You are on page 1of 3

SCIENCE 3 REVIEWER

Name:_______________________________________________________

1. Roots---- it anchor them in place.


- It absorbs water and nutrients.
- it acts as storage of excess food

Fibrous roots--- roots that grow close to the surface , and are soft tiny.
Toproots -- it grows deep in the soil with smaller rootlets that branch out.

2. Stem ---- supports the plant.


----- found just above the ground.
A. Woody stems---hard stem
B. Herbaceous stems-- soft stems

Bulbs-- short underground fleshy base stem like onion.


Rhizomes ---- underground stem which grows horizontally
Tubers- example potatoes
Stolons or runners --- examples strawberries

3. Leaves ---- generally green color.


---- give form and beauty to plants

Chlorophyll ----- green pigment of the leaves.


Photosynthesis---- he process by which plants use sunlight, water, and carbon
dioxide to create oxygen and energy in the form of sugar.

Blade---- the broad part of a leaf


Petiole--- stalk of a leaf connecting the leaf to the stem
Simple leaf--- has only one blade attached to a petiole
Compound leaf--- many blades or leaflets attached to one petiole

4. Flowers---- responsible for producing the fruits seed of a plants.


----- it makes the plant attractive to some organisms

Simple flower -- singe flower from a single bud

Composite flower ---- tiny flowers are grouped together.

5. Fruits---- contains that seeds that grow to become new plants.


Special Body Parts of Plants

Adaptation--- is a characteristic of a living thing that helps it survive in its environment.


Pitcher plant---- meat -eater plant
Stone plant----- blends with the rocks and stones in its surroundings.
Cactus plant----- desert plant
----- thick and waxy stems that store food.
Water hyacinth--- broad, thick, upright leaves that help keep them afloat.

CLASSIFICATION OF PLANTS BASED ON HABITAT


Habitats ----are places where plants live and grow naturally.
Terrestrial plants----plants that grow on land
Aquatic plants--- plants that grow in water.
Arboreal or aerial plants--- plants that grow on barks of other trees or other plants.
Desert plants--- they have thick and waxy leaves to help conserve water.
Deciduous plants ---- plants that grow in very cold places

CLASSIFICATION OF PLANTS BASED ON THE TYPESOF STEM


Tree ---- tall plant with a hard , woody stem called trunk.
Shrubs --- shorter than a tree. Have hard, woody stems.
Herbs --- plants with soft, fleshy stem
Vine--- climbing or creeping plant
Grasses --- plants with jointed or clustered stems.
Examples: cogon, bermuda, carabao grass

Flowering plants--- plants produce flowers


nonflowering plants--- plants that do not produce flowers

Medicinal plants--- plants that are used to cure diseases.

Plants needs:
1. water--- helps plants grow
2. Nutrients from soil--- absorbed by roots. Like Minerals that are natural , nonlivinhg materials
that can be found in soil.
3. Sunlight
4. Carbon dioxide
5. Fertilizers
6. Proper temperature
7. Enough space
8. Proper care

******* please read pages218-229******

Panghalip na Pananong
Panuto: Salungguhitan ang panghalip na pananong na bubuo sa tanong. Pumili sa tatlong
panghalip na pananong sa loob ng panaklong.
1. (Sino, Ano, Kanino) ang pangalan ng batang nakataas ang kamay?
2. (Kanino, Sino, Alin) ang nagbigay sa iyo ng walis na iyan?
3. (Ano, Alin, Sino) ang inutusan mong maghatid ng baon kay Carla?
4. (Ano, Kanino, Alin) ang ipapaayos ni Tatay, ang motorsiklo o ang sasakyan?
5. (Ano, Kanino, Alin) ang bibilhin ni Ate Miranda sa tindahan?
6. (Sino, Ano, Kanino) ang lider ninyo sa klase?
7. (Ano, Kanino, Alin) ka sasama pag-uwi mo galing eskuwelahan?
8. (Sino, Ano, Kanino) ang panyo na nahanap mo?
9. (Anu-ano, Sinu-sino, Kani-kanino) ang mga mag-aaral na pinili ng guro?
10. (Ano, Alin, Sino) ang mas mahirap gawin, ang pagluto o ang paglaba?

Ang Alamat ng Mangga


Noong araw ang mga punong manggang tanim ni Tandang Isko ay pare-pareho lamang ang bunga. Ito'y maliliit at ang tawag dito ay "pahutan".
Matamis kapag hinog, kaya gustong-gusto ng mga bata ang pahutan.

Marami ang natutuwa kapag panahon ng pamumunga, dahil ang matandang may-ari ay hindi maramot. Minsan, may magandang dalagang sa
manggahan ni Tandang Isko ay dumaan. Kusang loob na inalok ito ng mga hinog na mangga ni Tandang Isko. Sa kasiyahan ng binibini ay itinanim
nito ang mga buto ng pahutan sa bukid at sa paanan ng bundok.

Agad tumubo ang dalawang buto at pagkaraan lang ng ilang araw ay ganap na itong isang puno. Labis na nagtaka si Tandang Isko sa pagkakaroon ng
punong mangga sa hangganan ng bukid at sa ibaba ng batuhang bundok. Balak sanang putulin ng matanda ang dalawang puno, subalit sa tuwing siya
ay lumalapit, wari'y may bumubulong ng...

"HUWAG PO! HUWAG MO AKONG PATAYIN."

Dala rin ng panghihinayang kaya hinayaan na lang nitong lumaki at lalong lumago ang dalawang puno ng mangga. Malaking pakinabang tuloy ito sa
mga magsasaka at kalabaw na roon ay sumisilong.

Ang madalas magpahinga sa punong manggang nasa bukid ay si Kalabaw, kaya nagkaroon sila ng pagkakataong magkausap palagi ng puno.

"Hulog ka ng langit sa akin, punong mangga. Dati-rati'y init sa katanghaliang tapat ay aking tinitiis, subalit nang ikaw ay sumibol, pagal kong katawan
ay binigyan mo ng ginhawa. Kaya kapag sa iyo ay may nagtangkang pumutol, humanda sila sa sungay kong matutulis."

"Salamat sa iyo, Kalabaw at ako ay iyong ipagtatanggol. Noon pa man ay hinahangaan ko na ang iyong kasipagan, kasisigan at kalakasan," nahihiyang
wika ng mangga.

Hindi nagtagal, sa dalas ng kanilang pag-uusap ay nagkaintindihan ang kalabaw at ang punong mangga.

Samantala, nagkaroon na rin ng kagustuhan ang punong manggang nasa paanan ng bundok at ito ay si "manggang pahutan" na malapit sa kanyang
kinatutubuan.

Sa panahon ng paglilihi ni Pahutan ay palaging sumisilong sa lilim niya ang isang magsasakang may dalang "piko" at ewan kung bakit gustong-gusto
ng mangga na titigan ang piko.

Sumapit ang araw ng pamumulaklak at pamumunga parehong pinausukan at inalagaan ni Tandang Isko ang magkahiwalay na puno. Ang lahat ng mga
punong mangga ay pawang nagbunga.

Nang bumalik ang matanda upang anihin ang mga bunga ng mangga, ito ay lubhang nagulat. Ang dalawang puno na hiwalay sa karamihan ay
magkaiba ng hugis at laki ng kanilang mga bunga. Hindi maisip ni Tandang Isko kung bakit nagkaganoon.

Muli, ang magandang dalaga ay nagbalik, at...

"Sapagkat ang malalaking mangga ay bunga ng pagkakaunawaan nina Kalabaw at Pahutan kaya tatawagin itong Manggang Kalabaw. Bagama't
magkawangis sa laki ang mga bunga nila ng kabilang puno ay may pagkakaiba pa rin sa hugis at sa anilang sukat. Dahil ipinaglihi ito sa piko, kaya
makikilala ito sa tawag na Manggang Piko."

"Binibini, paano mo nasabi ang bagay na iyan?"

"SAPAGKAT AKO ANG DIWATA NG MGA PRUTAS", ngumiti ang dilag at biglang nawala.

Ang sinabi ng diwata ay paulit-ulit ding ikinukuwento ni Tandang Isko sa mga namimili ng mangga. Datapuwa't hindi na mahalaga iyon kahit pahutan,
manggang kalabaw o manggang piko basta ag mga ito ay pare-parehong mangga:

Pusong bibitin-bitin mabangong amuyin, Masarap kainin, lalo na't hinog.

You might also like