You are on page 1of 64

Game of Pleasure: Triv Sauler

READING AGE 16+


Jonquil
Romance
ABSTRACT
Para maoperahan ang tatay niya, iyon ang rason ni Khlaryzel kaya pinatulan niya ang
inalok na trabaho sa kanya ng baklang nagmagandang loob na tulungan siya. Kapit man
sa patalim ay pikit matang tinanggap niya ang trabaho sa Pleasure Club. Iyon ay ang
magbigay aliw sa lalaking magiging customer niya sa loob ng dalawang oras. Lalaking
ni sa hinagap ay hindi pa niya nakikita. Nang makontento sa malaking offer ng
lalaking gagamit ng Game Room, kung saan siya naghihintay, ay halos tumigil ang
mundo niya nang makita ito ng tuluyan. Sa hinagap ay hindi niya inaasahan na ganoon
ka-guwapo ang lalaking tatangay ng iniingatan niya. Ngunit ang gabing akala niya ay
maisusuko niya ang bataan ay hindi nangyari. Nawalan siya ng malay dahil sa sobrang
kaba. Dahilan upang mapornada ang pakikipagniig niya sa lalaking estranghero sa
kanya. Sa kabila ng nangyari ay ibinigay pa rin nito sa kanya ang perang offer nito
na ikinagulat niya. Pero hindi pala doon magtatapos ang lahat sa kanila dahil sa
sinabi nito... "Don't bother to say thank you. Dahil maniningil pa ako sa iyo. Kaya
ingatan mo 'yang virginity mo. Bayad ko na 'yan at walang ibang kukuha niyan kundi
ako lang." Mukhang kailangan niyang ihanda ang sarili para sa muli nilang
paghaharap ng binata na alam niyang nabitin sa nasimulan nito.

Prologue
PABAGSAK na inilapag ni Yzel ang hawak na folder sa kanyang hita. Pagod na pagod na
siya dahil sa malayong nilakad. Pansamantala muna siyang naupo sa isang bench na
nalililiman ng puno sa tabing kalsada. Nanunuyo na rin ang kanyang lalamunan dulot
ng pagod at sobrang init ng paligid. Tanghali na ng mga sandaling iyon kaya natural
lang na santing ang init ng araw.
Pinahid niya ang namumuong pawis sa noo at agad na dinukot ang wallet sa bulsa ng
kanyang dalang bag. Napabuga siya ng hangin ng makitang sampung piso na lang ang
laman ng kanyang wallet. Kahit siguro bumili siya ng softdrink sa tindahan ay hindi
niyon kayang matanggal ang uhaw at gutom na nararamdaman.
"Paano pa ako makakahanap ng matinong trabaho kung pati pamasahe ay wala na ako?"
Nanghihinang napasandal siya sa inuupuan. Pumikit siya at sandaling nanalangin.
Lord, sana po magkaroon ng himala. Sobrang kailangan ko po ngayon ng trabaho. Kahit
ano siguro papatusin ko basta kumita lang ng pera.
Kung wala lang ngayon sa ospital ang kanyang ama ay kaya niyang magtiyagang
magtrabaho sa palengke kung saan tinutulungan niya ang kanyang ina. Hindi siya
nakatapos ng koleheyo dahil salat sila sa pera. Unang taon lang ang natapos niya at
hanggang ngayon nga na twenty five na siya ay hindi pa rin iyon nasusundan. Kaya
hindi ganoon kadali na matanggap siya sa mga hotel na pinag-a-apply-an. Kahit nga
sa ibang kumpanya ay hirapan din siya. Ganoon nga talaga siguro kapag hindi
nakatapos ng koleheyo. Hirapan sa paghahanap ng trabaho.
Inatake sa puso kamakailan lang ang kanyang Tatay Edi at kailangan nitong
maoperahan sa lalong madaling panahon dahil nagkaroon ng komplekasyon ang puso
nito. Wala silang sapat na pera kaya hindi ito magawang operahan. Kaya heto siya at
aligaga sa paghahanap ng trabaho.
Siya ang panganay sa apat na magkakapatid at siya lang din ang inaasahan na gagawa
ng paraan bukod sa kanyang ina para maoperahan ang kanyang ama. Wala ng iba pa.
Wala silang aasahan kung aasa sila sa kanyang nakababatang kapatid, lalo na kay
Shane na sobrang tamad at puro kaartehan lang sa katawan ang alam. Ni hindi nga ito
mabigla na kailangan nila ng malaking halaga para maoperahan ang kanilang ama.
Katwiran nito ay wala itong aasahan sa mga kaibigan nitong mayayaman. Yes, social
climber ito at hindi pa rin tumitigil sa pag-aasam na makakakuha ng mayamang
boyfriend na mag-aahon dito sa kahirapan. Sarili lang nito ang iniisip nito na
kahit sa pangarap nito ay hindi sila kasama.
Napabuntong hininga siya ng magmulat ng mga mata. Gutom na talaga siya at uhaw pa.
Gayon pa man ay kailangan na niyang kumilos para makahanap ng trabaho.
Tumayo na siya at pinilit maglakad sa gitna ng initan. Napatigil siya sa paglalakad
ng biglang umikot ang kanyang paningin. Napalunok siya.
"Hindi ako puwedeng mag-collaps ngayon. 'Wag ngayon, please," anas niya na marahang
humakbang. Wala pa nga pa lang laman ang kanyang sikmura buhat kaninang umaga dahil
inagapan niya ang alis sa kanilang bahay para makapaghanap ng trabaho. Tanging
tubig lang ang kanyang ininom kanina.
Ilang sandali pa nga ay tuluyan ng nagdilim ang lahat sa kanya.
NANG idilat ni Yzel ang kanyang mga mata ay may kalabuan ang kanyang naaaninag. She
close her eyes once more then open it again. Saka lang rumihistro ng malinaw sa
kanyang paningin ang paligid.
Nasa isa siyang silid na hindi pamilyar sa kanya. Hindi iyon kalakihan. Saka lang
niya napagtanto na nakahiga siya sa isang mahabang sofa na kulay pula. Hawak ang
ulo na marahan siyang bumangon at muling pinagmasdan ang kinaroroonan.
Kung hindi siya nagkakamali ay nasa loob siya ng isang dressing room. May salamin
pa roon na bawat gilid ay may ilaw na nakakabit.
"Ano ba itong lugar na ito?"
Napalunok siya. Tuyo pa rin ang kanyang lalamunan. Nakaramdam na naman siya ng
gutom.
Sumandal siya at sandaling pumikit. Napamulat lang siya ng marinig ang pagbukas at
sara ng pinto.
"Mabuti naman at gising ka na," magiliw na bungad sa kanya ng baklang kay tingkad
ng kolorete sa mukha.
Sandaling pinagmasdan ito ni Yzel. Lumunok siya. Tuyo pa rin ang lalamunan niya.
"N-Nasaan po ako?"
Nakangiting naupo ito sa tabi niya. "Nakita kita kanina habang papunta ako rito sa
Club ni Mamasan. Nawalan ka ng malay kaya nagmagandang loob ako na tulungan ka
kaysa kung mapaano ka pa lalo sa labas. Alam mo naman ang mga tao sa panahon
ngayon," napasulyap ito sa babaeng pumasok sa bumukas na pinto. May dala iyong tray
ng pagkain. "Bueno, putla ka pa rin kaya ang mabuti pa ay kumain ka muna bago tayo
muling mag-chikahan. Sige na 'wag ka ng mahiya."
Naramdaman niya ang pag-aalburoto ng mga alaga niya sa tiyan ng makita ang isang
piraso ng pork chop. May sabaw din na umuusok pa at malamig na tubig. Sinulyapan
niya ang baklang mukhang mabait naman. Tinanguan siya nito.
"Kain ka na."
Napakamot siya sa kanyang baba. "Nakakahiya naman po?"
"Kaysa naman mahimatay ka ulit?"
Wala na siyang nagawa pa kundi ang kainin ang pagkain na nasa tray. Gutom na gutom
na talaga siya at sa ngayon ay wala ng puwang pa ang salitang hiya sa kanya.
Taimtim din siyang nagpasalamat sa Diyos.
Matapos kumain ay kinuha nito ang tray at dinala sa labas. Bumalik din naman agad
ito.
"Nakita ko 'yung laman ng dala mong envelope. Mag-a-apply ka pala?" Magiliw nitong
simula ng maupong muli sa tabi niya. "Pasensiya na kung tiningnan ko. Hindi kasi
kita kilala at kung taga saan ka ba. Kaya sinilip ko na rin."
Nailang man sa kaharap ay pinilit niyang ngumiti. Nagpasalamat muna siya ritong
muli para sa kinain niya. Huminga siya ng malalim pagkuwan. "Okay lang po. Ah, opo.
Naghahanap po ako ng trabaho. 'Yung tatay ko ho kasi nasa ospital ngayon.
Kailangang maoperahan dahil nagkaroon ng komplikasyon sa puso. Ayaw simulan ang
opirasyon hanggat wala kaming naibibigay kahit na paunang bayad." Napangiti siya ng
mapait. "Malala na nga ginaganoon pa nila kami. Kaya heto at nagbabakasakali ho ako
na magkaroon ng trabaho. Kahit ano na nga lang ho tatanggapin ko na para lang
mapaoperahan si tatay." Mabilis niyang pinahid ang kumuwalang luha sa mata niya.
"Pasensiya ho pala sa abala."
Napabuntong-hininga ang bakla na hanggang ngayon ay hindi niya kilala. "Ganoon ba?
May alam akong trabaho kaso baka hindi mo kayanin. Ilang taon ka na ba?"
"Twenty five ho."
Sumandal ito at pinagmasdan siyang mabuti. "Birhin ka pa ba?"
Naumid yata ang dila niya sa klase ng tanong nito. Hindi siya sanay na pag-usapan
ang bagay na iyon. Nakakailang.
Napatawa naman ito sa reaksiyon niya bago nagseryoso. "Masyado yata akong direct to
the point. Pasensiya na. May iaalok kasi sana akong trabaho sa iyo. Sigurado akong
isang gabi lang magkakaroon ka agad ng pambayad sa ospital para mapaoperahan ang
tatay mo. Iyon nga lang baka 'di mo kayanin? Kaya tinatanong kita kung birhin ka pa
o hindi na."
"K-Kahit boyfriend po, eh, wala ako kaya-"
Natutop nito ang bibig. "Birhin ka? Naku, pag-isipan mong mabuti ito. Gusto ko lang
din na matulungan ka kasi mahirap talagang magkaroon ng trabaho ngayon. Kahit na
with pleasing personality ka pa. Maganda ka naman at malakas ang dating. Siguro ay
lalo na kung maaayusan ka. Kung gusto mong magkaroon ng halagang kailangan mo ay
pag-isipan mo ito. Mamayang gabi ay dagsa ang mga big time sa Pleasure Club,
palibhasa ay araw ng Biyernes, kung hindi ka pamilyar ay iyon ang kinahuhumalingang
Club ngayon ng mga mapeperang lalaki dahil sa game room na tinatawag. Mga mayayaman
lang ang nakaka-afford sa game room. Kilala ko rin ang manager doon at puwede
kitang irekomenda sa kanya kung nanaisin mo. Sigurado akong malaki ang mapepera mo
kung papayag ka. Nasa kamay mo rin ang desisyon kung magkano ang isang gabi mo.
Kapag sa tingin mo ay sapat na upang mapaoperahan mo ang tatay mo ay gora ka na.
Sayang ang chance."
Napalunok siya. Never in her wildest dream na gagawin niya iyon. Hindi pa siya
nasisiraan ng bait para gawin iyon.
Pero kailangan ng tatay mo ng malaking halaga para maoperahan. Isang daang libo
Khlaryzel! sigaw ng isip niya.
"Pag-isipan mo. Isang gabi lang. Kapag nagkaroon ka na ng halagang iyon ay kahit
hindi ka na bumalik doon. Ito lang ang alam ko na madaling paraan para matulungan
ka. Kung uutang ka kasi sa akin ay wala naman akong malaking halaga para ipautang
sa iyo. Hindi rin kita ibinubugaw. Ikaw pa rin ang magpapasya. Pasensiya na at iyon
lang talaga ang alam kong paraan."
Napatitig siya rito. Parang hindi niya masikmura na magpagamit sa isang DOM o kahit
kanino pa.
Marahan siyang umiling. "P-Pasensiya na pero hindi ko kaya." Napayuko siya.
Umangat ang kamay ng bakla at marahan siyang tinapik sa balikat. "Ganoon ba? Pero
kapag nagbago ang isip mo ay bumalik ka lang dito para masamahan kita roon. Dito
kasi sa Club ni Mamasan ay sigurado akong 'di mo makukuha ang halagang nais mo sa
loob lang ng isang gabi. Hindi kagaya sa Pleasure Club. Para sa tatay mo.
Nakalimutan ko, ako nga pala si Donita. Donato noong bagong labas pa lang ako sa
mundo," biro nito na nakipagkamay sa kanya.
"Yzel po."
"May oras ka pa para mag-isip. Maaga pa naman."
Kinuha niya ang dalang bag at envelope. Sinulyapan niyang muli si Donita. Magulo pa
ang isip niya. May bahagi na gusto niyang tanggapin kahit na kapit na sa patalim
ang desisyong iyon. May bahagi naman na ayaw dahil ang puri niya ang nakasaalang-
alang doon. Naisip na naman niya ang amang nahihirapan ngayon sa sakit nito.
Sa huli ay ipinasya na muna niyang umalis para makita ang ama.

Chapter 01
"WE WILL choose or you will choose?"
Muling nahilot ni Triv ang kanyang sentido ng maalala ang sinabing iyon ng kanyang
ama ng minsang kausapin siya nito dalawang araw na ang nakakaraan.
Nais na ng mga ito na mag-asawa siya kapag tumuntong na siya sa edad trenta.
Tatlong buwan buhat ngayon. Ni hindi nga pumasok sa isip niya ang magkaroon ng
nobya sa seryosong paraan, asawa pa kaya? At kung mag-aasawa man siya ay hindi pa
ngayon. Parang masyado pang maaga para gawin iyon.
Kahit kailan din ay hindi siya nagtangkang magkaroon ng seryosong karelasyon o
nobyang matatawag. He's fine having a fling. Dahil ayaw niya ng commitment sa kahit
na sino mang babae. Once na nagiging bossy na at demanding ang mga babaeng
nadidikit sa kanya ay nagiging senyales na iyon upang tapusin ang anumang ugnayan
niya sa mga babaeng iyon.
Walang karma, iyon din ang palagi niyang sinasabi kapag sinasabihan siya ng kanyang
ina na baka pagdating ng araw ay pagsisihan niya ang ginagawa niya sa mga babae.
Mahal niya ang kanyang ina at may respeto siya rito. Siguro nga hindi pa niya
nakikita ang babaeng makakatapat niya kaya hanggang ngayon ay wala siyang
sineseryoso.
"Kanina pa kita pinagmamasdan at mukhang nakarating na sa ibang dako ng mundo ang
isip mo. Are you okay?"
Napaangat ng tingin si Triv. Saka lang niya napansin ang presensiya ng kanyang
kaibigang si Dandrick. Kung playboy siya ay mas 'di hamak ang isang ito na lahat na
lang yata ng makilalang magagandang babae ay nadadala nito sa condo nito sa Makati.
Naupo ito sa katapat niya at agad binuksan ang isang bote ng beer. Nasa isang Bar
siya ng mga oras na iyon at nagpapalipas ng oras.
He sigh. "Gusto lang naman akong mag-asawa nina daddy at mommy, once na mag-thirty
na ako," muli niyang tinungga ang bote ng alak.
Ganoon na lang ang pagtawa ni Dandrick. "Really? That's shit, men. Baka kapag ako
ang sinabihan niyan nina daddy ay mag-walk out lang ako. Hinding-hindi ko puputulin
ang kalayaang meron ako." Napailing pa ito. "So, anong sabi mo sa kanila?"
"Wala pa. Pinapipili nila ako kung sila ba o ako ang pipili ng babaeng
mapapangasawa ko. They want a grandson na magdadala ng family name namin."
Nag-iisang anak lang siya kaya naman ganoon na lang ang kagustuhan ng kanyang ama
na magkaroon ng apong lalaki na magdadala ng kanilang apelyido. Ayaw nitong maputol
ang saling lahi ng pamilya nila. Lalo na at siya lang ang nag-iisang tagapagmana ng
chain of Sauler Hotels International and Local.
Hindi naman niya pinababayaan ang negosyo ng kanilang pamilya lalo na sa abroad.
Mas madalas siya roon dahil nagagawa niya ang mga bagay na madalang niyang gawin
dito sa Pilipinas. Iyon ay ang aliwin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga
babaeng willing na maikama at magpakama sa kanya. Everyone adore him. Lalo na ang
katawan niyang sinalo na yata ang lahat ng biyaya ng Diyos noong magsabog ito ng
perpektong katawan at anyo ng lalaki.
One week ago ay pinauwi siya ng kanyang ina at may mahalaga raw silang pag-uusapan
ng kanyang ama, kung alam lang niya na iyon ang pag-uusapan nila ay hindi na sana
siya umuwi muna. Lalo lang siyang na-stress sa gustong mangyari ng kanyang ama.
"Sigurista ang ama mo. Bakit hindi ka na lang mag-hire ng babaeng magbibigay sa iyo
ng anak na lalaki? A baby maker?"
Umiling siya. Nasabi na rin niya iyon sa kanyang mga magulang. Natuktukan lang siya
ng kanyang ina. Kung magpapakasal siya ay hindi rin naman niya iyon puwedeng
ipawalang bisa kagaya ng naunang naisip niya dahil matigas ang pagtutol ng kanyang
ina sa bagay na iyon. Para sa mga ito ay sagrado ang usaping kasal. At kapag ginawa
niya ang bagay na iyon o ang kahit umupa ng baby maker para mabigyan ng apong
lalaki ang mga ito, automatic na tanggal ang lahat ng mana niya. At ni sinkong
duling ay wala siyang matatanggap. Bagay na ayaw niyang mangyari. Hindi puwedeng
maghirap ang isang Triv Sauler. Never.
"Kasal ang gusto nila. Lahat na lang yata ng dahilan ay nasabi ko na sa kanila pero
in the end ay wala pa rin akong magagawa kundi ang mamili sa dalawa."
Tinapik nito ang balikat niya. "On that case ay mukhang wala na akong magagawa.
Anyway, 'wag mo na munang kaisipin ang bagay na 'yan. Mamaya ay darating dito ang
dalawang chikas na nakilala ko sa isang fashion show, an international models. So
Triv, just enjoy the night. Hindi 'yung masyado mong dinidibdib ang problema mo."
Ilang babae na rin ang dumaan sa kanya, halos hindi na niya mabilang at karamihan
ay hindi niya tanda ang mga pangalan. At ngayon nga ay mukhang may panibago na
namang magpapainit ng gabi niya.
"Cheers," nakangisi pang wika ni Dandrick.
MALAKAS na ungol ng babaeng katalik ang pumupuno ng mga sandaling iyon sa silid na
kinaroroonan ngayon ni Triv. Hindi nga siya nagkamali dahil sa kama pa rin sila
humantong ng babaeng pinakilala sa kanya kanina ni Dandrick.
Magaling ang naturang babae na hindi pa rin niya sigurado kung Shiela o Sheena ang
pangalan. Anyway, hindi na iyon importante pa.
"Ah, shit. Faster, Triv. I'm coming!"
Pabilis ng pabilis ang pagbayo niya sa katalik na babae. Sa isip ay napamura pa
siya ng maramdaman ang pagbaon ng kuko nito sa kanyang likod ng parehas nilang
marating ang sukdulan.
Humihingal na agad siyang humiga sa tabi ng babae. Nakasilay sa mapanuksong ngiti
nito na satisfied ito sa ginawa nila.
"Bakit kailangan mo pang gumamit ng condom?" malambing nitong tanong. "Ayaw mo ba
ng widrawal? Mas masarap kasi kapag hindi ka na gumagamit niyan." Hinaplos pa ng
babae ang kanyang dibdib.
Pinalis niya ang pawis na namuo sa kanyang noo. Dala na rin ng pag-iingat kaya
palagi siyang gumagamit ng condom. Hindi pa niya nararanasan na makipagtalik sa
babae na walang proteksiyon na gamit. Ayaw pa niyang mapikot kaya ganoon na lang
ang pag-iingat niya. At higit sa lahat ay nag-iingat din siya dahil ayaw niyang
magkaroon ng sakit dahil sa madalas na pakikipagtalik sa iba't ibang babae.
"Nag-iingat lang ako," kaswal niyang sagot. Sa pagbangon niya ay napakagat-labi pa
ang babae ng makita ang pag-form ng kanyang abs. Napailing na lang siya at mabilis
na nagsuot ng damit na nadampot sa sahig.
"Stay with me here, Triv. Please?"
"I can't," aniya ng maisuot ang pantalon. Kapag satisfied na ang pangangailangan
niya ay hindi na siya nananatili ng matagal kasama ang babaeng naka-one nigth stand
niya.
Yeah, just a one night stand. Maging ang pangalan nito ay hindi na niya
pagkakaabalahan pang malaman dahil hindi rin naman siya ganoon ka-interesado.
"If you want to spend the rest of the night here, feel free," aniya na tinungo na
ang pinto ng suite ng masiguradong wala na siyang nakalimutan pa. Bago tuluyang
lumabas sa pinto ay nilingon muna niya ang babae na nakasunod pa rin ang tingin sa
kanya. May panghihinayang sa anyo nito. Maganda ito. Pero para sa kanya ay
pangkaraniwan na lang iyon. "Thank you," iyon lang at tuluyan na siyang lumabas.
That was it. Karaniwan na ring eksena kapag nakikipagtalik siya sa isang babae.
Suwerte na yatang matatawag kapag may tinabihan pa siyang matulog.
Kung kailan man darating sa punto na ayaw na niyang mawala pa sa tabi niya ang
isang babae, ay hindi niya alam kung mangyayari pa ba iyon sa kanya. Baka nga
nagsawa na sa kanya ang Diyos dahil sa pagiging playboy niya kaya wala na itong
balak pa na ibigay sa kanya ang babaeng nakatakda para sa kanya.
"TATAWAGAN na lang kita kapag may result na, Mr. Sauler," anang doktor kay Triv
matapos siyang kuhanan ng sample para sa examine na gagawin sa kanya.
Napagdesisyunan niyang magpa-sperm test kung magiging maayos ba kung magkakaroon
siya ng anak. Kahit na sigurado siyang wala namang magiging problema ay
nagpakunsulta pa rin siya dahil mas okay na 'yung sigurado. Mayroon kasing mag-
partner na kaya hindi magkaroon agad ng anak ay dahil stress sa trabaho ang isa.
He sigh. "Okay. I'll expect the result this week."
Tumango ito bago siya iniwan. Isang buntong hininga pa bago siya pumihit paharap sa
pinto. Pagbukas niya niyon ay sakto namang papasok ang isang babae na sobrang sexy
sa suot nitong dress na hapit sa katawan nito. Pamilyar sa kanya ang naturang
babae. Hindi lang niya matantiya kung kailan at saan niya ito nakita. Siguro ay isa
sa mga babaeng nakasama niya sa loob ng napakaikling panahon.
"Triv?" Nanlaki pa ang mata nito ng mapagsino siya. "K-Kailan ka pa bumalik dito sa
bansa?"
Tiningnan niya ito na animo kinikilala.
"Fritz, if you still remember me," umaasam nitong pagpapakilala sa kanya.
Umiling siya pagkuwan. "No," iyon lang at nilampasan na niya ito.
Napanganga na lang ito ng habulin siya ng tingin. Naroon ang panlulumo na napalitan
ng pagkairita.
Nasa Sauler Hotel siya sa Pasig ng makatanggap ng tawag mula kay Dandrick isang
hapon.
"Hello," aniya ng sagutin ang tawag na iyon.
"Busy ka?" ani Dandrick sa kabilang linya.
Sinulyapan niya ang mga files na nasa ibabaw ng table niya. Permado na niya ang
lahat ng iyon at wala na siyang gagawin pang iba. Kapag nasa bansa siya ay ang
Sauler Hotel sa Pasig ang madalas niyang i-manage.
"Hindi. Napatawag ka?"
"Aware ka ba sa Pleasure Club dito sa Makati?" nahihimigan niya ang excitement sa
boses nito.
Pleasure Club? ulit niya sa kanyang isipan. Hindi siya pamilyar sa naturang lugar
palibhasa ay madalang siyang umuwi sa Maynila.
"No. Ano'ng meron?" Sumandal siya sa back rest ng swevel chair at nag-focus sa
tawag na iyon ng kaibigan.
"A high class Club. May parties at may inuman din just like the typical one. Pero
ito ang mas nagpapasikat sa lugar na iyon. Maraming bachelors na mayayaman ang
baliw na baliw sa Pleasure Club, Triv. At dahil 'yon sa Game Room na ini-o-offer sa
mga kagaya nating mayayaman. Dahil tayo lang ang kayang um-afford ng offer na
'yon."
"Direct to the point, Dandrick."
"Sa bawat Game Room, which is only four rooms, ay may mga babae na o-offer-an mo ng
pera. Parang kagaya sa mga bidding ng babae sa Club para mailabas mo. Kapag
satisfied na sila sa offer mo they will give the pleasure you want. Exciting lang
dahil pangalan lang ng babaeng nasa loob ng kuwarto ang ibibigay sa iyo kapag
swerte kang mabunot para sa per batch na gagamit ng Game Room. Take note, hindi
basta-bastang mga babae ang nasa Game Room. At kung gusto mong subukan, tara
mamayang gabi."
Napangiti siya habang naiiling. In the end ay sa pag-aaya rin mapupunta ang usapan
nila. Dandrick, nowadays.
"I'm sorry. Hindi ako puwede the whole week. Maybe next time. Balitaan mo na lang
ako kung satisfied ka ba sa offer na mayroon ang sinasabi mong Club. For now, ikaw
na lang muna ang magpakasaya roon."
"Hay, akala ko pa naman ay magiging interesado ka. Pambihira nagsayang lang ako ng
load na pantawag sa iyo. Damn, Triv. Damn."
Pinagtawanan lang niya ito. Sa ngayon ay hindi siya interesado dahil wala siyang
balak makipag-make out habang wala pa siyang nakukuhang resulta mula sa doktor na
pinag-check-up-an niya.
"WALA KANG kakayahang magkaroon ng anak..."
Ang mga salitang iyon, na animo sirang plaka na paulit-ulit na naghuhumiyaw sa
kanyang isipan, ang kanina pang nagpapairita kay Triv. He really hate the idea.
Kagagaling lang niya sa ospital para malaman ng personal ang resulta ng ginawa
niyang pagpapa-examine. At ang naging resulta nga ay siyang nagpapatulig ng mundo
niya ngayon.
"No way! Hindi puwede!" Binayo niya ng kung ilang ulit ang manibela ng kanyang
sasakyan. "Bullshit!"
Hindi siya puwedeng maging baog. Kailangan niyang magkaroon ng anak. Ayon sa
resulta ng examine niya ay wala siyang kakayahang magkaroon ng anak. Sa madaling
salita ay baog siya. Halos masuntok pa niya ang doktor kanina dahil sa sinabi
nitong iyon. Hindi niya matanggap.
Napasigaw pa siya sa sobrang pagka-frustrate. Pagka-start muli ng kanyang kotse ay
pinaharurot na niya iyon ng sobrang tulin. Hindi iyon puwedeng malaman ng mga
magulang niya. Not now. Ayaw niyang ma-dissapoint ang kanyang ama sa kanya dahil
wala siyang kakayahan na mabigyan ito ng apong lalaki.
Iyon na ba ang karma niya dahil sa hindi pagseseryoso sa mga babae? Sobra naman
yata iyong kaparusahan.
Sa nangyaring iyon ay halos isang buwan din siyang walang gana sa kahit na sinong
babae. Naapektuhan niyon ang sex life niya. Hindi siya nag-take ng second opinion
sa ibang doktor dahil baka masiraan lang siyang lalo kapag parehas ang naging
resulta.
"Nagpapaka-good boy ka na ba ngayon, Triv? Nakakapanibago lang dahil wala ka ng
babaeng idini-date," ani Dandrick ng minsang maligaw sa office niya.
"Wala lang akong gana ngayon," pahinamad pa niyang sagot habang tutok ang mga mata
sa monitor ng kanyang laptop.
"Siguro kailangan mo muna ng break. Masyado kang subsob sa trabaho. Mamayang gabi
ay pupunta ulit ako sa Pleasure Club. Wanna join?"
Napahinto ang mga daliri niya sa pagtipa sa keyboard ng laptop ng marinig ang lugar
na binanggit nito. Hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi pa nga niya napapasok
ang naturang lugar. Sinulyapan niya si Dandrick na nakangisi sa kanya.
"Wala namang masama kung susubukan mo. Mag-i-enjoy ka, promise."
He sigh. Sa huli ay pumayag din siya sa pangungulit ng kanyang kaibigan sa kanya.
For a change after ng dumating ang masamang balita sa kanya.
"Papayag ka rin pala pinatagal mo pa," naiiling pang hirit ni Dandrick.
MATAMANG pinagmasdan ni Yzel ang amang nakaratay pa rin sa hospital bed. Tulog ito
ng mga sandaling iyon.
Napakurap si Yzel ng hagurin ng kanyang inang si Marcy ang kanyang likod.
"Kinausap na kami kanina ng doktor. Pumayag silang operahan ang tatay mo bukas ng
hapon basta mababayaran agad ang bill dito sa ospital. Dahil kung hindi mababayaran
ng buo ay hindi puwedeng palabasin ang tatay mo," malungkot nitong pinagmasdan ang
kabiyak. "Hindi ko na alam kung paano pa tayo ngayon. Ang kapatid mong si Shane,
ayaw namang gumawa ng paraan."
Nakagat niya ang ibabang labi. Pinigilan niya ang maluha. Ayaw niyang ipakita sa
ina na nawawalan na siya ng pag-asa. Hanggat maaari ay pinalalakas niya ang loob
nito.
"Makakaraos din tayo, 'Nay." Huminga muna siya ng malalim bago ito hinarap. "Gagawa
ho ako ng paraan para makabayad tayo rito sa ospital. Ang mahalaga po ngayon ay
maoperahan si Tatay." Kung aasa sila kay Shane ay baka pumuti lang ang mata nila sa
paghihintay.
Isang sulyap pa sa kanyang ama at nagpaalam na rin siya sa kanyang ina na uuwi muna
sa kanilang bahay.
Pagkauwi sa kanila ay naligo agad siya at matagal na nagbabad sa banyo. Sa ngayon
ay wala na siyang iba pang pagpipilian.
Para kay Tatay...

Chapter 02
"I CAN'T believe it. Sa wakas nadala rin kita rito," malakas na wika ni Dandrick
upang marinig ni Triv. Malakas kasi ang rock music na pumapailanlang ngayon sa
buong Club.
Mukhang kailangan talaga niya ngayon ng distraction upang kahit paano ay malayo sa
sumpa na yatang matatawag sa kanya. Bagay na hindi niya maibahagi sa kaibigan. Not
now. Sa ngayon ay sasarilihin na muna niya iyon.
Agad niyang inisang lagok ang tequila na nasa baso niya. Bahagya siyang napapikit
dahil sa pait na gumuhit sa kanyang lalamunan.
"Nakailang balik ka na ba rito?" mayamaya ay tanong niya sa kaibigan.
"Mas madalas ako rito kaysa sa Bar. Mas enjoy kasi rito," sagot ni Dandrick.
Nang mga sandaling iyon ay nagre-relax muna sila ni Dandrick. Habang ang iba naman
ay busy sa dance floor. Mamaya pa raw magaganap ang bunutan kung sino ang
masuwerteng gagamit ng Game Room. Marami ring tao sa Pleasure Club, mostly mga
kalalakihan na halatang may mga sinasabi sa buhay. Ayon kay Dandrick ay dahil iyon
sa special offer ng Club which is Game Room na matatagpuan sa second floor ng Club.
Kanina pa rin usapan kung sino ang masuwerteng matatawag sa bunutan.
Pinalista na rin ni Dandrick ang pangalan niya para sa bunutan mamaya. Hanggang
tatlong batch lang daw ang maaaring gumamit ng Game Room. Sa bawat batch ay may
nakalaang dalawang oras na siyang itatagal sa loob. Kaya dapat masulit ang
nakalaang oras na iyon. Bawal ding ilabas ang babaeng nasa loob ng silid.
Sinulyapan niya ang maliit na itim na bag. Nakalagay roon ang w-in-idraw niyang
pera kanina sa banko. Not that big, dahil mas mahal pa nga ang halaga ng mga bag na
binibigay niya sa mga babaeng dumaan na sa buhay niya.
"Mind you, Triv. May ilang celebrity rin ang pumupunta rito."
Hindi naman siya pamilyar sa mga celebrity rito sa bansa. Kaya kung may
nakakasalubong man siya ay hindi rin niya halos pansin.
"'Wag kang masyadong magpakalasing para kung ikaw ang mapili ngayon ay mas ma-enjoy
mo ang gabing ito." Tumaas-baba pa ang kilay ni Dandrick bago inilibot ang tingin
sa paligid. Kinindatan pa nito ang isang babaeng napatingin dito.
"Kailan mo ba balak lumagay sa tahimik?" Bigla ay naitanong niya sa kaibigan.
Napatingin ito sa kanya. Inilapit pa nito ang mukha. "What?!"
"Kailan mo balak mag-settle down?!" May kalakasan niyang tanong upang mas marinig
nito.
Tumawa ito. "I don't know. At wala pa 'yan sa plano ko." Umiling-iling pa ito.
"Kung iniisip mo pa rin ang gusto ng mga magulang mo, sinasabi ko sa iyo na
kalimutan mo na muna 'yan. Hindi ka mag-i-enjoy rito. Chill man."
Makalipas ang ilan pang oras ay nag-announce na ang emcee na mag-uumpisa na ang
bunutan, para sa mga suwerteng gagamit ng game room, anumang oras.
Pinagkiskis ni Dandrick ang mga palad nito. "Mabunot ka sana," ngumisi pa ito.
Sa daming kalalakihan na naroon ay suwerte na siguro kung mabubunot pa ang pangalan
niya.
Makalipas pa nga ang ilang sandali ay dinala na sa unahan ang isang babasaging bowl
na kinalalagyan ng mga nakabilot na papel. Doon nakasulat ang mga pangalan nila.
Bumunot na ang emcee ng isang papel na bubuo sa first batch na sasalang sa Game
Room.
"And the first lucky man was no other than... Mr. Dunhill Feiro Mondragon!"
Maging siya ay nailibot ang tingin. Nakita niyang tumayo ang isang lalaki na
ichini-cheer ng mga kasama nito sa table. Isa ito sa mga batang negosyante na
mabibilang sa hanay ng mga bilyonaryo sa bansa. Madalas niya itong makita sa ilang
business gathering.
"Wow, ang hot naman ni Kuya," napakagat labi pa ang baklang emcee ng masilayan ang
lalaking tinawag nito. "Iga-guide ka ng isa sa staff namin papunta sa room kung
saan hihintayin mo ang tatlo mo pang makakasama sa first batch na gagamit ng Game
Room. Enjoy!"
Tumango ang lalaki bago ito in-assist ng isang sexy rin na babae.
"Sasamahan naman siya sa listahan ni," muli nitong inilubog sa bowl ang kamay at
bumunot sa pinakailalim ng isang papel. Napatango-tango pa ito ng mabasa ang
pangalan na nakasulat doon. "Mr. Triv Sauler!"
Sa pagkagulat siguro ni Dandrick kaya nahampas siya nito sa braso. "Pre, ikaw na!
Suwerte mo."
Kung hindi lang niya ito kaibigan ay baka kung ano na ang inabot nito sa kanya.
"Oo, rinig ko," aniya rito na tumayo na dala ang maliit na bag. Huminga muna siya
ng malalim bago hinayon ang baklang napanganga ng makita siya.
"Umuulan talaga ng mga hotness fafa ngayon. Okay, ang suwerte naman yata masyado
ng mga naghihintay sa Game Room. Anyway," ubod tamis pa itong ngumiti sa kanya.
Nagpapa-cute. "Mae, paki-samahan na si Sir Pogi."
Walang imik na sumunod siya sa babae na umagapay sa kanya sa paglalakad. Kahit ang
babaeng nagga-guide sa kanya ay umaapaw rin sa ka-sexy-an at kagandahan. Actually,
lahat ng babaeng staff ng naturang Club ay mga pang-beauty Queen ang kagandahan.
Napakurap siya ng imuwestra ng babae ang pinto na nakapinid.
"This way, Sir," anito na binuksan ang pinto.
Nakita niya roon ang lalaking unang tinawag. Nakaupo sa isang sofa. Naghuhumiyaw sa
kulay pula ang naturang silid. Pumasok na siya sa loob. Agad din namang umalis ang
babae.
Tumikhim siya bago naupo sa katapat na sofa ng naturang lalaki. Tila wala itong
balak na magsalita dahil sa kaseryosohan ng anyo. Pero pansin niya ang saglit na
recognation sa mata nito ng sulyapan siya. Tila nakilala kung sino siya.
"What brought you here?" out of nowhere ay basag niya sa katahimikan. Kataka-taka
na ang isang big time na negosyanteng kagaya nito ay nasa lugar na iyon. Siguro ay
dahil sa itong lugar ang uso ngayon sa mga katulad nila, he thought.
"Pinilit lang ng mga kaibigan."
Napatango-tango siya. Parehas lang pala sila. "Same here. Anyway, para maiba naman
kaya ako pumayag na pumunta rito."
Iimik pa sana ito ng muling bumukas ang pinto. Pumasok doon ang babaeng nag-guide
sa kanila kanina. Kasunod nito ang isa pang lalaki.
Sam Walker, aniya sa isip. Kagaya nilang dalawa ni Dunhill Feiro Mondragon ay nasa
business world din ang isang ito.
Napatingin silang tatlo sa may pintuan ng bumukas iyon at pumasok ang pang-apat na
lalaki na kukumpleto sa batch nila.
"Pakihintay na lang po si Miss Aubrey," anito bago muling lumabas.
Ang sikat na si Paolo Maria Punzalan ang naturang lalaki. Kaya pala pamilyar ito sa
kanya. Isa itong sikat na sikat ngayon na football player na kasalukuyang nagri-
represent sa bansa para sa isang International Football League na gaganapin sa
ibang bansa.
Automatic ang pag-ngiti nito ng makalapit sa kanila. "Nice to meet you brothers! I
saw the three of you kanina sa business news. What a coincidence rigth?" pagbibiro
pa nito.
Nginitian niya ito at nakipagkamay rin dito.
Sunod na pumasok ay ang nagpakilalang si Miss Aubrey na may kasunod na apat na
babae.
"Good evening," bati pa nito sa kanila. "Thank you for coming here tonight. I hope
mag-enjoy kayo. May idea na naman siguro kayo kung ano'ng meron sa loob ng Game
Room."
"Kapag ba hindi ko na-enjoy ang dalawang oras sa loob ng Game Room, puwede pa akong
mag-extend?" Nakangising hirit ni Paolo.
"Mr. Punzalan, dalawang oras lang ang puwede mong itagal sa loob. Kaya sulitin niyo
ang oras na meron kayo. Puwede kayong mag-back out kung hindi niyo feel ang babaeng
makakausap niyo sa nakasarang pintuan. At puwede rin nila kayong ayawan kung hindi
nila magugustuhan ang offer niyo at kayo mismo, puwede rin nilang ayawan." May
ipinakita itong apat na card sa kanila na may nakasulat na pangalan. "Pumili kayo
ng isang pangalan. Mr. Mondragon, you choose first."
Tumayo ang walang imik na si Dunhill at kinuha ang isang card. Binalingan ni Miss
Aubrey ang kasamang babae at pinahanda ang unang Game Room. Agad naman iyong
lumabas. Naiwan ang tatlo pang babae.
"Mr. Sauler," baling nito sa kanya.
Binasa niya ang tatlong natitirang pangalan. Isa ang umagaw sa pansin niya. Iyon ay
ang card na may nakasulat na pangalang Lezy. Kinuha niya iyon at ipinakita rito.
Pagkabaling nito sa kalapit na babae ay tumango ang huli at agad na tumalima
palabas.
Nang makapili naman si Sam Walker ay sinundan iyon ni Paolo. Nang siguro ay nasa
Game Room na ang mga babaeng napili nila ay pinaakyat na rin sila ni Miss Aubrey sa
second floor.
Pagkasara niya sa pintong pinasukan ay lalong tumahimik ang kanina ay maingay na
paligid. May ilang dipa ang haba ng pasilyo mula sa unang pinto na binuksan niya
papunta sa nakapinid na pinto kung saan naroon ang babaeng nagngangalang Lezy.
Naglakad na siya palapit doon at agad na kumatok sa pinto.
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Lezy?"
Ilang sandali ang lumipas bago niya narinig ang sagot buhat sa nakapinid na pinto.
May butas doong maliit na siyang dahilan upang magkarinigan sila ng nasa loob.
"Yes?"
'Yung pakiramdam na may hatid na kilabot sa kanyang pagkatao ang narinig na boses
buhat sa kabilang pinto. Napalunok siya.

"WALA NG atrasan, Khlaryzel," mahina niyang anas habang nakatitig sa pinto kung
saan mamaya lang ay darating ang taong magiging sagot sa kailangan niyang pera.
Nang puntahan niya kanina si Donita at sabihin dito na pumapayag na siya sa inaalok
nitong tulong ay agad siya nitong dinala sa Pleasure Club, ang kinahuhumalingang
Club ngayon ng mayayamang kalalakihan. Mas marami raw kabinataan ang pumupunta roon
kapag araw ng Biyernes. Totoo nga ang sinabi ni Donita na high class ang naturang
Club. Dahil walang mababakas ng kasimplehan ang naturang lugar. Lahat ay may bahid
ng karangyaan. Kaya masisiguro mo na hindi rin basta-basta ang mga taong pumupunta
roon. Matapos siyang ipakilala ni Donita sa Manager ng Pleasure Club ay pinaayusan
agad siya at pina-assist.
Ayon sa baklang nag-guide sa kanya kanina ay may ilang question and answer portion
daw bago niya tuluyang buksan ang naturang pinto ng silid na kinaroroonan, ang
pangalawang Game Room. Siya raw ang magpapasya kung kontento na siya sa offer ng
naturang customer. Puwede rin siyang umayaw kung hindi niya makukursunadahan ang
offer. At kapag dumating sa punto na okay na ang lahat sa pagitan ng pag-uusap nila
ng magiging customer niya ay saka lang niya bubuksan ang pinto.
Wala siyang ideya kung paano mang-akit ng isang lalaki. Kung magwo-work ba kapag
nagkausap na sila. May kaba sa dibdib niya ang hanggang ngayon ay hindi pa rin
nawawala. Anumang sandali ay maririnig na niya ang pagkatok ng kung sino. Wala rin
siyang ideya kung ano'ng itsura niyon. Boses lang nito ang una niyang pagbabatayan.
Naisip din niya na paano kung mukhang butete o mukhang pinagkaitan ng langit at
lupa ang lalaking tatangay sa iniingatan niyang perlas? Sana lang ay matiis niya.
Natatakot din siya dahil baka mababoy siya sa unang beses na gagawin niya iyon.
Sana naman ay hindi.
Napakislot siya ng makarinig ng katok. Ang pintong iyon ay kayang marinig ang
anumang pag-uusapan nila kahit na nakapagitan iyon sa kanila. Ang tanging
soundproof lang ay ang pinto na unang papasukan papunta roon. Kaya hindi roon dinig
ang anumang ingay na nagmumula sa mga nagpa-party sa labas.
Napalunok siya at kung ilang beses ding huminga ng malalim bago naglakad palapit sa
naturang pintuan. Pinigilan niya ang maiyak. Hindi puwedeng mapurnada ang pinasok
niyang iyon. Saka na siya iiyak kapag nasa kamay na niya ang perang kailangan ng
tatay niya.
Patawarin mo ako 'Tay kung ito 'yung paraan na pinasok ko para mapaoperahan ka.
Patawad po, 'Tay...
Huminga siyang muli ng malalim bago idinikit ang tainga sa dahon ng pintuan.
Tumikhim din siya upang palisin ang bikig sa kanyang lalamunan.
"Lezy?" anang suwabe at malamig sa pandinig na wika ng lalaki buhat sa labas ng
pinto.
Lezy ang binigay niyang screen name sa Pleasure Club. Ang mga lalaking customer
kasi ay tanging pangalan lang ng babae ang pagpipilian. Mga babaeng naghihintay na
mapili at sumalang sa loob ng Game Room. Wala ng iba. Kapag nakapili na ang mga ito
ng pangalan ay ihahatid na ang mga ito ng isang guide patungo sa silid na
kinaroroonan ng babaeng napili ng mga ito.
"Yes," malambing niyang sagot. Napapikit siyang muli ng mariin.
"How much can I take you tonight?"
Hindi siya agad nakaimik. Siya ba ang magpepresyo? Ang alam niya ay ang lalaki rin
mismo. Hinintay niya ito na muling magsalita.
"Fifty thousand?"
Isang daang libo ang kailangan ng kanyang ama upang maoperahan ito. Bukod pa roon
ang ilang araw na pamamalagi nito sa ospital.
"H-Higher."
Ito naman ang hindi nagsalita. Paano kung wala ito ng halaga na kailangan niya? Ang
nais sana niya ay una't huling beses niya iyong gagawin. Pagkatapos ng gabing iyon
ay hindi na siya magpapakabalik-balik pa sa lugar na iyon at ibabaon niya sa limot
ang anumang magaganap. Kaya dapat makuha niya ang halagang kailangan at hindi
sasapat ang fifty thousand lang.
"Ano'ng height mo?" Muling tanong ng lalaki sa kabilang pinto. Ang ganda ng boses
nito at hindi niya ikakaila iyon. Pero marami ngayon ang maganda nga ang boses,
kabaligtaran naman minsan sa hitsura.
"Five six. Ilang taon ka na?" Lakas loob niyang tanong.
"Twenty nine."
Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi pa matanda ang lalaking makakasama niya sa
loob ng silid na iyon.
"Itataas mo pa ba ang offer mo o hindi na?" She ask again. Dahil kung hindi ay
tatanggihan niya ito.
"Okay, I'll make it high. How about five hundred thousand?"
Narinig ba niya iyon ng malinaw? Limang daang libo para sa dalawang oras na
pananatili sa silid na iyon? O baka naman laspagin siya nito kaya ganoon kalaki ang
offer nito? Naipilig niya ang ulo. Baka naman mayaman lang talaga ito at barya lang
ang limang daang libo.
"Cash or cheque?"
"Cash," anito. "Take it or leave it?"
"Tak-"
"Oh, wait. Gusto kong malaman kung with experience ka?"
Sa huli ay sinabi niya ang totoo. "Wala akong experience. Ito ang f-first time ko."
Natahimik itong muli sa kabilang pinto. Choosy pa ba ito na birhin siya? Suwerte na
nga nito kung tutuusin.
"I don't take virgins."
Siya ang sunod na nawalan ng imik. Animo napalad ang limang daang libo na offer ng
lalaki sa kanya. Akala naman niya ay matutuwa ito sa kaalamang birhin siya, iyon
pala ay hindi rin. Napailing siya. May ganoon pa palang lalaki sa panahon ngayon.
'Yung iba hayok sa birhin.
"Pero, Sir..."
"I'm sorry. Baka hindi mo maibigay ang pleasure na gusto kong mangyari," putol nito
sa iba pa niyang sasabihin.
Kinapalan na niya ang mukha niya para sa perang kailangan niya. "Bakit hindi niyo
ako subukan, Sir? Sisiguraduhin ko na mag-i-enjoy ka at hindi mo pagsisisihan na
ako ang pinili mo." Marahan niyang hinila ang sariling buhok. Sa ngayon ay aalisin
na muna niya sa sistema niya ang totoong Khlaryzel na hindi kayang sikmurain ang
ganoong klaseng trabaho. Kapit sa patalim, oo. Maruming trabaho pero nauunawaan na
niya ngayon ang mga babaeng kumakapit sa ganitong uri ng trabaho. Dala ng matinding
pangangailangan.
"Paano naman ako makakasigurado?" hamon nito.
"Hindi mo malalaman kung hindi mo naman susubukan," giit niya. Please, pumayag ka
na. Gagawin ko lahat ngayong gabi. Ibibigay ko 'yung gusto mo. Pumayag ka lang.
Please.
Tumayo siya ng tuwid at sumandal sa pinto. Nawawalan siya ng pag-asa dahil sa
choosy niyang customer.
"Okay. Deal."
Napaharap siya bigla sa pinto. "W-Wala ng bawian," naibulalas niya. Nabuhayan siya
ng loob. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay ang amang ooperahan. Mababayaran na
nila lahat ng ginastos at gagastusin pa sa ospital.
Inayos na niya ang kanyang sarili. Nakasuot siya ng hapit na red dress na umabot
lang ang haba sa kalahati ng hita niya. Ang maamo at inosente niyang mukha ay
pinatapang ng make-up.
"Buksan mo na ang pinto, Lezy."
Isang hinga pa ng malalim bago niya tuluyang buksan ang pinto. Unang tumambad sa
kanya ay ang lower part ng nakatayong bulto sa labas ng pinto. Unti-unting tumaas
ang tingin niya mula sa tiyan nito, dibdib, leeg. Hanggang sa tuluyang tumambad sa
kanya ang mukhang nagpatigil sa mundo niya ng mga oras na iyon.

Chapter 03
NAPALUNOK si Yzel ng tumambad sa kanya ang lalaking magiging customer niya para sa
gabing iyon. Sa loob ng dalawang oras. Sa isip ay hindi niya napigilan ang
mapamura. The guy infront of her is dashingly grorgeous and over load with sex
appeal. Hindi niya inaasahan na ganito kaguwapo at kakisig ang lalaking nasa
harapan niya. Bagaman at kapansin-pansin pa rin ang kaseryusohan sa guwapo nitong
mukha.
Pero kahit naga-guwapuhan sa lalaki ay hindi naman niyon mapawi ang kabang kanina
pang naghahari sa kanya.
Hindi agad ito pumasok sa nakabukas na pinto. Sa halip ay pinagmasdan muna siya
nito. Agad na nag-init ang pisngi ni Yzel ng makita kung paano nito titigan ang
umbok niyang dibdib. Napababa siya ng tingin. Hindi niya matagalan.
Tumikhim siya at lakas loob na muli itong tiningnan. Siguro naman ay iyon ang
magiging una't huli nilang pagtatagpo. She must do her job well for the sake of
money. Kailangan niyang kapalan ang mukha at isantabi ang pagkapahiyang
nararamdaman. Kung ito lang din naman ang lalaking pagbibigyan niya ng sarili sa
unang pagkakataon ay hindi na masama.
"G-Good evening, Sir." Nagbigay daan siya para makapasok ito. Nang makapasok ito sa
loob ay inihagis nito sa kama ang dalang itim na maliit na bag. Siya naman ay
marahang isinara ang pinto.
Paano ba niya sisimulan ang sandaling iyon? Tumatakbo ang oras at ni hindi niya
maigalaw ang mga paa palapit dito ng harapin ito. Binalot lalo siya ng kaba. Halos
marinig na rin niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso. As if, lalabas iyon sa
kanyang dibdib. She tried to calm herself. Pero bigo siya. Dinadalahit na siya ng
kaba. Hindi iyon maganda para sa kanya.
"Tititigan mo na lang ba ako, Lezy? Two hours lang ang meron ako at kailangang
masulit ko iyon." He damanded.
Napasinghap siya ng sa paglapit nito sa kanya ay pumulupot ang isa nitong kamay sa
kanyang maliit na baywang at hapitin siya palapit dito. Naamoy niya ang alak sa
hininga nito. Sa paglalapat ng kanilang katawan ay agad uminit ang pakiramdam niya.
Pakiramdam na bago sa kanya. Lalo na ng maramdaman ang matigas na bagay sa kanyang
puson. Napapalunok na nag-angat siya ng tingin upang makita ang mukha nito. Gagawin
na ba agad nila? Pinagpawisan siya sa isiping iyon.
"I hate making out with virgins," anito na medyo ibinaba ang mukha palapit sa
kanya. "Walang experience. Pero dahil mukhang desperada ka para sa pera, sige,
pagbibigyan kita."
May halong lamig sa boses nito na nagpatindig sa balahibo niya. Napapikit siya ng
lumapat ang labi nito sa leeg niya. Bulta-bultahing kuryente ang tila nanalantay sa
kanya na nagmula mismo rito.
Tiisin mo lang Yzel, anang isang bahagi ng isipan niya. Matatapos din ito.
Nanginginig ang kamay na umangat iyon upang humawak sa balikat ng lalaking hindi
niya alam ang pangalan. A completely stranger, she thought. Bahagya niyang nakagat
ang ibabang labi ng mag-umpisang halik-halikan ng lalaki ang leeg niya. Pababa sa
dibdib niya. Tumahip lalo ang dibdib niya dahilan para bahagya itong itulak.
Ganoon na lang ang pagsama ng mood ng lalaki. "What?" iritado nitong wika. "Alam mo
naman kung bakit tayo narito. Nagkamali yata ako ng pangalan na pinili. Imbis na
ikaw ang dapat gumawa ng lahat," napailing ito. "Ako pa ang gumagawa ng move."
"S-Sorry."
Napapailing na lumapit ito sa isang lamesa na maraming sex toys na naka-display.
May ilang gamit din doon for some sex purposes. Sa isip ay hindi niya ma-imagine na
gagamitin iyon sa kanya. Paano kung gumamit muna ito ng vibrator sa kanya?
Kinilabutan siyang lalo.
Napaatras siya ng humarap ito sa kanya. Akala niya ay vibrator ang kukunin nito.
Lihim siyang nakahinga ng maluwag ng makita ang hawak nito. Isang kulay itim na
pamiring sa mata. Lumapit ito sa kanya at walang sabi-sabing piniringan siya.
"'Wag mong tatanggalin 'yan," utos nito sa kanya ng muli itong pumunta sa harapan
niya.
Naramdaman niya ang paglandas ng daliri nito sa lantad niyang braso. Patungo iyon
sa kanyang balikat. Para siyang lalagnatin sa pakiramdam na dinudulot nito sa
kanya. Ramdam din niya ang pagkababae niya na gusto ang sensasyong nararamdaman.
Nanlalambot siyang lalo.
"Maganda ka," anito mayamaya. "Sa dami ng trabaho sa labas heto ka at nagpapakababa
sa lugar na ito. Kahit sabihin na high class ang lugar na ito. Wala pa rin itong
pinagkaiba sa mga Club kung saan maraming babaeng mababa ang lipad."
Nilunok na niya ang pride na natitira sa kanya simula ng tumapak siya sa lugar na
iyon. Kung hindi naman niya kailangan ng pera ay wala siya doon. "Hindi naman
maibibigay ng trabaho sa labas ang kailangan kong pera, Sir. Kung kapit man sa
patalim ang isang katulad ko ay may dahilan kung bakit pinasok ko ito." Wala siyang
ibang maaninag kundi puro kadiliman dulot ng telang nakapiring sa mga mata niya.
Tila nanlambot ang lahat sa kanya ng maramdaman na ibinaba ng lalaki ang suot
niyang tube dress. Wala siyang suot na bra dahil mayroon niyon ang naturang dress.
At alam niya na nakalantad na sa lalaki ang dibdib niya. Ito na ang simula ng
trabaho niya. Napapikit siya ng mariin.
Muli niyang naramdaman ang mainit na labi ng lalaki na lumapat sa balat niya sa
kanyang leeg. Agad na nag-react ang kanyang pagkababae sa ginagawa nito. Animo
pangangapusan din siya ng hininga. Hinapit siya nitong muli at bumaba pang lalo ang
labi nitong pinagpapala ang kanyang katawan. Hanggang sa marating ng labi nito ang
tuktok ng isa niyang dibdib. He's now sucking it and pleasuring the top of her
breast.
Napalunok na naman siya. Sobrang bago niyon sa kanya. Iyon ang unang beses na may
gumawa ng ganoon sa kanya. Hindi niya napigilan ang sarili na mapa-ungol dahil sa
sensasyong nararamdaman. Nag-iinit lalo ang pakiramdam niya. Ang isa nitong kamay
ay lumapat sa kanyang hita. Unti-unti nitong itinataas ang laylayan ng kanyang
suot. Pagkuwan ay binitiwan iyon at muling lumapat ang kamay nito sa kanyang balat.
Nakagat niya ang ibabang labi.
Hinawakan niya ang buhok nito at bahagya iyong nasabunutan.
Ang init ng bibig nito na mukhang aliw na aliw sa ginagawa sa tuktok ng dibdib
niya. Kunti na lang baka 'di na siya makahinga sa pinaggagagawa nito sa kanya. Lalo
na ng maramdaman ang kamay nitong lumapat sa suot niyang panty.
"Ah, shit," anas nito na ipinasok ang kamay sa loob ng suot niyang panty.
Napasinghap siyang muli. Ramdam niya ang pamamasa niya at init na sumisingaw sa
katawan niya. Pero mas may matindi siyang nararamdaman ngayon at mukhang hindi na
iyon kaya pang pigilan.
Ang pandinig niya ay tanging kabog na lang ng dibdib niya ang naririnig ng mga
sandaling iyon dahil sa kabang hindi pa rin napapawi. Palakas iyon ng palakas.
Hanggang sa unti-unting nawalan siya ng pakiramdam. Lalong nagdilim sa kanya ang
lahat.
NAPAMURA si Triv ng biglang mawalan ng malay ang babaeng nagpabuhay ng matindi sa
pagkalalaki niya. Kung hindi niya ito nahawakan sa baywang nito ay baka natumba na
ito sa sahig.
"Damn," paulit-ulit niyang anas ng dalhin ito sa may kama at ihiga roon.
Nagsisimula pa lang siya pero heto at hinimatay pa ang babae. Napapailing siya
habang pinagmamasdan ito. Yumuko siya at itinaas ang suot nito upang matakpan ang
natural na malulusog nitong dibdib. She has a perfect body to die for. At ang
tanging gusto niyang mangyari ay ang maangkin ito. Pero mukhang hindi iyon
mangyayari ngayon. Wala na rin siyang pakialam kung birhin man ito. He want her. He
want her the moment he entered that room a while ago.
Sa kabila ng make-up nito na nagbibigay tapang sa mukha nito ay alam niya na
inosenteng mukha ang nasa kabila niyon.
Umupo siya sa gilid ng kama at malaya itong pinagmasdan. Kanina ng makita ito ay
agad nag-react ng matindi ang kanyang katawan lalo na ang kanyang pagkalalaki.
Ngayon lang iyon nangyari sa kanya. Mas madalas kasi ay babae ang gumagawa ng unang
move upang mabuhay ang pagkalalaki niya at kapag buhay na ang alaga niya ay siya na
ang magpapatuloy sa sinimulan ng babae. Pero itong babae na nakahiga ngayon sa kama
ay mukhang exemption sa lahat. Hanggang ng mga sandaling iyon ay buhay na buhay pa
rin si Junior. Ramdam din niya ang pananakit ng puson dahil sa nabiting sandaling
iyon.
Marahas siyang nagpakawala ng buntong hininga at tumayo.
PUPUNGA-PUNGAS na nagmulat ng mga mata si Yzel. Nang maalala ang nangyari kanina ay
agad niyang nailibot ang tingin sa kanyang paligid. Naroon pa rin siya sa silid na
kinaroroonan niya kanina. Pagbaling niya sa kaliwa niya ay naroon ang lalaking
customer niya, nakaupo ito sa isang long sofa at matamang nakatitig sa kanya.
"Ten more minutes and my time is up," malamig nitong saad.
Napaupo siya habang sapo ang ulo. "P-Patawad. Hindi ko sinasadyang himatayin."
Mukhang tuluyan ng liliparin ng hangin ang malaking halaga na kailangan niya.
Nanlumo siyang lalo. Bahagya pa niyang napukpok ang ulo dahil sa kapalpakan niya.
Mamaya na niya iiiyak iyon kapag wala na sa harap niya ang naturang lalaki.
"You waste my time just like that."
Tumayo na ito mula sa pagkakaupo at kinuha ang dalang itim na maliit na bag.
Pagkuwan ay inihagis sa kandungan niya.
Napaawang ang mga labi niya ng makita ang bag na alam niyang may lamang pera.
Napatingin siya sa lalaki. "Bakit mo bini-"
"Wala ng oras para sulitin ko ang oras na dapat sana ay meron ako. You take the
money with you and get out of this place for good. 'Wag mo na lang sabihin sa iba
na walang nangyari sa atin," anito na tinalikuran na siya at tinungo ang pintuan.
Tumayo siya at agad itong hinabol. Pinigilan niya ito sa braso upang hindi agad ito
makalabas ng silid na iyon. Tila napapasong ibinaba agad niya ang mga kamay.
"Sandali lang."
Hinarap siya nito. The moment their eyes met, parang tumigil na naman ang mundo
niya. Katulad ng nangyari kanina noong unang beses niya itong makita.
"Don't bother to say thank you. Dahil maniningil pa ako sa iyo. Kaya ingatan mo
'yang virginity mo. Bayad ko na 'yan at walang ibang kukuha niyan kundi ako lang.
Remember that, Lezy," he said then open the door and walk away.
Naiwan siyang tulala sa kinatatayuan. Tila ina-absurb pa ng utak niya ang sinabi ng
lalaki. In the end ay saka siya tila natauhan. Napakurap-kurap siya. Wala na ang
lalaki sa kinaroroonan niya.
Napatingin siya sa maliit na bag na hawak. Naglalaman iyon ng maraming pera ng
buksan niya. Five hundred thousand in cash. Ang one forth niyon ay mapupunta sa may
ari ng Club na si Mr. Chen. Kaya three hundred fifty thousand ang parte niya. Plus
ang unang bayad sa kanila na twenty thousand pesos in cash.
Muli siyang napatingin sa pintong nilabasan ng lalaking hindi niya alam kahit ang
pangalan nito.
Bukod sa ligtas ang bataan niya ay may maiiuwi pa siyang malaking halaga.
"Kung sino ka man, salamat at binigay mo pa itong pera sa akin."
Hindi man ngayon ay alam niya na maniningil din ito. At kapag dumating ang panahon
na iyon ay tinitiyak niyang handa na siya sa gusto nitong mangyari.
Pinahid na niya ang luhang kumuwala sa mga mata niya at inayos ang sarili. Pagkuwan
ay lumabas na rin siya sa Game Room.

Chapter 04
"IT'S been three weeks at mukhang siya pa rin ang iniisip mo. Hindi naman siguro
dahil sa pera na binigay mo sa babae sa Game Room, kahit wala namang nangyari sa
inyo, dahil alam kong baliwala lang iyon sa iyo." Tumawa pa si Dandrick. "Move on
na."
Hindi niya pinansin ang kaibigan. Yeah, tatlong linggo na simula ng mag-umpisang
magulo ang mundo niya. Gabi-gabi na lang ay laman ng panaginip niya ang naturang
babae at sa panaginip niyang iyon ay natutuloy palagi ang naudlot sanang pag-iisa
nila ng katawan.
Simula rin noon ay nawalan siya lalo ng gana sa ibang babae. Hindi niya alam pero
malaki ang naging epekto ng pagka-turn-on niya kay Lezy. Binuhay nito ang matindi
niyang pagnanasa sa katawan na matagal natulog. At kahit wala namang nangyari sa
kanila ay hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang mukha nito. Her soft and warm
body.
Isang linggo matapos ang eksenang iyon sa Club ay bumalik siya roon.
Nagbabakasakaling makakuha siya ng personal na inpormasyon tungkol dito. Pero bigo
siya dahil walang nakakakilala rito ng personal. Iyon din daw ang una't huling
beses na nakita roon ang babae. Pagkatapos niyon ay hindi na ito bumalik pa.
Maingay ang ginawang pagpatong ni Dandrick ng tasa ng kape sa lamesa kaya naagaw
nito ang kanyang atensiyon.
"Men, move on. Ng dahil sa kanya pati sex life mo apektado. Ikaw rin, matitigang ka
niyan lalo," ngumisi pa ito ng nakaloloko.
"Hindi siya ang iniisip ko," kaila niya. One week ago ng sabihin niya sa kaibigan
ang totoong nangyari sa Pleasure Club. Katulad ng inaasahan niya, mamamatay ito
katatawa.
"Sus, 'wag ako, Triv."
Naiiling na lang na inubos na niya ang natitirang kape sa tasa niya. "Bilisan mo na
lang at kailangan ko pang bumalik sa office."
Nasa isang coffee shop sila ng kaibigan niya na nasa first floor lang din ng Sauler
Hotel. Nangulit kasi ito na bumaba siya dahil nasa lobby ito ng Hotel niya.
"Okay. Don't forget tomorrow. You'll meet my cousin, Lovely. Mamaya ang dating niya
from Austria."
"Alam mo namang wala ako sa mood."
"Palagi naman. Gusto ka niyang makilala. Malay mo mag-click kayo. Sinasabi ko sa
iyo na hindi siya 'yung tipo na pang-one night stand lang. Pangmatagalan ang isang
ito. Matalino na, para ka pang nakakita ng Goddess na bumaba galing Mount Olympus.
So don't miss this chance, Triv. Remember, isang buwan at isang linggo na lang ang
meron ka para makita ang babaeng pakakasalan mo. Or else, mga magulang mo ang
pipili ng babaeng itatali sa iyo."
He sigh. Isa pa ang bagay na iyon. Malapit na siyang mag-thirty at isa lang ang
ibig sabihin ng edad niyang iyon, to settle down for good.
"I can't promise," aniya kay Dandrick bago tumayo mula sa pagkakaupo.
Tumayo na rin ito. "Bahala ka na nga."
Palabas na sila ng naturang coffee shop ng mapatingin siya sa babaeng papasok naman
sa glass door. Nagpupuyod ito ng buhok kaya hindi siya halos napansin. Napahinto
siya sa paglalakad ng lumampas ito sa kanya. May isang bahagi ng isip niya ang
nagsasabing kilala niya ang babaeng iyon.
Mukhang waitress ito roon base sa suot nito.
"Triv, I'm going. May kailangan pa akong puntahan," paalam sa kanya ng kaibigan na
nagpatiuna na sa pag-alis.
Siya naman ay muling pumasok sa loob ng coffee shop at hinintay ang babaeng pumasok
sa isang pinto. Naupo siya sa bakanteng lamesa. May umuusbong na hinala sa kanya at
gusto niyang makompirma ang bagay na iyon.
Minutes later ay lumabas na ng tuluyan ang naturang babae. May kalayuan man ito sa
kanya ay hindi siya puwedeng magkamali sa hinala.
PINAHID ni Yzel ang noo kahit wala naman doong pawis. Nine thirty na at katatapos
lang niyang mag-time out sa pinapasukang coffee shop, ang Madison. Closing ang oras
ng pasok niya roon dahil sa umaga ay siya ang tumatao sa puwesto nila sa palengke..
Magdadalawang linggo pa lang siya roon. Nang-mag-apply siya roon ay urgently needed
ng waitress. Twelve thousand ang sahod kada buwan kaya agad niyang tinanggap ang
trabaho.
Bukod sa marangal ay makakatulong din para sa pambili ng maintenance na gamot ng
kanyang ama. Sa ngayon ay maayos na ang Tatay Eli niya mula ng maoperahan ito.
Salamat sa lalaking nagdilang anghel ng gabing iyon.
Dumaan muna siya sa CR bago tuluyang umalis. Sa lobby ng Sauler Hotel siya dumaan
palabas ng naturang gusali. Hindi pa man siya nakakalayo buhat sa nilabasang glass
door ng biglang may humila sa braso niya. Ganoon na lang ang kabang bumalot sa
kanya sa takot na baka magnanakaw o rapist iyon.
"S-Sandali lang."
Ngunit hindi natinag ang malaking bulto ng lalaki sa paghila sa kanya. Base sa
hitsura ng lalaki ay hindi ito kagaya ng iniisip niya dahil sa suot nitong business
suit at sa mamahaling pabango na humahalimuyak na nagmumula rito.
"Ano bang kailangan mo, Mister?" Tanong niyang muli. Nagpatuloy lang ito hanggang
sa tumigil sila sa isang mamahaling sasakyan. Isang Audi na kulay itim.
"Ikaw ang kailangan ko," anito pagkuwan ay hinarap siya.
Naumid ang dila niya ng mapagsino ito. Iisa lang naman ang nagmamay-ari ng mukhang
iyon. Walang iba kundi ang lalaking muntik ng kumuha sa pagkabirhin niya.
Napalunok siya. Paanong nakilala siya nito? Small world ba masyado para pagtagpuin
pa sila? Saka hindi naman matapang ang make-up niya. Paano siya nitong natandaan?
"I know it's you. Kaya 'wag mo ng subukang itanggi. Now, get in." Utos nito ng
buksan nito ang pinto sa passenger side.
Nanginig bigla ang katawan niya. Paano kung ngayon ito maningil? Kinilabutan siya.
Hindi siya handa! Bago pa siya nito puwersahing sumakay ay wala ng imik na sumakay
siya. Kahit naman ano'ng sabihin niya ay ito pa rin ang naging dahilan para
madugsungan ang buhay ng kanyang ama. Siya ngayon ang may utang dito na dapat
niyang bayaran.
Bahagya niyang nayapos ang dalang bag ng makasakay na rin sa driver sit ang
lalaking hanggang ngayon ay hindi niya alam ang pangalan.
"Tatlong linggo pa lang ang lumipas, ubos na agad ang pera mo?" Kaswal nitong
tanong. Kaya siguro nito naitanong iyon ay dahil nagta-trabaho na agad siya imbis
na magpakasasa sa perang galing dito.
Ibinaling niya ang atensiyon sa labas ng bintana. Bahala na kung saan siya nito
dalhin. "Hindi naman para sa akin ang pera na 'yon."
Sandali siyang sinulyapan ng lalaki bago ibinalik ang tingin sa daan. "So, ibebenta
mo ang sarili mo para lang makinabang ang iba sa perang kikitain mo? Silly."
Huminga siya ng malalim para palisin ang naramdamang inis sa sinabi nito. Wala
naman itong alam sa totoong nangyari. Kaya bahala na ito sa iisipin pa nito. Wala
siya sa mood para magpaliwanag dito. Pagod siya at wala siyang ibang gustong gawin
ng mga sandaling iyon kundi ang umuwi sa kanila at matulog na dahil maaga pa siyang
tatao sa palengke kinabukasan.
"Anyway," anito ng hindi siya magsalita. "Maniningil na ako ng utang mo."
Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa kanyang bag. Malamig sa loob ng kotse nito
pero ngayon lang siya nakaramdam ng pagkalamig lalo.
"N-Ngayon na?"
Sinulyapan siya nito. May munting ngiti sa gilid ng labi nito. "Paano kung sabihin
kong 'Oo'?"
Bahagyang umawang ang mga labi niya. Napatingin ito doon. Tumikhim ito bago
ibinalik ang tingin sa daan. Speechless siya. Gusto niyang tumanggi, hindi dahil
ayaw niya rito, iyon ay dahil pagod na pagod siya sa maghapong trabaho. Sino ba
namang babae ang tatanggihan ang katulad nito? Baka nga nagkukumahog pa ang mga
babae para lang makuha ang atensiyon nito. Ganoon ang tingin niya rito, mukhang
mahirap abutin.
"What's your name?" Basag nito sa katahimikang namayani.
Lumunok siya para mapalis ang tila bikig sa kanyang lalamunan. "K-Khlaryzel. Ikaw?
Anong pangalan mo?"
"Triv Sauler."
Sauler? Parang pamilyar sa kanya. Nang maalala ay napatingin siya rito. Diyata't
ito ang may ari ng Sauler Hotel na siyang kinaroroonan ng pinagtatrabahuhan niya?
Ibig sabihin lang niyon ay mayaman nga talaga ito. Hindi na rin kataka-taka sa
gamit nitong sasakyan.
"Surprise? Kung ano man 'yang iniisip mo tama 'yan." Kaswal pa rin nitong wika na
hindi kababakasan ng pagyayabang.
Hindi na rin kataka-taka kung ibigay nito sa kanya ang malaking halagang iyon,
kahit na wala namang namagitan sa kanila.
Napatingin siya sa labas ng bintana ng ihinto nito ang sasakyan nito sa gilid ng
kalsada. Pagbaling niya sa binata ay tila naparalisa ang kanyang katawan ng kabigin
siya nito at walang paalam na sakupin ang kanyang napaawang na mga labi ng mga labi
nito. Ang tangi lang niyang nagawa ay ang manlaki ang mga mata. Hindi siya gumalaw
o ang kahit tugunin ang halik nito. Ang pamilyar na kabog ng dibdib niya ay naroon
na naman. Hindi iyon dahil kinakabahan siya.
"Don't tell me pati labi mo virgin pa rin?" Salubong ang kilay na wika nito ng
bahagyang lumayo ang mukha sa kanya.
Nag-init ang mga mukha ni Yzel sa sinabing iyon ni Triv. Napapalatak pa ito.
"You must learn a lot. Don't worry, I'll teach you how."
Iyon na siguro ang simula ng paniningil nito. Nang muli nitong sakupin ang kanyang
mga labi ay wala na siyang nagawa pang iba kundi ang ipikit ang mga mata. Bago sa
kanya ang bagay na iyon. He's her first touch and first kiss. And soon, he will be
the first man in her life.
Pinag-aralan niya kung paano gumalaw ang mga labi nito. Sinubukan niyang gayahin
iyon. Napasinghap pa siya ng pasukin ng dila nito ang kanyang bibig. Pakiramdam
niya ay lalo siyang nalasing sa klase ng halik nito. Wala man siyang karanasan sa
paghalik ay sigurado siyang eksperto ito sa bagay na iyon. Kahit naka-aircon ang
sasakyan nito ay pinagpawisan pa rin siya dahil sa init na biglang sumingaw sa
kanyang katawan.
Matagal siya nitong hinalikan. Tinantanan lang nito ang labi niya ng makasabay siya
sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Hindi niya itatanggi na masarap itong humalik.
Nakakabuhay ng dugo. Maging ang katawan niya na kanina ay gusto ng magpahinga ay
tila nabuhayan din. Ganoon ang epekto ng halik ni Triv sa kanya.
"Kailan ang day-off mo?" He ask in a husky voice. Hindi pa rin ito lumalayo sa
kanya. Puno ng pananabik ang mga mata nitong tila nagliliyab na apoy.
"S-Sa isang araw pa."
"Bakit hindi na lang bukas?"
Napalunok siya. "'Yon kasi ang schedule ng day-off ko." Sinikap niyang huminga
kahit paano. Kanina pa niya pigil ang paghinga niya dahil sa lapit ng mukha nito.
Maging ang mabango nitong hininga ay patuloy na tumatama sa kanya dahilan upang
manlambot lalo ang pakiramdam niya.
Napatango-tango na lang ito. "I wan't to take you right now," prangka nitong anas.
"Pero mukhang pagod ka sa trabaho kaya maghihintay ako. Subukan mong himatayin ulit
at dadami ang utang mo sa akin." Muli siya nitong siniil ng halik bago bumalik sa
puwesto nito sa harap ng manibela. Pagkuwan ay pinasibad ng muli ang kotse.
Nanginginig ang kamay na nahawakan niya ang labi. Ramdam pa rin niya roon ang
mainit at malambot nitong mga labi. Pakiramdam nga niya ay nangangapal iyon ng
bahagya dahil sa tagal nitong hinalikan siya.
Sinulyapan niya si Triv. Hindi niya inaasahan na ito pa ang magiging unang lalaki
sa buhay niya. Siguro kung ikukwento niya sa kapatid na si Shane na may kagaya ni
Triv na pumatol sa kanya ay baka hindi ito maniwala. Sabagay, ang ganitong klase ng
lalaki ang imposibleng mahumaling sa kanya sa romantikong paraan. Alam naman niyang
lust lang ang puwede nitong maramdaman sa kanya at wala ng iba. At iyon ang masakit
na katotohanan.

Chapter 05
PINAGMASDAN munang mabuti ni Yzel ang sarili sa harap ng salamin. Day-off niya ng
araw na iyon at iyon din ang araw na magkikita sila ni Triv Sauler. Nasa Sauler
Hotel siya ng mga sandaling iyon. Bago magtungo sa mismong pag-aaring suite ni Triv
ay dumaan muna siya sa CR.
Kinakabahan siya sa maaaring mangyari ng araw na iyon. Sa suite nito siya
pinapapunta para maningil sa utang niya rito. Nag-alangan pa siya dahil nasa ibaba
lang ng naturang Hotel ang pinagtatrabahuan niya. Ngunit dahil narito ang
pagpapasya kaya sa huli ay wala rin siyang nagawa pa.
Nang muli silang magkita ng binata, noong isang gabi, ay humantong sila sa isang
sea foods restaurant sa may Roxas Boulivard. Hindi pa raw ito kumakain kaya kumain
muna sila bago siya nito inihatid sa kanila sa may Tondo. Dahil papasok pa ang
kinaroroonan ng bahay nila kaya hindi nito alam ang eksaktong bahay nila.
Huminga ng malalim si Yzel bago ipinasyang lumabas na sa may CR. Pagsakay niya sa
elevator ay dumiretso na siya sa huling palapag ng Sauler Hotel. Naroon kasi ang
suite ni Triv na sumasakop sa halos kalahati ng naturang palapag.
Pagtapat niya sa pinto ng suite ay halos baba taas ang kamay ni Yzel na dapat ay
pipindot sa doorbell. Nakagat niya ang ibabang labi.
"Pindutin mo na, Yzel," susog niya sa sarili. Muli niyang itinaas ang kamay papunta
sa tapat ng doorbell button.
Napasinghap siya ng biglang may lumitaw na kamay sa tagiliran niya at pihitin ang
seradura ng pinto. Pagbaling niya sa likuran niya ay halos napigil pa niya ang
paghinga ng makitang napakalapit ni Triv sa kanya. Para na namang tumigil ang mundo
niya ng makita ito. Nang dumako ang mga mata niya sa labi nitong sumakop sa labi
niya noong isang gabi ay agad siyang nagbawi ng tingin. Apektado pa rin siya sa
halik na ipinamalas nito sa kanya.
"Let's get inside," anito na iginiya na rin siya papasok.
Nagulat man sa biglaan nitong pagsulpot ay mabilis naman siyang nakabawi.
Agad sumalubong sa kanya ang malamig na hangin dulot ng aircon sa loob ng silid na
iyon. Nailibot niya ang tingin sa paligid. Black, gray, white at brown ang kulay na
nangingibabaw sa suite. Mukhang denisenyo talaga para sa binata.
Siguro naman pagkatapos ng araw na iyon ay mapuputol na rin ang koneksiyon nilang
dalawa ni Triv. Ibibigay lang naman niya rito ang gusto nito. Iyon ay ang gawin ang
hindi nito nagawa noong nasa Pleasure Club sila, tatlong linggo na ang nakakaraan.
"Hindi ako puwedeng magtagal dito," aniya na lakas loob na sinalubong ang tingin ni
Triv. Kailangan din niyang umuwi bago mag-ala sais ng gabi.
Tiningnan nito ang oras sa relo nito. Alas dos pa lang naman ng hapon. "Why?"
"May gagawin pa ako."
Bahagyang naningkit ang mga mata nito. "Ano naman 'yon?" Base sa hitsura nito ay
mukhang may ibang naglalaro sa isip nito. "Don't tell me bumalik ka pa uli sa
Pleasure Club?"
"Hindi." Nag-iwas na siya ng tingin. Hindi niya matagalan ang titig nitong tila
nang-aarok. Humiling kasi ang kanyang ama na siya ang magluluto ng hapunan nito
ngayon. Kaya kailangan niyang makauwi bago maghapunan.
"Make it sure, Khlaryzel."
Sinulyapan niya ito. Bahagya siyang tumango pagkuwan.
"Dapat hindi ka na nagsuot ng skiny jeans. Hindi ka makakagalaw ng maayos mamaya,"
anito na nagtungo sa mini bar at may kinuhang bote ng red wine.
Naghatid ng kakaibang kilabot ang sinabing iyon ni Triv sa kanya. Napatingin tuloy
siya sa suot na pantalon. Iyon lang naman ang madalas niyang isuot at doon siya
komportable. Kung masasaktan man siya mamaya ay bahala na si Batman. Ang mahalaga
sa kanya ay matapos na ang sandaling iyon para makabayad na siya rito at ng matapos
na ang kung ano mang nag-uugnay ngayon sa kanila.
Nang muli siyang mag-angat ng tingin ay nakalapit na sa kanya si Triv. May dala
itong dalawang baso ng red wine. Ibinigay nito ang isa sa kanya.
"H-Hindi ako umiinom," tanggi niya.
"Pampawala ng kaba. Mamaya mahimatay ka pa."
Para wala ng talo pa ay tinanggap na niya iyon. Huminga muna siya ng malalim bago
inisang inuman ang kalahating baso ng red wine. Hindi niya nagustuhan ang mapait na
lasa ng wine kaya halos hindi maipinta ang kanyang mukha ng maubos iyon.
"Ibang klase ka rin," ani Triv bago kinuha sa kanya ang wine glass. He just sip on
his wine glass then turn his back. Hinayon nito ang mini bar. Pagkapatong nito sa
dalawang basong wala ng laman ay muli siya nitong binalikan.
Sapo na niya ang ulo dahil nakaramdam siya ng bahagyang pagkahilo. Epekto ng nainom
niya.
"Hindi ka pala sanay uminom," puna pa nito sa kanya.
"Hindi naman kasi talaga ako nag-iinom," katwiran niya.
Humakbang palapit lalo si Triv sa kanya. Wala itong itinirang espasyo ng hapitin
nito ang maliit niyang baywang palapit sa katawan nito. Napaangat ang tingin niya
rito na sinalubong naman agad ng mukha nito. Bumaba ang mukha nito sa kanya upang
siilin siya ng makalambot tuhod nitong halik. Sa pangalawang pagkakataon ay muling
nag-isa ang kanilang mga labi. Ang pamilyar na pakiramdam ay naroong muli. Tila
umuubos sa natitira niyang lakas.
He kissed her like there's no tomorrow. Halik na mainit at mapaghanap ng katugon.
Ipinikit niya ang mga mata dahil lalo siyang nahihilo dulot ng halik nito.
Ginantihan niya ang halik nito sa paraang kaya niya. Pinilit niyang sabayan iyon.
Ang mga kamay niya ay kusa nitong ikinawit sa balikat nito.
Matagal sila nitong nasa ganoong posisyon. Halik pa lang iyon pero nag-init na lalo
ang kanyang katawan. Maging ang katawan nito ay ganoon din dahil nararamdman niya
ang init na nagmumula rito. Nang pangapusan ng hangin ay bahagya lang siyang
nakalanghap dahil muli siya nitong siniil ng halik.
Ang kamay nitong nakahapit lang sa kanyang likuran ay nag-umpisa na ring lumikot.
Pumasok sa loob ng suot niyang damit ang mainit nitong kamay at tinungo agad ang
hook ng kanyang bra. Nang matanggal iyon ay muli siya nitong hinapit. Nang mga
sandaling iyon ay ramdam na naman niya ang paninigas ng pagkalalaki nito. Mukhang
handang-handa ng sumabak sa gera.
Bahagya nitong kinagat ang ibabang labi niya. Isang siil na halik pa at tuluyan na
nitong itinaas ang damit niya. Hinubad nito iyon at inihagis sa sahig. Ganoon rin
ang kanyang bra. Napalunok siya ng lumapat sa lantad niyang balat ang malamig na
hangin. Hinalikan siya nitong muli habang abala ang mga kamay nito sa paghaplos sa
magkabila niyang dibdib. Hindi niya napigilan ang ungol na kumuwala sa bibig niya
ng laruin ng kamay nito ang nasa tuktok ng dibdib niya. Lasing na siya. Lasing na
lasing sa erotikong pakiramdam na lumulukob sa buong katawan niya.
"Like it?" anang tinig ni Triv na mamaos-maos. Teasing her.
Tumango siya. Hindi niya kayang magsalita dahil tila nanunuyo ang lalamunan niya sa
sensasyong nararamdaman. Gusto niya ang pakiramdam na iyon. Nakagat niya ang
ibabang labi ng mag-umpisang bumaba sa leeg niya ang mga labi ni Triv. Kunti na
lang malapit na siyang mabaliw sa sarap na ipinaparanas sa kanya ngayon ni Triv.
Bahagya pa siyang napatingala ng muling pagpalain ng bibig nito ang dibdib niya.
Until he reach her nipple. Pinisil-pisil ng isa nitong kamay ang isa niyang dibdib.
"Ah," she moaned. What a kind of feeling. Iyon pa lang parang alam na niya kung ano
ang langit na tinatawag. Kaya siguro karamihan sa mga magkakarelasyon ngayon ay
ginagawa iyon. Masarap sa pakiramdam.
Ramdam niya ang matinding pagnanasa nito sa katawan niya. Pero hindi ito
nagmamadali. Tila tinutudyo pa siya.
"Take my clothes off," utos nito sa kanya. Umayos ito ng tayo. Ni hindi nito
binitiwan man lang ang nipples niya. Patuloy nito iyong nilalaro sa pamamagitan ng
mga kamay nito kaya naman maging sa puson niya ay iba ang nararamdaman niya. Pababa
sa pagkababae niya.
Nagbaba siya ng tingin sa dibdib nito. Bumaba ang kamay niya sa unang butones ng
suot nitong long sleeve polo at tinanggal iyon. Hindi niya naiwasan ang hindi
mapalunok ng lihim ng unti-unting tumambad sa kanya ang matipuno nitong dibdib,
pababa sa six pack abs nito. Down to his V-line. Dinaig pa ng katawan nito ang mga
nakikita niyang larawan ng mga male model sa may kahabaan ng EDSA. Siya na rin ang
naghubad ng suot nito.
Ngayon ay parehas silang half-naked. Kung kanina ay nakakaramdam siya ng pagkaasiwa
ay tila pinalad na iyon ng malamig na hangin. She's too exciting sa maaaring
maganap sa kanila ni Triv. Sigurado siyang hindi na siya mahihimatay kagaya noong
una.
Kung madali man nitong kalimutan ang mamamagitan sa kanila ngayon ay tiyak niyang
hindi siya. Habang buhay niya iyong dadalhin sa alaala niya.
Siniil siyang muli ni Triv ng halik. Habang magkalapat ang mga labi nila ay
humakbang ito, na kasama siya at hindi binibitiwan, palapit sa isang silid na
nakapinid ang pinto. Silid nito iyon na hindi na niya napag-ukulan pa ng pansin, ng
pumasok sila sa loob, dahil mas abala ang utak niya sa ginagawa nito sa kanya.
Tumigil lang sila sa paghakbang ng marating ang gilid ng kama. Unti-unti siya
nitong inihiga roon na hindi pa rin pinapakawalan ang labi niya. Nang dumistansiya
ito sa kanya ay upang hubarin ang suot niyang skiny jeans.
Napapikit siya at hinayaan si Triv sa trip nito. Nang matanggal ang jeans niyang
suot ay ilang sandali siya nitong pinagmasdan. May gumuhit pang ngiti sa mga labi
at mata nito ng mapagmasdan siyang walang ibang saplot kundi ang suot niyang panty.
Mayamaya pa ay pumatong na ito sa kanya. He landed a butterfly kisses on her face
down to her neck. Napakagat labi lalo siya.
"You really make me crazy, Khlaryzel. I want to take you right away. Pero dahil ito
ang first time mo, ipaparanas ko muna sa iyo ang mga bagay-bagay na hahanap-hanapin
mo," anito na muling itinuloy ang mumunting halik pababa sa dibdib niya.
Ang dami mong alam, Triv. 'Wag mo na lang akong bitinin, nais sana niyang isatinig.
Ngunit nanatiling tikom ang bibig niya
Impit siyang napapa-ungol sa bawat halik at haplos na pinamamalas nito sa katawan
niya.
Ang isa nitong kamay ay bumaba sa may puson niya. Pababa pa. Nang marating nito ang
nasa pagitan ng hita niya ay marahan nito iyong hinaplos-haplos, make her moan even
more. Habang ang mga labi naman nito ay nanatili ng ilang sandali sa dibdib niya.
Napahawak siya sa comforter ng ipasok ni Triv ang kamay nito sa loob ng panty niya.
Mas damang-dama niya ngayon ang kamay nitong humahawak sa kaselanan niyang bahagya
ng nabasa dulot ng naging reaksiyon ng kanyang katawan sa ginagawa nito sa kanya.
Hinaplos-haplos nito iyon.
Pinaghiwalay nito ang mga hita niya. Ang isa nitong daliri ay unti-unti na rin
nitong ipinasok sa pagkababae niya. He make a thrust on it.
"Ah," hindi niya napigilang idaing. Isang daliri pa lang nito pero nakaramdam na
siya ng sakit. Bahagya pa niyang nailiyad ang katawan ng bumilis ang paglabas-pasok
na ginagawa nito sa pagkababae niya. Lalong nanuyo ang lalamunan niya. Kung
ginagawa ni Triv sa mga babaeng naiikama nito ang pinamamalas nito ngayon sa kanya.
For sure mabaliw-baliw din ang mga iyon sa sarap.
Minutes later ay naramdaman niya ang paglabas ng likido sa pagkababae niya.
"You enjoy it, huh," ani Triv na hinugot na ang kamay mula sa loob niya.
Nang magmulat siya ng mga mata ay habol pa niya ang paghinga. Napalunok siya at
nanlaki ang mga mata ng makitang isinubo nito ang daliring ginamit nito sa kanya.
May gumuhit na mapanuksong ngiti sa sulok ng labi nito ng makita ang reaksiyon
niya.
"B-Bakit sinubo mo pa?"
"Why?"
Sa pagkapahiyang nararamdaman ay naitakip niya ang mga kamay sa kanyang mukha.
Maging ang mga hita niya ay pinagdikit niyang muli. "Nakakahiya!"
He just laugh. "I won't miss this chance to taste your juices, Miss. Virgin." He
tease.
Bahagya siyang nagmulat ng mga mata at sinilip ang binata sa munting siwang sa
kanyang mga kamay. May ngiti sa labi nito na lalong nagpapatingkad sa kaguwapuhan
nito. Naibaba tuloy niya ang mga kamay at napatitig na lang dito. Kung patuloy niya
itong tititigan ay baka mahulog lang siya rito. Iiwas mo na ang mga mata mo,
Khlaryzel. Ngayon lang ito at pagkatapos ng mangyayari ngayon ay kasama ka na rin
sa mga babaeng kinalimutan na niya. Sa isiping iyon ay iniiwas na niya ang tingin.
Tumayo muna si Triv at hinubad ang suot na pantalon. Natira doon ay ang boxer na
kulay puti. Bakat na bakat doon ang matigas nitong armas. Napalunok siya at muling
ipinikit ang mga mata. Masyado ng polluted ang kanyang mga mata at isip.
Pinaghiwalay nitong muli ang hita niya. Nakagat niya ang ibabang labi ng maramdaman
si Triv sa ibabaw niya. He landed again a butterfly kisses down to her tummy. Down
to her inner goddess. Gusto niyang pigilan ang ulo ni Triv na bumaba ngunit ang
katawan naman niya ay ayaw kumilos. Tila sabik na sabik sa maaari pang gawin ni
Triv. Sa huli ay ang comforter muli ang pinagdiskitahan niyang hawakan. Nanghihina
siya at gusto niya ng mahahawakan.
Napamulat siya ng ibaba ni Triv ang panty niya gamit ang bibig nito. Napatingin
siya rito. What a sexy move of him. Nang matanggal ang huling sagabal sa katawan
niya ay hindi niya nilubayan ng tingin si Triv. Gusto niyang makita ang magiging
reaksiyon nito. Tila hinaplos siya ng kung anong mainit na bagay sa nakita. As if,
hindi lang puro pagnanasa ang makikita roon. Mas malalim pa sa inaasahan niya.
Nangarap ka na naman, Khlaryzel, pakli ng isang bahagi ng isip niya.
Nang bumaba ang ulo nito sa pagkababae niya ay napaangat ang tingin niya sa kisame.
Hinawakan nito ang magkabila niyang hita. Napapikit siya habang kagat ang ibabang
labi ng maramdaman ang dila nitong pinagpapala ang pagkababae niya.
"Ah, Triv," she moaned once more.
Nananadya yata si Triv dahil sa bawat galaw ng dila nito sa kanya ay tila sinasabik
siya. Napapaliyad siya sa sensasyong nararamdaman.
"M-Matagal pa ba 'y-yan?"
"May hinihintay lang ako."
Nagpatuloy ito sa ginagawa. Hanggang sa maramdaman niyang muli ang paglabas ng
mainit na likido mula sa kanya. Bahagya pang nanginginig ang mga tuhod niya.
Hindi rin nagtagal ay umangat na si Triv. Binuhat siya nito at inayos ang
pagkakahiga sa kama nito. Ni hindi ito umalis sa pagkakauklo sa ibabaw niya ng
hubarin nito ng tuluyan ang boxer na suot. Dala ng kuryusidad kaya bumaba ang
tingin niya. Napalunok siya ng makita ng tuluyan ang pagkalalaki nito. Hindi niya
alam kung kakayanin niya iyon.
"Look at me," anas nito.
Sinalubong niya ng tingin ang mga mata nitong tila may nagliliyab na apoy.
"Masakit sa una kaya tiisin mo."
Tumango siya. May takot na bumangon sa dibdib niya na pilit niyang nilalabanan.
Pumwesto na ito sa ibabaw niya. Pinaglayo nitong muli ang mga hita niya at sa
pagkakataong iyon ay ipinuwesto na rin nito ang armas nito sa pagkababae niya.
Napasinghap siya sa unang ulos nito. Sumigid ang sakit ng magpumilit itong pumasok
sa masikip niyang butas. Akmang itutulak niya ito palayo sa kanya ng hawakan nito
ang mga kamay niya. Siniil siya nito ng halik habang patuloy itong nagpupumilit
pumasok sa kaselanan niya. May sumungaw na luha sa mga mata niya dahil sa sakit na
nararamdaman. Ganoon pala talaga kasakit sa una. Salamat sa halik ni Triv dahil
kahit papaano ay napapawi niyon ang sakit.
Nang sa wakas ay makapasok ito ng tuluyan ay halos panawan siya ng ulirat. Ramdam
niya ang kasikipan niya. Bumilis din ang paggalaw ni Triv sa ibabaw niya. Humiwalay
ang labi nito sa kanya at bumaba sa kanyang leeg. Doon ay mainit ang tumatamang
hininga na nanggagaling dito.
"Ah, shit."
Sa bawat ulos nito ay napapadaing siya. Kung ilang beses din niyang tinawag ang
pangalan nito.
Lalong bumilis ang galaw ni Triv. May sakit pa siyang nararamdaman ngunit ang sarap
na nararamdaman niya ngayon ay mas matindi. Nang pakawalan nito ang kamay niya ay
iniyakap niya iyon dito. Wala na ang iniingatan niya. Nakuha na ng lalaking ito.
Pero wala siyang makapang pagsisisi sa nangyari at sa naging desisyon na pumasok ng
isang gabi sa Pleasure Club.
Muli niyang naramdaman ang napipinto niyang pagsabog. Hanggang sa hindi na iyon
napigilan pa kasabay ng kay Triv. Hindi ito huminto man lang. Sa halip ay tuloy-
tuloy lang ito sa pag-ulos.
Pawisan na rin si Triv kagaya niya. Sinakop nitong muli ang kanyang mga labi.
Mainit naman niya iyong tinugon.
Makalipas pa ang ilang sandali ay unti-unti na ring bumagal ang paggalaw nito sa
ibabaw niya. Hanggang sa tuluyan na itong huminto ngunit nanatili pa rin sa ganoong
posisyon. Isinubsob nito pagkuwan ang mukha sa may leeg niya. Animo nakipaghabulan
ito dahil sa paghingal nito. Siya man ay ganoon din.
"I love this feeling," he whisper.
Same here, sagot niya sa isip. Pumikit siya. Hinang-hina ang pakiramdam niya.
Makalipas ang ilan pang sandali ay kumalas na ito sa kanya at nahiga sa tabi niya.
Napamulat siya dahil sa lamig na naramdaman.
"S-Saan ka pupunta?" aniya ng tumayo ito.
"May kukunin lang. Just wait." Dumiretso ito sa isang pinto at pumasok doon na
walang saplot sa katawan. Mukhang sanay na sanay itong kumilos ng ganoon. Paglabas
nito ay may dala itong puting bimpo. Napalunok pa siya ng makita ang buong katawan
nito sa malayo na walang ni isang saplot.
Uupo sana siya ng pigilan siya nito.
"Just stay where you are."
Napatingin na lang siya rito. Napamaang pa siya ng punwesto ito sa may paanan niya.
Sa dinami-rami ng naisip niya na puwedeng mangyari matapos nilang gawin ang bagay
na iyon ay hindi niya inaasahan ang gagawin nito ngayon. Maingat at marahan nitong
pinupunasan ang pagkababae niyang may bahid ng dugo.
"T-Triv..."
"You can't move, kaya ako na," anito na pinagbuti ang ginagawa. "Sobrang sakit pa
ba?" May himig pag-aalala nitong tanong ng sulyapan siya.
"M-Medyo."
Ngumisi ito pagkuwan. "Sa susunod, hindi na."
Para namang may susunod pa nga. Alam naman niyang iyon na ang huli. Bayad na siya
sa utang niya rito kaya wala ng dahilan para magkaroon pa sila ng ugnayan. Sa
kabila niyon ay hindi niya inakala na may pagka-gentleman pala ang lalaking ito.
Hindi naman kasi iyon halata rito.
Napabuntong-hininga siya pagkuwan. Mukhang tama nga si Triv sa sinabi nito kanina
dahil pino-problema niya ngayon kung paano matatagalan ang suot na pantalon pag-uwi
niya. Kung alam lang niya ay dress na lang sana ang isinuot niya.

Chapter 06
TATLONG araw na ang nakalilipas ngunit may munting kirot pa ring nararamdaman si
Yzel. Nang araw na iyon ay pinilit lang niyang pumasok sa Madison. Kinabukasan kasi
matapos may mangyari sa kanila ni Triv ay halos hindi siya makabangon dahil sa
sakit ng kanyang katawan. Partikular na sa ibabang bahagi niyon.
Kalilinis lang niya sa inalisang lamesa ng customer nila ng may maupo roon.
Natigilan pa siya ng makita si Triv. Seryoso na naman ang guwapo nitong mukha.
Hindi niya inaasahan na makikita ito. 'Yung reaksiyon ng katawan niya ay
naghuhumiyaw na naman ng masilayan ito. Napalunok siya.
"M-May gusto ka bang order-in?" naitanong niya.
"Black coffee."
Tumango siya bago ito tinalikuran. Napapikit pa siya ng mariin bago lumapit sa
counter at sinabi ang order ni Triv. Siya na rin ang nagdala niyon sa binata.
Akmang iiwanan niya ito ng pigilan siya nito.
"Sandali lang."
Kunway nagtatakang hinarap niya ito. Bayad na naman siya sa utang niya rito kaya
sigurado siyang hindi paniningil ang sasabihin nito.
Tumikhim pa ito. "Can we talk? In private," mabilis nitong dagdag.
"T-Tungkol saan?"
"I'll tell you later. Pagka-out mo. Bumalik ka na sa trabaho mo," pagtataboy na
nito sa kanya.
Curious man ay wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa ginagawa. Ngunit dahil
naroon pa si Triv kaya asiwa siyang kumilos. Lalo na at ramdam niya ang pagsunod ng
tingin nito sa kanya. Umalis lang ito ay ng maubos ang iniinom nitong kape.
Nang sumapit ang oras ng out niya at makalabas ng Sauler Hotel ay nakita pa niya
ang kotse ni Triv sa labas ng Hotel. Nasa loob ito at mukhang hinihintay siya.
Huminga muna siya ng malalim bago ito nilapitan. Kinatok niya ang bintana ng kotse.
Bumukas ang pinto sa passenger side. "Get in."
Walang imik na lumulan siya roon. Nang makaupo ng ayos ay hindi na siya nag-abala
pang magsuot ng seatbelt.
"Bakit ngayon ka lang pumasok?" tanong nito habang nakapatong ang mga kamay sa
manibela.
"Ngayon lang ako nakakilos ng ayos," pag-amin niya. "Ano ba 'yung sasabihin mo?
Kailangan ko na kasing umuwi sa amin." Hindi niya gusto ang unti-unting pag-iinit
ng kanyang pakiramdam dahil malapit lang si Triv. Hinding-hindi na ulit mauulit ang
nangyari sa inyo, Khlaryzel. Kaya tumigil ka sa kahibangan mo habang maaga pa!
sigaw ng isang bahagi ng isip niya.
"It will be sound so desperate, pero sana tanggapin mo 'yung alok ko."
Pananagutan ba siya nito? Pero imposible iyon dahil binayaran siya nito para may
mangyari sa kanila. Iniwasan niya ang mag-assume.
"Alok na ano?"
He took a deep breath. "Bedmate."
Animo may nangabasag na pinggan sa kanyang isipan. A bedmate. Meaning, sex partner.
Parausan kapag naiinitan ito.
"Don't worry, Khlaryzel. I'll give you ten million, para pumayag ka," mabilis
nitong dagdag.
Nagbaling siya sa may bintana ng may mainit na likidong sumungaw sa mga mata niya.
Oo nga at minsan na niyang ibinenta ang kanyang katawan sa isang Club. Pero hindi
ibig sabihin niyon ay gagawin ulit niya ang magpabayad para lang magamit ang
kanyang katawan. Nakakababa lang sa pagkatao niya.
"Pasensiya na, Mr. Sauler, pero hindi ko matatanggap ang alok mo." Akmang bubuksan
niya ang pinto sa tabi niya ng mabilis siya nitong pigilan sa kanyang braso.
"Don't tell me naliliitan ka pa? Five hundred thousand nga pumayag ka. Tapos
ngayong mas malaki ang kapalit ay tatanggihan mo?"
Pagak siyang napatawa sa sinabi nito. Mabilis niyang pinahid ang kumuwalang luha sa
mga mata niya. Huminga rin muna siya ng malalim bago ito muling binalingan. Piniksi
niya ang brasong hawak nito.
"Sa iyo na 'yung pera mo. Hindi rin ako pumapayag sa gusto mong mangyari. Kung
gusto mo humanap ka ng iba. Sigurado naman ako na may papayag kahit hindi mo alukin
ng pera mo."
"Okay, name your price."
Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilan ang maluha sa harap nito. "Nag-
aaksaya ka lang ng panahon sa akin. Kung nagtrabaho man ako sa Pleasure Club, isang
gabi lang iyon dahil kailangan ko ng pera. Pera na ipampapagamot sa tatay kong nag-
aagaw buhay sa ospital ng mga panahong iyon. Oo, sobrang nakakababa ng pagkatao ang
trabahong pinasok ko kahit maraming mas matinong trabaho sa labas ng Club. Pero
wala akong ibang choice kundi ang kumapit sa patalim para madugsungan ang buhay ng
tatay ko. Tiniis kong magbenta ng sandaling aliw. Hindi para sa sarili ko, kundi
para sa tatay ko. Kaya sana tigilan mo na ako, nakuha mo na 'yung kapalit ng perang
in-offer mo sa akin noon. Kaya tama na. 'Wag mo ng ipamukha sa akin ang naging
klase ng trabaho ko sa Club na 'yon. Hindi ako kasing puta ng iniisip mo kaya
tigilan mo ako sa alok mong maging bedmate mo. Kung kinakati ka ikiskis mo 'yan sa
iba," mahabang niyang litanya habang nagpupuyos ang dibdib.
Ni hindi nakapag-react si Triv kaya sinamantala niya iyon para makababa ng kotse
nito.
Mabilis siyang naglakad palayo rito habang pinapalis ang luhang walang humpay sa
paglandas sa pisngi niya.
Excited pa naman siya kanina na mag-out dahil alam niyang naghihintay sa kanya si
Triv. Ngunit iyon lang pala ang dahilan kaya nakikipagkita ito sa kanya.
What a kind of a jerk.
INIIWAS ni Yzel ang tingin ng makitang pumasok sa Madison si Triv. Deep inside her
ay nag-assume siya na lalapitan siya nito upang humingi ng paumanhin sa ginawa nito
kagabi. Ngunit ng muli niya itong sulyapan ay nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakad
papunta sa table kung saan may nag-iisang babae na umuukupa.
Babaeng mala-Diyosa ang kagandahan. Sa sobrang puti at kaelegantehan nito ay wala
siyang panama kahit na alam naman niyang may ibubuga rin siya.
Tila nanikip ang dibdib niya ng maupo si Triv sa harap ng babae na ngayon ay may
ngiti ng naka-plaster sa mukha. Alam niyang mali ngunit nakaramdam pa rin siya ng
munting selos.
Minabuti na lang niyang abalahin sa ibang customer ang atensiyon at iniwasang
mapagawi sa puwesto nina Triv.
"Yzel, pakidala naman nitong black coffee sa table ten."
Napamaang siya ng balingan ang nasa counter. "Puwedeng si Vina na lang?" Table kasi
kung nasaan si Triv ang table ten.
"Wow, huh. Gawin mo na lang kung ayaw mong i-report kita sa manager natin,"
inirapan pa siya ni Kara.
Ramdam niya ang disgusto nito sa kanya. Hindi na lang niya pinapansin at
pinapatulan para walang gulo. Sa huli ay wala siyang nagawa kundi kunin ang tray at
dalhin sa kinaroroonan nina Triv.
"Your order, Sir," pormal niyang wika ng ilapag sa lamesa ang kape ni Triv. Sa side
vision niya ay mas nakita niya ang babae na kasama nito. Maganda nga talaga.
Tumikhim si Triv. Trying to get her attention. "Thank you." Nasabi na lang nito ng
hindi niya ito pansinin.
Mapait siyang napangiti ng makalayo rito. Base sa hitsura ng mga ito ay mukhang
seryoso ang pinag-uusapan. Baka ito na ang inaalok ni Triv dahil tumanggi siya sa
gusto nitong mangyari. Iyon ay ang maging bedmate nito.
Alas kuwatro ng hapon ng tawagin siya ni Zet Capistrano, ang may ari ng Madison.
Guwapo ito at halos lahat ng staff sa naturang coffee shop ay may crush dito.
Maliban sa kanya. Hindi niya alam ngunit hindi niya magawang maging attracted dito.
Siguro ay dahil kay Triv.
"Paki-dala nitong take out ni Mr. Sauler sa office niya sa taas. Fourty fifth
floor," inporma pa nito.
Gusto niyang magreklamo na, bakit siya pa? Ngunit dahil boss ito at ayaw niyang
masisante dahil lang sa pag-ayaw niya ay wala siyang choice kundi kunin ang naka-
paper bag na order ni Triv.
"May problema ba, Yzel?"
Umiling siya. "Wala, Sir. Dadalhin ko na po ito sa taas."
Isang hinga pa ng malalim at lumabas na siya ng Madison. Diretso sa may elevator.
Magkukunwari na lang siyang hindi kilala si Triv para naman hindi siya mailang
kapag nakaharap ito. At pagkabigay ng order nito ay bibirahan na rin niya agad ng
alis.
Nang makarating sa tapat ng pribadong opisina ni Triv ay agad siyang kumatok sa
pinto. Wala doong doorbell kaya nakailang katok din siya bago tuluyang bumukas ang
pinto.
Guwapong mukha agad nito ang bumungad sa kanya. Dahilan upang mapipilan siya at
sandaling matulala rito. Ang mundo niya animo tumigil na naman.
Umayos ka, Khlaryzel. May atraso pa 'yan sa iyo!
Tumikhim siya at nagbaba ng tingin sa dibdib nito. Inilahad niya ang kamay na may
hawak na paper bag.
"'Yong order niyo ho sa Madison, Sir."
Imbis na kunin ang nasa kamay niya ay hinila pa siya nito papasok sa loob ng
opisina nito. Agad nitong ini-lock ang pinto.
"T-Teka," apila niya.
Pagdating sa harap ng mahogany table nito ay saka siya nito binitiwan.
"Are you still mad at me? Okay, I'm sorry. Kalimutan mo na 'yung sinabi ko sa iyo
kagabi."
Lihim siyang napairap. Siguro ay dahil pumayag na ang babaeng kausap nito kanina na
maging bedmate nito kaya ayos na rito na kalimutan na niya ang inalok nito sa kanya
kagabi.
Blanko ang anyo ng mukha ng balingan ito. "Puwede na ba akong bumalik sa trabaho
ko?"
Naisuklay nito sa buhok ang isa nitong kamay. "You're still mad."
"As if naman may matinong tao ang matutuwa sa inaalok mo kagabi? Kung pumayag man
'yong babae na kausap mo kanina sa coffee shop na maging bedmate mo, puwes ibahin
mo ako."
Kumunot ang noo nito dahil sa sinabi niya. Hanggang sa may maglarong munting ngiti
sa sulok ng mga labi nito.
"'Yon ba ang iniisip mo?"
Umasim ang mukha niya dahil sa inis dito. Nagawa pa nitong pagtawanan ang sinabi
niya. "'Di ba kinakati ka? Kaya ka nga humanap ng ibang papayag sa gusto mo, eh,"
aniya na inambahan ito ng alis ngunit mabilis ang kilos nito para pigilan siya.
"Bitaw."
"Ayoko. At isa pa ay wala namang katotohanan 'yang sinasabi mo against me. Para sa
iyo lang ang offer kong 'yon. Pero dahil tinanggihan mo kaya wala akong ibang
magagawa. Choice mo 'yon at igagalang ko ang gusto mo."
"Syempre itatanggi mo. Pare-parehas lang naman kayong mga lalaki, eh. Kailan ba
kayo nagsabi ng katotohanan?"
"Kung ayaw mong maniwala, ikaw ang bahala," nagkibit-balikat pa ito.
"Bitiwan mo na ako dahil may trabaho pa ako sa baba."
Bahagyang umiling si Triv. Something is on his mind. "Not so fast. If you will
refuse this, then you're free to leave my office."
Bago pa man makasagot si Yzel ay mabilis sinakop ni Triv ang kanyang mga labi.
Humapit ang kamay nito sa kanyang baywang palapit sa katawan nito. Pinalalim pa
nito ang halik na sinimulan mismo nito. Pinapatugon siya. Gusto niya itong itulak
ngunit hindi niya magawa. Hanggang sa unti-unti na siyang tumugon sa mainit nitong
mga halik na ilang gabi ng hindi nagpapatulog sa kanya.
Heto na naman ang traydor niyang katawan. Mukhang nanabik na makulong sa mga bisig
ni Triv. At ang pasaway niyang puso ay erotiko na naman ang tibok. Masama ito.
Kapag hindi niya ito pinigilan sa ginagawa nito ay baka kung saan na naman sila
humantong. Kapag ganitong intimate na ang nangyayari ay nahihirapan na siyang
tumanggi dahil hindi niya kayang pigilan ang traydor niyang katawan.
Halik pa lang nito ay tila idinuduyan na siya sa alapaap.
Bahagyang inilayo ni Triv ang mukha nito sa kanya at tiningnan siyang mabuti. May
tila apoy na nagliliyab ngayon sa mga mata nito.
"If you say, stop. I'll stop."
Maging ang isip niya ay hindi na makapag-function ng maayos. Wala siyang mahagilap
na salita. Puso, katawan at isip ang kalaban niya. Sa huli ay wala siyang ibang
nagawa kundi ang ipikit ang kanyang mga mata. Tila naging senyales iyon kay Triv
upang ipagpatuloy ang nasimulan.
Inisang tabi na muna niya ang katotohanang masasaktan lang siya kung magpapatuloy
siya sa kabaliwang iyon kay Triv. Alam niyang malabo siyang magugustuhan ng isang
tulad nito na kay tayog ng estado sa buhay. Ni wala nga siyang binatbat sa mga
babaeng nakakasama nito. Baka nga siya ang pinaka-cheap sa lahat. Babaeng natagpuan
lang nito sa isang Club. Kung bakit kasi sa ganoong paraan pa niya makikilala ang
isang katulad nito. Kung sana ay sa ibang paraan na lang.
Hinayaan lang niya si Triv na gawin ang gusto nito. Walang protesta itong maririnig
sa kanya. Ayaw niyang magpaka-epokrita dahil kahit hindi niya sabihin ay totoong
nagugustuhan niya ang ginagawa nito.
Patuloy siya nitong hinahalikan ng maglakbay ang kamay nito pababa sa pang-upo
niya. Napasinghap pa siya, kahit nasa labi nito ang mga labi niya, ng idiin nito
ang pagkalalaki sa puson niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang kabilis
ma-turn-on ito sa kanya. Buhay na buhay ang pagkalalaki nito.
Maging ang mga kamay niya ay hinayaan niyang dumama sa matigas nitong dibdid.
Dumadama pababa sa abs nito.
Pinihit siya ni Triv at dinala sa gilid ng mahogany table. Ibinaba pa nito ang
ziper ng suot niyang itim na skirt at itinaas. Hindi ito humihiwalay sa kanya ng
iupo siya nito sa ibabaw ng lamesa. Pinaghiwalay pa nito ang mga binti niya at
ibinuka upang magdikit ang mga katawan nila. She gasp once more when she felt his
hardiness on her womanhood. Ready to fight anytime.
"I'll make it fast," anas nito na muling sinakop ang mga labi niya. Mabilis nitong
tinanggal ang sentron at ibinaba ang ziper ng suot nitong pambaba. Pagkababa sa
suot nitong panloob ay agad nitong isinunod ang sa kanya. Nang wala ng sagabal at
parehas na silang handa sa pag-iisa ng kanilang katawan ay unti-unti na nitong
ipinasok ang pagkalalaki sa kanya. Masikip pa rin sa unang pasok nito ngunit hindi
na kasing sikip noon. Tila hinulma na sa laki nito.
"Aaah..." daing niya ng maipasok nito iyon ng tuluyan.
Naisubsob niya sa dibdib nito ang kanyang mukha ng pabilis ng pabilis ang pag-ulos
nito sa kanya. Mahigpit nitong hawak ang baywang niya at ang mga binti naman niya
ay bahagya niyang ikinawit sa baywang nito. Umangat ang kamay niya at iniyakap iyon
sa may batok nito. Nakagat niya ang ibabang labi pagkuwan ay napaungol muli dahil
sa sarap ng sensasyong nararamdaman. 'Yung pakiramdam na ayaw na niyang matapos
dahil sa sarap niyon.
"You really make me crazy. Oh, shit. Shit. Ah, I'm cuming," anito mayamaya.
Bahagya siyang napaliyad at mariing napapikit ng lalo itong bumilis sa paggalaw.
Nakagat niya lalo ang ibabang labi. "Ah, ang sarap. Bilisan mo pa." Hindi na niya
napigilan pang isatinig. 'Yung pakiramdam na tila may umaakyat na kung ano papunta
sa kanyang ulo. Naninindig din ang balahibo niya na tila siya binabalukagan. What a
kind of feeling. Sobrang sarap na nasa loob niya ito.
Until they reach their orgasm, ay hindi pa rin ito humiwalay sa kanya. Nanghihinang
isinubsob niyang muli sa dibdib nito ang kanyang mukha. Nang tuluyan na itong
huminto sa paggalaw ay umangat ang kamay nito sa kanyang buhok at hinaplos iyon. He
even landed a kiss on it. Saglit siyang napapikit dahil sa ginawa nito.
Naubos na naman ang lakas niya. Nang maalala ang trabahong naiwan ay bahagya niyang
naitulak palayo si Triv.
"K-Kailangan ko ng umalis," aniya na hindi ito magawang tingnan.
"Samahan mo na lang kaya ako rito?" bulong pa nito sa bandang tainga niya.
"Tigilan mo ako," kunway pagtataray niya rito. Napalunok pa siya ng makitang
hugutin nito ang alaga nito sa kanya. Inabot pa nito ang isang tissue box at kumuha
roon ng tissue. Pinunasan nito ang alaga nito at mabilis na itinago sa suot na
boxer. Pagkuwan ay kumuha ulit ng tissue at sa pangalawang pagkakataon ay pinunasan
ang pagkababae niya.
"W-Wala namang d-dugo, eh," asiwa niyang wika.
"Mas makakagalaw ka ng maayos kapag hindi mo ramdam ang pagkabasa mo." Nang matapos
ay inalalayan pa siya nitong tumayo.
Napakapit siya sa braso nito ng mabuway siya sa kanyang pagtayo. Nanginginig ang
tuhod niya kaya ilang sandali siyang nakahawak muna rito para kumuha ng lakas.
Inayos din nito ang suot niyang skirt. Nang maging maayos na ang kanyang pakiramdam
ay sunod niyang inayos ang kanyang sarili. Hindi pa rin niya magawang salubungin
ang tingin ni Triv.
Kahit anong pagtanggi niya rito, sa huli ay bumigay pa rin siya. Huminga muna siya
ng malalim bago nagpaalam na rito.
"Alis na ako."
"Khlaryzel..."
"Kung aalukin mo pa rin ako, tigilan mo na," baling niya rito.
Napangiti ito, bagay na nagpabilis sa tibok ng kanyang puso. "'Di ba sabi ko hindi
ko na 'yon ipipilit sa iyo? Gusto lang kitang ihatid sa baba."
Tumaas ang kilay niya. "Hindi na. Baka kung ano pang isipin ng ibang makakakita sa
atin na magkasama. Ayokong matsismis. Saka nakaraos ka na. Hindi ka pa ba
kontento?"
Napalis ang ngiti sa labi nito. Pagkuwan ay tumiim iyon dahil sa huli niyang
sinabi. "Ganoon ba ang tingin mo?"
"Ano pa bang dapat? 'Yon naman talaga 'yung gusto mong mangyari." Bago pa man may
masabi si Triv ay nagmamadali na niyang nilisan ang opisina nito.
Pagkalabas sa opisina nito ay napasandal siya ng ilang sandali sa isinara niyang
pinto. Malungkot siyang napangiti. Parausan lang naman ang tingin sa kanya ni Triv.
Hindi ito attracted sa kanya. Kaya imposibleng may maramdaman ito sa kanya kagaya
ng umuusbong niyang nararamdaman para dito kaya gusto nitong may mamagitan sa
kanila. Isang malaking imposible.
Nang makabalik sa Madison ay nagpapasalamat siya dahil hindi nagtanong ang mga
kasamahan niya kung bakit natagalan siya.

Chapter 07
"ISANG beses ka lang nakipagkita sa pinsan kong si Lovely. Hindi ka ba talaga
interesado sa kanya?" Salubong na ang kilay ni Dandrick.
"Hindi," matipid na sagot ni Triv na tumanaw sa kalawakan ng siyudad. Nakaupo siya
sa kanyang swivel chair na nakaharap sa glass wall ng kanyang opisina.
"Wow. Parang hindi na ikaw ang kilala kong Triv. Samantalang noon kapag may
pinakilala ako sa iyong babae ay hindi ka tumatanggi. Pero ngayon..." Napailing-
iling ito. "Ano bang nangyayari sa iyo?"
Matapos niyang makipag-meet sa pinsan ni Dandrick na si Lovely ay iyon na rin ang
naging una't huli nilang pagkikita. Maganda ito ngunit katulad ng iba ay
pangkaraniwan na lang iyon sa kanya. Hindi rin siya interesado rito.
Naalala na naman niya ang maamong mukha ni Khlaryzel. Hindi nakakasawa ang mukha
nito kapag pinagmamasdan niya. Kung maganda na ito ay lalo pa iyong gumaganda ng
walang ka-effort-effort.
Napabuntong-hininga siya. Nitong mga huling araw ay panay ang iwas nito sa kanya na
kinaiinis niya. At sa unang pagkakataon rin ay mayroon siyang nami-miss na babae na
hindi pa nangyari sa kanya noon. Ilang meeting na rin ang naghihintay sa kanya
abroad ngunit hindi niya magawang umalis ng bansa. Animo may pumipigil sa kanya. At
alam naman niya kung ano iyon.
Tiningnan niya ang suot na relong pambisig. Mag-a-ala sais na ng gabi. Binalingan
niya si Dandrick. "Wala ka bang lakad ngayon?"
"Friday today. Nagkayayaan 'yung mga pinsan kong mag-Bar. Sabi ko nga sa Pleasure
Club na lang para mas masaya. Gusto mong sumama?" Ngumisi pa ito. "Malay mo mabunot
ka ulit. This time naman siguro ay hindi ka na matatapat sa babaeng nahihimatay."
Nauwi sa pagtawa ang ngisi nito.
"No thanks, Dandrick." Tumayo na siya mula sa pagkakaupo. "May pupuntahan lang ako
sa baba ng Hotel. Sumabay ka na sa akin pababa kung gusto mo."
"Okay."
Inayos pa niya ang buhok niya bago tuluyang lumabas ng kanyang opisina kasunod ang
kanyang kaibigan.
"Ano naman ang gagawin mo sa baba?"
"Magkakape."
"Napapadalas yata ang pagkakape mo roon? Baka mamaya niyan ay atakihin ka na sa
sobrang nerbyos, Triv."
"Alam mo namang mahilig ako sa kape."
Bahagya nitong sinuntok ang braso niya. "Men, dapat nga dinner ang tini-take mo
ngayon. Baka naman may pinupormahan ka doon?"
"Wala."
"Sus."
"Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin."
Gusto niyang makita si Khlaryzel. Iyon lang ay okay na siya. Pakiramdam niya, hindi
kumpleto ang araw niya kapag hindi ito nakikita. Iba ito sa lahat ng babaeng
nakasama na niya.
Pagkarating sa may lobby kung saan tanaw ang Madison ay akmang didiretso siya roon
ng sandaling matigilan. Nakita niyang nakikipagtawanan si Zet Capistrano, ang may-
ari ng Madison, kay Khlaryzel. Hindi niya nagustunan ang pakikipagngitian dito ng
dalaga. Naiyukom niya ang palad.
"Triv, I'm going," paalam ni Dandrick sa kanya.
Napatingin siya rito. "I change my mind. Pasama na lang sa iyo." Umagapay na siya
sa paglalakad ng kaibigan.
"Great. Let's go."
UNTI-UNTING bumagal ang naging paghakbang ni Yzel papasok sa Sauler Hotel ng makita
ang isang magarang sasakyan sa tapat niyon. Humayon ang tingin niya sa may entrada
ng lumabas ang isang lalaki na may dalang maleta.
Triv...
Napalunok siya. Aalis ba ito ng bansa? Animo nanikip ang dibdib niya sa naisip.
Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad.
Akala niya ay ia-approach siya nito ngunit tila ito isang hangin na dumaan lang sa
tabi niya. Ni hindi siya nito sinulyapan man lang na lalong ikinasikip ng dibdib
niya. Gusto niyang lumingon ngunit hindi niya magawa.
Ganoon din naman siya rito nitong mga nakaraang araw. Hindi ito pinapansin kaya
siguro nagsawa na rin itong pansinin siya. Lumanghap siya ng hangin upang punuin
ang kanyang baga. Sino ba siya para pag-aksayahan pa nito ng oras? Mas marami
namang mas nakahihigit sa kanya na nakakasama nito.
DIRETSO lang ang tingin ni Triv palapit sa kotseng naghihintay sa kanya patungong
airport. Kung hihinto siya sa paglalakad at titingnan sa mga mata si Khlaryzel na
palampas ngayon sa kanya ay tiyak niyang baka ipa-cancel niya ang flight niya
papuntang France at manatili na lang dito sa bansa.
Nang makalampas naman ito sa kanya ay napahinto rin siya sa paglalakad. Hindi rin
siya nakatiis at nilingon ito. Tuloy lang ito sa paglalakad nito papasok sa Hotel.
He sigh then continue walking.
Kailangan niyang umalis muna upang mag-isip-isip at asikasuhin ang Hotel branch
nila sa Europe. This fast few days ay hindi na rin maganda ang nangyayari sa kanya.
Palagi na lang ginugulo ni Khlaryzel ang isip niya. Gusto niyang kunpirmahin ang
isang bagay. Pagbalik niya, siguradong hindi na magulo ang utak niya. For now, he
need to leave the country. Not for good.
Nang makasakay sa kotse ay pinaalis na agad niya iyon.
PAGKALINIS ni Yzel sa lamesang ginamit ng customer ay dinala na niya ang tray na
naglalaman ng mga tasa at platito. Pagpaling niya ay hindi niya inaasahan ang
babaeng padaan sa direksiyon niya. Napasinghap siya. Huli na para iiwas ang dala
niya. Nasagi nito iyon dahilan upang dumulas ng tuluyan sa kanyang mga kamay.
Animo nag-slow motion ang lahat maging ang unti-unting pagkabasag ng mga dala niya.
Dahil sa tahimik ng paligid kaya naman umalingawngaw ang ingay na nagmula roon.
"Bakit kasi hindi ka tumitingin sa daan?" Paninisi pa sa kanya ng babaeng
nakabunggo sa dala niya.
"Sorry po," aniya na mabilis dinampot ang tray at agad inilagay roon ang ilang
nabasag na tasa at platito.
Nahiwa pa siya ng nahawakan niyang piraso ng basag na tasa. Agad dumugo ang
hintuturo niya.
"Khlaryzel, ako na," bolontaryo ni Andres. Isa rin sa crew ng Madison.
Tumayo na siya at agad dinukot sa bulsa ang dala-dalang puting panyo at ipinahid
doon ang dugo sa daliri niya.
"Sa susunod tingnan mo ang daraanan mo," pagtataray pa rin sa kanya ng babae.
Saka lang ito napagmasdan ni Yzel. Sandali siyang natigilan. Pamilyar ang mala-
Diyosa nitong mukha. Tama. Ito 'yung babaeng kasama noon ni Triv. Panlabas lang
pala nito ang maganda. Dahil sa nakikita niyang katarayan nito ngayon ay animo
naging si Medusa ito sa paningin niya. Tumikhim siya.
"Hindi ko ho sinasadya."
"Nasaan ba ang manager niyo rito?" May kalakasan pa nitong wika.
"Lovely, tama na," awat ng kasama nitong lalaki. "Hindi naman niya sinasadya."
"No. She need to learn her lesson," giit nito. Tila walang pakialam kahit
nakakaagaw ito ng atensiyon.
"We're sorry Ma'am for what happened," paumanhin dito ng manager nila na si Miss
Irine ng lapitan sila. Pinukol pa siya nito ng simpleng matalim na tingin.
"Hindi ba naturuang mabuti ang mga crew niyo rito? Nasa isang high class na Hotel
pero tatanga-tanga."
Huminga siya ng malalim upang kalmahin ang sarili na nag-uumpisa ng mainis sa
babae. As if naman ay sinadya niya ang nangyaring iyon?
"Ma'am-"
"It's okay. Ako na ang bahala sa kanya," pigil sa manager niya ng lalaking kasama
ni Lovely. "Hold your temper naman, Lovely," saway pa rito ng lalaki ng hilahin na
ito palabas ng Madison.
"Pumunta ka sa office," ani Miss Irine sa kanya na umalis din agad.
Napatingin siya kay Andres na katatapos lang linisin ang sahig. "Pasensiya na,"
aniya rito bago sumunod sa manager nila.
Wala roon ang may-ari ni si Zet Capistrano kaya ang manager na si Miss Irine ang
magsisilbing big boss sa Madison. At kung ano mang sabihin nito ay kailangan nilang
sundin.
"You're one week suspended, Miss Caritativo," salubong agad sa kanya ni Miss Irine
pagkapasok niya sa loob ng opisina.
"M-Ma'am..."
"Hindi ko ito-tolerate ang nangyari kanina kahit na hindi mo sinasadya. You're one
week suspended," ulit nito. "Puwede ka ng umuwi." Iyon lang at iniwan na siya nito.
Naiwan siyang tulala sa kawalan. Bahagya siyang tumingala at ikinurap-kurap ang mga
mata. Sinulyapan niya ang wallclock at tiningnan ang oras doon. Seven thirty pa
lang ng gabi.
Ano ba ang magagawa niya kung iyon ang naging desisyon ng manager nila? Huminga
muna siya ng malalim bago dumiretso sa locker at kinuha ang mga gamit. Hindi na rin
siya nagpaalam pa ng mag-out. Masama ang loob niya sa nangyari. Kahit, customer is
always right, hindi pa rin makatarungan na magsalita ng below the belt ang babae
kanina.
"Uuwi ka na, Khlaryzel?" tanong pa sa kanya ni Vina ng makasalubong niya.
Tinanguan niya ang kasama sa trabaho. "Mauna na ako."
Pagkalabas niya sa Madison ay nakita pa niya kung paano magpilahan sa magkabilang
side, mula sa may entrada ng Sauler Hotel, ang mga staff. Mula sa labas ay huminto
ang isang itim na magarang kotse. Huminto siya sa paglalakad at na-curious kung
sino ang lulan ng naturang sasakyan at ganoon na lang ang pagsalubong dito ng mga
staff ng Sauler Hotel.
Bumukas ang pinto sa back seat ng kotse. Una niyang nakita ay ang pagbaba ng isang
sapatos na itim. Sumunod doon ay ang pagtayo ng isang matangkad na lalaki.
Napigil niya ang paghinga ng mapagsino iyon. Triv, aniya sa isip. Bumalik na ito ng
bansa.
Dalawang linggo rin itong nawala. Napalunok siya. Para itong isang prinsipe na
naglalakad papasok sa naturang gusali kasunod ang ilang excecutive manager ng
Hotel. Kausap nito ang isa roon. Pagpasok nito ay agad nagbigay galang dito ang mga
staff.
Kahit kailan, kahit anong pangarap niya rito ay mananatili na lang itong isang
malaking pangarap para sa kanya. Masyado itong matayog, habang siya, mananatili sa
baba.
Hinawakan niya ng mahigpit ang hawak na panyo kung saan nakasiksik ang kanyang
daliri na nagdurugo pa rin. Iniiwas na rin niya ang tingin kay Triv. Baka sa
dalawang linggo na pagkawala nito ay nilimutan na rin siya nito.
Isang hugot pa ng hingang malalim at muli siyang nag-umpisang maglakad papunta sa
exit door ng Sauler Hotel habang nakatuon ang tingin sa sahig. Naninikip na naman
ang kanyang dibdib dahil sa naisip.
Iniangat niya ang kamay na injured at sinuri. Marahan pa niyang ineksamen ang sugat
na may kalakihan ang hiwa. Puro bakas ng dugo ang panyo niya. She sigh. Ibabalot
sana niya ang daliri sa panyo ng biglang may kumuha sa kamay niya.
Napatda siya ng sa pag-angat niya ng tingin ay bumulaga sa kanya ang napaka-
guwapong mukha ni Triv. May kunot sa noo nito. Habang siya hindi na naman makahinga
dahil sa hindi inaasahang paglapit nito sa kanya. Speechless siya.
"Bakit may sugat ka?"
Napalunok siya at bahagyang nailibot ang tingin. May pagtatakang mababakas sa mukha
ng mga taong naroon. Paano ba namang hindi, eh, nilapitan siya ni Triv. Maging sa
Madison ay napanganga ang ilang crew na nakasaksi sa ginawang paglapit ni Triv sa
kanya.
"Khlaryzel, I'm asking you."
Napabalik dito ang tingin niya. "H-Ha? A-Ah," binawi niya ang kamay mula rito
ngunit hindi nito iyon binitiwan. "Nakabasag ako kanina tapos nahiwa ako nong tasa
na d-dinampot ko."
"Clumsy," anito na hinila na siya patungon sa direksiyon ng elevator.
Naalarma siya bigla. "T-Teka lang. Uuwi na ako."
"Gagamutin ko muna 'yang sugat mo."
"H-Ha?"
"No buts, Khlaryzel. Masyadong matagal ang dalawang linggo. Hindi mo ba ako na-
miss?" anito na tanging siya lang ang nakarinig na naghatid ng kilabot sa katawan
niya.
Bumuka ang labi niya ngunit walang salita ang namutawi mula roon. Si Triv ba talaga
ang kasama niya? Matapos niyang mag-isip ng negatibo mula rito ay heto ito ngayon
sa tabi niya at umeeksena ng ganito.
Pagkatapos ng nangyari kanina sa Madison ay tila tinangay ng hangin ang sama ng
loob na nararamdaman. Salamat sa muling pagsulpot ni Triv sa buhay niya.
"Triv?"
Pagkapindot ni Triv sa up button ng elevator ay nilingon nito ang babaeng tumawag
sa pangalan nito. Si Lovely iyon, ang babae sa Madison kanina. Ang dahilan ng
pagkakasuspende niya. Natigilan pa ito ng makita siya. Bumaba pa ang tingin nito sa
kamay niyang hawak ni Triv.
"Oh, Lovely, narito ka pala." Kaswal lang na sabi ni Triv dito.
Tameme na ang beauty nito at napatango na lang. Nagpaalam na rin agad dito si Triv
ng bumukas ang elevator. Hindi nakaligtas sa kanya ang bahagyang paniningkit ng mga
mata nito sa kanya. Sa isip ay tinawanan na lang niya ito. Kahit sa ganoong paraan
ay nakaganti rin siya rito. Mukhang may gusto ito kay Triv kaya ganoon na lang ang
pagkadisgusto sa mukha nito ng makita siyang kasama ni Triv.
"T-Triv," aniya ng isandal siya nito sa dingding ng elevator ng sumara ang pinto
niyon. Napigil niya bigla ang paghinga ng yukuin siya nito para magpantay ang mga
mukha nila.
"Two weeks akong nawala, Khlaryzel, pero bakit parang hindi mo man lang ako na-
miss? Hindi yata makatarungan na ako lang ang naka-miss sa iyo?"
That make her more and more and more speechless. Tulala lang siya rito dahil sa
sinabi nito. May gumuhit na ngiti sa labi nito. Agad nitong sinamantala ang
pagkatulala niyang iyon. Siniil siya nito ng halik sa labi. Bagay na nagpapikit sa
kanya. Wala pang ilang segundo ay napagdesisyunan din niyang gantihan ang mainit
nitong halik. Halik pa lang pero pinanlambutan na agad siya ng tuhod.
Nang maghiwalay ang mga labi nila upang sumagap ng hangin, akmang hahalikan siya
nitong muli ng tumunog ang elevator. Senyales na may sasakay. Naitulak niya ito
palayo sa kanya. Nagamit pa niyang pantulak ang kamay na injured. Napangiwi tuloy
siya sa kirot na naramdaman.
"I'm sorry," anito na mabilis kinuha ang kamay niya at muling hinawakan.
"Hindi mo naman kasalanan."
"Sshh."
Napangiti siya ng lihim. Gusto niya iyong pakiramdam na nakakulong sa kamay nito
ang kamay niya. Kung sana ay ganito na lang palagi. Nang mga sandaling iyon ay
iwinaksi na muna niya ang mga negatibong bagay. Gusto niyang makasama ang binata at
ayaw niyang ipagkait iyon sa sarili niya.

Chapter 08

TAHIMIK lang na pinagmamasdan ni Yzel si Triv habang nilalagyan ng band aid ang
kanyang daliri na may sugat. Hindi niya mapigilan na hindi ito pagmasdan. Animo isa
itong aparisyon. Na kapag kumurap siya ay maglalaho na lang bigla.
"Done," nang mag-angat ng tingin sa kanya si Triv ay gumuhit na naman ang ngiti
nito sa labi. "Kung Ice cream lang ako ay siguradong kanina pa ako natunaw."
Tumikhim siya at kunway sinuri ang kamay. "S-Salamat sa pag-gamot sa sugat ko."
Binawi na niya ang kamay mula rito at tumayo. Lumapit siya sa glass wall at tinanaw
ang puro ilaw na siyudad. Sa pangalawang pagkakataon ay naroon siyang muli sa lugar
ni Triv. Ginamot pa nito ang kamay niya. Napangiti siya dahil sa ipinapakita nitong
pag-aalala sa kanya.
Nabura lang iyon ng maramdaman ang pagpulupot ng mga kamay ni Triv sa kanyang
baywang, mula sa kanyang likuran. Kakaibang kilabot ang hatid niyon sa kanya.
Bahagya pa siyang napasinghap ng hapitin siya nitong lalo palapit sa katawan nito.
Napapikit siya ng maramdaman ang init na nagmumula sa katawan nito.
Tila isang palabas na nag-flashback sa alaala niya ang mga maiinit na tagpo sa
pagitan nila ni Triv. Binuhay niyon ang init sa kanyang katawan. Napalunok pa siya
ng halikan ni Triv ang kanyang buhok.
Kung magpapatangay na naman siya ay baka kung ano ang isipin nito. Huminga muna
siya ng malalim bago pumihit paharap dito.
"Salamat sa paggamot sa sugat ko. Kailangan ko na ring umuwi," aniya kahit na wala
pa naman siyang balak umalis. Gusto lang niyang makita kung ano ang magiging
reaksiyon nito. Tulad ng inaasahan niya ay hindi ito pumayag.
"Sino naman ang may sabi na papaalisin agad kita?"
"Pagod ka sa mahabang biyahe mo kaya ang mabuti pa ay magpahinga ka na."
"Wala sa isip ko ang magpahinga agad. Dahil," gumuhit ang mapanuksong ngiti sa labi
nito. "Sinisigurado ko sa iyo na bago ka umuwi sa inyo ay pagod na pagod ka rin."
Napaawang ang labi niya sa tahasang sinabi nito. Agad nag-init ang magkabila niyang
pisngi. "K-Kung ano-ano ang nasa isip mo na kamunduhan. Magpahinga ka na nga lang."
Itinulak niya ito palayo sa kanya. Hindi naman ito natinag sa kinatatayuan nito. Sa
halip ay hinapit siyang muli at niyakap.
Kung bakit ganito ang ikinikilos ni Triv ay hindi niya mabigyan ng malinaw na
eksplinasyon. Gusto niyang mag-assume ngunit maraming nagkakamali sa maling akala.
O baka naman na-miss lang siya nito? Posible kaya iyon?
"Bakit kailangan mo pa akong yakapin?"
"Dahil gusto ko."
"Triv, k-kasi..."
Bahagya siya nitong inilayo at pinakatitigan. Ang mata nitong nakatitig sa kanya ay
puno ng emosyon. Dahilan upang hindi niya masabi ang dapat sabihin. Masuyo pa
nitong hinaplos ang pisngi niya. "Crazy, pero na-miss kita ng sobra. 'Yong dalawang
linggo ko sa Europe ay parang napakatagal na panahon. Gusto ko ng umuwi agad dito
sa Pinas pero may mga meetings pa akong naka-schedule sa Germany at Italy kaya wala
akong choice kundi ang mag-stay sa Europe. I want you badly, hindi ko itatanggi
'yon. Pero nangako ako sa sarili ko na kapag ayaw mo hindi kita pipilitin. I
respect your decision."
"Bakit sinasabi mo 'yan?"
"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong gusto kita?"
Hindi siya agad nakaimik. Ang puso niya ay bumilis lalo ang tibok. Gusto siya nito?
For real? O gusto siya nito sa ibang aspeto? Napapalatak tuloy siya.
"Gusto mo ako dahil siguro sa pangangailangan mo," napatawa pa siya ng pagak. "Para
namang may iba pa?" iniiwas niya ang tingin dito. Hindi niya gusto ang ideya na
iyon.
"Napaka-nega mo talaga." Pinisil pa nito ang ilong niya. "Gusto kita at iyon lang
ang alam kong explanation sa nararamdaman ko ngayon sa iyo, Khlaryzel. It's up to
you kung maniniwala ka o hindi. Hindi naman kita pinipilit."
Hindi pa rin siya naniwala sa sinabi nito. Ayaw niyang umasa. Dahil baka maniwala
siyang may forever. Alam naman niyang malabong humantong sa forever ang sinasabi
nitong pagkagusto nito sa kanya. Dahil walang ganoon. Pero paano kung nagsasabi ito
ng totoo? Magpapadala ba siya? Ang kilos nito kakaiba rin. Nakakatakot umasa.
"Patunay na 'yung ikaw lang ang tanging babae na nakahiga sa kama ko. Wala naman
kasi akong babaeng dinadala rito before just to satisfy my needs," ngumiti na naman
ito.
"Kung ibang babae siguro ako ay tiyak na kanina pa ako naglulupasay sa sinabi mo,"
pakli niya rito. Pero deep inside her ay tuwang-tuwa naman siya sa sinabi nito.
Hindi na lang niya pinahalata. Nakakatuwa lang na marinig ang mga iyon kay Triv.
"Hindi ka naman kasi ibang babae lang kaya hindi na ako magtataka kung ganyan ang
reaction mo."
Bumalik ang tingin niya rito. Bakit ba kailangan nitong maging ganito sa kanya? Ang
vocal din nito sa nararamdaman nito. Wala sa hitsura nito kaya nakakapanibago. Ang
seryoso nitong mukha dati ay kanina pa niya napapansin na maaliwalas tingnan. Panay
rin ang pagngiti nito.
Kunway naningkit ang mga mata niya. "Alam mo, Triv, hindi mo naman kailangang
sabihin na gusto mo ako para lang pumayag kapag kailangan mo. Tama na rin 'yang
pagpapa-cute mo. Hindi bagay sa iyo." Kumalas siya rito at bahagya itong nilayuan.
Napakamot na lang ito sa batok nito. "Hay, hindi na ako magtataka kung bakit
hanggang ngayon ay single ka pa rin. Wala sigurong lalaki ang napaniwala ka sa mga
panunuyo nila sa iyo."
Kung bakit hanggang ngayon ay wala siyang nagiging nobyo ay iyon ay dahil sa inuna
niyang asikasuhin ang pagtulong sa hanapbuhay ng kanyang mga magulang, iyon ay ang
pagtitinda sa palengke. Wala siyang oras sa pakikipagrelasyon. Kaya ito lang din
ang unang pagkakataon na nahumaling siya ng husto sa isang lalaki. Sa dinami-rami
pang lalaki sa mundo ay kay Triv Sauler pa na napakataas ng estado sa buhay.
"Grabe siya, oh. Nanunuyo ka na ba ng lagay na 'yan? Akala ko kasi nangbobola ka
lang."
Tanging ngiti lang ang sinagot nito. Minutes later, he just silently stare at her
with a serious looks on his gorgeous face.
"B-Bakit ganyan kang makatingin?" Medyo naasiwa niyang tanong.
"Pumikit ka kung pumapayag kang halikan kita," anito na hindi inaalis sa kanya ang
tingin. "Dahil gusto kitang halikan."
Bahagya ang naging pag-awang ng mga labi niya dahil sa pagiging straight forward
nito ng mga sandaling iyon. Nasa kanya ang desisyon. Lihim siyang natawa. Sa
pangalawang pagkakataon ay humingi ito ng permiso sa kanya.
"Pipikit? Bakit kailangan pang pumikit? Puwede namang mulat na lang," aniya na may
ngiti sa labi ng ipikit ang mga mata. Aminado siyang nabitin siya kanina sa may
elevator. Sigurado siyang ito rin.
"Nakuha mo pang magbiro, ha?" anas ni Triv na sinapo ang mukha niya at ginawaran
siya ng magaang halik sa mga labi. Napamulat tuloy si Yzel. Muling ngumiti si Triv.
"Want more?"
Bahagya siyang sumimangot. "Triv, two hours lang ang meron ako. Kapag hindi mo
sinulit. Sigurado akong mabibitin ka. At para sa kaalaman mo, kanina pa tumatakbo
ang oras ko."
"Two hours," sambit pa nito ng tila may maalala. "Naalala ko 'yung two hours ko sa
Pleasure Club. Tinulugan mo lang ako noon."
Iimik pa sana siya ng muli nitong ilapat ang labi sa kanya. Muli niyang ipinikit
ang mga mata at buong pusong tinugon ang mainit na halik ni Triv. Ibinuka pa niya
ang bibig upang papasukin ito sa loob niya. Nang maramdaman ang paggalugad ng dila
nito sa loob ng bibig niya ay naikawit niya bigla ang kamay sa mga batok nito.
Nanghina ang tuhod niya sa sensasyong iyon. Mukhang kailangan niyang kumain ng
balut para tumibay ang tuhod niya.
Pinalalim pang lalo ni Triv ang paghalik sa kanya. The next thing she know ay nasa
silid na sila nito. Inihiga siya nito sa kama at maingat na kinubabawan. Magkalapat
pa rin ang mga labi nila ng magsimulang maglikot ang kamay ni Triv sa katawan niya.
Na-miss niya ang pamilyar na pakiramdam na iyon dulot ng paghaplos-haplos ni Triv
sa katawan niya. Medyo umangat ito at isa-isang tinanggal sa pagkakabutones ang
suot niyang kulay puting blouse. Agad nitong sinunod ang pangbaba niya at pangloob.
Mabilis rin ang ginawa nitong paghuhubad. Nang wala na rin itong saplot ay muli
itong bumalik sa pagkakaibabaw sa kanya. He kissed her again. Halik na mapaghanap
ng katugon.
Napadaing siya ng haplusin nito ang pagkababae niya. That sensation make her felt
so high. Kusa pa niyang ibinuka ang pagitan ng kanyang mga hita to welcome his
fingers inside her.
Humigpit ang pagkakayakap niya rito ng maramdaman ang pagpasok ng dalawa nitong
daliri sa pagkababae niya. He make a thrust on it. Nakagat niya ang ibabang labi ng
pabilis ng pabilis ang naging paggalaw ng daliri nito sa kanya. Ang mga labi naman
ni Triv ay naging abala sa dibdib niya.
"Ah, Triv, buwisit ka talaga! Ah, shit!" Napaungol siyang muli ng maramdaman na
naman ang sarap na dulot nito sa kanyang katawan.
Hindi napigilan ni Triv ang matawa sa naging reaksiyon niya. "Chill, baby. Umpisa
pa lang ito."
She bite her lower lips when she felt her orgasm ready to explode. Nangunyapit siya
sa katawan ni Triv ng labasan siya. Nanuyo na naman ang kanyang lalamunan.
"How was that?" Nangingiti nitong tanong ng mag-angat ng mukha sa kanya.
Pinisil niya ang pisngi nito. "Tigilan mo ako sa kakatanong mo, Triv."
"Okay." Kinintalan siya nito ng halik bago inalalayang umupo. May pagtatakang
tiningnan niya ito. "Dumapa ka muna."
Napakurap siya. Dadapa siya? "B-Bakit?"
"New position," kumindat pa ito. Kumuha ito ng isang unan at inilagay sa kama sa
tabi niya. "Ilapat mo ito sa tiyan mo."
Wala ng imik na ginawa niya ang sinabi nito. Nang makadapa siya ay naramdaman pa
niya ang paghaplos nito sa landad niyang pang-upo. Pagkuwan ay pumwisto roon. Medyo
iniangat pa nito ang ibabang parte ng katawan niya. Napasinghap siya ng maramdaman
ang pagpasok ng pagkalalaki nito sa kanya. Nakagat niya ang unan. He made a few
thrush on her. Pagkuwan ay lumapat ang kabigatan nito sa kanya at iniyakap muna
nito ang kamay sa parteng dibdib niya, capturing and massaging her breast.
"I really missed doing this," he whisper on her ears. Then continue moving. Pabilis
ng pabilis "Ah, ang sarap," daing pa nito. Sa bawat ulos nito ay hindi mapigilan ni
Yzel na hindi iyon salubungin. Animo nasa cloud nine siya sa sobrang sarap ng
pakiramdam niya. Sunod-sunod ang ungol at daing na kumuwala sa bibig nila. Akala
niya ay doon na matatapos ang pag-iisa nila ngunit itinigil din nito ang position
na iyon at pinahiga naman siya.
Pawisan na si Triv ngunit baliwala iyon dito. Nakuha pa nitong ngumiti sa kanya.
Nang makahiga siya, imbis na ibuka ang hita niya ay ipinatong pa nito sa balikat
nito ang magkabila niyang binti. Nagtaka siya sa ginawa nito. Bagong posisyon na
naman ba?
"Feel free to scream my name. You'll like this," anito ng ihanda ang muling
pagpasok sa kanya.
Napasinghap siya ng ibaon nito ang pagkalalaki sa kanya. As in sagad. Kakaibang
kilabot ang dinulot niyon sa kanya. Lalo na ng mag-umpisa itong gumalaw. Napakapit
siya sa braso nitong nakasuporta sa pagitan ng katawan niya upang hindi siya
madaganan.
Mukhang sa lahat ng ginawa nilang posisyon ay iyon ang isa sa masarap gawin.
Naidaing na naman niya ang pangalan nito. 'Yung pakiramdam na tila may umaakyat na
namang puwersa papunta sa ulo niya habang kinikilabutan siya. Hindi niya ikakaila
na sobrang sarap ng pakiramdam niya. Nakagat niya ang labi.
"Aaah..."
Napapikit siya habang habol ang paghinga. Nang magmulat siya ng mga mata ay
sinulyapan niya si Triv. Napapakagat labi pa ito sa sarap. Binilisan pa nitong lalo
ang paggalaw sa ibabaw niya. When he open his eyes, he slowly bent down and landed
a kiss on her lips. Akmang aangat na ang mukha nito ng kabigin niya ito at
palalimin pa ang halik. Nang makontento sa halik na pinagsaluhan ay kumalas na rin
siya rito. Nagpatuloy ito sa mabilis na paggalaw.
"A-Ang sarap, Triv," nakagat na naman niya ang ibabang labi. Pati hiya niya rito ay
naglaho na.
"I told you... Aaah, malapit na." Bumilis lalo ang pagbayo nito sa pagkababae niya.
"Damn."
Kinagat niya ng mariin ang labi upang hindi mapadaing ng malakas ng tila marating
nila ang sukdulan. Humigpit ang kapit niya sa braso nito. Tila dinala siya nito sa
kung saang planeta. She really love this feeling. Kung ganito lang palagi ang
pakiramdam parang ang sarap araw-arawin, anang pilyang bahagi ng isip niya. Alam
niyang mali na gawin iyon lalo na at wala silang relasyon ni Triv at lalong hindi
sila mag-asawa. Ngunit kapag nandiyan na, nakakalimutan na niya ang bagay na iyon.
"Wew," ani Triv ng tuluyan ng huminto sa paggalaw. "Ngayon ko lang mas na-
appreciate ang ganitong posisyon. Thanks to you," kinintalan pa siya nito ng halik
bago nahiga sa tabi niya. Hindi pa rin pantay ang paghinga nito tulad niya.
Nang mailapat niya sa kama ang nanginginig na binti ay ikinondisyon muna niya ang
paghinga bago binalingan si Triv na agad tumagilid ng higa paharap sa kanya.
Sumilay na naman ang ngiti nitong tila nakalaan na sa kanya simula ng bumalik ito
sa bansa.
"Can you stay here tonight?" pakiusap pa nito.
Sinulyapan niya ang orasan. Bakit parang ang bilis naman yata ng oras? Past nine na
ng gabi. Tapos na rin ang dalawang oras niyang pananatili sa suite nito.
"Alam mo namang hindi puwede." Hinagip ng kamay niya ang comforter at ikinumot sa
hubad niyang katawan.
Napatingin siyang muli kay Triv ng umisod ito palapit sa kanya. Idinantay nito ang
braso sa tiyan niya at hinapit siya palapit dito.
"Thank you."
Thank you? As in thank you sa great sex? Nanikip bigla ang dibdib niya. Akmang
babangon siya ng magsalita itong muli.
"Thank you for coming into my life, Khlaryzel."

Chapter 09
HINDI na yata mabura-bura sa magandang mukha ni Yzel ang isang matamis na ngiti.
Simula ng buksan niya ang puwesto nila sa palengke ay panay na ang ngiti niya.
"Ang blooming mo masyado, Yzel," anang katabi niyang tendera.
Nginitian lang niya ito. Masyado siyang good vibes dahil sa sinabi sa kanya ni Triv
ng nakaraang gabi. Natutuwa ang puso niya dahil sa sinabi nitong masaya ito na
dumating siya sa buhay nito. Sapat na ang kaalamang iyon para mapalis ang kung ano
mang agam-agam niyang nararamdaman.
Habang suspende pa siya sa trabaho ay maghapon siyang nasa palengke lang. Ang ina
niyang si Marcy ay hinayaan lang muna niya sa bahay nila upang makapahinga naman.
Pag-uwi niya kinahapunan sa kanila ay masaya pa siyang sinalubong ng bunso niyang
kapatid na si Bon, grade six ito. Kasunod nito si Ten-Ten na graduating naman sa
high school.
"Ate, hihintayin lang natin si Ate Shane at kakain na raw ng hapunan," ani Ten-Ten.
Tinanguan niya ang kapatid. Pumunta siya sa kusina kung saan magkasama ang kanyang
mga magulang. Napangiti siya ng makita ang kanyang ama na nakabawi na ang katawan
mula sa pagkakaopera sa puso. Nakaupo ito sa isang silya habang nakatingin sa
kanyang ina na panay ang halo sa niluluto.
"'Nay, 'Tay, narito na po ako," aniya na nilapitan ang mga ito. Nagmano siya sa
kanyang ama bago sa ina.
"Kaawaan ka ng Diyos," anang Nanay Marcy niya. "Kamusta naman sa palengke?"
Ipinatong niya sa lamesa ang dalang bag na naglalaman ng kinita niya. "Okay naman
po, 'Nay. Saan po pumunta si Shane?"
"Hindi naman nagpaalam."
Kinuha niya ang cellphone at nag-text sa kanyang kapatid kung nasaan ito. Agad
naman itong nag-reply.
Nsa party ako. Wg nyo nq hintayin.
Napailing siya sa reply ng kapatid. Hindi yata talaga ito titigil sa pakikipaglapit
sa mga mayayaman hanggat wala itong nagiging boyfriend na mayaman.
"Nasa party daw po siya kaya 'wag na natin siyang hintayin," inporma niya sa
kanyang ina.
"Pambihira talaga 'yang si Shane." Pagkasalin ni Nanay Marcy sa niluto nitong
ginisang ampalaya sa isang lalagyan ay binalingan siya nito. "'Yung inutang mo nga
pa lang pambayad sa pagpapaopera ng Tatay Eli mo, Yzel."
"A-Ah... Inuutay-utay kong bayaran 'Nay. 'Wag niyo na lang pong intindihin 'yon.
Ako na po ang bahala doon." Mabilis niyang paliwanag. Hindi puwedeng malaman ng mga
magulang niya kung saan galing ang pera na ginamit nilang pambayad sa ospital. Baka
atakihin lang lalo ang kanyang ama. "'Tay," baling niya sa ama. "Iniinom niyo po ba
sa tamang oras ang gamot niyo?"
Tumango ito. "Hindi naman ako nakakalimot, anak," ngumiti pa ito.
"Oh, siya Yzel, maglinis ka na muna ng katawan mo at ng makakain na tayo,"
pagtataboy ng kanyang ina sa kanya.
"Sige po, 'Nay."
Kinuha lang niya ang tuwalya niya sa kanyang silid bago dumiretso na rin sa banyo
para maglabar ng katawan.
ISASARA na sana ni Yzel ang pinto ng bahay nila ng humahangos naman na dumating si
Mang Inggo na kapitbahay lang nila. Gabi na at nagpapahinga na ang mga magulang
niya at kapatid. Siya naman ay katatapos lang magkuwenta ng kinita sa palengke at
matutulog na rin sana.
"Yzel, may naghahanap sa iyo," humihingal pa nitong wika.
"Nang ganitong oras? Sino naman po?" Nagtataka niyang tanong. Ngayon lang may
naghanap sa kanya ng ganoong oras.
"Naku, nakalimutan ko ang pangalan. Basta naroon sa kanto. Puntahan mo na lang at
baka mapag-trip-an ng mga kabataang pagala-gala sa gabi. Alam mo naman dito sa atin
kapag may dayo. Sige na at uuwi na rin ako sa bahay."
"S-Sige po. Salamat po."
May pagtataka pa rin ng lumabas siya ng kanilang bahay at isara ang pinto. Hindi
naman kalayuan ang kanto mula sa bahay nila. Dalawang dipa ang lawak ng eskinita na
binabaybay niya palabas sa kanto.
Ang mabilis niyang paglalakad ay unti-unting bumagal ng matanawan kung sino ang
naghahanap sa kanya. Si Triv iyon na nakaupo sa hood ng kotse nito. Nang magbaling
ito ng tingin sa direksiyon niya ay umayos ito ng tayo. Bahagya pa itong kumaway sa
kanya na ikinangiti niya. Binilisan na niya ang paglalakad.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Gabi na, ah."
"Hindi ka pumasok sa trabaho mo. Hindi mo naman day-off," paninita pa nito sa
kanya.
Hindi nga pala niya nasabi rito na suspended siya ng isang linggo sa trabaho.
"Suspended ako ng isang linggo, eh."
"Na-suspende ka?"
Tinanguan niya ito. "Oo. Dahil sa nangyari kahapon sa Madison, nasagi ako ng isang
customer namin habang may dalang tray na may lamang babasagin." Hindi na lang niya
rito sinabi na kilala nito ang babaeng nakasagi sa kanya.
"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin kagabi?"
Napataas ang isa niyang kilay dahil sa pagdi-demand nito. "Daig mo pa ang boyfriend
kung maka-demand ka diyan. Saka para ano pa at kailangan kong ipaalam sa iyo?"
Hindi agad ito nakapagsalita. Napatingin pa ito sa malayo bago siya muling
tiningnan. "So kailangan ko pa palang maging boyfriend mo bago ko malaman ang mga
nangyayari sa iyo?"
Siya naman ang sandaling napipilan. Nang makabawi ay umiling siya. "H-Hindi. Dinaig
mo lang ang isang boyfriend sa pagka-demanding."
"Balut!" biglang sigaw ng isang nagtitinda ng balut na padaan sa kanila. "Kuya,
Ate, bili na kayo ng balut. Pampatibay ng tuhod," biro pa nito ng mapatapat sa
kanila.
Kung si Triv ay bahagyang napatawa. Siya naman ay pinamulahan ng pisngi. Usapang
balut. Pinaalala lang niyon kung paano siya panlambutan ng tuhod dahil kay Triv.
"Kumakain ka ba ng balut?" tanong ni Triv sa kanya.
"Oo. Kaso 'yung dilaw lang ng balut ang kinakain ko."
"Okay." Hinarap nito ang magbabalut. "Apat nga ho." Nang maglabas ito ng wallet ay
buong isang libo ang inilabas nito.
"Naku, bossing, sixty pesos lang naman itong apat na piraso. Wala po akong panukli
diyan," napakamot pa ito sa ulo.
"Keep the change na lang para makatulong sa iyo."
Tumanggi ang magbabalut pero mapilit si Triv kaya wala ring nagawa ang tendero
kundi ang tanggapin ang malaking halaga na pera. Dinagdagan pa nito ng dalawang
balut ang binili ni Triv. Lalo tuloy itong gumwapo sa paningin niya dahil sa
kabaitang ipinakita nito. Imbis na siya pa ang magtanong dito kung kumakain ito ng
balut ay siya pa ang tinanong nito. Hindi ito 'yung klase ng mayaman na maarte.
Dahil kung ganoong klase ito ay tiyak niyang wala ito sa lugar nila sa Tondo na
dikit-dikit ang kabahayan.
Ayaw man niya ay hindi pa rin niya naiwasan na hindi ikumpara ang katayuan niya sa
buhay, sa katayuan nito. Magkaibang-magkaiba talaga. Kumbaga parang tubig at
langis, hindi puwedeng pagsamahin. Pero heto ito at patuloy sa paglapit sa kanya.
"Ang lakas din ng loob mo na tumapak dito sa lugar namin ng ganitong oras. Alam mo
bang delekado rito?" aniya ng makaalis ang magbabalut. Inaya niya itong umupo sa
bangkong nakalagay sa harapan ng isang tindahan na sarado na ng mga oras na iyon.
Sumunod naman ito sa kanya.
"Hindi ka kasi pumasok kaya naisipan kong puntahan ka na rito para makita ka."
Akmang babasagin niya ang balut ng matigilan dahil sa hayagang sinabi nito. Nag-
angat siya ng tingin. Ngumiti pa ito ng magtama ang mga mata nila. Oo nga at inamin
nito na gusto siya nito. Ngunit ayaw niyang maniwala na lang basta-basta. Paano
kung sabi lang nito iyon? Paano kung magpadala siya at umasa? Tapos sa huli ay
makakakita rin ito ng iba na mas nakahihigit sa kanya? O 'di kaya naman ay magsawa
agad sa kanya? Nagugulumihanang nagbaba siya ng tingin.
"K-Kumakain ka pala ng balut," pag-iiba niya ng paksa.
Triv sigh. "Oo." Nagbalat din ito ng balut nito. Wala man lang kaarte-arteng kinain
nito ang balut na may sisiw. "Ano'ng pinagkaabalahan mo ngayon?" anito matapos
kainin ang balut.
"Maghapon ako sa puwesto namin sa palengke."
"Talaga? So, isang linggo ka rin sa palengke dahil wala ka namang trabaho sa
Madison?"
Tumango siya. Ano kaya ang iniisip nito ngayon sa kanya? Malungkot siyang
napangiti.
"Sasamahan kita bukas sa palengke kung okay lang sa iyo."
Seryoso ba ito? Hindi yata niya ma-imagine na nagtitinda ang isang kagaya nito sa
palengke. Hindi bagay.
"Tumigil ka, Triv. Baka kung ano pang isipin ng mga tao kapag nakitang magkasama
tayo. Makarating pa kina Nanay at Tatay. Ubusin mo na lang 'yang balut mo para
makauwi ka na." Pagkakuha sa dilaw ng balut ay kinain na niya iyon. Iyon lang
talaga ang hilig niya sa balut. Ilalagay sana niya ang natirang sisiw sa plastic ng
kunin iyon ni Triv at isubo.
"Sayang," sabi pa nito.
Hands up na talaga siya kay Triv. Nang maubos nila ang balut ay pinauwi na rin niya
ito. Gabi na at baka mapag-trip-an pa ito.
He sigh. "Khlaryzel..."
"Gabi na kasi at maaga pa akong aalis bukas papuntang palengke," paliwanag niya.
"Kaya kailangan ko na ring matulog."
"For sure nagdadahilan ka lang," nagdududa pa nitong sabi.
Tumayo na siya ng tumayo na rin ito. "Hindi ako nagdadahilan lang. Sige na, Triv.
Kailangan ko na ring bumalik sa bahay."
"Wala man lang bang good night kiss?" Hirit pa nito ng makalapit sa sasakyan nito.
"Kiss-kiss mo na lang sa palad mo," biro niya rito.
Sumeryoso si Triv. "Isa lang, aalis na ako."
Para itong bata na gusto ng candy. Kinda cute. Pasimple siyang tumingin sa paligid.
Wala namang tao. Nang harapin niya si Triv ay seryoso pa rin ang guwapo nitong
mukha.
Mabilis siyang tumingkayad para halikan ito sa pisngi. Pero lumanding pa rin ang
labi niya sa labi nito ng salubungin nito iyon. Smack lang iyon kaya nangingiti pa
ito ng tumuwid ng tayo.
"Good night."
Napakurap siya. Bago pa man makatikim sa kanya si Triv ay sumakay na rin agad ito
sa kotse nito.
"Bumalik ka na sa bahay niyo. Aalis na rin ako."
"O-Okay. Ingat ka." Bahagya pa niya itong kinawayan bago ipinasyang umuwi na.
Sumilay pa ang ngiti sa kanyang labi ng makapasok sa loob ng kanilang bahay.

Chapter 10
NAPAHAWAK si Yzel sa hamba ng pinto sa may CR ng makaramdam ng matinding pagkahilo.
Katatapos lang niyang kumain at pakiramdam niya ay matutumba siya sa pagkahilong
nararamdaman. Pangalawang beses na niya iyong naramdaman at binaliwala lang niya
iyong una.
Isinandig niya ang noo sa pinto at sandaling pumikit. Ikinondisyon niya ang sarili
upang hindi tuluyang mabuway sa muling paglalakad mamaya.
"Ano ba 'to," anas niya. Nang magmulat siya ng mga mata ay kakaiba pa rin ang
nararamdaman niya. Parang anumang sandali ay matutumba na lang siya.
"Okay ka lang?" Tanong pa sa kanya ni Shane ng makita siya.
"Nahihilo ako, Shane."
"Tss. Alam mo, 'Te? Kung may boyfriend ka, iisipin kong buntis ka. Pasalamat ka at
mukhang tatanda kang dalaga," anito na inalalayan siyang maupo sa malapit na upuan.
Pumunta pa ito sa kusina at ikinuha siya ng tubig. "Inumin mo."
Sa unang pagkakataon ay inasikaso siya nito. Ngunit ang mas nakaagaw sa isip niya
ay ang sinabi nito. Baka buntis daw siya. Posible ba 'yon? Matapos inumin ang tubig
na kinuha nito ay napasulyap siya sa kalendaryo na nakasabit sa likod ng pinto.
Napalunok siya ng makitang isang linggo na siyang delay.
Paano kung buntis nga siya? Ni minsan ay walang ginamit na proteksiyon si Triv.
Nahilot niya ang sentido ng tila may pumitik doon.
"Ano bang nangyayari sa iyo?"
"P-Pagod lang siguro ako." Muli niyang ipinikit ang mga mata. Kailangan niyang
malaman kung buntis nga ba siya o ano. Sana naman ay hindi. Hindi niya alam kung
paanong tatanggapin kung magkatotoo ang hinala niya. Pero kailan man ay hindi pa
siya nadi-delay.
Kaya naman ng maging maayos ang pakiramdam niya ay pumunta agad siya sa
pinakamalapit na pharmacy at bumili ng dalawang pregnancy test kit. Pagkabalik sa
kanilang bahay ay agad din siyang sumubok upang malaman ang resulta.
Nanginginig pa ang kanyang kamay habang hinihintay ang resulta. Minutes later ay
unti-unting gumuhit ang kulay pula sa pregnancy test kit. Maging ang paghinga niya
ay napigil niya. Kapag isang pula lang daw ang lumabas ay negative. Ngunit ng may
lumabas pang isang guhit na pula ay tuluyan na siyang napasandal sa pader.
Possitive ang ibig sabihin niyon.
"H-Hindi puwede." Naikurap-kurap niya ang mga mata na nagsisimula ng manubig. Agad
niyang kinuha sa isang kahon ang pangalawang PT kit na binili niya.
Ngunit katulad ng nauna ay dalawang guhit na pula rin ang lumabas doon. Parang
hinigop lahat ng lakas niya.

"NABANGGIT sa akin ni Lovely 'yung tungkol sa babaeng kasama mo noong umuwi ka


galing Europe. Totoo ba 'yon? Hindi lang siya makapaniwala na sa dinami-rami ng
babae ay isang crew pa sa Madison ang kasama mo ng makita ka niya."
Pagkaubos sa laman ng baso niya ay pabagsak niya iyong ipinatong sa lamesa. Saka
niya binalingan si Dandrick. Mula ng bumalik siya sa bansa ay ngayon lang niya
nakasama ang kaibigan. Nasa isang Bar sila ng mga sandaling iyon.
"What's the big deal?"
Nagkibit balikat ito. "Wala naman. Curious lang ako kung totoo nga."
Nagsalin siya ng Black Label sa kanyang baso. "Totoo," aniya sa kaibigan.
Napatawa ito. "Seryoso, dude? Crew pinatulan mo?"
Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Nahaklit tuloy niya ang kuwelyo ng suot
nitong polo. "Watch your word, Dandrick."
Napalunok ito ng makita ang talim ng mata niya. Naitaas nito ang dalawang kamay.
"O-Okay. Chill man. I was just surprise knowing na iba na ang taste mo ngayon."
Saka lang ito nakahinga ng maluwag ng bitiwan niya ito. "Don't tell me, seryoso
ka?"
"Hella serious," aniya na inisang inom ang laman ng baso. "Nakakainis lang dahil
parang ayaw niyang maniwala."
Napapalatak ito. "Malapit na siguro ang end of the world dahil nagseseryoso ka na.
Maiba ako, birthday mo na this coming weekend. So ibig sabihin malapit ka ng ma-
engage. Siya na ba ang pinili mo? If you know what I mean."
Bilang sagot ay may dinukot siya sa bulsa ng suot niyang coat. Namilog ang mga mata
nito sa nakita.
"Dude, hands up na ako sa iyo. Parang kailan lang pino-problema mo ang kondisyon ng
mga magulang mo." Napapailing ito. "Cheers, men!"
Nakipagpingkian siya sa baso nito.
HINDI alam ni Yzel kung tutuloy ba siya o hindi. Kung dapat pa ba niyang sabihin
kay Triv ang nalaman niya tungkol sa kondisyon niya o sarilihin na lang iyon.
Pero lalaki at lalaki ang kanyang tiyan. Tiyak niyang magagalit ang mga magulang
niya kapag nalaman ng mga ito ang nangyari sa kanya idagdag pa na wala siyang
maiharap na ama sa ipinagbubuntis niya. Karapatan pa rin namang malaman ni Triv ang
bagay na ito dahil ito ang ama ng ipinagbubuntis niya.
Kagagaling lang niya sa isang OB upang magpa-check-up. Nakita sa isinagawang Ultra
Sound na may batang tumitibok ang puso roon. Isang buwan at isang linggo na raw ang
bata sa tiyan niya. Tama lang sa kalkula niya.
Kapag ba sinabi niya iyon kay Triv ay tatanggapin nito iyon? Paano kung hindi?
Kailangan mo pa ring magbakasakali, Khlaryzel. Not for your own sake, but for your
baby.
Huminga muna siya ng malalim bago ipinasyang pumasok sa Sauler Hotel. Iniwasan niya
na mapadako ang tingin sa Madison. Binilisan din niya ng bahagya ang kanyang
paglalakad. Nagpasalamat pa siya sa isip ng mag-isa lang siyang sumakay sa
elevator.
Nang makarating sa tapat ng suite ni Triv ay kung ilang beses pa siyang huminga ng
malalim bago nagawang pindutin ang doorbell. Sapat na siguro ang lakas ng loob na
naipon niya. May katiting din na pag-asa na naghuhumiyaw sa kanya.
Isa pang pindot sa doorbell ng bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Triv na magulo
ang buhok. Tila kagigising lang.
"Khlaryzel," sambit nito sa pangalan niya ng makita siya. "Come in." Niluwagan nito
ang pagkakabukas sa pinto para makapasok siya.
Napalunok siya. Animo nalulun niya ang dila dahil hindi niya magawang magsalita.
Pinigilan niya ang maiyak. Kaya mo 'yan, Khlaryzel, cheer ng isip niya. Huminga
siya ng malalim.
"T-Triv, may s-sasabihin ako," lakas loob niyang sabi. Hindi siya naupo ng
imuwestra nito ang sofa sa sala.
"Siguro hindi ka pa kumakain dahil ang putla mo. Tatawag lang ako sa restaurant sa
baba para um-order ng almusal."
Mabilis niya itong napigilan sa braso. Bahala na kung anong mangyari ang mahalaga
ay masabi na niya. "Triv, buntis ako." Laking pasasalamat niya dahil nasabi niya
iyon ng malinaw at hindi nauutal.
Naramdaman niya ang tila paninigas nito sa kinatatayuan. Inaasahan niya na kahit
kunti ay may tuwa sa anyo nito na mababanaag ngunit nagkamali siya.
"What did you say?!" Tila ito nakarinig ng napakasamang balita. Dumilim ang
kanina'y maliwanag nitong anyo. Tumalim din ang mga mata nitong nakatitig ngayon sa
kanya. "Ulitin mo ang sinabi mo," naniningkit ang mga matang sabi nito.
Napalunok siya. Bakit ganoon ang reaksiyon nito? Bakit galit ito? Pinigilan niya
ang maiyak. Hindi iyon ang inaasahan niyang reaksiyon mula rito.
"B-Buntis ak–"
"That's bullshit, Khlaryzel!" Maging ang bagang nito ay nagngalit. Bahagya pa
siyang napaiktad sa ginawa nitong pagsigaw. "Sabihin mo na nagbibiro ka lang dahil
hindi magandang biro ang sinasabi mo ngayon!"
Umiling siya. Hindi na rin niya napigilan ang maging emosyonal. Nagkamali siyang
sabihin dito ang kalagayan niya. Ang sakit na ganito ang magiging reaksiyon ni
Triv. Hindi nito gusto ang ideyang magkakaanak sila. Tila unti-unting sumisikip ang
kanyang dibdib. Kasabay niyon ang tila pagpiga sa puso niyang parang sinaksak ng
maraming beses.
Nasuklay ni Triv ang buhok bago sinipa ang malapit ditong sofa. "Fuck. Sinong
lintik na lalaki ang pinatulan mo noong wala ako, huh? Tapos ngayong nabuntis ka sa
akin mo ipapaako? Bullshit, hindi ako ang ama niyan. At kahit kailan, kahit ipilit
mo, hindi-hindi kita puwedeng mabuntis!"
Sunod-sunod na nagpatakan ang luha sa pisngi niya dahil sa sinabi nito. Ngayon
naman ay inakusahan siya nitong pumatol sa iba. Huminga siya ng malalim bago
pinilit magsalita kahit ang sakit-sakit na sa pakiramdam niya. Ang lalamunan niya
ay sobrang hapdi na rin dahil parang sasabog iyon sa sobrang pagpipigil. "G-Ganoon
ba kababa ang tingin mo sa akin, ha? Hindi kontento sa isa? Mukhang nagkamali ako
na sabihin pa ito sa iyo. Akala ko... Akala ko matutuwa ka. Pero nagkamali ako,"
pumiyok pa niyang sabi. Hinayaan lang niya ang nanlalabong mga mata. "Ang sama mo,
Triv. Ang sama-sama mo," agad niyang itinakip sa bibig ang kamay ng kumula roon ang
sunod-sunod na paghikbi. Matapos ng lahat na magagandang nangyari ay sa ganito rin
pala mauuwi ang lahat. Unti-unting nagbaba ang tingin niya.
Sobrang nanghihina ang pakiramdam niya. Ngunit walang sinuman ang maaari niyang
hawakan ngayon upang kumuha kahit kaunting suporta man lang. Ang saklap.
Ang sakit-sakit na hindi gusto ni Triv ang ideya na buntis siya at ito ang ama.
Parang pinagpipira-piraso ang puso niya. Ang batang walang muwang sa mundo ay
nadamay pa. Masyado siyang nag-assume. Kung sana ay noon pa man ay iniwasan na niya
ito. Kung sana ay nirendahan agad niya ang pusong ngayon ay umaasa pala sa wala.
"'Wag mong ipaako ang isang bagay na hindi sa akin. Tinanggihan ka ba ng totoong
nakabuntis sa iyo at ngayon naman ay sa akin mo 'yan ipapaako dahil alam mong
kayang-kaya ko kayong buhayin? What a kind of a shit. Umalis ka na," matigas nitong
sabi. "Hindi ko masikmura na makita ka. Akala ko iba ka. Pero katulad ka lang din
ng iba. You're nothing but a fucking son of a bitch!"
Isang malakas na sampal ang pinatama niya sa mukha nito. "Tatanggapin ko na hindi
mo tanggapin ang dinadala ko dahil ikaw na ang pinaka-walang kuwentang lalaki na
nakilala ko. Pero ang tawagin mo akong ganyan, ibang usapan na 'yan. Kung ayaw mong
maniwala. Puwes, wala na akong pakialam pa riyan. Ayaw kong isang araw ay
maghahabol ka sa anak ko. Tandaan mo ito. Simula sa araw na ito, ito ang huling
sandali na makakalapit ka sa akin ng ganito kalapit. I hate you," mariin niyang
wika. "I hate you for everything, Triv Sauler. Akala ko totoo lahat ng sinabi mo,
lalo na noong sinabi mong gusto mo ako. Nagkamali ako. Sana hindi na lang ako
umasa." Mariin niyang pinahid ang luha sa pisngi niya. Kahit saglit lang ay
pipilitin niyang maging matapang para sa anak niyang tinanggihan ng sarili nitong
ama. "Wala kang paninindigan. Daig mo pa ang lalaking walang bayag. Magaling lang
kayo sa kama. Pero kapag nagkabunga ang pagkaharot niyo, itatanggi niyo..."
"Leave. I said leave!"
"Aalis ako kahit hindi mo sabihin!" ganting bulyaw niya rito.
Nagpupuyos sa galit na nilisan niya ang suite nito. Pagkalabas na pagkalabas niya
roon ay nanghihina pa siyang napasandal sa wall habang patuloy sa paghikbi at pag-
iyak.
Bakit ang unfair masyado ng tadhana sa kanya? Bakit ganoon na lang ang ginawang
pagtanggi ni Triv sa dinadala niya? Maraming bakit ang naghuhumiyaw sa isip niya.
"DAMN!"
Nanghihinang napadaus-us ng upo si Triv sa sahig. Nanginginig ang mga kamay niyang
pinangsuntok sa pader. Pero wala siyang pakialam kung nakatamo man siya ng sugat sa
kamao niya.
Nagpupuyos pa rin sa galit ang dibdib niya dahil sa sinabi ni Khlaryzel na buntis
ito at siya ang ama. Napakaimposible ng bagay na iyon. Dahil wala siyang kakayahang
magkaroon ng anak. Klinaro iyon sa kanya ng doktor ng magpa-sperm test siya noon.
Kaya paanong mabubuntis niya si Khlaryzel? Ano 'yon nagkaroon bigla ng himala? Kaya
ganoon na lang ang galit na bumangon sa kanya dahil sa ideyang naisip na baka may
ibang lalaki pa sa buhay nito bukod sa kanya. Kinakain siya ng galit kaya wala
siyang pakialam kung masakit man na salita ang namutawi sa bibig niya.
Dahil sa nangyari ay nawala siya sa kondisyon. Ilang araw din siyang hindi
pumupunta sa opisina. Lahat ng appointment meeting niya ay pina-cancel din niya.
"Ano bang nangyayari sa iyo, hijo? Bakit daig mo pa ang pinagsakluban ng langit at
lupa? Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin, huh?" Nag-aalalang hinaplos ng
kanyang ina ang kanyang mukha. "You tell me."
Mula sa pagkakasandal sa head board ng kanyang kama ay binalingan niya ang kanyang
ina. "Kayo na ang pumili ni daddy," aniya na muling tumingin sa kawalan. Kung
kailan sana ay handa na siyang pumasok sa isang relasyon ay saka pa nagbiro ang
tadhana. Baka hindi lang talaga para sa kanya si Khlaryzel. And it hurts him even
more.
Ito ba ang karma niya dahil sa matagal na hindi pagseseryoso sa mga babae? Sa
isiping iyon ay parang may kumurot sa puso niya.
"What do you mean, hijo?"
"Sa isang araw birthday ko na. Thirty na ako and still single. Wala pa rin akong
mahanap na babaeng puwedeng alukin ng kasal. Kaya kayo na ang bahala ni daddy,"
walang kaemo-emosyon niyang sabi.
Napabuntong-hininga ang kanyang ina. "Triv, hijo," hinawakan nito ang kanyang
kamay. "Sigurado ka ba?" Nang tumango siya ay pilit itong ngumiti. "Okay, kung 'yon
ang pasya mo ay ipapaalam ko sa ama mo. Sa ngayon ay magpahinga ka muna at mukhang
kailangan mo ng pahinga. You look so mess, Triv." Hinalikan siya nito sa noo bago
siya iniwan sa kanyang silid.
Kasabay ng pagpikit niya ay ang pagpatak din ng luha mula sa mga mata niya.
"ANO 'YUNG kumakalat na balita na engagement party mo sa mismong araw ng birthday
mo?"
"Bakit ganyan ang reaksiyon mo?" ani Triv kay Dandrick na humahangos na dumating sa
suite niya.
"Paanong hindi? Eh, si Noime Gecoso na anak ng isang big time business tycoon ang
nakatakda mong pakasalan. Akala ko ba si Khlaryzel? Ano'ng nangyari?" Sunod-sunod
nitong tanong. "Bakit mga magulang mo ang pumili? Tinanggihan ka ba niya?"
Umiling siya. May parte na gusto niyang puntahan ang dalaga ngunit hindi naman niya
magawa. Matimbang pa rin ang galit niya rito.
"Bakit big deal sa iyo kung hindi man si Khlaryzel ang pinili ko?"
Bahagya nitong sinuntok ang braso niya. "Inaalala ko lang ang kaligayahan mo. Para
ka pang timang sa sobra mong saya noong nagkukuwento ka sa akin ng tungkol sa
kanya. Tapos ngayon," napailing ito. "Bahala ka na nga. Choice mo 'yan. 'Wag ka
sanang magsisisi sa bandang huli."
Nawalan siya ng kibo sa sinabi nito.

Chapter 11
"MUKHA ka ng zombie. Ano bang nangyayari sa iyo? Wala ka namang sakit, ah," ani
Shane na naupo sa gilid ng kama ni Yzel.
Sinulyapan niya ang kapatid na kahit nasa bahay lang ay todo sa ayos. Nitong mga
nakaraang araw ay napapansin niya ang pagbabago sa ugali nito. Nagkaroon na ito ng
pakialam sa pamilya nila na dati naman ay hindi makikita rito. Sumama rin ito
kahapon sa palengke sa kanyang ina para tumulong.
"Salamat sa pagsama kay Nanay sa palengke," nasabi na lang niya.
Wala siyang sapat na lakas. Pakiramdam niya ay nanghihina rin siya dulot ng
palaging pag-iyak kapag solo lang siya sa silid. Kahit ano'ng pigil niya ay panay
pa rin ang luha ng kanyang mga mata na tila hindi maampat-ampat.
"Maliit na bagay. Lumabas ka muna sa sala at maglilinis lang ako rito sa kuwarto.
Sige na," pagtataboy nito sa kanya.
Kung magtuloy-tuloy man ang pagbabagong iyon ng kanyang kapatid ay natutuwa siya
para dito.
Nag-ipon muna siya ng lakas bago lumabas ng silid nila at pumunta sa sala. Wala ang
dalawa nilang kapatid na lalaki, mga napasok. Ang ama naman niya ay nakaupo sa
labas ng bahay nila habang nakikipagkuwentuhan sa kapitbahay nila.
Kinuha niya ang remote ng TV at ini-on iyon. Isang flash report ang ibinabalita.
Triv Sauler of Sauler chain of Hotels and Noime Gecoso, daughter of a big time
business tycoon, have been engage last night at Triv Sauler 30th birthday.
Naitakip niya ang kamay sa kanyang bibig sa nabasang caption sa balita. Ipinakita
pa roon ang isang video kung saan sinuutan ng singsing ni Triv ang isang magandang
babae. Pagkuwan ay hinalikan sa harap ng maraming tao. Napatay agad niya ang TV.
Hindi na naman niya napigilan ang mapaiyak. Parang hinigop ang buong lakas niya sa
nalaman. Engage na sa iba si Triv. Ganoon kabilis. Ganoon kabilis siya nitong
palitan. Dahil ayaw nito sa dinadala niya kaya sa iba na lang ito magpapatali.
Siguro ay nagising ito sa katotohanang kahit kailan ay hindi sila bagay na dalawa.
Nahimas niya ang tiyan. Sorry, baby. Pinahid niya ang luha niya.
Kinabukasan ay pumunta siya sa Sauler Hotel upang mag-report sa Madison.
Pormal siyang nagpaalam kay Zet Capistrano na magre-resign na siya. Humabi na lang
siya ng ibang dahilan para payagan nito. Sa huli ay pumayag naman ito.
Malapit na siya sa exit door para umuwi ng makitang papasok naman ng lobby si Triv.
Hindi ito nag-iisa. Nakilala niya ang babaeng kasama nito na agad nitong hinapit sa
baywang palapit dito ng makita siya. Ni hindi siya nagtangka na salubungin ang
tingin nito na tiyak na nang-uuyam sa kanya at pinapamukha ang babaeng kasama nito
ngayon.
Nang makalampas ang mga ito sa kinaroroonan niya ay pinigilan niya ang lumingon.
Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad habang walang humpay sa pagtulo ang kanyang
mga luha.
Habang sakay siya ng bus ay tahimik lang siyang umiiyak sa isang sulok. Kung bakit
ganoon ang kinahinatnan ng kuwento niya ay hindi niya alam. Ipagpapalagay na lang
niya na pagsubok lang ito sa kanya ng Diyos. Makakaraos din siya. Tiis lang.
Pagkababa ni Yzel sa sinakyang tricycle ay ganoon na lang ang pagkapatda niya sa
nadatnang eksena sa lugar nila sa Tondo. Nagkakagulo na ang mga tao dahil sa
malaking apoy na lumalamon sa maraming kabahayan doon.
"'T-Tay," nasambit niya. Nagmamadaling tumakbo siya papunta sa kanila pero
pinigilan siya ng mga kapitbahay niya. "Teka, si Tatay!"
"Malaki na ang apoy, Yzel!"
"Yzel, anak!"
Nakahinga siya ng maluwag ng makita niya ang kanyang ama na yapos-yapos ang isang
bag na naglalaman ng mga records nila. Agad niya itong nilapitan at niyapos. Akala
niya ay kung ano na ang nangyari dito.
"Ano pong nangyari, 'Tay?"
"May sumabog na gasul. Dahil puro kahoy dito sa atin kaya mabilis kumalat ang apoy.
Kunting damit at itong mga papeles lang natin ang naisalba ko."
"Ang mahalaga ay hindi kayo napaano," niyakap niya itong muli bago inalalayan sa
paglalakad. Siya na rin ang nagbuhat ng dala nitong bag na may lamang ilang mga
damit.
Dahil masyado ng malaki ang apoy at malapit na sa bahay nila ay hindi na siya
nangahas pa na balikan ang iba nilang mga gamit. Dumiretso sila sa palengke kung
saan naroon ang kanyang ina at kapatid na si Shane.
Paalis na rin sana ang mga ito para umuwi sa kanila dahil sa nangyari.
"Hindi ba kayo nasaktan?" nag-aalalang tanong ng Nanay Marcy niya.
"Okay lang po kami. Ang bahay natin baka nilalamon na ng apoy sa mga oras na ito."
Nanlumo si Shane sa narinig. "Paano na tayo ngayon?"
Bumuntong-hininga ang Tatay Eli nila. "Kung okay lang sa inyo ay tatanggapin ko
'yung alok ng kumpare ko na maging care taker muna sa resort nila sa Quezon,
Province. Puwede tayo roon. Libre ang bahay pati na rin ang kuryente at tubig. May
allowance din daw para sa pagkain. May eskuwelahan naman doon na puwedeng pasukan
ni Bon at Ten-Ten."
Napatingin siya sa kanyang ina. "Walang kaso sa akin 'Nay," pagpayag niya ng tila
hinihingi nito ang opinyon niya.
Mas maigi na rin na lumayo na muna siya sa lugar kung saan puro masasamang alaala
ang hatid sa kanya.

"SA ISANG buwan na ang kasal niyo ni Noime. Kamusta naman ang feeling? Sa nakikita
ko para kang bibitayin," biro pa ni Dandrick sa kanya. Nasa Mega Mall sila noon at
naghahanap ng suit na puwedeng suutin sa dadaluhan nilang party.
Hindi niya pinansin ang kaibigan at tuloy lang sa pagpili ng suit. Limang buwan na
ang matuling lumipas at hanggang ngayon ay hindi siya nag-abalang asikasuhin ang
nalalapit niyang kasal kay Noime Gecoso. Mas hands on ito sa bagay na iyon, pati
ang kanyang ina.
"Triv," untag sa kanya ni Dandrick.
"Bakit?"
"Halata namang ayaw mo sa nalalapit mong kasal."
"Alam mo naman ang mangyayari kapag wala akong napili bago ang birthday ko. My
parents will choose."
Napailing-iling ito. "At hanggang ngayon ay hindi mo pa rin sinasabi ang naging
dahilan kung bakit nawalan kayo ng contact ni..." Hindi nito naituloy ang sasabihin
ng tingnan niya ito ng matalim. "Whatever."
Nang makapili ng suit sa isang botique ay binayaran na nila agad iyon. Palabas na
sila ng botique ng makita niya ang doktor na nag-examine sa kanya noon. May kasama
itong isang babae.
Hindi na sana niya ito papansinin ng lapitan naman siya nito. Nakilala siguro siya.
Tumukhim ito. Mukha itong uneasy. "Mr. Sauler."
"Doc."
"Puwede ka bang pumunta sa clinic ko bukas? I have something to tell you."
May kilabot na gumapang sa kanya. "Importante ba 'yan?"
Tumango ito. "Bukas na lang," iyon lang at iginiya na nito palayo ang kasama nito.
"What was that?"
Binalingan niya ang kanyang kaibigan. He sigh. In the end ay sinabi na rin niya
rito ang ginawa noon na pagpapa-sperm test.
"At sinabi niya na hindi ka magkakaanak dahil baog ka? Tatawa na ba ako?"
Napapalatak ito. "Hindi ka man lang ba sumubok ng second opinion?"
"Hindi."
"What?! You idiot. Dapat nag-take ka ng second opinion. Tapos ngayon lalapitan ka
ng doktor na iyon para kausapin bukas. Sa tingin mo ano'ng sasabihin niya? Na hindi
ka totoong baog? At babawiin na niya ang sinabi niya dati? Na joke lang 'yon?"
Natigilan siya sa sinabi ni Dandrick. Paano kung totoo ang sinabi nito? Paano kung
hindi talaga siya baog? Paano rin kung sa kanya talaga ang dinadala ni Khlaryzel?
Nang maisip ang dalaga ay napatakbo na lang siyang bigla. Hinabol niya ang doktor.
Nang maabutan ito ay agad niya itong nahaklit sa collar ng suot nito. Napasinghap
pa ang babaeng kasama nito.
Nagngalit bigla ang mga bagang niya. "Tell me the thruth about my condition. Now!"
Halos pasigaw niyang sabi. Nanginginig siya sa galit at anumang oras ay para siyang
sasabog.
"Triv," awat sa kanya ni Dandrick. "Not here, pare."
"Tell me!"
"I-I'm sorry, Triv. Napag-utusan lang ako kaya 'yon ang sinabi ko." Pag-amin ng
doktor.
"What?!" Lalong nagdilim ang paningin niya dito. "Sinong nag-utos sa iyo?"
"If you still remember, Fritz? Siya 'yong nag-utos sa akin na ibahin ang result.
Gusto ka raw niyang gantihan dahil sa pambabaliwala mo sa kanya noon. That time,
girlfriend ko siya at ayokong mawala siya kaya nagawa ko ang kasinungalingan na
'yon. I'm sorry."
Sa sobrang galit niya ay napagsusuntok niya ito. Wala siyang pakialam kung nasa
public place man sila. Galit siya. Galit na galit. Kung hindi pa siya aawatin ni
Dandrick kasama ang ilang security guard ay baka napatay na niya ang duguang
Doktor.
"Alam mo ba kung anong nangyari dahil sa ginawa mo, ha?! I lost the girl I love at
pati pinagbubuntis niya ay iginiit kong hindi sa akin dahil sinigurado mo noon na
baog ako! Fuck you! You'll pay for this mess."
Nanginginig sa galit na nilisan niya ang lugar na iyon. Maging ang pagtawag ni
Dandrick sa kanya ay hindi niya inintindi. Halos takbuhin niya ang papunta sa
parking lot. Nang makasakay sa kanyang kotse ay halos paharurutin niya ang
pagpapatakbo niyon.
Isang lugar lang ang hinahayon ngayon ng kanyang sasakyan
Nang makarating sa lugar kung saan nakatira sina Khlaryzel ay mabilis siyang umibis
ng kanyang sasakyan. Nagtaka pa siya dahil may kakaiba sa lugar na iyon.
Nanlambot siya ng makita ang bakas ng sunog sa naturang lugar. Ang dating dikit-
dikit na kabahayan, ngayon ay may mga pagitan na. Huminga muna siya ng malalim bago
lumapit sa lalaking nakaupo sa labas ng bahay ng mga ito.
"Mawalang galang po. Saan po kaya ang bahay ni Khlaryzel?"
Kumunot pa ang noo nito. "Khlaryzel? Sino 'yon?"
"'Yung anak nina Eli at Marcy," malakas na sabi ng isang babae buhat sa loob ng
bahay.
"Ah. Ay naku hindi na sila rito nakatira. Simula ng masunugan dito sa amin limang
buwan na ang nakalilipas ay hindi na sila bumalik pa. Nasunog nga rin ang bahay
nila. Halos wala rin silang naisalba katulad ng iba."
Lalo siyang nanghina sa nalaman. Limang buwan na? Iyon ay iyong mga panahon na
pumayag siyang ma-engage sa iba.
"Alam niyo po ba kung nasaan na sila ngayon?"
Umiling ito. "Hindi, eh."
Bagsak ang balikat na bumalik siya sa kinapaparadahan ng kanyang kotse. Pagdating
niya sa may kanto ay napatingin pa siya sa may tindahan na inupuan nila noon ni
Khlaryzel noong kumain sila ng balut. Ikinurap-kurap niya ang mga matang bahagyang
nag-ulap dahil sa huling alaala na masaya silang magkasama.
Bago pa siya lamunin ng kanyang emosyon ay sumakay na siya sa kanyang kotse.
Mabilis ulit niya iyong pinaharurot sa kalye. What now? Saan niya hahanapin ang
mag-ina niya?
"Damn you Triv for being so idiot! Ang tanga-tanga mo dahil hindi mo siya
pinaniwalaan. Damn you!"
Parang nananadya pa ang kanyang isip na ipinaalala kung paano niya sigawan at
pagsalitaan noon ng masama si Khlaryzel. Pinagtabuyan pa niya ito. Parang
pinagkukurot ng pino ang kanyang puso. Animo balon ang kanyang mga mata ng
magbalong ang mga luha mula roon. Napakalaki niyang gago para saktan si Khlaryzel.
Kinabig niya bigla ang manibela pakaliwa. Huli na ng mapansin niya ang paparating
na van. Sumalpok ang kotse niya roon. Sa sobrang lakas ng impact ay yuping-yupi ang
unahan ng kanyang kotse na kung ilang beses pang nagpabali-baliktad sa kalsada.
Tuluyan siyang nawalan ng malay ng tumama ang duguan niyang ulo sa manibela.

Chapter 12
NAPABUNTONG-HININGA si Dandrick ng maupo sa silyang hinila palapit sa kinahihigaang
kama ni Triv sa loob ng pribadong silid nito sa Asian Hospital sa Alabang. Triv is
still in comatose. Dalawang taon at kalahati na ang lumipas ngunit wala pa rin
itong malay. Ganoon na ito katagal na walang malay. Sabi ng Doctor nito ay may
chance pa naman daw na magigising ang kaibigan niya. They still hoping for a
miracle to happened anytime soon. Madalas niyang dalawin ang kaibigan, palagi rin
niya itong kinukuwentuhan dahil naririnig daw iyon ni Triv ayon sa Doctor nito.
Nang maaksidente ito two and a half years ago ay halos hindi maitsurahan ang kotse
nito. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil hindi natuluyan si Triv. Fifty fifty ito
pero nakaligtas pa rin ito sa kamatayan. Iyon nga lang ay comatose naman ito
hanggang sa ngayon.
"Pare, gumising ka na. Ang daming naghihintay sa iyo. Miss ka na ng mommy at daddy
mo."
Napatingin siya sa likuran niya ng bumukas ang pinto. Pumasok doon si Noime. Ang
babaeng pakakasalan sana ng kaibigan niya.
"Kamusta si Triv?"
Muli niyang binalingan ang kaibigan. "Wala pa ring malay." Tumayo siya mula sa
pagkakaupo upang bigyang espasyo si Noime.
Fighter si Triv kaya alam niyang gigising din ito isang araw. Pupunta sana muna
siya sa may maliit na sala upang magkaroon ito ng oras na kasama si Triv ng
mapatingin sila sa gumalaw nitong daliri.
"T-Triv is moving, Dan," baling ng dalaga sa kanya.
"Thanks God!" bulalas niya na agad pinindot ang button na konektado sa nurse
station. Nabuhayan siya ng loob para sa kaibigan.
'Di nagtagal ay nagmamadaling pumasok sa loob ng ICU ang nurse at doctor ni Triv.
Naluha pa siya ng makitang unti-unting nagmulat ng mga mata si Triv. Agad niyang
tinawagan ang mga magulang nito upang ipaalam ang magandang balita.
Sabi ng Doctor nito ay 'wag masyadong bibiglain si Triv sa mga pagbabagong nangyari
sa paligid nito. Dahil ang isip nito ay naiwan pa rin sa huling araw na gising ito.
Ibig sabihin ay ang araw bago nangyari ang aksidente nito. Depende pa raw iyon kung
ano ang magiging response ng alaala ni Triv kapag nakausap na ito.
Ilang araw din na hindi nagsalita si Triv. Isang hapon ng dumaan siya sa silid
nito, ayon sa ina nitong si Tita Esmeralda, ay nakakausap na raw ang kaibigan niya.
Ngunit hindi raw nito kilala si Noime at ayaw ng kaibigan niya na makita ito.
"Pare, kamusta?" aniya na naupo sa gilid ng kama nito. Maaliwalas na itong tingnan
kaysa noong wala pa itong malay. "Kilala mo pa ba ako?"
Sandali lang siya nitong sinulyapan bago marahang tumango. Nakahinga siya ng
maluwag.
Sinulyapan niya si Noime na namumula ang mga mata. Mukhang kagagaling lang sa pag-
iyak. Muli niyang binalingan si Triv.
He sigh. "Ano'ng hindi mo pa naaalala, Triv? Natatandaan mo ba kung bakit ka
naaksidente?"
"Dan, hijo," anang ina ni Triv na nilapitan siya. "Hayaan na muna natin si Triv.
Baka hindi pa siya masyadong nakaka-recover. Let him be."
Wala na siyang nagawa kundi ang tumango.

PAGKALAGAY ni Bon sa mga pinamili ng ina nito sa kusina ay nagtatakbo na ito


papunta sa dalampasigan kasama si Arkin na agad humabol kay Bon ng iwan nito ang
bata.
Napangiti si Nanay Marcy habang nakatanaw sa papalayong anak at apo. "Ang bilis
talaga ng panahon."
Napangiti na lang din si Yzel. Kadadalawang taon lang ng anak niyang si Arkin.
Matatas na itong magsalita. Puwede na ngang isali sa show para sa mga batang
matatalino. Nagpapasalamat siya dahil kahit single mother siya ay naitaguyod niya
ng maayos ang anak. Salamat na rin sa tulong ng kanyang mga magulang at mga
kapatid.
Mula nang masunog ang bahay nila sa Tondo ay lumipat sila sa pag-aaring resort ng
pamilya Ramos sa Borawan Island, Padre Burgos, Quezon. Bilang caretaker ng naturang
resort. Private resort iyon at isang beses sa isang taon lang kung umuwi ang
pamilya Ramos na nakabase ngayon sa Los Angeles, California. Bukod sa libre lahat
at wala silang binabayaran ay may kaukulang sahod pa na natatanggap ang mga
magulang niya. Bukod doon ay paaral din ng mag-asawang Ramos ang dalawa niyang
nakababatang kapatid na si Bon at Ten-Ten. Sabi nga niya noon, may plano ang Diyos
sa lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao. Nawalan man sila noon ng bahay, heto
naman at napaganda pa ang lagay nila. Presko pa ang paligid na tamang-tama para sa
kanyang ama.
Para makadagdag sa anumang gastusin para na rin sa pag-aaral ng mga kapatid niya at
gamot ni Tatay Eli kaya nagbukas sila ng maliit na karenderya sa palengke. Siya ang
tagaluto at mas madalas na tumatao roon. Dahil ang ina niya ay busy rin sa resort
at sa pag-aalaga sa anak niyang si Arkin kapag nasa karenderya siya. Blessing in
disguise nga siguro dahil patok sa mga parokyano ang mga luto niya. Suki niya ang
halos lahat ng tricycle driver sa lugar nila. Ang kapatid naman niyang si Shane ay
bumalik sa Maynila. Dance Instructor ito ngayon sa isang Dance Studio ng kaibigan
nito. Buwan-buwan din ito kung magpadala ng pera sa Nanay Marcy niya kaya natutuwa
siya rito. Nagtuloy-tuloy kasi ang pagbabago nito.
"Marcy?"
Pumunta si Yzel sa may pintuan para silipin kung sino ang dumating. "'Nay, si Inang
Carmen po."
Agad namang iniwan ng kanyang ina ang inaayos na pinamili sa grocery at hinarap ang
dumating na kapitbahay. Caretaker din ito sa kabilang resort, private rin iyon.
"Oh, ano'ng sadya mo, Carmen?"
Napakamot pa ito sa ulo nito. "'Di ba masarap ka ring magluto kagaya ni Yzel?"
"Kay Nanay Marcy po yata ako nagmana, Inang Carmen," sangat niya habang nangingiti.
"Kaya nga," sang-ayon nito. Muli nitong binalingan ang kanyang ina. "Makikiusap
sana ako Marcy na kung maaari ay kunin ka muna namin na kusinera sa kabilang
resort. Dumating kasi 'yung anak ng amo ko noong nakaraang araw pa. May kasamang
kaibigan na lalaki rin. Eh, ayaw ng luto ko noong kasama ng amo ko. Aminado naman
akong hindi ako magaling na magaling pagdating sa pagluluto. Eh, si Gregorio lang
naman ang marunong, kaso patay na siya kaya wala akong pagpipilian kundi ipagluto
sila. Kaso hindi naman type noong kaibigan ng anak ng amo ko."
"Grabe naman po 'yon, nakikikain na nga lang nagrereklamo pa," palatak niya.
"Wala naman akong magagawa kung ayaw niya. Kaya nga pinapahanap ako ni Sir Dan kung
may magaling magluto rito sa atin. Ikaw agad ang naisip ko Marcy. Sige na, dagdag
kita rin. Magluluto ka lang naman."
Sinulyapan muna siya ng kanyang ina bago ibinalik ang tingin sa kausap. "Gaano ba
katagal mamamalagi ang bisita niyo sa kabilang resort?"
Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko lang din alam. Ang kuwento kasi sa akin ni Sir Dan,
naaksidente raw ang kaibigan niya. Dalawang taon at kalahati raw na-comatose at
kagigising lang noong isang buwan. Dinala nga rito para makalanghap naman ng
sariwang hangin. Palagay ko nga ay napakayaman din. Kita naman sa hitsura noong
lalaki."
"Anong nangyari at na-comatose ng ganoong katagal? Buti naman at nagising pa. Ang
tagal din noon, dalawang taon at kalahati."
Tumango-tango si Inang Carmen. "Ay ano pa? Sa sasakyan daw naaksidente. Um-
overtake, eh, may kasalubong. 'Yon lang ang kinuwento ni Sir Dan. Ano, payag ka na
ba, Marcy? Fifteen thousand ang alok ni Sir Dan. Kapag nagustuhan daw ng kaibigan
niya ay dadagdagan pa niya."
"'Nay, pag-isipan niyo. Sayang din 'yan," susog niya sa ina.
"Oo nga, Marcy. Puwede ka namang uwian, eh. Pagkaluto mo sa hapunan ihahatid pa
kita pauwi rito sa inyo."
"Papayag kaya ang ama mo?" baling sa kanya ng ina.
Tinanguan niya ito. "Oo naman, 'Nay."
"Okay sige. Kailan ba ang simula?"
Nakahinga ng maluwag si Inang Carmen sa pagpayag na iyon ng kanyang Nanay Marcy.
"Salamat naman at pumayag ka. Kung maaari ay bukas na rin agad."
Matapos dulutan ng meryenda si Inang Carmen ay ipinasya na muna ni Yzel na lumabas
at puntahan ang anak sa may dalampasigan.
Araw iyon ng linggo. At kapag ganoong araw ay sarado ang karenderya nila.
"Mama!" Kumaway pa si Arkin ng makita siyang papalapit. Gumagawa na naman ito ng
sand caslte kasama ng Tito Bon nito. Palaki rin ang tubig ng hapong iyon.
"Ang galing naman ng baby Arkin ko," pagpuri niya sa ginagawa nito.
"Thank you, Mama," anito na nagpatuloy sa pagbuo ng sand castle.
Kapag pinagmamasdan niya ang guwapong mukha ng anak niya ay hindi niya maiwasang
maisip ang ama nito. Magkamukhang-magkamuka ang mga ito. Mula ng umalis sila sa
Maynila ay wala na rin siyang naging balita sa lalaki. At wala na rin naman siyang
pakialam pa simula ng ipagtabuyan siya nito.
Lumanghap siya ng sariwang hangin at pinuno ang kanyang baga upang palisin ang
pamimigat ng dibdib. Bahagya pa siyang napangiti ng ilibot ang tingin sa
malaparaisong lugar na iyon. Puting-puti ang buhangin doon at sobrang linaw ng
tubig dagat. Iyon pa lang nakakawala na ng stress.
May natanawan pa siyang dalawang taong nakasakay sa isang speedboat na malamang sa
malamang ay galing sa kabilang resort. Papalaot iyon. Iyon siguro ang bakasyunista
sa kabilang resort. Buhat sa resort ng mga Ramos ay hindi tanaw ang kabilang resort
dahil nahaharangan iyon ng may kataasang bundok at rock formation sa dulo. Sa
dulong buhangin ay may parteng malalaki ang bato, may maliit pa roong kuweba na
madalas niyang puntahan kapag naliligo siya.
At isang beses sa isang linggo lang kung puntahan niya ang lugar na iyon.
Binalingan niya si Bon at Arkin.
"Tara sa dulo?" pag-aaya niya sa dalawa.
Agad namang tumayo ang mga ito at nagpagpag ng buhangin sa katawan. Hawak nila ni
Bon sa magkabilang kamay si Arkin ng baybayin nila ang dalampasigan papunta sa
dulong parte ng Ramos resort. Nang makarating doon ay naupo siya sa malaking bato
at tumanaw sa karagatan. Ganoon din ang ginawa ni Bon at Arkin.
Inakbayan niya ang anak. Malakas din ang hangin kaya panay ang salpok ng alon sa
buhangin. Pinapalad-palad din ang mahaba niyang buhok. May kalayuan pa naman sa
kanila ang tubig. Uuwi lang sila kapag malaki na ang tubig.
"Ate, ang ganda rin sa kabilang resort ano?" ani Bon na nakatanaw sa kabilang
resort na tanaw din sa puwesto nila. Puting-puti rin ang buhangin doon. May
malaking resthouse doon na nakatayo malapit sa dalampasigan.
"Oo," sagot niya. Hindi pa siya nakakapunta roon. Palibhasa ay iba ang may-ari.
Mayamaya pa ay natanawan nila ang speedboat na pabalik na. Hinahayon niyon ang
kabilang resort. Hindi lang niya makita ang hitsura ng sakay niyon dahil may
kalayuan. Bagaman at kita ang tikas ng pangangatawan ng mga iyon.
"Ate, tara na. Lumalaki na ang tubig. Baka ma-stranded tayo, eh."
Isang sulyap pa sa sakay ng speedboat at sumunod na rin siya sa kapatid.
MALAPIT NA sina Triv at Dandrick sa may pampang ng mapagawi ang tingin ni Triv sa
may dulong bahagi ng resort. Napatingin din doon si Dandrick. Napakunot pa ang noo
nito ng may makitang mga tao.
"Sino ang mga'yon?" tanong niya sa kaibigan.
"Baka taga kabilang resort. Private resort din kagaya nitong sa amin," anito na
itinuong muli ang tingin sa pagpapaandar ng speedboat.
Siya naman ay hindi inalis ang tingin doon hanggang sa mawala sa paningin niya ang
tatlong tao.
"May maliit nga palang kuweba sa parteng iyon ng dagat. Minsan pasyalan mo kung
trip mo," muling basag ni Dandrick sa pananahimik niya.
Hindi siya sumagot. Napailing tuloy ang kaibigan niya.

Chapter 13
"KAMUSTA naman kayo 'Nay sa kabilang resort?" usisa niya sa ina habang naghuhugas
siya ng kanilang pinagkainan. May tatlong araw na rin itong nagluluto roon.
Naupo ito sa silya na nasa hapagkainan malapit sa kanya. "Ayos naman. Nagustuhan
nila 'yung niluto ko. Kanina nagluto ako ng sinigang na hipon. Naparami pa nga ang
kain noong dalawa," napangiti ito kapag kuwan.
She sigh. Mabuti naman at walang naging problema ang ina niya sa kabilang resort.
Dahil kung dumating sa punto na pati luto ng ina niya ay pinulaan ng bisita ng amo
ni Inang Carmen ay hinding-hindi na niya pababalikin ang ina sa lugar na iyon.
"Sa Lunes nga pala, Yzel. Baka puwedeng ikaw na muna ang magluto sa kabilang
resort? Sasamahan ko ang Tatay Eli mo sa doktor niya sa Lucena." Iyon ang monthly
check-up ng kanyang ama.
Tinanguan niya ito. "Sige po, 'Nay."
Kinabukasan ng umaga, matapos makapagluto ng ilang putahe ng ulam si Yzel sa
karenderya ay pinatao muna niya saglit si Liezel doon.
"Dadalhin ko lang itong pinabili ni Nanay na alimango," paalam pa niya rito.
"Babalik din agad ako. Ikaw na muna ang bahala rito, ha?"
"Sige, Ate Yzel."
Dala ang bayong na may laman na malalaking alimango na sumakay ng tricycle si Yzel.
Iyon ang unang pagkakataon na makakatuntong siya sa binabantayang resort ni Inang
Carmen.
Nang makarating sa bukana ng resort ay bumaba agad siya sa tricycle. "Pakihintay na
lang po ako, Manong."
"Walang problema."
Nagmamadali na siyang pumasok sa rehas na gate. Tinalunton niya ang may kahabaang
driveway patungo sa malaking rest house.
"Wow," mahina niyang anas ng makita ang loob ng bahay bakasyunan. Mas 'di hamak na
mas maganda iyon kaysa sa rest house ng mga Ramos. Nagkikintaban ang mga antigong
gamit. Pati ang sahig na yari sa kahoy ay makintab rin. Alaga sa floor wax.
Nagpagpag muna siya ng suot na sandals bago maingat na naglakad papunta sa kusina.
Mabuti na lang at tanaw iyon buhat sa may entrada ng bahay.
Sumilip pa siya sa nakasiwang na pinto ng kusina. Nakita niya ang ina na abala sa
paggagayat ng bawang.
"'Nay," aniya na lumapit na rito dala ang bayong. "Heto na ho ang mga alimango."
"Salamat, anak. Ipatong mo na lang diyan sa sahig."
Inilibot niya ang tingin sa kusina. 'Di maikakaila na mayaman talaga ang may-ari
niyon. May halong pagka-moderno ang naturang kusina.
"Si Inang Carmen po nasaan?"
"Naglalaba sa likod bahay."
Napatango-tango na lang siya. "Sige po at babalik na rin ako sa Karenderya.
Naghihintay 'yung tricycle sa labas, eh."
"Sige at mag-iingat ka."
Lumapit muna siya sa kanyang ina at hinalikan ito sa pisngi. "Alis na po ako."
Saktong paglabas niya sa pinto ng kusina ay siya namang pagpasok ng isang bulto ng
tao. Muntik pa siyang mabunggo roon kung hindi lang siya agad nakapag-preno sa
paglalakad.
"Ay, Sir, gising na po pala kayo. Nagugutom na ho ba kayo?"
Unti-unti ang ginawang pag-angat ng tingin ni Yzel sa lalaking muntikan na niyang
mabunggo. Napalunok pa siya bago bahagyang nagyuko. "Pasensiya na ho," hingi niya
ng paumanhin bago nagtuloy-tuloy sa paglalakad.
Nahabol pa siya nito ng tingin bago bumaling kay Nanay Marcy. "Sino po 'yung
Diyosang naligaw rito sa resort namin?"
Natawa si Nanay Marcy. "Anak ko ho, Sir. Si Yzel."
NAPANGITI na naman si Dandrick. Nagsalubong na ang mga kilay ni Triv sa inaakto ng
kaibigan. Kagabi pa ito weird ang kilos.
"Ano bang nangyayari sa iyo? Nanunu ka ba?"
Tumawa si Dandrick. "Hindi. Naalala ko lang 'yung anak ni Aleng Marcy. Sayang hindi
mo nakita. 'Yung tipo ng babae na akala mo ay sa FHM magazine lang nag-i-exist sa
kaseksihan at kagandahan, mayroon din pala rito sa Borawan Island."
Napailing siya. Babae na naman pala ang nasa utak nito. Nagpatuloy na siya sa
paglalakad. Kagagaling lang nila sa may dulong bahagi ng beach resort kung saan may
maliit na kuweba ng umagang iyon.
Tinanaw pa niya ang dagat. Nag-uumpisa na ring sumakit ang sikat ng araw na
tumatama sa kanyang balat. Nakaka-relax ang buong lugar. Pakiramdam niya ay
tinatangay ng hangin ang anumang bigat sa dibdib niya.
"May luto na kaya sila?" sabi pa niya na dumiretso na sa may kusina kasunod si
Dandrick, ng makarating sila sa rest house.
Kalalapag lang ni Aleng Marcy ng mainit na kanin sa lamesa ng bungaran nila ito.
"Good morning mga Sir," bati pa nito sa kanila. "Mag-almusal na ho kayo."
Tumango siya bago dumiretso muna sa kusina upang maghugas ng kamay. Ganoon din si
Dandrick. Natigilan pa siya ng may mapansing bata na nakaupo sa isang silya na nasa
may kitchen island. Nasa dalawang taon ang edad. Bata pa lang pero kita na agad ang
pagkagandang lalaki nito.
Nagkatinginan sila ng kaibigan. "Sino 'yon?" Tanong pa niya rito.
Nagkibit-balikat ito. "I don't know?"
"Ay, Sir, pasensiya na po at isinama ko ang apo ko. Wala ho kasing kasama sa
bahay," ani Aleng Marcy na nilapitan ang apo. Alanganin pa itong ngumiti sa kanila.
"Anak po ito noong panganay ko na pumunta po rito kahapon ng umaga," imporma nito.
"Behave ka lang, Arkin, ha?"
Tumango ang bata na nakatingin pa rin sa kanya. Maging siya ay hindi maialis ang
tingin dito. Something is on this kid na hindi niya mabigyang pangalan. Napakurap
siya ng tapikin siya ni Dandrick sa balikat.
"Maghugas ka na ng kamay ng makakain na tayo," nagpatiuna na ito sa may lababo.
"Shit, may anak na pala 'yung Diyosa na 'yon." Napailing pa ito habang naghuhugas
ng kamay.
Isang sulyap pa sa bata at naghugas na rin siya ng kamay. Napangiti siya sa
reaksiyon ni Dandrick sa nalaman.
Matapos kumain ay muli niyang binalikan ang cute na bata sa kusina. Nakaupo pa rin
ito sa silya. Naghugas muna siya ng kamay bago ito nilapitan.
"Kumain ka na?" Marahan itong tumango. Nakatitig na naman ito sa kanya. Bahagya
niya itong nginitian para hindi matakot sa kanya. "Gusto mo ng chocolate?"
Umiling ito. "Ayaw po ni mama na kumakain ako ng matamis."
Lalo siyang naaliw sa bata ng marinig itong magsalita. Nakakaintindi na ito at
marunong na ring sumagot. "Talaga? Bakit daw?"
"Mabubulok po ang ipin ko."
Natutuwang ginulo niya ang buhok nito. "Samahan mo na lang ako sa labas. Tara?"
Tumingin ito sa likuran niya. Naroon ang lola nito at mukhang natutuwa silang
tingnan. "Lola, okay lang po ba?"
Tumango si Aleng Marcy. "Basta behave ka lang at 'wag pasaway kay Sir."
"Opo."
"Sa labas lang po muna kami," paalam pa niya sa kusinera bago inalalayang bumaba ng
bangko ang bata. "Ano'ng pangalan mo?"
"Arkin po."
Chapter 14
ARAW ng linggo, sinamantala ni Yzel ang malaking tubig ng hapong iyon sa dagat.
Malaki ang tubig pero hindi naman ganoon ka-alon ang dagat. Pagkalagay ng malaking
tuwalya sa bato sa loob ng maliit na kuweba ay walang kiyemeng hinubad ni Yzel ang
suot na dress. Natira ang two piece swim suit na parati niyang isinusuot kapag
naliligo sa dagat. Kapag ganoon ang suot niya ay mag-isa lang siyang naglalangoy sa
dagat. Kahit si Arkin ay hindi niya isinasama. Pakiramdam niya ay solong-solo niya
ang malaparaisong lugar na iyon.
Napangiti siya. Pagkuwan ay lumusong na rin sa dagat. Naliligo lang siya sa dagat
ay tuwing hapon. Hindi na kasi masakit sa balat ang sikat ng araw. Idagdag pa na
iwas sunburn din.
Ilang beses siyang nagpabalik-balik sa pampang at medyo malalim na parte ng dagat.
Nang mapagod ay napagdesisyunan niyang umahon na muna. Mamamahinga lang siya at
sasabak ulit sa paglalangoy mamaya.
Nayapos niya ng bahagya ang katawan ng dumampi sa balat niya ang hampas ng hangin.
Bahagya siyang nanginig dahil sa lamig na dulot ng hanging iyon.
Napakunot ang kanyang noo ng hindi makita sa pinatungang bato ang dala niyang
tuwalya. Pati damit niya ay wala rin doon. Sa tagal niyang naliligo roon ay ngayon
lang ito nangyari sa kanya. Nilalamig na siya at masyado ring lantad ang halos
hubad niyang katawan. Wala naman sigurong engkanto roon na nakatuwaang paglaruan
siya?
"Looking for this?"
Daig pa niya ang itinulos sa kinatatayuan ng marinig ang boses na iyon. Parang
nananadya pa ang hangin dahil bigla iyong umihip dahilan upang mangatog siya sa
lamig. Ikinurap-kurap niya ang mga mata. Pagkuwan ay marahang pumihit paharap sa
pinanggalingan ng boses na iyon.
Napalunok pa siya ng makita ang nakangiting matangkad na lalaki. Guwapo ito at
mukhang puro kapilyuhan ang alam sa buhay. Patunay na ang pagka-starstruck nito sa
katawan niya. Daig pa nito ang nakakita ng Diyosang bumaba sa lupa. Ito rin ang
lalaki sa kabilang resort na muntikan na niyang makabunggo.
"S-Sa akin 'yan."
"I know." Lumapit ito sa kanya at inabot ang towel at dress niya. "Nababasa kasi ng
hampas ng alon kaya kinuha ko para hindi mabasa."
Mabilis niya iyong kinuha at ibinalot sa katawan ang tuwalya. Pagkuwan ay wala ng
lingon-likod na naglakad palayo sa lalaki. May pagmamadali sa paglalakad niya upang
hindi na siya nito kulitin pa. Nakakahiya lang na may nakakita sa kanyang paliligo.
Kinabukasan ay inagapan ni Yzel ang gising. Pinaghanda muna niya ng almusal ang
pamilya niya bago pumunta sa kabilang resort. May check-up ang Tatay Eli niya kaya
sasamahan ito ng kanyang ina sa doktor nito sa Lucena City. Si Bon naman ay walang
pasok kaya ito ang magbabantay kay Arkin.
Heavy meal daw ang inihahanda ng kanyang ina para sa almusal ng mga bisita sa rest
house na iyon ayon kay Inang Carmen.
"Inang Carmen, itong Longganisang Lucban ang lulutuin ko. Tamang-tama po kasi at
maraming kaning lamig. Bagay sa sinangag ang longganisa."
"Ikaw ang bahala at ikaw naman ang eksperto riyan," anito na tuloy sa pagwawalis ng
sahig.
Ilang sandali pa ay naging abala na siya sa ginagawa. Nagluto rin siya ng adobong
baboy. Napangiti siya ng umalingasaw ang mabangong amoy ng adobo niya.
Si Inang Carmen na rin ang naghain sa lamesa sa may komedor. Nagtimpla rin siya ng
kape dahil ayon dito ay mahilig daw sa kape ang kasama ng amo nito.
Nang matimpla ang kape ay dinala na niya iyon sa komedor. Saktong pagkalapag niya
ng kape sa lamesa ay nakarinig siya ng papalapit na yabag. Nag-angat siya ng tingin
upang batiin ang paparating at anyayahan ng kumain.
"Magan–" halos hindi na niya naituloy ang pagbati ng mapagsino ang dumating.
Napatda siya sa kinatatayuan ng matitigan itong mabuti. Nakatingin din ito sa kanya
ngunit walang mababakas na anumang emosyon. 'Yung tipong ni minsan ay hindi siya
nito nakita o nakasama sa nakaraan. Napalunok siya at pasimpleng ikinurap-kurap ang
mga mata. Ngunit hindi nawala sa paningin niya si Triv. Totoong nakatayo ito
malapit sa kanya. Bigla ang pagkurot ng pino sa kanyang puso. Naroon pa rin ang
sakit na dulot ng nakaraan.
"Sir, kain na ho kayo kung nagugutom na po kayo," basag ni Inang Carmen sa
katahimikan ng makita ang bisita ng amo.
Saka lang siya napakurap ulit. Lampasan na ngayon ang tingin sa kanya ni Triv.
Dumiretso ito sa katabi niyang upuan. Huminga siya ng malalim upang palisin ang
bikig na nag-uumpisa ng mamuo sa lalamunan niya. Bigla ang panlalamig ng pakiramdam
niya. Nang makabawi ay nagmamadaling bumalik siya sa kusina.
Bigla niyang naalala 'yung ikinuwento noon ni Inang Carmen na naaksidente ang
kasama ng amo nito. Ibig niyong sabihin ay si Triv ang tinutukoy nito sa kuwento.
At na-comatose ito ng dalawang taon at kalahati. Kagigising lang din nito noong
nakaraang buwan.
Nasapo niya ang noo. Nanakit bigla ang ulo niya sa mga nalaman. Unti-unti na rin
ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. Minabuti na muna niyang lumabas ng kusina. Sa
back door siya dumaan. Dumiretso siya sa may dagat at doon huminga ng malalim ng
kung ilang beses.
Bakit kailangan pa nilang magkitang muli ni Triv? Muli na naman nitong ginulo ang
nananahimik na niyang mundo.

Chapter 15
HINDI nag-abalang mag-angat ng tingin si Yzel ng may pumasok sa kusina. Abala siya
sa paggagayat ng sangkap para sa request ni Sir Dan na Kare-kare.
Kung maaari nga lang na umuwi na ay ginawa na niya. Hindi na siya kumportable sa
bahay na iyon, lalo na sa kaalamang naroon din si Triv. Naiiyak na naman siya.
"Anak mo pala si Arkin," agaw ni Dandrick sa atensiyon niya.
Bahagya niya itong sinulyapan. Marahan siyang tumango. "Oho."
"Ang cute niyang bata. 'Yung kaibigan kong si Triv, ayon maghapon kahapon na kalaro
ang bata. Ngayon lang 'yon nahilig sa bata."
Dumulas sa kamay niya ang kutsilyo dahil sa narinig. Imbis na mahiwa ang bawang ay
ang hintuturo niya ang nahiwa. Napangiwi siya ng maramdaman ang sakit mula sa may
hiwa niyang daliri. Namuti muna ang parteng nahiwa bago lumabas ang dugo.
"Careful," ani Dandrick na mabilis kinuha ang kamay niya at dinala sa tapat ng
gripo. Saglit nitong pinatuluan ng tubig ang sugat niya bago pinunasan ng tissue.
"Stay here. Kukuha lang ako ng first aid kit."
"H-Hindi na, Sir."
"I insist," anito na nagmamadali ng lumabas ng kusina.
"Pambihira ka naman Yzel," sita pa niya sa sarili. Kumuha siya ng tissue at
pinangtapal sa daliri niyang may hiwa. Panay ang labas ng dugo roon. Napalunok pa
siya ng pagmasdan ang kamay. Bahagya siyang nakaramdam ng hilo dahil sa nakikitang
dugo.
Akmang papaling siya sa kitchen Island ng may kumuha sa kamay niyang may hiwa.
Napaawang ang labi niya ng makita si Triv. Napakalapit nito sa kanya. Nakapasok ito
ng kusina ng hindi niya namamalayan.
"Bakit kasi hindi ka nag-iingat?"
Lalo siyang napipilan sa paninita nitong iyon. As if he care a lot. Wala siyang
nagawa kundi ang matulala rito. Ang init ng kamay nitong nakahawak sa kamay niya.
Tila bumalik siya sa nakaraan. The same feeling, kapag ganito sila kalapit sa isa't
isa. Naalala niya noong nahiwa rin siya sa kamay dalawang taon na ang nakakaraan.
"Dan, faster!" malakas pa nitong tawag sa kaibigan. "Kapag hawak mo 'yung kitchen
knife, dapat naka-focus ka sa ginagawa mo," sita na naman nito.
Napapalatak pa si Dandrick ng makabalik ng kusina dala ang first aid kit. "Pare,
kalma. Hiwa lang 'yan at hindi saksak."
Binawi niya ang kamay kay Triv ngunit hindi nito iyon binitiwan, sa halip ay ito pa
ang gumamot sa sugat niya. Hindi niya maiwasang mapatitig na lang sa guwapong mukha
ni Triv. Hindi ba siya nito maalala? Bakit wala itong ibang reaksiyon na mababakas
sa mukha? Nagka-amnesia ba ito? Gusto niyang magtanong pero hindi niya magawa.
Pinigilan niya ang pagsungaw ng luha sa mga mata niya. Kinagat niya ang ibabang
labi at pinilit magpakatatag sa nararamdamang kirot sa dibdib.
"Yzel, ingat sa susunod, ha?" sabi pa ni Dandrick na nagpakurap sa kanya.
Atubili ang ginawa niyang pagtango. Nang sa palagay niya ay okay na ang kamay niya
matapos balutan ng gasa ang daliri niyang nahiwa ay ipinasya na niyang balikan ang
ginagawa.
"S-Salamat po sa paggamot," aniya na hindi makatingin kay Triv. Napatingin siya sa
kamay niyang hawak pa rin ni Triv. Nang tingnan niya ito ay doon din ito
nakatingin. Pagkuwan ay umangat ang tingin sa kanya. Nang magtama ang mga tingin
nila ay hindi agad siya nakabawi. Nasasaktan siya dahil blanko ang ekspresyon nito.
Walang bakas ng rekognasyon.
"Triv, ang mabuti pa ay doon na muna tayo sa labas. Nakaka-distract lang tayo rito
sa kusina," ani Dandrick na tinapik na sa balikat si Triv bago nagpatiuna palabas
ng kusina dala ang first aid kit.
Bago bitiwan ni Triv ang kamay niya ay naramdaman pa niya ang bahagya nitong
pagpisil doon. Kung may ibig mang sabihin iyon ay hindi niya alam.
Saka lang tumulo ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Mabilis niya iyong pinalis
ng kamay.
"Anong nangyari?" bahagya pa ang paghingal ni Inang Carmen ng pumasok sa kusina.
"Dinig ko sa labas ang sigaw ni Sir."
Tumikhim siya upang palisin ang bikig na nakabara sa lalamunan niya. "N-Nahiwa ho
ako," aniya na muling ipinagpatuloy ang paggagayat.
Nang masigurong tapos ng maghapunan sina Triv at Dandrick ay ipinasya na rin ni
Yzel na umuwi na. Mamamaybay na lang siya sa may dalampasigan pauwi. Mas natatakot
siya kung sa kalsada siya dadaan na mag-isa.
"Pauwi ka na?"
Napatingin siya kay Dandrick na nakangiti sa kanya. Alam naman nitong may anak na
siya ngunit heto at mukhang nagpapa-cute pa sa kanya. Sa isip ay napailing siya.
Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya. Kung alam na nito, ibig sabihin ay alam
na rin ni Triv na anak niya si Arkin. Pero bakit parang baliwala lang kay Triv na
may anak siya? Tuluyan na ba siya nitong kinalimutan?
"Nagka-amnesia ba si Sir Triv?" hindi na niya napigilang itanong kay Dandrick.
Kumunot muna ang noo nito. "Bakit?"
"A-Ah, kasi sabi ni Inang Carmen na-aksidente siya at na-comatose ng matagal,"
mabilis niyang dahilan.
"Ah," anito bago marahang tumango. "Oo, mild amnesia kasi natatandaan niya 'yung
ibang tao na matagal ng malalapit sa kanya. Ang nakalimutan niya ay 'yung mga taong
kakikilala pa lang niya bago siya na-involve sa car accident. 'Yon ang paliwanag ng
doktor sa amin."
Kung ganoon ay isa siya sa nakalimutan ni Triv. "Ganoon po ba," sabi na lang niya
bago nagpaalam na rito. "Mauna na ho ako, Sir."
"Ang pormal mo naman, Dandrick na lang. Ihatid na kita kung okay lang?"
Umiling siya. "Hindi na ho."
Akmang kokontra pa ito ng tumunog ang cellphone nito. Agad itong nag-excuse sa
kanya. Sinamantala na niya iyon upang umalis.
Saka pa lang siya tila nakahinga ng maluwag ng makarating sa dalampasigan. Hibas
ang dagat ng gabing iyon kaya naman malayo ang tubig dagat sa pampang. Dalawang
araw din mula ng araw na iyon ay kabilugan na ng buwan kaya naman maliwanag ang
sikat ng buwan habang binabagtas niya ang daan papunta sa kabilang resort.
"Hindi ka ba natatakot na nangangahas ka ngayon na maglakad sa ganitong klaseng
lugar?"
Kung may sakit siguro siya sa puso ay baka bumulagta na siya sa buhanginan dahil sa
atake sa puso. Gayon pa man ay hindi niya naiwasan ang mapasinghap at mapahawak sa
dibdib dahil sa gulat.
Nang lumingon siya sa likuran niya ay nakita niya ang malaking bulto ni Triv na
nakasunod sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ito. Ang puso niya bigla-
bigla ang pagiging erotiko ng tibok. Imbis na mangibabaw ang galit niya rito dahil
sa ginawa nito dalawang taon na ang nakalilipas ay hindi niya magawa.
Huminga muna siya ng malalim bago pinilit magsalita. Malinaw pa rin sa paningin
niya ang guwapo at simpakito nitong mukha. Salamat sa buwan na siyang naging
tanglaw nila ng gabing iyon.
"B-Bakit mo ako sinusundan?" O baka naman naglalakad-lakad lang ito upang bumaba
ang kinain at heto siya at nag-a-assume naman. "Nagpapahindag ka siguro," bawi niya
na tinalikuran itong muli at pinilit ihakbang ang mga paang animo nakatulos na sa
buhanginan. "Hindi naman ho delikado sa lugar na ito," sagot niya sa sinabi nito
kanina.
"I don't think so."
May part sa kanya na gusto na itong pabalikin sa rest house. May part naman na ayaw
pa niya. Sandali siyang napapikit ng mariin. God, bakit kailangan pa kaming magkita
ulit? Bakit sa ganitong paraan pa? Bakit imbis na magalit ako sa kanya ng sobra ay
iba 'yung nararamdaman ko sa puso ko? Hindi ito awa lang dahil sa nangyari sa
kanya. Alam ko higit pa roon.
Nang imulat niya ang mga mata ay may namumuo na roong mainit na likido. Naalala
niya si Arkin, nakasama na nito ang ama nito ngunit wala itong kamalay-malay sa
bagay na iyon. Tuluyan ng nahulog ang butil ng luha buhat sa mga mata niya.
Kinagat niya ang ibabang labi upang hindi mapahikbi. She want to cry out loud
ngunit hindi maaari dahil nasa likuran lang niya si Triv. Patuloy na nakasunod sa
kanya.
Hanggang sa makarating sila sa may dulong parte ng resort nina Dandrick ay naroon
pa rin si Triv. Hinarap na niya ito. Muntikan pa siyang mapabunggo rito. Mabuti na
lang at napaatras siya ng bahagya.
"Malapit na ho 'yung sa amin dito. Puwede na kayong bumalik sa rest house," mabuti
na lang at hindi nanginig ang boses niya ng sabihin iyon.
"Ihahatid na kita hanggang sa inyo," he insist na nilampasan na siya.
Marahas siyang nagpakawala ng hininga. Hindi na yata talaga mawawala ang ugali
nitong iyon.
"Triv..." Huminto ito sa paglalakad ngunit hindi siya nilingon. May parte ng
pagkatao niya ang tila desperada ng mga sandaling iyon. Humakbang siya palapit
dito. Ayon sa kasabihan, makalimot man ang isipan ng isang tao ngunit hindi kailan
man ang puso. Ibubuka sana niya ang bibig ng maunahan siya nitong magsalita.
"Layuan mo si Dandrick," anito bago siya nilingon. "He told me that she like you,
kahit na may anak ka sa pagkadalaga. Siya 'yung tipo ng lalaki na hindi marunong
magseryoso sa babae. Kaya 'wag mo ng subukan na patulan siya."
Tila kinurot na naman ang puso niya. Mukha ba siyang papatol kay Dandrick? Ni hindi
nga niya matagpuan ang sarili na magkagusto sa kaibigan nito. "Wala sa isip ko
'yon." Hindi mo ba talaga ako matandaan, Triv?! sigaw na niya sa isip niya. 'Wag mo
itong gawin sa akin, please. Masakit. Ang sakit-sakit.
"Mabuti naman kung ganoon."
Tuluyan na siyang napahikbi habang nakatingin dito. "H-Hindi mo ba talaga ako
maalala?" Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang hikbing akmang kakawalang
muli sa kanyang bibig. Hinayaan na niyang tumulo ang kanyang luha. Kapag ganitong
pagkakataon mahirap ng magpigil. Baka sumabog na ang dibdib niya sa sobrang
pagpipigil.
Kita niya kung paano lumambong ang mata nitong nakatitig sa kanya. Bumuka ang labi
nito ngunit walang namutawing salita roon. Muli nito iyong itinikom.
"Magsalita ka."
Matagal bago ito sumagot. "Wala."
Kagat labing napatango-tango siya. Alam niyang masasaktan lang siya ngunit heto at
sumugal pa siya. "G-Ganoon ba?" napasigok pa siya ng muling magsalita. Akmang
lalapitan siya nito ng umatras siya. "'Wag mo akong lalapitan kung hindi mo rin
naman ako natatandaan," iyon lang at nagmamadali na siyang humakbang palayo rito.
Halos takbuhin niya ang dalampasigan makalayo lang kay Triv.
KUNG MAAARI lang ay hindi na pupunta pa sa resort na kinaroroonan ni Triv si Yzel.
Dangan nga lamang at naghihintay roon ang kanyang ina para sa pinakisuyo nitong
malalaking pusit.
"Yzel," bati pa sa kanya ni Dandrick ng makita siya nito na palabas ng rest house
ng mga ito. "Naligaw ka yata?"
"Ah, idinaan ko lang 'yung pinabiling pusit. Paalis na rin ho ako. Dadaan pa ako sa
bahay, eh." Kung maaari lang ay iniwan na niya ito. Ayaw niyang makita si Triv.
"Ganoon ba? Nakaka-miss 'yung luto mo," sabi pa nito.
Hindi siya nakasagot.
"Stop flirting her, Dandrick." Madilim ang ekspresyon ng mukha ni Triv ng lumabas
mula sa rest house.
Iiwas sana ni Yzel ang tingin kay Triv ng dumiretso ito sa kinatatayuan niya at
hilahin siya palayo kay Dandrick.
Nabigla siya sa ginawa nito kaya para siyang papel na tangay-tangay nito. Hindi ito
tumigil sa paglalakad hanggat hindi sila nakakalayo sa rest house. Habol pa nito
ang paghinga ng makarating sila sa dulong bahagi ng resort. Doon siya nito
binitiwan at galit na hinarap.
"Sinabi ko ng layuan mo siya 'di ba?!"
Nagulat man sa galit nitong reaksiyon ay nagawa pa rin niyang makabawi. "Paalis na
ako, dumating ka lang. At saka siya 'yung lumapit at hindi ako."
"He's flirting you for petes sake!"
Ayaw sana niyang makipagsabayan sa galit nito ngunit naiinis na siya rito. "Ano
naman sa iyo?"
Bumakas lalo ang galit sa mukha nito. "Ano naman sa akin? Gusto mong malaman kung
ano sa akin, huh? Nagpipigil lang ako pero gustong-gusto ko ng suntukin sa mukha si
Dandrick. Ayokong nilalapitan ka niya. Ayokong magkagusto siya sa iyo. Ayokong
marinig 'yung pagpapantasya niya sa iyo kapag magkasama kami. Dahil ako lang ang
may karapatan sa iyo!"
Lumambot bigla ang anyo niya sa narinig na sinabi nito. "A-Anong ibig mong
sabihin?"
"Ayoko ng magpanggap, Khlaryzel. Hindi totoong wala akong maalala. Damn," anito na
walang sabi-sabing kinabig siya at hinalikan sa napaawang niyang mga labi.
Natahimik maging ang paligid. Tanging mumunting hampas ng alon sa batuhan ang
tanging naririnig ng mga sandaling iyon.

Chapter 16
TUMINO sa isip niya ang sinabi ni Triv. Katotohanang hindi naman talaga nawala ang
alaala nito. Kaya imbis na magpadala sa marubdob nitong paghalik sa kanya ay
pinilit niyang makawala rito. Itinulak niya ito.
"A-Anong sabi mo? H-Hindi totoo na nagka-amnesia ka?" Hindi makapaniwalang tanong
niya rito. Lalapit sana ito sa kanya ng umatras siya. "'W-Wag kang lumapit." Kung
ganoon ay naaalala siya nito. Pero bakit nito nagawang magpanggap pati sa kanya?
Dama niya ang pananakit ng lalamunan dahil sa pinipigil na emosyon. "Bakit pati
sa... sa akin ay nagawa mong magpanggap na hindi mo ako maalala? D-Dahil ba
hanggang ngayon iniisip mo pa rin na niloko kita noon?" on that point ay unti-unti
ng sumungaw ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Hindi sa ganoon."
May pagsusumamong mababakas sa mukha ni Triv na sana ay pakinggan niya ito. Ngunit
tila siya nilamon ng sama ng loob ng nga sandaling iyon.
"Makinig ka sa paliwanag ko. Please?" Akmang hahawakan siya nitong muli ng umatras
siya.
"Para ano pa?" Lumunok siya. "Wala ka namang dapat na ipaliwanag." Mapait siyang
ngumiti. "Wala ka nga palang atraso sa akin." Tinalikuran na niya ito at
nagmamadaling naglakad palayo rito.
"Alam ko hindi pa sapat ang salitang sorry sa lahat ng kagaguhang nagawa ko noon at
ngayon," habol nito sa kanya. "Pero sana patawarin mo ako, Khlaryzel. Patawad kung
pati sa iyo ay nagawa kong magpanggap na hindi kita naaalala. I admit, pati sa
parents ko nagpanggap ako. Dahil ayokong tanungin nila ako ng tanungin, kahit kay
Dandrick. I want space. Kaya pumayag ako noong alukin ako ni Dandrick na pumunta
rito sa resort nila. Balak ko ay isang buwan lang. Isang buwan lang akong
magpapahinga para ibalik 'yung lakas ko. Pagkatapos noon, saka ako babalik sa
Manila para ayusin ang mga dapat ayusin at para hanapin ka. Dahil gusto ko kapag
nagkita tayo ay okay na ako. Malayo sa Triv na dalawang taon at kalahati na
nakaratay sa hospital bed. Pero hindi ko rin naman inaasahan na dito pa tayo
magkikita ulit. Hindi ko alam kung nananadya ba ang pagkakataon. Nagulat din ako
noong nakita kita sa rest house. Akala ko nananaginip lang ako. Gusto kitang
lapitan noon at yakapin ng mahigpit pero hindi ko magawa. Dahil hindi pa ako handa
na harapin ka na ganito ang sitwasyon ko. Pakiramdam ko ang layo layo ko sa dating
Triv na nakasama mo noon. Siguro nga parusa sa akin ng Diyos ang maratay sa higaan
ng matagal na panahon dahil sa kagaguhang nagawa ko sa iyo noon. Pero alam naman
Niya na wala akong ibang hiniling kundi ang makita ka at sana hindi pa huli ang
lahat. Makinig ka naman," nang maabutan ni Triv si Khlaryzel ay mabilis nitong
pinigilan ang dalaga sa braso.
Pakiramdam niya ay nauubos na ang lakas niya ng mga sandaling iyon. Wala siyang
ibang gustong gawin kundi ang umiyak lang ng umiyak. Hindi na siya nagtangka pang
lumayo. Nang balingan niya si Triv ay wala naman siyang nakikitang nagbago. Ito pa
rin 'yung lalaking minahal niya noon. 'Yung lalaking hanggang ngayon ay naghahatid
pa rin ng kilabot sa katawan niya. Para sa kanya walang nagbago. Kahit katiting
wala.
"Bago kita nakilala noon," simulang muli ni Triv. "Nagpa-sperm test ako. Dahil
gusto kong malaman kung may kakayahan akong magkaroon ng anak. At alam mo ang
resulta?" Mapait itong napangiti. A trace of tears is on his eyes. "That fucking
doctor," puno ng pait na sabi nito. Naroon ang galit sa boses nito para sa
tinutukoy nito. "Sinabi niya sa akin na wala akong kakayahang magkaroon ng anak.
Sinigurado niya 'yon sa akin. Kaya hindi mo ako masisisi na imbis na matuwa ako sa
sinabi mo sa akin noon na buntis ka ay mas nagalit pa ako. Bakit kita mabubuntis
kung baog ako?"
"Kaya inakusahan mo ako na pumatol sa iba noong wala ka. Tapos bigla-bigla
mababalitaan ko na engage ka na sa iba. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon, huh?
Ang sakit-sakit, Triv!"
"I'm sorry."
"Hindi na maibabalik ng sorry mo 'yung nangyari."
"Hindi pa ba sapat na matagal na panahon akong walang silbi at walang nagawa? Noong
araw na naaksidente ako, alam mo ba kung saan ako galing, huh? Galing ako sa inyo.
Hoping na makikita kita roon. I want to explain everything to you that day. Pero
wala na kayo. Kung kailan umamin 'yung doktor na iyon kung ano ang totoo, huli na.
Hanggang sa maaksidente ako. Lalo akong walang nagawa para hanapin ka at itama ang
pagkakamali ko. Noong magising ako. Alam ko may mali sa nangyayari. Hanggang sa
magtanong ako sa nurse kung anong year na ngayon. I was shock knowing na matagal
akong walang malay. Hindi mo alam kung gaano kasakit dito," turo pa nito sa dibdib
nito. "Na lumilipas 'yung panahon na hindi ko man lang nagawang itama ang
pagkakamali ko sa iyo." Umiwas ang tingin nito ng may pumatak na luha buhat sa mga
mata nito. Agad nito iyong pinalis at animo nauupos na kandila na napaupo sa
buhanginan. Pinakawalan na rin nito ang braso niya bago hinampas ang buhangin.
"Wala akong kuwenta."
Huminga siya ng malalim bago tumanaw sa malayo. Sa narinig na paliwanag nito ay
dagling nawala ang anumang galit niya rito. Bago ito masangkot sa aksidente ay wala
itong ibang inisip kundi siya. Tapos ngayong gising na ito ay siya pa rin. Kung
siguro ay hindi na nagsinungaling pa ang doktor na iyon ay tiyak na hindi hahantong
sa ganito ang lahat. Wala sanang panahon ang nasayang. Lumaki sana si Arkin na may
kinikilalang ama.
"Kung hindi ka pa handang patawarin ako ngayon. Uunawain ko," muling wika ni Triv.
Nakagat niya ang ibabang labi. Gusto niyang ibulalas na pinapatawad na niya ito.
Pero hindi niya magawang bigkasin ang katagang iyon. Sa halip...
"N-Natuloy ba 'yung kasal mo?" Gusto niyang malaman ang bagay na iyon. Hinarap
niyang muli si Triv.
Umangat ang tingin nito sa kanya. Bahagyang namumula ang mata nito. "No. At kahit
nagising na ako ngayon ay wala pa rin akong balak na ituloy iyon. Sina mommy lang
naman ang may gustong magpakasal ako." Tumayo na ito habang hindi inaalis ang
tingin sa kanya. "Si Arkin. Anak natin siya. 'Di ba?"
Sandali niya itong pinagmasdan lang bago umiling. "Hindi mo anak si Arkin. Ni hindi
mo nga siya kahawig. At isa pa, ikaw na rin ang nagsabi sa akin noon na hindi
mangyayari na magkakaroon tayo ng anak." Nakita niya kung paano maging emosyonal
ang mukha nito sa sinabi niyang iyon. Kasinungalingan lang iyon. Gusto lang niyang
malaman kung ano ang magiging reaksiyon nito.
Nagkibit balikat ito pagkuwan. "Ayos lang kahit ipamukha mo sa akin ang
pagkakamaling nagawa ko sa iyo. At kahit igiit mong hindi ako ang ama ni Arkin,
hindi naman niyon mababago ang katotohanang ako ang ama niya. Hindi ko na rin
kailangan pang magpa-DNA test para lang patunayan ang bagay na iyon. At isa pa,
napakagaan ng loob ko sa kanya."
Hindi na siya nakipagtalo pa kay Triv. Nakontento na lang siya na titigan ito. Kung
sana ay pansin din nito na kahawig nito ang anak nito. Hindi na niya napigilan pa
ang kamay na umangat at damhin ang pisngi nito. May unti-unting ngiti na sumilay sa
mga labi niya ng madama ang init na nagmumula rito. Maging ang damdamin niya rito
na tila natulog lang ng ilang panahon ay animo nagising ng tuluyan.
Kumilos ang kamay ni Triv. Hinawakan nito ang kamay niyang nakahawak pa rin sa
pisngi nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Dinala nito iyon sa labi nito
at ginawaran ng masuyong halik. Kakaibang kilabot ang hinatid niyon sa pagkatao
niya.
"I'm sorry," he whisper. "Hayaan mo akong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko at
itama 'yung pagkakamali ko. Let me. Please," pakiusap nito.
Sa huli ay tumango na rin siya. Bakit pa ba niya pahihirapan si Triv kung seryoso
naman ito? Nagdusa na rin ito at ayaw na niyang dagdagan pa iyon. Sarili lang din
naman niya ang pahihirapan niya.
Nakahinga ng maluwag si Triv sa ginawa niyang pagtango. Agad siya nitong kinabig at
niyakap ng mahigpit.
"Thank you."
Napakurap-kurap siya ng matanawan si Dandrick na hinahayon na ang pabalik sa rest
house. Mukhang narinig nito ang kung ano mang pag-uusap nila ni Triv.
"'Yung kaibigan mo," mahina niyang anas.
Bahagyang kumalas si Triv sa pagkakayakap sa kanya at nilingon ang pinanggalingan
nila. He sigh when he saw his friend.
"Mamaya na lang ako magpapaliwanag sa kanya." Muli siya nitong binalingan. May kung
anong ngiti na naglalaro sa labi nito. "Miss me?"
Nakaamoy siya ng malansang isda. Kinutuban siya bigla sa hirit nitong iyon. Triv
will be always be Triv Sauler no matter what.
"Paano kitang mami-miss?" pakli niya rito. "Eh, sa pagkakatanda ko ipinagpalit mo
ako sa kasing yaman mong babae. Sabagay, bagay naman kayong tingnan," aniya na
inilihis ang tingin dito. Napatuon pa iyon sa tapat nila, which is, kuwebang
maliit. Nang muli niyang tingnan si Triv, may ngiti na sa labi nito na umabot sa
mata nito. Lalo itong umaliwalas tingnan.
"Bakit parang nagseselos ka?"
Itinulak na niya ito. "Bakit naman ako magseselos? Wala naman akong pakialam.
Masaya na ako ngayon sa buhay ko kasama ang anak ko."
"Alam ko naman na mas sasaya ka lalo kung kasama mo rin ako. Don't worry because
the feeling is mutual," anito na inisang hakbang ang pagitan nila. Pagkuwan ay
siniil siya ng halik sa labi.
Sa pagkakataong iyon ay kinalas na niya ang rendang nagpipigil sa kanya na tumugon
dito. Ginantihan niya ang halik nito sa paraang alam niya. Bagay na lalong
nagpabuhay sa pagnanasang nararamdaman niya na muling madama ang init ng katawan
nito. Ibinuka niya ang mga labi upang papasukin ang dila nitong nanibasib agad sa
loob niya. Umangat ang mga kamay niya at nangunyapit sa batok nito. Ito naman ay
hinapit siyang lalo upang mapalapit siyang lalo rito.
They kissed, as if, it was the end of the world. Animo wala ng bukas. Wala namang
makakakita sa kanila roon kung sakali dahil wala roong naliligaw na ibang tao.
Hindi rin naman niya masisisi ang sarili dahil ngayon lang ulit siya nahalikan. At
wala rin naman siyang ibang hahangarin na humalik sa kanya kundi si Triv lang. Ito
lang at wala ng iba. Binuhay na naman nito ang katawang lupa niya. Hindi niya
maiwasang mapangiti habang patuloy nitong hinahalikan dahil sa naisip.
"I miss you. I miss you so much, Khlaryzel," he moaned when their lips parted away.
"Halikan mo na lang ako. Matutuwa pa ako sa iyo," aniya na muli itong kinabig at
itinuloy ang naputol na halik. Nag-iinit na ang pakiramdam niya hindi dahil dulot
ng sikat ng araw. Kundi dahil sa nag-uumapaw na pagnanasa ngayon sa kanyang
katawan. At alam niya na ganoon din si Triv. Patunay na ang kanina pang pagwawala
ng alaga nito sa tapat ng tiyan niya.
"Khlaryzel," daing nito sa pangalan niya mayamaya.
"Hmmm?"
Bahagya itong kumalas sa kanya at pinakatitigan siya. "Can we," para pa itong nag-
alangan. "Do it here?"
Pinigil niya ang mapatawa. Pasimple niyang inilibot sa paligid ang tingin. Daig pa
nila ang na-stranded sa isang Virgin Island. Animo sila lang ang tao sa
malaparaisong lugar na iyon. May naglarong ngiti sa labi niya ng mapasulyap muli sa
kuwebang malapit sa kanila. Ibinalik niya ang tingin kay Triv at inilapit sa tainga
nito ang kanyang bibig. "Sa may kuweba," bulong niya.

Chapter 17
KAHIT NA may ideya si Khlaryzel kung ano ang susunod na mangyayari ay tila iyon ang
unang pagkakataon na gagawin niya iyon kasama ng lalaking itinatanggi ng kanyang
puso. Nakaramdam siya ng kakaibang excitement habang akbay-akbay siya nito ng
hayunin nila ang tinutukoy niyang kuweba. Nang makapasok sa kaloob-looban niyon ay
muli silang nagsalo sa isang mainit na halik. Parang nagkasundo ang mga puso nila
sa sandaling iyon. She knew, it wasn't just a lust after all.
Sa bawat haplos nito. Sa bawat halik na pinadadampi sa labi niya. Lalo niyong
pinupuno ang kung ano mang pananabik sa katawan niya. Bumaba ang labi nito sa leeg
niya. Habang ang kamay nitong nakayakap sa kanya ay nag-umpisa ng maglakbay.
Shit. Na-miss ko ito, aniya sa isip. Napapikit siya at dinama ang bawat galaw nito.
Napapakagat labi pa siya. Ni hindi siya komontra ng hubarin nito ang suot niyang
damit. Agad sumampal sa balat niya ang hanging dagat. Kinalas din nito ang pagkaka-
hook ng kanyang bra. Nang wala ng sagabal sa pang-itaas niya ay saglit siya nitong
pinagmasdan. Napamulat tuloy siya at nagtatakang tinitigan ito.
"Bakit?"
Ngumiti ito. "Masaya lang ako."
Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi. "Gagawin pa ba natin o magtititigan na
lang tayo? Pili ka." Bumaba ang isa niyang kamay papunta sa pagkalalaki nito.
Napasinghap ito sa ginawa niya. Nginitian pa niya ito. "Nagwawala na si Junior mo,
oh."
Napalunok pa ito sa sensasyong hinatid ng pagkakahawak niya sa matigas nitong
alaga. Hindi pa siya nakontento at ipinasok sa walking short nito ang kamay niya.
Maging siya ay napapalunok ng madama sa wakas ang pagkalalaki nitong kay tagal
niyang hindi nadama. Bumaba ang tingin niya roon. Maging ang isa niyang kamay ay
bumaba rin upang ibaba ang suot nitong pambaba. Pinagpawisan siya ngunit hindi niya
inalintana.
Napapakagat labi si Triv ng simulan niyang paglaruan ang pagkalalaki nitong hindi
pahuhuli sa haba at tikas. Napahawak si Triv sa dunggot niyang tirik na rin ng mga
sandaling iyon. Pinaglaruan nito iyon ay pinisil-pisil.
Kakaibang pleasure ang hatid niyon sa kanya dahilan upang may kumuwalang mahinang
ungol sa labi niya. Tiningnan niyang muli si Triv. Something is on her mind. Gusto
niyang subukan kung mapapasaya ba niya si Triv. Lumunok muna siya. Half naked sila
parehas ngunit wala iyon sa kanya ng mga sandaling iyon.
"Anong pakiramdam?" aniya habang patuloy sa paghagod sa pagkalalaki nito. Baba-
taas.
"Masarap," bahagya pa itong napapikit. Sa bawat sarap na dulot niya rito ay ang
pagdiin din ng pagpisil nito sa dunggot niya.
"Hayaan mo ako ngayon na paligayahin ka," kinintalan niya ito ng halik sa labi bago
lumuhod sa harapan nito.
"Khlaryzel..."
"Stay foot ka lang diyan." Huminga muna siya ng malalim bago ginawa ang plano.
Hinawakan niyang muli ang matigas nitong armas. And then took it on her mouth.
Teasing every part of it.
"Ah, shit. Khlaryzel. Aaah," daing ni Triv. Napahawak ito sa balikat niya.
Napangiti siya sa naging reaksiyon nitong iyon. Pinagbuti niya ang ginagawa. Animo
isa iyong ice cream on stick na dinidilaan niya at isinusubo. Pinaglaruan pa ng
dila niya ang ulo ng pagkalalaki nito. That make him moan even more. Ganyan nga
Triv. Mabaliw ka sa akin. Ewan ko lang kung hindi ka pa makontento sa akin.
Habang abala siya sa ginagawa ay hinubad na ni Triv ang nahuhuli nitong saplot. Ang
damit nito.
Sa bawat daing at tawag ni Triv sa pangalan niya ay animo musika iyon sa pandinig
niya. Medyo habol na rin ni Triv ang paghinga nito dulot ng sarap na pinalalasap
niya rito ngayon. Minutes later ay bahagya nitong inilayo sa kanya ang alaga nito.
His first orgasm after two and a half years.
"Wew," aniya na napaupo sa buhanginan. Hindi biro ang pagkalalaki ni Triv. American
size. Maging siya ay ramdam na rin ang pagkabasa ng pagkababae niya.
Nang matapos si Triv sa pagpapakawala sa semelya nito ay inilatag nito sa
buhanginan ang damit nito. Napasulyap siya roon. Pagkuwan ay kay Triv na hinawakan
siya sa kanyang kamay at inalalayang tumayo. Muli siya nitong siniil ng halik sa
labi bago kinalas sa pagkaka-lock ang suot niyang pantalon. Tinulungan niya ito na
mahubad iyon. Nang wala ng sagabal pa ay malaya nitong nahawakan at nadama ang
pagkababae niya.
"Aaah," she moaned. Nangunyapit siya sa leeg nito dahil dagli ang panlalambot ng
tuhod niya.
"Higa ka na," bulong nito.
Inalalayan naman siya nito sa paghiga sa inilatag nitong damit. Pinaghiwalay rin
niya ang kanyang mga hita para makapatong ito sa kanya ng maayos. Muling naglapat
ang mga labi nila ng pumaibabaw ito sa kanya. Ang kamay ni Triv na nakahawak sa
pagkalalaki nito ay sinadya pang laru-laruin ang ulo niyon sa pagkababae niya. 'Di
rin naman nagtagal ay nag-umpisa na itong pumasok.
Napasinghap pa siya sa naramdamang bahagyang kirot mula sa pagkababae niya.
Palibhasa ay matagal siyang walang naging karanasang muli sa pakikipagtalik kaya
ganoon na lang kasikip ang butas na pilit pinapasok ng alaga ni Triv.
Humigpit ang kapit niya sa balikat nito. Hanggang sa yumakap na siya rito.
"You're so tight."
"Bilisan mo na," daing niya. Ikinawit niya ang mga binti sa likuran nito ng mag-
umpisa na itong umulos sa kanya. Maging ang mga daliri niya sa paa ay napapatiklop
pa sa sarap na nararamdaman. Dinala na naman siya ni Triv sa kakaibang mundo.
Saksi ang lugar na iyon sa muli nilang pag-iisa ni Triv. Masarap sa pakiramdam na
nararamdaman niya ito sa loob niya. Sabay pa sila nitong nilabasan. Ngunit hindi
doon natatapos ang pag-iisa nila. Nagpatuloy lang si Triv sa mabilis na paggalaw sa
ibabaw niya.
Mayamaya ay hinugot na rin nito ang armas nitong buhay na buhay pa rin.
"Tapos na?" Humihingal pa niyang tanong. Puno ng pagkabitin.
Umiling ito. "Not yet. Tumayo ka." Maging ito ay panay rin ang habol sa paghinga
nito.
Inalalayan siya nito sa pagtayo. Pumwesto ito sa likuran niya at pinayuko ang
katawan niya. Nang mahinuha ang puwestong gusto nito ay humawak siya sa malaking
bato upang kumuha ng suporta sa pagkakatuwad niyang iyon sa harapan ni Triv.
Humawak si Triv sa magkabila niyang balakang. Matapos tantiyahin ang puwesto nila
ay ipinasok nitong muli ang pagkalalaki nito sa kanya.
Isang mahabang singhap ang kumuwala sa bibig niya ng ipasok nito iyon sa kanya.
Isinagad pa nito sa kaloob-looban na nagpadaing sa kanya ng husto. Napapikit pa
siya sa ligayang dulot niyon.
"Ah," sunod-sunod ding daing ni Triv ng pabilis ng pabilis ang galaw nito.
Ngayon lang nila ginawa ang ganoong posisyon at hindi niya itatanggi na napakasarap
sa pakiramdam ang ganoong puwesto. May tinatamaan ito sa loob niya na nagpapalala
sa sensasyon niyang nararamdaman. Hindi niya alam kung ano 'yon pero ligaya ang
hatid niyon sa kanya. Naroon na naman 'yung pakiramdam na tila may kung anong
umaakyat papunta sa ulo niya. Tumupi na naman ang mga daliri niya sa paa sa masarap
na sensasyong iyon. Maging ang mga tuhod niya ay bahagya ng nangangatog. That was
one of the best feeling she ever had with this man behind her.
"Triv," daing niyang muli sa pangalan nito ng maramdaman ang pamunuo ng kung ano sa
loob niya. Lalabasan na siya. At sa mabilis na galaw ni Triv ay ganoon din ito.
Nang sabay nilang marating ang sukdulan ay nanghihinang napaluhod siya sa
buhanginan. Tinangay niyon ang buo niyang lakas. "G-Grabe," mahina niyang bulalas.
Nanuyo lalo ang lalamunan niya. Nang lingunin niya si Triv ay isinusuot na nitong
muli ang pang-ibaba nito. Napapikit siya. Pagod na pagod ang nararamdaman niya.
Gusto niyang humiga ngunit ng maalala na kailangan niyang bumalik sa karenderya
nila ay pinilit na rin niyang tumayo. Inabot niya ang mga damit niyang isa-isang
pinagpag ni Triv. Hinalikan muna siya nito ng mariin sa labi bago siya hinayaang
magbihis. He even help her.
"Triv," aniya ng matapos sa pagbibihis.
"Hmmm?"
"Kailangan ko pang bumalik sa bayan."
"Anong meron doon?"
"May maliit kaming karenderya. Ako 'yung taga luto at namamahala doon. Kaya
kailangan kong bumalik."
"Puwedeng sumama?"
Napataas ang kilay niya sa sinabi nito. Seryoso ba ito? Isang Triv Sauler sa
palengke? Hindi niya maitsurahan sa kanyang isipan. Napailing siya.
"Hindi na. Magpahinga ka na lang. At saka, 'di ba kakausapin mo pa 'yung kaibigan
mo?"
Sa sinabi niya ay wala na itong nagawa pa. "Okay. Ihahatid na lang kita sa inyo.
Naroon ba si Arkin?"
Tumango siya. "Bakit?"
"Isasama ko muna sa resort."
"Baka magtanong si Tatay kung bakit pasasamahin ko sa iyo si Arkin. Hindi ko naman
puwedeng sabihin na lang bigla na ikaw ang ama niya. Baka atakihin 'yon sa
pagkagulat na humihinga ka pa pala."
"Then I'll make an alibi. Ako na ang bahala. Just let me be with Arkin. Tutal ayaw
mo akong isama sa karenderya niyo."
Napangiti siya ng makita ang nagsusumamo nitong mga mata. Marahan siyang tumango,
indikasyon ng pagpayag niya. Nakahinga ito ng maluwag.
Ilang sandali pa ng maayos na siyang tingnan ay muli itong umakbay sa kanya habang
binabaybay nila ang papunta sa resort na tinatauhan ng pamilya niya.
"Kailan ka huling nagkaroon?" bigla ay tanong nito.
Napaisip naman siya. "Noong Sabado. Hmm, four days ago na. Bakit?" Nang sulyapan
niya ito ay kakaiba ang ngiting sumilay sa labi nito.
"Hindi mo alam? Fertile ka pa rin ngayon."
Napahinto siya sa paglalakad at in-absurb ang sinabi nito. Fertile, ibig sabihin
niyon ay maaaring mabuntis ang babae. Hindi safe. Napaawang ang labi niya ng
maunawaan iyon. Napahinto tuloy siya sa paglalakad.
"Bakit parang tuwang-tuwa ka pa riyan?" sita niya rito.
"Bakit hindi? Eh, magkakaroon na ng kasunod si Arkin. Pustahan positive 'yan,"
ngiting-ngiti pa nitong sabi.
Napatitig na lang siya rito. Kung totoong positive ang namagitan sa kanila ni Triv,
ano ng kasunod niyon?
NAKAHALUKIPKIP pa sa may bukana ng pintuan si Dandrick ng bumalik doon si Triv.
Hindi niya nadala ang anak niya pabalik dahil katutulog lang daw. Kaya naman hindi
na siya nagpumilit pa na makasama ang anak. Sapat na sa kanya ang makita itong
muli.
"What now?" anito na hindi maipinta ang mukha. "Kanina kulang na lang itapon mo ako
sa dagat. Tapos ngayon pangiti-ngiti ka na riyan? Por que sureball na naka-score,"
bulong pa nito na hindi nakaligtas sa pandinig ni Triv.
Napatawa siya. Masyado siyang masaya ng mga sandaling iyon at hindi iyon maikakaila
sa mukha niya. "I'm sorry, Dandrick. For sure naman narinig mo na lahat kanina.
Alam kong numero uno kang tsismoso sa ating dalawa. Wala akong amnesia, totoo 'yon.
Kung nagawa ko mang magpanggap na meron, iyon ay dahil best actor ako. Kidding
aside," mabilis niyang bawi. "Iyon lang ang alam kong paraan para hindi na kayo
mangulit pa. I'm sorry. At salamat dahil dinala mo ako rito."
"Sana nga ay hindi na lang. Para tumagal pa 'yang pagdurusa mo. Tss. All this time
Yzel is Khlaryzel for petes sake." Napailing ito. "Napansin mo ba kung gaano kalaki
ang partisipasyon ko sa kuwento ng buhay mo? Ako lang naman 'yung dahilan para
makilala mo si Khlaryzel, through Pleasure Club. Tapos after so many years, heto at
ako na naman ang dahilan ng muli niyong pagtatagpo ng dalhin kita rito sa resort
namin. Men, kulang pa ang yaman mo para bayaran ako. Pasalamat ka at hindi ako
mukhang pera." Sa huli ay napangiti na ito. "Congrats, pare. This time I think you
should do the moves. The right moves, Triv. Hindi 'yung bumi-breezy moves ka agad
sa kanya."
Tumango siya. "Thank you, Dan," niyakap pa niya ito at tinapik sa balikat. He owe
him a lot. Masuwerte siya at ito ang kaibigan niya. Nginisian niya ito. "Sorry to
say this pero mag-move-on ka na, Dandrick. Better luck next time."
Sabay pa sila nitong napatawa. "Crazy pero gustong-gusto kitang batuhin kanina.
Pasalamat ka at malaki ang excuse mo para hindi ko ituloy ang plano kong iyon. And
about Arkin, kaya pala parang kahawig mo siya ay dahil ikaw talaga ang ama niya.
Napansin ko 'yon noong magkasama kayo. Hay, tamo nga naman. Tatay ka na. For sure
matutuwa ang mga magulang mo kapag nalamang tuloy na ang saling lahi niyo. May
panibago ng holder ng Sauler name sa pamilya niyo."
Sigurado siya sa bagay na iyon. Iyon ang pinakamagandang regalo na maibibigay niya
sa mga magulang niya lalo na sa kanyang ama, ang mabigyan ng apong lalaki ang mga
ito. Hindi na siya makapaghintay na maipakilala rito ang mag-ina niya. Napangiti
siya sa isiping iyon.
"Hindi lang sila matutuwa, Dan. I'm sure magugulat sila."
"Habang maaga pa, Triv. Ayusin mo na ang dapat mong ayusin. Tomorrow first thing in
the morning ay babalik na tayo sa Manila to fix everything. I'll help you to
explain everything to your parents. Just call my name and I'll be there," ngumisi
pa ito.
"Ako na ang bahala, Dan. Suportahan mo na lang ako."
"How about, Noime?" bigla nitong tanong.
Napatanaw siya sa may dagat. Then sigh. "I don't know."
Tinapik siya nito sa balikat. "Ipaubaya mo na sa akin," ngumisi pa ito.
"Dandrick, wala akong tiwala sa ngisi mong 'yan," aniya ng magbaling ng tingin
dito.
"Alam mo, Triv," anito na inakbayan siya at dinala papasok sa loob ng bahay.
"Nakita mo na ang pamilya mo. Sila na lang ang isipin mo okay? At ang future
mother-in-law mo nasa kusina lang. I think pasimple mo rin siyang kausapin. Ito na
ang chance mo para maging close kayo." Humalakhak pa ito na pumuno sa bawat sulok
ng bahay bakasyunan ng mga ito.
NAPATINGIN SI Yzel sa kanyang ina na tuloy lang sa paghuhugas ng pinagkainan ng
umagang iyon.
"Hindi ka po ba 'Nay pupunta sa kabilang resort?" may pagtataka niyang tanong.
Karaniwan kasi ay maaga ito kung umalis.
Umiling ito. "Hindi na, anak. Tapos na ang pagluluto ko sa kabila. Bumalik na kasi
sa Maynila 'yung magkaibigan."
Natigilan siya sa narinig. "Ano ho 'Nay?" Baka kasi nakaringgan lang niya ang
sinabi ng ina.
Bahagya siya nitong nilingon. "Kako, bumalik na sa Maynila 'yung magkaibigang
nagbakasyon sa kabilang resort. Binigay na nga sa akin kagabi 'yung bayad sa
pagluluto. Dahil nagustuhan nina Sir kaya thirty thousand ang binayad sa akin."
Muli nitong itinuon ang tingin sa paghuhugas. "Malaking tulong din para sa gastusin
ng mga kapatid mong nag-aaral."
Hindi na niya masyado pang napagtuunan ng pansin ang iba pang sinabi ng kanyang
ina. Naka-focus na iyon sa kaalamang umalis si Triv na hindi man lang nagsabi sa
kanya. Matapos ng mga nangyari ay ano ang gusto nitong palabasin ngayon? Pinaasa na
naman siya nito.
Mapait siyang napangiti. Malay ba niya kung may balak pa itong bumalik. Hindi rin
nga pala siya nito nobya para pagkaabalahan pang pagpaalaman sa pag-alis nito.
Napatingin siya kay Arkin na nakakalong sa kanyang Tatay Eli. Napabuntong hininga
siya. Nilapitan niya ang anak at binuhat. Hinalikan niya ito sa pisngi.
"Behave ka lagi rito kina lolo at lola, ha? Pupunta na si Mama sa palengke."
"Sama po ako, Mama?" ungot nito.
Napatingin siya sa kanyang ama na nangingiti. "Mainit doon, anak. Uuwi naman si
mama ng maagap." Ibinaba na niya ang anak sa kandungan ng kanyang ama. "'Tay, alis
na ho ako."
Tumango ito. "Mag-ingat ka, anak."
"Opo."
Mabibigat ang mga hakbang ng lumabas siya sa bahay na iyon. Tila nilipad kung saan
ang isip niya. Kung kailan magpapakita sa kanila si Triv ay hindi niya alam.
May munting kirot na lumukob sa kanyang puso. Pansamantala lang ba ang saya niya na
makapiling si Triv? Umaasa siya sa mga binitiwan nitong salita. Pero hanggang
kailan naman? Paano kung sa pagbabalik nito sa Maynila ay ipakasal na ito sa
babaeng na-engage rito noon?
Ipinilig niya ang ulo. Masyado na siyang nagiging negatibong mag-isip. Kung ano man
ang dahilan ni Triv at umalis ito ng walang paalam ay ito lang ang makakapagsabi
niyon sa kanya kapag nagkita silang muli.

Chapter 18
MALAPIT ng lumaki ang tubig ng hapong iyon ngunit hindi iyon alintana ni Yzel.
Malayo ang hayon ng tingin niya. Tatlong araw na ang lumipas ngunit wala pa rin
siyang balita kay Triv kung may balak pa ba itong bumalik.
"Ate, uwi na tayo. Palaki na ang tubig," pag-aaya sa kanya ni Bon.
Napakurap siya at tila bumalik sa kasalukuyan. Binalingan niya ang kapatid na
hawak-hawak ang anak niyang si Arkin. Pagkuwan ay napasulyap sa tubig-dagat.
"Mauna na kayo ni Arkin. Mamaya ako uuwi."
"Pero palaki na ang tubig, Ate."
Nginitian niya ito. Hindi niya alam kung napansin pa nito na pilit na lamang iyon.
"Okay lang. Susunod na lang ako. Saka hindi naman kalakasan ang alon ngayon. Sige
na at iuwi mo na si Arkin. Gusto ko lang mapag-isa."
Nakakaunawang tumango na lang ito. "Sige, Ate." Bumaba na ito sa bato. Pagkuwan ay
binuhat na si Arkin matapos niyang halikan sa noo. "Mamaya pauwi na si Ate Shane,"
paalala pa nito na tinanguan lang niya.
Muli siyang napatingin sa malayo. Malungkot na napabuntong-hininga siya. Hungkag na
hungkag pa rin ang pakiramdam niya hanggang ng mga sandaling iyon. Kumibot ang mga
labi niya ng mag-umpisang mag-init ang bawat sulok ng mga mata niya. Isa lang naman
ang dahilan ng pinagkakaganoon niya. Iyon ay dahil kay Triv. Miss na niya ito. Miss
na miss na.
Kinagat niya ang ibabang labi. Sa huli ay hinayaan niyang pumatak ang mga luha
niya. Ayaw na niyang pigilan pa dahil lalo lang bumibigat ang pakiramdam niya.
Ilang sandali rin siyang nasa ganoong sitwasyon ng biglang may magtakip ng kamay sa
hilam niyang mga mata. Napasinghap siya kasabay ng kabang bumundol sa dibdib niya.
"B-Bon?" aniya. "Sinabi ng mamaya pa ako uuwi." Nang hindi magsalita ang tao sa
likuran niya ay unti-unti ng umangat ang mga kamay niya upang hawakan ang kamay na
nakatakip sa mga mata niya. Her heart skip a bit even more. Hindi iyon kamay ng
kapatid niya. Saka lang din umalingasaw ang mabangong amoy ng lalaki ng humangin.
Walang ganoong pabango ang kapatid niya. "T-Triv?" animo nanghina ang lahat sa
kanya ng sambitin ang pangalan nito.
Tinanggal din naman nito ang kamay sa mga mata niya. Mabilis siyang lumingon sa
likuran niya. Hindi nga siya nagkamali. Si Triv iyon.
Mabilis na bumalatay sa mukha nito ang pag-aalala ng makita ang hilam sa luha
niyang mukha. Pinalis ng kamay nito ang luha niya. "Bakit ka umiiyak?"
Lalo pa siyang napaiyak ng masigurong hindi siya nananaginip lang. Totoong nasa
harapan niya ito. Walang sabi-sabing niyakap niya ito ng mahigpit.
Nabigla man si Triv sa pagyakap niya ay mabilis din naman itong nakabawi. Gumanti
ito ng yakap sa kanya at bahagyang hinaplos-haplos ang buhok niyang pinapalad-palad
ng hanging-dagat.
"Tahan na."
Hinayaan niya ang sariling makulong sa yakap nito. Nakakulong siya sa bisig nito
hanggang sa tumigil siya sa pag-iyak. Ito rin ang muling nagpalis ng luha sa luhaan
niyang mukha.
"'Wag ka ng umiyak," masuyo nitong wika. "Dahil ayokong nakikita kang umiiyak."
"Bakit kasi ngayon ka lang? Alam mo bang sobrang miss na miss na kita? Umalis ka na
lang ng wala man lang pasabi. Dahil ba hindi mo naman ako girlfriend kaya hindi ka
man lang nagsabi?" Nagbanta na naman ang mga luha niya habang nakatitig sa lalong
gumwapo nitong mukha.
"Biglaan lang 'yung pagbalik namin sa Maynila," anito na muli siyang kinabig at
niyakap ng mahigpit. "Kaya hindi na ako nakapagpaalam pa. May inayos din akong
mahahalagang bagay."
"So hindi ako mahalaga sa iyo kaya hindi ka man lang nagsabi sa akin?" giit pa rin
niya.
"Hindi sa ganoon. Kung hindi man ako nakapagpaalam sa iyo, I'm sorry. Biglaan lang
talaga 'yon. Inuna ko ring ayusin 'yung sa pamilya ko. Dahil gusto ko pagbalik ko
rito ay wala na akong iisipin pang-iba na related sila."
Kumibot ang labi niya. Masyado yata siyang demanding. Pero ano bang magagawa niya?
Na-miss lang talaga niya ito. Nang makontento sa pagyakap nito sa kanya ay siya na
rin ang kusang kumalas dito. Pinahid niya ang natitirang bakas ng luha sa mga mata
niya.
"I miss you too," ani Triv.
Mula sa dibdib nito ay unti-unting umangat ang tingin niya sa mukha nito. Ngumiti
ito ng magtama ang mga mata nila.
"Don't tell me iyak ka rin ng iyak nitong mga nakalipas na araw?" sumeryoso ang
mukha nito pagkuwan.
Nag-iwas siya ng tingin at hindi ito sinagot. Napabuntong-hininga ito.
"Patawad kung ngayon lang ako nakabalik. Pero sinisigurado ko sa iyo na kung aalis
ulit ako sa lugar na ito ay kasama na kita. Kayo ni Arkin. At kung hindi man ako
nakapagpaalam noon ay hindi naman ibig sabihin na por que hindi kita girlfriend ay
ganoon na agad 'yon. Dahil hindi ka naman pang-girlfriend lang. At isa pa hindi rin
naman talaga ako nakikipag-girlfriend. At hindi rin naman kita gustong maging
girlfriend."
Tumalim bigla ang tingin niya rito. "Dahil parausan mo lang ako kapag sumasakit
'yang puson mo?" Itinulak niya ito palayo sa kanya. Mabilis siyang humarap sa dagat
at huminga ng malalim. Nasa paanan na ng bato ang tubig ng mga sandaling iyon.
"Hay," palatak nito. "Dahil lalong hindi ka parausan lang kapag nananakit ang puson
ko. Grabe ka naman. Makinig ka kasi muna. Ang ibig kong sabihin, hindi ka 'yung
tipo ng babae na gini-girlfriend lang. More than that Khlaryzel. Dahil ikaw 'yung
tipo ng babae na inihaharap sa dambana ng simbahan. 'Yung pinapakasalan at 'yung
tipo ng babae na pangmatagalan na makasama. Sabi nga 'til death do us part. Ganoon
ang tingin ko sa iyo. Kahit noon pa."
Mabilis pa sa alas kuwatrong pinalis niya ang tumulong luha sa pisngi niya. Sapol
na sapol ang puso niya sa sinabing iyon ni Triv. It melt her heart even more.
"I respect you and will always respect you, Khlaryzel. Tandaan mo 'yan."
Sa pagkakataong iyon ay humarap na siya kay Triv. "Wala bang halong paasa ang mga
sinasabi mo sa akin ngayon, Triv?" Nagbabanta na naman ang luha niya. Tears of joy
this time.
Kumunot ang noo nito bago umiling. "Wala. Bakit naman kita paaasahin?" Ngumiti ito.
"Hanga pala, my parents want to meet you and also their grandchild, Arkin."
Napamaang siya sa sinabi nito. "Sinabi mo?" Paano kung mag-isip ng masama sa kanya
ang mga magulang nito? Sa estado niya sa buhay ay baka isipin ng mga ito na pera
lang ang habol niya kay Triv.
"Bakit hindi? After all ay karapatan din naman nilang malaman 'yon para tumigil na
sila sa pangungulit nilang magpakasal na ako. At kung ano mang iniisip mo ngayon ay
alisin mo na 'yan sa isip mo," anito na tila nabasa ang nasa isip niya. "Hindi
naman matapobre ang mga magulang ko. They will respect my decision kung sino ang
pipiliin kong makasama. Nang sabihin ko sa kanila ang tungkol sa inyo ni Arkin,
after kong aminin na hindi totoong nawalan ako ng ilang alaala, know what? Halos
ipagtulakan nila ako pabalik dito. Marami silang tanong kung paanong nangyaring may
anak na ako. Ipinaliwanag ko naman. Sabi ko napikot ako."
Nakurot niya ito sa tagiliran nito. "Pikutin mong mukha mo. Kung puro kayabangan
lang din ang sasabihin mo, tantanan mo ako, Triv Sauler. Uuwi na lang ako sa amin."
Nakaani pa ito ng irap sa kanya.
"Kidding aside," mabilis nitong bawi habang natatawa sa reaksiyon niya.
"Khlaryzel," agaw nito sa pansin niya. "Uy, seryoso na. Totoong gusto nila kayong
makilala, pati sina Tatay at Nanay." Natawa na naman ito ng taasan niya ito ng
kilay. "Actually nasa rest house sila ngayon nina Dandrick. Namamahinga lang."
"Hindi magandang biro 'yan."
"Hindi naman kasi ako nagbibiro."
Tuluyan na siyang binundol ng kaba. Seryoso talaga si Triv. Hindi pa siya handang
makilala ng personal ang mga magulang nito. Anong sasabihin niya sa mga magulang
nito? Hello, ako po 'yung naanakan ng anak niyo. Naipilig niya ng bahagya ang ulo.
Nang sulyapan niyang muli ang binata ay nangingiti na ito. May dinukot ito sa bulsa
ng suot nitong pantalon. Napatingin siya roon. Isa iyong maliit na box na kulay
pula. A velvet box. May pagtatakang tiningnan niya si Triv ng iumang nito iyon sa
harapan niya.
"Triv," may pagtataka niyang sambit sa pangalan nito.
He sigh while looking at the red velvet box. Then look at her. "Noon ko pa sana ito
ibibigay sa iyo. Sa Paris ko pa ito nabili noong panahon na umalis ako ng bansa for
some business matter. Naudlot lang dahil sa kapalpakan ko at ng gagong doktor na
iyon." Kinuha nito ang kamay niya at marahang pinisil. "Hindi pa naman huli ang
lahat 'di ba? Puwede pa tayong magsimula ng bago. This time, bilang isang buong
pamilya. Ikaw, ako at ang anak natin."
"Nagpo-propose ka," hindi niya napigilang ibulalas dahil sa shock na nararamdaman.
Lumunok siya. "Kung dahil lang may anak tayo Triv–"
"Hay, maging positive ka nga minsan. Hindi naman dahil lang may anak tayo. Wala pa
man sa mundo si Arkin ito na 'yung gusto kong mangyari. Sa Pleasure Club, bago mo
buksan ang pinto noon may nararamdaman na akong kakaiba kahit boses mo pa lang ang
naririnig ko."
"Libog 'yon," basag niya sa pagmo-moment nito.
"Hindi rin," anito. "Lalo na noong binuksan mo na 'yung pinto. Ewan ko pero basta
iba 'yung nararamdaman ko. Ni hindi ko 'yon naramdaman sa kahit na sinong babae na
nakasama ko noon. Sa iyo lang. Noong mahimatay ka dahil sa kaba, imbis na mainis
ako sa iyo dahil tinulugan mo lang ako ay hindi ko makuhang mainis man lang.
Hinayaan kitang matulog. Hindi kita iniwan at nakontento na akong titigan ka lang
sa loob ng halos dalawang oras. That was the first time na nagtiyaga ako ng ganoon
katagal. Noong may mangyari sa ating dalawa. Iyon din ang unang pagkakataon na wala
akong gamit na proteksiyon. Bukod sa kaalaman kong baog naman ako kaya walang
mabubuong bata kaya kampanti ako. Sa lahat ng babae, ikaw lang 'yung hinanap-hanap
ko ang presensiya. Kaya ng malaman kong sa Madison ka lang nagtatrabaho ay mas
dumalas ako doon makita ka lang. Iyon lang kontento na ako. Crazy pero pakiramdam
ko hindi kumpleto ang araw ko na hindi ka man lang nakikita. Nang dumating 'yung
point na kailangan kong balikan ang mina-manage kong Hotel sa Europe, 'yung
dalawang linggo. Parang dalawang taon sa bagal lumipas. I miss you a lot way back
then. Kung puwede nga lang hindi na ako umalis. Pero kailangan. Samantalang dati,
mas gusto ko pang sa abroad manatili. Nabago lang 'yon noong dumating ka sa buhay
ko. Doon ko na-realize kung bakit gustong-gusto ko rito. Kaya bago ako bumalik ng
Pinas binili ko muna itong singsing para sana mag-propose ng kasal sa iyo sa
mismong araw ng birthday ko." Malungkot ang ngiting sumilay sa mga mata nito.
"Hindi lang natuloy ng malaman kong buntis ka. Dahil akala ko baog ako kaya iginiit
kong hindi sa akin 'yung dinadala mo. Isa't kalahating gago rin ako para hindi ka
paniwalaan. Kasalanan ko rin dahil hindi man lang ako nag-take ng second opinion
dahil mas natatakot akong kumpirmahin na wala talaga."
Bahagyang nakagat ni Triv ang ibabang labi ng may mamuong luha sa sulok ng mga mata
nito.
"Kaya hinayaan kong sina mommy na ang pumili ng babaeng pakakasalan ko. Three
months kasi bago ako mag-thirty. Pinapipili nila ako. Kung sila ba ang pipili o ako
ng babaeng pakakasalan ko. Ikaw 'yung napili ko noon pa lang. At alam 'yon ni
Dandrick dahil ikinukuwento kita sa kanya. Alam niya kung gaano ako kaseryoso sa
iyo. Alam ko, hindi na maibabalik 'yung minsang pagkakamali ko sa iyo. Pero hayaan
mong itama ko 'yon ngayon."
Huminga ng malalim si Triv bago binuksan sa harap niya ang maliit na box. Tumambad
kay Yzel ang isang diamond ring na alam niyang hindi basta-basta ang kalidad at
halaga.
"Khlaryzel, will you accept me again? Gusto kong maging parte ka ng buhay ko. 'Yung
panghabang buhay."
Naiiyak na siya pero pinigilan niya sa abot ng makakaya niya. Totoong nagpo-propose
sa kanya si Triv. Ang lalaking akala niya ay isang pagkakamali sa buhay niya. Tila
pinaalala ng isip niya ang mga nangyari noon sa pagitan nila. Lahat ng sakripisyong
ginawa niya ng iwan siya nito. Hanggang sa bumalik ulit ito sa buhay niya. Maraming
nangyari sa lumipas na taon. Pero isa lang ang hindi nabago sa lumipas na taong
iyon. Iyon ay ang nararamdaman niya rito. Mahal niya si Triv. Mahal na mahal.
Mula sa singsing ay umangat ang tingin niya kay Triv.
"Mahal na mahal kita, Khlaryzel. Meeting you in a wrong place and in a wrong time
was the best thing ever happened to me. Hindi ko pinagsisisihan na sumama ako kay
Dandrick sa Club na 'yon. Dahil sa dinami-rami ng lugar sa mundo, doon ko pa pala
makikita ang babaeng magpapatino sa akin. At babaeng magtuturo sa akin kung paano
magmahal at maging stick to one. 'Yung wala ng ibang hahanapin kasi ikaw lang
kontento na."
Hindi na niya napigilan pa ang mapaluha. Siya na yata ang pinakamasayang babae sa
buong mundo ng mga sandaling iyon. Sobrang nai-speechless siya sa mga sinabi ni
Triv sa kanya.
"Marry me," madamdamin nitong sabi.
"Triv," wala na siyang nasabi pa. Tumango na lang siya ng sunod-sunod.
Nakahinga ito ng maluwag. "Thank you," walang pagsidlan ang ligaya sa mukha ni Triv
ng maisuot sa palasingsingan niya ang singsing. "Sa wakas," anito na agad siyang
hinalikan sa labi. Pagkuwan ay niyakap ng mahigpit. "I love you."
Pumikit siya ng mariin at gumanti ng mas mahigpit pang yakap dito. "Mahal na mahal
din kita, Triv. Masaya ako. Masayang-masaya."
"Same here."
Akmang hahalikan siya nito ng tumama sa mukha nila ang tilamsik ng hampas ng alon.
Saka lang nila napansin na palubog na ang batong kinaroroonan nila. Tumataib na.
"Kailangan na nating umalis dito bago pa tayo ma-stranded," anito na mabilis pa rin
siyang hinalikan sa labi. Hindi na mapalis ang kislap sa mga mata nito.
Naunang bumaba si Triv. Hindi man lang nagreklamo kahit umabot na sa tuhod nito ang
tubig dagat. Binuhat siya nito at dinala sa pampang. Nang mailapat niya ang mga paa
sa buhanginan ay agad siya nitong siniil ng halik sa mga labi na marubdob din
niyang ginantihan.
Sa pangalawang pagkakataon ay naging saksi ang lugar na iyon at sa pagkakataong ito
ay sa pagpayag niyang makasama si Triv habang buhay.
"Mamamanhikan kami mamaya sa inyo," ani Triv ng bahagyang ilayo ang labi sa kanya.
Napakurap siya sa narinig. Ganoon kabilis? Daig pa niya ang nasa isang roller
coaster sa bilis ng mga pangyayari.
"At magpapakasal tayo sa lalong madaling panahon. Para bago masundan si Arkin ay
kasal na tayo. Remember, positive ito," ngumisi pa ito ng haplusin ang tiyan niya.
Hindi tuloy niya maiwasan ang mapatawa sa sinabi nito. Talagang seryoso ito sa pag-
a-assume na magkakalaman agad ang tiyan niya.
"Paano kung negative?" hamon niya.
"Kapag negative, one year walang make love. Ah, hindi pala," mabilis nitong bawi.
"One month. At kapag positive ito, aaraw-arawin kita," humalakhak ito ng makaani
ito ng kurot sa kanya. "That was our deal."
"Ang dami mong alam, Mr. Sauler," nag-init pa ang mga pisngi niya sa gusto nitong
mangyari.
Kinintalan siya nito ng halik sa labi bago humarap sa dagat at sumigaw ng ubod
lakas. "I love you, Khlaryzel! Mahal na mahal kita!!!" Halos habol pa nito ang
paghinga ng balingan siya. Maging ang saya sa mukha nito ay hindi na mabura.
Huminga siya ng malalim bago humarap din sa dagat. "Mahal na mahal din kita,
Triv!!!" sigaw rin niya. Ang sarap sa pakiramdam.
Napatingin siya kay Triv ng akbayan siya nito. "Tara na muna sa inyo at ng pormal
mo na akong maipakilala sa pamilya mo. Dahil kung magtatagal pa tayo rito ay baka
kung saan pa tayo makarating. Ikaw rin," kumindat pa ito sa kanya.
Napangiti siya. "Bakit? Saan mo ba gustong makarating?"
"Tigilan mo ako at baka patulan kita."
Maging ang saya niya ay wala ng pagsidlan. Isang makapugtong-hiningang halik pa
mula kay Triv at hinila na niya ito papunta sa kanila. Magkahawak kamay nilang
nilakad ang kahabaan ng dalampasigan na may matamis na ngiti sa labi habang
tumatama sa kanila ang papalubog na sikat ng araw. Inakbayan siya ni Triv at
hinapit lalo palapit rito.
Sinubok man sila ng pagkakataon, sa huli ay sa isa't isa pa rin ang bagsak nila.

EPILOGUE
HINDI maiwasang mapatawa ni Yzel kay Triv dahil nakailang beses din itong huminga
muna ng malalim ng matanawan nila ang rest house ng pamilya Ramos na siyang
tinutuluyan ng pamilya niya. Kinakabahan ito.
Saka lang tila nawala ang anumang kaba sa dibdib ni Triv ng makita ang anak na si
Arkin na nagtatakbo palapit sa kanila ng makita silang naglalakad sa may
dalampasigan.
"Mama!" umamba agad ng buhat ang bata sa kanya ng makalapit ito.
Sinulyapan niya si Triv bago binuhat ang anak. "Baby, tanda mo pa ba siya?" tanong
niya sa anak na agad namang sumulyap kay Triv. Tila nahihiya pa ito ng ngumiti sa
ama. Pagkuwan ay marahang tumango. Inilapit niya ang bibig sa tainga nito. "Siya
ang papa mo."
May pagtataka sa mga mata ni Arkin ng tingnan siya nito. "Po?"
Ibinaba muna niya ang anak sa buhanginan at bahagyang lumuhod doon upang magpantay
sila ng bata. "Papa mo siya. Matagal lang nawala pero narito na ulit si Papa at
hinding-hindi na tayo iiwan," nginitian niya ito. "Naintindihan mo ba si Mama?"
Marahan itong tumango. "Opo."
Lumuhod din sa tabi niya si Triv at hinawakan sa magkabilang braso si Arkin.
Ngumiti ito sa bata. "Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa iyo noong una pa lang
dahil ikaw 'yung anak ko." Hinaplos nito ang buhok ni Arkin. May namumuong luha na
naman sa bawat sulok ng mga mata ni Triv. Emosyonal sa paghaharap ng anak.
"Patawarin mo si Papa kung ngayon lang dumating, huh? Promise, babawi si Papa."
Iyon lang at mahigpit na nitong niyakap ang anak. "Mahal na mahal ka ni Papa."
Kinagat ni Yzel ang ibabang labi para pigilang kumuwala ang luha niya ngunit tumulo
pa rin iyon. Sa wakas may matatawag na ring Papa si Arkin.
Hindi man naghahanap ng ama si Arkin sa kanya. Pero alam niyang sabik din ito sa
tunay nitong ama, katulad ng pagkagiliw nito sa mga Tito nito at sa Lolo Eli nito.
"Papa," ani Arkin na gumanti ng yakap sa ama nito. Lalong humigpit ang yakap dito
ni Triv.
Pinalis niya ang luha sa mga mata ng makita ang kanyang ama at ina na palapit sa
kanila. Tumayo siya at hinayaan sina Triv at Arkin sa moment ng mga ito.
"'Nay, 'Tay," aniya sa mga ito.
"Bakit narito si Sir?" anang Nanay Marcy niya.
Nang balingan niya si Triv ay nakatayo na ito habang buhat si Arkin. Nginitian niya
ito para ipaalam na magiging maayos din ang lahat sa pagitan nito at ng mga
magulang niya.
Napahawak naman si Nanay Marcy sa bibig nito ng matitigang mabuti ang mag-ama niya.
Iyon pa lang ay mukhang nasagot na ang tanong nito.
"'Nay, 'Tay," muli niyang baling sa mga ito. Huminga pa siya ng malalim bago
nagsalita. "Siya po ang ama ni Arkin."
"Kaya naman pala ang guwapo ni Arkin dahil may pinagmanahan," singit ni Ten-Ten na
sumulpot sa likuran ng mga magulang nila.
"Magandang hapon po," ani Triv na lumapit sa mga ito at nagmano. "Pasensiya na ho
kung ngayon lang ako humarap ng pormal sa inyo."
"Ang mabuti pa ay pumasok na muna tayo sa bahay at ng makapag-usap ng maayos," ani
Nanay Marcy na inalalayan ang Tatay Eli niya sa paglalakad. Halata sa mukha ng
kanyang ama ang maraming katanungan kung paano iyong nangyari.
Pasimpleng nagbuga ng hangin si Triv. Pagkuwan ay inakbayan siya nito ng mag-umpisa
silang sumunod sa mga magulang niya.
"Pakiramdam ko, gigisahin ako pagpasok natin sa loob," natatawa pa nitong bulong sa
kanya.
Napatawa rin siya. "Humanda ka."
"Ikaw rin, humanda ka sa akin. Doon kayo sa rest house nina Dandrick matutulog
mamaya ni Arkin. Hmmm?"
Nakaramdam siya ng kakaibang kilabot na nagpatayo sa maliliit niyang balahibo sa
katawan dulot ng mainit na hininga ni Triv na tumatama sa balat niya. Sinulyapan
niya ito. Hindi na yata talaga kukupas ang kaguwapuhan nitong iyon. Bagay na lalong
naghahatid ng kilig sa kanya. "Lumalandi ka na naman, ha?"
He just laugh. "I miss you," tanging wika nito at tumayo na ng tuwid. Hinalikan pa
nito si Arkin sa pisngi na ikinangiti ng bata.
Walang pagsidlang ang saya niya ng mga oras na iyon. Mula sa araw na ito at sa mga
magdadaan pang araw ay makakasama na niya ang lalaking matagal na itinatanggi ng
kanyang puso.
Hindi naman nahirapang makipag-usap si Triv sa mga magulang niya. Kahit na maraming
katanungan sa parte ng mga magulang niya ay hindi na nag-usisa pa ang mga ito.
Masaya siya dahil natanggap ng mga ito si Triv at napatawad sa kung ano mang
kakulangan nito sa kanya lalo na kay Arkin.
Kinagabihan nga ay sinundo ni Triv ang mga magulang nito para mamanhikan sa kanila.
Nag-alangan man ang mga magulang niya ay sinigurado naman ni Triv na mababait ang
mga magulang nito. Marami ding pagkaing dala ang mga ito na pinagsaluhan nilang
lahat.
"Kamukhang-kamukha mo talaga, hijo, ang apo ko," anang ina ni Triv na hindi na
binitiwan pa si Arkin ng nasa sala silang lahat. Mukhang sabik na sabik talaga ito
sa apo. Ang ama naman ni Triv ay hindi na mapalis ang ngiti simula ng makita si
Arkin. "Pagbalik natin sa Manila ay ako na muna ang mag-aalaga sa apo ko. Bahala na
kayong dalawa sa buhay niyo kung anong gusto niyong gawin. Basta sa akin muna ang
apo ko," final na wika ng ina ni Triv.
Pinisil ni Triv ang kamay niya at inilapit ang bibig sa may tainga niya. "Narinig
mo 'yon? Kaya humanda ka sa akin mamaya."
Bahagya niya itong siniko. Baka kasi marinig ito ng mga magulang nila. "Manahimik
ka muna," ganting bulong niya rito.
"Dapat sa isang buwan ay maikasal na kayo."
Napatingin siya sa ama ni Triv. Pagkuwan ay sa ina nito na agad nagsalita.
"Pagbalik na pagbalik natin sa Manila ay aayusin na natin ang kasal ninyo. Hindi ko
na mahintay na makitang ikasal ka Triv, hijo. Dream come true na hindi masasayang
ang marriage mo dahil mahal mo ang babaeng pakakasalan mo."
"Salamat po," sagot ni Triv. "Kahit nga bukas puwede na kaming magpakasal."
Nakatikim tuloy ito ng hampas sa braso mula sa ina nito. "No way," matigas nitong
tutol. "Gusto kong detalyado ang kasal niyo dahil minsan lang ito. Kaya maghintay
ka."
"Samantalang dati kung ipagtulakan niyo akong magpakasal ay ganoon na lang,"
katwiran pa ni Triv na kinindatan pa siya.
Napapangiti na lang siya. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya sa sobrang
kaligayahan habang nakatitig sa guwapong mukha ni Triv. Bahagya niyang kinagat ang
ibabang labi upang hindi mapaluha dahil sa sayang bumabalot sa kanya.
"I love you," bulong pa ni Triv sa kanya habang nakatitig sa kanya. Ang titig
nitong iyon ay puno ng pagmamahal. Tila naghuhumiyaw na maging siya ay damang-dama.
"I love you too." Matapos siya nitong kintalan ng halik sa noo ay isinandig nito
ang ulo niya sa dibdib nito. Ganoon na lang ang pag-iinit ng mga pisngi niya ng
mapansing nakatuon ang tingin sa kanila ng mga magulang nila. Tila nanunudyo.
"Naku, 'yang malalagkit na tinginan na 'yan. 'Di pa ikinakasal ang mga 'yan ay
tiyak na may kasunod na si Arkin," ngumisi pa ang natatawang si Shane.
Maging si Triv ay hindi rin napigilan ang mapatawa kagaya ng iba. Lalong humigpit
ang pagkakaakbay nito sa kanya. He even hold her hand tight.
"Ang dami mong napapansin. Natural lang naman na maghabol si Triv dahil thirty two
na 'yan."
Napatingin pa silang lahat sa may pintuan ng sumulpot si Dandrick. Agad na nagbawi
ng tingin si Shane ng makita ang kaibigan ni Triv at nagpaalam na may kukunin lang
sa silid nito.
"Kapatid 'yon ni Khlaryzel?" Mahinang tanong pa ni Dandrick kay Triv ng makalapit
ito sa kaibigan nito matapos magmano sa mga matatanda.
"Kilala mo si Shane?" Hindi niya naiwasang itanong. Kay Dandrick tuloy natuon ang
atensiyon ng lahat.
Napakamot ito sa batok. "H-Ha? H-Hindi." Umiling-iling pa ito. "Congrats nga pala
sa inyong dalawa," mabilis nitong bawi.
Halata namang umiiwas si Shane kaya pumasok agad ito sa kuwarto nito. Kung ano mang
meron sa pagitan ni Dandrick at Shane ay saka na niya uusisain sa kapatid niya. Sa
ngayon ay nanamnamin muna niya ang moment na iyon kasama si Triv.
Ang inakala niyang kuwento niya na walang masayang ending ay mas higit pa pala sa
inaasahan niya. Hindi pa rin ito ang wakas ng kuwento niya dahil ito pa lang ang
panibagong simula kasama ang lalaking mahal niya at ang anak niya.
"Thank you for making me complete," muling bulong ni Triv sa kanya. "I love you."
"I love you too," ganting bulong niya rito. Nang balingan niya ito ay sinalubong
siya nito ng halik sa labi. Smack lang iyon. Exagerated namang tumikhim si Dandrick
na tinawanan lang nilang dalawa.
WAKAS

You might also like