You are on page 1of 7

DIAGNOSTIC NA PAGSUSULIT SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA

WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Pangalan: ___________________________________ Iskor: ___________


Baitang at Seksyon: ___________________________ Petsa: __________
Paaralan: ___________________________________________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Bilugan ang titik na
katumbas ng tamang sagot.

1. Ang salitang Ingles na language ay mula sa Latin na ibig sabihin ay lingua. Ano ang katumbas sa
Filipino ng sinalungguhitang salita sa pangungusap?

A. bibig B. dila C. ilong D. paa

2. Sinong manunulat ang nagsabing “Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga
tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo?”

A. Aquino B. Arrogante C. Pagkalinawan D. Webster

3. Ano ang pinakamahalagang instrumento sa komunikasyon?

A. diyalogo B. tunog C. salita D. wika

4. Ayon sa isang panayam, “Ang wika ay nakararanas ng pagbabago sapagkat ito ay buhay,
mapanlikha, at inobatibo.” Alin sa mga katangian ng wika ang tinutukoy?

A. Ang lahat ng wika ay may sariling kakanyahan.


B. Ang lahat ng wika ay nanghihiram.
C. Ang wika ay arbitraryo.
D. Ang wika ay dinamiko.

5. Ayon sa isang talumpati, “Ang wika ay pantay-pantay.” Anong katangian ng wika ang ibig
ipahiwatig sa pahayag?

A. Ang lahat ng wika ay may sariling kakanyahan.


B. Ang lahat ng wika ay nanghihiram.
C. Ang wika ay arbitraryo.
D. Ang wika ay dinamiko.

6. Sa kasalukuyan, marami ng salita sa wika natin na hinihiram mula sa ibang wika sapagkat ito ay
bahagi na ng paglinang sa isang wika. Anong katangian ang wika ang tinutukoy?

A. Ang lahat ng wika ay may sariling kakanyahan.


B. Ang lahat ng wika ay nanghihiram.
C. Ang wika ay arbitraryo.
D. Ang wika ay dinamiko.
7. “Marco, there are three words I've been wanting to say to you for five years. I am sorry. I'm
sorry dahil hindi ko kinaya na sabihin sa 'yo ang totoo. I’m sorry dahil iniwan kita. I'm sorry
na nasaktan kita. I'm sorry kasi natakot ako. I’m sorry for giving up on us.”-Toni Gonzaga as
Ginny. Ang linyang ito ay mula sa pelikulang Pilipino na Starting Over Again (2014) na
pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga. Batay sa pahayag na ito, ano ang tawag sa
kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika?
A. lingguwalismo C. multilingguwalismo
B. bilingguwalismo D. monolingguwalismo

8. “Sa aking pananaw, living in the Negros Oriental is simple and peaceful, may payak na
pamumuhay, maraming masisipag, sariwa ang hangin at payapa. Daghan pud nga
matinabangon.” Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng kakayahang multilingguwalismo, ano ang
ibig sabihin nito?

A. Kakayahan ng isang tao na makapagsalita at makaunawa ng iisang wika


B. Kakayahan ng isang tao na makapagsalita at makaunawa ng dalawang wika
C. Kakayahan ng isang tao na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika
D. Kakayahan ng isang tao na makapagsalita at makaunawa ng isa at dalawang wika

9. Batay sa Biligual Education Policy, anong wika ang gagamitin bilang wikang panturo sa mga
asignaturang may kinalaman sa Araling Panlipunan/Agham Panlipunan, Musika, Sining, Physical
Education, Home Economics at Values Education?

A. Tagalog B. Filipino C. Cebuano D. Hiligaynon

10. Anong wika ang ginamit sa pagtuturo ng asignaturang Siyensiya, Teknolohiya at Matematika sa
loob ng Biligual Education Policy?

A. Ingles B. Filipino C. Espanyol D. Nihonggo

11. Batay sa iyong karanasan, anong wikang panturo ang ginamit sa asignaturang Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino?

A. Cebuano B. Espanyol C. Ingles D. Filipino

12. Anong wikang panturo ang ginamit sa asignaturang Oral Communication in Context?

A. Cebuano B. Espanyol C. Ingles D. Filipino

13. Anong libreng social network ang nagbibigay-daan sa mga gumagamit upang makipag-ugnayan
sa kanilang mga kaibigan, mag-publish ng mga teksto, larawan, video, atbp. sa pamamagitan ng
internet?

A. Instagram B. Facebook C. YouTube D. Twitter

14. Anong website ang nagbabahagi ng mga video na maaaring nakapaloob ang mga aralin na may
kinalaman sa asignatura, mga awitin, sayaw, kumperensiya, panayam, balita, programa, live video
at marami pang iba?

A. Instagram B. Facebook C. YouTube D. Twitter

15. Anong American microblogging at social networking service kung saan ang mga gumamit nito ay
nag-post at nag-interact gamit ang mga mensaheng tinatawag na "tweet"?

A. Instagram B. TikTok C. YouTube D. Twitter

16. Sa dami ng takdang aralin ni Arnel ay naisipan niyang pumunta sa silid-aklatan upang
magsaliksik. Anong gamit ng wika ang tinutukoy sa sitwasyon?

A. heuristiko B. imahinatibo C. interaksiyonal D. regulatori

17. Ano ang gamit ng wika sa pahayag na, “Bagaman unang subok ni Chona na magluto ng cake
naging masarap ang kinalabasan ng kanyang luto dahil matamang sinunod niya ang pamaraan ng
pagluto nito”?
A. heuristiko B. instrumental C. personal D. regulatori

18. “Sa aking pananaw, mahalaga pa rin na ituro ang kagandahang-asal sa mga kabataan lalo na sa
bagong henerasyon nang ito’y kanilang maisabuhay.” Anong gamit ng wika ang tinutukoy sa
pahayag?

A. imahinatibo B. personal C. regulatori D. representatibo

19. “There was never an us. There will never be an us. Kaya please, wag mo na kong landiin.”-
Sarah Geronimo as Steph. Ang linyang ito ay mula sa pelikulang Pilipino na Maybe This Time
(2014). Batay sa sinalungguhitang pahayag, ano ang gamit ng wika?

A. imahinatibo B. instrumental C. interaksiyonal D. representatibo

20. “Sorry? 'Tapos ano, burado na lahat ng kasalanan mo sa akin? 'Tapos, puwede mo na
kong gaguhin ulit? Ano ba yung sorry sa iyo? Yung sorry ba sa iyo, isang lisensiya para
paulit-ulit mo kong lokohin?”- Angelica Panganiban as Anne. Ang linyang ito ay mula sa
pelikulang Pilipino na The Unmarried Wife (2016). Batay sa pahayag na ito, ano ang gamit ng
wika?

A. heuristiko B. imahinatibo C. interaksiyonal D. regulatori

21. Si Darna ay isang Pinoy superhero na lumabas sa mga komiks. Nilikha ang karakter para sa
Pilipino Komiks ng manunulat na si Mars Ravelo at tagaguhit na si Nestor Redondo noong 1950.
Una siyang lumabas sa Pilipino Komiks (Ace Publications, Inc.) noong Mayo 13, 1950. Sa
kasalukuyan ay pinapalabas ito sa telebisyon. Batay sa deskripsyon, ano ang gamit ng wika?

A. imahinatibo B. personal C. regulatori D. representatibo

22. “Ang sa akin lang, hindi ako komportable na mag-post ng litrato sa internet gamit ang aking social
media accounts tulad ng Facebook at Instagram.” Ano ang gamit ng wika at bakit?

A. Pang-interaksiyonal sapagkat napapanatili at napatatatag nito ang relasyong sosyal.


B. Pampersonal sapagkat nagpapahayag ito ng sariling damdamin o opinyon.
C. Pangheuristiko sapagkat naghahanap ito ng mga impormasyon o datos.
D. Panrepresentatibo sapagkat nagbibigay ito ng impormasyon.

23. Anong gamit ng wika ang pahayag na ito, “Uyy pare! Long time no see. Maligayang kaarawan!”?

A. Pang-interaksiyonal sapagkat napapanatili at napatatatag nito ang relasyong sosyal.


B. Pampersonal sapagkat nagpapahayag ito ng sariling damdamin o opinyon.
C. Pangheuristiko sapagkat naghahanap ito ng mga impormasyon o datos.
D. Panrepresentatibo sapagkat nagbibigay ito ng impormasyon.

24. Mga paalala upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19: magsuot ng face mask, maghugas ng
kamay at dumistansya sa iba. Batay sa halimbawa, ano ang gamit ng wika at bakit?

A. Panregulatori sapagkat gumagabay ito sa kilos at asal ng iba.


B. Panrepresentatibo sapagkat nagbibigay ito ng impormasyon.
C. Pang-instrumental sapagkat tumutugon ito sa mga pangangailangan.
D. Pangheuristiko sapagkat naghahanap ito ng mga impormasyon o datos.
Para sa bilang 25-27, pansinin at kilalanin ang mga nasaliksik na mga halimbawang sulatin na
makikita sa ibaba. Tukuyin ang gamit ng wika. Bilugan ang titik na katumbas ng tamang sagot.

25.

A. Pang-imahinasyon sapagkat likha ito ng mayamang guni-


guni ng isang may-akda na maaaring batay sa kaniyang
napagmasdan o karanasan.
B. Pang-interaksiyonal sapagkat napapanatili at napatatatag
nito ang relasyong sosyal.
C. Pampersonal sapagkat nagpapahayag ito ng sariling
damdamin o opinyon.
D. Panrepresentatibo sapagkat nagbibigay ito ng
impormasyon.

https://imdb.to/3CYn76P

26.

A. Pang-instrumental sapagkat tumutugon ito sa


mga pangangailangan.
B. Pangheuristiko sapagkat naghahanap ito ng
mga impormasyon o datos.
C. Pampersonal sapagkat nagpapahayag ito ng
sariling damdamin o opinyon.
D. Panregulatori sapagkat gumagabay ito sa kilos
at asal ng iba.

https://bit.ly/3EKHIOa
27.

A. Pang-instrumental sapagkat tumutugon ito


sa mga pangangailangan.
B. Pang-interaksiyonal sapagkat napapanatili
at napatatatag nito ang relasyong sosyal
C. Panregulatori sapagkat gumagabay ito sa
kilos at asal ng iba.
D. Panrepresentatibo sapagkat nagbibigay
ito ng impormasyon.
https://imdb.to/3gcBBIv

28. Sino ang nagtagubilin sa Asamblea Nasyonal ng paglikha ng isang Surian ng Wikang
Pambansa?
A. Corazon C. Aquino C. Ferdinand E. Marcos
B. Jose P. Laurel D. Manuel L. Quezon

29. Alin sa sumusunod ang hindi tungkulin o gawain ng Surian ng Wikang Pambansa?

A. pagsuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino


B. pag-aaral ng wikang Ingles na ginagamit ng kalahating milyong Pilipino
C. pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang Pambansa
D. paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing diyalekto

30. Batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, saan ibinatay ang wikang pambansa ng
Pilipinas?
A. Tagalog C. Ingles
B. Cebuano D. Filipino

31. Sa Panahon ng Hapon, anong organisasyon ang naglalayong mapabuti ang edukasyon at
mapaunlad ang kabuhayan ng Pilipinas?

A. KIBAPILA C. Japanese Education Policy


B. Paglilingkod sa Lipunan D. KALIBAPI

32. Sino ang nagpahayag na isa sa mga layunin ng mga Hapon ay muling buhayin ang dating kultura
ng Pilipinas bago dumating ang Espanya at Amerika?

A. Danding C. Manuel L. Quezon


B. Gosiengfiao D. Narciso Reyes

33. Bakit tinawag na “Gintong Panahon ng Tagalog” ang Panahon ng Hapon?

A. maraming gintong parangal


B. maraming gintong Tagalog ang nahukay
C. maraming mga Tagalog na nakapag-aral
D. Lubusang ipinagamit ang wikang Tagalog.

Para sa bilang 34-35, basahin ang talata sa ibaba.

Nang masakop ng Espanya ang mga pulo sa Pilipinas, isa sa mga naging
pangunahing layunin nito ay ang maipalaganap ang Kristiyanismo. Gayunpaman,
naging malaking hadlang ang pagkakaiba-iba ng mga wika sa pagkakaunawaan. Kaya
upang mapadali ang komunikasyon, pinag-aralan ng mga misyonerong Espanyol ang
wika ng mga katutubo at ginamit nila ito sa pakikipag-ugnayan sa kanila. Hindi naman
ito naging mahirap dahil maraming tunog sa Tagalog ang kahawig ng tunog sa
Espanyol (San Juan, 1974).

34. Mula sa pananaw ni San Juan (1974), makabuluhan ba ang pag-aaral ng mga misyonerong
Espanyol sa wikang Tagalog? Piliin ang pinakaangkop na sagot.

A. Oo, dahil ito ang magsisilbing midyum upang ipalaganap ang wikang Espanyol.
B. Oo, dahil tulay ito para magkaisa ang mga Pilipino at Espanyol tungo sa iisang hangarin.
C. Oo, dahil kapag natutuhan na nila ang wika ng bansa ay tuturuan din nila ng kanilang sariling
wika ang bansang sinakop.
D. Oo, dahil ito ang magsisilbing daan upang maintindihan nila ang mga Pilipino at mapadali ang
pagpapatupad ng kanilang mga layunin.

35. Ano ang posibleng naidulot ng pagkatuto ng mga Espanyol sa wikang Tagalog sa panahon ng
kanilang pananakop? Piliin ang pinakaangkop na sagot.

A. Napatatag ang relasyon ng mga Espanyol at Pilipino.


B. Natutuhan nilang mahalin ang kulturang Pilipino gayundin ang paggamit ng wika.
C. Napadali ang pakikipag-ugnayan at naiwakli ang mga balakid sa kanilang mga hangarin.
D. Natugunan nila ang mga pangangailangan ng mga Pilipino dahil naintindihan nila ang mga
hinaing nito.

Para sa bilang 36, basahin at unawain ang teksto sa loob ng kahon.

Naghanda rin ang mga naunang misyonero ng mga aklat sa gramatika at


diksiyonaryo na ginamit ng kanilang mga kahalili sa pag-aaral ng wika ng mga katutubo.
Isa rito ang Arte y vocabulario tagalo (1582) ni Padre Juan de Plasencia, isang
Pransiskano. Pinayagan itong maging aklat sa gramatika ng Sinodo del Obispos sa
Maynila dahil sa dali ng paggamit dito at kakayahan nitong magbigay ng hustong
kaalaman tungkol sa Tagalog (San Juan, 1974).
36. Batay sa inilahad, ano ang pinakaangkop na paglalarawan sa mga misyonerong Espanyol?

A. Manunulat ang mga misyonero.


B. Mahusay mangaral ang mga misyonero.
C. Matalino at masipag ang mga misyonero.
D. Mapamaraan at pursigidong matuto ng Tagalog ang mga misyonero.

37. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng damdaming nasyonalismo?

A. pagmamahal sa magulang C. pagmamahal sa bayan


B. pagrespeto sa mga politiko D. pag-aaral ng Filipino

38. Ano ang posibleng mangyari kung walang wikang pambansa?

A. mas maraming rehiyon ang mabubuo


B. mapayapa at mas masaya ang buhay
C. hindi magkakaroon ng mga unibersidad o paaralan
D. magkakaroon ng di-pagkakaunawaan sa ating bansa

39. Bakit kinakailangang magkaroon ng wikang pambansa?

A. Hindi malugmok ang naturang bansa.


B. May kikilalaning wika ang bawat Pilipino.
C. Mas matuto ang mga Pilipino sa iba’t ibang wika.
D. May pagkakaunawaan at pagkakakilanlan ang bansa.

40. Gagawa ka ng isang sanaysay na tumatalonton sa kasaysayan ng wikang pambansa sa Panahon


ng Hapon. Alin sa sumusunod ang pinakaunang hakbang?

A. brainstorming C. pagrerebisa
B. pagsulat ng burador o draft D. pagwawasto

Basahin at unawaing mabuti ang talata sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang tanong.

Ang pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay nagdala ng mga negatibo at


positibong kalalabasan para sa bansa. Negatibo dahil sa kahirapan na idinulot ng mga
Hapon sa mga Amerikano at Pilipino lalo na sa simula ng okupasyon ng mga Hapon. Ito
ay makikita sa Death March na kung saan pinalakad ng mga Hapon ang mga
Amerikano at Pilipinong sundalo maging ang mga sibilyan sa Bataan papuntang Camp
O’Donnell. Napakalala ang ginawa ng mga Hapon na sundalo sapagkat may mga
ginahasang babae sa Death March. Halos walang binigyang respeto ang mga Hapon
sa kanilang mga biktima rito. Positibo naman dahil sa kanilang paglinang at pagtaguyod
ng wikang Tagalog na naging basehan ng wikang pambansa sa kasalukuyang
panahon. Ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles sapagkat ito ay isang dayuhang
wika na hindi nagpapakita para sa identidad ng mga Pilipino.

41. Batay sa binasa, anong bahagi ng sanaysay ang nakapaloob sa teksto?

A. katawan B. pamagat C. panimula D. kongklusyon

42. Upang maging epektibo ang isang talataan na kailangan sa pagbuo ng isang makabuluhang
sanaysay, kailangang taglayin nito ang sumusunod na katangian maliban sa:

A. kaisahan B. kohirens C. empasis D. organisasyon

43. Ikaw ay inatasang sumulat ng isang sanaysay batay sa panayam tungkol sa kasaysayan ng
wikang pambansa. Ano ang iyong unang hakbang na gagawin bago mo isagawa ang isang
pakikipanayam?
A. Magsuot ng angkop na damit
B. Magdala ng notbuk at panulat
C. Ihanda at balangkasing mabuti ang mga tanong batay sa layunin
D. Magpakilala agad nang buong pamitagan (paggalang) at sabihin kung ano ang pakay

44. Anong bahagi ng sanaysay ang nagpapaliwanag sa paksa kung tungkol paano ito tatalakayin?

A. panimula B. motibasyon C. katawan D. kongklusyon

45. Paano wawakasan ang isang sanaysay?

A. pagpapaliwanag sa paksa
B. pagbuo ng tesis na pahayag
C. pagsusuma ng mga argumentong inilahad sa isinulat
D. paglalahad ng mga ebidensiyang magpapatibay sa paksa

46. Ano ang epekto ng kawalan ng isang wikang magbubuklod sa mga Pilipino noong unang
panahon?

A. maayos na buhay
B. matiwasay na relasyon sa kapuwa
C. pagkakaintindihan at pag-uunawaan
D. pagkakaroon ng suliranin sa pagkakabuklod-buklod at pagkakaisa

47. Sa taong 1937, bakit ginawang saligan ng wikang pambansa ang wikang Tagalog?

A. walang ibang wika na nakita


B. Marami ang nakakilala sa wikang Tagalog.
C. Ito lamang ang wikang nakilala ng mga mambabatas.
D. Ito lamang ang nakatugon sa hiningi ng Batas Komonwelt Blg. 184.

48. Bakit itinagubilin ni Pangulong Quezon ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa?

A. Mapag-isa ang lahat ng wika sa bansa.


B. makapagtibay ng isang wikang panlahat
C. magkaroon ng organisasyong pangwika
D. Magkaunawaan ang bawat mamamayan.

You might also like