You are on page 1of 3

EBENEZER BIBLE COLLEGE AND SEMINARY, INC.

CALARIAN, ZAMBOANGA CITY 7000 PHILIPPINES


A Theological Institution of the
Christian and Missionary Alliance Churches of the Philippines, Inc.
Developing Servant Leaders
Mother Tongue 2

Pangngalan
- Ito ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook/lugar at
pangyayari.
Halimbawa:

Tao: nanay
Bagay: lapis
Hayop: aso
Lugar/Pook:
Pangyayari: Kaarawan

Mahilig si Rico sa mga hayop. Sa katunayan marami siyang alagang hayop. May alaga
siyang aso, kuneho, palaka, pagong, pusa, at ibon. Sa tuwing pumupunta si Rico sa palengke
ay isinasama niya ang kaniyang aso. Katabi naman niya ang kaniyang pusa sa pagtulog.
Pagkagaling ng paaralan ay agad niyang binibigyan ng patuka ang kaniyang alagang ibon
habang sinasabayan ito ng pagkanta. Hindi niya rin pinapabayaan ang kaniyang alagang pagong
at palaka. Sinisigurado niya na malinis ang tubig sa kulungan nito. Itinuturing ni Rico ang
kaniyang mga alaga na kaniyang pamilya. Mahal na mahal ito ni Rico.

Ngunit isang araw, biglang may dumating na bagyo. Binaha ang bahay nila Rico. Nang
humupa na ang tubig nawawala ang kanyang alagang pagong at palaka. Labis siyang umiyak sa
nangyari. Kinabukasan ay agad siyang nagising sa sobrang ingay ng kaniyang paligid.
Dumungaw siya sa bintana at nakita niya ang sobrang daming palakang nagkukumpolan. Agad
niyang napagtanto ang pamilya na kabilang ang kaniyang alagang palaka. Ganoon din ang
kaniyang naisip sa kaniyang nawawalang pagong na may kasama na itong kapwa niya pagong.
Masaya na rin si Rico sa nangyari. At ang kaniyang inalagaan na lamang ay ang kaniyang aso,
pusa at kuneho. Pinakawalan niya na rin ang kaniyang alagang ibon dahil hindi ito dapat na
ikinukulong.

Mga halimbawa ng pangngalan na Makikita sa Maikling Kuwento:


1. Rico (tao)
2. kulungan, bahay, bintana (bagay)
3. aso, kuneho, palaka, pagong, pusa, ibon (hayop)
4. palengke, paaralan (lugar)

Kasarian ng Pangngalan

A. Panlalake

Ito ay may ngalang pantawag sa lalaki. Halimbawa: ama, tiyo, ginoo, Kiko

B. Pambabae
EBENEZER BIBLE COLLEGE AND SEMINARY, INC.
CALARIAN, ZAMBOANGA CITY 7000 PHILIPPINES
A Theological Institution of the
Christian and Missionary Alliance Churches of the Philippines, Inc.
Developing Servant Leaders

Ito ay may ngalang pantawag sa babae. Halibawa: ina, ginang, ate, Hannah

C. Di- Tiyak

Ito ay mga ngalan na hindi matukoy kung pambabae o panlalake. Halimbawa:


anak, pinsan

D. Walang Kasarian

Ito ay tumutukoy sa mga bagay na walang buhay. Halimbawa : lapis, bag

Ang Aking Mga Laruan

Marami akong laruan. Ito ay bigay ng aking nanay, tita, lolo at ng mga kapatid.
Mayroon akong manika na iba-iba ang itsura, at mga luto-lutuan na may kasamang iba’t ibang
hugis ng gulay at prutas. Mayroon din akong mga puzzle na gustong-gusto ko dahil tumatalas
ang aking isipan. Pagkatapos kong laruin ang mga ito, inililigpit at ibinabalik ko sa kabinet.

Ito ang mga pangngalan na makikita sa maikling kuwento:


1. lolo (panlalake)
2. nanay, tita (pambabae)
3. kapatid (di- tiyak)
4. manika, luto-lutuan, puzzle at cabinet (walang kasarian)

Pangngalang Palansak o Lansakan

Ang pangngalang palansak ay isang uri ng pangngalan. Ito ay tumutukoy sa maraming


bilang ng ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Ito ay pinagsama-samang pangalan
ngunit hindi tiyak ang eksaktong dami o bilang.

Sa madaling salita ang pangngalang palansak ay nagsasaad ng kaisahan, karamihan o kabuuan.

Halimbawa:

 pangkat ng mag-aaral
 pamilya
 komunidad
 kumpol
 tumpok

Halimbawa ng Pangngalang Palansak sa Pangungusap:

1. Ang pangkat ng mag-aaral ay lumahok sa paligsahan ng pagguhit.


2. Bumili ako ng buwig ng saging sa palengke.
EBENEZER BIBLE COLLEGE AND SEMINARY, INC.
CALARIAN, ZAMBOANGA CITY 7000 PHILIPPINES
A Theological Institution of the
Christian and Missionary Alliance Churches of the Philippines, Inc.
Developing Servant Leaders
3. Mura ngayong ang kilo ng asukal.
4. Ang grupo ng mga batang ito ay talagang magagaling.
5. Naglaga ang nanay ng bungkos ng talbos ng kamote.

You might also like