Professional Documents
Culture Documents
Pagbasa Paghahandog
Pagbasa Paghahandog
Paghahandog ……………………...............i
Prologo ......................................................ii
Mga Kabanata:
Kabanata I:
Worth it ba? .................................1
Kabanata II:
Kung kaya ng iba, sure na kaya mo rin, buti pa
anak ni Marites Cum
Laude ................................10
Kabanata III:
Pagod ba ako o ayaw ko lang sa ginagawa
ko? .................23
Kabanata IV:
Kakayanin ko pa ba? ..........45
Kabanata V:
Due Tomorrow, Do Tomorrow ...........l..2
Kabanata VI:
Ano nga ba ang gusto ko?
Kabanata VII:
Grabe ang galing ni ate sana ako rin
Kabanata VIII:
Para saan ka bumabangon?
Kabanata IX:
‘Nak, proud ako sa’yo
Kabanata X:
From Grades to Growth
Epilogo
Sanggunian
Tala ng mga Manunulat
Prologo
Eskwelahan, bahay, eskwelahan, bahay.
Ayan ang buhay ng bawat estudyanteng
katulad ko na pumapasok para matuto.
Gumigising nang maaga at kumikilos nang
wala pa ang araw, malamig na simoy ng
hangin ang sumasalubong sa pagpasok sa
paaralan. Mga bati ng kaklase na kung saan
sila ang kasama sa mga gawain mapaloob
man o labas ng paaralan. Sabi nga nila kayo
kayo rin ang magtutulungan sa loob ng
silid-aralan, sabay na hinaharap ang mga
pagsubok na maaaring makuha sa
pagkakaroon ng tinatawag na edukasyon.
Sabi nga nila edukasyon ang susi sa bawat
pangarap na nais natin maabot at ito rin ang
bagay na hindi mananakaw sa’tin. Ang
edukasyon ang siyang nagbibigay ng mga
kaalaman sa’tin at ito rin ang daan upang
tayo ay magkaroon ng magandang
kinabukasan. Ang pagkakaroon ng
edukasyon ay pagkakaroon din ng mga
oportunidad sa hinaharap.
2
Bilang isang estudyante, mahalagang
maunawaan natin ang halaga ng pag-aaral
sa paghubog ng ating pagkatao. Sa loob ng
paaralan, bawat sandali ay mahalaga dahil
dito nakasalalay ang ating kinabukasan. Sa
ganitong paraan, ang pag-aaral ay
nagbibigay ng malaking papel sa
pagpapanday ng ating kinabukasan. Bilang
miyembro ng kabataan kailangan natin ng
edukasyon dahil ang edukasyon ang
pangunahing layunin para matiyak ang
ating kinabukasan bilang miyembro ng
komunidad na mayroong basic education.
4
Paghahandog
Ang aklat na ito ay inihahandog sa mga mag-aaral
na nawawalan ng pag-asa, motibasyon, at
pagnanais na mag-aral. Sa mga taong nagbigay
inspirasyon at nag-udyok sa aming grupo na
bumuo at maglathala ng aklat na ito, kami ay lubos
na nagpapasalamat. Sa aming guro sa Pagbasa at
Pananaliksik na si G. Antonio Espino Jr., na buong
pusong nagbigay sa amin ng tiwala at suporta
upang mabuo ang aklat na ito, na nagsilbing gabay
din namin upang makagawa ng isang magandang
libro tungkol sa paksang aming napili. Ang mga
mag-aaral, kaibigan, kaklase, at mga taong
nagbigay sa amin ng tulong upang magkaroon ng
mas malalim na kaalaman tungkol sa aming paksa,
sa mga magulang ng bawat miyembro namin na
nagsilbing inspirasyon at motibasyon din sa bawat
isa para tapusin ang librong ito. Ang aklat na ito ay
naging posible dahil sa inyo, kung kaya kami ay
taos-pusong nagpapasalamat.
5
Prologue
Eskwelahan,bahay, eskwelahan, bahay.
Ayan ang buhay ng bawat estudyanteng
katulad ko na pumapasok para matuto.
Gumigising ng maaga at kumikilos ng wala
pa ang araw, malamig na simoy ng hangin
ang sumasalubong sa pagpasok sa paaralan.
Mga bati ng kaklase na kung saan sila ang
kasama sa mga gawain mapaloob man o
labas ng paaralan. Sabi nga nila kayo kayo
rin ang magtutulungan sa loob ng silid
aralan sabay na hinaharap ang mga
pagsubok na maaring makuha sa
pagkakaroon ng tinatawag na edukasyon.
Sabi nga nila edukasyon ang susi sa bawat
pangarap na nais natin maabot at ito rin ang
bagay na hindi mananakaw sa’tin. Ang
edukasyon ang siyang nagbibigay ng mga
kaalaman sa’tin at ito rin
ang daan upang tayo ay magkaroon ng
magandang kinabukasan, ang pagkakaroon
ng edukasyon ay pagkakaroon din ng mga
oportunidad sa hinaharap.
1
ganitong paraan, ang pag-aaral ay
nagbibigay ng malaking papel sa
pagpapanday ng ating kinabukasan. Bilang
miyembro ng kabataan kailangan natin ng
edukasyon dahil ang edukasyon ang
pangunahing layunin para matiyak ang
ating kinabukasan bilang miyembro ng
komunidad na mayroong basic education.
KABANATA I
3
Worth it
ba?
Isinulat ni: Orantes, Keisha Faye C.
5
Masaya mag-aral, pero hanggang
kailan ang itatagal nito?
"Deserve ko ba 'to?"
"Worth it ba?"
11
Ito ay ang pagiging balisa o labis
na pangangamba ng isang indibidwal sa
isang hindi maiiwasang sitwasyon sa
hinaharap na maaaring magdulot ng
kapahamakan o hindi magandang karanasan
(Barlow 2002, as cited in O’Neill &
Sorochan 2014).
12
ANO ANG OVERTHINKING?
Ang overthinking ay isang hindi malusog
na kasanayan na isinasagawa ng halos lahat
ng tao, mapa-bata man o matanda. Isa itong
gawi kung saan nakapokus ang isang tao sa
mga negatibong bagay at labis na pag-aalala
mula sa sitwasyon ng nakaraan at
hinaharap. Tulad ng anxiety, inuubos nito
ang enerhiya ng isang tao, mental man o
pisikal. Bilang isang estudyante, ang
kaugalian na 'to ang pinaka nakaka-inis sa
lahat dahil dumadagdag ito sa stress at
pressure na ating nararamdaman.
13
1. Magpahinga
Mahalaga ang pahinga lalo
na sa mga estudyante na patuloy pa rin ang
paglaki. Isa ito sa mahahalaga nilang
pangangailangan upang mapanatiling
malusog ang kanilang pangangatawan at
pag-iisip. Madalas na isipin ng karamihan
na sa pisikal lamang may mabuting epekto
ang pagkakaroon ng maayos na tulog,
ngunit ayon sa isang blog ng INTEGRIS
Health, nakatutulong ang pagpapahinga
upang mabawasan ang stress, anxiety, at
nakakagaan ng kalooban.
3. Makihalubilo sa iba
Mayroon tayong kasabihan na
"no man is an island". Bilang isang
indibidwal, nalulunod tayo sa iba't ibang
katanungan at negatibong pag-iisip dahil sa
pagiging mag-isa. Isa sa maaari nating
gawin upang makalimutan ang mga iniisip
natin, ay makihalubilo sa ating mga
kaibigan na mas kilala rin sa wikang ingles
na "bonding". Ang pagiging mag-isa sa
loob ng ating kwarto ay maaaring
makadagdag sa ating mga iisipin. Kung
wala ka namang ginagawa, maglaan ka ng
oras upang lumabas kasama ang iyong mga
kaibigan at gawin ang mga bagay na
magbibigay sa iyo ng kasiyahan upang
maibsan ang pag-iisip ng negatibo.
16
KABANATA II
17
Mula sa 190 na estudyante mula sa India na
grade 11 at 12. Humigit-kumulang 66% sa
kanila ang nakakaramdam ng pressure sa
kanilang magulang pagdating sa kanilang
akademiko. Halos 63.5% ng mga
estudyante naman ang nakakaranas ng
stress dahil sa academic pressure (Deb,
Strodl, and Hansen 2015). Ito ang pressure
na binibigay sa mga mag-aaral na madalas
nakukuha mula sa mga taong nakapalibot
sa’tin kung saan ay inaasahan na ikaw ay
makakakuha lagi ng mataas na mga marka
at maikukumpara sa ibang tao.
18
nararanasan ng isang estudyante sa kanilang
pag-aaral.
22
ko nalang itong naririnig. Minsan
nakakasawa na rin at dahil rito lagi akong
kinakabahan at natatakot, sa tuwing araw na
ng pag-aanunsyo ng mga grado namin.
Kahit na alam kong ginawa ko ang lahat ay
alam ko na ang reaksyon na matatanggap
ko. Kaya naman hindi ba't hindi natin
kailanman maiiwasan ang magalit at
magtampo sa tuwing binabanggit ito ng
ating magulang. Naiisip natin ginagawa
naman natin lahat ng kaya natin, ngunit
bakit kahit kailan parang hindi sila natuwa
sa mga marka na ito. Minsan ay nagagawa
pa nila tayong ikumpara sa iba. Kaya
pumapasok sa aking isipan "ganon ba
talaga ako ka-bobo?" na alam kong ito na
nga yung best ko, pero hindi pa rin pala
iyon ang best para sa kanila, hindi pa pala
ito dapat na ipagmalaki, at hindi pala ito
nakakatuwa para sa kanila.
25
mga natanggap niya. Dahil kahit kailan
hindi magiging sapat ang kasama ka lamang
sa may karangalan. Ano pa nga ba ang
saysay ng makasama ako sa mga may
karangalan sa klase? Hindi naman ako ang
nauna.
26
bahay. Bakit kahit kailan ay hindi pumasok
sa kanilang isipan na banggitin ito sa akin?
Kahit konting motivational words na galing
sa kanila mawawala agad lahat ng pagod,
puyat, at inis na nararamdaman ko. Hindi
ba't bilang magulang dapat ay alam nila ito.
Naiinggit nga ako dahil ang mga kamag-
aral ko ay punong-puno ang puso sa mga
salitang ito, ngunit ako kahit kailan hindi ko
ito narinig na lumabas sa kanilang labi.
Alam ko namang masama ang
makaramdam ng inggit sa kapwa, ngunit
hindi naman ito maiiwasan hindi ba
Dahil sa mga salitang ito na lagi
kong naririnig sa mga magulang ko ay hindi
maiiwasan na ako mismo ay isa na rin sa
nagbibigay ng pressure sa aking sarili. Lagi
kapag nakuha ko na ang grado ko ay hindi
ako natutuwa sa resulta nito. Palagi ay na-
didisappoint ako rito sapagkat para sa akin
ay mababa ito. Ang mga grado na nakukuha
ko ay kailanma'y hindi naging sapat para sa
akin. Iniisip ko lagi bakit ang baba nito.
Alam ko sa sarili ko na hindi pa ito ang best
ko, alam ko na kaya ko pa itong higitan
ngunit bakit palaging ganito lang ang grado
na nakukuha ko? Bakit kahit kailan hindi pa
ito umabot sa grado na gusto kong abutin?
Kahit kailan parang hindi ko pa
naramdaman na nasiyahan ako sa mga
27
grado na nakuha ko. Dahil sa
pinaparamdam nila sa akin hindi ko na rin
naramdaman ang maging proud sa aking
sarili at kailanma'y hindi ako natuwa sa
mga achievements na natanggap ko.
Pakiramdam ko lagi ay parang may kulang
at hindi ito sapat. Hindi rin maiiwasan na
naikukumpara ko ang mga gradong nakuha
ko sa mga kaibigan at kamag-aral ko.
Kapag mas mataas ang kanila mas lalong
nadadagdagan ang pressure na
nararamdaman ko. Palaisipan sa akin na
kahit kailan ba ay hindi nila naramdaman na
maging proud sa mga narating ko? Hindi ko
ba talaga ma-aabot ang standards na
mayroon sila pagdating sa edukasyon o
pag-aaral?
28
Alam ko palagi na natin itong naririnig at
gamit na gamit na ito. Madalas rin ay
nakikita natin ito sa mga memes sa fb,
ngunit tandaan natin na ang mga gradong
makukuha natin ay hindi isang repleksyon
ng kung anong klaseng tao, kabigan, anak,
at estudyante tayo. Ang mga grado na
natatanggap natin ay hindi rin dapat
magsabi kung ano ang potensyal natin.
Bawat isa ay may iba't ibang kalakasan at
kahinaan, maraming paraan para
malampasan natin ang anumang kahinaan
natin. Magkaroon ka man ng grado na
mababa hindi dapat ito maging basehan ng
buong pagkatao mo, sapagkat marami kang
oras upang mas ma-improve mo pa ang
iyong sarili. Kaya dapat ay hindi mo
dibdibin ang mga grado na makukuha mo at
sa halip ay gawin mo itong motibo at
inspirasyon upang maabot mo pa ang
inaasam na grado. Ngunit ang mababang
grado ay hindi dapat ipinapasa walang
bahala.
30
layunin at ekspektasyon na mahirap o
imposibleng maabot. Kaya kailangan
matuto tayong manatili sa isang landas na
alam nating ma-aabot natin. Iwasang i-
depende ang layunin sa mga nakikita sa
ating paligid, sapagkat lahat tayo ay may
iba't ibang layunin na nais maabot at iba-iba
rin tayo ng paraan kung paano natin ito
aabutin. Kung nakita mo ang kaibigan mo
na naabot na ang kanya at sa tingin mo
parang ang hirap abutin ng iyo o parang ang
tagal, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa.
Dahil lahat tayo ay may tamang panahon at
oras kung kailan natin ma-aabot ang
tagumpay na ni-nanais mo.
31
nating tandaan na ang bawat tagumpay ay
mahalaga.
KABANATA III
“Pagod ba ako o
ayaw ko lang sa
ginagawa ko?”
32
Academic Burnout
Isinulat ni: Pepito, Shantal Kit M.
33
mababasa sa librong ito ang mga paraan
kung paano maiiwasan ang makaramdam
ng academic burnout.
34
"Okay na 'to. Bahala na, basta maka-
submit."
Hindi ko na iniisip kung gaano kagaling
o kaganda ang resulta, basta't maipasa ko
lang ito wala na akong choice kundi tapusin
ito. Kahit sumabay pa sa dami ng ibang
responsibilities at personal na bagay na
kailangan kong asikasuhin, kailangan ko
talagang harapin ito. Hindi ko alam saan
ako kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon,
pero susubukan ko na lang. Minsan naiisip
ko na ang daling sumuko at isipin na hindi
ko kaya, pero kailangan kong pigilan ang
sarili kong ganyanin.
Acceptance na lang ng current situation
at pag-aalala na hindi na masyadong
importanteng maging perfect o maabot ang
mataas na standard ng mga gawain. Ang
primary goal ay makaraos lang sa mga
requirements ng course o school.
Sa totoong buhay, sa gitna ng academic
burnout, sobrang dami ng gawain at stress
na parang hindi na natin kaya maging
perfect o maabot ang mga mataas na
standards.
Ang "okay na 'to, bahala na" ay paraan
ng pagpapahinga at pag-alalay sa sarili. Isa
lamang itong reminder na hindi dapat
35
masyadong mabahala sa hindi gaanong
importanteng details o standards ng mga
gawain, kundi mag-focus sa mga crucial
points at ma-submit ang mga kailangang
ipasa.
Ang hirap mag-concentrate, hirap mag
focus, pero nadidistract tayo at lumilipad
ang utak.
Gusto kong maging attentive at maayos
sa pag-aaral, pero lagi na lang akong
nadidistract at napapadpad sa iba't ibang
lugar ng isip ko. Parang hindi ko ma-control
yung mga random na thoughts na umaatake.
Siguro dahil na rin ito sa sobrang pagod at
burnout na nararamdaman ko.
Lagi kong sinasabing "focus, focus!"
pero parang ang hirap talaga. Ang dami-
daming responsibilities at deadlines,
nagiging overload na yung utak ko. Parang
may invisible force na naghihila sa attention
ko palayo sa mga dapat kong gawin. Gusto
ko sana mag-concentrate, pero talagang
nakakawala ng focus yung bigat ng burnout.
Ang feeling na ito, parang isang
malakas na hangin na humahadlang sa mga
pag-iisip ko. Kahit gusto kong maging
focused at produktibo, napapalipad lang ako
sa iba't ibang direksyon. Naiinis ako sa
36
sarili ko dahil sa mga pagkakataong ito,
parang wala akong control sa sarili kong
isipan.
Hindi biro ang academic burnout.
Napapagod na ako sa dami ng mga gawain
at pressure na nakaabang. Ang hirap isipin
na kailangan kong mag-concentrate at mag-
focus, pero hindi ko makuha ang kailangan
kong pagtuunan ng pansin. Parang nasisira
yung concentration ko dahil sa sobrang
pagod at stress.
Iniisip ko na lang, malalampasan ko rin
'to. Kailangan ko lang bigyan ng konting
pahinga ang isip ko, saka kumuha ng mga
strategies para ma-overcome ang pagka-
distract. Dapat ko ring aalagaan ang sarili
ko at bigyan ng oras para mag-relax at
magpahinga.
Kahit gaano kahirap, hindi ako susuko
sa paghahanap ng paraan para maibalik ang
focus at concentration ko sa pag-aaral.
Sigurado akong nakaka-relate ka sa
problemang tinatawag na academic burnout.
Hindi biro ang pagiging estudyante hindi
ba? lalo na kapag may kailangan kang
gawin para sa mga proyekto at assignments,
mga exams pa na kailangang ipasa.
37
Kahit gaano ka pa katalino, hindi mo
maiiwasan na may mga pagkakataon na
mapapagod at magkakaroon ka ng doubt sa
sarili. Pagpaplano ng oras ay isang
mahalagang kasanayan para sa pag-iwas sa
academic burnout. Dapat alam mo kung
kailan at paano maglaan ng oras para sa
pag-aaral, trabaho, at iba pang mga
aktibidad. Hindi mo kailangang gawin ang
lahat sa isang araw. Mahalaga rin ang
pagkakaroon ng sapat na oras para sa
pagpapahalaga at pag-rekonekta sa sarili.
Masayang mag senior high school, pero
alam mo ba ang kahahantungan mo?
Nag-umpisa ang senior high school
journey ko na puno ng pangarap at pag-asa.
Excited akong makapag-aral sa isang mas
mataas na antas at magkaroon ng mga bago
at kahanga-hangang karanasan. Ngunit sa
loob ng ilang buwan, hindi ko inaasahan na
daranas ako ng matinding pagod at stress.
Sa simula, napapansin ko na kailangan
kong magtrabaho ng maraming oras upang
maabot ang mataas na mga inaasahan ng
mga guro at magulang. Naisip ko na
masasabi nila na hindi ako sapat kung hindi
ko matupad ang mga ito. Kaya't araw-araw,
38
inilalaan ko ang mahabang oras para sa pag-
aaral at iba pang mga gawain.
Hindi ko napapansin na unti-unti nang
nawawalan ng kasiyahan at nagiging puro
obligasyon na lamang ang lahat. Sa tuwing
magbubukas ako ng libro o sisimulan ang
isang proyekto, nararamdaman ko ang bigat
ng pagod at kawalang-gana. Parang hindi
ko na maipahayag ang aking sarili sa mga
pagsusulit at mga takdang-aralin.
Nawawalan na ako ng interes sa mga bagay
na dati ay pinapahalagahan ko. Sinubukan
kong pigilan ang aking nararamdaman,
ngunit tuluyan na akong sinasakal ng
burnout.
Sa bawat araw na lumilipas, lumalala
ang mga sintomas ng burnout. Hindi ko na
kayang mag-concentrate, nagkakaroon ng
pagkapagod na hindi madaling mapawi, at
ang pagkabigo na maabot ang aking mga
layunin ay laging sumasagi sa aking isipan.
Napapansin ko rin ang mga pisikal na
epekto nito tulad ng mga pananakit ng ulo
at pagbabago ng aking kalooban.
Napagtanto ko na kailangan kong
kumuha ng hakbang upang labanan ang
academic burnout na ito. Nagpasya akong
magpahinga at mag-alok ng oras para sa
39
sarili. Pinag-aralan ko ang pagiging
organisado at pagpaplano ng aking mga
gawain upang mabawasan ang stress.
Binigyan ko rin ng halaga ang aking
kalusugan sa pamamagitan ng regular na
ehersisyo at pagkain ng malusog na
pagkain.
Sa paglipas ng panahon, unti-unti kong
naramdaman ang pagbabalik ng aking
kasiyahan sa pag-aaral. Hindi na ako
nababalot ng takot at pagod tuwing papasok
sa paaralan.
Nahalina ulit ako sa pagkatuto at
natutuwa ako sa mga bagong kaalaman na
natatamo ko. Sinasabi ko sa sarili ko na ang
aking kalusugan at kasiyahan ang
pinakamahalagang mga bagay, at dapat
kong alagaan ang mga ito habang
pinagbubuti ko ang aking pag-aaral.
Kahit na minsan ay napapagod pa rin
ako, ngayon ay mas alam ko kung paano
balansehin ang aking mga responsibilidad.
Natutunan ko na hindi dapat ako magpadala
sa labis na pressure at dapat ko bigyan ng
halaga ang aking sariling kapakanan.
Ang sarap sa pakiramdam na nahanap
ko na yung mga paraan para maibsan ang
40
stress ko. Sa dami ng mga gawain sa
school, minsan talaga napapagod ako. Pero
alam mo, hindi ako sumuko. Naghanap ako
ng mga bagay na nagpapasaya sa'kin para
ma-relax.
Kapag may free time, enjoy ako sa
pagbabasa ng mga libro at comics. Lalo na
pag fantasy, kasi nakakalimutan ko sandali
yung mundo natin at napapadpad ako sa
ibang mga mundo.
Nakakatuwa yung mag imagine,
nakakalimutan ko yung mga problema ko.
Nakakaaliw kasi mawala sa realidad at
makapag-explore ng ibang mundo, mahilig
din ako sa panonood ng mga palabas at
movies. Nakakatuwa kasi nakakalimutan ko
sandali ang mga problema ko kapag
naaabangan ko yung mga paborito kong
characters.
Hindi rin nawawala ang bonding time
kasama ang mga kaibigan ko. Sa tuwing
nagkikita kami, sobrang saya at
nakakalimutan ko ang mga pressures ng
school. Nagtutulungan kaming harapin ang
mga challenges ng senior high school. Mga
kainan sa labas kahit mga Wala ng pera ok
lang yon.
41
Hindi rin ako nagkulang sa paghahanap
ng suporta mula sa pamilya ko at mga guro.
Malaking tulong sila para sa akin. Alam
nila kung paano ako ma-inspire at palakasin
ang loob ko kapag nahihirapan ako. Hindi
ko talaga maaabot ang mga pangarap ko
kung wala sila.
Sa tulong ng mga bagay na
nagpapasaya sa'kin at ng mga taong
sumusuporta sa akin, mas confident ako na
harapin ang mga stress at hamon ng buhay
bilang isang estudyante. Alam ko na may
mga paraan ako para mag-relax at may mga
tao na nandyan para sa akin.
Noong 2014, sina Shui-Hui Lin at Yun
Chen Huang ay gumawa ng pagsusuri sa
ugnayan ng pagkabugnot sa pag-aaral at
tagumpay sa akademiko sa gitnang paaralan
ng mga mag-aaral sa Kenya. Naglakip ito
ng 714 na mga mag-aaral ng ika-apat na
taon (katumbas ng Grade 12) na kinuha
mula sa 31 pampublikong gitnang paaralan.
Ginamit ang Maslach Burnout Inventory
Student Survey.
Ang tagumpay sa akademiko ay
sinusukat gamit ang mga marka ng mga
mag-aaral sa mga pagsusulit sa katapusan
ng termino. Ito ang paraan ng pagtaya kung
42
gaano kagaling ang isang mag-aaral sa
kanilang mga akademikong gawain at kung
maabot ba nila ang mga inaasahang
pamantayan ng pag-aaral. Sa pamamagitan
ng pagsusuri sa mga marka sa pagsusulit,
maaaring malaman ang antas ng tagumpay
at pagkakamit ng mga mag-aaral sa
kanilang pag-aaral.
Sa aking karanasan bilang isang mag-
aaral, napakahalaga ng mga marka sa mga
pagsusulit sa pagtaya ng aking tagumpay sa
akademiko. Ang mga markang ito ay hindi
lamang mga numero o letra na inilalagay sa
mga papel; sila ang mga sukatan ng aking
pag-unlad at kakayahan sa akademikong
larangan.
Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga
marka na aking natanggap sa mga
pagsusulit, malalaman ko kung gaano ako
kahusay sa aking mga akademikong gawain
at kung nagawa ko ba nang maayos ang
mga inaasahang pamantayan ng pag-aaral.
Ang mga marka sa mga pagsusulit ay
hindi lamang simpleng tala ng aking
pagganap. Sila ay mga pahiwatig ng aking
pag-unlad at kabuuang kaalaman. Kapag
sinuri ko ang mga markang aking
natanggap, maaaring makita ko ang mga
43
mabuting aspeto ng aking pag-aaral at ang
mga posibleng areas ng pagpapabuti.
Ang mga marka ay nagbibigay sa akin
ng mga impormasyon at suhestiyon kung
saan ako dapat mag-concentrate upang
mapaunlad ang aking mga kakayahan at
malampasan ang mga hamon sa akademiko.
Ito ay isang pagkakataon upang mag-
refleksyon, pag-aralan ang mga
pagkakamali, at higit pang magpursige.
Ang mga markang ito ay isang malinaw
na tala ng aking tagumpay at mga
kakayahan, at nagbibigay sa akin ng
impormasyon kung alin pang mga aspekto
ng aking pag-aaral ang dapat kong
pagtuunan ng pansin. Sa pamamagitan ng
maingat na pagsusuri sa mga marka sa
pagsusulit, nagkakaroon ako ng patnubay at
gabay upang mapaunlad pa ang aking sarili
at maabot ang mas mataas na tagumpay sa
akademiko.
44
Ang paggawa ng isang tumpak na
schedule para sa mga gawain sa eskwela at
pahinga ay tutulong sa iyo na magkaroon ng
organisasyon at maiwasan ang stress.
Siguraduhing nakapaloob dito ang sapat na
oras para sa pahinga at pag-relax. Sa
pamamagitan ng maayos na pagpaplano,
maaari mong kontrolin ang iyong oras at
mag-focus sa bawat gawain.
45
Ang pag-aalaga sa iyong kalusugan ay
hindi dapat malimutan. Kasama sa pag-
aalaga nito ang regular na ehersisyo,
pagkain ng malusog, at sapat na tulog. Ang
mga ito ay nagbibigay ng enerhiya at
nagpapanatili sa iyong katawan at utak na
malusog.
Ito rin ay nakakatulong sa iyo na
magkaroon ng mas malalim na pag-unawa
at mas matatag na resistensya sa mga
stressor sa paaralan.
46
Sa kabila ng mga responsibilidad sa
eskwela, mahalagang maglaan ng oras para
sa iyong sarili. Isama sa iyong schedule ang
mga aktibidad na nagbibigay sa iyo ng
kaligayahan at kalinawan. Maaaring ito ay
pagbabasa ng paboritong libro, pakikinig sa
musika, pagsasayaw, pagguhit, o anumang
aktibidad na nagpapasaya sa iyo.
Makatutulong ito sa iyo na mapalayo sa
stress ng pag-aaral at magkaroon ng
balanseng buhay. Paglaanan din ng oras ang
pagkakasama kasama ang mga kaibigan at
pamilya, dahil ang kanilang suporta at
pagmamahal ay mahalaga sa iyong kabuuan
bilang isang estudyante.
Mahalaga ang mga hakbang na ito
upang maiwasan ang academic burnout. Sa
pamamagitan ng pagtatakda ng mga
limitasyon, pagpapahalaga sa sarili,
paghahanap ng tulong mula sa iba, at
pagkakaroon ng balanseng buhay, mas
magiging produktibo at malusog ang iyong
pag-aaral.
47
KABANATA IV
Kakayanin
ko pa ba?
Isinulat ni: Padua, Carla Jean B.
48
kung makakapag tapos ba sila ng pag-aaral.
Lahat tayo ay mayroong sari-sariling
pagsubok na pinagdaraanan mapa personal
man ito o school related ay napapatanong
tayo sa ating sarili kung makakaya ba natin
‘tong lagpasan. Sa perspektibo ng bawat
isa, may iba't ibang lebel ang kahirapan ng
pag-aaral depende sa kanilang sitwasyon.
Ang parteng ito ng libro, mababasa ang iba't
ibang pagsubok na hinaharap ng mga mag-
aaral na siyang nagbubunga upang tanungin
nila ang kanilang mga sarili, "Kakayanin ko
pa ba?" Makikita dito ang mga hinaing na
siyang kumukunsumo sa mga estudyante,
dahilan para sila ay makaramdam ng pagod.
Pagod, hindi lang sa kanilang pisikal na
kalusugan, gayundin sa kanilang
mentalidad. Pag-uusapan sa parte na ito
kung paanong tumatakbo ang pag-iisip ng
isang pagod na estudyante ngunit patuloy
parin sa pag-aaral para makamit ang
kanilang mga pangarap.
Ang salitang “kakayanin ko pa ba?”
ay napakabigat na salita para sa mga
estudyante na nahihirapan sa araw-araw na
pagsubok sa kanilang buhay. Ito ay apat na
letra lamang ngunit tila milyong piraso ng
karayom na tutusok sa ating katawan.
49
Tatalakayin natin kung ano ang
mga maaaring dahilan para magduda sa
sarili kung kaya mo pa ba at epekto nito sa
iyo :
1. Mababa ang Tingin sa Sarili
may mga gantong pagkakataon na mababa
ang tingin natin sa sarili marahil sa mga
sinasabi ng taong nakapaligid sa atin. Lalo
na kung ang iyong insecurities ay pinoint
out at paulit ulit itong pumapasok sa ating
isipan. Ayon kay Cherry (2023), ang kulang
ng kompiyansa sa sarili, kulang ng kontrol,
negatibong social comparison, nahihirapan
manghingi ng tulong sa iba, takot sa
kabiguan, at nahihirapang tumanggap ng
positibong puna ay mga senyales ng
mababang tingin sa sarili. Isa-isa nating
talakayin ito, ang “Kakulangan ng
Kompiyansa sa Sarili” ay maaring
magpalala kung bakit ang tingin sa sarili ay
mababa. Ang pagkakaroon ng malakas na
loob ay makatutulong kung paano mo
hahawakan ang iba’t ibang pagkakataon,
pakikipag komunikasyon sa ibang tao,
50
magbigay solusyon sa mga problema,
magbigay suhestyon tungkol sa iyong
ideya, at mapagpabuti pa ang sarili. Ang
“Kulang sa Kontrol” ay hindi makontrol
ang mga nangyayari at kalalalabasan ng
kilos marahil tingin nila ay walang
kakayahan na magbigay impact pagdating
sa iba’t ibang larangan dahil sila ay may
locus of control. Nakakaimpluwensya ang
locus of control kung paano natin tugunan
ang mga nangyayari sa ating paligid at sa
ating motibasyon para kumilos. Samantala,
ang “Negatibong Social Comparison”
naman ay pagkukumpara sa sarili sa ibang
tao. May mga pagkakataon na kinukumpara
natin ang sarili sa iba dahil napapaisip tayo
bakit sila nabiyayaan ng yaman o
katalinuhan kaya sa tingin natin di patas ang
mundo. Linyahan na “Bakit sila kaya
nilang gawin ito, bakit ako hindi?”
Naranasan mo na bang ipagkumpara ng
iyong magulang sa ibang tao? kung oo,
makakarelate ka rito. Masakit sa damdamin
na sarili mong magulang ay kinukumpara
ka sa ibang tao lalo na kung ang usapan ay
akademiko kaya ikaw ay napepressure na
nagbubunga ng pagka-burn out. Sunod
naman ay “Nahihirapan Manghingi ng
Tulong sa Iba”, ito ay sa tingin mo abala ka
sa ibang tao kaya nahihiya ka manghingi ng
51
tulong. Tandaan mo na walang masama sa
paghingi ng tulong lalo na sa mga bagay na
hindi natin kayang gawin at magsasabi nang
maayos sa taong hihingian ng tulong. Ang
“Takot sa Kabiguan” ay isa sa maaaring
dahilan ng mababang tingin sa sarili dahil
sa expections sayo ng taong asa paligid mo
at expectation mismo sa sarili. Naisip mo na
kung ikaw ay mabibigo sa kahit anong
bagay ay di na magiging proud ang iba sayo
at magdududa ka sa sarili kung kaya mo pa
ba gawin ang mga bagay na napamahal sa
iyo. Laging isipin na hindi porke nabigo ka
ng isang beses ay hindi ka na pwedeng
bumangon muli, wag mo ring isipin ang
sasabihin ng iba dahil mahalaga na may
natutunan ka noong ikaw ay nabigo.
Kumbaga, isipin mo na challenge ito at
balikan muli ang mali o pagkukulang mo
nang sa gayon ay mapabuti ang sarili
pagdating sa ganoong larangan. Ang huli
naman ay “Nahihirapang Tumanggap ng
Positibong Puna”, marahil ay sa iyong
palagay na ang sinasabi ng taong nabibigay
ng positibong puna ay hindi totoo o hindi
iyon akma sa paniniwala mo. Sa
pamamagitan ng pagtanggap ng positibong
puna ay maaari nitong mabuild ang
confidence mo dahil nga “sinabi nya na
maganda ang gawa ko” o “magaling ako
52
sa gantong bagay sabi niya” mabibigyan
tayo ng affirmation na nagiging dahilan
para tanggapin ang sarili.
53
3. Academic Burnout
isa rin ito sa mga posibleng dahilan para sa
mga estudyanteng nahihirapan. Madalas na
nangyayari ito sa mga estudyante lalo na
ang mga lumaking academic achiever o
kaya naman ang buong pamilya ay halos
propesyunal at mataas ang expectation ng
tao sakanya na maaaring sanhi ng burnout
dahil konting pagkakamali lang ay
huhusgahan agad sila. Ang mga maaring
sanhi ng academic burnout ay maraming
gawain pampaaralan, kulang sa tulog,
walang maayos na kain, hindi nag-
eehersisyo, hindi marunong mag manage ng
oras, at unrealistic goals (Einsteinmed.edu
n.d). Talakayin ang mga ito, sa sobrang
daming gawaing pampaaralan, ang mga
estudyante ay na-ooverwhelm kaya sa huli
hindi na nila alam kung ano ang uunahin.
Ang iba ay nag-ccram o procastinate,
habang ang iba naman ay sinisimulan agad
ang gawain. Academic burnout ang epekto
nito sa kanila dahil isinasakripisyo ang
tulog para lang matapos ang gawain na
nagdudulot ng pagkaantok sa klase. Bukod
sa pagsakripisyo ng tulog, ang estudyante
ay isinasakripisyo rin ang kanilang oras ng
pagkain upang makapag pasa sa tamang
54
oras. Kakulangan sa pag-eehersisyo ay
dahilan para magka-academic burnout,
Ayon sa UCL UK (n. d), ang pag-
eehersisyo ay makakatulong upang mag-
concentrate nang mas mabuti. Kaya kahit 2
beses sa isang linggo ay mag-ehersisyo para
mapaunlad pa ang kalusugan. Ang hindi
pagsasaayos ng oras ay isa sa maaaring
dahilan para maburn out. Kung may gawain
na binigay ay siguraduhin na tapusin ito
kaagad at wag nang magpaligoy ligoy pa.
Matuto tayo na unahin ang mga dapat
gawin lalo na kung sa tingin mo ay mahirap
ito dahil kung di natin papahalagahan ang
oras ay walang ibang magdudusa kundi
tayo rin.
Narito ang mga bagay na maaari mong
gawin kung ikaw ay nakakaramdam ng
pagdududa sa sarili:
56
tubig na malaki at maaari mong lagyan ng
yelo dahil magtatagal ang lamig dito.
57
“Kakayanin ko. Kaya ko. Kinaya ko.”
Positibong kausapin ang sarili (use
positive self talk). Ang positive self talk
ayon sa Medical News Today (2022), ay
internal na pag-uusap upang mapagaan ang
loob o kaya naman magbigay motibasyon
sa sarili. Ayon sa pananaliksik ni
Shadinger, et al (2019) ang pagsasagawa ng
positive self talk bago ang presentasyon ay
makatutulong para sa mga estudyante para
mabawasan ang anxiety. Habang binibigyan
ng affirmations ang sarili na kaya mo ang
mga pagsubok, gawin ang inhale at exhale.
Sa pamamagitan nito ay gagaan ang iyong
kalooban at sa halip na iisipin mo na
“Kakayanin ko pa ba?” magiging
“Kakayanin ko. Kaya ko. Kinaya ko.”
Walang pagsubok na hindi mo kayang
lagpasan. Magtiwala sa sarili dahil sa huli,
may aral kang matutunan sa kabila ng
pagsubok na tinahak mo.
“Kaya ko pa ba?”
Noong taong 2020 ay nagkaroon ng
pandemya na tinatawag na Corona Virus
Disease 2019 (Covid-19). Nagsimula ito sa
China noong 2019 at kumalat sa buong
mundo sa sumunod na taon. Marami ang
59
naapektuhan nito dahil nagsara ang ilan sa
mga negosyo, natigil ang pasada sa mga
lugar, at higit sa lahat ay nagsara ang
paaralan.
Nagsimula ang online classes
noong Oktubre 2020, ito ay tinatawag ding
distance learning sapagkat sa bahay lang
nag-aaral ang mga estudyante gamit ang
teknolohiya lalo na sa mga lungsod at
modular learning naman sa mga probinsya.
Hindi ito naging madali para sa mga
estudyante dahil more on self-learning. Iba-
iba ang kapasidad ng tao para matuto, may
natututo sa pamamagitan ng pagbasa,
pagtuturo sa kanila, at pakikinig. Bukod sa
self-learning, marami rin ang ipinapagawa
sa taong ito.
Ayon kay Xinhua (2021), ang
suicide rate sa Pinas ay tumaas ng 57.3%
noong 2020 mula 2019. Marami ang
estudyante na kinitil ang buhay noong
panahong iyon. Sa sobrang dami ng gawain,
stress, anxiety, at depresyon ay pinili na
lisanin ang mundo.
Ako, bilang estudyante ay na-
ooverwhelm sa dami ng gawain noong
online class. Napapagod na ako at
napapaisip kung kakayanin ko pa ba? Dahil
60
sa hirap ng pinagdadaanan hindi lang ako
pati na rin ng buong mundo. Marami ang
patuloy na nagkakasakit at namamatay,
tumataas ang mga bilihin, samu’t-sari ang
korapsyon na nagaganap, at nagtatanong
kung kelan matatapos ang pasakit na ito.
“Kakayanin ko pa ba sa kabila ng mga
problema na nasa paligid ko?” ayan ang
tanong na laging nasa isip ko dahil lahat ng
larangan ay naapektuhan ng Covid-19.
Noong panahon na iyon ay gusto ko na
lumisan na lang dahil sa tingin ko ay hindi
ko na kaya ang mga suliranin na wala pang
tiyak na kasagutan.
Ngayong nasa new normal na at
ina-adopt ang mga bagay-bagay simula
noong nag-pandemya, naging mahirap din
para sa akin na mag-adjust dahil noon ay
hindi nagsusuot ng facemask o face shield
at ngayon ay laging may facemask na.
Nagtaasan na rin ang mga bilihin dahil may
inflation, ang dating pamasahe sa tricycle
na 8 pesos, ngayon ay halos 15 pesos na.
Marami na ang nagbago kabilang na ang
aking mentalidad, paniniwala, at
pagpapahalagang moral.
Minsan na rin akong nagduda sa
sarili ko dahil hindi ko na nagagawa ang
mga bagay na ginagawa ko dati at hindi rin
61
ako palagay sa mga bagay na pwede ko
pang gawin. Mababa ang aking kumpiyansa
sa sarili dahil tingin ko may mga taong
magaling sa gantong larangan na hindi ko
kayang gawin. Hindi ko napagtanto na
maaari pa akong matuto, na ang ibang tao
ay nagsisimula na walang karanasan bago
sila naging propesyonal, na hindi pa huli
ang lahat kaya maaari akong
makapagsimula na kaya ko pala. Mabuti na
lang na hindi ako sumuko noon dahil wala
sana ako rito ngayon para magbahagi ng
karanasan, magbigay tips, at makatulong
para maliwanagan ang mga estudyante.
Ginawa ko ang mga hakbang na
nasabi sa taas maliban sa paglapit sa
sikolohista upang maklaro ang aking isip.
Ngunit limitado lang ang pwedeng gawin
dahil may lockdown, sa bahay ako
naglalakad lakad. Hindi ko akalain na
pwede kong mapaunlad ang sarili sa
pamamagitan ng simpleng gawain sa araw-
araw. Ikaw, pwede mo rin itong gawin basta
maging consistent at mag pokus sa layunin
o nais mong makamtan.
62
KABANATA V
”Due Tomorrow,
Do Tomorrow”
Time Management
Isinulat ni: Soriano, Marian D.
63
Isa sa mga katangian ng mga estudyante
ay ang pagiging responsable dahil may mga
gawain o bagay na nakaatas sa bawat isa.
Kasama na sa pagiging responsable ang
pagkakaroon ng time management.
Maraming mga bagay ang maaaring maging
resulta sa pagkakaroon ng pagkukulang sa
pag manage ng iyong oras, katulad na
lamang kapag ikaw ay may nais na gawin
ngunit hindi mo ito magagawa dahil sa mga
bagay na hindi mo pa natatapos, ang mga
bagay na iyon ang mga nagbibigay sayo ng
dagdag isipin.
2. Set Reminders
Hindi lang sapat ang paggawa ng sarili
mong calendar sa iyong mga gawain. Dapat
din na alam mo kung kelan ka gagawa at
ilang oras ang ginugugol mo sa isang
gawain. Maaari mong gamitin ang iyong
cellphone upang mag alarm at itrack kung
gaano katagal ka gumagawa.
67
paaralan umiikot ang mundo natin, may
mga bagay din tayong gustong gawin at ito
ay makakatulong sayo na iseperate ang mga
schedule na yon sa mga schedule mo sa
pang aralan lamang. Hindi mo kailangan
ibuhos lahat ng oras mo sa pag-aaral, pa
minsan minsan ay kailangan mo ring
huminga.
5. Prioritize
68
May mga araw talaga na hindi maiiwasan
ang konting oras na matitira sayo upang
gawin ang mga gawain. Sa mga ganitong
sitwasyon ay dapat natin alamin kung ano
ba ang may mga deadline at alin doon ang
nalalapit nang ipasa, sa ganitong paraan ay
malalaman natin kung ano ang iprapriority
na gawin.
7. Find support
Ang pagkakaroon ng kaagapay ay
makakatulong sayo para maging
matagumpay sa mga binabalak mo. Ang
mga kaibigan o ang pamilya mo ay maaring
tulungan ka sa iyong mga ginagawa, dahil
hindi sa lahat ng oras ay kaya natin na
sarilihin lahat ng ating ginagawa, minsan
69
ang pagkakaroon ng support ay kailangan
natin para matapos sa ating mga gawain.
71
Ayon kay bff Wikipedia, in education,
cramming is the practice of working
intensively to absorb large volumes of
information in short amounts of time. Sa
tagalog ang cramming daw ay kung saan
gumagawa tayo ng mga tambak tambak na
gawain o pag- aaral sa limitadong oras.
Ginagawa ito ng mga estudyante na kulang
na ang oras para sa mga gawain nila.
Ang cramming ay stressful para sa
estudyanteng katulad natin. Ang cramming
ay dapat na hindi nagiging unang option sa
mga mag-aaral dapat nga ay ito ay ang huli
nilang option. Ang pag cracram ng mga
gawain sa buong gabi ay nagkakaroon ng
masamang epekto sa’tin dahil
nasasakripsyo ang oras ng ating pagtulog,
sa halip na ikaw ay mahimbing na natutulog
ay ikaw ay gising pa ng madaling araw.
Ang pagkakaroon ng kumpletong tulog ay
importante dahil nakakatulong ito sa mga
estudyante na mas lalong makapag focus at
magkaroon ng konsentrasyon sa klase.
Sa sarili kong karanasan ay lagi rin
akong nag- cracram, alam ko na hindi dapat
ako nag cracram lalo na sa akin pag-aaral
ngunit ano ba ang magagawa ko kung sa
dami ng gawain ay napipilitan akong
madaliin ang mga ito. Pero minsan talaga
72
ang dahilan ng pag cracram ko ay dahil
hindi ko alam paano i-manage ng maayos
ang oras ko, matagal ko ng alam sa sarili ko
na dapat na ayusin ko ang mga oras ng
aking paggawa ng mga asignatura para
hindi ako naghahabol ng mga requirements
na ipapasa kaso kahit alam ko na ay hindi
ko parin ginagawa at inaayos ang time
management ko. Hindi ko alam kung bakit
hindi effective ang panggagaslight ko sa
sarili ko na mahihirapan ako pag puro "
mamayang 5pm ko nalang 'to gagawin,
magpapahinga muna ako deserve ko 'to."
dahil siguro ayaw ko rin pa na kumilos kaya
hinahayaan ko ang oras na lumipas
hanggang sa tumagal ay wala na ang haring
araw at malalim na ang gabi. Sa mga
ganitong mga pangyayari talaga ay nagiging
totoo ang kasabihan ng mga matatanda na
"Nasa huli ang pagsisisi." Tama nga sila
nasa huli ang pagsisisi, pagsisi sa sarili na
hindi agad gumawa nung ako ay may oras
pa tapos ang ending ay mangyayari ulit
yung ganito na ipagsasa-bukas o puro
mamaya ang nasa mindset ko dahil alam ko
namang kaya ko i-cram ang isang gawain.
Meron din namang positibong epekto
ang pag cracram kagaya na lamang kapag
ikaw ay wala na talagang oras at kailangan
mong i-cram ang isang pagsusulit. Sa
73
ganitong mga sitwasyon ay nasasanay ang
sarili mo na gawin ang isang bagay under
pressure, kaya kapag ikaw ay binigyan ng
limitadong oras sa isang gawain ay alam mo
ang mga dapat gawin sa limitadong oras na
iyon. Sa henerasyon na ito, ang pagcracram
nga ay parang bestfriend na ng lahat dahil
sa dami ng gumagawa nito. Maiituring nga
na “cramming master” ang isang
estudyante kapag palagi itong nag crcram.
Ang cramming ay may masamang dulot
din sa atin kung ito ay naging habit na,
Hindi sinasabi na ang cramming ay
naglalagay ng labis na stress sa utak, na
nagtutulak dito nang higit sa mga
limitasyon nito. Kapag ang utak ay sobra-
sobra sa trabaho, masyadong madalas, ito
ay nagpapataas ng damdamin ng
pagkabalisa, pagkabigo, pagkapagod at
maging ng pagkalito. Tulad ng katawan ng
tao, ang utak ay nangangailangan ng oras
upang huminga, magpahinga at muling
paganahin
Kaya, kung ang cramming ay itinuturo
na isang hindi epektibo at hindi
mapagkakatiwalaang paraan ng pag-aaral,
bakit ito ay karaniwan sa mga mag-aaral?
Katulad ko na isang mag-aaral ang pag ca-
cram ay isang gawain na ginagawa kung
74
gusto mo pumasa, dahil ang pag cracram ay
ang pilit na pagpasok ng mga impormasyon
sa utak sa limitadong oras. Sa ganitong
paraan ay magagamit mo ito sa mga
pagsusulit.
Bukod sa cramming, ang
procrastination ay isa rin sa mga bunga ng
pagkawala ng maayos na time management.
Ano nga ba ang procrastination? Ang
salitang ‘procrastination’ ay numero-unong
kalaban ng tao, lalo na sa mga gawain. Ito
ay matatawag na “magnanakaw ng oras,”
dahil kapag ikaw na mismo ang nakaka
experience nito ay hindi mo na ito
maiiwasan pa.
Sa aking experience, ang
procrastination ay hindi ko maalis alis sa
aking habit dahil madali akong ma-distract
sa mga bagay na hindi naman dapat inuuna
dahil roon ay napapatagal ang paggawa ko
sa mga gawain na importante. Marahil ikaw
rin ay nakaranas na mag procrastinate dahil
ito ay bunga na rin ng hindi epektibo na
time management. Kaya habang tayo ay
dapat ay alam na natin na hindi ito maganda
kung ipagpapatuloy ito sa ating pag-aaral.
At dahil sa mga negatibong epekto nito
satin ay wag na tayong mag procrastinate at
75
maging crammers. Tigilan na ang
“crammer for life” at “due tomorrow, do
tomorrow” na mentality dahil ang hindi
natin alam ay onti-onti tayo nito na sinsira.
78
7. Set up a comfy study space.
Pumili ng lugar kung saan hindi ka
magkakaroon ng masyadong maraming
distractions. Ang pagkakaroon na maayos
na lugar sa pag-aaral at ang kakayahang
mag-focus ay susi sa isang magandang
lugar ng pag-aaral. Kung mag-aaral ka sa
bahay, pumili ng lugar ng bahay kung saan
hindi ka maaabala ng iba
KABANATA VI
81
“Ano nga ba
ang gusto
ko?”
Interest
Isinulat ni: Shi, Amei Rose Y.
87
“Lola, sa aking palagay nahanap ko na
ang aking interest!” nakangiti kong sinabi
sa aking lola.
88
sinabi sa akin ni lola habang ako ay
inakbayan sa balikat.
92
tatakbong presidente ng STEM para sa
susunod na taon.
93
Hindi pa ako nabibigyan ng gawain
ngunit napapaisip na ako ng mga posibleng
konsepto na magagamit ko bilang
inspirasyon sa pag eedit. Nararamdaman ko
kung gaano ako na eenganyo na tanggapin
ang responsibilidad na ito.
Ngunit sa likod ng aking pagka gilas sa
oportunidad na ito, napapatanong pa rin ako
kung worth it ba ito.
KABANATA VII
95
“Grabe ang
galing ni ate
sana ako rin” Inspirasyon
97
Ang inspirasyon ay nagpapakilos ng
kreatibo at nagbubunga ng mga
imbensiyong solusyon sa mga akademikong
suliranin.
101
Isa sa mga Inspirasyon naten sa
pagaaral syempre ay ating mga crush o
iniibig, "grabe parang ako na ang
magiging pinakamasaya kung magiging
kami, siya ang rason kung bakit ko
gagalingan ang pag-aaral ko, dapat
galingan ko sa school para mapansin nya
ko " sino pa nga ba ang magiging
insipirasyon naten kung di ang ating
hinahangaang tao, lahat gagawin naten para
lang mapansin. Pero bakit tila minsan
nakakalimutan na natin ang ibang bagay.
Ang atensyon naten sakanya na lamang
nakafocus, napapabayaan na natin minsan
ang sarili lalo ang pag-aaral. Ang
pagkakaroon ng crush ay isa sa nagiging
malaking tulong o inspirayon natin sa
pagaaral, ngunit dapat hindi natin ito
hahayaang sirain o maapektuhan ang ating
buhay, gawing balanse ang ating
pamumuhay
"Magandang Kinabukasan"
Ang pagkakaroon ng magandang
kinabukasan bilangn iyong inspirasyon sa
paaralan ay maaaring magdala ng mga
kaginhawahan at kahirapan sa iyo.
Ang malinaw na pangarap para sa iyong
kinabukasan ay maaaring magbigay sa iyo
ng inspirasyon upang mas pag-ukulan ng
104
pansin ang iyong pag-aaral, mga layunin, at
magbigay ng katuturan sa bawat hakbang
na gagawin. Magiging mas tutok at
disiplinado ka sa iyong pag-aaral dahil alam
mong ang lahat ng ginagawa mo ngayon ay
magagamit mo para sa iyong kinabukasang
tagumpay.
Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng
sobrang pagtuon sa iyong kinabukasan ay
maaaring magdulot ng sobrang pressure,
stress, at pag-aalala. Pwedeng pag masyado
kang nakatutok sa pagkamit ng iyong mga
pangarap ay nakakalimutan mong mag-
enjoy sa kasalukuyan. Pwede ring hindi ka
maging kontento at ma-frustrate kapag
dumating ang mga pagsubok sa iyong
buhay. Kung minsan, nawawala ang mas
malawak na larawan at nasosobrahan sa
pagtuon sa iyong mga layunin.
Dapat ay magkaroon ng balanse sa
pagitan ng iyong kasalukuyan at
kinabukasan. Mahalaga na magtayo ka ng
mga layunin para sa iyong kinabukasan at
magtrabaho ka para sa mga ito. Ngunit,
kailangan din na kasangkapan ang
pagtitiwala sa sarili upang ma-enjoy ang
mga karanasan, matuto o maging matapat sa
mga pagkakamali. Ang pagiging
mapaghimay o nagbabago ng isip ay isa rin
105
sa maaring maging factor na magagamit ng
tao para sa kanyang kinabukasan. Tandaan
mo, hindi palaging matuwid o katulad ng
isang linya ang landas tungo sa tagumpay.
Pwedeng magkaroon ng mga baluktot at
biglaang pagkakataon na dumating. Ang
mahalaga ay magpatuloy na maghangad at
hindi sumuko sa iyong mga pangarap, kahit
gaano man kahirap at hindi tiyak ang
kanilang tagumpay. Sa huli, kung mas
tututukan mo ang proseso hindi lamang ang
layunin, maaari kang magtagumpay sa
kasalukuyan at sa kinabukasan.
107
ay hindi mo na kaya ang pag-aaral, balikan
mo ang inspirasyon at hayaan mong ito ang
magturo sa iyo patungo sa akademikong
tagumpay.
KABANATA VIII
108
“Para saan ka
bumabangon?”
Pamilya
110
Ang mga problema sa pamilya ay hindi
maiiwasan at nagdudulot ng malaking
epekto sa akademikong pagganap ng mga
mag-aaral. Sinasabi dito na kahit ang maliit
na hindi pagkakaintindihan sa pamilya ay
maaaring makaapekto sa kabuoang focus ng
isang estudyante. Bilang indibidwal
kailangan natin maunawaan na lahat ng
ating kilos ay may kaakibat na kahihinatnan
na maaaring makaapekto ng iba. Hindi natin
maiiwasan ang pagkakaroon ng problema sa
ating buhay kaya bilang tao dapat ay meron
tayong bukas na isip at dapat ay nakikipag
komunikasyon tayo sa ating pamilya upang
maresolba ang mga bagay na ito, ang
pakikipagkomunikasyon sa tuwing tayo ay
humaharap sa problema ay mahalaga dahil
sa paraang ito ay malilinaw at mapag
uusapan ang mga bagay na bumabagabag sa
atin.
Kaya naman sa bawat problema na
dinaranas natin sa loob ng ating bahay hindi
maiiwasan na sa ating pag-aaral ay
nawawalan na tayo ng focus. Nararapat
lamang na tandaan natin na ang mga
pangyayari sa bahay ay hindi dapat
inilalabas at dinadala sa paaralan. Kundi
panatilihin lamang ito sa bahay at huwag
mong hayaang maapektuhan ka nito.
111
Ang pagkakaroon ng bonding sa
pamilya ay isa sa aspeto upang maging mas
matibay ang samahan ng isang pamilya.
Kapag ang pamilya ay nagkakaroon ng
minsahang pagsasama maaring dito ay
nagkakaroon ng mas malalimang intindihin
sa nararamdaman, pag-iisip, at problema ng
bawat isa. Tayo ay nakakapag pahayag ng
ating damdamin at saloobin kung saan ay
magkaka ideya ang miyembro ng bawat
pamilya kung ano ang iyong
nararamdaman. Mas nagiging magaan ang
ating loob kapag sinasabi natin ang mga
bagay na sa tingin natin ay nakakaapekto
sa'tin kaysa kung ito ay isasarili lamang.
Kaya naman kapag may bonding na
nagaganap sa isang pamilya ay mas
nagkakaroon ng maayos na komunikasyon
ang bawat isa. Maiiwasan dito ang mga di-
pagkakaunawaan sa pagitan ng pamilya.
Kung magkakaroon man ay madali na
lamang ito na mareresolba.
112
Hindi ba't ito ang mga salitang palagi
nating naririnig sa ating mga magulang?
Ngunit tama naman sila dahil sa hirap ng
buhay, minsan ang pag-aaral ng mabuti at
ang pagtatapos na lamang ang naiisip nating
chance upang maitaguyod natin ng maayos
ang pamilya natin. Minsan naiisip natin ang
hirap, nakakapagod, at nakakainip. Pero
hindi ba't kaya nga nandyan ang pamilya
natin ay upang gabayan at tulungan tayo sa
landas natin. Kaya naman kapag ikaw ay
nagkaroon ng problema sa iyong pamilya
ang nararapat lamang na gawin mo ay
magkaroon ng maayos na komunikasyon sa
kanila. Sapagkat ang pamilya natin ang
siyang may alam kung paano nga ba natin
ito malalagpasan o sila ang tutulong at
gagabay sa atin upang hindi tayo maligaw.
Mahalaga ang papel ng pamilya sa buhay
ng estudyante, sila ang nagiging sandigan at
kaagapay natin kapag tayo ay humaharap sa
bawat yugto ng ating buhay. Sila ang
nagsilbing inspirasyon natin sa ating pag-
aaral kung kaya't napaka importante na tayo
ay may mabuting samahan sa bawat
miyembro ng ating pamilya dahil
napakalaki at napakahalaga ng gampanin ng
pamilya sa atin hindi lang sila ang magiging
kadamay natin sa mga problema, sila rin
ang naghuhubog ng ating pagkatao at sila
113
rin ang naging una nating guro. Na siyang
unang nagturo sa atin ng lahat ng ating
matututunan. Unang naging mapagpasensya
at maunawain sa atin.
Kaya naman hindi ba't upang matugunan
ang lahat ng paghihirap na dinanas at
isinakripisyo nila tayo ay nag-aaral ng
mabuti at ginagawa ang lahat ng makakaya
upang makakuha ng matataas na grado.
114
KABANATA IX
“Nak, proud
ako sa’yo”
Parent’s Support
116
kami sainyo. Ang pag galit niyo samin ay
pinapalaki niyo lamang kami ng tuwid at
hindi kami hinahayaang maligaw sa tamang
landas.
Andyan ang ating mga magulang
isa sa inspirasyon natin upang
makapagtapos ng pag-aaral, nariyan sila
upang makatulong sila sa atin ang
matugunan ang ating pag-aaral, ang mga
gusto nila ay para rin sa ikakabuti ng ating
buhay bilang anak, kaya maganda kung
pagbubutihin natin ang ating pag-aaral kung
kaya’t balang araw tayo naman ang
tutulong sa ating minamahal na magulang.
118
Hindi ba’t ang sarap pakinggan ng
ganyang salita na magmula sa magulang mo
pagkatapos mo gawin ang iyong makakaya
sa kahit anong aktibidad na sinalihan o
ginawa mo. Ang ating mga magulang ay isa
sa ating mga rason kung bakit tayo nag-
aaral, dahil syempre gusto rin natin sila
mabigyan ng magandang kinabukasan.
Balang araw, lahat naman tayo ay may
balak maibalik sakanila ang lahat ng
pinagbibigay nila sa atin para maging
masaya tayo at makamit ang pagtatagumpay
natin sa ating mga pangarap upang umunlad
ang ating kinabukasan.
120
gawin ang iyong makakaya at huwag ibaba
ang sarili pagkatapos matalo ng isang beses.
122
“Enjoyin mo lang pag-aaral mo ‘nak,
wag ka masyadong seryoso na naiistress
ka na”
Ito ang linya na pag paalala ng
ating mga magulang natin na huwag natin
masyadong istressin ang sarili natin habang
nag-aaral sa puntos na pagod na pagod ka
na, hindi ka na masyadong nakikipaglahok
sa pamilya. Mabuti naman na ginagawa ang
makakaya sa pag aaral ngunit hindi
masyadong maganda kapag ang sarili mo
masyado mong itinutulak ang sarili mo sa
iyong limitahe. Ang gusto lamang ng ating
mga magulang ay gawin natin ang ating
makakaya at huwag naman sa puntos hindi
ka na natutulog, na nagkakasakit ka na
upang makamit na mataas na iskor. Ang
mahalaga sa ating mga magulang ay matuto
tayo habang may halong pagsaya habang
nagaaral.
“Alam mo ‘nak ang gusto ko para sayo
ay doon ka sa kung saan mo
magugustuhan”
Mga panahong pipili na tayo ng
ating kukunin istrand o kurso sa senior high
o koloheyo, isa pang payo mula sa ating
mga magulang sapagkat sila ay naranasan
na kung bakit mahalaga ang pagpili ng ating
123
magugustuhan. Sinusuportahan nila ang
ating interes para sa ating kukunin kurso,
ang tamang pagpili ay mas matututo tayo sa
field na akademikong pagaaralan natin,
kung saan tayo’y tunay na interesadong
aralin ito. Sabi nga ng ating mga magulang
sundin natin ang napipiling natin kurso,
kung saan may matinding pagnanais at
maliwanag satin na gusto natin at handa
natin itong tuloy-tuloyin para makapagtapos
tayo ng ating pag-aaral.
Ngunit paano kung pakiramdam mo ay
hindi pinapansin ang mga pagsisikap mo o
pinabayaan ka ng mga magulang mo?
124
isang relasyon at wala rin katatagan na
dapat ay mayroon ka.
Mga Hamon na Maaring Dinadaanan ng
Napabayaan ng Emosyonal nang
Magulang:
1. Sa buong panahon na
nabubuhay ka, nararamdaman mo ay
emotionally napapabayaan ka, maaaring
maapektuhan ang tiwala at pagmamahal mo
sa iba palibhasa ikaw sa sarili mo ay hindi
masyadong nakatanggap ng positibong
suporta at pagmamahal na nanggaling sa
sarili mong magulang.
125
3. Nang mapagtanto mo na
ikaw ay nakakaranas ng pagnababayaan sa
emosyonal ng magulang mo, mahihirapan
ka na magsilapit sakanila. Kung kaya’t
upang makayanan mo ang pagbabaya at
pagkabigo nila saiyo, kinukumbinsi mo ang
iyong sarili na hindi mo na kailangan ang
kanilang pagmamahal at pangangalaga.
126
sa buhay para malaman mo ang kanilang
nararamdaman at pananaw kung bakit ang
ito ay nakakaapekto sa pagpalaki nila sayo.
127
napagdaanan na natugunan nila sa mga
traumatikong karanasan nila noon.
KABANATA X
128
From Grades
to Growth
Isinulat nina: Orantes, Keisha Faye C., Pepito, Shantal Kit,
at Shi, Amei Rose Y.
129
mamuhay ng kasiya-siya at makabuluhang
buhay.
132
kailangan sa pag-aaral. Ngunit naisip ko na
napakaraming oportunidad ang binibigay ng
gobyerno gaya na lamang ng iskolar. Dito
ko na naisip na ang grado din pala ay
magiging susi para mga oportunidad na ito.
At isa sa mga kinakailangan upang
makapasok sa iskolar ay ang pagkakaroon
ng mataas at pasado na grado. Kaya
napaisip ulit ako… na edukasyon ang
magbubukas at magbibigay daan para sa
ating magandang kinabukasan.
133
Sa henerasyon ngayon, masiyado na
tayong nabubulag sa kaisipan na, kailangan
mataas palagi ang markang nakukuha. Isa
'yan sa dahilan kung bakit tila nakakapagod
na tuloy mag-aral. Kumbaga, nawawala na
yung excitement mong matuto kasi parang
nag-aaral ka nalang para sa mataas na
grado. Isang kaisipan na dapat na nating
iwaksi dahil kahit kailan, hindi matatapatan
ng mataas na grado ang kaalaman at
kasanayan na nakukuha mo habang ikaw ay
nag-aaral.
Hindi dapat natin iniisip lang na
kailangan natin mag-aral para makakuha ng
mataas na marka upang kilalanin ng iba.
Paano kung, mataas nga, galing naman sa
kopya? Nawawala ang saysay ng pag-aaral
sa tuwing nangyayari ito. Ang ating grado
ay siyang gabay lamang natin at nagsisilbi
ring paalala na mayroon tayong mga
layunin at pangarap na nais nating abutin.
At isa ang marka sa tulay upang hubugin
tayo na maging isang magandang ehemplo
ng isang mamamayan na may buo at
responsableng pagkatao.
134
Mahalaga na maging mahusay na
estudyante, ngunit hindi lamang upang
makakuha ng mataas na marka. Dapat
nating pahalagahan ang proseso ng pag-
aaral at ang mga karanasan na kasama nito.
Ang pagkatuto ay dapat na isang masayang
paglalakbay tungo sa pag-unawa at
paglinang ng ating sarili. Hindi dapat
mawala ang kasiyahan at pagkamangha
natin sa mga bagong kaalaman na
natututunan natin.
Sa bawat pag-aaral at pagsubok na ating
haharapin, ang pinakamahalaga ay ang
ating pagpupursige at determinasyon na
maabot ang ating mga pangarap. Hindi tayo
dapat maging alipin ng mga marka, kundi
dapat nating gamitin ang mga ito bilang
lakas at inspirasyon upang patuloy na
magpatuloy at magbigay ng aming
pinakamahusay na kakayahan.
Kaya't huwag nating hayaang mawala
ang tunay na diwa ng pag-aaral.
Ipagpatuloy natin ang paghahanap ng
kaalaman at paglinang ng ating sarili, hindi
lamang para sa marka, kundi para sa ating
sariling paglago at pag-unlad. Sa huli, ang
tunay na tagumpay ay hindi matatagpuan sa
markang ating natamo, kundi sa patuloy na
135
pagpupursige at pagsisikap na maging
mabuting indibidwal sa lipunan.
Epilogue
137
nakapagbigay ito ng aral at aliw sa mga
mambabasa.
138
Bionote
Si Zvashsean S.
Tumbagahon, ay
isang labing pitong
gulang na lalaki.
Ipinanganak noong
ikalabing tatlo ng
Setyembre noong
2005. Siya ngayon ay
kasalukuyang nag-
aaral sa Mataas na paaralan ng Rizal,
baitang 11 at pangkat feldspar na
sumasailalim sa strand na Science,
Technology, Engineering, and mathematics
(STEM). Noong siya ay nasa elementarya
siya ay kasapi sa Boys Scout of The
Philippines (BSP) at sumasali ito sa iba't
ibang contest kagaya ng dama, declamation
at chess, at ngayon sa kasalukuyan siya ay
kasapi ng Rover Scout sa kanyang senior
high school. Siya ay nagtapos ng may
karangalan noong junior high nya sa
Abuyod National High School.
139
Si Keisha Faye C.
Orantes ay labing
pitong taong gulang.
Ipinanganak noong ika-
23 ng Enero, taong
2006. Kasalukuyan
siyang nag-aaral sa
Mataas na Paaralang
Rizal at nabibilang sa
strand na Science, Technology Engineering
140
and Mathematics. Siya ay nasa ika-11
baitang at kabilang sa pangkat Feldspar.
141
Sa kasalukuyan, siya ay kabilang sa mga
namuno sa pagbuo ng pananaliksik sa
asignaturang Komunikasyon at
pananaliksik.
Si Carla Jean B.
Padua, labing pitong
gulang na ipinanganak
noong ika-28 Oktubre
taong 2005.
Siya ay kasalukuyang
nag-aaral sa Mataas na
142
Paaralang Rizal, baitang 11 at pangkat
Feldspar ng istrand na Science, Technology,
Engineering, and Mathematics (STEM).
Siya ay nakapagtapos ng elementarya sa
Maybunga Elementary School Annex.
Sumasali sya sa patimpalak gaya ng Jazz
Chant (kasama ang kapwa mag-aaral) na
nagkamit ng ikatlong parangal noong
ikalawang baitang. Sya rin ay nagkamit ng
ikatlong parangal sa Declamation na may
pamagat na Five Loaves of Bread noong
siya ay nasa ikatlong baitang. Kasama ang
kapwa mag-aaral noong nasa ika-limang
baitang ay lumaban sa Speech Choir ngunit
hindi pinalad na manalo. May karanasan sa
pagsulat ng lathalaing isports at parte ng
Girls Scouts of the Philippines (GSP)
simula elementarya. Sa pagtungtong ng
junior high school, siya ay parte ng
kurikulum na Science Technology and
Engineering (STE) kung saan dito ay
nagkaroon siya ng karanasan sa Science
Investigatory Project (SIP), Computer
Science, Programming, pati na rin ang
dalawang taong karanasan sa pagsulat ng
eksperimental na pananaliksik. Naging
143
parte ng Division Schools Press Conference
(DSPC) 2021 understudy sa kategoryang
Copyreading and Headline Writing at
umattend ng Webinar ukol dito. Naging
Grade 10 Representative ng RHS GSP-
SCPB taong 2021-2022. Nagtapos sya ng
sekondarya sa Mataas na Paaralang Rizal
ng May Mataas na Karangalan. Sa
pagtungtong ng senior high school, siya’y
miyembro ng Batang Emergency Response
Team (BERT) at Journalism Club sa
kategoryang Copyreading and Headline
Writing.
145
anak, mamamayan, at mananaliksik ng
bansa.
147
magulang pati na rin ang patnubay at gabay
ng Diyos tiyak na mararating niya ang lahat
ng kanyang minimithing magandang
kinabukasan.
Si Marian D. Soriano,
labing pitong taong
gulang. Ipinanganak
148
noong ika-labing walo ng Enero, taong
2006. Mula noong elementarya, siya ay
aktibo ng lumahok sa mga kontest sa
kanyang paaralan katulad na lamang ng
balagtasan kung saan siya ay nanalo ng 1st
place sa larangan na ito. Siya rin ay
nakapagtapos ng may karangalan at naging
parte ng Girls Scout of The Philippines
(GSP) at Supreme Student Government
(SSG) noong elementarya kung saan ito ay
nagtagal ng apat na konsitibong taon.
149
Sa kasalukuyan, siya ay nasa programang
Science, Technology, Engineering at
Mathematics (STEM) kung saan siya ika-11
na baitang sa Rizal High School kung saan
siya ay kabilang sa mga club katulad na
lamang ng Journalism Club kung saan siya
ay nakahanay sa kategoryang Science
Writing at Batang Emergency Response
Team (BERT).
Ika-labing tatlo ng
Disyembre sa taong
dalawang libo at lima,
150
ipinanganak at labing pitong taong gulang
na si Mary Alexandra T. Talinio, siya ay
isang babae na mapagkumbaba at
determinadong makapagtapos sa pag-aaral.
Mas marami siyang responsibilidad sa
kanyang tirahan marahil siya lamang ang
nagiisang anak na babae sa magkakapatid
sa kanilang tahanan. Noong Ika-sampung
baitang pinag‐isipan niya ng malaliman
kung ang kurso o istrand na kaniyang
papasukan ay kung Science, Technology,
Engineering at Mathematics (STEM) ba? O
Accounting at Business Management
(ABM). Ngunit base sa marka niya, siya ay
pumasa sa STEM ng mataas na Paaralang
Rizal kung kaya’t sinubukan niyang
pasukan ito kahit na nahihirapan siya sa
matematika at kemistri dahil naniniwala
siya na kapag hindi mo hinarap ang mga
kinakatakutan mo sa buhay “Face your
Fears” hindi ka magiging panatag dahil
mayroon kang mabibigat na dalahin.
151
noon makasunod sa mga pinagaaralan dahil
kung minsan ang pinag aralan ay
masyadong advance.
Sa kabutihang-palad, siya ay nakapag aral
sa Paaralang Elementarya ng Oranbo simula
Baitang 3 hanggang makapagtapos siya ng
Elementarya. Noong sumali siya sa SSG
bilang kinatawan sa ika-limang hanggang
ika-anim na baitang. Siya ay itinalaga
bilang mangasiwa ng “Honest Store” dito
ay sinusubaybayan niya kung ang mga
bumibili ay nagsusulat kung ano ang kinuha
nila o ilan sa tindahan at kung magkano ang
binayad ng mga bumibili sa “Honest Store”.
Siya rin ay sumali sa English Club, kung
saan sila ay nagbabasa ng iba’t ibang klase
ng libro, at nanonood ng iba’t ibang klase
ng teleserye pagkatapos nito ay iisa isahin
kami sa pagpapahayag ng anong
naramdaman habang ito ay aming binabasa
o pinapanood. Hindi lamang iyon ang
aming ginagawa, kami rin ay naglilibot sa
aming eskwelahan upang ipagpatuloy ang
pagbasa at pag unawa nila dito.
152
Ang panimula ng kanyang pag-aaral sa
mataas na Paaralan ng Rizal, sumali siya sa
Glad Club na kung ay isang English
Reading Club, at naging officer. Mula ika-
tatlong baitang hanggang ngayon sa ika-
labing isang baitang taon niya siya ay kasali
sa Girls Scout of the Philippines (GSP).
Ginawa rin siyang representatibo ng
kanyang English teacher noong sa
ikawalong baitang sa English Quiz Bee
kung saan hindi siya naka ranko ngunit
nung sinubukan din niyang sumali sa
Science Quiz Bee noong siya ay nasa
paaralang panggitna, nag ranko siya ng Una
na may sertipiko, medalya at premyong
salapi. Sumali rin siya Sudoku noong
ikasampung baitang niya kung saan
nagranko siya ng pangalawa na may
sertipiko st premyong salapi.
153
Si Jaynie B.
Tolentino, labing
pitong taong gulang.
Ipinanganak noong
ikalabing pito ng
Marso taong 2006.
Siya ay kasalukuyang
nag-aaral sa Mataas
na Paaralang Rizal,
baitang 11 at pangkat
Feldspar ng istrand
na Science, Technology, Engineering, and
Mathematics (STEM).
SANGGUNIAN:
155
Tapon, and Aarol Michael C.
Valenzuela. 2019. “The Impact of
Family Problems in the Academic
Performance of HUMSS Grade 12
Students in Bestlink College of the
Philippines”. Ascendens Asia
Singapore – Bestlink College of the
Philippines Journal of
Multidisciplinary Research 1 (1).
https://ojs.aaresearchindex.com/ind
ex.php/aasgbcpjmra/article/view/
2357.
156
Conserve Energy Future. 2022.
“Top 10 Benefits of Walking.”
March 31, 2022.
https://www.cancerresearchuk.org/
get-involved/find-an-event/charity-
walks/walk-all-over-cancer/top-10-
benefits-to-walking.
159
Lin, Shu Hui, and Yun-Chen
Huang. 2014. “Life Stress and
Academic Burnout.” Active
Learning in Higher Education 15
(1): 77–90.
https://doi.org/10.1177/1469787413
514651.
162
Feedback to Alleviate Burnout in
Preparation for a High Stakes
Staff, Tbs. 2023. “How To Avoid
Academic Burnout In College.”
TheBestSchools.Org (blog). March
21, 2023.
https://thebestschools.org/magazine
/how-to-avoid-burnout-in-college/.
163
Webb, Jonice, PhD. 2020. “How It
Feels to Have Emotionally
Neglectful Parents.” Psych Central.
June 21, 2020.
https://psychcentral.com/blog/child
hood-neglect/2020/06/how-it-feels-
to-have-emotionally-neglectful-
parents#2
164
165
166
167