You are on page 1of 35

DAILY LESSON LOG Paaralan Estefania Montemayor NHS Baitang/Antas 9

(Pang-araw-araw na Guro Christian B. Barrientos Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKASIYAM NA ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunang pang-ekonomiya.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakatataya ang mag-aaral ng lipunang pang-ekonomiya sa isang barangay/pamayanan at


lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal.YouScoop).

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya. EsP9PL-Ie-3.1
Isulat ang code ng bawat 2. Naibibigay ang kahulugan ng lipunang pang-ekonomiya.
kasanayan 3. Naipahahayag ang interes sa pagkakaroon ng mabuting ekonomiya.

II. Nilalaman Modyul 3: Lipunang Pang-ekonomiya


A. Sanggunian

1.Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 3-5

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 36-41


Pang-Mag-aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883


portal ng Learning
Resource

1
B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop, lapel/speaker
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at A. Ipabasa ang mga katanungang nakasulat sa paper strips. Tumawag ng mag-aaral at
pagsisimula ng bagong aralin. pasagutan ito. (Gawin sa loob ng 2 minuto) (Reflective Approach)
1. Paano matutugunan o makakamit ng tao ang kanyang pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultura at pangkapayapaan?
2. Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa?

B. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (Gawin sa loob ng 10


minuto) (Reflective Approach)

Paunang Pagtataya

Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot
at isulat ang titik nito sa iyong notbuk.

1. Ang paniniwala na ang tao ay pantay-pantay ay nakaugat sa katotohan na…


a. lahat ay dapat mayroong pag-aari
b. lahat ay may kanya-kanyang angking kaalaman
c. lahat ay iisa ang mithiin
d. likha ang lahat ng Diyos

2. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao

2
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao

3. Sa ating lipunan, alin sa sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa pamahalaan, kahit na
kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan dahil karapatan niya ito bilang
mamamayang nagbabayad ng buwis.
b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil
mayroon itong sentimental value sa kanya.
c. Inuubos ni Jerome ang kanyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang
mahahanap. Ayon sa kanya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan
d. Lahat ng nabanggit

4. Ang sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa:


a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng
pangangasiwa ng yaman ng bayan

5. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?


a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay
pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang pangangailangan.
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang
patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan.

3
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang
paggalang sa kanilang mga karapatan.
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay
pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao.

6-10: Magbigay ng limang tiyak na hakbang kung paano maisasaayos ang ekonomiya ng bansa.
6.
7.
8.
9.
10.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin at A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
pagganyak 1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya.
2. Naibibigay ang kahulugan ng lipunang ekonomiya.
3. Naipahahayag ang interes sa pagkakaroon ng mabuting ekonomiya.

B. Ipabasa ang sitwasyong nasa PowerPoint Presentation at pasagutan ang mga


katanungan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

Kung minsan, dumarating sa mga magkakapatid ang tanong na "Sino ang paborito ni Nanay?" o "Sino
ang paborito ni Tatay?" May halong inggit, kung minsan, ang pagpapabor ni Nanay kay Ate o ang
pagiging maluwag ni Tatay kay Kuya. Naghihinanakit naman si Ate dahil sa tingin niya mas malapit
ang kanilang mga magulang kay bunso.

4
1. Naranasan mo na ba ito? Kung oo, ano ang naramdaman mo?
2. Ano ang naisip mo?
3. Ano ang ginawa mo?

C. Pag-uugnay ng mga pangangasiwa bahay pamamahala budget tahanan


halimbawa sa bagong aralin pamilya kayamanan prinsipyo angkop estado

Pumili ng mga salitang nasa loob ng kahong may kaugnayan sa lipunang pang-ekonomiya.
Tumawag ng mag-aaral na siyang maglalagay sa Bubble Web, ibigay ang nabuong konseptong
may kaugnayan sa lipunang pang-ekonomiya gamit ang mga gabay na katanungan. (Gawin sa
loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

1. Ano ang kaugnayan ng mga salitang nasa bubble web sa lipunang pang-ekonomiya?
2. Mula sa mga salitang isinulat, ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng lipunang pang-
ekonomiya?

LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

D. Pagtalakay ng bagong Magsagawa ng isang survey sa mga kapwa mag-aaral sa klase. Tanungin ang kapwa mag-

5
konsepto at paglalahad ng aaral ng sumusunod na katanungan. Tumawag ng 3-5 mag-aaral upang magbahagi ng resulta ng
bagong kasanayan #1 kanilang survey (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
a. Magkano ang kanilang baon sa loob ng isang araw?
b. Ano-ano ang kanilang pinagkakagastusan sa kanilang baon?
c. Sapat ba o hindi ang kanilang natatanggap na baon? Ipaliwanag.
d. Ano ang naidudulot ng kakulangan sa baon?
e. Kung hindi sapat ang natatanggap na baon, paano sinusolusyonan ang kakulangang ito?

E. Pagtalakay ng bagong Balikan ang takdang-aralin ukol sa kaparehong survey sa mga magulang. Pangkatin ang klase sa
konsepto at paglalahad ng limang grupo. Pasagutan sa Manila paper ang katanungan na iaatas sa kanila. Lahat ng miyembro ay
bagong kasanayan #2 magbabahagi ng kasagutan. Pumili ng mag-uulat sa klase. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Collaborative Approach)

Unang Pangkat: Magkano ang budget ng pamilya para sa isang buwan?


Ikalawang Pangkat: Ano-ano ang kanilang pinagkakagastusan sa tahanan? Ikatlong
Pangkat: Sapat ba o hindi ang kanilang budget para sa isang buwan?
Ipaliwanag.
Ikaapat na Pangkat: Ano ang naidudulot ng kakulangan sa budget?
Ikalimang Pangkat: Kung hindi sapat ang budget, ano ang paraang ginagawa upang
masolusyonan ang suliranin?

F. Paglinang sa Kabihasahan Sagutin ang sumusunod na katanungan, isulat sa notbuk ang kasagutan at tumawag ng 3-5 mag-aaral
(Tungo sa Formative na magbabahagi ng kasagutan. (Gawin sa loob ng 5 minuto)(Reflective Approach)
Assessment) 1. Ibigay ang iyong opinyon sa pahayag na, “Ang karanasan sa pag-ibig ng magulang ay isang
ekonomiyang hindi malayo sa ekonomiya ng lipunan”.
2. Ano ang mabuting ekonomiya?
3. Magbigay ng halimbawa ng mabuting ekonomiya.

6
G. Paglalapat sa aralin sa pang- Pumili ng limang mag-aaral na magsasagawa ng panel discussion. Pasagutan ang mga katanungang
araw-araw na buhay nakasulat sa paper strips. Maghanda rin ng kasagutan ang mga mag-aaral na hindi kasali sa panel.
Ang guro ang magsisilbing moderator. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective/Collaborative Approach)

1. Sa pangkalahatan, sapat ba ang kakayahan ng mga magulang sa pagbubudget ng perang


kanilang hawak? Pangatuwiranan.
2. Sa iyong sariling karanasan, mahirap ba o hinding magbudget ng perang hawak?
Pangatuwiranan.
3. Bakit mahalagang matutuhan ng lahat ang tamang pamamahala sa perang kinikita?
4. Ano ang maaaring maidulot kung hindi mapangangasiwaan nang wasto ang perang
kinikita?
5. Anong sitwasyon sa lipunan o pamahalaan ang sinasalamin ng nagdaang gawain?
Ipaliwanag.

H. Paglalahat sa aralin Ang ekonomiya ay galing sa mga Griyegong salita na oikos (bahay) at nomos (pamamahala).
Ito ay tulad din ng pamamahala sa bahay. May sapat na budget ang namamahay. Kailangan itong
pagkasyahin sa lahat ng gastusin upang makapamuhay ng mahusay ang mga tao sa bahay, maging
buhay-tao (humane) ang kanilang buhay sa bahay at upang maging tahanan ang bahay. Ang lipunang
pang-ekonomiya ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa
mga pangangailangan ng tao.Sinisikap gawin ng estado na maging patas para sa nagkakaiba-ibang tao
ang mga pagkakataon upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-kanilang tunguhin
at kakayahan.

I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin kung tama o mali ang bawat pangungusap at lagyan ng tamang pahayag kung mali.
(Gawin sa loob ng 5minuto) (Reflective Approach)

7
1. Sadyang magkakaiba ang mga tao.
2. Ang karanasan sa pag-ibig ng magulang ay isang ekonomiyang hindi malayo sa
ekonomiya ng lipunan.
3. Ang ekonomiya ay hindi tulad lamang din ng pamamahala sa bahay dahil ito ay
malawak ang sakop.
4. Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan
ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
5. Ang lipunan ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa
kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.

J. Karagdagang gawain para sa Para sa paghahanda sa susunod na gawain, hatiin ang klase sa maliit na pangkat na may tig- 5 o 6 na
takdang-aralin at remediation miyembro ayon sa laki ng klase. Dapat ay pare-pareho ang bilang ng mga kasapi sa bawat pangkat.
Ang bawat pangkat ay magdadala ng sumusunod na kagamitan:
1. barbecue sticks 4. orasan
2. masking tape 5. pamaypay
3. piraso ng papel (reusable bond paper) 6.ruler

IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang

8
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy
sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasang
solusyunan sa tulong ng aking punong-guro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuhong nais kong ibahagi sa mga
kapwa
ko guro?

Inihanda ni: Iniwasto ni: Sinang-ayunan ni:

CHRISTIAN B. BARRIENTOS CHRISTIAN B. BARRIENTOS


JOSIE G. CRUZADA
SST I EsP Coordinator Head Teacher II

Binigyang-pansin:

ROLANDO B. RICARDO, Jr., EdD


Principal IV

9
DAILY LESSON LOG Paaralan Estefania Montemayor NHS Baitang/Antas 9
(Pang-araw-araw na Guro Christian B. Barrientos Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKASAMPUNG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunang pang- ekonomiya.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakatataya ang mag-aaral ng lipunang pang-ekonomiya sa isang barangay/pamayanan, at


lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal.YouScoop).

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya. EsP9PL-Ie-3.2


Isulat ang code ng bawat 2. Nakagagawa ng poster na nagpapakita ng magandang ekonomiya.
kasanayan 3. Naibibigay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang ekonomiya.

II. Nilalaman Modyul 3: Lipunang Pang-ekonomiya


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 5-6


Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 40-41


Pang-Mag-aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

10
4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Video mula sa: (http://www.gmanetwork.com/saksi)


Panturo LCD projector, laptop
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Tumawag ng 2-3 mag-aaral para sumagot sa mga katanungang nakalagay sa isang mystery box. Isa-
aralin at pagsisimula ng isang bubunot ang mga napiling mag-aaral na sasagot sa nabunot na katanungan tungkol sa mga
bagong aralin. katangian ng mabuting lipunang pang-ekonomiya. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
1. Ano ang lipunang pang-ekonomiya?
2. Ano ang mabuting ekonomiya?
3. Ibigay ang katangian ng mabuting ekonomiya.
4. Ano ang role o gampanin ng estado para magkaroon ng mabuting ekonomiya?
5. Paano nasusuri ang mabuting ekonomiya?

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya.
2. Nakagagawa ng poster na nagpapakita ng magandang ekonomiya.
3. Naibibgay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang ekonomiya.

B. Panoorin ang GMA NEWS TV segment na Saksi na may titulong “GDP growth rate sa unang
buwan ng Duterte Administration, pumalo sa 7.1%” (http://www.gmanetwork.com/saksi)
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Integrative Approach)

11
C. Pag-uugnay ng mga Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay pipili ng isang lider na siyang magpapadaloy ng
halimbawa sa bagong aralin talakayan tungkol sa napanood na video. Ilista ang mga nakitang dahilan ng paglago ng ekonomiya ng
Pilipinas. Iulat ito ng lider sa klase. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective/Collaborative Approach)

D. Pagtalakay ng bagong Paggawa ng Bahay (Gawin sa loob ng 20 minuto) (Collaborative Approach)


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 Layunin:
1. Masaksihan ang proseso ng palitan ng personal na kayamanan para sa mga kakailanganin sa
pagtupad ng tungkulin.
2. Maipamalas ang kakayahang unahin ang grupo bago ang sarili.
3. Mamulatan at matanggap ang hangganan ng pagbibigay ng sarili.
4. Matutuhang makipagtulungan sa iba sa pagtupad ng tungkulin.
5. Makita ang papel ng estado sa lipunang pang-ekonomiya.
6. Matutuhang maging masinop sa mga kagamitan.
7. Mamulat sa halaga ng pag-aari at panahon.

Mga gagamitin:
barbecue
sticks masking
tape
piraso ng papel (reusable bond paper)
orasan
pamaypay
ruler

1. Hatiin ang klase sa maliliit na pangkat na may tig-5 o 6 na miyembro ayon sa laki ng klase. Dapat
ay pare-pareho ang bilang ng mga kasapi sa bawat pangkat.
2. Kailangang makabuo ng isang bahay yari sa barbecue sticks, masking tape at mga papel na
12
tumutupad sa mga sumusunod na pamantayan
a. may kabuuang taas na hindi bababa sa 5 pulgada
b. matibay
c. matitirahan (may bintana, pintuan, may hindi bababa sa apat na dingding, bubong na hindi
tatangayin ng bagyo at hindi pababagsakin ng ulan, sahig)
3. Ang materyales na gagamitin ay simbolikong bibilhin sa guro. Gamit ang kanilang mga personal
na kagamitan, ipagpapalit nila ang mga ito para sa kailangan nilang materyales.
4. Maaaring maging ganito ang palitan sa klase.
a. 1 barbecue stick = aksesorya sa katawan (relos, pulseras, headband, kuwintas, sinturon, etc.)
b. 1 papel = 1 pares ng sapatos o tsinelas
c. 1 pulgadang masking tape = damit
5. Maaaring dumating sa punto na wala nang paninda o wala na ring maipampalit ang mga pangkat.
Mahalagang mapag-isipang mabuti kung paano ito sosolusyonan sa klase.
6. Anuman ang gagawin pagkatapos na maubos ang mga kagamitan sa guro ay hindi na kailangan
pang ipaalam sa kanya.
7. Bibigyan ng 20 minuto ang bawat pangkat na buuin ang bahay simula sa oras ng palitan ng mga
gamit.
8. Kapag ubos na ang oras, dadalhin ang mga nagawang bahay sa guro upang subukin ang mga ito
batay sa kraytirya.
a. Sapat ang taas ng bahay na ginawa 30%
b. Maaaring matirahan ang bahay 30%
c. Paypayan ang bahay upang makita kung tatayo ito laban sa bagyo 40%

E. Pagtalakay ng bagong Iulat sa klase ang resulta ng gawain gamit ang mga gabay na katanungan. Bawat grupo ay may 3
konsepto at paglalahad ng minuto para ibahagi sa klase ang naging karanasan sa paggawa ng bahay. (Gawin sa loob ng 10
bagong kasanayan #2 minuto) (Reflective/Collaborative Approach)

a. Ikuwento ang nangyari sa inyong grupo. Saan kayo nahirapan? Ano ang ginawa ninyo ukol

13
dito? Paano ninyo ito nalampasan?
b. Ano ang naramdaman ninyo nang kailangan ninyong ipagpalit ang inyong gamit para makabili ng
isang materyales? Ano ang pakiramdam nang naubos na ang inyong pampalit?
c. Ano ang napansin ninyo sa ibang pangkat? Paano natutulad o naiiba ang kanilang bahay at ang
proseso ng pagbuo nito sa inyo? Sa tingin ninyo, tama ba o mali ang kanilang ginawa?
d. Ano-ano kaya ang sinisimbolo ng sumusunod: (a) bahay; (b) guro; (c) palitan; (d) orasan?

F. Paglinang sa Kabihasahan Gumawa ng paghahalintulad sa paraan at epektong ginamit ng grupo/estado kung paano nakamit
(Tungo sa Formative ang magandang bahay/magandang ekonomiya. Isulat sa notbuk ang kasagutan. (Gawin sa loob
Assessment) ng 5 minuto) (Reflective Approach)

PARAAN EPEKTO
Grupo Estado Grupo Estado

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Sagutin ang sumusunod na katanungan. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
araw-araw na buhay
1. Ano ang maidudulot ng magandang ekonomiya?
2. Ano ang inyong natutuhan mula sa gawain?

H. Paglalahat sa aralin Ang magandang ekonomiya ay produkto ng maayos na sistema ng pangangalakal, kawalan ng
corruption at mga taong nagtutulong-tulong upang makamit ang hinahangad. Hindi imposibleng
magkaroon ng magandang ekonomiya ang Pilipinas kung tayo ay magtutulungan.

14
I. Pagtataya ng Aralin Gumawa ng isang poster sa isang bond paper na nagpapakita ng isang magandang ekonomiya.
Ipaliwanag ito sa pamamagitan ng tatlong pangungusap. (Gawin sa loob ng 15 minuto)
(Constructivist Approach)

Kraytirya:
Nilalaman at pamamaraan 50%
Pagkamalikhain 25%
Pananalita 15%
Orihinalidad 10%

J. Karagdagang gawain para sa Kumuha ng larawan mula sa lumang magazines o pahayagan at suriin kung anong uri ng
takdang-aralin at remediation eknomiya ang ipinapakita nito. Maghanda para sa pagbabahagi ng opinyon tungkol dito.
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?

15
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa tulong ng
aking punong-guro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni: Iniwasto ni: Sinang-ayunan ni:

CHRISTIAN B. BARRIENTOS CHRISTIAN B. BARRIENTOS


JOSIE G. CRUZADA
SST I EsP Coordinator Head Teacher II

Binigyang-pansin:

ROLANDO B. RICARDO, Jr., EdD


Principal IV

16
DAILY LESSON LOG Paaralan Estefania Montemayor NHS Baitang/Antas 9
(Pang-araw-araw na Guro Christian B. Barrientos Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKALABING ISANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunang pang-ekonomiya.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Nakatataya ang mag-aaral ng lipunang pang-ekonomiya sa isang barangay/pamayanan, at


lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal. YouScoop).

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Napatutunayan na: EsP9PL-If-3.3


Isulat ang code ng bawat a. Ang mabuting ekonomiya ay ang napauunlad ang lahat – walang taong sobrang
kasanayan mayaman at walang maraming mahirap.
b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat.
2. Nakapag-uulat ng mga konsepto tungkol sa lipunang pang-ekonomiya.
3. Naipahahayag ang opinyon sa estado ng ekonomiya ng bansa.

II. Nilalaman Modyul 3: Lipunang Pang-ekonomiya


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9TG p. 6-7


Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang


Pang-Mag- aaral Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 42-46

17
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop


Panturo
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang A. Tumawag ng 2-3 mag-aaral upang magbahagi ng opinyon tungkol sa katangian ng magandang
aralin at pagsisimula ng ekonomiya ng isang bansa at sagutin ang sumusunod na katanungan. (Gawin sa loob ng 5
bagong aralin. minuto) (Reflective Approach)

1. Ano ang iyong masasabi sa uri ng pamumuhay ng mga Pilipino ngayon?


2. Nakamit na kaya natin ang magandang ekonomiya?

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Napatutunayan na:
a. Ang mabuting ekonomiya ay ang napauunlad ang lahat – walang taong sobrang
mayaman at walang maraming mahirap.
b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat.
2. Nakapag-uulat ng mga konsepto tungkol sa lipunang pang-ekonmiya.
3. Naipahahayag ang opinyon sa estado ng ekonomiya ng bansa.
B. Mula sa ibinigay na takdang aralin, ipakita ang mga larawang nagpapahayag ng uri ng ekonomiya.
Tumawag ng 3-5 mag-aaral upang magbahagi ng opinyon tungkol sa larawan. (Gawin sa loob
ng 5 minuto) (Reflective Approach)

18
C. Pag-uugnay ng mga Ipabasa at pasagutan sa mga mag-aaral ang mga katanungan. Ipagawa ito sa notbuk at pumili ng 3-5
halimbawa sa bagong aralin mag-aaral upang magbahagi sa klase ng kanilang kasagutan. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
1. Sukatan ba ang matataas na gusali at maraming infrastructures para masabing maganda ang
ekonomiya ng isang bansa?
2. Sa inyong palagay, ano ang dapat maranasan ng mga taong nakatira sa bansang may
magandang ekonomiya?

D. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa apat. Ipabasa ang bahagi ng sanaysay na nakatakda sa bawat grupo at iulat ito sa
konsepto at paglalahad ng klase. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach)
bagong kasanayan #1
Unang Pangkat: Lipunang Pang-ekonomiya

Lipunang Pang-ekonomiya
Pagkakapantay-pantay

Isang debate sa mga pilosopo ang tanong ukol sa pagkakapantay-pantay. Sa isang panig, may
nagsasabing pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos, dahil tao tayo. Isa pa, dahil kung
titingnan ang tao sa kanyang hubad na anyo, katulad lamang din siya ng iba. Sa kabilang panig, may
nagsasabi rin namang hindi pantay-pantay ang mga tao. May mga taong mananatiling nasa itaas,
dinudungaw ang mga tao sa ibaba. May mga taong yayaman at patuloy na yayaman at may mga taong
mahirap at mananatili sa kanilang kahirapan dahil sadyang ganito ang kaayusan ng mundo.

Isa sa mga gitnang posisyon ay ang posisyon ng pilosopong si Max Scheler. Para kay Scheler,
bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma ng ating
katawan ang kakayahan nating maging isang sino. Ang taong matangkad ay sadyang may pangunguna sa
basketbol kaysa maliliit. Ang babae ay mas may taglay na karisma upang manghalina kaysa lalaki. May
timbre ng boses ang hinahanap upang maging

19
tagapagbalita sa radyo. May linaw ng matang hinihingi sa pagiging isang piloto. Idagdag pa rito ang iba
pang aspekto ng kasinuhan ng tao: ang kanyang kinagisnan ng pagpapalaki sa kanya, ang mga
koneksyon ng pamilya, ang kanyang lahi, relihiyon, at iba pa. Ang lahat ng ito ay naglalatag ng maaabot
ng tao.

Ngunit, sinasabi rin ni Scheler na dahil na rin sa hindi pagkakapantay-pantay na ito, kailangang
sikapin ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan. Hindi dahil
maliliit ang manlalaro ng basketbol, hindi na siya kailanman magiging mahusay at masaya sa kanyang
paglalaro. Hindi niya maaabot ang naaabot ng matangkad ngunit mayroon siyang magagawa sa bukod-
tangi niyang paraan na magpapaiba sa kanya sa matangkad. Kailangan lamang niya ng tiwala at
pagkakataon.

Malabo? Gamitin nating halimbawa ang sitwasyon sa klase. Maaaring si Elmer ang
pinakamagaling sa Math ngunit hindi nito ibig sabihin na si Elmer na lamang ang tuturuan ng guro ng
Math. Pagsisikapan pa rin ng gurong ituro ang mga tuntunin sa Math sa kapwa mabilis matuto at sa mga
mag-aaral na kailangan ng ibayong pag-akay. Subalit, upang higit pang mapaunlad ang husay ni Elmer,
maaaring bigyan siya ng dagdag na mga Math problems na kanyang pag-aaralan. Tugma ito sa tinatawag
ni Sto. Tomas de Aquino na prinsipyo ng proportio, ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa
pangangailangan ng tao. Sa madaling salita, hindi man pantay-pantay ang mga tao, may angkop para sa
kanila. Kailangang maging patas ayon sa kakayahan, ayon sa pangangailangan.

Kung mayroon man tayong isandaang tinapay na dapat ipamigay sa isandaang tao, ano ang
pinakamabisang paraan ng pagbabahagi nito? Bibigyan ba ang lahat ng tig-iisang tinapay o bibigyan ang
mga tao nang ayon sa kanilang hinihingi? Baka may ibang busog pa o kaya naman ay mahinang kumain.
Baka may ibang may sakit o mas gutom. Hindi ba’t pinakamabisa at masinop na paraan ang pagbabahagi
ng tinapay ayon sa huling batayan?

Ikalawang Pangkat Ang mga Pag-aari: Dapat Angkop sa Layunin ng Tao

20
Pero Hindi Patas!

Marahil magpipilit ang iba at sasabihing, “Bakit hindi na lang ibigay ang tinapay sa lahat at
bahala na ang mga nakatanggap na ipamigay o ibahagi sa iba ang sobra sa kanila?” Maganda ang
hangarin ng ganitong pag-iisip. Umaasa ito sa kabutihang loob na taglay ng bawat isa. Naniniwala ito
sa kakayahan ng tao na gumawa ng matinong pagpapasya para sa kanyang sarili at para sa iba. Ngunit
may sinasabi rin ito ukol sa pagtingin ng tao sa tinapay mula sa halimbawa sa itaas, o sa anumang
yaman na ibabahagi sa mga tao sa mas malakihang pagtingin.

Una, tila tinatali ng tao ang kanyang sarili sa bagay na kung hindi siya makakakuha ng bagay,
bumababa ang kanyang halaga bilang tao. Kung hahayaan niya na ang iba lamang ang mabigyan ng
tinapay, para siyang nagpapalamang. Para niyang binitiwan ang tinapay na karapatan naman niya talaga.
Pakiramdam niya ay nagpapaapi siya. Mali ang ganitong pananaw. Hindi sa tinapay nagkakaroon ng
halaga ang tao. Una ang halaga ng tao bago ang tinapay. May tinapay man o wala, may halaga ang tao.
May yaman man ang tao o wala, may halaga pa rin siya bilang tao. Ang tinapay ay nariyan upang siya ay
busugin, palakasin at paginhawahin. May pangingibabaw siya sa tinapay; hindi ang tinapay sa kanya. Ang
kunin pa niya ang tinapay ay pagsasayang na lamang sa tinapay. Ang pagpilit naman niyang kainin ang
tinapay para masabi lamang na hindi nasayang ang tinapay ay isang pagsira naman niya sa kanyang sarili.
Maaari pa itong dahilan ng kanyang pagkakasakit. Maling-mali ito.

Pangalawa, kailangan yatang balikan ang dahilan ng paggawa at pag-aari (ownership). Bakit nga
ba ako nagtratrabaho at nagmamay-ari ng mga bagay? Nagtratrabaho ba si Tatay para ipagmayabang niya
sa kanyang kapitbahay ang kanyang kwarta? Bumibili ba si Nanay ng gamit sa bahay para ibandera sa iba
ang kanilang mga bagong appliances? Gumagawa at
nagmamay-ari ang tao hindi upang makipagmayabangan sa iba, ibagsak o pahiyain ang iba o
makipagkompetisyon sa iba. Gumagawa siya dahil nais niyang ipamalas ang kanyang sariling

21
galing. Nagtratrabaho siya upang maging produktibo sa kanyang sarili.

Napakaganda ng salitang Filipino para sa trabaho. Ang tawag natin dito ay “hanap- buhay.” Ang
hinahanap ng gumagawa ay ang kanyang buhay. Hindi siya nagpapakapagod lamang para sa pera kundi
para ito sa buhay na hinahanap niya. Ang kanyang pag-aari ay hindi lamang tropeyo ng kanyang
pagpapagal. Ito rin ay ang mga gamit niya upang matulungan siyang mahanap ang kanyang buhay.
Mayroon siyang videoke machine hindi para mag-ingay kundi para magamit niya sa kanyang
pagpapahinga at muling pagpapalakas.
Mayroon siyang telebisyon hindi upang ipagmalaki ang kanyang kakayahang makabili ng mamahaling
gamit kundi upang malibang at makakuha ng bagong kaalamang makatutulong sa muli niyang pagbalik
sa pagtratrabaho. Mayroon siyang damit hindi para ipang-porma kundi, dahil kailangan niya ito upang
gawing presentable ang kanyang sarili sa trabaho at sa mga nakakasalamuha niya. Marapat na ipaalala sa
sarili na ang mga gamit sa paligid at yamang pinagbabahaginan ay hindi iniipon para higit na palakihin
lamang ang yaman. Nariyan ang mga ito upang umayon sa mga layunin ng tao.

Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili. Naipakikilala ng tao ang kanyang
sarili sa paggawa. Hindi ang yaman, hindi ang mga kagamitang mayroon siya o wala, ang humuhubog
sa tao. Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kanyang paggawa. Hindi
sa pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa
anumang ibinigay sa kanya ang kanyang ikayayaman.

Ikatlong Pangkat Hindi Pantay pero Patas: Prinsipyo ng Lipunang Pang-ekonomiya

Hindi Pantay Pero Patas

Ito nga ang prinsipyong iniinugan ng Lipunang Pang-ekonomiya. Ang lipunang ito ay nagsisikap
na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
Patas. Nakatutuwang malamang ang pinagmulan ng salitang “Ekonomiya” ay ang mga griyegong salita
na “oikos” (bahay) at “nomos” (pamamahala). Ang

22
ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa bahay. Mayroong sapat na budget ang namamahay.
Kailangan niya itong pagkasyahin sa lahat ng mga bayarin (kuryente, tubig, pagkain, panlinis ng bahay,
at iba pa) upang makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa bahay, maging buhay-tao (humane) ang
kanilang buhay sa bahay at upang maging tahanan ang bahay.

Ang Lipunang Pang-ekonomiya sa mas malakihang pagtingin ay ang mga pagkilos na masiguro
na ang bawat bahay ay magiging tahanan. Pinapangunahan ito ng estado na nangunguna sa
pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan. Lumilikha sila ng mga pagkakataong
makapamuhunan sa bansa ang mga may kapital upang mabigyan ang mga mamamayan ng puwang na
maipamalas ang kanilang mga sarili sa paghahanapbuhay.
Sinisikap gawin ng estadong maging patas para sa mga nagkakaiba-ibang mga tao ang mga pagkakataon
upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-kanilang mga tunguhin at kakayahan. Bilang
pabalik na ikot, ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa
kolektibong pag-unlad ng bansa. Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga may kapital
na siyang lilikha ng higit pang mga pagkakataon para sa mga tao-pagkakataon hindi lamang makagawa
kundi pagkakataon ding tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay.

Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng mga tao sa loob ng Lipunang Pang- ekonomiya.
Ginagawa rin nilang isang malaking tahanan ang bansa—isang tunay na tahanan kung saan maaaring
tunay na tumahan (huminto, manahimik, pumanatag) ang bawat isa sa
pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay.

E. Pagtalakay ng bagong Sa pamamagitan ng graphic organizer, tukuyin at isa-isahin ang mga konseptong nabasa sa
konsepto at paglalahad ng sanaysay. Bawat pangkat ay bigyan ng takdang graphic organizer. Gawin ito sa notbuk. (Gawin sa
bagong kasanayan #2 loob ng 10 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)

23
Unang Pangkat Ikalawang Pangkat

PAKSA

Ikatlong Pangkat

PAKSA

F. Paglinang sa Kabihasahan Mula sa mga nakuhang konsepto, pasagutan ang mga katanungan sa notbuk. Pumili ng 3-5 mag-aaral
(Tungo sa Formative upang magbahagi ng kasagutan sa klase.
Assessment) 1. Ano ang pagkakaiba ng pantay at patas?
2. Bakit mas epektibo ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan kaysa sa pantay na
pamamahagi?
3. Ano ang kaibahan ng trabaho sa hanapbuhay?
4. Ano ang tamang ugnayan ng tao sa kanyang pag-aari?
5. Ipaliwanag ang ugnayan ng pag-unlad ng sarili at pag-unlad ng bayan.

24
G. Paglalapat sa aralin sa pang- Pumili ng kapareha at makipagpalitan ng opinyon tungkol sa konseptong nabuo sa aralin. Gamit ang
araw-araw na buhay graphic organizer, ipakita ang kabuuan ng lipunang pang-ekonomiya kasama ang mga konseptong
bumubuo rito upang maabot ang tunguhin para sa kabutihang panlahat. (Gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective Approach)

1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?


2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?

PAKSA

H. Paglalahat sa aralin Ang Lipunang Pang-ekonomiya sa mas malakihang pagtingin ay ang mga pagkilos na masiguro
na ang bawat bahay ay magiging tahanan. Pinangungunahan ito ng estado na nangunguna sa
pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay
ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag- unlad ng bansa. Hindi lamang sariling
tahanan ang binubuo ng mga tao sa loob ng Lipunang Pang-ekonomiya. Ginagawa rin nilang isang
malaking tahanan ang bansa - isang tunay na tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan (huminto,
manahimik, pumanatag) ang bawat
isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay.

I. Pagtataya ng Aralin Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong, pumili ng pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito
sa notbuk. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

1. Ang paniniwala na ang tao ay pantay-pantay ay nakaugat sa katotohan na…

25
a. lahat ay dapat mayroong pag-aari
b. lahat ay may kanya-kanyang angking kaalaman
c. lahat ay iisa ang mithiin
d. likha ang lahat ng Diyos

2. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao

3. Sa ating lipunan, alin sa sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa pamahalaan, kahit na
kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan dahil karapatan niya ito bilang
mamamayang nagbabayad ng buwis.
b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil
mayroon itong sentimental value sa kanya.
c. Inuubos ni Jerome ang kanyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang
mahahanap. Ayon sa kanya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan
d. Lahat ng nabanggit

4. Ang sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa:


a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng

26
pangangasiwa ng yaman ng bayan

5. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?


a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay
pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang pangangailangan.
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay
pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan.
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang
paggalang sa kanilang mga karapatan.
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay
pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao.

6-10: Magbigay ng limang tiyak na hakbang kung paano maisasaayos ang ekonomiya ng bansa.
6.
7.
8.
9.
10.

J. Karagdagang gawain para sa Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Maghanda para sa isang symposium tungkol sa paksang “Ano
takdang-aralin at remediation ang Magagawa ng Isang Kabataan sa Pagkamit ng Mabuting Ekonomiya?”
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

27
B. Bilang ng mag-aaral nanangangailangan
ng iba pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng


mag- aaral na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasang
solusyunan sa tulong ng aking punong-guro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni: Iniwasto ni: Sinang-ayunan ni:

CHRISTIAN B. BARRIENTOS CHRISTIAN B. BARRIENTOS


JOSIE G. CRUZADA
SST I EsP Coordinator Head Teacher II

Binigyang-pansin:

ROLANDO B. RICARDO, Jr., EdD


Principal IV

28
DAILY LESSON LOG Paaralan Estefania Montemayor NHS Baitang/Antas 9
(Pang-araw-araw na Guro Christian B. Barrientos Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKALABING DALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunang pang-ekonomiya.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Nakatataya ang mag-aaral ng lipunang pang-ekonomiya sa isang barangay/pamayanan, at


lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal. YouScoop).

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Nakatataya ng lipunang pang-ekonomiya sa isang baranggay/pamayanan, at lipunan/bansa gamit ang
Isulat ang code ng bawat dokumentaryo o photo/video journal (hal. YouScoop) EsP9PL-If-3.4
kasanayan 2. Nakapagsasagawa ng isang symposium tungkol sa ibinigay na paksa.
3. Naipahahayag ang opinyon tungkol sa magagawa ng isang kabataan sa pagkamit ng mabuting
ekonomiya.

II. Nilalaman Modyul 3: Lipunang Pang-ekonomiya


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Eduksayon sa Pagpapakatao 9 TG p. 7-9


Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang


Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 46-49
Pang-Mag-aaral

29
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD Projector, Laptop


Panturo Sanaysay mula sa: www.gmanetwork.com/news/story/372849/news/ulat filipino/galing-sa- hirap-
nagsumikap-hindi-yumaman-pero-nagbago-ang-estado-ng-buhay
Video mula sa: https://www.youtube.com/watch?v=KZAypzf8Y40
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang A. Tumawag ng 2-3 mag-aaral upang magbahagi ng konsepto ng lipunang pang-ekonomiya.
aralin at pagsisimula ng (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
bagong aralin.
B. Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. (Gawin sa loob ng 2 minuto) (Reflective
Approach)
1. Ano ang kalagayang pangkabuhayan sa inyong lugar?
2. Ano ang prinsipyo ng lipunang pang-ekonomiya?

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Nakatataya ng lipunang pang-ekonomiya sa isang baranggay/pamayanan, at
lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal. YouScoop)
2. Nakagagawa ng isang dokumentaryo tungkol sa lipunang pang-ekonomiya ng barangay na
kinabibilangan.
3. Naipahahayag ang opinyon sa pagsusuri ng lipunang pang-ekonomiya.

B. Ipabasa sa mag-aaral ang isang sanaysay ng isang kabataang may titulong “Galing sa Hirap
Nagsumikap, Hindi Yumaman pero Nagbago ang Estado ng Buhay”

30
(www.gmanetwork.com/news/story/372849/news/ulat filipino/galing-sa-hirap-nagsumikap- hindi-
yumaman-pero-nagbago-ang-estado-ng-buhay) (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)

C. Pag-uugnay ng mga Pasagutan ang sumusunod na katanungan sa notbuk. Tumawag ng 3-5 mag-aaral upang magbahagi
halimbawa sa bagong aralin ng kasagutan sa klase. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano-ano ang ipinahahayag ng kuwento?
2. Paano siya nagtagumpay sa buhay?
3. Paano siya nakaambag sa lipunang pang-ekonomiya?

D. Pagtalakay ng bagong Mag-iimbita ang guro ng tagapagsalita (Youth Development Program Officer of the Division).
konsepto at paglalahad ng Pangkatin ang klase sa dalawa. Magsagawa ng isang symposium gamit ang paksang, “Ano ang
bagong kasanayan #1 Magagawa ng Isang Kabataan sa Pagkamit ng Mabuting Ekonomiya?” Maglaan ng 15 minuto upang
malayang makapagtanong ang mga mag-aaral. Tiyaking lahat ay matamang nagtatala ng mga tiyak na
hakbang na kanilang magagawa para makatulong sa pagkamit ng mabuting ekonomiya. (Gawin sa
loob ng 30 minuto) (Reflective-Collaborative Approach)

E. Pagtalakay ng bagong Pagkatapos ng gawain ay pasagutan ang mga sumusunod na katanungan sa notbuk.
konsepto at paglalahad ng a. Alin sa mga nabanggit ng tagapagsalita ang ginagawa o nagawa mo na? Ipaliwanag.
bagong kasanayan #2 b. Alin sa mga nabanggit ng tagapagsalita ang nais mong simulang gawin sa malapit na
hinaharap? Paano?

F. Paglinang sa Kabihasahan Bumuo ng pangkat na may limang miyembro. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga gabay na tanong.
(Tungo sa Formative (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective-Collaborative Approach)
Assessment) 1. Ano-ano ang mga bagay na nakatutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas?
2. Ano ang maaari mong isagawang plano upang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya sa
pamamaraang kaya mo sa ngayon?
3. Paano pinauunlad ng gawaing pagpaplano ang buhay ng isang tao?

31
G. Paglalapat sa aralin sa pang- Pumili ng 3-5 mag-aaral upang magbahagi ng kanilang kasagutan sa tanong,
araw-araw na buhay “Bilang isang kabataan, saan mo maikukumpara ang iyong naging kontribusyon sa lipunang pang-
ekonomiya?”

H. Paglalahat sa aralin Bawat isa ay malaki ang ginagampanang papel sa pagkamit ng magandang lipunang pang-
ekonomiya. Kahit ang sinumang kabataan ay malaki ang maiaambag sa pagkamit nito.

I. Pagtataya ng Aralin Hatiin ang klase sa mga pangkat na may 6 na kasapi. Magsagawa ang bawat pangkat ng isang
Proyektong Pampayanan gabay ang sumusunod na layunin.

Mga Layunin:
1. Makalikha ng isang bagay na may pangmatagalang pakinabang sa pamayanan.
2. Matutuhan ang pangangalap ng pondo.
3. Mamulat sa halaga ng kayamanan: salapi, oras at pagod.
4. Matutong makipag-ugnayan sa mga kinauukulan.
5. Makapaglunsad ng isang fair kung saan makaiipon ng salapi ang mga pangkat.

Mag-isip ng isang proyektong magagawa agad sa loob ng isang linggo at may pangmatagalang
kapakinabangan ang pamayanan. Maghanda ng proposal gamit ang kalakip na form. Ipasa sa guro at
hingin ang kanyang pagsang-ayon. Makikipag-ugnayan ang mga pangkat sa kinauukulan para sa
proyekto. Halimbawa, kung nais nilang magtanim ng mga namumulaklak na halaman sa parke,
kailangan nilang magpaalam sa Kapitan ng Barangay. Pagkatapos ng proyekto, iuulat nila ang kanilang
mga paghahanda, naranasan at natutuhan sa klase. Kailangang maghanda ng komprehensibong ulat sa
isasagawang mga gawain.
Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Ano ang nangyari? Ikwento ang magagandang bagay na nangyari. Paano ito naganap? Ano ang
inyong ginawa?
b. Ano ang naging balakid? Paano ninyo ito napagtagumpayan?

32
c. Ano ang inyong natutuhan?

J. Karagdagang gawain para sa Ibigay ang kahulugan ng mga salita:


takdang-aralin at 1. lipunan
remediation 2. sibil
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito

33
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-guro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
dd
Inihanda ni: Iniwasto ni: Sinang-ayunan ni:

CHRISTIAN B. BARRIENTOS CHRISTIAN B. BARRIENTOS


JOSIE G. CRUZADA
SST I EsP Coordinator Head Teacher II

Binigyang-pansin:

ROLANDO B. RICARDO, Jr., EdD


Principal IV

34
35

You might also like