You are on page 1of 6

MAPEH 1

I. MUSIC

Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap at katanungan. Isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa lakas o hina ng isang awit.

A.Dynamics B. Awit C. hina

2. Paano inaawit ang “Maligayang Bati o Happy Birthday”?

A.Mabagal B. Mabilis C. mahina

3. Ang awiting “Tulog Na” ay awiting ___.

A.Pampagising B. Pampasigla C. pampatulog

4. Alin sa mga sumusunod ang may malakas na tunog?

A.marakas B. Kulog C. gitara

5. Ang mga sumusunod ay may malakas na tunog maliban sa isa, alin ito?

A.Orasan B. selpon C. tambol

6. Ano ang nararamdaman mo kapag nakaririnig ka ng mahinang awit?

A.Masaya B. malungkot C. inaantok

7. Ano ang nararamdaman mo kapag nakaririnig ka ng malakas na awit na magandang pakinggan?

A. Masaya B. malungkot C. inaantok

8. Ilarawan ang tunog ng ambulansiya.

A. Mahina B. malakas C. katamtaman

9. Kung ang martilyo ay may malakas na tunog, alin naman ang may mahinang tunog?

A Piano B. bulong C. iyak ng bata

10. Aling hayop ang mabilis kumilos?

A. pato B. pagong C. kuneho


11. Ang ___ ay mabagal kumilos.

A. aso B. pato C. pagong

12. ___ boses ang ginagamit sa pagpapatulog ng beybi.

A. mabilis B. malakas C. mahina

13. Ito ang pagsasama ng tunog at katahimikan na nasa tiyempo.

Dynamics B. Timbre C. Ritmo

14. Ano ang tawag sa kagandahan at pagkakaiba ng tunog?

A. Timbre B. Dynamics C. Tempo

15. Paano inaawit ang “Chimpoy Champoy”?

A. malakas B. mabilis C. katamtaman

II. ARTS

Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap at katanungan. Isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.

1. Ito ang pinagmumulan ang mga hugis at linya.

A.Tuldok B. linya C. diyamante

III. PHYSICAL EDUCATION

Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap at katanungan. Isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.
1. Anong bahagi ng katawan ni nanay ang ginagamit niya sa pagbuhat kay baby?

A.Paa b. braso at kamay c. tuhod

2. Ano ang ginagamit sa pagsipa ng bola?

A Paa b. baywang c. braso

3. Ano ang ginagamit ng mga bata sa pagguhit?

A.Tuhod b. kamay c. leeg

4. Anong hayop ang ginaya ng kilos ng mga bata?

A.unggoy b. pagong c. tipaklong

5. Alin sa mga sumusunod na hayop ang katulad ng kilos ng batang lalaki?

a. isda b. unggoy c. ibon

6. Aling bahagi ng katawan ang ginagamit mo upang mabuhat ang iyong bag?

A. Tuhod B. kamay C. mata

7. Ilarawan ang galaw ng kamay ng orasan.

A. mabilis B. mabagal C. katamtaman

8. Ang paglalaro at pakikilahok sa mga gawaing pisikal ay mabuti ba sa iyong kalusugan? A. oo


B. hindi C. pwede

9. Aling bahagi ng iyong katawan ang ginagamit sa pagdadala?

A. braso B. paa C. mata

10. Aling bahagi ng iyong katawan ang ginagamit paghahawak at paghahagis?

A. kamay B. paa C. ilong

11. Ito ay ginagamit natin upang makita ang mga magagandang biyaya ng Panginoon.

A.Ilong B. mata C. tainga


12. Aking naaamoy ang bango ng bulaklak sa hardin ni Inay. Sino ako?

A.Dila B. mata C. tainga D. Ilong

13. Mga gawa ng Amang Lumikha ay aking nakikita.Sino ako?

A.Paa B. mata C. ilong

14. Aking naririnig awit ng pipit sa puno ng kalumpit. Sino ako?

A. Bibig B. tainga C. dila

15. Anong bahagi ng katawan ito [ elbow ?]

A. Tuhod B. siko C. kamay

IV. Health

Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap at katanungan. Isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na pagkain ang pampalusog?

A. French fries B. prutas C. ice candy

2. Aling pagkain ang dapat kainin sa almusal?

A. Chips at mashed potato B. juice at burger C. kanin, itlog at gatas

3. Anong pagkain ang dapat kainin sa tanghalian?

A. Kanin at adobong manok B. Sandwich at soft drinks C. footlong, french fries at juice

4. Aling inumin ang angkop sa mga bata?

A. Soda b.gatas c. kape

5. Ang mga sumusunod ay pagkaing pampalusog maliban sa isa.

A. ice cream, French fries at Pop corn

B. kanin, pritong manok at gatas

c.karots, mais, ubas at pakwan

6. Ang almusal ba ay nakakapagpalaki, nakakapagpasigla at nakakapagpatalino?


A. Oo B. Hindi C. pwede

7. Anong letra ang simula ng gatas?

A. G B. Ga C. gaa

8. Aling hayop ang nagbibigay ng itlog?

A. Kalabaw B. kambing C. manok

9. Ang gatas ay nakakapagpatibay ng buto at ngipin.

A. Tama B. mali C. Pwede

10. Ang gatas ay galing sa ______.

A. gulay B. hayop C. bulaklak

11. Alin sa mga sumusunod na pagkain ang hindi nagmula sa halaman?

A. kalabasa B. fishball C. mais

12. Alin sa mga sumusunod ang hindi masustansyang pagkain?

A. kendi B. itlog C. saging

13. Aling pagkain ang nagpapalakas at nagpapalusog?

A. sitsirya B. kape C. gatas

14. Aling gawain ang nagpapakita ng paglakas at paglusog ng katawan?

A. Paglaro sa putikan

B. Pagkain ng mga gulay at prutas

C. Pagkain ng mga sitsirya


D. Pag – inom ng kape araw – araw

15. Alin ang pinakaimportanteng oras ng kainan?

a. agahan B. tanghalian C. Hapunan

You might also like