You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
PASONG BANGKAL ELEMENTARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATION
PERIODICAL TEST IN FILIPINO 6
QUARTER I

TOTAL NO. OF
SUBJECT FILIPINO INSTRUCTION 40
DAYS
TOTAL NO. OF
GRADE LEVEL 6 50
ITEMS

TEST ITEM PLACEMENT

REMEMBERING

UNDERSTANDING

EVALUATING
Actual
Total
LEARNING COMPETENCIES Instructi Weight

APPLYING

ANALYZING

CREATING
No. of
(Include Codes if Available) on (%)
Items
(Days)

Nasasagot ang mga tanong


tungkol sa
napakinggan/nabasang
1
pabula., kwento, tekstong pang 3 7.5% 3 1,2,3 6
1 impormasyon at usapan.
F6PN-la-g-3.1, F6PN-la-g-3.1,
F6PN-lc-e-3.1.2, F6PB-lf-3.1
Nasasagot ang mga tanong na
2
bakit at papano F6PB-lf-g- 3 7.5% 3 4, 5, 7
2 3.2.1
Nakagagamit nang wasto ng
mga pangngalan at panghalip 8, 9,
3 sa pakikipag-usap sa ibat- 2 5.0% 3
10
ibang sitwasyon F6WG-Ia-d-2
Nakapagbibigay kahulugan ang
4 kilos at pahayag ng mga
2 5.0% 3 11, 12,
4 tauhan sa napakinggang
pabula. F6PN-Ic-19 13
4 Nabibigyang kahulugan ang
2 5.0% 3 14, 15, 16
5 sawikain. F6PN-lj-28
Napagsunod-sunod ang mga
pangyayari sa kwento sa tulong
6
ng nakalarawang balangkas at 2 5.0% 4
6 pamatnubay na tanon. F6PB- 41, 42,
lb-5.4, F6RC-lle-5.2 43
Nakapagbibigay ng hinuha sa
kalalabasan ng mga pangyayari 20,
7 bago, habang at matapos ang 2 5.0% 3 22
21,
7 pagbasa. F6PB-llf-24
Nagagamit ang magagalang na
pananalita sa ibat-ibang
sitwasyon : sa pagpapahayag
ng saloobin/ damdamin,
pagbabahagi ng obserbasyon sa
8 paligid, pagpapahayag ng 23,
2 5.0% 2
8 ideya , pagsali sa isang usapan, 24
pagbibigay ng raeksyon F6PS-
ld-12.22 ,F6PS-llc-
12.13 ,F6PS-lllf-12.19 ,
F6PS-IVg-12.25, F6PS-IVh-
12.19
9 3 7.5% 3 25, 26, 27,
Nagagamit nang wasto ang
mga panghalip na panao, paari,
pananong, pamatlig, pamaklaw
9
sa pakikipag-usap sa iba’t ibang
sitwasyon
Nasusuri ang mga
1 kaisipan/tema/layunin/tauhan
39,
1 /tagpuan at pagpapahalagang 3 7.5% 3
30
0 nakapaloob sa napanood na
maikling pelikula 28,
Nakapagbibigay ng sarili at
31,
maaring solusyon sa isang
4 10.0% 6 32,
suliraning naobserbahan sa 17, 33
paligid F6PS-Ig-9 18, 19
Nakapagbibigay ng angkop na
38,
pamagat sa
3 7.5% 2 39,
binasang/napakinggang talata 40
F6PB-Ig-8
Naipapahayag ang sariling 34,
opinyon o reaskyon sa isang 35,
3 7.5% 4
napakinggang balita isyu o 36,
usapan F6PS-Ij-1 37
Nagagamit ang pangkalahatang
sanggunian sa pagsasaliksik 3 7.5% 4 44,
F6EP-Ib-d-6 45, 46, 47
Nakasusulat ng kuwento;
talatang nagpapaliwanag at
48, 49,
nagsasalaysay F6PU-Id-2.2 3 7.5% 3
50
F6PU-If-2.1
F6PU-Ih-2.1
TOTAL 40 100% 50 14 16 13 2 5 0
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
PASONG BANGKAL ELEMENTARY SCHOOL

PERIODICAL TEST IN Filipino 6


QUARTER I

PANGALAN: _______________________________________________________________ ISKOR: ________


Panuto: Basahin mo ang pabula pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba nito. Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

Ang Aso at ang Uwak


May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw. Tinangay niya ito at lumipad ng
malayo. Sa dulo ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne.
Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabing “Sa lahat ng ibon, ang uwak ang
pinakamagaling. Walang kakumpara!”
Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang nangyari ay nalaglag ang karne mula
sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad sinunggaban ng aso.
Walang nagawa si uwak kundi tingnan ang pagkain ng aso sa nahulog niyang karne.
Mula noon hindi na nagpalinlang si uwak kay aso.
Halaw sa Pinoy Collection
_____1. Ano ang pamagat ng nabasang pabula?
A. Ang Aso at ang Karne C. Ang Aso at ang Uwak
B. Ang Karne sa Sanga D. Ang Uwak at ang Karne

_____2. Sino-sino ang tauhan sa pabula?


A. aso at agila C. aso at uwak
B. uwak at agila D. uwak at pusa

_____3. Alin ang sa mga sumusunod ang katangian ni Aso?


A. mabait B. masayahin C. mapanlinlang D. matulungin

Mapagmahal na Kapatid
Si Ciara ay isang mabait na bata at mapagmahal na kapatid. Inaalagaan niya ito lalo na kung wala
ang kaniyang nanay. Ngunit isang araw, nagalit si Ciara. Sinira ng kaniyang nakababatang kapatid na lalaki
ang papel na sinulatan ng kaniyang takdang-aralin. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng kama. Kinuha ito ni
Hero, ang kaniyang kapatid. Pinaglaruan niya ito. Ginawa niya itong eroplanong papel hanggang sa mapunit
ito.
“Ayaw ko na sa kaniya!” Nasambit niya habang lumuluha at hawak ang papel. Pinagsumikapan
niyang sumulat muli ng panibagong takdang-aralin. Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig siya ng isang
malakas na kalabog. Nahulog ang kaniyang kapatid na si Hero mula sa silya. May galos ito sa pisngi.
Pumalahaw ito ng iyak. Umaagos ang luha nito.
Nakalimutan ni Ciara ang kaniyang galit. Agad na niyakap niya ang kaniyang kapatid.
Sariling akda: Marissa A. Olilang
_____4. Bakit nagalit si Ciara sa kaniyang kapatid na si Hero?
A. Makulit ang kaniyang kapatid.
B. Hindi sumama sa kaniyang nanay si Hero.
C. Masyadong malikot ang nakababatang kapatid.
D. Pinaglaruan ang papel na sinulatan ng kaniyang takdang-aralin.

_____5. Paano ipinakikita ni Ciara ang pagmamahal sa kapatid?


A. binibigyan niya ng kendi. C. pinagsasabihan niya ang kapatid.
B. Inaalagaan niya ito. D. isinusumbong niya ang kapatid sa nanay.

_____6. Kung ilalarawan natin si Hero, alin sa mga sumusunod na pahayag ang angkop sa kanya?
A. Mabait B. Makulit C. Malikot D. Mapagmahal

_____7. Paano nakalimutan ni Ciara ang galit sa kaniyang kapatid?


A. Nagpakitang-gilas ito C. Niyakap siya nito ng mahigpit
B. Binigyan siya nito ng pagkain D. Nakita niyang sugatan ito at umiiyak

_____8. Alin sa mga sumusunod ang pangngalang tumutukoy sa tao?


A. Araw ng Kalayaan B. Dr. Jose Rizal C. palengke D. mesa
_____9. “Si Veronica ay pumunta sa palengke.” Ano panghalip panao ang maaring gamitin sa salitang
nakasalungguhit?
A. Ako B. Siya C. Kami D. Sila

_____10. Sina Aling Martha at Mang Kardo ay nagtanim ng maraming gulay sa likod ng kanilang bahay.
Anong bahagi ng pananalita ang mga nakasalungguhit?
A. Pangngalan B. Panghalip C. Pandiwa D. Pang-uri

Panuto: Makinig mabuti sa babasahing pabula.Piliin ang titik ng tamang sagot ng mga tanong sa ibaba nito
at isulat sa sagutang papel.

Ang Aso “Aw! Aw! Aw!” Malakas na kahol ng aso na parang di mapakali. “Tulong! Tulong! maawa kayo
sa akin, gutom na gutom na ako.” pagmamakaawa ni aso. Sa di kalayuan ay narinig ng pusa ang panaghoy
ng aso. Pinuntahan niya ito. “Anong nangyari sa ‘yo, bakit ganiyan ang itsura mo?” pagtatanong ng pusa.
“Bigyan mo naman ako ng pagkain, kaibigang pusa,” mangiyak-ngiyak na pagsamo ng aso. Labis na awa ang
nadama ni pusa sa aso. Nilisan niya ang lugar. Bumalik siyang may bitbit na pagkain. Lumaki ang mga mata
ni aso, hindi siya makapaniwala na tutulungan siya ng pusa. Mula noon naging magkaibigan na ang aso at
pusa.

_____11. “Aw, Aw, Aw!” malakas na tahol ng aso na parang di-mapakali. Ano ang nais niyang mangyari batay
sa kanyang ikinikilos?
A. nag –aalala C. nagmamadali
B. humihingi ng tulong D. nagmamakaawa

_____12. Sabi ni Aso, “Tulong! Tulong! maawa kayo sa akin, gutom na gutom na ako” Ano ang gusto niyang
gawin?
A. magpapansin C. magmadali
B. magmakaawa D. humingi ng tawad

_____13. Noong narinig ni pusa ang panaghoy ng Aso, alin dito ang kanyang ginawa?
A. Nilapitan si Aso C. Pinagalitan ang sarili
B. Nilayuan niya ito D. Tinawanan ng malakas

_____14. Nalalapit na ang pista ng barangay. May patimpalak ang pinakamalinis na Sitio kaya ang mga
residente ay nagkakaisa sa pagjilinis at pag-aayos ng kanilang lugar. Anong sawikain ang angkop sa
salitang may salungguhit?
A. kapit-bisig C. bantay-salakay
B. ulilang lubos D. mataas ang lipad

_____15. Madaling-araw pa lamang ay gumagayak na si Mang Pido upang magsaka ng kaniyang lupain.
Kailangan niyang madoble ang kanilang ani. Ninanais niyang maiahon ang kanilang buhay na mahirap. Alin
ang angkop na sawikain ng salitang may salungguhit?
A. antay-salakay C. mataas ang lipad
B. suntok sa buwan D. isang kahig isang tuka

_____16. Napaka imposible ang pangarap ni Athena na makarating sa Amerika subalit naniniwala siya na
habang may buhay ay may pag-asa. Alin sa mga sumusunod na salita ang angkop na sawikain ng salitang
may salungguhit?
A. bantay-salakay B. kapit-bisig C. ulirang anak D. suntok sa buwan

Basura, Sobra Na
Malala na ang problema sa basura sa ating bayan. Karaniwang makikita sa mga daanan ang mga
cellophanes, diapers, plastic cups, straws, bote, lata at iba pa. Ang masaklap pa nito ay pinaghalo-halo ang
nabubulok at di-nabubulok kaya ito ay kinakalat ng mga aso. Hindi naman ito makayang hakutin ng mga
basurero dahil sa kakulangan ng trak sa basura.

Panahon na upang humanap tayo ng paraan para malutas ang problema sa basura, Una, Mahigpit na
ipatupad ang batas sa pagbabawal sa paggamit ng “single use plastic”. Pangalawa, Obligahin ang bawat
pamilya na magkaroon ng compost pit para sa nabubulok na basura upang maging pataba sa mga halaman.
Pangatlo, Turuan ang bawat pamilya na makiisa sa pagrerecycle ng basura sa pamamagitan ng paghihiwa-
hiwalay ng bawat uri ng basura tulad ng papel, bote, lata, at plastic. Madaling mahahakot ang mga ito at
madadala sa junk shop o recycling center.

Sa ganitong mga paraan makakatulong ito upang kumita mula sa basura. Bukod sa mababawasan
ang nagkalat na basura, makakatipid pa sa paggawa ng mga bagay na nagmumula sa mga kahoy at
halaman.

_____17. Ano ang problemang dapat lutasin na nais iparating ng may-akda?


A. Ang paghalo-halo ng mga basura.
B. Ang kakulangan sa trak ng basura.
C. Ang paglala sa problema ng basura.
D. Ang hindi paghahakot ng mga basurero sa mga basura.

____18. Paano mababawasan ang pagdami ng basura?


A. Paggawa ng pataba mula sa nabubulok na basura.
B. Ipatupad ang pagbabawal sa paggamit ng “single use plastic”.
C. Pagrerecycle sa mga basurang maaari pang mapakinabangan.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

_____19. Paano mapakinabangang muli ang mga nabubulok na basura?


A. Itinatapon sa sapa at ilog.
B. Ipinapakain sa mga alagang hayop.
C. Itinatapon sa bakanteng lote at kinakalat ng mga aso.
D. Inilalagay sa compost pit para maging pataba sa mga halaman.

_____20. May humintong ambulansiya sa tapat ng bahay ni Gng. Teresita Mendoza. Maraming tao ang nang-
usyuso sa mga pangyayari. Ano kaya ang nangyari kay Gng. Teresita Mendoza?
A. Napahinto lamang ang ambulansiya.
B. Naubusan ng gasolina ang ambulansiya.
C. Dadalhin sa ospital si Gng. Teresita Mendoza.
D. May inihatid lamang kay Gng. Teresita Mendoza.

_____21. Maraming mag-aaral ang hihinto ngayong pasukan dahil sa pandemiya. Ano sa palagay mo ang
nangyari?
A. Ayaw na nilang mag-aral .
B. Natatakot siya sa bagong guro ( kasi mga mag-aaral).
C. Walang perang pantustos ang kanilang mga magulang .
D. Nababahala sa pagkalat ng lumalaganap na pandemiya.

_____22. Kaarawan ni Steve ngayon araw subalit hindi man lamang naalala ng kaniyang mga magulang. Ano
ang pinakamabuting gagawin ni Steve?
A. maglalayas siya
B. hindi siya uuwi sa kanilang bahay
C. magtanim ng galit sa kaniyang mga magulang
D. hahayaan niya na lang dahil lilipas din ang araw na ito

_____23. Gusto mong lumabas kasama ang iyong mga kaibigan. Paano ka magpapaalam sa iyong mga
magulang?
A. Aalis po ako kasama ng aking mga kaibigan.
B. Hinihintay na ako ng aking mga kaibigan sa labas, paalam.
C. Maaari po ba akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan?
D. Payagan ninyo akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan.

______24. Gusto mong makipaglaro sa labas kasama ang inyong mga kaibigan. Humingi ka ng pahintulot sa
iyong ina ngunit ayaw kang payagan dahil sobrang init sa labas. Ano ang iyong sasabihin?
A. Sige na inay, payagan na po ninyo ako.
B. Aalis pa rin ako, Inay kahit hindi ninyo ako papayagan.
C. Opo, Inay, gagawa na lang po ako ng aking takdang-aralin.
D. Naku, Inay, wala naman po akong gagawin dito sa bahay kaya payagan na ninyo ako.

_____25. Si Marko ay isang mabuting bata. Ano ang wastong panghalip panao para sa nakasalungguhit na
salita?
A. Ako B. Ikaw C. Siya D. Tayo

_____26. Nakibahagi sa proyekto ng ating pangkat. Anong panghalip ang ginamit dito?
A. Atin B . Ng C. Sa D. Tayo

_____27. Ngayon lang siya nakakita ng ganito. Anong panghalip ang ginamit sa pangungusap?
A. Ako B . Niya C. Siya D. Ating

Panuto: Panoorin at unawain ang maikling pelikula na may pamagat na “Ang Matalik na Magkaibigan” na
makikita sa link na http://youtube/maiklingpelikula/mataliknamagkaibigan-2020-06-03. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
_____28. Pagkatapos mong mapanood ang pelikula, nakadama ka ng paghanga. Anong elemento ng pelikula
ang nasalungguhitan?
A. tema B. kaisipan C. tauhan D. tagpuan

_____29. Nangyayari sa totoong buhay ang naganap sa pelikula tungkol sa magkaibigan samakatuwid, ito ay
masasabing kathang-isip. Anong uri ng elemento ng pelikula ang nasalungguhitan?
A. uri B. tema C. bahagi D. wakas

_____30. Naging malinaw ang paghahatid ng mensahe ng pelikula dahil sa detalyado ang mga pangyayari.
Anong uri ng elemento ng pelikula ang nasalungguhitan?
A. tema C. kaisipan
B. tauhan D. pagkasusunud-sunod ng mga pangyayari

_____31. Nakagawian na ng mga tao sa barangay ang pagsunog ng basura na siya pa lang dahilan ng
pagkakasakit ng mga bata ng asthma. Ano ang maaaring solusyon mo sa ganitong suliranin?
A. Iwanan lang sa daanan ang mga basura.
B. Itapon ang mga basura sa ilog, sapa, at dagat.
C. Ilagay sa loob ng sako at sunugin ang mga basura.
D. Ipunin at i-segregate ang mga basura at itapon sa tamang tapunan.

_____32. Noong bata pa ako, kasama ang aking mga pinsan ay madalas kaming naliligo sa sapa tuwing
nagbabakasyon kami sa lugar ng lola ko. Malinis, maputi at maraming isda ang nag-uunahan sa paglangoy
sa sapa. Ngayon, sobrang nakadidismayang isipin dahil maitim na ang tubig nito sapagkat napabayaan at
ginawa ng paliguan ng kalabaw. Ano ang pwede mong gawin para maibalik ang dating hitsura ng sapa?
A. Pabayaan na lang ito.
B. Iiyak at huwag ng bumalik sa lugar na iyon.
C. Pagalitan ang mga taong nagdadala ng kanilang kalabaw sa sapa.
D. Ireport sa mga opisyal ng barangay para pagsabihan ang mga taong lumalapastangan sa sapa.

_____33. Maraming namamatay na mga bata sa kabilang barangay dahil sa sakit na Dengue. Ano ba ang
maaaring solusyon nito?
A. Ipagwalang bahala ang 4 o’clock habit.
B. Tumulong sa paglilinis ang sambayanan.
C. Huwag makiisa sa programang Clean up Drive ng gobyerno.
D. Ipaubaya ng gawaing paglilinis sa mga opisyal ng barangay.

_____ 34. Ang pagsuot ng face mask ay mahalaga upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Ano ang
iyong opinion o reaksiyon?
A. Sang-ayon ako para sa kaligtasan ng lahat.
B. Hindi ako sang-ayon dahil sagabal ito sa paghinga.

______35. Umiwas sa mga taong may lagnat, ubo at sipon. Ano ang iyong opinion o reaksiyon?
A. Sang-ayon ako dahil maaaring makahawa sila.
B. Hindi ako sang-ayon dahil nakakaawa ang kalagayan nila.
C. Hindi ako sang-ayon dahil hindi naman sila manghahawa.
D. Hindi sigurado sa sagot.
______36. Ang taong nakisalamuha sa pasyenteng positibo sa virus ay kailangang humingi ng
agarang atensiyong medical. Ano ang iyong opinion o reaksiyon?
A. Sang-ayon ako upang masuri kung nahawaan.
B. Hindi ako sang-ayon dahil magastos ang magpatingin sa doktor.
C Sang-ayon din pero wala lang.
D. Hindi sigurado sa sagot.

______37. Palaging maghugas ng kamay gamit ang sabon at umaagos na tubig. Ano ang iyong
opinion o reaksiyon?
A. Sang-ayon ako upang matanggal ang virus na kumapit sa aking kamay.
B. Hindi ako sang ayon dahin mauubos kaagad and sabon
C. Hindi ako sang-ayon sa umaagos na tubig dahil maaksaya.
D. Hindi sigurado sa sagot.

_______38. Mahirap ang magulang ni Andres Bonifacio. Hindi siya nakapag-aral. Maaga siyang naulila. Siya
ang nagpalaki at nag-aruga sa kaniyang mga kapatid. Ngunit sa sariling pagsisikap natuto siyang bumasa at
sumulat. Tinuruan muna siyang bumasa ng kaniyang ate. Napaunlad niya ang kaalamang ito. Nakabasa at
nakasulat siya gaya ng nagtapos sa paaralan. Ano ang pamagat ng talata?
A. Ang Ulila C. Sariling Pagsisikap
B. Ang Ulilang si Andres D. Magulang ni Andres Bonifacio

_____39. Pinagyaman ng mga Ifugao ang kanilang kabundukan. Binungkal nila ang gilid nito. Nakalikha sila
ng makikitid na taniman sa paligid ng bundok. Parang hagdan patungo sa langit ang makikitid na taniman.
Tinataniman nila ito ng palay. Ang hagdan-hagdang palayan ng mga Ifugao ay isang kahanga-hangang
tanawin. Ano ang pamagat ng talata?
A. Ang Ifugao C. Kahanga-hangang Tanawin
B. Taniman ng Ifugao D. Ang Hagdan-hagdang Palayan

_____40. Si Andres Bonifacio ay isinilang noong Nobyembre 30, 1863. Isinilang siya sa maliit na dampa sa
Tondo, Maynila. Ang kanilang bahay ay nasa tapat ng kasalukuyang istasyon ng tren ng Tutuban. Ang
kaniyang ama si Santiago Bonifacio ay isang sastre. Ang kaniyang ina, si Catalina de Castro ay isang
karaniwang maybahay. Tunay na mula sa masa si Andres Bonifacio. Ano ang pamagat ng talata?
A. Si Andres Bonifacio C. Si Catalina de Castro
B. Mga Magulang ni Andres D. Trabaho ng mga Magulang

Panuto: Basahin ang kuwento. Saguting ang mga tanong pagkatapos.


Maagang pumunta sa bukid si Ruben. Una niyang tinignan ang kanyang mga alagang hayop para
pakainin ang mga ito. Pagkatapos, pinuntahan niya ang kanyang mga pananim na okra, talong at kalabasa
upang diligan. Pinakahuli, sumakay siya sa kanyang alagang kalabaw upang simulan ang ibang pang mga
trabaho sa bukid.

_____41. Ano ang unang pangyayari?


A. Maagang pumunta sa bukid si Ruben
B. Tinignan ang kanyang mga alagang hayop para pakainin ang mga ito
C. Pinuntahan niya ang kanyang mga pananim na okra, talong at kalabasa upang diligan
D. Sumakay siya sa kanyang alagang kalabaw upang simulan ang ibang pang mga trabaho sa bukid.
_____42. Ano ang unang ginawa niya pagdatin niya sa bukid?
A. Maagang pumunta sa bukid si Ruben
B. Tinignan ang kanyang mga alagang hayop para pakainin ang mga ito
C. Pinuntahan niya ang kanyang mga pananim na okra, talong at kalabasa upang diligan
D. Sumakay siya sa kanyang alagang kalabaw upang simulan ang ibang pang mga trabaho sa bukid.
_____43. Ano ang huling pangyayari?
A. Maagang pumunta sa bukid si Ruben
B. Tinignan ang kanyang mga alagang hayop para pakainin ang mga ito
C. Pinuntahan niya ang kanyang mga pananim na okra, talong at kalabasa upang diligan
D. Sumakay siya sa kanyang alagang kalabaw upang simulan ang ibang pang mga trabaho sa bukid.

_____44. Hahanapin ni Nena nag pinagsama-samang mga mapa sa iisang aklat. Anong aklat sanggunian ang
kanyang kukunin?
A. Almanac B. Atlas C. Diksiyonaryo D. Ensayklopidya

_____45. Nais kong makita ang impormasiyon tungkol sa iba’t ibang paksa na nakaayos ng paalpabeto. Anong
aklat sanggunian ang aking kukunin?
A. Almanac B. Atlas C. Diksyunaryo D. Ensayklopidya

_____46. Gusto ni Linda na malaman ang kahulugan, tamang pagpapantig, pagbigkas, pagbabaybay at
pagbabantas ng mga salita. Anong aklat sanggunian ang kanyang kukunin?
A. Almanac B. Atlas C. Diksyunaryo D. Ensayklopidya

_____47. Kalendaryo ng mga impormasyong astronomiko at prediksyon tungkol sa panahon na naman ang
hangad kong makita. Anong aklat sanggunian ang aking kukunin?
A. Almanac B. Atlas C. Ensayklopidya D. Tesawro

Basahin ang talata. Sagutin ang mga tanong.

“Ayon sa kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, na si Leonor M. Briones, ang pasukan para sa


Taong Panuruan 2020-2021 ay magsisimula sa 24 Agosto ng taong kasalukuyan sa halip na Hunyo.
Ito ay dahil sa COVID-19 na isang pandemyang tumama sa atin, at sa buong mundo, na
napakadelikado sa lahat ng mamamayan”, pahayag ng punong-guro na si Gng. Ramos. “Lubhang
mapanganib ang COVID – 19 kaya kailangan ang ibayong pag-iingat. Hangga’t maaari ay bawal
lumabas, kaya pinapapanatili na lamang muna sa kanilang mga tahanan ang mga tao.”
“Kaugnay nito, nais naming ipaalam sa inyo na ang pagpapatala ng lahat ng mga mag-aaral ay
gaganapin sa buong buwan ng Hunyo. Hindi ninyo kailangang pumunta sa paaralan upang
magpalista”, pagpapaliwanag ni Gng. Ramos.
“Ipagbigay alam po ninyo sa amin ang inyong intensiyon, sa pamamagitan ng pagtawag sa
telepono gamit ang mga numerong naibigay na sa inyo ng mga guro, o di kaya’y sa pamamagitan ng
on-line na pagkontak sa amin”, sambit pa niya.
“Ang paaralan ay bukas din po mula Lunes hanggang Biyernes sa mga nais makipagkita sa
amin. Magsuot lamang po kayo ng face mask at itaguyod ang isang metrong “social distancing”,
panapos niyang pahayag.
_____48. Alin sa mga sumusunod ang tama ang pagkakasulat sa pangalan ng kalihim ng Kagawaran ng
Edukasyon?
A. Kalihim leonor m. briones C. Kalihim Leonor M. briones
B. Kalihim Leonor M. Briones D. Kalihim leonor M. Briones

_____49. Anong letra ang nagpapakita ng wastong pagkakasulat sa pangalan ng punong-guro na nagbigay ng
paliwanag ukol sa pagbubukas ng klase?
A. Gng. ramos B. Gng. Ramos C. gng. ramos D. gng. Ramos

_____50. Anong bantas ang ilalagay mo sa pahayag na ito?


“Kailan magsisimula ang pasukan sa taong panuruan 2020-2021__”
A. Kuwit B. Tuldok C. Tandang Padamdam D. Tandang Pananong
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
PASONG BANGKAL ELEMENTARY SCHOOL

ANSWER SHEET
PERIODICAL TEST FILIPINO 6
QUARTER I
1. C
2. C
3. C
4. D
5. B
6. C
7. C
8. B
9. B
10. A
11. B
12. B
13. A
14. A
15. D
16. D
17. C
18. D
19. D
20. C
21. D
22. D
23. C
24. A
25. C
26. A
27. C
28. A
29. A
30. D
31. D
32. D
33. B
34. A
35. A
36. A
37. A
38. B
39. B
40. A
41. A
42. B
43. C
44. B
45. D
46. C
47. A
48. B
49. B
50. D

You might also like