You are on page 1of 2

FILIPINO 101:

1. WIKA - Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng


mga kaisipan, damdamin at mithiin (Edward Sapir).
Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng
lipunan na ginagamit sa komunikasyon (Carrol).
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa
isang kultura (Henry Gleason).

2. MGA KATANGIAN NG WIKA


a. Ang wika ay isang sistema - konsistent at sistematikong nakaayos sa isang tiyak na
balangkas o pagkakasunod-sunod.
Hal. Ng Mainit ako uminom na kape (Uminom ako ng mainit na kape)
b. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. - ang mga tunog ay nagagawa sa pamamagitan
ng mga sangkap sa pagsasalita.
Hal. /a/ - ah , /Ñ/ - enye
c. Ang wika ay arbitraryo - ang bawat wika ay may kani-kaniyang set ng palatunugan,
leksikal, gramatikal na estruktura na ikinaiiba sa ibang wika. - ang nabuong mga salita
at mga kahulugan ay pinagkasunduan ng mga taong kapangkat sa isang kultura.
Hal. Kulintang – pinagkasunduan ng mga gumagamit nito na iyan ang tawag
d. Ang wika ay pinipili at isinasaayos - pinipili ang wikang ginagamit upang
makapagbigay ng malinaw na mensahe.
e. Ang wika ay pantao -wikang pantao na kakaiba sa wikang panghayop - naililipat o
naisasalin ang kultura ng mga tao sa pamamagitan ng wikang pantao
f. Ang wika ay buhay o dinamiko - nagbabago ang kahulugan at gamit nito
g. Ang wika ay ginagamit - ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng
iba pang kasangkapan, kailangan itong patuloy na gagamitin upang hindi mawalan ng
saysay.
h. Ang wika ay nakabatay sa kultura - nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig dahil sa
pagkakaiba-iba ng kultura ng mga bansa. - nasasalamin ang kultura ng isang bansa
gamit ang wika.
i. Ang wika ay makapangyarihan – maaaring magamit ito upang mapabuti o
mapasama ang buhay ng marami o ng isang indibidwal.
j. Ang wika ay kagila-gilalas - maraming salita ang mahirap ipaliwanag
Hal. hamburger, eggplant, hotdog
k. Ang wika ay natatangi - may kaibahan ang bawat wika sa ibang wika. - walang
dalawang wika na magkatulad - bawat wika ay may sariling sistema ng palatunugan,
palabuuan at palaugnayan
l. Sosyo-politikal at Pilosopikal - may politika rin ang wika - ginagamit ang wika sa
mga usaping panlipunan.
Hal. RIDO

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

TAGALOG PILPINO FILIPINO

1. Oct. 27, 1936 – Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sa pangunguna ni
Dating Pangulo Manuel L. Quezon
2. Nabuo ang komite sa pagbuo ng isang wikang Pambansa:

✧Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte) Pangulo ✧ Santiago A. Fonacier (Ilokano) Kagawad


✧ Filemon Sotto (Cebuano) Kagawad ✧ Casimero F. Perfecto (Bikol) Kagawad ✧ Felix
S. Salas Rodriguez (Panay)Kagawad ✧ Hadji Butu (Moro) Kagawad ✧ Cecilio Lopez
(Tagalog) Kagawad
3. Nov. 7, 1937 – isinatupad ang Batas Komonwelt bilang 134, kung saan nakasaad na
ang wikang TAGALOG ang siyang gagawing batayan sa pagbuo ng wikang Pambansa
4. April 1, 1940 – itinuro ang wikang Pambansa sa mga paaralang pampubliko at
pribado
5. Seksyon 6, article XIV ng konstitusyon 1987 ang nagsasaad na FILIPINO ang
wikang Pambansa na siyang dapat pagyabungin at payamanin. Dapat magsagawa ng
mga programa o hakbangin ang pamahalaan upang gamiting midyum ng
komunikasyon kasama ang wikang ingles sa pagtuturo.

You might also like