You are on page 1of 6

DARAGA NATIONAL HIGH SCHOOL

Daraga, Albay

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
Ekonomiks – AP 9

Bilang ng Aytem

Comprehension
Bilang ng Araw

Application
Knowledge

Evaluation
Bahagdan

Synthesis
Analysis
No
Competencies
.

20 100% 50 30% 22% 30% 8% 4% 6%


Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-
3 1 1 1
1 araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi 2 12% 6
(1,21,31) (22) (2) (3)
ng pamilya at lipunan.
Naipapakita ang kaugnayan ng kakapusan sa pang- 2 1 1
2 2 8% 4
araw-araw na pamumuhay. (5,23) (6) (4)
Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan sa
1 1 5 1
3 pangangailangan bilang batayan sa pagbuo ng 3 16% 8
(24) (25) (41-45) (7)
matalinong desisyon.
Nasusuri ang mekanismo ng alokasyon sa iba’t ibang 2
4 1 4% 2
sistemang pang-ekonomiya bilang sagot sa kakapusan. (8,26)
9
1 2 1 2
5 Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo. 6 30% 15 (9,11-
(32) (27-28) (15) (10,14)
13,46-50)
Napahahalagahan ang mga salik ng produksiyon at ang 7 3 1 1
6 5 24% 12
implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. (33,35-40) (18,29-30) (17) (16)
Nasusuri ang mga tungkulin ng iba’t ibang 3
7 1 6% 3
organisasyon ng negosyo. (19-20,34)
KABUUAN 20 100% 50 15 11 15 4 2 3

Prepared by:

JULIETA P. MARBELLA CHRIS REGINALDO


MARIVIC MARAÑO RISTY LONDONIO
ANDREA LLABRES
DARAGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Daraga, Albay
DARAGA NATIONAL HIGH SCHOOL
DARAGA, ALBAY
UNANG MARKAHAN
ARALING PANLIPUNAN 9

Pangalan:_________________________Baitang at Seksyon:_____________Petsa:___________Iskor:__________

A. Maramihang Pagpili: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
a. Opportunity Cost c. Marginal Thinking
b. Trade-off d. Incentives

2. Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks dahil _______________.


a. Nakikita natin ang kahalagahan ng buhay. c. Makatutulong ito sa mabuting pamamahala
b. Nalalaman natin ang mga kalagayan sa at pagbuo ng matalinong desisyon.
lipunan. d. Lahat ng nabanggit.

3. Paano mo ipaliliwanag ang kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin”?
a. Sinusuri kung sino ang makikinabang sa mga desisyong gagawin.
b. Sinusuri kung gaano kabigat ang mga desisyong ginagawa ng isang tao.
c. Sinusuri ang dahilan kung bakit kailangang gumawa ng isang desisyon sa buhay.
d. Sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang gastos o pakinabang na makukuha mula sa pagdedesisyon.

4. Paano nagkakaiba ang kakapusan sa kakulangan?


a. Ang kakapusan ay nagaganap dahil walang likas na yaman na nagagamit samantalang ang kakulangan ay
ang pagkaubos ng mga pinagkukunang-yaman.
b. Ang kakapusan ay nagaganap dahil kulang ang supply ng produkto samantalang ang kakulangan ay umiiral
dahil nauubos na ang pinagkukunang-yaman.
c. Ang kakapusan ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman samantalang ang kakulangan ay
nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng produkto.
d. Wala sa nabanggit.

5. Ano ang palatandaan ng kakapusan?


a. Pagbaba ng huli ng isda at iba pang lamang dagat dahilan sa pagkasira ng coral reefs.
b. Pagkaubos at pagkasira sa natural na sistema ng kalikasan, extinction ng mga species ng halaman at hayop
at pagkasira ng biodiversity.
c. Ang mga yamang-kapital tulad ng makinarya, gusali at kagamitan sa paglikha ng produkto ay naluluma,
maaring masira at may limitasyon ang maaring malikha.
d. Lahat ng nabanggit.

6. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang mapamahalaan ang kakapusan maliban sa ___________.
a. Kailangan ang angkop at makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksiyon.
b. Pagpapatupad ng mga programa na makapagpapabuti at makapagpapalakas sa organisasyon.
c. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay proteksiyon sa mga mangagawa.
d. Pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad sa paglikha ng produkto at
pagbibigay serbisyo.

7. Anong sitwasyon ang nagpapakita ng pangangailangan ng isang tao?


a. Bumili ng mamahaling cellphone si Miki para sa kaniyang sarili.
b. Bumili ng bagong sapatos si Maya para sa date nila ng kaniyang bagong kasintahan.
c. Bumili ng isang sakong bigas si Aileen para sa isang buwan na pagkonsumo ng mag-anak.
d. Bumili ng mga pasalubong si Gerlie para sa mga kaibigan ng siya ay nagbakasyon sa Palawan.

8. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing katanungang pang-ekonomiko, maliban sa ___________.


a. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
b. Kailan dapat gawin ang produkto at serbisyo?
c. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
d. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
DARAGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Daraga, Albay

9. Lahat ng tao ay sinasabing mga konsyumer. Piliin ang pahayag na sumusuporta dito.
a. Ang pagkonsumo ay nakikita sa paggamit ng mga bagay-bagay.
b. Ang pagkonsumo ay nagaganap kapag ang tao ay bumibili ng gamit.
c. Ang pagkonsumo ay pagkakaroon ng mga bagay na ginagamit sa araw-araw.
d. Ang pagkonsumo ay bahagi ng buhay ng tao simula nang kaniyang pagsilang sa mundo.

10. Anong pahayag ang nagpapakita ng pagiging isang matalinong mamimili?


a. Sinusuri ng maigi ang produkto na nais bilhin.
b. Bumibili ng mga bagay na nakikita sa patalastas.
c. Nasusulit ang bawat sentimong ginagastos para sa bawat produkto.
d. Nagrereklamo sa nagtitinda kapag hindi nagustuhan ang serbisyo o produkto.
11. Saang ahensiya ng gobyerno lalapit ang isang tao na binigyan ng pekeng titulo sa binili niyang bahay at lupa
kung nais niyang magreklamo?
a. DTI b. FPA c. HLURB d. POEA

12. Saang ahensiya ng gobyerno lalapit ang isang mamimili kapag siya ay nadaya sa timbang ng prutas at gulay?
a. BFAD b. DTI c. EMB d. ERC

13. Ano ang gagawin mo bilang isang mamimili kung nakabili ka ng double dead na karne ng baboy?
a. Lumapit sa DTI para opisyal na ipaglaban ang karapatan sa kaligtasan mula sa nabiling karne.
b. Ipagsawalang bahala lamang ito at lutuin pa rin ang nabiling karne dahil sayang naman kung itatapon ito.
c. Sumugod sa pinagbilhan ng karne at magreklamo na palitan ang nabili dahil hindi naman ito
mapapakinabangan.
d. Ipagkalat sa ibang tao na ang pinagbilhan mo ay hindi nagbebenta ng tamang produkto at huwag na bibili
ulit sa tindahang iyon.

14. Mahalaga ba na alam natin ang ating mga karapatan bilang isang mamimili? Bakit?
a. Oo, dahil kapag alam natin ay hindi tayo basta-bastang maloloko ng mga mapagsamantalang tao.
b. Oo, para alam natin kung paano natin mapoprotektahan ang ating sarili laban sa mga mapanlinlang na
prodyuser.
c. Hindi, dahil madali namang kausap ang mga produser at isang reklamo mo lang ay tumutugon naman sila
kaagad.
d. Hindi, dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mo pang magreklamo kapag kaunting
bagay lang naman ang problema sa pinamili mo.

15. Ano ba ang pananagutan ng isang mamimili?


a. Maipahayag ang sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo.
b. Alamin kung ano ang ibubunga ng pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan.
c. Maging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga at kalidad ng mga paninda at paglilingkod
na ginagamit.
d. Lahat ng nabanggit.

16. Ano ba ang kahalagahan ng produksiyon?


a. Sa produksiyon umaasa ang mga mamimili.
b. Kung walang produksiyon ay wala rin tayong produktong ikokonsumo.
c. Ang produksiyon ay nagbibigay ng tubo na nagpapakita ng paglago ng mga negosyo.
d. Kapag mayroong produksiyon ay may trabaho ang mga manggagawa sa isang kompanya.

17. Ano ang kaibahan ng manggagawang may white collar job mula sa manggagawang may blue collar job?
a. Ang may white collar job ay manggagawang may kakayahang mental samantalang ang may blue collar job
ay manggagawang may kakayahang pisikal.
b. Ang may white collar job ay manggagawang may kakayahang teknikal samantalang ang may blue collar
job ay manggagawang may kakayahang propesyonal.
c. Ang may white collar job ay manggagawang may kakayahang mental samantalang ang may blue collar job
ay manggagawang may kakayahang propesyonal.
d. Ang may white collar job ay manggagawang may kakayahang teknikal samantalang ang may blue collar
job ay manggagawang may kakayahang pisikal.

18. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang entrepreneur maliban sa _______________.


a. Pagiging malikhain c. Handa sa pagbabago
b. Puno ng inobasyon d. Sikat ang negosyo

19. Organisasyon ng negosyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan lamang ng isang tao.


a. Sole Proprietorship c. Corporation
b. Partnership d. Cooperative
DARAGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Daraga, Albay

20. Organisasyon ng negosyo na ang pangunahing layunin ay matulungan ang kasapi nito.
a. Sole Proprietorship c. Corporation
b. Partnership d. Cooperative
DARAGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Daraga, Albay

B. Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay TAMA at MALI kung ito ay MALI.

21. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
22. Ang ekonomiks ay hindi magagamit upang maunawaan ang mga napapanahong isyu tungkol sa
ekonomiya ng bansa.
23. Ang kakapusan ay umiiral dahil sapat ang pinagkukunang-yaman para sa ating mga pangangailangan.
24. Si Arman Harold Maslow ang nagpanukala ng Teorya ng Pangangailangan.
25. Lahat ng tao ay nakararating sa pinakamataas na antas ng Teorya ng Pangangailangan ayon kay
Maslow.
26. Ang command economy ay nasa komprehensibong kotrol at regulasyon ng pamahalaan.
27. Ang demonstration effect ay tumutukoy sa paggaya ng mga tao sa nakikita, naririnig at napapanood
sa iba’t ibang uri ng media.
28. Ang mamimili na hindi nagpapadala sa anunsiyo ay tinitingnan ang kalidad ng produkto at hindi ang
paraan ng pag-aanunsiyo na ginamit.
29. Ang output ay ang mga bagay na kailangan sa pagbuo ng isang produkto.
30. Ang produksiyon ay tumutugon sa ating mga pangangailangan.

C. Pagtapat-tapatin: Isulat ang titik ng salita mula sa Hanay B na inilalarawan ng mga pahayag sa Hanay A.

Hanay A Hanay B
31. Nagsimula sa salitang Griyego na oikonomia A. Ekonomiks
32. Paggamit ng pera o salapi para sa pangangailangan B. Agrikultural
33. Proseso ng paglikha ng mga produkto at serbisyo C. Tubo o Profit
34. Namamahala sa negosyo D. Circulating Capital
35. Lupang pinatatayuan ng mga bahay E. Negosyo
36. Lupang sinasaka F. Pagkonsumo
37. Kapital na madaling maubos at magpalit-anyo G. Residensiyal
38. Kapital na matagal ang gamit H. Produksiyon
39. Kita ng isang entrepreneur I. Fixed Capital
40. Pamamahala sa isang negosyo J. Entrepreneur
K. Entreprenership

D. Tukuyin kung anong antas sa Teorya ng Pangangailangan ni Maslow ang nasa pahayag.

41. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw ang buong pamilya.

42. Nagkaroon ng medical check-up ang mga empleyado sa isang pagawaan.

43. Naging isang mahusay na negosyante si Matt.

44. Bumuo ng pamilya sina Matt at Elsa.

45. Naging malakas ang loob ni Matt dahil nanalo siya bilang Ginoong Makisig.

E. Tukuyin kung anong pamantayan sa pamimili ang naipapakita sa mga pahayag.

46. Tinitingnang mabuti ni Abby ang mga produktong kaniyang binibili para masiguro niya na ito ay may
magandang kalidad.
47. Naging alerto si Rissa ng mapansin niyang may mali sa pagsusukli ang tinderong binilhan niya ng mga
isda.
48. Si Sherry ay sinisiguro na ang mga bibilhin ay ayon lamang sa kaniyang badyet.

49. Hindi nag-aalala si Lynnel sa kaniyang mga bibilhin kahit pa nga nagkaroon na ng pagtaas sa presyo ng
mga bilihin dahil sa hoarding.
50. Kapag namimili si Nhel ay inuuna niya ang mga bagay na mahalaga kompara sa mga luho lamang.

“Always believe in yourself!”


DARAGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Daraga, Albay

KEY TO CORRECTIONS
A.
1. A
2. C
3. D
4. C
5. D
6. C
7. C
8. B
9. D
10. C
11. C
12. B
13. A
14. B
15. D
16. B
17. A
18. D
19. A
20. D
B.
21. TAMA
22. MALI
23. MALI
24. MALI
25. MALI
26. TAMA
27. TAMA
28. TAMA
29. MALI
30. TAMA
C.
31. A
32. F
33. H
34. J
35. G
36. B
37. F
38. I
39. C
40. K
D.
41. PISYOLOHIKAL
42. SEGURIDAD AT KALIGTASAN
43. KAGANAPAN NG PAGKATAO
44. PANGANGAILANGANG PANLIPUNAN
45. PAGKAMIT NG RESPETO SA SARILI AT RESPETO NG IBANG TAO
E.
46. MAPANURI
47. HINDI NAGPAPADAYA
48. SUMUSUNOD SA BADYET
49. HINDI NAGPAPANIC-BUYING
50. MAKATWIRAN

You might also like