You are on page 1of 1

TAYABAS WESTERN ACADEMY

Founded 1928 MARKA:


Recognized by the Government
Candelaria, Quezon

FILIPINO 9
BUWANANG PAGTATAYA
(OKTUBRE)

Pangalan:__________________________ Guro:_________________________
Seksyon:_________________________ Petsa:________________________

I. PAG-UNAWA
Panuto: Bigyang-katwiran ang mga sumusunod na sitwasyon o katanungan. Isulat ang iyong
sagot sa likod ng papel na ito. Ang iyong tugon ay tatayahin batay sa mga sumusunod na
pamantayan:
Mga Pamantayan
10 puntos – Mayroong malalim na hinuha at angkop ang mga paliwanag at detalye sa
tanong o sitwasyon
8 puntos – Ang paliwanag ay walang kamalian at naaangkop ang kaisipang inilahad.
6 puntoss – Ang paliwanag ay may ilang kamalian at may ilang kaisipang hindi nailahad.
4 puntos – Ang paliwanag ay nagtataglay ng maraming kamalian at may kakulangan sa
kaisipang inilahad.
2 puntos – Ang paliwanag ay walang kaugnayan sa katanungan at maraming kakulangan sa
kaisipan.

1. Kahirapan ang isa sa itinuturing na pinakamalaking suliranin ng lipunan. Pinagsisikapan ng ating


pamahalaan na magsulong ng iba’t ibang programa na siyang tutugon sa suliraning ito. Ngayong
nalalapit na naman ang halalan ay naglalabasan na naman ang mga plataporma ng mga kandidatong
naghahangad ng posisyon sa ating pamahalaan. Bilang anak ng isang botante, ano-ano ang mga
ipapayo mo sa iyong magulang sa pagpili nila ng ihahalal na kandidato upang tuluyan nang
mawakasan ang suliranin sa kahirapan?

2. Bawat tao ay may natatagong talino sa larangan ng sining. Maaaring hindi mo pa man ito
nadidiskubre subalit likas sa tao ang pagkakaroon nito. Paano mo hihikayatin ang iyong sarili na
gamitin ang iyong talino dito? At anong mga hakbang ang gagawin mo upang magtagumpay ka sa
larangang ito?

3. Isa ka rin ba sa madalas gumamit ng social media na facebook? Kung oo, marahil napansin mo rin
ang pagdami ng naglalagay ng kandila bilang profile picture na nangangahulugang mayroong
pumanaw na isang kapamilya. Sabi nga nila, ito yata ang nauusong hindi maganda sa kasalukuyan.
Tunay ngang ang buhay ay hiram lamang at walang makapagsasabi kung kailan ito babawiin.
Napakasakit ang mawalan ng isang minamahal sa buhay. Kung bibigyan ka ng pagkakataong bumalik
sa nakalipas na panahon, paano mo susulitin at ipakikita ang iyong pagmamahal sa isang taong
mahalaga sa iyo na nawala at kapiling na ngayon ng Lumikha?

Inihanda nina:

IVY, JJAU, MALD

____________________________
Parent’s Signature

You might also like