You are on page 1of 11

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Taong Panuruan 2023-2024

Pangalan: ______________________________________ Iskor: ___________


Baitang at Pangkat _______________________________ Petsa: __________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong/pahayag. Tukuyin


at bilugan ang katumbas na letra ng pinakatamang sagot.

Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nagulat ang mga
tauhan sa sultan sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y mas makisig kaysa sa sultan. Kagyat na
nag-utos ang sultan na ibilanggo si Usman at pagkatapos ay patayin ito. Agad na sinunod ng mga tauhan
ang kautusan ng sultan.
Nang Makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si Usman ay nakadama siya agad ng
pag-ibig sa unang pagkikita nila ng binata. Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang amang sultan at
nagmakaawang patawarin at pakawalan si Usman. “Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman.
Wala po siyang kasalanan,” ang pagmamakaawa ng dalaga sa ama. Ngunit sadyang malupit ang sultan.
Hindi siya nakinig sa pagsusumamo ng kanyang anak. “Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika
niya sa sarili. “Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre Maasita ngunit hindi
siya pinansin ng sultan. Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan.
Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking
labis niyang iniibig. Lihim siyang nagpadala ng mga mensahe sa mga guwardiya ngunit ang lahat ng ito’y
ipinaparating nila sa sultan. Bunga niyon, nagpupuyos sa galit ang sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na
malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay ikulong din.
Mula sa Kuwentong Bayan na “Si Usman, Ang Alipin”

1. Anong kaugalian ang masasalamin sa tekstong binasa patungkol sa pamamahala ng sultan?


a. Ang pag-aasawa ng kababaihan ay sakop ng kapangyarihan ng sultan
b. Ang ipinatutupad na batas ng sultan ay hindi mababali
c. Pag-aasawa ng higit sa isa
d. Pagbibigay ng bahagi ng ari-arian ng lalaki sa mapapangasawa
2. Lihim na nagpadala ng mga mensahe si Potre Maasita sa mga guwardiya para kay Usman ngunit
ang lahat ng ito’y ipinaparating nila sa sultan. Ano ang mahihinuha sa pangyayaring ito sa kuwento?
a. Labis ang katapatan ng mga guwardiya sa sultan dajilan upang iparating nila ang lihim na
ginagawa ni Potre Maasita.
b. Nagselos ang isang guwardiya na may gusto kay Potre Maasita kaya ipinarating nito sa sultan
ang lihim ng dalaga
c. Hindi maayos ang nagging pakiusap ni Potre Maasita sa mga guwardiya upang ibigay ang
mensahe kay Usman
d. Nagmukmok na lamang si Potre Maasita nang malaman ng sultan ang lihim niya
3. Dahil nga sa siya’y tunay na malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay ikulong din. Ang
pang-ugnay na ginamit sa pangungusap ay nagbibigay ng ______?
a. patunay b. posibilidad c. sanhi d. bunga
4. Anong kaugalian ng Maguindanaon ang mahihinuha sa bahagi ng teksto na tinanganggap ni
Potre maasita ang hatol ng ama na maging siya ay ikulong rin dahil sa pagnanais niyang pigilan ang
kamatayan ng lalaking minamahal?
a. labis na paggalang sa magulang
b. pagtanaw ng utang na loob
c. pagbibigay pugay sa sultan
d. pag-aasawa ng higit sa isa
5. Paano inilarawan si Usman sa kuwentong binasa?
a. Siya ay isang malupit na sultan.
b. Siya ay matapat na sultan sa kaniyang nasasakupan.
c. Siya ay mapagmahal na alipin sa kaniyang pinaglilingkuran.
d. Matapang, malakas, mataas, kayumanggi, at matapat si Usman.
6. Ano ang mahihinuha sa ipinakitang kagalakan at pagbubunyi ng taumbayan matapos ang
nangyari sa palasyo?
a. Ikinatuwa ng lahat ang kanilang paglaya sa paghahari ng malupit na si Sultan Zacaria.
b. Masaya sila nang mapagtantong mabuting tao si Usman dahil sa ginawa niyang pagtulong sa
taumbayan.
c. Batid nilang matatagpuan na nila ang kapayapaan at kaunlaran kabaliktaran ng nagdaang
panahon na namayani ang kalupitan.
d. Lahat ng nabangggit.
7. Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasya ang matalinong pilandok na magpunta
sa paborito niyang malinaw na batis upang doon magpalamig at uminom. Ngunit hindi pa man
nakakainom ay nakita nya ang isang baboy ramo na tila gutom na gutom. Ano ang mahihinuha mo
sa pangyayari?
a. Maiisipan ng baboy-ramo na kainin si Pilandok
b. Lalapit ang baboy ramo kay Pilandok upang magtanong ng makakain
c. Magagalit ang babaoy ramo dahil pagmamay-ari nito ang batis
d. Mag-aaway si Pilandok at baboy-ramo
8. Habang naglalakad pauwi ang pilandok ay nasalubong niya ang isang suso. Dahil maliit at
mabagal ang suso ay naisip ng Pilandok na kayang-kaya niyang magyabang dito. Mahihinuha na
___________?
a. Pinagtawanan ni Pilandok si suso
b. Hinamon niya si suso sa isang karera
c. Nagsukatan ng lakas sina Pilandok at suso
d. Inutusan niya si suso na kumuha ng kanyang pagkain
9. “Suso, kung sa paanong paraan mo man ginawa iyon, tinatanggap kong tinalo mo ako sa ating
karera. Kung susuriin ang kaisipan ng pahayag at iuugnay sa sariling karanasan, maaaring ang
ipinahihiwatig nito ay…
a. pagmamahal sa kaibigan
b. pagtanggap sa kahihiyan
c. pagmamalaki sa kapwa
d. pagpapakumbaba at pagtanggap ng pagkakamali
10. “Matalino ka nga. Binabati kita at dahil diyan, ipinangangako kong iiwasan ko na ang ginagawa
kong panlalamang sa kapwa.” Nagbunyi ang mga hayop sa narinig kay Pilandok. Kung susuriin ang
kaisipan ng pahayag at iuugnay sa sariling karanasan, maaaring ang ipinahihiwatig nito ay…
a. Walang nilalang ang nabubuhay mag-isa
b. Gaya ng iba lahat ay maaaring magbago
c. Mananatiling tuso ang isang nilalang
d. Ang taong tuso ay napapahamak
11. “Tama ka, Pilandok. Ito na nga ang hapunan ko,” ang sigaw ng baboy-ramo sabay sugod sa
nabiglang mangangaso. Subalit nabigla man at natumba ang mangangaso ay mabilis pa rin itong
nakabangon at napaputok ang dalang rifle at tinamaan ang baboy-ramo. Batay sa sinapit ni baboy-
ramo, ipinahihiwatig na sa mga ganitong pagkakataon sa buhay ng tao ang karaniwang nagiging
resulta ay…
a. pagtatagumpay dahil sa pag-iisip ng masama sa kapwa
b. pagkakaroon ng maayos na pamumuhay
c. pagkalulong sa kasakiman
d. pagkapahamak dahil sa pagiging padalos-dalos
12. “Totoong mabagsik ang matandang iyon at marami nang napatay” bulong niya sa sarili. Anong
salita sa pahayag ang nagbibigay patunay?
a. mabagsik b. marami c. totoo d. matanda
13. Labis na nakaramdam ng tuwa ang batang si Mika sapagkat nakita niyang muli ang pinsang
kauuwi lamang galling sa Amerika. Ang salitang nakasalungguhit ay halimbawa ng ____________.
a. ekspresyon nagpapahayag ng posibilidad
b. pang-ugnay sa pagbibigay ng bunga
c. ekspresyong nagbibigay patunay
d. pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi

Para sa bilang 14-16: Piliin ang wastong gamit ng salitang maylapi na nasa loob ng kahon sa bawat
pahayag. Isulat lamang ang letra ng pinakatamang sagot.

a. pagtawa b. nagtawanan c. natawa d. tinawanan

14. Hindi sumagot si Jenny sa kausap, sa halip ay ____________ lamang niya ito.
15. ____________ ang lahat matapos bigkasin nang mali ni Peter ang kaniyang iskrip.
16. Ang ___________ mo ay sadyang nakakahawa at nakakapagbibigay ng kasiya-siyang
pakiramdam.

17. Mula sa akdang “Ang Aso at ang Leon”, isaayos ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. Piliin ang letra ng pinakatamang sagot na nasa ibaba.
I. Sa halip na tumakbo, naupo siya at nagkunwaring hindi pa niya sila nakikita.
II. Natiktikan ng matandang aso ang pagdating ng leon na may nakasakay na ardilya sa likod.
III. Nang malapit na ang dalawa at alam niyang siya’y maririnig, ang matandang aso ay nagsabi,
“nasaan ang ardilyang iyan? Inutusan ko siya, isang oras na ang nakararaan na dalhin sa
akin ang isa pang leon!”
a. I, II, III b. II, III, I c. III, II, I d. II, I, III
18. Mula sa tekstong binasa sa bilang 17, makikilala ang pabula bilang natatanging akda dahil sa:
a. naghahatid ito ng aral
b. gumagamit ito ng mga hayop bilang tauhan
c. nagpapakita ito ng kultura ng lugar na pinagmulan nito
d. akda ito para sa mga bata
19. Nagpasalubong ng tsokolate ang ang aking ama dahil siya ay nakatanggap na ito ng kaniyang
suweldo. Ang salitang nakasalungguhit ay halimbawa ng ____________.
a. ekspresyon nagpapahayag ng posibilidad
b. pang-ugnay sa pagbibigay ng bunga
c. ekspresyong nagbibigay patunay
d. pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi
20. Isang umaga, nagpasiya si Joan na bumisita sa kaniyang kaibigan kaya labis ang pagkagulat
nito sa kniyang pagdating. Ang salitang nakasalungguhit ay halimbawa ng ____________.
a. ekspresyon nagpapahayag ng posibilidad
b. pang-ugnay sa pagbibigay ng bunga
c. ekspresyong nagbibigay patunay
d. pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi
21. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagbibigay ng patunay?
a. Sa katunayan may mga tala ng mga pangalan na nawalan ng hanapbuhay sa unang taon ng
pandemya.
b. Ang kabuoang datos ng epekto ng paghina ng ekonomiya ay inilabas sa mga balita sa
telebisyon.
c. Higit na nakontrol ang pagdami ng kaso ng COVID sa bansa nang nagsagawa ng malawakang
pagbabakuna sa mga mamamayan.
d. Sa palagay ko ay magiging normal na ang pamumuhay ng mga Pilipino sa susunod na taon
22. “Kawawa ka naman baboy-ramo, maghapon ka na palang hindi kumakain,” ang sabi na tila
awang-awa nga sa kalagayan ng kausap. “Puwede mo nga akong maging pagkain pero alam mo,
sa gutom mong iyan at sa liit kong ito, tiyak na hindi ka mabubusog sa akin.”Anong katangian ni
Pilandok ang masasalamin sa pahayag?
a. mabiro b. tuso c. magagalitin d. palakaibigan
23. “Matalino ka nga. Binabati kita at dahil diyan, ipinangangako kong iiwasan ko na ang ginagawa
kong panlalamang sa kapwa.” Muling nagbunyi ang mga hayop sa nakarinig kay Pilandok. Anong
kaisipan ang ipinahihiwatig ng pahayag?
a. Pagtanggap ng pagkatalo
b. Pagkimkim ng sama ng loob
c. Pagpaparaya sa kasikatan
d. Pagkukunwari sa harap ng nakararami

24. Mula sa akdang “Natalo Rin si Pilandok”, isaayos ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. Piliin ang letra ng pinakatamang sagot na nasa ibaba.
I. “Kung gayon, samahan mo na ako sa tao at nang ako’y makakain na. Basta’t tandaan mo,
kapag hindi ako nakakain ng tao ay ikaw pa rin ang magiging hapunan ko,” sabi ng baboy-
ramo sa pilandok.
II. “Oo, basta, ako ang bahala sa iyo. Tiyak na mabubusog ka, kaibigan,” ang paniniyak pa ng
pilandok sa baboy-ramo.
III. Nahulog na nga ang baboy-ramo sa bitag ng pilandok. Paniwalang-paniwala ito sa kanyang
matatamis na pananalita.

a. III, I, II b. III, II, I c. II, I, III d. I, III, II


25. Sa pabula na “Natalo Rin si Pilandok”, ang baboy-ramo ay isang tauhan sa kuwento na
ginagamit ang lakas at pagkakaroon ng katangian niyang nakahihigit laban kay Pilandok. Alin sa
mga karaniwang sitwasyon sa silid-aralan ang maihahambing mo sa katangiang taglay ni baboy-
ramo?
a. “Ibigay mo sa akin ang baon mo kung ayaw mong masaktan!” wika ni Damulag kay Nobita.
b. “Isusumbong kita kay Ma’am dahil ayaw mong ibalik ang bolpen ko!” sigaw ni Nobita kay
Damulag.
c. “Bibigyan kita ng papel ngayon pero ako naman ang manghihingi sayo pag ako ang
nangailangan.” Nakangiting pahayag ni Doraemon.
d. “Binabati kita Nobita! Ikaw ang nakakuha ng pinakamataas na marka.” Sambit ni Soneo.
26. “Huwag kayong mag-alala, tayo ay hindi pababayaan ni Allah at hindi ko kayo pababayaang
magutom.” Anong katangian ng tauhan ang masasalamin sa pahayag?
a. matapat na kapatid c. mapagpanggap na kapatid
b. mapagmahal na kapatid d. mapagbigay na kapatid
27. “Tulalang, kami ay iyong pahintulutan, nais naming manirahan sa iyong kaharian. Handa kaming
magpasakop sa iyong kapangyarihan.” Anong katangian ng tauhan ang masasalamin sa pahayag?
a. pagsasamantala c. pagpapakumbaba
b. pagpapaawa d. pagbubunyi
28. Payapa ang pamumuhay sa kaharian nina Tulalang dahil naroon silang magkakapatid na
handang maglingkod sa mga tao. Aling pang-ugnay na nagbibigay sanhi ang ginamit sa
pangungusap?
a. sila b. naroon c. dahil d. kaharian
29. Nakuha ni Tulalang ang bote na naglalaman ng mga kaluluwa ng mga kawal ng hari ng Bagyo
dahil dito _______________. Alin sa mga sanhi sa ibaba ang karugtong ng pangyayari?
a. binasag ni Tulalang ang bote para mamatay ang hari at mga kawal
b. napasuko ni Tulalang ang Hari at ang mga kawal
c. namatay si Tulalang
d. nalinlang ni Tulalang ang hari ng Bagyo
30. “Ang ikaapat at bunsong kapatid ni Tulalang ang itinuturing na hiyas ng kanilang pamilya.” Bakit
tinawag na hiyas ang bunso sa kanilang magkakapatid?
a. dahil siya lang ang babae sa kanilang magkakapatid
b. may kapangyarihan itong magpalit-anyo ng iba’t ibang hugis
c. kasinlaki lamang siya ng daliri kapag nasa loob ng buslo
d. lahat ng nabanggit
31. Ano ang sinisimbolo ng tanim na rosas ng kapatid na babae ni Tulalang?
a. babala c. kapayapaan
b. kagandahan d. kasaganahan
32. Bakit itinuturing na pinakamataas na bahagi ng maikling kuwento ang kasukdulan?
a. dito nababasa ang pinakamaaksiyon na panyayari sa loob ng kuwento
b. dito nababasa ang kapana-panabik na bahagi ng kuwento
c. sa bahaging ito nabibigyang solusyon ang suliraning kahaharapin ng pangunahing tauhan
d. lahat ng nabanggit
33. Alin sa mga elemento ng maikling kuwento ang naglalaman ng maayos at wastong
pagkakasunod-sunod ng pangyayari?
a. tunggalian b. kasukdulan c. banghay d. tagpuan
34. Alin sa mga elemento ng maikling kuwento ang nagsasaad ng kinahinatnan o resolusyon ng
kuwento?
a. tunggalian b. kasukdulan c. simula d. wakas

Para sa bilang 35-37:


Panuto: Tukuyin at piliin ang katumbas na letra na mali ang pagkakagamit sa pahayag.
35. Marahas na inalalayan ni Ibrah ang asawang kasisilang pa lamang kay Abdullah.
a b c d

36. Ang magandang kinalabasan ng seremonya ay ikinalungkot ng mga dumalo.


a b c d

37. Lumipas na ang araw na kanilang pinakahihintay, ang Penggunting.


a b c d
38. May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kaniyang mga nasasakupan.
Sadyang lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook kaya nalimutan na niya ang mag-
asawa. Ang ganitong uri ng pangyayari ay maaring ihalintulad sa anong sitwasyon sa kasalukuyan?
a. Matagal na panahong pagtuturo ng guro at hindi napagtuunan ng pansin ang buhay pag-
ibig
b. Dedikasyon ng isang sundalo sa pagtatanggol sa bayan at tumandang
mag-isa
c. Isang panganay na anak na nagpapaaral ng mga kapatid at nawalan ng oras sa mga
manliligaw
d. lahat ng nabanggit
39. “Ang pagpapahalaga’t respeto sa kultura, may hatid na kapayapaan at magandang pagpapala.”
Alin sa mga sumusunod ang angkop na kaisipan sa pahayag?
a. Makatatanggap ng biyaya kung may alam sa kultura
b. Giginhawa at magiging maayos ang pamumuhay kung iingatan at igagalang ang kultura
c. Nakasalalay sa kultura ang katagumpayan
d. wala sa nabanggit
40. Sumapit na ang araw na kanilang pinakahihintay, ang Penggunting.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit?
a. dumating b. lumitaw c. sumilay d. suminag
41. Ang mga sumusunod ay mga hakbang at panuntunan sa pagsasagawa ng makatotohanan at
mapanghikayat na proyektong panturismo maliban isa.
a. Pananaliksik at pagsulat ng nilalaman ng iyong travel brochure
b. Pagpili ng mga larawang kasama sa travel brochure
c. Pagbuo ng borador para sa iyong travel brochure
d. Panayam sa mga eksperto
42. Alin sa mga hakbang at panuntunan sa pagsasagawa ng makatotohanan at mapanghikayat na
proyektong panturismo nakapaloob ang pagtukoy sa turistang target?
a. Pananaliksik at pagsulat ng nilalaman ng iyong travel brochure
b. Pagpili ng mga larawang kasama sa travel brochure
c. Pagbuo ng borador para sa iyong travel brochure
d. Pagbuo ng aktuwal na travel brochure
43. Alin sa mga hakbang at panuntunan sa pagsasagawa ng makatotohanan at mapanghikayat na
proyektong panturismo nakapaloob ang paggamit ng impormasyong iyong nasaliksik?
a. Pananaliksik at pagsulat ng nilalaman ng iyong travel brochure
b. Pagpili ng mga larawang kasama sa travel brochure
c. Pagbuo ng borador para sa iyong travel brochure
d. Pagbuo ng aktuwal na travel brochure
44. Alin sa mga hakbang at panuntunan sa pagsasagawa ng makatotohanan at mapanghikayat na
proyektong panturismo nakapaloob ang pagbuo ng template?
a. Pananaliksik at pagsulat ng nilalaman ng iyong travel brochure
b. Pagpili ng mga larawang kasama sa travel brochure
c. Pagbuo ng borador para sa iyong travel brochure
d. Pagbuo ng aktuwal na travel brochure
45. Alin sa mga hakbang at panuntunan sa pagsasagawa ng makatotohanan at mapanghikayat na
proyektong panturismo nakapaloob ang mga larawan tulad ng pagzi-zipline, pagpipiknik at iba pa?

a. Pananaliksik at pagsulat ng nilalaman ng iyong travel brochure


b. Pagpili ng mga larawang kasama sa travel brochure
c. Pagbuo ng borador para sa iyong travel brochure
d. Pagbuo ng aktuwal na travel brochure
46. Lamigin si Joana kaya lagi siyang nagdadala ng jacket. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan
ng salitang nakasalungguhit?
a. taong madaling makadama ng lamig
b. nararamdaman ng tao kapag malamig
c. ginagawa ng tao o hayop para guminhawa ang pakiramdam lalo kapag mainit
d. tumutukoy sa uri ng panahon o klimang nararanasan
47. Nilalamig si Tony kaya binalot niya ang sarili ng kumot.
a. taong madaling makadama ng lamig
b. nararamdaman ng tao kapag malamig
c. ginagawa ng tao o hayop para guminhawa ang pakiramdam lalo kapag mainit
d. tumutukoy sa uri ng panahon o klimang nararanasan
48. Mula sa akdang “Nakalbo ang Datu”, isaayos ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. Piliin ang letra ng pinakatamang sagot na nasa ibaba.
I. May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kaniyang nasasakupan.
II. Dahil dito, pinayuhan na siya ng matatandang tagapayo na mag-asawa na upang magkaroon
siya ng anak na magiging tagapagmana.
III. Sadyang lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook kaya nalimutan na niyang mag-
asawa.
a. III, I, II b. III, II, I c. II, I, III d. I, III, II

49. Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa ay nakuntento na ang sa kaniyang


buhay ang datu. Ang pang-ugnay na dahil ay ginamit sa pangungusap upang maibigay ang
____________.
a. sanhi ng pangungusap c. posibilidad
b. bunga ng pangungusap d. paghihinuha
50. Pinayuhan na siya ng matatandang tagapayo na mag-asawa na upang magkaroon siya ng anak
na magiging tagapagmana. Ang pang-ugnay na upang ay ginamit sa pangungusap upang maibigay
ang ____________.
a. sanhi ng pangungusap c. posibilidad
b. bunga ng pangungusap d. paghihinuha

Inihanda Nina: MARIE CRIS U. GAMUROT (Guro III – Dr. Ramon de Santos NHS, CD-I)

KAREN MARIE B. DOMINGO (Guro I – Dr. Ramon de Santos NHS, CD-I)

Sinuri Ni: CRISCEL S. CACHUELA (Ulong Guro III, – Dr. Ramon de Santos NHS)

Konsultant: REYNALDO S. REYES (Tagamasid Pansangay sa Filipino)


UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

SUSI SA PAGWAWASTO

1. B 26. B

2. A 27. B

3. C 28. C

4. A 29. B

5. D 30. A

6. D 31. A

7. A 32. D

8. B 33. C

9. D 34. D

10. B 35. A

11. D 36. C

12. C 37. A

13. D 38. D

14. D 39. B

15. B 40. D

16. A 41. D

17. D 42. D

18. B 43. D

19. D 44. C

20. B 45. B

21. D 46. A

22. B 47. B

23. A 48. D

24. A 49. A

25. A 50. C
UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Bilang Bila Blooms’ Taxonomy (Cognitive Level)
ng
ng

KARANIWAN

MAHIRAP
Ayte

MADALI

(30%)

(60%)

(10%)
m

15

30

5
Pinaka-esensyal na
Kakayahan sa Pag-
aaral

Pagkakatanda

Pag-aanalisa
Pag-unawa

Paglalapat

Pagtataya

Paglikha
Nahihinuha ang 7 1,4
kaugalian at
kalagayang
panlipunan ng lugar
na pinagmulan ng
kuwentong bayan
batay sa mga
pangyayari at usapan
ng mga tauhan
(F7PN-Ia-b-1)
a. Nakikilala ang
katangian ng mga
tauhan batay sa tono 5 18,
at paraan ng kanilang 22,26, 27
pananalita

Nahihinuha ang 6 2,6,7,8 28,29


kalalabasan ng mga
pangyayari batay sa
akdang napakinggan
(F7PN-Ic-d-2)

Nagagamit nang 3 3,12, 21


wasto ang mga
pahayag sa
pagbibigay ng mga
patunay
(F7WG-Ia-b-1)

Nasusuri ang 1 38,


pagkamakatotohanan
ng mga pangyayari
batay sa sariling
karanasan
(F7PB-Ih-i-5)
a. Natutukoy at
naipaliliwanag ang 31 9,10,11,
mahahalagang 6 23, 39
kaisipan sa
binasang akda

Naipaliliwanag ang 5 13,19,20


sanhi at bunga ng 49, 50
mga pangyayari
(F7PB-Id-e-3)
a. Natutukoy kung
ang pang-ugnay
na ginamit ay
nagpapahayag ng
sanhi o bunga

Napatutunayang 5 14,15,16
nagbabago ang ,46, 47
kahulugan ng mga
salitang naglalarawan
batay sa ginamit na
panlapi
Note: Write the item number/s that fall/s under each of Bloom’s Taxonomy Cognitive Levels.

Inihanda Nina: MARIE CRIS U. GAMUROT (Guro III – Dr. Ramon de Santos NHS, CD-I)

KAREN MARIE B. DOMINGO (Guro I – Dr. Ramon de Santos NHS, CD-I)

Sinuri Ni: CRISCEL S. CACHUELA (Ulong Guro III, – Dr. Ramon de Santos NHS)

Konsultant: REYNALDO S. REYES (Tagamasid Pansangay sa Filipino)

You might also like