minsan lang kapag may-" napahinto si Aric saka napatingin kay Lorelei.

"May? Bakit, Aric?"

"Si Hunter!"

"Huh? Ano Si Hunter?"

"May nangyaring masama kay Hunter!" tatakbo sana si Aric pero pinigilan ni Lorelei
ang braso niya.

"Sabihin mo sa akin," utos ni Lorelei. Tumango naman si Aric dahil alam niyang may
karapatan 'to na malaman.

"Sumunod ka sa akin." Hinawakan ni Aric ang kamay ni Lorelei saka tumakbo papunta
sa bulwagan.

-=-

"Smitt, saan mo ba ako dadalhin? Malayo na 'to eh." reklamo ni Hunter sa kasamang
hangin. Kanina niyaya siya nitong maglaro. Pero nang umupo ito sa balikat niya,
bigla na lang naramdaman ng bata na napapagod siya-na dati ay hindi naman niya
nararamdaman.

"Malapit na, Mahal na Prinsepe." Nakangising sagot ni Smitt.

"Mahal na Prinsepe? Diba matagal ko na sa'yong sinabi ni Hunter ang itatawag mo sa


akin. Bakit biglang nagbalik sa Mahal na Prinsepe nanaman?" nagtatakang sabi ni
Hunter. Napahawak siya sa noo niya at nagpunas ng pawis. Pagod na talaga siya at
gustong-gusto niyang magpahinga.

"Ay patawad, Hunter. Nakalimutan ko." Nakangisi ulit na sabi ni Smitt. Napailing na
lang si Hunter saka naglakad.

Nakarating sila sa pinakamasukal na parte ng Vampir City. Napapapunas ng noo si


Hunter sa sobrang pagod. Nagtaka pa 'to sa sarili kung bakit siya napapagod. Kasi
alam niya sa sarili niya na ang mga katulad niya ay hindi marunong mapagod.

"Mahina ka na ba, Mahal na Prinsepe?" tanong ni Smitt. Nagtatakang tinignan siya ni


Hunter.

"A-anong ibig mong sabihin, Smitt?" Napaluhod bigla ang Prinsepe at nahihirapang
huminga. Kinabahan 'to nang may lumabas na dugo bibig niya. "S-Smitt! A-anong
ginawa mo sa akin?!" natatakot na sambit ni Hunter.

"Makapangyarihan ka nga pero hindi ka tinuruan ng magulang mo na h'wag basta-basta


magtiwala kanino." Nagulat na lang ang Prinsepe nang mag-ibang anyo si Smitt.
Naging tao 'to na siyang pinagbalat kayo ni Trever.

"H-hindi ka si Smitt! I-ilabas mo si Smitt!" nanghihinang sambit ni Hunter.


"Pagsisisihan mo 'to!" sigaw ni Hunter bago mawalan ng malay.

Bigla na lang lumitaw sa kawalan si Trever kasama si Vance at mabilis nitong


tinalian si Hunter gamit ang lubid na maaring makakuha ng kapangyarihan niya.

"One down. Avia to go." Sambit ni Trever.

"Saan natin itatago ang Prinsepe?" tanong ni Vance.

"Hindi natin siya itatago. Hahayaan natin siyang mamatay sa gubat na 'to ng walang
nakakaalam." Sagot ni Trever.

"Hahayaan natin ang Prinsepe dito? Pa'no kung matunton siya ng Royal family?" hindi
maiwasang tanong ni Vance kay Trever.

Napailing naman si Trever at hindi makapaniwala sa katangahang pinapakita ni Vance.


"Mahanap man siya ni Aric, sigurado akong wala na 'tong buhay." Saka tinapunan ng
masamang tingin ang batang Prinsepe.

Alam niyang walang masamang ginagawa sakanya ang bata, pero kapag naaalala niya na
ito ang bunga ng sakit na idinulot sakanya ni Lorelei, gustong-gusto niya 'tong
mamatay saksi ang mga mata niya. "Ang tanging gusto ko noon ay mapasaakin si
Lorelei. Napakaliit na bagay para makaramdam ako ng ganitong galit." Mapait na
sambit ni Trever.

"Kukunin mo pa din ba si Lorelei kay Aric?" tanong ni Vance.

Natahimik naman si Trever saka nag-isip. "If she's not with us, she's against us."
Tanging sambit ni Trever.

Iniwan nila ang batang Prinsepe sa gitna ng gubat na walang malay.

Habang si Aric naman sobrang kabado habang hinihintay ang magulang sa bulwagan.

"I'm telling you, Kuya. Hunter is fine. Nagpaalam siya kasama si Smitt."
Pangungumbinsi ni Avia sa kambal niya.
"No. I know something wasn't right. Nasaan na ba kasi sila Mommy at Daddy?"

"Aric, relax ka lang. Pati ako sa'yo kinakabahan na eh!" sabi naman ni Lorelei.
Napatingin naman si Aric sa minamahal saka ito niyakap.

"Sorry, mahal ko."

"Kuya, kami na ni Wynner ang mag-hahanap sa pamangkin ko. Wynner can track him,
right?" tumingin naman si Avia kay Wynner saka naman tumango ang huli.

"Kami na ang bahala ni Avia, dude. Dito na lang kayo. Alam mong hindi pwedeng
mawalan ng mamumuno dito sa Palasyo." Sabi ni Wynner.

-=-

Nagbihis sandali si Avia saka lumabas sa silid niya. Nakita niya si Wynner na
naghihintay sa labas ng kwarto niya at nakapamulsa.

"What took you so long?" tanong ni Wynner. Avia tugged her hair saka ngumiti.

"Nag-ayos lang." she simply said.

"Itali mo nga buhok mo. Masyado ng mahaba." Wynner said.

"Gusto mo ba akong magpaikli ng buhok?" she asked.

"I said tie your hair. Not cut your." He smirked.

"Aba! Hindi ko ata gusto ang tono ng boses mo!" Avia reprimanded.

"Anong tono ng boses ko? Ganito naman talaga ang boses ko ah!"

"Aish!" 'Di pa nga kita boyfriend ganyan ka na?!" Avia sneered that made Wynner
laugh.

"You're cute." He was about to pinch her cheeks pero umiwas siya.

"No touch. Sorry!" saka siya naunang naglakad. Natatawang sinundan naman ni Wynner
si Avia.

"Avia! Sagutin mo na kasi ako para pwede na ang touch!" sigaw niya habang hinahabol
ang Prinsesa. "Uy Avia!"

"Sige pa! isigaw mo pa para basted ka na talaga! Bleeh!" she stick her tongue out
saka tumakbo ng mabilis.

"Avia naman eh!"

---------------------------------

A.N: Malapit na tayong matapos kaya pasensyahan niyo na kung ang tagal-tagal kong
mag UD. :( Wala sa aming kuryente eh. Hanggang chapter 60 lang tayo taz
epilogue. :)) Pinag-iisipan ko pa kung gagawan ko ng side story si Avia and Wynner
kasi hindi masyadong maha-highlight ang love story nila sa ending. :))
XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 58 - Downfall
####################################

Chapter 58 - Downfall

Inabot na nang gabi ang pag-hahanap ni Avia at Wynner sa pamangkin. When Avia
contacted her twin, wala pa din daw ang batang Prinsepe sa palasyo. Nasa may gubat
na sila pero itong si Wynner hindi pa din maamoy si Hunter.

"Hindi kaya may nangyaring masama sa kanila habang naglalaro?" Avia says nervously.
She knows it was unusual na pahamak si Hunter kasi si Smitt ang kasama niya. Alam
niya na kung may kapahamakan man na mangyayari, malalaman agad 'yon ni Smitt dahil
isang hangin siya.

"Let's not make our hopes down, Avia." Wynner said.

Habang naglalakad sa madilim na gubat, bigla na lang nakarinig ng kaluskos sa daan


ang dalawa. Kaya itong si Avia mahigpit na napahawak kay Wynner sa braso.

"Luh?! Ano 'yon?" kabadong tanong ni Avia.

Pareho naman silang huminto. "Dyan ka lang tignan ko lang ang mga bushes." Wynner
said.

Umiling naman si Avia at mas hinigpitan ang pag-hawak kay Wynner. "Ayoko! Sasama
ako!" matigas na sabi ng Prinsesa.

"Avia! Hindi ka nanaman mapapa'no dito." Sabi pa ni Wynner.

"I don't care! Gusto ko kasama ka!" matigas niya pang sabi.

"Kailangan ba akong kiligin?" nakangising sabi ni Wynner.

Bigla na lang nahampas ni Avia si Wynner sa braso. "Kainis ka."

"Hahaha. Pikon ka agad niyan? Bitaw na kasi at titignan ko kung ano 'yung
gumagalaw." Wynner insisted.

"Hindi. Titignan nating dalawa kaya kasama 'ko." Pangungulit pa ni Avia.

"Sige na nga. Prinsesang lampa ka talaga!" pangungutya ni Wynner.

"Ano sabi mo?!" nakapameywang na sabi ni Avia.

"Wala. Mahal kita." Nakatawang sabi ni Wynner.

-=-
At Vampire City...

"Where is Avia again, Aric?!" Queen Ingrid asked Aric. Halata sa boses nito ang
pagkainis at pagkairita.

"Hinahanap niya si Hunter-"

"I told you h'wag mong hahayaang umalis ang kambal mo! Didn't you understand na
habol siya ng mga kaaway?!"

"Ingrid, tama na. Ako na ang kakausap sa anak natin." Mahinahong sabi ni King
Hansel.

"I'm sorry, Mom-"

"H'wag niyo na pong pagalitan si Aric, Mahal na Reyna. Ako ang nagpabaya kay Hunter
kaya tuloy hinahanap siya ni Avia." Mababang sabi ni Lorelei.

"Lorelei, hija. Stay out of this. Hindi mo alam ang-"

"Ingrid! Nagiging paranoid ka nanaman! H''wag mong idamay si Lorelei sa inis mo kay
Aric!" saway ni Hansel.

"Hindi ako inis, Hansel! I'm furious! Pwedeng nasa panganib ang anak mo!" Queen
Ingrid retorted.

"Hindi maaayos ang problema kung ganito tayo." Sabi ni King Hansel sa Reyna niya.
Lumingon naman ang Hari sa isa sa mga kawal nila. "Samahan mo ang Reyna sa silid
niya. Napapagod ka lang, Ingrid."

Umakyat sa silid niya si Queen Ingrid habang sumunod naman si King Hansel.

"Pagpasensyahan mo na si Mommy, Lorelei. Sobrang nag-aalala lang siya sa kambal


ko." Sabi ni Aric kay Lorelei.

"Ayos lang. I actually understand her. Gano'n din naman ang magiging reaction ko
kung alam kong nasa panganib ang anak ko. Kagaya ngayon, hindi ko alam ang
kalagayan niya." Ani Lorelei.

"H'wag ka ng mag-isip. Walang mangyayaring masama sa anak natin." Ngumiti ng tipid


si Aric kay Lorelei habang may kimukuha sa likod ng bulsa niya. "Here, get this."
Inabot niya kay Lorelei ang isang dagger na kulay itim.

"Aanhin ko 'to?" she asked.

"Pang protekta mo sa sarili mo. Alam kong hindi sa lahat ng oras nandyan ako para
protektahan ka. Naniniwala akong magagamit mo 'yan para maisalba mo ang sarili mo."
Paliwanag ni Aric. "Tsaka may poison ang dagger na 'yan. Kahit pinaka
makapangyarihan na nilalang sa mundo kaya niyan patayin. Even me." he explained.

"Bakit naman kasi kita papatayin? Ibubulsa ko na lang 'yan total may lalagyan
naman." Inilagay ni Lorelei ang dagger sa likod ng jeans niya.

Nag-uusap lang ang dalawa magulantang sila sa malakas na pagsabog sa labas ng


kaharian. Napayakap pa si Lorelei kay Aric dahil sa lakas ng impact nito.
"Ano 'yon?!"

Kita sa mukha ng mga nasa loob ng kaharian ang pagkabigla. Agad na umakyat si Aric
sa pinakatuktok ng kaharian at doon niya nakita na may unti-unting sumusunog sa
buong ciudad ng Vampire City.

Bumalik siya pababa para hanapin si Lorelei para iligtas 'to pero bigla nanamang
may sumabog na parang lumindol kaya natumba siya at nalaglag sa hagdan.

Lorelei's POV

"Aric! Aric! Where are you!?" Naiiyak na ako. Akala ko si Aric 'yung sinusundan ko
kanina pero isa pala sa mga kawal. Nasa labas na ako ng Palasyo at kitang-kita ko
kung paano magkagulo ang mga kauri ni Aric. Takot na takot sila sa apoy na
nagkakalat. Unti-unti ding natutupok ang mga puno sa gilid ng Plaza.

Tumakbo pa ako ng tumakbo at nakita kong may mga nakikipaglaban na kawal sa isang
grupo ng Vampira. Paglingon ko sa right side, may mga nagpupumilit na pumasok sa
Scarlette Moon Academy.

Gusto kong bumalik sa loob ng kaharian pero may mga nakapalibot na ditong kawal ng
palasyo at pinoprotektahan nila ang loob nito laban sa kaaway.

Walang awing pinapatay ng mga kaaway na Vampira ang mga naninirahan sa Vampire
City. Wala silang sinasanto kahit babae at bata, nilalaslas nila ang leeg at
pinuputol ang ulo.

Hindi ko na alam kung saan ako magtatago. Halos maubos na ang mga puno. Everything
happened so fast. Gusto kong sumigaw pero natatakot ako. Hindi ko na nga namalayan
na wala na pala akong isang sandal.

"Jusko! Ang anak ko! Nasaan ang anak ko!" naiiyak kong sambit. Ano na kayang
nangyari kay Avia at Wynner? Kinakabahan na ako. Pa'no kung may nangyari ng masama
sa anak ko? Hindi ko ata kakayanin kung may mangyaring masama sakanya.

"Lorelei! Lorelei!" napalingon ako sa tumawag sa akin.

It was Edric. He was running towards me. "Ano ginagawa mo dito?! Dapat nasa loob ka
lang ng Kaharian!" sigaw niya. May mga galos ang balat niya pero kita ko kung paano
ito gumaling mag-isa.

"Hinahanap ko si Aric! Pati si Hunter!"

"Nasa loob si Aric! Tara na sumama ka sa akin!" hinigit na niya ang kamay ko saka
kami sabay na tumatakbo pabalik sa kaharian.

Ngayon ko lang napansin na may pana siya sa likod niya at espada sa kaliwang kamay
niya.

May humarang sa amin at nakita ko kung paano 'yon talunin ni Edric. H'wag naman
sanang masaktan si Edric dahil alam kong ikakamatay ni Kyla kung may mangyaring
masama sa mahal niya.

Matapos talunin ni Edric ang halos limang Vampira na humarang sa amin, bigla namang
may sampung Vampira na pumalibot sa amin.
Para silang mga tao pero nag-aapoy ang mga mata nila. Transcendals! Si Trever
nanaman ang may dahilan nito!

"Lorelei, tumakbo ka na! ako na ang bahala sakanila!" bulong sa akin ni Edric.

"Hindi! Baka may mangyaring masama sayo-"

"Lorelei h'wag matigas ang ulo! Tumakbo ka na at hanapin mo si Aric!" mariin niyang
sabi.

Napatango naman ako saka umatras. Tumakbo ako-hindi papunta sa kaharian kundi para
hanapin ang lalaking may dahilan nito!

Tumakbo ako pabalik sa Academy at hindi nga ako nagkamali. Nando'n siya.
Nakangising nagmamasid sa nakikita niya.

Mas lalong lumapad ang ngiti niya nang makita ako. As if he saw a ready to eat
prey.

"Hinahanap mo ba ako, Nyx?" he mischievously said to me. Kung may kapangyarihan


lang ako? Noon ko pa 'to piñata si Trever. Bakit na trip na trip niyang guluhin
kami?

"Itigil mo na 'to, Trever!" I shouted. I stopped walking nang maramdaman kong tama
na ang distance na nilaan ko para makatakas.

Pero nagkamali ako. Dahil biglang ikinumpas ni Trever ang kamay niya dahilan para
mapalapit ako sakanya kahit ayaw ko.

"Alam kong ikaw din mismo ang lalapit para hanapin ako." He playfully said. "Did
you miss me?" he grinned evily. If only I could punch his face. If only I could
kill him by my own two bare hands.

Hinigpitan niya ang paghawak sa akin at bigla na lang akong niyakap.

"Ginagawa ko 'to para sa'yo. Ganito kita kamahal. Gagawin ko lahat mapasaakin ka
lang." niluwangan niya ang pagyakap sa akin saka ako tinignan ng mataman. Kita ko
sa mga mata niya ang pagpapa-awa.

Aminado ako, gusto ko talagang maawa sakanya. Pero hindi sapat 'yon para mawala ang
galit na nararamdaman ko. Lalo na sa ginawa niya sa Vampire City.

"You're insane! Sa palagay mo sasama ko sa'yo?! You think natutuwa ako sa pinag-
gagagawa mo?!" I looked at him with disbelief. He's indeed crazy.

"Alam kong 'yon ang tingin mo sa akin ngayon. Pero kaya ko pa naman magbago eh.
kakalimutan ko ang lahat ng mga nagawa ko at ginawa mo. Kakalimutan ko kung pa'no
mo ako sinaktan para kay Aric. Magsisimula ulit tayo. Just say yes to me, Nyx. At
ipapatigil ko ang lahat ng ito." He pleads. Akala ko hini-hypnotize nanaman niya
ako pero hindi. Totoong naaawa ako sakanya. Nasasaktan ako for what he become
because of me.

Ang lahat ng nangyayari ngayon ay kasalanan ko. Walang ibang dapat sisihin kundi
ako. Pinaasa ako siya. Kung noon pa nilayuan ko siya, hindi sana mangyayari 'to.
Hindi masisira ang Vampire City.

Kung sumama ako sakanya, pa'no na ang anak ko? Pa'no na si Aric? Maalagaan naman
siguro siya ng pamilya Kang.
"T-Trever..." tumingin ako sakanya. Hinihintay niya akong mag-salita. "P-pag-
iisipan ko ang offer mo. Pero isa lang ang ipangako mo." I said to him. Agad naman
siyang tumango sa akin.

"What is it? I'll do anything. Just... just be with me." he said. Trever may be a
Transcendal who turns into a monster pero tao pa din siya. Ang Trever na kausap ko
ngayon ay isang tao.

"Tigilan mo na ang lahat ng ito." Nakatingin ako sa mga mata niya. Kung siya
nagmamakaawa na sumama ako. Ako naman nakikiusap na tigilan niya 'to.

"Gagawin ko. Isang pitik ko lang mawawala ang mga Transcendals." He said.

"H-hayaan mo akong bumalik sa Kaharian." Sabi ko.

"Hindi! Maaring hindi ka na nila sa akin ibalik. Dito ka lang." maawtoridad niyang
sabi. Tumango naman ako.

Nakita kong inabot niya kamay niya sa akin at hinihintay na kunin ko 'yon.

"Promise magiging masaya ka sa akin." He said.

Everything went slow. Habang inaabot ko ang kamay niya-para namang may pumipigil sa
akin. Para 'to sakanila. Para 'to sa katahimikan ng lahat. Sana lang maintindihan
ako ni Aric at Hunter.

"NO! LORELEI, NO!" It was Aric. I wanted to turn around to see his face for the
last time pero pinipigilan ko. Baka hindi ko matiis at bitawan ko ang kundisyon ni
Trever.

"Give me your hand, Nyx." Trever said calmly. I bet he knows na nakapag-decide na
ako.

"Lorelei, look at me! Lorelei!" gusto kong maiyak sa pakiki-usap ni Aric pero
kailangan kong gawin 'to.

Dahan-dahan akong lumingon kay Aric saka ko siya tinignan. Halos manghina ang buong
pagkatao ko na makita siyang nakikiusap sa akin. His arms are extended and waiting
for me to grab it.

He believes in me. Naniniwala siya na aabutin ko ang kamay niya at sasama sakanya.
Pero isang nanlulumong tingin ang binigay niya sa akin nang umiling ako. Para ko na
din siyang pinatay nang abutin ko ang kamay ni Trever.

"Why?" he whispered.

"I'm sorry, Aric." Naiiyak kong sabi.

Magkahawak kaming kamay ni Trever habang papalayo sakanila. Pero bago kami tuluyang
makaalis huminto ako kaya hinarap niya ako.

"Bakit?" he asked.

"Paalisin mo ang mga kauri mo." Utos ko sakanya.

"S-sige." Sa isang kumpas lang ni Trever, all the trancendal vampires transcends in
the air. Para silang naging usok na iniwang wasak ang vampire city.

"Now. Can we go?"


I smiled to him. "Thank you." Ginantihan niya ang ngiting iginawad sa akin. Bigla
na lang niya akong niyakap ng mahigpit.

"No. thank you." He said.

"I'm sorry, Trever. For everything."

It's ok-"

-=-

Aric's POV

It was so sudden and unexpected. Sa isang iglap nawala ang Vampire City. Oo
natatalo naming paisa-isa ang mga Transcendals pero hanggang ngayon hindi ko pa din
mahanap si Lorelei at natatakot ako na baka nakita siya ni Trever at kunin siya sa
akin.

"Aric! Ako na ang bahala dito at ni Tito Cris mo. Hanapin mo na ang mag-ina mo!"
sigaw ni Daddy habang nakikipaglaban. Pati si Mommy nilalabanan din ang mga
Transcendals.

Tumakbo ako palabas ng kaharian at doon ko nakita kung gaano kadami ang napinsala
ng mga kaaway. Madami silang napatay at kasalukuyan nilang sinisira ang Academy.

"Aric! Bakit ka nandito?! Pinuntahan ka ni Lorelei sa loob!" sigaw ni Edric nang


makasalubong ko siya.

"Ha? Wala siya sa loob. Hinahanap ko nga siya eh!" sagot ko naman. Mag-sasalita pa
sana si Edric pero may tumambang sa amin.

"Vance!" sambit ko sa traydor naming kauri. May mga kasama siyang kakampi niya.

"Nagkaharap din tayo sa wakas, Mahal na Prinsepe!" nakangisi niyang sabi.

"Traydor ka! Pa'no mo nagawa sa amin ang ganito?! Naging mabuti sa'yo ang Hari at
Reyna! Ginawa ka nilang kanang kamay!" galit kong sabi sakanya. Nakita kong
napangisi siya kaya mas lalo akong naasar.

"Nakakasura na ang paghahari niyong mga Kang! Lahat puro sa kabutihan! Ang dami
niyong pinag bawal sa aming mga mababang uri! Ipinatigil niyo din ang pag-inom
namin ng dugo sa tao! Napakamaka-sarili ng inyong pamamalakad!" hasik niya.

"Alam mong hindi dapat sinasaktan ng Vampira ang mga tao kaya 'yon pinatupad ng
aking ninuno. At hanggang ngayon, 'yon pa din ang masusunod!"

"Hindi! Ayaw ko na sa gano'n! magkakamatayan na tayo!" galit niyang sabi. Inihanda


niya ang sarili niya para labanan kami ni Edric. Sinugod kami ng mga kasamahan
niya.

Tumingin sa akin si Edric saka naman ako tumango. And with just one snap-everything
went still. I know it was just a limited time para mapatigil sa pag-galaw ni Vance
at mga kasama niya, but I have to do it. We have to nd their life.

Ibinigay sa akin ni Edric ang kanyang espada pero tinanggihan ko 'to. I have my own
power na hindi ko kailan man nagagamit dahil sa nagawa kong kontrolin ang malakas
kong kapangyarihan habang bata pa ako.

"Sparire!" I said. At wala pang limang minuto, biglang naging abo si Vance at ang
ga kasama nito.

"Ginamit mo ang Verbal power mo." Hindi makapaniwalang sabi ni Edric. "Hindi ko
akalain na magagamit mo siya sa haba ng panahon na itinago mo siya." Dagdag pa
niya. Alam ni Edric na nahirapan ako bago ko na-kontrol ang kapangyarihan ko. Ang
kapangyarihan kong Verbal Power na nangyayari kapag sinabi ko.

'I guess kailangan na din 'yon. No where's Lorelei?" I asked.

"Let's fine her." He said.

Naglalakad kami at hinahanap namin si Lorelei sa mausok na daan nang mahagip ng


pandinig ko ang boses ni Lorelei.

I listened attentively to her voice to follow it.

"Nando'n siya!" turo ni Edric. She was with fvcking Trever and I wanted ti rip his
heart out of his chest.

Agad akong lumapit sakanila. Nagtaka pa ako na pareho silang kalmado na nag-uusap.

Mas lalo akong napakunot nang makita kong inaabot ni Trever ang kamay niya at
parang niyayaya siyang sumama. Agad akong inunahan ng takot ko kaya agad akong
napasigaw.

"NO! LORELEI, NO!" I shouted. I expected na lilingon siya but to no avail-she


didn't look back.

"Give me your hand, Nyx." I heard the fvcking man said. Parang sobrang confident pa
siya na sakanya sasama si Lorelei. Napakagago talaga!

"Lorelei, look at me! Lorelei!" Pakiusap ko sakanya.

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin saka niya ako tinignan. I look at her-full of
love and waiting for her walk towards me. I even extend my arms at hinihintay na
abutin niya din 'yon.

I love her so much. So naniniwala ako na kahit anong pangungumbinsi sakanya ni


Trever ay hindi siya sasama. Mahal niya ako at 'yon ang panghahawakan ko.

Pero parang binagsakan ako ng langit at lupa nang umiling siya. I almost died whrn
she reached out for his hands. Fvcking no!

"Why?" I whispered.

"I'm sorry, Aric." She said,

Parang piniraso-raso ang puso ko habang pinagmamasdan silang naglalakad-holding


hands. Parang ayaw kong maniwala. This is not just the downfall of Vampire City.
But also the downfall of my heart.
-----

A.N: Malapit na tayong matapos. huhuhu Em so gonna miss Aric and Lorelei. :(

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 59 - Antagonist's Cry
####################################

Chapter 59 - Antagonist's Cry

Avia's POV

We headed to the most islated area of Vampire City. Hanggang ngayon hindi pa namin
nahahanap si Hunter at Smitt.

"Medyo may naaamoy akong isang aura. Pero 'di pa ako sure kung si Hunter na 'yon."
Sabi sa akin ni Wynner.

"Puntahan natin." Sabi ko.

"Sige."

Nag-ikot-ikot kami sa paligid ni Wynner. So far, wala naman kaming nakaka encounter
na masama. And thank god kasama ko si Wynner.

"Can you feel it?" he suddenly asked.

"Feel what?" I queried.

"Malapit na tayo kay Hunter." He said.

"OMG! Ican feel it too. Pero bakit parang mahina lang ang nararamdaman ko sakanya?"
I asked him.

Pinakiramdaman ko ang Aura ni Hunter. I know something's not right.

"Hunter? Hunter, baby where are you?" I called.

"Mabuti pa si Hunter may endearment ka na. Ano naman itatawag mo sa akin? Babe?" he
smiled playfully.

"Babe your face! Tulungan mo na lang kaya akong hanapin si Hunter, 'no?" irap ko.

"Eto naman. I was just kidding." Natatawa niya pang sabi.

"Tsk!" I rolled my eyes heavenwards saka ko nilibot tingin ko. "Hunter, baby?
Nasaan ka? Smitt? Hunter nasaan kayo?"
"Sshhh... Avia-"

"Bakit ba?" iritado kong tanong.

"Keep quiet. May paparating!" he said then bigla na lang niya akong hinila at
mabilis na tumakbo paakyat sa isang malaking puno.

"Wasak na daw ang Vampire City. Wahaha. Nagtagumpay si Pinuno." Rinig kong sabi
no'ng isang lalaki. Agad akong kinabahan. Wasak na ang Vampire City? How come?
Hindi pa nga isang araw na umalis kami. Narinig ko pang napamura si Wynner ng
mahina.

"Nasaan na daw 'yung tagapag-mana?" tanong pa no'ng isa.

"Patay na daw. Haha"

Hindi na ako nakapag-pigil kaya agad akong tumalon at hinarang sila sa dadaanan
nila. Sumunod naman sa akin si Wynner at magkatabi kaming nakaharap sa dalawang
lalaki na isa palang Transcendals.

"Saan ang pamangkin ko?!" galit kong sabi. Hindi sila sumagot at inihanda nila ang
sarili nila at nilabas ang armas.

"At sino ka?!"

"Sasagot ka ba o tatapusin ko na buhay mo?!" Pagbabanta ni Wynner sa lalaki.

"Hindi kami natatakot sa inyo!" sagot pa no'ng isa.

Pareho kaming nagkatinginan ni Wynner. And without hesistations, agad naming


sinugod ang dalawa at sinakal.

"NASAAN ANG PAMANGKIN KO AT ANONG NANGYARI SA VAMPIRE CITY?!" Galit kong sigaw.
Hindi ko kasi mapigilan ang galit. Gustong-gusto kong pumatay.

"A-ack~ H-hindi ko a-alam kung a-ano ang nangyari sa p-pamangkin mo! P-pero 'yung
Vampire City, w-winasak na ng Pinuno namin!"

Bigla ko na lang naluwangan ang pagsakal ko sa lalaki. Sila Mommy at Daddy! Tapos
si Kuya. Ano na kayang nangyari sakanila!

"Let's leave them Avia. Hanapin na natin si Hunter." Sabi ni Wynner.

Ibinalibag ko ang lalaki saka ko kinumpas ang kamay ko. Ibinalot ko ng hangin pat
'yung kasama niya at pinalipad ko sa ere.

Wala na kaming pinalagpas na oras ni Wynner at agad naming hinanap si Hunter. Pati
mga tagong bushes tinitignan namin. Wala kaming pinapalagpas sa mata namin.

"Sana ligtas sila Mommy. Jusko wala man lang akong nagawa para tulungan sila!"

"You've done enough, Avia. Etong paghahanap natin kay Hunter ay isa ng sakripisyo.
Kaya kailangan natin siyang mahanap-ligtas."

Tumango ako sakanya saka naming pinagpatuloy ang paghahanap.

Then we stopped. Mayro'ng apat na puno na nakapalibot. May malakas na


kapangyarihang nakapaikot dito at parang pinipigilan kaming pumasok.
"Si Hunter!" sigaw ni Wynner paglapit niya. Naunahan niya ako at tinakbo niya ang
puno papasok par asana kunin si Hunter.

Nagulat na lang ako nang biglang tumilapon si Wynner sa malayo at walang malay na
bumagsak.

"Wynner!" Hindi ko alam kung sino ang pupuntahan ko. Si Wynner o si Hunter. Pero
kung pupuntahan ko si Hunter, baka magaya ako kay Wynner at wala ng magliligtas sa
aming tatlo.

I decided na si Wynner ang unang lapitan. I hurriedly run towards him. I saw him
lifeless. Kinabahan agad ako dahil baka malakas 'yung impact sakanya no'ng
kapangyarihang nakapalibot sa puno.

"W-Wynner gising." Natatakot kong sambit. Hinawakan ko ang mukha niya. Tinapik-
tapik ko 'yon para magkaro'n siya ng malay. "Wynner naman eh! Gumising ka sabi eh!"
naiiyak na ako. Hindi ko na kasi alam ang gagawin. Pakiramdam ko mag-isa na ako.

"K-kapag hindi ka gumising...b-basted ka na! K-kahit may pag-asa ka babastedin


talaga kita!" pagbabanta ko sakanya. All of a sudden I felt it again. 'Yung
naramdaman ko no'ng akala kong wala na si Kier. Naramdaman ko siya ngayon. And what
is scary because-it was triple scared. Mas takot ako ngayon kesa noon. Kung masakit
noon, mas masakit ngayon.

"Please wake up, Wynner. Please." I begged. Napaluhod na ako sa gilid niya at
niyakap siya. I can't afford to lose him. Not now. Hindi ko na ata kakayanin kung
ay isa nanamang mawala sa akin. The pain of Kier's death is still in my heart and
slowly fading at masyadong mabigat para sa akin kung pati si Wynner mawawala.

"Y-you cared for me." I heard him say kaya agad akong napabitaw sa yakap ko
sakanya. Napatingin siya sa pisngi ko at pinunasan ang pisngi kong may luha. "H'wag
ka ng umiyak. Hindi naman kita iiwan." He said half smiling.

I pout. "Kier told me that, too. But look at now. He still left."

"But I'm not Kier. Ngayon pa lang, nangangako na ako na hindi kita iiwan kahit
anong mangyari. Kahit magkaroon pa tayo ng Book 3 I mean bagyo." He said half
laughing.

"Baliw!" natatawa ko ding sabi.

I helped him stand. May mga galos siya pero unti-unti din naman itong nawala.

"Ano na ang gagawin natin? Hindi natin makukuha si Hunter." Sabi ni Wynner.

"Nagsanay ako kasama ka, diba? Gagawin natin ang lahat makuha lang si Hunter. Hindi
pwedeng hindi." Tumango naman sa akin si Wynner.

Pinagsakop ko ang kamay ko at ni Wynner. I waved my right hand and called the wind.
Ipinaikot ko 'to sa puno kaya para itong nababalot ng ipo-ipo. I waved my hand
again and called the water to join the wind. Hindi pa rin nagigiba ang barrier kaya
kinumpas ko nanaman ang kamay ko para tawagin ang apoy. Medyo nagigiba na siya pero
alam kong kailangan pa niya ng isa pang elemento ng kapangyarihan ko para mawasak
siya ng tuluyan. I waved my hand and calls for the element of earth.

We both cover our eyes nang biglang may umilaw sa puno at sumabog.

The powerful barrier collapsed. Doon namin malinaw na nakita si Hunter-nakatali at


walang malay.
Agad akong tumakbo palapit sakanya. Ang lamig ng katawan niya na parang binabad sa
yelo.

"Hunter, baby. Nandito na si Tita. Ligtas ka na." naaawa ako sa pamangkin ko. Hindi
ko tuloy mapigilang hindi maiyak. My nephew don't deserves this. Napakabata niya pa
para sa ganitong bagay.

Tinulungan ako ni Wynner na buhatin si Hunter at pinahiga sa malaking bato. I


checked his pulse and eyes. Para na siyang patay na tao. There's no sign na buhay
siya. Even his power is dying.

"W-Wynner. Tulungan mo ako. Ano na gagawin natin?" umiiyak kong sabi.

"Pagagalingin ko siya. Don't worry." He said. Nilagay ni Wynner ang kamay niya sa
dibdib ni Hunter.

Matagal. Kaya hindi ko tuloy alam kung ok na ba si Hunter o hindi pa. Hanggang sa
tangalin ni Wynner ang kamay niya kay Hunter.

Devastation came over me when he shook his head.

"He's not responding." He said.

"H-hindi pwede! M-masyado pa siyang bata para- malulungkot si Kuya at si Lorelei


kapag nalaman nilang wala na si Hunter!" I shouted. Hindi ako galit kay Wynner.
Hindi ko lang matanggap. At galit ako sa gumawa neto kay Hunter.

"A-ako na ang kakarga sakanya papuntang Vampire City. Umalis na tayo dito." Sabi sa
akin ni Wynner.

-=-

Lorelei's POV

"I'm sorry, Trever. For everything."

It's ok-" Napatigil si Trever nang lumingon ako. Naramdaman ko kasi ang presensya
ng anak ko. At tama nga ako. Nakita ko siya-karga-karga ni Wynner at walang malay.

"B-bakit walang malay ang anak ko?" kinakabahan kong tanong. "T-Trever ano ang
ginawa mo sakanya?!" my lips were trembling. I can sacrifice everything pero ibang
usapan ang anak ko.

"He's dead, Nyx. Mabuti na din 'yon para tayo na lang. We can make our own sons and
daughters." He said. Biglang nag-init ang ulo ko. Sa sobrang galit ko parang gusto
kong saksakin si Trever at patayin ng paulit-ulit.

Pero naunahan ako ng luha ko. I cried and cried when I saw Aric's getting
hysterical.

"Tama na, Nyx. H'wag ka ng umiyak. Makakalimutan mo din siya." Sabi pa niya. Gusto
kong murahin si Trever. What does he think? Na agad akong makaka move on?

He comforted me. He even hugged me. Pagtingin ko kay Aric-he was hurt. He was hurt
as hell.

"Magiging masaya ka sa akin, pangako 'yan." He said while hugging me.

Ang galit sa puso ko ay nag-uumapaw. Feeling ko kapag hindi ko nailabas ang galit
ko-mamatay ako.

"H'wag ka ng mag-isip. Walang mangyayaring masama sa anak natin." Ngumiti ng tipid


sa akin si Aric habang may kinukuha sa likod ng bulsa niya. "Here, get this."
Inabot niya sa akin ang isang dagger na kulay itim.

"Aanhin ko 'to?" I asked.

"Pang protekta mo sa sarili mo. Alam kong hindi sa lahat ng oras nandyan ako para
protektahan ka. Naniniwala akong magagamit mo 'yan para maisalba mo ang sarili mo."
Paliwanag niya. "Tsaka may poison ang dagger na 'yan. Kahit pinaka makapangyarihan
na nilalang sa mundo kaya niyan patayin. Even me." he explained.

Ang dagger.

Dahan-dahan kong kinuha ang dagger sa likod ko at tinanggal ang balot nito.

"Mahal na mahal kita, Nyx." Sabi niya.

"Salamat sa pag-mamahal, Trever." Sabi ko habang tinututok sakanya ang dagger.


"Pero hindi ko kayang pakisamahan ang lalaking pumatay sa anak ko."

"Huh? Ano'ng ibig mong sabihin?" bago pa siya bumitaw sa yakap niya, agad ko siyang
sinaksak. Napalayo ako sakanya at kita ko ang itim na dugo na lumabas sa bibig
niya.

Unti-unti siyang napapaluhod habang hawak ang likod niya. "B-bakit?" halos anas
niya lang na sabi. "A-all I wanted is for you to love me." A tear fell down his
cheeks. Shock was evident on his face. Hindi ata siya makapaniwala na ako mismo ang
papatay sakanya. "I love you so much, N-Nyx Lorelei Park"

"You had your chance, Trever. But you hurt my Son. And this is for killing my son."
kita ko sa dalawang mata ko kung pa'no siya malagutan ng hininga habang
nakahandusay sa lupa.

From my peripheral view, nakita kong naglalakad si Aric papunta sa akin. Nagulat
ako ng bigla niya akong yakapin.

"Salamat at ok ka." Hinaplos niya ang pisngi ko. I didn't expect him to do that.
Akala ko magagalit siya sa akin.

"Si Hunter? Kumusta na si Hunter?" tanong ko. Instead of answering me, he gave me a
weak smile.

"Tara na?" he hold my hand like nothing happened.

-=-

Avia's POV
Nasasaktan nanaman ako. Napupuno ng hinagpis sa loob ng kaharian. Tahimik lang si
Daddy, Kuya Aric, Wynner, Edric, at Tito Cris. Samantalang kaming mga babae dito ay
hindi maitago ang kalungkutang nararamdaman.

Mas lalo pa akong naiyak nang makita kong sinasabihan ni Kuya Aric si Lorelei na
bumitaw na sa yakap kay Hunter pero ayaw ni Lorelei. Ramdam ko ang sakit na
nararamdaman niya ngayon. Alam kong masakit, lalo na at anak niya ang nawala.

"Ikinamatay niya ang pagkuha sa kapangyarihan niya." Sabi bigla ni Daddy.

"King Hansel, tulungan niyo po kami. B-buhayin niyo po ang anak ko. Buhayin niyo po
ang apo niyo." Umiiyak na sabi ni Lorelei.

"Mahal ko, tama na. Hayaan na natin-"

"Hindi! Ayoko! Hindi patay ang anak ko! Buhay siya! Ako ang nagluwal sakanya kaya
alam ko!" mas lalong lumakas ang hikbi ni Lorelei dahilan para yakapin din siya ni
Kuya.

Bakit ba nangyayari 'to kay Kuya at Lorelei? Bakit ba hindi na lang sila mapunta sa
happy ending na inaasam nila? Masyado ng magulo ang lahat. Nadadamay pati ang
inosente.

"Ayos ka lang ba, Avia?" mahinang tanong sa akin ni Wynner. Tumango naman ako
sakanya.

"Kasalanan ko ata, Wy. Hindi ko agad nahanap si Hunter kaya siya namatay. Nahuli
tayo." Malungkot kong sabi.

"Wala kang kasalanan. H'wag kang mag-iisip ng ganyan. Alam mong ginawa natin ang
lahat mailigtas lang siya."

"Yeah but I still fail."

"We Avia. We failed. H'wag mong isisi ang lahat sa sarili mo. Kasama mo ako."
Hinaplos niya ang pisngi ko.

After ilang oras na pinapatahan ni Kuya si Lorelei, dinala na din si Hunter sa


isang malaking silid kung saan inihihiga ang namamatay na Royal family.

Nandito din sila Lolo Vladimir at Lola Veruca. Pati family ni Wynner ay agarang
pumunta dito sa Vampire City. Even Lorelei's Uncle-Kent is here. Kasama din ni
Edric si Kyla na suot ang amulet.

Natawa ako ng mapait na makitang masyadong malaki ang tomb para sa katawan ni
Hunter. Parang sinasabi na hindi siya nararapat doon.

The Elders is the one making the ritual. Binabasahan nila si Hunter-his body.

"He's not dead. He's not dead." Paulit-ulit na sambit ni Lorelei habang umiiyak.
Ako din. Parang ayaw kong maniwala na wala na nga siya. This is just a bad dream.

-=-

OMO! Like it was just yesterday since i made this book 2 then ending nanaman. :( As
much as i wanted to make this story a never-ending-vampire-story, but i can't. All
things has it's ending, right? After Chapter 60, Epilogue na. I won't private it.
So no worries guys. Hindi naman ako gano'n. I'm not after fame, srly! So anyway,
all the questions, clarifications and tie-ends will be told naman. Hindi muna ako
magpapasalamat kasi hindi pa naman tapos. I'm not good with words so i think a
simple Thank you to each and everyone will do. Lol.

Thank you for reading this far. I appreciate you. Yes you, no other than. :) Cyber
hug to eveyone. hihihi

XOXO

-Thyriza
####################################
Chapter 60 - All In the Right Place
####################################

Chapter 60 - All In the Right Place

Lorelei's POV

I woke up-t'was a good feeling. I'm still slumped in my bed while yawning.

"Gising ka na pala, Mahal ko." Napalingon ako sa nagsalita. It was Aric. He's
carrying a tray with foods. Nakasuot siya ng red t-shirt and blue jeans. Ang lawak
din ng ngiti niya at mukhang masaya.

I wonder. Bakit siya masaya? Hindi ba siya nagluluksa? Kamamatay lang nang anak
namin.

"Ano ba'ng nangyari kahapon?" tanong ko. Medyo blurry kasi ang memory ko. The last
thing I remember was crying. Wala akong ibang ginawa kahapon kundi puro iyak.

"Yesterday?" nag-isip naman si Aric saka ngumiti ng malapad. "Namasyal tayo. Tapos
nag-date na din since hindi na tayo nakakapag-date kasi hindi na kita masolo at-"

"What did you say?!" I can't remember anything like that. I was mourning yesterday
because my son just died! And I am angry for he's taking it lightly. Hindi ba siya
malungkot na namatay ang anak namin?!

"Hmm... Wedding jitters, eh? Gano'n daw ang mga tao kapag malapit nang ikakasal.
Nagiging mixed emotions at minsan nawawala sa isip ang mga dating ginawa." He said.
Mas lalo akong naguluhan.

"Anong wedding? Sino ikakasal?" tanong ko. Bigla namang nawala ang ngiti sa labi ni
Aric at parang nagtatampo.

"Nag-proposed ako sa'yo 1 week ago at ikakasal na tayo sa makalawa! You're acting
weird, Lorelei! If this is your way of breaking our engangement well I'm sorry pero
hindi ako papayag na maghiwalay tayo!" tapos no'n nilapag niya ang tray sa higaan
ko at lumabas sa kwarto.

Napahawak naman ako sa ulo ko. Nandito pa naman ko sa kwarto ko sa kaharian nila.
So ibig sabihin hindi naman ako umalis.
Pero bakit kami ikakasal eh kakamatay lang ni Hunter at may crisis pa ang Vampire
City dahil nga sa nasira 'to.

Bumangon ako sa kama at agad na sinilip ang bintana. Nagulat pa ako sa nakita.
Parang walang nangyaring gyera kahapon o kagabi. Diba nagkakagulo lang kahapon. I
even killed Trever!

Oh my god! I killed Trever! I'm a killer for crying out loud!

Kahit nakapangtulog pa, agad akong tumakbo palabas ng kwarto at hinanap si Aric.
Habang tumatakbo, nakita ko kung gaano kaayos ang loob ng kaharian na kahapon lang
ay halos magiba na.

"Ms. Lorelei, bakit po kayo tumatakbo? At nakapaa pa?" salubong sa akin ng isa sa
katulong nila sa kaharian. Naguguluhan na ako. Parang may naalis na memorya sa utak
ko. Naiinis na nga ako sa sarili ko eh! Gano'n na ba katagal simula nang mamatay
ang anak ko?

"S-si Aric! Nasaan si Aric?!" tanong ko. Nasasapo ko na ulo ko dahil pakiramdam ko
sasabog na 'to sa sobrang lito.

"Nasa bulwagan po siya, Ms. Lorelei." Hindi na ako sumagot saka ako tumakbo ulit.

I am so clueless! I wanted to think that this-all this was just a prank! But if
this a prank? I'll surely kill the one who thought of this idea! This is not funny!

"Aric!" I shouted his name. Hindi ko alintana na may kausap siyang Elder. Tinignan
niya lang ako habang papalapit. Siguro nagtataka din siya kung bakit ganito pa suot
ko.

"Kumain ka na ba, Lorelei?" Lumapit siya sa akin at hinapit ang bewang ko. "You're
see-through. Ayokong may makakitang iba na ganyan ka." He whispers then dragged me
out the room. Dinala niya ako sa kwarto ko kung saan nakatengga lang 'yung iniwan
niyang pagkain.

"Care to explain everything?!" nakapameywang kong sabi.

"Explain what?" painosente niya pang tanong.

"Bakit tayo ikakasal na kakamatay lang ng anak natin? At gaano na ako katagal bago
nagkaro'n ng malay?! Vampire City almost has its downfall pero tayo tuloy ang
kasal? Wala ba kayong crisis na hinaharap?" derederetso kong sabi.

Mas nainis ako ng tinignan niya lang ako na parang walang alam sa mga pinagsasabi
ko. Aric was looking at me as though I'd lost my mind.

"Anak natin?" hindi niya siguradong sabi. "As far as I can remember, you made me
sign a contract na walang pre-marital sex until we get wed. So how come na may anak
tayo?" nakakunot niyang sabi.

"May anak tayo, stupid! Trever killed him! Pero pinatay ko na din si Trever gamit
'yung dagger na binigay mo!" singhal ko sakanya. Ang sakit-sakit na talaga ng ulo
ko. Bakit ba hindi niya alam? Diba may nangyari sa amin?

"Nagda-drugs ka ba, Lorelei? At sinong Trever?! Umamin ka nga, Lorelei. Are you
fvcking cheating me with a man named fvcking Trever?!" his aura darkened.

"What?! Hell no! Trever died! I killed him! I knew you saw it! Diba? I killed
Trever because he killed our son, Hunter!" naiiyak na ako. Feeling ko may mali sa
sarili ko. Nababaliw na nga ba ako? Nakalanghap nga ba ako ng pinagbabawal na usok?

"We don't have a son yet, Lorelei. And definitely, you didn't kill a man named
Trever. Grabe pangalan pa lang nababadtrip na ako sakanya ah! Sino ba 'yan?!"

"Hindi mo kilala si Trever? Siya ang karibal mo sa akin! Pinaglaban mo nga ako
sakanya diba! I gave my self to you para hindi ako makuha ni Trever. Bakit ba hindi
mo maalala?" umiiyak ko ng sabi.

"Alam kong na-sstress ka lang kasi malapit na tayong ikasal. Pero h'wag ka namang
ganyan, Mahal ko. Baka nanaginip ka lang. Hunter ba ang pangalan ng magiging anak
natin? Kung gano'n, Hunter ang ipapangalan natin sakanya." Nakangiti niyang sabi.
Pinalis niya ang luha sa pisngi ko.

"Eh si Tito Kent? Nasaan si Tito Kent? Diba Vampire na siya?" I asked.

Ngumiti lang sa akin si Aric. "Yes. Remember naaksidente siya at muntik nang
mamatay? You asked us to turn him into a Vampire. And now, he's living in
hillside."

Napagtanto ko sa explanation ni Aric na Trever doesn't exist. At wala daw kaming


anak kasi wala pang nangyayari sa amin. But what glad me is that I'm still
bestfriend with Kyla.

I felt like all those bad things falls into its right place.

Pinaniwalaan ko na lang ang sabi nila na baka daw isang panaginip 'yon na hindi
maalis sa isipan ko. Pinaniwalaan ko na din na kasama 'yon sa wedding jitters na
nararamdaman nang ikakasal.

"OMG! I can't believe it na ikakasal ka na! Kami kaya ni Edric kailan din ikakasal?
Ang swerte niyo nga at wala man lang problema na hinarap." Sabi ni Kyla habang
kumakain kami sa isang restaurant.

And what's more surprising kasi graduate na kami ni Kyla sa college. Bakit hindi ko
man lang naramdaman na pumapasok akong school?

"Do you know a guy named Trever?" I asked her. I can't afford to ask Aric again
dahil pangalan pa lang na Trever naiinis na siya lalo na no'ng sinabi kong karibal
niya siya sa akin.

"Trever? I don't think so. Bakit?"

I shrugged. "Nagtatanong lang." I smiled. So therefore, wala talagang Trever. Baka


isa lamang talagang nightmare ang lahat.

'I was made at the wrong time so I will be born at the perfect time.'

"Huh? May sinasabi ka, Kyla?" may maliit kasing boses na nagsasalita na narinig ko.
Sounds familiar, actually. Pero since si Kyla lang naman ang kilala ko dito syempre
siya ang narinig ko.

"What? I'm not saying anything." She said then took a sip of her Mango smootie.

"Oh. I thought I heard something." Sabi ko lang saka pinagpatuloy ang pagkain.
The whole week, inasikaso ko lang ang wedding details.

I'm getting married but I didn't even remember how Aric prpoposed to me. Hindi kaya
nagkaro'n ako nang mild amnesia? Nah! Bakit naman 'yon mangyayari? Hindi naman ako
nauumpog-I think.

"Hija, ako ang gagawa ng gown mo. Don't worry at pagagandahin ko siya ng bongga!"
Excited na sabi ni Queen Ingrid. Nalaman kong dati pala siyang fashion designer.

"Talaga po, Queen Ingrid? Ay sige po para mas maganda." Natutuwa kong sabi.

Avia also helped me with other details. From venue to motif. I actually enjoying
all these. Feeling ko part na talaga ako nang family.

I was standing in the terrace nang dumating si Aric. He was smiling and looks
dazzling as usual.

"May ibibigay ako sa'yo." He said.

"Ano 'yon?" I asked.

May kinuha siyang pahabang kahita sa likod niya. It was a red velvet rectangular
box and I bet what's inside of it.

And I was right. It was a necklace. More like a heirloom kasi may kalumaan na nang
konti.

"This was Mom's. Bigay 'to sakanya ni Daddy noon. She gave me this when I was a
kid. She said, I should give this to the girl I'm going to love forever."
Pinatalikod niya ako saka isinuot ang kwintas sa akin. "So I'm giving this to you.
As a sign of my love for you. And just like my parents, magkakasama din tayo nang
matagal. We will be King and Queen of this City. And we will have a Son named
Hunter." He gently kissed my nape as he encircles his arms around my waist.

"Thank you." I said.

Weeks had passed. Ilang araw na lang ikakasal na kami. The Kang family let me live
first with Tito Kent para naman daw mamiss namin ni Aric ang isa't-isa.

"No regrets, Lorelei?" Tito Kent suddenly asked me habang nagtatampisaw ako sa
pool.

Nag-isip naman ako. Do I have regrets? I don't think so. Kasi kung mayro'n, I
shouldn't be happy right now. But I am. Masaya ako honestly.

"I have none, Tito." I said.

"Well that's good to hear." He beamed at me at sinamahan ako sa pagtampisaw sa


tubig. "After nang kasal, you will be a vampire, too. Is that what you like?"

"I want to spend the rest of my life with Aric, Tito. So yeah, it is what I like."
I confidently said.

"Very well. You know you have my blessings. And I know your parents were happy
right now." He said then hugged me.

Tito said my parents died in a Car accident. Pero sa alaala ko, they were murdered
by a guy named Trever. Pero kagaya nga ng sabi nila, it was just a nightmare na
feeling ko daw ay totoo.

Pero bakit feeling ko, masyadong mahaba ang paglalakbay ko sa panaginip para
makaramdam ako nang kalungkutan? I always thought that my parents were murdered. I
thought I died delivering my baby. I thought Trever is the Antagonist in my life.
Akala ko sobrang hirap nang mga bagay na pinagdaanan ko. Hindi pala. I actually
lived a happy life-I guess.

-=-

'I missed you, Mama and Papa. I wanted to be born again. I wanted to be with you.'

Napabalikwas ako sa pagtulog. That voice again. It's always in my head and it
sounds familiar.

"Gising na ang Bride!!!!" Kyla squeals kaya napalingon ako sa pinto. Papasok si
Kyla at Avia.

"Good morning to you, too." Nakangiti kong sabi.

"My goodness girl, maligo ka na at ikakasal ka na! eee!" Natawa lang ako kay Kyla.
Mas masaya pa ata siya sa akin eh.

"Lorelei, dala ko na 'yung gown mo. Ipapapasok ko na siya kaya maligo ka na." sabi
naman ni Avia.

Tumango naman ako saka dumeretso sa CR.

This is the last day na dalaga ako-at tao.

After I took a long bath, lumabas na ako. Naka-standby na sa kwarto ko ang make up
artist. And the best thing that caught my attention-my wedding gown.

It was perfect. Beyond my expectation!

"Ang ganda!" masaya kong sambit.

"Only the best from Mommy." Pagmamalaki ni Avia.

-=-

Aric's POV

(Play Mary Me by Jason Derulo)

Handa na ako. Actually kanina pa. Kahit pala ikaw ang pinakamalakas na nilalang sa
buong mundo-basta ikakasal ka na sa taong mahal mo, manghihina ka. Hindi dahil sa
hindi mo gusto. Kundi dahil sa hindi mo alam kung ano ang future na naghihintay sa
inyo.

"On the way na daw ang Bride sabi ni Avia." Ani Wynner.
"Ok. Tara na sa garden."

Our wedding will be held on Garden, infront of our Palace.

"Ayos ka lang, dude? Namumutla ka ata dyan?" natatawang sabi ni Wynner.

"Gago! Maputla naman talaga 'yan! Hahaha" sabat naman ni Edric.

"Mga ulol! Umayos nga kayo!"

"Wala dude! Bakit ikaw ang naunang ikasal sa amin? Hahaha" sabi ni Edric.

"Tinatanong pa ba 'yan, Edric? Kasi nagmamahal!" sabi naman ni Wynner.

"Nagsalita ang nagmamahal. Hindi ka pa din sinasagot ni Avia?" sabay tawa nang
malakas kaya inupakan siya ni Wynner.

"Mga asal bata! Umalis nga kayo sa harapan ko!" tinawanan lang ako no'ng dalawa
habang papalayo. Mga gago talaga. Ako nanaman pinagtripan. Pero nakakamiss din pala
'yung mga lokohan naming noon. Halos mga isip bata din kami noon na laging
napapagalitan nang mga magulang.

"Son!" tawag sa akin ni Daddy. Niyakap niya ako-man to man. Saka ako nginitian.
"Parang kailan lang no'ng iluwal ka nang Mommy mo. Ngayon ikakasal na ang panganay
ko." My Dad was emotional.

Dati noong bata pa ako, napapaisip ako kung bakit he's so lenient to Avia
samantalagang ako pinaghihigpitan niya. I always have trainings and studies. Lumaki
ako na nakatatak sa isip ko that I should act as a Crowned Prince.

I also envy Edric because he can play wherever he wants to. Kaya siguro naging
close din ako kay Wynner kasi bukod sa magkaibigan ang mga magulang namin-eh pareho
kami nang responsibilidad-ang kaharian.

"Be a good husband-and a good father. When you do that, you'd be a perfect King."
Dad said to me. Of course he's saying that because he's been good to Mom at to us.
And for the Vampires who lives here, he's he perfect King.

Mga ilang minuto din ang hinintay ko bago in-announce na dumating na ang bride.
Hindi na nga ako mapakali eh. Kinakabahan ako na ewan. Feeling ko nagsa-sommersault
ang tyan ko sa sobrang kaba.

Music was played. The prosession's starting. It seems so magical. By the help of
Avia, there was sparkling bright falling down while I was waiting for my Lorelei.

From my peripheral view, I saw my Mom-crying. Magkatabi sila ni Daddy at nakasandal


ang ulo ni Mommy sa balikat ni Daddy. Gusto ganyan din. Makikita ko din ang anak ko
na ikakasal-kasama si Lorelei.

The tempo of the music changed. From afternoon, biglang naging gabi. Napuno nang
bituin ang langit at maraming firefly sa paligid. Napatingin ako kay Avia na enjoy
na enjoy sa paggawa ng kanyang magic. What will I do without my twin?

All my thoughts fade away when I saw Lorelei-slowly walking down the aisle. She's
beautiful. She's perfect. Hindi nga ako nagkamali na siya ang mahalin ko. Hindi
nasayang ang taon na paghihintay ko sakanya para lang makasama siya.

Mahal na mahal ko siya at nagpapasalamat ako na hindi kami napaghiwalay. Pakiramdam


ko marami kaming pinagdaanan pero tanging masasayang bagay lang ang naalala ko
tungkol sa amin. Everything feels right. At masaya akong ganito.

I held her hand nang makalapit s'ya sa unahan ko.

"Aric." She whispers.

"I'm excited for our own forever." I said. Hinalikan ko ang kamay niya saka 'yon
pinisil ng konti. "Ready?" I asked.

"Yes. I am ready. Till forever?"

"Till forever."

------

Hi guys! This is the last chapter. Kung hinndi malinaw sa inyo ang lahat, may
epilogue pa naman. Bukas ko na lang i-post. Kk?

XOXO

-Thyriza
####################################
Epilogue
####################################

Epilogue

Hunter's POV

"Bumalik ka na sa katawan mo, hindi ka ba naaawa sa Mama mo? Iyak siya nang iyak
oh." Tinuro sa akin ni Protector sila Mama sa baba. Hindi pa ako patay. Pero mas
pinili kong mamatay para sa ikakatahimik nang lahat.

"May mas maganda akong balak. Masyado nang naghirap ang Mama kaya kailangan kong
bawiin ang lahat. Gusto ko puro kasiyahan na lang. masyado nang mahaba ang panahon
nang paghihirap niya." Sabi ko.

"Kung gano'n, ano ang gagawin mo?" tanong niya.

"Ibabalik ko ang nakaraan. Tatanggalin ko ang lahat nang pangit na pangyayari sa


buhay nang magulang ko." Sagot ko.

"Mapakapangyarihan ka, Hunter. Kaya naniniwala ako sa'yo na magagawa mo 'yan." Sabi
sa akin nang protector ko.

Bumalik ako sa kung saan nagsimula ang lahat. Sa Tita ni Mama-Laura. Hindi ko
hinayaan na magkatuluyan sila nang kanyang minamahal na Sanguinarian. Kapag ginawa
ko 'yon, hindi na mag-iisip ang Granmama ko na maghanap nang isang Transcendal.

Pero kagaya nang makapangyarihang nilalang, may limitasyon din ako. Hindi ko
napigilan ang pagkamatay nang magulang ni Mama. Naaksidente sila sa kotse pakatapos
nang birthday ni Mama.
Hindi ko rin binago kung pa'no nakilala ni Papa si Mama. Nakakakilig kasi eh.

So I jumped from another year.

There was a man named Trever. Hindi siya Transcendal. He was a normal guy that was
bound to meet my Mother. Pero binago ko 'yon. Hindi ko hinayaan na magkatagpo sila.

So to sum up the events. It was perfect-for me. Wala akong binago na makakasira sa
relasyon nila Mama at Papa.

Hindi ko rin hinayaan na magkita si Tita Avia at ang dati niyang kasintahan na si
Tito Kier. Sa palagay ko kasi, may mas mabigat na pagdadaanan ang relasyon ni Tita
Avia at Tito Wynner sa hinaharap kaya ayokong dumagdag ang sakit na mararamdaman ni
Tita Avia. But Tito Kier still alive. Hindi siya namatay nor hindi niya na-met si
Tita.

Si Tita Kyla naman at Tito Edric ay chill lang ang relasyon.

Kay Daddy Kent naman, ewan ko pero bigla na lang siyang naging malamig. Mabait siya
pero naging aloof siya sa tao simula nang maging Vampire siya. He was hit by a
truck kaya siya namatay. Pero hiniling ni Mama na gawin siyang Vampire kaya heto
siya-buhay pa.

"Masaya na ang lahat. Naitama mo na din ang mali. Ayaw mo pa bang bumalik?" tanong
sa akin nang aking Protector dito sa Nirvana.

"Ikakasal pa lang ang Mama at Papa ko. Syempre kailangan gumawa muna sila nang anak
bago ako sasanib sa katawan ko." Sabi ko naman sakanya.

"You're so brave para gawin mo 'yon. Napaka makapangyarihan mo din para ibalik mo
ang lahat sa dati at tanggalin ang mga sabagal." Aniya.

"Sobrang naghirap ang Mama ko at Papa ko dahil sa mga kaaway at dahil na din sa
akin. Alam kong ako lang ang makakagawa nito kaya ako nagsacrifice."

"Pero tandaan mo, Hunter. Bata ka pa. Kaya sana, sa pagbalik mo sakanila, mamuhay
bata ka, ha?" nakangiting sabi nang Protektor ko.

"Haha. Diba sabi ni Diety mawawala ang memorya ko sa nakaraan kapag bumalik na ako?
Kaya for sure magiging bata na ako niyan."

"Dapat lang. nakakapagod kayang magprotekta sa batang mas mataas pa sa'yo mag-isip.
Hahaha." Sabi niya sa akin

Lorelei's POV

"Hunteeeer! Catch! Oppps!"

"Avia! Bakit mo binato ang anak ko?!"

"Ang OA kuya ah! Sa balikat lang naman!"

"Baka masaktan ang anak ko!"

"Ang OA mo talaga!"
"Oy kayong dalawa. H'wag nga kayong mag-aaway. Fo sure hindi naman nasaktan ang
baby ko. Diba baby?" binuhat ko ang 1 year old baby ko. Actually, mag-iisang taon
pa lang siya sa next month. I'm glad na para lang siyang normal na bata kaya minsan
naisasama ko siya sa mundo nang tao.

Limang taon na din ang nakalipas simula nang ikasal kami ni Aric. At limang tao na
din simula no'ng huli akong namuhay bilang tao.

Masaya na ang lahat lalo na no'ng iluwal ko si Hunter. Nakakatuwa nga kasi kuhang
kuha niya ang description nang baby sa panaginip ko at sa ine-expect kong mukha
nang baby ko.

"Nakakaselos na si baby Hunter. Siya na lang lagi mong niyayakap. Ako hindi na."
nagtatampong sabi ni Aric na ikinatawa ko.

"Lambingin mo din nga Lorelei si Kuya at kulang lang 'yan sa lambing kaya ang
sungit." Hagikhik ni Avia.

"Nang-aasar ka ba talaga, ha, Avia?!"

"Bakit ba panay ang away niyo? Sa harap pa talaga ni Hunter ah?"

"Si Avia ang sawayin mo! Porket LDR sila ni Wynner dito sa atin nakikigulo!" sabi
ni Aric.

"Excuse me, Kuya! Hindi kami LDR kasi hindi naman kami, ok!?" hasik niya.

Iniwan ko ang magkambal na nagbabangayan. Sanay na ako sa ganyan. Sana lang hindi
mamana nang anak ko ang pakikipag-away. Ayaw kong maging gano'n siya.

"Lorelei, hija." Tawag sa akin ni King Hansel. Lumapit siya sa amin at agad na
napangiti nang makita si Hunter. "Ang lusog lusog ng apo ko ah." kinuha niya sa
akin si Hunter saka siya ang nagkarga.

"Mabigat na po si Hunter, Daddy. Pero mabait naman. May sumpong ata ngayon at hindi
gaanong umiimik." Aniko.

"Sumpungin ba kamo? Ay nagmana kay Aric. Hahaha,"

"Oo nga po eh." nakangiti kong sagot.

"Hiramin ko muna sa'yo si Hunter, pwede? Gusto kasi ni Mommy mo na makipagkulitan


sa bata." Paalam niya sa akin.

"Ay ok lang po. Tsaka para awatin ko na din 'yung dalawa. Nag-aasaran nanaman eh."
sabi ko kay King Hansel at agad naman niyang nakuha ang ibig kong sabihin. Daddy at
Mommy na kasi ang tawag ko sakanila since part na ako ng family.

Bumalik ako sa dati naming tinatayuan ni Hunter. Pero pagbalik ko, si Aric na lang.
At nakaupo siya sa damuhan at nagbubunot nang damo.

"Asawa ko." Tumabi ako sakanya saka ko pinilig ang ulo ko sa balikat niya.
Inakbayan naman niya ako kaya pareho naming pinagmasdan ang kalangitan.

"Si Hunter?"

"Kinuha muna ni Daddy. Makikipaglaro daw kasama ni Mommy." Sabi ko sakanya.


"Mabuti naman. Maari na pala kitang masolo." Sabi niya tapos kinabig niya ako at
niyakap. "Lagi kasi kay Hunter ang attention mo. Namimiss tuloy kita." Sabi niya.
Tinignan ko naman siya at hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti.

"Puslit muna tayo?" bulong ko sakanya.

Tinignan naman niya ako at nagtanong. "Saan?"

"Naalala mo 'yung cliff na pinupuntahan natin noon?" sabi ko.

"Ah Oo. 'Yung parang sa rain forest? Bakit?" aniya.

"Punta tayo do'n. Gustong-gusto ko makapunta ulit ro'n."

"Gusto mo ngayon na?"

"Pwede ba?" tanong ko.

Tumango naman siya sa akin. Inalalayan niya ako makatayo saka niya kinuha ang
kanang kamay ko at naglakad kami.

"Just like the old days, Lorelei?"

"Like the old days, Aric." Sabi ko.

"Why I have this feeling na espesyal sa atin ang lugar na 'yon? Feeling ko may
magandang nangyari doon na hindi ko mawari kung ano." Sabi ni Aric sa akin.

Pareho pala kami ng iniisip. Kaya gusto kong pumunta doon eh. I want to figure out
what makes that cliff special to me-to us.

"Then let's both figure things out when we arrive. Shall we?" I said while we're
walking.

"I can't wait." He said.

Hindi ko alam kung ano ang magandang bagay ang matutuklasan namin doon ni Aric.
Pero masaya ako na siya ang kasama ko.

Mahal na mahal ko si Aric pati ang anak namin. At masaya ako na nabigyan ako nang
tsansang makasama sila habangbuhay.

Because right now, they're my life. And without them, Nyx Lorelei Park-Kang is
nothing.

THE END!

---I hope nalinawan kayo. This wasn't my plan. I have my original plot pero nabago
'yon because of certain events. We don't want a tragic ending right? Because if i'm
going to stick in my original plot, I'm sure you wouldn't like it.
I'm still going to post a FAQ's so maybe 'yung ibang katanungan niyo ay masasagot
do'n.

Thank you and farewell Vampire City.

XOXO

-Thyriza
####################################
Final Author's Note // Please read this to answer all your concerns.
####################################

Hellooooooooooooooo~ How is my beloved readers? Are you doing fine? Of course you
are. Another story of mine has ended. Part of me is happy because at last, hindi na
ako mag-iisip kung ano ang ia-update ko sa Vampire City 2. And another part of me
is sad kasi sobra kong mami-miss ang storya ni Lorelei and Kang family. Ewan ko,
masyado ko ng minahal ang Vampire City series ko.

I wanted to thank all of you for the never-ending support that you'd given since
then. Some of you are my loyal reader ever since Vampire City was started. You
don't know how much it means to me especially now that the Book 1 is going to be
published. The publisher won't notice my story if no one is reading it despite the
good flow of the story (according to you hehe).

While writing Book 2, I've been through ups and down kaya hindi ko pa alam no'n
kung matatapos ko 'to kasi talagang dumating din sa dagok ng buhay ko na gusto ko
ng mag-quit. Pero dahil na din sa encouraging comments and reviews niyo-I didn't
gave up. Syempre ayaw ko kayong ma-disappoint. Plus baka makasuhan ako ng publisher
kung hindi ko 'to tatapusin kasi lahat nang stories ko ay ipiprint nila.

I started Vampire City Book 1 August 23, 2013 and less than one year, nakagawa ako
nang book 2. Making book 2 wasn't planned. Hindi ako mahilig sa sequel or book 2.
Pero sadyang magulo ang utak ko. Or maybe reflex na siya nang utak ko-ang makaisip
ng panibagong plot.

Alam niyo ba?

-Vampire City: Clash of the Royals dapat ang title nang book 2.

-Na nakaset na sa utak ko na si Kier ang makakatuluyan ni Avia.

-Na karibal dapat ni Lorelei si Kyla kay Aric.

-Na si Vance at Trever ay dapat iisa.

-Na wala dapat BS ang story. Hahaha

-Spontaneous lang ako mag-sulat. Kung ano maisip ko, tinatype ko. Kapag medyo
feeling ko gusto ko siyang baguhin pero naipost ko na, umiisip ako nang twist.

-Na hindi dapat magiging vampire si Kent

-na wala sa plano ang mabuntis si Lorelei

-na tragic ang original plot ko.


-Na dapat ay si Thunder of MBLAQ ang Aric ko at hindi si L.Joe?

FAQ's

1. May book 3 ba?

-Wala. May side story na siya entitle My Knight in Shining Fangs si Kent Manjon ang
bida.

2. Gagawan mo po ba nang story si Hunter?

-Hindi siguro. Pero kapag may naisip akong panibagong plot, pwede akong gumawa.
Pero priority ko na kasi ang MKiSF

3. May softcopy po ba?

-Dear, nababasa mo nang libre ang story ko sa wattpad. Why bother asking for sc? I
don't and won't give any SC ever!

4. What happened to Laura? Hindi naman siya relevant sa story.

-She's not. Pero kung iisipin, she is actually. Kung hindi dahil sakanya, hindi
magagalit ang Mama ni Nyx at nagawa niyang maghanap ng Vampire-where eventually
isang Transcendal ang nahanap niya.

5. May side story din ba si Avia and Wynner?

-They'll have. Kapag hindi na ako busy ipopost ko. No title yet. You can suggest.
Haha

6. Gagawa po ba kayo nang Special Chapters?

-Maybe.

7. Bakit gano'n ang ending? Magulo!

-Basahin mo ulit at intindihin mo. Nasa Epilogue naman ang explanation, diba?

8. Naging Vampire po si Lorelei? Ano power niya?

-Yes naging vampire siya. Hindi ko na sinabi kung ano ang power niya. It will
remain secret para bahala na kayong mag-isip.

9. Kailan po ire-release ang Book 1?

-Actually hindi ko pa alam. Pero stay tuned lang kayo at ibabalita ko naman sa
inyo. Or i-like niyo ang facebook page nang Life is beautiful or LIB para malaman
niyo. Baka nga bigla na lang ako ma-shock released na. haha wish ko lang na sa
birthday ko siya irelease para bongga!
Kung may mga tanong pang hindi nasasagot, comment below lang at sasagutin ko.

Explanation of the ending:

Hunter died-'yon ang pagkakaalam nila Lorelei at pamilya nito. Pero dahil
makapangyarihan siya, mas pinili niyang mamatay at gamitin ang kapangyarihan para
ibalik ang lahat sa dati-which is madaming nabago at inalis niya ang balakid. 'Yung
mga nangyari from chapter 1 to chapter 59 ay totoo lahat 'yon. Hindi siya panaginip
na ayon kay Lorelei. Hunter did something magical kaya gano'n ang nangyari. He
erased all bad memories at napalitan 'yon. At syempre, dahil binago niya ang ibang
pangyayari sa past, may naapektuhan. (refer to epilogue)

Hunter stayed in Nirvana habang naghihintay na mabuhay ulit niya. And


yes, he was born-again.

Again, I repeat. Hindi panaginip ang lahat. 'Yon lang ang akala nila
Lorelei kasi may mga fragments of memories siyang naaalala pag-gising niya. (see
chapter 60)

'Yung ginawa ni Hunter na ibinalik niya ang pangyayari at may binago


siya, may epekto 'yon syempre. Katulad ng kay Avia. She didn't meet Kier. So
therefore, may spin-off ang story. Or sequel. (Avia's story.) it's not a book 3.
Short side story lang.

Thank you-for reading this far. Vampire City Series will be signing off-for now.
^_^

XOXO

-Thyriza ♥

You might also like