You are on page 1of 15

MGA ELEMENTO

NG PROGRAMANG
PAMPAGLALAKBAY
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino
sa Piling Larang-Akademik

Unang Markahan Modyul 1 Linggo 7

EDNA D. SARMIENTO
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Pampangasiwaan


ng Cordillera
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera

KARAPATANG-ARI
2021

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan kung saan
ginawa ang akda upang pagkakitaan ito. Kabilang sa maaaring gawin ng nasabing
ahensya o tanggapan ay ang magpataw ng royalty bilang kondisyon.
Ang modyul na ito ay nilinang sa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong
Pampangasiwaan ng Cordillera, para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum
partikular ngayong panahon ng pandemya. Alinmang bahagi ng materyal na ito ay
pinahihintulutang kopyahin o paunlarin para sa layuning edukasyonal lamang basta’t
humingi ng pahintulot at kilalanin ang may-ari nito. Hindi pinahihintulutan ang
paghalaw ng anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o
pagkakakitaan.
Ipinauunawa ring ang modyul na ito ay nabuo sa tulong din ng mga
impormasyon mula sa iba’t ibang sanggunian na may mga karapatang-ari. Kung may
pagkukulang sa pagsipi o iba pang kamalian sa modyul, ito ay hindi sinasadya at ang
bumuo nito ay bukas sa anumang pagwawasto.

ii
ALAMIN
Magandang araw sa iyong muli aking mag-aaral! Nasa ikapitong
linggo na tayo ng ating makabuluhang talakayan. Isa na namang yugto ng
pagpapanday ng kaalaman at karunungan sa asignaturang ito. Ang modyul
na ito ay idinisenyo upang mapunan ng kaalaman at kamalayan na maging
sandata sa pagpapayabong ng sarili. Inaasahan kong magagawa mo ito
nang mabuti sa pamamagitan ng pagsunod sa mga panuto at pagkumpleto
sa kinakailangang gawain.
Ngayong linggo, tatalakayin natin ang mga elemento ng programang
pampaglalakbay kung saan nagtataglay ito ng mga pahayag tungkol sa
karanasan sa paglalakbay . Mahalagang malaman natin ang mga
elementong ito nang sa gayon ay magabayan tayo sa kung ang pinapanood
ba ay may taglay na layunin o kung maayos ba ang paglalahad dito nang sa
gayon ay may matutunan tayo sa ating pinapanood.
Sa pagtatapos ng modyul, inaasahan kong matamo mo ang layuning:
Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang
pampaglalakbay (CS_FA11/12 PU-Op-r-94 ) .
Alam kong sabik ka na sa ating paglalakbay ngunit paalala lamang na
bago ka dumako sa mga sumusunod na gawain ay tapusin muna ang
nauna. Panatilihing malinis ang iyong papel at huwag susulatan ang modyul
na ito. Gamitin ang kalakip na sagutang papel.
Handa ka na ba? Tara, simulan na natin.

SUBUKIN
Simulan natin sa paunang pagsubok ang ating paksa ngayon. Huwag kang
mag-alala, ito ay susubok sa kung ano na ang nakaimbak sa iyong kaalaman. Kung
may mga hindi ka alam, ito ay iyong malalaman sa pagtatapos ng modyul.
Iminumungkahi kong magpatuloy ka lang hanggang sa wakas. Basahin ang mga
panuto bago sumagot.

Panuto: Piliin ang salitang dapat ipuno sa patlang upang mabuo ang diwa ng
bawat pangungusap. Isulat ang titik lamang ng iyong sagot sa iyong sagutang
papel.
_______1. Ito ang iba pang katawagan sa lakbay-sanaysay.
a. travelogue c. travel essay
b. travel and write d. a at b
_______2. Ang sanaylakbay ayon kay Nonon Carandang ay binubuo ng tatlong
konsepto. Ano-ano ang mga ito?
a. sanay, lakbay,abay c. sanaysay,lugar, nilakbay
b. sanaysay, sanay,lakbay d. abc
1
_______3. Ito ay maituturing na isang libangan at maaaring pagkakitaan kung
saan isinasalaysay ng may-akda ang mga paglalakbay na kanyang
isinasagawa.
a. twitter c. instagram
b. facebook d. travel blog
_______4. Ang mga sumusunod ay mga layunin ng isang lakbay-sanaysay maliban
sa isa.
a. nakapagbibigay ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay
b. maipakita na ikaw ay mayaman dahil sa mga paglalakbay na
isinasagawa
c. maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa
malikhaing pamamaraan
d. makapagtala ng pansariling kasaysayan sa paglalakbay
_______5. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-
sanaysay maliban sa isa.
a. sumulat sa ikalawang panauhang punto de-bista.
b. magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista
c. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay
d. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutunan sa ginawang paglalakbay
_______6. Mahalaga itong gawin sa isang lakbay-sanaysay maliban sa isa.
a. kumuha ng larawan
b. magtala ng mahahalagang lugar, kalye, restoran, gusali, at iba pa
c. maglagay ng napakadetalyadong deskripsyon
d.sa mga larawan, ilagay ang eksaktong lokasyon kung saan ito
matatagpuan
_______7. Bukod sa matamang obserbasyon hinggil sa paligid o mga pangyayari,
mahalagang _____________ din ng manlalakbay ang mga bagay-
bagay upang lubos na maunawaan at mabigyang-kahulugan ang mga
pangyayari.
a. makakuha ng larawan
b. saliksikin
c. maranasan
d. mailista
_______8. Ang “Its More Fun in the Philippines” ay isinusulong ng Kagawaran ng
Turismo bilang pagmamalaki sa turismo ng ating bansa. Ang
nasalungguhitang salita ay halimbawa ng _____.
a. pahayag c. hashtag
b. kasabihan d. islogan

_______9. Matagumpay ang isang lakbay-sanaysay kung ito ay nakapag-iiwan sa


mambabasa ng ______________ na alaala ng isang lugar bagama’t
hindi nila ito napupuntahan.

2
a. likas at malawak c. masaya at kapana-panabik
b. sariwa at malinaw d. motibasyon at makulay
_______10. Bukod sa paggamit ng akmang salita batay sa himig ng lakbay-
sanaysay na iyong bubuoin, maaari ka ring gumamit nito upang higit na
masining ang pagkakasulat nito.
a. simpleng salita c. tayutay , idyoma o matatalinhagang salita
b. direktang pahayag d. detalyadong pahayag
_______11. Ito ang magsisilbing pinakapuso ng sanaysay.
a. pagbabahagi sa mga mambabasa ng mga gintong aral na nakuha
bunga ng epekto ng ginawang paglalakbay.
b. paghihikayat sa dapat na gawin sa paglalakbay
c. paglalahad ng magagandang karanasan at hindi ang mga pagsubok
d. mga kuhang larawan
_______12. Para mapagtibay ang sanaysay, kailangang ang larawan ay nakatuon
sa ______________
a. sarili kasama ang lugar
b. mahihirap na paraan ng pagkuha
c. pang-umagang kuha para maliwanag
d. mahahalagang larawang kailangan
_______13. Anong pahayag ang hindi ginamitan ng unang panauhang punto de-
bista?
a. Nang araw na iyon ay patungo kami sa Northern Blossom sa Atok,
Benguet upang masilayan ang naggagandahang mga bulaklak.
b. Sumayaw ako ng Bendian Dance kasama ang mga matatanda.
c. Damang-dama ko ang lamig ng tubig sa Kaparkan Falls.
d. Maraming mga magagandang tanawin sa Cordillera na malimit
pasyalan.
_______14. Isa sa mahalagang elemento ng lakbay-sanaysay o maging ang mga
programang pampaglalakbay ay ang katangian nitong matiyak ang
kawilihan ng mambabasa o manonood ay ______________hanggang sa
katapusan.
a. mapukaw c. manatili
b. mangibabaw d. maramdaman
_______15. Piliin ang angkop na paraan ng paglalahad ng isang lakbay-sanaysay.
a. Agad kong napansin ang napakalaking rosas sa Burnham Park at
agad ko itong kinunan ng larawan.
b. Pumunta silang magkakaibigan sa Banaue Rice Terraces upang
doon ay ipinta ang berdeng palayan.
c. Masayang naakyat ng magpipinsan ang Mt.Pulag matapos ang
mahaba-habang oras din na lakaran.
d. Maraming pook pasyalan ang nagsara muna dahil sa pandemya.

3
BALIKAN
Simulan mo ang araling ito sa pamamagitan ng isang paglalayag. Alamin kung
saan matatagpuan ang mga pamosong pasyalan sa Pilipinas na nakatala sa ibaba sa
pamamagitan ng pagpuno sa mga nawawalang letra . Pagkatapos ay isulat ang
nakatagong mensahe na nasa sa loob ng kahon.
1. Magellan’s Cross ___ ____ ___
2. Calle Crisologo ____ ___ ___ ___
3. White Beach ____ ___ ___ ___ ___ ___
4. Underground River ____ ___ ___ ___ ___ ____
5. Chocolate Hills ___ ___ ___ ___
6. Strawberry Farm ___ ___ ___ ___ ___ ___
7. Taal Volcano ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
8. Hanging Coffins ___ ___ ___ ___ ___
9. Mt. Mayon ___ ___ ___ ___
10. Banaue Rice Terraces ___ ___ ___ ___ ___

Mesahe:___________________________

TUKLASIN
Bago ka magpatuloy sa mismong aralin, nais ko munang panoorin ang blog ni
Drew sa youtube na may pamagat na Biyahe ni Drew: Mouth-watering adventure
in Benguet sa link na https://www.youtube.com/watch?v=Hd_m8YtQFMY

Sagutin:
1. Ano-ano ang itinampok sa programang pampaglalakbay ni Drew na makikita
sa Cordillera ang iyong napanood?

2. Anong lugar o gawain ang nais mong marating o maranasan? Bakit?

3. Ano-anong mga kultura ng mga Cordilleran ang ipinakita sa blog?

Nagustuhan mo ba ang napanood na isang uri ng programang


pampaglalakbay? Nakatataba ng puso lalo na kung ang mismong iyong lugar ay
ibinabahagi sa buong mundo di ba? Alam mo bang maraming pook sa Pilipinas ang
nagtataglay ng magagandang tanawin? Halika, ipagpatuloy natin ang pagtuklas sa
mga ito

4
SURIIN
Nasagot mo ba ang mga lugar kung saan matatagpuan ang mga pamosong
pasyalan sa Pilipinas? Nagustuhan mo ba ang pagbiyahe natin? Kung iyong nasagot
lahat, binabati kita! Kung hindi naman, huwag kang mag-alala dahil madaragdagan
pa ang iyong kaalaman sa ating pagpapatuloy. Basahin at unawain ang mga
sumusunod na impormasyon tungkol sa lakbay-sanaysay na isa sa pangunahing
kailangan sa pamprogramang pampaglalakbay.

Alam mo ba…
Ang Lakbay-Sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue? Ito
ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga
naging karanasan sa paglalakbay. Ayon kay Nonon Carandang, ito ay
tinatawag niyang sanaylakbay kung saan ang terminolohiyang ito, ayon
sa kanya, ay binubuo ng tatlong konsepto: sanaysay, sanay, lakbay.
Naniniwala siyang ang sanaysay ang pinakaepektibog pormat ng sulatin
upang maitala ang mga naranasan sa paglalakbay.

Ayon naman kay Patti Marxsen, maituturing na matagumpay ang


isang lakbay-sanaysay kung ito ay nakapag-iiwan sa mambabasa ng
sariwa at malinaw na alaala ng isang lugar bagama’t hindi pa nila ito
napupuntahan.

Narito ang mga dahilan ng pagsulat ng Lakbay-sanaysay ayon kay Dr.


Lilian Antonio, et.al. sa kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay (2013:
1. Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat. Isang halimbawa
nito ay ang paggawa ng travel blog kung saan ay maituturing na isang
libangan at gayundin naman ay maaaring pagkakitaan.
2. Layunin nitong makalikha ng patnubay para sa posibleng manlalakbay.
3. Sa lakbay-sanaysay, maaari ring itala ang pansariling kasaysayan sa
paglalakbay tulad ng espiritwalidad, pagpapahilom, o kaya’y pagtuklas sa
sarili.
4. Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa
malikhaing pamamaraan.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

1. Magkaroon ng kaisipang manlakbay sa halip na isang turista.


Sinisikap ng isang manlalakbay na maunawaan ang kultura, kasaysayan,
heograpiya, hanapbuhay, pagkain at maging uri ng pang-araw-araw na pamumuhay
ng mga tao upang sa kanyang pagsulat ay hindi lamang nakabatay sa mga kuhang
5
larawan ang mga kaisipan o impormasyong itatala kundi malalim niyang
maipaliliwanag o mailalarawan ang mga bagay na kanyang nakita o namalas.
2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.
Karamihan sa nilalaman ng sanaysay ay mula sa mga nakita, narinig,
naunawaan, at naranasan ng manunulat. Kadalasang napakapersonal ang tinig ng
lakbay-sanaysay.
3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay.
Mahalagang matukoy kung ano ang magiging pokus ng susulating lakbay-
sanaysay batay sa human interest. Ang pagtukoy sa tiyak na paksa ay makatutulong
upang matiyak ang sakop ng nilalaman ng lakbay-sanaysay. Tinatawag itong
delimitasyon sa pagsulat ng isang akda.
4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa
dokumentasyon habang naglalakbay.
Ang mga pangunahing gamit na dapat dala ay ang panulat, kwaderno o
dyornal, at kamera. Mahalagang maitala ang mahahalagang lugar, kalye,gusali , at
iba pa. Ang wastong detalyeng may kinalaman sa mahahalagang lugar na nakita,
nabisita o napuntahan ang magbibigay ng kredibilidad sa sanaysay. Para sa mga
larawan, mahalagang maglagay ng mga impormasyon para sa mga mambabasa.
Maaaring ilagay ang eksaktong lokasyon kung saan ito matatagpuan, maikling
deskripsyon, o di kaya naman ay maikling kasaysayan nito. Iwasang maglagay ng
napakadetalyadong deskripsyon upang ito ay kawilihang basahin ng mga
mambabasa.
5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.
Ito ang magsisilbing pinakapuso ng sanaysay kung saan ibabahagi sa mga
mambabasa ang mga gintong aral na nakuha bunga ng epekto ng ginawang
paglalakbay.
6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.
Mahalagang taglayin ng ma-akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng
wika. SIkaping ang susulatn ay maging malinaw, organisado, lohial, at malaman.
Gumamit ng akmang salita batay sa himig ng lakbay-sanaysay. Maaari ring gumamit
ng mga t ayutay, idyoma, o matalinghagang salita upang higit na maging masining
ang pagkakasulat nito.

Sa pangkalahatan, sa pagsusulat ng lakbay-sanaysay, maging obhetibo sa


paglatag ng impormasyon. SIkaping mailahad ang katotohanan sa pamamgitan ng
paglalahad ng mga positibo at negatibong karanasan at maging ang kondisyong ng
lugar na pinuntahan. Maaaring ipakita ang mga ito sa tulong ng photo essay. SIkaping
hindi nakatuon sa sarili ang mga larawan sa photo essay kundi ang mahahalagang
larawang kailangan para mapagtibay ang sanaysay.
Mga Elemento ng Programang Pampaglalakbay
1. Pamagat ng Programa
2. Kailan ito Ipinalabas at Gaano ito Katagal
3. Buod/ tampok na Paglalakbay
4. Taglay na Elemento ng Paglalahad na Nakita sa Programa (mga
naobserbahan, mga pangyayari, mga magagandang natutuhan, mga
natuklasan)

6
PAGYAMANIN
Sana ay naunawaan mo ang iyong mga binasa. Sa bahaging ito, may mga
inihandang pagsasanay upang mas lumalim ang iyong pag-unawa sa paksa. Gawin
mo ang mga ito upang ikaw ay lalong matuto. Simulan mo na!

It’s More Fun in The Philippines: Balikan ang sampung pamosong lugar sa
bahaging BALIKAN. Panoorin ang mga nagawang travel blog sa youtube. Pumili ng
isa sa mga ito at suriin ang mga elemento ng programang pampaglalakbay.

1. Pamagat ng Programa:___________________________________________
_____________________________________________________________
2. Kailan ito Ipinalabas at Gaano ito Katagal:____________________________
Sino ang may-akda/blogger:______ _________________________________
3. Buod/ tampok na Paglalakbay:_____________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Taglay na Elemento ng Paglalahad na Nakita sa Programa (mga
naobserbahan, mga pangyayari, mga magagandang natutuhan, mga
natuklasan)
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
ISAISIP
Inaasahan kong marami kang natutuhan at natuklasan mula sa napanood na
mga blog sa internet. Marahil ay may nagising na diwa sa ito. Nawa ay nadagdagan
ang iyong kaalaman hinggil rito. Dugtungan ang mga pahayag sa ibaba at isulat sa
iyong sagutang papel.
Gawain 1: Matapos mong mapanood ang iba’t ibang blogs o dokumentaryong
paglalakbay , ano ngayon ang iyong naisip at naramdaman?

Naisip kong

Naramdaman kong

7
ISAGAWA
Ngayong pandemya, madalas na nanonood tayo ng mga blogs. Hindi lamang
tayo nalilibang kundi tayo nakakukuha rin ng dagdag kaalaman. Nagiging malikhain
ang bawat isa sa atin lalo na at nakakasabay naman tayo sa teknolohiya. Para sa
iyong gagawin, inaasahan kong makalikha ka ng isang blog.
GAWAIN: AKO ANG BIDA.
Gumawa ng hindi hihigit sa dalawang minutong blog gabay ang mga natutunan
sa araling ito. Maglakbay sa loob ng bahay o sa bakuran. Maaaring makisuyo sa
mga kasambahay. Obserbahan ang health protocols. Ipadala ang nabuong maikling
blog sa messenger o group chat ng klase.
Para sa mga walang kagamitan o di makahiram ng cellphone na pangvideo,
sumulat ng isang blog na may 700 hanggang 800 na salita. Ipadala ito sa messenger
o ilakip sa sagutang papel.
Mga Pamantayan sa Pagblog/ Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay Puntos
Nilalaman (Sapat at wasto ang nilalaman ng lakbay-sanaysay 10
tungkol sa isang partikular na paksa.)
Organisasyon (Maayos at magkakaugnay-ugnay ang mga 10
pangyayari o mga impormasyon)
Wastong Balarila at Mekaniks (Kamamalasan ng wastong 10
pagbabaybay, pagbabantas, paggamit ng salita, at pagbuo ng
mga pangungusap)
30

TAYAHIN
Bilang panapos, sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit sa ibaba.
Unawaing mabuti ang mga panuto. Kayang-kaya mo ‘yan!
Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pangungusap o pahayag. Piliin at isulat
ang titik ng sagot sa iyong sagutang papel.
________1. Ito ang iba pang katawagan sa lakbay-sanaysay.
a. travelogue c. travel essay
b. travel and write d. a at b
_______2. Ang sanaylakbay ayon kay Nonon Carandang ay binubuo ng tatlong
konsepto. Ano-ano ang mga ito?
a. sanay, lakbay,abay c. sanaysay, sanay,lakbay
b. sanaysay,lugar, nilakbay d. abc
_______3. Ito ay maituturing na isang libangan at maaaring pagkakitaan kung
saan isinasalaysay ng may-akda ang mga paglalakbay na kanyang
isinasagawa.

8
a. twitter c. instagram
b. travel blog d. facebook
_______4. Ang mga sumusunod ay mga layunin ng isang lakbay-sanaysay maliban
sa isa.
a. nakapagbibigay ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay
b. maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa
malikhaing pamamaraan
c. maipakita na ikaw ay mayaman dahil sa mga paglalakbay na
isinasagawa
d. makapagtala ng pansariling kasaysayan sa paglalakbay
_______5. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-
sanaysay maliban sa isa.
a. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay
b. magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista
c. sumulat sa ikalawang panauhang punto de-bista.
d. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutunan sa ginawang paglalakbay
_______6. Mahalaga itong gawin sa isang lakbay-sanaysay maliban sa isa.
a. kumuha ng larawan
b. maglagay ng napakadetalyadong deskripsyon
c. magtala ng mahahalagang lugar, kalye, restoran, gusali, at iba pa
d.sa mga larawan, ilagay ang eksaktong lokasyon kung saan ito
matatagpuan
_______7. Bukod sa matamang obserbasyon hinggil sa paligid o mga pangyayari,
mahalagang _____________ din ng manlalakbay ang mga bagay-
bagay upang lubos na maunawaan at mabigyang-kahulugan ang mga
pangyayari.
a. maranasan c. makakuha ng larawan
b. saliksikin d. mailista
_______8. Ang “Its More Fun in the Philippines” ay isinusulong ng Kagawaran ng
Turismo bilang pagmamalaki sa turismo ng ating bansa. Ang
nasalungguhitang salita ay halimbawa ng _____.
a. pahayag c. hashtag
b. kasabihan d. islogan
_______9. Matagumpay ang isang lakbay-sanaysay kung ito ay nakapag-iiwan sa
mambabasa ng ______________ na alaala ng isang lugar bagama’t
hindi nila ito napupuntahan.
a. likas at malawak c. masaya at kapana-panabik
b. sariwa at malinaw d. motibasyon at makulay
_______10. Bukod sa paggamit ng akmang salita batay sa himig ng lakbay-
sanaysay na iyong bubuoin, maaari ka ring gumamit nito upang higit na
masining ang pagkakasulat nito.
a. simpleng salita c. tayutay , idyoma o matatalinhagang salita
b. direktang pahayag d. detalyadong pahayag
9
_______11. Ito ang magsisilbing pinakapuso ng sanaysay.
a. pagbabahagi sa mga mambabasa ng mga gintong aral na nakuha
bunga ng epekto ng ginawang paglalakbay.
b. paghihikayat sa dapat na gawin sa paglalakbay
c. paglalahad ng magagandang karanasan at hindi ang mga pagsubok
d. mga kuhang larawan
_______12. Para mapagtibay ang sanaysay, kailangang ang larawan ay nakatuon
sa ______________
a. sarili kasama ang lugar
b. mahihirap na paraan ng pagkuha
c. mahahalagang larawang kailangan
d. pang-umagang kuha para maliwanag
_______13. Anong pahayag ang hindi ginamitan ng unang panauhang punto de-
bista?
a. Maraming mga magagandang tanawin sa Cordillera na malimit
pasyalan.
b. Nang araw na iyon ay patungo kami sa Northern Blossom sa Atok,
Benguet upang masilayan ang naggagandahang mga bulaklak.
c. Sumayaw ako ng Bendian Dance kasama ang mga matatanda.
d. Damang-dama ko ang lamig ng tubig sa Kaparkan Falls.
_______14. Isa sa mahalagang elemento ng lakbay-sanaysay o maging ang mga
programang pampaglalakbay ay ang katangian nitong matiyak ang
kawilihan ng mambabasa o manonood ay ______________hanggang sa
katapusan.
a. mapukaw c. maramdaman
b. mangibabaw d. manatili
_______15. Piliin ang angkop na paraan ng paglalahad ng isang lakbay-sanaysay.
a. Pumunta silang magkakaibigan sa Banaue Rice Terraces upang
doon ay ipinta ang berdeng palayan.
b. Agad kong napansin ang napakalaking rosas sa Burnham Park. Di
ko mapigilang ito ay samyuhin at kuhanan ng larawan.
c. Masayang naakyat ng magpipinsan ang Mt.Pulag matapos ang
mahaba-habang oras din na lakaran.
d. Maraming pook pasyalan ang nagsara muna dahil sa pandemya.

10
KARAGDAGANG GAWAIN
Matapos na mapanood ang sampung dokumentaryo ng travelogue na nasa
bahagi ng BALIKAN, ilahad ang mga naobserbahan, natutuhan o mga natuklasan
gamit ang akrostik na BLOGS.

Mahusay! Binabati kita at natapos mong isagawa


ang mga gawain sa modyul na ito. Inaasahan kong may
nadagdag na kaalaman sa iyo na magsisilbing
pundasyon mo sa hinaharap. Ipagpatuloy mo ang
pagiging masigasig sa mga susunod pang mga modyul!
Tandaan, laging lamang ang taong maalam! Paalam!

11
12
SUBUKIN
1. D BALIKAN
2. B 1. Cebu
3. D 2. Vigan
4. B 3. Boracay
5. A 4. Palawan
6. C 5. Bohol
7. C 6. Benguet
8. D 7. Tagaytay
9. B 8. Sagada
10. C 9. Albay
11. A 10. Ifugao
12. D
13. D Mensahe: BIYAHE TAYO
14. C
15. A
TAYAHIN
TUKLASIN 1. D
Magkakaiba ang sagot 2. C
PAGYAMANIN 3. B
Magkakaiba ang sagot 4. C
ISAISIP 5. C
Magkakaiba ang sagot 6. B
ISAGAWA 7. A
Magkakaiba ang sagot 8. D
KARAGDAGANG GAWAIN 9. B
Magkakaiba ang sagot 10. C
11. A
12. C
13. A
14. D
15. B
SUSI SA PAGWAWASTO
TALASANGGUNIAN
Aklat
Garcia, Floranttet C. (2016). Pintig: Filipino sa Piling Larang (Akademik) . SIBS
Publishing Hoouse INC. Quezon Ave. Quezon City.

Baisa-Julian, Ailene at Lontoc, Nestor (2016). Pinagyamang Pluma: Filipino sa


Piling Larang. Phoenix Publishing House, Inc. Quezon Ave. Quezon City.

Internet
Biyahe ni Drew: Mouth-watering adventure in Benguet
https://www.youtube.com/watch?v=Hd_m8YtQFMY

You might also like