You are on page 1of 15

Layunin:

1.Naipapaliwanag ang pinagkaiba ng


konsepto ng kakapusan at kakulangan.
2.Natutukoy ang palatandaan ng kakapusan
at kakulangan sa pang-araw-araw na
buhay.
3.Nakapagmumungkahi ng mga paraan
upang malabanan ang kakapusan at
kakulangan ng isang bansa.
Aralin 2:
Kakapusan at
Kakulangan
Kakapusan (Scarcity)
❑Kondisyon na limitado ang pinagkukunang yaman
upang matugunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
❑Ito ang pangunahing suliranin ng Ekonomiks.
❑Ito ay nagaganap kahit saan at anumang oras.
Mahirap man o mayamang bansa.
❑Tumutukoy sa pagkakaroon ng limitasyon sa mga
pinagkukunang-yaman na ginagamit sa paglikha ng
produkto katulad ng mga non-renewable resources.
Palatandaan ng Kakapusan
Sa Kagubatan:
- Pagkaubos ng natural na sistema ng kalikasan
- Extinction ng mga halaman at hayop
- Kaingin system
- Pagkasira ng biodiversity
Biodiversity- katangiang likas na yaman sa pagkakaroon
nito ng kakayahang iba sa karaniwan na nagiging sanhi ng
pagkakaroon ng mas marami pang uri ng halaman at hayop.
Palatandaan ng Kakapusan
Sa Karagatan:
- Nababawasan ang bilang ng nahuhuling isda
- Pagkasira ng mga coral reefs
Sa Kapital:
- Nagkakaroon ng limitasyon ang paggawa ng produkto
Depresasyon- unti-unting pagkaluma at pagkasira ng
yamang pisikal tulad ng gusali, makinarya, sasakyan at
iba pang kagamitan sa paglikha ng produkto.
Sanhi ng Kakapusan
➢Mabilis na paglaki ng populasyon
➢Hindi pantay na distribusyon ng
populasyon
➢Di-wastong paggamit at tila kawalan ng
pagpapahalaga sa pinangkukunang
yaman
Bunga ng Kakapusan
➢Malawakang kahirapan
➢Pagkakasakit ng mamamayan
➢Maaring magdulot ng sigalot,
pag-aaway-away at kompetisyon.
PARAAN UPANG MAPAMAHALAAN ANG
KAKAPUSAN
➢Kailangan ng angkop na makabagong
teknolohiya
➢Pagsasanay sa mga manggagawa upang
mapataas ang kapasidad sa paglikha
➢Pagpapatupad ng mga programa na makakabuti
at makapagpapalakas sa organisasyon
➢Mga polisiya ng pamahalaan na nagbibigay
proteksyon sa mga pinagkukunang-yaman
Kakulangan (Shortage)
➢Nangyayari sa ekonomiya ng pansamantala o
maaring sa maikling panahon lamang.
➢Nagaganap kapag ang prodyuser ay hindi
makapagsupply ng mga produkto ayon sa
kasalukuyang pangangailangan.
➢Limitasyon sa mga binibili nating produkto sa
pamilihan.
Dahilan ng Kakulangan
Hoarding- ang pagtatago ng mga supply ng
produkto upang hintayin ang pagtaas ng
presyo nito.

Panic Buying- pagbili ng higit sa kailangan


sa pangambang maubusan o maabutan ng
pagtataas ng presyo.
PARAAN UPANG MAPAMAHALAAN ANG
KAKULANGAN
➢Matutong magtipid
➢Iwasan maging sanhi ng paglobo ng
populasyon
➢Sikaping makapagtapos ng pag-aaral upang
mapaunlad ang sarili at pamilya
➢Sumunod sa batas
➢Maging matalinong mamimili
Angono Private High School
“IN THIS SCHOOL YOU ARE LOVED!”

God is Good!
All the Time …

You might also like