You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa KasaysayanngDaigdig

UNANG MARKAHAN

I.Layunin

1. Natatalakay ang mga ugnayan ng klima at katangiang pisikal ng daigdig sa


pamumuhay ng tao;
2. Nabibigyan halaga ang Climate Change sa kasalukuyang panahon;
3. Nakagagawa ng reflective journal kung paano makakatulong upang
maiwasan ang Climate Change.

II. Nilalaman

A. Paksa: Katangiang Pisikal ng Daigdig

B. Kagamitan: Pisara, Powerpoint Presentation, marker, pantulong na biswal ,


T.V,laptop, manila paper, art materials

C. Sanggunian: AralingPanlipunan: KasaysayanngDaigdig 8


Modyulngmga Mag-aaral
KagawaranngEdukasyon
pp. 21-26

D. Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig


E. Government Thrust: Climate Change

III. Pamamaraan

Panimulang Gawain
Panalangin (1 minuto)
Patalista ( 1 minuto )
Balitaan ( 5 Minuto )

Balik-aral ( 2-3 minuto)


Anu-ano ang mga kilalang anyong Lupa at anyong tubig sa daigdig.

Pagganyak: (3minuto)
Pagpapakita ng mapa ng daigdig at ang larawan tungkol ditto.

A. Gawain ( 7 minuto)

Panuto: Buuin ang mga ginulong mga salita upang makabuo ng isang konsepto
na may kaugnayan sa mga aralin.
1. UNKNABDUKA (Kabundukan)
2. GBAKUANTA (Kagubatan)
3. BUTGI ( Tubig )
4. AAKAGNPKT (Kapatagan)
5. LIMAK ( Klima )

Mula sa mga nabuong salita sa itaas sagutin ang mga sumusunod na


katanungan:

1. Ano kaya ang Klima kung nakatira ka sa mataas na lugar gaya ng bundok
o kabundukan?
2. Sa iyong palagay, ano ang magiging kalagayan ng mga halaman kung
sagana tayo sa ulan? Kung masyadong mainit ang Klima?
3. Nakakaapekto kaya ang kalagayang Heograpikal ng isang bansa sa
kanyang klima? Ipaliwanag
4. Nakakaapekto kaya ang Klima sa pamumuhay at kultura ng mga taong
naninirahan sa isang partikular na lugar? Ipaliwanag ang kasagutan.

Gawain 2 ( 4 minuto)
Pagpapakita ng Video Clips tungkol sa Climate Change
Mga Gabay na Tanong
1. Ano ang nakita mo sa Video Clips?
2. Bakit kaya ito nangyayari?
3. Sa inyong palagay may magagawa ba tayo upang mapigilan ang patuloy na
paglala ng Climate Change?

Gawain 3 ( 15 minuto )
Pangkatang Gawain
Hatiin ang mga mag-aaral sa 5 pangkat ayon sa kanilang kakayahan. Ang
Tema ay tungkol sa Climate Change at pangangalaga sa Likas na Yaman.

Group 1- Mga mahuhusay umawit


2 – Mga mahuhusay gumawa ng Jinggle
3 – Mga mahuhusay gumawa ng Rap/Tula
4 – Mga mahuhusay gumawa ng Poster Making
5 – Mga mahuhusay gumawa ng Slogan
Rubricks

Pagkamalikhain( Ang mga mag-aaral ay nagpakita ng matinding determinasyon at


dedikasyon sa Gawain) ------------------------------- 3 puntos
Disiplina sa paggawa(Ang bawat miyembro ng Grupo ay nakipagkaisa
sa Gawain at gumawa ng tahimik. ------------------------- 2 puntos
Nilalaman
( Ang nalikha ng mga mag-aaral na naiugay sa
Temang ibinigay ng guro ) ------------------------- 5 puntos

Kabuuan---------------------------------------------------------------------------------- 10 puntos

Pagsusuri ( 3 minuto )

1. Ano ang Klima? Paano ito nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao?


2. Paano naaapektuhan ng klima ang mga halaman at likas na yaman ng isang
bansa? Ikaw bilang isang Pilipino, paano naapektuhan ng klima ang
pamumuhay ng inyong pamilya?

3. Sa iyong palagay, ano ang maaaring mangyari kung sagana tayo sa likas na
yaman na pinagkukunan?

C. Paghahalaw

Paglalahat ( 2 minuto )
Kumpletuhin ang sumusunod na pangungusap sa pagdadagdag ng mga salita
upang makabuo ng isang makabuluhang pangungusap

Ang klima ay _____________. May ibat-ibang klima sa daigdig at ito ay nakabatay


sa -___________.Malaki din ang nagiging epekto ng klima sa pamumuhay at
___________.s

Pagpapahalaga ( 3 minuto )

Itanong ang mga sumusunod:


1. Mahalaga ba ang araw sa pamumuhay ng mga Tao? Ang Ulan?Ang Likas na
Yaman? Ipaliwanag.
2. Mahalaga ba ang pababago-bago ng Klima sa ibat-ibang lugar sa daigdig?
Ipaliwanag.

D. Paglalapat ( 5 minuto )

Gumawa ng isang Reflective Journal tungkol sa kung paano makakatulong at


maiiwasan ang patuloy na paglala ng Climate Change.

Rubrics
Nilalaman (Pagbibigay pansin sa mga salita,ideya,opinion na ginamit ng mag-aaral)
------------------------- 4 puntos
Kaayusan ng pagkakasulat ( Maayos at malinis ang pagkakagawa ng mag-aaral)
------------------------- 3 puntos
Kaugnayan sa Tema -------------------------- 3 puntos
Kabuuan ------------------------ 10 puntos
IV. Pagtataya (6 minuto)
Panuto: Basahin at unawin ang teksto . Isulat ang titik ng tamang sagot.

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog Silangang Asya. Mayroon itong


tropical na klima na angkop sa pagtatanim at paghahayupan na isa sa pangunahing
industriya sa bansa. Dahil sa ang pilipinas ay pulo-pulo, pangingisda din ang isa sa
pangunahing hanapbuhay ng mga tao ditto. Hitik sa Likas na Yaman an gating
bansa dahil sa sagana ito sa ulan.Marami ring turista ang bumubisita sa Pilipinas
dahil sa magagandang tanawin nito.
1.Ang pilipinas ay may tropical na klima. Sagana ang ulan at init sa ganitong uri ng
klima Ano ang angkop na hanapbuhay sa ganitong uri ng klima?
A. Industriya o mga Pabrika
B. pagtatanim at paghahayupan
C. pagmimina
D. Pangangalakal
2. Taun-taon dumadami ang mga turista sa ating bansa dahil sa magandang
tanawin at klima nito. Ano ang magiging epekto nito sa ating bansa ?
A. Lalago ang Ekonomiya ng ating bansa.
B. Makikilala ang kaugalian ng mga Pilipino.
C. Walang maidudulot ito sa paglakas at paghina ng ekonomiya.
D. Magkakaroon ng bagong bihis ang kultura ng mga Pilipino.
3 Dahil sa saganang torso sa kagubatan, ang ilan sa mga Pilipino ay walang habas
na pumuputol ng mga puno upang pagkakitaan.Ano ang maaaring idulot nito sa
ating bansa?
A. Lalago ang kita ng bansa
B. Maaring magdulot ito ng pagdami ng mga bahay at gusali.
C. Walang maidudulot ito sa kalagayan ng bansa.
D. Masisira ang Likas na Yaman na magbubunga ng patuloy na pag-
iinit
ng mundo.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na dinadaanan ng maraming bagyo. Maraming
mga pananim at kabuhayan ang nasisira subalit muling bumabangon ang mga
Pilipino at hinaharap ang hamon ng kalikasan. Ayon sa mga siyentipiko ilan sa mga
nagiging dahilan ng paglakas ng bagyo ay ang pagkaubos ng mga puno at ng mga
halaman.
4. Ano ang ipinahihiwatig ng teksto?
A. Marami pang darating na bagyo sa Pilipinas kaya dapat na maging
handa.
B. Ipinababatid nito na dapat nating alagaan an gating likas na yaman
at maging handa sa anumang hamon ng kalikasan.
C. Maging alerto sa mga balita upang manatiling ligtas.
D. Laging maging handa dahil ng lokasyon ng Pilipinas ay daanan
talaga ng mga bagyo.
5. Kung patuloy na masisira ang kalikasan at patuloy na magkakaroon ng
malakas na bagyo, ano ang maaring maging epekto nito sa bansa?
A. Mahihirapang bumangon ang ekonomiya ng Pilipinas
B. Walang papasok na mamumuhunan sa bansa
C. Tataas ang Kriminalidad
D. Uunlad ang ekonomiya ng bansa.
V. Kasunduan (1 minuto )

1. Magdala o kumuha ng mga larawan ng tao na may ibat-ibang nasyonalidad


sa daigdig .(Maaring gumupit sa mga Magazine, o Dyaryo 0 kumuha sa
internet)

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

You might also like