You are on page 1of 15

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

H SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

E
K
A
S
I PANGKABUHAYAN SA
PANAHON NG IKAAPAT
AT BAGONG REPUBLIKA

5
Department of Education
BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION
2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental
under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the


Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.”

This material was originally produced by the Bureau of Elementary


Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

This edition has been revised with permission for online distribution
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported
by AusAID.
GRADE V

PANGKABUHAYAN SA PANAHON
NG IKAAPAT AT BAGONG REPUBLIKA

ALAMIN MO

Sa Modyul na ito matutuhan mo ang mga dahilan ng pagbagsak ng


ekonomiya ng bansa at ang isinagawa ng pamahalaang Marcos upang malutas
ang pangkabuhayan ng bansa.

Game ka na ba?

1
PAGBALIK-ARALAN MO

Isulat mo ang iyong sagot sa notebook.

Panuto: Anong programa ng pamahalaan ang isinagawa sa pagpapabuti


ng kabuhayan ng bansa? Isulat ang titik na tumutukoy dito.

______A. Reporma sa Lupa


______B. Pagpaplano ng pamilya
______C. Pilipino Muna
______D. Pagpapaunlad ng Kultura
______E. Pagpapautng sa mga negosyante
______F. Pagbabago sa sistema ng pamahalaan
______G. Programa sa edukasyon
______H. Pagpapabuti sa mga kalsada at tulay
______I. Programa sa mga rebelde
______J. Paghihikayat sa mga aktibista

PAG-ARALAN MO

Basahin mo at unawain

Dahilan ng Pagbagsak ng Ekonomiya ng Bansa

Sa pagpasok ng taong 1983, unti-unting bumagsak ang


ekonomiya ng bansa. Umutang ng malaking halaga ang pamahalaan
sa IMF (International Monetary Fund). Nagpalabas ng mga bagong
salapi ang pamahalaan, ngunit lalo pa itong nagpababa sa halaga ng
piso ang salapi ng bansa.

2
Dahil sa pagtaas ng halaga ng langis tumaas din ang halaga ng
bilihin. May mga maliliit na kompanya na nagsara. Nagdulot ito sa
mga manggagawa ng kawalan ng trabaho.

Dumalang ang mga turista at nalugi ang ilang malalaking otel.


May mga negosyanteng nangutang ng hindi nagbayad at umalis ng
bansa.

Ang ilang kawani at opisyal ng pamahalaan ay hindi naging


matapat sa kanilang panunungkulan.

Pagmasdan mo ang seashell web. Isa-isahin mong basahin ang mga


dahilan ng pagbagsak ng ekonomiyang bansa

Maraming
nawalan ng
Nagsara ang hanap-buhay Dumalang
mga
ang mga
industriya at
turista
kompanya
Nagsara
ang mga Pangungutang ng
industriya
mga negosyante
at na hindi
kompanya nagbayad

Bumaba ang Mga kawani ng


halaga ng pamahalaan ay hindi
piso tapat sa tungkulin

Mga Dahilan ng Pagbagsak ng Ekonomiya ng Bansa

3
Pag-aralan mo naman ngayon ang mga programang pangkabuhayan ng
pamahalaan.

A. Inilunsad ang KKK o Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran. Layunin nito na


mapabuti ang kalagayang panlipunan at pangkabuhayan ng mga
barangay sa buong bansa. Pitong proyekto ang binigyan nito ng
pangunahing pansin.

1. Ang Agro-Forestry ay ukol sa pagtatanim ng ipil-ipil na mapagkukunan


ng panggatong at pagkain ng mga hayop. Madaling patubuin at
palakihin ang ipil-ipil.

2. Ang Agro-Livestock naman ay ukol sa paghahayupan.

4
3. Mga industriyang pantahanan naman ang leathercraft, rattan craft,
garments, bamboocraft, woodcraft at shellcraft.

4. Napailalim sa Aquamarine ang pagtatanim ng halamang-dagat at


paggawa ng mga palaisdaan.

5
5. Isang lugar ang itinalaga upang maging punlaan ng mga binhi ng mga
halaman na tutulong sa produksyon ng mga gulay.

6. Sa Waste Utilization naman napailalim ang produksyon ng biogas at


mga pataba.

6
7. Ang pagtatayo ng mga pamilihang-bayan ay saklaw ng pagpapaunlad
ng mga palingkurang-bayan.

B. Inilunsad din ang programang Sariling Sikap. Hinikayat ang mga


mamamayan na makiisa rito. Pinayagan nito ang mga namamamasukan
na magkaroon ng dagdag na trabaho matapos ang oras ng
panunungkulan.

C. Pinasigla rin ang Agri-Business. Ang agri-business ay mga industriyang


lumilinang sa mga likas na yaman.

7
Pagmasdan mo ang graphic organizer. Isa-isahin mong basahin ang mga
programa ng pamahalaan upang mapatatag ang kabuhayan ng bansa.

Mga Programa ng Pamahalaan sa Pagpapatatag


ng Kabuhayan ng Bansa

KKK-Kilusang Sariling Sikap Agri-Business


Kabuhayan at
Kaunlaran

1. Agro-Forestry Kawani ng Linangin ang


2. Agro-Livestock pamahalaan ay likas na yaman
3. Industriyang maaring tulad ng lupa,
Pantahanan mamasukan gubat at tubig.
4. Aqua-marine pagkatapos ng
5. Punlaan ng mga kanilang trabaho
Binhi
6. Waste Utilization
7. Pamilihang-
Bayan

8
PAGSANAYAN MO

Isulat mo ang iyong sagot sa notebook.

Panuto: Pagtambalin mo ang hanay A sa hanay B. Titik lamang ang


isulat.

Hanay A Hanay B
_______1. Nauukol ito sa pagtatanim a. Agro-Business
ang ipil-ipil
b. Agro-Forestry
_______2. May kinalaman ito
paghahayupan c. Agro-Business

_______3. Pinahintulutan ang mga d. Aqua-Marine


kawani ng pamahalaan na
nagkaroon ng dagdag na e. KKK
trabaho
f. Sariling Sikap
_______4. Luliminang sa likas na yaman

_______5. Layunin nito na mapabuti ang


kalagayang pangkabuhayan
ng bawat barangay

B.
_______6. Dahilan ng pagtaas ng bilihin a. kawani ng pamahalaan

_______7. Pagkalugi ng malalaking otel b. mga mamimili

_______8. Nagdulot ng kawalan ng c. mga negosyante


trabaho sa mga mamamayan
d. pagsasara ng mga
_______9. Hindi naging matapat sa kompanya
kanilang mga trabaho
e. pagtaas ng presyo ng
_______10. Umalis ng bansa nang hindi langis
binabayaran ang inutang sa
pamahalaan f. pagdalang ng mga turista

9
TANDAAN MO

 May iba’t-ibang mga dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.

 May mga programa ang pamahalaan na ikabubuti ng kabuhayan ng


bansa.

ISAPUSO MO

Basahin at sagutin ang tanong sa iyong kuwadernong sagutan.

 Ang likas na yaman ng ating bansa ay malaking tulong sa


pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa na dapat ingatan. Paano ka
makatutulong sa pag-iingat ng likas na yaman?

GAWIN MO

Gumawa ng dayorama o mural. Ipakita mo ang isang pamayanang


mapagmamalaki. Ilarawan ang kapaligiran at hanapbuhay.

10
PAGTATAYA

Isulat mo ang iyong sagot sa notebook.

Panuto: Anong mga dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa? Pumili


ng sagot sa talaan na nasa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

A. Bumaba ang halaga ng piso


B. Tumaas ang halaga ng mga bilihin
C. Pagsasara ng mga kompanya
D. Kawalan ng hanapbuhay
E. Dumalang ang mga turista
F. Pangungutang ng mga negosyante
G. Pagpapabaya ng mga kawani ng
pamahalaan

_______1. Dahilan sa pagtaas ng halaga ng langis hindi na makapamili


ng marami si Aling Fely.

_______2. Nang umutang ng malaking halaga ang pamahalaan sa IMF,


ang salaping dala ni Linda ay para walang halaga.

_______3. Dati rati’y may trabaho si Vicky ngunit ngayon ay sa bahay na


lang siya.

_______4. Hindi pumapasok sa tamang oras si Procy sa munisipyo lagi


pang maaga kung umuwi.

_______5. Nagpunta ng ibang bansa si G. Santos at hindi na muling


nagbalik matapos mangutang ng salaping puhunan sa
pamahalaan.

_______6. Nalugi ang malalaking otel sa kamaynilaan.

_______7. Ang malaking kompanya ni Gng. Poe ay hindi makayanan ang


pagbibigay ng suweldo.

11
Panuto: Ano naman ang ginawa ng pamahalaan upang mapabuti ang
kabuhayan ng bansa? Piliin sa kahon.

A. KKK

B. Sariling Sikap

C. Agri-Business

_______8. Nagpasigla sa mga industriya gamit ang likas na yaman.

_______9. Naglalayon na mapabuti ang kabuhayan ng bansa.

_______10.Nagpapahintulot sa mga kawani ng pamahalaan na


mamasukan upang magkaroon ng dagdag na trabaho.

PAGPAPAYAMANG-GAWAIN

Alin sa mga sumusunod ang bibigyan mo ng halaga? Isulat mo sa iyong


notebook ang kasagutan. Pangatwiranan mo ang iyong napiling kasagutan.

1. Upang maging maunlad ang aming pamumuhay magluluto ako ng


kakanin at ibebenta sa mga kapitbahay.
2. Mamamasukan ako bilang katulong sa ibang bansa.
3. Magtatanim ako ng halamang ipil-ipil at mag-aalaga ako ng kambing.
4. Pagbubutihan ko ang anumang trabaho na inilaan sa akin sa
kompanyang aking pinapasukan upang ito ay umunlad.

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maaari mo
na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

12
13

You might also like