You are on page 1of 9

Senior High School

Baitang 11

Filipino – Unang Semestre

MODYUL SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK


SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Unang Kwarter - Ikaapat na Linggo (Aralin 4)

Gamit ng Wika sa Lipunan


Batay sa Napanood
na Palabas sa Telebisyon
at Pelikula

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Kompetensi: Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood
na palabas sa telebisyon at pelikula (F11PD-Id-87)
Filipino - Baitang 11
Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Gamit ng Wika sa Lipunan Batay sa Napanood na Palabas sa Telebisyon at Pelikula
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng mga paaralan ng
Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino

Writers: Joseph P. Cagcon, Kattie C. Tagud, Rhyne Mae S. Gales


Ma. Lulubel C. Claro, Ruel B. Casipe Jr., Ma. Tita E. Cadavos

Illustrators: Roel S. Palmaira, Precious E. Garcia


[

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor, Rhyne Mae S. Gales

Division Quality Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan


Armand Glenn S. Lapor, Gilanes June C. Cagbay

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Kompetensi: Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood
na palabas sa telebisyon at pelikula (F11PD-Id-87)
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino, Baitang 11.

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga dalubhasa
mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito
upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng modyul na mapatnubayan ang mag-aaral sa malayang pagkatuto


na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan sila upang malinang at makamit ang panghabambuhay ng mga
kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga
mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga
bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa
kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Pangunahing layunin nito
na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa
paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na mga
gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at unawain upang masundan ang
mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.
Gamit ng Wika sa Lipunan
sa pamamagitan ng Napanood na Palabas
sa Telebisyon at Pelikula
Tunay kang pag-asa ng bayan! Sa iyong pagiging masigasig nakarating ka sa
araling ito.
Sa nakaraang modyul ay inyong nakilala at nabigyang kahulugan ang mga
komunikatibong gamit ng wika sa lipunan. Iyong napagtanto na mahalaga ang
gampanin ng wika sa lipunan dahil ito ang susi sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng
mga mamamayan.
Ating pag-aaralan ang panibagong kompetensi, na:
• natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng
napanood na palabas sa telebisyon at pelikula (F11PS-Id-87).
Upang matamo ang ating ninanais narito ang tiyak na layunin:
• nakikilala ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan.
Tara, simulan natin……

Panuto: Basahin at unawain ang diyalogo at tukuyin ang tungkulin ng wika ng mga
pahayag na may salungguhit. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
sagutang papel.
A. Instrumental B. Regulatoryo C. Heuristik
Juana : Parang (1) Nais kong sumali sa Arbor Day Celebration bukas.
Juan : Huh! Sigurado ka? (2) Ano ba ang nangyayari sa Arbor Day?
Juana : Ito po ang araw na kung saan sama-sama po ang lahat sa pagtatanim ng mga
punongkahoy.
Juan : (3) Bakit po kailangang magtanim ng punongkahoy?
Juana : (4) Ginagawa ito upang tumulong sa pagsipsip ng tubig sa lupa mula sa ulan dahil
dito makakaiwas tayo sa baha at landslide. Kaya, ang punong kahoy ay mahala sa
ating buhay.
Juan : (5) Maliban sa landslide, may iba pa bang maitutulong ang pagtatanim na punong
kahoy?
Juana : Marami pa. (6) Ang punong kahoy ay nagbibigay ng sariwang hangin sa atin at
maliban dito ginagamit din ito sa paggawa ng mga tahanan.
Juan : Ayun pala yun!, (7) bakit ang ilan po diyan sinusunog nila ang kagubatan?
Juana : (8) Ang pagsunog ng kagubatan o kaingin system ay proseso ng pagahawan ng isang
lupain o kagubatan sa pamamagitan ng pagsunog o pagputol ng puno at halaman
upang mataniman. May masama po itong epekto sa kalikasan, tao at hayop.
Juan : Ganu’n ba “yun?
Juana : (9) Tandaan ang mabilis na pagkasira at pagkaubos ng ating kagubatan ay maituturing na
isang suliranin na dapat bigyang pansin ng namumuno sa ating pamahalaan.

Ayan, pagbutihin mo pa. Ipagpatuloy ang pagiging magaling.


1
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood
na palabas sa telebisyon at pelikula (F11PD-Id-87)
A. Basahin at Unawain
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag.

Tauhan A: “Uuuuy pare! Long-Time-No See. Maligayang Kaarawan! Happy


Birthday!
Tauhan B: “Hoy! Bumangon ka na at mamalengke. Bumili ka ng karne ng baboy
at manok para sa okasyon mamayang hapon.”

Tauhan C: Paano magparehestro bilang botante para sa mga 1st time voters?
Tandaan..Siguraduhing mayroon kang sapat na kwalipikasyon bago
magparehistro:

➢ Pilipino-18 taong gulang o higit pa;


➢ kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas ng isang taon o higit pa bago ang
araw ng eleksiyon at naninirahan ng hindi bababa ng anim na buwan sa
bayan o siyudad kung saan siya boboto sa araw ng halalan;
➢ sagutan at ipasa ang application form;
➢ pagdaanan ang proseso ng validation o pagkuha ng biometrics data; at
➢ itago at ibibigay ang registration stub.
Tauhan D: Ang sa akin lang, hindi ako komportable na nagpopost ng mga litrato
sa internet gamit ang aking social media accounts tulad nga Facebook
at Instagram.
Tauhan E: Ano-anong elemento ang matatagpuan sa planetang Mars? Sapat ba
ito para suportahan ang buhay ng tao at halaman?

Tauhan F: “Kamakailan inilunsad ng pamahalaan ang P2P Bus System o Point-


to-Point Bus System na may rota mula SM North Edsa Quezon City-
Glorietta, Makati City sa Kamaynilaan. Naglalayon itong maibsan ang
matinding trapik sa Edsa. Ang P2P bus system ay nagsasakay at
nagbababa lamang sa isang napiling bus stop.”

B. Suriin
Panuto: Sagutin ang mga tanong.
1. Sino-sino ang nagsasalita at ang kinakausap sa diyalogo na iyong binasa?
______________________________________________________________
2. Ano ang kanilang pinag-uusapan?
______________________________________________________________
2
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood
na palabas sa telebisyon at pelikula (F11PD-Id-87)
3. Saang lugar kaya sila nag-uusap?
______________________________________________________________
4. Anong pangyayari kaya ang inilahad sa teksto?
______________________________________________________________
5. Batay sa sitwasyon, ano ang gamit ng wika?
______________________________________________________________
6. Ano ang layunin ng tagapagsalita sa bawat pahayag?

Pahayag Sagot
Tauhan A
Tauhan B
Tauhan C
Tauhan D
Tauhan E
Tauhan F

C. Alamin

Gamit ng Wika sa Lipunan


Anumang wika ay may tungkuling tumugon sa pangangailangan ng tao at
lipunang kinabibilangan nito. Halimbawa, hindi lubos mauunawaan ang baryasyon ng
wika kung pag-aaralan lamang ay ang mga linguwistikong estrakturang bumubuo rito,
at isasantabi ang mga di-linguwistikong pangyayari o pagkakataon na nagbunsod sa
pagsulpot nito bilang panlipunang gamit at produkto ng isang layunin sa
komunikasyon. Sa ganitong diwa, mailalapat ang prinsipyo ng dulog-sa-gamit
(functional approach) na sa pag-aaral sa wika na ipananukala ni Halliday noong 1973.
Ang wika ay napakamahalaga sa buhay ng bawat tao. Isipin na ang
isang lipunan o pamayanan na walang wikang gamit. Hindi ba’t ang mga mamamayan
ay magmimistulang mga hayop na nagsisipag-iyakan lamang. Bahagi ng paghubog at
paglinang ng ating pagkatao ang wika. Napakahalaga din ng wika sa ating pang araw-
araw na buhay. Bata, matanda, babae o lalaki, lahat ay may karapatang sibil upang
maipahayag ang kani-kanilang saloobin. Wika ang siyang ating paraan upang
masabing kung gaano natin iniirog ang mga mahal natin sa buhay.
Gamit din natin ito sa pakikipagsalamuha sa kapwa, sa kapaligiran, at sa
lipunan. Sa larangan ng musika, sining, at iba pang pagbibigay-aliw sa kapwa, ang
wika ang ating ginagamit na instrumento upang maipaabot ang ating mensahe sa mga
tao. Sa pagbibigay balita at impormasyon, wika rin ang ating gamit sa anumang
larangan na pang-interaksyong sosyal.

3
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood
na palabas sa telebisyon at pelikula (F11PD-Id-87)
Gabay natin ang wika sa anumang antas at uri ng kinatatayuan sa buhay. Sa
paaralan, tayo ay nagtatalastasan at nakikipagpalitan ng kuro-kuro gamit ang wika.
Sa pagkamit ng hustisya, at pagtanggol sa karapatang pantao, wika rin ang ating
armas upang ito ay ating makamtan. Instrumento ngang tunay ang wika, maging sa
pinakasalimuot man o sa pinakamasayang kaganapang nangyayari sa ating buhay.

Malapit mo nang makabisado ang ating aralin pero may mga gawain pang tiyak
kalilibangan mo.

Gawain A
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag na ginamit sa LINANGIN NATIN sa
pamamagitan ng pagtukoy sa gamit ng wika na ginamit bawat pahayag at
pagpapaliwanag sa mga ito.

Tauhan A: “Uuuuy pare! Long-Time-No See. Maligayang Kaarawan! Happy


Birthday!

GAMIT NG WIKA PALIWANAG

Tauhan B: “Hoy! Bumangon kana at mamalengke. Bumili ka ng karne ng


baboy at manok para sa okasyon mamayang hapon.”

GAMIT NG WIKA PALIWANAG

Tauhan C: Paano magparehistro bilang botante para sa mga 1st time voters?
Tandaan. Siguraduhing mayroon kang sapat na kwalipikasyon
bago magparehistro:
➢ Pilipino-18 taong gulang o higit pa;
➢ kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas ng isang taon o higit pa bago
ang araw ng eleksiyon at naninirahan ng hindi bababa ng anim na
buwan sa bayan o siyudad kung saan siya boboto sa araw ng
halalan;
➢ sagutan at ipasa ang application form;
➢ pagdaanan ang proseso ng validation o pagkuha ng biometrics data;
➢ itago at ibibigay ang registration stub.

GAMIT NG WIKA PALIWANAG

4
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood
na palabas sa telebisyon at pelikula (F11PD-Id-87)
Tauhan D: Ang sa akin lang, hindi ako komportable na nagpopost ng mga litrato
sa internet gamit ang aking social media accounts tulad nga
Facebook at Instagram.

GAMIT NG WIKA PALIWANAG

Tauhan E: Ano-anong elemento ang matatagpuan sa planetang Mars? Sapat


ba ito para suportahan ang buhay ng tao at halaman?

GAMIT NG WIKA PALIWANAG

Tauhan F: “Kamakailan inilunsad ng pamahalaan ang P2P Bus System o Point-


to-Point Bus System na may rota mula SM North Edsa Quezon
City-Glorietta, Makati City sa Kamaynilaan. Naglalayon itong
maibsan ang matinding trapik sa Edsa. Ang P2P bus system ay
nagsasakay at nagbababa lamang sa isang napiling bus stop.”

GAMIT NG WIKA PALIWANAG

Gawain B.
Panuto: Panoorin ang sumusunod na mga video clips. Pumili ng bahagi nito at
tukuyin ang gamit ng wika na ginamit. Ipaliwanag kung bakit.
Mula sa Pelikulang HENERAL LUNA (2015) sa direksiyon ni Jerrold Tarog.
1. (https://www.youtube.com/watch?v=5gN-7XLbxU) 3:37-3:54

2. (https://www.youtube.com/watch?v=5gN-7XLbxU) 3:37-3:54

3. (https://www.youtube.com/watch?v=5gN-7XLbxU)- 51:57- 52:10

4. (https://www.youtube.com/watch?v=5gN-7XLbxU) - 5:57-6:10

5. (https://www.youtube.com/watch?v=5gN-7XLbxU) -30:32-30:38

5
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood
na palabas sa telebisyon at pelikula (F11PD-Id-87)
Mahilig ka bang manood ng pelikula o palabas sa telebisyon? Dito ay
makapupulot ng makabagong kaalaman at karagdagang impormasyon na iyong
magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Makikita rin natin ang kahalagahan
ng wika. Kung nanonood ka ng programang Mr. Bean, mababatid mo na bagama’t
nauunawaan mo ang banghay ng programa ay kailangan ng atensiyon at pokus upang
ito ay lubos na maunawaan. Dito makikita ang mahalagang gamit ng wika na susi sa
mas lalong pag-unawa.
Panuto: Pumili ng pahayag sa tatlong napanood na palabas sa telebisyon o
pelikula. Ang sumusunod ay halimbawang pahayag mula sa isang eksena
sa pelikula. Tukuyin ang gamit ng wika at bakit ito ang iyong napili.
Halimbawa:
Ethan: Sana ‘yon ang ibinigay ko na instant love para you will stay Joy….
Joy: Ginawa mo ‘yon para pilitin mo akong piliin ka?
Ethan: Kung mahal mo ako, bakit hindi ako ang piliin mo Joy?
Joy: Kung mahal mo ako bakit pinapapili mo ako?
-Ethan at Joy, Hello, Love, Goodbye

Magaling! Ipagpatuloy mo pa ang iyong kagalingan sa susunod na aralin.

6
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood
na palabas sa telebisyon at pelikula (F11PD-Id-87)

You might also like