You are on page 1of 7

TALAAN NG ISPESIPIKASYON

Unang Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao I


T.P. 2022-2023

NO. OF DAYS
TAUGHT TEST
LEARNING COMPETENCIES NO. OF ITEMS
PLACEMENT

1. Nakikilala ang sariling:


1.1. gusto
1.2. interes
5 1.3. potensyal 5 1-5
1.4. kahinaan
1.5. damdamin / emosyon
EsP1PKP- Ia-b – 1
2. Naisasakilos ang sariling
kakayahan sa iba’t ibang
pamamaraan
5 2.1 pag-awit 5 6-10
2.2 pagsayaw
2.3 pakikipagtalastasan
at iba pa EsP1PKP- Ib-c – 2
Pangangalaga sa Katawan at Kalusugan
Nakapaglalarawan ng ibat-ibang gawain na
maaaring makasama o makabuti sa
5 kalusugan (EsP1PNP-Id-3) 5 11-15
Nakikilala ang ibat-ibang gawain/ paraan
na maaaring makasama o makabuti sa
kalusugan
3.2 nasasabi na nakatutulong sa paglinang
5 ng sariling kakayahanang wastong 5 16-20
pangangalaga sa sarili
4. Nakakikila ng mga gawaing nagpapakita
ng pagkakabuklod ng pamilya tulad ng;
4.1. pagsasama-sama sa pagkain, 4.2.
5 pagdarasal, 4.3. pamamasyal, 4.4.
5 21-25
pagkukuwentuhan ng masasayang
pangyayari.
Pagmamahal sa mga Kasapi ng Pamilya
EsP1PKP-1i-8 Nakatutukoy ng mga kilos
at gawain na nagpapakita ng pagmamahal
at pagmamalasakit samga kasapi ng
5 pamilya: a. pag-aalala sa mga
5 26-30
kasambahay b. pag-aalaga sa
nakababatang kapatid at kapamilyang
maysakit

Answer Key
1. Tama 6. B 11.  16.  21. B 26. B

2. Mali 7. A 12.  17.  22. A 27. C

3. Tama 8. D 13.  18.  23. C 28. C

4. Mali 9. E 14.  19.  24. B 29. C

5. Tama 10.C 15.  20.  25. A 30. B


UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO I T.P. 2023-2024

Pangalan: ______________________________________________
Baitang/Pangkat:___________________________ Iskor:________
I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap.
Isulat ang Tama kung ang sitwasyon ay
nagpapahayag ng pagpapaunlad sa sariling
kahinaan at Mali naman kung hindi. Isulat sa
patlang ang tamang sagot.
_____1. Nagpapaturo ako kay nanay magbasa at sumulat.

_____2. Nagiiyak ako kapag pinatutula ako ng aking guro sa


harap ng kaklase.

_____3. Nageensayo si Maricar kumanta at sumayaw kapag


walang ginagawa.
_____4. Pinagtatawanan ko ang aking kamag-aaral na
nagkamali sa pagbigkas ng tula.

_____5. Hinihikayat ko ang aking kaibigan na mag-aral sa pag


arte dahil alam kong kaya niya.

II. Panuto: Tukuyin kung anong kakayahan ang ginagawa ng


bawat bata. Pagtambalin ang hanay A at hanay B.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_____6. A. Kumakanta

_____7. B. sumasayaw
_____8. C. Tumutula

_____9. D. Naggigitara

_____10. E. Gumuguhit

III. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang


() kung tama ang sinasaad ng bawat sitwasyon, () kung hindi.

______11. Si Lara ay naliligo isang beses sa isang lingo.

______12. Si Elsa ay araw-araw kumakain ng popcorn at


softdrinks.

______13. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.

______14. Sina Ela at Mara ay tuwang-tuwang naglalaro sa baha


sa kalye tuwing umuulan.
______15. Ako ay mahilig kumain ng mga gulay at prutas.

______16. Si Carlo ay nagpapalit ng damit kapag ito ay marumi.

______17. Natutulog sina Mario at Marlon kahit marumi ang mga


paa.
______18. Ako ay nag-eehersisyo araw-araw.

______19. Ugaliing uminom ng 6 hanggang 8 basong tubig araw


araw.

______20. Si Boyet ay nagsepilyo ng ngipin bago matulog.


IV.Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang
ang titik ng tamang sagot.

______21. Ang sama-samang pagsasagawa ng mabuting


kilos o gawain ay palatandaan ng pamilyang _____.

A. watak-watak
B. buklod-buklod
C. sira-sira
______22. Nakita mong madaming ginagawa si nanay sa kusina.
Ano ang gagagawin mo?

A. Tutulungan ko siya.
B. Pababayaan ko siya na gumawa.
C. Hindi ko na lang siya papansinin.
______23. Ang pamilyang may pagkakabuklod-buklod ay _____.
A. Magkakaroon ng suliranin
B. maghihirap habang buhay
C. magiging tunay na masaya

______24. Sabay-sabay ang pamilya Santos sa pagkain ng


hapunan. Ano ang tamang gawi habang kumakain?

A. Magsigawan habang nagkukwentuhan.


B. Masasayang nangyari ang dapat pag-usapan.
C. Wala sa mga nabanggit.

______25. Gusto mong pasayahin ang iyong nanay at tatay. Alin


sa sumusunod ang gagawin mo?
A. Kukwentuhan ko sina nanay at tatay ng
magagandang ginawa ko sa paaralan.
B. Hindi ako sasama sa kanila sa pamamasyal.
C. Aalis ako sa bahay at maglalaro sa kapitbahay.

______26. Pagod sa trabaho ang tatay mo kaya nais niyang


magpahinga sa kwarto subalit naglalaro kayo ng mga
kapatid mo? Ano ang gagawin mo?
A. Lakasan ang radyo upang hindi makatulog ang ama.
B. Maglaro ng tahimik upang makapagpahinga ng maayos ang
ama.
C. Ituloy ang paglalaro kahit natutulog ang ama.

______27. Malapit na ang kaarawan mo subalit walang perang


naitabi ang magulang mo. Ano ang gagawin mo?

A. Umiyak upang maawa ang magulang


B. Manghingi ng tulong sa kapitbahay upang may
panghanda.
C. Sabihin sa nanay na saka na lang maghanda dahil gipit sila.

______28. Nabasag mo ang pinggan ng hindi sinasadya?

A. Itapon ang nabasag na pinggan upang hindi


malaman ni nanay.
B. Ituro ang isa mong kapatid na siya ang
may gawa.
C. Aminin kay nanay na ikaw ang nakabasag.

______29. Ipinangako ng kuya mo na ibibili ka ng laruan subalit


nawalan siya ng trabaho. Ano ang gagawin mo?

A. Magagalit sa kuya.
B. Hindi kakausapin ang kapatid.
C. Lapitan si kuya at sabihing kapag nagkatrabaho
na lang siya ibili.

______30. May sakit ang bunso mong kapatid ng araw na iyon,


kaya siya ay umiiyak. Ano ang gagawin mo?

A. pagagalitan ko siya
B. bigyan ng laruan at kausapin
C.magtakip ng tenga upang hindi marinig ang iyak
Inihanda ni:

JANICE G. FELIPE
Teacher III-AES

Binigyang Pansin:

CRISENCIA R. CASTILLO
Dalubguro I – MES

VIVIAN P. MARAŇO
Dalubguro I – SRBSMES

Pinagtibay:

MAY A. ORIONDO
ESP Consultant – Tanay SO

You might also like