You are on page 1of 2

SAN FRANCISCO, QUEZON

LDENHS
LUALHATI D. EDAÑO NATIONAL HIGH SCHOOL
SCHOOL ID:308039

Nagkaroon ng webinar ang mga coordinator ng gulayan sa paaralan. Pinag-usapan sa naturang webinar ang
tungkol sa pagtatanim ng malunggay sa paaralan. Tinalakay ang kahalagahan ng malunggay bilang pampalakas ng
katawan at sa mga bitaminang makukuha sa pagkain nito.

Ang coordinator sa gulayan ng paaralan ay sumangguni sa Ulong guro ng paaralan upang maisagawa ang
pagtatanim ng malunggay . Upang maisakatuparan ang proyekto ay humingi ng tulong ang coordinator ng gulayan
sa paaralan sa mga Suprime Student Government (SSG) at ilang mag-aaral. Agad tumugon ang Suprime Student
Government (SSG) at ilang mag-aaral sa nasabing gagawing pagtatanim.

Noong ika-30 ng Hunyo 2022 ay isinagawa ang pagtatanim limampung puno ng malunggay sa likod ng
paaralan. Bago taniman ng mag-aaral ang likod ng paaralan ay nilinisan muna nila ito,sa dami ng lumahok ay madali
nilang natapos ang pagtatanim. Ipinaliwanag ng coordinator ng gulayan sa paaralan sa mga lumahok ang
kahalagahan ng pagtatanim ng malunggay at ang mga sustansya na makukuha sa pagkain nito. Layunin ng
proyektong ito na mabigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng pagtatanim at pagkain ng
malunggay at mga sustansya na makukuha dito.

You might also like