You are on page 1of 5

Di Masusing Banghay Sa Aralin sa EPP 4 Entrepreneurship

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahan nang,
a. Naiisaisa ang katangian ng isang entrepreneur
b. Naipagmamalaki ang katangian ng isang enterprenuer
c. Nakikilala ang sariling kakayahang magagamit sa paghahanapbuhay

II. Paksang Aralin

a. Paksa : Katangian ng Entrepreneur


b. Sanggunian : FL-EPP pp. 4 (EPP4IE-0a-1)
Textbook: Edukasyong Pantahanan at
A Pangkabuhayan 4
c. Kagamitan : mga larawan,Libro, kagamitan sa paghahanda, internet
ccc laptop

II. Pamamaraan: (Pamaraang Pabuod)

1. Paghahanda
a. Panalangin
b. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral
c. Pag check ng attendance
d. Balik aral
Sa tulong ng mga larawan magbalik aral sa nakaraang topic.

2. Paglinang na Gawain

1. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan ng mga entrepreneur at tanungin ang mga
mag-aaral sa kanilang nalalaman tungkol dito.
2. Panimulang Gawain–
Punan ang graphic organizer sa ibaba ng hinihingi impormasyon.

Magandang
katangian ng
entrepreneur

1. 2. 3. 4. 5.

3. Pagtatalakay

a. Gamit ang power point presentation italakay sa mga mag-aaral


ang mga magagandang katangian ng isang entrepreneur.
b. Ipabasa ng malakas sa mga mag-aaral ang talata na
mapapanuod sa powerpoint presentation
c. Ipaliwanag sa mga mag-aaral kung anu ang ibig sabihin ng
entrepreneur.
d. Ipabasa ng malakas sa mga mag-aaral ang talata sa libro tungkol
kung ano ang dapat na ugali at katangian ng isang entrepreneur.
e. Ipaliwanag ang mga gawaing kaugnay sa pangangasiwa ng
tindahan o Negosyo.
f. Ipaliwanag ang mga paraan ng pagtatala ng mga paninda
g. Ipaliwanag ang tamang paraan ng pagtitinda ng mga produkto at
mga pwedeng stratehiya upang lumakas ang benta.

4. Paglalahat
Maraming katangian na dapat taglayin ang isang mahusay na
entrepreneur. Isa rito ang makapagbigay saya sa mga mamimili kapag
sila ay nasisiyahan sa isang produkto at serbisyo. Dadami ang tatangkilik
dito.

Gabay na Katanungan:
1. Magbigay ng isang magandang katangian na dapat taglayin ng
isang Entrepreneur?
2. Ang pagpapamalas ng magandang katangian ay nakakapagbigay
ba ng saya sa mga kostumer? Bakit?
3. Kung ang mga mamimili ay nasisiyahan ay tatangkilikin ba nila
ang mga produkto? Ipaliwanag.
4.

5. Paglalapat (Differentiated Activities)

Pagpapangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa tatlong grupo at bibigyan


ang bawat pangkat ng isang topic upang kanilang maipaliwanag.

Para sa unang grupo


*Mga katangian ng isang entrepreneur

Para sa ikalawang grupo


*Mga gawain sa pamamahala ng isang Negosyo.

Para sa ikatlong grupo


*kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting katangian sa
s Negosyo.

III. Pagtataya
Gawain 1:
Panuto: Tukuyin ang mga katangian ng isang entrepreneur sa bawat sitwasyon.
V Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong isang malinis na papel.

a. Optimistiko
b. Malikhain
c. Mapanghikayat
d. Maparaan
e. Matapat

1. Si mang ben ay isang panadero nagiisip ng mga bago at kakaibang paraan


para maibenta ang mga produkto
2. Si aling Cora na isinauli ang naiwang sukli sa mamimili.
3. Kahit hindi kumite ang unang negosyo ni Roman, ay patuloy parin niyang
sinusubukan ang ibang paraan.
4. Si Maria ay naglaan ng sapat na oras para mapag-aralan at mapaunlad ang
kanyang negosyo.
5. Si mang Karding ay magaling makipagusap at making sa mga mamimili.
Sinisiguro niya na mapapabili ito sa kaniyang Negosyo.
Gawain 2:
Panuto: Kilalanin kung huwaran (ideal) na entrepreneur o hindi ang ipinapakita sa
isang sitwasyon. Isulat ang H kung huwaran at HDH kung hindi huwaran.

1. Nagbebenta ng expired na pagkain.


2. Dumadalo sa mga seminars at training tungkol sa pagpapalago ng mga
Negosyo.
3. Matapat sa mga mamimili.
4. Sinisiguro ang mga kapakanan ng mga empleyado.
5. Ipinagbibili ang mga produkto sa mataas na halaga.

IV. Takdang Aralin


Magsagawa ng isang panayam (interview) sa isang kakilalang may-ari ng isang
tidahan at itanong ang sumusunod,

1. Mahirap po bang mamahala ng isang sari-sari store?


2. Paano mo po napapanatili na maayos na na pakikitungo sa mga kostumer?
3. Anu po ang mabuting hatid ng iyong Negosyo sa inyong pamilya?
4. Sa isang tindahan ay hindi nawawala ang mga pasaway na costumer, paano mo
po napangangasiwaan ang ganitong uri ng costumer?

Ihinanda ni:
Jollina Magdasoc
BEED III-20
Criteria Ratings
Objectives ---------------------------------
25% 23%

Module Activities/Interaction--------25% 22%


Assessment Strategy--------------------25%
23%
Accessibility--------------------------------25 22%
% 90%
1
00%

ROCHELLE M. NECERIO
Teacher 1
Binanderahan E/S

You might also like