You are on page 1of 2

Pagkilala sa Kambal-katinig

Bilugan ang salita na may kambal-katinig sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang
kambal-katinig.

_____1. Umupo ang reyna sa kanyang trono.

_____ 2. Hilaw pa ang mga prutas sa kusina.

_____ 3. Ikaw ang pinili ng mga kaklase mo.

_____ 4. Kanino ang tsinelas na dilaw?

_____ 5. Sobra ang sukli ni Nanay.

_____ 6. Tumaas ang kilay ng drayber.

_____ 7. Buksan mo ang gripo sa banyo.

_____ 8. Mabilis ang daloy ng trapiko kanina.

_____ 9. Ayaw niya isuot ang sumbrero.

_____ 10. Ang kriminal ay nahuli ng mga pulis.

_____ 11. Magsuot ka ng dyaket kung maginaw.

_____ 12. Natunaw ang bloke ng yelo.

_____ 13. Presko ang simoy ng hangin dito.

_____ 14. Simple lang ang pangarap ko sa buhay.

_____ 15. Naghain ng litson sa bahay nila.

Isulat ang KB kung ung salita ay may kambal-karinig o klaster at X naman kung wala.

______ 1. pangatlo ______ 2. libre


______ 3. blusa ______ 4. mangga
______ 5. roplano ______ 6. pintig
______ 7. langgam ______ 8. plano
______ 9. iskawt ______ 10. Sombrero
Pagkilala sa Diptonggo
Bilugan ang salita o mga salita na may diptonggo sa bawat pangungusap. Isulat sa
patlang ang diptonggo o mga diptonggo sa pangungusap.

_____ 1. Naubos ng apoy ang mga kahoy.

_____ 2. Magdala ka ng pamaypay at payong.

_____ 3. Napakahusay sumayaw ng prinsesa.

_____ 4. Sumakay ang pamilya sa tren.

_____ 5. Masarap ba ang keyk na kinain mo?

_____ 6. Matakaw ang kanyang alagang kalabaw.

_____ 7. Iba’t-ibang kulay ang mga sisiw.

_____ 8. Malakas ang daloy ng tubig sa ilog.

_____ 9. Ayaw niya kainin ang pritong manok.

_____ 10. Dadalaw ang reyna sa bahay.

_____ 11. Nagtanim kami ng mga punong kasuy.

_____ 12. Mahilig maglaro ng beysbol si Danilo.

_____ 13. Kunwari’y pasahero ang magnanakaw.

_____ 14. Nakakaaliw ang mga batang kumakaway.

_____ 15. May sungay ang halimaw sa aking panaginip.

Isulat ang D kung diptonggo at X naman kung wala

______ 1. kahoy ______ 2. yoyo


______ 3. giliw ______ 4. malayo
______ 5. buhay ______ 6. yaya
______ 7. galaw ______ 8. sayote
______ 9. tayo ______ 10. sabaw

You might also like