You are on page 1of 1

Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong

Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.

Wikang Filipino; Tandaan, Mahalin, at Ipagmalaki


ni: Sharleen Joy Punzalan

Filipino, isang makapanahong salita


Isang lenguaheng may kasaysayang napakahaba
Ngunit sa buong Pilipinas hindi lang ito ang winiwika
Sapagkat iba't ibang tribo ang nasa bansa.

Mga kababayan itaga niyo ito sa puso’t isipan,


Mayroon tayong isandaang-walomput-pitong wika
At pitong libo't anim na daang apatnaput-isang isla
Lahat ng ito’y magkakasama sa iisang bansa.

Mga Pilipino, mga magigiting na sundalo


Hindi nag-aatubiling ipaglaban ang sariling bansa
Kaya't tayo'y nabubuhay nang mapayapa
Dahil alam natin kung ano ang mali at tama.

May mga lugar na hindi ramdam ang kapayapaan


Ano ang nangyari sa ating katarungan?
Hinihingi’ng hustisya ng mga tao sa kapaligiran
Hinahanap kung nasaan, ba’t nag bibingibingihan?

Lupang pinaglaban ng ating mga bayani


Wikang Filipino na nagsimbolo ng ating kalayaan
Tulunga’t hilahin natin pataas ang bawat isa
At huwag limutin ang wikang ating pinagmulan.

You might also like