You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

BARANGAY MAPULANG LUPA


Lungsod ng Valenzuela

TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY


==================================================================
HANGO SA KATITIKAN SA PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG
BARANGAY NG MAPULANG LUPA NA GINANAP NOONG IKA-2 NG MARSO, 2017
GANAP NA IKA-4:00 NG HAPON SA SESSION HALL, 2ND FLOOR NG BARANGAY
HALL NG MAPULANG LUPA, LUNGSOD NG VALENZUELA.
==================================================================

Mga dumalo:
Kgg. FERNANDO C. FRANCISCO - Punong Barangay
Kgg. ARNEL C. NATIVIDAD - Barangay Kagawad
Kgg. LEOPOLDO B. BLANCO - Barangay Kagawad
Kgg. CHIQUI MARIE N. CARREON Barangay Kagawad
Kgg. RENATO C. CANDIDO - Barangay Kagawad
Kgg. MARK E. SANTIAGO - Barangay Kagawad
Kgg. REYNALDO H. OROSCO - Barangay Kagawad
Kgg. GILICIO F. DE GULA - Barangay Kagawad
MARIESOL L. MENDOZA - Ingat-Yaman
MARIO E. DE GUZMAN - Kalihim

KAPASYAHAN BLG. 11– 2017

ISANG KAPASYAHAN NG SANGGUNIANG BARANGAY NG MAPULANG LUPA NA


HUMIHILING NA MAGLAGAY NG FIRE HYDRANT SA PUROK 4 AT PUROK 6.

SAPAGKAT, Ang Sangguniang Barangay ng Mapulang Lupa ay aktibong sumusuporta at


nagpapalaganap ng ibat-ibang kaalaman para sa Fire Prevention Month ng Bureau of Fire ng
Lungsod ng Valenzuela.

SAPAGKAT, layunin ng Sangguniag Barangay na madagdagan ang kaalaman ng mamamayan


ng Mapulang Lupa sa oras na dumating ang sakuna o magkaroon ng sunog sa ating barangay.

SAPAGKAT, Ang barangay ay walang sapat na pondo upang makapagpatayo ng Fire Hydrant
sa Purok 4 at Purok 6.

SAPAGKAT, ang paglalagay ng Fire Hydrant sa Purok 4 at Purok 6 at malaking tulong upang
mabilis na maapula ang apoy sa nasabing lugar sapagkat makikipot at masisikip ang mga daan at
hindi kakayaning makapasok ng mga truk ng bumbero kung mayroong sunog sa nasabing mga
lugar.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, ay iminungkahi ni Kgd. Gilicio F. De Gula na humiling kay
Kgg. Rex T. Gatchalian, Punong Lungsod ng Valenzuela na mapagkalooban ang Sangguniang
Barangay na makapaglagay ng Fire Hydrant sa Purok 4 at Purok 6 upang mabilis na maapula o
maaksyunan kung mayroong sunog sa ating barangay. Ito’y pinangalawahan ni Kgd. Reynaldo
H. Orosco at sinang-ayunan ng lahat.
IPINASYA RIN , na bigyan ng sipi ng Kapasyahang ito ang Punong Lungsod ng Valenzuela na
si Kgg. Rexlon T. Gatchalian, at iba pang kinauukulan para sa kabatiran nila sa mga bagay na
ito.

Pagpapatunay

MARIO E. DE GUZMAN
Kalihim
NAGPAPATIBAY:

Kgg. ARNEL C. NATIVIDAD Kgg. LEOPOLDO B. BLANCO


Kagawad Kagawad

Kgg. CHIQUI MARIE N. CARREON Kgg. RENATO C. CANDIDO


Kagawad Kagawad

Kgg. MARK E. SANTIAGO Kgg. REYNALDO H. OROSCO


Kagawad Kagawad

Kgg. GILICIO F. DE GULA


Kagawad
PINAGTITIBAY:

Kgg. FERNANDO C. FRANCISCO


Punong Barangay

You might also like