You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Calapan City
MA. ESTRELLA PVG TAWIRAN ELEMENTARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATIONS
FILIPINO 6

SY 2022-2023
Competency Learning Competency Date No. of No. of Percentage Item
Code Taught days Items Placement
taught
(F6PN-Ia-g- 1. Nakasasagot ng mga tanong
3.1, F6PN-Ia- tungkol sa napakinggan/nabasang
g-3.1, F6PB- pabula, kuwento, tekstong pang-
6 7 14% 1-7
Ic-e-3.1.2, impormasyon at usapan.
F6PN-Ia-g-
3.1)
2. Nasasasagot ang mga tanong na
3 3 6% 8-10
bakit at paano
3. Nakakikilala angpangngalan at
panghalip; nakagagamit wasto ng
mga pangangalan at panghalip sa 6 7 14% 11-17
pakikipag-usap sa iba’t ibang
sitwasyon
F6PN-lc-l9 4.Nabibigyang-kahulugan ang kilos
at pahayag ng mga tauhan sa 3 3 6% 18-20
napakinggang pabula
(F6PN-lj-28) 5.Nakikilala ang mga sawikain sa
mga pahayag; at nabibigyang 6 7 14% 21-27
kahulugan ang sawikain.
F6PB-Ib-5.4 6.Napagsunod-sunod ang mga
F6RC-IIe-5.2 pangyayari sa kuwento sa tulong ng
6 7 14% 28-34
nakalarawang balangkas at
pamatnubay na tanong
F6PN- Id-e- 7. Nakapagbibigay ng mga hinuha
12) (F6PB- sa kalalabasan ng mga pangyayari
3 3 6% 35-37
IIIf-24) bago, habang, at matapos ang
pagbasa. (
F6PS-Id- 8. Nakagagamit ng magagalang na
12.22 pananalita sa iba’t ibang sitwasyon;
3 3 6% 38-40
sa pagpapahayag ng
saloobin/damdamin)
9.Nakapagbibigay ng sarili o
maaring solusyon sa isang 3 3 6% 41-43
suliraning naobserbahan sa
F6PB-Ig-8 10.Nakapagbibigay ng angkop na
pamagat sa binasang/napakinggang
3 3 6% 44-46
talata

F6PS- lj-1) 11.Napupunan nang wasto ang kard


katalog naipapahayag ang sariling
2 2 4% 47-48
opinyon o reaksiyon sa isang
napakinggang balita, isyu o usapan
12. Nakagagamit ng
(F6EP-Ib-d- pangkalahatang sanggunian sa 2 2 4% 49-50
6) pagsasaliksik
TOTAL 46 40 100%

MA. ESTRELLA PVG TAWIRAN ELEMENTARY SCHOOL


maryjoy.villaluz001@deped.gov.ph
0960-549-4523
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

Name: ______________________________________________ Score: _______________


Grade and Section: ________________________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat bilang. Itiman ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Para sa bilang 1-10, basahin ang pabula at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
Si Manoka
Sa isang liblib na pook ay may nakatirang pamilya ng mga manok. Simple, masaya at puno ng
pagmamahal ang kanilang maliit na tirahan. Mapagmahal na ama si Tandang Diro at responsableng asawa si
Inahing Nika. May lima silang anak, si Manoka ang panganay na kapag wala ang mga magulang, siya ang
napag-iiwanan ng mga kapatid. Isang araw maagang umalis ang mag-asawa upang dumayo sa anihan ng mais
sa karatig bayan. Pinagbilinan ng ama na bantayan at pakainin ang mga kapatid. Nagluto na si Manoka. Inisa-
isa niyang ginising ang mga kapatid, laking pagtataka niya wala ang bunso niyang kapatid. Iniwan ang iba pang
mga kapatid habang kumakain. Tanong dito, tanong doon ang ginawa niya ngunit ni isa man ay walang
makakapagturo dito hanggang siya’y makarinig ng isang boses na tumatawa at malakas na nagsasalita, “Diyan
ka nababagay munting sisiw, sa kumunoy, hanggang sa ika’y malunod, ha! ha! ha!,” malakas na tawa ni Asong
Malupit. Lumapit si Manoka, nakita niya si Mikmik, ang bunso nilang kapatid umiiyak at parang takot na takot.
Naghanap si Manoka ng mahabang kahoy at inihampas niya ito sa nakabungisngis na aso. “Malupit ka!, buong
lakas na hinampas niya ang aso hanggang kumaripas ito ng takbo. “Yeheey! Ligtas na ako, iniligtas ako ng Ate
Manoka ko,” buong kasiyahang niyakap ni Mikmik ang ateng tagapagligtas niya.
Sariling Katha ni Marijo Panuncio
1. Ano ang pamagat ng nabasang pabula?
A. Si Manoka B. Ang Tandang C. Ang Asong MalupitD. Ang Magkapatid na Manok
2. Sino ang mapagmahal at masunurin na tagapag-alaga ng kaniyang mga kapatid?
A. Si Daga B. Si Mikmik C. Si ManokaD. Si Asong Malupit
3. Sino-sino ang naghahanap ng pagkain para sa pamilya ni Manoka?
A. Si Asong Malupit B. Sina Manoka at Mikmik
C. Si Manoka at mga kapatid D. Sina Tandang Diro at Inahing Nika
4. Ano ang gawain ni Manoka kapag wala ang mga magulang sa bahay?
A. Naglalaro sa labas ng bahay.
B. Hinahayaan ang mga kapatid sa kalsada.
C. Hindi binibigyan ng pagkain ang mga kapatid.
D. Nagluluto, nagbabantay at nagpapakain sa mga kapatid.
5. Kailan nalaman ni Manoka na nawawala ang kaniyang bunsong kapatid?
A. Nakita niya na lumabas si Mikmik.
B. Pagkatapos na siya ay naglalaro sa labas ng bahay.
C. Gigisingin na niya ang mga kapatid para sa kumain.
D. Pagkagising nakita niya wala na sa higaan ang kapatid.
6. Kaninong malakas na boses ang narinig ni Manoka habang siya’y papalapit kumunoy?
A. Boses ni Pusang Malupit. B. Boses ni Asong Malupit.
C. Tinig ng Maamong Kambing D. Tinig ng Maamong Kalabaw.
7. Ano ang sinabi ni Asong Malupit sa kapatid ni Manoka na nagpasidhi ng galit niya sa aso?
A. “Halika! Kumapit ka ng mabuti iaahon kita sa putikan.”
B. “Tanggalin mo ang tinik sa likod ko, parang awa mo.”
C. “Naku! Nahulog ang Sisiw kawawa naman tulungan ninyo.”
D. “Diyan ka nababagay munting sisiw, sa kumunoy, hanggang sa ika’y malunod, ha! ha! ha!”.
8. Bakit umiyak nang sobra at takot na takot si Mikmik ng nadatnan ni Manoka?
A. Pinapalo ng Asong Malupit si Mikmik ng kahoy.
B. Inilublob sa kumunoy ng Asong Malupit si Mikmik.
C. Kinakagatkagat ng Asong Malupit ang paa ni Mikmik.
D. Napilayan ang paa ni Mikmik sa katatakbo nang hinabol ni Asong Malupit.
9. Paano nakaligtas si Mikmik sa ginawa ng Asong Malupit sa kaniya?
A. Mabilis na nakadampot ng mahabang kahoy at hinampas sa Asong Malupit na kumaripas ng takbo.
B. Tinulungan ni Manoka na makaahon sa kumunoy si Mikmik.
C. Niyakap ng mahigpit ni Manoka ang kapatid para mawala na ang takot nito.
D. Lahat na binanggit ay wasto.

10. Ano ang aral na makukuha sa nabasang pabula?


A. Dapat na paniwalaan ang sinasabi ng karamihan.
B. Tanggapin ang katotohanan nang walang alinlangan.
C. Nasa huli ang pagsisisi kaya’t pag-isipang mabuti ang bawat desisyon.
D. Maging masunurin sa habilin ng magulang para maiwasan ang sakunang kahihinatnan.

11. Anong uri ng pangngalan ang tumutukoy sa tanging pangalan ng tao, bagay, pook at pangyayari?
A. di-konkret0 B. pambalana C. konkreto D. Pantangi
12. Ang lahat ay pangngalan maliban sa isa. Ano ito?
A. kaligayahan B. kagandahan C. katalinuhan D. Kumakampay
13. Ano ang angkop na pangngalan upang mabuo ang pangungusap? Sagana ang pamumuhay ng magsasaka sa
_____________.
A. plasa B. lungsod C. bukid D. Ospital
Para sa bilang 14-17, punan ng angkop na panghalip ang talata. Piliin ang sagot sa kahon

Naranasan ___14 na bang lumangoy sa dagat? ___15__ ay may nakatutuwa ngunit nakakatakot na
karanasan sa dagat. Namasyal __16___ roon sa dinarayong Boracay beach, ang una kong nakitang ay malinaw
at kulay berdeng tubig na dalampasigan. Malinis at malamig ang tubig. Hindi ____17____ makakalimutan ang
karanasan na nagdulot ng saya .Nais ko na balikan ang Boracay kasama ang mga kaibigan?

A. mo B. kami C. naming D. ako

Para sa bilang 18-20, ibigay ang kahulugan ng katangiang nabanggit sa bawat bilang batay sa mga
isinasaad na kilos.
18. Inayos ni ibon ang mga gamit ng kaniyang nakababatang sisiw na nagkalat sa sahig.
A. masipag B. matulungin C. burara sa gamit D. maayos sa mga gamit
19. Nagdarasal muna ang mag-anak na ibon bago kumain.
A. Makatao B. Maka-Diyos C. Makabansa D. makakalikasan
20. “Maraming salamat sa mga tulong,” banggit ni Amang ibon sa mga kasama sa paglilinis ng paligid.
A. mapagtimpi B. mapag-unawa C. mapagpasalamat D. mapagpakumbaba

Para sa bilang 21-25, piliin ang angkop na salawikain upang mabuo ang pangungusap.
21. Malapit na ang debut ni Qm. Maraming dapat ayusin at ihanda. ________________ ang kailangan ng
magkakapamilya upang maging matagumpay ang pagdiriwang na gagawin.
A. kapit-tuko B. nagtataingang-kawali C. kapit-bisig D. bantay -salakay
22. Nalulungkot si Ema. Dalawang taon na niyang pinag-iipunan ang pinapangarap na washing machine subalit
hindi pa rin niya mabili dahil talagang _______________ pa rin sila.
A. pasang-krus B. kuskos-balungos C. ulilang lubos D. isang kahig, isang tuka
23. _________________ng kaniyang pangarap na makarating sa Japan, naniniwala si Mila na habang may
buhay ay may pag-asa.
A. suntok sa buwan B. mataas ang lipad C. hilong-talilong D. ulilang lubos
24. Palaging pinangangaralan ni Sonia ang kaniyang kapatid dahil paulit-ulit ang paggawa nito ng ikasasama ng
loob ng kanilang ina. Ngunit talagang ______________ lamang ang kapatid kaya nag-isip ng deskarte si
Sonia.
A. nagtataingang-kawali B. pasang-krus C. kuskos-balungos D. kapit-bisig
25. Ang napangasawa ng aking pinsan ay alog na ang baba sa kaniya. Ano ang kahulugan ng sawikain na may
salungguhit?
A. bata pa B. Matanda na C. Masipag D. Mabait
26. Iniiwasan kong makasama ang mga balat-sibuyas na kaibigan. Ano ang kahulugan ng sawikain na may
salungguhit?
A. manipis ang balat B. mabaho C. maramdamin D. maingay
27. Bagamat anak pawis si Lyka, siya’y nagsusumikap sa kaniyang pag-aaral. Ano ang kahulugan ng sawikain
na may salungguhit?
A. mahirap B. mayaman C. maramdamin D. maingay

Para sa bilang 28-34, Iorganisa ang mga pangyayari upang mabuo ang kwento. Pagsunod-sunurin ang
mga titik batay sa tamang ayos ng mga pangyayari.

A. Patuloy ang pag-ihip nang malakas na hangin.


B. Sabay na kumapit sa bulaklak ang magkaibigang paruparo at tipaklong.
C. May bagyo nang umagang iyon. Malakas ang ulan at hangin. Ang mga puno ay
nagsasayawan.
D. Nagtago sa ilalim ng bulaklak ang paruparo at binantayan siya ni tipaklong.
E. Lumabas si tipaklong sa pinagtaguang kahoy.
F. Nadarama ang lamig ng hangin,naaamoy ang halimuyak ng mga nababasang bulaklak.
Nahahawakan ang dulas ng mga dahon at halaman.
G. Nagtanong si paruparo kay tipaklong kung paano maliligtas ang kanilang buhay.
______ 28 ______ 29. ______ 30. ______ 31. ______ 32. ______ 33. ______ 34.

Para sa bilang 35-37, Basahin ang sitwasyon at piliin ang sagot ng iyong palagay o hinuha sa bawat
pangyayari.
35. Maagang gumising si Angelica dahil unang araw ng pasukan. Subalit biglang bumuhos ang malakas na
ulan.
A. Matutulog na lamang siya.
B. Hindi na siya papasok ng paaralan.
C. Susuungin ang napakalakas na ulan.
D. Hihintaying tumila ang ulan at hihingi ng paumanhin sa guro kung bakit nahuli sa klase.
36. Ang mga tao sa barangay nila ay mahilig magtapon ng basura. Tapon dito, tapon doon. Ano kaya ang
mangyayari sa kanilang lugar?
A. Gaganda ang kapaligiran.
B. Matutuwa ang namamasura.
C. Lalago ang mga tanim sa paligid.
D. Maaarin magdala ng mga sakit sa tao
37. Gumising nang maaga si Vincent. Naligo, kumain, nagsipilyo at nagsuot ng uniporme. Siya
ay_____________?
A. mamimili sa palengke B. papasok sa paaralan
C. mamasyal sa plasa D. manonood ng sine

Para sa bilang 38-40, piliin ang pinakamagalang na sagot sa bawat pangungusap.

38. Nais mong hiramin ang aklat ng iyong kaklase. Paano mo ito sasabihin sa kanya?
A. Akin na muna ang iyong aklat. B. Ipahiram mo sa akin ang aklat mo.
C. Maaari ko bang gamitin ang aklat mo? D. Ibigay mo sa akin ang aklat mo, bilis!
39. Ang kaibigan ng nanay ni Belen ay dumalaw sa kanilang bahay. Ano ang dapat niyang sabihin?
A. Naku, hindi ko kayo kilala.
B. Nay, nandito ang kaibigan ninyo.
C. Wala po dito si Nanay, umalis na kayo.
D. Pasok po kayo, tatawagin ko lang si Nanay.
40. Isang umaga, binisita ni Shella ang klinika ni Dra. Acepcion. Paano niya ito babatiin?
A. Magpapakonsulta sana ako.
B. Kumusta ka na, Dra. Acepcion?
C. Magandang umaga po, Dra Acepcion.
D. Dra. Acepcion, magpapakonsulta ako.

Para sa bilang 41-43, basahing mabuti ang kasunod na mga sitwasyon at piliin mo ang iyong sariling
solusyon sa isang suliraning ito.

41. Bumabaha ang inyong silid-aralan dahil barado ang kanal sa likod nito.
A. Hayaan lang na bumaha ang silid-aralan.
B. Magalit sa guro dahil hindi ito pinalinisan agad.
C. Umuwi sa bahay at hindi na babalik sa eskuwelahan.
D. Tumulong sa paglinis at pagkuha ng bumabara sa kanal.

42. Unti-unting namamatay ang mga halaman dahil hindi umuulan.


A. Gawing palaruan ang hardin.
B. Diligan araw-araw ang mga halaman.
C. Ipaubaya sa iba ang pag-alaga ng inyong halaman.
D. Sa susunod na araw baka uulan naman.
43.Napakalakas ng ulan at nagliliparanang bubong ng mga bahay dahil sa Bagyong Yolanda.
A. Umiyak at magmukmok sa loob ng bahay.
B. Ipagwalang bahala ang pangyayari sa paligid.
C. Hintaying humupa ang ulan at malakas na hangin bago lumikas.
D. Pumunta sa pinakamalapit na evacuation center pagkarinig ng balitang may darating na malakas na
bagyo.

Para sa bilang 44-46, basahing mabuti ang bawat talata. Piliin ang angkop na pamagat.

44. Sina Jun at Rey ay magkaibigang tunay. Mula pagkabata, magkasama na sila kahit saan man pumunta. Sa
oras ng kasiyahan maging sa kalungkutan ay palagi silang nagdadamayan. Anomang problema ang dumating sa
kanilang pagkakaibigan ay nilulutas nila ito na magkasama.
A. Sina Jun at Rey B. Magkaibigang Tunay
C. Palaging Magkasama D. Laging Nagdadamayan
45. Ang aming tahanan ay maliit lamang. Gawa sa nipa ang bubong at sa kawayan naman ang sahig at dingding
nito. Sinisigurado naming magkakapatid na malinis at maayos ito araw-araw. May maliit na bakuran na
tinatamnan namin ng mga gulay at halaman.
A. Tahanang Maliit B. Munting Tahanan
C. Ang Aming Tahanan D. Malinis na Tahanan
46. Siya ay taong handang magsakripisyo kahit na ang sarili’y pagod na at gustong- gusto nang magpahinga.
Ngunit dahil sa sinumpaang tungkulin ay pinipilit na labanan ang puyat, hirap at pagod. Siya rin ang
nagsisilbing pangalawang magulang na nagtuturo sa kabataan. Huwarang guro na pinagmulan ng lahat na mga
propesyonal. Kaya karapat-dapat lamang na ang mga guro ay ating mahalin at respetuhin.
A. Ang Guro B. Dakilang Guro
C. Huwarang Guro D. Mahalin ang Guro

Para sa bilang 47-48, piliin ang letra ng angkop na reaksiyon sa sumusunod na mga isyu o pangyayari.
47. Magkaroon nang sapat na tulog at pahinga upang maging handa sa mga gawain.
A. Walang pakialam sa kalusugan.
B. Minsan, hindi natin iniintindi ang ating kalusugan.
C. Ang ehersisyo ay walang mabuting idudulot sa ating katawan.
D. Ang sapat na tulog at pahinga ay may mabuting naidudulot sa ating katawan.
48. Madalas, ang pagsisinungaling ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala.
A. Masaya kapag nakalusot sa pagsisinungaling.
B. Ang pagsisinungaling ay nakapagdagdag ng tiwala sa sarili.
C. Sa pagsisinungaling, marami kang kaibigang maniniwala sa iyo.
D. Iwasan ang pagsisinungaling upang makuha ang tiwala ng kapuwa.

Para sa bilang 49-50, basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Anong aklat na sanggunian ang angkop na
gagamitin dito.
49. Hahanapin ni Nena nag pinagsama-samang mga mapa sa iisang aklat.
A. Atlas B. Diksiyonaryo C. Almanac D. Ensayklopidya
50. Nais kong makita ang impormasiyon tungkol sa iba’t ibang paksa na nakaayos ng paalpabeto.
A. Diksiyonaryo B. Ensayklopidya C. Almanac D. Atlas

1stPTFilipino6/mjfvevangelista

You might also like