You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF CAVITE PROVINCE
NAIC INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
HALANG, NAIC, CAVITE
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8
Para sa bilang 1-3. Panuto: Bilugan ang letra ng angkop na karunungang-bayan na akma sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan na inilahad sa bawat bilang.
1. Sa kasalukuyang panahon, sadyang tumaas ang presyo ng mga bilihin na nagdulot ng higit
na kabigatan sa bulsa ng mga mamamayan. Gayunpaman, may mga iilan naman na hindi
nabigla sa pagtaas ng bilihin sapagkat may mga nakatabi silang ipon.
A. Kapag may isinuksok may madudukot.
B. Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.
C. Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
D. Ang buhay ay parang gulong; minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.
2. Ang bansang Pilipinas ay sadyang nadadaanan ng maraming bagyo dahil sa posisyon nito sa
mundo. Dahil dito, taun-taon ay maraming napipinsala ang mga bagyong dumadaan sa
bansa. Sinasabing maiiwasan pa sana ang ganitong pinsala lalo na sa kabuhayan ng mga
magsasaka at iba pa kung mas nakapaghanda ang mga lokal o maging ang nasyonal na
pamahalaan.
A. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
B. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganaan.
C. Huwag magbilang ng manok, hangga’t hindi napipisa ang itlog.
D. Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila.
3. Naging maayos ang pamamalakad ng pinuno sa kanyang mga nasasakupan sapagkat
tinupad nito ang mga pangako nito sa kanila. Higit pa rito, iginagalang siya ng mga
mamamayan dahil sa pagsunod sa mga panukalang siya rin mismo ang nagpatupad.
A. Anuman ang gagawin, makapitong iisipin.
B. Anuman ang gawa at dali-dali, ay hindi iigi ang pagkakayari.
C. Gawin mo sa kapwa mo, ang nais mong gawin nila sa iyo.
D. Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila.
Para sa bilang 4-6. Panuto: Basahin at unawain ang tula. Bilugan letra ng wastong sagot.

Magulang Mag-aral mabuti ang naging litanya,


Tula ni Realine Mañago Upang ang buhay mo ay maging malaya,
Mabubuting magulang ilalarawan, Buhay ng magulang ay handang itaya,
Ang kanilang nagawang kaligayahan, Paghihirap ay kanilang kayang kaya,
Marapat lamang bigyan ng kapurihan, Kapagka magulang kasama’y masaya.
Walang hanggang pag-ibig ay ilalaan,
Para sa haligi’t ilaw ng tahanan. Paghihirap ay kanilang titiisin,
Pawis sa noo’y kanilang papawiin,
Masayang araw ng aking pagkabata, Masakit na likuran hihlurin,
Ang kaginhawaan ay aming panata, Maunlad na pamumuhay pipilitin,
Masayang pagdiriwang ay ikakanta, Pagmamahal sa pamilya’y pupunoin.
Natatanging magulang ay sinisinta,
Pag-ibig ng pamilya’y hindi nalanta. Pagdurusa ay kanilang hihigupin,
Kayod kalabaw ang nagiging gawain,
Naging masaya simulang kamusmusan, Bumabaha man, nagtratrabaho pa rin,
Sa aking isipan ay nakalarawan, Upang sa pamilya ay may mapakain,
Sa aming bahay palaging may sayawan, Pasalubong sa anak di lilimutin.
Hanggang ngayon dama ko ang https://pinoycollection.com/tula-tungkol-sa-
katamisan, magulang/#Para-sa-aking-Mahal-na-Magulang
Magulang ang tangi kong inaasahan.

4. Batay sa binasang tula at sa gamit ng talinghagang, haligi’t ilaw ng tahanan, ano ang
kasingkahulugan nito?
A. anay at langgam sa tahanan C. tatay at nanay sa tahanan
B. bahagi ng bahay na magkadugtong D. tinayo ng tao na mahalaga sa tahanan

5. Batay sa binasang tula at sa gamit ng talinghagang, Pag-ibig ng pamilya’y hindi nalanta, ano
ang kasingkahulugan nito? Ang pag-ibig ng pamilya ay _________.
A. lumalago B. nagpapatuloy C. tumutubo D. umaasenso
6. Batay sa binasang tula at sa gamit ng talinghagang, Kayod kalabaw ang nagiging gawain,
ano ang kasalungat nito? Ang pagtatrabaho ay may _________.
A. kabayaran B. kasipagan C. katamaran D. katiyagaan
Para sa bilang 7-12. Panuto: Unawain ang mga katanungan at bilugan ang letra ng wastong sagot.

Ano ang angkop na bugtong ang maiuugnay sa kalagayang ipinapakita sa


larawan?

A. Nariyan na si Kaka pabuka-buka.


B. Hindi mo nakikita pero lagi mong kasama.
C. Di dapat na kulangin, di rin dapat pasobrahin.
D. Kambal ipinanganak subalit hindi magkatagpo-tagpo.

7.

Ano ang angkop na sawikain ang maiuugnay sa kalagayang


ipinapakita sa larawan?

A. alilang-kanin C. amoy tsiko


B. amoy pinipig D. anak-dalita

8.
Ano ang angkop na kasabihan ang maiuugnay sa kalagayang
ipinapakita sa larawan?

A. Kapag may isinuksok, may madudukot.


B. Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.
C. Ang katotohanan ang magpapalaya sa may kasalanan.
D. Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay
sasamahan.

9.

10. Sa dalawang halimbawa ng salawikain na pinaghambing “Aanhin mo ang palasyo, kung ang
nakatira ay kuwago, ____ mabuti pa ang bahay kubo, basta ang nakatira ay tao.” Anong salita sa
paghahambing ang mainam na gamitin?
A. mas B. kaysa C. higit D. magsing
11. Sa dalawang halimbawa ng sawikain na ginamit sa pangungusap na, “Ang taong makapal ang
palad ay __________ kinagigiliwan ng tao at ang kilos pagong ay inaayawan.” Anong salita sa
paghahambing ang mainam na gamitin?
A. mas B. pareho C. hindi D. magsing
12. Sa dalawang halimbawa ng kasabihan na pinaghahambing, “Kung may tiyaga, may nilaga, ay
_____ rin ng, kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin.” Anong salita sa paghahambing ang
mainam na gamitin?
A. higit B. mas C. parehas D. tumbas
Para sa bilang 13-15. Panuto: Pakinggan ang tulang sa Tabi ng Dagat na babasahin ng guro upang
masagot ang mga katanungan. Bilugan ang letra ng wastong sagot.
SA TABI NG DAGAT Pagdating sa tubig,
(Ildefonso Santos) mapapaurong kang parang nanginigmi,
Marahang-marahang gaganyakin kata
manaog ka, Irog, at kata’y lalakad, sa nangaroroong mga lamang-lati:
maglulunoy katang doon ay may tahong,
payapang-payapa sa tabi ng dagat; talaba’t halaang kabigha-bighani,
di na kailangang hindi kaya natin
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas, mapuno ang buslo bago tumanghali?
ang daliring garing
at sakong na wari’y kinuyom na rosas! Pagdadapit-hapon
kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
Manunulay kata, sugatan ang paa
habang maaga pa, sa isang pilapil at sunog ang balat sa sikat ng araw…
na nalalatagan Talagang ganoon:
ng damong may luha ng mga bituin; Sa dagat man, irog, ng kaligayahan,
patiyad na tayo lahat, pati puso
ay maghahabulang simbilis ng hangin, ay naaagnas ding marahang-marahan
nguni’t walang ingay, https://www.tagaloglang.com/famous-love-poem/
hangganq sa sumapit sa tiping buhangin.
13. Ano ang layuning nais iparating ng akda?
A. Nais ng may- akda na ilarawan ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng
paghahambing nito sa mga bagay na may kinalaman sa dagat.
B. Nais ng may-akda na ilarawan ang kanyang pag-ibig at ang paglalarawan ng kanyang
pagmamahal kung sakaling sila ay magkakasama sa tabi ng dagat.
C. Nais ng may-akda na ilarawan na maraming bagay ang makikita sa dagat lalo na kung ikaw
ay nagmamahal.
D. Nais iparating ng mya-akda na ang pag-ibig ay kadalasang nabubuo sa tabi ng dagat kung
kaya’t dapat magpunta rito ang mga wala pang kasintahan
14. Batay sa nilalaman ng tula, anong damdamin ng may-akda ang mahihinuha hinggil sa pag-
ibig?
A. maligaya B. malungkot C. hindi matukoy D. parehas a at b
15. Anong saknong ng tula ang naglalaman ng pangyayari sa sanhi at bunga?
A. Saknong I B. Saknong II C. Saknong III D. Saknong IV

Para sa bilang 16-19. Panuto: Basahin at unawain ang buod ng akda upang masagot ang mga
katanungan. Bilugan ang letra ng wastong sagot.

Mabangis Na Lungsod (Buod)

(Efren Abueg)

Ulila na at nabubuhay na mag-isa ang batang si Adong. Upang makaraos sa araw-araw ay pinili ng pobreng bata
na mamalimos na lamang sa harap ng simbahan ng Quiapo. Araw hanggang gabi ang panghihingi tulong ng bata
sa mga naglalabas-pasok na deboto ng sikat na simbahan. Ngunit sa kaniyang murang isip ay alam na ni Adong
ang bangis ng kaniyang paligid dahil sa binatang si Bruno na laging kinukuha nang sapilitan ang kaniyang mga
nalilimos. Gusto ng sigang si Bruno na siya lamang ang makinabang sa mga pinaghirapan ni Adong. Kinukuha ni
Bruno ang perang naipon ni Adong at wala siyang nagagawa. Isang araw, batid na ni Adong na katulad ng mga
nakaraang panahon ay kukuhanin na naman ni Bruno ang kaniyang perang pambili ng pagkain. Ngunit naisipan
niya noong gabi na iyon na magtago kay Bruno. Ngunit ang panahon ni Adong para tumakas sa mapang-aping si
Bruno ay kakaunti na lamang. Sa di kalayuan ay natatanaw na ni Aling Ebeng, katabi ni Adong sa puwesto sa tapat
ng simbahan, ang bruskong si Bruno. Nagtago pa rin itong pilit ngunit nahabol at natagpuan ni Bruno. Dahil sa inis
ni Bruno sa pagtakbo at pagtatagong ginawa ni Adong, pagkatapos makuha ang pera ay binugbog nila si Adong
hanggang sa manghina.https://www.panitikan.com.ph/mabangis-na-lungsod-buod

16. Anong pangyayari sa akda ang nagpapakita ng antas ng pamumuhay ng pangunahing tauhan?
A. Upang makaraos sa araw-araw ay pinili ng pobreng bata na mamalimos na lamang sa harap
ng simbahan ng Quiapo.
B. Gusto ng sigang si Bruno na siya lamang ang makinabang sa mga pinaghirapan ni Adong.
Kinukuha ni Bruno ang perang naipon ni Adong.
C. Dahil sa inis ni Bruno sa pagtakbo at pagtatagong ginawa ni Adong, pagkatapos makuha ang
pera ay binugbog nila si Adong hanggang sa manghina.
D. parehas a at b.
17. Ano’ng pangyayari sa akda ang nagpapakita ng kilos o galaw ng katunggaling tauhan sa buhay
ng pangunahing tauhan?
A. Upang makaraos sa araw-araw ay pinili ng pobreng bata na mamalimos na lamang sa harap
ng simbahan ng Quiapo.
B. Gusto ng sigang si Bruno na siya lamang ang makinabang sa mga pinaghirapan ni Adong.
Kinukuha ni Bruno ang perang naipon ni Adong.
C. Dahil sa inis ni Bruno sa pagtakbo at pagtatagong ginawa ni Adong, pagkatapos makuha ang
pera ay binugbog nila si Adong hanggang sa manghina.
D. parehas b at c.
18. Ano’ng bahagi ng akda ang pinakanagpapakilala ng suliranin batay sa daloy ng mga
pangyayari?
A. Gusto ng sigang si Bruno na siya lamang ang makinabang sa mga pinaghirapan ni Adong.
Kinukuha ni Bruno ang perang naipon ni Adong.
B. Dahil sa inis ni Bruno sa pagtakbo at pagtatagong ginawa ni Adong, pagkatapos makuha ang
pera ay binugbog nila si Adong hanggang sa manghina.
C. Sa di kalayuan ay natatanaw na ni Aling Ebeng, katabi ni Adong sa puwesto sa tapat ng
simbahan, ang bruskong si Bruno.
D. lahat ng nabanggit
19. Batay sa naging takbo ng pangyayari, ano’ng bahagi ng kuwento ang nagpapakita ng dating
kaalaman na hanggang ngayon ay maiuugnay sa kasalukuyang kaalaman?
A. Ipaalala na ang mundo magulo at nasa tao na kung paano niya ito malalampasan.
B. Ang simbahan ng Quiapo ang lugar kung saan maraming sumisimba at namamalimos.
C. Mayroong pulubi na nakatira sa siyudad upang wala ng magnais umalis sa probinsya upang
lumipat sa Maynila.
D. Ang Pilipinas ay isang mahirap na bansa kaya dapat na gumawa ng paraan ang pamahalaan
tungkol dito.

Para sa bilang 20-23. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Tukuyin kung anong teknik
sa pagpapalawak ng paksa ang ginamit. Isulat sa patlang ang sagot.

A. Paghahawig o pagtutulad B. Pagbibigay katuturan o depenisyon C. Pagsusuri D. Pagtuklas

____20. Kapuwa masaya ang dalawang prinsipe sa pagbabalik ni Prinsipe Bantugan.


____21. Parehas umiibig sina Pagtuga at Ulap kay Daragang Magayon.
____22. Batay sa akda, ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo ay
mapapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwayang pumatay sa taong bayan.
____23. Batay sa epikong Ibalon, ang matandang pangalan ng Bicol ay Ibalon.

Para sa bilang 24-25. Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangungusap sa loob ng kahon upang
makabuo ng isang talata. Bilugan ang letra ng wastong sagot.
24. I. Bawat isa sa atin ay may mga papel na dapat gampanan.
II. Ang buhay ay isang tanghalan at tayo ang mga artista rito.
III. Madalas na may minimithi tayong bagay o gawain, ngunit balintuna ang nagyari o nakakamtan natin.
IV. Ito ay hindi natin maaring tanggihan o takasan.

A. I, II, II, at IV B. III, II, I at IV C. II,III,I at IV D. IV, III. II at I

25.
I. Ito ang araw na hinihintay ng komunidad.
II. Handang-handa na ang mga botante para sa inaasahang makakasaysayang eleksyon.
III. Bawat isa’y naglalayong magamit ang kanilang karapatang makapili at maghalal ng mamumuno sa
kanilang lugar.
IV. Bagama’t mapapagod sa mahabang pagpila, tiyak puno ng pag-asa na uuuwi ang mga mamamayan
– taimtim na maghihintay para sa tapat at matiwasay na eleksyon.

A. IV, I, II at III B. I, II, III at IV C. I, IV, II at I D. III, IV, I at II

Para sa bilang 26-28. Panuto: Ibigay ang angkop na hudyat ng sanhi at bunga upang mabuo ang
pangungusap. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
26. Magaling kumanta si Sheila _______ kinuha siya bilang mang-aawit sa isang okasyon.
A. sapagkat B. kaya C. dahil D. kasi
27. Sumakit ang ngipin ni Alex ________ kumain siya ng maraming tsokolate.
A. dahil dito B. dahil C. kaya D. naging
28. Nagsanay ng mabuti si Eric sa paglangoy ________ siya ang kinuha bilang kinatawan ng
paaralan sa palaro.
A. sapagkat B. bunga nito C. naging D. dahil

Para sa bilang 29-31. Panuto: Unawain ang ulat na ibinigay at bilugan ang letra ng wastong sagot.

New Normal
Tunay na nagbabago na nga ang panahon. Hindi na tayo namumuhay na katulad ng dati. Limitado na ang ating
galaw dahil sa community quarantine na pinaiiral ilang buwan na dahil sa banta ng Covid 19. Talagang wala
naman tayong magagawa dahil sa sitwasyon. Totoo na kailangan nating tanggapin na ito na ang New Normal.
Mahirap man pero kailangang sundin ang mga bagong batas na ipinaiiral tulad ng social distancing, pagsusuot
ng face mask kung lalabas ng bahay at ang umiiral na curfew sa bawat lugar. Naniniwala naman akong ayaw
magpabaya ng gobyerno ngunit marami pa rin ang mga nagsasabi na hindi sila naaabutan ng tulong.
Ikinalulungkot ko lang na habang tumatagal ang pandemya ay dumarami na ang dumadaing dahil sa natigil
nilang kabuhayan.
(sariling katha: Aliza V. Vergara)

29. Batay sa pag-uulat tungkol sa New Normal, sumasang-ayon ka ba sa pahayag na, ‘Tunay na
nagbabago na nga ang panahon. Hindi na tayo namumuhay na katulad ng dati.’?
A. Opo, sapagkat malaki ang epekto ng Covid-19.
B. Opo, dahil ngayon po ay panahon na ng teknolohiya.
C. Hindi po, dahil walang epekto ang Covid-19.
D. Hindi po, dahil malaya pa rin ang mga taong gawin ang nais nila.
30. Sinabi ng tagapag-ulat sa iyong binasang teksto na ‘Mahirap man pero kailangang sundin ang
mga bagong batas na ipinaiiral tulad ng social distancing.’ Ano ang iyong pananaw o saloobin
tungkol dito?
A. Sumasang-ayon ako, dahil kailangang maiwasan ang Covid-19 para sa ating kalikasan
B. Sumasang-ayon ako, dahil kailangang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 dahil hindi
natin ito nakikita.
C. Hindi ako sumasang-ayon dahil hindi naman totoo na may Covid-19.
D. Hindi ako sumasang-ayon dahil hindi naman nakakatulong ang ganitong paraan,
nahihirapan lang ang mga taong kumilos.

31. “Ikinalulungkot ko lang na habang tumatagal ang pandemya ay dumarami na ang dumadaing
dahil sa natigil nilang kabuhayan.” Ano ang iyong saloobin tungkol sa pahayag sa pag-uulat na ito?
A. Naniniwala ako, dahil marami talaga ang naapektuhang kabuhayan dahil sa pandemya.
B. Hindi ako naniniwala, dahil wala naman akong nabalitaang nawalan ng trabaho.
C. Hindi ako sigurado, dahil wala akong alam tungkol sa pandemya.
D. Wala akong pakialam sa kabuhayan ng iba dahil hindi pa naman ako nagtatrabaho.

Para sa bilang 32-34. Panuto: Tukuyin ang angkop na hakbang sa paggawa ng pananaliksik at
paliwanag na angkop sa mga ibinigay na datos mula sa pananaliksik ni Felipe B. Sullera, Jr. sa
bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
A. Unang hakbang dahil sa bahaging ito ay pumipili pa lamang ng paksa o pamagat ang mananaliksik.
B. Ikalawang hakbang dahil sa bahaging ito ay inilalahad ng mananaliksik ang layunin at suliranin ng kanyang
pananliksik.
C. Ikaanim na hakbang dahil sa bahaging ito ay inilalahad ng mananaliksik ang dokumentasyon ng mga
datos na kanyang nasinop.
D. Ikapitong hakbang dahil sa bahaging ito pinal na isusulat ng mananaliksik ang resulta ng kanyang pag-
aaral.

______32. Lawak ng Pagpapahalaga ng mga Estudyante sa Asignaturang Filipino Kaugnay ng


Kanilang Akademik Performans
______33. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang lawak ng pagpapahalaga ng mga
estudyante sa asignaturang Filipino kaugnay ng kanilang akademik performans.

______34.

Para sa bilang 35-36. Panuto: Tukuyin ang resulta ng pananaliksik na dapat isulat sa bawat
awtentikong datos o larawan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino.
Isulat ang sagot sa patlang.

A. Sa kasagsagan nito, ang e-sabong industry ay tinatayang makalilikom ng P650 million na kita kada buwan
para sa PAGCOR. Hindi bababa sa P1.37 billion ang nakolekta mula sa pitong licensed e-sabong
operators mula January hanggang March 15, 2022. Nang ipasara ang e-sabong, tinataya ng PAGCOR ang
revenue loss na hanggang P5 billion para sa 2022. RNT (remate.ph)
B. Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa Pugay Pakikiramay para sa limang bayaning
Bulacan Rescuers na nagbuwis ng buhay sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Karding sa bansa sa
pamamagitan ng isang programa na naganap nitong Setyembre 30, 2022 sa Tuguegarao City, Cagayan.
(https://bosestiamianan.com/)
C. Sa June 2022 Labor Force Survey ng PSA, lumitaw na mahigit sa 2.9 milyong Pilipino ang jobless.
Karaniwan sa kanila ay galing sa mga maliliit na negosyo tulad ng retail online o direct sales. (remate.ph)
D. Taos pusong nakiramay ang pinaabot ng buong Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa mga iniwang
pamilya ng mga magigiting na bayani. (https://bosestiamianan.com/)
____35. ____36.

Para sa bilang 37-40. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang wastong pahayag sa pagsasaayos ng
datos ng balita. Isulat ang sagot sa patlang.

A. Ayon sa B. Bilang karagdagan C. Kaugnay nito D. Paghuli E. Samakatuwid

Mas maraming face-to-face classes, target ng DepEd sa pagbubukas ng klase sa Agosto


— FRJ, GMA News
Iminungkahi ng Department of Education (DepEd) na sa Agosto 22, 2022 gawin ang
pagbubukas ng School Year 2022-2023. Blended learning pa rin pero daragdagan pa ang mga
nagsasagawa ng face-to-face classes. ___37.__sa pulong balitaan nitong Martes, inilatag ni DepEd
Undersecretary Diosdado San Antonio ang mungkahing school calendar ngayong taon.
__38.___DepEd, 11 linggo ang natakda sa bawat quarter ng academic year. Ang first quarter ay
mula August 22 hanggang November 4, 2022; ang second quarter ay mula November 7, 2022
hanggang February 3, 2023; ang ikatlong quarter naman ay mula February 13 hanggang April 28,
2023, at ang huling quarter ay mula May 2 hanggang July 7, 2023. __39.___magsisimula naman
ang Christmas break sa December 19, 2022, at magbabalik ang klase sa January 2, 2023. Itinakda
ang mid-year break na mula February 6 hanggang 10, 2023. __40.___ang end-of-year rites ay
gagawin ng mula July 10 hanggang 14, 2023. Sa “summer,” sinabi ng DepEd na ang remedial,
enrichment, o advanced classes ay puwedeng gawin ng mula July 17, 2023 hanggang August 26 to
2023.

Inihanda nina:

LAURICE M. ERNI
JOHONNEY E. GANCAYCO
CAMILLE GRACE A. LOYOLA
MERCEDITA S. ROMILLA

Guro-Filipino 8

Binigyang-pansin:

MELANIE H. GRITA
Master Teacher I

Sinang-ayunan:

MARY ANN N. BENCITO


Ulongguro I

Pinagtibay:

LIBERTY M. FLORES, Ph.D.


Punungguro IV

You might also like