You are on page 1of 11

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-9

Ika-14 ng hunyo 2021


Inihnda ni Mohamad M. Bansil

I. Layunin
Pagkatapus ng isang oras na pagtalakay sa klase, ang

Apatnapu't pitong (47) mag-aaral ay inaasahan na:

a. Naibibigay ang kahulugan ng kwentong-bayan

b. nagagamit nang wasto ang elemento at uri ng kwentong-bayan;


at

c. naisasakilos ang mahahalagang kaganapan sa buod ng


kwentong bayan.

II. Paksang Aralin


Paksa: Kwentong-bayan
 Uri ng kwentong bayan
 Elemento ng kwentong bayan
Mga Salitang Hudyat ng Panimula, Gitna, at Wakas
Sanggunnian: Gintong Biyaya Ikalawang edisyon (Pahina 154-165)
Kagamitan: Kagamitang biswal, mga larawan, laptop, raffle names,
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

- Tayo ay manalangin - Iyuko ang ating mga


ulo, sa ngalan ng Ama,
ng anak ng espirito
Santo, Amen.
2. Pagbati sa Klase

- Magandang hapon sa ating lahat! - Magandang hapon po


titser!

3. Pagtala sa lumiban sa klase

- isa-isa kung tatawagin ang bawat mag-


aaral upang malaman kung sino ang
narito at wala. -Opo Titser!
- Maliwanag?

4. Pagbibigay pamantayan sa klase

- Bago tayo magsisimula sa ating


(isinasagawa ng mga
Talakayan, akin mo ng ipapaliwanag ang
mag-aaral)
mga bagay na dapat niyong gawin sa
aking klase.
- Una sa lahat buksan ang inyong camera
kapag tinawag ang inyong pangalan o
kapag kayo ay nagtanong o sumagot.
- Pangalawa, huwag buksan ang
mikropono maliban kung kayo ay
tatanong o sasagot.

5. Pagtala ng takdang aralin

- Meron ba kayong takdang aralin? - Opo titser!

-Kung meron mana ay ipasa agad sa

ating google classroom.

6. Pagbabalik aral

-Sinu-sino sa inyo ang nakakaalala ng

ating nakaraang talakayan?

- Ginoong Jordan: Tungkol po


-Ginoong Jordan.
sa Karunungang- Bayan (Tula/
Awiting Panudyo/ Tugmang
de- Gulong/Bugtong/
Palaisipan) titser.

-Magaling Ginoong jordanS!

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

- Bago tayo dadako sa ating susunod na

talakayan, magkakaroon muna tayo ng

gawain.

- Ito ay pinamagatang

“Brainstorming” o “Palaisipan”

- Panuto: Bigyang-pansin ang bawat


larawan, at banggitin kung sino-sino ang
mga Superhero na inyong makikita at
sabihin sa klase kung ano ang taglay
nitong lakas o kapangyarihan.
- Bawat isa ay mag-iisip at sasagot base (Ang mga mag-aaral ay nag-
sa kung ano ang kanilang nalalaman. iisip, base sa kanilang nakikita
(Tatawagin ng titser ang piling mag- o naaalala sa larawan).
aaral)
- Handa naba ang lahat? - Bb. Hitalia: Ang superhero na
- Ang unang sasagot ay si Bb. Hitalia. nasa larawan ay si Superman,
at sya ay nagtataglay ng
angking lakas at katalinuhan.

- Napakagaling Bb. Hitalia!


- Sino naman ang nasa larawan? - Ginoong Dalanon: Si
- Ginoong dalanon? Spiderman po Titser, at sya ay
nagtataglay ng kapangyarihan
na gaya ng gagamba.

- Ginoong Leba: ang nasa


larawan ay si Batman, siya ay
may kakayahang lumipad ng
- Sino naman ang Panghuling larawan?
napakabilis.
- Ginoong Leba?

- Magagaling‼

2. Paglalahad ng paksa
- (bawat isa ay sabik at gustong
- Ngayon naman magkakaroon tayo ng
sumagot).
aktibidad.
- Naghanda ako ng inyong mga pangalan
- Opo titser!
na nakasulat sa mga malilit na papel.
- Kung sino man ang aking mabubunot ay
siyang sasagot ng aking mga
katanungan.
- Handa na ba ang lahat?
- Panuto: Tingnan ng Mabuti ang nasa
larawan, alamin kung anong kwentong
bayan ito at ipaliwanag sa klase kung
anong aral ang iyong napulot sa
pakikinig nito sa paaralan man,
telebisyon o sa kwento ng mga
matatanda.

- Bb. Duruin: Ang Kwentong-


bayan na nagpapakita ng nasa
larawan ay ang Alamat ng
pinya. Ang aking napulot na
- (Bubonot ang guro ng pangalan) aral sa kwentong ito ay dapat
- Ang unang sasagot ay si Bb. Duruin? gamitin ang mata sa tamang
paraan at maging masunurin
sa magulang.

- Magaling Bb. Duruin!


- Ano kwentong-bayan naman ang nasa - Bb. Malaguial: Ang kwentong-
larawang ito? bayan base sa larawan na
(Bubunot ulit ang guro ng pangalan ng aking nakikita ay Pinocchio.
mag-aaral) Ang aral na aking natutunan
- Ikaw ay sumagot, Bb. malaguial? sa kwentong ito ay wag
magsisinungaling upang hindi
humaba ang ating ilong na gay
ani Pinocchio.

- Nakakamangha ang iyong sagot Bb.,


- Ginoong Gallardo: Ang
Malaguial!
kwentong bayan na isinasaad
- Anong kwentong bayan naman kaya ang
ng larawan ay Ang Pagong at
nasa larawan ito?
ang kuneho. Ang aral na aking
(Bumunot ulit ang guro)
natutunan sa kwentong ito ay
- Ginoong Gallardo?
ang pagiging matiyaga gano
man kabagal ang mahalaga ay
hindi ka nang-aapak ng tao.
- Magaling, magaling mga mag-aaral
lubos akong nasisiyahan sa taglay
ninyong katalinuhan sa pagsagot ng
ating mga katanungan.
- Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.
- Ginoong Manalo: Sa aking
palagay ang ating topiko
ngayong hapon ay patungkol
po sa kwentong-bayan.

3.Pagtatalakay ng paksa

- Base sa ating aktibidad, ano sa palagay


niyo ang ating topiko? Binasa na ani Airies ang kwento na
- Ginoong Manalo? pinamagatang (kaibigan daw)

(Kaibigan Daw)

- Tama, Ginoong Manalo! Isang hapon, naglalakad ang


dalawang binatang magkaibigan sa
- Sa puntong ito Airies,maaari mo bang
gubat, masaya nilang pinag-uusapan
basahin ang ating kwentong
ang mga karanasan nila nang bigla
pinamagatang(kaibigan daw)
na lamang nilang narinig ang
kaluskos sa may gawing likuran.

Nang lingunin ng isang binate ay


natanaw niyang dumarating ang
napakalaking oso, mabilis na
umakyat sa katabing puno ang isa sa
binate. Hindi niya naalaalang
pagsabihan man lang ang kasama sa
laki ng takot sa mangyayari sa sarili.

Naiwan ang kasama na hindi


makakibo dahil aabutan na ng oso.
Naisip na lamang niyang dumapa sa
kinatatayuan niya at magkunwaring
patay, dahil alam niyang hindi inaano
ng oso ang mga taong patay.

Lumapit ang oso, inamoy-amoy ang


taong pigil na pigil naman huminga.
Pagkaraan ng ilang sandal, iniwan na
siya ng oso at lumayo ito.

Bumaba sa puno ang unang lalaki.


Ano ang ibinulong sa iyo ng oso? Ang
pabiro niyang tanong sa kasama.

Sabi niya sa akin,sagot ng binatang


dumapa. Hindi raw maasahan ang
isang kaibigan iiwan ka sa gitna ng
kagipitan. Hindi raw ganon ang
totoong kaibigan.

Naghiwalay ang dalawa, ang isa ay


nahihiya at ang isa ay nagdaramdam.

- Magno: Ang kwentong-bayan


ay akdang pampanitikang
binubuo ng mga kwentong
nagpasalin-salin sa bibig ng
- Ang ating pag-aaralan ngayong hapon mga taong bayan.
ay tungkol sa kwentong-bayan, mga
elemento nito at mga salitang hudyat ng
panimula, gitna, at wakas.
- Ano ang Kwentong-Bayan? - Tolentino: Karaniwang
- Ginoong magno!? kaugnay ito sa kaugalian, at
tradisyon ng isang pook, tribo,
o bayan.

- Magaling Ginoong magno!

- Ano pa Bb. tolentino?

- Magaling Binibing tolentino!

Kwentong Bayan
- kuwentong-bayan ay mga kathang isip
na kuwento o salaysay na ang mga
kumakatawan ay ang mga pag-uugali at
mga uri ng mga mamamayan sa isang
lipunan. Ito ay nabuo ng mga manunulat
upang kanilang maipahayag ang mga
sinaunang pamumuhay at upang maging
gabay ng mga tao sa kasalukuyang
pamumuhay
- Ang kwentong-bayan ay pampalipas-
oras at kadalasay kwento sa mga bata
upang kapulutan ng aral. Ang
kadalasang paksa ay mga bagay na
makapanindig balahibo tulad ng aswang,
maligno, kapre, mga sirena, at mga nuno
sa punso.

Ang uri ng kuwentong bayan ay ang


sumusunod:
1. Alamat-isang uri ng kwentong bayan
tumutukoy sa pinagmulan ng isang
bagay.
2. Mito- ito ay tumutukoy sa Diyos at
Diyosa
3. Pabula- ito ya pumapaksa sa mga
nagsasalitang hayop at inihahambing sa
mga tao dahil sap ag-uugali at
katangiang taglay ng bawat isa.
4. Parabula- isang uri ng kwentong bayan
na nga mga pangyayari ay buhat sa mga
aral o pangyayaring matatagpuan sa
Bibliya.

Ano-ano naman ang mga element ng kwentong


bayan?
- Mga mag-aaral ito ay ang tauhan,
Airies: Ang mga tauhan sa
tagpuan, banghay, at tema.
ating kwento ay ang Dalawang
1. Tauhan - Ito ay tumutukoy sa
binata at ang oso.
mga panauhin sa kwento. Ang mga tauhan
ang gumaganap at nagbibigay buhay sa
takbo ng kwento. Ang mga tauhan ng
kwento ay maaaring tao o kaya naman ay
mga hayop.
- Base sa kwentong binasa ni Airies na
pinamagatang(Kaibigan Daw), sino-sino
ang mga tauhan?
- Bb.Airies?

- Magaling Bb. Airies.

- sibugan: isang hapon at sa

2. Tagpuan - Tumutukoy ito sa pinag gubat.

ganapan ang kwento. Ito ay iba't ibang


lugar at iba't ibang panahon kung saan at
kailan nagaganap ang mga pangyayari
- Base ulit sa kwentong binasa natin
kanina), saan ang naging tagpuan ng
ating kwento?
- Ginoong sibugan?

- Magaling Ginoong Sibugan!


3. Banghay - Ito ay tumutukoy
sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kwento. Mayroong limang
bahagi ang banghay:
4. Tema Ang tema naman ay ang
bagay na gustong iparating ng kwento
sa mga mambabasa at ang aral ay ang
mga napulot na leksiyon tungkol dito.

4. Paglalapat
Panuto:Pumili sa mga
sumusunod(Alamat,Pabula,Parabula at
Mito)gumawa ng isang maikling kwento
at gamitan ng wastong elemento at
tapusin sa loob ng dalawampong
minuti (20 minutes)
IV. Pagtataya
Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang sagot sa mga katanbungan.
___________1. Ito ay mga tao, bagay, hayop na gumaganap sa isang
kwento.
___________2. Ito ay uri ng kwentong bayan na tumutukoy sa pinag Mulan
ng isang bagay
___________3. Ito ay tumutukoy sa pagkaka sunod-sunod ng pangyayari sa
kwento.
___________4. Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng maikling kwento.
___________5. Ito ay tumutukoy kung saan at kailan nangyari ang kwento.

V. Takdang Aralin
Gawiin ito ng labing limang minute (15minutes)
Panuto: Igrupo ang sarili sa limang meyembro sa bawat grupo, pumili ng uri
ng kentong bayan at isadula ito gamit ang voice record

Pamantayan(Rubrics)
1.Pagkamalikhain 20%
2. Paghahatid (Delivery) 40%
3. Nilalaman 40%
4. Kabuuan 100%

You might also like