You are on page 1of 3

 PAGSULAT - Pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga

nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang
kaisipan (Sauco et al., 1998).
 Xing at Jin (1989, sa Bernales, Et. Al., 2006 - Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng
wastong gamit ng salita, talasalitaan, pagbubuod ng kaisipan, retorika
 Keller (1985, SA BERNALES, ET AL., 2006) - Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang
kaligayahan ng nagsasagawa nito.
- Ang pagsulat ay maituturing bilang isang mataas na uri ng komunikasyon sapagkat esensyal dito ang
napakaraming element at rekwaryment ng gramatika at bokabularyo.

MGA LAYUNIN SA PAGSULAT


1. IMPORMATIBONG PAGSULAT (EXPOSITORY WRITING)
 Naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag.
 Nakapokus ito sa mismong paksang tinatalakay sa teksto.
 Halimbawa nito ay pagsulat ng report, obserbasyon, mga estadistikang makikita sa mga libro at
ensayklopidya, balita at teknikal o business report.
2. MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT (PERSUASIVE WRITING)
 Naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinion o paniniwala.
 Halimbawa nito ay ang pagsulat ng mga proposal, konseptong papel, editorial, sanaysay, at talumpati.
3. MALIKHAING PAGSULAT (CREATIVE WRITING)
 Ginagawa ng mga manunulat at ang pangunahing layunin nila ay ang pagpapahayag ng kathang-isip,
imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito.
 Halimbawa nito ay ang nobela, tula, dula, at iba pang malikhain o masining na akda.

KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
1. Kahalagahang Panterapyutika - Ginagamit ng tao ang pagsulat upang gumaan ang kanilang pakiramdam at
maibsan ang isang mabigat na dalahin.
2. Kahalagahang Pansosyal - Ginagamit ng tao ang pagsulat bilang sandata para maipadama ang kanyang saloobin
tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
3. Kahalagahang Pang-ekonomiya - Ang tao’y sumusulat para siya’y mabuhay. Sa madaling salita, ito’y nagiging
kanyang hanapbuhay.
4. Kahalagahang Pangkasaysayan - Ang panulat ay mahalaga sa pagpreserba ng kasaysayang pambansa at ang
mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.

1|FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


2|FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
3|FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

You might also like