You are on page 1of 29

Kontribusyon ng mga

Pilipinong Nakipaglaban
para sa Kalayaan

Modyul sa Araling Panlipunan 6


Unang Markahan

Ginawa ni:
MARY JANE R. SADAMA

Department of Education • Schools Division Office of Apayao


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Apayao
Capagaypayan, Luna, Apayao

Published by:
Learning Resource Management and Development System

COPYRIGHT NOTICE
2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum
through the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource
Management and Development System (LRMDS). It can be reproduced for
educational purposes and the source must be acknowledged. Derivatives of the work
including creating an edited version, an enhancement or a supplementary work are
permitted provided all original work is acknowledged and the copyright is attributed.
No work may be derived from this material for commercial purposes and profit.

ii
PREFACE

This module is a project of the Curriculum Implementation Division particularly


the Learning Resource Management and Development Unit, Department of
Education, Schools Division of Apayao - CAR which is in response to the
implementation of the K to 12 Curriculum.

This Learning Material is a property of the Department of Education - CID,


Schools Division of Apayao - CAR. It aims to improve learners’ performance
specifically in Araling Panlipunan.

Date of Development : May 2020

Resource Location : Palungkada Elementary School, Luna


District, SDO-Apayao, CAR

Learning Area : Araling Panlipunan

Grade Level :6

Learning Resource Type : Module

Language : Filipino

Quarter/Week : Q1/W7

Learning Comptency/ Code : Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon


ng mga natatanging Pilipino na
nakipaglaban at para sa Kalayaan.
AP6MK-Ig-11

iii
ACKNOWLEDGEMENT

The developer wishes to thank the following people who extended their great
effort in the realization and production of this output:

SALLY B. ULLALIM, CESO V, Schools Division Superintendent of SDO Apayao


who provided her full support and in setting clear directions to the LR Teams.
SAMUEL T. EGSAEN, JR. Ed.D., OIC, Asst. Schools Division Superintendent,
SDO Apayao for his motivation and encouragement along the way during the
development of the output.
MRS. JOY D. SALENG, CID Chief for her inspiration during the development
of the output.
MS. JULIET A. RAGOJOS and MRS. JEANLYN P. PARIÑAS, Education
Program Supervisors of SDO-Apayao, who technically extended help to quality assure
this material using the LRMDS Standard Tools.
Above all, to ALMIGHTY GOD, the source of LIFE, WISDOM and BLESSINGS.

DIVISION LRMDS STAFF:

BERNADETTE P. JUAN CHRISTIAN MARK A. JULIAN


Librarian II Project Development Officer II

JULIET A. RAGOJOS
EPS-LRMDS

CONSULTANTS:

JOY D. SALENG
Chief, Curriculum Implementation Division

SAMUEL T. EGSAEN Jr., Ed.D.


OIC, Office of the Assistant Schools Division Superintendent

SALLY B. ULLALIM, CESO V


Schools Division Superintendent

iv
TALAAN NG NILALAMAN

Page
Copyright Notice …............................................................................................... ii
Preface …………………………………………………………………...…………….. iii
Acknowledgement……………………………………………………. …….………… iv
Talaan ng Nilalaman………………………………………………….……. ……..…. v
Title Page……………………………………………………………………………….. 1
Alamin ………………………………………………………………………………….. 2-3
Subukin………………………………………………………………………………….. 4
Lesson Proper
Balikan……………………………………………….…………………………… 5
Unang Gawain……………………………………………….………………….. 6
Tuklasin……………………………………………….………………………….. 6
Pagtalakay sa Unang Gawain
Suriin……………………………………………….…………………………..… 7-11
Pagyamanin………………………………………………………………………..…… 12
Unang Gawain…………………………………….……………………………. 12
Unang Pagtataya………………………………………..……………………… 12
Pangalawang Gawain………………………………….………………………. 13
Pangalawang Pagtataya………………………………….…...………………. 14
Pangatlong Gawain………………………………….…………………………. 15
Pangatlong Pagtataya………………………………….………………………. 15
Isaisip……………………………………………………………………………………. 16
Isagawa……………………………………………………………………………...….. 17
Tayahin………………………………………………………………………………….. 18
Karagdagang Gawain………………………………………………………………….. 19
Susi sa Pagwawasto ………………………………………………………………….20-21
Sanggunian …………………………………………………………………………….. 22

v
Kontribusyon ng mga
Pilipinong Nakipaglaban
para sa Kalayaan

Modyul sa Araling Panlipunan 6


Unang Markahan

Ginawa ni:
MARY JANE R. SADAMA
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalahad na mga kontibusyon ng mga natatanging Pilipino na


nakipaglaban para sa kalayaan. Sa pagnanais ng mga Pilipino na makalaya sa pananakop ng mga
dayuhan sila ay naghimagsik at nakipaglaban sa kabila ng napakaraming kakulangan sa larangan ng
himagsikan. Sa modyul na ito pag-aaralan mo ang mga Pilipino na nagbuwis ng kanilang buhay
makamtan lamang ang minimithing kalayaan ng bansa.Tatalakayin din dito ang kanilang mga naging
kontribusyon makamtan lamang ang kalayaan ng bansa.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang iyung;

Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng mga natatanging Pilipino na nakipaglaban at para sa
Kalayaan. AP6MK-Ig-11

Para sa mga mangangasiwa:

Sa mga facilitator sa modyul na ito maging matiyaga at maunawain sa pagtulong sa mga mag-aaral sa
pagsagot sa modyol na ito. Ituro sa kanila ang dapat gawin at hikayatin ang mga mag-aaral na tapusin
ang modyul. At huwag kalimutang ipaalala sa mga mag-aaral na gumamit sila ng papel para sa kanilang
mga kasagutan sa modyul.

Para sa mga mag-aaral:

Gawing malinis ang modyul na ito. Basahing muli ang modyul at siguraduhing nasusunod lahat
ang mga nakalagay na panuto sa bawat activity.Isulat ang iyong kasagutan sa papel.Pagkatapos
masagutan lahat ikumpara ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na matatagpuan sa pahina 20 at 21.
Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa modyul tanungin lamang ang iyong guro o iyong mga
magulang.

Inaasahang pagkatapos mong sagutin ang modyul na ito ay iyong nabibigyang halaga ang mga
kontribusyon ng mga natatanging Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan.

Sana ang modyul na ito ay maging kapakipakinabang sa iyong pag-aaral ng Araling Panlipunan
Grade 6.

2
Ang tsart sa ibaba ang nagsisilbing gabay sa pag-intindi sa mga ibat-ibang bahagi ng modyul
na babasahin at gagawin mo.

SIMBOLO TANDA DETALYE

Alamin Nilalaman nito ang layunin ng aralin na dapat


mong magawa.

Subukin Tinataya nito ang iyong kaalaman tungkol sa


aralin.

Balikan Ito ay pagbabalik-aral sa nakaraang aralin na


may kaugnayan sa kasalukuyang aralin.

Tuklasin Gagabayan tuklasin ang bagong aralin sa


pamamagitan ng isang gawain.

Suriin Nilalaman nito ang maikling pagtalakay sa


nilalaman ng modyul.

Pagyamanin Ito ay mga gawain na susuri sa iyong pag-unawa


sa aralin.

Isaisip Ito ay ang paglalahat o paglalagom sa mga


mahahalagang ideya o konseptong tinalakay sa
aralin.

Isagawa Ito ay ang aplikasyon o pagsasagawa sa iyong


napag-aralan sa aralin.

Tayahin
Ito ay panghuling pagtataya sa iyong napag-aralan
sa aralin.

Karagdagang Gawain Ito ay gawain na magpapalawig sa iyong


kaalaman sa aralin.

3
Subukin

Subukang sagutin ang mga sumusunod na katanungan at alamin kung gaano ang iyong
kaalaman sa mga kontribusyon ng natatanging mga Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa.

Kilala mo ba ang mga natatanging Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan?

PANUTO: Pagtambalin ang HANAY A sa HANAY B. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang
papel.

HANAY A HANAY B.

_______1. Pangulo ng unang Republika ng A. Antonio Luna

Pilipinas

_______2. Namuno sa hukbong Pilipino laban B. Macario Sakay

sa mga Amerikanong tumugis kay

Aguinaldo

_______3. Kilala bilang Utak ng Himagsikan C. Gregorio del Pilar

_______4 .Gerilyang namundok at di agad D. Emilio Aguinaldo

sumuko sa mga Amerikano

_______5. Namuno sa pakikidigma laban sa E. Trinidad Tecson

mga Amerikano

_______6. Nagtatag ng Katipunan F. Apolinario Mabini

_______7. Tumanging manumpa sa bandilang G. Melchora Aquino

Amerikano kaya’t pinatapon sa

Hongkong

_______8. Tinaguriang Ina ng Katipunan H. Artemio Ricarte

_______9 .Pinarangalan bilang ina ng I. Miguel Malvar

Biak-na-Bato

_______10. Lumaban sa himagsikan laban J. Francisco Macabulos

Sa Spain

K. Andres Bonifacio

4
Balikan

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang nasa larawan?

___________________________________________________________

2. Anu- ano ang kanyang nagawa para sa ating bansa? Sumulat ng dalawa.

A. __________________________________________________________

B. __________________________________________________________

3. Anong papel ang kanyang ginampanan sa Himagsikan?

____________________________________________________________

4. Anong klase siyang bayani?

______________________________________________________________

5
Tuklasin

Masdan ang larawan. Kilalanin ang mga naturang personalidad. Anu-ano ang naiambag nila
sa ating kasaysayan?

____________________________________________
____________________________________________
1. ____________________________________________
____________________________________________
_
Francisco Macabulos

___________________________________________
___________________________________________
2. ___________________________________________
___________________________________________

Trinidad Tecson

___________________________________________
___________________________________________
3. ___________________________________________
___________________________________________

Emilio Aguinaldo

__________________________________________
4. __________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

Melchora Aquino

__________________________________________
__________________________________________
5. __________________________________________
__________________________________________
__
Apolinario Mabini

6
Suriin

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Maliban sa mga bayani na nasa tuklasin sinu-sinu ang mga natatanging Pilipino na
nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa na kilala mo? Sumulat ng dalawa.

________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Ano ang kabayanihang nagawa ni Gregorio del Pilar sa ating bansa?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Sino ang nagpahayag ng kalayaan ng Pilipinas?


________________________________________________________________________

4. Bakit tinaguriang Utak ng Himagsijkan si Apolinario Mabini?


_______________________________________________________________________

Pag- aaralan ang ilan sa mga Natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa Kalayaan ng bansa.

Heneral Emilio Aguinaldo

 Lumaban sa himagsikan laban sa Spain at sa digmaan laban sa mga

Amerikano

 Nahalal bilang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas

 Noong Abril 19, 1901, lumagda sa isang pahayag na nagsasabing

dapat ng tanggapin ng bayan ang pamahalaan ng United States

 Nang mamatay si Bonifacio, pinamunuan niya ang pamahalaang rebolusyonaryo hanggang

ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898

Heneral Antonio Luna

 Lumaban sa himagsikan laban sa Spain

 Commander-in-Chief sa panahon ng pamumuno ni Aguinaldo

 Isa sa pinakamahusay na heneral noon

 Namuno sa pakikidigma laban sa mga Amerikano

 Pinatay siya ng mga sundalong kaalyado ni Aguinaldo noong Huyo 5,1899.

7
Gregorio del Pilar

 Pinakabatang Heneral sa gulang na 24

 Pinamunuan niya ang rebolusyong puwersa samga lalawigan ng Nueva

Ecija at Bulacan

 Lumaban sa himagsikan laban sa Spain at sa Digmaan laban sa mga

Amerikano

 Ipinagtanggol ang Pasong Tirad, kasama ang 60 kawal,upang hadlangan ang mga tumutugis

kay Aguinaldo sa mga Amerikano

 Tinaguriang “Bayani ng Pasong Tirad”

Heneral Miguel Malvar

 Lumaban sa himagsikan laban sa Spain

 Naging pinunong heneral ng Batangas

 Lumaban sa Digmaang Pilipino - Amerikano

Macario Sakay

 Lumaban sa himagsikan laban sa Spain at sa digmaan laban sa mga

Amerikano

 Ipinagpatuloy ang paglaban sa mga Amerikano kahit nahuli na si

Heneral Aguinaldo

 Itinatag ang “Republikang Tagalog” sa bulubundukin ng Sierra Madre

 Tinawag na tulisan ng mga Amerikano

 Kahuli- hulihang Pilipinong heneral na sumuko dahil pinangakuang patatawarin

 Sumuko, kasama ang kanyang mga tauhan, noong Hulyo 14, 1906 ngunit nilinlang at

pinabitay ng mga Amerikano

8
Heneral Artemio Ricarte

 Lumaban sa himagsikan laban sa Spain

 Namuno sa pag-atake sa kampo ng mga Espanyol sa

San Fancisco De Malabon

 Ipinatapon sa Guam dahil ayaw kilalanin ang kapangyarihan

ng mga Amerikano

 Palihim na bumalik sa Pilipinas at nagbalak na buuing muli ang hukbo ng rebolusyon ngunit

isinuplong siya ng kanyang kapwa kaya’t pinaratangang isang subersibo at nakulong sa

bilibid ng anim na buwan.

 Tumangging manumpa sa bandilang Amerikano kaya’t pinatapon sa Hong Kong

 Bumalik ng Pilipinas sa panahon ng administrasyon ni Jose P. Laurel

Heneral Francisco Macabulos

 Lumaban sa himagsikan laban sa Spain sa Tarlac

 Nagtatag ng sangay ng Katipunan sa Tarlac

 Nagtatag ng sariling pamahalaan sa Gitnang Luzon matapos

ang Kasunduan sa Biak-na-Bato

 Namuno sa pakikidigma laban sa mga Amerikano sa Tarlac, Pampanga, at Nueva Ecija

Apolinario Mabini

 kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko",

 Kilala bilang Utak ng Himagsikan

 Siya ang naging tagapayo ni Aguinaldo

 Ipinatapon sa Guam dahil ayaw manumpa at kilalanin ang

kapangyarihan ng mga Amerikano

9
Heneral Vicente Lukban

 Pinuno ng Hukbong nakipagdigma laban sa mga Amerikano

sa Timog Luzon

 Pinamahalaan ang Samar at Leyte noong unang Republika

ng Pilipinas

 Namuno sa pakikidigma laban sa mga Amrtikano sa Balangiga

sa Samar kung saan natalo ang mga Amerikano

Heneral Mariano Llanera

 Lumaban sa himagsikan laban sa Spain sa Bulacan, Tarlac,

Pampanga at Nueva Ecija

 Namuno sa mga pakikidigma laban sa mga Amerikano sa

Maynila

Trinidad Tecson

 . Siya ay 40 taong gulang nang sumapi ng lihim sa katipunan at tangi

siyang babaing sumumpa, naghiwa ng kanyang bisig, at lumagda sa

sariling dugo

 Kasama ang ilang katipunero, pinangunahan ang pagkokolekta ng mga

armas sa Lungsod ng Kalookan at San Isidro Nueva Ecija

 Sumama sa tropa ni Heneral Francisco Makabulos sa Zaragosa at

San Antonio, Nueva Ecija laban sa mga Espanyol

 Nakipaglaban sa mga Espanyol sa pamumuno ni Isidro Torres sa San Rafael Bulacan

 Sa pamumuno ni Heneral Mariano Llanera, lumaban din sa San Miguel, Kupang Biak-na-

Bato, San Ildefonso, Bulacan at Nueva Ecija

 Nakipagdigma laban sa mga Amerikano kasama si Heneral Gregorio del Pilar

 Tinamaan ng bala sa hita at nasugatan sa labanan sa San Miguel at Zaragosa ngunit bumalik

muli sa pakikipaglaban nang gumaling na

10
 Naging Commissary of War noong maitatag ang Republika ng Malolos

 Pinarangalan ni General Aguinaldo bilang Ina n biak-na Bato

 Sumuko sa mga Amerikano

 Pagkatapos ng digmaan, nang itatag ang Philippine Red Cross, kinilala ng mga Amerikano

bilang Ina ng Red Cross sa Pilipinas dahil sa kanyang pag-aruga sa mga sugatang sundalong

Pilipino at mga nasalanta ng digmaan.

Melchora Aquino

 Tinaguriang Tadang Sora dahil 84 taong gulang na noong sumiklab

ang Himagsikang 1896 na pinamunuan ni Andres Bonifacio

 Kinalinga at kinupkop ang mga Katipunero

 Tinaguriang Ina ng Katipunan

 Hinuli at ipinatapon sa Pulo ng Marianas ng mga Espanyol

 Bumalik sa Pilipinas noong February 26,1903

 Inalok na mabigyan ng pensyon ng mga Amerikano ngunit ito ay kanyang tinanggihan

11
Pagyamanin

UNANG GAWAIN
Hanapin mula sa kahon ang mga bayaning nakipaglaban para sa kalayaan. Isulat sa papel ang
nabuong pangalan.

D E L P I L A R A U
A S L U R E Q X I I
B W A M W W U A R O
G R N J Q A I X E P
V T E C S O N D F L
A Y R H D Z O F S M
C M A C A B U L O S
E O C G X D G O H B

UNANG PAGTATAYA
Pagtambalin ang mga larawan ng mga bayaning Pilipino sa kanilang mga pangalan na nasa
kahon sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel

.1. 2. 3.

4. 5.

Antonio Luna Mariano Llanera

Apolinario Mabini Miguel Malvar

Trinidad Tecson . Macario Sakay

12
IKALAWANG GAWAIN

Panuto: Hanapin ang mga titik at bumuo ng pangalang isasagot sa mga tanong sa ibaba

A R T E M I O R I C A R T E E T Y N M L P

U S B G A K L N M C V Z W H R H H J K O O

I D N F R A N C I S C O M A C A B U L O S

O C M G I S D H Y B A W T F Y H Q Y U E A

K V J H A D F N U N S E G G H J W T J D S

M B K J N F G M I M D R H H J K E G M C W

K N G K O G B H K J F T J J M L R B K V R

L U M E L C H O R A A Q U I N O T N N B T

H T W E L T R Q R U F Q T U E A Y M H G Y

B R D R A Y W W T L G D Y I R S F G M H U

N Y F T N U D E Y M H F U O T D G H K N I

F U G R E G O R I O D E L P I L A R L M J

R O K H R J U Y U P W R A D Z A F W O H K

D L M A A K M T O D Q T Z F X S D E P J L

Mga Tanong

1. Bumalik sa Pilipinas sa panahon ng administrasyong Jose P. Laurel

2. Namuno sa pakikidigma laban sa mga Amerikano sa Maynila

3. Nagtatag ng sangay ng katipunan sa Tarlac

4. Lumaban sa himagsikan laban sa Spain at sa Digmaan sa mga Amerikano

5. Hinuli at ipinatapon sa pulo ng Marianas

13
IKALAWANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ay kinilalang Utak ng Himagsikan.

A. Emilio Jacinto

B. Andres Bonifacio

C. Emilio Aguinaldo

D. Apolinario Mabini

2. Nagtatag ng sariling pamahalaan sa Gitnang Luzon.

A. Artemio Ricarte

B. Francisco Makabulos

C. Trinidad Tecson

D. Juan Luna

3. Sino ang kahulihulihang Pilipinong Heneral na sumuko sa mga Amerikano at nangakong

patatawarin?

A. Macario Sakay

B. Miguel Malvar

C. Reancisco Macabulos

D. Vicente Lukban

4. Siya ang nag-alaga sa mga sugatang sundalong Pilipino at mga nasalanta ng digmaan.

A. Artemio Ricarte

B. Mariao Llanera

C. Trinidad Tecson

D. Gregorio del Pilar

5. Siya ang nagpahayag ng kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12,1896.

A. Gregorio del Pilar

B. Francisco Macabulos

C. Emilio Aguinaldo

D. Apolinario Mabini

14
IKATLONG GAWAIN

Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Lagyan ng tamang sagot sa patlang. Isulat ang iyong mga sagot sa
sagutang papel.

1. Tinaguriang ________________________________ si Melchora Aquino noong sumiklab

ang digmaan dahil siya ang pinakamatandang kasapi ng himagsikan.

2. Ipinatapon ng mga Amerikano sa Guam si Artemio Ricarte sa kadahilanang


__________________________________________________.

3. Ipinahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong


____________________________________________.

4. Si __________________________ ang kinikilalang mahusay na pinuno sa labanan noong

yugto ng himagsikan.

5. Si ________________________________ ang tanging babaing kasapi ng katipunan na

sumumpa, naghiwa ng kanyang bisig at lumagda sa sariling dugo.

IKATLONG PAGTATAYA

Panuto: Kung totoo ang isinasaad ng pangungusap, Isulat sa sagutang papel ang TAMA. Kung hindi
totoo, isulat ang tamang salita na magpapatama rito. Gawing gabay ang salita o mga salitang may
salungguhit. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

___________1. Si Trinidad Tecson ang naging Commissary of War noong naitatag ang

Republika ng Malolos.

___________2. Si Heneral Antonio Luna ang naging pinunong heneral ng Batangas.

___________3. Ang namahala sa Samar at Leyte noong Unang Republika ng Pilipinas ay si

Heneral Miguel Malvar.

___________4. Si Antonio Luna ay pinatay ng mga sundalong kaalyado ni Aguinaldo noong

Hunyo 5, 1899.

___________ 5. Sumuko si Heneral Artemio Ricarte kasama ang kanyang mga tauhan noong

Hulyo 14, 1906 ngunit nilinlang at pinabitay ng mga Amerikano.

15
Isaisip

Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Isulat sa tsart ang mga natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa
kalayaan at ang nagawang kabayanihan.

Mga natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan

Pangalan Nagawang Kabayanihan

1.Macario Sakay

2. Kinilala bilang “Utak ng Himagsiakn”

Nahalal na Pangulo ng Unang Republika ng


Pilipinas
3.

Namuno sa pag-atake sa kampo ng mga


Espanyol sa San Francisco de Malabon
4.

5.Antonio Luna

16
Isagawa

Kung ikaw ay nabubuhay sa panahon ng Pananakop ng mga Amerikano at naging kabilang sa


naghangad ng kalayaan, sino sa mga bayani sa listahan ang susundin mong pinuno? Lagyan ng tsek ang
iyong napili, Isulat ang dahilan ng iyong pagpili sa ikalawang linya.

_______ 1. Apolinario Mabini


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

_______ 2. Macario Sakay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

_______ 3. Trinidad Tecson


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

_______ 4. Emilio Aguinaldo


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

_______5. Gregorio del Pilar


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

17
Tayahin

Panuto: Piliin sa kahon sa ibaba ang mga naiambag na kontribusyon ang mga sumusunod na bayani
na nakipaglaban para sa kalayaan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang Utak ng Himagsikan


Lumaban sa himagsikan laban sa Spain at sa digmaan laban sa mga Amerikano
Nagpahayag ng kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898
Kinalinga at kinupkop ang mga katipunero
Pinamunuan niya ang pakkidigma laban sa mga Amerikano sa Maynila
Nag aruga sa mga sugatang sundalong Pilipino at mga nasalanta ng digmaan
Ipinagpatuloy ang paglaban kahit nahuli na si Heneral Aguinaldo
Namuno sa pag-atake sa kampo ng mga Espanyol sa San Francisco de Malabon
Lumaban sa himagsikan laban sa Spain sa Tarlac
Pinuno ng hukbong nakipagdigma laban sa mga Amerikano sa Timog Luzon

1. Melchora Aquino ________________________________________________________

2. Trinidad Tecson_________________________________________________________

3. Vicente Lukban_________________________________________________________

4. Macario Sakay__________________________________________________________

5. Mariano Llanera________________________________________________________

6. Artemio Ricarte________________________________________________________

7. Francisco Macabulos______________________________________________________

8. Gregorio del Pilar________________________________________________________

9. Emilio Aguinaldo__________________________________________________________

10. Apolinario Mabini_______________________________________________________

18
Karagdagang Gawain

Panuto: Ipares ang ginawa nila sa HANAY A at sa kanilang pangalan sa HANAY B. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

_______1. Kinilala bilang Ina ng Red Cross sa A. Artemio Ricarte

.Pilipinas

_______2. Tinaguriang bayani ng Pasong Tirad B. Hen. Vicente Lukban

_______3. Palihim na bumalik sa Pilipinas at C. Francisco Macabulos

nagbabalak na buuing muli ang

hukbo ng rebolusyon

_______4 . Namuno sa pakikidigma laban sa D. Gregorio del Pilar

mga Amerikano sa Balangiga, Samar

kung saan natalo ang mga Amerikano

_______5. Nagtatag ng sariling pamahalaan sa E. Trinidad Tecson

Gitnang Luzon matapos ang

Kasunduan sa Biak-na –Bato G. Melchora Aquino

19
20
Pagyamanin Subukin
Activity 1 1. D
1 . Del Pilar 2. C
2 . Llanera 3. F
3. Tecson 4. B
4. Macabulos 5. A
5. Aquino 6. K
Assessment 1 7. H
1. Apolinario Mabini 8. G
2. Miguel Malvar 9. E
3. Antonio Luna 10. I
4. Mariano Llanera Suriin
5. Trinidad Tecson 1.a. Lumaban sa himagsikan laban sa Spain sa Tarlac
Activity 2 b. Nagtatag ng samahan sa Tarlac
1. Artemio Ricarte c. nagtatag ng sariling pamahalaan sa Gitnang Luzon
2. Mariano Llanera d. Namuno sa pakikdigma laban sa mga Ameriano sa
Tarlac, Pampaga, at Nueva Ecija
3.Francisco Macabulos
2.a. Pinangunahan ang pagkolekta ng mga armas sa
4. Gregorio del Pilar Lungsod ng Kalookan
5. Melchora Aquino b. Nakipaglaban sa mga Espanyol sa pamumuno ni
Assessment 2 Isidro Torres
1. A c. Nakipagdigma laban sa mga Amerikano kasama si
del Pilar
2. B
d.Nag-aruga sa mga sugatang sundalong Pilipino na
3. A nasalanta ng digmaan
4. C 3.a.Lumaban sa himagsikan laban sa Spain at sa
digmaan laban sa mga Amerikano
5. C
b. Nahala na Pangulo ng Unang republika ng Pilipinas
c. nagpahayag ng kalayaan ng Pilipinas
4. a. kinalinga at kinupkop ang mga katipunero
b. tinaguriang Tndang Sora
5. a. Utak ng Himagsikan
Susi sa Pagwawasto
21
Tayahin Activity 3
1. kinalinga at kinupkop ang mga katipunero 1.Tandang Sora
2. Nag-aruga sa mga sugatang sundalong pilipino at 2.ayaw kilalanin ang kapangyarihan ng mga Amerikano
mga nasalanta ng digmaan
3. Hunyo 12,1898
3. Pinuno ng hukbong nakipagdigma laban sa mga
4. Emilio Aguinaldo
Amerikano sa timog Luzon 5. Trinidad Tecson
4. Ipinagpatuloy ang paglaban sa mga Amerikano kahit Assessment 3
nahuli na si Aguinaldo
1.Tama
5.Pinamunuan ang pakikidigma laban sa mga
2. Miguel Malvar
Amerikano s Maynila
3. Vicente Lukban
6.Namuno sa pag-atake sa kampo ng mga Espanyol sa
San Francisco de Malabon 4. Macario Sakay
7.Lumaban sa himagsikan laban sa Spain sa Tarlac 5. Tama
8. Lumaban sa himagsikan laban sa Spain at sa Isaisip
1.Lumaban sa himagsikan laban sa Spain at sa digmaan
Digmaan laban sa Amerikano
laban sa mga Amerikano
9.Nagpahayag ng kalayaan ng Pilipinas noong
Ipinagpatuloy ang paglaban kahit nahuli na si
Hunyo 12,1898 Aguinaldo
10. Ang Utak ng Himagsikan 2. Apolinario Mabini
3. Emilio Aguinaldo
4. a. kinalinga at kinupkop ang mga katipunero
4. Artemio ricarte
b. tinaguriang Tndang Sora
5. Namuno sa pakikidigma laban sa mga Amerikano
5. a. Utak ng Himagsikan
Lumaban sa himagsikan laban sa Spain
Karagdagang Gawain
Isagawa
1. E
Si Apolinario Mabini
2. D
Naging tagapayo ni Pangulong Aguinaldo, Siya ang
3. A
Utak ng Himagsikan. Diya ay hindi naniniwala na
4. B
totoong nakipagkaibigan at tutulong ang mga
5. C
Amerikano sa mga Pilipino
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Antonio Eleanor D., Emilia L. Banlaygas,Evangeline M. Dallo. Kayamanan Batayan at Sanayang


Aklat sa Araling Panlipunan 6. Rev.ed . Sampaloc, Manila Philippines, Rex Bookstore,Inc., 2017

lrmds.deped.gov.ph. EASE Modyul 9 Ang Rebolusyong Pilipino Tungo sa Kalayaan, Department of


Education, DepEd Complex,Meralco Avenue Pasig City. August 24,2014

lrmds.deped.gov.ph. EASE Modyul 12 Ang Pananakop ng mga Amerikano, Department of Education,


DepEd Complex,Meralco Avenue Pasig City. August 26,2014

DepEdCARLR#: 698-13-21MELCS

22
FOR EDUCATIONAL PURPOSES ONLY
Subject for Copyright Evaluation

For inquiries or feedback, please write or email:

Department of Education - Schools Division of Apayao


Capagaypayan, Luna, Apayao
Email Address: apayao@deped.gov.ph

You might also like