You are on page 1of 3

TAYABAS WESTERN ACADEMY ISKOR:

Founded 1928 | Recognized by the Government | Candelaria, Quezon 4323

FILIPINO 7
PRETEST
(Ikalawang Markahan)

Pangalan :__________________________ Guro:______________________


Pangkat :_________________________ Petsa:______________________

I. PAGTAMO
PAGTATAYA
A. Tukuyin kung anong Kaantasan ng Pang-uri ang isinasaad ng mga pangungusap sa ibaba.. Isulat sa patlang
kung ito ay Lantay, Pahambing o Pasukdol.

____________________1. Maginhawa ang kanilang pamumuhay.


____________________2. Ayaw ko ng kulay pula sapagkat napakatingkad ng kulay na ito sa lahat ng kulay.
____________________3. Mapalad ang taong-bayan sa isang baying malapit sa isang bundok
____________________4. Mas matamis ang atis kaysa sa lansones.
____________________5. Magandang hiyas ang perlas.
____________________6. Singhusay ni Aling Linda si Mark sa pagluluto.
____________________7. Pinakaaktibo si Aira sa klase nila.
____________________8. Talagang payapang manirahan sa lalawigan.
____________________9. Walang kasimputi ang polo ni Mark.
____________________10. Di-gaanong malayo ang Catanduanes sa Sorsogon

B. Basahin ang maikling sanaysay na nasa loob ng kahon sa ibaba. Tukuyin at kunin mo ang mga salitang
nabibilang sa Barayti ng Wika. Isulat ito sa loob ng kahon kung saan sila nabibilang. (11-30)

Grabe! Ang bongga ng Article!


Astig talaga ang artikulo. ‘Tol, salamat ipinabasa mo sa akin.
Todits ko nalaman na gusto ko ring maglakbay kasama ang syota ko at ibang mga katropa.

Oks lang. Para akong tsumibog o nagyosi sa haybol ng isang yaming. Pero may pagkajologs din ang
artikulo.

Maayos naman po ang nilalaman at daloy ng pagkakasulat.

Oks na ‘yon. Para gang setaw na isinawsaw sa baraksila.

BALBAL KOLOKYAL LALAWIGANIN PORMAL

____________________________
Parent’s Signature
TAYABAS WESTERN ACADEMY
Founded 1928 | Recognized by the Government | Candelaria, Quezon 4323

C. Isulat ang wastong pantig na may diin ng bawat salita na nasa ibaba ayon sa kahulugan nito.

31. saya (skirt) = _____________________ 35. aso (dog) = ______________________


32. saya (rejoice) = _____________________ 36. aso (smoke) = ______________________
33. buhay (alive) = _____________________ 37. pito ( whistle) = ______________________
34. buhay ( life) = _____________________ 38. pito (seven) = ______________________

D. Basahin ang mga tulang sinuri sa lunsarang pangwika at tukuyin kung ang mga ito ay:

A – Tula/ Awiting Panudyo B – Tugmang de-Gulong


C – Bugtong D – Palaisipan

_____39. Kay ganda ng iyong kutis, animo’y isang kaliskis.


_____40. Hindi tao, hindi hayop pero dumidighay.
_____41. Ano ang nasa pagitan ng Langit at Lupa.
_____42. Sa ganda ng ngiti mo, kumikinang ang ngipin mo.
_____43. Walang puno’y walang ugat, hitik ng mga bulaklak.
_____44. Barya lang po sa umaga, nang hindi tayo maabala.
_____45. Diyan ka, dito ako, mayamaya tabi tayo.
_____46. Bata batuta, isang tabong muta.
_____47. Basta Sexy libre.
_____48. Mayaman ba pamilya mo? Kitang-kita kasi sa ngiti mo, dala mong kayamanan nyo.

MEANING MAKING
Sagutin ang sumusunod na Palaisipan sa ibaba: (49- 60)

Umutang ako ng 50 piso sa aking ina at 50 piso din sa aking ama. Bumili ako ng T-shirt sa may palengke sa
ganang 97 piso, may sukli akong 3 piso. Ibinayad ko ang piso sa aking ina at ibinayad ko din sa aking ama
ang isa pang piso, nasa akin ang natirang piso. Nasaan kaya ang piso para masabi kong 100piso ang pera na
nautang ko sa aking ama at ina? (11 puntos)

TRANSFER

Maraming mga kabataan sa panahon ngayon ang nangangarap na makapunta ng ibang bansa upang doon
makapagtrabaho o kaya naman ay makapagtapos ng kanilang pag-aaral na siyang nagiging dahilan ng iba kung bakit
nakakalimutan na nila ang kanilang sariling wika mula sa kanilang sariling bansa kung saan sila isinilang ng kanilang
mga magulang. Kung ikaw ang nasa kanilang kalagayan na magtatrabaho at mag-aaral sa ibang bansa, ano ang
kinakailangan mong gawin upang hindi mo makalimutan ang iyong wika mula sa iyong lugar na kinalakihan? Bakit
mahalagang mahalin at pahalagahan ang ating wikang pambansa at maging ang wikang sinasalita sa lugar na ating
kinalakihan? Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi natin gagamitin ang wikang ipinamana sa atin ng mga
ninuno? (15 puntos)

____________________________
Parent’s Signature
TAYABAS WESTERN ACADEMY
Founded 1928 | Recognized by the Government | Candelaria, Quezon 4323

Inihanda nina:
Mga Guro sa Filipino 7
Encoded by:
Gng. Maria Cristina B. Llada

____________________________
Parent’s Signature

You might also like