You are on page 1of 7

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

1
Paano Gagamitin ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-
Loob?

Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob (EsP10MP-Ia-1.1)

Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga


kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito (EsP10MP-Ia-1.2)

Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng


katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal (EsP10MP-Ib-1.3)

Layunin
A. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa mga piling sitwasyon;
B. Naiaangkop ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa pagpapasiya at pagkilos; at
C. Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan
at sa paglilingkod/pagmamahal.

Kagamitan
ballpen bond paper Laptop Learner’s notebook EsP Grade
computer Module 10 Self-
Learning
Modules

Nilalaman

1
Noong ikaw ay nasa Baitang 7, nalaman mo na sa lahat ng nilikha ng Diyos na may buhay,
bukod-tangi ang tao. Naniniwala ka ba dito? Bakit nga ba nasabing obra maestra ang tao? Ano ang
nagpapabukod-tangi sa kaniya?

Ikaw ay isang obra maestra ng Diyos sapagka’t ikaw ay nilikhang kawangis Niya. Sa
kaniyang pag-iisip, pagpapasiya, at pagkilos, nagiging bukod-tangi ang tao. (Modyul 5, Modyul para
sa mga Mag-aaral, Edukasyon sa Pagpapakatao sa Baitang 7)

Sa araling ito, babalikan mong muli ang taglay mong kakayahan bilang tao upang matugunan
mo ang hamon ng pagpapakatao. Sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral, inaasahang masasagot ang mga
tanong na: Ano ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob? Paano ito dapat gamitin?

Paunang Pagsusulit
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Aling yugto ng pagka-sino ng tao ang nagpapakita ng pagkamit ng kaniyang kabuuan, kaya hindi
siya naiimpluwensiyahan ng pananaw ng nakararami dahil sa kaniyang matibay na paninindigan?
a. Indibidwal b. Kaganapan c. Persona d. Personalidad
2. Alin ang dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kaniyang misyon sa buhay na siyang
magiging daan tungo sa kaniyang kaligayahan?
a. Mga katangian ng pagpapakatao c. Mga talento at kakayahan
b. Mga pangarap at mithiin d. Kasipagan at katapatan
3. Aling yugto ng pagka-sino ng tao ang tumutukoy sa kaniyang pag-okupa ng espasyo na hiwalay
sa ibang sanggol nang isilang siya sa mundo?
a. Indibidwal b. Kaganapan c. Persona d. Personalidad
4. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga
upang bigyan ito ng kahulugan?
a. maghusga b. mag-isip c. makaunawa d. mangatwiran

5. Aling panloob na pandama ng tao ang tumutukoy sa kaniyang kakayahan na lumikha ng larawan
sa kaniyang isip at palawakin ito?
a. Imahinasyon b. Instinct c. Kamalayan d. Memorya

6. Ano ang itinuturing ni Max Scheler na pinakapangunahing kilos sapagkat dito nakabatay ang iba’t
ibang pagkilos ng tao?
a. Kalayaan b. Katarungan c. Katotohanan d. Pagmamahal

7. Nagkakaroon ng epekto sa isip kung depektibo ang pandamdam ng isang tao. Tama ba o mali ang
pahayag?
a. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandamdam.
b. Tama, dahil ang pandamdam ang nagbibigay kaalaman sa isip.
c. Mali, dahil magkahiwalay ang pandamdam na kakayahan at isip.
d. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid
dito.

2
8. Ano ang nais ipahiwatig ni Fr. Roque Ferriols sa kaniyang pahayag na, “Ang katotohanan ay ang
tahanan ng mga katoto.”?
a. ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-samang hinahanap ito
b. ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan
c. may kasama ako na makakita sa katotohanan
d. ang katotohanan ay nakikita ng mga tao
9. Nagkasakit si Joel dahil sa hilig niyang kumain ng maalat at matabang pagkain, na sinasabayan pa
ng pag-inom ng alak. Mula noon, naging maingat na siya sa kaniyang sarili at marunong na ding
magtimpi. Bakit kaya ni Joel na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
a. ang tao ay may kamalayan sa sarili
b. malaya ang taong pumili o hindi pumili
c. may kakayahan ang taong mangatuwiran
d. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon
10. Ano ang mahihinuha sa pahayag tungkol sa kakayahan ng hayop?
“May kamalayan ang hayop sa kaniyang kapaligiran dahil may matalas itong kakayahan upang
kilalanin ang bagay na nakikita, tunog o amoy ng kaniyang paligid lalo na kung ito ay may
kaugnayan sa kaniyang buhay. Mayroon din itong pakiramdam sa kung ano ang mabuti at
masama para sa kanyang kabutihan o kapakanan.”
a. ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kaniyang sarili
b. kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila
c. mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito
d. upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao

GAWAIN
Balik-Aral

Panuto: Punan ang tsart batay sa mga konseptong iyong natutuhan noong ikaw ay nasa Baitang 7.
Gamit Tunguhin
Isip

Kilos-loob

3
Gawain 1:
PANUTO: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga taong ito,
paano mo gagamitin ang iyong isip at kilos-loob? Ipaliwanag ang iyong sagot.

1. Sa panahon ng pandemya ng Covid-19, kinikilalang frontliners ang ating mga healthcare


workers. Sila ang nangangalaga sa ating kalusugan at kumakalinga sa mga maysakit. Ngunit sa
likod ng kanilang pagsasakripisyo, humaharap sila sa iba’t ibang suliranin tulad ng mahabang oras
sa trabaho, matinding pagod at puyat sa pag-aasikaso sa tumataas na bilang ng mga pasyente, at
kakulangan ng Personal Protective Equipment (PPE). Dagdag pa rito ang panganib na sila ay
mahawa ng sakit at ang posibilidad na makahawa rin sila sa kanila-kanilang pamilya. Sa kabila
nito, marami pa rin sa kanila ang pinipiling manatili sa trabaho at ilaan ang kanilang sarili sa
paglilingkod. Kung ikaw ay isang healthworker sa isang ospital na maraming kaso ng Covid-19,
ipagpapatuloy mo pa ba ang iyong trabaho? Bakit?

Opo, sapagkat una palang bakit kopo pipiliin ang larangang paglilingkod sa hospital o sa
mamamayan kung ayaw kong mag sakripisyo ng aking buhay kaya sa madaling salita opo
ipagpapatuloy ko dahil bilang isang doktor tungkulin ko ang bumuhay o nagpahaba ng buhay ng
tao kht pa ikapapahamak ko ito.

2. Isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang inyong lugar. Dahil dito,
awtomatikong ipinagbabawal lumabas ng bahay ang mga taong hindi Authorized Person Outside
of Residence o APOR, mga walang quarantine pass, mga kabataang edad 20 pababa at mga
Senior Citizens. Ikaw ay nasa Baitang 10 pa lamang at naninirahan kasama ng iyong lolo’t lola na
parehong lagpas 60 na ang edad at pawang mahihina na ang pangangatawan. Kinakailangang
mabigyan ang isa sa inyo ng quarantine pass upang makalabas ng bahay at bumili ng mga
pangangailangan. Sa puntong ito, paano mo kukumbinsihin ang mga opisyales ng barangay na
bigyan kayo ng quarantine pass? Kung sakaling sila naman ay pumayag, kanino mo ito
ipapangalan at bakit?

Akin pong kakausapin ang opisyales na naka atas sa kuhaan ng quarantine pass at ipaliliwanag dito
ang aming sitwasyon upang sa ganun ay kaniyang mapag isipan kung kami ba ay mabibigyan ng pass
o hindi, ipapangalan kopo ito sa akin sapagkat ang dalawa kopong kasama ay parehong matanda na o
senior citizen na mas mahina at mas madaling kapitan ng sakit kung para sa akin kung kaya't dahil
dito sa aming tatlo ako po ang mas nararapat na mapangalanan nito para nadin sa ikaliligtas ng aking
lolo at lola.

3. Isa ang iyong ama sa libo-libong tao na nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.
Ipinagtapat niya sa inyong pamilya na maaaring magbago ang takbo ng inyong buhay kung hindi
siya agad makapaghahanap ng bagong pagkakakitaan. Nakiusap din siya na hanggang maaari,
magtipid kayong magkakapatid at iwasang gumastos sa di-mahahalagang bagay. May nais kang
bilihin sa Lazada at nagkataon namang ito’y naka-sale. May sapat na ipon ka na rin naman upang
makuha ito. Sa puntong ito, bibilihin mo ba ang gamit na gusto mo o ibabahagi mo sa pamilya
ang iyong pera upang makatulong sa iyong ama habang hindi pa siya nakakapagtrabaho?
Pangatuwiranan ang iyong sagot.

Hindi po dahil sa edad kopong ito alam ko napo ang halaga ng pera at ang sitwasyon ng aming
pamilya na mas nangangailangan ng pera habang ang nais ko naman na gamit ay maaari kopang

4
mabili sa tamang panahon o kapag kami ay naka luwag luwag na at nakalampas na sa panahon ng
pandemya / kahirapan.

Gawain 2:

PANUTO: Batay sa naging sagot mo sa tatlong sitwasyon, tukuyin kung ano ang pinaggamitan ng
iyong isip at kilos-loob sa bawat isa. Punan ang tsart sa ibaba.

Sitwasyon Para saan ginamit ang:

ISIP KILOS-LOOB

Pagsusuri

1. Ano ang taglay ng tao upang makaya niyang buuin ang kaniyang pagkatao? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ano ang natuklasan mo sa gawaing ito tungkol sa kakayahan ng iyong isip?
Natutunan ko na ang aking isip o nating lahat ay may kakayahang unawain ang sitwasyon at
makapag desidido kung anong hakbang o bagay ang ating gagawin____

3. Batay sa mga sagot mo sa tatlong sitwasyon, ano ang kakayahan ng isip? ng kilos-loob?
Kakayahan ng aking isip na umunawa at malaman ang katotohanan habang ang kilos loob nmn ay
may kakayahan kumilos ng naayon at dipende sa sitwasyon
4. Paano mo dapat gamitin ang iyong isip at kilos-loob upang mabuo ang iyong pagkatao?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Paghahalaw

5
1. Ang kasabihang “Madaling maging tao, mahirap magpakatao.” ay may dalawang bahagi. Ang
una, “madaling maging tao,” ay sumasagot sa pagka-ano ng tao at ang ikalawa naman ay
nakatuon sa pagka-sino ng tao.
a. Pagka-ano ng tao
• May isip at kilos-loob, konsensiya, kalayaan at dignidad
• May kakayahang mag-isip (pagkarasyonal)
• May kakayahang itakda ang kaniyang mga kilos para lamang sa katotohanan at kabutihan
(pagkamalaya)
• May kamalayan sa kaniyang pagtungo sa sariling kaganapan
b. Pagka-sino ng tao
• Persona (person) ng tao
• Binubuo ng mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kaniya sa kaniyang kapuwa tao.

2. Tatlong Yugto ng Paglikha ng Pagka-sino ng Tao


a. Ang tao bilang indibidwal
● tumutukoy sa pagiging hiwalay niya sa ibang tao. Nang isinilang siya sa mundo,
nagsimula na siyang mag-okupa ng espasyo na hiwalay sa ibang sanggol.
● Dahil sa kaniyang kamalayan at kalayaan, nasa kamay niya ang pagbuo ng kaniyang
pagka-sino. Ang kaniyang pagka-indibidwal ay isang proyektong kaniyang bubuuin
habang buhay bilang nilalang na hindi tapos (unfinished).
b. Ang tao bilang persona (Dy, 2012)
● isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya

● ang paglikha ng pagka-sino ng tao. Kaya napakahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad


niya ng kaniyang mga talento, hilig at kakayahan upang mabuo niya ang kanyang
pagiging sino.
c. Ang tao bilang personalidad
● ang pagkamit ng tao ng kaniyang kabuuan, ang resulta ng pagpupunyagi sa pagbuo ng
kaniyang pagka-sino.
● Ang taong itinuturing na personalidad ay may mga matibay na pagpapahalaga at
paniniwala, totoo sa kaniyang sarili, at tapat sa kaniyang misyon.

3. Tatlong Katangian ng Tao Bilang Persona: Mga Katangian ng Pagpapakatao


a. May Kamalayan sa Sarili - Ang tao ay pinagkalooban ng mga talento at kakayahan.
b. May Kakayahang Kumuha ng Buod o Esensiya - May kakayahan siyang maunawaan ang
mensahe ng mga pangyayari sa kanyang buhay.
c. Umiiral na Nagmamahal (Ens Amans) - Gamit ang 2 katangian, mahalagang tumugon siya
sa tawag ng pagmamahal.

4. Talahanayan ng Konsepto tungkol sa Isip at Kilos-loob sa Baitang 7 at Baitang 10:

6
Baitang 7 Baitang 10
Isip Kilos-loob Isip Kilos-loob
Gamit Pag-unawa Kumilos / Kamalayan sa Kumilos/ gumawa
gumawa Sarili

Kumuha ng buod o
esensiya ng mga
bagay na umiiral
Tunguhin Katotohanan Kabutihan Katotohanan Pagmamahal/
paglilingkod

Paglalapat

Pumili ng isang tao na hinahangaan mo. Ilahad mo ang mga dahilan kung bakit siya naging kahanga-
hanga para sa iyo at paano niya ipinakikita ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos loob.
Isulat ang iyong sagot sa espasyo sa ibaba.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Kasunduan

Mula sa mga konseptong tinalakay sa araling ito, sumulat ng 3 tanong sa mga nais mong bigyan ng
klaripikasyon. Ihanda ito para sa susunod na talakayan sa klase.

Sanggunian
Kawanihan ng Paglinang ng Kurikulum, Kagawaran ng Edukasyon, Mga Modyul sa Edukasyon sa
Pagpapakatao sa Baitang 10. Lungsod ng Pasig: Awtor, 2015.

Kawanihan ng Paglinang ng Kurikulum, Kagawaran ng Edukasyon, Mga Modyul sa Edukasyon sa


Pagpapakatao sa Baitang 7. Lungsod ng Pasig: Awtor, 2012.

You might also like