You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9- FINAL NA PAKITANG-TURO

IKA-10 NG HUNYO, GANAP NA 3:00- 4:00 NG HAPON- ONLINE CLASS

I.Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a.Natutukoy ang kahulugang denotasyon at konotasyon sa mga pahayag;


b.Naipaliliwanag ang iba’t ibang paggamit ng mga salita ayon sa kahulugan nito;
c.Naisakikilos ang nabuong sariling pahayag batay sa pagpapakahulugang denotasyon
at konotasyon

II.Paksang Aralin

DENOTASYON AT KONOTASYON

Sanggunnian: Gintong Biyaya Ikalawang edisyon (Pahina 154-165)


Kagamitan: Kagamitang biswal, mga larawan, laptop, raffle names,

III.Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

- Tayo ay manalangin - Iyuko ang ating mga


ulo, sa ngalan ng Ama,
ng anak ng espirito
Santo, Amen.

2. Pagbati sa Klase
- Magandang hapon po
- Magandang hapon sa ating lahat!
titser!

3. Pagtala sa lumiban sa klase

- isa-isa kung tatawagin ang bawat mag-


aaral upang malaman kung sino ang
-Opo Titser!
narito at wala.
- Maliwanag?
(Tatawagin kanilang pangalan)
- Mahusay at kakaunti lamang sa atin Ang
lumiban Ngayon, siguro ay dahil sa
kanilang mahinang koneksyon.

4. Pagbibigay pamantayan sa klase

- Bago tayo magsisimula sa ating


Talakayan, akin mo ng ipapaliwanag ang
mga bagay na dapat niyong gawin sa
aking klase.
- Opo titser!
- Una sa lahat buksan ang inyong camera
kapag tinawag ang inyong pangalan o
kapag kayo ay nagtanong o sumagot.
- Pangalawa, huwag buksan ang
mikropono maliban kung kayo ay
tatanong o sasagot.
5. Pagtala ng takdang aralin

- Meron ba kayong takdang aralin?

-Kung meron man ay ipasa agad sa

ating google classroom. - Opo!

6. Pagbabalik aral

-Bago natin simulan balikan natin muli


ang ating huling tinalakay?

Sinu-sino sa inyo ang nakakaalala ng

ating nakaraang talakayan?

-Tungkol po sa Matatalinghaga
-Mahusay! Salita.

-Mag bigay ng halimbawa ng


matatalinhagang Salita?
- (Nagbigay ng kanikanilang
halimbawa

-Mahusay at talagang naiintindihan ninyo


Ang ating huling tinalakay. Opo titser!

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak ( Motivation )

- Bago tayo dadako sa ating susunod na

talakayan, magkakaroon muna tayo ng

gawain. Dahil gusto kong subukin ang


inyong kakayahan.

Panuto:

Magbibigay ako ng mga


matatalinhagang pagpapahayag at bibigyan
niyo ito ng mas espisikong kahulugan.

Nagsusunog ng kilay Nagsusumikap!

Pantay na ang kanyang mga paa. Patay na!


Pinagbiyak na bunga Magkamukha!

Magaling!

2. Paglalahad ng paksa

Gawain ng pagkatuto 1 (activity)

Ito ay pinamagatang kong

"Larawan ay kilalanin, Kahulugan ay


tukuyin".

Handa na ba kayo?
Opo!
Panuto: Hulaan ang mga larawan at
tukuyin ang mga kahulugan nito. iliin ang mga
titik na possibleng kahulugan ng mga salita.

Sabawat salita mayroong apat na


posibleng kahulugan ng salita.

Kilalanin mo nga?

Alamin naman ninyo ang posibleng


kahulugan ng araw. Araw!

Ang araw ay ?

a) Pinakasentrong bituin ng sistemang


solar.
b) Panahon
c) Kalikasan
d) Motibasyon
e) Pag-asa

Bato
Ang bato ay?
a) Matigas na bagay
b) Mineral
c) Mahina
d) Matigas ang puso
e) Manhid

Apoy!

a) Nagpupuyos ng damdamin
b) Karaniwang nagbubuga ng init, liwanag
at usok
c) Nag-aalab na damdamin
d) Kasaganahan
e) Sunog

Mahusay! Tagang naiibigay nyo ang ibat


ibang kahulugan ng isang salita.

Gawain ng pagkatuto 2 (Analysis)


Opo!
Maaari bang bigyan ng magkaibang
kahulugan ang isang salita?

Bakit nagkakaroon ng iba-ibang Bunga ng pagkamalikhain ng ,


kahulugan ang mga ibinigay na mga maaring sila nakaliliha ng mga
bagong salita.
salita.

Ang mga iba-ibang kahulugan nito mas


nakakapagbukas bas a inyong pala
isipan.

Base sa ating aktibidad, ano sa palagay niyo


ang ating topiko?

Gawain ng pagkatuto 3 (Abstraction)


-
- Ngayon sinu a inyo ang may idea sa
salitang denotasyon at konotasyon?

- Ngayon aalamin natin ng malinaw pa


ang dalawang kahulugan na inyong
ibinibigay.
- Handa na ba Kayo?
- Ang unang na inyong ibinigay ay
tinatawag nating literal o kahulugang
DENOTASYON ang ikalawa namang
kahulugan na inyong ibinigay ay
tinatawag nating KONTASYON.
- Para lubos nyong maunawan ang
magkaibang kahulugan na Ito Unahin
natin Ang literal na kahulugan.
- DENOTASYON -literal o totoong
kahuluganng salita-kahulugan ng salita na
matatagpuan sa diksyunaryo
- KONTASYON -malalim ang kahulugan ng
salita, pansariling kahulugan ng isa o grupo
ng tao sa isang salita, iba sa pangkaraniwang
kahulugan. Tinatawag ding matatalinhagang
pagpapahayag.
- Para mas lalong maiintindihan ang
kahulugang Denotasyon at Kontasyon.
- Tignan natin ang mga iba pang
halimbawa.

BOLA
Denotasyon : Isang bagay na ginagamit
sa paglalaro.
"Ang mabilis na tumatalbog na bola
mainam gamitin sa paglalaro."

BOLA
Konotasyon : Ito ay isang biro o
pagbibiro.

" Tigilan mo nga ako puro ka bola."


-Ngayon naibigay na natin dalawang
kahulugan ng bola ang literal o
denotasyon na kahulugan at Kontasyon
kahulugan.
-Isa pang halimbawa!
PAWIS

Denotasyon : Tubig na lumabas sa


katawan ng tao.
"Pawis na pawis sya sa sobrang init ng
panahon."
Kontasyon : Nangagahulugang ng
pusposang pag sisikap.

"Pawis ang ipinuhunan ko sa pag-aaral


mo kaya pagbutihin mo."
Naiintindihan?

Naibigay kona ang karagdagang


halimbawa sigurado akong magagawa
nyo na ang pagsasanay na hinanda ko
para sa inyo.
Gawain ng pagkatuto 4 (Application)
Papangkatin ko kayo ng dalawang
pangkat.

Ang pangkat ng DENOTASYON ay


ang pangkat ng Kalalakihan.

Ang pangkat ng KONOTASYON ay


pangkat ng kalalakihan.

Pumili kayo ng tagapresenta ng bawat


pangkat.

Panuto: Ibigay ang literal o Denotasyong


kahulugan at Konotasyon na kahulugan ng mga
sumusunod na mga salita.

1) Sisiw
2) Pusang itim
3) Nagsusunog kilay
4) Ilaw
5) Oras

IV.PAGTATAYA

Panuto: Tukuyin kung ang kahulugan ng salita o mga salitang nakasalungguhit ay


ginamit sa denotasyon o konotasyong pagpapahulugan. Piliin ang D kung ito ay
denotasyon o K naman kong ito ay konotasyon.

1) Pinakaiingat-ingatan ni April ang lapis na bigay ng kanyang lola.


2) Maging maingat ka sa pagpili ng iyong kaibigan. Ang ibay tulad ng ahas na
magsasalita nang masama sayo kapag nakatalikod kana.
3) Ang trabaho ni Jordan ay pag-aralan ang mga bituin sa kalangitan at tukuyin
kung ang mga ito ba ay may epekto sa galaw ng ating planeta.
4) Laging pinagagalitan ng kanyang mga magulang si Jasper dahil matigas ang ulo
niya at hindi siya sumusunod sa kanilang mga utos.
5) Bihira na lamang ang paggamit ng kutsarang pilak ngayon dahil mahal ang
halaga ng mga ito.

V.Takdang Aralin
Gawin ito sa isang pirasong papel. Sumulat ng sariling Talata. Gamitin ang mga
matatalinhagang pagpapahayag.

Pamantayan : (Rubrics) sa pagmamarka ng iyong awtput.

1. Pagkamalikhain 20%

2. Paghahatid (Delivery) 40%

3. Nilalaman 40%

Kabuuan 100%

Inihnda ni: Nakita ni:


MIRA B. MAGALANG ARMANDO S. DARDO JR.,EdD
Pre-Service Teacher Critic Teacher

You might also like