You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

ORAS:

PETSA:

Aralin 3: PINAGPAPALA ANG TAONG MATIYAGA

Bilang ng araw ng Pagtuturo:


5 Araw ( 30 Minuto sa bawat araw o 150 minuto)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang
hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat.

Pamantayan sa Pagganap:

Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa ikabubuti ng
lahat.

Pamantayan sa Pagkatuto

I. LAYUNIN:
1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang
desisyon na makabubuti sa pamilya
1.1. Pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at
pangyayari.
1.2. Pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito
1.3. Paggamit ng impormasyon
Code: EsP6PKP-Ia-i-37

II. PAKSA: Aralin 3 : Pinagpapala Ang Taong Matiyaga


A. Sanggunian: EsP - K to 12 CG d. 81
B. Kagamitan: Kwento, Awiting “May Bukas Pa” ni Rico J. Puno
C. Pagpapahalaga: Pagkamatiyaga

III. PAMAMARAAN

Unang Araw
A. Panimulang Gawain:
Pagbati ng guro ng magandang buhay sa mag-aaral.
Pagtsitsek kung sinong liban sa klase.
Ipabasa ang panimula ng aralin.
Talakayin ang Mahalagang Kaisipan.
B. Panlinang na Gawain

1. Alamin Natin

a. Basahin ang maikling kwentong pinamagatang “Si Pablong Matiyaga”.

Si Pablong Matiyaga

Si Pablo ay nagmula sa pamilyang mahirap. Noong siya ay nag-aaral pa lamang sa


elementarya at sekondarya, hindi naman siya nagpakita ng kagalingan pero ipinakita niya ang
pagtitiyaga sa pag aaral.. Sa murang edad, natuto na siyang maghanap ng paraan upang
mabuhay. Nagmamadali siya sa madaling araw upang tumulong sa kanyang Tatay sa pag-
aararo para makapasok pa nang maaga sa paaralan at sa hapon naman siya’y nagmamadaling
makauwi dahil sumasama pa siya sa pangingisda sa kanyang tiyuhin para may pambaon
kinabukasan. Hindi naging hadlang ang kahirapan sa kanyang pagtapos ng elementarya at
sekondarya.

Sa kolehiyo, buong-puso niyang pinursige ang sarili upang makapagtapos ng pag-


aaral kahit kinapos ang pamilya sa dahilang walang magandang pinagkakakitaan ang mga
magulang niya. Kaya sa araw, siya ay nag-aaral at sa gabi naman ay nagtatrabaho bilang
“waiter” sa isang restawran.

Sa kabutihang palad, nakatapos siya ng kursong Bachelor of Elementary Education at


nakapasa naman agad ng Licensure Examination for Teachers. Nang siya’y naging guro na,
ipinakita pa rin niya ang kasipagan at tiyaga kaya nakamit niya ang promosyon bilang isang
Superbisor ng Edukasyon sa Pagpapakatao.

Ibigay ang sumusunod na mga katanungan para sa pagpoproseso ng kwento:


 Sino ang pinag-uusapan sa kwento?
 Paano ang buhay niya nang siya’y nag-aaral pa?at paano naman nang siya’y
naging guro na?Ano ang pagkakaiba?
 Paano niya napaunlad ang kanyang sarili?
 Paano pinagsabay ni Pablo ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho?
 Sa palagay ninyo, dapat ba siyang tularan? Bakit?
MGA TALA
PAGNINILAY
A. Bilang ng magaaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng magaaral
nanangangailangan ng
iba pang Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial?bilang ng
magaaral na
magpapatuloy sa
remediation
D. Alin sa mga istrakturang
pagtuturo ang
nakatulong ng lubos.
E. Anong suliranin ang
aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong
ng aking punung-guro.
Ikalawang araw

2. Isagawa Natin

a. Pagbati sa mag-aaral.
b. Balik-aral. Itanong :
1) Tungkol saan ang kuwento natin kahapon?
2) Ano’ng kabutihan ang natunan ninyo mula sa kuwento?
3) Sa anong paraan ito makatutulong sa inyong sarili?
c. Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat at pipili ng lider.
d. Magkaroon ang bawat pangkat ng brainstorming batay sa sitwasyon na
ibibigay sa kanila na nakapaloob sa sobre.
Mga Sitwasyon:

1. Si Menchu ay nasa Ika-anim na Baitang. Papasok na siya ng


paaralan. Humingi siya ng baon sa kanyang Nanay ngunit wala itong
pera. Kung ikaw si Menchi, papaano mo maipakikita ang pagiging
matiyaga upang matapos ang kanyang pag-aaral kahit walang baon?

2. Sa bahay nila Max ay walang kuryente, ngunit gustong-gusto niyang


mag-aral sa gabi. Ano ang mainam niyang gawin para makapag-aral?

3. Papaano maipakikita ni Emma ang pagiging matiyaga sa pag-aaral sa


kabila na wala na siyang sapatos na magagamit sa pagpasok sa
paaralan?

4. May project na babayaran sa eskwelahan si Ruth ngunit wala pang


pera ang kaniyang mga magulang na maibigay para pambili nito.
Paano maipakikita ang pagkamatiyaga sa ganitong sitwasyon?

e. Bigyan ang mga bata ng tatlong (3) minuto para sa preparasyon at


karagdagang dalawang (2) minuto sa presentasyon. Ipakita ng bawat
grupo ang kanilang kasagutan sa mga sitwasyon sa pamamagitan ng
isang maikling dula-dulaan.
f. Talakayin at iproseso ng guro ang kasagutan ng bawat pangkat.
g. Sa pangkabuuan, itanong:
1) Anong mga hakbang ang inyong ginawa para magkaroon ng isang
mabuting desisyon?
2) Anong katangian ang ipinakita ninyo batay sa desisyon na inyong
nabuo?
Ikatlong Araw
3. Isapuso Natin
a. Balik-aral sa nakaraang talakayan.

b. Pagsulat ng Journal
1) Indibidwal na Gawain
2) Sumulat ng talata na nakagagawa ng tamang desisyon sa pamilya at
sarili na pinahahalagahan ang pagkamatiyaga.
3) Ano ang nararapat mong gawin para sa pamilya at sarili upang maabot
ang mithiin sa buhay?
4) Paano mo maipapakita na ang pagkamatiyaga ay susi ng pagbabago at
tagumpay sa sarili at pamilya. Kailangan ba ang tulong ng iba? Bakit?
5) Matapos ang pagsusulat ng mga bata, ang guro ay tatawag ng gustong
mag-ulat ng kaniyang ginawa. Gagabayan ng guro ang mga bata na
maunawaan ang pagpapahalagang pagkamatiyaga batay sa kanilang
mga karanasan

Ikaapat na Araw
4. Isabuhay Natin
a. Ipaawit ang kantang “Leron, Leron Sinta”
b. Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat.
c. Hayaang makapagtalakayan ang mga bata sa bawat pangkat ng tungkol
sa kantang inawit.
d. Ipasulat sa manila paper ang aral na makikita ng mga bata sa kanta.
Ilahad ng tagapag-ulat ang natapos na Gawain.
e. Iproseso ng guro ang mga nabuong aral ng mga bata.
Tandaan Natin:

Palagi nating tandaan na walang mananatiling mahirap o maghihirap kapag may tiyaga upang
mapaunlad ang buhay.

Ikalimang Araw
5. Subukin Natin

a. Balik-aralan ang gawain kahapon.


Itanong: Anong aral ang inyong nakuha mula sa awiting napakinggan kahapon?

b. Suriin ang bawat sitwasyon. Lagyan ng Tsek (/) ang kahon na nagpapahayag ng iyong
tunay na saloobin.

Sitwasyon Palagi Minsan Hindi


1. Nagpupursigeng pumasok sa
paaralan kahit walang baon
2. Tinutularan ang pamilyang
umunlad dahil sa pagtitiyaga
3. Gumagawa lamang ng Gawain
kung may bayad o gantimpala
4. Lumiliban sa klase para
maglaro ng computer games
5. Pumapasok pa rin kahit huli na
sa klase dahil nag-aalaga pa ng
nakababatang kapatid.
IV. Takdang -aralin

Magdala ng larawan ng tao sa inyong pamayanan na umasenso dahil sa pagtitiyaga at


ikuwento sa klase ang kanyang ginawa na nagpakita ng pagiging matiyaga.

Inihanda ng
Pangkat Masiyahin 

Erotida P. Jumao-as
Menia S. Alvidera
Ma. Erma B. Soberano
Eppie B. Baroro
Clemenrose Y. Dulva
Arline A. Capuyan
Sheila E. Malagar
Maximiano M. Casino

You might also like